#pagmulat
Explore tagged Tumblr posts
Text
Isang araw sa muli mong pagmulat, makikita mo ulit ang iyong mga piraso. Mga piraso na tila noong isang araw ay maayos naman at buo. Mapapaisip ka kung bakit nahandito ka nanaman sa simula at muling binubuong pilit ang sarili na sinira ng mga dati rin naman sumira. Binigyan mo ba ulit sila ng kapangyarihang durugin ka? Saktan ka? O baka ikaw na ang problema dahil paulit ulit kang nasasaktan? At sa kabila ng maraming tanong, tulad ng dati ay walang sumasagot kaya heto ka't tahimik, humihikbi at sugatan ang mga kamay na binubuo ang mga piraso ng pader na gagamitin mong pananggalang sa magtatangkang pumasok, humawak o sumilip. Kasunod nito ay ang dilim, lamig at pag iisa. Heto ka at mag isa nanaman. Hahanap ng kalinga, yakap at aruga kasabay nito ang muli mong pag guho at magsisimula ka ulit sa umpisa. Isang araw sa muli mong pagmulat, makikita mo ulit ang iyong mga piraso.
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#makalaya#manulat#manunula#tagalog spoken poetry#poetic#poetscommunity#tagalog spoken words#tagalog thoughts#filipino words#filipino writer
23 notes
·
View notes
Text
mamahalin kita gaya sa paraan ng nakasanayan ko / i will devote my being into you as i weave my existence into your life
lumaki ako galing sa isang katolikong pamamahay. lagi't laging bilin ni mama na sambahin ang diyos ng walang pag aalinlangan ngunit ikakagalit ba ng diyos kung ang kabuuan mo ang isasamba ng pagkatao ko?
i love you / ibibigay ko lahat ng mayroon ako kahit mapunit pa ang puso kong tumitibok para sa'yo. kaya natatakot ako magmahal ulit kasi sa oras na tumibok ang puso ko para sa isang tao, i know i will devote my whole being to them. laha't lahat ibibigay, buto't balat at aking mga pangarap iaalay. na sa bawat pagmulat ng aking mata, ikaw ang una kong naiisip.
isa lang naman pangarap ko, ang makasama ko sa habang buhay. that we will become one, na kasama kita sa lahat ng mga kasiyahan at balakid sa buhay. kaya't hayaan mo akong sambahin ka, mahal. ito lang pagmamahal na itinuro ng aking mga magulang, ang pagmamahal na walang hanggan at walang pag aalinlangan. let me worship your feet, let me love you in ways i can / pagmamahal na nakakapaso, hayaan mong yakapin ka ng init na dala ng pagmamahal ko
2 notes
·
View notes
Text
Bahaghari
Isang malalim na buntong-hininga Kasabay ng pagmulat ng mga mata Tanong sa sarili'y "Kaya mo pa ba? Tsaka ngingisi at sa taas ay titingala
Ngunit ano nga ba ang 'yong hinahanap Isang milagrong pilit hinahagilap May lihim kayang ikinukubli ang mga ulap May hiwaga ba sa asul na alapaap?
Maya't-maya'y mga mata'y kikislap Marahang ngingiti at hahagakhak Isang makulay na bahaghari'y naging sapat Upang mapawi ang lumbay ng aliping tapat
Bahagharing pahiwatig ay pag-asa Para sa mga lingkod na hapung-hapo na S'yang may malakas na pananampalataya Aani ng hindi mabilang na biyaya
~ M.K. Sueño (04/2021)
#tula#tagalog poetry#tagalog#maikling tula#tulatulaan#makata#manunulat#manunula#filipino writers#tagalog writings#tagalog tumblr#tagalog writing#tagalog thoughts#tagalog quote#tagalog quotes#filipino#sulat#filipino poetry#panitikan#pinoy poem#filipino poem#tagalog poem#hugot#spilled words#pinoy quotes#pinoy banat#tagalog words#spilled ink#spilled poetry#spilled thoughts
28 notes
·
View notes
Text
UMAGA
Umaga nang unang nagmulat ng mata.
Sabay sa paghinga,
Naitanong marahil kung ilang sakuna.
Anong pait, at ilang hagupit ng tadahana,
Ang dadantay sa mga balikat.
O kung paanong kahit paano maiaangat
Ang mga paa sa paglakad.
Siguro ay nagisip rin kung ano ba ang hinaharap.
Tapat na ang tanghali kaya't libre nang makatakbo't makalundag
Anong silbi ng kahapon bakit kailangang lumingon bago sumabak?
Masaya naman siguro ang ngayon at ang bukas
Susubok kasama ang mga kadikit ng bituka't
Malay mo naman kung anong kapalaran ang humatak
Magbabalik man sa tahana'y ang lumagay na sa tahimik marahil ang s'yang balak.
Humihigit na dibdib dahil nagtatampo sa paghagulgol
"Anong klaseng sagot ang mas mapait pa kaysa sa mga tanong?"
Nagparoo't parito na sa lumang kwarto't lugar na malalayo
Nagsimula mang maaga ay babalik rin pala pagdapit hapon.
Kung ang mga hinahawakang kamay ay sa huli'y dahilan ako ng pagkukuyom
Bukás kaya ang bukas sa mga marubdob na sumbong?
Pakikinggan kaya?
Humiling naman na sa parehong langit at lupa.
Tinatalukbungan na ng ulap ang karampot nang diwa.
Ngayong gabi na ay humahangos dahil nagagahol
Sa oras at baka di pa sumapat ang sumpang naghahabol
Kung pagsuko sa liwanag ang kapayapaan, bakit imbis na matagpuan lang ay tila hudas na sinusukol?
Sige't magpapahuli na lang sa Nagtatakda.
Na kung ang sagot man sa pag-iral ay ang pagpapantay lang rin ng mga paa,
Sabay sa huling hininga,
Nagtaas naman na ng tiwala at pag-asa,
Tatanggi na siguro sa pagmulat ng mga mata.
-Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
#tula#mga tula#tagalog#tagalog poem#tagalog tula#pilipino#pilipinas#tulangtagalog#maikling tula#filipinopoems#tagalog hugot#tagalogpoem#tagalog post#pilipinx#pinoy hugot#pinoyartist#pinoypride#tulala#original prose#poetic prose#prose poetry#sad poem
3 notes
·
View notes
Text
isa, dalawa, tatlo. tatlo. tatlong takal sa kutsara.
isang baso ng yelong isinalin
dalawang malumanay na tapik at kislap sa daliri
at ang ikatlong ulit sa kanyang ibig sabihin.
bago tuluyang mabulahaw ang aking pandinig at paningin
na tila tumining maitanggi lang ang kanyang mga salita.
bihira ang mga pagkakataong makatatanggap ng papuri
lalo't higit mula mismo sa aking mga sinasamba
"kailangan ko palang magdagdag ng lima"
"ha?", kanyang pagtataka
nakalimutan kong magkaiba ang aming nakikita
ngunit pinakawalan niya ako nang walang pag-aalala
dahil alam niya, at alam din nung matandang kahera na
hindi ako lalayo, labing-siyam na hakbang kung titiyakin
hindi sapat na bilang upang ang atensyon niya'y maibaling
kaya inilakas ng ale sa tapat ang pagpapaypay,
at dahil sabay na umiikli ang pila at kanyang pasensya,
inalok niya ako at iisa pa rin ang sagot ko.
ang kanyang pagngisi ang pinakamalinaw kong alaala.
sa pagkupas ng kanyang ngiti, nagbitaw siya ng limang iling
bitbit ay diwa ng tugon sa nais kong iparating
saka ko lang napansin ang aliwalas ng pamamaalam
at saka ko lang napansin ang lumalayong init kahit kami'y nasisinagan.
ngunit bago ko pa subukang basagin ang namamagitang iláng at ginaw,
umalingawngaw ang pangalan niyang sa aki'y nagpamangha
tumaas ang mga kilay niyang may ibig itanong
ngunit isinauli ko ang pag-iling at sinabayan siya sa pagtayo
bigla ko lang napagtanto
kung gaano kadaling dumudulas ang pangalan niya sa dila
at kung gaano ito kadalas tumatakas sa aking mga labi
tig-dalawang baso ng tubig, tinidor at kutsara.
sa aming paghaharap, muling nangusap ang mga kilay niyang mas malambing mula sa nakaraan
saglit siyang ipinasyal sa pasilyong likha ng mga kaluluwang naghihimok magpasiyá
sa kanyang pagyuko ay ang aking pagtingala
at sa pagpatong ng kanyang mga siko ay nagmistulang altar ang mesa
sandaling tumahimik ang paligid na humihimbing at nagpapakumbaba sa kahinaan ng kanyang mga pilikmata
at kahit siya ang tumawag sa isang bathala,
sa akin naman ibinunyag ang isang rebelasyon
aking napatunayan sa mga oras na iyon
sinungaling si Galileo,
saksi ako sa pagkurba ng mga aksis sa kanyang mukha,
sa káyo ng kanyang paglapit at paglayo,
at sa hatak ng mga alon sa aking palad at pulso—
hindi ito isang teorya—
malinaw na araw ang umiikot sa mundo.
ngunit hindi ko rin magawang tumitig nang hindi humihingi ng tawad sa kanyang panginoon kaya
bago ko pa tangkaing samantalahin ang pagkakataon,
'di ko namalayang sinundan ko siya sa pagpikit
ngunit nananatiling malinaw ang paligid
nakikilala ko ang bawat yabag sa daan,
nabibilang ang bawat siklo ng mga bisikleta at sasakyan,
ramdam ko ang alinsangang hatid ng kanyang katapatan
at ang rebolusyon ng hanging tumatangay sa'king kamalayan
siya nga ang sentro ng santinakpan.
sa kanyang pagmulat, nahuli niya akong hinahabol ang aking hininga,
pinihit niya ang kanyang ulo pakaliwa na
nagbigay sa'kin ng pagkakataong masilip ang kanyang mga matang pinatitingkad ng kabubukas na ilaw sa kalsada
at sa lalim ng kanyang titig ay may nabuong paliwanag sa aking isipan, taliwas sa mga naranasan
walang bigat sa dibdib na sa iba'y lulunod
malayo sa bingit kung sa'n maaaring mahulog
at hindi kailangan ng init kung saan ako ang nasusunog.
wala ang madalas na salaysay sa pagbagal ng oras
kahit na labing-isang minuto pa lang ang lumilipas,
sa inip at ikapat na muling pananabik kanya nang inulit
"paano ka nakakasulat...
...ng ganitong kaibig-ibig?"
at iisa pa rin ang sagot ko
maliit na platito, kalamansi, toyo, at kutsara
ang pangalan niya ang pinakamahabang sinulid
na humahabi at nagtutugma sa mga salitang aking nasasambit
ganito ko siya nakita
ngunit hindi ko siya minahal gaya ng pagkakasulat ko sa kanya
—
"x, 'kung akin si siara', 2023"
4 notes
·
View notes
Text
I have been slowly losing motivation again at work. Kanina pagmulat ng mata ko, naramdaman ko nanaman na para bang gusto kong umabsent at ituloy nalang ang tulog ko.
Pero buti nalang pumasok ako dahil…
Small things really matter.
11 notes
·
View notes
Text
Pagkabigo
Sa bawa't balikwas ng hinihigaang kama
kada pagmulat at pagsara ng mga mata,
tila'y para bang mga munting guhit sa'king mga alaala,
pagsulyap mong inaaninag ko sa tuwina.
'Di na mararanasan, 'di na mararamdaman,
guni-guni't gawa-gawa na lang ng isipan
ang iyong pag-irog na siyang ipinadadama
tila salaming pinunasan at luminaw na.
Pawang mga kendi sa kay tamis sa umpisa,
ngunit napalitan ng pait ng ampalaya,
nagugulumihanan, nalilito, ang preso,
kagaya ko ay nakakulong na sa'yong mundo.
Tila'y may umaaligid na mga anino,
at hindi malaman-laman kung kanino ito,
'sang-libong kutsilyo ang sumaksak sa dibdib ko,
'lang katapusang luha'y bumuhos sa mukha ko.
Pagtataksil, halo-halong emosyo'y umulan.
Ang paninisi sa sarili nang walang hanggan.
Ikaw ang payaso, at ako ang manonood.
Ang pagbibigay ng lugod, naging pagtalikod.
1 note
·
View note
Text
Habang naglalakbay sa panaginip, Ikaw ang aking kasama, subalit may halong kirot at saya Hindi ko maipaliwanag kung bakit, tila gulong gulo ang nararamdaman at nasa isip Pagmulat ng mga mata, pag gising ko wala kana pala talaga Patuloy kong mamahalin ang mga pinagdaanan natin Mananatili kahit napakasakit, Kung yon man ang paraan para maging okay ulit Dahan dahan kong ihahanda ang sarili hanggang sa huli kong pagpikit. Ako yong sumuko, na pati sarili ko sinukoan ko. Ako yong napagod na pati sarili ko pinagod ko
7 notes
·
View notes
Text
lapida
mesiyas ang masa na magbangon muli sa dantaong pagluhod. ni ilan mang butil ng palay ang pagtuluin o kaya ay ang simoy ng bagong silang na tinapay sa panaderya ang maamoy ay di pagtitigilin ang pangkaraniwan sa kanyang dasal. sapagkat ang pagmulat ay apoteyotiko, at banal ang ideyang dunong sa materyal na konsekrasyon ng kanyang pagdanas. santipikasyon ang magbuhat ng armas, sagrado ang mandigma; at sa huling paghuhukom ay dadanak muli ang dugong binusilak sa nobenang pula.
Los Baños, March 2017
1 note
·
View note
Text
Apology Letter sa Universe
Kumusta?
Pitong taon na ang nakalipas nang huling beses akong nag-Tumblr, pero parang walang nagbago—'yung Dashboard, ganoon pa rin. 'Yung mga nakikita at nababasa, halos walang pinagkaiba sa kung paano ko iniwan ang digital na mundong ito—kahambing nito ang pakiramdam na umuwi ka galing Maynila, bilang doon ka nag-aaral o 'di kaya ay nagtatrabaho ka. Nakikipagsapalaran sa gulong ng buhay. Sa bawat pagmulat, aasahan mong aayon sa iyo ang tadhana ang magsilibing bagong hudyat ng pag-asa ang iyong dadatnan sa bawat hakbang na iyong tatahakin. Sa iyong muling pagbalik, bukas-bisig kang tinatanggap ng iyong tahanan—wala mang mga galamay na kayang yakapin ang mura mong pangangatawan o walang labing hahagkan ang iyong kapayakan, ngunit ramdam mong ito ang iyong tahanan.
Sa muli kong pagbabalik sa mundong 'to, nawa'y maging salamin ito ng aking pagkatao na walang takot na ilalahad ang sarili—sa iyo, sa kanya, at sa taong may pananaw na liban sa akin.
Humihingi ako ng tawad sa aking pagkawala, sa mga kwentong sana'y dito ko napiling isulat. Sa mga sikretong dito ko na lang sana ibinulong, sa mga pagkakataong bumabalik ang pagmamahal ko sa pagsulat, at sa pagkakataong walang kayang makaunawa kundi ang pindutan ng aking keyboard ang natatangi kong kakampi.
Muli, patawad.
5 notes
·
View notes
Text
S A K A L
[old poems - 2022 edition]
Ilang buwan ka nang sakal kaso mas pipiliin mong magpasakal kesa pamilya mo malagutan ng hininga. Nagtitiis sa magdamagang pagupo sa ilalim ng mga bituin. Mga bituing nawalan na ng kislap sa iyong paninging nagdilim. Hindi na muling sumalubong sa araw. Pagtilaok ng tandang ang humehele hanggang sa muling mabalot sa dilim ang paningin. Magigising at muling maghihingalo. Tuwing pagmulat pahirap ng pahirap ang paghinga. Ngunit ano ba ang magagawa mo? Tanging dilim ang bumubuhay sa katawan. Sa katawang binabahayan ng iyong kaluluwa na nais kumawala at huminga. Hanggang kelan ka magtitiis? Hanggang kelan magpapa alipin? Ilang beses mo pa kayang ibuhos ang emosyon sa kawalan na binabato lamang pabalik sayo ang lungkot. Punong puno ka na nga, pero walang awa ang kawalan sa pagbalik ng iyong mga luha. Nasasakal. Nalulunod. Ika'y nagpapatangay nalamang sa agos nang dahil sa pagkasakal. Kahit anong pagpupumiglas, ang kaluluwa'y hindi naman makalayo sa katawan. Tanging isang bagay lang ang makapagpalaya dito. Ngunit kapag ito ang pinili, wala nang balikan sa mundong ibabaw.
10:46 - 11:02am October 5
#Filipino poetry#Tagalog poem#writer#story writing#writing prompt#writerscreed#writer things#writers and poets#writeblr#writerscorner#female writers#writblr#writers on tumblr#poetsandwriters#women writers#writerscafe#writers#prose poem#poetic#poets corner#poetsdaily#poetscommunity#poetsociety#poetsontherise#poets of the world#poetsofficial#poets on mental health#poets#sad poems#poems and quotes
2 notes
·
View notes
Text
Sana sa muling pagmulat ng mga mata
Mahal ko na uli ang mabuhay
Mapahalagahan ko muli ang bawat paglipas
Sabik kong abangan ang susunod na kabanata
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#makalaya#Makata#writers on tumblr
8 notes
·
View notes
Text
Opening my eyes to the sight of my own feminine curves, a dreamcome true.
눈을 뜨고 나의 여성스러운 곡선을 보는 것, 꿈이 이루어졌다.
ลืมตาและเห็นส่วนโค้งเว้าของตัวเอง ความฝันเป็นจริง
Pagmulat ng mata at makita ang aking mga kurbang pambabae, natupad ang pangarap.
目を開けて、自分の女性らしい曲線を見ること、夢が叶った
3K notes
·
View notes
Text
ipapahiram ko sa iyong ang aking dalawang mata para makita mo kung gaano ka kaganda sa aking paningin / beauty is subjective, let me show you how you’re the definition of mine
sabi nila beauty is in the eye of the beholder— the essence of it lies in how beauty is defined and how beauty is to others. ang katagang, “maganda ba ako?” comes out of your mouth everytime and sa bawat tanong mo, i would say the same thing to remind you each time, “yes, you are. i believe God must have made you with so much love because you are bursting with beauty and kindness. mahal kita / sana makita mo kung gaano ka kaganda sa aking mga mata.”
isang beses, nagkwekwentuhan tayo at nabanggit mo na nakakita ka ng supermodel kasing ganda ng mga tao sa pelikula pero mahal, para kang mga tala. the universe made your features so intricate that your eyes, your face and every mole in your body sits just right. your being is meant to be devoted to; your beauty is so breathtaking that it takes away my breath whenever i get the chance to see it up close.
i have read one time that the moles in your body are the places your past life lover has kissed. is it too much for me to believe that it should be me that has kissed you in those places? if it is, then i’ll kiss every place to show them the testimony of my love— my very being weaved into the kisses I planted in your body.
everytime you doubt that you are beautiful, i will remind you in these ways; through my gentle kisses, through showering you with compliments and through tracing every mole to make you feel that your being is meant to be devoted and loved. i love you / nakikita mo na ba ang iyong kagandahan sa pamamagitan ng aking mga mata? kung hindi pa, ipapaalala ko sa iyo sa bawat pagmulat ng aking mga mata
0 notes
Text
ang pagmulat
ilang relasyon na ang napasukan,
ilang beses nang nasaktan,
ilang beses nang sumuko,
ilang beses nang umibig.
ngunit, totoo ba ito? ang pag-ibig na tinutukoy.
sa labing-walong taon kong nanirahan sa mundo,
ako'y nagmahal nang iilang tao,
ikaw lang ang nakapag-bago.
sa huli, naunawaan ko rin na hindi pa pala nagmahal ang puso ko,
dahil 'nung unang beses itong tumibok sa'yo,
ay ang pagmulat din nito.
ang tulang ito ay tungkol sa pagmulat ng takot kong puso sa mundo
sa mundo mo, aking iniirog.
0 notes
Text
at sa aking huling pagmulat, nagising ako mula sa isang kalahating-taong panaginip.
hinandugan ako ng enero ng banaag ng hirasol na siyang nag-udyok sa aking muling tumindig at humakbang. umalimbukad ang hangarin at pag-asang sa hayag na pinaka-unang pagkakataon, ako’y mapahihintulutang magkaroon ng adhikaing matatawag kong tunay na akin.
“kaya mo ‘yan.”
ngunit, ano nga ba ang aking kaya? kaya ko lamang mangarap. ang tanging saklaw ng aking kakayahan ay iluhod ang aking pasa-pasang tuhod sa hile-hilerang balayang na kung hindi nagbabaga ay siya pa rin namang nakapapaso sa lamig. ang kaya ko lamang ay iriin ang aking upos sa aking mga daliri tuwing dilim ang naghahari sa papawirin. siyang nag-iisang kakayahan ko lamang ay magpadanak ng dugo mula sa pares ng aking mga matang parating nasisindak tumitig.
kinamumuhian ko ang agham at matematika dahil kaya ako nitong daanin sa sukat ng tulin, talaro, at iba pang kababalaghang nangangailangan ng sali-salimuot na pagtutuos upang mabisang maunawaan. kinamumuhian ko ang agham at matematika dahil bagamat hindi nito pisikal na itinatanghal ang sarili, tila ba isa akong bulak kung iwasiwa sa ere.
kinamumuhian ko ang agham at matematika sapagkat sa kabila ng magkaka-ugnay nitong pormula upang malutas ang mga alhebrang inilalatag, partikular sa korteng sirkulo, walang umiiral na ekwasyon kung papaano kalkulahin ang kailangan kong bilis nang hindi na ako muling mahulog sa likis nito.
bumati ang agosto, nandito na naman ako; nandito pa rin ako. paikot-ikot at walang progreso. ligaw sa iisang pilapil ng bilog.
taliwas sa buong akala kong yayabong ang mirasol na aking dinidiligan sa buong pag-inog ng daigdig sa araw, nasalanta ng sigwadang dala ng halimaw sa aking sarili. nalanta, bago pa ako mabigyan ng pagkakataong malanghap ang taglay nitong halimuyak.
nagising ako sa kalahating-taong panaginip, isang beses pang may agos, hindi sa sapa o sa ilog, kundi sa aking mga pisngi.
0 notes