nicoleabingspeaks
hala
9 posts
nurse gising na po siya
Don't wanna be here? Send us removal request.
nicoleabingspeaks · 2 years ago
Text
trabahuhuhu
dear kimmy,
i’m going to be honest nalang in saying that the things discussed in this module elude me. pano ba naman makarelate eh hindi naman ako yung in charge sa pamalakad ng buhay ko. ever since my first breath sa world na to ginusto talaga ata ng mga magulang ko na maging doctor ako kaya ayern. pinagbigyan ako sa mga luho ko at an early age kasi alam nila na magsusuffer na ako sa huli (p.s. mas lalo akong nadepress dahil dito. dami kong pangarap na sinet aside nalang). feel ko gusto nilang magdoctor ako kasi isa to sa mga trabaho na respetado ako at malaki yung sahod without facing that much discrimination. ewan parang boang naman kasi pag nadiscriminate pa yung being afab ko (assigned female at birth) kung doctor na ako. kung maging doctor pa talaga. if i even live long enough para mag med school KEMI nagdrama siya. anyways moving on, pangarap ko kasi talaga either career in writing or music kasi diyan talaga ako naexpose when i was younger. pero ayun na nga wala na talagang pag-asa. i guess pwede siyang magawa as side hustle pero pag nag med ka parang wala ka na talagang time for side hustles kaya feel ko magiging pangarap ko nalang talaga siya forever.
shoutout nga pala kay anne roe ang sama mo naman magsalita anong “those who perceive a cold and rejecting home life during childhood will pursue technology or the sciences” ha? tapang tapang mo naman (pero tama talaga siya huhu). pero out of all theories talaga yung pinaka nagustuhan ko is siyayung kay john krumboltz kasi parang ginacapture niya talaga yung pagiging dynamic ng mga tao, hindi kagaya kay donald super na age based or kay john holland na personality based. mga j names nga naman eh chz. yung cycle kasi ng career planning is not linear. so hindi madescribe yung pagpili mo ng career simply by your personality and age. i believe yung learning process talaga is yung naga contribute sa pagpili ng someone ng career. kahit ako nga din as time goes by, mas nalelearn ko na mas masisilbihan ko yung job in the medical field kaysa sa magtake ng risk sa writing or sa music.
feel ko nabring up ko na at some point yung filipinos and their resilience. jusko nakailang beses na ginawa ko yang topic during essay writing contests. yung mga pinoy kasi feel ko resilient talaga yan sila by nature kasi nga sapagka daming bagyo and other disasters na pinagdadaanan natin and minsan tayo lang naman yung nagtutulung tulongan para lang makaahon kasi walang kwenta si ano diyan. kaya ganun naging value na talaga yung resilience. pero ayun nga kimmy. last ko nalang to mamimiss kita kimmy huhu. dami ko nang naibahagi, nairant, at naidrama sayo. until next time kung mangangailangan ulit ako ng project gamitin kita ulit. hanggang sa muli!
talks a lot for the last time,
nicole
0 notes
nicoleabingspeaks · 2 years ago
Text
Tumblr media
lagi't lagi para sa bayan or something
dear kimmy,
pwede bang maging process yung agency? the things that constitute agency kasi parang pwede siyang maging process. like magdecide ka muna ng intention, then pag-isipan mo kung ano yung gagawin mo to fulfill what you intend to do. afterwards, execute self-reactiveness by making good of what you planned to do. after that, magreflect ka. siguro yung theme ng entry na to is yung journey ko as a up student so siyempre magstart ako sa simula saan pa ba. so ayun nag intend ako na makaaral ng mabuti para maging doctor ako and para na din makaprovide ako para sa family ko. then pinag-isipan ko kung ano yung pwedeng gawin. yung plan ko is mag-aral ng maayos para makapasa ako sa school na known for its academic excellence, up included. nafulfill ko din naman yung goals ko. through my hard work, nakapasok din ako sa up. after ko pumasok napaisip ako malala kung tama ba yung pinasukan kong school. may times parin ngayon na iniisip ko na parang hindi talaga and baka best for me na magtransfer or something. pero siyempre upon further reflection, mas maraming magandang maidudulot yung up para sa future ko. pinili ko naman to eh dapat lang talagang panindigan ko. tsaka even if hindi siya yung tamang school para sakin, mahirap na talaga magtransfer kasi ang daming papeles na aasikasuhin lalong lalo na't dost scholar pa naman ako. so ayun di nalang ako magtransfer para less stress sa bangs.
gusto ko lang din ibring up na yung proxy is hindi lang limited sa children. yan lang kasi yung example na binigay sa module. for example kasi nasa vegetative state na yung tao and naconclude na ng mga doctor na wala nang magagawa. in the stead of the individual na hindi kayang magmake ng sarili niyang decision, maiiwan sa pamilya niya yung responsibilidad na yan and from their sila na yung magtake over sa individual na yan. although parang cruel siya pakinggan, wala namang iba pang pwedeng magawa sa situation na to.
as a citizen, may mga duties ka talaga na kailangan ma uphold. same din naman sa pagiging iskolar. lahat ng ginagawa at pinag-aaralan namin ay para sa ikabubuti ng bayan. to fulfill this, dapat may solidarity between us scholars na nag-aaral ng different na courses. gusto ko nalang din idagdag na for me, although ideal yung altruism, parang hindi siya realistic na concept. if altruistic ka if mag gawa ka ng something para sa tao kahit fulfillment di ka dapat makafeel para purely altruistic talaga. anyways yun lang ulet for now kimmy. last na yung next huhu.
talks less kung pagod,
nicole
0 notes
nicoleabingspeaks · 2 years ago
Text
Tumblr media
las plagas (nicole's version)
dear kimmy,
nahanapan ko din ng paraan para ma insert yung hyperfixation ko ngayon sa blog ko hehe. actually kung tutuusin wala talagang kinalaman si babyloves leon kennedy ko dito gusto ko lang siyang ishare. nilagay ko kasi sa resident evil 4, yung kinakalaban nila is na infect with the virus named plagas or las plagas (the plagues in english). and ano ba naman yung mga sumisira ng mental health natin kung hindi plague diba. kaya nga tinatanong tayo "what plagues your mind" eh. so ayun for this session nag class therapy kami. honestly medyo nasira yung experience ko dito kasi mas lamang pang nagsalita yung mga taong hindi nakatakda sa session na yon pero bahala na kung doon sila na group mas comfortable magshare edi forda gow nalang. anyways, okay lang din naman sakin na hindi makapag share kasi i have my own psychiatrist and psychologist din naman. very fortunate ako kasi meron akong family na makaprovide sakin with that. pero naiisip ko din yung mga tao na nangangailangan ng tulong with their mental health na hindi man lang makapagbook ng appointment dahil sa mataas na price point ng mga specialists dito. sana mas mabigyan ng halaga yung mental health soon para maging mura na din and more accessible yung mga psychiatrist at psychologist. anyways, sa tingin ko yung mga mental health problems ay isa sa mga factors kung bakit nahihirapan yung iba maghanap ng self nila amidst society. yung mental illness kasi is innate talaga. yung severity lang nito yung dependent sa social factors. gawin kong example dito si james fallon. natuklasan niya na psychopath siya on accident while comparing the brains ng mga people na kilala niya with that of serial killers. nanotice niya na yung PET scan ng brain niya is similar sa brain ng serial killers na pinag-aaralan niya. yung reason why he didn't share the same fate as serial killers is because he grew up loved and it protected him daw kaya hindi siya nag go down a path of violence unlike other psychopaths. so yung extent lang talaga ng psychopathy niya is hindi lang siya makafeel ng empathy for other people. on the other hand, pwede rin ma increase yung severity ng mental illness. gawin kong example sarili ko because i feel like it would be easier to explain. i felt the symptoms of depression during high school and was diagnosed almost a year ago. one of the first things na tinanong sakin is "why do you think you feel that way". so kinuwento ko sa kanya yung childhood traumas ko na remain unresolved and how i found myself in an unhealthy competitive mindset as a result of being constantly compared to others. these factors were determined to be the root cause of my mental illness. after ko nakita yung nangyari kay james fallon, parang naisip ko na baka i would still have the brain of a depressed person and hindi lang magpunta sa self-destructive na extent kung lumaki lang ako in a better environment. pero i like to believe na yung mental illness ko yung nagpapafunny sakin chz (yayaman ako if may 1k ako everytime i made a joke about killing myself). anyways so ayun. eto yung counter ko sa argument na "sino ba nagsabi sayo na you have to feel that way". i don't know kung gaano siya ka totoo and if yung kay james fallon na findings is naga encompass ng lahat na mental illness pero ayun nga. although i believe na innate yung mental illness, naniniwala din ako na there is something na magagawa ng individual para macombat ito. yung palagi kasing sinasabi sakin ng aunt ko is wag ako masyadong magpaapekto. although hindi to gaano ka effective sakin, if there's a will there's a way din naman diba. baka effective yung method na to for other people.
gusto ko lang din pala idagdag na yung diagnosis ko, although it brought a sense of dread, it also brought a sense of relief kasi napinpoint ko din yung reason why i think the way i do. sabi din ni james fallon na yung diagnosis niya nag explain din ng behavior niya. so i guess in a way nadedefine din tayo ng mental state natin. therefore, i believe na acknowledging na there is a problem is a step further to understanding the self. even better if necessary steps are taken to break free from the things that hinder us from seeing the world as we should. so ayun na, kimmy. done na ako magsalita. masyadong heavy kasi ang topic so until next time nalang mhie.
napagod magsalita for the first time,
nicole
0 notes
nicoleabingspeaks · 2 years ago
Text
Tumblr media
huey si accla pumapag-ibig
dear kimmy,
let's talk culture ulet. pag same daw kayo ng culture, same din kayong values, principles, and ideologies. ano yung difference? di ko din alam. chz siyempre medyo alam ko matalino ako ih. yung values, yun yung naga determine kung ano yung ginaconsider na "good" or "bad". yung ideologies naman, is mga pinaniniwalaan ng mga tao or yung collective beliefs nila. gina encompass nito yung values. yung principles naman naga encompass ng values and ideologies. yung mga principles is yung pinapaniwalaan ng community na totoo. balikan natin yung pinag-usapan natin about roxas city. based sa story ko, umiiral yung value na "pakikipagkapwa". aside diyan, umiiral din yung value of "resilience". yung dalawang 'to hindi lang exclusive sa roxas. in fact, parang magamit din yung values na yan para madescribe yung buong pilipinas eh, albeit some places exhibit more companionship and resilience than others.
anyways makakamove on na din tayo sa culture sana makamove on ka na din sa kanya. syempre baka makatulong yung pagdiscuss natin ng attraction, intimacy, and love. siyempre malaking part din yung values, ideologies, and principles sa pag-ibig, lalong lalo na when it comes to choosing the person that is right for you. usually naman kasi yung gusto nating makasama is someone who shares the same values and beliefs diba? pero ano nga ba talaga yung love. para sakin, love is something that unites and drives us. usually pag mahal ng mga tao yung isa't-isa mas nagkakasundo sila. and if mahal ng person yung isang bagay, mas nagaganahan silang mag act in pursuit of that thing. kagaya nalang sakin. mahal ko yung pera, kaya nag-aaral ako ngayon para maging doctor lord sana mapagbigyan mo ako chz. so ayun nga yung pag intindi ko sa love hindi umaayon sa nabigay nang mga theories of love. pero if papipiliin ako, mas pinapaniwalaan ko siguro yung ontological theory. pero out of all things, na fascinate talaga ako sa components of love: intimacy, passion, and commitment. ang presence or absence of one component determines what kind of love you have. yung pinakagusto ko talaga is yung love with intimacy and commitment kasi it gives friends to lovers. may nilagay ako dito sa module noong ginbasa ko siya.
Tumblr media Tumblr media
yung colors na yan nagasignify ng mga magulang ni bluey (yes nanonood ako it heals my inner child) kasi sila talaga yung naalala ko nang binasa ko yung part na to. siguro a more common example para makakarelate din yung iba is si lily and james potter huhu cute nila sana all ano. pero gusto ko rin pag-usapan yung love and codependence. alam kong wala ito sa module pero gusto ko lang siya discuss as a possible consequence of love. by nature kasi love is the act of giving and taking. pero an excess of that can lead into codependency where hindi talaga kayo mabubuhay pag wala yung isa't isa. so i guess kahit yung love kailangan in moderation talaga.
while we're talking about relationships, pag-usapan nalang din yung relationships between peers. siyempre kahit dito mas pinipili nating makisama sa people with the same values and beliefs din. pero may mga times na may gusto talaga tayong pakisamahan kahit hindi same yung pinaniniwalaan natin for the sake of making angat of our social status. therefore, naga give in tayo sa social pressures, especially pag galing sa peers. hindi ko alam kung bakit, pero parang may need talaga yung mga tao na ma validate ng mga kapwa nila especially pag nasa adolescence stage sila. notice ko din na medyo nawawala yung need na yan habang tumatanda ka pero at least once in our lifetimes na eexperience talaga yung peer pressure. isang example nito na unang pumasok sa isip ko is yung hazing. like pinaparanas yung tao ng mga dehumanizing na trials para lang ma initiate sa community nila and hindi ka makakajoin pag hindi mo to nadaanan. hindi ko alam kung bakit kailangan talaga ng ganyan. dati kasi yung akala kong ginagawa ng frat is pinapatakbo lang yung mga recruits na nakahubad up and down the street or like embarrassing guy things lang para ma initiate kaya nagulat ako na ikakamatay na ng iba yung initiation process dito sa pilipinas. more on the extreme side siguro to na example ng peer pressure pero sana maput to a stop na siya soon. yung mga nakaupo naman kasi sa gobyerno mga member din ng mga frat na yan kaya siguro walang nagagawa as of now. anyways, yun lang siguro for now kimmy nagugutom na ako. sana mapeer pressure akong kumain chz
talks a lot,
nicole
0 notes
nicoleabingspeaks · 2 years ago
Text
Tumblr media
mirrors and bibingka
dear kimmy,
before tayo makapunta sa exciting part, dito muna tayo sa discussion of adolescence and body image. as someone na nagastruggle with issues sa body ko, medyo mahirap tong pag usapan pero kakayanin ko to hindi naman ako weak. so before ako mag go any further, gusto ko lang ibalik yung discussion sa module 2 kung saan na briefly mention yung medical gaze. himayin natin dito ngayon ers. anyways, diba nga pag malaki yung katawan mo (ayoko gamitin yung term na mataba kaya eto nalang huhu), parang ina assume na ng mga tao na unhealthy ka. pero pagpunta mo sa doctor, wala ka namang komplikasyon sa katawan mo. parang ganyan siya. buong buhay ko talagang nafeel ko na "disgusting" or "gross" ako dahil hindi ako payat. pero sino ba kasi yung nagsabi na ganyan yung standard? wala namang problema sa katawan ko like walang komplikasyon and all. pero dahil ganyan yung paningin ng mga tao sa mga malalaking katulad ko, ganyan na din yung paningin ko sa sarili ko. eto kasi yung medyo delikado. like sakin masasabi ko na burden ako sa buhay pero maaassure pa naman ako na hindi ganyan through little changes throughout the years. pero yung katawan ko nakikita ko araw araw at hindi naman nag-iiba. so yung paglabel ko sa self ko na "gross" or "disgusting" hindi maalis-alis. ganyan yung pagkaintindi ko sa part ng module na to. yung malala pa is during adolescence pa naman yung time na maghahanap ka ng tanging mga kaibigan to find a "sense of belonging". i was fortunate enough to find a good friend group. pero yung ibang katulad ko nabubully dahil sa appearance nila. during adolescence pa naman na matitindi yung mga insultong lumalabas sa bunganga ng mga tao. u know, teenage hormones and all. and napapangitan lang talaga ako kasi during adolescence pa naman naga undergo ng super daming changes yung katawan. pair that with the constant barrage of insults a big person can get daily, paanong hindi ma dismaya yung tao sa sarili niya. it's the kind of stuff that sticks with you hanggang sa pagtanda mo eh. it's why despite me technically being an adult na hasn't stopped me from having the same mindset. kasi while i have seen growth in terms of my attitude and outlook, when i look in the mirror, i still see the "cow" of a person that i have seen since high school. hays nakakastress sa bangs. pero i think at some point i really have to stop thinking about the things that people have to say about my body ano. exercise my agency and reflexivity and reject the beauty standard HUEY. and speaking of the beauty standard, excuse the language pero FUCK that. paiba-iba siya literally every year. dati ginaworship pa yung mga thigh gaps. ngayon uso na yung thick thunder thighs. may point nga din in time na naconsider na maganda yung mga malaking katawan eh kahit statue nga ni aphrodite hindi super slim. so essentially hindi talaga nagamatter yung physical appearance and as much as possible sana maiwasan natin na ibase yung value natin solely on that.
okay tama na yan sa depressing na part dito na tayo sa fun part. yung kapwa kong LGTVHD+1080P aka yung LGBTQ+ community!!! hays i really love this community talaga like it's my safe space and i would not know what to do without my fellow gays. i believe the gays run the world na talaga. pero jokes aside, this is one of the societies that helped build my sense of self throughout the years and has maybe helped din for others. i had unrestricted internet access since first grade pa naman so malamang matutuklasan ko din yan yung mga bading. however, it wasn't until between my freshman and sophomore year in high school when i realized that i was gay. hanep no medyo natagalan si anteh. i used to identify as bisexual, pero now naga identify lang ako as queer kasi nangunguna na takot ko sa lalaki and mas naparami yung gusto kong babae pero may ibang lalaki parin diyan na gusto ko. furthermore, gusto ko lang ibring up yung isa sa mga magandang things about sogie. you can literally be anything and everything under the sun so long as comfortable ka with how you identify as. so ako personally my sexual orientation is queer, my gender identity is nonbinary, and i try to express myself as nonbinary. pero there are literally so many labels kasi hindi mo ma accommodate yung sogie ng isang person within just a few categories. and i think that's a beautiful thing kasi it just goes to show how dynamic human beings are. and i like to see that as a whole, we're defying norms and stereotypes kaya mas nagiging colorful and diverse yung communities natin. kaya siguro rainbow yung flag namin. anyways maga chime in lang me sa nature vs nurture debate sa sogie. i think in a way a bit of both siya. kasi when it comes to nature, i believe it is something that can't be changed. pagdating naman sa nurture, pwede siya machange. yung sogie ko personally, pwede pa siya mag iba the more i socialize and learn things about myself. pero natural siya in a way na kahit gustuhin ko man, hindi ko talaga mabring yung self ko to conform with the norm na. like pilitin ko man maging straight na babae, ayaw ko talaga. hindi ko na maimagine yung self ko as ganyan which is why i think sogie can be both formed by nature and nurture. pero baka iba din yung input ng iba. basta ganon na yung sakin, kimmy. i love being gay because i love love. sana dadating din yung araw na matanggap na kaming lahat ng komunidad. i end ko yung entry na to with a "BE WHO YOU ARE FOR YOUR PRIDE".
talks bading,
nicole
0 notes
nicoleabingspeaks · 2 years ago
Text
ang bait ko. salamat roxas city.
dear kimmy,
ikailang beses ko na to ata binabalik balikan yung concept of culture. and every single time na tinatanong ako parang minemental block ako kung ano yan. hays ang hirap maging bobo. anyways medyo maikli lang siguro 'to since ibabahagi ko lang yung aking point of view sa culture and how it shapes a person, as well as how culture is shaped by the people. so sa roxas city, binibigyan talaga ng halaga yung seafood. as in every pista talaga merong pantat, alimango, shrimps, squids, etcetera. eh ayaw talaga sakin ng universe kaya biniyayaan ako with a seafood allergy. ang galing no? nevertheless, hindi mo talaga madeny na as a seafood capital, hindi talaga mawawala yung seafood sa hapag-kainan. consequently, nabibigyan talaga ng malaking value yung mga fishermen namin. kung ano yung dinadakip nila, yun yung kinakain ng lahat. so bale in that way connected talaga yung lahat na mga taga-roxas. pare-parehong palengke yung pinupuntahan and pare-parehong mangingisda yung mga nagbibigay ng supply sa palengke. and siyempre maliit lang din naman yung roxas kaya halos lahat ng mga tao dito parang magkakilala na ata. dahil dyan, parang nadevelop na namin talaga yung parang unity (roxas city is pink, mind you). hindi lang naman kasi in terms of food na nagkakasunduan kami. parang may sense lang talaga na since pare-pareho lang kami na taga-roxas, may understanding na between us kasi somewhat naiintindihan naming yung mga hirap at kasiyahan ng aming kapwa. siguro tumutulong na maliit lang talaga yung roxas kaya yung balita mabilis lang kumalat and all. pag magandang balita, nagcecelebrate. pag masamang balita, makikiramay. kaya ayan naging personality ko na din na mag-intindi ng mga tao kahit na umalis na ako sa roxas. sobrang tatag talaga ng community and i think mas lalo lang na enhance noong pandemic when we had nobody else to turn to except ourselves. although i spent most of my time during the pandemic here sa iloilo, my dad would tell me about how nagtutulungan nalang talaga yung buong subdivision para makaahon sila sa hirap. meanwhile dito sa iloilo parang hindi lang man namin nakausap yung mga kapitbahay namin. and siyempre, culture also changes with time. sa sobrang dynamic ng mga tao, who knows maybe in a few years mag iiba na din yung kultura ng roxas pag nag-iba din yung pag-iisip ng mga tao. baka mag mala freaky friday pa nga and magpalit yung characteristics ng roxas tsaka iloilo eh.
anyways, i think it just goes to show how different cultures can be. kagaya nalang ng sa roxas at sa iloilo. mas hospitable and friendly talaga yung mga taga roxas compared sa mga taga iloilo. siyempre kasi magkaiba yung kultura ng dalawang communities. pero maybe dadating yung time na maging magkaparehas nalang yung dalawa. baka posible naman ito kung mag mix yung dalawang communities. like half ng population ng dalawang lugar is taga roxas and the other half is taga iloilo. baka mag-iba din yung culture and in turn, baka mag iba din yung ugali ng mga tao. pero hindi ako yung tamang tao para malaman kung ano yung mangyayari kung ganun man ang mangyayari. hindi naman ako manghuhula. kaya sa muli, see u next time kimmy.
talks medyo konti,
nicole
0 notes
nicoleabingspeaks · 2 years ago
Text
masterlist
dear kimmy,
dami kong ebas kaya eto para hindi mahirapan mga nagbabasa.
essentially yung blog na 'to aside sa magserve as a requirement, dito ko ilalabas yung mga ibring up ko sana sa class ko sa self and society but was never really able to kasi kahit madaldal ako, mahiyain parin ako and takot na baka magmukha akong tanga in front of my classmates huhu. please enjoy.
module 1
module 2
module 3
module 4
module 5
module 6
module 7
module 8
talks konti lang this round,
nicole
0 notes
nicoleabingspeaks · 2 years ago
Text
Tumblr media
tao bagay hayop lakompake basta umayos ka lang
dear kimmy,
andito ka naman ulet crush mo ako no chz. today andito tayo para makapagrant ulet ako kung paano naman nabulabog ng sas yung chakra ko habang nag-eenjoy ako ng strawberry juice. from an essentialist's point of view naman kasi i am a reklamador first and human second chz. anyway unang una sa lahat, gusto kong sabihin na hindi talaga ako yung type of person na naniniwala na may nakatakda na may certain genetic traits na naga prevail over others (we all know how a certain person with this kind of thinking turned out... yikes). however, tao lang din naman ako so siyempre i still believe some stereotypes, especially because of the way na pinalaki ako. hindi naman siya super discriminatory na way of thinking. i still treat other people equally. however, there are a certain group of people that i am especially cautious around: men... siguro eto dahilan bakit naging part ako ng LGTVHD1080P pero ever since i was little, i always had a certain outlook towards men because kahit saan ako tumingin parang attributed talaga sila sa violence. yung mga crimes sa tv usually yung suspects ay lalaki. yung mga anime na pinapanood ng dad ko usually yung mga enemies lalaki din. and although my dad means well, minsan nakakatakot talaga siya mhie. kaya ayun... as i grew up, i learned to treat guys nicely kaysa ba naman always nalang ako iiyak pag may lalaki na lumapit sakin. pero ayun... takot parin ako sa lalaki. anyways, itong the bell curve ni herrnstein and murray nainis lang ako so hindi ko na tinuloy yung pagbasa pero ma understand ko naman yung gist. my friends know me for my honesty kaya i will be honest with my thoughts. i believe na kung bobo ka, bobo ka talaga. hindi mo diyan masisisi yung genetics or socio-economic status mo. kahit babae o lalaki ka, kung ano man lahi mo, kung gaano man karaming pera yung ibinigay sayo para baon mo sa school, bobo ka talaga if bobo ka. "sorry di ko alam na ganito pala dapat yan kasi-" EDI ALAMIN MO!!! nako naman nabulabog na naman yung chakra ko eh nagsusulat lang naman ako. kung sa tingin mo kasalanan pa ng mga magulang mo na pinanganak kang bobo, EDI UMAHON KA BEH MAGSIPAG KA UMAYOS KA JUSKO. so ayun mag move on na tayo before pa ko mamusdak apdo (p.s. hindi po ito projection sa galit ko sa groupmates ko sa sas. i cannot say the same for groupmates sa ibang subjects chos lang).
move on tayo tsaka pag usapan natin yung "the gaze" (huey). anyways, yung society as a whole parang meron na talagang preconceived notion of normal. if hindi ka "normal", hindi ka part ng society. hindi naman sa completely tinataboy ka talaga, pero alam mo yung parang na didiscriminate ka na ng super malala hanggang sa feeling mo na parang ganun na nga. dahil dito parang may nagaform din na mga societies based sa kung ano yung trait mo na pinakanaaayawan ng mga tao ano? sa module ginawang example yung medical gaze. dito naman, gagawin kong example yung "the gays gaze" (HAYS ang galing ko talaga). so ayun nga diba parang naperceive na na normal yung heterosexual relationships and tama naman na normal siya (kahit ayaw ko talaga sa heterosexual relationships except a select few) pero sino ba naman kasi yung nagsabi na hindi normal yung homosexual relationships??? pareho lang namang nagmamahalan yung tao na involved sa relationship pero kung makisawsaw yung iba parang akala mo pinipilit din silang maging bading eh. like,,, wala namang masamang naidudulot yan??? although some people might argue na "hala baka maging bakla din yung anak ko" or something like that. eh kung ganun nga, so what? anak mo parin naman yan diba. kahit mag-iba pa yan ng porma or makipag momol sa kapareho niyang kasarian, pinaghirapan mo parin yang palabasin at palakihin. ewan ang weird lang talaga sakin kung bakit ang hirap lang i accept ng mga tao yung mga homosexuals na wala namang naidudulot na masama. mas tinatanggap pa nga yung implementation ng EJK na nakakapinsala sa buhay ng mga inosente. nag-aapply na po dito yung sinabi ko kanina na kung bobo ka, bobo ka talaga. so again, UMAHON KA BEH MAGSIPAG KA UMAYOS KA JUSKO. siguro ganito yung theme ko for today's entry.
okay mag proceed na me sa psychosocial construction of the self. dito na yung "the looking glass self" ni cooley and "i and me" ni mead. i go over ko lang siya ng very konti pero i explain ko siya in a way na based sa understanding ko so baka hindi talaga siya super accurate. so yung "looking glass self" is yung self na nabubuo based sa kung ano yung nasa paligid niya. yung "i and me" naman is extension ng "looking glass self", pero na explain din yung aspect ng self as yung self talaga wherein hindi siya affected ng societal factors. yung ganyan is yung "i" and yung "me" is yung naaffect ng society. so babalikan po natin ulit yung bobo na ferson. say na bobo siya kasi ganun nga napalibutan siya ng mga people na hindi ganun ka informed about sa mga nangyayari. kung ganun lang talaga, siguro maiintindihan ko pa. like if wala talaga siyang resources para maging informed, okay lang maging bobo. pero minsan talaga, may mga tao na tinuturuan na nga ng kung ano yung tama, ang tigas tigas parin ng ulo. bahala na. bato bato sa langit, matamaan magalit. anyways, i guess it can still be argued kung ano nga yung tama. in this case, dadalhin ko dito yung natutunan ko sa ethics na kung ano yung tama is kung ano yung nagdadala ng kabutihan sa majority. so if yung pinaniniwalaan mo na tama is nagacause ng negative na effects sa majority... ewan i hope na there is still hope for you. and even if napapaligiran ka ng mga tao na same na paniniwala sayo, may choice ka naman na i accept or reject yung mga ideas and concepts na pinaniniwalaan nila na tama (kahit hindi naman)—hence agency and reflexivity. gamitin mo to do better beh. and once again, UMAHON KA BEH MAGSIPAG KA UMAYOS KA JUSKO. bale yung summary ng last two points ko is kahit na yung self is built by societal factors, pero to some extent ikaw talaga bahala sa sarili mo. hence yung meme sa taas na looking back hindi talaga siya nagamake sense pero natawa ako so ikekeep ko nalang siya.
last nalang talaga humahaba na yung entry ko. yung time and collective memory. leave behind na natin yung whole rant ko and mag move tayo into something medyo(?) wholesome. bale for example dito sa miagao diba, student ako. nakatira ako dito temporarily as a student and a classmate. the memories i have here are that of a student and a classmate. therefore, ina attribute ko yung lugar na to with academics. however, for some people, this place is home. in miagao, they are children of their mothers and fathers and vice versa. the memories that they have of this place are that of children, mothers, fathers, etc. for them, this place is attributed to family. this draws the line between sa mga locals and the students na mula pa sa mga malalayong lugar. dito maclarify yung difference ng dalawang societies, but it doesn't necessarily mean na there should be separation between the two societies. sadyang yung mga ideas and beliefs namin are different because iba yung mga memories yung ina attribute namin sa miagao. sila iinom para makipag bonding with their families. kami naman iinom para makatakas sa responsibilidad ng isang estudyante. pero sigurado ako na lahat kami umiinom to have a good time. hindi po ako alcoholic. pero hanggang dito nalang siguro ako kimmy. next time ulit hehe.
talks even more,
nicole
0 notes
nicoleabingspeaks · 2 years ago
Text
Tumblr media
ang hirap maging bio student
dear kimmy,
so diba nga ayun nagdiscuss na kami about social constructionism vs essentialism. azza bio student, medyo nakakabulabog ng chakra mag intindi ng topic na 'to. kasi nga diba yung essentialism, kung ano yung nandiyan ganun na siya. yung social constructionism naman, yung mga nandiyan is nabubuild pa ng society. medyo balingag yung pag explain ko pero mahirap talaga para sa akin i explain huhu. pano ba naman i explain eh sobrang na ??? ako sa lesson na to NABULABOG NGA TALAGA YUNG CHAKRA KO!!! anyways ayung nga mag mimini rant ako about this. kasi diba sa bio, parang lahat objective. for example, yung kambing masasabing "living being" kasi umaayon siya sa lahat ng criteria of a living being. pero sino ba nagsabi na ganyan yung mga living being at sino ba naman kasi yung boang na nagsabi na tama siya?? edi naghihirap kaming mga bio student ngayon kimmy. pero ayun after ko mag wonder nito, parang napaisip din ako na halos lahat ata na tinuturo satin is from a social constructionist's perspective. at least para saming mga stem students. kasi for example kagaya doon sa math. calculus is calculus because of isaac newton. biological nomenclature is biological nomenclature because of carolus linnaeus (may hinanakit talaga ako sa tao na to). like sinabi lang nila na okay ganito dapat yan may proof ako tas sinunod na sila ng everyone. pero pag pina analyze ka ng written work like pride and prejudice by jane austen, parang maraming interpretations. masasabi ba na magandang jowa si mr. darcy or isa ba siyang red flag? pero one thing is for sure na yung book na to is about elizabeth bennett overcoming her pride and prejudices to find love in her heart for mr. darcy (yie sana all eh ano). nakalagay din naman sa title so it is what it is. same din sa clifford the big red dog. it is quite literally a book about the adventures of clifford the big red dog. like the way i see it, parang common sense talaga siya. pero if balikan natin yung about sa biology, goat nga yun and nabubuhay kasi hindi naman siya patay. pero sino ba nagsabi na hindi din "living being" yung mga bato. para sakin kasi pwede naman na hindi siya maconsider na patay kasi it has persisted throughout different periods of time and essentially became witness to many historical events. ewan baka ang bobo kong pakinggan ngayon pero ganyan kasi yung nasa isip ko.
anw moving on, parang napag isipan ko din yung meaning ng "purpose" kasi naga exist daw yung something kapag may purpose. may point talaga yung sinabi na if namatay yung isang bagay o tao, namatay dahil wala nang purpose or nafulfill na. so kung ganun, is there really any meaning to life? yung meaning ba ng existence ng lahat sa mundong to nakapako lang ba sa kanilang purpose o value? kagaya nalang ng mga times na sinasabi ng mga tao sa someone na pumanaw na “siguro time ya na gid” o “nafulfill ya na ang purpose nga tinakda ni god para sa iya”. this never really sounded right to me when i was a kid (hanggang ngayon actually). pero personally, i feel like eto yung reason kung bakit feeling ko na mas lumalamang yung idea ng social constructionism sa mga science kagaya ng biology. sa biology kasi, nabibigyan parin ng silbi yung mga hindi na nag-eexist. halimbawa, para sa evolution pinag-aaralan yung mga species na matagal nang naging extinct. tsaka i add ko nalang din na baka social constructionism yung naga prevail sa mathematics and sciences kasi kailangan niya din mag iba along with new findings na matutuklasan pa, so hindi pwede na lahat ng bagay titingnan lang for what it is.
so paano ba itong lahat nagareflect sa self and society (boogsh ayern namention na yung subject seryosong usapan na twoah). para sakin, yung both is pwedeng matingnan lang from an essentialist’s point of view. the self is a human, and society is a group of humans or “selves” parang ganon. pero kung iisipin mo talaga, both of these elements are built or constructed by influential factors ng mga environment nila. kung titingnan mo ba sarili mo, are you really just a human? hindi ka ba super ganda, super talino, super mabait? paano ka naman naging ganyan? sino nagsabing ganyan ka kasi baka super feelingera ka lang naman pala? so going from there, masasabi ko na social constructionism talaga yung nagbibigay ng flavor sa everything. super dami kong natutunan tas first module palang to mafifieel ko na yung sakit ng ulo ko sa mga susunod na module. anyway, hanggang sa muli miz kimmy.
talks a lot,
nicole
1 note · View note