Tumgik
#pagsasabuhay
rezasabioaladad · 1 year
Text
Ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan. Sa panahon ngayon, mahalagang maituro sa bawat isa sa atin ang mga mabuting gawain na dapat nating isabuhay. Una, dapat tayong maging responsable sa ating mga gawain sa paaralan at bahay. Dapat rin tayong magpakumbaba at magmahal sa ating kapwa. Mahalaga ring tunan natin ang pagiging matapat at may integridad. Dapat din tayong maging aktibo sa pagtulong sa komunidad upang makatulong sa pag-unlad ng bansa. Sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga ito, malaki ang magiging ambag natin bilang kabataan para sa ikauunlad ng lipunan.
0 notes
theweedsinmygarden · 2 years
Text
my body can be tricky
i didn't realize early on that listening to my body has become more of an escape than a form of self-care.
Tumblr media
i guess listening to your body just means
recognizing that you're yawning because you're bored, or you're doing something trivial because you're anxious to start doing something your dream depends on.
i guess listening to your body
doesn't necessarily mean you should always give in to the temptation of doing a task that enables you to stay in your comfort zone instead.
naisip ko kanina na sobrang tamad ko pala talaga when it comes to the process of goal attainment. nararamdaman ko yung panlalambot ng mga kamay, pagbagsak ng balikat at labi, pagkaantok... kapag may mga mental reminder na kailangan kong kumilos para sa outcome na ina-anticipate ko a few years from now.
siguro hindi na mahalaga ngayon na malaman kung katamaran nga ba talaga yon o mas seryosong problema. umaasa ako na yung pagsasabuhay ko ngayon ng tagline ng Nike bilang pag-cope sa frustration at bilang pagsusumikap (kahit pagpilit mag-effort) ay hindi pagiging harsh sa sarili whenever my body makes me feel i am not capable yet.
full disclosure: tingin ko wala talaga akong gustong gawin sa buhay para mag-survive financially. pero tingin ko dapat akong matakot sa consequence kung hindi ako magsa-succeed sa pinipili kong path dahil hindi ako nag-e-effort: hindi ko alam kung saan pupunta.
0 notes
jeuzwrld · 2 years
Text
Oo, makasalanan nga tayong lahat, ngunit niligtas tayo ng Diyos sa krus. Namatay siyang tunay upang tubusin tayo sa ating mga kasalanan. Muli siyang nabuhay upang ipakita sa atin na kahit tayong tao ay maaring makaligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa utos ng Diyos, sa pagsasabuhay at pag papalaganap ng salita ng Diyos. Hindi na namatay ang Diyos pagkatapos ng pag liligtas mula sa kasalanan. SInasaala-ala lang natin ang kanyang paglilitas, at ang ating kaligtasan. Hindi natatapos sa mahal na araw ang pagbabago at pagtatama sa ating mga kamalian. Hindi ito pilit, ito ay dapat para sa Diyos, para sa atin, may mata man o wala na nakatingin sa atin, maari tayong mabago ng Diyos, kung gugustuhin at pipiliin lang natin. Hindi perfect ang buhay na meron tayo, Diyos lamang ang tanging perfect na umiiral ngunit sa tulong niyo makakamit natin ang buhay na walang hanggang, sa buhay na tunay na inilaan para sa atin ng Panginoon na lumikha.
5 notes · View notes
Text
"Pag-Ibig” ni Jose Corazon De Jesus
PAG-IBIG ni Jose Corazon De Jesus
Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha! Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata. Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata, Tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.
Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso; Pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro. Lapitan mo nang matagal ang pasuyo... naglalaho, Layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo.
Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan, Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman. Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan, At ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.
Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos, Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos. Ang pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod, Pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog.
Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral, Tandang ‘di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw. Ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan, Iyan; ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang!
Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib, Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip. Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig. Pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit.
Iyang mga taong duwag na ang puso’y mahihina, Umibig man ay ano pa, ‘di pag-ibig, kundi awa. Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha, At ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila.
Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay ‘di bulag. Ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulaklak, Ang pag-ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak, O wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat!
“Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.” Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal. Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay, Minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay.
Kayo mga kabataang pag-ibig ang ninanais, Kayo’y mga paru-parong sa ilawan lumiligid. Kapag kayo’y umibig na, hahamakin ang panganib, At ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig.
PAGSUSURI NG TULA — NICOLE B. BELTRAN
Tumblr media
1. Kaisipan ng Tula
Ang komposisyong ito’y tumatalakay tungkol sa makabuluhang kahulugan ng salitang pag-ibig. Pag-ibig na hindi lamang isina-isip na hango sa magagarbong salita, ngunit isina-puso mula sa iba’t-ibang karanasang pinagtibay ng panahon sa gitna ng paghihirap at pagmamahalan. 
Marahil ito’y namalayan mula sa iyong mga magulang at pamilya na s’yang nagmulat upang ang pag-ibig ay hindi manatiling salita ngunit isang buhay na damdamin. Subalit ito’y hindi lamang nakatuon sa ideyang nakasanayan na kung saan ang pag-ibig ay tungkol lamang sa pagmamahal. 
Ang tulang ito’y nagpapahayag na ang pag-ibig ay magiting, hindi kailanman susukuan at nararapat na ipinaglalaban. Pumupukaw sa pananaw na kung saan ang pag-ibig ay kinakailangan ng pananalig, buhay ma’y kapalit.
Tumblr media
2. Mensahe ng Tula 
Salita man ay may lalim, sa paraan kung paano naimungkahi at ang pagbigay ng makabuluhang kahulugan. Kapansin-pansin na ang tula ay alay sa lahat, umiibig man o namumulat pa lamang. Ang hugot sa damdamin na dala ng malikhaing konsepto na pumapangatawan sa kung ano ang pag-ibig. Ibig ipabatid ng akda na siyang nagmula sa maykatha, na ang pag-ibig ay hindi isang bagay na tiyak mo’ng mauunawan kung ito’y iyong makamtan. 
Una, para sa pangkalahatang mambabasa, na hindi lahat ng nais magmahal ay nagnanais umibig. Isaisip na ang pagsisimula ay hindi tanda ng matatag na walang-hangganan, at ang wakas ay mayroong aasahang bagong panimula.
Pangalawa, para sa mga taong walang humpay na umiibig, sa kabila ng unos at pagdurusa na minsa’y nalilimutan na kung ano ang salitang pag-asa. Ngunit, sa halip na pigilan ang pagtibok ng puso upang umibig ay patuloy pa ring mananalig. 
At higit sa lahat, ang akdang ito’y ukol sa taong hindi pa namamalayan ang buhay na may pag-ibig, sa isip, sa salita, sa gawa at sa puso. Minumulat ang halaghag na damdamin sa katotohanang na ang pag-ibig ay hindi lamang naihulma mula sa kagitingan na ipinamamalas ng pusong nag-aalab upang lumaban sa tanikala ng kaduwagan at kahinaan. Datapuwa’t, ito ri’y hinubog mula sa kahandaan na ang kamataya’y malayaang haharapin, pag-ibig lamang ay mairaos sa pamamagitan ng lahat ng paraan.
Tumblr media
3. Etika
Yaman din lamang na ang akdang ito’y umaayon sa Teoryang Romantisismo, kung saan ang layunin nito’y maglantad ng iba’t-ibang paraan ng tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig para sa lahat. Kabilang na r’yan ang pagpapahalaga sa samu’t-saring matinding damdamin. 
Ang prinsipyong nais isiwalat ng tula ay patungkol sa pag-ibig na di nagmamaliw ng dahil sa pagsubok na maaring kaharapin sa mga hindi inaasahang oras ng iyong kamalayan. 
Ang pag-ibig na hindi lang limitado sa kung anong maaring maramdaman ng isang tao, ngunit ito’y nakakasiguradong mag-udyok upang mag-alay ng buhay, gumabay at ipaglaban ang kahit sinumang iniibig, wakas ma’y walang katiyakan. 
Binibigyang pahalaga na ang ito’y pinakahigit na mabisang panlaban sa kahit anumang digmaang maaring mong kabilangan, dahil ang pag-ibig ay hindi damdamin lamang ngunit isang palantandaan na magagawa mong harapin ang iba’t-ibang hamon ng buhay.
Tumblr media
4. Kahalagahang Panlipunan
Paraan man ng pag-ibig ay pabago-bago na s’yang umaayon sa takbo ng panahon, ngunit ang pag-ibig ay habang buhay na dumadaloy sa kamalayan ng bawat tao, umiibig man o namumulat pa lamang. 
Ang akdang ito’y naisulat nang humigit daang taon nang nakalipas ngunit ang pagpukaw ng kamalayan ng bawat mambabasa ay hindi pa rin maipagkakaila. Sa kasalukuyang panahon nararapat na mamulat ang bawat kabataan sa malalim na pagsasabuhay ng salitang pag-ibig. 
Mula sa iba’t-ibang suliranin ng lipunan na nagdudulot ng ppaghihinagpis, kinakailangan ng matinding pamamahayag ng salitang pag-ibig ang nararapat sumagi sa isipan ng bawat tao upang makamtan ang kasarimlang inaasam nang sa gayon ay piliing ipaglaban ang kalayaan mula sa iba’t-ibang uri ng pagsubok na kanilang kahaharapin, nagkataon man o hindi maiwasan. 
8 notes · View notes
rodolfodaclesonii · 5 years
Text
LATHALAIN | Pananamantala'y Awatin, Patas na Bansa'y Pangarapin
Tila apoy na mabilis sa pagkalat ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas. Mahigit 600 kaso na ang naitatala ng Department of Health (DOH) nitong alas-kwatro ng Marso 25, 2020. Umiiral na sa kasalukuyan ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon, bunga nito maraming Pilipino ang napilitang iwan ang kanilang mga trabaho partikular na sa sektor ng "mass transportation". Kapag walang trabaho, wala ring pera. Sa lumalalang kaso ng pandemya sa ating bansa, may iilan pa rin sa ating mga kababayan ang ganid kaya't nanamantala sa kapwa nila. 
Ginagamit ang kapangyarihan at posisyon pati na kaalaman upang malamangan ang mga walang kaalam-alam sa batas at kanilang mga karapatan bilang mamamayan ng bansang ito.
Sa kaagahan ng ECQ na ipinatupad ng pamahalaan, napabalita ang "hoarding" ng alkohol at facial mask sa maraming pamilihan sa kalakhang Maynila at mga karatig-probinsya nito. Hindi napigilan ng mga Filipino netizen na maglabas ng saloobin sa social media bunga ng 'di umano' y hindi patas at makataong kilos na ito ng iilan sapagkat pinagkakaitan sila ng pagkakataong makabili at makagamit ng mga pangunahing panangga kontra COVID-19. 
Hindi lang  alkohol at facial mask ang nagkakaubusan na sa mga pamilihan bunga naman ng "panic buying" kundi pati na rin ang mga de lata, noodles, at kung anu-ano pang pangunahing pangangailangan sa tahanan bunsod ng lumalalang kaso ng COVID-19 at paghihigpit dahil sa ECQ. 
May mga napabalita rin partikular na sa ilang bayan sa Luzon kung saan ibinebenta 'di umano ang mga quarantine pass. Ang mga pasaporteng ito ay magagamit ng isang miyembro ng pamilya kung lalabas siya ng tahanan upang bumili ng kanilang pangangailangan. Kung wala ito, hindi maaaring lumabas sa bahay ang sinuman sa mag-anak. Masama nito, pinagkakakitaan pa ito ng iilan sa panahong salat ang ating mga kababayan bunga ng pansamantalang pagsasara ng mg establisimyento na kanilang pinagtatrabahuhan.  
Idagdag pa rito, mayroon din 'di umanong kaso ng pagbebenta ng "certificate to sell" sa mga probinsya upang mapahintulutang makapagtinda ang street vendors. Ang pagpapabili ng sertipikong ito ay mali at ipinagbabawal sa batas bunsod nga ng umiiral na ECQ. Kung susumahin, baka imbis na makatulong ay makapagdala pa ng panganib sa kalusugan ang pagpapahintulot na ito sa mga nagtitinda dahil maaaring may makasalamuha silang maydala ng sakit. 
Sa kabuuan, kay sakit man isipin, hindi maipagkakailang mapagsamantala ang maraming Pilipino kahit na sa mga panahong taghirap at naghihikahos ang marami sa kanilang mga kababayan. Marahil, dahil ito sa tawag ng pangangailangan at takot na rin na maubusan. Bakit nga naman naging masama ang ganitong kaisipan kung sa gayo'y tawag lang naman pala ito ng pangangailangan na dapat mapunan upang mapagtagumpayan ang araw-araw na pakikibaka upang manatiling buhay. Ngunit, ang nagmimistulang tradisyon na ito sa ating bansa ay dapat nang mahinto o 'di kaya' y mabago dahil sa hindi patas at pantay nitong pagtimbang sa mga bagay.
Lahat ay may pangangailagan sa iba't ibang aspeto ng buhay at hindi porket ikaw ay nasa mataas na posisyon at may kapangyarihan, ikaw ang dapat na unahin o pagsilbihan. Kung ikaw nama'y may kaalaman, dapat mo itong ibahagi sa kapwang nangangailangan ng tulong nang sa gayo'y alam nila ang dapat nilang gawin sa oras na karapatan nila ay lapastanganin. Dapat nating isaisip at isapuso na tayo ay may mga kababayang dapat na pahalagahan at bigyan din ng pagkakataong mabuhay; mahirap, may kaya o mayaman man, sapagkat tayo ay nakatira sa isang demokratikong bansa. Sa isang nasyon tulad natin, binibigyang empasis ang karapatan ng lahat na makaranas ng pantay na distribusyon o alokasyon ng mga pangangailangan. Gayundin, ang patas na pagtingin mula sa lahat ng sektor ng lipunan.  
Nawa'y magdalawang-isip kayong mga taong inaabuso ang kapangyarihan, posisyon at kaalaman upang mapagsamantalahan ang kapwa niyo Pilipino. Sa paulit-ulit niyong pagsasabuhay ng mga ganitong gawi tila kinakalimutan niyo na rin ang inyong pagiging kapwa sa inyong mga kababayan.  
Oras na upang tapusin ang mga kabuktutang ito. Ito na ang panahon para palayain ang ating mga sarili sa mga makamundo at makasariling gawi ng mga mapanghamak at mapagmataas na Pilipino. Sama-sama nating itatag ang isang demokratikong bansa na uso ang pagkakapantay-pantay ng lahat tungo sa isang matagumpay na pakikipagtunggalian sa COVID-19.
2 notes · View notes
sunflower-n-coffee · 4 years
Text
Tumblr media
Mapagpalayang umaga, tanghali at gabi sa inyong lahat nais kong hingin ang inyong kaunting oras upang paglaanan ng pansin ang aking gawa.
Open note:
Sabi ko makakagawa din ako ng ART na ako mismo nagpakahirap, from drafts hanggang sa finish product well may mga tumulong sa'kin, Salamat!
Yes opo eto na po isang likhang sining para sa bayang sinta!
With the concept of "Patas na paglilitis, Pantay na pagtingin; Tinig at Tindig"
Isang prebilehiyo sa akin na gumawa ng obra para sa bansa at sa kababayan ko.
AMARI
ᜀᜋᜇ̵̊
Isa siyang mandirigma mula sa lumang isla ng Sadena, tinagurian si Amari na tagapagtanggol ng naapi, at patas na pandinig.
Simbolismong nirerepresinta ni AMARI
•Pinalilibutan ng kulay itim, upang irepresinta ang sakuna, crisis, paham na rehimen, at iba't-ibang klaseng katiwalian na nagpaplubog sa inang bayan.
•Gintong balabal, nagrerepresinta sa mga sakim at mukang pera, kapangyarihan ang sinasamba at kahit balutan ka man ng ginto sa katawan kung mula sa paham, ito'y nagrerepresinta pa rin ng karumihan.
Hindi makukulayan ng ginto ang itim, at hindi kailanman ito magiging kaakit-akit.
•Piring na Watawat sa mata, na nirerepresinta ang mga taong may adhikain at adokasiya para sa bayan subalit piniringan upang ang maling daan ang malakaran.
•Kayumangi na kulay ng balat, narerepresinta sa kulay ng bawat pilipino. Kulay na kailanman ay dapat na ibandera mo.
•Ang paghawak ng espada sa kaliwang kamay, ay nagrerepresinta sa katapangang humawak ng patalim at tapang sa paglaban (para sa kasarinlan) paglaban para sa tama at katotohanan.
•Ang paghawak ng timbangan sa kanang kamay, ay nagrerepresinta sa pantay na pagtingin maputi ka man o maitim, pantay na paglilitis mayaman ka man o mahirap, at pantay na pagsasabuhay ng batas.
•Koronang Araw, na nagrerepresinta na sa gitna ng kadiliman may magtatanglaw sayo, kapag ika'y nadapa may magaangat sayo na sa kabila ng madilim na pinagdadaanan mo may mga taong kapareho ang adhikain mo yun ay lumaban para sa tama.
At pang huli,
•Tatlong bituin sa noo, nag rerepresinta para sa tatlong salita "Napiit, Lumaya, at Magpapalaya"
Tatlong malalaking pulo "Luzon, Visayas, at Mindanao" ang tatlong bituin na sa iyong pagtindig, tikom man ang bibig tinig mo pa rin ay madidinig.
Sobrang saya ko noong ginagawa ko ito, dream come true almost 2 hours din akong gumagawa, sobrag daming ulit bago siya maging si Amari ang daming name and place concept bago siya mabuo, super proud ako sa sarili ko making a Filipina Warrior to Represent us and our Country, ofcourse.
Friends, thankyou for all the support and encouragement!
I am so proud, and Amari is one of my greatest achievement !!!
Mahal ko kayo.
1 note · View note
coldwickedraven · 5 years
Text
Blog #2: "Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin" ni Bienvenido Lumbera
Aaminin ko, na isa rin ako sa mga apektado pa rin ng impluwensyang Amerikano. Marahil ikaw din. Hindi na ako magtataka, eh mismong gobyerno naman natin ang nag-uudyok at nagpapanatili ng kulturang maka-banyaga rito sa bansa natin. Panay ang import ng mga foreign products kahit na may mga lokal na produkto naman na sasapat sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. Marahil may kasalanan din tayong mga mamamayan kung bakit nga ba hanggang ngayon ay nananatili pa rin dito sa bansa natin ang mga impluwensya ng mga Amerikano, pero mas malaki ang kasalanan ng mga nasa pwesto dahil sila mismo ang nagbibigay daan para manatili ang mga ito.
Oo, dahil sa pananakop ng mga Amerikano noon kaya naging para bang sunud-sunuran tayo sa kung ano ang kulturang mayroon sila noon hanggang sa kasalukuyan. Dahil din dito ay para bang nagmumukha tayong ‘inferior’ o mas mababa kaysa kanila. Ganoon eh diba? Kapag sunud-sunuran ka sa isang tao, ibig sabihin mas mababa ka o mas mahina ka kasi wala kang magiging direksyon kapag nawala iyong sinusundan mo. Kumbaga, hindi mo kayang mapag-isa. Ayan. Ganyan kasi tingin ng iba nating mga kapwa Pilipino sa bansa natin, na hindi nito kayang maging ‘independent’. Hindi ko naman masisisi ang iba na maging ganon ang pananaw nila sa bansa natin eh kasi naman ganoon talaga ang ipinapakita ng gobyernong ‘to sa mga Pilipino. Siguro nga, ang ibang may pwesto sa gobyerno eh ang alam nila ay hindi talaga kaya ng Pilipinas na mawalan ng isang ‘direksyon’, ‘kakampi’, o ‘master’. Pero makakasigurado ako na ang ilan sa mga nasa gobyerno eh alam naman nilang kayang kaya ng bansa natin na maging independent eh hinahayaan pa rin nilang maging alipin ng banyagang bansa ang Pilipinas kasi marahil mas marami silang makukuhang benepisyo o kaya naman eh wala lang talaga silang paki, okay na sa kanilang maging alipin nalang ng sinuman.
Nasanay nalang siguro ano? Pero hindi naman ayos iyon diba? Sobrang pangit naman siguro tignan na alipin ka lang at sunud-sunuran ka lang sa tingin mong mas nakakataas sayo. Ewan ko ba bakit okay lang sa iba na ganito nalang tayo, na kuntento nalang na sabay nalang sa agos ‘yung bansa natin sa ilog ng ibang bansa. Hindi ba nila naiisip na mas aangat ‘yung pamumuhay sa bansa natin kapag hindi na tayo umaasa sa iba? Kung mas tatangkilikin natin ang mga gawa ng mga kapwa natin Pilipino, makakatulong tayo sa mga kapwa natin at higit sa lahat eh mas nakikilala natin ‘yung kultura natin. Oo, marahil mahirap tanggalin ang kulturang foreign na nakasanayan na natin, pero hindi ba ngayong may kamalayan na tayo, dapat na nating mas pagtuunan natin ng pansin ang kulturang matagal na dapat nating isinabuhay? Oras na siguro para magkaroon tayong mga Pilipino ng ating sariling pagkakakilanlan. Pagkakakilanlan na kaya nating mamuhay nang mas mabuti nang hindi bumabase sa kultura ng iba. Pagkakakilanlan na kaya na ng bansa natin na maging maunlad sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng sarili nating kultura. Pagkakakilanlan na sa sarili nating ilog, kaya na nating mamangka. Sana nga ay balang araw, makita natin ang bawat isa na masaya at kuntento sa kung anong mayroon ang sarili nating kultura. Sobrang saya siguro ‘no, na makita na hindi na tayo alipin ng kultura ng iba?
2 notes · View notes
Tumblr media
L O V E + #Pagsasabuhay #Pagsasakripisyo #Pagalala #BiyernesSanto #GoodFriday #PassionOfTheLord #JBTDC #2017 #Philippines
0 notes
jhnlstrrmrn · 6 years
Text
GOYO: Ang mabuhay nang dahil sa'yo
Ni John Lester Rimorin
Tumblr media
Sa pagbukás ng pelikulang 'Goyo: Ang Batang Heneral' sa direksiyon ni Jerrold Tarog, muling buksan ang kuwento ng ating kasaysayan. Isa ito sa mga 'Historical biopic film' sa bansa na pinagbibidahan ni Paulo Avelino sa ilalim ng TBA productions. Ipinakita ni Jerrold Tarog ang kaniyang pambihirang kakayahan at tapang sa paggawa ng pelikula. Matatandaan na siya rin ang nagdirehe sa makasaysayang pelikula sa bansa ang 'Heneral Luna'.
Malinaw ang mensahe sa Heneral Luna ang "Bayan o Sarili?" at sa kabila ng mga puna hinggil sa atake ng pelikula, nagawa nitong hatakin pabalik sa sinehan. Sa pelikulang 'Goyo: Ang batang Heneral' mapapansin natin ang katagang "Tandaan mo kung sino ka." na hindi lamang ito tungkol sa kung sino ka kundi isa itong panawagan na bahagi ka ng isang bagay na mas malaki kaysa sa iyong buhay. Ang pelikula ay hindi lamang tungkol kay Gregorio Del Pilar patungkol din ito kung paano natin makikilala ang ating mga bayani, kung paano natin sila iniidolo at kung paano ang ilan sa atin ay hindi makita ang kanilang mga kahinaan, ang kanilang pagkakamali, at ang kanilang mga kawalang-kakayahan.
Tumblr media
Ayon kay Dr. Zeus Salazar, isang historyador at pangunahing tagapagpalaganap ng Pantayong Pananaw sa bansa, ang “bayani” bilang “isang nagkukusang makipagtulungan nang walang anumang bayad sa mga gawaing pangkomunidad.” Kaugnay ng pagkakahulugang ito ang karaniwang Pilipino ay may potensyal na maging isang bayani rin. Hindi ito nakikita sa kanilang katauhan kundi sa kanilang mga pambihirang gawa.
Tumblr media
Kung may mga pagkakapareho sa pagitan ng 'Goyo' at 'Heneral Luna', makikita ang paggamit ng mga banayad na simbolo at pampulitikang katauhan sa ilang eksena at dayalogo. Halimbawa, habang itinatampok ni 'Luna' ang sikat na pintang 'Spoliarium', dahil ipinapakita ng imahe ang pagkamatay ni Heneral Luna (sa katunayan na si Juan, ang kanyang kapatid na lalaki, ang pintor na lumikha ng obra maestra ). Si 'Goyo' ay maituturing na Agila, na kaniyang ring alias pagkatapos maluklok sa Katipunan at sa dakong huli, ito ay sumasagisag sa kanyang pagkamit ng kaluwalhatian at tagumpay.
Tumblr media
Sa kabila ng himagsikan napagsabay ni Goyo ang mga problema at pag-ibig. Nahumaling si Goyo kay Remedios Nable Jose (Gwen Zamora). Mapapansin na isang ngang dakilang babaero si Goyo. Isa nga ba sa kuwalipikasyon ng mga bayani ang pagiging babaero? Pero sino nga ba ang inibig ni Goyo, si Remedios, ang kaniyang sarili? O ang bayan?
Makikita rin sa pelikula kung paano ine-exploite ng mga lider ang kabataan, tulad ni Goyo ang isang pagkakamali ang maging mabuting taga-sunod. Hindi rin nating mahiwalay sa isip ang sinasabi ng pelikula kaugnay sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bayan. Dahil gano’n naman talaga ang sining, umaalingawngaw ito mula sa nakaraan, hanggang sa kasalukuyan. "History repeats itself" ika nga. Ilang dekada na ang lumipas, pero parang gano'n pa rin tayong mga Pilipino, lumalaban kahit kaawa-awa na. Sa sobrang nasyonalismo ay nagreresulta sa pasismo. Mahalin ang bayan at kapwa tao ano mang lahi ang kanyang pinagmulan. Pero ang tanong, ano nga ba ang ibig sabihin ng nasyonalismo, nuunawaan pa ba kaya ito ng makabagong henerasyon ngayon?
Tumblr media
Alam naman nating mamámatáy si Goyo sa Tirad Pass. At sa mga magsasabing spoiler ito ay dapat nang pabalikin sa elementary at muling aralin ang kasaysayan ng Pilipinas. Mga bagay at istorya na dapat alam natin dahil tayo ay isang Pilipino. Boring naman talaga ang kasaysayan subalit kapupulutan ito ng mga aral.
Makikitang kahanga-hanga at malinis ang aspeto ng teknikal. Ang mga disenyo ng produksyon ay umaangat at sobrang detalye ang pagkawa, hinayaang maglakbay ang mga manonood pabalik sa nakaraan. Samahan mo pa ng musical scoring na tumutugma sa sinematograpiya na tunay ngang mapagpapamalaki sa ibang bansa. Maayos ding nagampanan ng bawat artistang gumaganap sa pelikula ang pagsasabuhay sa kani-kanilang mga karakter, alinsunod na rin sa direktor at iskrip. Sa huli, nag-iwan ng epekto ang bawat eksena sa pelikula upang mapanindigan ang mga simbolong isinabuhay ng nasabing obra at makapaghatid ng mensahe sa mga manonood.
Isa rin sa aking kuwestiyon kung narararapat ba siyang ituring na bayani, o gaya ng iba pa, isa rin siyang personalidad na niromanticize lang. Tiyak ngang binuksan nito ang maraming kuwestiyon hinggil sa pagkabayani at kabayanihan. Huwag sana tayong mabigo sa pagsuporta at pagtingkilik ng pelikulang Pilipino gaya ng pagkabigo at pagbagsak ng digmaan ng Pilipinas laban sa Estados Unidos. Nararapat natin itong panoorin upang mapag-isipan natin kung handa ba táyo ngayon mamatay para sa bayan at sa ating mga bayani.
Mag-iiwan ako ng mga ilang komentaryo na aking nalikom mula sa aking mga kamag-aral habang ako'y gumagawa ng rebyu:
"Isa itong (Goyo: Ang Batang Heneral) panawagan para maalala natin kung sino tayo."
— Sean Salve
"Kailangan ng Pilipinas ng sundalo."
— Rica Mae Roberto
"Ang Avengers ng Pilipinas."
— Regin De Guzman
"Patunay na mayroon pa ring pag-asa ang pelikulang Piipino."
— Francis Serenio
"Ikaw, sino ang iyong bayani?
Pinagkunan ng mga larawan: TBA Studios
3 notes · View notes
godly-habits011497 · 3 years
Text
The Secret Of A Blessed Life
Matthew 5:1-3
1. Make an effort to spend time with Jesus
*Bless - masaya/happy (katumbas na word sa Hebrew)
*The most bless people on Earth ay yung mga taong sumusunod kay Kristo
*The most bless people on Earth ay yung mga taong hindi sumusko sa problema, pagsubok at kahirapan sa buhay
2. Admit your need for God
*May mga pangangailangan tayo na tinutugon ng Diyos
3. Through your losses allow God to love you
*Iallow natin na kumilos at iparamdam ni God ang pagmamahal niya sa atin sa pamamagitang ng mga failures, problems, weakness and pagsubok natin sa buhay
4. Live a life of contentment
*Align your perspective
5. You live the blessed life when you develop hunger and thirst for God
*Matthew 5:6
*Negative - Positive character that leads to Christlikeness
*Hearing the word of God, pagsasabuhay, and applying it to your life
*The word of God is our road map that give us direction
0 notes
gandaever · 3 years
Photo
Tumblr media
@bongbongmarcos : “Salamat sa bawat mamamayang nakiisa para makapag-parating ng kaunting ginhawa para sa mga nasalanta. Ito ay isang ang pagsasabuhay ng diwa ng kapaskuhan. Maraming salamat po.” (at General Santos City) https://www.instagram.com/p/CXw2_22up_E/?utm_medium=tumblr
0 notes
rosegmz · 3 years
Photo
Tumblr media
MGA ALA-ALA SA SIMBAHAN ( PHOTO BLOG)
Ang  simbahan na ito ay Barasoain Church, isang makasaysayang simbahan sa Malolos Bulacan. Kinuha ang litrato na ito pagkatapos ng lockdown ngayong pandemya. Sa aking alaala, kung ito ay isang normal na araw ng Linggo sa panahon na wala pang COVID-19 ay paniguradong dumadagsa na ang mga taong magsisimba, ngunit sa ngayon ay limitado lang ang nakakapasok dito. Kung isang normal na araw rin ngayon ay may mga batang nagtatakbuhan na sa labas, may mga nagtitinda na ng samu’t saring paninda na maaaring ipasalubong tulad ng laruan, merchandise, pagkain at marami pang iba.
Nakaka-miss din tuwing mapapadaan ka sa simbahan ay masisilip mo rin ang mga ikakasal o hindi naman kaya ang iba’t ibang event na isinasagawa tuwing may espesyal na okasyon. Tuwing nalalapit na ang pasko ay makikita na rin ang magagandang dekorasyon sa simbahan na ito. Isama pa ang mga pagtatanghal na nagaganap bilang pagsasabuhay sa pagsilang kay Hesus. Nandoon din ang mga prusisyon na dinadaluhan ng maraming tao, pati na rin ang mga bumibisita sa Barasoain tuwing mahal na araw. 
Talagang ang saya noong panahong wala pa ang pandemya sapagka’t ang dami nating nasasaksihan.Ngunit mahalaga rin naman na taos puso ang pagpunta natin sa simbahan. Tayo dapat ay nagninilay at ginagampanan ang ating tungkulin bilang Kristiyano dahil ang simbahan ay tahanan nating lahat na maaari nating puntahan palagi.
0 notes
kuyastevestory · 4 years
Text
Ginhawa: Sining ng Pa(g)hinga
Naunawaan ko ang kahulugan nito dahil sa Center for Babaylan Studies. Una ko itong narinig sa “Kultivating Kapwa Podcast” panayam kasama si Leny Strobel “Auntie Leny”.
Makahulugan ang Ginhawa para sa akin na nagmula ang salita na ito sa Cebu, isang “Cebuano” na ang ibigsabihin ay breath o paghinga. 
Isa ito sa mga Decolonization work na napapanahon ngayong pandemya, kasama ito sa elements of care na inilunsad ng CFBS. Sa pagkakaroon ko ng interes sa Sikolohiyang Pilipino hinanap ko ang ugat, kahulugan at gamit/koneksyon nito sa pagsasabuhay, katawan at lagyo “embodiment”.
Kaya napangalan ko ang ginagawa kong Journaling. Ginagawa ko na ito nung natuto akong magsulat ng tula hanggang sa napadalas ang pagsulat ko nung nasa formation program ako ng Sienna College.
Tumblr media
Journal mula 2016-Present
Ito ang naging espasyo ko kapag naalala ko ang labas at mga taong malapit sa akin. Lumalim rin ang aking pananampalatayang espiritwal sa araw-araw na pagsulat ko ng journal entry o “devotion”.
May ugali akong magduda sa sinasabi ko. Kaya takot akong magsabi ng mga nararamdaman at nararanasan ko.
Lumaki akong bully at na-bully rin. Pero ang karanasan na mas tumatak ay ang na-bully. Totoo nga siguro may mas hihigit sa’yo o baka binalik lang din sa akin ng mundo. Walang takas ang mga kilos natin.
Lahat ng bagay na ito ay natutuhan kong i-kwento. Makapag-express ng sarili sa pamamagitan ng arts. Ang sarap namnamin ng pakiramdam kapag nasa proseso ka ng paggawa. Walang nakatingin sa’yo. Walang pagkakamali. Ikaw ang gagawa ng ikakaligaya ng sarili mo. Mundo mo iyan hindi ka tiga labas. Naniiniwala akong ang lagyo ang sumasabuhay sa oras na iyon.
Kaya itinuring ko itong espasyo na kung saan maari kang Makahinga. Makapaghinga.
Gusto ko ibahagi sa inyo ang Sining ng Pa(g)hinga.  
Tumblr media
Ginhawa art’s and crafts cafe strolling
0 notes
trendingph · 4 years
Photo
Tumblr media
Pinatalsik na si Cayetano, hindi pabor sa bagong bill para sa ABS-CBN Franchise - Kapamilya Online World LOOK: Allan Cayetano hindi pabor sa pagsasabuhay ng Franchise Renewal ng ABS-CBN, tinawag na nagbubulag bulagan umano kabilang si Cong. Atienza ang iba sa naging violations ng network! Dating House Speaker Allan Peter Cayetano nagbahagi ng kaniyang... https://trendingph.net/pinatalsik-na-si-cayetano-hindi-pabor-sa-bagong-bill-para-sa-abs-cbn-franchise-kapamilya-online-world/?feed_id=70012&_unique_id=5ff7e6dbda39a #abscbn #bagong #bill #cayetano #franchise #hindi #kapamilya #online #pabor #para #philippinenews #philippinesnews #pinatalsik #trendingph #world
0 notes
aecastillo · 4 years
Text
Paalam sa Edukasyong Makabayan
sulat ni Anton Castillo
     “I articulate the deepest need of the Filipino people, which is reform of a corrupt culture.”
Tumblr media
     Ang mga salitang ito ay binitawan ni Miriam Defensor-Santiago matapos ang eleksiyon noong 1992, at bagaman luma na ay mayroon pa ring katotohanang pinanghahawakan. Bukod sa wika, makikita ang ating pekeng kalayaan sa ating sariling kultura at kaisipan bilang mga Pilipinong mas malaki pa ang pagpapahalaga sa mga ideyang kolonyal kaysa sa ating pagka-Pilipino. Ayon sa isang pagsusuri, higit sa kalahati ng mga Pilipino ang mayroong paniniwalang mas superyor ang kulturang Amerikano kung ikukumpara sa kulturang Pilipino o ang “colonial mentality” (David, 2017). Kahit sa internet, agad-agad na makakukuha ng magagandang reaksiyon ang mga bidyong tungkol sa Pilipinas kapag ito’y nagmumula sa banyaga at tinatawag na nga itong “pinoybaiting” (Arquiza, 2020). Kung ating titingnan, mataas pa rin ang ating opinyon sa mga banyaga at karamihan ng ating ginagawa ay mayroong layuning matanggap tayo nila. Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay hindi malaya sa pag-iisip na ito, at patunay na dito ang K-12 system na ipinatupad noong Marso 2013 na ang pinakalayunin ay ang “internationalization” at ang pagbibigay ng mas mataas na prayoridad sa pag-aaral ng Ingles, ayon kay Commissioner Prospero De Vera ng Commission on Higher Education o CHED (Emocling, 2017). Tatanggalin ang mga kursong Filipino at Panitikan sa kolehiyo upang mas mapahalagahan ang pag-aaral ng wikang Ingles. Hindi ba parang mayroong mali? Bakit parang lumalabas na mas pinahahalagahan na ang wikang Ingles?
Tumblr media
     Kung ako ang tatanungin, tumututol ako sa pagtanggal ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Ayon kay Atty. Julito Vitriolo na executive director ng CHED, hindi naman daw tuluyang mawawala ang asignaturang Filipino sapagkat inilipat lamang ito sa senior high school (Fernandez, 2014). Ayon naman kay De Vera, ang pilosopiya ng pagtatanggal ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo ay para “panay major subjects na” ang kinukuha ng mag-aaral sa unibersidad. Kung susuriin, napakapraktikal ng pag-iisip na ito at kung titingnan nga sa perspektibong “internationalization”, ito ang pinaka-epektibong paraan upang makamtam ito. Sa kabila nito, naniniwala pa rin akong hindi ito makabubuti sa ating kultura at pagkakakilanlan bilang Pilipino. Talamak pa rin ang “colonial mentality” sa ating bansa, kahit sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng CHED at patunay na rito ang mga salita ni De Vera. Kung tunay ngang pang-”major subject” ang kolehiyo, hindi na ba maituturing na “major subject” ang Filipino at Panitikan? Maaari na lang bang isantabi ang mga asignaturang ito upang mapahalagahan lalo ang wikang Ingles? Isang kabalintunaan na mas madaling makakapag-aral ng Ingles ang mga kabataan sa mataas na edukasyon kaysa Filipino. Isa ring kalokohan ang pagtigil ng asignaturang Filipino at Panitikan sa high school lamang, na para bang hindi na kaaya-aya bilang pokus ng mas mataas na diskusiyon sa kolehiyo ang mga asignaturang ito. Huwag din nating sasabihing kailangan ang wikang Ingles sa pag-unlad sapagkat ang Hapon, isa sa mga pinakamababa ang “English Proficiency Rating” sa buong Asya (Margolis, 2020), ay ang ikatlong pinakamaunlad na bansa batay sa GDP (Silver, 2020). Nawawala na ang ating sentimiyento sa wikang Filipino bilang mga Pilipino. Nakatutok ang ating pag-iisip sa kung ano ang praktikal at nag-aaral tayo na para bang mayroong kailangang patunayan sa mundo. Ang pagpapahalaga sa Filipino at Panitikan ay hindi dapat tumitigil sa high school; dapat itong ipagpatuloy mula kolehiyo hanggang sa bawat segundo ng ating mga buhay. Ang Filipino at Panitikan, isama na rin ang Kasaysayan, ay hindi lamang asignatura bagkus dapat ay kabilang sa ating buhay bilang ating pagkakakilanlan.
Tumblr media
     Matagal na tayong malaya mula sa mga banyaga, ngunit ang mga sikolohikal na bakas na iniwan nila ay nakatatag pa rin sa ating mga isip. Kung nais natin magkaroon ng pagkakakilanlan bilang Pilipino, huwag nating isantabi lamang ang pag-aaral ng ating pagka-Pilipino sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino, Panitikan, at Kasaysayan. Bagaman araw-araw ginagamit, ang tuluyang pagpapalalim ng ating kaalaman at kultura ay hindi makakasama sa atin bagkus makatutulong pa nga sa ating pagsasabuhay nito. Huwag tayong maging Pilipinong nagpapanggap ng pagka-Ingles. Piliin natin ang pino, pillin natin ang pagiging Pilipino.
Dokumentaryo:
Brigada: Ano ang epekto ng pag-alis ng Filipino at Panitikan sa college curriculum?
https://www.youtube.com/watch?v=Jq82Kvl39vo
Mga Sanggunian:
Arquiza, J. (2020, September 8). How to get a thousand likes in minutes. The art of Pinoybaiting. The Bureau. https://www.thebureauasia.com/2020/06/24/how-to-get-a-thousand-likes-in-minutes-the-art-of-pinoybaiting/
David, E. R. (2017, November 2). Filipinos, colonial mentality, and mental health. Psychology Today. https://www.psychologytoday.com/us/blog/unseen-and-unheard/201711/filipinos-colonial-mentality-and-mental-health
Emocling, O. (2018, May 30). Why is it important to study Filipino even in college? NOLISOLI. https://nolisoli.ph/16196/filipino-college-ched/
Fernandez, A. (2014, June 24). Dapat bang alisin Na ang asignaturang Filipino Sa mga kolehiyo at unibersidad? GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/367090/dapat-bang-alisin-na-ang-asignaturang-filipino-sa-mga-kolehiyo-at-unibersidad/story/
Margolis, E. (2020, May 26). Japan doesn’t want to become another casualty of English. Foreign Policy. https://foreignpolicy.com/2020/05/26/japan-doesnt-want-to-become-another-casualty-of-english/
Silver, C. (2020, March 18). The top 20 economies in the world. Investopedia. https://www.investopedia.com/insights/worlds-top-economies/
0 notes
unpeeledpotatochic · 4 years
Photo
Tumblr media
𝑬𝒍 𝑷𝒓𝒆𝒔𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕𝒆
Inabot na naman ako ng dilim, Nakatunghay sa may tarangkahan Hinihintay ang iyong pagdating Ang mga yabag mo’y tila maso Mabibigat, matatatag, wari’y di matitinag Binuksan mo ang pintuan at humalimuyak Ang alak sa hininga mo nang halikan mo ako Sinibasib ng iyong mga labi ang leeg kong Lamog pa sa ginawa mong pananakal kamakailan Marahas ang haplos ng mga palad na ilang Beses ring dumapo sa aking balat sa tuwing Basta mo na lang maisipan ;
Inabot na naman ako ng dilim, Hinintay kitang dumating para lasapin Ang karinyo-brutal na pilit mong tinuturing Na “pagmamahal” Ang pagmamahal na kapag nahalal Ay mapapalitan ng pagsugal Sa buhay ng isang taong tulad kong hangal Kaya laging pinagmamalupitan, Pinagkakaitan, Ginagawang parausan Ng taong hinirang ko para sana Ako’y paglingkuran, Pagyamanin at sambahin
Ngunit ;
Inabot na naman ako ng dilim, Kulong sa pag-asang darating ang umaga Na hindi ka na kasama, Na ako’y malaya, Na ako’y tapos na sa pag-aari mong Walang humpay akong ginagamit, Ginigiling, ginigigil nang walang tigil Dahil ako’y pagod na sa marahas mong pagsalya, Pagsasal, pagdurog, pagsira Sa aking pagkatao na tuluyan mo lang naakit Sa mga pangakong may bikig na tinik, Lason at pandarambong Na nakatago sa mabulaklak at maningning Na pagsasabuhay ng isang buwayang nagkatawang tao Baon ang pangil mo sa mayamang dibdib ko Patuloy ang paghigop, Pagsimsim at pagsupsop Kasabay ng pagsakmal sa natitirang buhay na ligaya Madiin, marahas, masakit at puno ng ganid Habang paulit-ulit, paulit-ulit Paulit-ulit mong tinatangi ang pangalan ko Para marinig ng mga anak ko At paniwalain silang ganito, Ganito ang tunay na pagmamahal
Nakulong ang apat na sulok ng silid Ng mga halinghing, ng pag-ungol at pagdaing Nating dalawang taliwas ang nadarama dahil Ikaw ay ganado habang ako’y tila upos nang sigarilyo Ang ginhawa mo’y kalakip ng pagkamatay ko Ang ligaya mo’y kapalit ang pagtangis ko Ang kaluguran mo ang siyang pagkaubos ko Kaya naman inabot na ako ng dilim, Bulag, pipi at pilay mula sa ilang taong panlulupig Inabot na ako ng dilim ngunit uubusin ang natitirang lakas at tinigPara isigaw ang tunay na ibig ;
𝑆𝑎𝑘𝑙𝑜𝑙𝑜, 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝐼𝑛𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑎𝑝𝑖𝑠.
0 notes