#matakot nalang HAHAHAHAHA
Explore tagged Tumblr posts
Text
i cannot stop saying #danas, pup is engraved into my mind
0 notes
Text
Day 2. Face your fears.
March 14, 2018
Usually, after ng breakup may pag-deactivate ng mga social media accounts. Feeling isolated ang peg. Emo emohan. Gustong lumayo sa magulong mundo pansamantala. Gustong iwasan si EX. Gustong iwasan lahat ng tao na related kay ex.
Ginawa ko to days after the breakup. Gusto daw niya kasi ng katahimikan. So, deactivate ako ng original account ko. Nag-stay ako sa dummy account ko for almost a month. Pero may times na inoopen ko din yun original account ko. May time pa na pinapalitan ko sa mga close friends ko yung password ko para lang hindi ko ma-open talaga. (Wag tanga, pwede ka mag forgot password anytime. hahahahaha) So ayun, kahapon. I chose to move on.
Today, I choose to face my fears.
Simulan muna natin sa tanong na “Bakit ba ako nagdeactivate?”.
Para iwasan siya. Para hindi ko siya makitang online at para hindi ko masilayan kung paano niya ako i-ignore araw araw. Para maiwasan yung sakit. Para maiwasan ko yung pag-iisip ko na, “Siguro may ka-chat na siyang iba”.
Toxic. Sobrang toxic sa social media. Yung mga posts/threads about successful relationships, failed relationships, how should a man treat his girl, how to move on, how to be bitter, how to know your worth, etc. May dummy account ako na may 10 friends. Close friends ko lang . Sa account ko na yun, naka LIKE lang ako sa mga importanteng bagay, most likely Government pages. Walang toxic.
Para hindi niya ako ma-unfriend. HAHAHA ito yung nakakatawang dahilan. Ngayon nga tinatawanan ko nalang. HAHAHAHA
Kahapon, when I decided to move on, may biglang pumasok sa isip ko.
Dito pumasok yung tanong na, “Bakit ba ako umiiwas/nagtatago?”.
Natatakot akong makita na may ipapalit na siya agad sa akin.
Nasasaktan ako sa katotohanang hindi na ako ang nagpapangiti sa kanya.
Natatakot akong mas magalit siya sa akin kapag nakita niya akong online.
Ngayon, isa-isahin natin.
Natatakot akong makita na may ipapalit na siya agad sa akin.
Bakit ka matatakot na makita mong may ipapalit na siya agad sayo? Wake up. Una, kapag ginawa niya yun, mas pinatunayan niya lang na hindi ganun kalalim yung pagmamahal niya sayo. Kasi humanap siya agad ng ipapalit sayo. Pangalawa, mas matapang ka sa kanya dahil kinakaya mong harapin ang buhay ng mag-isa after the breakup, walang pamalit, walang panlibang. Not jumping into a relationship again. Oo, okay na may nakakausap kang iba, may nakikilalang iba. Pero sa sitwasyon ko, kailangan ko muna mag focus sa sarili ko. Hindi ko kailangan ng affirmation mula sa ibang tao. Kailangan ko muna makuntento sa nasa paligid ko, bago ako magpapasok ng bago. Why? Kasi this is the same mistake I have been doing for that past years. After rejection, hanap ng iba. For what? To gain confidence. Babae ako eh. I need compliments to affirm my beauty. Pero mali kasi ako dun. I have to see myself as someone worthy. Hindi ko kailangan ng maraming manliligaw/ka-fling para masabi na maganda ako. Dito papasok yung INSECURITY ISSUES. Yes, I have insecurities. Sobrang dami. Kung may ipalit siya agad sakin, so what db? Mas maganda, eh ano? Mas sexy, pake ko? (Bitter pakinggan db? HAHAHA kailangan daw yun) Hindi ko kailangan matakot na may ipalit siya sakin agad. Hindi ko ikinapanget yun. I have to instill in my mind na I AM WORTH IT. He’s just not man enough to face how worthy I am. OMG!!! Did I just say that??? HAHAHA funny enough… look at this…
I wrote something for him last year entitled “Google ♥” (sa Memo app ng phone ko. HAHA) I never posted it. I never make him read it. Natawa ako upon stumbling with this idea. Exactly a year ago, I decided that he is enough for me. That he, completes me. Naalala ko tuloy yung quote from The Perks of being a Wallflower, “We accept the love we think we deserve”. A person should never be the source of your happiness. Dito ako nagkamali, Just the thought that he completes me, very wrong na ko dun. I should make myself happy. My happiness should come from myself. CONTENTMENT ika nga. Hindi ko na pahahabain pa to. AKO MUNA. ♥
Teka, hindi pa tapos. HAHAHAHAHA may dalawa pa.
Nasasaktan ako sa katotohanang hindi na ako ang nagpapangiti sa kanya.
Bakit ako masasaktan kung may iba nang dahilan ng pag-ngiti niya? Kailangan kong tanggapin na hindi lang ako ang tao sa mundo. Na hindi lang ako ang pwedeng makapag pasaya sa kanya. Binulag ko kasi yung sarili ko nung mahalin ko siya, inisip kong siya nalang yung source of happiness ko. Since then, gusto ko ako nalang din ang makakapag pasaya sa kanya. MALI. VERY WRONG. Ilan na nga ba ang tao sa mundo? Sabi ni Google, as of 2017, 7,550,262,101. Sa dami niyan, ako nalang dapat ang makapag pasaya sa kanya? NO. Madami pang iba. Kaya nga may free will tayo. WE MAKE CHOICES. At choice natin kung sino o ano ba ang makakapag pasaya sa sarili natin. So, bakit ako matatakot kung may nagpapangiti na sa kanyang iba? Oo. Napakaganda ng ngiti mo. Naipagsulat pa nga kita ng “Dangerous Smile - June 10, 2017″. Pero hindi lang ikaw ang may magandang ngiti. Maganda rin yung ngiti ko pag totoo. (Resting bitch face kasi ako. HAHAHA) So asan na nga ba ako? Bakit ako matatakot? WALA AKONG DAPAT IKATAKOT. All caps para intense! hahaha Magiging masaya nalang ako sa katotohanang, minsan ako ang dahilan ng magandang ngiti niya. And I should be proud of it! I made someone smile/happy. And would be thanking him, dahil minsan sa buhay ko, siya ang naging dahilan ng pag-ngiti ko. :)
Eto na yung huli.
Natatakot akong mas magalit siya sa akin kapag nakita niya akong online.
Dito, natatawa na lang ako. HAHAHAHAHAHAHAHA Isa pa. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA Bakit ako matatakot na magalit siya? Wala akong dapat ikatakot. Hindi niya pag-aari ang Facebook. Nandoon ang mga friends ko, toxic man o hindi. Nandoon ang family ko. Kaya wala akong dapat ikatakot. Kung magalit siya at nakita niya kong online, edi i-block na niya ako db? Facebook ko yun. I have all the rights to use it. At hindi ako dapat matakot. Face your fears nga eh. :)
So, to sum this up.
Hindi ako dapat matakot sa kanya. Darating yung araw that I have to face him. Baka makasalubong ko sa mall or whatever. Kailangan kong masanay sa fact na WALA NA KAMI. Na hindi ko siya kailangan iwasan.
Wag kayo mag deactivate. May good side and bad side yun. Pero in the end kasi, kailangan mo lang talaga silang harapin. :)
PS. BF, thank you for making my 2017 memorable. ♥
<<PREVIOUS: DAY 1.
>>NEXT: DAY 3.
3 notes
·
View notes
Text
“Kung hindi ka magiging ready, ngayon kelan pa?”
My few closest friends know how scared I am to be in a relationship. I’m already 22 (turning 23 this November!), but I never had a boyfriend yet. I’m not a lesbian, okay?? I have a handful of male crushes. It’s just that I’m scared to admit my feelings or make first moves. Hindi naman sa pag-iinarte or anything, I just have this weird thought that if I admitted my feelings and the guy tells me he likes me back, it will only be because he knows I’m into him, which is a big-no because I don’t want to be liked like that. So naah, I’d rather keep it. BUT kids, I’m telling you, based on experience ‘to, (1) the more you keep it to yourself, the deeper it gets. So please, tell people. Mahirap kumawala kapag malalim na pinaghuhugutan, trust me. (2) If you think he’s worth it, stop being scared, go and tell him! There is this guy I really like that I work with, but I’m so scared to admit (todo deny + inarte pa ko ng bongga) because I don’t want things to be awkward, but I really, as in REALLY like him, and guess what, may girlfriend na sya. So yup, iyak ako ng slight hahahahaha! My friend/officemate told me nga; “Ayan, pinu-push ka na nga dati, pabebe ka pa kasi.” Promise, next time hindi na po, haharot na talaga ako, but since may girlfriend na sya, hanap nalang ako ng ibang target. (pero sya po uxtoh ko ihhh) haha jk! But we’re good friends naman, and I don’t think he’ll like me that way, it hurts (A LOT) pero wala ganun talaga ang life hahahaha!
Pero yun na nga, I’m so scared to be in a relationship. But don’t get me wrong, okay? I love the idea of being in love. (and duhh, Scorpio kaya zodiac sign ko, we’re known to be ‘romantics’) I crave affection, hugs, and all those clingy stuff people do. (and girl, I’m one of the clingiest person, you’ll know) I want late night talks, movie dates, and the idea of just hanging out with the person I love. But I think I’m just scared to fall for the wrong person. I am the type of person pa naman who loves too deep, yung tipong I’m willing to give everything na for the sake to love. But what if, a love as deep as that, sa maling tao ko maibigay? Kaya minsan, hindi ko rin masisi sarili ko for being so guarded, kasi nowadays, ang hirap na i-measure ng sincerity ng isang tao. Most of the time, I’m even using my parents as an excuse. “Strict yung parents ko,” or “wait ask ko muna.” But in reality, they’re letting me have a boyfriend na. There were nights pa nga na iiyak ako kasi gusto ko ng constant pero takot naman akong ma-attach. O diba ang gulo ng utak ko? Sasabihin ko pa; “darating din ako dun.” But deep inside, mapapatanong ka nalang sa sarili mo; “hanggang kelan ko sasabihin yung excuses na ‘to, when will i brave enough to break my own walls?”
Idagdag mo pa yung anxiety ko, that I will never be good enough for the person I like. That I’m too annoying, too clingy, and too emotional, my voice is too pitchy, I’m too sensitive and I cry, a lot. I love too much, care too much, and get attached too easily. Would anyone be sane enough to handle that? I’m scared that if I let my guards down, I will be left broken. I’m so scared of getting hurt that I’m stopping myself to open up and let people in. Naalala ko pa during our retreat, there’s this part where you’ll tell people things you want to tell them, and yung isa kong blockmate sabi nya sakin (lol I will never forget this one); “Alam mo, Faith, sobrang fragile, sobrang soft-hearted mo. Ikaw yung babae na nakakatakot ma-in love sa maling tao, kasi baka paikutin ka lang. Usually yung mga ganyan, sila yung binabago ng break-ups. Sana wag mong hayaang mangyari yun sayo. Sana mapunta ka sa taong aalagaan ka sa way na deserve mo.” See, even other people notices, and kaya rin siguro I’m so guarded, kasi syempre kilala ko naman sarili ko. I know what I’m capable of. I know yung extent ng mga bagay na willing akong gawin para sa isang tao. Pero sabi nga ni ate Jenna, “bata ka pa, wag kang matakot kasi pag nag-look back ka, baka magsisi ka bakit hindi mo nagawa or na-experience yung isang bagay. As an ate mo, syempre disagree ako kasi alam kong masasaktan ka, pero kung gusto mo, go lang. Wag kang matakot kasi part ng buhay yung masasaktan ka.”
And siguro, those were the reasons why I’m making lots of excuse in terms of love. Maybe, that’s why I don’t like making the first move, or I’m scared to tell people my feelings. And with all honesty, medyo nasa-sad ako. (nope, not medyo, super!) Kasi alam mo yung feeling na at the end of the day, pag sad ka and you want someone to talk to, mapapaisip ka nalang; “ay wala nga pala kong constant, sino ba pwede makausap.” Or when something good or funny happened and you want to share it someone, wala kang maisip na pwedeng pagsabihan na willing makinig. Don’t get me wrong, okay? Independent akong tao. I prefer doing things on my own, pero kasi minsan talaga fed up na ko sa idea na ako lang. Almost lahat ng friends ko, may boyfriend/girlfriend, even yung best friends ko na sobrang constant ko (hello, Charm and Frauline!!!), same month sila nagka-boyfriend. So imagine how devastated I was nung time na yun na maiwan mag-isa. Sabi nga ni Charm sakin (with exact words! haha) “besh, wag kasi puro tingin lang, konting harot din.” Okay, noted po hahahaha!
And so I think it’s time to be brave. It’s time to teach myself to open up to people and let them in. Starting today, I won’t be so scared anymore, kasi kung hindi ko sisimulan ngayon, kelan pa?
Btw, this is so random, no? Si Geanne talaga may kasalanan nito, sabi nya kasi, “Faith, ang tanda na natin hindi pa tayo nagkaka-boyfriend. Pag wala pa tayong naging jowa dito sa FactSet, lipat na tayo ng company next year.” Hahahaha! Though I know naman, nag-joke lang sya, but if ever seryoso man sya dito, sasama nalang ako. Okaayy, universe! May one year ka pa para bigyan kami ng jowa bago namin mapag-isipang iwan si FactSet! hahahaha jk!
0 notes
Text
It’s not always rainbows and butterflies
Hello! Hayyyyyyyy ayoko na talaga gumawa neto, iiyak na naman kasi tayo hahahahaha pero ano ba, last na naman. Sorry, humirit pa ng last e hahaha. Pagbigyan mo na.
We’re full of ‘sorry’ and ‘thank you’ already. So ayaw ko na magpaulit ulit. I just want to tell you then how grateful I am sa lahat ng nangyari satin. Know that I’ll always treasure everything between us. From big things, and most importantly the small things. Ewan ko ha, pero personally, mas tumatatak sakin yung mga little things natin. Like how I often joke na magpapalibre ako sa’yo sa mamahaling restaurant na yung soup pa lang tig P500 na once na maging engineer kana. Maging yung pangongonsensya ko sa’yo tuwing nangangati kang bumili ng bagong skin. Pati na din yung ‘ha? hotdog, ha? halabyu’ ko sa’yo hahahahaha natatandaan ko pa din lahat. Even yung first time natin magkita nun sa Magnolia na sobrang pa hard to get mo pa bago magpakita. Akala ko magiging awkward non, pero hindi. Buti nalang madaldal ako. Nilibot lang natin yung buong mall non tas di pa makapag decide saan kakain, na nauwi nalang sa sbarro. Na di pa din natin naubos kaya pina-take out ko nalang sa’yo. Pero in fairness ha, poging pogi naman ako sa’yo non. Jackpot! HAHAHAHAHAHA joke. Sorry puro na kalokohan na nasabi ko dito. Pero yun nga. Lahat tanda ko pa. Lalo yung concert huhuhuhu kamiss. My point is, I remember and will remember everything, every single thing Enzo. Every. Single. Thing. About. You.
There’s so much memories to treasure. Sa loob ng 6 months na magkakilala tayo, sa loob ng 2 months na nakilala pa natin yung isa’t isa personally, ang dami Enzo. Pero kahit gaano pa karami yun, kulang pa din. I still want to make a lot of memories with you pero ano na nga ba. Hayyyyyyyy bat naman kasi ganito. Ang sakit. Di ko maimagine na wala ka. Nasanay na kasi akong nandyan ka. :((
Alam mo, umikot yung mundo ko sa’yo. Sa loob ng anim na buwan, ikaw yung naging mundo ko. Pagkagising sa umaga, ikaw agad yung una kong naaalala. Ayan na yung kukunin ko na yung phone ko at imemessage ka ng isang sweet na “Good morning!” Tapos may emoji pang heart heart yan o kaya kiss. Tapos kapag papunta na kong trabaho, “Uy pa work na ko ha. Ingat ka pa-school. Pagbutihan mo Enzo! Mag-aral ka mabuti.” with smiley pa yan. Kaya hindi ko maimagine ano ng gagawin kong ngayong mawawala kana. Ikaw yung mundo ko eh. Ewan ko ba, bat ganun ako magmahal. Ginagawa kong mundo yung dapat tao lang. Ako kasi siguro yung klase ng tao na kung magmahal, todo, sagad, lahat handang ibigay. Kaya nga siguro kaya kitang palayain kahit masakit, kahit ikaw yung mundo ko, kasi alam ko na yun yung mas makakabuti satin, sa’yo. Ikaw na rin naman ang nagsabi. Ganito kasi ako magmahal Enzo, hindi makasarili.
But if you only knew how much I’m holding myself asking and almost begging you to “Please, ipaglaban mo naman ako. Please, subukan pa natin. Please wag mo ko sukuan kasi please lang, di ko kaya” Ang sakit sakit Enzo. Pangiti ngiti lang ako pero syet, dying inside na yan hahahahaha. Pero at the end of the day, naisip ko na wala na din namang sense makipag bargain kasi alam ko namang hindi mo din naman ‘to ginusto, na parehas lang din naman tayong talo dito. Na walang panalo kasi parehas lang naman tayong nasasaktan. Kaya tinanggap ko nalang din. Kasi ano bang magagawa ko diba?
Ganun talaga siguro yung love no? It’s a mixture of happiness and pain and everything in between. It’s not always rainbows and butterflies. Hindi pwede yung puro happy lang, kasi hindi natin maaappreciate yung saya kung hindi natin mararanasan yung masaktan diba? Pero kahit ganun pa man, kahit sobra akong nasasaktan ngayon, sobrang saya ko pa din. Because I am so grateful for everything we had. Although it didn’t last that long, sapat na siguro yung naging masaya tayo kahit sa maikling panahon. A little is better than nothing, ika nga nila.
Enzo, mahal na mahal kita. Lagi mo yun tatandaan ha? Hindi ito magiging madali sa’yo, lalo sa akin. Pero kahit ano pang mangyari, wag na wag mong kakalimutan na mahal kita. Kahit na hindi na tayo ganun mag uusap tulad ng dati, hindi naman magbabago yung pagtingin ko sa’yo. Mula ngayon, maraming ng magbabago, pero lagi mong tatandaan na hindi magbabago yung pagmamahal ko sa’yo. Mahal kita Enzo, mahal na mahal.
Sa darating na bagong taon, I mean ngayon na, 2019, hiling ko na maging matatag ang bawat isa sa atin. Masakit, oo. Pero kakayanin natin ‘to Enzo. Maging masaya ka, kahit hindi na sa piling ko. Maging matagumpay ka, lagi lang akong susuporta sa’yo. Maging matibay ka, dahil magpapakatatag din ako para sa’yo.
Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita Enzo. Dami nun ha? I love you future engineer ko, ang Mr. Pisces ko, at ang nag iisa kong bb Enzo. I love you so much. Sana mapagbigyan ulit ng tadhana na mag krus ang mga landas nating dalawa sa ibang pagkakataon, yung wala ng ganung problema at distansyang mamamagitan, yung okay na yung lahat. Sarap siguro nun. Pero kung mapagbigyan man o hindi, masaya na ko na nakilala kita at naging parte ako ng buhay mo Enzo. It was a blessing meeting you. I am lost, hanggang sa nakita ko yung sarili ko sa’yo.
Salamat ha? Salamat Enzo. Alam mo sa totoo lang, hindi sapat yung salitang salamat pero yun lang yung alam kong salita na makakapaglarawan kung gaano ako ka-thankful sa’yo. Kaya salamat. Salamat sa lahat. You made my 2018. YOU ARE MY 2018!
From ‘hi, hello! asl?’ to ‘I love you, mamimiss kita’ real quick. Sobrang dami ng nangyari sa loob ng anim na buwan. You completed and made my 2018 Enzo. Kaya sana this 2019, lets make our new year even greater. We don’t know what 2019 is holding for us the same way 2018 made a big plot twist for both of us. Kaya sana wag kana masyado malungkot ha? Huwag ka din matakot magmahal ulit, kahit hindi na sa akin. Dahil tulad ng sinabi ko, basta may pagkakataon kang maging masaya, kahit hindi na sa akin, grab mo na agad at wag mo na sana pakawalan. Kasi isa ako sa mga taong magiging masaya kapag nalaman kong masaya ka. Partner pa din tayo, in a sense na susuportahan kita sa lahat as long as alam kong tama at mapapabuti ka.
Ayoko na nga, nagra-rumble rumble na yung mga salita sa utak ko, di ko na malagay in a complete thought. Ang sakit kasi e hahahaha di na makapag type ng ayos though madami pa kong gustong sabihin, pero alam ko namang alam mo na yung mga gusto kong sabihin. Kasi nagkakaintindihan naman tayo eh. *wink*
Basta ha, mahal na mahal kita Enzo. Kahit ano mangyari, lagi mo yun iisipin ha? Pag nakalimutan mo, basahin mo ulit ’tong blog na ’to, kasi para lang sa’yo ‘to e, para kay Enzo. Para maalala mo kung gaano kita kamahal.
I love you Enzo. Mahal na mahal kita. Until our paths cross again. So long, farewell. :)
Happy New Year
0 notes
Text
June 14
I know right now nasasakal ka na sa mga ginagawa ko. Lately lagi nalang tsyo magkasama since nung grumaduate ako. I did my part lang nung nagaaral ka pa. To make you’re safe and walang proproblemahin. And alam ko may hangganan yun kasi matatapos din ang school year mo. And d ko na magagawa un next time. Sinulit ko nalang. You told me na papasama ka sa la salle para iprocess ang graduation mo. Sinabi ko last na muna talaga to. Ayaw ko na araw arawin. Ayaw ko magsawa ka saakin. For the last time natapos natin ang graduation mo. Wala ka ng iisipin and i did my part also. Iniiwasan ko lang na magkaroon ka ng hassle. Sabi ko after neto gawin ko naman ang sarili ko. Tapusin ko muna duty ko and ill do my review also. Pero didnt expect na makakapunta ako sa inyo nung friday. Ayaw ko kasi na lumala ang sakit mo. Siguro dahil sa mga napagaralan ko kaya concerned na concern ako. Takot ako na lumala ang nararamdaman mo. Sabi ko ulit last na talaga to. Madalhan lang kita ng pagkain at gamot uuwi na agad ako. D rin naasahan ang ngyari nung kinagabihan at pati ang knabukasan nun. And nararamdaman ko n ito na ata ang hudyat na sarili ko din naman ang intindihin ko. I chose my course hindi lang sa pansarili ko pati nadin sa family ko at sa magiging pamilya ko. I will become a father soon. I will start learning on things to nurture my own family. Gagawin ko ang mga bagay na hindi nagaa ng family ko. And hinding hindi ko gagawin ang mga mali na nagawa ng family mo. And same as you. Alam ko ganun din ang thinking mo. Ayaw mo matulad ang anak mo sa mga nangyari sayo. Yan ang nabobother sa sarili ko . Gusto ko mag simula ng pamilya na magkasama buo sng pamilya natin. Sa ngsyon Oo sobrang aga pa nga na magsettle down. But i know may pinanghahawakan akong assurance na we will be together soon. And first of all lagi si God ang center ng buhay natin. Para malayo sa temptasyon at problema.
I know na bobother ka sa mga sinasabi ko o pinapakita ko na ayaw ko umalis ka sa tabi ko o dito sa Pilipinas. Matagal na akong payag na kahit umabroad ka okay lang saakin. Kahit labag to sa kalooban ko kasi mawawalay ako sayo . Okay lang saakin . In the first place ayaw ko humadlang sa mga goals mo . Sa mga plano mo . Somehow tinake advantage ko lang yung mga words na sinabi ni tita. Umaasa na magkaroon pa ng chances kahit sa Pilipinas ka lang. I tried lang naman. I don’t know kung ano ang outcome kung positive man o negative. I should take it.
I have this weakness of myself. Lahat ng mga tao iniiwan ako. Lumalayo saakin. Tulad ng parents ko . Family ko. Also mga friends ko. Im tired of being alone in this world. Siguro nga ang kinalakihan ko is sobrang boring and ganon ang mga ngyayare. Introvert. Nagiisa. Pero sinanay ko na sarili ko. At binago ko na ang ugali kong yun.
Nung May, pinagisipan ko talaga dati. When you are in abroad na. I know for myself im still be consistent to you. Parehas naman tayo ng plano sa huli. And yun nalang ang panghahawakan ko sa huli habang nasa malayo ka. Gagawin ko nalang inspirasyon para magawa ko din ang mga plano ko habang ginagawa mo ang iyo. Alam ko magkakatagpo lang din naman tayo sa dulo.
5years or more. Maybe this time its a hard time to think. Kung gaano ka tagal na challenge ito. Pero this is not a game. Its about love, loyalty and consistency. Dito naman din masusukat sa isat isa. Kong gaano tayo ka totoo sa isat isa na handang maglaan ng oras o panahon kahit gaano katagal. Mahal padin natin ang isat isa. Hindi ako naniniwala sa destiny at tandhana. Nasa tao lang talaga kung tapat ka at totoo. Nagtatagal talaga.
Minsan naiisip ko lang mga plano natin and I know matutupad natin yun isat isa. Yung mga nakalagay na to do list mo . Dadagdagan natin yun at tutuparin isat isa.
Im always here to support your dream. Wag ka lang mapagod at magsawa saakin. Mahal na mahal kita. Kahit ano man ang mangyari. I give you all my trust. And I love you always and always and always.
Soon mahahanap mo din ang sarili mo . And cant wait till it comes. Naeexcite na ako. Iloveyouu.
Please tanggalin natin ang awkwardness. Mas dapat maging mature tayo harapin ang mga problema natin. Mas dapat maging open lang sa isat isa. Wag matakot na magsabi. And first unawain lang lagi at gawing center si God sa lahat ng desisyon at bagay.
We start our phase in adulthood. Nagsisimula na tayo. And problems dadating yan. Lagpasan natin un isat isa. Para sa future natin. Unahin muna natin sarili natin. Hindi matagal yun. Kayang hintayin yun. Hahahahaha No problems can hinder us. I love you.
1 note
·
View note
Text
Hello.
I honestly don’t know where to start. I’ve been typing and deleting words for twenty minutes now. Sa dami ng sasabihin ko, hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Totoo nga, that the beginning is always the hardest.
I made this blog to tell you the things I’ve always wanted to tell you. Dito ko naisipan magpost para hindi ka na magreply, at hindi ka na rin mapahamak pa. Hmm, so where do I begin?
Siguro let’s start with the main reason why I’ve decided to write this. So here it goes..
Happiest birthday sa kapatid ni Ed Sheeran! Imagine mo nalang na kumakanta ako hahaha! I know things aren’t going well at this time. I admit na guilty ako kasi I know na may pagkakamali rin ako. Hindi ako tumupad sa usapan na hindi na muna tayo maguusap. Oo ginusto ko yun, pero hindi ko talaga inexpect na malaki yung magiging effect nun. And for that, I am truly sorry. Anak rin ako at alam ko yung pakiramdam if ever sakin mangyari to. I am aware of the current situation kasi sinabi sakin ng ex mo. The moment na nalaman ko yung mga nangyari, gusto ko na agad magsorry. Sorry for being selfish. Hindi ko inisip yung mga possible na consequences nung action na yun. Pero hindi ako nagsisisi na nagkausap tayo ng maayos nung time na yun. Hindi ako nagsisisi na kahit sobrang bilis lang, nagkita tayo. Kasi at that particular moment, that was exactly what I wanted.
Ang bigat kasi sa pakiramdam nung huli nating paguusap last monday, at gusto ko lang talaga ng huli at maayos na pagkikita before we part ways. I actually sent your mom a message because I wanted to come clean. I don’t want her to think na nakikipagusap ka pa rin talaga sakin after nung paguusap natin last monday. Hindi ko na inisip kung anong iisipin sakin ng ibang tao. Nung time na yun, mas importante sakin na maging okay na ulit kayo. Cause it broke my heart bigtime nung nalaman ko yung nangyari. I hate seeing my mom cry, and I’m sure you hate it as well.
Have I told you? Na kapag may napagdesisyonan akong gawin, nagpapagupit ako ng buhok. Last wednesday, may napagdesisyonan na ako. Sabi ko sa sarili ko, magfofocus muna ako sa studies ko and I will let you do your thing. Ang gagawin ko lang, magtitiwala sa kahit anong maging desisyon mo. Na iintindihin ko kahit ano pa man yan at panghahawakan ko na one day, magiging maayos din lahat. And up until now, I want you to know na paninindigan ko pa rin yung decision ko. Hahayaan kitang ayusin to. I won’t intervene with anything. This time, hihintayin ko na yung sinabi mong day na iaapproach mo na ako para sabihing okay na ang lahat.
I know this is getting out of hand. Pati mga magkakaibigan nagkakasiraan dahil sa pagtatanggol sa kanya kanyang kaibigan. Tapos yung sa inyo pa ni mama mo. This is not what I wanted. Hindi ko ginusto na magkasiraan ng relationships because of this. Simple lang yung gusto ko, pero ang complicated ng mga nangyayari ngayon. Siguro nga wrong timing lang talaga. God knows how much I’ve prayed na sana hindi nalang ganito yung situation. But I’m also a firm believer that everything happens for a reason. Na lahat ng ‘to may dahilan at hindi lang para sa wala.
I do believe that we didn’t meet by accident. Naniniwala ako na para satin yung thursday na yun. Alam ko yun kasi kung hindi dahil sa araw na yun, hindi ganito yung sitwasyon ngayon. Hindi man favorable yung mga nangyayari ngayon, naniniwala pa rin ako na may dahilan lahat ng ‘to. Everything happens for a reason. Let’s always remember that.
Closing time.
Every new beginning comes from some other beginning’s end.
I’ve always wondered kung ano ba talaga meaning ng song na yan.
Now I understand.
I just want to tell you na nandito lang ako. Hindi ako mawawala, pero hindi pa tayo pwedeng magsimula. Ayusin muna natin yung mga problema natin. Right now, mas importante na maging maayos ulit kayo ni mama mo. Mas importante na ma-earn mo yung trust niya. Wag mo akong intindihin kasi nandito lang naman ako. Walang magbabago. I would still be the same girl na jinoketime yung pangalan mo sa unang pagkikita palang. Yung maya maya ko, hindi pa rin magbabago meaning nun. Ako pa rin si Moana na kumakanta sa beach habang umiikot. Nothing will ever change. Ngingiti pa rin ako like I always do. Kaya please wag ka na magisip ng kung ano ano. Wag ka na matakot o kung ano man. Iintindihin ko kahit ano pang mangyari. Pag natapos na lahat ng ‘to, let’s begin again :)
Please know that I trust you. Hindi kita pagiisipan ng kahit anong masama. Tulungan pa rin tayo kahit anong mangyari. I will do my best para maging first honor DL pa rin next term, galingan mo din para cum laude ka na HAHAHAHAHAHAHA. I know we can do this. Nag-pinky promise ako sayo na kakayanin, kaya tutuparin ko yun. I’d still choose to wait for the right time under any circumstance. Kahit ano pa man ang mangyari, yun at yun parin ang magiging desisyon ko. Ni wala pang isang taon since we’ve met, and others may find it funny na ganito na agad tayo, pero I know my stand. Numbers lang yang time. Hindi naman yan yung basehan ng sincerity. As long as you’re clear with your intentions, alam mong may patutunguhan to. Yun ang paniniwala ko.
You are by far the best hello in my life. I will never regret saying the words, “Hello, moana nga pala” when we first met. Sobrang legendary hahahaha! I hope I somehow made you happy. It doesn’t end here. I won’t say goodbye kasi diba sabi mo nga,
Ang goodbye para lang yun sa mga naghihiwalay. (Cerelles, 2017)
Hahahaha! :) I really hope things get better soon. Wag tayo magmadali, marami namang time. Lahat ng drawing kukulayan natin sa tamang panahon. By that time, na-master ko na siguro yung pagkanta ng Dive hahaha! Asahan mo yan :)
Again, happiest birthday to you! Magcecelebrate ako with you pero dito lang ako sa bahay hahaha! Wag ka na masyadong magalala ha :) Always remember our battlecry! LET’S DO THIS!!! Hehe. Spend your day well with your loved ones. Ayoko na maging masyadong dramatic kasi baka mas humaba pa to HAHAHAHAHA! Aral mabuti ha. You will always be in my heart. Godbless you ❤
P.S. Magtweet ka ng anything related to this so I know kung nabasa mo na :) Enjoy your day birthday boy!!!
0 notes
Text
R E A L I Z E
Simula nung pumasok siya sa buhay ko aaminin ko ang laki ng pinagbago ko, yung mga ayaw kong gawin nagawa ko for example rides *nakakatakot kasi bes* pero sabi niya wag akong matakot kasi kasama ko naman siya, maghintay ng ilang oras *dati 5 mins palang nanggigigil na ko* pero ngayon okay lang ewan ko ba actually madami pa hindi lang yung ayaw kong gawin ang dami dami dami. Ang dami niyang pinarealize sakin nung kami pa ewan ko ba sa babaeng yun parang 50 years old na hahahahaha dejke ang dami niya kasing alam about life feeling ko mas madami siyang napagdaanan kesa sakin kahit magkasing edad lang kami isip bata kasi ako eh hays. Ang dami kong nalaman and narealize when it comes to entering or in a relationship hays the best siya!!! Para siyang lola na mama na ate na best friend na lahat na, yung care niya sobra mabuting kaibigan na anak na kapatid ganun lalo na yung pagmamahal niya. Yung kay mama dati sobrang naiinis talaga ako kay mama pero nabago yun kasi may mga pinarealize siya sakin and tama nga naman siya and because of her nakikinig na ako ewan ko ba hays. (Thank you ��) yes mahirap wala na eh, wala na kong pagsasabihan ng problems ko ng kalandian ko ng secret ko hahahahaha pwde pa naman kaso di na tulad ng dati and not now hahahaha nagmomove on siya ayokong nahihirapan siya ayoko 😊 ayokong dumagdag pa sa mga iniisip niya na nakakapag pabigat ng feelings niya ng damdamin *whoaa lalim lols* gusto ko chill lang relax lang happy happy lang hahaha. Gusto ko maging okay na lahat walang negatives, postive langs. Gusto ko enjoy lang, time is gold eh hindi natin alam diba hahahaha. Gusto ko happy lang even tho masakit mahirap ganun talaga pero keep going lang daw bata pa ako marami pa akong makikilala. May purpose si god kung bakit nangyayare samin to sa atin, i trust him! He keeps listen to me, he keeps guiding me and give me strength always! And most of all hindi niya ako iiwan, lahat tayo 😊 basta naniniwala ako power niya sa pagmamahal niya sakin sa family ko at yun yung dahilan kung bakit masaya ako ngayon dahil sa love niya 😍 . Ang dami kong experience, memories and natutunan na babaunin para maging mas mabuti pang tao. Thanks to god na ginamit/binigay niya si gen para marealize lahat *hindi pa lahat talaga* and to improve pa. And thank you din b, so much 😊😁. For now hmmm? Graduate muna and tulungan si mama *tama! yun muna* para samin din to. Hi b! Kung mabasa mo man to, sayo nalang ha? Alam ko may mga best friends ka hahahaha pero sayo nalang okeh? I want you to be happy yun yung gusto ko lagi diba? At lalo na ayoko ng away mabigat lang yun? Happy happy lang 😁. Gawin mo lahat ng magpapasaya sayo, masaya na ko. Makita lang kitang masaya, masaya na ako. I love you so much alam mo yan! And you're one of my bestfriend! I'll still care for you no matter what medj ancha ka din kasi minsan madalas ako hahahaha. Pero pray lang kay god may problema o wala, masaya o hindi. Trust him okay? 😊. May forever sakanya hahahaha. And im so proud of you ewan hahaha kasi you did the right thing! Okay narin to habang maaga pa. For our own good din naman diba? *tama ba grammar ko shemay nakakahiya ako, wells always naman* sabi ko nga may purpose lahat lahat lahat kung bakit nangyayari to 😊. Smile ka lang lagi ha? Makakamove on din tayo hahahahaha. Peace lang b ha? Oy b! Peace 😙. Bb parin kita (best buddy) 😍. Oh alam mo na? Hahahaha. Dito lang ako lagi makikinig, makikinig lang alam mo naman diba hahahahaha. Just call my name and i'll be there 🎤 hahahaha. Bye love 😊. Thank you for everything! And sorry narin sa lahat ng pain lahat lahat. Tama na nga ang drama na eh sobra na hahahaha. Imissyou! -bb (1517, 1150PM)
0 notes