#ngayon tuloy
Explore tagged Tumblr posts
Text
WHEN DID I BECOME THIS PATHETIC
WHAT’S HAPPENING WITH ME
#AAAAAAAAAAAAAAAAA#NO ONE EVEN KNOWS WHAT IM PERTAINING TO BUT IF THEY KNEW ARGH#ITS SO SICK#IM SO SICK#WHY WOULD I DO THIS TO THEM#im not saying im a monster but basically im saying im a piece of shit#tarantado ako#bat bako nagkaron ng gantong attitude#ang sama bwiset#kasalanan to ng mga ano e#kung di ko lang pinaggagawa yung mga yun dati#edi sana normal pako#ngayon tuloy#im all fucked up
1 note
·
View note
Note
When i saw a notif about you starting to watch Blue Lock, i was thinking kanina: hmm... sino kaya magiging bet ni yumi out of these cute guys? Kaso wala masyadong blonde (excluding Raichi here lol)... hmm maybe—based sa mga previous blorbos—a lanky guy? Say... Bachira or Chigiri? 🤔 kunigami or nagi? Naaaaah~ nuh-uh...
Then, when you said you have a thing for long-haired strikers and saw Chigs’s name sa mga tags (with matching 💕), i mentally high-fived myself + sabi ko sa sarili ko: panalo ako haha asan yung 100 😏🤲🏻 dejk pinampustahan ba lol
at first si kira talaga gusto ko wahahaha but then natanggal sya and masyadong off din pala sya so no 💀 then si bachira cutie kasi parang kenma from another world char.
#☁️. chat#[ ate kisa ]#so i have a type pala sa mga lanky guys haha#i really think sa hair ako unang na-attract#and then sumunod yung backstory nya so nainlove tuloy ako lalo hayst 😔#iabajsbsjs galing mo ate 👏👏👏#eto na po ang 100 💵 HAHAHA#nagsisi ako na ngayon ko lang sya pinanood huhu#parang ayoko muna tuloy pumasok para lang matapos ko dejk
2 notes
·
View notes
Text
The Philippines should not welcome the Filipino Americans and Filipino Immigrants who voted for Trump. They might be back here but we shouldn't bring flowers and say Kumbaya. This shouldn't be a happy reunion.
Nandoon nga kayo para maginhawa yung buhay niyo at ng pamilya niyo hanggang yung nandito pa sa Pilipinas makangarap lang kahit bisita lang, sinayang niyo lang! Ngayon, madadamay rin tuloy ang mga Fil-Ams and Filipinos immigrants na ayaw kay Trump.
Hindi rin siya tutulong sa West Philippine Sea, mga gago! He'll let China take our waters and invade Taiwan instead of helping us. Tutunawin niya rin and Ukraine and Palestine!
Putang ina niyo! Mga yawa! Mabulok kayo
23 notes
·
View notes
Text
june 01, 2024
grabe tong araw na to, sobrang pagod kahit na di naman ganon kadami nagawa, puro hintay, pila, at lakad 🫠
- kumain sa dohtonbori kasi yung okonomiyaki daw dun, kalasa nung sa osaka, japan. okay lang. atleast natry.
- di maka withdraw, ang bagal ng data sa mall, dahil ata sa dami ng tao, maghihiwalay pa naman kami ni max kasi may kikitain siya. hirap tuloy ng comms namin.
- finally bought a digital cam after months of research! narealize ko na hindi lahat ng gusto mo makukuha mo talaga, walang perfect at meron at merong masasacrifice, piliin nalang kung ano yung worth it isacrifice. so yung gusto ko talaga g7x, auto focus lang talaga problem ko dun, sa binili ko naman, zv1 ii ayoko lang nung flip out screen at no flash. then inisip ko nalang na sign to na eto na yung cam for me kasi nag iisang stock nalang siya tas same color pa ng gusto ko
- tinry ko maging uniqlo baby pero bagsak pa rin sa h&m 😭 parang buong closet ko talaga h&m kaya wag niyo ko iwan mag isa dun huhu
- bilin lang ng papa ko bumili ng burger king, so lumabas pa ko ng main mall at lumipat bldg para dun tapos after ko pumila, sabi waiting 40mins pa daw? di ko na kayaaaa, next, sa popeyes tagal ko din pumila tas pagdating sa counter, waiting 30mins 😠 di ko na kaya maghintay, ang daming tao, pagod na ko maglakad na may bitbit hmp
- so mga 6:40pm, pagod, dami bitbit, siguro gutom na rin kasi once palang ako kumakain.. nagikot lang muna sa mall para maghanap ng kainan na konti ang pila at di punong puno ng tao, pero wala talaga, napagod lang ako kakahanap. 7pm, pumila na ako sa wildflour para dun nalang bumili ng pasalubong, 50% off sila starting 7pm
- pati sa wildflour, minalas ako, kinukuha na orders namin habang nakapila, pagdating ko sa counter, para akong tanga dun, yun pala, nawala nila papel ko, so naging cause of delay pa nga. nag sorry naman sila and wala na ko energy mafeel bad man lang kaya oks na
- hinintay ko lang si max, tas nakakahiya kasama niya pa rin pala sila, eh habang naghihintay ako, naka resting bitch face ako 😒 alam ko na agad itsura ko eh. sorry po 🙇🏻♀️
- then nung pauwi na kami, standing na from moa to pitx, tapos kinausap ko yung nakaupo sa pwd kasi para makaupo yung kasama kong pwd talaga, eh what if pwd din siya? 😫 tapos tinesting talaga ni kuyang kundoktor yung pagod ko todayyy. sabi ni max di pa daw kami bayad (siya kasi magbabayad para samin) so sinabi ko kay kuya na wala pa kaming ticket. tas galit niya sinabi, di pa pala kayo bayad eh pano kayo magkakaticket? sabi ko wala pa ticket, nauuna kasi yun diba? tas inulit niya lang sinabi niya na bat di kami magbayad.. wala na ko energy, so kinuha ko na pera kay max, yung binigay niya, may kasamang pwd card, binigay ko both pwd and bayad, tinitigan lang ni kuya sabay kuha lang nung pera kaya nalaglag yung card, bas2s. talagang napatigil ako sa gulat sa ginawa niya hahahaha saka ko pinulot nalang. pero gigil na gigil ako non. okay na pagtataray niya sakin about ticket kahit na siya naman tong di lumapit para maningil. tapos parang binastos niya pa pagiging pwd ng kasama ko sa ginawa niya sa card. e1 badtrip.
- pagdating pitx, buti wala nang pila, nakaupo din naman kami, pero grabe traffic sa kawit!!!! tapos paguwi, walang tubig?!?! walang announcement?? ngayon pa? grr.
aminin niyo sino sino nasa moa dito kahapon? 😭
41 notes
·
View notes
Text
so ayun, labas ko lang 'to. another work stuff rant.
dahil nai-stress nga ako sa mga katrabaho ko, mas nakaka drain makipag plastikan araw araw haha. nakaka pagod makisama. kaya recently, lunch time nalang talaga nila ako nakakausap. kahit work related conversations, hindi ako nakikisali. lalo pag nag tatanong sila about sa process, lagi kong pinapasa kay zha, since siya rin naman ang last call at mas susundin nila—kasi tl.
naiinis kasi ako pag nag tatanong sakin tas mag tatanong pa ulit kay zha, tapos same lang naman sa sinabi ko, parang hindi tuloy credible yung sagot ko. bitch na kung bitch pero kung duda ka sa process ko, bat ka pa saken mag tatanong diba. kaya sinasabihan ko sila pag hindi sila sure anong gagawin, kay zha or sa onshore nalang sila magtanong. lahat naman ng diskarte ko, sunod lang sa onshore e.
tas pag may bagong process, hindi pala shinishare agad nitong zha, nag aassume nalang siya na alam ko since sabay lang kami na almost 2 years na. though sa isang onshore team niya lang naman na may ibang diskarte rin tinatanong. wala man lang initiative na i-confirm kung tama ba yung ganito or ganung process bago i-relay dito sa team niya. gara din kasi paiba iba din ng process yung onshore teammates namin na parang hindi rin nag uusap usap dun. paano, may group chat pero panay pm kaya nag iiba iba tuloy ng diskarte.
nung one time tuloy, nagka error yung isang kateam namin, kasi yun daw ang sabi ng tl niyang si zha. haha. e pagkaka tanda ko, sinabi naman sa group chat yung tamang process nun, ewan ko saan nakuha ni zha na yun ang gawin nila. haha nagkakaron tuloy ng discrepancies. napa i told you so nalang tuloy ako, next time kako wag sakin mag tanong, tutal duda naman siya. haha. bitchesa amp. but in a good way and right tone. hehe
i dunno, nasanay kasi ako sa dati kong work na may sistema, so kapag may tinatrain ako, alam kong credible yung mga tinuturo kong process. iba man diskarte ko, mas may pride akong nakukuha na itong taong 'to natuto 'to sakin, macommend man siya, may part ako na masaya ako kasi ako nagturo sakanya. tulad nung last year, si jessa yung dating kateam namin, nacommend ng CEO namin nun kasi December bago pa siya tapos siya lang naiwan na nag duty, flawless daw yung work niya. sinabi niya magaling daw kasi yung nag turo sakanya. hehe. ako nag turo ng process nun kay jessa, hindi pa tl si zha.
ito yung mga panahon ako lagi ang ina-assign ng OM namin sa lahat. though hindi naman ako nag expect mapromote, it felt like personal nung si zha yung nirecommend niya at hindi ako. forever ko ata 'tong dadalhin kasi paulit ulit ko nalang 'to kinukwento. i know i'm capable of something, sometimes i just need that push. pero na push aside ako lol haha.
kaya nawalan talaga ako ng gana, nawalan ako ng motivation galingan. dati bida bida pa ko e haha. ngayon bahala kayo jan, basta ako gagawin ko kung ano lang task ko. sawa na nga kako ako sa ginagawa ko, nag iisip na nga ako pano makakawala sa client na 'to. it's either sadyain ko magkaron ng error or mag resign ako sa company mismo at mag reapply. walang magandang choice actually, kasi ayaw ko na naman umalis sa comfort zone ko na hindi naman comfort ang nabibigay saken. haha. but i know it will come. hindi palang talaga muna ngayon.
i'm just staying lowkey nalang doing the bare minimum. hehe.
20 notes
·
View notes
Text
Comfort Zone: Pepetiks petiks ka ba?
Tagalog naman para maiba. Sabi sayo boi eh gagawan kita ng blog. Shoutout sayo kung mabasa mo 'to! At sa mga pinagsamahang walang papantay! Kapatid habambuhay!
So eto na nga! Usapang comfort zone tayo! Aminin na natin, tol—comfort zone? Sarap nun, pre! Chill lang, wala kang stress, wala kang hassle. Parang everyday rest day—puro Netflix, walang tuldok sa petiks. Pero eto catch: kapag over ka sa petiks mode, para kang halaman na nakatunganga lang sa araw—nabubuhay, pero walang level up! Eh sino bang ayaw maging blooming plantito o plantita, diba? Pero kung hanggang “leaf” level lang palagi kasi takot kang lumabas sa paso, aba, tapos ang story mo, p're!
Narinig mo na ‘yung “Growth happens outside your comfort zone?” Alam ko, gasgas na ‘yan, pero pakinggan mo ‘to: Ang comfort zone mo parang paboritong sando—yung butas-butas na, medyo basa pa ng pawis, pero suot mo pa rin kasi pakiramdam mo astig ka. Pero tol, kung gusto mong mag-upgrade, minsan kelangan mong bitawan ‘yung sando na yun at mag-risk mag-suot ng masikip na hoodie kahit medyo di pa fit sa’yo. Hindi nga lang kasi s'ya laging swak, minsan kailangan pang hilahin.
Oo, cool yung chill, pero kung lagi kang safe mode, para kang stuck sa tutorial mode ng game—paulit-ulit, walang thrill, walang boss fights! Asan na ‘yung thrill ng level up? Yung epic loot? Sayang, pre!
Masarap ang petiks, pero masaya din ang may risk! Para kang nagse-skateboard: una, puro lagapak, puro gasgas sa tuhod. Pero kapag nakuha mo na ‘yung balance, iba na galaw mo, pang-kanto vibes! Ganun din sa buhay, tol. Kung gusto mong umangat, minsan kelangan mong ma-semplang para matuto. Bawal ang maarte, lalo na kung pangarap mong mag-level up.
Eto nga, tol, kagabi lang magkakwentuhan kami ng tropa ko mula high school. Alam mo na, usapang mga batang-gala na akala mo walang future dati, pero ngayon? Grabe. Yung tropa ko, basketball superstar na, may sarili nang fans club at cute na family goals. Ako? Eh chill lang, nagso-solo flight pa-Korea, pa-Japan, kung saan saan lang kasi finally afford ko na magpakabundat sa ramen at sushi sa mismong bansang pinanggalingan nun.
Dati, pre, kulang na lang mag-ala Fast & Furious kami tuwing uwian. Yung tropa, paborito ng teacher sa guidance office, ako naman, swabeng laging late, alam mo na. Pero sino mag-aakala, tol, na tayo pa pala ‘tong makakarating sa ganito? Sabi nga niya, “Tangina, pre, nakakatawa ‘no? Yung dating baliw na puro sablay, ngayon bigatin na.”
Dati, inaatraso lang namin yung deadline ng homework, ngayon, inaatraso na ng mga tao deadline nila para mapanuod yung games niya o mabasa yung travel blog ko. Sabi niya, astig daw na kahit ilang beses kami madapa noon, bumangon pa rin kami at tuloy pa rin sa takbo. Nakakatawa lang, tol, na dati kami ang kinukutya, pero ngayon, tingin sa atin parang next level na.
Tawanan lang kami habang sinasabi niyang, “Pre, kung nag-petiks lang tayo nung high school, siguro hanggang dun na lang tayo. Pero buti na lang, nagrisk tayo kahit nung sablay pa rin tayo sa dulo.” Dito namin na-realize na ‘yung tunay na swag, di sa chill-chill lang. Nasa mga sumubok, nabigo, pero bumangon at lumaban ulit na mas astig pa! Kaya ikaw, tol, kung feeling mo petiks ka na masyado, lakasan mo loob mo. Malay mo, dun mo pa matagpuan ang tunay mong swag.
At syempre, sa gitna ng tawanan at kwentuhan, hindi namin nakalimutan magpasalamat kay Lord. Sabi nga namin, pre, kahit anong sipag at tiyaga, kung walang blessings mula sa Kanya, wala ring saysay lahat. Sobrang blessed namin na kahit puro sablay nung una, binigyan pa rin kami ng chance bumangon at magtagumpay. Lahat ng ito, mula sa Kanya. Kaya, shoutout kay Lord, tol, kasi kahit sa dami ng semplang, di niya kami iniwan.
Kasi sa dulo, tol, ang buhay ay hindi para sa mga petiks lang—para ‘to sa mga handang magtry, magfail, at bumangon ng mas solid! Kaya tara na, p're, sugal na tayo. Show your moves, swag ka pa rin kahit may sablay, basta bumabangon ka ulit. 🚀💥
15 notes
·
View notes
Text
sakusa kiyoomi as yn's minsan childhood friend, madalas kaaway. at ngayon, boyfriend daw?
"ang kupad."
umirap siya sa hangin nang marinig ang salitang iyon galing kay sakusa. hindi niya pa nga nasusuklay ang buhok, at hindi pa siya nakakapag-pulbo!
"napaka-aga mo kasi, nagmamadali ka ba?" inis niyang sagot habang nakatingin sa salamin.
nakita niya pang inirapan siya nito bago sumagot, "first day na first day kasi nagpapa-late ka."
dumila siya rito. "first day na first day kasi, gusto mong mauna sa lahat! wala pa ngang magtuturo niyan sigurado."
"iiwan na kita—"
nang akmang tatayo si sakusa mula sa sofa nila, agad niyang pinagpag ang pulbo sa mukha at itinulak ang buhok gamit ang kamay. agad siyang tumakbo pa-pintuan, making sure nauna siya kay sakusa dahil magsasapatos pa siya.
"ma! alis na kami!" sigaw niya habang nagsisintas. muli, dumila siya kay sakusa dahil sa bagal nito maglakad, nauna siyang matapos magsintas kaysa makalabas ito ng gate. "disney princess ka masyado maglakad kasi kaya gusto mong maaga."
"kaysa sa'yo na darating sa campus nang pawis na pawis?" sagot nito.
"mama mo," asar niya rito.
"dugyot."
nanlaki ang mata niya, at nagpanggap na gulat. suminghap pa siya para mas dramatic bago tiningnan ang tabi. "dugyot si tita? susumbong kita!"
kitang-kita niya kung paano mangunot ang noo ni sakusa sa narinig. gusto niyang tumawa dahil dito, pero pinipigilan niya ang sarili para mas maasar ito.
bumilis tuloy ang paglalakad ni sakusa at dahil sa haba ng biyas nito, naiiwan siya. agad niya itong hinabol at tumalon upang abutin ang leeg nito, at sumabit.
"'wag ka mang-iwan!"
"get off me," naiinis na tinanggal nito ang braso niya mula sa leeg.
this time, hindi niya na mapigilang matawa nang makita ang pamumula ng buong mukha nito. umabot pa sa leeg. "sensitive talaga ng balat mo! konting lapat lang ng kamay ko namumula ka agad."
"marumi ka kasi," sagot nito, inayos ang suot na face mask.
"ang kapal-kapal ng mukha mo, hoy—"
alam niya namang hindi siya marumi, pero dahil sa dumi na 'yan kaya lang naman sila nagkakilala ni sakusa. bagong lipat pa lang sa tabi nila ang pamilya nito nang umuwi siyang puro putik mula bewang hanggang paa.
hindi niya makakalimutan kung paano siya nahusgahan nito pagpasok na pagpasok pa lang niya sa sariling bahay. malinaw na malinaw pa sa utak niya ang mukhang tahimik na batang lalaki, na nakasuot ng yellow t-shirt na may mukha ni sponge bob at short na kulay itim. nasa tabi ito ng isang magandang babae na kulot din ang buhok, at nakikipag-usap sa mama niya.
"yuck." hindi man lang ito nag-abalang hinaan ang boses!
kinder pa lang sila noon kaya dapat normal pa lang na marumi sila kalalaro. well, nahulog siya sa kanal kaya siya ganoon karumi sa totoo lang pero hindi na kailangang malaman iyon ng batang si sakusa.
sumama ang timpla ng mukha niya at kumuha ng putik mula sa damit. tumatakbo siyang lumapit sa batang mukhang bubuyog dahil sa suot nito at ikinalat ang putik sa mukha ni sponge bob sa damit nito.
"ayan, yuck ka rin!" at saka siya humalukipkip.
parehong nagulat ang mga mama nila sa nangyari, at ilang sorry ata ang nasabi ng pareho sa isa't isa. dahil mas malaki ang kasalanan niya, lagi siyang sinasabihan ng nanay niya na puntahan si sakusa para sabay silang pumasok at nakasanayan na nila ito.
"duduraan kita pag-uwi, ayaw mo akong hintayin!" sigaw niya nang muling magkaroon ng distansya sa pagitan nila.
"hindi kita isasabay," sagot nito kahit nakatalikod.
akmang sasagot siyang muli nang may humarang na lalaki sa kaniya. "uy, hoshi!" nakipag-apir pa siya kay hoshiumi.
"wala ka namang jowa diba?" bungad nito.
pabiro siyang sumimangot. "mapanakit naman bungad mo, dalawang buwan tayong hindi nagkita."
humalakhak si hoshiumi. "tanga! irereto kita, crush ka kasi ni kanoka!"
nanlaki ang mata niya. "kanoka–kanoka amanai!? yung sa volleyball?"
ngumisi ito. "oo, pre. type mo?"
"sinong hindi may type sa kaniya—"
"yeah, but sadly may boyfriend siya."
naputol ang sasabihin niya nang may sumingit. iniangat niya sa katabi ang tingin at nakitang si sakusa ito, wala na ang suot na face mask at wala ring ekspresyon sa mukha.
"weh? tingnan mo! maka-react kanina akala mo naoffend ko siya!" sumimangot si hoshiumi. "sayang naman patay na patay sa'yo 'yon—pero i-interrogate kita sa jowa mo next time! late na 'ko!"
bago pa man siya makareact, nakalipad na paalis si hoshiumi. nilongon niyang muli ang kasama. tatlong beses. mabagal. at pasama nang pasama ang naging pagkurap niya habang nakatitig kay sakusa.
"anong eksena 'yon?" tanong niya.
umangat ang kaliwang kilay ng kausap. "bakit? gusto mo si kanoka?"
"hindi—pero kahit na!" lumalim ang gitla sa noo niya. "epal ka sa love life! at boyfriend—sinong boyfriend ko?"
ngumisi ito, at tumagilid ang ulo. "ako."
ilang segundong katahimikan ang namutawi sa pagitan nila bago siya nakahanap ng isasagot. "may... may hd ka sa'kin?"
this time, noo naman ni sakusa ang nangunot. "hd?"
suminghap siya. "h. d. hidden desire!"
nalaglag ang panga ni sakusa. sumara ang bibig nito, at muling bubukas pero isasara muli. tila hindi alam ang sasabihin. sa huli, bumuntong hininga lang ito, umiling, at tinalikuran siya.
"hoy! hindi ka pa nga nanliligaw!" habol niya.
humarap ito sa kaniya kahit naglalakad. "i will, tanga. pinaalis ko lang magiging sagabal."
#hq filo#filo fic#fanfic#haikyuu fluff#haikyuu fanfic#haikyuu#childhood friends to lovers#friends to lovers#sakusa kiyoomi#sakusa x reader#original character
34 notes
·
View notes
Text
i miss my friends here :( ako na lang ata active dito sa mga kasabayan ko kasi busy na sa sila sa outside world. it makes me happy seeing them do their own thing. good thing, we're still mutuals sa ibang socmed.
i miss talking to strangers turned to friends. its been a while since i made friends din, hirap na tuloy ako magkaroon ng connection with other people. sabagay, ang hirap na talaga makipag-interact sa iba parang laging may hidden agenda ang mga tao ngayon haha well may trust issues naman talaga ako sa mga tao ;_;
36 notes
·
View notes
Text
Dumaan kami kanina kasama mga ka-work ko sa lugar kung saan kami last na nagkita at kung saan ako nag-iiiyak. Akala ko malulungkot ako or what pero buti na lang hindi. Tamang reclaim lang wehehehe. Mas madali pala maka-move on pag alam mong hindi ka naman talaga vinalue. Hindi nga ko hinahanap pag umaalis ako tuwing magkaaway kami nung kami pa eh. Di nga ko maipa-tato pero yung nanloko at nangghost sa kanya meron. Mas pinili nga nya girl bestfriend nya ngayon at mas nagalit pa sya nung napagsalitaan ko pero nung binastos ako walang say. Ni hinding magawang layuan kahit na ayaw na ayaw ko doon sa tao. Alam pala nya na di na kami tatagal pero nakipagbalikan pa rin, chineck lang siguro kung tanga pa rin ako (tru naman that time). Palagi akong pinapalayas at nakikipagbreak tuwing may misunderstanding. Plus points pa yung panunumbat. Di ko tuloy alam kung genuine ba yung mga ginawa or binigay for me or ginawa lang kasi may gustong makuha na ewan ko kung ano. The things na binypass ko dahil bulag ang gaga sa "pag-ibig" hahahahaha at least tapos na at hindi na ako umiiyak bago matulog. Hindi na ko magmamahal ulit ng ganon at hindi na ako maaattach ulit sa taong hindi ikinatutuwang ako yung "minamahal" at pinaglilingkuran.
14 notes
·
View notes
Text
aaaaa just got another email and received a job opportunity from a company that i really want to work with. actually pangalawang beses na nila to huhu. nandito nanaman ako sa panghihinayang phase kasi this is big for me starting my new career na. sabi nila ''wag mo muna isipin yung work, isipin mo muna yung ano'' yeah i know pero kasi wala namang permanente ngayon at ito yung pinaka gusto ko sa buhay ngayon hahahaha tapos yung chances nandyan na kaya hindi ko talaga maiwasan hindi ioverthink eh. pero yun nga, after netong kumburuhuz sana nga tuloy-tuloy pa rin dumating yung mga chances and opportunities sakin sa year of 2025.
19 notes
·
View notes
Text
nakaka pagod matanong ng parents (ni mamy) ng "nakaka ipon kaba?".
feeling ko jina judge spending habits ko na pigil na pigil din dahil una, aware naman ako sa sinasahod ko. at ako paba? sanay na sanay ako mag deprive ng sarili ko. eh ngayon ngayon ko nga lang naiispoil sarili ko eh, kahit sa maliliit na bagay lang. naguguilty pa ako nyan.
di nya alam gaano ako naiistress everytime na di ko nahhit yung target kong hulog for the month. hindi niya alam gaano nakaka frustrate yung pinag dadaanan ko ngayon sa trabaho pero di ako basta maka alis.
edit: parang tinatamad na tuloy ako magpa footspa. di naman ako usual nagpapa footspa, pero nagka yayaan kami ni Kar kasi parehas nang kinakalyo mga paa namin. di naman kami sa mahal magpapa footspa pero pang 2-3 days budget din ata yon (di ko alam magkano naba ganon sa mga neighborhood salon ngayon?)
34 notes
·
View notes
Text
Random thoughts:
Ang seryoso ko raw? May nagsabi rin, halos lahat na lang daw ng inaatupag ko, "productive"?
Sabi ko, ano ba 'yung hindi seryoso? Hindi naman ako masagot; related to how I type daw. Whatever.
Minop ko 'yung sahig gamit 'yung tirang tubig after maglaba, ayon amoy ospital na 'yung bahay namin.
Bumili sila ng Lemon Dunk sa Happy Lemon tapos hindi nila mainom kasi ampakla raw pala without sugar, so binigay nila sa akin. Nilagyan ko ng delight ('yung yogurt drink); ubos na siya ngayon.
Mag-workout sana after maglaba pero parang andami nang na-burn na calories ng paglalaba at pagsasampay. 'Yung pagpiga pa lang sa maong pants, naubos na 'yung upper arm strength (kung mayroon man in the first place).
Malapit na akong matapos sa "review" pandagdag raket. In the meantime, sana matanggap din ako dun sa inapplyan kong part-time.
Nahuli ako ni T na gumagawa ng CV while at work, akala niya tuloy magre-resign na ako.
9 notes
·
View notes
Text
Naaawa ako na natatawa kay Donut. Kahapon kasi bumili kapatid ko nung parang adhesive na fly and mouse trap nilagay dun sa dirty kitchen. Puta sa kakulitan ni Donut siya yung nahuli. HAHAHA tapos pinaliguan siya nung kapatid ko di pa din naalis yung mga adhesive sa fur, nabasa niya na baby oil pwede ipangtanggal eh wala siya mahanap na baby oil tapos tinatamad siyang lumabas ginawa niya cooking oil nalang. Tapos nung pinaliguan ulit natanggal na. Kaso may mga residue pa nung oil eh naaawa na kapatid ko paliguan ng 3rd time. Wet look tuloy hanggang ngayon si Donut, kala siguro niya iluluto na siya. Tapos di pinapansin ngayon ni Donut yung kapatid ko. 😂
9 notes
·
View notes
Text
GETAWAY CAR
pairings. park jisung x female reader x ex-boyfriend jaemin
genre. mature content, angst | requested!
content. fast paced, implied cheating (sa exam!), best friend haechan, very short car sex part
playlist. migraine by moonstar88, kisapmata by rivermaya, beer by itchyworms, hayaan by cup of joe, rebound by silent sanctuary, getaway car by taylor swift, sana by i belong to the zoo
author’s note. not proofread, pag pasensyahan niyo na if may typos and grammatical errors dahil tinamad na ko :') enjoy reading and feel free to send me feedbacks! 🩷
“badtrip, monday na monday nagpasurprise long quiz prof namin,” rant sayo ni haechan habang kumakain ng inorder nitong tapsilog.
nasa katabing cafeteria ng campus niyo kayo ngayon ng kaibigan mo dahil kakatapos lang ng klase mo at sakto namang nag aya si haechan kumain sa labas ng campus dahil free cut naman daw niya. ayaw daw niyang kumain sa canteen ng university niyo dahil bukod sa hindi na masarap ay mahal pa. wala ka ng next class, pero napag usapan niyo ni jisung na kakain kayo sa labas bilang bayad niya sayo sa pagtulong mo sa kaniya mag review last week kaya hindi ka pa umuuwi.
“hulaan mo kung nakailan ako,” natatawa pa nitong sabi sayo.
“half?” hula mo naman.
umiling si haechan, “twenty two over fifty.”
“gago kasi ni jeno, nag usap kaming mag kokopyahan kami tapos nung magsasagot na tinakpan papel niya, tarantado,” dagdag nito, napapailing pa.
“speaking of the devil, ayan oh,” turo mo sa parating na si jeno.
tumayo naman si haechan para hampasin ito, “pakyu, boi, taksil ka.”
“nakailan ka, jen?” baling mo sa isa.
“thirty nine over fifty,” nakangisi nitong sagot sayo, “nakikinig kasi ako, hindi kagaya ng iba dyan,” parinig nito kay haechan.
“madapa ka sana,” bulong ni haechan.
“uy, gago, nakalimutan ko tuloy yung sasabihin ko,” kalabit nito kay haechan, “nagpunta ko dito para sunduin ka, nasa room na si sir!”
“akala ko ba free cut?!”
“hindi daw! tara na,” hinila ni jeno si haechan palabas ng cafeteria, “una na kami, y/n!”
napailing ka na lang sa kagaguhan ng dalawa at saka akmang aalis na rin sana ng cafeteria nang tumunog ang cellphone mo. it was jisung who texted, tinatanong kung tapos na ang klase mo. imbis na mag reply ay pinindot mo na lang ang call button.
“hi,” halata sa tono ng boses ng binata na nakangiti ito sa likod ng telepono.
“nandito ako sa cafeteria sa tabi ng campus, kakatapos lang ng class ko, sinamahan ko lang si hyuck kumain,” sagot mo.
“patapos na rin klase ko,” aniya, “nag paalam lang ako mag cr saglit para masagot tawag mo.”
natawa ka naman, “sorry, akala ko tapos na klase mo. sige na, bumalik ka na muna, itext mo na lang ako pagkatapos, intayin kita.”
mukhang pinaglalaruan ka ng tadhana dahil nang palabas ka na ng cafeteria ay nakasalubong mo si jaemin kasama ang mga kaibigan niyang sila yangyang. nag dalawang isip ka pa nung una kung babatiin mo ang mga ito, pero naunahan ka ni yangyang, “y/n! bakit mag isa ka? nasaan sila hyuck?” tanong nito at saka ka niyakap.
“kakaalis lang, sinundo ni jen— bigla daw dumating prof nila,” sagot mo.
tipid na ngiti at tango lamang ang ibinigay sayo ni jaemin, mukhang na a-awkwardan rin sa sitwasyon, though madalas naman kayong magkita around the campus ay awkward at mahirap pa rin para sayo. mahirap naman kasi talagang mag kunwari na parang wala lang nangyari sainyong dalawa dahil ilang taon rin yon. mahirap kalimutan yon nang ganun-ganun lang.
bigla kang nanghina pagkatapos ng interaction na yon, sa tuwing makikita mo siya pakiramdam mo bumagsak ang langit at lupa sayo. imbis na bumalik sa campus para intayin si jisung ay napag desisyunan mong umuwi na lang. you feel like crying and so you did.
“it’s okay to cry, angel, crying doesn’t mean you’re weak,” palaging paalala sayo ni jaemin noon.
naalala mo pa ay sinabi niya sayo iyon noong namatay ang alaga mong aso na siya ang nagbigay. sobrang lungkot mo that time kaya niyakap ka niya, at doon pa lang tumulo ang mga luha mong kanina mo pa pinipigilan.
“i will cry with you.”
but not anymore.
after hours of crying in your room, saka mo lang naalala si jisung. nawala na sa isip mong kailangan mo siyang imessage para sabihing nauna ka nang umuwi at mag sorry.
ji, sorry umuwi na ko, bigla kasing sumama pakiramdam ko :(
sent at 6:02pm
it took three minutes for jisung before texting back.
no, it’s okay, kumusta na pakiramdam mo? uminom ka na ba ng gamot? dalhan ba kita? you should’ve told me na masama pakiramdam mo para hindi na kita pinag intay
you’re very glad to have someone like jisung that’s why you treasure him so much. sobrang swerte mo magkaroon ng kaibigang kagaya niya sa tabi mo every time na kailangan mo siya and you’re very aware of that. hinding hindi mo gugustuhing mawala siya sayo.
i’m good na! i took a nap as soon as i got home, so medyo okay na rin ako. thank you, ji! bawi ako sayo :')
sent at 6:08pm
days has passed quickly. december na at isang linggo na lang ay christmas eve na. you and your friends decided to go to tagaytay for a three day vacation bago mag pasko since you and your friends will be spending christmas with your family and relatives.
sa kabilang banda, napag desisyunan na ni jisung na umamin sayo sa huling araw ng bakasyon niyo sa tagaytay. it took him years bago nabuo ang desisyon niya and this time he’s very sure of it. he’s willing to take the risk if it’s you.
you have no idea na alam ng mga kaibigan mo na gusto ka ni jisung, not until the confession happened. to be honest, you didn’t know what to feel. you’re happy to know that he likes you, but half of you knows na hindi ka pa fully moved on from jaemin. and haechan knows it, he’s your best friend after all.
“please lang, y/n... matalino ka, gamitin mo ang utak mo,” haechan was very frustrated because of the news, “masasaktan mo lang si jisung, magkakasakitan lang kayong dalawa,” napahilamos na lang ito ng mukha sa stress.
after months of you and jisung’s set up, naisipan mo nang ikwento ito kay haechan. nalaman nito na may nangyayari sa inyong dalawa ni jisung as friends kahit alam ni jisung na hindi ka pa nakakamove on ay pumayag ito sa set up. well... you both enjoyed each other’s company.
“haah... malapit na ko, ji...” ungol mo habang hingal na hingal sa pagbaba at taas sa ibabaw ni jisung.
nasa kotse kayo ni jisung ngayon, ihahatid ka lang sana niya pauwi sa inyo galing sa campus. hindi mo rin alam kung paano kayo nauwi sa ganitong sitwasyon. one second, you were sitting on the passenger seat and the next, you were bouncing on top of him.
“fuck, you feel so good, angel... so tight around me...” he groaned while holding your hip to help you bounce on his cock.
“matulog ka na muna at pag isipan mo yung mga sinabi ko sayo,” paalam sayo ni haechan.
you did. pinag isipan mo ang mga payo sayo ni haechan. ang totoo niyan ay alam mo naman sa sarili mong mali ang ginagawa mo, pero hindi mo alam ang gagawin. siguro nga ay dahil sa ginawa mo ng distraction si jisung para lang masabing nakamove on ka na kay jaemin.
sa dalawang linggong nakalipas ay hindi mo nireplyan ang mga messages sayo ni jisung. hindi mo alam ang gagawin kaya naisipan mong mas mabuti kung iwasan mo na lang muna si jisung habang nag iisip ka. today is jisung’s birthday at ni-bati sa text o call ay hindi mo ginawa. in fact, may birthday party na magaganap si jisung ngayong gabi at pilit kang inaaya nila jeno na pumunta.
nang dumalaw ang hating gabi ay may nangyaring hindi mo inaasahan. kumakatok lang naman si jaemin sa bahay niyo, at lasing na lasing. tawag ito nang tawag sa pangalan mo kaya ginising ka ng mama mo para pagbuksan ng pinto ang binata.
“j-jaemin... anong ginagawa mo dito?” gulat na tanong mo sa binata.
“y/n... miss na miss na kita... alam mo ba yon?” jaemin murmured, lasing na lasing na ito at hindi na makatayo nang diretso kaya inalalayan mo.
nangilid ang mga luha sa mata mo nang marinig ang mga salitang iyon galing sa bibig ni jaemin, “lasing ka lang, umuwi ka na sa inyo, jaemin.”
mapait na tumawa si jaemin, “jaemin? you used to call me ‘love’...” he whispered.
tumango ka, “yes, used to...” you whispered back.
kahinaan mo si jaemin at alam mo yon. simula nang maghiwalay kayo marinig mo lang ang ngalan niya nanghihina ka na. pakiramdam mo tuwing mababanggit si jaemin naririnig mong nababasag ang puso mo.
“hindi ako makatulog nang hindi ka iniisip... naaalala kita sa lahat ng bagay...” panimula nito, “sorry kung... sorry kung sumuko ako, nasaktan lang rin naman ako. nagkakasakitan lang tayo.”
“you were the best thing that ever happened to me and i hope you know that. alam kong wala na tayong pagasa... alam kong hindi na natin kayang buuin pa nang paulit ulit ang matagal nang nasira. sinubukan naman natin,” dagdag nito habang pilit pinipigilang umiyak sa harap ng dalaga, “nandito ako dahil gusto ko lang na marinig mula sayo. para rin makausad na tayo peraho kahit paano. kasi hindi ko kayang nakikita na nahihirapan ka nang dahil sa akin...”
nakayuko ka lang at patuloy sa paghikbi habang pinakikinggan si jaemin.
muli kang tumango, “tama na, jaemin.”
mas lalo lamang lumakas ang hikbi mo nang sabihin mo ang mga salitang yon. biglang nag flashback sa utak mo yung limang taon na kasama mo siya.
“pwede ba kitang yakapin? kahit sa huling pagkakataon.” tanong ng binata.
imbis na sumagot ay tumakbo ka palapit kay jaemin at saka ito niyakap nang mahigpit. agad ka namang niyakap pabalik ni jaemin. mas lalo kang nanghina nang marinig itong umiyak sa balikat mo. naging triple ang sakit na nararamdaman mo... dahil ang unang beses na umiyak si jaemin sayo ay noong sinagot mo siya. ibang iba ang dahilan ng pagtangis niya ngayon. damang dama mo ang sakit sa hikbi ng binata.
habang si jisung, ibang ideya ang nakuha. nakaupo ito sa loob ng sasakyan niya sa malayo habang pinapanood kayong dalawa. simula pa lang naman ng laban alam na ni jisung na si jaemin pa rin.
dahil si jaemin naman talaga. it was him even from the very start at wala siyang laban.
habang pinapanood kayo ni jisung, ang hindi niya alam ay may nanonood rin sa kaniyang umiyak.
haechan is crying with him.
click here for bonus part!
#park jisung fic#nct dream fic#park jisung imagine#nct dream imagine#park jisung angst#nct dream angst#park jisung smut#nct dream smut#na jaemin fic#na jaemin angst#na jaemin imagine
94 notes
·
View notes
Text
081124 — ang low frequency ng energy ko recently.
napansin ko yun nung nawala yung parang magnet ko. dati kasi everytime na papasok or bibili ako sa isang store na walang tao or walang pila, biglang hahaba or mapupuno after ko, ngayon parang wala na yung ganun kong effect, ilang beses ko na natry. madalas pa yung papasok ako ng puno, tapos biglang kami nalang yung matitira tas wala ng susunod, or yung ako lang talaga. i dunno, but somehow may konek yun. lol.
tsaka yun ngang nag isolate sakin yung bestfriend ko, nung kinonfront ko siya, ni-realtalk niya naman ako as usual—yun nga nadidrain ko daw yung energy niya. feeling ko yun yung pinaka realtalk na natanggap ko sa buong buhay ko, yung akala ko aware na ako sa mga actions at nasasabi ko, not until someone important actually told me how I make them feel—I do feel bad and sorry na ganun na pala yung energy na nababato ko sakanila.
nung nag move ako dito, i thought was getting better na, i thought i was gonna thrive. pero parang kahit saan naman ata ako pumunta, hangga't hindi ako natututo talaga, babalik at babalik ako to zero, sobrang hirap ipick up ulit ng sarili everytime na babagsak ka na naman. parang yung sinabi 'to ni faye sa story niya last time e. tsaka yung itetest ka talaga ng universe kung natuto ka na, yung bibigyan ka ng challenges na magtritrigger sayo, in my case, mas madalas talaga failed parin ako. hehe.
siguro it's about the environment din talaga and the people you allow to surround you. since bahay at work lang naman ako dito; sa work, definitely it's a toxic environment na, at sobrang hinayaan ko na maapektuhan ako mentally and emotionally. sa bahay nila J, it's peaceful naman okay naman family niya, ang worry ko lang baka pati sila nakaka absorb ng energy ko, like since andito ako baka dahil sakin kaya medyo mabigat yung buhay, but I don't want to think na ganun talaga.
kaya lately, hindi rin ako masyadong nag shishare ng mga kaganapan sa buhay ko dito. cos I always sounds like nagrereklamo, tulad nga nung shinare ng bestfriend ko sa tiktok, wala naman siguro siyang pinatatamaan pero feeling ko para sakin yun. like yung lumayo sa mga taong mareklamo and all. minsan kahit sa ibang friends ko tuloy, pinipigilan ko narin mag share, madalas di nalang ako magrereply bigla, kasi mag sosound na naman akong nag rereklamo kasi nga ang dami kong reklamo sa buhay. haha. yung mapapaisip ako if okay ba na shinare ko pa yun or what or kapag mag rarant ako nag papaalam na ko kung okay lang mag vent out. ayaw ko na kasi mag pasa ng bad energy.
pinag iisipan ko na nga rin mag resign kasi lahat kami ni Z panay rants na about sa mga nangyayari sa office, cos it's not getting any better e. lahat kami gusto na mag resign, pero di ko pa alam next step ko so nag tyatyaga na muna ako, at tinatry mag work ng peaceful. feeling ko kasi malaking part yung environment sa work kung bakit hirap mag thrive, survival mode na naman e. hehe.
8 notes
·
View notes
Text
08052024 • finally, natuloy na din yung plans to have lunch and coffee with these two. since bf/gf palang sila, nag-aaya na talaga sila na minsan labas kaming apat, kape, kain, kwentuhan, etc. ang odd lang din kasi itong wife ng cousin ko, never ko naka bonding ever since naging sila simpleng hi/hello lang pag pumupunta siya dito sa compound namin or if nakakasalubong ko sila sa sm. we never had a conversation until dumating yung pandemic. she messaged me some faqs about bpo, na refer ko siya, she got the job and after non tuloy-tuloy na until mapunta kami sa nails and lashes, tas ever since nakausap ko siya back in 2020, wala yang palya yearly may padala with or without occassion basta naalala niya ko [mostly holidays ng december and bday ko] pero walang formal conversation and long time bonding talaga.
come late last month, nagulat ako na nag open up siya sakin about life, relatives, etc. and tbh, di na ko na shock talaga after reading her messages knowing those people since childhood, ako nalang humingi ng paumanhin talaga on their behalf sa wife ng cousin ko. Sa sobrang people pleaser niya naabuso talaga siya to the point na nagaaway na sila ng pinsan ko kasi tuloy pa din siya kahit alam niya na bawal kasi for her regardless anong ginawa nung mga taong yon sa kanya or sa asawa niya [cousin ko] papalagpasin niya, she'll let it go kahit alam niya agrabyado sila. and to cut the story short, nagulat nalang din 'tong kuya ko na nagkausap kami recently to the point na three days straight, and may day na inabot kami ng almost 4am chit-chatting to each other dahil ganon nalang kasama loob niya.
Sa totoo lang, sobrang saya ko for my cousin. Sobrang bait ng in-laws niya at asawa niya. Deserve niya lahat ng meron siya ngayon. Kasi kahit ako, nung nakita ko achievement nila mag-asawa sobrang proud ako sa kanya kasi i know na kahit ganyan siya, he can provide to his family. kaya rin siguro ganon nalang sila pagsalitaan kasi for them walang character development pinsan ko kahit meron talaga to the point na kahit ginagago na siya ng mga pinsan namin na close niya before, pinakikisamahan pa din niya kahit di naman dapat.
Anw, ayun lang. Pagod nanaman today pero happy pa din kahit paano. Good night!
11 notes
·
View notes