#tulalim
Explore tagged Tumblr posts
aa-rcangel · 3 years ago
Text
Tumblr media
Akala ko noon nandyan ka din sa mga panahong kailangan kita.
Kasi di ko magawang umalis at iwan kang mag isa.
Akala ko noon nandyan ka lang 'pag pagod na ko at kailangan ko ng pahinga.
Dahil sa pagal kong isip, hanap ka kahit sa panaginip.
Akala ko noon nakahanda kang saluhin ako mula sa pagka hulog ko sayo.
Bulag pala akong tatalon sa bangin na wala ni anino mo.
Akala ko pwede kong panghawakan mga salitang sinabi mo noon tayo'y nagsisimula pang magkakilala.
Pero nakalimutan kong ang salita ay di agad maituturing na pangako kung wala sa gawa.
Akala ko may maaasahan akong katuwang sa mundong matagal ko nang noon pa gustong sukuan.
Wala din pala kahit nun umpisa pa, isang malaking imahinasyon lang ang lahat at matagal ka nang lumisan, ni hindi ko alam.
Akala ko ikaw na yun noon.
Akala ko lang pala yun.
Alam ko na ngayon.
- Akala
092021
1:30am
aSa
2 notes · View notes
aa-rcangel · 4 years ago
Text
KANDILA 
Tumblr media
Sa isang madilim na paligid,muling lumiwanag dahil sayo, 
Kayganda mong pagmasdan, malayo o malapit man ako; 
Sa isang di maipaliwanag na dahilan dala mo'y ala-ala ng nakaraan at takot na harapin ang kinabukasan. 
Maaari bang pakiliwanag pa ang liwanag mong dala, nang hindi takot kundi pag-asa ang madama. 
Minsan kasi parang ang hirap mong unawain, Kaya pwede bang paki paliwanag pa? 
Noong una pa man ayoko na sanang sindihan, Dahil mas maganda ka na lang sana pagmasdan; mula sa malayo, papalapit,papalapit nang papa-lupit. 
Ang lupit - ang init, nakakapaso, masakit. 
Kasalanan ba ng apoy o ng naiipit na mitsa? Bakit nga ba 'di ko natantsa kung anong klaseng kandila ka? 
Dala mo ba'y saya, pag-asa, takot o sunog ba? 
Pero ganun talaga kailangan para mas malaman ko kung pang Birthday, Halloween o di kaya pang arson ka. 
Dahil naumpisahan mo na yan,kailangan tanggapin ang katotohanan. 
Darating ang oras at panahon na ika'y lilisan. Ano pa nga bang magagawa mo, 'di mo naman yan mapipigilan. 
Maliban na lang kung mawala ang apoy sa kalagitnaan. 
Sa kalagitnaan ng kawalan, paano mo nga ba ulit sisimulan? 
Kakapain muna ba kung nasaan ang kandila, 
O uunahin ang pagsindi ng apoy? 
Nakakalito - nakakalito. 
Ilang pitumput-pito ulit pa ba mangyayari ito. Ayoko nang bilangin, gusto ko na lang sana lisanin. 
Lisanin ang alin? Paano nga ba pasanin ang kandilang tunaw na din? 
Minsan nais kong ipunin mga tunaw mong bahagi, 
Nanghihinayang kasi ako mabalewala o maisang tabi, 
Mga ala-alang dala mo kahit paano'y nakapagpangiti, 
Balewala - isang tabi - ngiti, balewalang isang ngiti. 
Ihip ng hangin aking kinatakutan,'pagkat liwanag mo'y baka di na masilayan, 
Ngunit aking napagtanto, ano nga bang nais? Hayaan kang magliwanag habang nauupos O pigilan ang ningas upang maaari pang mayapos. 
Hindi ko na alam ang gagawin pero pasya ko'y buo na din. Ayaw kitang mawala kaya't paparamin na ang apoy, Ipikit ang mata hanggang sinag ng umaga'y dumaloy.
(11/1/2015 - 1:11am) 
1 note · View note
aa-rcangel · 4 years ago
Text
WhaT iF?
Mas gugustuhin ko na sanang maging kaibigan kita habang-buhay na may "what if" tayo kesa mawala ka sa buhay ko kasi naging tayo pero along the way biglang nagbago.
Kaya kung magiging tayo man, maaari bang manatili ang pagiging kaibigan mo?
Nang hindi mapuputol dumating man ang araw na wala ng ikaw at ako.
0 notes