#adventureswithmilove
Explore tagged Tumblr posts
Text
Nagsasanngalang Pader at ang Kutang Santiago.
Sa aking pagpunta sa Intramuros at Fort Santiago, nagmistulang ako ay nanalamin sa makulay at masining na kultura ng Pilipinas. Sa panahon ngayon na kung saan abala na ang mga tao sa iba’t ibang midyum ng media, nakayuko at magdamagang nakatitig sa kanilang mga cellphone at kahit na anong uri ng teknolohiya, isang pribelehiyo na ang maglakbay patungo sa isa sa mga makasaysayang lugar sa Maynila. Maigayang pagdating sa Napapaderang Lungsod at sa Kutang Santiago.
Ang Intramuros o ang “The Walled City” ay ang pinakamatandang distrito at sentro ng kasaysayan sa lungsod ng Maynila. Habang ang Fort Santiago naman ay ang kuta na kung saan ito ay nagsilbing tagapagbantay ng lungsod.
Bilang isang tao na laging nasa bahay lang at naglalaro ng video games, isang napakagandang karanasan ang pumunta sa isang lugar na makabuluhan, na hinid pasyalan lang ang maibiibigay kung hindi isang pag-gunita ng mga hindi malilimutang kaganapan sa kasaysayan ng bansang Pilipinas.
Maligayang pagdating sa Napapaderang Lungsod at sa Kutang Santiago.
Sa aking pagkakaalala, nasa pito hanggang siyam na taong gulang ako nung ako ay nakapunta dito sa Intramuros. Kaya naman nung ika 1 ng Oktubre 2017, magkahalong sabik at kasiyahan ang aking naramdaman.
Simulan na ang paglalakbay sa kasaysayan ng Pilipinas. Magandang araw Intramuros.
Hindi mainit at hindi umuulan, makulimlim ang panahon. Kaya naman masarap maglakad ng maglakad at ikutin ang lugar na ito.
Ang Intramuros ay itinayo noong kapanahunan ng pagsakop sa atin ng Kastila, upang protektahan ang lungsod laban sa mga ibang mananakop.
Iputok ang kanyon, ipagtanggol ang bayan!
Maliban sa pasyalan dahil sa pagiging makasaysayan, ang Intramuros ay meroon ding Golf Course, para sa mga mahilig maglaro ng Golf at mahal ang kasaysayang Pilipino, Intramuros ang lugar para iyo!
Bawat imprastruktura at lugar na makikita sa Intramuros ay may kaakibat na kasaysayan. Makikita din dito ang ilan sa mga sikat na eskwelahan sa bansa tulad ng Lyceum of the Philippines University, Colegio de San Letran, at MAPUA.
Ang Colegio De San Letran, itinayo noong 1620 at kilala bilang isang Katolikong establisimento. Ang paaralan na ito ay may reputasiyon pagdating sa mga kursong Engineering, Accountancy, Business Management at Arts.
Lyceum of the Philippines University. Isang unibersidad na kilala pagdating sa kursong Culinary Arts at Tourism.
Matapos naming ikutin ang Intramuros, kami ay sumakay sa pedicab upang magtungo sa Fort Santiago.
Hindi kami bumaba mismo sa Kutang Santiago sapagkat gusto namin makita ang iba’t ibang lugar sa Intramuros bago namin pasukin ang Fort Santiago. Sa aming pagbaba, nakita namin ang Manila Cathedral at ang Palacio Del Gobernador.
Hindi nagpapasok ng mga turista sa Palacio Del Gobernador kaya naman kinuhaan na lang namin ito ng litrato.
May misa nung kami ay pumasok sa Manila Cathedral. Ako ay nagulat nung pagpasok ko ay air conditioned ang simbahan,dahil ang araw na iyon ay ang unang araw kong pagpasok sa simbahan na ito. Bilang nasa simbahan na rin ako, ako ay nagdasal saglit. Ako ay nagpasalamat sa Poong Maykapal at pinagdasal na ako ay gabayan at protektahan pati na rin ang mga mahal ko sa buhay.
Ang ‘La Pieti’ isa sa mga paborito kong gawa ni Michael Angelo. Dahil sa pagpapakita ng paghihirap at pagsasakripisiyo ni Hesu Kristo, ang rebultong ito ay nagsilbing simbolismo na hindi kahit kailanman iniwan at pinabayaan ni Hesus ang tao.
Ang Manila Cathedral ay isa sa mga makasaysayang simbahan sa bansa,kaya nararapat lang na bigyan ito ng renobasiyon at pagpapahalaga sapagkat ito ang Punong Basilika ng Pilipinas at ang pinakamataas na luklukan ng arsobispo sa bansa. Ang Katedral ay ilang beses na napinsala at nawasak dahil ang orihinal na katedral ay itinayo sa 1581.
Bago kami pumasok sa Fort Santiago, kami ay kumain muna ng sorbetes na sakto lang ang lasa, hindi masyadong matamis at hindi masyadong matabang. Sulit ang 25 pesos!
Kutang Santiago, mabuhay!
Siyempre, bago makapasok ay nagbayad kami ng entrance fee na nagkakahalagang 50 pesos. At hindi kami nagsisi sa aming pagtapak sa Fort Santiago, hitik na hitik na mga puno at napakalinis na kapaligiran, napaisip tuloy ako na sana ganito rin kalinis ang buong bansa.
Ang Fort Santiago (Fueza de Santiago) ay isang malaking kuta at tanggulan na ginawa para sa kongkistador na Kastilang si Miguel Lopez de Legaspi. Bago dumating ang mga Kastila, ang kinalalagakan ng Fort Santiago ay dating kaharian ni Raha Soliman. Dito nakulong ang pambansang bayani na si Jose Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan.
Ang bakas ng paglakad ni Rizal patungo sa Bagumbayan kung saan siya binaril. Mediyo ako ay nairita dahil narinig ko ang isa sa mga turistang nagtatanong kung ano ba daw ang mga footsteps na ito. Nagpapatunay na ang halos sa mga Pilipino ngayon ay hindi alam ang mga naganap noong panahon na sinakop tayo ng mga banyaga,
Rajah Sulayman Theater!
Sa aming pag-gala sa Forst Santiago, kami ay hindi nakaligtas sa isang pangyayaring kababalaghan. Naganap ito sa Baluarte de Santa Barbara.
Akala ko hindi gumana at niloloko lang ako nung sinabing umalis ako sa pagkakatayo ko sa Baluarteng ito. Nung pinakita sa akin ang litrato ay nangilabot ako. Hindi ko alam kung sadyang hindi gumana ng matino ang cellphone upang maging ganito ang kinalabasan:
Lahat ng aking litrato na kinuhaan, kasama man ako o hindi ay malinaw at hindi nagmistulang telebisyo na nawawalan ng signal.
Ako man ay natakot at kinilabutan sa pangyayaring iyon, inalis ko na ito sa aking isipan dahil kung patuloy ko pang iisipin iyon ay baka tumakbo na ako palabas ng Intramuros.
Ang watawat ng Pilipinas. Isang tanda ng nasyonalismo, pagka Pilipino at simbolo ng Perlas ng Silangan. Ang bansang Pilipinas ay sagana sa magagandang tanawin, maraming makukulay na kultura at isang kasaysayan na naging pundasiyon ng mga Pilipino upang ipaglaban ang bansang Pilipinas. Taas noo tayo’y Pilipino, ako, tayo ay Pilipino.
Dito na nagtatapos ang aking paglalakbay sa Intramuros at Fort Santiago. Ang mga lugar na ito ay nagsilbing isa sa mga sentro ng kasaysayan sa bansa. Kaya marapat lang na ito ay bigyan ng pansin dahil dito sinasalamin kung ano ang buhay ng mga Pilipino noong unang panahon. Ipreserba at alalahanin ang makulay na kasaysayan Mabuhay ang Pilipinas, dapat ingatan, alagaan at payabungin.
1 note
·
View note