#nakakatawa ka
Explore tagged Tumblr posts
andrbllts · 2 months ago
Text
Comfort Zone: Pepetiks petiks ka ba?
Tagalog naman para maiba. Sabi sayo boi eh gagawan kita ng blog. Shoutout sayo kung mabasa mo 'to! At sa mga pinagsamahang walang papantay! Kapatid habambuhay!
So eto na nga! Usapang comfort zone tayo! Aminin na natin, tol—comfort zone? Sarap nun, pre! Chill lang, wala kang stress, wala kang hassle. Parang everyday rest day—puro Netflix, walang tuldok sa petiks. Pero eto catch: kapag over ka sa petiks mode, para kang halaman na nakatunganga lang sa araw—nabubuhay, pero walang level up! Eh sino bang ayaw maging blooming plantito o plantita, diba? Pero kung hanggang “leaf” level lang palagi kasi takot kang lumabas sa paso, aba, tapos ang story mo, p're!
Narinig mo na ‘yung “Growth happens outside your comfort zone?” Alam ko, gasgas na ‘yan, pero pakinggan mo ‘to: Ang comfort zone mo parang paboritong sando—yung butas-butas na, medyo basa pa ng pawis, pero suot mo pa rin kasi pakiramdam mo astig ka. Pero tol, kung gusto mong mag-upgrade, minsan kelangan mong bitawan ‘yung sando na yun at mag-risk mag-suot ng masikip na hoodie kahit medyo di pa fit sa’yo. Hindi nga lang kasi s'ya laging swak, minsan kailangan pang hilahin.
Oo, cool yung chill, pero kung lagi kang safe mode, para kang stuck sa tutorial mode ng game—paulit-ulit, walang thrill, walang boss fights! Asan na ‘yung thrill ng level up? Yung epic loot? Sayang, pre!
Masarap ang petiks, pero masaya din ang may risk! Para kang nagse-skateboard: una, puro lagapak, puro gasgas sa tuhod. Pero kapag nakuha mo na ‘yung balance, iba na galaw mo, pang-kanto vibes! Ganun din sa buhay, tol. Kung gusto mong umangat, minsan kelangan mong ma-semplang para matuto. Bawal ang maarte, lalo na kung pangarap mong mag-level up.
Eto nga, tol, kagabi lang magkakwentuhan kami ng tropa ko mula high school. Alam mo na, usapang mga batang-gala na akala mo walang future dati, pero ngayon? Grabe. Yung tropa ko, basketball superstar na, may sarili nang fans club at cute na family goals. Ako? Eh chill lang, nagso-solo flight pa-Korea, pa-Japan, kung saan saan lang kasi finally afford ko na magpakabundat sa ramen at sushi sa mismong bansang pinanggalingan nun.
Dati, pre, kulang na lang mag-ala Fast & Furious kami tuwing uwian. Yung tropa, paborito ng teacher sa guidance office, ako naman, swabeng laging late, alam mo na. Pero sino mag-aakala, tol, na tayo pa pala ‘tong makakarating sa ganito? Sabi nga niya, “Tangina, pre, nakakatawa ‘no? Yung dating baliw na puro sablay, ngayon bigatin na.”
Dati, inaatraso lang namin yung deadline ng homework, ngayon, inaatraso na ng mga tao deadline nila para mapanuod yung games niya o mabasa yung travel blog ko. Sabi niya, astig daw na kahit ilang beses kami madapa noon, bumangon pa rin kami at tuloy pa rin sa takbo. Nakakatawa lang, tol, na dati kami ang kinukutya, pero ngayon, tingin sa atin parang next level na.
Tawanan lang kami habang sinasabi niyang, “Pre, kung nag-petiks lang tayo nung high school, siguro hanggang dun na lang tayo. Pero buti na lang, nagrisk tayo kahit nung sablay pa rin tayo sa dulo.” Dito namin na-realize na ‘yung tunay na swag, di sa chill-chill lang. Nasa mga sumubok, nabigo, pero bumangon at lumaban ulit na mas astig pa! Kaya ikaw, tol, kung feeling mo petiks ka na masyado, lakasan mo loob mo. Malay mo, dun mo pa matagpuan ang tunay mong swag.
At syempre, sa gitna ng tawanan at kwentuhan, hindi namin nakalimutan magpasalamat kay Lord. Sabi nga namin, pre, kahit anong sipag at tiyaga, kung walang blessings mula sa Kanya, wala ring saysay lahat. Sobrang blessed namin na kahit puro sablay nung una, binigyan pa rin kami ng chance bumangon at magtagumpay. Lahat ng ito, mula sa Kanya. Kaya, shoutout kay Lord, tol, kasi kahit sa dami ng semplang, di niya kami iniwan.
Kasi sa dulo, tol, ang buhay ay hindi para sa mga petiks lang—para ‘to sa mga handang magtry, magfail, at bumangon ng mas solid! Kaya tara na, p're, sugal na tayo. Show your moves, swag ka pa rin kahit may sablay, basta bumabangon ka ulit. 🚀💥
15 notes · View notes
scramboileditlog · 21 days ago
Note
Question from a guy: Rare to find na ba understanding and considerate girls o ubos na sila sa panahon ngayon? Nakakapagod makisama sa gusto understanding ka tas sila walang effort to understand you e.
Hindi naman rare to find kung understanding and considerate girl lang ang hanap mo. Even a hoe can be considerate and understanding and still be a hoe but would you want that?
Ang daming consideration in choosing the right partner. You will never be satisfied kung lagi mong iche-check kung nami-meet nila yung qualities na gusto mo all the time dahil kahit tayo may mga araw na sumasablay din sa ibang aspeto ng pagmamahal.
Just do what you can do until you can't. Kung nakakaramdam ka na ng pagod then maybe it's not worth it anymore. May mga challenging woman talaga, kumbaga double step na effort mo minsan kapalit lang ng half-step nila but I don't think that's wrong dahil tayong mga lalaki naman nag-i-insist manligaw in the first place. Ang nakakatawa lang talaga we deserve the love we give pero di natin pwedeng ipilit na ibalik nila. Kaya kung bumabalik sayo yung binibigay mo that's enough fuel to the fire.
Sugal yan bro ang tanong gaano kalaking parte ng pagkatao mo yung ipupusta mo and how far the both of you would go to make the relationship last. Walang guarantees pero meron talagang worth the risk.
It's really up to you and the idea of love you believe. Di mo pwede i-risk yung relasyon mo dahil lang sa sinabi ng tulad kong bida-bida lang sa internet. 😂
13 notes · View notes
ask-the-pearloftheorient · 2 months ago
Note
I want to eat 2p Piri
(positive)
Tumblr media
Mahárlika I don't think that's what anon means smh
(Nakakatawa ka: That's hilarious/ you're hilarious)
Without subtitles:
Tumblr media
I kept the hair short and styled given by @pienj1
Bonus under cut since I originally color picked from a Gojo Satoru screenshot:
Tumblr media
White haired Lika bc pale haired men have me in a serious comphet chokehold
11 notes · View notes
nice2meetyouu · 3 months ago
Text
Life Musings
Tumblr media Tumblr media
Summary: May nagyaya sa aking lumabas. Sabi ko, i-chat na lang saan magkikita, pupunta na lang ako. Sabi nya, "No, I'll pick you up, I insist!" Rapunzel ka gurl? Buhay pa naman ako at hindi na-chop-chop.
Long story: Invited J (bff) out and got our nails done yesterday. Parang nahihiya pa sya at ang mahal daw. Pero andami na nyang panlilibre sa akin before! Tapos ngayon, andami nya pang payo. Buti na lang niyaya ko siya kasi aalis na pala sya sa BGC at babalik na sa bahay na binili nya sa Laguna, with family. May work daw syang nakuha na around 20 minutes away from home pag naka-bike. Goodbye city life. Halos lahat na yata ng friends ay nagsisilayuan na sa Metro Manila.
Tapos sinamahan nya akong hanapin ang mahiwagang karwahe. Sabi ni J, pipicturan daw nya ang plate number. Hahaha. Akala ko naman, magbobowling sa Timezone lang or magd-drive ng race car, kaso dinner daw pala sa malayong dako ang idea ni person. In reality, hindi natuloy ang dinner sa malayong dako dahil traffic at Sabado, pero masarap pa rin naman sa kinainan namin, may sharon pa ako. Nakakatawa nga kasi biglang nandoon din ang family ni person, sa lahat ng pwedeng puntahang lugar at that time, tapos nag-panic siya. Aba, hindi ako kayang panindigan? Char. Hindi raw kasi specific 'yung paalam niya. Haha. So nagmadali nang magbayad at lumipat ng venue. Napanood ko tuloy 'yung Deadpool.
Thoughts and feedback: Hindi ko alam anong nakita ng taong 'to sa 'kin, pero kahapon aba syempre, dapat presentable. Sabi ni J, huwag ko na raw pagupitan buhok ko kasi magmumukha raw akong high school, maganda naman daw ang medium length. Anyway, mukhang wala kaming masyadong common life experiences saka kahit hindi naman malayo edad namin (maaga lang akong natapos), may generation gap. Nagulat nga ako napag-usapan agad ang sahod e, apparently, 'yung sahod ko ay 4x ng sahod nya? So sabi ko, ako siguro dapat ang nagbayad. Nakaka-guilty, para akong scammer, nakikikain at nagbebenefit sa hard work ng iba. Sabi naman niya, "No, it's fine!" At deserve naman daw ang sahod dahil ang sipag ko raw.
Ang tanda ko na. Ngayon na lang ulit ako nakanood ng movie sa sinehan (wala naman akong ginawa kundi magwork, 'di ba) at ngayon na lang ulit naging passenger princess, nabuking pa tuloy saan ako umuuwi. Alangan namang sabihin ko, ibaba na lang ako along C5?
11 notes · View notes
daramdarararam · 5 months ago
Text
puro pagbabago ung nararanasan ko the pas few months. im really going out of my comfort zone na🥹🥺 hirap nung una tbh pero, worth it naman.
malayo na ulit work ko sa bahay, lumuluwas na ako ulit nagawa ko na sya dati, pero this time nasa ncr na ako which is, di ko maimagine dati, kasi ayoko, kasi pakiramdam ko noon, hindi para sa mahihinang nilalang ang ncr, pakiramdam ko magkakasakit ako sa paligid mga ganyan, pero eto.. andaming hassle tbh hindi ako sanay sa polusyon na meron don kesa dito samin. mas masarap maglakad sa province kesa don, kasi kailangan mong tumingin sa daan mo kasi baka makaapak ka ng eat lalo jan sa munti. and, wala ako literal na kakilala. hindi pa naman ako madaling makipagclose, ung nangyare na last time na narinig kong chinichismis ako ng kasama ko sa tinutuluyan ko na kesyo "di raw ako kilala/nagpapakilala",.... hirap ako makipagkapwa tao pero depende kasi yon. kapag mabigat ang presensyang nararamdaman ko sayo, hindi kita papansinin agad.
mga bagay na akala ko hindi ko kaya, perong kayang kaya ko pala. looking back, gagi. duwag lang pala talaga ako, and palaging calculated risk lang ginagawa ko, i mean, ganon pa rin naman pero ngayon nagttake risk na ako ng malala hahahaha which means mas malakas na ang kumpyansa ko sa sarili ko na, magagawa ko ung goal ko gawin sa risk na yon. basta ang dami!
also, nakakatuwa lang how life, God, the universe, is guiding me thru meeting people along the way na mas makakapagpalawak nung kaisipan mo. sobrang galing lang, kasi they really leave a mark. been meeting strangers lalo sa work, sheeet. kailangan ko sila makita ulit at mayakap🥹thank you.
wala naman sa vocabulary ko ang pagsuko, madalas chumichill lang ako sa buhay, hindi masyadong pinaparamdam ang presensya, palaging nagtatago pero hindi talaga ako basta basta paaapi or papatapak kahit kanino, marami din akong nakilala na sobrang gaspang ng ugali, mas magaspang pa sa ugali ko!!! e ayoko ng nilalamangan ako. so, syempre pumapalag po ako. mukha lang akong chill pero di moko pedeng kantiin. salamat maderpader kasalanan nyo bat palaban ako silently.
last paragraph. hahahaha feel ko gulong gulo na utak ng mga tao sa paligid ko sa office. confused na siguro sila na ewan, kaya nakakatawa. nalilink ako sa mga babae sa office pota bwhahaha e alam kasi ng ilang kawork ko na accla akoooo bwhaha. and, meron akong crush na lalaki, saka babae. both pretty!!!! ung girl, sobrang alam nyo ung natutunaw ka kapag kausap mo sya? angganda kasi ng mata nya ang hirap nya hindi ka eye to eye contact kasi, sobrang maccaught nya talaga attention mo(ako lang siguro dahil crush ko sya) kasi angganda ganda nyaaa huhu. .. and this boi,bwhahaha kasama ko sya sa inuman kanina. paanong hindi ako malalasing eh sya nagtatagay sakin ?? sino ba naman ako para humindi sa kanya. cute cute nya e, tas ang touchy nyaa, palaging magkadikit bisig namin. hahahahaha madami pakong kwento tbh. itutulog ko nalang muna .hanggang sa muliii
7 notes · View notes
kazumist · 1 year ago
Text
TAKE A CHANCE WITH ME PROFILES .ᐟ
Tumblr media
STARRING: SCARA UNMUTE MO NA KAMI
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
smau masterlist
(name), torpe na iyakin (slight). best friend ni childe ever since grade 3 kayo. naging close kasi nag-offer siya i-share yung crayons niya sayo nung isang coloring activity noon. wala si childe sa priv mo for some reason kahit kayo yung pinakaclose sa isa't isa sa buong friend group.
childe, willing maging tanga kung sayo naman siya magpapatanga (oh diba ang bobo?). kung ikaw torpe at iyakin, siya naman ay torpe at martyr. nag-offer sayo ng crayons noong grade 3 kayo tapos ayun. naging close na agad. wala ka rin sa priv niya, hindi intentional na matching kayo ng dp sa priv.
kuni, kakambal mong salot sa lipunan. mas matanda siya ng 3 minutes kaysa sayo. siya yung ayaw magpahiram ng crayons sayo noon kaya si childe ung nag-offer. pero medyo grateful ka na madamot si kuni noon (to be fair, madamot parin siya hanggang ngayon), kasi kung hindi edi hindi siguro kayo naging close ni childe.
hu tao, isa sa mga naging kaclose niyo nung grade 7. lowkey national bookstore siya ng section noon kasi palagi siyang may papel. palaging may katarantaduhan na iniisip, pero di rin naman niya tinutuloy kasi gusto niya magmukhang good student daw. ang ultimate idol niya? si xiao.
xiao, isa rin sa mga naging kaclose niyo nung grade 7. naging kagroup niyo siya sa isang project tas ayun, di na siya makatakas sainyo (charot). awoj ni hu tao pero lowkey lang sila (huxiao layag).
itto, naging kaclose niyo naman nung grade 8. di niyo rin alam kung pano siya napadpad sainyo pero does it really matter? kung kailangan mo ng magpapatawa kapag badtrip ka, si itto yung malalapitan mo. hindi dahil funny talaga siya, sadyang tanga lang na ewan kaya nakakatawa (affectionately).
Tumblr media
37 notes · View notes
methetea · 17 days ago
Text
Broken pala ako last year hahahaha. Nakita ko lang old post ko. Well its been more than a year. Nakausad naman na. Nakakatawa lang kasi ngayon ko lang din naalala. Maybe dahil triny ko talaga best ko para itook yon as advantage to make myself better, braver. Fast forward, ang strange lang din kasi during nung quick outing namin ng mga katrabaho ko nameet ko yung anak ng isa kong kawork. We're on the same age, tapos naging interesado ako sakanya, iseset aside ko na sana pagiging interesado ko during the time na tapos na yung outing kasi focus na ko ulit sa work. Kaso itong tatay nya, nung first time nya kong nakita sa building few days after namin mag outing, sabi ba naman "oy sabi nung anak ko cute ka daw". Edi si ate mo girl natuwa naman. Happy crush? Haha. Fast forward ulit, ilang days after encounter ko sa tatay nya, biglang sumigaw mga ojt sa office, sabi sakin "maam may naghahanap po sayo" pagtingin ko yung anak ng kawork ko. Tho hindi kami nagkausap kasi umalis din agad sya kasi may inaasikasong mga papel. Then kinabukasan, ang aga ko sa office, nakita ulit ako ng tatay nya sabi "makikita mo na palagi anak ko haha". Nag smile lang ako while nagtataka. Few days after, nasa office na rin sya, in short, magkatrabaho na kami 🥹.
4 notes · View notes
xxtiinneee · 1 year ago
Text
Tawa ako ng tawa sa convo namin nung friend ko nung isang araw. Nagtatanong kasi siya sakin kung ano daw fem wash ko. Sobrang random lang so eto nga
“Girl ano fem wash mo?”
“Lactacyd, bakit?”
“Wala lang gusto ko kasi mag palit”
“Ano ba gamit mo ngayon?”
“B yun eh, kalimutan ko. Umm Bactidol”
“Tanga, baka Betadine”
😭😭😭 Hindi ko kinaya si siz bat ka naman maglalagay ng Bactidol. Pero ang nakakatawa kasi dun may ibang nakarinig samin 😭😭😭
24 notes · View notes
miyvkiiz · 1 month ago
Text
𝙞𝙢𝙗𝙖𝙠𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙨𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙠𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙢𝙗𝙞𝙩𝙞𝙣 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙨𝙖𝙬𝙖𝙮 𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙙𝙞𝙡𝙖
nakakatawa. hindi ko lubos akalain na aabot ako sa puntong gagawa ng mga prosa't tula para lamang maimbak ang mga nakatagong salitang ayaw sambitin nitong pasaway kong dila. ngunit ngayon... bakit tila may nag-iba? bakit sa halip na mag-imbak ng samu't-saring mga prosa't tula ay gusto ko na lamang itong takpan, itapon at muling magsimula? ako'y nagugulumihanan; bakit itong mga imbakan ng mga salitang hindi kayang sambitin ng pasaway kong dila ay nagmimistula na lamang mga alaala ng mga salitang dapat sana'y babanggitin noon nitong munti kong dila? nakakatawa. ito nanaman ako, nagsusulat ng prosa sa kabila ng mga gawain sa paaralan na dapat ko nang gawin, pag-pokusan at tapusin. ano ba iyan! narito nanaman ako, nagtitipa ng mga letrang walang kwenta't patutunguhan lalo na't hindi rin naman ito batid ng aking pinagsusulatan na sa kaniya pala ito nakalaan. nakakatawa, para akong sirang plakang paulit-ulit; walang sawang nagsusulat ng nilalaman ng damdamin habang ang mga ngiti ay sa labi nakaukit. nakakainis, nakakatawa, ewan ko ba, bahala na. mukhang kailangan ko na ngang isara itong imbakan ng mga salitang hindi kayang sambitin ng pasaway kong dila sapagkat, ayun na nga, wala na, tapos na. nakakapagod na, wala rin namang saysay at sa tingin ko'y wala na rin akong maisusulat pa sa munting imbakan na ito... at ang pinaka-nakakatawa pa rito, pagkatapos kong mapagdesisyunang isara ay muli nanaman akong nagbukas ng panibagong tambakan ng mga salitang sa tingin ko'y hindi nanaman kayang sambitin, sabihin at banggitin nitong nakakainis kong dila. ano ba 'yan, kailan ka ba magsasawa? — 𝘪𝘴𝘩𝘪.
2 notes · View notes
upismediacenter · 1 month ago
Text
LITERARY: Huling Sulyap
Tumblr media
Tumayo ako mula sa pagka-squat matapos kong ilagay ang aking mga gamit sa karton. Nilibot ko ng tingin ang paligid ng aking kwarto, tinitignan kung may naiwan pa ba akong gamit, nang mapatingin ako sa isang album doon sa istante. 
Pinuntahan ko iyon at kinuha. Binuklat ko ito at napangiti sa nakita. Bumungad sa akin ang larawan mula noong ako'y bata pa, karga-karga ng aking tatay sa kanyang balikat habang nasa tabi niya naman ang aking nanay. Puno ang album ng mga larawan ko mula noong ako’y sanggol pa hanggang sa ako ay nasa pitong taong gulang. Natawa ako nang makita ko ang litrato kung saan umiiyak ako habang nilalagyan ng Band-Aid ang aking sugat. 
Matapos kong tingnan ang mga larawan sa album ay inilagay ko rin iyon sa karton at dumiretso sa kabinet upang kumuha pa ng mga damit na aking dadalhin. Nagulat ako nang makita ko sa pinakadulo-duluhan ng mga damit ang uniporme ko noong elementarya kasama ang mga larawan ko noong nag-aaral pa ako dito. Nakakatuwang nandito pala ito. 
Naalala ko noon, hatid-sundo pa ako ng aking nanay. Nakita ko ang larawan namin na hanggang balikat niya lang ako. Natawa rin ako nang makita ko ang aking larawan na madungis; lagi kasi akong nakikipaglaro ng habulan sa aking mga kaklase pagkatapos ng klase noon kaya lagi akong pawis at marumi kapag sinusundo. Hay, kay sayang balikan ng aking pagkabata.
"Anak, tapos ka na bang magligpit dyan? Aalis na raw kayo," rinig kong sabi ng aking ina sabay katok sa pinto. 
"Sandali na lang ho, Ma," tugon ko at napatingin sa pinto. Maya-maya’y narinig ko ang mga yabag ng paa niyang paalis.
Nang masiguro kong wala na ang aking nanay ay ibinalik ko ang aking tingin sa mga larawan bago ko ilagay sa karton. Pagkatapos ay naghalungkat pa ako sa kabinet para tingnan kung may madadala pa akong gamit nang tumambad sa akin ang isang kahon. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang mga larawan ko noong ako’y tumuntong sa hayskul. Di kagaya noong elementarya, maayos at malinis na akong tignan. Naalala ko na hindi na rin ako hinahatid-sundo noon ng aking mga magulang dahil tiwala silang kaya ko na ang aking sarili. 
Kinilig naman ako nang makita ko ang larawan namin ni Aaron pati na rin ang mga liham pag-ibig na isinulat niya noong kami'y magkasintahan pa lamang. Patago pa ang relasyon namin noon dahil hindi ako pinapayagang magkaroon ng nobyo. Laking galit na lang ng aking mga magulang nang malaman nila at gusto nila kaming paghiwalayin sa kadahilanang baka ako ay masaktan lamang o ako’y mabuntis dala ng tindi ng damdamin. Nakakatawa dahil ngayon ay kinukulit na nila kami na gusto na raw nilang magkaroon ng apo. 
Nakita ko rin ang larawan ng graduation ko sa hayskul. Naalala ko na pagkatapos kong makatapos sa hayskul ay natakot ako sa mga darating na pagbabago sa aking buhay dulot ng pagpasok sa kolehiyo. Magkakahiwa-hiwalay kami ng aking mga kaibigan ng papasukang kolehiyo. Kung tatanungin ako noong panahon na iyon, ayoko na sanang may magbago. Komportable na kasi ako sa buhay na mayroon ako noong hayskul, at balita ko'y mahirap na daw sa kolehiyo. 
Pagkatapos kong magmuni-muni ay inilagay ko rin ang huling mga larawan sa karton at tinakpan ng tape matapos masigurong wala na akong naiwang gamit. Dinala ko ang karton at ako’y bumaba patungo sa sala. 
Habang naglalakad papunta sa sala ay nadaanan ko ang mesa kung saan nakalagay ang larawan ko noong ako'y magtapos sa kolehiyo. Napangiti ako nang maalala ko ang aking tuwa nang magbunga ang paghihirap ko sa kabila ng takot ko sa mga pagbabagong mangyayari sa aking buhay. Ibinaba ko muna ang dala kong karton sa sahig at hinawakan ang aking larawan. Ako’y nakatoga sa araw ng aking pagtatapos, at katabi ko ang aking mga magulang at si Aaron, na tanggap na ng mga magulang ko noong panahong iyon. 
Si Aaron talaga ang nagpakita sa mga magulang ko na siya’y mapagkakatiwalaan. Tuwing kami’y lalabas, lagi niyang sinisigurong ipaalam sa kanila ang aming mga plano. Ginawa niya ang lahat para makuha ang kanilang loob, dahil alam ko naman na ang takot lang nila ay ang masaktan ako. Sa huli, natutuhan din nilang tanggapin na ako’y nagiging independent na, at natuto na rin ako sa buhay. Alam nilang responsable na ako para magkaroon ng relasyon. Ngayon, buo na ang tiwala nila sa amin at lubos na ang kanilang suporta.
Habang patuloy kong pinagmamasdan ang larawan ay napuno ako ng emosyon. Sa gitna ng mga alaala at ng saya ng pagtatapos, naramdaman ko bigla ang mainit na yakap ng aking nanay at tatay sa aking tagiliran. Ibinaba ko ang larawan sa mesa at agad na niyakap silang dalawa.
“Ang laki na ng unica hija namin. Parang kailan lang, karga-karga lang kita sa bisig ko,” naluluhang sambit ng aking ina habang hawak ang aking kaliwang kamay at hinahaplos ang singsing sa aking palasingsingan.
“Parang kailan lang, ako lang ang lalaki sa buhay mo,” sabi naman ng aking tatay. 
“Ngayon, aalis ka na sa puder namin,” dagdag ng aking nanay habang kumukurba ang labi paibaba at sumisilip ang luha sa kaniyang mga mata. 
“Ma, Pa, wag ho kayong mag-alala sakin. Kaya ko na ang aking sarili. Strong girl kaya ako!” pagkalma ko sa aking mga magulang, kahit alam ko sa aking sarili na tinatraydor din ako ng aking emosyon. Nararamdaman ko na ang pagpaso ng init sa aking mga mata at ang mainit na bara sa aking lalamunan.
“Hay, sa bagay nga. Lagi mong tandaan na andito lang kami ng papa mo,” sabi ng nanay ko. 
“Basta tandaan mo ha, kapag nag-away kayo ng asawa mo, dito ka na lang tumira. Welcome ka lagi dito sa bahay,” biro ng tatay ko sabay kindat sa akin. Napatawa niya ako, kahit na may mga namumuong iyak na sa akin.
“Ma, Pa, aalis na po kami,” narinig kong sabi ni Aaron, na lumapit upang magmano sa aking mga magulang. 
“Tara na?” aya niya sa akin. Ngumiti naman ako at kinuha niya ang karton sa sahig at naglakad na kami palabas.
“Ingat kayo!” Pahabol ng aking mga magulang.
Pagkalabas ng geyt ay pinagmasdan ko muna ang bahay. Saksi itong tahanan na ito sa lagpas dalawang dekada ng masasaya at masasamang memorya at pangyayari sa aking buhay. Alam nito ang mga pagbabagong naranasan ko sa buhay. Ito ang naging comfort place ko, at hindi madaling umalis sa tahanang aking nakasanayan.
Pumasok ako sa kotse at doon bumuhos ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Agad naman akong inalo ng aking asawa at niyakap. Nang kumalma na ako ay binitawan niya ako at hinawakan ang aking kamay. 
“I promise, bibisitahin natin sila.”
Gumaan ang aking pakiramdam sa kaniyang sinabi. Ngumiti ako bilang tugon. Binitawan niya ang aking kamay at hinawakan ang manibela ng kotse.
Ang hirap kapag nawala sa naging safe space mo at sa bagay na naranasan. Ang hirap magsimula ulit. Pero gaya nga ng sabi nila, “Change is constant.” Takot ba ako sa haharapin kong pagbabago sa buhay ko? Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Pumapasok ang mga palaisipan na, paano kung hindi maging maayos ang pagsasama namin? Paano kung hindi na maging maayos ang aking buhay ngayong wala na ako sa puder ng aking mga magulang? Wala nang gagabay sa akin at wala nang maglalagay ng Band-aid sa akin kapag nasugatan ako. Paano kung magkamali ako?
Ngunit sa kabila ng lahat ng mga pag-aalinlangan at takot, naiisip ko rin ang mga alaala ng aking pagkabata at mga aral na natutuhan ko mula sa aking mga magulang. Saksi ang aking tahanan sa mga masasaya at mahirap na mga pagkakataon, at doon ko natutuhan ang halaga ng pamilya at suporta. Ang mga alaala ng mga yakap at mga salita ng pagtulong mula sa aking ina at ama ay nagbibigay sa akin ng lakas. Habang tinatanong ko ang aking sarili tungkol sa hinaharap, unti-unti kong natutuhan na kahit sa gitna ng pagbabago, dala ko ang mga aral na ito, at hindi ako nag-iisa sa paglalakbay na ito. Unti-unti, ang takot na nararamdaman ko kanina ay napapalitan ng kagalakan. Ang pagbabago ay bahagi ng ating buhay, at hindi natin ito maiiwasan. Ang maaari nating gawin ay maghanda at yakapin ang mga pagsubok habang dala ang mga aral na ating natutuhan. Alam kong may mga pagkakataon na maaaring magkamali ako at madapa, ngunit bahagi iyon ng proseso, hindi ba? Sa kabila ng mga bagay na hindi tiyak, handa na akong harapin ang mga bagong hamon at karanasan, kasama ang aking minamahal.
“Ready?” tanong ng aking asawa. Tumango naman ako bilang tugon at nagsimula nang umandar ang kotse.
Handa na ako sa panibagong yugto ng aking buhay.
Handa na ako sa aking bagong tahanan.
5 notes · View notes
kimhortons · 2 months ago
Text
pinaka ayaw ko talaga kapag pinapakialaman yung gamit ko or anything that belongs to me—sorry, but it includes food. hindi naman ako madamot, pero madali naman ako hingian. ayaw ko lang talaga ng kinukuhanan ako ng walang paalam or di man lang nagtatanong. inis na inis talaga ako sa ganun.maski sa work, alam ko kapag ginalaw yung station ko, alam ko kapag ginamit yung utensils ko sa pantry. sa bahay, alam ko kapag may pumasok sa kwarto, alam ko kapag may ginalaw sa gamit ko, alam ko pag kulang ng isang part yung yung manok. haha. medyo nakakatawa sa part na 'to.
pero naiinis na naman kasi ako ngayon, ineexpect ko lulutuin ko lahat ng natira kong minarinade na manok bukas para bauin pang breakfast at lunch na. tas nung chineck ko, kulang na ng isa yung tatlo. kaya bwiset na bwiset ako sa pamangkin ni J e. hilig manguha ng hindi nagpapaalam o nagtatanong. kita naman hindi lang sila yung may nilalagay sa ref—yung bunsong kapatid din kasi nila J dun dito rin naglalagay sa ref. although syempre isang pamilya parin naman, pero kaya nga may mga naka bukod bukod na lagayan e. hay i'm having internal gigil right now, pachill chill lang ako pero gigil talaga ako. hehe.
i dunno, nasanay lang talaga ako samin ng kapatid ko sa manila na bawal kami mag galawan ng gamit or pagkain sa bahay. okay naman kami mag share, pero pinalaki kasi kami na laging bukod yung kung anong gusto namin or kung anong meron siya, meron din ako para hindi kami nag aaway, mostly nung bata pa kami nito. tsaka nung nag matured kami, lagi kami nag papaalam sa isa't isa pag hihingi ng naka stock naming pagkain or hihiram ng gamit. okay ako sa ganun, ayaw ko kasi ng feeling na para akong kinukupitan e pwede ka naman mag paalam. hindi naman ako madamot, but i'd be willing to give, if you asked.
siguro isa rin 'to sa kailangan ko baguhin. pero so far, i like how i manage myself when things like this happens. dati kasi nagagalit ako agad, nag tatanrums pa ko. ngayon, pag may gumalaw ng station ko konting pabiro na "oh sino na naman sisingilin ko ng 100 sa pag gamit ng laptop stand ko. di pa binalik sa pwesto plus 100 petot" ngayon pag nakukuha yung tinatabi kong food dito sa bahay, mag susumbong lang ako kay J tapos okay na. hingang malalim nalang, siya na bahala mag sermon haha. simula nung nag stay talaga ako dito sakanila natuto na ko kumalma pag galit. pero sumasakit parin ulo ko pag piniligilan ko magalit. hehe.
6 notes · View notes
psychesetra · 2 months ago
Text
fun threats translated into my native because a lot of people say it sounds 20x more aggressive.. but they're really silly
"i'm going to cook your mother!!" = "lulutuin ko nanay mo!!"
"you're such a dumbass" = "napakatanga/napakabobo mo" (the words for stupid are considered curses so that's why i used dumbass not just dumb 💀)
"you're uglier than a rat" = "mas maganda pa ang daga kaysa sa iyo"
"oh, sorry, i didn't realize you had the voice of a bee. annoying and all that." = "ah, pasensya na, hindi ko alam meron kang boses ng bubuyog. nakakainis." (say this with a smile and someone WILL strangle you /hj)
"you're so noisy, can you shut up?" = "napakaingay mo naman, puwede ka ba tumigil muna?"
"it's funny how i prefer cats/dogs over you, you're worse than an animal." = "nakakatawa talaga na mas gusto ko ng pusa/aso kaysa sa iyo, mas nakakainis ka kaysa sa hayop."
i have more but my translations tend to get more literal in those :/// it's not actually my first language, i know english better (💀) but i hope this at least made you laugh and at most added to a 500 page arsenal of insults in any and every language
4 notes · View notes
tokwattoge · 1 year ago
Text
Tumblr media
Madami akong natutunan sa experience na to. AS IN.
1. Don’t judge.
-hindi natin alam kung bakit naging ganon ang desisyon nung tao kaya lumobo ang loans (UNLESS SUGAL EKIS YAN SAKEN)
In my case, natakot ako sa overdue, sa bad record. Mas gusto ko pa magbayad ng malaking interes kesa magkaroon ako ng late record. BIGGEST MISTAKE EVER. Top katangahan pala yan. At the end of the day, mas nakakatakot pala if lahat ng pwedeng utangan inutangan mo tapos sabay sabay nag overdue SAKET BHIE :’(
2. It was a very bad cycle of: ayaw ko magkalate record, bayad na lang interes, hindi ako hihiram sa friends ko, pag may extra ako reward ko sarili ko. HAY. So hindi ako nakaahon sa loan dahil kada sahod reward, tapos ANG LAKI PA NUNG INTERES SHUTA. So ayun, lumobo ng lumobo. Umabot sa point na sobrang nakakadepress, ang ginawa kong strategy para di ako mamotivate nakafocus lang ako sa dues ko sa susunod na buwan ganon lang. Hindi ko tinitignan yung total, grabe ang laki na pala. Naawa ako sa sarili ko sa part na yan. Sino may kasalanan? Ako. Sino ang nagsuffer? Ako.
3. STOP THE BLEEDING. Pag narealize mo na na nababaon ka na, wag na pumikit! Wag matakot sa bad record, lalong wag matatakot sa mga nagtetext.
In my experience, Tala and BillEase ang very very fair. Cashalo okay but makulit, Shopee and Laz magmiss payment ka lang ban na agad sayang naman. Yung iba? Illegal na yon. Mga digido, juanhand etc, PAPATAYIN KA SA INTERES. I guess ito yung loan shark na tinatawag. Sobrang unfair talaga nila at wag mo na asahan na magiging fair sila dahil hindi sila regulated. Pag nandun ka sa point na walang wala ka na, wala na makain (been there) kakapit ka talaga sa patalim. Kung ganito rin lang? Mas okay pa mangutang sa tindahan. Nakakahiya man pero at least di ka madedepress sa interes at penalties nila sayo.
4. Forgive yourself. Pag nagising ka na, pagnilayan mo kung san ka nagkamali, bakit naging ganito yung mga desisyon mo, ano sana yung inayos mo. Forgive. Forgive. Forgive. Do better next time. Since tapos na phase na tinanggap natin ang pagkakamali, next part is solve the problem and STAY CONSISTENT. Mahaba itong part na to pero kumapit ka. Matatapos din to.
5. Unahin yung mga illegal hahaha nakakatawa pero oo unahin yun kasi malaki interes nila eh, also unreasonable sila. Makipag coordinate sa iba like tala and billease, if may loan sa bank or cc makipagcoordinate din. Kasi madalas nagooffer sila ng option. Wag sa collecting agencies, sa bank mismo. If possible na magrefinance, go. Make sure na pag nagrefinance sa mababang interes ha.
6. Pray. If di naniniwala sa ganyan, okay sige mag journal. Mahirap magshare ng ganito sa friend. Basta ilabas mo yan, pag hindi, high chance na madepress at mademotivate. Stay positive. Mind over matter. Tandaan na walang nakukulong sa utang. Bad record yes sure yan pero naaayos yan. Ang nakukulong lang sa estafa yung nagpapanggap na may business at naglikom ng pera from investors tsaka yung mga tumatalbok na cheke.
Kaya mo yan!!! 💪🏼💪🏼💪🏼
14 notes · View notes
the-manunulat-in-me · 2 years ago
Text
May ligaya pala sa paglalakad sa hindi mo nakikilalang mga kalsada; Daanan ang mga hindi mo nakikilalang mga tao; Kasabay ang taong habambuhay mong gusto kilalanin habang nagpapababa ng kinain. Masarap palang kumain ng ininit na lasagna sa 7/11 habang takot na pinanonood kung paanong sigawan ng tambay at ng staff nila ang isang shoplifter. Nakakatawa, pero totoo. Nakakatuwang makipagbiruan sa parloristang si "Chantal" habang sabay tayong nagpapagupit, kahit ilang beses niyang ibinaling ang ulo ko paharap dahil gusto kong makita ka mula sa salamin.
May hatid palang saya ang mga baraha – nagpapaalalang hindi ka dapat matakot sumugal, lalo na kung matatalo ka dahil may parusa naman itong halik. Masayang palalimin ang gabi nang may kasabay, masayang manood ng nakakaiyak, nakakaiyak maging masaya. Masayang may balikat na iiyakan at kamay na hahagod sa lahat ng sakit dahil alam mong bukas ay aalis ka na ulit.
Ang sarap ipunin ng mga ala-ala – nagpapaalalang lahat ng gagawin ko na kasama ka ay palagi kong ikaliligaya. Kaya't bago pumalo ang antok ay hihiling munang sana hindi na dumating ang bukas. Ang kaso lang ay darating pa rin ito, at sana bago ko mapansin na hindi ko na hawak ang kamay mo ay magkasama na ulit tayo.
Tumblr media
18 notes · View notes
healyafterdark · 6 months ago
Text
Ambangeg
March 18, 2024. Sa Mt. Pulag.
Magkasama na naman tayo sa grupo pababa ng summit. Yung guide, si Sir Rudy, ikaw, at ako. Nauuna nga akong maglakad sa inyo eh kaya noong paglingon ko ng isang beses sa inyo, nakakatawa kasi tatlo kayong nakahilera sa matataas na damuhan para jumingle. Sana pwede ko ring gawin yun.
Naalala ko nga na nabanggit mo kung kanino na dinala mo sa summit yung hiking bag mo nang walang laman kundi tuwalya para pagdating sa picture, magmukhang binuhat mo hanggang summit yung mga gamit mo. Eh ang totoo naman ni maliit na ecobag, pinabuhat mo sa guide. Hahahaha
Pero ewan ko ba bakit ba madalas na magkasama tayo sa grupo sa trail?
-----
Pababa na ang grupo natin sa Mt. Pulag ng bandang 9 AM at halos magkasunuran lang tayo sa trail. Ang bilis bilis din maglakad ng mga kagrupo natin pero nakakahabol naman ang lahat.
Naalala ko sabi mo pa nga, may pasok ka na kaagad kinabukasan sa trabaho at siguradong bangag ka pag pumasok ka. Sinabi mo rin na marami kang gagawin kaya hindi ka pwedeng magleave.
Tumblr media
Nung nasa Camp 1 na tayo, magkakasama tayong tatlo nila papa habang nagkekwentuhan yung ibang mga kagrupo natin sa di kalayuan. Humanga ka pa nga kasi nalaman mo sa kwentuhan niyo ni papa na 32 years in service na siya sa company na pinapasukan ninyo at hindi ka pa pinapanganak nung mga panahon na yon. Ibig sabihin, di nagkakalayo ang edad natin. Sabi ko naman literal na yung company na yun ang nagpaaral sa amin.
Nalaman ko rin na 5 years ka palang pala doon at sa R&D Dept. ka nakaduty. Ahh, malamang engineer 'to. Sabay pa nga kayong sumagot ni papa nung tinanong ko yun eh.
Tuloy na ulit sa paglalakad pababa at magkasama pa rin tayo sa grupo. Naalala ko pa nga nagjojoke ka na sana may zipline na lang pababa para di na tayo naghihirap. Ang arte talaga. Hahaha
Pero bakit ba naririnig ko mga sinasabi mo noon? Ganoon ba kalapit ang mundo natin nung panahon na yon? Madaldal ka lang talaga kaya siguro naririnig kita.
-----
Noong nakababa na ang grupo bandang tanghali, nagstay muna ang lahat sa isang bahay doon kung nasaan yung mga gamit natin pati na rin yung mga Grandia. Nag-aayos palang tayo ng gamit sa labas bago magpunta sa mga paliguan noong nagtanggal ka ng damit pang-itaas. Di ko inakala na fit ka naman pala.
Oo, nagsinungaling ako nung nagpag-usapan natin yon nitong nakaraan lang. Nakita nga kita noon pero syempre dumaan ka lang naman sa paningin ko kasi wala pa nga akong pakialam sa'yo noong mga panahon na iyon.
At saka, bakit nga ba kasi kung nasaan ako eh nandoon ka rin?
Pagkatapos ng halos 2 oras, handa na ang lahat para umalis. Naisip ni papa na lumipat kami ng upuan sa likuran ng van natin dahil dalawa kami sa mga huling ihahatid pauwi. Hindi ko maalala kung saan ko narinig pero nalaman ko na taga-Sto. Tomas, Batangas ka pala. Kaya nagkatabi tayo sa upuan pero doon tayo nagkataong maupo sa row na may espasyo sa gitna. Kaya di pa rin tayo magkadikit pero tamang magkatabi lang. Si papa kasi gusto sa gilid para maiunat niya ang mga binti niya kaya napunta rin ako sa gitna. Wala naman talaga akong pakialam noon pero pag naaalala ko 'to, natatawa ako.
Nandito Pa by Feel Day
Isinulat ngayong May 4, 2024 | 1:15 PM
2 notes · View notes
renku · 6 months ago
Note
Bat ka naman natatawa oppa fuck mo ko hahaahah
Kaya nga nakakatawa e hahaha gawa nyan 😆
1 note · View note