#mtbatolusong
Explore tagged Tumblr posts
Photo
🎶 You'll never know, dear. How much I love you. Please don't take my sunshine away. 🎶 Follow my new IG Account: @RRLMara #MtBatolusong #Tanay #Rizal #Philippines #travel #love #nature #mountain #sunrise #goodmorming #hiking #ralphmara #shotoniphone (at Mt. Batolusong San Andres G. Toro) https://www.instagram.com/p/Ckmg2OsPnG2/?igshid=NGJjMDIxMWI=
#mtbatolusong#tanay#rizal#philippines#travel#love#nature#mountain#sunrise#goodmorming#hiking#ralphmara#shotoniphone
0 notes
Photo
"Leaves will soon grow from the bareness of trees, and all will be alright in time." -a phase (* but maybe not really a phase but a regular occurrence to one's life, might be a season that one can pass through hehe) 🌄🌾🌿😅❤️ . . . . . . . . . . . . . #readyforit #intoit #Neverbethesame #adventure #2018 #enroute #Loveandmisadventures #wander #ThREE #mountains #mountain #green #photoopportunity #silhouette #appreciationpost #num #gorgeous #trees #Rizal #Tanayrizal #ataraxy #calmness #MtBatolusong #mydeuteradventure
#gorgeous#tanayrizal#ataraxy#calmness#mountains#2018#photoopportunity#adventure#neverbethesame#enroute#wander#appreciationpost#mtbatolusong#rizal#green#mydeuteradventure#readyforit#num#loveandmisadventures#silhouette#intoit#trees#mountain#three
1 note
·
View note
Photo
Memories at Mt. Batolusong ♥️ Ang bundok na ang lakas maka-fresh! #MtBatolusong #RizalMountains #Tanay #ChamTravels (at Mt.Batolusong Tanay Rizal) https://www.instagram.com/p/B-OpKICnbto/?igshid=1ctz99guhdmey
0 notes
Photo
Throw out the map. Don't look back. 😎 #philippinemountains #mtbatolusong #adventure #trekking #nature
1 note
·
View note
Photo
Now and then it's good to pause in our pursuit of happiness and just be happy. ~Guillaume Apollinaire #zayzaexplores #mountains #mtbatolusong #exploretanay #trekking #travelph #mountainclimbing #pinasmuna #nature #experiencephilippines (at Mt. Batolusong)
#travelph#exploretanay#experiencephilippines#zayzaexplores#pinasmuna#nature#trekking#mountains#mountainclimbing#mtbatolusong
1 note
·
View note
Photo
Dahil worth it ang unang akyat uulit ulitin kita 😀 🍁🌴🌲🍂 #my1sthike #mtbatolusong #TanayRizal #PH #SeaOfClouds #NatureAdventure #travel #mountain #Hiking(at Mt. Batolusong Tanay Rizal)
1 note
·
View note
Photo
Mt. Batolusong
1 note
·
View note
Video
Mountain peak #2. #MountainsPH #mountains #threepeaks #MtBatolusong #travelph #travel #explore #nature #naturephotography #doOrdie #mountaineering #trekking #assaulttrek #travellingbones #boneytography (at Mt.Batolusong San Andres Tanay, Rizal)
#mountains#threepeaks#nature#boneytography#travel#trekking#doordie#mountaineering#explore#2#assaulttrek#naturephotography#mtbatolusong#travellingbones#mountainsph#travelph
8 notes
·
View notes
Text
Tara, Bundok!
Tama nga sila na ang nakakapagpapukaw ng damdamin ay ang mismong paglalakbay, dahil mas marami kang matutuklasan na iba’t ibang bagay tungkol sa sarili mo, sa kaligiran mo, o sa kung ano man ang mga bagay na naglalaro sa isip mo habang naglalakad ka. Bonus na lamang ang magandang tanawin na makikita at daratnan mo sa tuktok ng bundok na aakyatin.
Alas dose ng hatinggabi ang kitaan ng grupo namin sa Jollibee Cubao, Araneta. Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung makakasama ako dahil wala akong pera noong araw na iyon. Sapagkat walang pasok at wala akong nailaan na badyet para paghandaan ang bakasyon. Mabuti na lamang ay bukod sa nakautang ako sa kaibigan kong nag-aya sa pag-akyat ng bundok, binigyan pa ako ng mga kapatid ko ng pera. Nakabuo ako ng 500 pesos na damage (terminolohiyang ginagamit ng mga mountaineers kung magkano ang maaaring magastos sa pag-akyat) ng ‘budget climb’ namin, bukod pa ito sa ekstrang pera na natira sa wallet ko para sa ekstrang bilihin sa lugar.
Sampung minuto bago mag-alas onse, laking gulat ko nang sunduin ako sa bahay ng tatlong kamag-aral ko noong hayskul na kasama rin sa pag-akyat. Nagulat ako hindi dahil hindi ko alam na kasama sila kundi hindi ko alam na susunduin nila ako. At dahil nga alas diyes na noon ay hindi pa rin ako makapagdesisyon kung sasama, hindi pa nakagayak ang mga dadalhin at isusuot ko. Kaya nang dumating ang mga kaibigan ko, hinugot ko na sa damitan ang itim na polong t-shirt na dry fit na madalas kong ginagamit talaga sa pag-akyat ng bundok, ang itim na leggings at short na binili pa ng nanay ko sa ukay-ukay, medyas (na may mga daliri) na kabibili ko pa lang noong tanghali sa Japan Home, at ang bandanas/headband. Sabay suot ng hiking sandals. Ganito talaga sa ang pag-akyat ng bundok, kundi kailangan balot ka para hindi mangitim, kailangan mo lang magsuot ng mga damit kung saan kumportable ka. Maaari ka ring magdala nang kung ano-anong gamit pamproteksyon sa araw, kanya-kanya nang diskarte. Karaniwwan naman kapag major climb, dapat expedition pack at balot na balot ang suot mo dahil may mga kailangang iwasan tulad na lamang ng mga limatik o leech – mga uod na tinatawag na Hematophagous o blood suckers. Kaya dapat ay manamit ka sa naaayon at hindi para magpa-impress.
Minor Climb lang naman ang aakyatin namin kaya lightpack lang ang dapat dalhin; tulad ng dalawang underwear, ekstrang T-shirt at shorts, pocket knife, sunglasses, payong, notebook at ballpen, scarf, toiletry kit (kasama rito ang toothpaste, toothbrush, alcohol, pabango, pulbos, salamin, at iba pang personal na medikasyon), cellphone at siyempre mawawala ba ang kamera, pang-selfie o pang-dokumento patunay na nakaakyat ka at para na rin maipakita o maipamahagi sa marami ang magandang tanawin na naranasan mong makita. Hindi mo na kailangan magdala ng gamit na hindi mo naman kakailanganin, ikaw, mga friends mo, tubig, ekstrang damit, sapat na. Maganda rin sana kung mayroon kang maliit na bag para doon mo maaaring ilagay ang mga importanteng bagay tulad ng wallet, cellphone, at kamera, para hindi nakakapagod magkuha nang magkuha mula sa likod ng bag, dagdag pa na napakarami nitong laman, hassle talaga.
Nagmadali kaagad ako sapagkat nahiya naman akong paghintayin nang pagkatagal-tagal sa labas ng gate namin ang mga kaibigan ko. Huwag niyo akong gayahin dahil binasag ko agad ang una sa “7 Principles of Leave No Trace” (upang maunawaan nang mas maigi ang The Leave No Trace for Outdoor Ethics maaari niyong bisitahin ang link na ito: https://lnt.org/learn/7-principles), ang ‘Plan Ahead and Prepare’. Habang bitbit ang aking bag, ramdam ko sa likod kung gaano hindi ka-organisa ang mga gamit ko sa loob. Habang nagkukuwentuhan ay iniisip ko kung may nakalimutan ba ako dahil sa pagmamadali.
Habang nasa bus na kami patungo sa kitaan, napasigaw ako sa mga kaibigan ko, “Hala tama! Wala akong dalang tubig.” Kung ano pa ang pinaka-importanteng dalhin iyon pa ang nakalimutan ko. Kasalanan ito nang paghahanap ko ng 1.5 na litrong bote ng Coca-Cola. Mas marami kasi ang malalagay na tubig dito at ganito rin talaga ang karaniwang ginagawa ng mga hikers. Kaya bumili na lamang ako sa 7/11 ng tubig at pagkain sa Jollibee para pananghalian ko mamaya.
Sa Jollibee, nagkita-kita na kaming grupo na aakyat. Anim lang ang kilala ko rito, iyong tatlo ay sumabit lang, nakita sa Facebook ang budget climb. Ganito ang karaniwang ginagawa nang marami, humahanap o nagse-search sa Facebook ng bundok na nais nilang akyatin, kaya marami ka talagang makikilala. Sampu kaming lahat na dapat talaga ay kinse, kaso nabawasan ng lima dahil nag-backout kalahating araw bago ang akyat. Medyo nainis at nagalit si Bryle, ang kaibigan ko na siyang organizer ng event, dahil inaakala niyang sigurado at okey na ang lahat ng sasama, iyon pala hindi. Mahirap kasi maghanap ng pamalit para sa mga nag-backout na nagsabi ng “G!” tapos biglang sasabihin na hindi sila pwede, e labing dalawang oras na lang noon bago ang pag-akyat. Isa rin ito sa mga dapat tandaan mo na katangian ng isang hiker, dapat magkaroon ka ng isang salita. Bawal na mag-backout tatlo o dalawang araw bago ang aktuwal na event ng pag-akyat, sapagkat nauunsiyami ang badyet. Dapat alalahanin din na ito ay isang “budget climb” lamang.
Nang makumpleto na kaming lahat dumiretso na kami sa nirentahan na van ng organizer. Dalawa sa harap, dalawang tao sa unang hilera, tatlo sa pangalawa at tatlo sa likod. Maluwag ang sasakyan kaya nang tuluyang umalis na ito, kanya-kanya na kaming pwesto para matulog dahil halos hindi kumulang isa’t kalahating oras ang biyahe namin para makarating sa Tanay, Rizal.
Madilim pa nang makarating kami sa destinasyon. Tumungo na kaagad kami sa barangay kung saan kinakailangan naming mag-register. Pagkatapos, kumain muna kami sa karinderya na tatlong bahay lang ang layo mula sa barangay. Lugaw na may itlog (maganda ring magbaon ng itlog pampalakas). Pagkatapos kumain ay nagdasal at sinimulan na namin ang paglalakad. At dahil si Bryle ang oraganizer, siya ang magmimistulang sweeper (sila iyong karaniwang nahuhuli para siguraduhing walang maiiwan na tao at walang maiiwan na kalat) sa pag-akyat, at siya na rin ang TL (team leader) tutal isang grupo lang naman kami. Madilim at literal na wala ka pang makikita sa daan na kung saan sa maynila mistulang nag-blackout sa barangay niyo, kaya kinakailangan talaga ng flashlight (mabuti na lamang may flashlight ang cellphone na dala ko).
Lakad. Kuwentuhan. Tawanan.
Lakad. Kuwentuhan. Tawanan.
Sa una, ganito lagi ang senaryo; lakad, kuwentuhan, tawanan, na parang naglalakad lang kayo ng mga tropa mo sa mol o sa park.
Hanggang sa paglipas ng ilang minuto, bumungad na kaagad sa amin ang maliit na sapa. Hakbang sa maliit na bato. Sa malaki. Sa maliit ulit. Sa malaki. Sa maliit. Habang hawak-hawak ang flashlight na nagmimistulang gabay para maiwasang malubog sa tubig. Tinanggal ko muna ang medyas ko para hindi mabasa kung sakaling malubog sa tubig o malubog sa lupang basa dahil katatapos lang ata ng ambon doon. Natukoy lang namin dahil kumikislap ang dulo ng mga dahon sa tuwing natatamaan ng ilaw.
Kumukutikutitap. “Wow, shems ang ganda!” para akong bata na ngayon lang nakakita ng alitaptap. Nakakakita na ako nito pero hindi sa sobrang dilim na lugar tulad ng bundok kung saan buhay na buhay ang liwanag nila. Nag-take 3 (take ‘x’ ang tawag kung ilang minuto kayong magpapahinga) muna kami dahil pagod na ang iba sa akiki na trail (akiki ang tawag kapag matarik at pataas ang trail). Matagal bago makaakyat ang isa sa mga kasama namin kasama ang sweeper/TL dahil pahinto-hinto siya. Pagod na pagod naman ang isa sa miyembro ng kabilang grupo dahil sa totoo lang malaking babae siya, mataba sa madaling sabi. Karaniwan ang ginagawa naming mga hikers sa tuwing makakakasalubong kami ng mga taong pasuko, pagod na pagod, at umaayaw na, pinapabaunan namin ng mga salitang magpapalakas ng loob nila sa pag-akyat at magbibigay ng pag-asa. At siyempre wala na rin naman silang magagawa dahil bukod sa nasimulan mo na, malapit na rin siya sa unang jump off (tawag sa lugar kung saan pwede kami manatili muna nang matagal para damhin lang ang hangin at tanawin, at mag-take nothing but pitcures) namin.
Marahil sa tingin ng iba maliit na bagay lang ang mga salita sa pagpapalakas ng loob, ngunit hindi nila alam na malaking tulong naman ito para sa isang taong pagod at nawawalan na ng pag-asa sa pagtuloy. Sadyang marami kang makakasalamuhang mabubuting tao sa katunayan isa pa nga sa paborito kong natutunan ay ang pagbati sa mga taong makakasalubong mo sa trail, hindi mo man kilala o hindi. Sabayan pa ng mga matatamis nilang ngiti na akala mo ay hindi pagod sa pag-akyat. Para kasi sa akin, nakadadagdag ito ng pampalakas ng loob na magpatuloy at nakakapagpabawas ng sakit ng katawan at pagod. Ang mga kaibigan mo mismo ang nagpapahalaga sa pag-akyat mo, sabi nga nila hindi lahat ng bagay kaya mong gawin sa sarili mo kailangan din nating tanggaping kung minsan na kailangan natin ang ibang tao. Ang pagtulong sa iyo ng ibang tao ay hindi nangangahulugang mahina ka, kailangan mo lang tanggapin na may limitasyon ka rin bilang tao, at hindi ka isang superhero.
Take nothing but pictures, isa rin sa katangian ng mga hikers; una, wala kang kukunin na kung anong bagay sa bundok kahit bato para sa remembrance o souvenir mo, kapag ginawa mo ito isa kang iresponsable; pangalawa, iiwan mo ang lahat ng wirdo o kakaibang bagay na makikita mo sa bundok, iwan mo na rin ang feelings na nakakapagpabigat sa iyo at iwan na rin ang mga nararamdaman mo sa kanya o iyong mga sakit na binigay ng taong mahal mo. Ito kung minsan ang rason ng mga hikers o ibang tao kung bakit sila umaakyat ng bundok, para makalimot sa mga bagay na nakakapagpabigat sa kanilang puso o damdamin. Talagang puro hugot kami habang naglalakad, isang magandang dahilan din para makapag-usap kayo ng mga hindi mo kakilala kasi sakayan lang kayo sa kakulitan ng isa’t isa. Kung gusto mo ipakita sa iba pwede mo namang kuhanan na lang ng larawan ang mga bagay na nakita mo; pangatlo, bawal ka rin mag-ukit sa puno o mangielam basta-basta; at gayundin ang pinakaimportante, siyempre bawal kang mag-iwan ng basura o kung ano mang kalat, kung makakita ka man pulutin mo at ilagay sa ziplock o garbage bag na dala mo (dapat lagi kang may dala nang lalagyanan ng basura, h’wag akong tularan na hindi rin nakapagdala kaya nilalagay ko na lang sa kaibigan ko). Ang pag-akyat sa bundok ay usapin lang ng disiplina at respeto, disiplina sa sarili at sa pakikitungo sa ibang taon at respeto sa kalikasan, mga lokal nito, at gayundin sa ibang tao.
Sa pag-akyat hindi mo kailangan magmadali, hindi ito usapin kung sino ang nauna o nahuli. Pagkatapos nang lahat, kung minsan mas mapagtatanto mo pa nga na mas importante at masaya pala talaga ang karanasan mo habang umaakyat, dahil dito mismo ipaiintindi at ipagtatanto ang mga bagay na kailangan mong tandaan, sa pagsabak sa buhay. Iba’t ibang realisasyon ang ipaiintindi sa iyo habang nasa kondisyon kang pagod na pagod, pawis na pawis, at pakiramdam na nais mo nang sumuko. At masilayan at marating ang tuktok ng tagumpay (bundok) ay isang bonus lang, sabi nga nila ito lang ay ang magmimistulang icing sa ibabaw ng keyk.
Dumating kami sa jump off, na isa sa pinakamagandang lugar para makita ang mgandang tanawin. Halos mapapamura sa ganda ng ‘sea of clouds’, sabayan pa ito nang paguhit ng kono ng bundok habang papataas ang araw. Napakagandang tanawin, wala akong masabi. Sa unti-unting pagtaas at pagpapakita ng araw, unti-unti rin nitong ginagamot ang pagod ko hindi lang sa pag-akyat kundi pagod ko sa mga nakaraang araw at nakaraang semestre, unti-unti nitong pinapadama ang bagong simula ng araw, ng mga susunod na buwan, na taon. Napakasaya lang pagmasdan ng dagat ng ulap na nagtutukso sa akin na tumalon, baka sakaling saluhin at yakapin ako ng mga ulap.
Pagkatapos ay kumuha na kami ng larawan na malamang, ang natatanging patunay ng ganda at ng pinagpaguran mo. Ito ang magmimistulang premyo sa paglalakbay at magiging pintuan sa paglalarawan ng memorya. At kapag tapos ka na at nakuha mo na ang magandang anggulo sa mga larawan, umalis ka na sa pwesto kung saan maganda ang tanawin. Ipaubaya naman sa iba para sila naman ang magkaroon ng pagkakataon na masilayan ang ganda, dahil tulad mo o ko, pinagpaguran din nila ang pag-akyat kaya kailangan din nila ng premyo – give chance to others.
Ipinagpatuloy na namin ang lakad para makarating nangg maaga sa peak at makaligo pa kami sa falls. Habang naglalakad patuloy pa rin ang pagbati sa mga nakakasalubong, sa mga nakikitang nag-base camp at iyong iba naman nagbe-break camp na (break camp ‘yung mga nagtatanggal na ng mga tent, sila iyong nag-overnight sa bundok).
Sa tuktok, makikita ang unti-unting pagkawala ng mga ulap. Makikita na ang magandang taanwin at iba-ibang bundok sa Tanay, Rizal. Ang sarap sa pakiramdam marating ang tuktok, may mahika na kung saan magpapalimot sa iyo na pagod ka. Hindi kami masyado nagtagal dahil may mga iilang grupo na rin na naroon, kaya dumiresto na kami sa falls.
Alas onse ng tanghali nang makarating kami sa falls, nakakapagod dahil assault ang trail. Pagdating sa falls, wala muna kaming usap-usap, diretso ligo at pagdating ng alas dose ay kumain na kami ng tanghalian. Tawanan, kuwentuhan, hugutan. Kung kanina hindi namin kakilala ang iba pa naming kasama, ngayon lubos na kaming magkakakilala. Na sigurado ako, dagdag na naman sa Facebook friends ko. At natulog ako saglit para maghanda sa pagbaba ng bundok. Pagkatapos nito, ibang senaryo na naman sa pagbaba. Hakbang, lakad, talon, tawanan, tuksuhan, hugutan. Pero sa pagbaba mas kumportable na kami sa isa’t iba, at pagod ngunit masaya.
Pagdating sa van, matapos makapag-washup nang lahat, nagpaalam na kami sa Mt. Batolusong. At sabay pumasok at umikot na naman sa utak ko ang karaniwang tanong sa mga namumundok.
Ano ba ang nakukuha mo sa pagbubundok?
1 note
·
View note
Photo
"Some girls are not meant to be tamed; they are supposed to run wild until they found someone, just as wild, to run with." . . . . . . . . . . . #pinasmuna #choosephilippines #woogoph #unpavedapp #traluluphilippines #dmtravelseries #sinopinas #siRizal #fotografiaunited #travel #travelph #pinasmile #exploreph #tickthebucketlist #vsco #vscocam #wheninmanila #wtnadventures #fujifilmph #fujifilmphlifestyle #fujifilmmirrorlessrevolution #goprojectph #mtbatolusong #pinoymountaineer #binibiningbundokera (at Mt. Batolusong)
#unpavedapp#traluluphilippines#woogoph#fotografiaunited#sirizal#travel#fujifilmmirrorlessrevolution#sinopinas#wtnadventures#dmtravelseries#pinasmuna#vscocam#travelph#wheninmanila#exploreph#choosephilippines#mtbatolusong#vsco#goprojectph#pinoymountaineer#binibiningbundokera#fujifilmph#tickthebucketlist#fujifilmphlifestyle#pinasmile
1 note
·
View note
Video
instagram
I miss hiking. 🌄 Where to next? 😂 Mukha lang madali pero madaming assaults dinaanan namin bago makarating ng summit. Haha! Thank God we survived. #Throwback #My1stClimb #MtBatolusong #Summit #TeamPanhikPanaog ✌ (at Rangyas Peak - Mt. Batolusong, Tanay, Rizal)
0 notes
Photo
“You cannot change your destination overnight, but you can change your direction overnight.” — Jim Rohn . . . #mtbatolusong #rizal #wheninrizal #philippines #itsmorefuninthephilippines #pinoymountaineer #hiking #adventure #gopro #goproph #russpedition #travelnirussel #thearchipelago #seepilipinas #pinasmuna #travelstoriesph #exploreph #travelph #traversephilippines #ig_pilipinas #lostinph #choosephilippines #sinopinas (at Mt. Batolusong) https://www.instagram.com/p/BqP8JlBn4KM/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=3vjegk0tn732
#mtbatolusong#rizal#wheninrizal#philippines#itsmorefuninthephilippines#pinoymountaineer#hiking#adventure#gopro#goproph#russpedition#travelnirussel#thearchipelago#seepilipinas#pinasmuna#travelstoriesph#exploreph#travelph#traversephilippines#ig_pilipinas#lostinph#choosephilippines#sinopinas
0 notes
Photo
Decided to hike last minute and I'm proud of these 4 who braved Mt Batolusong despite the muddy & rainy conditions! We got lost thanks to Waze but our travel instincts & asking skills brought us to the trailhead 😂 Balik tayo when it's not rainy anymore! #mtbatolusong #tanay #rizal
0 notes
Photo
I guess a little confidence doesn't hurt anyone. 🌄🌾🌿❤️ . . . . . . . . . . . . . #readyforit #intoit #Neverbethesame #adventure #2018 #enroute #Loveandmisadventures #wander #ThREE #mountains #mountain #green #photoopportunity #silhouette #appreciationpost #num #gorgeous #trees #Rizal #Tanayrizal #ataraxy #calmness #MtBatolusong #mydeuteradventure
#enroute#silhouette#gorgeous#tanayrizal#green#calmness#three#loveandmisadventures#wander#appreciationpost#mydeuteradventure#rizal#2018#neverbethesame#mtbatolusong#trees#mountains#adventure#num#mountain#ataraxy#intoit#readyforit#photoopportunity
0 notes
Photo
Cursed my legs for almost giving up on me earlier while climbing our way to the summit but I we made it through. ✨😭💪🏻🧗🏼♀️🏆 . . . . . . . . . . . . . . #batolusong #mtbatolusong #1stclimb #achievement #weekendgrind #gfdiaries (at Mt. Batolusong)
0 notes
Video
Real Beauty 💚💚💚 #philippinemountains #mtbatolusong #nature #mountains #trekking #summit
0 notes