#akademikongsulatin
Explore tagged Tumblr posts
Text
Halimbawa ng Akademikong Sulatin, ayon sa layunin, gamit at katangian
Anyo: Abstrak
Layunin: Mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.
Gamit: Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report.
Katangian: Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng nilalaman.
Anyo: Sintesis o Buod
Layunin: Organisadong mailahad ang kabuuang nilalaman ng teksto ng may pagkakasunod sunod.
Gamit: Nagpapaikli sa kwento at nilalaman nito ang mahahalagang pang yayari sa isang teksto.
Katangian: Pagpapaikli sa nilalaman ngunit nakaulat na rito ang mga mahalagang detalye sa mas maikli at maayos na pamamaraan.
Anyo: Bionote
Layunin: Ito ay may layunin na ipakilala ang manunulat at nagpapahayag ng mga katangian nito bilang isang indibidwal na may kredibilidad.
Gamit: Ginagamit ang mga bionote upang mabigyan ng sariling “profile” ang isang tao at naipapakita ang mga nagawa nito katulad ng mga akademikong achievements mga parangal at iba pa.
Katangian: Maikli lamang ang laman nito, gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw (third-person), nagpapakilala sa mambabasa, gumagamit ng baliktad na tatsulok na sistema ng pagpapakita ng impormasyon mula sa pinakamahalaga papunta sa hindi gaano ka halaga. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian, binabanggit ang degree kung kailangan at maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon.
Anyo: Memorandum
Layunin: Maipabatid ang mga impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o pagtitipon.
Gamit: Paghingi ng impormasyon, pag-aanunsiyo ng mga pagbabago sa mga pulong at pagbubuod ng mga pulong.
Katangian: Organisado at malinaw para maunawaan ng mabuti.
Anyo: Agenda
Layunin: Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksan tatalakayin sapagpupulong na magaganap para sa kaayusan ng atorgansadong pagpupulong.
Gamit: Ginagamit para maipakita ang adyenda ng isang meeting atpara maging organisado ang meeting.
Katangian: Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ngpagpupulong.
Anyo: Panukalang Proyekto
Layunin: Ang layunin nito ay malaman ang plano na maaring gawin sa hinaharap.
Gamit: Ito ay ginagamit upang malaman ang isang proposal na kailangang ilatag at naglalayong mailatag ang mga plano na gagawin sa hinaharap.
Katangian: Ito ay pormal at makikita rin dito kung ano nga ba ang mga napagusapan sa natapos na pulong.
Anyo: Talumpati
Layunin: Layunin ng Talumpati na humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Gamit: Ang gamit ng talumpati ay ang makapagpahayag ng mga salita sa madla na siyang binubuo ng "Tagapagsalita" at "Tagapakinig".
Katangian: Ang katangian ng Talumpati ay ang pagtalakay sa napapanahong isyu o paksa na ang layunin ay bigkasin sa harap ng madla na handang makinig.
Anyo: Katitikan ng Pulong
Layunin: Ang pangunahing layunin nito ay maging pormal na pag-uulat ng mga naging kaganapan sa pormal na pagpupulong.
Gamit: Ito ay ginagamit na kung saan ay dito natin makikita ang opisyal na tala ng isang pulong at upang malaman kung kailan ang susunod na pulong.
Katangian: Ito ay dapat organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga puntong napag-usapan at makatotohanan.
Anyo: Posisyong Papel
Layunin: Layunin ng posisyong papel na mahikayat ang mga mambabasa na magkaroon ng kamulatan sa argumentong inihahain sa kanila. Ang mga posisyong papel ay karaniwang isinusulat mula sa pinakasimpleng format tulad ng letter to the editor hanggang sa pinakakomplikadong academic position paper.
Gamit: Ang isang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.
Katangian: Maaari itong kabilangan ng mga isyung may saklaw na pambansa o pandaigdigang may epekto sa isa o maraming pangkat ng mga indibi dwal o sa isang buong pamayanan sa pangkalahatan. Kung gayon, likas itong kontrober siyal at nagtataglay ng mga nagtutunggaliang pananaw.
Anyo: Replektibong Sanaysay
Layunin: Ang layunin ng Replektibong Sanaysay ay ang makapag pahayag at maipahiwatig ang pananaw o perspektibo tungkol sa mga isyu o kontento.
Gamit: Ang gamit ng Replektibong Sanaysay ay ang makapaglahad ng mga aral na natutunan sa pagsulat ng akda at kasama rito ang pagtalakay sa mga naging epekto ng isang bagay, tao o pangyayari sa gumawa ng akda.
Katangian: Ang katangian ng Replektibong Sanaysay ay ang makapag lahad ng interpretasyon at maka pagtalakay ng iba't ibang aspeto sa karanasang personal o sa mga nababasa/napapanood.
Anyo: Pictorial Essay o Larawang Sanaysay
Layunin: Layunin ng Pictorial Essay o Larawang Sanaysay ang magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain.
Gamit: Ang Pictorial Essay o Larawang Sanaysay ay ginagamit upang magpahiwatig ng mahalagang mensahe, kadalasan ito ay ginagamitan ng larawan at kaunting gamit ng salita.
Katangian: Ang katangian ng Pictorial Essay o Larawang Sanaysay ay ang paggamit sa larawan para sa mga sulatin kumpara sa mga salita at nagbibigay din ito ng sanaysay batay sa mga litrato na naka ayos.
Anyo: Lakbay Sanaysay
Layunin: Ang layunin nito ay ang magkaroon ng ka ng realisasyon sa paglalakbay na iyong ginawa.
Gamit: Ito ay ginagamit upang maitala ang mga nararanasan sa paglalakbay ng taong sumusulat nito at dito ay mas marami ang pagsulat kaysa sa mga larawan.Katangian: Ito ay personal at kalamitang nakakapang-akit ng mamababasa at ito rin ay detalyado at makatotohanan ang mga pinapakita dito.
Miyembro:
Aguilon, Myles Icy H.
Santiago, Marc Lorenz M.
Ty, Ruth Naomi S.
4 notes
·
View notes
Text
Akademikong Sulatin
1. Anyo: Abstrak
Layunin: Ang layunin ng Abstrak ay magbigay impormasyon sa mga mambabasa, ang nilalaman o inaasahan nila sa isang papel o artikulo.
Gamit: Ang abstrak ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel gaya ng tesis, papel na siyentipiko, mga report, at teknikal lektyur.
Katangian: Hindi gaanong mahaba, may pagkakasunod-sunod, at organisado ang nilalaman.
2.
Anyo: Sintesis o Buod
Layunin: Ang layunin ng Sintesis o Buod ay ay mailahad nang maayos at organisado ang kabuuang nilalaman ng akda.
Gamit: Ang sintesis ay karaniwang ginagamit sa mga tekstong naratibo gaya na lamang ng nobela, science fiction, mitolohiya at iba pa.
Katangian: Ito ay maikli ngunit iyong makikita ang pinupunto ng isang paksa.
3.
Anyo: Bionote
Layunin: Ang layunin ng Bionote ay magbigay impormasyon tungkol sa may akda gaya na lamang kung ano nga ba ang kanilang mga akademik career, ito ay isang personal na profile ng isang tao.
Gamit: Ginagamit ito para sa personal na profile ng isang tao.
Katangian: Maliwanag, organisado at dito mo rin makikita ang karangalan ng taong may akda nito.
4.
Anyo: Memorandum
Layunin: Ang Layunin ng Memorandum ay para mapabilis ang pakikipagtalastasan sa paraang opisyal upang mabigyang pansin, aksyon, katugunan.
Gamit: Ang Memorandum ay ginagamit sa pagbibigay alam sayo kung ano ang susunod na desisyon.
Katangian: Ito ang nagpapabatid kung ano ang nais na makita sa pagpupulong.
5. Anyo: Agenda
Layunin: Ang Layunin ng Agenda ay para malaman o bigyang ideya kung anong paksa ang mangyayari sa gagawing pagpupulong.
Gamit: Ito ay ginagamit sa pagpupulong para ilista ang kung magiging paksa sa pagpupulong.
Katangian: Ito ay maliwanag at pormal, at obhetibo at may paninindigan din ito.
6.
Anyo: Panukalang Proyekto
Layunin: Ang Layunin ng Panukalang Proyekto ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.
Gamit: Ito ay ginagamit para malaman kung ang isang proposal na kailangan ilatag at naglalayong mailatag ang mga plano na gagawin sa hinaharap.
Katangian: ito ay pormal, at dito makikita kung ano ba ang napag usapan sa natapos na pulong.
7.
Anyo: Talumpati
Layunin: Ang layunin ng talumpati ayon sa pag aaral ay isa itong paraan ng komunikasyong pang publiko na may layuning manghikayat o paniwalaan ang isa mananalumpati sa kanyang ipinapahayag.
Gamit: Ito ay karaniwang ginagamit sa pang publikong komunikasyon, okasyon o pagpupulong. May tatlo itong bahagi na ginagamit sa talumpati ito ay, Pamagat, katawan, Pang huli o katapusan
Katangian: Ito ay may katangiang magpahatid ng impormasyon ukol sa isang pangyayari o paksa.
8.
Anyo: Katitikan ng Pulong
Layunin: Ito ay may layunin ipabatid o ipaalam sa mga mambabasa or tagapakinig ang naganap sa isang pagpupulong sa pormal na paraan ng pag-uulat.
Gamit: Ito ay ginagamit upang ipaalala sa mga indibidwal ang kanilang papel at responsibilidad sa partikular na proyekto o aktibidad na kinakailangan pag pulungan
Katangian: Ito ay nagsisilbing dokumento kung saan nakasaad rito ang mga diskusyon at desisyon na ng yari sa isang pagpupulong
9.
Anyo: Posisyong Papel
Layunin: Ito ay isang impormatibong sanaysay na may layunin mag lahad ng opinyon na ipinapahayag hinggil sa isang mahalagang isyu o pangyayari na tungkol sa batas, akademika, politika at iba pang larangan
Gamit: Karaniwang isinusulat ang isang posisyong papel sa paraang mapanghimok sa mambabasa upang maunawaan at sang-ayunan nito ang paninindigan ng nagsulat hinggil sa isyung pinaksa
Katangian: Ito ay may katangian manghikayat o malaman ng isang mang babasa ng partikular na isyu sa larangan ng diskusyon, aralin, pag aaral, politika at iba pa.
10.
Anyo: Replektibong Sanaysay
Layunin: Ang layunin ng uri ng sanaysay na ito ay maipahayag ang opinyon, karamdaman at mga saloobin tungkol sa isang bagay.
Gamit: Karaniwang ginagamit ito sa mga talumpati na nagpapa-iral ng malalim na pag-iisip sa sariling aksyon at desisyon.
Katangian: Ito ay naglalahaad ng mga ideya at opinyon na maaaring makapag-impluwensya ng pag-iisip ng isang indibidwal.
11.
Anyo: Pictorial Essay
Layunin: Layunin ng Pictorial Essay ay maglahad ng paglalarawan sa isang paksa gamit ang parehong textual at viswal na paraan ng pag-presenta.
Gamit: Karaniwan itong ginagamit sa mga meeting at presentasyon kung saan gusto ng magprepresenta na mas madaling maintindihan ng mga tao ang kaniyang nilalahad na ideya.
Katangian: Ito ay naglalaman ng maraming mga materyal na naglalarawan ng ideya ng isang paksa, tulad ng mga video at larawan.
12.
Anyo: Lakbay Sanaysay
Layunin: Ito ay naglalarawan hindi lamang ng damdamin ng maglalakbay pati na rin ng mga lugar na kanyang napuntahan kasama na dito ang mga tradisyon, kultura at mga tao.
Gamit: Ito ay ginagamit sa mga blog o traveling vlog o mga review sa mga iba’t ibang lugar na napuntahan ng nagsulat.
Katangian: Naglalaman ito ng impormasyon tungkol sa mga napuntahan na lugar at ipinapahayag ang kanilang opinyon at naging karanasan sa lugar na itinakda sa sanaysay.
5 notes
·
View notes
Text
Filipino sa Piling Larang Akademik
Sa akademikong aralin na ito natutunan ko na dapat maging maliwanag at malinaw ang pagpapahayag ng ideya dahil mahalagang matutunan ang kahusayan sa pagpapahayag ng mga ideya sa isang malinaw at organisadong paraan,dapat ito ay maipahayag ng maayos ang mga konsepto at argumento upang maging madali itong maunawaan ng mga mambabasa.Bilang isang estudyante ito ay nag papalawak ng kaalaman at pang-unawa sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga akademikong papel, ang mga estudyante ay nagkakaroon ng pagkakataon na mag-aral at umunawa ng mga konsepto at kaalaman na nauugnay sa kanilang mga larangan ng pag-aaral. Ito ay nagbibigay rin ng malalim na pag-unawa sa mga kahalagahan at konteksto ng mga paksa na aming pinag-aaralan.Itong sulatin ay nagtataguyod ng pag-unlad ng kritikal na pag-iisip at analitikal na kakayahan namin mga estudyante. Ito ay nagtuturo sa amin kung paano suriin ang mga impormasyon, makabuo ng mga lohikal at mahusay na argumento, at magbigay ng suporta sa pamamagitan ng ebidensya at sanggunian.
0 notes
Text
Gawain 3: Mga Halimbawa ng Akademikong Sulatin, at Kanilang Layunin, Gamit, at Katangian
* Abstrak
Layunin: Ito ay naglalayong magbigay ng maikling pagsusuri o paglalarawan sa nilalaman ng isang dokumento o pananaliksik.
Gamit: Ginagamit ito upang maiparating nang maikli ang mga mahahalagang punto o kahalagahan ng isang papel o pananaliksik.
Katangian: Maikli, malinaw, at nagbibigay ng kahalagahan sa nilalaman ng isang pananaliksik.
* Buod o Sistesis
Layunin: Ito ay naglalayong magbigay ng maikling pagsusuri o paglalarawan sa nilalaman ng isang dokumento o pananaliksik.
Gamit: Ginagamit ito upang masiguro na ang mambabasa ay may malinaw na pang-unawa sa mga mahahalagang punto o nilalaman ng isang dokumento o pananaliksik.
Katangian: Maikli, malinaw, at nagbibigay ng kabuuan ng nilalaman ng isang dokumento o pananaliksik.
* Bionote
Layunin: Ito ay naglalayong magbigay ng maikling pagsusuri o paglalarawan sa buhay o karanasan ng isang tao.
Gamit: Ginagamit ito upang maipakilala ang isang tao at ipakita ang kanyang mga kakayahan at karanasan.
Katangian: Maikli, naglalaman ng mga mahahalagang detalye tungkol sa tao, at nagbibigay ng pagkakataon upang malaman ang kredibilidad ng isang tao.
* Memorandum
Layunin: Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o direktiba sa isang grupo o indibidwal.
Gamit: Ginagamit ito upang magbigay ng kahalagahan sa isang impormasyon o direktiba.
Katangian: Maikli, malinaw, at nagbibigay ng pagkakataon upang maiparating ang mga mahahalagang impormasyon o direktiba sa isang grupo o indibidwal.
* Agenda
Layunin: Ito ay naglalayong magbigay ng listahan ng mga aktibidad na gagawin sa isang pagpupulong.
Gamit: Ginagamit ito upang magbigay ng maayos na daloy o takbo ng mga aktibidad sa isang pagpupulong.
Katangian: Maikli, nagbibigay ng kahalagahan sa mga aktibidad na gagawin sa isang pagpupulong, at nagbibigay ng pagkakataon upang maipakita ang kahandaan sa mga aktibidad na ito.
* Panukalang Proyekto
Layunin: Ang layunin ng isang panukalang proyekto ay upang magbigay ng detalyadong plano o proyekto para sa isang layunin.
Gamit: Ginagamit ang panukalang proyekto upang magbigay ng plano o proposal para sa isang proyekto, kadalasang ginagamit ito sa mga akademikong pananaliksik o sa mga negosyo.
Katangian: Ang panukalang proyekto ay naglalaman ng detalyadong pagpapaliwanag tungkol sa layunin, mga hakbang, kahalagahan, at mga rekomendasyon na kailangan para sa tagumpay ng proyekto.
* Talumpati
Layunin: Ang layunin ng talumpati ay upang magbigay ng mensahe sa isang pangkat ng mga tao sa pamamagitan ng pagpapahayag ng isang maayos na diskurso.
Gamit: Ginagamit ang talumpati upang magbigay ng mga mensahe, ipahayag ang opinyon, magbigay ng inspirasyon, o magbigay ng impormasyon sa isang pangkat ng mga tao.
Katangian: Ang talumpati ay dapat na maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya, may emosyon, nakakapagbigay ng interes sa tagapakinig, at maayos na pagpapahayag.
* Katitikan ng Pulong
Layunin: Ang layunin ng katitikan ng pulong ay upang magrekord o magtala ng mga mahahalagang impormasyon na nangyari sa isang pulong.
Gamit: Ginagamit ang katitikan ng pulong upang magbigay ng kasaysayan ng mga nangyari sa isang pulong at upang magbigay ng reference sa mga nagpupulong.
Katangian: Ang katitikan ng pulong ay naglalaman ng detalyadong pagtatala ng mga nangyari sa isang pulong tulad ng mga desisyon, mga pangalan ng mga nagsasalita, at iba pa.
* Replektibong Sanaysay
Layunin: Ang layunin ng replektibong sanaysay ay upang magbigay ng personal na repleksyon o pag-iisip tungkol sa isang karanasan, libro, pelikula, o iba pang bagay.
Gamit: Ginagamit ang replektibong sanaysay upang magbigay ng personal na pananaw o pagpapakita ng emosyon tungkol sa isang partikular na karanasan o bagay.
Katangian: Ang replektibong sanaysay ay naglalaman ng mga personal na repleksyon, pag-iisip, at emosyon tungkol sa isang partikular na karanasan o bagay.
* Posisyong Papel
Layunin: Ito ay naglalayong magbigay ng pagtukoy sa posisyon ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang isyu o paksa.
Gamit: Ginagamit ito upang maipakita ang opinyon ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang isyu o paksa.
Katangian: Naglalaman ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu o paksa, at nagbibigay ng mga argumento upang suportahan ito.
* Pictorial
Layunin: Ito ay naglalayong magbigay ng visual representation ng isang ideya, konsepto, o paksa.
Gamit: Ginagamit ito upang magbigay ng kahulugan o pagpapakita ng kahalagahan ng isang ideya, konsepto, o paksa.
Katangian: Naglalaman ng mga imahe, larawan, grapiko, o disenyo upang magbigay ng visual na representasyon ng isang ideya, konsepto, o paksa.
* Lakbay-Sanaysay
Layunin: Ito ay naglalayong magbigay ng karanasan o paglalakbay sa isang lugar o kultura.
Gamit: Ginagamit ito upang maipakita ang karanasan ng isang manunulat sa paglalakbay at pagtuklas ng isang lugar o kultura.
Katangian: Naglalaman ng mga detalye tungkol sa lugar o kultura, at nagbibigay ng pagsasalarawan ng karanasan ng manunulat sa paglalakbay. Naglalayong magbigay ng impormasyon, kaalaman, o kahulugan tungkol sa isang lugar o kultura.
#FA12 #AkademikongSulatin
0 notes
Text
Maaaring magkaroon ng iba't ibang anyo ang akademikong pagsulat, depende sa layunin at madla ng teksto. Nasa ibaba ang ilang halimbawa ng akademikong pagsulat at pagsusuri ng kanilang layunin, gamit, katangian, at anyo:
Maaaring magkaroon ng iba't ibang anyo ang akademikong pagsulat, bawat isa ay may natatanging layunin, gamit, katangian, at anyo. Ang mga papel ng pananaliksik ay nagpapakita ng orihinal na pananaliksik, ang mga pagsusuri sa panitikan ay nagbibigay ng mga pangkalahatang-ideya ng umiiral na pananaliksik, ang mga tesis at disertasyon ay nagpapakita ng orihinal na pananaliksik o pagsusuri, ang mga papel sa kumperensya ay nagpapakita ng pananaliksik o pagsusuri sa isang madla, at ang mga pagsusuri sa libro ay nagsusuri at nagsusuri ng mga libro sa mga partikular na larangan o genre. Ang akademikong pagsulat ay nailalarawan sa pamamagitan ng pormal na wika, paggamit ng mga akademikong mapagkukunan at pagsipi, malinaw at lohikal na istraktura, layunin ng tono, at mahigpit na pagsusuri o pagsusuri. Maaaring sundin ng mga form ang partikular na mga gabay sa pag-format o istilo at may partikular na mga kinakailangan sa seksyon o haba
0 notes
Text
Miyembro:
PAULINO, MARIELLA
GRACIANO, MARVERICK
LAMBINA, KAERELL RAVEN
RAMOS, CHRISTIAN JAMES
Halimbawa ng Akademikong Sulatin, ayon sa layunin, gamit at katangian.
Anyo: Abstrak
Layunin: Mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.
Gamit: Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report.
Katangian: Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng nilalaman.
Anyo: Sintesis o Buod
Layunin: Organisadong mailahad ang kabuuang nilalaman ng teksto ng may pagkakasunod sunod.
Gamit: Nagpapaikli sa kwento at nilalaman nito ang mahahalagang pang yayari sa isang teksto.
Katangian: Pagpapaikli sa nilalaman ngunit nakaulat na rito ang mga mahalagang detalye sa mas maikli at maayos na pamamaraan.
Anyo: Bionote
Layunin: Ito ay may layunin na ipakilala ang manunulat at nagpapahayag ng mga katangian nito bilang isang indibidwal na may kredibilidad.
Gamit: Ginagamit ang mga bionote upang mabigyan ng sariling “profile” ang isang tao at naipapakita ang mga nagawa nito katulad ng mga akademikong achievements mga parangal at iba pa.
Katangian: Maikli lamang ang laman nito, gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw (third-person), nagpapakilala sa mambabasa, gumagamit ng baliktad na tatsulok na sistema ng pagpapakita ng impormasyon mula sa pinakamahalaga papunta sa hindi gaano ka halaga. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian, binabanggit ang degree kung kailangan at maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon.
Anyo: Memorandum
Layunin: Maipabatid ang mga impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o pagtitipon.
Gamit: Paghingi ng impormasyon, pag-aanunsiyo ng mga pagbabago sa mga pulong at pagbubuod ng mga pulong.
Katangian: Organisado at malinaw para maunawaan ng mabuti.
Anyo: Agenda
Layunin: Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksan tatalakayin sapagpupulong na magaganap para sa kaayusan ng atorgansadong pagpupulong.
Gamit: Ginagamit para maipakita ang adyenda ng isang meeting atpara maging organisado ang meeting.
Katangian: Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ngpagpupulong.
Anyo: Panukalang Proyekto
Layunin: Ang layunin nito ay malaman ang plano na maaring gawin sa hinaharap.
Gamit: Ito ay ginagamit upang malaman ang isang proposal na kailangang ilatag at naglalayong mailatag ang mga plano na gagawin sa hinaharap.
Katangian: Ito ay pormal at makikita rin dito kung ano nga ba ang mga napagusapan sa natapos na pulong.
Anyo: Talumpati
Layunin: Layunin ng Talumpati na humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Gamit: Ang gamit ng talumpati ay ang makapagpahayag ng mga salita sa madla na siyang binubuo ng "Tagapagsalita" at "Tagapakinig".
Katangian: Ang katangian ng Talumpati ay ang pagtalakay sa napapanahong isyu o paksa na ang layunin ay bigkasin sa harap ng madla na handang makinig.
Anyo: Katitikan ng Pulong
Layunin: Ang pangunahing layunin nito ay maging pormal na pag-uulat ng mga naging kaganapan sa pormal na pagpupulong.
Gamit: Ito ay ginagamit na kung saan ay dito natin makikita ang opisyal na tala ng isang pulong at upang malaman kung kailan ang susunod na pulong.
Katangian: Ito ay dapat organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga puntong napag-usapan at makatotohanan.
Anyo: Posisyong Papel
Layunin: Layunin ng posisyong papel na mahikayat ang mga mambabasa na magkaroon ng kamulatan sa argumentong inihahain sa kanila. Ang mga posisyong papel ay karaniwang isinusulat mula sa pinakasimpleng format tulad ng letter to the editor hanggang sa pinakakomplikadong academic position paper.
Gamit: Ang isang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.
Katangian: Maaari itong kabilangan ng mga isyung may saklaw na pambansa o pandaigdigang may epekto sa isa o maraming pangkat ng mga indibi dwal o sa isang buong pamayanan sa pangkalahatan. Kung gayon, likas itong kontrober siyal at nagtataglay ng mga nagtutunggaliang pananaw.
Anyo: Replektibong Sanaysay
Layunin: Ang layunin ng Replektibong Sanaysay ay ang makapag pahayag at maipahiwatig ang pananaw o perspektibo tungkol sa mga isyu o kontento.
Gamit: Ang gamit ng Replektibong Sanaysay ay ang makapaglahad ng mga aral na natutunan sa pagsulat ng akda at kasama rito ang pagtalakay sa mga naging epekto ng isang bagay, tao o pangyayari sa gumawa ng akda.
Katangian: Ang katangian ng Replektibong Sanaysay ay ang makapag lahad ng interpretasyon at maka pagtalakay ng iba't ibang aspeto sa karanasang personal o sa mga nababasa/napapanood.
Anyo: Pictorial Essay o Larawang Sanaysay
Layunin: Layunin ng Pictorial Essay o Larawang Sanaysay ang magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain.
Gamit: Ang Pictorial Essay o Larawang Sanaysay ay ginagamit upang magpahiwatig ng mahalagang mensahe, kadalasan ito ay ginagamitan ng larawan at kaunting gamit ng salita.
Katangian: Ang katangian ng Pictorial Essay o Larawang Sanaysay ay ang paggamit sa larawan para sa mga sulatin kumpara sa mga salita at nagbibigay din ito ng sanaysay batay sa mga litrato na naka ayos.
Anyo: Lakbay Sanaysay
Layunin: Ang layunin nito ay ang magkaroon ng ka ng realisasyon sa paglalakbay na iyong ginawa.
Gamit: Ito ay ginagamit upang maitala ang mga nararanasan sa paglalakbay ng taong sumusulat nito at dito ay mas marami ang pagsulat kaysa sa mga larawan.Katangian: Ito ay personal at kalamitang nakakapang-akit ng mamababasa at ito rin ay detalyado at makatotohanan ang mga pinapakita dito.
0 notes
Text
Filipino sa Piling Larang Akademik
Ang kahalgahan ng sulating akademiko sa sarili, pamilya, at lipunan ay upang sanayin tayong mahasa pa ang ating wika. Mahalaga rin ito dahil isa itong paraan upang tayo’y makapagpahayag ng kwento ng ating buhay.
1 note
·
View note
Text
Akademikong Sulatin
Sa ating pag-tanda, malaki na ang naging tulong ng pagbabasa sa ating buhay, kung saan ginabayan tayo nito upang bigyan tayo ng kasiyahan, matuto ng mga bagay, at lubusang maintindihan ang mga iba’t ibang bagay. Napapabilang na rito ang mga akademikong sulatin, tulad ng mga abstrak, buod o sistesis, bionete, memorandum, agenda, panukalang proyekto, talumpati, katitikan ng pulong, replektibong sanaysay, posisyong papel, pictorial essay, at lakbay-sanysay. Nakakatulong ang mga sulating ito para sa ating sarili dahil natututo tayo gumawa ng sarili nating akademikong sulatin, na siyang tiyak na magagamit natin para sa hinaharap. Idagdag natin ang ating pamilya at lipunan, natutunan natin ang mga bagay bagay sa simpleng paraan, detalyadong pamamaraan, at sa pamamaraan na tayo ay naaaliw. Aking natutunan sa aralin ay kung ano ang isang akademikong sulatin, ano ano ang mga nilalaman nito, at ano ang iilang mga halimbawa nito sa totoong buhay.
1 note
·
View note
Text
Filipino sa Piling Larang Akademika
Sa araling ito, natutunan natin ang tungkol sa iba't ibang uri ng teksto. Maraming iba't ibang uri, tulad ng tekstong informative, text descriptive, persuasive text, narrative text, argumentative text, at procedural text. Natutunan namin kung ano sila at mga halimbawa nito. Ang tekstong nagbibigay-kaalaman ay nagbibigay ng kaalaman sa mambabasa. Ang tekstong persweysiv ay may layuning kumbinsihin ang isang tao tungkol sa isang bagay. Ang tekstong pagsasalaysay ay nagpapakita ng isang kuwentong nagpapakita ng damdamin, ito man ay totoo o kathang-isip. Ang tekstong argumentative ay nagsasabi tungkol sa posisyon ng manunulat tungkol sa isang ideya. At ang procedural text ay naglilista ng pagkakasunod-sunod ng mga aksyon o hakbang na kailangan para magawa ang isang bagay. Ito ang uri ng teksto na kailangang matutunan ng mga mag-aaral na tulad ko upang mapalawak ang ating kakayahan sa panitikang Filipino.
0 notes
Text
Akademikong Sulatin at Paksa ng Pag-aaral
Mahalaga ang Akademikong sulatin sakin dahil bilang estudyante maraming nakakalap ditong mga impormasyon na nangangahulugan sa mga kaganapan sa ating komunidad at pang buong mundo naglalaman din ito ng mga pag-aaral na pwedeng makatulong saaming mga mag-aaral kung meron man kami na kailangan hanapin na kaugnay sa aming pinag-aaralan at marami din itong mga benepisyo na makakatulong upang lumawak pa ang ating kaalaman tungkol sa mga bagay bagay, at naglalahad din ito ng mga opinion ng mga mambabasa ukol sa kanilang mga sariling pananaw at opinyon tungkol sa isang tiyak na paksa, naglalaman din ito upang mas mahasa ang ating sarili at mapaunlad ang ating kaisipan ukol sa mga paksa na mababasa na mag bibigay sa atin o sa mga tulad natin na mambabasa ng mas malawak na kaalaman di lang sa isang tiyak na paksa kundi sa mas malawak pa na kaalaman.
0 notes
Text
Gawain blg. 2 Filipino sa Piling Larang Akademik
Sumulat ng tungkol sa mahalagang natutuhan sa aralin
Tiyaking laman ng tweet ang mensahe kaugnay ng kahalagahan ng sulating akademiko sa sarili, pamilya, at lipunan.
Kailangang magkasya ang pahayag sa loob ng 140 na titik
Ipaliwanag ang nilalaman ng iyong pahayag.
Ilagay ang titulong Filipino sa Piling Larang Akademik.
Ilagay ang hashags na #FA12 #AkademikongSulatin
Ito'y mahalaga sa ating lahat sapagkat ito’y ating magagamit para mapabuti ang pakikipagkomunikasyon para tayong lahat ay magkaunawaan at magkaintindihan.
1 note
·
View note
Text
AKADEMIKONG SULATIN : Sintesis
GAMIT AT LAYUNIN : Ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad ng maikling kwento.
KATANGIAN : Kinapapalooban ng overview ng akda. Organisado ayon sa sunod sunod na pangyayari sa kwento.
0 notes
Text
Filipino sa Piling Larang Akademik
Natutunan ko sa aralin ay ang mga parte ng Akademikong Sulatin. Mas lalo akong naliwanagan sa mga nilalaman ng Akademikong Sulatin. Alam ko na ang mga katawan na bumubuo sa Akademikong Sulatin tulad na lang ng Abstrak, Bionote, Talumpati, Buod o Sintesis at Replektibong sanaysay. Nagkaroon ako ng mas malalim na impormasyon sa bawat parte at kung paano sila nabubuo. Sa panahon natin ngayon nalilimutan na natin kung papaano nga ba ang wastong pagsulat ng akademikong sulatin kung kaya't nahihirapan tayo sa pagsulat ng mga ito. Mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan at katangian ng akademikong sulatin upang magkaroon ng sapat na kaalaman kung papaano nga ba ang wastong pagsulat ng mga ito. Sa tulong ng Akademikong Sulatin mas mapapadali natin maihayag ang ating saloobin. Kung ikaw ay isang mag-aaral, mas nakakaangat ang pagkakaroon ng kasanayan sa pagsusulat, lalo na kung ito ay akademiko. Makasagot ka rin ng maigi sa mga pagsusulit na nangangailangan ng masusing pagpapaliwanag.
1 note
·
View note
Text
Ang pagsusulat sa akademikong larangan ay may mahalagang papel sa pagpapahayag ng ating mga karanasan at kwento sa buhay, pati na rin sa pagbibigay ng impormasyon para sa trabaho at propesyon. Ito ay maaari ring magsilbing inspirasyon sa ibang tao. At ito ay nagsisilbing daan upang iparating ang mga dapat baguhin, mga pag-unlad sa indibidwal na kakayahan, at mga mabisang paraan sa pagsulat sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng akademikong pagsulat sa pamilya, maaaring ipadala ang mensahe sa malayong pamilya na walang komunikasyon, at magpadala ng mga regalo kasama ang sulat na nagpapakita ng pasasalamat at pagmamahal.
Sa pag-aaral ng akademikong pagsulat, natutunan namin ang mga tamang teknik at proseso sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng mga research paper, thesis, at iba pa. Nauunawaan din namin ang kahalagahan ng pagiging organisado sa paglalahad ng mga ideya at sa paggamit ng tamang grammar at spelling upang maiparating nang maayos ang mga konsepto.
Bilang isang studyante, mahalaga ang akademikong pagsulat upang maipakita ang iyong kakayahan sa pagsulat ng mga papel na nakabatay sa kasanayan at kaalaman na natutuhan mo sa pag-aaral. Ito ay maaaring magamit sa mga klase, pagsusulat ng mga tesis o papel na kailangan sa mga pangangailangan ng kurso.
Sa pagiging miyembro ng lipunan, maaaring magamit ang akademikong pagsulat upang magbahagi ng kaalaman, magbigay ng mga rekomendasyon at panukala para sa pagbabago, at maipakita ang mga opinyon at pananaw sa iba't ibang usapin at isyu. Ang magandang pagsulat ay maaaring maging epektibong kasangkapan upang makatulong sa pagpapabago ng lipunan sa mabisang paraan.
#FA12 #AkademikongSulatin
1 note
·
View note
Text
Filipino sa Piling Larang Akademik.
• Ang akademikong Filipino ay isa sa mga bagay na kailangan pag-aralan ng masinsinan ng bawat estudyante. Ito ang yaman ng bawat isa sa mga Pilipino. Ang bawat isa sa atin ay may kakayahang pag-aralan ang sariling wika, pagyabungin at palaguin ito. Ang pagsusulat ay isa rin sa mga likha ng Pilipino
•Ang pagsulat ay sistema ng permanente o mala permanenteng pananda na kumakatawan sa mga pahayag at ang pagsulat ay nakadepende sa wika. Kung walang wika, walang pagsulat. Ang pagsulat ay masistemang paggamit ng mga grapikong marka na kumakatawan sa espisipikong lingguwistikong pahayag.
ANO ANG AKADEMIKONG PAGSULAT? AT Ano ano ang KATANGIAN NG AKADEMIKONG SULATIN?
Ang akademikong pagsulat ay intelektwal na pagsulat na nag- aangat sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa. Hindi ito opsiyon para sa mga akademiko at propesyonal. Ito ay isang pangangailangan. Ang akademikong pagsulat - May katangiang itong pormal, obhetibo, may paninindigan, may pananagutan.
1. Komprehensibong paksa
2. Angkop na layunin
3. Gabay na balangkas
4. Halaga ng datos
5. Epektibong pagsusuri
6. Tugon ng konklusyon
1 note
·
View note
Text
Filipino sa Piling Larang Akademika
teka? may nakapagsabi na ba sayu kung ano ang kahalagahan ng pagsulat o ang sulating akademika? lumot naba? sa aking pananaw bilang isang mag aaral siguro't limot ko na nga, dahil narin siguro lingguahe at sulatin na aking kinasilayan bilang isa sa henerasyon ngayon. pero dahil nga sa bagong istilo ng pagaaral ngayon mas lalong pinalawak at sinama ang usaping o araling filipino sa piling larangan ng akademika. sa paraang iyon siguro mas ma papaliban at mas mapapakilala sa henerasyon ang wikang at sulating pilipino kung ako ang tatanungin kung ano ang mga natutuhan ko sa unang aralin namin, siguro't marami ka dahil napagaralan ko kung ano ano ang mga bago saakin na istilo ng mga sulating ito at di ko makakaila na natutu talaga ako. sa una palang tingin ko ay ang filipino ay walang humpay na paghihintay o kaburyo buryong aralin, subalit datapuat ang filipinong aralin ay napaka makulay at sa ibang banda ay masayang aralin dahil dito natin malalaman kung saan at kung paano ang sulatin nanggaling. dahil dito mas napalawak at mas naintindihan ko kunga ano ang mga katangian, layunin at gamit ng mga anyo ng pagsulat.
1 note
·
View note