#ayusinmobuhaymo
Explore tagged Tumblr posts
nicoleabingspeaks · 2 years ago
Text
Tumblr media
tao bagay hayop lakompake basta umayos ka lang
dear kimmy,
andito ka naman ulet crush mo ako no chz. today andito tayo para makapagrant ulet ako kung paano naman nabulabog ng sas yung chakra ko habang nag-eenjoy ako ng strawberry juice. from an essentialist's point of view naman kasi i am a reklamador first and human second chz. anyway unang una sa lahat, gusto kong sabihin na hindi talaga ako yung type of person na naniniwala na may nakatakda na may certain genetic traits na naga prevail over others (we all know how a certain person with this kind of thinking turned out... yikes). however, tao lang din naman ako so siyempre i still believe some stereotypes, especially because of the way na pinalaki ako. hindi naman siya super discriminatory na way of thinking. i still treat other people equally. however, there are a certain group of people that i am especially cautious around: men... siguro eto dahilan bakit naging part ako ng LGTVHD1080P pero ever since i was little, i always had a certain outlook towards men because kahit saan ako tumingin parang attributed talaga sila sa violence. yung mga crimes sa tv usually yung suspects ay lalaki. yung mga anime na pinapanood ng dad ko usually yung mga enemies lalaki din. and although my dad means well, minsan nakakatakot talaga siya mhie. kaya ayun... as i grew up, i learned to treat guys nicely kaysa ba naman always nalang ako iiyak pag may lalaki na lumapit sakin. pero ayun... takot parin ako sa lalaki. anyways, itong the bell curve ni herrnstein and murray nainis lang ako so hindi ko na tinuloy yung pagbasa pero ma understand ko naman yung gist. my friends know me for my honesty kaya i will be honest with my thoughts. i believe na kung bobo ka, bobo ka talaga. hindi mo diyan masisisi yung genetics or socio-economic status mo. kahit babae o lalaki ka, kung ano man lahi mo, kung gaano man karaming pera yung ibinigay sayo para baon mo sa school, bobo ka talaga if bobo ka. "sorry di ko alam na ganito pala dapat yan kasi-" EDI ALAMIN MO!!! nako naman nabulabog na naman yung chakra ko eh nagsusulat lang naman ako. kung sa tingin mo kasalanan pa ng mga magulang mo na pinanganak kang bobo, EDI UMAHON KA BEH MAGSIPAG KA UMAYOS KA JUSKO. so ayun mag move on na tayo before pa ko mamusdak apdo (p.s. hindi po ito projection sa galit ko sa groupmates ko sa sas. i cannot say the same for groupmates sa ibang subjects chos lang).
move on tayo tsaka pag usapan natin yung "the gaze" (huey). anyways, yung society as a whole parang meron na talagang preconceived notion of normal. if hindi ka "normal", hindi ka part ng society. hindi naman sa completely tinataboy ka talaga, pero alam mo yung parang na didiscriminate ka na ng super malala hanggang sa feeling mo na parang ganun na nga. dahil dito parang may nagaform din na mga societies based sa kung ano yung trait mo na pinakanaaayawan ng mga tao ano? sa module ginawang example yung medical gaze. dito naman, gagawin kong example yung "the gays gaze" (HAYS ang galing ko talaga). so ayun nga diba parang naperceive na na normal yung heterosexual relationships and tama naman na normal siya (kahit ayaw ko talaga sa heterosexual relationships except a select few) pero sino ba naman kasi yung nagsabi na hindi normal yung homosexual relationships??? pareho lang namang nagmamahalan yung tao na involved sa relationship pero kung makisawsaw yung iba parang akala mo pinipilit din silang maging bading eh. like,,, wala namang masamang naidudulot yan??? although some people might argue na "hala baka maging bakla din yung anak ko" or something like that. eh kung ganun nga, so what? anak mo parin naman yan diba. kahit mag-iba pa yan ng porma or makipag momol sa kapareho niyang kasarian, pinaghirapan mo parin yang palabasin at palakihin. ewan ang weird lang talaga sakin kung bakit ang hirap lang i accept ng mga tao yung mga homosexuals na wala namang naidudulot na masama. mas tinatanggap pa nga yung implementation ng EJK na nakakapinsala sa buhay ng mga inosente. nag-aapply na po dito yung sinabi ko kanina na kung bobo ka, bobo ka talaga. so again, UMAHON KA BEH MAGSIPAG KA UMAYOS KA JUSKO. siguro ganito yung theme ko for today's entry.
okay mag proceed na me sa psychosocial construction of the self. dito na yung "the looking glass self" ni cooley and "i and me" ni mead. i go over ko lang siya ng very konti pero i explain ko siya in a way na based sa understanding ko so baka hindi talaga siya super accurate. so yung "looking glass self" is yung self na nabubuo based sa kung ano yung nasa paligid niya. yung "i and me" naman is extension ng "looking glass self", pero na explain din yung aspect ng self as yung self talaga wherein hindi siya affected ng societal factors. yung ganyan is yung "i" and yung "me" is yung naaffect ng society. so babalikan po natin ulit yung bobo na ferson. say na bobo siya kasi ganun nga napalibutan siya ng mga people na hindi ganun ka informed about sa mga nangyayari. kung ganun lang talaga, siguro maiintindihan ko pa. like if wala talaga siyang resources para maging informed, okay lang maging bobo. pero minsan talaga, may mga tao na tinuturuan na nga ng kung ano yung tama, ang tigas tigas parin ng ulo. bahala na. bato bato sa langit, matamaan magalit. anyways, i guess it can still be argued kung ano nga yung tama. in this case, dadalhin ko dito yung natutunan ko sa ethics na kung ano yung tama is kung ano yung nagdadala ng kabutihan sa majority. so if yung pinaniniwalaan mo na tama is nagacause ng negative na effects sa majority... ewan i hope na there is still hope for you. and even if napapaligiran ka ng mga tao na same na paniniwala sayo, may choice ka naman na i accept or reject yung mga ideas and concepts na pinaniniwalaan nila na tama (kahit hindi naman)—hence agency and reflexivity. gamitin mo to do better beh. and once again, UMAHON KA BEH MAGSIPAG KA UMAYOS KA JUSKO. bale yung summary ng last two points ko is kahit na yung self is built by societal factors, pero to some extent ikaw talaga bahala sa sarili mo. hence yung meme sa taas na looking back hindi talaga siya nagamake sense pero natawa ako so ikekeep ko nalang siya.
last nalang talaga humahaba na yung entry ko. yung time and collective memory. leave behind na natin yung whole rant ko and mag move tayo into something medyo(?) wholesome. bale for example dito sa miagao diba, student ako. nakatira ako dito temporarily as a student and a classmate. the memories i have here are that of a student and a classmate. therefore, ina attribute ko yung lugar na to with academics. however, for some people, this place is home. in miagao, they are children of their mothers and fathers and vice versa. the memories that they have of this place are that of children, mothers, fathers, etc. for them, this place is attributed to family. this draws the line between sa mga locals and the students na mula pa sa mga malalayong lugar. dito maclarify yung difference ng dalawang societies, but it doesn't necessarily mean na there should be separation between the two societies. sadyang yung mga ideas and beliefs namin are different because iba yung mga memories yung ina attribute namin sa miagao. sila iinom para makipag bonding with their families. kami naman iinom para makatakas sa responsibilidad ng isang estudyante. pero sigurado ako na lahat kami umiinom to have a good time. hindi po ako alcoholic. pero hanggang dito nalang siguro ako kimmy. next time ulit hehe.
talks even more,
nicole
0 notes