#olivia liwanag
Explore tagged Tumblr posts
Text
THE LIWANAG FAMILY in MYTHIC QUEST (2020-) 3.07 (Sarian) | dir. Todd Biermann & Megan Ganz
#mythic quest spoilers#mq spoilers#poppy liwanag#olivia liwanag#benito liwanag#tracy liwanag#isla rose hall#hayley magnus#dionysio basco#alyssa aure#mqedit#sitcomedit#apple tv+#userligaya#dakotasvibe#this is a mess#but the patriot in me jumped out#this is for the filo mq fans <33#personally a victim of corny tatay jokes & piano recitals#also fun fact i colored this set using the colors of the ph flag
107 notes
·
View notes
Photo
“Bangungot” - script
EKSENA 1
Sa isang hating gabi, may isang lalaki na nasa dulo ng bangin. Nakatingin siya ng maigi sa kailaliman. Tumayo siya at lumapit sa gilid.
Matandang Diwata: Magandang gabi. Anong ginagawa mo dito?
Nagulat ang lalaki at tumingin sa likuran.
Jerome: Wala... Ikaw ano ang ginagawa mo dito?
Matandang Diwata: (lumapit sa kanya) Ako ang unang nagtanong. Ano ang ginagawa mo dito?
Hinidi muna sumagot si Jerome.
Jerome: Pabayaan mo nalang ako.
Walang sinabi ang matandang babae.Pagkatapos ng ilang segundo, tumalikod siya at nagsimulang maglakad papalayo.
Jerome: (nagugulat) Sandali lang. Aalis ka na ba?
Tumigil sa paglalakad ang matanda at sumagot.
Matandang Diwata: Oo, aalis na ako. Wala naman akong mukukuha mula sa iyo kung hindi ka sasagot sa aking tanong. Gabi na!
Jerome: (sumimangot) Oh, sige. Kung gusto mo ng katotohanan, sasabihin ko nalang. Nandito ako para tumalon. Magpakamatay.
Matandang Diwata: Bakit?
Jerome: Dahil hinahanap ko ang kahulugan ng buhay ko, at wala akong makikitang dahilan kung bakit pa ako dapat mabuhay ngayon. Binawi sa akin ang dahilan upang mabuhay sa araw na nawala siya sa buhay ko.
Matandang Diwata: Siya? Sino naman yan?
Jerome: Si Tala… Ang taong pinakamamahal ko... Ang taong dapat sanang katabi ko sa habambuhay. Ang taong nagbibigay ng ilaw at liwanag sa gabi, ng saya at tuwa sa mga langit, ng ginhawa at kabaitan sa buhay ko.
Matandang Diwata: ... Ano ang nagyari sa kanya?
Jerome: Wala na siya sa mundo ngayon. Isang taon na ang lumipas. Dito, sa lugar na ito, tumalon siya. Iniwan niya ako, at hindi ko alam kung bakit niya ito ginawa.
Matandang Diwata: ‘Yan ba ang dahilan kung bakit gusto mong sumunod?
Jerome: Oo. ‘Yan nga.
Matandang Diwata: Oh sige. Patawad naman na nadisturbo pa kita. Aalis nalang ako upang magawa mo ang gagawin mo sana.
Tatalikod na sana ang matanda ng uli, ngunit hinawakan ni Jerome ang kanyang kamay.
Jerome: ‘Yan lang ba ang sasabihin mo? … Hindi mo ba ako kukumbinsihing hindi magpapakamatay?
Tumingin ang matanda sa kanyang mga mata.
Matandang Diwata: Gusto mo ba ng panibagong pagkakataon na makapiling siya muli?
Jerome: Ano? Paano mo naman magagawa iyan? Eh, wala na siya.
Matandang Diwata: (Ngumingiti lang ang matanda) Maniniwala ka ba sa akin?
Jerome: (Mahina ang boses) … Oo… (Pinapalakas ang boses) Oo.
Matandang Diwata: Ipikit mo ang mga mata mo.
Ginawa ito ni Jerome. Itinulak siya ng matandang babae ng paurong.
EKSENA 2
Nabigla si Jerome sa kanyang kama at napaupo ng matuwid. Tumayo siya mula sa kanyang kama at nagsimulang maghanda para sa bagong araw. Pumunta siya sa parke kung saan nagkasundo siya sa kanyang mga kaibigan na magkita sa isang parke.
Olivia: Okay ka lang ba?
Jerome: Oo. Wala ito. Pagod lang ako.
Erica: Wag kang magsisinungaling sa amin. Matagal na tayong magkaibigan. Kilalang-kilala ka na namin.
Jerome: Eh, ano kasi… nagkaroon ako ng panaginip….
Ibinahagi ni Jerome ang mga detalye ng kanyang bangungot.
Jerome: (Tumatawa) Alam ko namang panaginip lang ito… kalimutan niyo nalang.
Diana: … Ano ba naman ang sinasabi mo. Eh, buhay pa naman siya.
Jerome: … Siya?
Olivia: Eh, kasama pa nga namin siya kahapon.
Jerome: Sino ba ang ibig niyong sabihin na siya?
May dumating na babae sa kanilang grupo.
Tala: Huy, pasensya na at ngayon pa ako dumating. May traffic kasi sa kanto.
Hindi makapaniwala ang lalaki sa kanyang nakikita. Napatalon siya sa tuwa at niyakap ng mahigpit si Tala. Simula noon, ay walang oras na inaksaya ang lalaki na makapiling siya.
EKSENA 3
Ilang buwan ang lumipas at may napansin siyang mga sinyales mula kay Tala. Isang araw, may nakuha siyang tawag na nagsabing isinugod siya sa ospital. Pabilisan siyang umalis ng bahay at pinuntahan niya si Tala. Sumikip ang kanyang dibdib sa nakitang eksena kung saan ang minamahal ay halos walang buhay na. Lumipas ang panahon at hindi pa rin gumising si Tala mula sa kanyang tilang mahimbing na tulog. Hindi minsang umalis si Jerome sa kanyang tabi.
Bumalik siya sa bangin na kanyang nakita sa kanyang panaginip. Hating gabi iyon. Nakaupo siya sa dulo ngmalalim na bangin. Nakatingin siya sa tanawin at sa malawak na walang kabuhuluhan.
Tumayo siya at lumapit sa gilid ng bangin, palapit ng palapit. Bago paman siya kumuha ng isa pang hakbang, biglang may boses na nagsalita sa kanyang likuran.

Tumalikod ang lalaki at nakita muli ang matandang babae.
Jerome: Naghihintay sa iyo.
Matandang Diwata: Akala ko masaya ka na. May dahilan ka nang mabuhay. Binigyan kita ng panibagong pagkakataon. Ano pa ba ang ninanais mo?
Jerome: Ninais ko naman na makita ko ang dahilan ng buhay ko. Ngunit noong matagpuan ko ito ay tila babawiin na naman ito ulit…
Napaligiran sila ng ilang segundo ng katahimikan.
Jerome: … May hiling ako mula sa iyo. Isang huling hiling.
Matandang Diwata: ... Ano iyon, iho?
Jerome: Binigyan mo ako noon ng pagkakataon, diba? Ngayon, gusto ko na siya naman ang pagbigyan mo. Ibibigay ko ang lahat, pati buhay ko.
Tumingin ang matanda sa kanya.
Matandang Diwata: Sigurado ka ba sa desisyon mong ito?
Jerome: Oo.

Ginawa niya ito. May naramdaman siyang mga kamay sa kanyang dibdib at bigla siyang itinulak ng paurong. Habang nahuhulog, ngumiti ang lalaki.
EKSENA 4
Sa kabilang dako, nabigla ang babae sa kanyang kama sa ospital at napaupo ng matuwid. Tumutulo ang pawis mula sa kanyang noo at nanlamig ang kanyang buong katawan.
Erica: Sa wakas, gising ka na!
Tala: Asaan ba… si Jerome?
Diana: Hindi namin alam kung nasaan. Umalis siya ilang oras na ang nakalipas.
Ilang segundo ang lumpiad. Hindi niya sinadyang may tumulo na luha mula sa kanyang mata.
Tala: Jerome…

1 note
·
View note