#AngPusoKongPusit
Explore tagged Tumblr posts
Text
Page 2
Nagpatuloy ang seminar at naging interactive naman. Masaya naman so far at madami din palang kagaya ko na nandito ngayon. Nakakatuwang marinig ang ang mga kwento nila, mga estado sa buhay at dahil syempre puro kami bakla, asahan mo na na masaya talaga, maingay at puro tawanan.
Ito ang unang beses na nagawa kong pagusapan ang sakit ko na parang normal na bagay lamang ito. Sa loob ng kwartong ito, walang huhusga sakin. Walang huhusga samin at tulad lamang kami ng ibang mga ordinaryong tao. Sa kwartong ito parang wala kaming mga sakit. Nakakabilib pa dahil ang ibang kasama namin ay mga propesyonal at malayo na ang narating sa buhay. May isang Operations Manager, Businessman, International School Teacher, CEO, Call Center Agents at iba’t ibang mga trabaho. Ramdam na ramdam ko. Ito ang mundo ko. Napatigil ang lahat nang biglang may pumasok.
Pumasok ang isang lalaki na siguro nasa 5’8 ang taas. Maganda ang tubo ng facial hair nya. Maganda ang ngiti nya at medyo singkit ang mga mata nya.
Nagtinginan ang ibang mga speaker kay Jed at si Jed naman ay lumapit sa pumasok na lalaki.
Nagusap silang dalawa, nakangiti at parang sobrang malapit sila sa isa’t isa.
Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kanilang dalawa. Ang gwapo nilang pareho. Teka, nakatingin ba silang dalawa sa akin? Agad kong nilayo ang tingin ko at humarap sa speaker na nagtuturo sa harap. Naku nakita yata nila ako. Nakita nila ako na nakatingin sa kanila. Muli akong tumingin at nakita na naman nila akong nakatingin sa kanila at ngumiti ang lalaking kasama ni Jed.
Naku Dylan, Nagfefeeling ka nanaman at higit sa lahat, naghuhumarot ka nanaman. Pero noon pa man, gusto ko naman na talaga si Jed. Lalo na nung nadiagnose ako na may HIV ako. Ang kwento niya ang naging inspirasyon ko para mabuhay kaya lagi ko sya finafollow sa mga social media accounts nya at inadd ko din sya sa facebook kaso hindi naman niya inaccept. Nagmessage din ako sa kanya pero, anu pa nga ba, edi hindi naman ako nireplyan. Sino ba naman kase ako para iaccept at kausapin niya. Teka ano pa ba tong mga iniisip ko. Masaya naman na ako kay Paddie. Advocacy lang ang tanging dahilan kung bakit ako nandito at wala nang iba pa.
Jed: Maraming maraming salamat sa pagpunta niyong lahat. Naappreciate namin ang paglaan ninyo ng oras para sa seminar na ito at sana makasama pa namin kyo pag may mga activity. Meron din palang kadugtong ang seminar na ito. Sana makapunta pa din kayo at sana ipagpatuloy ninyo ang advocacy nating ito.
Jed: Bago ko makalimutan, gagawa pala tayo ng isang group chat sa facebook para makapagusap-usap pa din tayo at doon na namin iaannounce kung may mga activity tayo. Dun na din kami magtatanong kung sino sa inyo ang pwede naming makasama o makatulong kapag may activity. Paki add na din ako sa facebook. Pakisabihan din ako sa group chat kung inadd ninyo ako kase puno na ang facebook ko at kailangan kong magunfriend para iaccept kayo.
Wow may group chat kami. Di ko maipaliwanag kung ano tong nararamdaman ko. Alam ko na excited ako kase sa araw na ito madami akong nakilala na kagaya ko at magkakaroon pa kami ngayon ng constant communication dahil sa group chat. Bukod pa doon ay magkakaroon na din ako ng isang community na mapagtatanungan ng tungkol sa sakit ko o twing may mga nagtatanong sa blog ko. Masaya ako dahil naging sobrang productive ng araw na ito.
Nung matapos na ang seminar, ang ilan sa kanila ay umalis na. May ilan na lumapit sa akin para makipagkaibigan, nagkayayaan na sabay umuwi at kumain muna.
Ayokong maging suplado kaya sumama ako at umalis na kami habang sila Jed at ang ibang mga advocates ay naiwan pa.
Sa wakas nakauwi na din ako. Nakakapagod ang araw na ito. Pero masaya. Binuksan ko ang messenger ko at nakita ko na ilan sa mga kasama ko kanina ay nagchat sa akin. Kailangan ko palang sabihan si Paddie na nakauwi na ako kaya nagmessage na muna ako sa kanya.
Dylan: Love, nakauwi na po ako. Masaya naman ang seminar madami akong natutunan. Madami din akong nakilala na kagaya ko at naging kaibigan.
Paddie: Mabuti naman love. Nasa office pa ako. Tawag ako sayo pagnakauwi na ako. I love you.
Dylan: I love you too. Magingat ka sa paguwi mo.
Tinignan ko ang mga nagchat sa akin. Ang iba sa kanila ay nagpaparamdam na gusto nila ako. Ang iba naman nagchat na cute daw ako. Napangiti na lang ako at hindi ko na muna pinansin nang biglang may nagchat.
Jed: Hello. Good Evening.
😱😱😱
4 notes
·
View notes
Text
Page 1
Haay… Traffic nanaman. Inagahan ko ang pagligo at pag alis ko para sa seminar na pupuntahan ko. Inayos ko ang buhok ko, ang pananamit ko, nagdala na din ako ng bag na may lamang mga anti social items tulad ng PS Vita, headphones, cellphone at libro. Hindi ako masyadong sociable na tao kaya lagi akong may dalang bagay na pwede kong gaing excuse para di ako makipagusap sa iba.
<phone rings>
Paddie: Nasan ka na?
Dylan: Nasa byahe na ako. Sorry hindi na ako nakapagchat sayo kase nagmamadali ako. Kumain ka na ba?
Paddie: Tapos na ako kumain. Papasok na din ako ng office. Kailangan mo ba talagang puntahan yan?
Dylan: Love, pagbigyan mo na ako please. Kailangan ko to. Alam mo naman na hangga’t kaya ko gusto ko tumulong sa community ko.
Paddie: Haay.. Sige. Basta iupdate mo ako. Sabihan mo ako kung anong nangyayari saka kapag pauwi ka na at higit sa lahat, magenjoy ka. Makipagkaibigan ka at wag kang tumahimik lang sa isang lugar.
Dylan: Opo love. Susubukan ko. Alam mo naman na hindi talaga ako sociable. Pero susubukan ko pa din. Thank you love. Ingat ka sa pagpasok. I love you.
Paddie: I love you too. Usap nalang tayo ulit mamaya.
Si Paddie ang boyfriend ko. Dalawang taon na kami. Hindi sya masyadong katangkaran pero gustong gusto ko ang mga ngiti nya. Isa syang accountant, matalino at medyo outgoing na tao. Mabilis talaga akong mainlove sa mga taong matalino at may sense kausap. Higit sa lahat, sobrang mahal ko sya kase tanggap nya ako.
Dumating ako sa lugar ng seminar. Ilan pa lang ang tao, pagpasok ko, nakita ko agad si Jed. Yun ang unang beses na nakita ko siya ng personal. Nakikita ko lang sya sa TV, sa mga interviews nya, sa social media, at sa ibang mga awareness campaign materials. Medyo iba ang itsura nya sa personal at hindi ko talaga sya nakilala. Parang medyo tumaba na sya.
Jed: Pasok po. Sino pong naginvite sa inyo?
Dylan: Huh? Ah… ehh… Wala po. Nakita ko lang yung post sa facebook page kaya nagpunta ako dito.
Jed: Ganun ba, Sige paki fill up nalang po ng data form.
Medyo nahiya ako dahil natinginan ang mga tao sakin kaya pagkatapos kong magfillup ng form, naupo ako sa sulok kinnabit ang headset ko at naglaro ng PS Vita. Okay na din to para hindi ako kausapin ng mga tao.
Ilang minuto pa ay dumami na ang tao at nagumpisa na ang seminar.
Jed: Welcome everyone sa HIV Awareness Advocacy Volunteers Seminar. Sa di nakakakilala sa akin, ako si Jed, isang PLHIV at ako ang Program Head ng Organization. Siguro yung iba sa inyo napanood na ang istorya ng buhay ko tv, documentaries, interviews or mga advocacy videos. Namatay ang mga magulang ko bata pa lang ako at pinagpasapasahan ako ng mga kamaganak ko at hindi naging maganda ang karanasan ko. Maaga akong pumasok sa prostitusyon kaya nakuha ko ang sakit na ito kaya ngayon na mas alam ko na ang sakit ko, ginugol ko na ang buhay ko sa pagtulong sa mga kapwa ko na may HIV din at para ipalaganap ang kaalaman sa mga tao tungkol sa sakit na ito. Kayo naman, ipakilala nyo ang sarili niyo samin. Ang pangalan niyo, kasalukuyang trabo or ginagawa sa buhay at ang rason niyo kung bakit gusto ninyong magvolunteer.
Isa isang tinawag ang mga nasa loob ng kwarto at ako naman ay medyo kinakabahan at iniisip ang sasabihin ko.
“Sir, ikaw na po.” Ang pagtawag ni Jed sa akin. Lalo akong kinabahan at tumayo sa aking upuan.
Dylan: uhm.. Ako po si Dylan. I am currently a Webinar Trainer in a Telecommunications company. I joined the group because I wanna learn more about HIV. I am also a PLHIV and I have a lot of friends who lost the battle. I want to do my part in educating people and helping people understand our status. I started blogging about my journey and people started asking me a lot about my condition. I can only answer them baed on what I experienced and I wanna learn more so I can educate them more.
Jed: Good. But be careful when providing information because even though we are advocates and volunteers, we still need to refer them to doctors if that is what they need.
Napatingin ang lahat sa akin. Nahiya ako kaya’t napangiti nalang ako at umupo. Sa isang US based company ako nagttrabaho kaya pag nagsasalita eh mas komportable ako magsalita ng english lalo na kung kinakabahan ako.
Napansin ko ang mga tingin ni Jed sakin. Naiimagine ko lang ba to? O tinitignan nya talaga ako?
3 notes
·
View notes
Text
Page 3
Hala! Totoo ba toh? Nagchat si Jed sakin! Anung sasabihn ko? Bakit siya nagchat. Sandali. Keep it cool. Baka sabihin niya hayok na hayok ako sa chat niya teka nga buksan ko muna yung message.
Anu toh?! Yung mga message ko sa kanya from way back na hindi naman nya nabasa ay nandito pa din! Yung sinabi ko ba talaga sa kanya na gusto ko siya at nainspire ako sa story nya! Nakakahiya! Ngayon nabasa na nya ang mga chat ko! Anu bang sasabihin ko? Bakit naman kase sa ganitong sitwasyon pa. Ugh! Nagreply nalang ako sa kanya na kunwari ay hindi ako nagchat sa kanya dati.
Dylan: Hello! Good Evening din.
Jed: Hinahanap kita kanina pagkatapos ng seminar kaso bigla kang nawala.
Hindi ko alam kung anung dahilan niya pero biglang nagkaroon ng ngiti sa aking mga labi.
Dylan: Sorry. Hindi ko alam na hinahanap mo pala ako. Busy na kasi kayo sa pagliligpit kanina at niyaya naman ako ng iba para lumabas na at kumain. May kailangan ka ba sa akin?
Jed: Ah ganun ba? Wala naman. Yayayain din kase kita sana kung wala kang plano na sabay nalang din tayo umuwi at kumain na muna sa labas. Kaso mukhang Naunahan na pala ako.
Dylan: Sa susunod na lang. O sya, Kailangan ko nang matulog.
Jed: Sa susunod na weekend may kasunod ang seminar. Sana makapunta ka.
Dylan: Hindi ko pa alam kung busy ako nun o hindi pero wala pa naman akong plano. Pero sige sabihan kita kung makakarating ako.
Agad kong tinapos ang usapan namin. Hindi na rin siguro niya pinansin pa ang mga naunang chat ko sa kanya. Alam ko naman sa sarili ko na nasa isang relasyon na ako at hindi na ako dapat na nagkakagusto pa sa iba o nakikipagusap at pumapayag lumabas kasama ang ibang lalaki. Mayroon talagang kakaiba kay Jed. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang interesado ako sa kanya. Ewan ko ba. Lagi nalang akong attracted sa mga taong tila may malaking pinagdadaanan sa buhay. Naranasan niyo na ba yun? Yung attracted kayo sa isang tao na feeling niyo broken at pakiramdam niyo you are there to fix him.
<Phone rings>
Paddie: Good Morning! Sorry Love hindi na ako nakatawag sayo kagabi. Pagod na kasi ako nung nakauwi ako ng bahay at nakatulog na ako agad.
Dylan: Good Morning Love! Ayos lang. Nakatulog na din naman ako. Nagbreakfast ka na ba?
Paddie: Papasok na ako sa office. Dun nalang ako magbbreakfast. MAgbreakfast ka na din. Tapos wag mong kalimutan inumin ang gamot mo.
Dylan: Opo. Ingat ka pagpasok. I love you.
Teka, uminom ba ako ng gamot ko kagabi bago ako natulog? Kung matagal ka nang PLHIV malamang ito din ay isa sa mga problema mo. Ang makalimutan uminom ng gamot o kaya ay makalimutan kung nainom mo na ba yung gamot mo.
ARV o AntiRetroViral. Yan ang tawag sa gamot namin. Iba-ibang klase ito. Madami ding tawag ang mga kapwa ko PLHIV dito tulad ng bato at darna. Bawat combination ng ARV a iba-iba ang side effect sa taong umiinom nito.
Efavirenz - Sabi nila isa ito sa mga pinaka malala ang side effect. Sa twing iinumin mo ito, pagkalipas ng ilang sandali ay para kang nakadroga. High ang feeling mo, nahihilo at minsan may hallucinations din, vivid dreams, minsan tawa ka ng tawa minsan naman ay umiiyak ka ng walang dahilan. Sa iba nakakatrigger din ang gamot na ito ng depression. Iniinom ito isang beses isang araw.
Aluvia - Sabi nila second line daw ito. Nirereseta ito sa mga PLHIV na naging resistant na sa mga unang gamot. Sa iba ang gamot na ito ay nakakataba daw, Nakakaincrease ng sugar at cholesterol, pero ang pinaka malala ay pagkatapos mong inumin ito ay ilang sandali lang ay kailangan mong magbanyo. Iniinom ito ng dalawang tableta sa umaga at dalawa din sa gabi.
Nevirapine - Isa ito sa first line na gamot. Ito ang gamot ko. Sabi nila, madaming PLHIV ang nagiging allergic sa gamot na ito kaya’t konti lamang kami na ito ang gamot. Mababa lang ang dosage nito. Sa unang tatlong buwan ko ng paginom nito, madaming bawal na pagkain, nilagnat ako, nagkaroon ng rashes, laging nahihilo, walang gana kumain, nagsusuka at talaga namang nangayayat ako. Pero matapos magadjust ng katawan ko. Wala na itong side effect sakin. Pero sabi ng iba, ang gamot na ito daw ay nakakakinis ng kutis. Dalawang beses itong iniinom sa isang araw.
Ang mga gamot na ito ang bumubuhay sa amin. Hindi ito lunas sa sakit namin. Pero sa pamamagitan ng mga gamot na ito, hindi na dumadami ang virus sa katawan namin hanggang sa maging sobrang konti na lamang nito at hindi na kayang makahawa pa. Ang tawag sa status na ito ay UD o Undetectable.Tatlong taon na akong PLHIV. Normal naman ang pamumuhay ko tulad ng ibang tao. Madalas naaalala ko nalang na may HIV ako twing iinom ako ng gamot ko.
1 note
·
View note