#minsan nalilimutan ko
Explore tagged Tumblr posts
kimhortons · 2 months ago
Text
random tots in bullet
mas excited na ako ngayon mag weekend kasi nadagdagan yung hobby ko—well, sana maging hobby ko nga mag basa. although nagbabasa naman talaga ako before hindi lang ganon kahilig hehe.
siguro kailangan ko nalang talaga mag deactivate ng Facebook kasi minsan dun nauubos yung oras ko kakanuod ng reels hahaha. mag cacatch up muna ako ulit sa pinapanuod kong series—suits. tatapusin ko na 'to kasi natengga nako sa gilmore girls e. haha. mag seset nalang din ako ng time kung kelan ako magbabasa, or kung kelan ko trip.
pag sabado di talaga ako makanuod or makapag basa kasi bebe time talaga namin ni J ang sabado. hehe depende nalang kung tatamarin ako magpa Legazpi. haha. nag reresume nalang ng linggo ng gabi yung me time ko kapag babalik na siya ng Naga.
naalala ko may binili pala akong voucher nung may pumuntang taga angel's pizza sa office. nung kelan pa yun, june pa ata. di ko parin naki-claim yung free. lagi ko kasing nalilimutan pag sabado, sa albay pa kasi yun. pag uwian naman uwing uwi ako kaya di ko makuha kuha haha. bukas siguro kunin ko na, sayang din yun. kala ko kasi yung card, voucher lang pala for 400 pesos. basically, parang bumili rin naman ako ng pizza. hehe. parang nabudol lang ako haha.
lagi ng kusa namamatay yung iphone ko kapag naka charge, need na ata talagapalitan battery nito haha. pinag iisipan ko pa kung ipapa ayos ko pa or bibili nalang ako ng bago, kaso kung magkakaron ako ng big purchase next year, mas priority ko yung laptop. bahala na.
wala kami gaanong tasks kanina sa work. never na talaga bumalik sa dati yung buhos ng inbox. kayang kaya na ng isa tapusin yun lahat e. nag kwentuhan tuloy kami nung isang ka team ko kasi sa dati niyang work talagang madami yung buhos ng invoice nila. same kasi sa task namin ngayon, logistics lang yung kanila. kako namiss ko tuloy yung dati kong work kasi habang nag kukwento ako alam na alam ko parin kung anong trabaho ko doon. hehe. lalang
mas maaga na ko nakakauwi ngayon, kasi hindi ko na inaantay yung mga kawork ko. pagka out lumalabas na ko agad at kung ano maunang sasakyan na dumaan sumasakay na ako agad. pag mas maaga talaga ako lumabas, mas nakaka sakay pa ako ng deretchong terminal e. di narin ako pumipila sa modern jeep sa ordinary nalang kasi mas mabilis makasakay. 5pm ang out ko, ngayon 6pm palang nasa bahay na ako. hehe.
iniisip ko pa kung magpapa Legazpi pa ako bukas or hihintayin ko nalang si J maka uwi. baka kasi matraffic siya at pista ng Peñafrancia sa Naga ngayon buwan e. bahala na bukas.
2 notes · View notes
onewordenglish · 1 year ago
Text
Nag uusap kami ng friend ko kanina about lovelife kahit na wala naman kami nun. Nasabi ko sakanya na after netong last ko, parang natakot na ako sumubok ulit. Tinanong nya ako kung san ba ako takot, magmahal o masaktan. Sabi ko pareho. Kasi diba pag nagmahal ka kasunod na non sakit eh. Hahaha.
Yung pag iisip ko nga ngayon parang sa una lang naman masaya. Pag nagtagal eh don pa din mauuwi sa sakitan. Paulit ulit lang. Nakakasawa din.
5 months ago or 4, I met someone, nakasundo ko agad. As in. Masarap kausap. Bihira lang yung ganon eh. Nung nakilala ko sya naging okay ako sa mga pinagdadaanan ko. Ang gaan lang. Inenjoy ko yung pagiging okay ko habang nakakausap ko sya. Ineenjoy ko yung feeling na naaappreciate and all. Yung naramdaman ko na yung matagal ko ng hindi nararamdaman. Gusto ko naman na sya kaso yung takot ko talaga pinangunahan ako eh. Hindi ko alam kung ready naba ako ulit. Kaka okay ko lang eh.
Tapos ayun nga narealize ko, pinost ko na to eh, na hindi ka naman nabubuo kapag nakakakilala ka ng bagong magmamahal sayo, nalilimutan mo lang na sira ka. Inaalala ko yung mga naging relationship ko since 13 y.o ako and now ilan taon naba ako (syempre secret), same lang yung nangyayari. Paulit ulit lang. Kapag nagbreak, well usually ako naman talaga yung iniiwan at yung pinagsasawaan, saklap nu? Hahaha. Nagiging okay lang ako kapag nakakilala ako ng bago. Kumbaga hindi pa naman ako totally nagheheal pumapasok na ulit ako sa relasyon.
Ngayon ko naisip na parang never ko inallow magheal yung sarili ko na ako lang parang laging may involve na ibang tao. Naging cycle na sya. Kaya siguro yung puso ko sugat sugat pa din e mula nung una, feeling ko ganon. Kasi ko di ko hinahayaan gumaling muna. Hindi ko lang maramdaman yung sugat kasi nga merong ibang taong nagpaparamdam sakin ng saya. Tapos ang ending masusugatan ulit.
Kaya dito sa last ko parang pagod na pagod ako. Ang hirap. Siguro nga kasi sugat na sugat na talaga. Sa dami ba namang nanakit e. Mga hayop kayo hahaha charot.
Ngayon okay naman na ako. Takot lang talaga. Nakakagusto na naman ako sa iba, I mean nakakaappreciate na nga ako ng iba. Hindi gaya dati na yung ex ko lang nakikita ko. Natutuwa naman ako na ganito na ako, sawakas nakausad na talaga ako.
Gaya ng sabi ko, okay naman ako. Pero yung saya? Masaya naman minsan? pero siguro hindi yung genuine happiness talaga. Yun yung mahirap hanapin eh. Dadating din ako dyan, I know I know.
17 notes · View notes
overcaffeinatedsoul · 1 year ago
Note
Hi. I am in 2 years relationship and actually i cheated on her like twice. And the second time na nangyari yun was really hit me really hard talaga. Like i can feel the karma already. It was actually an instant karma. So i decided to be a good partner as of today. Well the thing here right now is oarang dala-dala pa din ng girlfriend ko yung pain from that mistake i did. Though its been like a year now. Parang lahat naman nagawa ko na to the point na kinalimutan ko sarili ko pati pamilya ko para makabawi lang sa kanya. I even stayed sa side nya to make her feel na nagbago na ko. I have her everything na gusto nya. Efforts. Time spent well kasi nga magkasama kami. Ended ako naman yung nalugmok. Like sya okay na yung life ngayon. Financially stable and the opposite naman pagdating sakin. Pero okay lang kasi alam ko may kasalanan akong nagawa. Pero bat parang sobra naman na na till now di pa din nalilimutan yung nagawa ko na yun. I know it broke her apart kaso pano naman ako? Sometimes naiisip ko nalang din na sana di na ko magising pa kinabukasan kasi ganto rin naman buhay ko nakakulong. Pero di pwede e. I got my mom na kailangan ako. Minsan iniiyak ko nalang din habang binabanggit pangalan ng mom ko. Kasi sobrang nahihirapan na ko. Pero mahal ko girlfriend ko dont get me wrong ha. Its just ang hirap...
Dude.. I don’t know what to say.
10 notes · View notes
freddekoko · 1 year ago
Text
May mga pagkakataong hibahanap ko pa rin ang mga kaibigang minsang aking nakasama, yung sana minsan puntahan yung mga madalas na tambayan. Ang bilis ng panahon, at ngayon ay tumatanda na. Hindi ko parin nalilimutan ang saya. Sana ganun din sila.
4 notes · View notes
grvntld · 2 years ago
Text
i tried yung flavored mojos ng shakeys in collaboration with potato corner tapos napaquestion me kung bakit kaya sila nagcollab and like paano kaya ~set up~ sa collab ganOrn kasi iniisip ko why need pang magcollab when shakeys can release their own flavored mojos and then in a split second sabi ng utak ko, "gOrL, under one company na nga sila diba anUe bA" like my brain just goes ?¿??¿?¿ sometimes as if i didnt attend a few of their media launches puh-lease ewan ko ba sa utak ko wahahahahhahahahha minsan nalilimutan ko i werq in this industry like sometimes vvv different lang kasi yung takbo ng mind ni ~werq aina~ and ~consumer aina~ ganOrn
5 notes · View notes
bawathudyat · 1 month ago
Text
Bilang isang taong lumaki sa lugar na ang emosyon at damdamin ay ikinakahiya, napakahirap sa aking kilalanin ang aking nadarama, lalo na ang pag-ibig. Kasabay ng paglabo ng aking mga mata ang paglabo ng kahulugan nito. Dapat nga ay habang lumalaki ako, dumarami rin ang kaalaman ko—subalit kabaligtaran naman yata ang nangyayari sa akin ngayon. Alam ko man kung paano ito bigkasin (dahil tinuruan naman ako kung paano ang magsalita), hindi ko naman mawari kung talaga bang tunay ito (dahil hindi naman ito ipinaliwagan sa akin).
Dulot nito ang aking biglaang pagkahumaling sa mga pelikulang ang isinasadula ay pagmamahalan ng dalawang magkasintahan, lalo na’t kung ito ay bahagyang nakatatawa. Nagustuhan ko ring magbasa ng mga librong romansa ang dyanra, tapos magpapagulong-gulong pa ako sa kama kapag kinikilig ako sa mga diyalogo ng mga tauhan. Dahil hinayaan ko nang kaininin ako ng mga paksang tungkol sa pag-ibig, nagsimula na rin akong magsulat tungkol dito. Bawat buwan, may bago akong pluma at kuwaderno sapagkat araw-araw kong sinusubukang ilarawan ito nang maigi. At dahil nga kailanman ay hindi ko pa ito nararanasan, araw-araw din akong pumapalya. Kaya nga kung titignan mo ang aking aklat-sulatan, puro punit na pahina at mga tintang nagkalat sa papel ang madalas mong makikita.
Magaling naman ako magsulat ng literatura (dahil iyon din naman ang sinasabi ng mga taong nakababasa ng aking mga nagawa), pero sa tuwing tinatangka kong maglathala ukol sa pagsinta, mistula akong bumabalik sa pagiging bata na walang alam—maski ang paghawak ng panulat. Minsan, sobra na lang ang aking pagtataka; naniniwala kasi akong hindi naman kailangan lahat ay mapagdaanan mo para lang makapaglikha ng isang sining na ukol sa partikular na simuno, pero pagdating sa akin, halos nalilimutan ko lahat ng natutuhan ko bilang isang maykatha.
Baka hindi talaga ako magaling magsulat? O baka sadyang kailangan ko munang maranasang umibig bago ko ito maipahayag nang malinaw at makulay? Paano kung ganoon na nga? Paano kung kailangan ko munang magmahal at maranasang mahalin? Bigla tuloy akong natakot at kinabahan.
Hindi ko nga kasi alam kung paano ang magmahal at kung ano ang pakiramdam ng may nagmamahal sa akin. Labag man sa budhi ng aking propesyon ang magmura, pero tangina naman, eh. Ang hirap naman kung ganoon nga. Kailangan ba talaga iyon? Hindi ba pwedeng ipeke na lang alang-alang sa mithiin kong sundan ang yapak ng mga iniidolo kong awtor ng mga romantikong piyesa?
Sabagay, mahirap kung puro imahinasyon lang—matagal nang tumahan ang malikot kong isipan. Kung kasama lang sa kurikilum ng aking paaralan ang paksang ito (o kung lumaki lang ako sa bahay na karaniwan lang ang magpakita ng pag-irog), edi sana hindi ako nangangamba sa isang bagay na normal naman. Sana hindi ko itinuturing na isang mabigat na responsibilidad ang pagmamahal na hindi ko kayang ipagpatuloy nang matagal dahil, para sa akin, kahit sino ay kayang magmahal—kahit sa maliliit na bagay pa man. Sana hindi ko ito iniiwasan katulad ng pag-iwas ko sa mga masasamang bisyo na maaaring makaapekto nang masama sa akin. Sana ay may inaalayan din ako ng sandamakmak na liham, nakasusukot man ang nilalaman para sa iba.
Edi sana… itong prosang ito ay tungkol sa kagandahan ng pag-ibig, hindi sa kung paano ako nabubuhay sa inggit at kung paano ko ito tinataguan hanggang sa mamatay na lang ako nang hindi man lang nakararanas ng kung anuman ang ginagawa ng dalawang magnobya.
Tumblr media
ZK / March 2024.
0 notes
artemicia · 6 months ago
Text
Kahit na nanay na ko ngayon, open pa rin naman ako sa mga bagong kaibigan. Kaso ayoko naman nung ganito na parang igi-guilt trip ako kasi hindi ako nakakapagreply. Ayoko ng ime-message ako na, ‘sige chat ka na lang kapag hindi ka na busy’. Iba kasi tunog sa akin, parang jowa na pipitik na pala sa galit kasi matagal kang hindi nakapag-update. Ayoko ng ganon lalo ngayon kasi ang dami talagang ginagawa sa buhay.
Ayoko ng sasama yung loob sa akin kapag hindi ako nakapagreply agad kasi minsan nasa labas ako, minsan naman nabubuksan ko yung message na antok pa ko kaya nalilimutan ko magreply, minsan nagwo-work ako. Pero kapag kinailangan mo naman ako kapag emergency, kapag kailangan mo na agad ihinga, nagrereply ako agad kahit madaling araw pa yan.
Ewan ko ba. Na-off lang talaga ako o baka dahil bagong gising ako.
0 notes
littleinfinitiy · 9 months ago
Text
February 17, 2024
Ngayong araw na yung sa grad pic nyo so maaga kayo nagprepare ni td. Kawawang td maaga nagising hehe nag alala pa nga ako kasi ano oras na di ka pa din gising yun pala 8am naman yung alarm mo sorry naman hahahaha around 9am yata umalis na din kayo para ihatid si td and diretso ka na nga kela lei.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
So ako eto waiting lang din naman na matapos ka sa pag aayos mo and at the same time excited kasi nga mag gagrad pic ka na pero wala din kasi di mo man isesend yung soft copy sakin nun. Kaya ako tiis tiis sa mga sinisend mo HAHAHAHA
Tumblr media Tumblr media
Nahhh you'll send it naman din sakin soon kaya waiting nalang din ako hehe pang lagay sa wallet tatakpan ko na mukha ko sa wallet ko nakakaumay na e HAHHAHAHA siguro mga 13 copies papa print ko nyan. Ididikit ko sa wall ko bat ba AHAHAHAHAH kidding aside mahal excited na din ako pumunta dyan sa graduation nyooooo yey! Sabi ko naman sayo kahit sa malayo lang ako basta nakikita lang kita okay na ko. Wag lang ako makita ni td kasi baka lumapit sakin HAHHAHAHA kaya goods na ko kahit sa malayo ako oki?
Sorry pala kahapon mahal i acted nanaman ng di nag iisip. And i think ayaw mo naman na din pag usapan yun so okay na po yun. It wont happen again mahal. Unti unti ko din naman binabago sarili ko sa mga ganun. I just need more time talaga. And minsan di ko lang din sya maiwasan kahit na ayoko ding makaramdam ng ganun. I dunno kasi kahapon i was really excited lang siguro to see ur photos tapos biglang ganun. I know naman na pang asar mo lang yun. I dunno baka sobrang sensitive ko lang siguro that time. Just let me know din mahal kung sobrang sensitive ko na ba sa mga ganung bagay para mabawasan ko din. Tapos blinock mo pa ko so ayun nagsabay sabay nanaman yung pag ooverthink ko sa mga bagay bagay. Ended up itinulog ko nalang kahit mabigat pakiramdam ko. Alam ko namang its just ur way para di kita makulit e. Medyo masakit lang din pero iniisip ko nalang need mo space pag mga ganung pangyayari. And sabi mo pa nga na kung di ako nagblog di ka man tatawag. Sorry wala lang talaga akong mapagsabihan pagdating sa mga ganun. Yung sakit kasi di ko alam pano ko ilalabas e so dinaan ko nalang sa blog hehe pero kung if ever man na di mo na talaga ko kakausapin nun hanggang pag uwi mo. I dunno. Kasi nagbabalak na din talaga ako lumuwas bago ka magchat. Kala ko kasi nag inom kayo so inisip ko baka umuwi ka naman ng late. Kaso di din talaga kayang lumuwas kahit gustong gusto ko. Kasi di ko na din alam napapano ba tayo. Nung una okay lang e kasi sabi ko need mo nga ng space. Pero pagkagising ko ganun pa din wala nakablock pa din talaga ako e. Kaya yung bigat nung pakiramdam ko bago matulog mas lalo lang bumigat. Pero wala e di naman makaluwas kaya tinanggap ko nalang din kung magchat ka man o hindi. Pero syempre sana magchat ka na. Nalowbat nalang phone ko kakascroll sa tiktok pero wala man. Hinayaan ko nalang ma drain yung battery para din malibang ko sarili ko sa ibang bagay. Nanuod nalang ako. Tapos bigla ka naman nagchat kaya ayun umokay na din hanggang sa makauwi ka.
I just realized mahal na sobrang immature ko pa din talaga siguro sa mga ibang bagay. And im sorry for that. Di ko lang mapigilan talaga minsan. Kahit naman na ilang beses ko na naramdaman at sasabihin ko sa sarili ko na di ko na mararamdaman yun kaso wala e. Nalilimutan ko pag nandyan na ulit. Pagnararamdaman ko na ulit. Kaya mas pinipili ko nalang din na di magchat kasi di ko din naman alam sasabihin ko kapag ganun. Kaya narealize ko din talaga nung time na yun after ko mag overthink. Na ayun nga immature ko pa din sa mga ganung bagay. Pasensya na. Sobrang lambot lang din siguro ng puso ko minsan lalo na yung ginawa mong pagblock sakin. Kasi ewan ko ba bat ganun nalang naramdaman ko. Na parang bakit naman ganto. Bakit kailangan mong gawin yun. Sobrang lala din siguro ng nagawa ko. Pero alam mo kaya din siguro ako ganto kasi natatakot lang ako na magkamali satin. Feeling ko kasi pagnagkamali ako mawawala ka na. Ganun kasi lagi nararamdaman ko. And pinapatay ako lagi nun like everytime ganun yung nangyayari. Yung mga di mo pagpansin sakin. Nasasaktan na ko pag ganun. Di ko din alam kung bakit mahal e. Alam mo pinipilit kong baguhin yung sarili ko sa ganun. Na tibayan konti yung nararamdaman ko kapag ganung sitwasyon. Kasi baka sa sobrang sensitive ko nalang palagi yun naman yung maging dahilan para marealize mo din mismo na din na healthy yung ganun. Manawa ka. Tapos iwan mo ko. Tama ka naman nung tinanong kita. Na what if ikaw naman yung manawa? Tama ka man dun. Na lugmok ako. Iiyak ako pag ganun. Sino ba namang hindi diba? Pero kung dadating man yun mahal na as much as possible ayoko din. Sana mabigyan mo pa ko ng chance na baguhin yung mga bagay na di mo gusto sakin. Pero kung di na talaga kaya mahal sabihan mo ko. Sabihan mo ko ng mga pwede pang gawin para lang mapagstay ka. Wag lang dadating sa time na yung pagmamahal mo naman sakin yung mabawasan kasi di ko kakayanin hehe. Sorry ang drama na mahal. Hayaan mo im figuring it out myself na din kung pano ba gagawin para maging better. Im sorry kung minsan nafefail kita. Sorry kung minsan nadidisapoint kita. Since then naman disappointments lang talaga dala ko sa mga tao. Pero i swear mahal im trying my very best naman hehe mahal na mahal kita!
0 notes
heylala · 1 year ago
Text
Sometimes i still wake up surprised that i'm finally learn na hindi ko kailangan magdepend lagi sa ibang tao para makita ko yung worth ko.
-the old me feels like a lifetime away. I have changed so much since i finally decided to stop chasing people,dati talaga kapag feeling ko cold sila sakin sobra akong magoverthink and gagawin ang lahat ng kaya ko gawin basta bumalik lang yung connection at nakasanayan ko treatment nila sakin, but look at me now, Lowkey grateful that I am indifferent to a lot of things now. If not, namatay na ako kaka overthink sa mga bagay bagay. Hahaha! And honestly, that was one of the best decisions i made for myself. I have not regretted it.
-in short feeling ko naglevel up na pagkatao ko. Hindi na ako people pleaser, I enjoyed my own company na, Hindi na ako masyadong nagaalala kung nagkukulang ba ako magbigay ng oras at atensyon sa mga tao, I know naman kasi na I dont owe anyone my time unless i committed it. If you are going to hold something against me because i could not make time for it when i was unavailable, i am gonna leave that issue with you. thats your burden to carry, not mine.
-feeling ko kasi sobrang naabuso ako, Feeling ko lang ha? Alam ko naman sa sarili ko na kaya ko ibigay lahat ng best ko as long as mahal ko yung tao at mahalaga sakin, Pero minsan taliwas nila nakikita yun, Iba ang intepretasyon sakanila. Lalo na kapag dumating na yung mga panahon na hindi mo na sila napagbibigyan, nagiging masama kana, nagiging madamot kana o di kaya nagbago kana para sakanila. Ewan ko ba kung bakit ganun ang mindset ng iba na kapag magkulang ka ng isang beses nalilimutan na nila yung 10beses na nagawa mo para sakanila, minsan kapag ikaw pa may kailangan para bang ang hirap hirap nila lapitan, Yung hindi ka naman nanghihingi ng kapalit sa tuwing tumutulong ka, pero masakit lang na walang handang tumulong kapag ikaw na ang nangangailangan. This is so sad. Di lang naman to usapang pinansyal, pati usapang emosyunal at mental support. Alam ko nasanay kayo lagi ako yung taga salo, pero minsan kailangan ko din ng sasalo sakin.
-madalas ikaw laging yung sandalan nila kapag malungkot sila o di kaya may pinagdadaanan. Pero minsan nakakalimutan din nila tanungin ka kung okay ka lang ba? Kaya mo pa ba o kaya mo pa bang saluhin mga pasanin nila. Siguro ngayon hindi naman ako magiging masama kung pipiliin ko nalang yung mga taong bibigyan ko ng pansin. Siguro isang malaking progress para saakin ay yung hindi na ako lagi available sa lahat ng tao, Unlike before na kahit ang dami kailangan gawin pero gagawa pa din ako ng way para maging available para sakanila kasi alam ko kailangan nila ako at ng kausap. Pero diba mas wala ng sasakit pa doon sa pakiramdam mo noon na ginagamit ka lang ng iba tao tapos di mo pinakinggan yung feelings na yun then in a long run unti unti mong napatunayan yun, tapos kapag hindi nila get what they want from you, they either cut you off, spread lies or recruit others to hate you too. Saklap no?
Please delete the old version of me inside your head, it expired. It takes more than discontentedness to leave, but also enough courage to make a point that enough is enough.
1 note · View note
hardsandwichtrash · 2 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media
4/6/2023
Missing her😔
Miss kona yung dating ikaw,, yung mahal na mahal ako. Mag mula ng mag live in tayo iba kana saken,,, mahal mopaden ako, pero hindi na tulad dati, sinisi gawan monako lage, and sinasabihan monako lage ng nakaka sakit na salita and dika manlang mag sosorry, dati nag sosorry ka saken pag badtrip ka at na sigawan moko, pero ngayon parang normal nalang sayo yung sigawan ako at wala nang sorry,akopa hihingi sorry at gagawa paraan para magka ayos. Isa din sa masakit saken is yung ayaw monako mag laro nag basketball.. Ang basketball ang kaisa isang sports na mahal ko, dikolang to libangan, mahal kotong sports nato... Simula bata ako 7yrs old, naglalaro nako neto, araw araw ako nasa court umulan man o umaraw, may bagyo man or wala. Kaya masakit saken na ayaw monako mag laro neto, pero naiintindihan ko naman, may responsibilities nako, pagka nag ii stay ako at di nag babasketball dahil dimoko pinayagan,, wala manlang comfort sayo,, which is dapat diko hinahanap dahil dapat d ako umaasa ng ganon comfort dahil dapat pag d ako nag laro basketball is GUSTO ko, hindi yung napilitan lang ako. Dapat mas piliin ko ang responsibility ko, dahil hindi nako binata... Sa totoo lang ang bilis ng pangyayari, hindi pa 100% na nag sisink in saken na tatay nako, minsan nalilimutan ko at inaakala ko wala pako anak, na pwede ako tumagal sa labas at gawin ang gusto ko.. Siguro nga dipako nakaka adjust ng buo pero I am trying my best. Gusto ko sana sa kanya sabihen to lahat pero tingen ko di nya naman maintindihan, triny ko naman sabihen, umiiyak ako pag nag aaway kame at nag explain ako but still wala sya pake kahit naluluha nako,, kaya sabe ko sa sarili ko bale wala lang kahit explain ko at umiyak ako sa kanya,, kaya tinatago ko nalang nararamdaman ko and sinanay ko nalang sarili ko mag mukhang masaya para d nalang niya mapansin na malungkot ako. Umaasa den ako one day susuportahan nyako sa mga gusto ko tulad ng ibang girlfriend ng mga kaybigan ko, kung saan sa kada laro nila ng basketball or kahit saan na gusto nila naka suporta sa kanila ang mga girlfriend nila.
Kanina sinigawan nyako at nagalit nanaman sya saken,, dahil diko sya na tulungan sa bubuhatin, nagalit sya,, gusto ko naman tumulong kaso c Jaeda kase bantay ko, and then ayon nagalit nanga sya saken at sinumbat na sya nalang nag buhat, triny ko den tumulong sabe nya naman wala nako matutulong, nasaktan ako nung sigawan nyako na parang Ibang tao, kaya pinakita ko nalang na galit ako kase dapat ma tapang ako, wala naman sya pake kung masaktan ako eh,. And after non triny ko sya suyuin kahit na wala ako kasalanan,, tinimplahan at binigyan ko sya tinapay pero d nya ginalaw haha.. At ang bobo ko nag basketball ako, hoping na maintindihan nya, but as usual, nagalit sya saken. Haha a drama ko potangina, d naman valid tong feelings ko kase tatay nako..😂
0 notes
x-akari-xv · 2 years ago
Text
"HAHANAPIN KO MUNA SARILI KO"
Madalas ko talaga yan marinig sa ibang tao. Akala ko kaartehan lang 'yan pero totoo pala!! Legit pala talaga na minsan kailangan natin hanapin ang sarili natin - kasi naliligaw na, napag iiwanan na, nalilito na, nawawala na sa focus at nalilimutan na kung sino ka ba talaga.
Akala ko kapag sinabi 'yan ng ibang tao, pang asar lang para lang makasakit ng iba. Pero i have this revelation na kaya pala kailangan hanapin ang sarili kasi ANG LAYO LAYO NA. Alam niyo yung literal na wala na focus.
Yung dating sobrang masayahin ngayon sinungaling na, palaging sinasabi na masaya kahit ang totoo hindi naman talaga. Yung dating mapagmahal ngayon nakakasakit na ng iba. Na gegets niyo ba? KAYA PALA NEED HANAPIN ANG SARILI.
And ang isang dasal ko sa loob ng halos 8 weeks na bakasyon namin ay mahanap ko ulit ang sarili ko. Yung may pagmamahal sa kapwa, may pake sa mga nawawala at yung sarili ko na laging nasa presensya ng Diyos. Kasi pakiramdam ko ang layo layo ko na.
Pero wala pang dalawang araw hindi ko pa nahahanap ang sarili ko natagpuan na ako ng ulit ng Diyos. At natagpuan ko rin ang pagmamahal at presensiya Niya. Na dahil sa Grace na mayroon Siya naligtas ulit ako sa mga kasalanan kong hindi na mabilang, at dahil na rin sa Faith na mayroon ako natagpuan ko kung SINO NGA BA TALAGA AKO.
Kaya ikaw, kung pakiramdam mo sobrang layo mo na. Hanapin mo na din sarili mo :> Baka nalilimutan mo na KUNG SINO KA NGA BA TALAGA. Bumalik ka sa totoong bubuhay ng May mga pagod talaga na hindi nadadaan sa pahinga.
Pero hindi ibig sabihin no'n hihinto ka na. Maaring yung pahinga mo mismo ang nakakapagod pero maari kang tumakbo sa Totoong nag tatanggal ng pagod. Balik ka lang sa totoo mong pahinga, yung may halong dasal at pananampalataya. Balik ka do'n sa pinakaSource ng lakas - balik ka lang sa Diyos.
Kasi hinding hindi ka mauubos.
0 notes
bawathudyat · 8 months ago
Text
Bilang isang taong lumaki sa lugar na ang emosyon at damdamin ay ikinakahiya, napakahirap sa aking kilalanin ang aking nadarama, lalo na ang pag-ibig. Kasabay ng paglabo ng aking mga mata ang paglabo ng kahulugan nito. Dapat nga ay habang lumalaki ako, dumarami rin ang kaalaman ko—subalit kabaligtaran naman yata ang nangyayari sa akin ngayon. Alam ko man kung paano ito bigkasin (dahil tinuruan naman ako kung paano ang magsalita), hindi ko naman mawari kung talaga bang tunay ito (dahil hindi naman ito ipinaliwagan sa akin).
Dulot nito ang aking biglaang pagkahumaling sa mga pelikulang ang isinasadula ay pagmamahalan ng dalawang magkasintahan, lalo na’t kung ito ay bahagyang nakatatawa. Nagustuhan ko ring magbasa ng mga librong romansa ang dyanra, tapos magpapagulong-gulong pa ako sa kama kapag kinikilig ako sa mga diyalogo ng mga tauhan. Dahil hinayaan ko nang kaininin ako ng mga paksang tungkol sa pag-ibig, nagsimula na rin akong magsulat tungkol dito. Bawat buwan, may bago akong pluma at kuwaderno sapagkat araw-araw kong sinusubukang ilarawan ito nang maigi. At dahil nga kailanman ay hindi ko pa ito nararanasan, araw-araw din akong pumapalya. Kaya nga kung titignan mo ang aking aklat-sulatan, puro punit na pahina at mga tintang nagkalat sa papel ang madalas mong makikita.
Magaling naman ako magsulat ng literatura (dahil iyon din naman ang sinasabi ng mga taong nakababasa ng aking mga nagawa), pero sa tuwing tinatangka kong maglathala ukol sa pagsinta, mistula akong bumabalik sa pagiging bata na walang alam—maski ang paghawak ng panulat. Minsan, sobra na lang ang aking pagtataka; naniniwala kasi akong hindi naman kailangan lahat ay mapagdaanan mo para lang makapaglikha ng isang sining na ukol sa partikular na simuno, pero pagdating sa akin, halos nalilimutan ko lahat ng natutuhan ko bilang isang maykatha.
Baka hindi talaga ako magaling magsulat? O baka sadyang kailangan ko munang maranasang umibig bago ko ito maipahayag nang malinaw at makulay? Paano kung ganoon na nga? Paano kung kailangan ko munang magmahal at maranasang mahalin? Bigla tuloy akong natakot at kinabahan.
Hindi ko nga kasi alam kung paano ang magmahal at kung ano ang pakiramdam ng may nagmamahal sa akin. Labag man sa budhi ng aking propesyon ang magmura, pero tangina naman, eh. Ang hirap naman kung ganoon nga. Kailangan ba talaga iyon? Hindi ba pwedeng ipeke na lang alang-alang sa mithiin kong sundan ang yapak ng mga iniidolo kong awtor ng mga romantikong piyesa?
Sabagay, mahirap kung puro imahinasyon lang—matagal nang tumahan ang malikot kong isipan. Kung kasama lang sa kurikilum ng aking paaralan ang paksang ito (o kung lumaki lang ako sa bahay na karaniwan lang ang magpakita ng pag-irog), edi sana hindi ako nangangamba sa isang bagay na normal naman. Sana hindi ko itinuturing na isang mabigat na responsibilidad ang pagmamahal na hindi ko kayang ipagpatuloy nang matagal dahil, para sa akin, kahit sino ay kayang magmahal—kahit sa maliliit na bagay pa man. Sana hindi ko ito iniiwasan katulad ng pag-iwas ko sa mga masasamang bisyo na maaaring makaapekto nang masama sa akin. Sana ay may inaalayan din ako ng sandamakmak na liham, nakasusukot man ang nilalaman para sa iba.
Edi sana… itong prosang ito ay tungkol sa kagandahan ng pag-ibig, hindi sa kung paano ako nabubuhay sa inggit at kung paano ko ito tinataguan hanggang sa mamatay na lang ako nang hindi man lang nakararanas ng kung anuman ang ginagawa ng dalawang magnobya.
Tumblr media
ZK / Marso 14, 2024.
0 notes
fabulousraven · 2 years ago
Text
Gulong ng Buhay (A Spoken Word Poetry)
Masasabi ko na ang buhay natin ay isang kalsada—madaling daanan kapag deretso, masakit sa ulo kapag baku-bako.
Katulad ng ilaw trapiko, may mga pagkakataon na kailangan ay tuloy-tuloy tayo sa pagtakbo—ngunit kailangan pa rin nating huminto.
Ang kalsada, kahit gaano pa kaliit ang sira, matagal bago maayos ito—pati sa buhay, sila’y pareho ng estado.
Hindi maipagkakaila, ang buhay ay kalsada—kahit saan ka man magpunta, ihahatid ka.
Kabado pa tayong maiwan ng panahon dahil sa mga problema natin sa buhay, sa puting van lang pala tayo isasakay.
Parang sa Tagapo, kabado pa tayo na mahuli sa klase dahil sa tagal ng trapiko, pero pagkalipas ng halos tatlumpung minuto, nandito pa rin tayo.
Kung mayroon kang hindi alam sa pagmamaneho, pwede ka namang mag-aral—katulad sa buhay, hindi lahat alam mo, kaya hindi masamang matuto.
Ang mga kotseng umaandar ay may iba’t ibang destinasyon, parang buhay natin at mga pangarap na gustong maabot.
Uy kaibigan, nais mo ba akong samahan sa paborito nating tagpuan? Sakay sa kotse na iyong naiwan.
Insan, kamusta na? Tagal na nung huli nating nagkita, gusto ko na ulit makipag karera sayong bisikleta.
Lola! Yung mga daan papuntang Dita ay hindi ko pa rin nalilimutan.
Kahit saan man dalhin ng mga paa, mapa Calamba o Laguna o Batangas o Quezon, patuloy pa rin ang pag ikot ng gulong—katulad ng buhay na patuloy pa ring iikot sa mundo.
Kahit saan pa dalhin ng drayber ang parsel mo, mapa Luzon o Visayas o Mindanao, uuwi pa rin iyan sayo—katulad ng buhay na kahit pawala-wala ka sa linya, ibabalik ka pa rin kung saan ka nagsimula.
Magkakaroon man ng bagyo o bungguan ng mga kotse o mga nakawalang alaga sa kamalig na nagkalat sa kalsada—hihinto at hihinto ka, babalik at babalik ka, kung ayon talaga ang iyong tadhana, sundin mo na at bumalik sa iyong kalsada.
Puno, ang makikita sa tabi ng kalsada, magandang tanawin at maginhawa.
Puno, kapag puno na naman ng sasakyan ang daanan, nakakapuno na ng pasensiya.
Mahal, ang gasolina kaya kahit gaano pa kaganda ang mga puno na makikita sa labas ng ating sasakyan, huwag na muna tayong gumala at magtipid ng pera.
Mahal, mahal ko pa ang buhay ko—pero mas mahal ko ang pera na nagagastos ko kapag dumadaan sa kalsada at nag-aabot ng bayad sa kutsero.
Magkatulad ba ang buhay ko sa kalsada? Kung paano tumatakbo ang gulong at umaandar ang kotse? Siguro.
Magkatulad sila sa paraan na patuloy lang na umiikot ang buhay ko sa mundong ito habang patuloy ring umaandar ang tadhana.
Parehas ba kung luminaw ang mga ilaw trapiko at buhay ko? Hindi ko alam.
Ngunit sa totoo lang, ang buhay ko talaga ay parang kalsada.
Tuwid ito, hindi ba? Ako rin. Minsan magulo, hindi ba? Ako rin.
O kaya naman ay madalas maingay at madalas din namang tahimik—Ako rin.
At higit sa lahat, Maganda ba ang kalsada? Maganda ba ako?
Oo, tama. Maganda nga.
Tumblr media
0 notes
marinoblog · 2 years ago
Text
11/14/2022
Usually kapag may nangyayaring hindi katanggap tanggap, kapag may nangyayaring masakit para sakin ay hindi ko tlga nalilimutan hanggan sa pag tulog, un ung umiikot ikot sa isip ko, hanggan minsan umiiyak nlng ako habang nagdaradal.
Pero kanina. Nataasan ako ng boses ni Sir Butch. Kasi may magpapa ID sana kahit hindi enrolled. Eh wala tlga syang mga subjects. Kaya nag isip isip akoo hanggan sa tinanong ko nlng sina Sir Butch kung pwede mag print kahit officially enrolled ung nasa record pero walang subjects. Eh pag tanong koo. Tumaas ang boses. Ssbi eh nakita mo na walang subject, edi hundi yan enroll. Lumapit sya at sinabi eh nakita mo na walang subjects. Sabi ko naman "Tinanong ko lang, bago i print kasi officially enrolled ung nakalagay". At yun hindi nakakuha nang ID yung lalakii.. Sumama tlaga pakiramdam koo kasi nagtanong lang nmn akoo pero bakit nagalit syaa.. at yun pag lipas ng ilang minuto.. nag salita si Sir. Ganito kasi yun yung nakalagay na officially  Enrolled. Bug kasi yan ng system.. "pasencia na kung napagtaasan kita ng boses, sila ung inaano ko dun.. pero good thing na nagtanong ka bago nag print." This time narealise ko na dapat pala nag hihingi tayo ng patawad sa bawat taong nasasaktan natin ng sa ganon hindi sila magtatanim ng sama ng loob.. good thing at ng reachout sya sakin kasi kung magkagayon ang sama sana ng pakiramdam ko ngayonn ang tagal ko pa nmn maka move on 😃
0 notes
li-ttlelife · 8 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media
they do really grow up so fast
Tumblr media Tumblr media
i really miss my 2 not so little brothers, some y'all know na eversince na lumabas sila I've always given a responsibility na dapat ako mag babamtay skanila, ako ang bahala sakanila and all, nung una its frustrating kasi why? hindj ko ma enjoy ung pagiging bata ko kasi dapat ako lagi bahala saknila. but u know, habang natagal nasasanay na rin ako. minsan pah mag overnight sa iba, hesitant pako kasi iniisip.ko pano tong mga kapatid mo walang kasama. I feel like dapat dependent sila sakin kasi mga bata pa and kuya nila ko. pero nalilimutan ko rin minsan na lumalaki na pala sila. may mga bagay na nag babago, di na sila kasimg sweet numg dati, may mga bagay na silang gusto. and i think di ko naman mapipigilan yun.
Strict lmg ako saknila minsan, pag napupuno na talaga ako sa kakulitan nila hahaha, pero super spoiled nila sakin. I wanna make them feel/have the things na hindj na nakukuha b4 (not blaming my paremts tho), pero ayun as the eldest child, gusto ko ma experience nila ung mga bagay na gusto ko b4 na hindi ko na experience. AND I WOULD REALLY DO EVERYTHING PARA SAMGA KAPATID KO (ket kina meg at angeli)
i sound like a parent here, tho totoo naman. ako ung naging 2nd parent ng mga kapatid ko. as my mommy used say "KuTaNay" Kuya na Tatay na Nanay.
0 notes
ugh-tsumu · 4 years ago
Text
HAIKYUU BOYS AS A PARENT: Preparing your school lunch (Filo)
-> characters. Sugawara, Hinata, Ushijima, Kuroo, Bokuto, Akaashi, Oikawa, Kageyama, Tsukishima, Osamu, Daichi
-> gen. taglist. @kirakirasaku @nakizumie @mirakeul @gayerthanthee
-> a/n. MY FATHER PREPARES MY LUNCH SHUT UP ;-; DO NOT START W/ 'MOTHERS SHOULD PREPARE YOUR LUNCH' SHIT. My Father is d best cook ;-; I don't cook kaya siya nagluluto kasi ayaw niyang lagi akong kumakain sa mga karinderya LOL
Tumblr media
SUGAWARA KŌSHI
Honestly, tamad.
Watch him just cook you hotdog or nuggets
Either hotdog, nuggets, scrambled eggs ganun
yung pANG AGAHAN 👁️👄👁️
Tapos sa ugly ass tupperware lang ilalagay
Yung yung yung oblong na tupperware tapos yung kutsara at tinidor nasa cellophane lang. ;-;
tapos minsan nabubutas pa <///3
MINSAN NALILIMUTAN PA ANG KUTSARA AT TINIDOR
Saan ka kukuha ng kutsara at tinidor sist ;-;
HINATA SHOYŌ
Adorable father ;-;
wants the best food for u
the problem nga lang, ang pANGIT NIYA MAGLUTO
The type of father who likes to watch cooking videos and he's all like "Nak, gusto mo ganito lunch mo bukas?" *Shows a Japanese bento with all the cute shit*
Also Hinata the next day: mabantot na itlog tapos sobrang asin tapos parang kinatay rice mo dahil sa ketchup :'))))
USHIJIMA WAKATOSHI
Health is wealth anak :'))))
Madalas gulay ulam mo <///3
Kung hindi ulam, isda <///3
PAIN (well for me. I'm a carnivore lol)
"pa, healthy din naman if karne 🥺"
Ushijima: Okay
Also Ushijima the next day: *sinabawang karne kaya pagtingin mo sa bag mo, basa na ng sabaw :'))))*
AKAASHI KEIJI
A E S T H E T I C
The Japanese bento shit Hinata was trying to pull
maraming side dishes tapos complete with fruits, dessert, chocolates GANON 🥺
ANG CUTE PA NG LUNCHBOX 🤲
Tapos if he has the time, he'd make you iced coffee or chocolate or tea <3333
kung walang time, C2 nalang muna or Chuckie ganon
YOU'RE LITERALLY A BABY AT THIS POINT SANA ALL 😭
BOKUTO KOTARŌ
LISTEN....
This is based from my friend's lunch one time
NILAGAY NI BO ANG LUNCH MO SA BASO :')))))
Pota uu baso po <3333
ikaw: Pa, bakit sa baso?
Bo: Sorry, nak, naubusan ng tupperware ;-;
ikaw: 👁️👄👁️
Tapos di pa makabawi sa ulam kasi yung ulam mo sa agahan, yun lang din ulam sa lunch mo <333
okay lang, it's the tot that counts <333
KAGEYAMA TOBIO
Ahhhh di masyadong magaling magluto
This is always the combo: canned good + boiled egg
Kags: Nak, anong gusto mo ngayon? Century Tuna or San Marino?
Ikaw: gusto ko ng karne
Kags:
Kags: Okay, Century Tuna ka ngayon
Masarap naman kaso nga lang
Siyempre isang linggo kang canned good sino di mauumay? ;-;
samahan mo pa ng boiled egg na mapapachoke ko sa tuyo <333
KUROO TETSURŌ
HAHAHAHHA ULOL PARANG SI HINATA TO
"Nak, may nahanap akong recipe sa Facebook. 'Yun babaunin mo bukas."
The food: *sinabawang isda na may itlog* <- DON'T START WITH ME, PINAKAIN TO NI PAPA SA AKIN TAPOS DI KO ALAM ANONG SASABIHIN
Basta!!! Ginawang experiment baon mo kaya di mo gets
Yung gutom na gutom ka kasi last class niyo PE, tapos ulam na nasa lunchbox mo is sinabawang hotdog :'))))
TSUKISHIMA KEI
LMAO he's not cooking
He's giving you the cash, love
"Heto, baon mo ngayon" *drops 300*
Kung good mood, 350
OIKAWA TŌHRU
Yamanin na Daddy 🤲
madalas late nagigising tapos may trabaho pa so it's always like Tsukki
"Nak, eto oh. Sa Jollibee ka nalang mag-lunch mamaya or McDo. Kung saan mas convenient."
If he cooks, sobrang Westernized naman
Like burger, french fries, melkti, prootas HAHAHAHAHAHHA
OSAMU MIYA
AHHH THE KING 🤲🤲🤲
SOBRANG SARAP NG LUNCH MO ;-;
Like like like like prinitong bluefish tuna <333
smoked bacon
medium rare steak with mashed potatos at the side, garnished with caramelized onion sauce
SHET MAMI
pinagpiyepiyestahan ng barkada mo ulam mo kasi ALWAYS masarap
minsan may desert pa yan like leche flan
PAANO? NASINGIT? SI LECHE FLAN? SA TUPPERWARE?
SAWAMURA DAICHI
HEAVY SHIT
Aakalain mong nagfefeeding program ka sa dami ng kanin, karne, whatever
yung rice mo pang tatlong tao amen
minsan mas marami pa kanin kesa sa ulam kaya binibigay mo sa friends mo
TAPOS ALWAYS TUBIG PARES NIYAN kasi water is life
312 notes · View notes