#nakita ko to sa isa kong blog
Explore tagged Tumblr posts
onewordenglish · 2 years ago
Text
Kagabi may kausap ako, hinahanap ko sya sa twitter tapos ang ending ako yung nahanap nya. Lumang twitter gamit ko, dinelete ko na mga tweets non tapos hindi ko pala nadislike yung mga nalike ko dati. May nalike akong picture ko na kasama yung ex ko, so nakita nya yon sinend nya sakin yung picture.
Pagkasend nya, literal na sumakit yung puso ko. Hindi sa hindi pa ako nakakamove on or what. 2016 pa yung pic na yun. Naalala ko lang sya, namatay kasi sya sa aksidente 2 years na. Kakadalaw ko lang sakanya last month. Dito ko sya nakilala sa tumblr nung 2014, actually madami sila, kaibigan ko pa din hanggang ngayon.
Hindi ko tanda kelan kami nagbreak pero nagkakasama pa din kami hanggang 2019 first quarter siguro. Almost 5 years kami magkasama. Madaming away at hindi magagandang nangyari pero alamoyon mahalaga pa din sya sakin. Hindi na kami nag uusap nung mangyari yung aksidente, at yun yung masakit, hindi na kami nagkaroon ng chance maging okay ulit. Alam ko na kung may isa samin nagfirst move, magiging okay eh, kaso feeling pareho lang kaming naghihintayan.
Tapos nagbackread ako dito sa blog ko, ang dami kong post dito about sakanya, puro magagandang pangyayari o mga nakakakilig, mas bumibigat pakiramdam ko. Ang dami palang good memories namin, kasi netong nakaraan puro bad memories nasa isip ko kasi hindi kami okay. May mga nagawa syang mali, pero madami din naman yung tama. Ganon talaga no, pag galit tayo, we focus on negative things.
Naalala ko lang yung sakit nung mabalitaan kong wala na sya.
Pero ang galing kasi kapag hindi ako okay, palagi ko sya pumapasok sa panaginip ko.
7 notes · View notes
kjdcpx · 1 year ago
Text
Tumblr media
08 05 2023
Today, I've spent time with you and I've got to know you better.
Napagkwentuhan natin yung family and friends natin and also yung mga work natin. Hindi mo alam how happy I am to spend time getting to know you. That I felt like there's somebody who wants to know me even deeper that what I show people. Nung tinanong mo ko anong tumatakbo sa isip ko, anong nafefeel ko kasi kagabi pa lang nababaliw na ko. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sayo na hala, nagugustuhan na kasi kita tapos tinitimbang ko kung hanggang saan yung limit ko kasi hindi ko alam kung dapat ba kita gustuhin. Hindi ako duwag eh, pero ngayon takot na takot ako. Alam kong worth it ka, pero hindi ko alam kung asan ba ko sayo.
Ang saya ko, hindi yung saya na naooverwhelm ako. Ang saya ko kasi ang tahimik, ang payapa and u gave me that. Nung sinabi ko sayong I'm healed and hindi ako isolated kasi lumabas naman ako and hindi naman ako nairita kasi siguro kaya ko basta konti ang tao. Sabi mo kasi malupit ka, oo nga. Malupit ka, kasi napafeel mo sakin na safe ako, in your small ways. Napafeel mo sakin yung payapa at kalmado na pakiramdam na hindi ako masstress sa buhay. Kahit puro rants ka, hindi mo nassuck out yung energy ko. You just don't know how happy I was nung sinabi kong nakakita ako ng dinosaur sa clouds kaso nagkkwento ka kaya di ko na tinuro sayo, pero nakita mo din pala. It felt like I found someone who I can be weird with. My beliefs, na kahit hindi mo paniniwala, na kahit na minsan alam ko nawe-weirdohan ka din, pero you took it as if you're open to the idea kahit alam kong ang weird talaga. You don't have to wear that bracelet, kasi it's just something that I believe in. Na that bracelet is something to suck in and repel evil. Pero you wore it and you were really happy about it. Hindi mo alam na those small gestures made me happy. And I can't tell you, so I just keep it in.
To tell you honestly, hindi ka naman pabigat sakin. I don't feel like ambigat mo and your rants are understandable, kasi naghahanap ka ng ways on how to handle the shit. I'm really happy with your plans. Na kahit pagkikita natin, you're planning it. Hindi lang isa, pero we have different plans for different scenarios. That's something I admire about you. Kasi hindi ka susugod head on, pagiisipan mo paulit-ulit with plans.
Hindi mo alam pano ko nafefeel na special ako aa tuwing inaaya mo ko lumabas, dahil gusto mo magrant and magdestress. Like ang dami mong friends, listening to you kanina, ang dami nyo and sabi mo nga lahat kayo close. And you have them, pero you chose to be with me. I know walang meaning sayo yan, pero isa yan sa cause ng delulu ko eh. Cause it makes me feel special.
As I am writing this, and iniisa-isa ko all this shit. Baka nga nafall na ko sayo, in denial lang ako kasi natatakot ako. And I don't know how to make sense of it all. Ang sigurado ko lang is I do like you. Baka crush kita, ewan ko. And ang shitty ng feeling kasi sabi ko nga dun sa last blog post ko sa blog ko kay tuel is, andito nanaman ako sa point na nagkakagusto ako sa friend ko who's like my bff. Ang shitty ng feeling kasi natatakot ako magkagusto sakanya kasi baka mamaya bffs na tapos mawala pa kasi nga nagkagusto ako. I don't know. Hindi ko talaga alam sa totoo lang. Yun yung gumugulo sa isip ko kagabi pa.
Ewan ko na. Ayun lang. Happy ako today, and sana happy ka with the time you've spent with me. 🤗
1 note · View note
nicoleabingspeaks · 2 years ago
Text
Tumblr media
las plagas (nicole's version)
dear kimmy,
nahanapan ko din ng paraan para ma insert yung hyperfixation ko ngayon sa blog ko hehe. actually kung tutuusin wala talagang kinalaman si babyloves leon kennedy ko dito gusto ko lang siyang ishare. nilagay ko kasi sa resident evil 4, yung kinakalaban nila is na infect with the virus named plagas or las plagas (the plagues in english). and ano ba naman yung mga sumisira ng mental health natin kung hindi plague diba. kaya nga tinatanong tayo "what plagues your mind" eh. so ayun for this session nag class therapy kami. honestly medyo nasira yung experience ko dito kasi mas lamang pang nagsalita yung mga taong hindi nakatakda sa session na yon pero bahala na kung doon sila na group mas comfortable magshare edi forda gow nalang. anyways, okay lang din naman sakin na hindi makapag share kasi i have my own psychiatrist and psychologist din naman. very fortunate ako kasi meron akong family na makaprovide sakin with that. pero naiisip ko din yung mga tao na nangangailangan ng tulong with their mental health na hindi man lang makapagbook ng appointment dahil sa mataas na price point ng mga specialists dito. sana mas mabigyan ng halaga yung mental health soon para maging mura na din and more accessible yung mga psychiatrist at psychologist. anyways, sa tingin ko yung mga mental health problems ay isa sa mga factors kung bakit nahihirapan yung iba maghanap ng self nila amidst society. yung mental illness kasi is innate talaga. yung severity lang nito yung dependent sa social factors. gawin kong example dito si james fallon. natuklasan niya na psychopath siya on accident while comparing the brains ng mga people na kilala niya with that of serial killers. nanotice niya na yung PET scan ng brain niya is similar sa brain ng serial killers na pinag-aaralan niya. yung reason why he didn't share the same fate as serial killers is because he grew up loved and it protected him daw kaya hindi siya nag go down a path of violence unlike other psychopaths. so yung extent lang talaga ng psychopathy niya is hindi lang siya makafeel ng empathy for other people. on the other hand, pwede rin ma increase yung severity ng mental illness. gawin kong example sarili ko because i feel like it would be easier to explain. i felt the symptoms of depression during high school and was diagnosed almost a year ago. one of the first things na tinanong sakin is "why do you think you feel that way". so kinuwento ko sa kanya yung childhood traumas ko na remain unresolved and how i found myself in an unhealthy competitive mindset as a result of being constantly compared to others. these factors were determined to be the root cause of my mental illness. after ko nakita yung nangyari kay james fallon, parang naisip ko na baka i would still have the brain of a depressed person and hindi lang magpunta sa self-destructive na extent kung lumaki lang ako in a better environment. pero i like to believe na yung mental illness ko yung nagpapafunny sakin chz (yayaman ako if may 1k ako everytime i made a joke about killing myself). anyways so ayun. eto yung counter ko sa argument na "sino ba nagsabi sayo na you have to feel that way". i don't know kung gaano siya ka totoo and if yung kay james fallon na findings is naga encompass ng lahat na mental illness pero ayun nga. although i believe na innate yung mental illness, naniniwala din ako na there is something na magagawa ng individual para macombat ito. yung palagi kasing sinasabi sakin ng aunt ko is wag ako masyadong magpaapekto. although hindi to gaano ka effective sakin, if there's a will there's a way din naman diba. baka effective yung method na to for other people.
gusto ko lang din pala idagdag na yung diagnosis ko, although it brought a sense of dread, it also brought a sense of relief kasi napinpoint ko din yung reason why i think the way i do. sabi din ni james fallon na yung diagnosis niya nag explain din ng behavior niya. so i guess in a way nadedefine din tayo ng mental state natin. therefore, i believe na acknowledging na there is a problem is a step further to understanding the self. even better if necessary steps are taken to break free from the things that hinder us from seeing the world as we should. so ayun na, kimmy. done na ako magsalita. masyadong heavy kasi ang topic so until next time nalang mhie.
napagod magsalita for the first time,
nicole
0 notes
kimhortons · 2 years ago
Text
On Having Multiple Accounts.
ang hassle talaga pag may secondary accounts lol. buti nalang may password keychain kaya click nalang ng click, no need to type ang hahaba pa naman ng mga passwords ko haha. siguro kung wala nito, di talaga ako mag bobother na magkaron ng secondary or multiple accounts. unlike dati sa early 20s ko, jusko may account ako for family, for friends etc. basta naka bukod bukod haha. 
i even made 16 Twitter accounts lol pero pare pareho ata passwords non. tsaka hindi ko naman na binubuksan, naalala ko ginawa ko yun for fangirling pag may mga votes paramihan ng tweets diba haha. nag keep lang ako ng 2 accounts, yung main ko and yung tumblr exclusive pang porn din, charot haha. yung Facebook at Instagram ko dati tig tatlo haha. di ko rin alam bakit. parehong tig isa non di ko na mabuksan, dahil yun pa yung mga pinaka una kong ginawa. so tig dalawa nalang. 
ngayon nalang talaga ako parang nawalan ng energy sa iba’t ibang social platforms. 
dinelete ko yung isang FB account ko na intended for work kasi pakialam ko ba sakanila, ayaw ko naman talaga sila maging friends sa social media—friends ko kasi non lahat ng department pati mga drivers at mechanics e, meh. biglang ayaw ko na ng may access sila sa personal life ko on social media. though di naman active masyado yon, parang nafeel ko lang na i just made that account to please them lol.
i still have both my Instagram account, one intended for online shopping. but since di naman ako madalas nag oonline shop sa ig, parang gusto ko nalang din idelete. kaso dun ko rin kasi finafollow mga shops ng mga mutuals ko from tumblr or anyone of my friends na may ig shop. ayaw ko lang talaga na masyado maraming finafollow sa mga main accounts ko kasi—di naman sa curated lang talaga—basta i intentionally follow people. kasi sila or ganito yung gusto ko makita. gets niyo na yon. 
even here, 100+ lang finafollow ko. dati nga di ko talaga pinalalagpas ng 100 e. haha. tsaka isa lang talaga account ko dito, wala talaga ako balak dati mag sideblog kasi nga hassle tsaka baka di ko ma-maintain. e nung na lock nga ‘tong blog ko 2020 ata, naglagay kasi ako ng two factor authentication. e yung number na niregister ko, terminated na sa account ko and ibang globe account na may ari kaya di ko na maopen nun. so gumawa ako ng bago—yun ngang ciaokim ngayon. tapos later last year, naalala ko may ginawa pala kong fan blog ng 5sos dati haha. na-open ko, kaya yun ginawa kong sideblog non, tas personal blog si ciaokim. but now that i retrieved this blog, syempre bumalik ako dito. 12 years na ‘to e. haha. dineactivate ko yung isa, tas yung ciaokim, idedeactivate ko rin sana kaso nakita ko naka follow parin lahat dun kaya ginawa ko nalang sideblog. pero ang hassle parin, in the long run baka i-deactivate ko rin yun haha. 
ngayon sinasanay ko na sarili ko na hindi nabubuhay sa social media. yung tipong parang display nalang yung Facebook (twitter at ig kasi di naman ako masyadong active) ganon haha. sinabihan din kasi ako ni J dati na parang di ako mabubuhay ng walang social media haha. tsaka ayaw ko narin na sinasabihan ako ng kung ano ano based lang sa nakikita nilang pinopost ko, kaya di narin ako masyadong pala post ng pictures na sa Facebook, dati bawat ganap naka album ultimo mga walang kwentang shots naka upload haha. basta ayaw ko na nung may nasasabi, kaya it’s either i’ll block them or wag na ko mag social media at all, iwan ko nalang naka deactivate yun. haha.
9 notes · View notes
writenaw · 3 years ago
Note
Hindi ba awkward na nagkakakitaan kayo ng posts dito ng kuya mooo? Wala lang curious lang haha
una ko tinitignan sa posts niya yung tag, pag nakita kong shhh di ko na binabasa or tinitignan kasi para saan?? also, wala din naman akong posts na ganon yung content maliban sa fitness updates ko minsan na normal lang naman (women wear bikinis sa beach). isa pa, wala talagang malice sa pagitan namin e, we don't even talk about tumblr that much irl, puro random stuff minsan discussions about life and government pa.
and nagkkwentuhan rin naman kami palagi so alam ko ganap sa buhay niya and all and alam niya rin mga ganap ko sa buhay so minsan diko na binabasa blogs niya since nakwento na rin naman sa akin.
10 notes · View notes
abibiyuki · 3 years ago
Text
Huling iyak ng Pebrero, Unang iyak ng Marso.
Di ko alam kung nabasa niyo yung blog ko tungkol sa panaginip ko na may sinabihan akong condolences at paggising ko, naisipan ko icheck fb account ng kapatid ng ex ko. Nalaman ko na namatay pala daddy nila. Last month lang yun.
Kanina, nagising din ako dahil ang sama ng panaginip ko. Si Ralph daw sinaksak sa dibdib nung tao na nambastos sakin. Tapos may isa pang tao dun na parang n*m*tay di ko alam sino. Di ko na matandaan sa totoo lang. Basta alam ko tumatakbo ako para humingi ng tulong. (lagi ako nananaginip na natakbo at may humahabol sakin 🥺)
Mga tanghali, naisipan ko ulit tignan fb account ng kapatid ng ex ko, may RIP ulit. Ngayon, siya na mismo yung nakapost.
Nanginig ako, nanlamig sa nakita at nabasa ko. Di ako makapaniwala. Ang bata pa nun. 18yrs old lang. Ang sabi "depression". N*gpak*mtay daw. Sobrang lungkot. Hanggang ngayon di ko lubos akalain na mangyayari yun. Chinat ko kaagad kapatid kong ka-edad niya kasi friends sila sa fb. At magkalaro sila noon nung kami pa ng kuya niya. At confirm. Totoo nga.
Sobrang close ko sa batang yun. Naaalala ko na tuwing birthday niya request niya sakin noon eh J.co 😭 Di ko pa rin kaya paniwalaan. BAKIT? 😭
Bigla ko naisip na sana pala, chinat ko siya nun. Baka sakaling nag-open siya sakin. Baka sakaling may nakausap siya. Baka lang naman di ba?
May nawala na namang tao sa buhay ko na di man lang ako nakapagpaalam. Ang bigat sa pakiramdam.
Mahal ka ni Ate, Z. Magkikita tayo ulit, balang araw.
3 notes · View notes
jhorofin · 3 years ago
Text
Page 2
Nagpatuloy ang seminar at naging interactive naman. Masaya naman so far at madami din palang kagaya ko na nandito ngayon. Nakakatuwang marinig ang ang mga kwento nila, mga estado sa buhay at dahil syempre puro kami bakla, asahan mo na na masaya talaga, maingay at puro tawanan.
Ito ang unang beses na nagawa kong pagusapan ang sakit ko na parang normal na bagay lamang ito. Sa loob ng kwartong ito, walang huhusga sakin. Walang huhusga samin at tulad lamang kami ng ibang mga ordinaryong tao. Sa kwartong ito parang wala kaming mga sakit. Nakakabilib pa dahil ang ibang kasama namin ay mga propesyonal at malayo na ang narating sa buhay. May isang Operations Manager, Businessman, International School Teacher, CEO, Call Center Agents at iba’t ibang mga trabaho. Ramdam na ramdam ko. Ito ang mundo ko. Napatigil ang lahat nang biglang may pumasok.
Pumasok ang isang lalaki na siguro nasa 5’8 ang taas. Maganda ang tubo ng facial hair nya. Maganda ang ngiti nya at medyo singkit ang mga mata nya.
Nagtinginan ang ibang mga speaker kay Jed at si Jed naman ay lumapit sa pumasok na lalaki.
Nagusap silang dalawa, nakangiti at parang sobrang malapit sila sa isa’t isa.
Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kanilang dalawa. Ang gwapo nilang pareho. Teka, nakatingin ba silang dalawa sa akin? Agad kong nilayo ang tingin ko at humarap sa speaker na nagtuturo sa harap. Naku nakita yata nila ako. Nakita nila ako na nakatingin sa kanila. Muli akong tumingin at nakita na naman nila akong nakatingin sa kanila at ngumiti ang lalaking kasama ni Jed.
Naku Dylan, Nagfefeeling ka nanaman at higit sa lahat, naghuhumarot ka nanaman. Pero noon pa man, gusto ko naman na talaga si Jed. Lalo na nung nadiagnose ako na may HIV ako. Ang kwento niya ang naging inspirasyon ko para mabuhay kaya lagi ko sya finafollow sa mga social media accounts nya at inadd ko din sya sa facebook kaso hindi naman niya inaccept. Nagmessage din ako sa kanya pero, anu pa nga ba, edi hindi naman ako nireplyan. Sino ba naman kase ako para iaccept at kausapin niya. Teka ano pa ba tong mga iniisip ko. Masaya naman na ako kay Paddie. Advocacy lang ang tanging dahilan kung bakit ako nandito at wala nang iba pa.
Jed: Maraming maraming salamat sa pagpunta niyong lahat. Naappreciate namin ang paglaan ninyo ng oras para sa seminar na ito at sana makasama pa namin kyo pag may mga activity. Meron din palang kadugtong ang seminar na ito. Sana makapunta pa din kayo at sana ipagpatuloy ninyo ang advocacy nating ito.
Jed: Bago ko makalimutan, gagawa pala tayo ng isang group chat sa facebook para makapagusap-usap pa din tayo at doon na namin iaannounce kung may mga activity tayo. Dun na din kami magtatanong kung sino sa inyo ang pwede naming makasama o makatulong kapag may activity. Paki add na din ako sa facebook. Pakisabihan din ako sa group chat kung inadd ninyo ako kase puno na ang facebook ko at kailangan kong magunfriend para iaccept kayo.
Wow may group chat kami. Di ko maipaliwanag kung ano tong nararamdaman ko. Alam ko na excited ako kase sa araw na ito madami akong nakilala na kagaya ko at magkakaroon pa kami ngayon ng constant communication dahil sa group chat. Bukod pa doon ay magkakaroon na din ako ng isang community na mapagtatanungan ng tungkol sa sakit ko o twing may mga nagtatanong sa blog ko. Masaya ako dahil naging sobrang productive ng araw na ito.
Nung matapos na ang seminar, ang ilan sa kanila ay umalis na. May ilan na lumapit sa akin para makipagkaibigan, nagkayayaan na sabay umuwi at kumain muna.
Ayokong maging suplado kaya sumama ako at umalis na kami habang sila Jed at ang ibang mga advocates ay naiwan pa.
Sa wakas nakauwi na din ako. Nakakapagod ang araw na ito. Pero masaya. Binuksan ko ang messenger ko at nakita ko na ilan sa mga kasama ko kanina ay nagchat sa akin. Kailangan ko palang sabihan si Paddie na nakauwi na ako kaya nagmessage na muna ako sa kanya.
Dylan: Love, nakauwi na po ako. Masaya naman ang seminar madami akong natutunan. Madami din akong nakilala na kagaya ko at naging kaibigan.
Paddie: Mabuti naman love. Nasa office pa ako. Tawag ako sayo pagnakauwi na ako. I love you.
Dylan: I love you too. Magingat ka sa paguwi mo.
Tinignan ko ang mga nagchat sa akin. Ang iba sa kanila ay nagpaparamdam na gusto nila ako. Ang iba naman nagchat na cute daw ako. Napangiti na lang ako at hindi ko na muna pinansin nang biglang may nagchat.
Jed: Hello. Good Evening.
😱😱😱
4 notes · View notes
imyourimaginaryone01 · 4 years ago
Text
Tumblr media
"My Mr FineArts." Sa wakas nagwakas din yung pagiging badgirl ko., Inlove ako eh. Pinilit kong magbago dahil sakanya..( sorry medyo dramatic na ko sa part na to, ito kasi ang pinaka matinding heartbreak ko! :'c)
Saan ba tayo magsisimula excited na ko ikwento eh. Sobrang memomorable kasi, at sobrang heartbreaking. Syempre magsisimula tayo sa memorable. Paano ba kami nagsimula mgkakilala ni Mr Fine Arts.
"First day ng school" oo bumalik uli ako mgaral pero hindi na Nursing. Nalulungkot kasi ako kapag papasok pa doon naalala ko lang si james. Yung pagsundo at hatid saKin mga sweet memories namin sa school na yun. Ayoko ng maalala. Ayoko ng balikan pa. Kaya nagshift ako ng course. Nag Fine arts ako. Advertising actually nagkamali ako ng pinasukan, dapat Fine Arts interior Design. Pero yung naenroll ko Advertizing. Same kasi sila na Fine Arts course mgkaiba lng ng major. Pero hindi ako nagregret sa pagpasok ng FA advertizing kasi nakilala ko si Hurvey si Mr FineArts ko. Kakaiba ang itsura niya, alam nyo ung band ng SAOSIN. Yan ganyan ang pormahan niya EMO. Ibang iba sa porma ko nun time na yan kasi badgirl nako mahilig nako mag skirt na super ikli, tpos sleevless shirt at super kapal magmakeup. Ako lang nga naiiba dun lahat rockstar at nerd type. Weirdo. Ang wweird ng pormahan nila na talagang titignan mo sila isa isa. May mga naka salamin. May mga kulot na apro ang buhok. at siya na emo ang pormahan, grabe crush na crush ko siya. Longhair siya nun, parang siya ung daomin su ng buhay ko at ako si sanshai. Haha. Yung sa flower garden. Nsa last row siya eh at sila lang din ubg mga mukhang emo 3 sila magkakasama na mukhang emo. Siya ung nsa gitna naka red siya n medyo faded na yung tshirt, longhair, naka tunnel earings. Sobrang astig! Naka vans shoes ung pang skater boy. Minsan nka chucktaylor sya. Grabe talaga ung paghanga ko sakanya, at ang galing galing niya magdrawing, family sila kasi ng Artist. Ate niya architect, kuya niya Painter, isang ate niya interior desingner ung gusto ko sana kuhain nun. Tpos ung isang kuya niya tattoo artist. Ayoko siyang pakawalan nun at dahil badgirl ako nun gusto ko nakukuha ko lahat ng gusto ko. Oo lahat ng gusto ko pati siya! At dahil ayoko siyang pakawalan kasi talagang love at first sight ako sakanya. Guess what??? Ako ang nanligaw sakanya! Oo ung mga ginagawa ng lalaki hindi ba kaya ng babae un, iba na generation that time at dahil badgirl ako nun lahat ng gusto ko nakukuha ko.
"Paano ba nagsimula ang panliligaw ko? Una ligaw tingin lang muna, dadaan sa harapan niya magpapapansin, kulang nalang nga maghubad ako sa harapan niya para lang mapansin niya ako. Ganun ako katindi. One time tinabihan ko siya sa klase tinanong ko pangalan niya, ako talaga ung unang ngtanong. Mahiyain siya, hindi siya tumitingin sakin, habang ako nakatitig sa mukha niya. Kulang na nga lang hawakan ko. Oops hawakan ko ung kamay. Hehe. Wholesome tayo dto blog ko to. Madaming beses ko siya tinatabihan para mkpgusap ung ginagawa ng lalaki ako naman na ang gumagawa. Pero hindi naman umabot na binigyan ko siya ng chocolates at flowers haha baduy un. Ang saya ko na lagi ko siya nakikita, nakakatabi.nakakausap kahit pautal utal siya at kakapirangot sinasabi pero huwag ka. Siya ang pinaka matinik sa kama. Hahaha wholesome pla tayo.:D
"Foundation day ng School." Madaming events, pero syempre saan ba ako nakafocus syempre kay Mr Fine Arts ko. Siya ang last ko eh na naging ex. Oo EX as in hindi kami nagkatuluyan mahabang storya eh. Pero sisimulan ko muna sa naging kami. Yun nga foundation day ng school sa dami ng events dmo alam saan ang ppuntahan mo. Nakita ko siya sa field ng school, ksama niya ung ibang kaibgan niya na emo din nakatambay sila, sabi ko oh bakit nandyan kayo? Wala ba kayo pupuntahan o sasalihan na mga events? Wala eh baduy daw, tambay lang sila tpos kain, eh dahil ako nandun ako kanina sa hena tattooing ngpa hena tattoo ako sa back hips ko. Naka hanging blouse ako ung kita ang pusod. Tpos naka mini skirtbhat sneaker parang taylor swift lang ang datingan. pagirl ako eh, kikay. Tapos umupo ako malapit sakanya, gabi na yun mga 7pm. Ang tagal nila tumambay dun bago umuwi ngyosi actually bawal ang yosi sa school pero dahil field un at gabi na yun, wala masyado prof na dumadaan mga student naan dun wlng paki minsan may nakikita ako nagyoyosi sa CR. Hallway. Parang okay na sakanila un. Normal lng. Hndi gaya ng ibang school napaka ssitrict lalo saamin nun ng jilians ako. Dun free ka. Minsan may naninita pa din na prof. Minsan wala. Kaya ayun yosi sila sa field. Ako kasi hindi marunong pero dahil parang in yun sakanila ngppretend ako na ngyoyosi kahit hithit buga haha. Namimiss ko ang ex ko pag naaalala at binabalikan ko ito. Kasi siya ang greatest one ko. Siya din yung best ive ever had! Siya din yung only ideal man ko. Na nag end up sa hiwalayan. Akala ko siya na yung the one makakatuluyan ko magging happy ending. At magbibigay saakin ng mga anak. Pero hindi eh. Sa 4 years namin nagsama masasabi ko talaga na siya na ung lalaking makakatuluyan ko. Na siyana ung lalaki na makakasama ko habang buhay, pero paano ba nagtapos ang lahat?? Anyways mahaba pa ang kwento ko eh ayoko pang tapusin. Nagsisimula palang nga.
"Dahil obvious na obvious ung panliligaw tingin at panliligaw ko sakanya, alam mo nangyare bumaligtad ang lahat. Nagkatotoo ang pangarap ko. Siya ang nanligaw saakin, hinihintay ko nalang nga sagot niya na OO tayo na! Pero nagbago ang lahat nung hiningi ni "kulot (yung tropa niya) ung number ko at binigay sakanya.. Akala ko pa nga nun si kulot ung manliligaw saakin, un pala siya! (*_*)
Finally hiningi niya number ko. Makakatxt at tawagan ko siya the whole night nun. Binigay ko kaagad hndi nako nag pakipot uso pa ba un??? haha. Tapos nun time na un tinuruan ako ni louie magskate board kita daw panty ko! :D "sabi nila kaya inistop ko.. Concern siya saakin! Ang sweet niya.. (*_*) Tapos Sabay sabay na kami umuwi nun, Sumakay siya ng bus along cubao kasi taga Marikina pala siya. Ako kasi nagcommute lng. Pauwi saamin sa Bulakan. Bulakan lng nmn kasi ako. Naghiwalay na kami. Pero hinihintay ko ang txt niya.. kilig* ang cheesy pero lahat nmn tayo may kilig moments eh at hinding hindi mo na mababalikan pa. Kaya hngang kwento nalang muna.
Ayun tumagal kami, nun nging 10months kmi dinala niya ako sa bahay nila, dun ko nakilala ang mama niya, family niya mga ate at kuya niya. Ang awkward kasi lahat sila artist. Tapos ang popormal kumilos manamit. Nahiya ako sa suot ko nun eh. Kasu naka mini skirt ako sleeveless na paranh nakita lng nya ako sa tabi tabi. Kaya nun next na punta ko sakanila eh pants at tshirt feeling ko nga nun nging pormahan na emo nako nun that time ngiiba na ako pero ayaw nia eh gusto niya kung paano niya ako nakilala. Ang rockstar pala hindi namimili ng mgging gf. Kahit kikay o formal o rockstar din gaya nila. Napaka simple. At hindi maarte. Yun ang rockstar hehe. Sobrang inlove nako sakanya naibgay ko na nga lahat lahat as in kahit araw araw. Hindi pa niya alam na naadik ako sa Sex nun eh. Dko sinsabi basta sabi ko n may nauna na pero hindi ganun kaexperience. Kaya naniwala nmn siya. Pero eventually malalaman din pala niya ang totoo. Yun nga naayawan niya saakin. Hindi ko naman kagustuhan un eh. Nging parte lng sya ng pagiging heartbroken ko.
"Habang nagtatagal kami ng 1 year. And then 2 years nsasama na nga niya ako sa mga outings at reunions ng family at relatives niya eh. Kahit sa province nila nadala na niya ako. Halos dun na din ako tumira sakanila. Kasi same kami ngstop s pgaaral matapos ung 1st year sa fine arts. Ngsama kami parang live in. Sa bahay mismo nila. Tumagal kami nga 3 years. Then 4 years. At dito na nagsimula ang kalbaryo ng relationship namin. Sa tagal namin nasira pa kami. Hindi ng lalaki?! Hindi rin ng babae!? Kundi sa WORK! kasi ngapply na siya magwork nun gusto na niya makaipon. Habang ako gusto ko lang siya makasama habang buhay. Ayun nagka work din siya naging graphic artist siya sa isang game gadgets. Ngddesign sya ng mga logo's at mga cartoons at advertisements nun company. Pinasok nga niya ako dun bilang assistant kasi ang dami ng gngwa nila. Kulang sa tao. Kaya lang dahil masyado siyang perfectionist nakalimutan niya na gf pala niya kausap niya. Nadadadown ako, feelng ko hndi siya satisfy sa lahat ng designs at ginagawa ko. Kahit ginawa ko nmn lahat. Hngang awayan dyan awayan kami sa work at paguwi ng bahay. Nagiging demanding na siya. Nakikita ko na ung pagiging bossy niya saamin dalawa gusto nya siya lagi nasusunod. Hindi na kami magkaintindihan give up na ako. Umuwi ako sa bahay kinaumagahan hinihintay niya ako pumasok pero hndi nako pumasok. Ni hindi nga ako ngpaalam o nagresign basta hndi nako pumasok. Napaka unprofessional ko dw childish. Na parang lahat daw ng gngwa ko eh wala sa tama. Imature. Lahat na yata ng nega sinabi niya sakin that time nasaktan ako sobra. Nasaan na ung dating hurvey na malambing at binababy ako.? Sabi niya hndi na kami bata. Huwag ko daw dalhin pati sa work ung pgging childish ko at imature. Tama naman siya narealized ko din un. Pero huli na eh. Naghiwalay na kami at Nakipag landian na ko sa ibang lalaki. Naghanap ako ng iba. Nagmadali ako sa lahat. Walang direction. Hindi nagiisip. Hindi ngpadalos dalos. Sumabay sa agos life goes on eh gagawin ko kung saan ako masaya. Pero masaya nga ba?? Saan ako napunta!? After ng ginawa ko ung gusto kong gawin. Mga gawain na hndi pingiisipan. Yung go with the flow. Napadpad ako sa maling tao. Dun ko nakilala yun Demonyo. Na pumatay sa pagkatao ko. Yun si Monster!
4 notes · View notes
nacey405 · 3 years ago
Text
#ArtistaisLife: Basta Post ni Idol Like Ko Yan! Ang Lipunan na Naka-sentro sa mga Artista
Ang La Lola Churreria ay ang isa sa mga tinangkilik kong popular na pagkain noong 2014. Ang establisyimentong ito ay itinayo noong parehong taon at nag pakaw agad ng atensyon ng marami dahil sa ipinapalabas nila ang kanilang pagiging “authentic” na tindahan ng Churros at dahil langis ng oliba kaya’t parang mabuti ito sa katawan. Isa ako sa mga nabudol nito at binabalik-balikan pa rin hanggang ngayon.
Panoorin dito kung gaano pinipilahan ng mga Pilipino ang popular na tindahan ng Espanyol na panghimagas:
youtube
Sa aking pananaliksik tungkol sa La Lola nakita ko ang mga karatula na inilunsad nila para itaguyod ang kanilang bagong bukas na negosyo at dito ginawa nilang endorser ang sikat na “It Girl” na si Solenn Heussaff. Sa blog na ito, pag uusapan natin kung ano ang hinggil ng mga karatula na ito sa paggamit ng mga artista bilang mga tagapagsalita ng kanilang produkto.
Tumblr media
Ang Udyok ng Paglikha ng mga Print Ad ng may Artista
Bakit kaya gumagamit ang mga kumpanya ng artista bilang kanilang mga kinatawan? Ano ba ang impluwensya ng mga artista sa mga mamimili sa ating lipunan?
Malaki ang plataporma na mayroon ang mga artista dahil sila ay maraming mga tagahanga na nakatutok sa kanilang mga pampublikong social media. Sa pag-aaral ni Nhu-Ty Nguyen isang mananaliksik sa International University ng Vietnam, malaki ang impluwensya ng pag endorso ng artista sa ugali ng pagbili ng mga Vietnamese. Sa kaniyang pananaliksik, ang pisikal na anyo, popularidad, at kredibilidad ng isang artista ay malaking tulong sa mga mamimili kung dapat ba nilang pagkatiwalaan ang produkto na iyon. Mayroon silang kaisipan na kapag artista na gwapo o maganda ay maaari na itong pagkatiwalaan agad. Ang ugali din ng artista ay sumasalamin sa mga produkto na kanilang in-endorso. Nirecomenda ni Nguyen na magandang pag memerkado ang paggamit ng mga artista bilang endorser, ngunit dapat sila ay maging maingat sa pagpili nila dahil nga ang buong personalidad ng artista ay representasyon din ng kanilang produkto. Sa aking palagay, magagamit din natin ang pag-aaral na ito sa konteksto ng ating bansa dahil mapapansin natin na abot ang pakinabang ng mga kumpanya sa mga artista, katulad ng M. Lhuillier, Diflam, Chowking, Century Tuna, Knorr at marami pang iba. Hindi nila patuloy na gagamit ng mga artista kung hindi ito gumagana.
Tumblr media Tumblr media
Tingnan pa natin itong pag-aaral ni Sejung Marina Choi, Wei-Na Lee at Hee-Jung Kim tungkol sa papel ng mga popular na artista sa mga komersyal ng iba’t ibang produkto sa South Korea. Binanggit nila na ang kultura sa South Korea ay nakatuon sa pangkat at binigyan ng importansya ang hierarchy sa lipunan. Kung kaya’t ang mga mamimili sa kanilang bansa ay mas inclinado na sumunod sa mga pamantayan ng mga grupo at sumunod sa mga tinatangkilik ng karamihan. May papel ang mga artista sa pagtataguyod nito sa lipunan. Ang mga mamimili sa lipunan ng Korea ay laging may hangarin na kumunekta sa mga bagay na ginagamit ng mga artista sa pamamagitan ng pagbili ng mga ito. Sa halip na ginagamit ng mga kumpanya ang mga artista para sa kanilang credibilidad, ay ginagawa lamang nilang panguha sila ng atensyon batay sa kanilang imahe.
Isang ehemplo nito ay ang pag endorso ng aktres na ito sa FILA, isang sportswear brand, kung saan makikita natin na ang aktor na ito ay mukhang madaling makakakuha ng endorsement sa mga brand na katulad ng Louis Vuitton o Prada dahil ang kanyang imahe ay elegante at nababagay para sa mga mamahaling brand.
Tumblr media
Dahil popular ang aktor na ito at may imahe na elegante, inclinado ang mga mamimili na magsuot din ng FILA para maging mag katulad sila ng imahe ng aktres at para bang magkaroon ng pagkakatulad na bagay sa mga popular na idolo. Magkakaroon ng bagong pagtingin ang mga mamimili sa brand na ito dahil napakaw ang atensyon nila ng mamimili sa pamamagitan ng kanyang imahe na nag reresulta sa mas maraming benta.
Nakasentro ang ating Lipunan sa mga Artista
Ano ang sinasalamin ng ating lipunan sa pamamagitan ng pag endorso ng mga artista sa mga produkto?
Ang sinasalamin ng ating lipunan mula sa mga udyok ng paglikha ng mga karatulang may artista ay ang ating kagustuhan nating makakuha ng validation mula sa mga popular na mga indibidwal o grupo. Bakit hindi nalang mga ordinaryong modelo ang gawin nilang paskilsa mga karatula? Ang lipunan natin ngayon ay mayroong mithi na maging katulad nila kaya’t pinapatulan natin ang ang kahit ano mang kinakain, sinusuot, ginagamit, o pinupuntahan nila. Madalas din natin makikita na kapag may bumisita na artista sa isang restaurant ay sasabihin na “Nirerecomenda ni *pangalan ng artista* ang kainan na ito kaya kailangan nating puntahan!”. Bakit sobrang importante ng kanilang mga opinyon tungkol sa mga kainan?
Silipin ang artikulo na ito tungkol sa mga “Celebrity Approved Restaurants”: ​​https://www.pep.ph/lifestyle/food/34497/celebrity-approved-restaurants-to-try-in-manila-over-the-holidays
Pinapakita rin ng mga udyok na ito na masyado nating binibigyang importansya ang ating imahe sa konteksto na dapat lahat ng ginagamit natin ay prestihiyo at ang may mga pangalan lamang o popular. Wala tayong hinggil na maging payak sa lipunang ito. Kaya ginagawa ng mga kumpanya ang pagkuha ng mga artista dahil alam nila ang atensyon ng mga mamimili ay pupunta lamang sa mga may itinatag na na pangalan sa industriya. Minsan, wala na sa ating isipan ang kredensyal ng isang endorser at binabatay na lang natin sa kanilang itsura ang kanyang pagiging mapagkakatiwalaan. Mapapansin natin dito na ang mga kultura na tinatangkilik natin ay nakasentro lagi sa mga artista kaya kinuha ng mga brands ang oportunidad para tayo ay maakit sa kanilang mga produkto.
Tumblr media
Conclusion
Sa pag gawa ng blog na ito, ngayon ko lang napagtanto na kabilang din pala ako sa kulturang ito, na kasama ako sa mga mamimili na piniili lamang ang mga pangalan na kilala dahil sa mga artista. Hindi ko napansin na kasama ako sa mga nag ambag sa kultura ng maghanap ng validation galing sa kanila. Nagdadamit ako ng may pagkakatulad sa mga idolo ko dahil gusto kong maging parang sila. Bumili ako ng mahal na pabango para masabi ko lang na pareho kami ng ginagamit. Kung dati akala ko jologs ang isang brand na ito, pero dahil ginagamit ng isang artista, ay bumili at ginamit ko na rin. Pinapatunayan nito na ako ay bahagi talaga ng kasaysayan sa pagtangkilik ng mga produktong popular na may mukha ng mga artista.
Ang isa pang makukuha ko mula sa pag gawa na ito ay higit nating binibigyan ng halaga ang pang labas na anyo ng mga tao. Nagkakaroon tayo ng pag iisip na katimbang ng kagandahan ang pagka maasahan at kalidad ng isang bagay na sa aking palagay ay dapat nating baguhin. Hindi ko pa alam sa ngayon kung paano natin mababago ang kaisipan na ito sa kabuuan ng lipunan pero lagi nating tignan ang kalidad o panloob na katangian bago tayo mag tiwala. Huwag na natin isipin kung ano ang opinyon ng artistang ito dahil maraming maaaring nakakaapekto sa kanyang sasabihin katulad ng kontrata o sweldo. Mas paniwalaan natin ang mga tunay na gusto natin kaysa sa mga kagustuhan nila dahil iba-iba tayong mga tao. Hindi natin kailangan sumunod sa pamantayan ng lipunan kung dapat ba nating gustuhin ang isang bagay. Isang translasyon sa isang popular na kasabihan sa Ingles: “Ikaw ang gawin mo.”
Mga Sanggunian:
1.) Ganal, F. M. (2016, January 25). Celebrity-approved restaurants to try in Manila over the holidays. https://www.pep.ph/lifestyle/food/34497/celebrity-approved-restaurants-to-try-in-manila-over-the-holidays. Retrieved September 17, 2021.
2.) Choi, S. M., Lee, W.-N., & Kim, H.-J. (2005). Lessons from the Rich and Famous: A Cross-Cultural Comparison of Celebrity Endorsement in Advertising. JSTOR. Retrieved September 17, 2021, from https://www.jstor.org/stable/4189299.
3.) Nguyen, N.-T. (2020). The Influence of Celebrity Endorsement on Young Vietnamese Consumers’ Purchasing Intention*. Journal of Asian Finance, Economics and Business, 8(1), 951–960. https://doi.org/10.13106/jafeb.2021.vol8.no1.951
4.) Churreria La Lola Sm Megamall Now Open by HourPhilippines.com. (2016). Youtube. Retrieved September 17, 2021, from https://www.youtube.com/watch?v=YFqDYEqG1DE&feature=emb_logo.
1 note · View note
jen-gatoc · 4 years ago
Text
Kapwang Tanda ng Kawanggawa
ONLINE BLOG 5/7/2021 | Jenaisa P. Gatoc
Tumblr media
Noong ika-5 ng Mayo, taong kasalukuyan. Aking nakapanayam si Ginoong Norman Mirabel, ang kasalukuyang tagapamahala ng PESO o Public Employment Service Office rito sa sa lungsod ng Taguig at isa ring lingkod ng simbahan bilang Coordinator ng EMHC o Extraordinary Minister of Holy Communion, patungkol sa kaniyang pagkakawang-gawa at sariling pananaw ukol sa pagtulong.
Sa gitna ng pagsubok sa ating buhay, hindi mawawaglit ang mga taong handang iunat ang mga kamay upang abutin ang mga nasa laylayan. Sila ang mga taong handang tumulong at hindi kayang ipagsawalang bahala ang mga naghihirap nating mga kapwa. Sa madaling salita, sila ay ang nagsisilbing liwanag sa madilim na mundo ng ilan nating mga kapwa na naghihikahos sa buhay.
Mula rito, nais kong bigyang pagkilala si Ginoong Norman Mirabel na hindi lamang lingkod ng pamayanan kundi maging ng simbahan. Kaya naman sa pagiging lingkod at katiwala ng dalawang mahalagang pamayanan sa lungsod ng Taguig, hindi nawawaglit ang pagtawag sa kaniya upang tumulong sa mga nangangailangan. Noon pa mang wala pang pandemya ay hindi na mabilang sa kamay ang mga pagtulong na naisagawa ni Ginoong Norman, iba’t ibang mga programang panlipunan at panrelihiyon ang dinaluhan niya at marami na rin siyang natanggap na pagkilala mula rito. Bilang layunin ng kanilang organisasyon ang magkaloob ng mga trabaho sa mga mamamayan ay isa sa matagumpay nilang programa na isinagawa ay ang Independence Day Mega Job Fair noong taong 2017 sa Vista Mall Taguig. Napuno ng mga tao ang nasabing lugar at kahit na ganoon na lamang ay naging masaya at ‘di malilimutan ang pagtulong iyon ayon kay Ginoong Mirabel. Ngayon namang sa panahon ng pandemya, hindi pa rin nito napigilan ang kaniyang pagtulong sa mga nangangailangan. Sa katunayan, kabilang ang aming pamilya sa kaniyang natulungan dahil pinagkalooban niya ng hanapbuhay ang aking ama sa kaniyang opisina bilang kanilang drayber. Kung kaya naman malaki ang aming pasasalamat at utang na loob sa kaniya. Bukod pa riyan ay nito lamang ika-27 ng Abril ay nagsagawa siya ng Community Pantry sa Barangay New Lower Bicutan, Outpost 10 Purok 1-A na siya namang panukala ng PESO bilang siya ang tagapamahala rito.
Tumblr media
Kung kaya naman bilang kabataan na tinitingala ang pagiging aktibong mamamayan ni Ginoong Norman Mirabel, ay nagkaroon kami ng panayam na umiikot sa limang katanungan na kaniyang sinagot ng buong husay. Ang unang katanungan na aking inihanda ay ang, "Paano mo po mailalarawan ang salitang “Pagtulong”? Ano ang kahulugan nito para sa iyo?"
Para kay Ginoong Mirabel, ang pagtulong ay malawak ang pakahulugan. Ang pagtulong ay hindi lamang sa pamamagitan ng salapi o paghingi ng kapalit. Ayon pa sa kaniya, maraming uri o porma ang pagtulong. Katulad na lamang sa panahon ngayon na kung saan ang sa tingin niyang mahalagang uri ng tulong sa pandemyang ito na dapat ibigay sa ibang tao ay ang moral support o spiritual support. Maaaring para sa iba ang pagtulong ay dapat nagagamit o nakikita mismo ng mga mata, pero isa ring pagtulong ang suportahan mo yung kaibigan o kamag-anak mo at maging sandigan nila. Ayon pa sa kaniya, “Ang salitang “Pagtulong” is very vast in its meaning but ito ay depende sa taong nagbibigay ng tulong, kasi wala itong kapalit.” Malawak man ang uri o porma ng pagtulong ay sinasabi niyang ang magiging ugat nito ay ang hindi paghingi ng kapalit.
Bilang kaugnayan sa kaniyang ginawang pagtulong, aking inalam kung paano nga ba nila pinaghandaan ang Community Pantry na kanilang isinagawa nito lamang. Ayon sa kaniya:
“Sa preparation namin ay nagkaroon kami ng ambagan ang ilang staff sa aking opisina. Ang ambagan na ito ay ginamit namin para ipambili ng ng mga pagkain tulad ng gulay at mga de lata. Bukod pa sa ambagan ay marami rin ang nagbigay ng donasyon tulad ng mga noodles at gulay. Sponsor naman ng aming opisina ang mga bigas at ilang mga donasyon na kinakailangan. Creating or making a community pantry ay hindi madali, ito ang calling mo. Kung hindi ito galing sa puso mo, wala itong halaga. Napakasaya kung ikaw ay nakakatulong sa iba di’ ba? May kasabihan nga na “It’s better to give than to receive”, ang kamay ng nagbibigay ay laging nasa taas. Sa tulong ni God masarap sa pakiramdam na nakakatulong ka.”
Kaniya pang dinagdag na naging sulit ang kanilang ginawang paghahanda dahil nakita niya sa likod ng mga face mask na suot ng mga mamamayan ang ngiti sa kanilang labi na sumasalamin sa kanilang mga mata. Sa kabila rin ng init at pagod sa pamimigay ay mas nangibabaw ang kanilang galak dahil nakatulong sila sa kapwa nila. Malaki rin ang kaniyang pasasalamat sa mga taong nagpasimula ng Community Pantry na ito na hango sa Maginhawa Community Pantry at iba pa.
Tumblr media
Dahil sa kanilang ginawang pagtulong, tuwiran kong tinanong si Ginoong Mirabel kung ano nga ba ang naging pakinabang ng ginawa niyang tulong sa pamayanan. Ayon sa kaniya, ang pakinabang nito ay natulungan niya ang ilang mga naninirahan dito sa lungsod ng Taguig na kung saan mayroong matinding pangangailangan. “Naging kapakipakinabang ito dahil yung donasyon na ibinigay at inilaan namin para sa tulong na ito ay nakatulong sa mga kapwa namin lalo na doon sa totoong walang-wala talaga”, tugon pa niya. Sinabi rin niya na mayroon din itong pakinabang sa kaniya, hindi para sumikat kundi dahil mas napaunlad niya ang kaniyang sarili sa larangan ng pagtulong sa kapwa. Mas nakaramdam din siya ng kaginhawaan sa kaniyang kalooban dahil sa pagtulong na ito.
Tumblr media
Bukod sa pagiging aktibong mamamayan, aktibo rin si Ginoong Mirabel sa simbahan. Kung kaya naman para sa aking pang-apat na katanungan ay aking tinanong sa kaniya kung paano niya maiuugnay ang pananampalataya sa pagtulong bilang lingkod ng simbahan. Para sa kaniya, malaki ang magagawa ng isang lingkod ng simbahan dahil kinikilala nito ang kaniyang kapwa dahil isa nga ito sa turo ng simbahan. Bilang ginagabayan ng Diyos ay nalalaman niyang kailangan niyang tumulong nang walang hinihinging kapalit dahil alam niya na mas higit pa ang biyayang matatanggap ng mga taong mabait at matulungin sa kapwa. Isa ring inspirasyonal na kasagutan ang kaniyang sinagot mula sa katanungang ito. Mula sa kaniya:
“Patunay rin ito na namumuhay ako sa kabanalan ng Diyos kasi binabahagi ko ang mga biyayang natatanggap ko sa kaniya. Ginawa ko ito para maging karapat-dapat ako sa Kaharian ng Diyos. Ito yung purpose natin sa buhay kaya tayo nandito sa mundo. Para tayo ay mabuhay kasama ang mga kapwa natin at tulungan sila sa panahon ng pangangailangan. Palaging ipopoint-out ng buhay natin yung kapwa natin bilang kasama siyang nilikha ng Diyos. Sa ganitong pagkakataon din tayo tinatawag ng Diyos para ipakita ang ating pagiging mabuting Samaritano sa ating kapwa na kung saan hindi natin itinuturing na iba ang mga kapwa natin.”
Tumblr media
Mula sa amin pang panayam, nahihinuha ko na mayroon itong inspirasyon na pinaglalaanan, napaisip ako nang mga sandaling iyon kung ano nga ba ang pinag-ugatan ng kaniyang pagtulong na ito. Kaniya naman itong sinagot ng isang nakakaantig na kasagutan, ayon sa kaniya:
“Ang inspirasyon ko ay ang buhay namin noon sa probinsya. Napakahirap na wala halos kaming makain. Makakakain ka lang kung magsisikap kang magtanim. Ang ulam lang namin noon ay bagoong, tuyo, o di kaya naman ay itlog. Kaya ito ang nagbigay sa akin ng inspirasyon na hindi madali ang buhay kung walang tutulong sa iyo para matustusan yung mga pangangailangan mo. Kailangan talaga ng pera para lang makakain ng pagkain, pero paano naman yung mga wala talagang pera? Hindi naman makatarungan kung magnanakaw ako di’ ba? Kaya naman hanggat kaya ko ay nagbibigay ng tulong sa mga kapwa ko dahil hindi ko man alam ang totoong buhay nila ay alam kong mahirap pa rin ang pinagdaanan nila. Kaya nga rin noong sumikat yung Community Pantry ngayong pandemic, mas lalo ko itong pinag-igihan kasi ito na yung tamang tulong ko para doon sa gustong makakain nang walang kinakailangang pera kasi kukuha na lang sila. Dahil marami na akong maitutulong ngayon mula sa biyaya ng Diyos sa akin ay nagpapasalamat din ako sa Diyos dahil Siya gumabay sa akin para magawa kong ibahagi yung tulong ko para sa ibang tao.”
At bilang paglalagom ng aming panayam, nagbigay siya ng mensahe para sa mga kabataan na tulad ko na nais tulong subalit hindi alam kung paano magsisimula. Mungkahi niya na:
“Ang masasabi ko lang ay, ano bang tulong ang iyong maibibigay? Kasi iba-iba ang tulong na pwede mong maibigay, in form of money, donation, and pwede rin yung talent mo i-share mo. Make use of your own capabilities para hindi lang ang ibang tao ang matulungan mo, pati na rin yung sarili mo. Tumulong kayo ayon sa talento niyo, gusto nito, at kaya niyo with love at nang walang hinihintay na bayad o kapalit sa binigay niyong tulong dahil kusang-loob iyan.”
Tunay na ang pagtulong ay nasa iba’t ibang anyo na nakabatay sa kung ano ang kaya nating maibigay. Ito ay kawanggawa na kung saan hindi kinakailangan ng pagpilit dahil ito ay nagmumula sa malaya nating pag-iral sa mundo na kung saan layunin nating punan ang pangangailangan ng ating mga kapwa. Ang pagtulong din ay walang pinipiling tao at oras. Patunay ang aking nakapanayam si Ginoong Mirabel na kung saan mula noon magpahanggang ngayon na tayo ay nahaharap sa pandemya ay hindi pa rin tumigil sa pag-aabot ng tulong sa ating kapwa. Isang mabuting ehemplo bilang isang aktibong mamamayan at lingkod ng simbahan na maituturing din.
Mula sa panayam na ito ay baon ko ang karunungan na kung saan ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok at pagtulong ay mahalagang naisasabuhay at umiral sa atin. Bilang isang kabataan na naghahangad ng ikabubuti para sa ating bansa ay maiging sa kapwa nagsisimula ang pagkakawanggawa. Ang tuwiran kong pagtulong sa aking mga kapwa ay malaking bagay na bilang aking pagiging aktibo sa pakikilahok sa ating lipunan na kung saan naibibigay ko sa abot ng aking makakaya ang aking kakayahan at sariling pagkilos. Ito ay panawagan sa lahat na layunin ng ating buhay ang tulungan ang ating kapwa. Sa pamamagitan nito ay ating naisasakatuparan ng wasto ang kabuluhan ng ating pagkamamamayan na siyang nagiging instrumento ng kabutihan at katangian ng isang mabuti at aktibong mamamayan.
1 note · View note
kimhortons · 2 years ago
Text
Thought Dump #010
Social Media | December 2, Friday.
diba kahapon nga nag aayos ako ng blog, inayos ko ulit yung mga tags, may page kasi 'to para sa mga navigation ng tags kapag naka desktop ka. tapos nakita ko dun may navigation para sa 2nd blog ko yung ginawa ko ngang reblog account ko nung na-lock ako sa blog na 'to, tas yung ginawa kong account pansamantala nun yung ciaokim. nilagyan ko lang ng deactivated+date yun para bumalik ako dito. so ayun, i decided na yung 2nd account ko na narecover ko lang din yung dineactivate ko.
wait ang gulo ko mag kwento, basta yun, so i have total of 3 blogs sana. pero dineactivate ko yung narecover kong second account, then yung temporary blog na ginawa ko nung na lock 'tong account na 'to, yun naman yung gagawin kong second account for reblogs ulit. hahaha. wala lang ang cute niyo, naka follow parin kayo dun kahit di active haha.
lagi akong may secondary account sa lahat ng socmed ko ever since, minsan pa nga tatlo. sa Facebook, nakabukod noon yung pang family at work ko sa mga personal account ko. sa Twitter din, actually i have 16 accounts dun haha, 15/16 ata pang fangirling haha. pero dalawa nalang binubuksan ko dun, yung isa main, yung isa parang alter pang noon ng porn charet. tas yung iba pinapamigay ko nalang sa mga nangangailangan haha. nagkaron si J ng Twitter because of me, binigyan ko rin siya. sa IG naman may pang main din, merong pang follow ng mga shop at artists haha. oc yern?
pero ngayon, parang hirap na hirap na akong i-manage sila kaya madalas mga main accounts ko nalang yung active. yung Facebook ko isa nalang kasi dinelete ko yung pang work ko non. mas okay nalang din siguro na wag mag add ng mga work connections lalo pag hindi mo close. haha.
ilan na rin sa mga kawork ko non sa previous company ko ang in-unfriend ko at in-unfriend ako. keber. para mabawasan din pag paparinig ko sa mga katoxican nila, minsan kasi ako na yung nagiging toxic hahahaha. sayang gusto ko pa naman yung inggit na inggit sila sa mga stories ko hahaha. ang toxic eno. wala lang minsan kasi parang ang sarap mag panggap kasi paniwalang paniwala silang mga marites sila. haha people pleaser yan?
parang di ko narin talaga kaya mag keep up ng maraming account, kasi minsan di ko narin maalala mga password, buti nalang may save password sa iphone, keychain ba yon? (i know meron di sa android) haha basta yun. dun nalang kasi ako naka asa. pati sa mga email ko, di ko kabisado. nakabukod din kasi yung mga email ko.
anyway, ayusin ko lang ulit 'tong blog ko. tanggalin ko nalang ulit yung ibang reblog, nakaka oc kasi pag naka desktop ako, di sakto sa frame yung gifs or ibang images.
pati mga tags ko paiba iba kaya todo effort din ako sa pag edit. sinasamantala ko habang nakakagamit pa ako ng desktop haha.
#td
6 notes · View notes
joyceebels · 4 years ago
Text
Fangirling!!
Masaya talaga maging isang ng fan ng mga kung ano anong trip ko sa buhay..
pag naalala ko yung sarili ko... ahahaha
---
Erik Santos
Highshool ako, mga singer iniidolo, ang pinaka first kong naging idol si Erik Santos, ewan ko hndi ko naman napapanood ang pagsali nya sa contest na sinalihan nya.. pero basta gusto ko lang mga kanta nya...
Naalala ko pa dati, every sunday, uso pa yung mga dyaryo dyaryo.. tas sa loob nun may parang song hits.. ahahah sinisilip ko muna kung kanta nya ba yung nandun bago ko bilhin yung dyaryo na yun.. ahahahh
Naalala ko din dati, sa computer sumasali pa ako sa mga fansclub nya.. ahahah inaalam kung san parte sya ng mundo nag malltour, ahahah
Naalala ko din, yung araw kung kailan ko sya exact nakita, october 16, sa pavilion, may malltour kasi sya.. hindi ako bumili ng album nya kasi alam nyo estudyante, pamasahe lang ang dala (wala pa nga kasi sinamahan lang ako ng pinsan ko.. ahahahaha sa kanya lahat ng gastos..) tapos dala dala ko yung photo album na panay picture ni erik santos (na hanggang ngayon nasakin pa yun) gusgusin pa ako nun, tas pinakiusapan lang ng pinsan ko yung gwardya na baka pde akong papasukin kasi magpapa autograph lang kay erik santos.. ahahahaha ang saya ko kaya yun.. ahahahah
Isa yun sa hindi ko malilimutan sa pagiging fangirl ko.. ahahahaha
----
Silent sanctuary
Nagwowork na ako nito..
Meron isang banda na sobrang gustong gusto ko yung mga kanta.. ahahaha.. panay hugot kasi.. yung Silent Sanctuary tss..
Pag may sched sila dito sa laguna hindi ako nakakapunta, kasi wala talagang time pumunta at alam nyo sobrang strict ng parents.. ahahahah
Uso na nito i download mga kanta nila.. ahaah kala mo naman nakakarelate ako, pero basta lang gusto ko yung nga kanta nila.. ahahaha
Eh 1 time, sobrang lapit lang nila isang sakay lang ng jeep andun na ka sa gig nila.. ahahahaha pero ang nangyare, pang gabi ako.. ahahahaa at bawal biglaan mag leave.. ahahaha ayun pinalampas ko.. ahahahah
Year 2019 siguro or 2018, fan pa din ako, kaya 1 time na nasaktuhan na wala talaga pasok, sugod ako kahit ako lang mag isa, makita lang sila at mapanood kung gano sila kagaling humugot ng mga kanta nila.. ahahaha
----
Matabangutak
Hanggang nauso naman yung mga libro libro.. ahahaha kilala nyo naman si Matabangutak di ba?!
Dito ko lang sya nakilala sa tumblr, namangha ako kung pano sya mag blog, kung pano sya bumuo ng mga salitang makakarelate ka, kung pano sya gumamit ng mga words para maramdaman mo din kung anong mga sinusulat nya.. ahahahah
Uso pa nun yung ever Feb 14, may Feb fair sa megamall, eh dahil malapit lang sa megamall yung work ko dati.. nakikipag unahan pa ako sa pila makita lang sya.. ahahaahah
Dala dala ko yung 4 nyang libro.. ahahahha kala ko nga hindi ko na sya malalapitan, pero dumaan na sya sa harap ko, hindi ko pa ba lalakasan yung loob ko para harangin at pirmahan lang yung mga librong dala dala ko.. ahahahaha
---
Eros atalia
Medyo may pagka spg ang mga sinusulat nya, yung tipong dapat 18 and above ka na para maintidihan mo ang mga sinusulat nyang mga libro..
Malalalim, matatalinhaga at mapapaisip ka lalo sa mga ibang words na hindi mo magets dahil sobrang pagkatagalog.. ahahahah
Every year, almost 4 years na ata ako naattend ng bookfair, isa sya sa mga inaabangan ko, kasi nababa ko mga libro nya.. ahahahaha
Year 2019, with lexii... Hindi ko inaahasan talaga na andun sya.. natameme ako, sabi ko sa sarili koo grabeeee fan nya akoo.. ahahhah tipong last money ko nalang hawak ko, bumli ako ng book nya at pinapirmahan ko sa kanya with picture.. ahahahah
---
Ilan lamang sila sa nakita ko, nakamayan ko, napicturan.. ahahaha
mag uumpisa ka talaga sa pamasahe lang, mga patapong magazine, dyaryo, hanggang sa..
Aabangan mo na sa tv, kung san sya lupalop nag mo malltour..
Sobrang happy lang maging fangirl, magastos lang talaga, kung anong item meron sila at kung saan ang malltour..
Ikaw?! Danas mo din ba? Or ako lang talaga?! Ahahahahaahhhahhh
1 note · View note
jhorofin · 3 years ago
Text
Page 1
Haay… Traffic nanaman. Inagahan ko ang pagligo at pag alis ko para sa seminar na pupuntahan ko. Inayos ko ang buhok ko, ang pananamit ko, nagdala na din ako ng bag na may lamang mga anti social items tulad ng PS Vita, headphones, cellphone at libro. Hindi ako masyadong sociable na tao kaya lagi akong may dalang bagay na pwede kong gaing excuse para di ako makipagusap sa iba.
<phone rings>
Paddie: Nasan ka na?
Dylan: Nasa byahe na ako. Sorry hindi na ako nakapagchat sayo kase nagmamadali ako. Kumain ka na ba?
Paddie: Tapos na ako kumain. Papasok na din ako ng office. Kailangan mo ba talagang puntahan yan?
Dylan: Love, pagbigyan mo na ako please. Kailangan ko to. Alam mo naman na hangga’t kaya ko gusto ko tumulong sa community ko.
Paddie: Haay.. Sige. Basta iupdate mo ako. Sabihan mo ako kung anong nangyayari saka kapag pauwi ka na at higit sa lahat, magenjoy ka. Makipagkaibigan ka at wag kang tumahimik lang sa isang lugar.
Dylan: Opo love. Susubukan ko. Alam mo naman na hindi talaga ako sociable. Pero susubukan ko pa din. Thank you love. Ingat ka sa pagpasok. I love you.
Paddie: I love you too. Usap nalang tayo ulit mamaya.
Si Paddie ang boyfriend ko. Dalawang taon na kami. Hindi sya masyadong katangkaran pero gustong gusto ko ang mga ngiti nya. Isa syang accountant, matalino at medyo outgoing na tao. Mabilis talaga akong mainlove sa mga taong matalino at may sense kausap. Higit sa lahat, sobrang mahal ko sya kase tanggap nya ako.
Dumating ako sa lugar ng seminar. Ilan pa lang ang tao, pagpasok ko, nakita ko agad si Jed. Yun ang unang beses na nakita ko siya ng personal. Nakikita ko lang sya sa TV, sa mga interviews nya, sa social media, at sa ibang mga awareness campaign materials. Medyo iba ang itsura nya sa personal at hindi ko talaga sya nakilala. Parang medyo tumaba na sya.
Jed: Pasok po. Sino pong naginvite sa inyo?
Dylan: Huh? Ah… ehh… Wala po. Nakita ko lang yung post sa facebook page kaya nagpunta ako dito.
Jed: Ganun ba, Sige paki fill up nalang po ng data form.
Medyo nahiya ako dahil natinginan ang mga tao sakin kaya pagkatapos kong magfillup ng form, naupo ako sa sulok kinnabit ang headset ko at naglaro ng PS Vita. Okay na din to para hindi ako kausapin ng mga tao.
Ilang minuto pa ay dumami na ang tao at nagumpisa na ang seminar.
Jed: Welcome everyone sa HIV Awareness Advocacy Volunteers Seminar. Sa di nakakakilala sa akin, ako si Jed, isang PLHIV at ako ang Program Head ng Organization. Siguro yung iba sa inyo napanood na ang istorya ng buhay ko tv, documentaries, interviews or mga advocacy videos. Namatay ang mga magulang ko bata pa lang ako at pinagpasapasahan ako ng mga kamaganak ko at hindi naging maganda ang karanasan ko. Maaga akong pumasok sa prostitusyon kaya nakuha ko ang sakit na ito kaya ngayon na mas alam ko na ang sakit ko, ginugol ko na ang buhay ko sa pagtulong sa mga kapwa ko na may HIV din at para ipalaganap ang kaalaman sa mga tao tungkol sa sakit na ito. Kayo naman, ipakilala nyo ang sarili niyo samin. Ang pangalan niyo, kasalukuyang trabo or ginagawa sa buhay at ang rason niyo kung bakit gusto ninyong magvolunteer.
Isa isang tinawag ang mga nasa loob ng kwarto at ako naman ay medyo kinakabahan at iniisip ang sasabihin ko.
“Sir, ikaw na po.” Ang pagtawag ni Jed sa akin. Lalo akong kinabahan at tumayo sa aking upuan.
Dylan: uhm.. Ako po si Dylan. I am currently a Webinar Trainer in a Telecommunications company. I joined the group because I wanna learn more about HIV. I am also a PLHIV and I have a lot of friends who lost the battle. I want to do my part in educating people and helping people understand our status. I started blogging about my journey and people started asking me a lot about my condition. I can only answer them baed on what I experienced and I wanna learn more so I can educate them more.
Jed: Good. But be careful when providing information because even though we are advocates and volunteers, we still need to refer them to doctors if that is what they need.
Napatingin ang lahat sa akin. Nahiya ako kaya’t napangiti nalang ako at umupo. Sa isang US based company ako nagttrabaho kaya pag nagsasalita eh mas komportable ako magsalita ng english lalo na kung kinakabahan ako.
Napansin ko ang mga tingin ni Jed sakin. Naiimagine ko lang ba to? O tinitignan nya talaga ako?
3 notes · View notes
gabeesphere · 4 years ago
Text
So I've been irritated with my younger sister for so long and nagbibuild up lang sya at ayaw ko naman sumabog na lang bigla sa harap nya so I'll just use my blog para marelease ko naman kahit konti..
I think I started to really notice it whenever I get excited about something na hindi nya trip. Like that one time na tumawag yung pamangkin namin to ask for help with his homework. Nakaspeaker phone sya sa tabi ko and she wasn't really answering directly or didn't know the answer to his questions so nagbutt in ako. While I was explaining stuff (excited pa ko non kasi di naman namin madalas makausap yon and I miss studying din talaga), bigla nyang sinabi "pabibo talaga neto" in an irritated tone sabay tawang halatang fake. Parang pag binabash mo yung kaklase mong pabibong nonsense sa school.
I wasn't really bullied growing up kasi lumalaban talaga ako kahit lalake. But tumatak sa isip ko yung sinabi nyang yon. Feeling ko na tuloy pabibo ako pag nagka initiative akong sagutin yung indirect Qs at gumawa ng bagay bagay dito. Like bitch, I was just helping the kid. Di naman ako nagmamagaling. So ayon mula non pag may tinatanong sya, di ako agad sumasagot unless itanong nya sakin directly.
Well, minsan hindi din kasi naiirita ako na masyado nyang pinapamukha na nag-aral sya ng psych and that she is more knowledgeable than me. There are a lot of times na bigla yon magsasabi ng psych jargons na kala nya muwang ako e napag aralan ko din naman yon sa BSTM, movies/docs, and sa books/articles na nabasa ko.
There were also tests na ginamit nya kong subject without my knowledge kahit na sinabihan naman pala sila ng prof nila to ask permission. Tapos bigla nya kong papaandaran na yung ginagawa ko signs eka ng ganto ganyan na sakit o behaviour. Kahit nanahimik ako, kunware magkakasalubong lang kami sa hallway, bigla nya ko isa-psychologize loudly. Keep it to yourself, di ko kailangan marinig out loud yung alam ko nang mali o abnormal sa sarili ko lol. Akala mo alam nya lahat, di nga sya graduate tas may mga bagsak pa sya.
Don't get me wrong tho. I'm proud of her achievements at tinutulungan ko sya pag kaya ko. Lalo nung may work ako, spoiled sya sakin. Pero ngayon, I don't get why she gets to be bitchy dahil sa self-diagnosed depression at anxiety nya, I dont think she really have much of a problem besides our emotionally abusive parents. Well, indirect pa nga yung kanya kasi ako talaga natatarget ng mga pinagsasasabi ng magulang namin. Lalo ng tatay namin. She was too young din naman nung nagkagulo parents namin noon, NBSB sya, di sya mabuburnout sa school kasi hindi sya nag enroll, she wasn't bullied sa mga kwento nya, madami syang friends, hindi din naman sya nagwowork.
Not to compare but yung sudden breakdowns ko na sinasabi nila na ang OA ko o umaattitude na naman ako, wala silang idea. Never akong nagsalita sa kanila about sa feelings ko. I always try to keep it to myself kasi ayoko talagang maging burden sa kanila. I was publicly shamed, harrassed, raped, emotionally abused, manipulated, traumatized by countless events since I was 11 or 12, constantly had awful workmates, and ofc to top it all off, I had cancer. All of my dreams were crushed. I was emotionally, mentally, and physically drained. Where's my award? Hahahaha kidding aside, I'm here to help her naman. Pero ang hirap nyang turuaan at tulungan.
I've tried reaching out lalo nung nagka attack or episode sya while inside the bathroom. I thought she was just laughing dahil sa pinapanuod pero nung naiba yung breathing na narinig ko, takbo ako agad palabas ng room ko. After calming her, may bite mark na nakita mama ko sa pulso nya. I tried asking her, kinda forced her pa nga na ipakita nya sakin kasi I was really worried. That's my baby sister. Uunahan nya pa ko magsuicide hahahaha. Pero ayon, she kept saying na makati lang daw at wala yon pero ayaw nya ipahawak man lang.
Ughhhhh. I don't know what to do na. I don't even know gaano ko pa katagal kakayanin tong quarantine life na to.
I was really expecting I could count on my family in times like this. Pero sila pa number 1 stressor ko jusko. Sarap na lang talaga maglaho ng bigla hahahahahays.
3 notes · View notes
travelera · 4 years ago
Text
Ang Paglalakbay sa Lungsod ng Baguio
Tumblr media
https://primer.com.ph/blog/wp-content/uploads/sites/14/2018/08/top-photo-1024x768.jpg\
Ang lungsod ng Baguio ay tinaguriang Summer Capital ng Pilipinas dahil sa malamig nitong klima na dulot ng mataas na altitud na umaabot ng hanggang 5200 talampakan. Dinarayo ito ng mga turista na galing pang ibang bansa at maski mga Pilipino na nakatira pa sa iba’t ibang lalawigan sa pagnanais na makaranas ng malamig na klima. Bukod sa klima, dinarayo rin ang iba’t ibang tourist destination na nasa lungsod lamang ng Baguio matatagpuan.
PAGLALAKBAY PAPUNTANG BAGUIO
Dahil sa malayong byahe na kinakailangan naming tahakin, pasado alas-2 pa lamang ng madaling araw ay nagsimula na kami sa paglalakbay. Humigit kumulang 233 kilometro mula Bataan patungong Baguio ang aming tinahak na inabot ng apat na oras na biyahe
Tumblr media
http://images.summitmedia-digital.com/topgear/images/2019/09/16/kennon-road-closure-01-1568629864.jpg
Dumaan kami sa isa sa pinakakilalang highway sa Pilipinas na kung tawagin ay Kennon Road. Dito pa lamang ay sinalubong na kami agad ng isang malaking estatwa ng malaking ulo ng leon na sumisimbolo ng pagdating namin sa lungsod ng Baguio. Hindi na nagdalawang isip pa at itinabi na agad ang aming sasakyan sa kalsada para magpakuha ng litrato sa higanteng ulo ng leon. Matapos kumuha ng litrato ay nagpatuloy na kami sa aming byahe.
BAKIT KA PUPUNTA SA BAGUIO?
Minsan sa aming buhay, nais din naman naming malibang at maisantabi ang stress at iba’t ibang problema na kinakaharap namin sa araw-araw. Kilala ang lungsod ng Baguio na napapaligiran ng kabundukan ngunit mayroong mga establisyemento na maaring puntahan ng mga tao. Ang pagtanaw sa magagandang tanawin sa lungsod ng Baguio ay malaking tulong sa pagpapanatili ng kapayapaan sa aming isipan. Dagdag pa rito, ay ang iba’t ibang lugar na aming pinuntahan na lubos na nagbigay sa amin ng kasiyahan.
MGA DAPAT GAWIN SA BAGUIO
1. Magpahinga at Magsaya sa Burnham Park
Una naming pinuntahan ay ang Burnham Park na punung-puno ng Pine Trees na nagsisilbing lilim sa mismong parke. Samahan pa ng malamig na simoy ng hangin, dito naming lubos na natamasa ang maaliwalas at preskong pakiramdam. Sa aming paglalakad-lakad, wala akong nakitang kahit anong basurang nakakalat sa daan dahil maraming basurahan sa paligid na pwedeng pagtapunan ng mga tao.
Tumblr media
Agad din napukaw ang aming pansin ang mga taong namamangka sa isang tahimik na lawa sa tabi mismo ng parke. Kahit may pangambang baka lumubog ang bangka, lakas loob naming sinubukan ito at namangka sa lawa. Iba’t ibang makukulay na disenyo ng bangka ang aming pinagpilian na nagkakahalagang 100 pesos sa loob ng 30 minutong pamamangka.
Tumblr media
Sinubukan din naming ang pagsakay sa iba’t ibang klase ng bisikleta na maaari ring rentahan sa tabi lamang ng lawa. Ang tanging problema lamang ay maikli lamang ang ruta na maaari naming ikutan kaya para lamang kaming paikot-ikot sa aming lugar. Subalit, tila hindi naming ramdam ang pagod sa pagpedal dahil sa lamig ng simoy ng hangin at galak na nararamdaman.
 2. Masdan ang Ganda ng Kalikasan sa Mines View Park
Tumblr media
https://i0.wp.com/danielsecotravels.com/wp-content/uploads/2020/04/1 6992270_ 9658978 73545394_ 2357857265169269593_o.jpg?resize=750%2C469&ssl=1
Sunod naming pinuntahan ay ang Mines View Park na may layong anim na kilometro lang mula sa Burnham Park. Dito naming nakita ang magandang tanawin ng kabundukan ng iba’t ibang lugar sa Baguio. Dito kami nagpahinga habang pinagmamasdang mabuti ang ganda ng kalikasan. Ang bayad sa pasukan ng Mines View Park ay libre para sa lahat ng mga bisita, ngunit ang ilang mga aktibidad sa loob tulad ng pag-upa ng mga kasuotan ng Ifugao ay mayroong kaunting bayad.
 Bukod sa magandang tanawin, marami pa kaming ibang nagawa sa Mines View Park dahil dito makikita ang karamihan sa mga tindahan na nagtitinda ng pasalubong tulad ng lengua de gato, ube at strawberry jam, chocolate and ube crinkles, peanut brittle at marami pang iba.
Tumblr media
https://lakbaybaguio.com/wp-content/uploads/010314-lakbay-baguio-city-mines-13.jpg
Gayunpaman, nahirapan kami sa pamimili dahil napakarami ng tao dahil na din sa katapusan ito ng linggo. Kaya hindi kami makapili ng maayos at makahanap ng murang paninda. Hindi rin maiiwasan ang pakikipag siksikan at unahan sa tindahan. Mas maganda na pumunta ng mas maaga o kaya naman pumunta sa ibang araw upang masiguro na makakapili ng maayos at makapag litrato ng magagandang tanawin dito.
Tumblr media
https://www.phbus.com/blog/mines-view-park-in-baguio-city/
Dito rin sa Mines View Park pwedeng makapag bihis ng kasuotang pang-Igorot at makihalubilo sa mga lokal. At maaari din makapagpakuha ng litrato habang nakasakay sa makukulay na kabayo sa sikat na asong kilala sa pangalang Doglas.
3. PERSONAL NA TINGNAN ANG KASAYSAYAN NG BAGUIO
   Paghahabi ng Tela
Tumblr media
https://media-cdn.tripadvisor.com/media/photo-s/02/4d/1e/36/traditions.jpg
Nakakaaliw panoorin ang paghahabi ng tela ng mga lokal dahil ang kadalasang nakikita ko lamang ito sa litrato mula sa libro o kaya sa internet.
   The Mansion
Tumblr media
Pumasok kami sa museo na bukas sa publiko at doon ay nakita naming ang ilang memorabilia ng dating Presidente dahil nagsisilbi itong Summer Palace ng Presidente ng Pilipinas.
   Makulay na StoBoSa
Tumblr media
Lubha kaming napamangha sa ganda ng StoBoSa dahil sa makulay nitong disenyo. Nakakatuwa ring isipin na nakatingin ako sa isang napakalaking art na nilikha ng mga Pilipino.
4. MAMITAS NG STRAWBERRY
Tumblr media
https://media-cdn.tripadvisor.com/media/photo-s/05/c6/33/c2/strawberry-farm.jpg
Hindi maaaring matapos ang paglalakbay sa Baguio ng hindi nakakadaan sa Strawberry Farm. Isa ito sa pinaka paborito kong ginawa dahil ako mismo ang namili ng strawberry na babaunin ko hanggang sa pag-uwi na maaari ko rin ibahagi sa aking pamilya at gawan ng masarap na inumin tulad ng strawberry shake.
5. MAGPASALAMAT AT HUMINGI NG GABAY SA PAG-UWI
Ang huli naming destinasyon ay ang pagbisita sa Our Lady of Atonement Cathedral o mas kilala ng karamihan bilang Baguio Cathedral. Ito ay isa sa pinakamagandang simbahan na aking nakita dahil sa ganda ng kulay nito lalo na kapag sinindihan na ang mga mailaw na palamuti sa gabi.
Tumblr media
https://i1.wp.com/danielsecotravels.com/wp-content/uploads/2020/03/40432702_2200598213 5483 8511 8029 5274 82105856_o.jpg?fit=750%2C500&ssl=1
Bilang isang Katoliko, nakagawian na naming ang pagdaan sa simbahan upang magsimba at magpasalamat sa ligtas na paglalakbay at humingi ng gabay upang makauwi ng ligtas sa aming tahanan. Ang simbahang ito ang sumisimbolo ng pagtatapos ng aming paglalakbay.
Reyalisasyon
Hindi sapat ang isang araw na paglilibot sa lungsod ng Baguio dahil sa dami ng mga lugar na maaring puntahan. Kailangan gumugol ng tatlong araw upang masiguradong sulit ang paglalakbay. Sa loob ng unang araw sa Baguio ay nahulog na agad ang loob ko ditto hanggang sa huling araw ng aming pagbisita. Ang mahalaga, lahat kami ay masaya at ligtas na naka-uwi. Siguro kaming lahat ay umuwi ng pagod, ngunit patunay lamang ito na lubos kaming nasiyahan sa paglalakbay na iyon. Totoo nga na ang Baguio ang Summer Capital ng Pilipinas dahil sa ilang araw na aming pagbisita sa baguio, libo libong alaala agad ang tumatak sa aming mga isip at puso.
1 note · View note
honoredsage · 5 years ago
Text
101 Days of Quarantine
EDIT: Upon checking, Day 98 pa lang talaga to ng quarantine hahahaha
Day 101 ng quarantine.
Sa mga sandali na tinatype ko ‘to, mayroong nang naitalang 30,052 na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, kung saan 653 (415 ang “fresh”, 238 ang “late”) ang mga bagong naitalang kaso. 1,169 na ang mga namatay at 7,893 ang mga gumaling.
Gaya ng sinabi ko sa Part 12 ng Quarantine series, kung aabutin ng 100 araw ang quarantine ay magsusulat ako ng isang espesyal na post sa kung anong mga personal na pinagdaanan at pinagdadaanan ko sa loob ng mga nagdaang araw. Mahaba-habang inuman usapan to.
At bilang paunang bati, ay gagamitin ko ang mga liriko galing sa kanta ng Crywank na pinamagatang “Cringey Wincer”.
“Inviting you to witness what I will cringe at in the future.”
Akma ang linyang ito dahil puno ng “cringe”, pagka-isip bata, at walang kabuluhan na mga bagay ang isusulat ko rito. Pero kailangan ko rin ito dahil nami-miss na ng blog na ito ang mga kadramahan ko sa buhay at para rin mabawasan ang dinadala ng mga saloobin ko kahit papaano.
Unahin na natin ang dahilan kung bakit ko ba nadiskubre ang bandang Crywank at ang mga kanta nila. Ang dahilan ay hanggang ngayon ay isa pa rin akong hopeless romantic. Mas matindi pala ang dating kapag isinalin mo sa Tagalog, “Walang pag-asang romantiko”. Sabi nga ng kaibigan ko habang nag-uusap kami sa Messenger noong isang araw, “Jusko ambabs ng self-esteem mo ngayon amp”. Totoo naman.
Mga ilang buwan bago pa man mag-quarantine, nagkakagusto na ako sa isang malapit ko ng kaibigan na kasama ko rin sa trabaho. Pero ayaw kong aminin sa sarili ko. (Kung mababasa mo to, pagbati sa iyo!) Sa tingin ang pinaka-dahilan nito ay bukod sa ayaw ko rin naman masira ang pagkakaibigan namin, palagay ko malaki ang posibilidad na hindi rin naman kami ang magkakatuluyan sa dulo. Babalikan ko to mamaya.
Araw ng mga Puso naman, umamin ako run sa isa ko pang kaibigan. Sa tingin ko naman hindi masamang magkaroon ng higit sa isang crush lalo (hindi ko alam kung bakit pero medyo nagci-cringe na ako sa salitang crush, pero walang direktang Tagalog na salin kaya pagpasenyahan nyo na). Noong nag-uusap naman kami, sya lang ang sinusuyo ko kasi hindi ko kaya at labag sa kalooban kung gagawin ko pa yun sa iba. Medyo nawala o hindi ko na rin lang pinansin kung ano mang nararamdaman ko dun sa malapit kong kaibigan.
Isinulat ko na rin dito ang nangyari sa sinuyo kong dilag, pero “na-friendzone” ang lolo nyo. Isang hampas sa kakarampot at binubuo ko pang lakas ng loob at tiwala sa sarili.
Unti-unting bumalik ang mga nararamdaman ko sa malapit kong kaibigan, malamang dahil na rin sa lagi naman kaming nagkikita at nag-uusap. Nang-aasar ako minsan at di nya naman pinapansin, at sa totoo lang, medyo nasanay at natatawa na lang ako kapag walang pinatutunguhan panglalandi ko sa kanya (isa pang naki-cringe ako dyan, sa salitang panglalandi). Sa totoo lang, di ko lang talaga alam kung pansin nya na nilalandi ko sya o hindi, basta ang puno’t dulo, walang nangyayari.
Pumasok sa eksena ang COVID-19 at quarantine. Sa loob ng 101 na araw na hanggang ngayon ay di pa rin tapos, naputol lahat ng interaksyon ko sa mga tao sa labas. Hindi ko na nakikita, hindi lang sya, kundi mga iba ko pang katrabaho at mga iba ko pang kaibigan. Bilang ang daming oras na mag-isa ako at nag-iisip, pinadama sa akin ng quarantine na gusto kong may magmahal sa akin. Romantikong pagmamahal. Napaisip ako kung bakit, at hanggang ngayon wala pa akong konkretong sagot. Dahil ba ng edad ko? Dahil ba pakiramdam ko lang mag-isa ako? Hindi ko sigurado. Ang hirap kasi alam kong di ko naman kailangan, pero gusto ko.
At kahit anong pigil ko, mero’t meron sa loob ko na gusto kong makuha ang pagmamahal o kahit man lang atensyon na yun dito sa malapit kong kaibigan. Kahit na, gaya nga ng nasabi ko kanina, kung titingnan ko ang mga personalidad at paniniwala namin sa buhay, malamang maghihiwalay din naman kami. Pero hindi ko maitatanggi na sa kaloob-looban ko, mayroong parte na nananaig na gusto kong subukan. Subukan namin. Ngunit mukhang wala sa pag-iisip nya na subukan yun kasama ako. Doon ako nasasaktan. Nakakainis kasi wala naman akong karapatan masaktan. Wala akong karapatan na magreklamo. Hindi naman ako umaamin sa kanya. Dapat lang na kaibigan lang ang turing nya sa akin. Andun nga lang ako sa sitwasyon na natatakot na rin akong masira pagkakaibigan namin dahil kahit may nararamdaman ako sa kanya, una’t una ko rin naman syang naging kaibigan. Pero nasasaktan pa rin ako. Gaya lang netong isang araw, at hindi ito ang unang pagkakataon ngayong quarantine na nasaktan ako dahil lang sa kung anong nabasa ko sa social media. Sabi nga sa lyrics ng “ It’s Ok, I Wouldn’t Remember Me Either” na syempre kinanta rin ng Crywank:
“Compulsively complaining when I haven’t got the right
I hate the way I think and act.”
(At kailangan kong ipasok ang lyrics na ito kasi bigla kong nahanap habang sinusulat ko ito. Galing sa kanta ng Crywank na “You Couldn’t Teach Me Integrity”)
“Get over yourself, I say under my breath
When I get annoyed by the thoughts in my head
I don't deserve to say I'm sad, I don't know what sadness is
I'm nothing more than complaints from a dumb spoilt kid”
Sa totoo lang naman, hindi lang naman sya ang kaya kong magustuhan ngayon, at nakikita ko rin naman ang sarili ko na magkagusto sa iba sa madaling panahon. Siguro wala lang akong ngayong tiwala sa sarili at lakas para gawin yun. At isa pa, iba pa rin ang hatak sa akin ng mga taong nakilala ko na, kasi nakita mo na, o kahit parte man lang, ng totoong sila.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa’min sa hinaharap pero hiling at dasal ko na maayos din ang lahat sa huli.
Ang sarap sa pakiramdam na maisulat yun. Para bang naging salamin tong puting espasyo na puno ng letra at nakaharap ako sa kung ano mang nilalaman ko sa dibdib ko. Nakatulong nga.
Isa pang hatid ng quarantine na ito sa akin ay kailangan kong maghanap ng paraan para pumatay ng oras, at hindi ako masaya kung paano ko ito ginagawa. Medyo sinukuan ko nang tumulog sa parehong oras noong wala pang-quarantine kaya may oras nang kinakain agad ang pagtulog ko: pagkatapos kumain ng agahan, at minsan pa ay bago pa kumain ng hapunan.
May trabaho naman din ako sa bahay, dahil naka ‘work-from-home’ ang setup namin, at inaamin kong nanggagaling ako sa posisyon ng pribilehiyo, pero medyo madali lang kasi pinapagawa sa amin ngayon kaya hindi ko rin kailangan ng ganoong kahabang oras para tapusin ang mga ito.
Kaya nauubos ang oras ko sa kakabasa ng Reddit, panunuod ng kung anu-anong videos sa Youtube, kaka-scroll sa Twitter at Instagram, at ang pinahuli at pinaka-ayaw ko, ang manuod ng mga random movie at anime clips sa Facebook. Pinaka-ayaw ko yung huli kasi ang tito lang sa pakiramdam.
Sabi nga ng kantang “Hikikomori” ng Crywank:
“I want to be academic, confident and romantic,
But I just feel weird and overdramatic.
Daily reminders that I am pathetic.“
Gusto kong may gawing kapaki-pakinabang ngayong quarantine, lalo na at may oras naman ako. Pero wala. Wala akong maisip kung ano bang gusto kong gawin. At sa mga panahong bigla akong nagkakaroon ng gusto kong gawin, nawawalan ako ng interes agad-agad ko hindi ko lang mahanap ang lakas para magsimula. Hindi rin nakakatulong na ang isa sa pangunahing pinanggagalingan ko ng libangan at kasiyahan ay itinigil muna ngayon, ang NBA. Kaya ang hirap din maging mapanabik sa mga susunod na araw kasi wala naman akong dahilan upang manabik at maging masaya. Hindi pa rin showing ang Attack on Titan. Sa 2021 pa ang remake ng Shaman King. Naruto Blazing na lang ang inaabangan kong gagawin para maaliw ako, at hindi rin naman laging may nangyayari doon.
Nais ko ring ihayag ang lungkot at galit na nararamdaman ko ngayong quarantine sa mga nangyayari, di lamang dito sa Pilipinas, ngunit sa buong mundo. Nakakadismayang isipin na meron na ngang pinoproblema sa kumakalat na sakit, mas nagiging sakit pa sa lipunan ang pabayang gobyerno.
Bilang panghuli, sana kagaya ng nangyaring solar eclipse ngayon, kung saan pansamantalang tinakpan ng buwan ang araw at nagkaroon ng kadiliman, ang mga kalungkutan at problemang ito ay pansamantala rin lang. At sa huli, mananaig pa rin ang sinag ng araw. Sa huli, ang pag-asa ng bukas at kasiyahan ng buhay pa rin ang magliliwanag.
7 notes · View notes