#moammu
Explore tagged Tumblr posts
chamxliit · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Hahahahahahahaha asan si elrey anong url niya püta naman hahahahahaha love u elrey!!!
24 notes · View notes
xspadhetty · 11 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
MOA Mini Meet Up. 12-14-13
Wala talaga akong gala ng araw na to. Pero nag hahanap rin ako ng magagalaan. Si Yue (itsallaboutyue) matagal na kong inaaya sa so-called-bondings-lang-daw sa MOA, Si Kat (bawalsabihinurl) ang pasimuno. 1pm daw kitaan sa MOASeaside na agad. Nag GM pa ko around 12-1pm kung sino gusto sumama. May mga nag reply Si Ayen (dakilangassumera), Mike (korneeto) at Grace (graceeeeelicious) and others. Nakalimutan ko na. Hahaha. Si Ayen nag text mga 2:15pm tapos ako nakatulog na pala  edi bangon agad ako. Kain. Ligo. Bihis. Alis. Dapat dadaan pa akong Trinoma kasi may bibilhin lang ako. Mas mura kasi dun. Kaso late na ko kaya sa 7eleven na lang ako bumili. Sabi ko pa naman 3pm punta ng MOA kaso ayun 4pm ata ako nakabyahe. Si Yue wala pa dun sa MOA edi katext ko siya pati si Ayen na nauna na dun, kasama na daw niya sila Dan (dumadalandan), Kat (bawalsabihinurl), Allayne (shingalingallayne), Theo (holliezontal), Kei (keitotumutothaha), Yya (makesomemiracles), Mem (tenzaiga), at Angela (angelasiopao).
Nag meet muna kami ni Yue sa Mcdo kasi late siya at nauna pa ako sakanya. Edi papalibre ako ng Fries at Float. Kaso pag dating ni Yue nakasalubong namin sila Mem, Angela at Yyna pauwi na may mga kanya-kanya pang appointments. Nasa Right side ng Seaside sila sa building "D" ata yun. Pag dating dun ayun inom na inom na sila. Edi pumush kami sa Bawod. Dalawang bucket. Nung medyo patapos na kami sila Dan at Kei nauna na. Ewan ko ba sa mga yun, 6pm palang ata yun. After namin mag kulitan sa Bawod edi punta naman kami sa Fireworks side kasi Sat ngayon kaya merong fireworks display. Nag CR muna ko tapos pag labas ko ayun saktong start na. Nga-nga lang kaming lahat habang nag puputukan. Hahahaha. 
After ng fireworks display. Tumambay kami sa rounded na damuhan. Kwentuhan sandali tapos nahiga pa sila. Nung naburyo na nag spin the bottle kami. Ang naisipan kong dare is papapicture with a group or solo sa mga tao dun sa seaside. Kanya-kanya kaming diskarte. Kung may Gwapo o Maganda kahit nga foreigner push lang e. Eksena talaga kami. Pinag titinginan na. Ang cool ng naisip ko. Dyok.
Naka dalawang ikot kami. Pag dating ng pangatlong turn nag lakad-lakad ulit kami, ako na yung mag papapicture sa kung sino man, nauuna ako. Nag hahanap. Tapos pag lingon ko wala na sila. Lima sila mag isa ako. Hindi ko alam kung nag tago o nag papicture lang daw sabi nila. Pero hindi na kami nag kakitaan. Inubos ko pa nga yung natira sa binili ko sa 7eleven. Pero wala parin talaga sila. Nag lakad-lakad ako wala talaga. Lobat pa naman cellphone ko, hindi ko sila matext. Kesa sa mag hintay ako sa wala edi umuwi na lang ako.
Umandar pa yung sakit ng ulo ko tapos wala pa akong makitang bilihan ng candy sa labas ng MOA may ketchup ako galing sa binili naming fries yun yung pinapak ko pantanggal umay dahil sa katuyutan ng lalamunan ko. Hahaha. Yung nasakyan ko pa kung saan-saan rin dumaan. Kaya antagal ng byahe ko. Mga 9pm ata ako umuwi e. Tapos nakauwi ako mag e-11pm na. Grabe talaga. Tapos medyo kumalma yung sakit ng ulo ko.
Pag dating ko sa bahay isang pitchel ng Pineapple Juice yung ininom ko. Nakaugaliaan ko na tuwing may lakad ako tas uuwi ng pagod or what. Energizer? De. Masarap lang talaga. Hahaha.
Nag GM ako pag uwi tapos habang nag sesend. Natulog na ko. Napagod talaga at ang sakit ng ulo ko. Pero nag enjoy naman ako kaso biglang nabitin. Sayang.
4 notes · View notes
mukalangmataray · 11 years ago
Text
MOA GAWA GAWA MINI MEET UP :)
Im with Chelseashingeer tomorrow :) Meet tayo tapos konting pictures lang ays na. Text niyo ko ha 09267737282 pakilala kayo :))))
3 notes · View notes
pot-esguerra · 12 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
It's been a year since the last hug 
Baby Bowling (boleng), see oh I managed to save our picture now. The last time we had this kind of shot was year ago, at the same place, but unfortunately it was deleted or mysteriously gone.
We must meet again since we're both busy flirting a little bit that time and we had very minimal chance to bond, remember our plans with Arci na malandi, we must do it okay?, since she is here din naman.
I love youuuuu!
44 notes · View notes
the-dextertorres · 12 years ago
Photo
Tumblr media
Sabi ko naman sa inyo. Nagpunta ako sa meet up kahapon. At ito na yung kaisa-isahang picture na meron ako. Buti nag-upload na siya. Haha. Kaya kung nakita niyo yang mukhang yan kahapon, ako po yun. Hihi.
6 notes · View notes
xspadhetty · 12 years ago
Text
MOAMMU | WMSBMU 1 day and 3 days to go. 04.08.13 | Monday
Hindi ako makatulog ng maaga pinipilit ko yung sarili kong matulog ng mga 12 ng gabi kaso di ko alam kung excited ba ko o hindi lang talaga ako makatulog, Baccalaureate Mass sa umaga tapos bibili pa ko polo tas may meet up pa sa MOA ng 3pm. Jusmeee..
Natulog kanina mga around 1 to 2 am na ata. Tas nagising ako ng 5:30am ang dami ko pa kasing gagawin e. Nag plantsa ng uniform nag luto ng breakfast at kumain (oh after 09068683561 years nakapag breakfast ulit ako. hahaha)
Baccalaureate Mass... 8am daw ang start pero late ako ng 15 mins, as usal maaga parin pala yun. Ang konti pa lang ng studyante dun kami pumwesto sa medyo malapit sa harap. Wala kaming ginawa sa Mass kundi magkulitan ng mga katabi ko, yung girl kong classmate may katabing pogi, grabe awkward ata sakanya eh nung mag hahawakan na ng kamay biglang lumipat sa side namin naiilang ata makipag hawakan ng kamay. Hahaha. After ng misa nag announce na ng recognition para sa mga cum laude at magna cum laude. Sorry ah wala ako dyan. Hahaha~ Hindi pa tapos sa pagsasalita lumabas na ko, around 11am-12pm na ata nun tsaka si Chii (greenchii) at mga classmate ko kasi nasa labas ng church mga late kasi (wala naman bago dun e. Lol) Nag pa manicure si Chii ako nagpagupit. After nun kumain sa Jollibee actually hindi yun kain e, bumili lang pala kami ng float kasi sobrang uhaw na kami at gutom. Wala pa kong alam kung saan ako bibili ng Polo buti yung dalawa kong classmate pupunta ng Divi bibili ng outfit para bukas. Edi sumama na ako. Tinawagan pa pala ako ni Belle (bllspksld) pinapapunta akong MU kaso siya naman tong hindi naman pupunta. xD
Divisoria.. Eto lang mga bibilhin namin. Ako: 3 Polos, Classmate1: Shoes and Polo, Classmate2: Shoes. Kitams yan lang bibilhin naabot pa ng Divisoria meron naman sa malapit. Lol. Nag ikot kami ng bongga sa 999, 168 at tutuban. Paikot ikot kapag may nahap try muna sa baka may mas mura. Kaso kapag wala ng nakita hindi na namin alam saan yung dating dapat babalikan namin. Hahaha. Nung paukot ikot kami sa Divi may nakita akong pamilyar na mukha mga tumblrista papunta atang meet up mga 2-3pm na ata yun e, tinatawag ko hindi ko maalala yung name nila pero nilingon nila ako pero malamang hindi  nila ako nakilala. Hanggang sa loob ng Mall iniisip ko parin kung ano yung name nilang dalawang yung hanggang sa napa "aaaaaaaaah!!!! Alam ko na!!" hahaha. Sila Jeth at Yeng (abcdefghijklmnopqrstuvwxyeng) pala yun. Ayun! Sarap lang talaga sa loob ng Mall kahit na maraming tao malamig parin hindi ka masyado pag papawisan. Nakabili rin kami ng Polo pero kulang pa ng isa, yung shoes napunta pa kami sa dulo ng palengke ng Divi. Grabe babaliktad sikmura ko sa amoy ng natuyong kung ano mang mga amoy yun. Ang sakit talaga sa ulo at tyan. :( After namin makabili ng sapatos kumain muna kamisa MCDO, larga ulit kami para mag hanap ng polo last 1. Hahaha. Mga 4pm na ata nasa Divi pa ko hindi na ko umabot sa 3pm meet up. Nang makabili na ko ng isa pang polo deretso larga na kami paalis. Ako dederetso pa ng MOA hahabol ako sa meet up don. Kaya nag LRT na ko.
MOA... Nang nakasakay na ko ng LRT around 4-5pm na ata, tapos ang start ng sakay ko 12 stations pa mula EDSA Station, Nakatayo lang ako, mula sa lakaran sa Divi hanggang dito sa tren, gamit na gamit ang paa ko. Grabe halos pulikatin na ko ng papunta akong seaside. dumating ata ako dun mga 6pm na. Katext ko si Chii sabi niya pag pumunta daw siya ngayon hindi siya makakasama sa 11, so sabi ko wag na siya umaatend ng meet up basta pumutna siya sa 11. Hahaha.
Nakasalubong ko pala si Kuya Kin (monkeyymanwhore) nag hahanap daw siya ng bibilhing ulam tsaka bibili daw yosi. Sabi ko naman sakanya may meet up ngayong araw. So sinamahan/nagpasama ako para hanapin yung tinatambayan ng mga tumblrista. Late na ko kaya hindi na ko umabot sa group picture sabi ko nga kay Jaira (jairalalala) uuwi na ko e. Wahaha. Kaso may ibibigay daw siya sakin. :) So go push ako sa meet up. Sabi ni Jai nasa vikings daw sila eh pano dalawa pala Vikings sa MOA magkabilang dulo pa.  Napunta pa kami sa Vikings na ride wala pala sila dun andun daw sila sa kabilang dulo Vikings na kainan. Grabe ang layo ng lalakbayin namin. Hahaha.
Nung malapit na kami nakasalubong ko sila Cha (boseslalake), Jake (jakepullsthetrigger), Baste (baliwnabaste), Chamx (batangchix) at Dan (dumadalandan). Sila Cha uuwi na daw kasi takas lang, yung iba kakain lang daw. Habang nag lalakad sila Jai at Pau (the paularoid) naman ang nakita ko bibigay na sana ni Jai yung "Grad Gift" ko pala. Sabi ko later na lang baka di ko kayanin e. Hahaha. Deretso na muna kami ni Kuya Kin sa mga nakatambay sa seaside.
Marami rami pa pala. Yung mga dating nakikita ko sa Meet Up nameet ko ulit but this time naapproach ko sila. Mehehe. Masaya lang dagdag friends at kakilala na naman. Hinanap ko muna kung sinong HK (hugkada) ang nasa meet up. Si Jerr (juantanga) at Cha lang pala hindi tumuloy sila Yuri (yuurimonster) at Anshe (superinday). Si Jerr busy e. Ako nag hanap muna ng mga kakilala tas Hi, Hello, Kamusta ang peg. Tapos konting tambay.
Nagutom na ata lahat so kainan na. Dun ko na hiningi yung Grad Gift ni Jai. Nakabalot pa sa isang national book store paper. Hahaha. Alam na libro nga. Grabe sobrang nakakatuwa talaga as in. Jackpot ikanga. Libro ni Eros "Wag Lang Di Makaraos, 100 Dagli (Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)"  tapos tatlong Goya Dark Chocolate, isang Graduation Picture niya tsaka dilaw na papel sabi nga niya. Hahaha. Letter yun. 
Nahinto kami sa isang ride. Nakalimutan ko yung name ng ride pero basta maganda. 50php. Apatan yung upuan kasama ko sila Jerr at Fer (kapitanfer) magkatabi sila katabi ko naman si Seyn (dayoseyn). Hindi nakakatakot pero masakit sa sikmura sa sobhrang bilis ng ikot pero the best hahaha, si Seyn mangiyak-ngiyak na si Fer naman nalaglagan ng Phone habang nasa ride buti nasa mababang part kami kaya hindi masyado malakas bagsak ng phone niya. After nun nanginig tuhod ko sa gutom at panghihina sa ride parang bonggang nahilo kasi ko. Hahaha.
First time ko nakita that day sila Niel (boytigyawat) at Yson (ysonpop) At marami pang iba. Hahaha. Sila Joms (yerfavoritegal), Ivan (supladongnakasando), yuli (yulisisaysayah) at Kuya RJ (rjvalencia) nakikita ko na dati pero ngayon ko lang nakasama sa meet up.
Sa Jollibee kami kumain, medyo marami kami. Katamad imention. Haha. After ng kaninan uwian na sana kaso nag Time Zone pa pala. Sila Yuli at Marj (marjmoko) umuwi na si Yuli kasi graduation pa bukas (parang ako hindi e. lol). Sa timezone ayun nag kantahan lang sila marami rami pa naman kami nun. Wala kaming ginawa dun kundi mag kulitan at mag harutan, basta imaginin niyo na lang sobrang magulo kami sa timezone. Hahaha. Nagkapasa pa pala ako dahil kay Sam (handsamjr) nung inipit/naipit pinto yung braso ko ang lakas kasi ng pagkakatulak niya. :( Anyway oks lang yun. Hahaha.
Uwing uwi na sila Kiezel (supersabaw), Miko (lalakingwalangmata), Tony (bobosistesis) ako rin naman uwing uwi na kasi Graduation ko pa bukas, lobat phone ko, baka nag aalala na yung nanay ko. Hahaha. Bibili lang ako ng polo inabo na ko ng hating gabi.
May mga naiwan pa sa timezone pero kami umuwi na, Taga navotas lang pala si Seyn. Kaya ayun kasabay ko siya sa Bus pauwi, super kwentuhan lang kami. Hahaha. Dun ko narin pala binasa yung letter ni Jai sakin. Laughtrip lang in a way na napaka defensive niya sa letter na yun. Lol.
Hating gabi na ata ako naka uwi. Buti hindi ako napagalitan ni Mama. Nag tanong lang bat ginabi ako sabi ko nag MOA pa ko. Hahaha. Kumain pa ko bago natulog at nag gatas. 
Graduation ko na later. MedyoExcited lang. Di ko alam. Hahaha. Wala kasi kong DigiCam, Phone lang gamit ko. Poor Me. Dejk. Marami naman pwede hiraman mamaya e. Lol. Osiya matutulog na ko. :))
Happy Graduation sakin. ;)
6 notes · View notes
mukalangmataray · 11 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
HOT-MOAMU July 6, 2013
Eto na naman kami. Puro bago nalang namimeet ko every meet up hwehwe. anyare dun sa iba :3 Ewan ko pero napagod ako nung araw na to. Maliban sa napaka HOT namen,, este nung panahon, Daldal ako ng daldal kaya ayun. Hahahahaha
2 notes · View notes
datingbatangchix-blog · 12 years ago
Text
FACT: Kung sino pinakamaganda at pinakagwapong makikita mo sa meetup, sila yung di mo makakalimutan url. :)
12 notes · View notes
guiltytoledo · 12 years ago
Text
Syempe magpopost na sila ng mga meetup photos nila. Hue hue hue. Inggit na naman ako as usual pero hindi ako magrereklamo. Wala naman ako dun eh. Wala akong magagawa kasi napakalayo ko sa vicinity kaya nowhere to be found ako. Sorry dahil hindi niyo ako nakita kahapon at hindi kayo nakapagpapicture sa perfect kong mukha. Haha. Ayon. Sa susunod na lang, isusurprise ko kayo. Humanda kayo. Kabog ang lahat sa pagbabalik ng nag-iisang guiltytoledo. Ayos ba? Hhahaha. Basta walang limutan ah. Friends friends pa din. Enemies enemies and snob snob pa rin sa mga hindi ko friends. Hahaha. Ang mean ko lang. >:D Magpopost rin ako ng mga pictures ko dito sa Masbate. Woo! Akala niyo kayo lang may mga gala gala? Ako rin kaya. Ang kaibahan lang, mga kapamilya ko lang ang nagpapapicture sa akin at mas pinili kong maging photographer kaya wala masyadong picture yung mukha kong ubod ng gwapo. Hahaa. Okay, ang dami ko nang sinabi. Ito ang sinasabing random post. Bwahaha. Yun lang. Bow. Kausapin niyo naman ako. 
22 notes · View notes
pot-esguerra · 12 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
MOAMMU ?? 
I'm not really sure what is the right name for this meet up or even the people behind this small gatherings but still thankful for this chance.
More Pictures Here
23 notes · View notes
gellieisanowl · 12 years ago
Photo
Tumblr media
114 notes · View notes
datingbatangchix-blog · 12 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Osige na. Tanggap ko nang hanggang BABA mo lang ako. =))
23 notes · View notes