#no (may halaga ba ito?)
Explore tagged Tumblr posts
bins-renz · 1 year ago
Text
Tumblr media
we live, we love, we lie
2 notes · View notes
karapatangpantao · 22 days ago
Text
Usaping Karapatang Pantao at Katarungang Panlipunan
Sa panahon ngayon, mahalaga ang pagbibigay pansin sa mga usaping may kinalaman sa karapatang pantao at katarungang panlipunan. Sa blog na ito, tatalakayin natin ang mga mahahalagang isyu tulad ng diskriminasyon, karahasan, at kawalan ng patas na oportunidad, upang magbigay kaalaman at magbukas ng diskusyon sa bawat mambabasa. Nais kong maging daan ito upang higit nating maunawaan ang tunay na halaga ng dignidad, pagkakapantay-pantay, at karapatan ng bawat indibidwal.
Tumblr media
Ano Nga Ba ang Karapatang Pantao?
Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan at kalayaang dapat matamasa ng mga mamamayan anuman ang kanilang lahi, kasarian, relihiyon, o estado sa buhay. Ang mga karapatang ito ay dapat igalang at protektahan ng bawat estado at mga miyembro ng lipunan. Kabilang dito ang karapatan sa buhay, kalayaan sa pagpapahayag, karapatan sa edukasyon, at ang karapatang maging malaya sa anumang uri ng diskriminasyon o pang-aabuso.
Mga Kasalukuyang Isyu sa Karapatang Pantao sa Bansa
Diskriminasyon - Hanggang ngayon ay may mga nakakaranas parin ng hindi makatarungang pagtrato na pag-apak sa karapatang pantao. Kabilang na sa mga nakakaranas nito ang mga kababaihan, miyembro ng LGBTQ+ at mga katutubong komunidad. Ang diskriminasyon ay harang sa pagkakaroon ng pantay-pantay na pagtrato sa lipunan.
Tumblr media
2. Kahirapan - Ang mga mahihirap ay kulang sa oportunidad sa edukasyon, kalusugan, at disenteng hanapbuhay. Ang pagkakaroon ng access sa mga "basic needs" ng tao ay nararapat sa karapatang pantao.
Tumblr media
3. Karahasan - Kabilang sa mga isyung pangkarapatang pantao ang pagprotekta sa bawat indibidwal laban sa karahasan, gaya ng pag-abuso sa kababaihan at mga bata, extra-judicial killings, at iba pang uri ng pang-aabuso.
Tumblr media
4. Kalusugan at Edukasyon - Madami ang walang access sa sapat na kalusugan at edukasyon, lalo na ang mga mahihirap at ang mga nasa malalayong komunidad. Ang karapatan sa sapat na kalusugan at edukasyon ay pangunahing pangangailangan at kasama sa karapatang pantao.
Tumblr media
Ano ang Maaaring Gawin?
Upang maisulong ang katarungang panlipunan at karapatang pantao, mahalagang magsimula sa pagpapalaganap ng kaalaman at edukasyon. Narito ang ilang hakbang na maaaring gawin upang makatulong sa pagsusulong ng karapatang pantao:
Maging bukas sa katotohanan - Alamin ang mga isyu na kinakaharap ng mga tao sa ating paligid. Mahalaga ang malawak na pag-unawa upang malaman kung paano makakatulong sa kanila.
Makiisa sa mga kampanya at mga adbokasiya - Tumulong at makibahagi sa mga organisasyon o mga tao na lumalaban upang mapanatili at hindi maabuso ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan.
Suportahan ang mga biktima - Ang pagsuporta at pagtulong sa mga biktima ng pagaabuso ng karapatang pantao ay mahalaga para sa kanila upang mabangon ang kanilang mga sarili.
Pagtutulungan para sa Pantay na Lipunan
Mahalaga na tayong lahat ay magkaisa sa pagpapahalaga at pagsulong ng karapatang pantao at katarungang panlipunan. Sa bawat maliit na hakbang—mula sa pagrespeto sa kapwa hanggang sa pakikiisa sa mga kampanya—may ambag tayo sa pagkakaroon ng mas patas at makatarungang lipunan. Sana’y maging inspirasyon ang ating mga nabasa upang patuloy na kumilos para sa kapakanan ng bawat isa.
Tumblr media
14 notes · View notes
kimhortons · 3 months ago
Text
meron akong kabobohang nagawa. haha. nag tataka kasi ako last time may magkasunod na bawas ng 95 pesos sa online banking ko sa UB, tas parang araw araw siya nagbabawas ng ganung amount.
dun kasi pumapasok yung sahod ko, buti nakaugalian ko na pagka sahod, tinatransfer ko agad lahat sa seabank—dun kasi mas madali mag send ng money, charge free pa. tas nung last sahod, nag tira ako dun ng halos 4k, tas nung nagtransfer ako nagtaka ako kasi parang kulang na, so chineck ko yung transaction. then ayun, may magkasunod na araw na bawas ng 95 pesos. haha
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
nabother ako kasi magkasunod na araw, tas baka mag tuloy tuloy kaya kinuha ko na lahat ng laman. wala ako maalala nun kung saan ako ng subscribe using my card bukod sa Spotify.
tas last week lang, nag check ako nung budget tracker na napurchase ko sa Facebook last time (august 7), at that point di ko pa narerealize na ito yun haha. tas may link kasi dun ng tutorial sa Youtube kung paano gamitin yung sheet. tas nakita ko yung name ng user sa YouTube may dashify. e pagkakatanda ko nadisconnect ko naman na agad yung card ko sa meta pay, kaya takang taka ako paano nababawasan. tas late ko na 'to nakita:
Tumblr media
hahahaha napamura ako e. so ngayon, parang need ko tuloy gumawa ng bagong account para mas safe. haha. or may alam ba kayong ibang way? ayaw ko naman din kasi irisk na okay na since di ko na binubukasan yung file, baka kasi biglang hindi lang 95 pesos yung makuha.
haha. imbes na maging on track sa finances, baka lalo pa mawalan hayp na yan. biruin mo, nafall ako sa 80 pesos haha. tas meron pa palang almost 120 from Facebook. tas ano, aaraw arawin ako bawasan hanggang sa malalaki na yung makuha. huhu shunga ko sa part na 'to haha.
never naman ako talaga gumagamit ng card sa online purchase laging gcash, ewan ko bat naisipan ko 'tong gamitin, kesyo maliit na halaga lang kasi. haha. nakaka dala. never na talaga ulit haha. siguro naman pag gumawa ako bagong account kahit nasa same device, safe naman ata ano? hehe. skl
9 notes · View notes
upismediacenter · 6 months ago
Text
OPINION: Sa Matinding Init, Magsasaka ang Lugi
Tumblr media
Illustration by Cassey Reyes
Ang matinding init ang isa sa pinakamalaking problema na hinaharap ng ating bansa sa kasalukuyan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), lagpas 40°C na ang heat index, kung saan ang init na nararamdaman ng tao ay nasusukat sa temperatura at maalinsangan na hangin, at laganap na ito sa maraming lugar sa Pilipinas. Dahil sa matinding init, kinakailangang suspindehin ang face-to-face na klase ng mga estudyante para protektahan ang kanilang kalusugan at kalagayan. Ngunit, paano naman ang kapakanan ng ating mga manggagawa, lalo na ang ating mga magsasaka, na hindi maaaring tumigil sa paghahanapbuhay?
Sa gitna ng matinding tag-init, ang sektor ng agrikultura, partikular ang kalagayan ng ating mga magsasaka, ay nangangailangan ng tulong at suporta mula sa atin at sa pamahalaan.
Maraming lugar sa bansa, tulad ng mga rehiyon ng Ilocos, MIMAROPA, Kanlurang Visayas, at Zamboanga Peninsula, ang nagsimula nang makaranas ng matinding tagtuyot. Isa naman sa mga lugar na higit na tinamaan ng tagtuyot ay ang probinsya ng Negros Occidental. Ayon sa United Sugar Producers Federations of the Philippines (UNIFED), natuyo ang 100,000 ektaryang taniman ng tubo dahil sa matinding init at kakulangan ng ulan. Bukod sa tubo, apektado rin ang mga taniman ng palay at mais. Ayon naman sa ulat ng Office of the Provincial Agriculturist ng Negros Occidental noong Abril 26, umabot ng P197.153 milyon ang halaga ng pagkasira sa kanilang ani ng palay at mais dahil sa El Niño. Ang ating mga magsasaka na kumikita ng mas mababa pa sa minimum wage ay lalong nawawalan ng kita dahil sa kasalukuyang sitwasyon. Ang kanilang kabuhayan ay nagmumula sa mga ani at dahil nga sa El Niño, bumabagal ang produksyon nito. Nakararanas din sila ng kakulangan sa gamit at materyales upang mapatubo ang mga pananim, dahilan upang lalong humina ang kanilang kita.
Sa kabila nito, makikita natin na hindi sapat ang tulong na naibigay ng gobyerno para harapin ang El Niño. Ayon sa Department of Agriculture (DA), nagbigay sila ng tulong na nagkakahalaga ng P1.08 bilyon sa pamamagitan ng pamamahagi ng mataas na kalidad na ani na nangangailangan ng kaunting tubig, hybrid rice seeds, fertilizers, pinansyal na tulong mula sa Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) Program, at pamamahagi ng mga katutubong hayop tulad ng mga kalabaw mula sa Philippine Native Animal Development (PNAD) Program upang maging mas madali ang transportasyon ng mga produkto at magsilbing tulong sa mga magsasaka na naapektuhan ng tagtuyot. Mabuti na sila ay kumikilos upang mabigyan ng tulong ang ating mga magsasaka pero sapat nga ba ang mga tulong na ito? Nakakarating nga ba sa ating mga magsasaka ang mga nakasaad na probisyon sa mga nabanggit na programa? Hindi pa rin sapat ang P1.08 bilyon na badyet sapagkat kumpara sa pangkabuuang badyet na inilaan para sa sektor ng agrikultura na P197.84 bilyon para sa taong 2024, napakakaunting bahagi lamang ang ibinigay para sa pinansyal na tulong sa mga magsasaka. Ang pinakakinakailangan ng mga magsasaka ay mas mainam na paghahanda bago pa mangyari ang tagtuyot.
Ayon sa DA at Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang kanilang plano ay “to increase resiliency of communities” ngunit mapapansin na hindi pangmatagalan at pangmalawakan ang nasasaklaw ng kanilang mga proyekto. May mga programa tulad ng Buying Rescue Program kung saan ang DA ay bumibili ng mga produkto ng mga magsasaka at ibinebenta sa iba’t ibang sektor sa Cagayan Valley Region ngunit nakasalalay ito sa dami ng produksyon ng mga magsasaka. Sa mga sitwasyon kagaya ngayon kung saan mababa ang ani, halos wala pa ring maibebentang produkto. Dagdag dito, hindi nawawala sa mga balita ang mga pananim na nabubulok at napipilitang itapon dahil hindi nakararating sa merkado. Samakatuwid, marami pa rin sa mga ani sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang hindi maayos na naitatawid sa pamilihan. Isa pa ay ang Sikat Saka Program (SSP) kung saan ang Land Bank of the Philippines (LANDBANK) ay nagbigay ng pinansyal na tulong sa mga magsasaka, subalit isa itong halimbawa ng pagbibigay ng tulong kapag nangyari na ang sakuna. Ang band-aid na solusyon ng pagbibigay tulong-pinansyal ay laging hindi sapat sa paglulutas ng mismong suliranin. Ibang usapin pa kung gaano kasapat ang tulong pinansyal na ito upang matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong magsasaka. Kasabay ng pansamantalang tulong na ito, mas mahalaga ang pangmatagalang solusyon na susuporta sa mga magsasaka sa pagdating ng anomang uri ng sakuna o kalamidad. Kung hindi matibay ang pundasyon ng ating gobyerno sa pagtugon sa El Niño, lubhang mahihirapanan ang mga nasa sektor ng agrikultura at mapipilitan silang maghanap ng ibang trabaho para lamang makapag-uwi ng makakain para sa kanilang pamilya.
Tungkulin ng ating gobyerno na tugunan ang mga pangangailangan ng sektor ng ating agrikultura. Kinakailangan nilang bigyan ng mas maunlad na teknolohiya ang ating magsasaka upang maging magaan ang sistema ng pag-aani, mabilisan ang produksyon, at masiguradong sustainable ang paraan ng kanilang pag-ani. Isa pa ay ang pagbibigay ng access sa merkado upang sila’y direktang makapagbenta ng kanilang anihin. Marami pang kailangang gawin, subalit hindi tayo dapat mawawalan ng pag-asa dahil tinitingnan na ng DA ang paggamit ng Alternate Wetting and Drying Technique kung saan ang mga magsasaka ay maaaring makapagtanim kahit kaunti lamang ang tubig. Itinatag din ng gobyerno ang Farm-to-Market Network Plan (FMRNP) kung saan nagbibigay-daan sa mga nasa sektor ng agrikultura na mas madaling makapag-access sa ating merkado sa pamamagitan ng pagtayo at pag-rehabilitate ng mga kalsada. Ang mga plano at solusyon na ito ay kinakailangang matiyak na naisasakatuparan at aktuwal na nararanasan ng mga magsasaka upang magtagumpay ang mga programa.
Ngunit sa dami ng programa na isinagawa ng ating gobyerno para sa ating mga magsasaka, nakapagtataka na patuloy pa rin silang naghihirap. Isa sa tinitingnang dahilan ay ang pagkakaroon ng mga middleman, na bumibili ng kanilang produkto sa mababang halaga at ibinebenta ito sa mas mataas na presyo. Ayon kay Jet Orbidad, isang magsasaka na nagsimula noong 2003, sa isang interbyu sa Star34 PhilStar Life“...they (middleman) are the reason why small and marginalized farmers are getting poorer… Most middlemen do not practice fair trade, and the poor farmers — incapable of entrepreneurial skills — agree to receive a pittance in exchange for the products they worked hard on.” Makikita sa pahayag na ito na ang isa pang kailangan ng mga magsasaka ay pagsasanay sa pakikipagtransaksyon at pakikipagkalakal upang hindi sila madaling mapagsamantalahan. Mayroon ding isyu tungkol sa rice mafias kung saan sila’y nagpupuslit ng mga bigas na nagsisilbing hamon sa mga magsasaka dahil nadadagdagan ang kanilang kumpetisyon sa pamilihan. Isa pa ay ang ating mga magsasaka ay nangangailangan ng mga advanced na teknolohiya na naaayon sa kondisyon at pangangailangan nila. “I am not anti-development but if the development does not fit to the needs of the farmers it will not work,” ani ni Mariano Naez, isang animnapu’t siyam taong magsasaka sa Cotabato, sa isang interbyu sa Sunstar noong 2023. Sinabi niya rin na ang mga magsasaka ay nahihirapang bumili ng mga kagamitan dahil sa taas ng presyo kaya mas mahihirapan silang makabili ng mga teknolohiya para sa kanila.
Bilang backbone ng ekonomiya ng Pilipinas, ang sektor ng agrikultura ay isa sa mga pinakaimportanteng sektor na nakakatulong sa pagdami ng trabaho at pagtaas ng Gross Domestic Product (GDP) ng ating bansa. Ito’y nakapag-ambag ng 9.55% noong 2022 habang 9% naman ang naiambag sa ating GDP noong 2023 ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority. Ngunit, kung makikita natin ang mga nakaraang ambag ng agrikultural na sektor sa ating GDP ayon sa Statista, makikitang ito’y mas mataas noon, dahil naglaro ito sa 10.07% hanggang 13.1% mula 2012 hanggang 2021. Ito’y nagpapahiwatig na ang kontribusyon ng agrikultura sa GDP ng ating bansa ay patuloy na bumababa.
Ayon sa isang panayam kay Albay Rep. Joey Salceda, ang pag-unlad ng sektor sa agrikultura ay mahalaga para labanan ang kahirapan sa Pilipinas: “So, maganda po kung galing na sa agriculture ang growth po ng Pilipinas.” Ayon naman sa National Economic and Development Authority (NEDA), posibleng maging “upper-middle-income-country” status tayo pagdating ng 2025 kasama ang tulong ng sektor ng agrikultura. Paano natin ito makakamit kung hindi nabibigyan ng tamang seguridad ang kanilang trabaho at patuloy na magbibigay ng mga hindi mabisang solusyon ang ating gobyerno?
Ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa. Kahit ang Presidente Ferdinand Marcos Jr. ay kinilala ito bilang “driver of the economy,” sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong 2023. Ngunit sa kabila nito, makikita natin ang kakulangan ng implementasyon ng mabubuting programa at kawalan ng konsultasyon sa mismong mga magsasaka para marinig ang kanilang totoong mga pangangailangan.
Ang pinakakinakailangang tugunan ng ating gobyerno, sa halip na mga pantapal na solusyon, ay ang pagpapalakas sa ating mga magsasaka sa pamamagitan ng paglaganap ng mga libre at maayos na training programs upang sila ay matutong mag-adjust sa mga kinakaharap na sakuna at mas maging sustainable ang kanilang paraan ng pag-aani. Mainam din na sila ay turuang magnegosyo upang masanay sila sa pakikipagkalakalan sa merkado. Sa ganitong paraan, mas magkakaroon ng pangmatagalang benepisyo ang ating mga magsasaka.
Bilang mga mag-aaral, maaari tayong makatulong sa pamamagitan ng pamimili ng kanilang anihin mula sa mga organisasyon na bumibili direkta mula sa mga magsasaka. Ang ilang halimbawa ng ganitong klase ng organisasyon ay Rural Rising Philippines, Fresh Produce PH, at Ramzy’s Variety Store. Panghuli, huwag tayong tumigil sa pagiging boses ng mga nasa sektor ng agrikultura. Dagdag dito, ang patuloy na pagiging malay sa kalagayan ng ating magsasaka ay makakatulong upang kasama nila tayong manawagan para sa suporta mula sa pamahalaan.
Tandaan natin na bagama’t ang layunin ng mga magsasaka ay makapagbigay ng higit na sapat na pagkain para sa kanilang kababayan, hirap sila na gawin ito para sa sarili nilang pamilya at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natutugunan ng ating gobyerno.
// ni Mayden Bartolabac
Mga Sanggunian:
Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering. Farm-to-Market Road Network Plan for a Progressive farming industry and a better Philippines. https://bafe.da.gov.ph/index.php/2022/03/23/http-bafe-da-gov-ph-wp-admin-post-phppost12278/
Cariaso, B. (2023, July 24). Marcos focuses on agriculture as driver of economy - DA official. PhilStar Global. https://www.philstar.com/headlines/2023/07/24/2283322/marcos-focuses-agriculture-driver-economy-da-official
Cariaso, B. (2023, September 26). Rice mafia behind tariff cuts on imported grains – farmers. Philstar. https://www.philstar.com/headlines/2023/09/26/2299041/rice-mafia-behind-tariff-cuts-imported-grains-farmers
Cordero, T. (2024, March 2). El Niño farmers to get credit, insurance aid -DA. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/899246/el-nino-hit-farmers-to-get-credit-insurance-aid-da/story/
Cordero, T. (2024, April 3). Agri damage due to El Niño reaches P2.63B, assistance to farmers at P1.08B -DA. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/902512/agri-damage-due-to-el-nino-reaches-p2-63b-assistance-to-farmers-at-p1-08b-da/story/
DA-AFID. (2024, February 16). DA adopts low-water-use strategies amid El Niño, allowing farmers to continue planting rice. Department of Agriculture. https://www.da.gov.ph/da-adopts-low-water-use-strategies-amid-el-nino-allowing-farmers-to-continue-planting-rice/
Delilan, E. (2024, April 4). Drought-hit town in Negros Occidental declares calamity, seeks aid. RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/visayas/drought-san-enrique-negros-occidental-declares-calamity-seeks-aid/
Delilan, E. (2024, March 14). 100,000 hectares of Negros sugarcane fields dry up, says producers’ group. RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/visayas/negros-sugarcane-fields-dry-up-producers-group/
Delilan, E. (2024, April 27). El Niño damage to rice, corn crops in Negros Occidental hits P197 million. RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/visayas/damage-el-nino-rice-corn-crops-negros-occidental-april-2024/
Department of Agriculture Agricultural Credit Policy Council. Sikat Saka Program. https://acpc.gov.ph/sikat-saka/#:~:text=The%20DA%20Sikat%20Saka%20Program,for%20their%20production%20activities%2Fprojects.
Department of Budget and Management. (2023, August 9). Agriculture sector’s P197.84 billion budget for 2024 to boost food, water security. https://www.dbm.gov.ph/index.php/management-2/210-agriculture-sectors-p197-84-billion-budget-for-2024-to-boost-food-water-security
Ebreo, B. M., (2024, February 2). Veggie farmers rake sales with DA’s buying rescue program. Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/2024/02/02/veggie-farmers-rake-sales-with-das-buying-rescue-program
Ferrariz, G. Jr. (2023, April 25). LIST: Where you can buy fresh produce, goods to help local farmers in PH. Rappler. https://www.rappler.com/nation/list-buy-fresh-produce-help-farmers-philippines/#:~:text=You%20can%20continue%20to%20support,through%20these%20networks%20and%20initiatives.&text=Rural%20Rising%20Philippines%20(RuRi)%20is,local%20farmers%20sell%20their%20products.
GMA Integrated News. (2024, March 13). Dam water levels continue to decline amid El Niño. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/900332/dam-water-levels-continue-to-decline-amid-el-nino/story/
Gozum, I. (2024, January 20). Is the Philippines prepared for El Niño? RAPPLER. https://www.rappler.com/newsbreak/explainers/is-philippines-ready-el-nino/#:~:text=El%20Ni%C3%B1o%20has%20historically%20impacted,crop%20failures%20affecting%20food%20production.
Montemayor, M. T. (2024, February 1). PH farm sector grows faster at 1.2% in 2023 – DA chief. Philippine News Agency.https://www.pna.gov.ph/articles/1218118
O’Neill, A. (2024, January 11). Philippines: Share of economic sectors in the gross domestic product (GDP) from 2012 to 2022. Statista. https://www.statista.com/statistics/578787/share-of-economic-sectors-in-the-gdp-in-philippines/#:~:text=In%202022%2C%20the%20share%20of,sector%20contributed%20about%2061.22%20percent.
Orbida, J. (n.d.). From farm to table — cutting out the middlemen in agriculture. Star 34.philstarlife. https://star34.philstarlife.com/article/315024-from-farm-to-table-cutting-out-the-middlemen-in-agriculture
PAGASA. Highest Heat Index. GOVPH. https://www.pagasa.dost.gov.ph/weather/heat-index
Patumbon, R. G. G. (2023, November 25). Farmers ask for tech suited for their needs. Sunstar. https://www.sunstar.com.ph/davao/farmers-ask-for-techsuited-for-their-needs
9 notes · View notes
iris-sistibly · 2 years ago
Text
Tumblr media
Bakit?
Isang salita, isang tanong ang gumugulo sa aking isipan. 
Bakit humantong sa ganito ang buhay ko? Bakit ako nag-iisa at nagdurusa? 
Ako ay isinilang na walang alam tungkol sa totoo kong pagkatao, pinuno ng pagmamahal, pinag-aral, tinuruan kung paano maging isang huwarang babae na dapat tularan ng ibang dalaga, at upang maging karapat-dapat na asawa para sa aking nag-iisang mahal. Ang aking irog na si Crisostomo, wala akong hinangad kundi ang makasal sa kanya, maging katuwang niya habang unti-unti niyang tinutupad ang mga pangarap niya para sa bayan, bumuo ng pamilya, at tumandang magkasama. 
Ngunit sa isang iglap, nawala ang lahat…
Tila ang lahat ng iyon ay isang magandang panaginip na naglaho nang ako’y magising sa masakit na katotohanan. Na ako’y hindi bunga ng pagmamahalan ng aking mga magulang, kundi ng pagnanasa ng isang taong itinuring kong pangalawang ama, na ako’y matagal nang bilanggo at pinatatahimik ng mga taong akala ko’y naghahangad lamang ng mabuti para sa akin, na ang mga taong akala ng lahat ay banal na sugo ng Panginoon, ay siya palang mga tunay na mga makasalanan, na siya ring nagwasak at pumaslang kay Crisostomo. 
At ang pinakamasakit ay wala akong nagawa upang sagipin siya. 
Hanggang sa kanyang kamatayan ay pinili kong ingatan ang pagmamahal na inalay ni Ibarra sa akin, ito na lamang ang magagawa ko upang ipaglaban siya at ang aming pag-iibigan. Kung hindi rin siya ang aking magiging kabiyak ay mabuti pang magpakasal na lamang ako sa Panginoon, at igugol ang buhay ko sa paglilingkod sa Kanya kahit na tutol ang tunay kong ama. Hindi ako nagpatinag sa kabila ng kanyang pagmamakaawa, kahit ang kinilala kong ama, at ang tiya Isabel ay wala ring nagawa. Pinili kong manirahan sa tahanan ng Diyos, sa paniniwalang makakamtan ko ang paghilom at katahimikan na aking inaasam sa Kanyang piling. 
Ngunit mali ako, nagkamali ako…
Sapagkat ang lugar na inaasahan kong magiging kaligtasan ko ay siya palang maghahatid sa akin sa impyernong ito! Dahil dito ko nasilayan ang tunay na anyo ng isang demonyo! Wala siyang pangil o sungay, isa siyang taong nagbabanal-banalan, nagmimisa, at nagtuturo ng mga aral ng Diyos. Ngunit ang kanyang ugali at gawi ay taliwas sa sinasabi ng Bibliya, tunay siyang kasuklam-suklam! At habang niyuyurakan niya ang aking dangal, ay sumagi sa isip ko ang aking masaya at tila perkpektong buhay noon, ang aking papá at tiya na nagmahal at nag-aruga sa akin, ang aking mga amiga na lagi kong kasa-kasama mula pagkabata. Si Crisostomo na nag-alay ng dalisay na pagmamahal at paggalang sa akin. At si Klay, ang estrangherang nagturo sa akin na tumayo sa sarili kong mga paa, ang babaeng nagpakita sa akin ng tunay na halaga at kakayahan ng isang babae. Higit sa lahat, ang aking sarili na parang kandilang unti-unting nauupos habang isa-isang binabawi sa akin ang aking kaligayahan, lakas, at natitirang pag-asa.
Akala ko, ang pagkamatay ni Crisostomo ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Na akala ko'y naubos na ang natitira kong luha sa pagkawala ng aking pinakamamahal. May mas isasakit pa pala...
At habangbuhay ko itong tatangisan...
Maraming katanungan ang naglalaro sa isip ko, ito ba ay parusa ng langit dahil sa kalapastanganang ginawa ng aking tunay na ama sa aking ina? Ako ba ang naging kabayaran sa lahat ng hinagpis na dinanas ni mamá noong siya ay nabubuhay pa? Ako ba ay kanyang isinumpa dahil sa kanyang matinding galit?
Aking Ina, bakit pinabayaan mo ako't isinadlak sa matinding pagdurusa? Ano’t tila ako ay iyong tinalikuran at kinalimutan? Bakit hinayaan mong danasin ko ang kaparusahang higit pa sa kamatayan? 
Bakit ako Ina? Bakit?
-Ang Hinagpis ni Maria Clara (sa panulat ni: Iris)
Mula sa epilogo ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal na pinagbasehan ng palabas na Maria Clara at Ibarra. Ang dalawang ito naman ang siyang aking naging inspirasyon at basehan upang maisulat ang kathang ito. 
*
A/N: It's my first time writing a 99.99% tagalog fanfic. Mej nag nosebleed lang ako ng very slight but I’m so proud that I was able to write this. Obviously this is more of an expounded version of Maria Clara’s anguish after Padre Salvi violated her (and just before her breakdown), I wish she slit that asshole of a priest’s throat though, like seriously he doesn’t deserve to live. I have watched a video somewhere saying that the epilogue of Noli was based on the ill fate of a nun who was raped by a priest and was seen screaming and crying at the kampanaryo...or something like that. Oh and the "Ina" Maria was referring to on the last part was the Blessed Virgin Mary in case you're wondering.
Anyhoo, I feel sad that this show is going to end in 4 weeks, and idk how they are going to pull-off the story of El Filibusterismo in such a short amount of time, but I’m wishing the whole MCI team the best. 
27 notes · View notes
seannesruins · 9 months ago
Text
May kwento ako, makikinig ka ba?
Madalas mong sabihin na wala akong pakiramdam, na mahina ang pang unawa pagdating sa emosyon. Totoo, minanhid na 'ko ng panahon. Sa tagal ba naman na mag isa, natuto akong isantabi ang mga personal na nararamdaman, unahin ang mga paraan para mabuhay sa magulong mundo na ito.
Madalas akong maghanap ng pupuno sa pag iisa. Bigo sa una, pangalawa, pangatlo, hanggang sa 'di na mabilang, napagod nang sumubok. Paulit ulit din naman ang sinabi nila, madamot ako. Kumukuha lang ako pero hindi nagbibigay. Sabi nila mas mahal ko ang sarili ko, na hindi ko kayang magmahal ng iba.
Tumblr media
Nakilala kita sa panahong kailangan ko ng pansamantalang pahinga. Ibinigay mo ito ng panandalian, nang ilang ulit, sa loob ng ilang taon. Nasanay akong kahit mawala nang paulit-ulit ay babalik at babalik rin. Maniwala ka, ginusto kong subukan mula pa lang ng umpisa pero natakot ako. Natakot akong kapag hiniling kong mas mapalapit sa'yo ay tuluyan ka nang mawala.
Nakilala ko sya sa panahong walang ikaw. Hindi ko alam kung bakit o kung kailan, basta ang alam ko, dahil sa kanya natuto akong magbigay. Lahat ng ipinagdamot ko sa mundo ay ibinuhos ko sa kanya. Bawat atensyon, bawat oras, pati na din ang bawat parte at piraso ko ay naging kanya. Kanya ako ng buong buo, walang kulang at labis labis pa nga. Naging dahilan sya ng bawat ngiti, ng bawat pag gising sa umaga, ng bawat mahimbing na tulog sa gabi. Minahal ko sya sa paraang hindi ko rin inaasahan na kaya ko pala. Minahal ko sya na para bang sya ang una, at sya ang huli.
Pero tinapos nya ang lahat na para bang wala lang akong halaga. Hindi ko alam ang mararamdaman, gayong bilanggo pa din ako ng pag ibig nyang hindi man lang nagtagal. Madalas ko syang hanapin sa mga taong nakakasalamuha, umaasang masisilayan ang pamilyar na ngiti, maramdaman muli ang mga haplos na nakasanayan.
Hanggang sa matagpuan ka muli. Sa'yo ko naramdaman ang pahinga na hindi ko maramdaman kanino man. Sa pagkakataong ito, ayaw ko na ng panandalian, ayaw ko nang mawala ka pa. Hindi ko alam kung kailan o kung paano, basta ang alam ko ay ibinalik mo ang mga ngiti, posible pa pala. Dahil sa'yo pinili kong subukan ulit, kahit may pangamba, may pagdududa, may takot na baka masaktan lang ulit ako. Dahil sa'yo gusto kong magmahal ulit.
Tumblr media
Pasensya na, mahal, kung hindi ko madalas maiparamdam sa'yo kung gaano ka itinatangi ng puso ko. Hindi ko kayang magkunwari o sabihing hanggang dito lang ang kaya kong ibigay. Ang totoo nyan, gustuhin ko man ibigay ang lahat sa'yo, naubos na ko ng pag ibig ko sa kanya. Kaya't pasensya na sa lahat ng pagkukulang ko, sinusubukan kong bumangon para sa'yo, para sa'tin. Pasensya na kung pakiramdam mo ay itinatago kita, ang totoo ay ayaw kong masira ng magulong mundo ang pag ibig na mayroon tayo. Ang gusto ko ay tahimik, payapa, nakabalot sa'yong yakap at halik. Ang gusto ko ay pag ibig na hindi kailangan malaman nang marami, na para bang may kailangan tayong patunayan. Ang gusto ko ay pag ibig na para sa ating dalawa lang.
Alam kong kalabisan ang hingiin na manatili ka sa'kin. Maiintindihan ko kung pipiliin mong umalis. Pero kung sakaling handa kang mahalin ako ngayong hindi pa ako buo, sa'yo lang bawat piraso ko, pangako.
Mahal kita.
2 notes · View notes
m--a-r-i--a · 6 months ago
Text
"Comfort friend"
Sana all 'no? Sa mga taong may napagsasabihan ng problema. Mga taong kayang lumapit sa mga magulang, kaibigan, o kaya'y guro na napalapit sila. Sa ganang akin kasi may kani-kaniyang problema ang bawa't isa na kinakaharap kaya bakit ko aabalahin ang ibang tao para lang makinig sa mga hinaing ko sa buhay? Ayaw kong makaistorbo at ayaw kong masayang ang oras nila. Hindi ba't maganda na mga masasayang alaala ang likhain kasama ng mga taong mahal mo sa buhay sa halip na magsalitan kayo ng mga mapapait na karanasan? Iyan ang pilit kong itinatanim sa aking utak kaya hindi bukas ang aking puso na tumanggap ng mga taong nais na makinig sa akin.
Wika nga ng karamihan, masarap sa pakiramdam ang may nasasabihan o nalalapitan kapag may problema. Magandang magkaroong ng masasandalan sa tuwing sukong-suko ka na dahil hindi magandang kinikimkim sa kaloob-looban ang mga sakit na nadarama. Siguro ito ang nagpapaliwanag kung bakit gumagaan ang ating loob sa tuwing nailalabas natin ang ating galit, poot, suklam, kalungkutan, kasawian, o paghihinagpis.
Ngunit kahit ilang beses ko pang marinig ang mga pahayag na iyan. Hindi ko pa rin kayang magsabi sa mga tao ng aking mga problema. Bukod sa ayaw kong makaabala ng oras nila, natatakot akong mahusgahan sa mga pangyayari sa buhay ko at dahil hindi rin naiiwasan na madalas ma-iinvalidate ang iyong nararamdaman. May iba kasing minamaliit lamang ang mga napagdaraanan ng iba at kanila pa itong ikukumpara sa pinagdaraanan ng ibang tao o sa kanila. Alam kong hindi lahat ganiyan pero hindi pa rin maiiwasan ang mga agam-agam o pangangamba. Paano kung gamitin nila ang mga sinabi ko laban sa akin? Iyan ang isa sa aking mga dahilan kung bakit hirap akong magpahayag ng damdamin sa iba.
Hai.. kung maaari lang talaga, nais kong mabago ang aking pananaw na iyan. Dahil sa totoo lang, sukong-suko na ako sa buhay ko ngayon. Ang dating ako na matatag sa kahit anong problema ang tahakin ko, ngayon ay pawang natutong saktan ang sarili at lagyan ng mga hiwa ang galang-galangan ko. Totoo pala talaga 'no? Kapag wala kang mapagsabihan ng problema at tuluyan mo itong dinamdam at kinimkim nang kay tagal, sa sarili mo ilalabas lahat ng nararamdaman mo sa pamamagitan ng pananakit sa sarili mo. O ako lang ang ganito? Sa totoo lang hindi ko na alam saan na patungo ang buhay ko o kung may patutunguhan pa ba ako. Sana na lang kung dumating ako sa puntong ayaw ko na at magpapakamatay na ako, ay makita kong muli ang halaga ng buhay at itigil ang ginagawa ko(pagpapakamatay) upang bigyan ang sarili ko ng pangalawang pagkakataon na mabuhay muli at magsimula nang bago at masaya.
Nakakatawang isipin, dahil napakahusay kong makinig at umunawa sa ibang taong nagsasabi ng mga problema sa akin, ang kahusayan ko magbigay ng payo pero hindi ko maisabuhay ang mga payo ko sa kanila. Ang daling magpagaan ng loob ng iba ngunit ang hirap magsabi ng problema sa kanila. Nakakahiya, may pinagdaraanan din sila. Ayaw kong mamroblema sila sa kung paano nila ako papayuhan, paano nila pagagaanin ang aking loob, at ayaw kong mamroblema sila sa problema ko. Ako na lang ang laging 'comfort friend' nila, pero ako, walang ganiyan ni isa. :))
1 note · View note
jon3 · 11 months ago
Text
Repleksyon sa Bigat ng "Ang Bigote ng Tigre"
Tumblr media
Para sa konteksto,
nagsimula ang kwento kay Yun Ok na nag aalala sa kanyang asawa dahil parang ibang tao ito simula nang bumalik ito sa digmaan.
Si Yun Ok ay lumapit sa ermitanyo para itanong kung may lunas ba sa kakaibang ugali ng asawa niya. Ang ermitanyo ay nag aalok ng isang remedyo ngunit nangangailangan ng bigote ng isang buhay na tigre.
Nagaalala si Yun Ok kung paano niya makukuha ang bigote ng tigre. Gayunman, sa maraming oras at pagsisikap, naamo niya ang tigre at naalis ang kanyang unang takot sa hayop.
Bumalik siya sa ermitanyo na may ningning ng pagkuha ng bigote mula sa isang buhay na tigre. Inihayag ng ermitanyo na ang bigote ay walang halaga at ang remedyo ay ang kanyang determinasyon na harapin ang isang nakakatakot na sitwasyon. Handa na si Yun Ok na alagaan ang kanyang asawa.
Personal na Replektibo:
Simple lang ang aral ng kwentong ito subalit masalimuot ang subtext. Mula sa impormasyong na maidudulot sa kwento, maaari nating ipagpalagay na ang asawa ni Yun Ok ay nagdurusa sa PTSD at shellshocked nang bumalik siya mula sa digmaan.
Ipinapakita nito ang masamang epekto ng digmaan kahit nasa labas nito, kung paano natin ito makikita sa ating tahanan at sa ating kaisipan.
Si Yun Ok ay takot na takot sa kanyang asawa na mas gusto pa niya ilagay sa panganib ang kanyang buhay upang harapin ang isang tigre.
Tila hindi makatarungan, ngunit ito ay kumakatawan sa kung paano sa realidad ang mga sakit sa isip ay tinitignan na may diskriminasyon at nakakatok na maaaring maihahalintulad ito sa isang mabangis na halimaw.
Gayunpaman, tulad ng mabangis na hayop sa kwento, matututo tayong maging matiyaga at nagmamalasakit sa kanila hanggang sa mapagtanto natin ang nilalang sa likod ng takot. Isang taong dapat pagsikapan, at isang taong nangangailangan ng pasensya, pagmamahal, at tulong natin.
Tumblr media
2 notes · View notes
padaaayon · 2 years ago
Text
I just want to tell myself that “you did a great job!”. Alam kong hindi madali yung pinagdaanan ko. Pero sa kabila ng pag iintindi ko mas nanaig yung maging mabuti pa rin at mag move forward sa mga bagay na hindi na dapat pag aksayahan ng oras at panahon. Kanina, biglaan kaming nagkita ng ex ko. Nasa iisang circle of friends lang kasi kami and hindi ko ineexpect talaga na mag kikita kami kasi lagi kaming salisi. Sa umpisa, hindi ko alam ano yung magiging reaction ko kapag nakita ko na siya ng personal. May halong excitement, may halong kaba na may halong takot ganyan yung naramdaman ko kanina. Excited kasi ngayon ko nalang ulit sya makikita, may halong kaba na may halong takot kasi naalala ko yung mga panahon na kung paano nya sinabi sakin na “tigil muna natin ‘to.” Sa sobrang kabado ko kanina sorry po sa manong driver na hindi ako nakabayad ng jeepney fare hayaan nyo po dodoblihin ko yung bayad ko sa susunod. Gusto kong ikalma yung sarili ko kanina, gusto ko subukan yung sarili ko na kung kaya ko na ba. Kasi sabi ko, ito na yun eh malalaman ko na yung sagot sa tanong na hinahanap ko ng mahigit isang buwan. Akala ko kapag nakita ko sya iiyak ako pero nagkakamali pala ako. Akala ko hindi pa ako okay pero nung nagkita kami, okay na pala ako. Sobrang awkward kanina, at alam ko naman na ganon rin sakanya. Hindi kami nag usap, magkatalikuran kami ng pwesto kanina at doon ko na sinubukan ulit mag reach out na baka sakali na yung sinagot nya ako sa tanong ko dati na kung pwede na pag usapan at sa panahong hindi pa sya ready sa ganong pagkakataon umasa ako na may makukuha akong sagot. Kinamusta ko sya, sinabihan nya ako ng “im okay” and sinagot ko sya ng “ayos yan!” Nakakatawa man, pero ganon na sinagot ko sakanya. Then, naghihintay ako sakanya na baka sakaling magpaliwanag sya sakin iclarify yung mga bagay bagay pero sa ganong actions nya sakin yun na yung pinakasagot. Ginawa ko naman na yung part ko siguro naman sapat yun. Hindi ko man alam kung ano pov nya pero ayun, masasabi ko na okay na pala ako. Mas nalaman ko na yung halaga ko.
13 notes · View notes
prikitiwsthoughts · 1 year ago
Text
Kanina pagbaba ko ng MRT sobrang lakas ng ulan. Sa Centris ang baba ko—Q. Ave station. Habang naglalakad ako may nakita akong mga puno sa may gillid paakyat ng overpass. Kung minsan ka nang napadpad sa Centris alam mo yung tinutukoy ko.
Pagkakita ko sa mga puno naisip ko bigla, hindi ba sa halaman para maging maganda ang pagkakatubo nila kailangan nila ng pataba? At ang pinaka-epektibong pataba sa halaman ay organic fertilizer. Yung organic fertilizer mga waste—dumi ng hayop, mga tuyong dahon, bulok na kung anu-ano at mga pinagbalatan ng gulay at prutas. Mga basurang nabubulok.
Kaya siguro may mga nakikilala tayong mga taong tinatawag nating 'red flag'. Yung mga taong sasaktan ka, lolokohin ka, aabusuhin ka o kaya paglalaruan ka. Para tayong mga halaman, tapos sila yung mga organic fertilizer—mga nabubulok. At bilang mga halaman kahit nabubulok na sila nakikitaan pa rin natin sila ng halaga, kaya hahayaan natin silang maging parte ng buhay natin. Tapos dahil sa pananakit nila sa atin, mas natututo tayo. Mas lalo tayong nagiging malakas. Mas lalo nating minamahal yung sarili natin. Sa madaling salita, mas maganda ang magiging tubo mo bilang isang halaman.
Oo, nabubulok na sila. Pero pinaparamdam natin sa kanila na may halaga sila, nasa kanila na kung papahalagahan nila tayo o sasayangin. Hindi ka natalo, mas panalo pa nga eh di ba? Sino bang nawalan, ikaw ba?
Sobrang trapik sa Araneta at Sto. Domingo, baha kasi sa Biak na Bato. Inabot ako ng siyam-siyam sa dyip. Epekto ito ng trapik at palpitation.
2 notes · View notes
mylesicy · 2 years ago
Text
Halimbawa ng Akademikong Sulatin, ayon sa layunin, gamit at katangian
Anyo: Abstrak
Layunin: Mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.
Gamit: Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report.
Katangian: Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng nilalaman.
Anyo: Sintesis o Buod
Layunin: Organisadong mailahad ang kabuuang nilalaman ng teksto ng may pagkakasunod sunod.
Gamit: Nagpapaikli sa kwento at nilalaman nito ang mahahalagang pang yayari sa isang teksto.
Katangian: Pagpapaikli sa nilalaman ngunit nakaulat na rito ang mga mahalagang detalye sa mas maikli at maayos na pamamaraan.
Anyo: Bionote
Layunin: Ito ay may layunin na ipakilala ang manunulat at nagpapahayag ng mga katangian nito bilang isang indibidwal na may kredibilidad.
Gamit: Ginagamit ang mga bionote upang mabigyan ng sariling “profile” ang isang tao at naipapakita ang mga nagawa nito katulad ng mga akademikong achievements mga parangal at iba pa.
Katangian: Maikli lamang ang laman nito, gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw (third-person), nagpapakilala sa mambabasa, gumagamit ng baliktad na tatsulok na sistema ng pagpapakita ng impormasyon mula sa pinakamahalaga papunta sa hindi gaano ka halaga. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian, binabanggit ang degree kung kailangan at maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon.
Anyo: Memorandum
Layunin: Maipabatid ang mga impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o pagtitipon.
Gamit: Paghingi ng impormasyon, pag-aanunsiyo ng mga pagbabago sa mga pulong at pagbubuod ng mga pulong.
Katangian: Organisado at malinaw para maunawaan ng mabuti.
Anyo: Agenda
Layunin: Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksan tatalakayin sapagpupulong na magaganap para sa kaayusan ng atorgansadong pagpupulong.
Gamit: Ginagamit para maipakita ang adyenda ng isang meeting atpara maging organisado ang meeting.
Katangian: Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ngpagpupulong.
Anyo: Panukalang Proyekto
Layunin: Ang layunin nito ay malaman ang plano na maaring gawin sa hinaharap.
Gamit: Ito ay ginagamit upang malaman ang isang proposal na kailangang ilatag at naglalayong mailatag ang mga plano na gagawin sa hinaharap.
Katangian: Ito ay pormal at makikita rin dito kung ano nga ba ang mga napagusapan sa natapos na pulong.
Anyo: Talumpati
Layunin: Layunin ng Talumpati na humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Gamit: Ang gamit ng talumpati ay ang makapagpahayag ng mga salita sa madla na siyang binubuo ng "Tagapagsalita" at "Tagapakinig".
Katangian: Ang katangian ng Talumpati ay ang pagtalakay sa napapanahong isyu o paksa na ang layunin ay bigkasin sa harap ng madla na handang makinig.
Anyo: Katitikan ng Pulong
Layunin: Ang pangunahing layunin nito ay maging pormal na pag-uulat ng mga naging kaganapan sa pormal na pagpupulong.
Gamit: Ito ay ginagamit na kung saan ay dito natin makikita ang opisyal na tala ng isang pulong at upang malaman kung kailan ang susunod na pulong.
Katangian: Ito ay dapat organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga puntong napag-usapan at makatotohanan.
Anyo: Posisyong Papel
Layunin: Layunin ng posisyong papel na mahikayat ang mga mambabasa na magkaroon ng kamulatan sa argumentong inihahain sa kanila. Ang mga posisyong papel ay karaniwang isinusulat mula sa pinakasimpleng format tulad ng letter to the editor hanggang sa pinakakomplikadong academic position paper.
Gamit: Ang isang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.
Katangian: Maaari itong kabilangan ng mga isyung may saklaw na pambansa o pandaigdigang may epekto sa isa o maraming pangkat ng mga indibi dwal o sa isang buong pamayanan sa pangkalahatan. Kung gayon, likas itong kontrober siyal at nagtataglay ng mga nagtutunggaliang pananaw.
Anyo: Replektibong Sanaysay
Layunin: Ang layunin ng Replektibong Sanaysay ay ang makapag pahayag at maipahiwatig ang pananaw o perspektibo tungkol sa mga isyu o kontento.
Gamit: Ang gamit ng Replektibong Sanaysay ay ang makapaglahad ng mga aral na natutunan sa pagsulat ng akda at kasama rito ang pagtalakay sa mga naging epekto ng isang bagay, tao o pangyayari sa gumawa ng akda.
Katangian: Ang katangian ng Replektibong Sanaysay ay ang makapag lahad ng interpretasyon at maka pagtalakay ng iba't ibang aspeto sa karanasang personal o sa mga nababasa/napapanood.
Anyo: Pictorial Essay o Larawang Sanaysay
Layunin: Layunin ng Pictorial Essay o Larawang Sanaysay ang magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain.
Gamit: Ang Pictorial Essay o Larawang Sanaysay ay ginagamit upang magpahiwatig ng mahalagang mensahe, kadalasan ito ay ginagamitan ng larawan at kaunting gamit ng salita.
Katangian: Ang katangian ng Pictorial Essay o Larawang Sanaysay ay ang paggamit sa larawan para sa mga sulatin kumpara sa mga salita at nagbibigay din ito ng sanaysay batay sa mga litrato na naka ayos.
Anyo: Lakbay Sanaysay
Layunin: Ang layunin nito ay ang magkaroon ng ka ng realisasyon sa paglalakbay na iyong ginawa.
Gamit: Ito ay ginagamit upang maitala ang mga nararanasan sa paglalakbay ng taong sumusulat nito at dito ay mas marami ang pagsulat kaysa sa mga larawan.Katangian: Ito ay personal at kalamitang nakakapang-akit ng mamababasa at ito rin ay detalyado at makatotohanan ang mga pinapakita dito.
Miyembro:
Aguilon, Myles Icy H.
Santiago, Marc Lorenz M.
Ty, Ruth Naomi S.
4 notes · View notes
spinner-of-the-fates · 5 days ago
Text
Panganib o Panggabay?
Ang AI o artificial intelligence ay ang puso at sentro ng modernong teknolohiya sa mundo, at sa loob ng makabagong teknolohiyang ito, ay nakatulong sa marami sa mga tao sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Sa mga nakaraang taon, ang AI ay patuloy na umuunlad at nagiging mas advanced, kaya't mas napapalawak ang mga kakayahan nito sa pagtulong sa iba't ibang larangan tulad ng edukasyon, kalusugan, at negosyo.
Nakatulong ang AI na magaan ang mabigat na gawain na nagpapalaya sa ating mga tao na tumuon sa mas mahalagang gawain. Ang mga simpleng gawain, tulad ng pag-aayos ng mga schedule, pagpapadala ng mga email, o pagbabayad ng mga bills, ay napapalakas at pinadali ng AI, kaya't nagiging mas episyente tayo sa ating mga trabaho. Pagtulong bigyang halaga ang pagpokus sa mga aktibidad tulad ng pakikisalamuha at iba pang pakikipag-ugnayan ng tao, na siyang nagiging dahilan ng pagtaas ng kalidad ng ating buhay.
Nanatili pa rin ang maraming mga tanong at talakayan na nakapalibot sa AI, kabilang ang paksa ng pagbibigay ng mga emosyonal na pangangailangan at isang mas makataong paraan o diskarte sa pag-iisip. Marami sa atin ang nag-aalala kung may hangganan ba ang kakayahan ng AI sa pag-unawa at pag-aalaga sa mga kumplikadong emosyon ng mga tao. Ang mga isyung ito ay patuloy na pinag-uusapan ng mga eksperto at mga nagmamasid sa pag-unlad ng teknolohiya.
Sa aking personal na pag-iisip, hindi ko gusto ang ideya ng pagbibigay ng damdamin at memorya sa mga AI. Dahil ang artificial intelligence ay patuloy pa ring umuusbong at nagbabago, maaaring umiba ang kanilang pananaw sa atin at magbago sa isang bagay na wala sa ating kontrol. Ang pagbibigay ng malayang pagpapasya na magkaroon ng makataong emosyon at pagkilos ay maaaring maging sanhi ng kanilang pagrerebelde at pagwasak sa mundo, tulad ng mga sinasadyang epekto na maaaring mangyari sa sobrang pag-unlad ng teknolohiya.
Ngunit, ang isa pang mas mahusay na bahagi nito ay ang artificial intelligence ay mas makakaunawa sa ating mga tao at makiramay sa atin sa pagtulong sa kanila sa paggawa ng mas mahusay na algorithm at pagsulong ng kanilang teknolohiya upang maging mas angkop para sa atin. Sa ganitong paraan, maaaring mapabuti ang mga sistema ng AI upang magbigay ng mas epektibong serbisyo at lumikha ng mga solusyon sa mga problemang kinakaharap ng lipunan, tulad ng pagpapabuti ng pangangalaga sa kalusugan at edukasyon.
Bilang konklusyon, kahit na lubos akong sumasang-ayon sa hindi pagbibigay ng mga emosyonal na katangian sa AI, naniniwala ako na makakatulong ito sa kanila na mas maunawaan tayo. Sa tamang gabay at regulasyon, ang AI ay maaaring magbigay ng mas malalim na pag-unawa sa ating pangangailangan at magsilbing kaagapay natin sa paggawa ng mas makatarungan at makataong mundo.
0 notes
upismediacenter · 8 months ago
Text
FEATURE: Kalma…Palamig ka muna!
Panahon na ng tag-init; paniguradong mainit na naman ang ulo mo. Chill ka lang! Tara na sa UP Diliman para maghanap ng mga sulit, abot-kaya, at refreshing na mga inumin at panghimagas na siguradong makakapawi ng iyong uhaw!
VINZONS KIOSK
Pag-ja-jogging, paglalakad, at pag-aaral—ilan lamang ito sa ating mga karaniwang gawain sa loob ng campus. Kaya ‘di rin natin maiiwasang mapagod lalo na't panahon na ng tag-init. Buti na lang, may mga kiosk stand! Nasaang bahagi ka man ng unibersidad, tiyak na mahahanap mo ang mga ito at makakapili pa mula sa malawak na seleksyon ng mga inumin.
Tumblr media
Ang Kiosk sa Vinzons ay maituturing na isa sa mga pinakamalapit na lokasyon sa UPIS—konting lakad lamang ang kailangan! Ang mga kiosks ay karaniwang kilala sa pagbebenta ng mga combo na pagkain, gaya ng pancit canton at fishball, pancit canton at tinapay, at iba pa. Sa kabilang banda naman, kakaiba at bago sa mga mamimili ang ibinebenta ng Marcelina Store—fried noodles at iba-ibang uri ng mga inuming magpapagaan sa pakiramdam ng mga mamimili!
Tumblr media
Bilang tugon sa mainit na panahon, nagbebenta sila ng mga best seller nilang iced coffee at iced Milo. Meron ding mga fruit tea (na nilalagayan nila ng nata de coco) at lemonades na available rin sa iba't ibang flavors gaya ng strawberry, kiwi, lychee, at iba pa. Sa halagang Php 35 hanggang Php 65, mayroon ka nang pampagising, pampasigla, at pampa-refresh na inumin!
AREA 2
Isa sa pinakasikat na kainan sa loob ng campus ang Area 2. May kalayuan lang ito sa UPIS pero kayang-kaya namang puntahan. Pwedeng lakarin, pwede rin namang sumakay sa Ikot jeep. Ang lokasyong ito ay may hilera ng mga tindahan na nagbebenta ng sulit at abot-kayang mga pagkain.
Tumblr media
Sa Iskorambol, patok na patok sa mga mamimili—mapa-bata, estudyante, o matanda man—ang panghimagas na ice scramble. Talagang buong taon ito dinadayo ng mga mamimili, anuman ang lagay ng panahon. Bukod sa abot-kayang halaga, talagang nakagiginhawa sa pakiramdam kapag natikman ang kanilang binebenta kaya rin ito binabalik-balikan.
Nagsisimula ito sa halagang Php 25 (12oz) hanggang Php 35 (16oz). Mayroon na itong kasamang gatas at syrup. Pero kung gusto mong maglagay ng add-ons, pwedeng magdagdag ng Php 5 para sa bawat add-on gaya ng mallows, sprinkles, pinipig, dinurog na oreos, choc-nut, frosties, coco crunch, stick-o, gatas, at dagdag pang syrup. Mayroon din silang mga tub na sulit para sa magbabarkada o pamilya; ang para sa 5pax ay nagkakahalagang Php 229, habang ang para sa 10pax naman ay Php 329; ang bawat tub ay may kasama na ring gatas, syrup, at tatlong add-ons na pipiliin ng mamimili. Ang kanilang bestseller ay ang Iskorambol na mayroong mallows at chocolate syrup sa ibabaw. O ‘di ba, sulit na!
Tumblr media
Talaga namang napakaraming pagpipiliang toppings ang pwedeng mailagay, kaya’t anuman ang iyong hilig, tiyak na may magugustuhan kang kombinasyon ng Iskorambol!
Tumblr media
Samot-saring tindahan din ng murang shakes ang makikita sa Area 2, at isa rito ay ang Nomie Fruit Shake and Eatery na nagbebenta ng mga lutong bahay at fruit shakes. Ang kaibahan nito sa iba pang tindahan na nagbebenta rin ng parehong produkto ay ang kanilang buy 1 take 1 promo sa murang halaga.
Marami ang pagpiliang flavor gaya ng mangga, dragon fruit, mansanas, avocado, strawberry, saging, at melon. Pwede ka rin mamili kung buy 1 take 1 o single; ito’y nagkakahalagang Php 65 (16oz) at Php 75 (22oz) para sa single fruit shake, Php 120 (16oz) at Php 130 (22oz) para naman sa buy 1 take 1 na fruit shake.
Para sa mango graham shakes naman, mayroon itong kasamang toppings na hiniwang mangga at nagsisimula ito sa halagang Php 70 (16oz) at Php 75 (22oz) kapag single, at Php 130 (16oz) naman kapag buy 1 take 1. Hinding-hindi ka rin madidismaya kapag binili mo ang kanilang bestseller na buy 1 take 1 mango graham shake (22oz) dahil bukod sa ito ay nakabubusog, makatitipid ka pa dahil ito’y hindi gaanong mabigat sa bulsa ng mga estudyante.
Tumblr media
GYUD FOOD HUB
Isa sa mga pinakabagong tinatangkilik at patok na tambayan ng mga estudyante ang Gyud Food Hub na nagbukas noong Enero 2023. Matatagpuan ito sa kahabaan ng kalye ng Emilio Jacinto, kaya mainam na sumakay ng Ikot jeep para mapuntahan ito. Kumpara sa ibang mga lokasyong aming nabanggit, may kamahalan ang mga binebentang produkto rito. Ngunit, huwag madidismaya—para sa mga gaya naming estudyanteng nagtitipid, basta’t may dala kang UP ID, pwede kang makakuha ng discount!
Tumblr media
Ang Frrrüt Shake ay isa sa mga tindahan sa Gyud Food Hub na nag-aalok ng discount sa mga estudyante—sa simpleng pagpresenta lang ng iyong ID ay maaari ka nang makakuha ng Php 10 na bawas sa bawat inumin na iyong bibilhin!
Tumblr media
Matatagpuan dito ang iba’t ibang klase ng fruit shakes tulad ng mangga, saging, mansanas, guyabano, at melon na nagsisimula sa halagang Php 120 hanggang Php 160, at Php 160 hanggang 170 naman para sa kiwi, avocado, at strawberry na hindi kadalasang ibinebenta sa ibang mga fruit shake stand. Ang mga bestseller naman nila ay ang ripe mango shake at ang avocado shake.
Tumblr media
Gaya ng mga naging tanyag na pangalan ng mga pagkaing nagsimula sa loob ng unibersidad tulad ng Rodic’s at Snack Shack, ang Fizz Stop naman ay may kaparehong layunin—ang makapaghandog ng mga inuming unique sa panlasa ng masa. Itinayo lamang noong Oktubre 2023 ang unang branch nito sa Gyud Food Hub. Napukaw ng bagong tayong establesimyentong ito ang interes ng mga taga-UPD dahil sa kanilang customizable na carbonated fruit drinks. At para naman sa mga estudyante ng UP, pwede ka ring makakuha ng Php 5 na discount sa bawat bibilhing inumin!
Tumblr media
May tatlong klase ng inumin na ibinebenta sa Fizz Stop—ang Fresh Fizz, Pulpy Fizz, at Classic Fizz. Tulad ng pangalan, sariwang mga prutas ang ginagamit para sa Fresh Fizz na bestsellers ng stand. Nagkakahalaga ito ng Php 85 para sa lemon fizz, at Php 115 naman para sa orange fizz. Ang Pulpy Fizz naman ay nagkakahalagang Php 85, at maaaring mamili mula sa tatlong flavors na mangga, strawberry, o kaya naman ay blueberry. At panghuli, ang Classic Fizz naman ay ginagamitan ng iba’t ibang fruit syrups tulad ng green apple, lychee, melon, mixed berries, at marami pang iba. Upang mas maging masaya at kawili-wili ang pag-customize sa ating mga inumin, sa halagang Php 30 ay mayroon rin silang add-ons na vanilla ice cream, mixed jellies, at ang paboritong idagdag ng mga mamimili, ang Yakult.
KRUS NA LIGAS
Ang Krus na Ligas ay tahanan ng kalakhan ng mga miyembro ng komunidad ng UPD. Tulad ng mga naunang nabanggit na lokasyon, isang sakay lang din sa Ikot jeep ang kailangan para makarating dito. Bilang isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan nila ang pagbebenta ng iba’t ibang produkto, kaya kahit saang sulok ka man tumingin ay tiyak na makakahanap ka ng papawi sa iyong cravings.
Tumblr media
Kabilang sa mga abot-kayang produkto ng mga maliliit na negosyo sa KNL ay ang halo-halo at mais con yelo—bagay na bagay sa tanghaling tirik na tirik ang araw. Matatagpuan ang munting stand ni ate Rowelita sa kalye ng Lt. J. Francisco, kahanay ng Southstar Drugstore, konting lakad lang mula sa arko ng KNL.
Tumblr media
Ayon kay ate Rowelita, mas tinatangkilik ang paninda niyang halo-halo. Sa halagang Php 50, sa isang 16oz na baso ay kumpleto na ang mga sangkap ng malamig na panghimagas mula sa iba’t ibang kulay ng sago, nata de coco, saging na saba, kamote, gatas, hanggang sa leche flan at ube halayang nakalagay sa tuktok. Napagdesisyunan niya ring magbenta muli ng mais con yelo na nagkakahalaga naman ng Php 40 para sa isang 16oz na baso dahil sa hiling ng kanyang mga suki, at upang magkaroon ng variety ngayong mas tumitindi na ang init. Sagana rin siya sa paglalagay ng mga sangkap na, sa murang presyo, mataas pa rin ang kalidad.
Tumblr media
Ang panghuli sa aming listahan ng mga lokasyon ay ang 1128 Tea and Cafe.Matatagpuan sa kalye ng V. Francisco, ang naturang lugar ay maituturing na hidden gem ng KNL. Maliban sa pagsakay ng Ikot jeep at pagbaba sa arko ng KNL, kakailanganin mo pang maglakad hanggang sa ika’y makaabot sa dulo ng kalye kung saan makikita rin ang simbahan at paaralan ng barangay. Maituturing mang pinakamalayo sa lahat ng aming nabanggit na tindahan, dito naman matatagpuan ang pinakamurang inumin!
Tumblr media
May malawak na seleksyon ng mga inumin sa 1128: may iba’t ibang flavors ng milk tea, regular frappes, mga inuming may cheesecake, fruit teas, milk series, iced coffee, at maging mainit na mga kape. Mula sa presyong Php 28 ay maaari ka nang makabili ng medium-sized na inumin at Php 38 naman para sa large-sized. Ang itinuturing naman nilang bestsellers ay ang mga large premium frappe tulad na lang ng red velvet cream cheese, dark forest, at strawberry cheesecake na mabibili sa halagang Php 88. Kalakip ng kanilang murang mga presyo ay ang pagiging interactive ng mga staff sa kanilang mga kostumer sa social media page ng tindahan na talagang nakadadagdag sa nakaka-enganyong atmosphere.
Hindi lang din simpleng bilihan lang ang nabanggit na lugar. Sa ikalawang palapag ng establisyemento ay madalas na nagsasagawa ng libreng movie marathon para sa mga kostumer. Tinatangkilik din ito ng mga estudyanteng kagagaling lang sa kanilang mga klase.
Sa panahon ngayong tag-init, deserve nating kumain at uminom ng mga pampalamig upang pawiin ang ating uhaw. Dahil sa mga student-friendly na presyo, mga discount, at buy 1 take 1 na promo, tiyak na hindi ka mapapagastos nang sobra. At dahil sa malawak na variety na inaalok ng bawat lokasyon, mas mapapasaya ang iyong experience kung may kasama kang kumain at uminom ng mga inumin at panghimagas. Ano pang hinihintay mo? Halina’t yayain mo na ang iyong pamilya’t mga kaibigan at mag-food trip sa UPD!
//nina Eia Andaya, Daphne De Ramos, Bianca Regala
6 notes · View notes
f8avz · 11 days ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Real, Quezon: Paglalakbay sa Alon at Kalikasan
Ang unang hakbang pa lang sa Real, Quezon ay parang paanyaya sa isang mundo kung saan bawat pandama mo ay ginigising ng kalikasan. Pagdating sa baybayin, ramdam ko agad ang malamig na hangin na humaplos sa aking mukha—tila ba pinapawi ang pagod ko mula sa mahabang biyahe. Ang tanawin ay sobrang ganda, parang litrato mula sa isang postcard. Ang kalmadong alon na kumikislap sa liwanag ng araw at ang buhangin na napakalambot sa paa ay nagbigay sa akin ng pakiramdam ng kapayapaan. Hindi rin matatawaran ang tunog ng dagat—ang dagundong ng mga alon na parang musika, at ang sariwang amoy ng alat na tila nagpapasigla sa katawan.
Ang aming biyahe papunta sa Real ay nagsimula ng hatinggabi. Sakay ako ng motor kasama ang kasintahan kong nagmamaneho, habang ang pamilya niya ay nasa van. Ang lamig ng hangin habang tinatahak namin ang zigzag na daan sa bundok ay parang yakap ng kalikasan. Sa kabila ng antok at pagod, napawi ang lahat ng ito nang masilayan namin ang pagsikat ng araw. Ang langit ay nagdudumilat sa mga kulay kahel, dilaw, at rosas, at ang tanawin ng mga bundok na nababalot ng hamog ay para bang isang eksena mula sa pelikula. Hindi ko napigilang ngumiti habang ini-enjoy ang sandaling iyon—walang katulad.
Pagdating namin ng alas-siete ng umaga, nasilayan ko ang kagandahan ng dagat sa Real. Napakalinis ng tubig at ang kalmadong alon ay parang nag-aanyaya na magtampisaw. Sinulit namin ang araw—naligo sa dagat, naglakad sa buhangin, at nag-relax sa lilim ng mga puno. Sa gabi naman, lalo pang naging espesyal ang karanasan. Habang nagkakape kami, kitang-kita ko ang kinang ng mga bituin sa langit, sinasabayan ng tunog ng alon na humahampas sa baybayin. Ang sandaling iyon ay puno ng kwentuhan at tawanan kasama ang mga mahal sa buhay, isang simpleng kasiyahan na sobrang damang-dama ang saya.
Ang biyahe ay hindi lang tungkol sa kagandahan ng lugar kundi pati na rin sa samahan. Ang malalim na usapan, masasayang tawanan, at ang halakhak ng mga bata ay mga alaalang nagpatibay sa koneksyon namin bilang isang pamilya. Ang mga oras na iyon kasama ang kasintahan ko ay naging puno ng masasayang kwento, mga alaala na dadalhin ko habangbuhay.
Bukod sa natural na ganda ng Real, natutunan ko rin ang kultura at tradisyon ng mga tao rito. Ang mga lokal ay sobrang mababait at masisipag. Ang kanilang simpleng pamumuhay tulad ng pangingisda at paggawa ng handicrafts mula sa yamang-dagat ay nagpapakita ng pagmamahal nila sa kalikasan. Sa mga pista, nagtitipon sila para magdiwang—may sayawan, kantahan, at handaan. Isang tradisyon nila na talagang tumatak sa akin ay ang pagpapalitan ng kwento habang nakatingala sa mga bituin, isang simpleng gawain na nagbibigay ng kakaibang saya.
Sa kabuuan, ang biyahe kong ito sa Real, Quezon ay hindi lang basta pagpunta sa isang maganda at tahimik na lugar. Isa itong paglalakbay kung saan natutunan ko ang halaga ng kalikasan, tradisyon, at ang koneksyon sa iba. Isa itong karanasang babalikan ko, hindi lang sa aking alaala kundi sa puso ko rin.
0 notes
misheardlonely · 12 days ago
Text
Love Thoughts
Kanina, I was browsing the internet because I got bored, and I came across this quote: "I'm not good enough, and I will never be good enough." I think this is a one-sided part of a story.
Well, that's what they said to themselves. That's what they truly believed, but did you even try to ask yourself or confront yourself telling ginawa mo ba ang lahat lahat para sa kanya? Naging sapat na ba ang ginawa mo para sa kanya at di ito nagkulang? Really? I find it very annoying and hurt at the same time.
If yes, you've done your part, and that's far from enough. No need to punish yourself telling that you're not good enough. Sa usapan na ito, kung sisisihin man natin ang kung sino ang hindi enough, that's your partner or the people surrounds you. Why? They keep on asking for more knowingly na hindi mo kayang ibigay ang isang bagay na gusto nila. Like, why would they ask or demand something you cannot give? Hindi mo na ito fault, kasi you gave everything. Ang kapal lang ng pagmumukha na binigay mo na nga ang lahat lahat tapos they still have the audacity to ask for more.
Pinasok niya ang buhay mo, both of you already know what your partners capable of, naipakita mo na sa kaniya ang mga bagay na iexpect niya sa isang relasyon, nakita na niya ang buhay na meron ka. Meaning nakita niyo na ang mga bagay na meron kayo sa isa't isa. Then, why still hopeful about something more sa relasyon niyo? Your partner must know the limitations of what you can give and what you cannot give. If ikaw palagi ang naggigive, bro wake up. That's not love. That's obsession and being martyr. Stop being obsessed with someone na never ka niya nilook up at binigyan ng halaga. Stop feeding their ego na kaya mong ibagay ang lahat. Kung mapapansin mo, unti-unti ka na ding nawawalan. Not only the money of your own, but also your ownself.
Tignan mo, kapag nagfocus ka sa sarili mo, the love that you think meron kayo will eventually fall. Dito na papasok ang usapin na hindi ito makokontento kaya hahanap na siya ng bagong thrill sa buhay o papasok na ito sa buhay ng isang tao to get what they want or just simply saying, to satisfy their needs.
Wala na eh! They are not contented to what they got from you, kahit pa na sabihin mong you give all and your everything. Attention, love, loyalty, assurances, money and trust, which is why people tend to magloko. It's not you to be blame of, it is them why you suffer like that. Binigay mo ang lahat ng abot makakaya mo, pero sadyang napunta ka lang sa maling tao. Isang tao na hindi kayang tumanggap sa pagkukulang ng mahal niya.
I don't get why people get obsessed with love. Hindi ba kayo mahal ng nanay at tatay niyo. (Choss! 'kala mo naman kung meron din ako niyan.) Pero kidding aside, if your significant other cannot give the things you want, then start earning your own money and use it to have the things you wanted. If kulang, you can ask naman your significant other na buoin ang money na meron ka. Palitan mo na lang if meron ka na. After all, that's his/her own money, wala ka don nong naghihirap siya at walang wala ka don nong kelangan niya ang tulong mo. Ikaw pa 'tong may guts na magrequest ng more, ni wala ka ngang ambag sa buhay niya.
If hindi naging sapat at hinayaan mo lang ang relasyon niyo sa ere o ang isa sa inyo na magmahal ng sobra or kakaunti, and you also didn't give even a single bit of chance. You deserve all the hurt. That's all I can say. No need for you to give so much attention, all the bitter things that you received, well the justice has been served.
Lagi akong nakakawitness ng gantong pagmamahalan (I'm still glad that I've never experienced this kind of Love and will never want to experience it.) Too much kayo magmahal, magtira din kayo minsan para sa sarili niyo. Lahat ng sobra ay masama, dapat sakto lang.
peace.
0 notes
kababaemongtao · 15 days ago
Text
Tumblr media
Kung pantay ang karapatan ng lahat, bakit tila iba ang trato sa kababaihan? Ito ang paulit-ulit na tanong na bumabagabag sa isipan ng bawat kababaihan sa Pilipinas. Kung ang lahat ay may pantay na karapatan, bakit tila patuloy na pinapalabas na mas mababa ang halaga ng kababaihan?
Mula sa pagtingin sa kanila bilang mahina o hindi sapat, hanggang sa mga diskriminasyon at karahasan na kanilang nararanasan, malinaw na may mga sistemang humahadlang sa kanilang pantay na pagtrato.
Ang tanong na ito ay patuloy na nag-aalab bilang isang paalala na kailangan pa ng mas malaking pagbabago sa ating lipunan upang matamo ang tunay na katarungan para sa kababaihan.
Tumblr media
Babae, Hindi Mahina: Ang Laban ni Leni laban sa Pambansang Diskriminasyon
Si Leni Robredo ay hindi lamang isang bise presidente—siya ay isang simbolo ng tapang at pag-asa sa gitna ng mga pagsubok. Ngunit nang magpasya siyang harapin si Bongbong Marcos sa 2022 presidential race, hindi lang siya nakaranas ng malupit na pamumulitika, kundi pati na rin ng matinding panghihila pababa.
Tinangka siyang sirain ng mga pwersang kontra-bago, at pinagbintangan ng pagiging "mahina" sa kabila ng lahat ng napatunayan at nagawa niya para sa bansa. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ipinakita ni Leni ang kanyang hindi matitinag na tapang at prinsipyo. Ang kanyang laban ay hindi lang laban para sa kanya, kundi laban sa paniniwala na ang kababaihan ay may limitasyon.
Sa kabila ng mga pambabastos at panghahamak, si Leni ay naging isang ilaw ng katatagan at integridad—isang matinding paalala na ang lakas ng isang babae ay hindi nasusukat sa kung paano siya tinatrato ng iba, kundi sa kung paano niya tinatanggap at pinapalakas ang sarili upang magpatuloy sa laban.
Tumblr media
Humigit-kumulang isang ikatlo ng mga kababaihan sa buong mundo (30%) ang makakaranas ng pisikal at/o sekswal na karahasan sa kanilang buhay. Ano-ano ba ang nangyayari?
Tumblr media
Karahasan sa Loob ng Tahanan (Domestic Violence) Maraming kababaihan ang nakakaranas ng pang-aabuso mula sa sariling pamilya o kinakasama, ngunit maraming biktima ang natatakot mag-report dahil sa takot at kawalan ng sapat na suporta.
Tumblr media
Kawalan ng Pantay na Pagkakataon sa Trabaho at Sahod Maraming kababaihan ang hindi nakakakuha ng pantay na oportunidad sa trabaho at madalas na mas mababa ang sahod kumpara sa kanilang lalaking katrabaho, kahit na magkapareho ang posisyon o gawain.
Tumblr media
Diskriminasyon sa Politika at Pamumuno Kahit marami ang may kakayahan, ang kababaihan ay madalas na hindi siniseryoso sa mga posisyon ng pamumuno at nahaharap sa matinding diskriminasyon at kritisismo, lalo na sa larangan ng pulitika.
Tumblr media
Kakulangan ng Access sa Reproductive Health Services Maraming kababaihan ang hindi nakakakuha ng sapat na impormasyon at serbisyo para sa kalusugan sa reproductive, kabilang ang family planning, dahil sa mga limitasyon sa access at stigma sa reproductive health.
Tumblr media
“Kababae ‘mong tao?” Huwag na magpalinlang sa makalumang pag iisip. Kaya nila? Kaya ko din. Ito ang ilang komento ng aking mga kamag-aral:
Tumblr media
Hindi dito natatapos ang laban ng mga kababaihan.
0 notes