#masakit tanggapin ang katotohanan
Explore tagged Tumblr posts
overcaffeinatedsoul · 9 months ago
Text
Kailangan mo tanggapin ang masakit na katotohanan na magkakaiba ang mga tao. Kung kaya ng iba, maaaring hindi mo kaya.
Pero may mga bagay rin na kaya mo pero hindi kaya ng iba.
58 notes · View notes
angiebites · 1 year ago
Text
Sinimulan ko sa pagbitaw.
Mahirap? “Oo, lalo kung minamahal mo ng sobra” Hindi mo na halos kilala yung sarili mo sa mga bagay na nagagawa mo dahil sakanya.
But at the end of the day, bigla mo nalang maiisip, at matatanong mo yung sarili mo kung “nasa tama pa ba ako?” Bakit ang bigat parin?
Kaya pala. Kaya pala ako nabibigatan kasi pilit kong inaahon ang ayaw mismong umahon. Kaya kahit anong hila ko, hindi na talaga, wala na talaga. Nakakalungkot pero kailangan kong tanggapin para makalaya na ko sa sakit na nararamdaman ko para sakanya. Kinumbinsi ko yung sarili kong maging matapang, dahil ito lang ang paraan para makawala ako sa ganitong bigat at sitwasyon. Kailangan kong simulan sa sarili ko.
Noong ako humingi ng katotohanan, pumabor man or hindi saakin ang mga sagot niya, maluwag sa loob kong tatanggapin lahat para wala na akong nararamdamang pagsisisi. Alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat. Binigay ko rin lahat lahat. Sapat na siguro ang limang buwan para bigyan siya ng pagkakataon itama at gawin kung ano sa tingin niya ang tama. Yung hope nawawala na at napapalitan na ng galit. Ayoko rin humantong ako sa bagay na di ko mapapatawad ang sarili ko. Gusto kong patayin sa isip ko yung mga bad thoughts na yun.
Mas pipiliin ko nalang lumayo at hanapin yung peace of mind ko, kaysa patuloy kang hintayin, na walang kasiguraduhan, ni siya mismo di mo alam kung saan siya lulugar. I’m firm sa lahat ng sinabi ko, sa lahat ng ginawa ko. At wala akong pinagsisisihan.
Ngayon, Lord, have your way to my path. Masyado po akong nasaktan, alam niyo po yun. Hindi ko alam kung ilang gabi kong ininda at iniiyak ang mga bagay na to noon. Masakit pero yung presenya niyo po sa buhay ko ramdam ko at kailangan ko ngayon.
Nararamdaman ko na ngayon na malapit na rin ako sa pangarap ko at hindi pa huli ang lahat. Marami pa akong pwedeng gawin, marami pa akong pwedeng makilala. Lord, kung ano man ang plano mo sakin ikaw na pong bahala.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
wreckedguystuff · 1 year ago
Text
May mga bagay talaga na kapag pinipilit pa natin ayusin ang hindi na maayos, lalo lang ito gumugulo. Yun bang parang walang ibang paraan kundi tanggapin at bitawan na lang ang katotohanan na, marahil hindi talaga tayo para sa isa't isa. Oo, masakit at mahirap. Pero kung alam natin tumanggap ng pagkabigo, magiging madali lang din siguro ang proseso ng pagkalimot.
3 notes · View notes
0813file · 2 years ago
Text
Isa Pang Araw
Tumblr media
jaemin x oc ; tags: angst, mcd
“Sigurado ka ba diyan? Na-double check mo na ba ‘yan?”
Halos mapaigtad ako sa aking inuupuan nang biglang magsalita ang katabi ko. Umalis siya sa pagkakasandal at inilapit ng bahagya ang katawan sa lamesa na nasa harapan namin upang ituon ang kaniyang braso roon.
“Love,” awat ko bago pa siya makapag-simulang manggulo. Sa lalim ng kunot ng noo at talim ng tingin niya, sigurado akong maya-maya lamang ay kukwelyuhan na niya ang doktor na kaharap namin, kahit pa kaibigan niya itong doktor na ‘to.
Hinawakan ko ang braso niya at marahang pinisil ito nung hindi pa rin niya ako pinapansin. Agad naman siyang kumalma at sumandal muli sa kaniyang upuan.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.
“’Sensiya na, ‘tol. Nadala lang,” bawi niya matapos ang ilang segundo.
Tumango si Jeno bilang sagot at binigyan kami ng malungkot na ngiti. “Wala ‘yon. Naiintindihan kita. Kung ako ang nasa kalagayan mo, baka ganiyan din ang naging reaksyon ko.”
“Talaga bang hindi na magagawan ng paraan ‘yan? Ikaw ang pinakamagaling na cardiac surgeon sa ospital na ‘to, Jeno. Imposibleng wala kang lunas para sa kaniya.”
“Sana nga meron akong magagawa para kay Jieun. Maniwala ka sa’kin, gustong-gusto ko siyang tulungan...,” huminto sa pagsasalita si Jeno at bahagya akong tinignan bago niya ibinalik ang tingin sa kausap, “...pero wala talaga, e. Masyado ng delikado para sumailalim pa siya sa operasyon.”
Saglit akong napapikit nang makaramdam ng pagkirot sa dibdib. Medyo tumagal ‘yon at mas masakit kumpara noong mga nakaraang araw pero nagawa kong itago ang lahat nang ngumiti ako sa kaniya.
Hindi niya ako pwedeng makitang nasasaktan.
“Okay lang, Jeno. Alam ko naman ‘yon.”
Alam ko dahil parehas kami ng sakit ni Mama.
Hypertrophic Cardiomyopathy o HCM. Madalas, ang mga taong may ganitong sakit ay hindi na-da-diagnose na meron nito. Tahimik kasi ‘to kung tumrabaho. Kakaunti ang sintomas at kadalasan hindi pa nagpaparamdam sa pasyente. Malalaman mo na lang na may HCM ka kapag malala na.
At ‘yon ang nararanasan ko ngayon.
“Nakausap ko na si Tito. May kaibigan daw siyang magaling na doktor at saktong kararating lang niya sa Manila galing New York. Magpa-pa-sched na ako ng check-up mo bukas,” imik niya na nakapagpabalik ng diwa ko sa kasalukuyan. Kanina pa kaming tahimik mula ng matapos ang check-up ko hanggang sa pagpunta namin sa parking lot ng ospital. Kasalukuyan na kaming nakaupo sa loob ng kotse at may tinitipa siya sa kaniyang cellphone. Akmang ilalapit na niya iyon sa kaniyang tainga nang hawakan ko ang braso niya para pigilan siya.
“Jaemin,” mahinang tawag ko sa kaniya. “Tama na, please. Tigilan na natin ‘to.”
Napakurap siya bago sumimangot. “Tigilan ang alin?”
“Ito, lahat ng ‘to. Tama na, Jaemin, please. Tanggapin na natin ‘to, okay? Tatlong doktor na ang napuntahan natin at lahat sila iisa ang sagot at hindi na ‘yan mababago pa ng kaibigan ng tito mo o ng kahit na sino pang doktor.”
Umiling si Jaemin. Nasa kalagitnaan pa nga lang ako ng pagsasalita ay umiiling na siya na para bang hindi niya tatanggapin kahit kailan ang katotohanan.
“Hindi, hindi ako titigil, Jieun. Hahanap ako ng doktor na makapagpapagaling sa’yo-“
“Jaemin,” pagmamakaawa ko at hinawakan ko ang kamay niya. “Matagal ko ng tanggap ‘to pero sa bawat doktor na pinupuntahan natin hindi ko pa rin maiwasan na umasa kahit konti na gagaling pa ako. At lahat ng ‘yon binigo lang ako at ganiyan din ang mangyayari sa mga susunod. Pagod na ‘ko. Pagod na pagod na ‘ko.”
Tinignan niya ‘ko at halos mapaluha ako ng makitang ang dating ningning at tuwa sa kaniyang mga mata ay napalitan na ng pagod at lungkot magmula ng malaman niya ang tungkol sa sakit ko.
Pakiramdam ko tuloy kasalanan ko lahat ng nangyayari, kahit na ‘di ko naman ginusto ito.
“Napapagod din naman ako, Jieun. Pero hindi ko pwedeng basta na lang tanggapin na mawawala ka sa’kin sa isang iglap. Hindi ko kakayanin ‘yon. Kung ikaw tanggap mo na, pwes ako kahit kailan hindi matatanggap ‘yon.”
“Wala na tayong choice kundi tanggapin ang lahat. Ano pa bang hindi mo maintindihan do’n, ha? Tsaka mo lang matatanggap kapag namatay na ‘ko? Gano’n ba?” Hindi ko sinasadya pero hindi ko na napigilan ang maging sarkastiko. Sa tuwing mapag-uusapan kasi namin itong sakit ko, lagi na lang kaming nauuwi sa ganitong away at sawang-sawa na ‘kong marinig ang mga linyahan niyang ‘yan.
Nag-iwas siya ng tingin at binitawan ang kamay ko. Isinandal niya ang kaniyang ulo at napapikit ng mariin, pagkatapos ay umimik sa mahinang boses pero sapat na para marinig ko at maramdaman kung gaano siya nasasaktan sa sitwasyon namin. “Pasensiya ka na ha. Hindi kasi ikaw ‘yung maiiwan. Madali para sa’yong sabihin ‘yan kasi ikaw naman ‘yung aalis, kasi ‘pag nawala ka na hindi mo na naman mararamdaman ‘yung sakit. Ako kasi, habang nabubuhay pa ako, palagi kong dadalhin ‘yung sakit na idudulot ng pagkawala mo. At hindi pa ako handa para do’n. Hindi pa ako handang mawala ka sa’kin.”
At dun ko napagtanto kung gaano nga pala kahirap nito para sa parte ni Jaemin. Simula ng mamatay si Mama, sinabihan niya na ako noon na malaki ang posibilidad na makuha ko ‘yung sakit niya. Matagal ko ng hinanda ang sarili ko na maikli lang ang buhay ko. Pero si Jaemin, hindi.
Wala naman kasi sa plano ko si Jaemin. Ang plano ko, live my life to the fullest and alone until my last breath. Ayaw kong may maiiwan ako kasi alam ko ang pakiramdam ng maiwan, but then he suddenly came in the picture. Pinigilan ko naman kasi alam ko na ang mangyayari sa huli pero mapilit siya.
And it’s not like it was hard to love him, because he is a selfless person who wears his heart on his sleeves. So I let myself love for the first and last time, as a gift to myself, and it was the best thing that happened to me.
Kaya hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. I brought him into this mess. Kung pinigilan ko na lang sana ang sarili ko, edi sana baka masaya siya sa piling ng iba na hindi siya iiwan at kaya siyang samahan sa pagtanda.
He could’ve been with anyone, someone who’s not me.
“I’m sorry, Nana. I’m really sorry.”
Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa tuloy-tuloy na ang pagpatak ng mga luha ko. Muli kong kinuha ang kamay niya, hinagkan ito ng mahigpit at hinalikan habang paulit-ulit na humihingi ng tawad sa kaniya, na para bang iyon ang makakapagpawala ng sakit na nararamdaman niya.
“Shhh, huwag kang humingi ng tawad sa’kin. Wala ka namang kasalanan at walang may gusto sa lahat ng nangyayari,” marahan niyang sambit habang kinakalas ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak ko upang maipulupot ang kaniyang mga braso sa’kin para sa isang mahigpit na yakap. ‘Yung tipo ng yakap na parang wala na siyang balak bumitaw.
We stayed like that for a while – hinayaan ko siyang yakapin ako ng mahigpit habang dahan-dahang hinahaplos ng isa niyang kamay ang buhok ko. It’s after a few more minutes of silence when he finally spoke again.
“I guess, I really have no choice but to accept this, but you can’t expect me to accept everything in an instant. It’ll probably take some time...” he paused, as if he’s having a hard time in speaking the words out, “...but I think I can do that.”
Nagpakawala ako ng buntong-hininga habang hinihigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.
“We’ll be okay, right?” tanong ko sa isang mahinang boses at hinanap sa kaniyang mga mata ang maliit na liwanag ng pag-asa.
“Of course, love. We’ll be okay.”
Nanatili kami sa ganoong posisyon, mahigpit na yakap ang isa’t isa na para bang wala ng makakapaghiwalay sa’min, kahit pa ang kamatayan. And for some reason, amidst everything that’s been happening, I believed that we will be alright.
 
Isa pang araw, please?
 
 
 
 
“Iniinom mo pa ba ang mga gamot mo?”
Tumango ako ng marahan sa kaniya at muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Hindi mo na ba talaga pwedeng taasan ang dosage ko?”
“Sagad na ‘yan, Jieun,” wika ni Jeno. Nandito ako ngayon sa office niya habang hinihintay na matapos ni Jaemin ang kaniyang pag-iimpake. He’s clearing all his things out from his office after submitting his resignation letter yesterday. It’s gonna take some time, so I decided to pay Jeno a visit and also to talk about some things. “We cannot take the risk of overdosing you. Sobrang sakit na ba?”
“Oo,” mahinang sagot ko. “At dumadalas na rin. Nahihirapan na ‘kong magpanggap sa harapan ni Jaemin na hindi ako nasasaktan.”
“Hindi mo naman kailangang magpanggap sa kaniya, e. Alam kong ayaw mong makita niya na nahihirapan ka pero kung gusto mo talaga na matanggap niya ng buo itong sitwasyon na ‘to, kailangan mo ding magpakatotoo sa kaniya.” He gave me a disappointed look, but then there’s also pity swimming in his orbs. And I hate it. I hate how people look at me in the eye with pity after founding out my condition. That’s why I preferred living alone, but that was only possible until I met Jaemin.
“I don’t want him to overreact. Nag-resign na nga siya sa trabaho niya dahil sa’kin, e. Hangga’t maaari, gusto kong manatili sa normal ang lahat.”
“Hindi mo siya masisisi. Mahal ka nung tao, you can’t expect him to act like everything is still fine after knowing that the girl he decided to spend the rest of his life with is dying. This is his way of coping with the truth. Alam mo namang gagawin no’n ang lahat para sa’yo, so don’t act so surprised.”
Iniwas ko ang aking tingin mula kay Jeno at ipinako na lamang ito sa labas ng bintana. Maganda ang sikat ng araw ngayon pero mas maganda kung masisilayan ko pa rin ang tanawing ito kinabukasan at sa mga susunod pang araw kasama ang mahal ko.
“Pa’no na siya ‘pag nawala ako? Wala na siyang trabaho ngayon,” banggit ko ng wala sa sarili.
I think I heard Jeno snorted lightly. “Para namang hindi na siya tatanggapin pa ng ospital na ‘to, e, pamilya nga niya ang may-ari nito, diba?”
“I’m not worried about that, and you know it, Jeno.” Ibinalik ko ang aking tingin sa lalaking nasa harapan ko na siya ring matalik na kaibigan ni Jaemin, at hindi nakatakas sa’kin ang kalungkutan na namumutawi sa kaniyang mga mata. I held back the tears that are slowly forming in my eyes and cleared my throat. “Promise me, you’ll take care of him when I’m gone. That’s all I’m asking.”
“I will, Ji. We all will, I promise,” he said while giving me an encouraging smile.
“Thank you.”
Somehow, the smile that Jeno gave me almost brought me to tears. Kung hindi lamang dahil ng pagbukas ng pinto ng opisina ni Jeno ay baka tuluyan na akong napahagulhol dito ng wala sa oras.
“Jaemin,” bati ng kaharap ko at nilakhan ang kaniyang ngiti para itago ang malungkot na atmospera na dulot ng pag-uusap namin. “Naayos mo na ba lahat?”
“Oo. I also did my rounds for the last time pero kailangan ko pa ring bumalik sa mga susunod na araw para sa pagpapasa ng mga pasyente ko kay Dr. Lee.” Naupo si Jaemin sa tabi ko, inilapit sa’kin ang mukha para mahalikan ako sa sentido at pagkatapos ay bumulong. “You okay?”
I hummed and nodded then gave him a reassuring smile but the frown on his lips only deepened. “Pagod lang siguro. Can we go home?”
“Yes, of course,” he smiled at me before looking back at his best friend who was looking at us with a sad smile on his lips. “Una na kami, Jeno.”
“Sige, ingat kayo.”
Jaemin held my hand the whole time we were walking towards the parking lot but after a few minutes, he lightly gave my hand a squeeze, earning my attention.
“Tahimik ka ata. Something wrong?” malambing na tanong niya at agad akong umiling para sana mawala na ang pag-aalala niya pero mukhang lumala lang ata. “Tell me what’s on your mind, Jiji.”
I gave him an assuring smile, telling him that everything’s okay but he’s not having it because he suddenly made us stopped walking in the middle of the parking lot. “I just thought about your patients. The kids love you so much, Nana, and I’m sure you’ll also miss them as much as they’ll miss you. Nag-aalala lang ako na baka ‘di nila magustuhan ‘yung bago nilang doktor.”
Hindi ako nagsisinungaling dahil kanina ko pa ring iniisip ang mga pasyente niya na puro bata. But my statement was also not the truth, it’s not what I was currently thinking about. Hanggang ngayon binabagabag pa rin ako ng takot ko – hindi ng takot na mamatay kundi ang takot na maiiwan ko si Jaemin dito. But I also have to trust Jeno and his friends. Alam kong hindi nila pababayaan si Jaemin.
“The kids are gonna be in good hands. Kilala ko si Dr. Lee. Matagal ko na rin siyang kasa-kasama sa trabaho at napamahal na rin ang mga bata sa kaniya, so you don’t need to worry about them, okay?”
“But are you okay leaving them and your dream job?” Natigilan siya sa tanong ko.
He became a pediatric surgeon because of his dream and love for kids. Alam kong mahirap din para sa kaniya ang umalis sa trabahong minahal niya ng lubusan at pinaglaanan niya ng pagod at mahabang panahon para lang makamit ‘yon.
“No, but I will be,” sagot niya matapos ang ilang minuto na mas lalong ikinalungkot ko.
 “Do you really have to do-”
“Just let me do this, Jieun. Unti-unti ko ng tinatanggap ang lahat kaya ‘wag ka ng umasa na simula ngayon ay magiging normal pa rin ang lahat at ayokong sayangin ang natitirang mga sandali natin na hindi ka kasama. Alam kong hindi na sapat ‘yung natitira so I have to make the most out of it.”
His eyes blinked numerous times before his gaze steadied on mine. But even though he managed to stop that, I know that he’s about to cry. He wants to cry but he’s trying so hard to be the stronger one between us two, even if everything is starting to fall apart.
Hear him out, please. Pahinging isa pang araw.
 
Tinotohanan ni Jaemin ang sinabi niya sa’kin sa parking lot noong nakaraang linggo. He’s really keen on making the most out of the remaining days we have together.
Simula nung nalaman niya ang sakit ko two months ago, hindi na siya nagdalawang-isip na palipatin ako sa apartment niya. Pati ‘yung studio at recording room ko ay pinagpagawan pa niya ng sariling espasyo sa kaniyang lugar. On a normal day, I could get mad at him for overexaggerating and caging me inside his place. But what he did actually helped me. Mas madali na akong mapagod ngayon kaya pabor sa akin ang dito na lang magtrabaho sa loob ng apartment niya. Isa pa, araw-araw ko ng nakakasama si Jaemin, araw-araw na nakakatabi sa pagtulog at nagigising na siya pa rin ang kapiling. Nothing could make me feel happier than that.
Before, we only used to see each other during his day offs. Producer ako sa isang entertainment company habang si Jaemin ay doktor kaya natural lamang na maging busy kami parehas. Hindi ko tuluyang binitawan ang trabaho ko kahit hanggang ngayon. I still write some songs whenever I feel like it. Pero dahil full-time ng nandito si Jaemin sa apartment namin, nagagawa na namin ang mga bagay na di namin magawa noon.
We can now cook together, eat together, and have movie marathons with our legs tangled under the sheets. I can always feel his warmth whenever I feel cold or have him by my side immediately whenever I feel scared. And this time, I don’t have to feel alone while waiting for death to fetch me.
Siguro ang hindi lang namin magawa ay ang bisitahin ang mga lugar na nasa bucket list namin. Hindi na kasi ako pinayagan ni Jeno na bumiyahe ng malayo o kaya ay sumakay ng eroplano dahil baka raw hindi kayanin ng puso ko. So we stick with going to pretty places near our apartment – sa park, sa isang mini zoo, kahit ang playground pinatos na namin.
At ngayon, nandito kami sa kaniyang pribadong yate na regalo ng mga magulang niya nung nakatapos siya ng pagdodoktor. Tatlong beses pa lang akong nakasakay dito – una nung 1st anniversary namin, pangalawa ay noong birthday ko last year at ngayon ang pangatlo. And it’s not like he rides this often because of his busy career. But during these rare times I see him sail this yatch makes me fall for him even more.
Naalala ko nung unang beses akong nakasakay dito at nasaksihan kung paano niya maniubrahin ang malaking bagay na ‘to. I was admiring him so much – I think it was too much that I ended up drooling. Yes, that’s how hot he is as he manuevers this luxurious thing.
“Gwapong-gwapo ka na naman sa’kin, baka mamaya niyan mag-laway ka na naman.”
Bahagya akong napaigtad sa biglaan niyang pagsasalita at hinampas siya sa braso nang mapagtanto ang sinabi niya.
“Napakayabang mo talaga,” saad ko habang nangunguso dahil sa patuloy niyang pangungutya habang bahagyang natatawa.
Tinalikuran ko siya at lumabas papuntang deck upang tanawin ang malawak na karagatan at ang papalubog na araw. It looks so peaceful with the cold breeze hugging my skin perfectly.
But the cold feeling was suddenly replaced by the familiar warmth as I felt Jaemin wrapping his arms around me.
“I wish I could’ve taken you to more dates like this before. Masyado kasi akong naging abala sa career ko.” He let out a deep sigh as he placed his chin on my shoulder.
I leaned back, letting him support more than half of my weight and focused my gaze on the setting sun. “’s okay. Parehas naman tayong naging busy no’n at kahit pa anong gawin mong pagsisisi, hindi na naman natin maibabalik pa ang nakaraan. What’s important is the present and how we will live the future.”
“And I promise to be by your side on every single day of the future we have left together,” he replied with a soft kiss on my temple.
Pinanood namin ang napakagandang paglubog ng araw habang nanatili sa ganoong posisyon. Makatapos ang may kalahating oras, bumalik kami sa gitna ng deck kung saan naghihintay ang aming hapunan. It was a simple dinner that he prepared for the both of us with string lights lining above us, giving a cozy and romantic ambience.
Pagkatapos kumain ay nahiga kami sa inilatag niyang comforter sa lapag upang pagmasdan ang mga bituing nagpapaliwanag sa madilim na kalangitan. I’ve always loved stargazing. It gives me peace and serves as my healing time whenever I feel like the world is against me.
 “I wonder what it feels like...” I mumbled to myself.
“Hmm? Anong sabi mo?”
I tilted my head to look at him only to see him looking intently at me. I draped my left arm and leg over his body and laid my head on his chest, listening to the peaceful beat of his heart.
“I wonder what it feels like,” I repeated, but this time with a louder voice, “to be up there with the stars. It looks peaceful to be up there. Masaya siguro do’n kasi kitang-kita nila lahat ng tao dito sa mundo. Mainit kaya do’n o malamig? O baka sobrang ganda ng kinang ng mga bituin kapag malapitan, ‘no?”
Nakangiti akong tumingala para tignan si Jaemin pero agad nawala ang ngiting ‘yon nang makita ang seryoso niyang tingin sa’kin.
“B-Bakit?”
“Do you badly want to go there?” tanong niya sa isang mahinang boses na para bang mayroon siyang kinatatakutang malaman. “Up there with the stars, I mean.”
 And with that sadness and fear swallowing his deep orbs, we both know that it’s not about the stars he’s really talking about.
Itinaas ko ang aking kamay at dahan-dahang hinaplos ang kaniyang pisngi. Panandalian siyang pumikit at dinama ang haplos ko bago niya muling ipinako ang kaniyang nagmamakaawang titig sa’kin. He badly wanted to know my answer.
Naisip kong magsinungaling pero walang saysay ‘yon dahil sigurado akong alam naman niya kung ano talaga ang sagot ko. Kaya dahan-dahan akong tumango at nagpakawala ng isang malungkot na ngiti.
“I want to, Nana,” I answered with shaky voice. “I want to go up there with the stars, but not today. Maybe when I’m finally ready.”
Pumikit siya sandali at pagdilat ng kaniyang mga mata ay kita ang panunubig ng mga ito. Pero nagawa pa rin niya akong bigyan ng isang malapad na ngiti habang inaayos ang iilang mga takas na buhok ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya kasabay ang pagpatak ng isang halik sa aking buhok.
“Tama. ‘Wag muna ngayon, Jiji, ‘wag muna.”
Hindi pa siya handa. Kailangan ko pa ng isa pang araw.
 
 
We spent the next month doing travelling nearby towns, exploring places we haven’t been before. Nasimulan ko na rin ‘yung isang kantang matagal ko ng gustong gawin para kay Jaemin. I just really hoped na matapos ko ‘yon bago ako mawala.
Nando’n pa rin ‘yung pananakit ng dibdib ko at minsanang pangangapos ng hininga pero tiniis ko lalo na tuwing magkasama kami ni Jaem. Halos araw-araw namang tumatawag si Jeno sa’kin para kamustahin ako at paalalahanang uminom ng gamot. Minsan na rin siyang bumisita rito sa apartment kasama ang iba pa nilang kaibigan and I could never be more than thankful for them for always being here for us, for me. Kahit na si Jaemin naman talaga ang kaibigan nila, magmula ng maging kasintahan ko siya, hindi nila pinaramdam sa’kin na iba ako.
Para sa araw na ‘to, may hinanda raw na sorpresa para sa’kin si Jaemin pero dahil inaraw-araw na niya ata ang mga pakulo niyang ganto ay hindi na ako nagtaka pa at hinayaan na lang siyang sabik na sabik sa mangyayari ngayong araw na ‘to. Akala mo nga e siya ang makakatanggap ng surprise sa sobrang excited niya.
And for the past two months that we spent together, I can see how happier he has been despite of the future that awaits us. I just wish I can witness that for one more day and I won’t get tired of wishing the same thing everyday. Dahil ‘yon na lang ang tanging pinanghahawakan ko, ang patuloy na humiling sa Kaniya na bigyan ako ng isa pang araw para makasama si Jaemin.
I was brought back from my thoughts when I felt it again – the pain in my chest that seems like wouldn’t end. Sinubukan kong kumalma at huminga ng malalim sa paraang hindi mahahalata na Jaemin. Mabuti na lang din at abala siya sa pagmamaneho.
Tumagal ng halos dalawang minuto ang pagsakit at pakiramdam ko ay unti-unting dinudurog ang puso ko. I closed my eyes tightly and silently pleaded.
Please, please, let it stop. It hurts so much so, please, let this pain stop. I don’t want him to see me hurting.
“Love?”
Idinilat ko ang aking mga mata at ang una kong napansin ay ang nag-aalala at maluha-luhang mga mata ni Jaemin.
“B-Bakit? Anong nangyari?” Umayos ako ng upo at itinuon ng buo ang atensyon sa kaniya.
“Kanina pa kitang hindi magising,” sagot niya at halos marinig ko ang takot sa tono ng boses niya. “You got me worried there, I thought I lost you.”
Nakatulugan ko pala ang pananakit ng dibdib ko. I wonder if that’s dangerous, if what I did almost cost my death. But then, I remembered my prayer before I fell asleep and thought that maybe, there is really someone up there who actually heard my prayers. Halos wala na akong maramdamam ng bakas ng sakit sa dibdib ko, as if I wasn’t dying in pain a while ago.
Itinigil ko pansamantala ang mga iniisip nang makita ang nag-aalalang mukha ni Jaemin at itinuon ang pansin sa kaniya.
“Hey,” I called as I placed my hands on his cheeks, giving them a light caress. “I’m here now. Napasarap lang siguro ako ng tulog. I’m sorry I got you worried.”
He doesn’t seem convinced as the crease on his forehead deepened. “Masyado ka bang napagod sa biyahe? Gusto mong umuwi na muna tayo?”
“Nah, I’m fine. Malapit na ba tayo?” Lilingon na sana ako sa paligid pero hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko upang ipirmi ang tingin ko sa kaniya na ikinagulat ko.
“Actually, we’re already here,” he anwsered while lightly nibbling his lower lip – a sign that he’s nervous.
“Then, let’s go?”
“Uhm, nasa labas na ‘yung sorpresa ko so I need you to close your eyes first.”
I raised my eyebrows at his request but decided to comply and let him do what he wants. Inalalayan niya ako sa pagbaba sa kotse at nagsimula na kaming maglakad papunta sa kung saan man. Because my eyes were covered, my other senses became sensitive, thus immediately picking up the faint sound of waves and smell of sea from afar.
Teka, dinala ba niya ako sa beach?
“Almost there,” bulong niya habang hawak hawak ng mahigpit ang dalawa kong kamay.
 “Ano ba kasi ‘yan, love?”
“Malalaman mo rin mamaya.”
Matapos ang ilan pang segundong paglalakad ay tumigil na rin kami. Binitawan niya ang kamay ko at naramdaman ko ang paglapit niya sa’kin at pumwesto sa likod ko.
“Pwede mo ng buksan.”
The first thing I saw as my eyes slowly adjusted to the bright surroundings is a two-storey modern house standing in front of me. The next thing I noticed was the sight of white sand and emerald sea peeking behind the house.
“You always wanted to live near the sea because you always loved watching sunsets and you said that watching the stars with the sound of calm waves at the background every night would be a great way to end your day every day, so I thought, why not build our house near the sea? So you could do it every single night.”
“Jaemin,” tawag ko subalit hindi ko na masundan pa dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko para malaman niya kung anong nararamdaman ko. Kaya tumalikod na lamang ako upang maharap siya at mabigyan ng isang mahigpit na yakap. “You didn’t have to do this.”
“I want to. And dami nating plano para sa kinabukasan natin pero hindi naman matuloy dahil masyado akong naging abala sa career ko. Ang magagawa ko na lang ngayon ay matupad ang kahit isa o dalawa man lang sa mga ‘yon habang nandiyan ka pa.”
Umiling ako at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. “Wala kang kasalanan, love. Naiintindihan ko naman, e.”
“Pero hayaan mo na lang akong gawin ‘to para sa’yo.”
“Okay,” I breathed out as I start to feel the burning of my eyes. “And thank you so much for this, for everything. Hindi mo alam kung gaano mo ko napasaya. I love you so much, Jaemin.”
Tumingkayad ako at ginawaran siya ng isang halik na agad naman niyang sinuklian.
“Mahal na mahal din kita, Jieun. Higit pa sa inaakala mo,” sagot niya na mas lalong naging dahilan upang manubig ng husto ang mga mata ko. “Pero bago ka umiyak, tapusin muna natin ang surprise ko para sa’yo.”
Napakunot ako ng noo sa kaniyang tinuran at nagpatianod na lamang sa kaniya nang magsimula siyang maglakad papunta sa likod ng bahay. Magrereklamo na sana ako na gusto ko munang makita ang loob ng bahay bago dumiretso sa dagat nang makita ko kung ano ang naghihintay sa’min doon.
Or should I say who because the first ones I saw were Jaemin’s closest friends with their partners, and his parents waiting for us, smiling widely and wearing white clothes – beach dresses for the girls while plain white shirt and brown pants for the boys. There are string lights everywhere, white curtains lined above and a white carpet on the small makeshift aisle between their seats. I looked at Jaemin only to realize that he was wearing the same dress code as them – and so am I upon noticing my white simple dress.
Gusto ko sanang kausapin si Jaemin pero hinila na siya nila Jeno habang ako naman ay pinalibutan na ng mga kaibigan naming babae – may nag-aayos ng buhok ko, mayroong nagdadampi ng kung anong kolorete sa mukha ko at ang iba ay panay ang paypay sa akin para raw hindi ako pagpawisan.
Afterwards, Yeji, Jeno’s finacee stood forward and handed me a white bouquet consisting of white orchids, peonies and freesia with their stems wrapped in white silk. Hyunji, Donghyuck’s new girl friend, grabbed something from her paper bag which turns out to be a white short veil. The rest of the girls hurried arranging the veil on my head, putting on clips to prevent the veil from falling.
And then it hits me. I’m getting married.
Ikakasal ako kay Jaemin, sa lalaking pinakamamahal ko.
The girls scrambled their way back to their respective seats when the faint violin sound started playing in the background. And I was left there alone on the end of the white carpet with my man standing on the other end, waiting for me to reach him.
Hindi ko na halos namalayan ang mga sumunod na pangyayari. Parang tumigil ang oras, bumagal ang ikot ng mundo at kaming dalawa lamang ang tao. And with an encouraging smile from him, I bravely took one step forward, and another one, and another one, and another one until I reached him.
He held out his hand for me which I gladly took and when I looked at his eyes, the sparkles are back and they are twinkling at me, telling me how happy he is at the moment. And I could never be happier than this.
Ni minsan hindi ko naisip na maikakasal pa ako sa lalaking mamahalin ko ng lubos, pero simula ng dumating si Jaemin sa buhay ko, parang wala ng imposible.
He’s the miracle in my life – a gift.
Naging madali lang ang seremonya and before I knew it, we were already wearing our rings as we exchange our vows.
“Alam ko namang kakaunti na lang ang oras na meron tayo, kaya hayaan mo akong mahalin ka ng higit pa sa pagmamahal na ibinibigay ko sa’yo ngayon. Hindi ko akalain na darating ang araw na matatanggap ko ang pag-alis mo pero wala na rin naman akong magagawa para mapigilan ‘yun, e. I promise to love you with all my heart and my all and even if death do us part, I will still love you, Jiji. It’ll probably take long, but please wait for me. When the right time comes, I’ll follow you up there and be with you along with the stars. I love you so much, Na Jieun.”
“Wala akong hinandang kahit anong speech kaya ang tanging masasabi ko lang ay sobra akong nagpapasalamat sa taas dahil binigay ka Niya sa’kin. You’re the best thing that happened to me, Jaemin. You gave my life a miracle, a gift, and I’ll forever treasure that with me. And I promise to wait for you, no matter how long it takes, so take your time, okay? And when the right time comes, I’ll welcome you with open arms.” Tumigil ako sandali dahil hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na paghikbi at paglabas ng mga luha ko. “Mahal na mahal kita, Na Jaemin. Sobra.”
Hindi ko na halos nasundan ang mga sunod pang sinabi ng pari dahil sa patuloy na pagpatak ng mga luha ko. And sunod ko na lang na nalaman ay itinataas na ni Jaemin ang aking belo upang magawaran ako ng isang matamis at punong-puno ng pagmamahal na halik habang nagpapalakpakan ang mga tao sa likod namin.
Nagkaro’n ng salu-salo matapos ang seremonya at munting sayawan. Isinayaw ako ng lahat ng kaibigan ni Jaemin at maging ang kaniyang Daddy. And of course, he was my last dance.
Higit sa isang kanta ata ang naisayaw namin, hindi ko na masundan dahil ang atensyon ko ay nasa lalaking kasayaw ko, ang aking asawa.
“Mahal na mahal kita, Jiji. Hinding-hindi ako magsasawang ipaalala sa’yo ‘yan,” bulong niya sa aking tainga habang mahigpit na hawak ang aking baywang. Hinigpitan ko rin ang hawak ko sa kaniyang balikat at isinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib.
At that moment, I almost forgot everything. All I know is that I’m really happy and that nothing could ever take this unforgettable moment away from me. Until it happened.
Kung kailan sobrang saya ko na ay bigla naman siyang nagparamdam, tila ba pinapaalala sa’kin kung ano ang naghihintay sa akin sa mga susunod na bawat segundo ng buhay ko. At habang nalulunod ako sa kalawakang bumubuo sa mga mata ni Jaemin ay naramdaman ko ang masakit na pagkadurog ng aking puso. Sa sobrang sakit ay halos mamanhid na ako hanggang sa tuluyan na talaga akong mawalan ng pakiramdam dahil unti-unti ng binabalot ng kadiliman ang aking paningin.
Pero sa mga huling sandali, habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit at binabalot ako ng init na dala niya ay hindi ko inalintana ang lamig ng kawalan na nag-iintay sa akin.
 
 
 
 
“Isa pang araw. Bigyan mo pa ako ng isang araw kasama siya. Akala ko tanggap ko na, akala ko handa na ako pero hindi pa pala. Kaya, please, humihingi ako ng isa pang araw.”
 
Sabi nga nila, kapag sobrang saya mo, asahan mo na may kapalit ‘yan.
Nung gabing ikinasal kami ni Jieun ang pinakamasayang araw ng buhay ko ngunit ito rin ang naging simula ng aking bangungungot, ang simula ng aming pagtatapos.
Inatake siya at dinala sa ospital, ilang araw din siyang nagtagal do’n. At dumating na rin ang pinakakinatatakutan ko – binigyan na ng taning ang buhay niya. Akala ko tanggap ko na, pero iba pa rin talaga kapag nandiyan na.
Ayaw ko sana siyang palabasin sa ospital, kahit si Jeno hindi sang-ayon do’n, subalit iyon ang gusto ni Jieun.
“Gusto ko ng umuwi, love. Iuwi mo na ‘ko sa bahay natin.”
And who am I to say no, when it feels like she’s begging for it with her life? Kaya inuwi ko siya sa bagong bahay namin, where we spent her remaining days together. Halos araw-araw na rin siyang binisita ng mga kaibigan namin pero saglit lang dahil mas mabilis na siyang nakakaramdam ng pagod kumpara noon. Kaya madalas na lamang kaming nakahiga sa labas – sa sun lounger o kaya sa buhanginan – habang pinagmamasdan ang tahimik na karagatan.
Halos araw-araw na rin ang pagkirot ng dibdib niya at habang tumatagal ay unti-unti ng nawawalan ng bisa ang mga gamot niya hanggang sa tuluyan na siyang tumigil sa pag-inom no’n. Minsan maaabutan ko siyang umiiyak sa sulok ng kwarto namin o ‘di kaya ay magkukulong sa banyo habang hawak-hawak ang kaniyang dibdib na para bang dinudurog ng husto ang puso niya. At wala akong magawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit habang pinakikinggan ang kaniyang pagsusumamo.
“Pagod na ko, Jaemin. Pagod na pagod na ko. Patigilin mo na ‘tong sakit, hindi ko na kaya. Ayaw ko na, gusto ko ng mawala ‘to, parang awa mo na.”
Pero siguro talagang likas na sa tao ang pagiging makasarili, dahil sa pagpatak ng gabi, habang binabantayan ko siyang payapang natutulog ay ang aking paghiling ng isa pang araw na makapiling siya. Halos ilang araw na rin akong walang tulog dahil natatakot ako na baka sa kalagitnaan ng pagtulog niya ay tumigil ang kaniyang paghinga at paggising ko ay wala na siya sa’kin.
“May regalo pala ako sa’yo,” basag niya sa katahimikan habang inilalapit ang kaniyang mukha sa aking leeg. Kanina pa kaming nakahiga dito sa deck ng aking yate matapos panuorin ang sunset at ngayon ay pinagmamasdan naman ang mga bituin. “Hindi naman pwedeng palagi na lang ikaw ang may sorpresa sa’ting dalawa.”
“Ano ‘yon?”
Imbes na sumagot ay inilabas niya ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa at pagkatapos ang iilang pagpindot ay may narinig akong mahinang pagtugtog ng piano kasunod ang pamilyar na boses niya.
  
On the road that shines exceptionally Standing there, I am waiting for you It's not cold When you are in my arms, I can feel the warmth
“I’ve been working on it for quite some time. Akala ko nga ‘di ko matatapos pero buti na lang nagawa ko,” she chuckled softly. How I wish I could get to hear more of it in the future. “I hope you liked it, love. I poured my everything into that song so whenever you miss me, you can just listen to it as if I’m right here beside you.”
You're my everything I want to protect your days and nights You are a miracle to me, I wish you could see it Spreading all over me, a gift called you You’re my night and day Waiting for you in this street, drawing you again
“Just like what the song says and like what I told you on the day of our wedding, you are my miracle and you are the best gift I ever had. I lived alone for more than half of my life but He decided to give you to me and I’ll forever be thankful for that. You are all that I have, Jaemin. I love you, my husband, my everything. I love you so much that I think my love for you is like these burning stars because it will forever burn even in our next afterlife.”
An unusually long day But it's not too bad because you're warm Just like that, with nothing to do I can live just like that You're my everything I want to protect your days and nights You are a miracle to me, I wish you could see it Spreading all over me, a gift called you You're my night and day Waiting for you in this street, drawing you again
“Love? You still there?” banggit ko sa mahinang boses. May ilang minuto na ata ang nakalipas na parehas kaming tahimik, tanging ang malambing na boses na lamang niya mula sa kaniyang cellphone ang maririnig. Kung hindi lang dahil sa nararamdaman ko ang mahinang pagtibok ng puso niya ay baka kung ano na ang naisip ko.
 “Hmmm,” she hummed in an equally weak voice. “Inaantok na ko, Jaemin. Gusto ko ng magpahinga.”
Pagod ka na ba talaga, Jieun? Hindi mo na ba talaga kaya? Kasi kung oo, hahayaan na kitang magpahinga. Ayoko na ring makita kang nahihirapan. Handa na akong pakawalan ka.
“Of course, love...,” tumigil ako saglit at nilabanan ang namumuong bara sa aking lalamunan. Huminga ako ng malalim at pinigilan ang nagbabadyang pagpatak ng aking mga luha. “Gusto mo na bang magpunta do’n? Gusto mo na bang makasama ang mga bituin?” 
“P-pwede na ba? Parang tinatawag na nila ako, e.”
Humigpit ang yakap ko sa kaniya habang tuloy-tuloy na ang pag-agos ng aking mga luha. Pero hangga’t maaari ay pinigilan ko ang paghikbi.
“Whenever you’re ready, Jiji, whenever you’re ready,” bulong ko habang ginagawaran ang gilid ng kaniyang ulo ng halik.
She tilted her head and looked at me in the eyes. Umiiyak din siya. Umiiyak ang babaeng mahal ko pero mayroong ngiti sa kaniyang mga labi at sa unang beses sa loob ng halos kalahating taong paghihirap niya ay nakita ko ang ngiti sa kaniyang mga mata.
She’s happy because she knows it’s gonna end soon and she’ll finally be with the stars. And that’s all that matters to me – that she’s happy.
“Goodnight, Nana. I love you so much,” malambing na banggit niya at pagkatapos ay inilapit sa akin ang mukha upang mahalikan ako na akin namang sinuklian.
“Sweet dreams, Jiji, at mahal na mahal kita ng higit pa sa lawak ng karagatang ito o sa dami ng mga bituin sa langit.”
It seemed to be never-ending At the end of the long wait You're the one
You're my everything I want to protect your days and nights You are a miracle to me, I wish you could see it Spreading all over me, a gift called you You're my night and day Waiting for you in this street, drawing you again
 
Hi, love!
If you’re reading this, it means I’m finally with the stars now. Just to let you know, I’m doing great and happy here, kaya sana ikaw din masaya diyan. Sana binabantayan ka ng ayos nina Jeno, kundi naku, malilintikan sa’kin ang mga ‘yon. >< Tsaka ‘di naman kita pababayaan, e. I’m patiently waiting for you here, Nana, so take your precious time, hihi. You probably don’t know, but I’m currently looking down after you, my love. So whenever you miss me, all you have to do is listen to my song, look up, and remember, I love you.
Your loving wife,
Jiji
 
 
I am also doing great, Jiji. Syempre, mahirap sa una pero tinulungan naman nila ako, tsaka tinulungan ko rin ang sarili ko para maibalik sa normal ang lahat. And I’m currently listening to your song and looking up at the stars, hoping to see a glance of your face. Ang daya mo, ako nakikita mo pero ikaw hindi ko makita. At sobrang miss na miss na kita, araw-araw ‘yon, walang palya. Pero ‘di bale, magkikita rin naman tayo, e. Diba sabi ko naman sa’yo, intayin mo lang ako dahil susunod ako diyan sa mga bituin? Hindi na ako makapaghintay, Jiji. 
Isa pang araw at magkakasama na tayong muli. See you soon, my love.
4 notes · View notes
secret-letter-department · 7 months ago
Text
mga damdaming isinulat. 🫂
sa katotohanan? lahat ng nararamdaman ko‚ ibinaon ko na sa lupa. hindi ko tinapon‚ tinalikuran o tinakbuhan. binaon ko kung saan ko puwedeng balikan sa oras na tanggap ko na dadating at aalis lamang ang mga tao. pero‚ sabi nga nila; it’s for the ‘ experience ’ parang ang sakit naman ng pina-experience ninyo sa akin. ang dami daming bagay na p’wede‚ bakit ikakasakit pa talaga ng mental health ko? kaya siguro masakit dahil ikaw ‘yan. hindi ko ineexpect na ikaw? mawawala pa sa akin? kung babalikan ko lang ang mga buwan na tayo pa‚ tatawanan ko ang iniisip kong mga bagay na related diyan. pero ngayon‚ nag katotoo. hindi din naman natin masisisi kung may pinagsawaan‚ may iba pang dahilan. napagod? possible. nawalan ng gana? possible rin. pero ang atin? dahil lang sa sinabi ng magulang. kaya mahirap‚ mahirap tanggapin na hanggang dito lang tayo kung tayo mismo ang may gusto na may maayos tayong dulo. pero hindi naman natin masisisi ang sarili. ang masisisi rito ang nag laro sa atin‚ ang tadhana. alam na ngang hindi tayo puwede‚ pinag tagpo pa. masyado nga talagang mapaglaro.
0 notes
jomanila · 2 years ago
Text
His Many Mask
4nJ Films Production
(1) Malaya- Moira Dela Torre (Halfway Point) | Lyric Video - YouTube
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Malaya Kana
Jeremy Novela
Sa dami ng ating pinagdaanan Pag-ibig ko sayo ay laging nilalaban
Masakit man tanggapin ang Katotohanan Na ako ay bibitaw sayo
Ako ay aalis sayo Ingatan mo sarili mo
Lagi mo tandaan na Mahal kita Ngunit ako'y napagod na
Nais kong Magpaalam sayo Di ko na kayang manatiling ganto
Tanggap ko ng hindi na tayong dalawa Paalam na, MALAYA KANA
Nais kong Magpaalam sayo Di ko na kayang manatiling ganto
Tanggap ko ng hindi na tayong dalawa Paalam na, MALAYA KANA
For non-commercial use only.
1 note · View note
aa-rcangel · 4 years ago
Text
KANDILA 
Tumblr media
Sa isang madilim na paligid,muling lumiwanag dahil sayo, 
Kayganda mong pagmasdan, malayo o malapit man ako; 
Sa isang di maipaliwanag na dahilan dala mo'y ala-ala ng nakaraan at takot na harapin ang kinabukasan. 
Maaari bang pakiliwanag pa ang liwanag mong dala, nang hindi takot kundi pag-asa ang madama. 
Minsan kasi parang ang hirap mong unawain, Kaya pwede bang paki paliwanag pa? 
Noong una pa man ayoko na sanang sindihan, Dahil mas maganda ka na lang sana pagmasdan; mula sa malayo, papalapit,papalapit nang papa-lupit. 
Ang lupit - ang init, nakakapaso, masakit. 
Kasalanan ba ng apoy o ng naiipit na mitsa? Bakit nga ba 'di ko natantsa kung anong klaseng kandila ka? 
Dala mo ba'y saya, pag-asa, takot o sunog ba? 
Pero ganun talaga kailangan para mas malaman ko kung pang Birthday, Halloween o di kaya pang arson ka. 
Dahil naumpisahan mo na yan,kailangan tanggapin ang katotohanan. 
Darating ang oras at panahon na ika'y lilisan. Ano pa nga bang magagawa mo, 'di mo naman yan mapipigilan. 
Maliban na lang kung mawala ang apoy sa kalagitnaan. 
Sa kalagitnaan ng kawalan, paano mo nga ba ulit sisimulan? 
Kakapain muna ba kung nasaan ang kandila, 
O uunahin ang pagsindi ng apoy? 
Nakakalito - nakakalito. 
Ilang pitumput-pito ulit pa ba mangyayari ito. Ayoko nang bilangin, gusto ko na lang sana lisanin. 
Lisanin ang alin? Paano nga ba pasanin ang kandilang tunaw na din? 
Minsan nais kong ipunin mga tunaw mong bahagi, 
Nanghihinayang kasi ako mabalewala o maisang tabi, 
Mga ala-alang dala mo kahit paano'y nakapagpangiti, 
Balewala - isang tabi - ngiti, balewalang isang ngiti. 
Ihip ng hangin aking kinatakutan,'pagkat liwanag mo'y baka di na masilayan, 
Ngunit aking napagtanto, ano nga bang nais? Hayaan kang magliwanag habang nauupos O pigilan ang ningas upang maaari pang mayapos. 
Hindi ko na alam ang gagawin pero pasya ko'y buo na din. Ayaw kitang mawala kaya't paparamin na ang apoy, Ipikit ang mata hanggang sinag ng umaga'y dumaloy.
(11/1/2015 - 1:11am) 
1 note · View note
excerptofmythoughts · 4 years ago
Text
wretched choices
you know what i hate about "babawi ako" and "sorry"? 'yung pakiramdam na alam mo na kaya nila 'yon sinasabi kasi nakukonsensya sila. dahil hindi na nila kaya. na pwedeng bumabawi sila para mabawi nila 'yung pakiramdam na wala na silang ginawan ng mali. o siguro dahil kasi nasasaktan pa tayo kaya nasasabi natin 'to. kasi alam natin na kinakailangan maging kapalit nito ay pagtunaw ng galit at pagkawala ng sakit. na siyang alam din natin na hindi ganoon kadali. kasi aminin natin, sige you're sorry at babawi.. paano na 'yung galit at sakit na nararamdaman namin? mahirap na isisi 'yon kasi humihingi ka na ng tawad. para bang wala na kaming karapatan na maramdaman 'yon kasi nagsisi ka na. at kaya siguro ang sakit tanggapin non kasi alam na alam na naman namin kung kanino ito maibubuhos. sa sarili natin. dahil wala na tayong masisisi at magiging dahilan para iyakan, ibabalik natin sa sarili natin. na siyang mamumuo bilang isang bangungot. isang bangungot na hindi lang tuwing natutulog nagpaparamdam kundi sa tuwing may kapareha ng nangyayari sa katotohanan, nagbibigay ito ng takot. nagbibigay ng iba't ibang tanong at boses na hindi kayang patahimikin. mas masakit pa rito, ibinabato saatin na mahal naman nila tayo kaya sila bumabawi at humihingi ng tawad. mahal naman daw nila tayo. pero hindi ata nila naisip, hindi nila naisip na hindi porket mahal niyo kami at mahal namin kayo ay otomatikong mawawala ang bangungot at takot na galing sa sakit na naranasan namin. 'yun ang kapalit ng nangyari. nagiging permanente ang mga bagay na naiiwan saamin mula sa mga 'hindi sinasadyang' pagkakamali na siyang nakapanakit.
hindi ko naman sinasabi na masama o huwag ka na magsisi, humingi ng tawad, at bumawi. sinasabi ko lang kung ano ang nagiging epekto nito. mahirap bumawi at humingi ng tawad kasi ikaw ang nakasakit. hindi ka sigurado kung tatanggapin ba 'yung ibinibigay mo lalo na ikaw mismo. pero sana maintindihan mo rin na hindi 'yon magiging madali sa parehong banda. hindi nasusukat kung gaano kalalim at kadami ang ginawa mong pagbawi, hindi rin sa kung gaano na ito katagal. ito ay sa kung paano na namin matutunan tanggapin at mapatawad din ang sarili namin. kasi pagtapos ka maging dahilan ng lahat nuong humingi ka ng tawad, ang natitirang sakit na nararamdaman namin ay ibinuhos namin saamin. kaya't hindi dahil sinabi naman na okay na, tinatanggap na namin. pagbibigyan ka namin na bumawi, ay okay na. kasi magsisilbi kang paalala ng lahat ng sakit. at mas magiging masakit pa ito kasi para at galing na ito sa sarili namin. at sinasabi ko na at ipinapaalala ko na ang pinaka masakit at mahirap mahalin at patawarin ay ang ating sarili.
1 note · View note
oh-fuckdfeels · 5 years ago
Text
Alam mo na ‘to. Napagdaanan mo na ‘to time and time again. Sige, let it hurt a bit, tapos bitaw na ha. Hindi worth it na masaktan ka over an undefined and indefinite matter.
Diba sabi mo hindi ka mafo-fall. Nakikita mo na din yung red flags as early as now - kahit i-deny mo pa, you’ve started to keep tabs kasi. Lagi na lang ganun, mabuti na ngayon may scorecard na sila.. Or para sa’yo ba yun - score kung hanggang saan ka magpapakatanga? Malampasan mo kaya yun grade mo last time? Wag naman sana.
Kaya sige, hayaan mong masaktan ka, dahil dyan magsisimula ang paghilom. Dahil dyan unti-unting mahahawi ang kurtina ng pagkabulag na ikaw mismo ang pumiling maglagay sa harap ng iyong mga mata. Hayaan mong umalingawngaw ang sinasabi, isinisigaw ng puso mo na, “Huy tanga, diba sabi mo hindi cya? Kaya tama na.”
Anong usapan nyo noon - “Let’s enjoy what we have”, diba? Walang expression of commitment - ni wala ngang intent to pursue e. You noticed that agad when he said it - at proud ako sa’yo doon. Subconsciously, alam mo what that meant. 
Oo lumalabas kayo, just like lumalabas sila ng friends nya. Narinig mo din naman ang balita tungkol sa kanya - babaero, manggagamit. Over time, nakita mo din naman na may katotohanan na ang mga ganung bagay. Hindi masyadong halata pero pag tiningnan mo, tangina oo nga no? Nabulag ka lang ba ulit o sadyang magaling lang cya?
Alam mo na yung mga galawang ganyan e. Sinubukan mong ihanda ang sarili mo, dahil may gut feeling na aalis din cya. Tingnan mo ngayon - wala na cyang kelangan sa’yo kaya hindi na masyadong nagpaparamdam. Wala naman din na ‘kayo’ kaya bakit nag-eexpect ka na magkukwento cya tungkol sa araw nya? Sa mga barkada nya? Sa trabaho nya? Bakit may kurot kapag seenzoned lang yung huli mong message, pag ang tagal na nya magreply samantalang dati.. Isang “Good morning doc” at “Ingat sa pagdrive ah” na matic sa umaga, tapos mabilis na replies sa bawat message back. 
Nahuhuli mo ang sarili mong maya’t maya tinitingnan kung online cya sa messenger or kung may bagong story ba sa Instagram nya. Dati kasi bago pa cya mag-upload alam mo na kung anong kwento. Ngayon, iba pa magsasabi sa’yo. 
May isang Sunday na magkasabay kayong nag-misa. Ipinagdasal mong kung hindi siya makabubuti para sa’yo ay wag na cyang patagalin sa buhay mo, diba? Nakiusap ka na baka naman pwedeng huwag ka nang masaktan kagaya ng mga naranasan mo noong una. Kung hindi cya, sabi mo, sana malaman mo na agad, diba? Baka eto na yun. Sinasagot ka na. 
Tanggapin natin ang katotohanan na kahit anong pag-ilag ang ginawa mo - nadaplisan ka pa din. Takte kasi, natuwa ka na naman. Pero at least hindi masyadong masakit gaya ng dati. Malayong malayo doon sa dating sapul sa dibdib. Mas matalino ka na sa ganyang bagay ngayon, no? Very good ka dyan. 
Ituloy mo lang. Parang yellow line lang yan pag sasakay ka sa LRT. Konting atras na lang, safe ka na ulit. 
1 note · View note
queenlynerd · 5 years ago
Text
10202019
Para sa taong minahal ko ng sobra, pero sobrang sakit na. Araw araw ako nananalangin sa Diyos na bigyan ako ng lakas na tanggapin lahat. Mag sosorry lang ako sayo kasi eto lang ako, sorry kasi pinili kong ipilit yung 'tayo'. Sorry kung sobrang kulang ko. Kahit lagi mo sakin pinaparamdam na sobrang sapat ko. Nag iiba na yun pag hindi na tayo magkasama. Ikaw lang nagparamdam sakin na lahat ng bagay madali at kakayanin kasi alam mong may taong nagmamahal sayo ng totoo. Naramdaman ko yung pagmamahal mo sakin. Pero akala ko sobrang sapat na mahal na mahal mo yung tao kaya wala ka ng dahilan para magloko at lokohin. Dahil sa sobrang kampante mo na mahal kita ng sobra, nagawa mokong lokohin. I respect your privacy, pero when youre in a relationship. Your privacy is my privacy nadin. Pero hindi, nirespeto ko yon. Nahuli kita, may nililigawan ka na sa chat, and youre trying to meet up with her. Nasaktan ako. Gusto ko na itigil relasyon natin. Pero niyakap moko, nagsorry at nangako ng pagbabago. Hindi kita pinilit magbago, its your choice to change para sakin, para sa relasyon natin. Ilang araw ako nag isip, but the end pinatawad kita sa kabila ng lahat ng nagawa mo. Sa pangalawang pagkakataon ko mas naramdaman lahat, naramdaman ko lahat. Nakakatakot lang na baka isang araw makampante ka na sobrang mahal kita at ulitin ulit lahat ng sakit. Hindi ako nagkamali, pumunta ako sa inyo para bisitahin ka. Pero tulog ka. Not intention na hulihin ka. Alam mo yung kutob, na parang may something na nangyayari. I checked your phone. Dito na gumuho lahat. Nabasa ko lahat, lahat lahat. Pinili kong mag still, hinintay kita magising. Nginitian moko, nginitian din kita. Kahit sa loob ko, sobrang sakit na. Pinili kong maging okay kahit nanginginig nako sa sobrang sakit. Tinanong kita, pinapanalangin ko na sana sabihin mo yung totoo at hindi ka magsinungaling. Kasi alam ko na, alam ko na :( Dun na tumulo mga luha ko, kasi sa pangalawang pag kakataon. Hinayaan mong masaktan ako, nagsinungaling ka kahit alam ko na yung totoo. Dami kong narealize habang binabasa ko mga chat mo. Hinahayaan mong maging tanga sa iba, habang ako nagpapaka tanga sayo. Nanghihingi ka ng atensyon sa iba, tapos ako halos buong atensyon ko ibuhos ko na sayo. At sobrang sakit na mabasa din na hindi mo naman talaga ako minahal nung una palang, hinihintay mo rin na bumalik yung ex mo. Na itinatanggi mo ko sa iba. Sobang sakit mabasa lahat. Sobrang sakit malinawan sa katotohanan. Pano yung pinaramdam mo sakin? :( Pano na yung lahat? Masakit din na nag aaway tayo that time, may kausap ka sa chat. Pano ko nalaman? Nakabukas fb mo sa phone ko. Nagaaway tayo pero masaya kang nakikipag chat sa iba. Binabalewala moko harap harapan. Sobrang sakit. Mahirap pero pinangako ko sa sarili ko na kung maulit man to, lalayo nako kahit masakit at mahirap. Di ko na hahayaan na masaktan ulit yung sarili ko sa parehong dahilan. Ilang days palang nung nangyari yun. At sobrang hirap pa mag adjust. Pero pangako, bubuuin ko ulit sarili ko. Salamat sa pagbuo sakin kahit sa kaunting panahon. Ayokong magsisi na minahal kita, kasi napasaya at natuto ako sayo. Pero dahil sa sakit puro pagsisisi nasa utak ko. Kahit hindi na ikaw yung bumalik, ibalik mo lang yung saya ko, yung dating ako, ibalik mo yung puso ko. Kahit durog, bubuuin ko nalang ulit. Ilang araw nakong absent sa school sa work, dahil gusto ko magpahinga. Pero kahit na anong tulog ko, sobrang pagod na pagod padin ako. Di ko na alam. Salamat sa lahat. Dito na matatapos storya natin na ako lang ang bumuhay. Mahal kita at lahat ng pinakita at pinaramdam ko sayo totoo lahat. Ingatan mo bagong mamahalin mo. Kasi sigurado maiinggit ako sa bago mo. Pero pinili kong matapos na to. Para mahanap mo yung taong kaya mong mahalin ng totoo, kaya mong isacrifice lahat para sa kanya. Hindi ka mahirap mahalin. This could be the end of us. I love you, I really do. But this shit make me fall out of love sayo. :)
4 notes · View notes
torpengromantiko · 5 years ago
Text
At kahit lumipas man ang matagal na panahon, kahit na sabihin nating “Nakalimutan ko na siya” eh may instances talaga sa buhay natin na ipapaalala ulet sayo ng mga taong nasa paligid mo yung taong yun, ipapaalala ulet sayo ng tadhana yung taong minsa’y minahal mo ng higit pa sa buhay mo. Yung totoo, hindi naman natin kailangan kalimutan yung taong yun, ang kailangan lang nating gawin ay tanggapin ang katotohanan na wala na siya sa buhay natin, kahit mahirap at kahit masakit. Kaya lang natin sinasabi na “NAKALIMUTAN KO NA SIYA” para hindi mo na ulet maalala yung sakit, para hindi mo na ulet maalala kung paano ka nasaktan. Ayaw mong maalala kasi hindi ka pa lubusang naka-usad talaga.
14 notes · View notes
consistentmagmahal · 6 years ago
Text
...that hurts. Sinampal ako nang katotohanan dun kaliwa’t kanan. Masakit naman talaga ang katotohanan eh, wala namang bago kaya sige tanggapin ano man ang dapat tanggapin, wala tayong choice eh. Kunwari nalang di natin narinig, kunwari nalang wala lang un kahit ouch.
3 notes · View notes
alwaysshine · 6 years ago
Text
Minsan mo na rin akong pinilit na sumuko dahil sabi mo, talo na ako. Lumaban pa rin ako, pero nung huli, tinanggap ko kahit masakit sa loob ko. Only to find out na ginagago mo pala yung taong mahal ko. Ngayon, it's your turn na tanggapin ang katotohanan na hindi na kayo magiging okay kahit na anong gawin mo, kahit na anong pigil mo sa kanya, kahit na anong away mo sa kanya. HE DOESN'T WANT TO BE WITH YOU ANYMORE.
2 notes · View notes
muntingbulak · 2 years ago
Text
RIP Krum
~~ madaling araw. ginising ako ng mga hikbi nya. bumangon agad ako at binuhat sya nang marahan mula sa pagkakahiga. niyakap-yakap ko sya, kinau-kausap, hinimas-himas... hinagilap ko kung ano o saan ang masakit. nilambing-lambing ko sya hanggang tumigil sa paghikbi at sumigla nang konti. 
maya-maya, ibinalik ko na rin sya sa pagkakahiga. bumulong ako ng pangakong magpapa-vet kami mamaya, pagkabukas na pagkabukas. ilang himas pa at sinabayan ko na rin syang bumalik sa pagtulog.
mga alas kwatro nang umaga naalimpungatan ako. hindi ko alam kung bakit, pero napasugod ako sa nakahiga nyang katawan, parang may nagtutulak sa ‘king kumustahin uli sya. tahimik. paghaplos ko sa malambot at madulas nyang buhok, alam ko na. i checked his joints, his breathing, and his pulse. i checked his pretty boy face and saw his dry tongue hanging out the side of his mouth. i’ve lost my boy.
~~ he did not suffer. he left in peace.
at ito lang ang dahilan ng kakayanan kong tanggapin ang sampal ng katotohanan nang walang paghagulhol. let me clarify. he was probably in pain the last couple of hours of his life; pero kumpara sa history nya ng mga naging malulubhang karamdaman noong kabataan nya, walang-wala ito. (he’s a tough boy!) walang ilang linggo ng heart-wrenching na pananamlay at pagkakasakit, walang ilang linggo ng stressful na pagpapa-vet at pahirapang gamutan. biglaan.
bugbog-sarado ang katawang-lupa’t kaluluwa ko t’wing nagkakasakit siya noon. hindi ko kaya yung bagabag, yung tamlay ng mga araw. pa’no pa kaya kung dito namin sa probinsya naranasan yon kung sa’n walang 24-hour vet at sa ibang bayan pa ang mga clinic na mas maaasahan?
habang buhat-buhat ang naninigas nya nang katawan, idinuyan-duyan ko lang sya habang binubulungan ng mga paglalambing at pasasalamat. habang inaalala ang mga paborito naming sandali, binalot ang buong katauhan ko ng mainit at taimtim na pagluluksa, ng maluwag bagama’t malungkot na pag-unawa at pagtanggap sa katotohanan ng lahat.
hindi na ako humagulhol.
~~
i’m not the superstitious type. pero mapapaisip ka pala talaga ng kung anu-anong drama, pahiwatig, paramdam, sa mga pagluluksang ganito.
there’s a part of me thinking na para bang hinintay nya munang maging handa ako bago sya nagpasyang umalis. na para bang may checklist sya para sa ‘kin, at hindi nya muna ‘ko iiwan hangga’t hindi ko pa naipapasa lahat. nitong nakaraang buwan, after years ng pagkukulong lang sa bahay at pagmumukmok sa kwarto, nakita nyang umalis ako para pumunta sa isang event. umuwi akong masaya sa pag-welcome back ng eksena. excited nyang inamuy-amoy ang mga sapatos at damit ko. kinabukasan, dinayo’t binisita naman ako ng dalawang kaibigan para kumustahin matapos ang ilang taong hindi pagkikita. nakasalubong at nakausap nya ang isa rito, patunay sa kanyang may mga kaibigan pa ‘ko bukod sa kanya. two days later, birthday ko na. nagsalo kami sa masasarap na pagkain. nasaksihan nyang muli ang pagmamahal sa ‘kin ng buong pamilya ko. a few days later, yun na, nagpaalam na nga sya. (inilapit pa talaga sa Undas!) noong ililibing na sya, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan; ilang araw na halos walang tigil dahil may mga dumating na ring bagyo. napapailing na lang ako sa pagka-cliche, pero para bang ang langit na lang ang umiiyak no’n para sa ‘kin.
kasi hindi pa rin ako humahagulhol. ~~
taong 2020, kasagsagan ng pandemya, isang taong kami lang dalawa ang magkasama sa bahay. sa gitna ng mga naging problema sa trabaho, sa personal na buhay, at sa gitna ng kawalang pag-asa at depresyon, sya lang talaga ang naging sandigan ko -- kayakap, taga-ubos ng lungkot, kalaro, kakwentuhan, at kalambingan.
dahil kelangan ko syang palakarin araw-araw at gabi-gabi para gumala, umihi, at jumebs, nagkaro’n ako ng rasong lumabas-labas kahit pa’no. magpaaraw, mag-ehersisyo. dahil kelangan ko syang alagaan at pakainin, natuto akong maging responsable lampas sa ‘king sarili. sa mga panahong halos sumuko, may makulit na dahilan para bumangon, may masiglang dahilan para sulitin ang araw.
itong nakaraang mga taon mula 2020 ang pinakamabigat na panahon ng buhay ko. nakatulong ang pagmamahal sa ‘kin ng pamilya ko, ang malasakit ng mga kaibigan ko, ang therapy at ang meds, sa pag-agapay; pero ang constant talaga sa buong panahong ‘to, ang presensya nya sa buhay ko. sigurado ako, without exaggeration, hindi ko na-survive ang panahong ‘to kung wala sya lagi sa tabi ko. ~~
Tumblr media
Krum... hindi pa rin ako humahagulhol. pero hindi ako nagpipigil. tinuruan mo akong maging mas tapat at bukas sa mga nararamdaman ko (kaya nga napasulat pa ‘ko ngayon), pero tinuruan mo rin akong maging matibay at mahinahon. narinig mo na’ng lahat ng klase ng hikbi, iyak, at hagulhol mula sa ‘kin sa mga panahong kinailangan ko ng pagbubuhusan. saksi’t karamay ka sa pinakamadidilim kong gabi, kalaro’t hypeman sa pinakamaliliwanag kong umaga. ang gusto ko na lang iparinig sa’yo ngayon, at sa bawat sandaling maaalala kita, taos-pusong pasasalamat.
kung comedic timing mo lang ang pagbabatayan ko, wala akong dahilan para pagdudahan ang napili mong panahon ng paglisan. sana nga tama ka, tama kang handa na ‘ko. ilang taon kang nakaalalay sa ‘kin para hindi ko pa kayaning tumayo muli sa sarii kong mga paa, pero ang totoo’y may duda’t takot pa rin ako. ang maipapanata ko lang, hindi ko lilimutin ang mga pinagsamahan natin, at hindi ko sasayangin ang pag-aaruga’t pagmamahal mo. my boy! my bestfriend! higanteng himulmol. kayakap na ulap. munting bulak ng liwanag sa makulimlim na mundo. sana napasaya kita kahit pa’no.
mahal na mahal na kita, Krum. maraming maraming salamat sa lahat. . . .
0 notes
clicheyettouche · 3 years ago
Text
MAJOR SPOILER: TANGGAL TALAGA ANGAS MO KAPAG NANOOD KA NG 2521.
For some people, being loved is far scarier than being hated or unseen. So, if you're one of these people, putangina hi same here sis.
I'm a taurus but the concept of love for me is Disney nonsense and has no place in the real world. Chariz! Bitter lang ako ng slight for todays videoww. I mean I do believe in unconditional love, soulmate and great love but not with the disney version of love. Pang bobo 'yun eh. Haha! Umay na ako sa Disney Channel. Matagal na akong ginising sa katotohanan ng The Notebook, A Walk to Remember at Titanic.
Nag iinarte nanaman ako, eh paano, sinaktan nanaman ako ng isang k-drama. Kakatapos ko lang ng Twenty five, twenty one. At hindi lang sya basta kagat lang ng langgam. Like pwede ba? Wala pa nga akong najojowa pero sobrang affected na ako sa isang k-drama. Parang gusto ko tuloy i-auto ban lahat ng lalaking haharot sa'kin.
At first I didn't want to watch it sa netflix kasi nga it looks too cliché. Sabi ko pweh! Highschool themed nanaman na malaki nga ang budget sa production kaso palpak naman sa gasgas na plot line or plot twist. Thank god I watched it! It's totally worth it. Every episode exceeded my expectations and I did not expect that. Lahat ng feelings mararamdaman mo kahit pa wala kang experience sa love. Kaya nga ito, nauulol na naman ako.
Hindi lang ako basta nag rollercoaster ride sa emotions ko. It was a road to nowhere that left me all ruined, scarred, tattered, and shells of who I used to be. Grabe! Ang dami 'kong gustong pag-isipan bago matulog. Ang arte arte ko ngayon, feeling ko mag sesenti ako hanggang mahal na araw.
Minsan talaga hindi tao, experience or climate change ang huhubog sa'yo as a person. Minsan din talaga k-drama pa mismo ang mang re-reality slap sa'yo. It will give you the idea that the cold, harsh truth about love is not all love stays.
What if mangyari sa'kin?
What if our love was too genuine and intense. It's perfect and it feels forever.
Until it's not...
Ay shet, ang saquette.
I know that some people are meant to be a part of your life but they are just not meant to stay in it for the long run, and that is okay. Ang hindi okay, eh, 'yung pain. Kasi masakit eh, may nakakatuwa ba sa pain na 'yan?
'Yung akala mo okay na ang lahat hanggang huli pero one day you'll wake up and realize that we're not on the same page anymore, different frequencies of life; our needs just didn't align anymore. And that's too painful and agonizing. Nothing hurts as bad as that time you really lose someone special in your life. Sobrang hirap tanggapin nun, hindi ba? I've always thought that the worst form of pain is grieving for someone who is still alive.
It will hurt. It will hurt a lot. I'll cry like a pre-pubescent wuss if ma-feel ko sya sooner or later. However one thing I learned is, that the pain we're all talking about...it will be the best thing that has ever happened to you. It will show you what you truly want, who you want to be and where you want to end up.
Hindi man nag last hanggang sa till death do us part pero sabi nga ni Miss Catriona Gray "...see situations with a silver lining," Always look for the bigger picture. Don't dismiss a beautiful thing you once had for how it ended and how badly it might have hurt you. Laging may new beginnings and devastating endings. Embrace it for what it was. Kasi that's how you move on.
At least that pain and that person make us grow. Even if your relationship ended on a bitter note, kahit na puro pain na lang lahat nang naranasan mo, the love was once there. We all know that.
Kasi darating talaga sa time na magiging unfair si kupido sa'yo. Na umabot din sa point na willing ka maging alipin ng love, na you always convince yourself that you have to fight for the relationship until you can no longer breathe.
However, that's never the case.
Sometimes you have to choose yourself. And that's also valid. The point is, you are the most important person in a relationship. Hindi magiging masaya ang love life kung ikaw mismo hindi na masaya. Wala eh, ganon talaga. Kasi nga sometimes you simply need to pick yourself instead of fighting for something that has long been gone.
Parang sa love story lang din ni Heedo at Yijin. Ang daming nagsasabi na sana man lang naghintay si Heedo. Sana mas naintindihan nya si Yijin. I mean both sides are valid, pero sana nga ganoon kadali kasi kung ganon naman pala ka-easy edi sana wala akong mema entry dito! Chos! Kidding aside. Napanood ko naman. Damang dama ko nga lahat ng scenes, eh. Heedo did try. She did her best. She settled into an empty shell of a relationship simply because she could not stand the thought of losing Yijin. Pero halos lahat talaga ng nagmamahal eh napapagod at napupundi...
It's just life, eh.
Because when a relationship falls apart, every piece of your world starts to collapse. So, in order for Heedo to rebuild what she have lost, she needed to end the relationship.
She needed to walk away. Kasi It's exhausting when your someone relies solely on you for happiness in their life. Just like what Heedo said to Yijin, "We're lovers only during the good times, and a burden to each other in the bad times." That part was extremely heartbreaking.
But in the end, both of them chose themselves and that's the best option. It's simply two people who had something magical, but now need to part their ways. Ganon lang ang life. It's for the better not for the worse.
As we all know naman love will never be enough. It isn't like it in movies, TV shows, or songs. You may have known that not every love is destined to work out, but you never truly accept it until you find yourself in that exact situation.
Karamihan sa ibang tao, kapag hindi nagkatuluyan iniisip natin agad na that's the definition of a failed relationship. Pero hindi dapat ganon.
We can also choose to see it in a positive way. We can choose gratitude over bitterness. We can choose happiness over pain. Na sana maisip mo, ang laking bagay nung taong 'yun para matuto ako sa life and love.
And the best thing about it is that the love will never be gone. It doesn't go away. Oftentimes, people simply just grow up. Kung ako lang na NBSB, if ever na maging ex ako ng isang tao. Gusto ko din talaga 'yung ganon na hindi puro negative ang feels.
Yun bang ang drama ko is..."You will always be the best thing that I have set free," Emeee! Pwede na akong script writer dyan hahaha! Pero seryoso...parang ang gaan sa pakiramdam kapag ganon.
Sana nga ganon ang mindset diba para okay ang bonding sa earth. Yun bang you will always be the story that I love to tell the people that I meet. You will always be someone who made a huge difference in my life.
Na sana I will be matured enough to completely understand why the universe didn't make us to be together, forever. Although it's heartbreaking to know that it's not me you're going to spend the rest of your life with, I am still trying my best to be happy for you, for both of us. Because we deserve that.
Sorry for being the annoying nbsb here, by the way. I'm just very passionate about this kasi feeling ko nag level up 'yung ideas ko about love.
So ito na nga. Here's my 2 cents for this k-drama. Okay, twenty five twenty one is a masterpiece. For me ha, malay ko sa iba. Basta it's my cup of tea. 'Yung storyline nya is about dream, unexpected friendship, letting go, and setting people free.
And of course. It's about finding freedom in forgiveness.
Love fills our heart with hope, happiness, tenderness, and a passion for life, and we want that to last forever. It is one of the climaxes of being alive, right? This drama will show you that, that's for sure. Legit 'yan.
There have been so many k-dramas I've watched which started out strong and faltered in the 2nd half, pero 2521 is one of the few drama which I enjoyed more and more with each episode in spite of the ending. Pero the important thing is the growth of each characters which mattered so much more. Dun talaga ako nagbabase kaysa sa ending. Kasi as a fan of k-dramas immune na ako sa kahit anong ending. Sa mga heartbreaking scenes kasi ako mas natutunaw.
Naniniwala naman ako sa "The endings do not define your story. They are just part of them," Kaya sana all gets 'yun.
The number of times I cried for this drama oh good lord I CRIED LIKE A B—Anyway...The dialogues are so on point. Very well written dialogues. Star studded ang casting hindi pang wampipti lang. At syempre my favorite thing sa mga k-drama. OST's were just as good as the drama especially 'Your existence' by Wonstein it made me recall the bittersweet moments between Heedo and Yijin. Mapanakit talaga sila mga bhie.
And about Heedo and Yijin? Pakyu both. Char lang! Hehe. Their love story shows us that not all love is meant to last forever and just because it doesn't last forever doesn't mean it wasn't love. These two showed us the reality. It's hard to swallow because it's real. And it feels surreal. Every relationship demands some compromise, and it's not always sad to compromise.
Atleast they were able to experience this kind of genuine love, even though it did not last. Ang cute nila at ang saya ng happenings nila. Ang wholesome!
So ayun. Twenty five, twenty one is the best k-drama so far, the ending is too real and beautiful. Bittersweet but it perfectly represents youth. Loveee it.
Many k-dramas give unrealistic expectations on love and that's too overrated. The person you end up marrying might not be the person you love most but suits you most and that can happen to anyone. They gave us so many lessons to ponder on and that's what I love about it.
So, to those who had their great love but didn't end up together in the end, this drama is the best reference.
Kaya kupido, ngayon mo ako subukan. Wag mo ako angasan dahil mas maagas ako. I'll thanos the shi t out of you. Baka pinalaki 'to ng K-drama at MMK. Jokeeeeee. *Knock on wood 100x*
0 notes
carleecrtz · 3 years ago
Text
minsan kahit kadugo natin, hindi na tayo mapagkatiwalaan at maintindihan 🥺 hindi ko alam kung bakit e ginagawa q naman ang lahat para lang mapatunayan sa kanila na kahit anong sabihin ng iba ay puro hindi katotohanan, bakit kapag ako na magpapaliwanag lagi na lang mali, lagi na lang ako pinagbubuntunan hindi ko na alam, kahit ganto ako hindi ko pa din naman sila kinakalimutan dahil hindi naman ako showy person e 😭 may pagkakamali ako, OO! pero sa nagagawa ko yun dahil sa iba ko pa nararamdaman yung saya na wala ako dito sa bahay namin lagi na lang ako ang mali dito 🥺 kahit ako sarili ko na tinatanong ko bakit di ata sila proud sa mga nagiging achievements ko simula nung bata ako hindi ko naramdaman sa kanila yon 😭 bakit?? ang hirap lang sa part ko na ako lagi yung nakikitaan ang unfair shet 😭 kung alam nyo lang hindi bad influence sakin mga kaibigan ko at kung sino ang pinupuntahan ko, dahil sila yung nandyan para matakbuhan ko pag may problema ako, kahit di nila alam sasamahan nila ako sa trip ko para lang gumaan gaan loob ko, ayaw q magsabi sa magulang ko kase alam ko di nila ako maiintindihan hanggang di nila nakikita ang kabutihan na ginagawa sakin ng mga nakapaligid sakin na akala nila yun ang sisira saken pero mali yon 😭 ayaw ko sila magalala kase eto na naman pabigat na naman ako mas pinipili ko manahimik kase pagod na ako makatanggap ng masasakit na salita sobrang sakit na 😭 sana balang araw maisip nila lahat kung gaano ko hinarap lahat ng sakit at ginawa sakin 🥺 sana balang araw paniwalaan naman nila ako, sana balang araw pakinggan muna nila ako at sino talaga ako, kase ngayon ko nakita ang sarili ko na matapang ako pero sinasabi ko pag nakarinig na ako ng masakit na salita na di ko alam ganon pala tingin sakin kahit kadugo ko na grabe makadurog saakin na parang wala bang nagawa akong tama sainyo parang di nakikita kung gaano ko ginagalingan para lang makita nyo kung sino ako, siguro nga kung andito lang kayo sa tabi ko maiintindihan nyo ako sobrang hirap e pero alam q naman kaya malayo kayo samin dahil para saamin, pero pinapanalangin ko sa POONG MAYKAPAL tanggapin nyo kung sino ako at maintindihan nyo at malaman nyo kung ano ang mga nangyare at kinaharap ko habang wala kayo lalo na dito sa bahay 💔 ang sakit lang na dumating sa point na na depressed ako na halos gusto ko na lang patayin yung sarili ko, na halos di ko na maibuka ang aking mga kamay dahil sa pinaramdam saken, na halos gusto ko na lang makapag isa magdamag araw-araw at nakatulala, na gusto q lumayo para lang di na maramdaman muli, pero ilang beses ilang ulit na nangyare sakin, ewan ko ba ewan ko nga pero madami akong pangarap sa buhay na ilalaban ko at gagawin q hanggang makakaya ko, para lang maging proud sakin ang mga taong nang down sakin kahit ngayon meron na sa ganto ko pang edad, mahirap magsalit ng di tapos pero lalakasan ko na laang ang loob ko kahit bumababa yung tingin ko sa sarili ko dahil yun na lang ang magiging sandata ko sa lahat ng nangyare at mangyayari saaking buhay, at bilang nandito sa edad na to gusto ko lang din ng kasiyahan sa buhay ang maramdaman ko ang maging isang ganap na dalaga, nagpapakasaya ako dahil alam kong sandali lang yung saya na yun, alam ko ang tama at mali pero dahil sa pinaramdam sakin na mali lahat ng nagawa ko alam ng DIYOS kung ano ang ginagawa ko kahit di nyo ako paniwalaan husgahan nyo ako ng husgahan dahil alam ko ang ginagawa ko hindi ako bobo kahit bobo ako sa paningin nyo, hindi nyo naranasan kaya siguro ganyan kayo makapag salita pero okay lang ako na mag aadjust, malaman nyo at sana maintindihan nyo ako, imissyou mama and daddy mahal ko kayo kahit sinasabi ninyo na di ko kayo naaalala, umiiyak na lang ako dahil di nyo nakikita ang lahat 💔 mahirap mapalayo pero tandaan nyo mahal na mahal ko kayo at gagawin ko ang best ko para mas lalo kayong maging proud sakin kahit ganto lang ako, magiingat kayo palagi dyan miss ko na kayo mayakap, iloveyou both!! 🙂
0 notes