angiebites
♥twolips♥
536 posts
This blog simply describes Life, Love and Me. IG: queen.angge
Don't wanna be here? Send us removal request.
angiebites · 4 months ago
Text
Be grateful for the wound that pushes you closer to God
0 notes
angiebites · 5 months ago
Text
Mt. Pinatubo (Beautiful Disaster)
One of my best treks this 2024. Worth it and sulit ang 2hrs ATV ride and 1hr trek papuntang crater lake 🧡
#MtPinatubo #Zambales #Botolan #Pinatubo #Trekking
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
angiebites · 7 months ago
Text
“Lord, do it again.
Do it Your way.
Do it in the most unique way.
Do it in a way that I may know it is not me, but You all along.
We are uncertain of what is to come, but we can trust and be hopeful because we know who You are.”
If God did it before, He can do it again. If He opened a door before, He can do it again. And He will.
God will prove again that He has never given a promise He won’t fulfill.
0 notes
angiebites · 11 months ago
Text
When God works on my life everything is smooth and clear. No confusion, no uncertainties, no doubts and no worries. Just full of Joy and Peace 💛
Like the Sun and Moon it shines brightly.
And it was all Yellow 💛
Tumblr media
0 notes
angiebites · 1 year ago
Text
Life never gets easy.
Life is tough.
Life will give you a lesson
Life can give you a reason
So whatever it takes, Life still has its own meaning to continue. It's been a while since this season started. But I know it will come to an end. And my new chapter has been flipped to its next page without you.
I'm still that person that you've loved. Even time passes and things change. You always have that special space in my heart. Salamat sa lesson. Now it's time to move forward and look forward without any hate in my heart. Hoping for the better you and Best in you.
Tumblr media
0 notes
angiebites · 1 year ago
Text
Sinimulan ko sa pagbitaw.
Mahirap? “Oo, lalo kung minamahal mo ng sobra” Hindi mo na halos kilala yung sarili mo sa mga bagay na nagagawa mo dahil sakanya.
But at the end of the day, bigla mo nalang maiisip, at matatanong mo yung sarili mo kung “nasa tama pa ba ako?” Bakit ang bigat parin?
Kaya pala. Kaya pala ako nabibigatan kasi pilit kong inaahon ang ayaw mismong umahon. Kaya kahit anong hila ko, hindi na talaga, wala na talaga. Nakakalungkot pero kailangan kong tanggapin para makalaya na ko sa sakit na nararamdaman ko para sakanya. Kinumbinsi ko yung sarili kong maging matapang, dahil ito lang ang paraan para makawala ako sa ganitong bigat at sitwasyon. Kailangan kong simulan sa sarili ko.
Noong ako humingi ng katotohanan, pumabor man or hindi saakin ang mga sagot niya, maluwag sa loob kong tatanggapin lahat para wala na akong nararamdamang pagsisisi. Alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat. Binigay ko rin lahat lahat. Sapat na siguro ang limang buwan para bigyan siya ng pagkakataon itama at gawin kung ano sa tingin niya ang tama. Yung hope nawawala na at napapalitan na ng galit. Ayoko rin humantong ako sa bagay na di ko mapapatawad ang sarili ko. Gusto kong patayin sa isip ko yung mga bad thoughts na yun.
Mas pipiliin ko nalang lumayo at hanapin yung peace of mind ko, kaysa patuloy kang hintayin, na walang kasiguraduhan, ni siya mismo di mo alam kung saan siya lulugar. I’m firm sa lahat ng sinabi ko, sa lahat ng ginawa ko. At wala akong pinagsisisihan.
Ngayon, Lord, have your way to my path. Masyado po akong nasaktan, alam niyo po yun. Hindi ko alam kung ilang gabi kong ininda at iniiyak ang mga bagay na to noon. Masakit pero yung presenya niyo po sa buhay ko ramdam ko at kailangan ko ngayon.
Nararamdaman ko na ngayon na malapit na rin ako sa pangarap ko at hindi pa huli ang lahat. Marami pa akong pwedeng gawin, marami pa akong pwedeng makilala. Lord, kung ano man ang plano mo sakin ikaw na pong bahala.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
angiebites · 1 year ago
Text
To my Next One
I spent enough nights drowning myself from the heartbreaks I always romanticize with my words. I broke my heart enough to learn that there will be wrong ones I can never let go of because they felt too right.
But I am tired of being an excerpt of someone’s story. I am tired of being loved partly, of receiving less of what I deserve, and of being a temporary “always”.
I spent my years being a summer escape, a second option, and not the right one. I am tired of showing my naked soul to the people who won’t embrace it. I am tired of comparing them to the waves and wildflowers when all they do was leave—and never came back.
And I hope it’s you who will make all my bruises worth it. I hope you’re that lifetime person I won’t stop writing poetry about.
I hope you’re the one who will finally make me romanticize the good little things; including how soundly you will sleep on my shoulders during lazy afternoons, how I will get a quick kiss from you before going to work, and how I will hold your hand every time you’re shaking in fear.
I hope you’re the one who will cross my path and will find a good reason not to leave.
0 notes
angiebites · 1 year ago
Text
“Having a soft heart in a cruel world is courage, not weakness.”
— Katherine Henson
4K notes · View notes
angiebites · 1 year ago
Text
It's been weeks
Full workloads, overtime, strict deadlines
high blood na boss. 😩😩😩
0 notes
angiebites · 1 year ago
Text
Lord,
Kung deserve ko man yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Wag mo po kong papabayaan kasi hindi ko kaya. Wala po akong mapagsabihan everytime na mararamdaman ko to at hindi ako okay. Sana dumating yung araw na mararamdaman ko ulit yung saya. Ngayon kasi diko alam pero naghahalo na po yung sakit, bigat at pagod na nararamdaman ko.
3 notes · View notes
angiebites · 2 years ago
Text
I know this season of my life, as Single woman, God is molding my character to be the person He desires me to be. And that when the time is right, I will be able to know how to love a man He has for me.
You know, whoever you are, I'm excited to be meeting you one day and tell you, "you're truly the man I prayed for."
He has made everything beautiful in His time. ~Ecclesiastes 3:11
Tumblr media
0 notes
angiebites · 2 years ago
Text
Lord,
Araw araw ko pong pinagdadasal yung peace of mind ko. Gusto ko pong matulog gabi gabi ng matiwasay at payapa. Ipinapaubaya ko na po sainyo yung mga sakit ng kahapon na patuloy pong gumagambala sa isip ko hanggang sa mga oras nato. Hindi man malinaw lahat sakin bakit nangyayari po ito, pero naniniwala po akong kakayanin ko po ito dahil kasama kita sa laban na to. Wala akong hindi kakayanin basta kasama kita Panginoon. Bawat luha ko ngayon mapapalitan din ng mga ngiti ulit. Dalangin ko po na kapag dumating yung araw na handa na ako, mas doble o triple pa yung happiness na mararamdaman ko. Yung Pure na happiness na kahit kailan hindi na po mawawala sakin dahil sainyo po galing mismo yung kasiyahan na yun. Hihintayin ko yun Lord.
0 notes
angiebites · 2 years ago
Text
Dear Angie,
One day, you will understand that everything God allowed in your life has a purpose. Be patient. Everything is worth waiting 💛
Tumblr media
0 notes
angiebites · 2 years ago
Text
Oyo,
Alam ko di mo kayang sabihin sakin lahat ng totoo, matagal na kitang kilala. At di pumapalya ang instinct ko. Pero hanggang kailan ka magiging ganyan. Kailan ka magkakaroon ng paninindigan? Kailan ka magiging lalaki sa mga desisyon mo? Kailan mo papangatawanan yung mga sinasabi mo?
Kung sincere at pure yung intentions mo na magsisimula tayo ulit, harapin mo lahat. Wag kang duwag, wag kang play safe. Alam ko nakakahiya, oo kasi kahit ako yan ang nararamdaman ko ngayon. Pero ayoko naman yung gawin mo kong options, or tinatago. Ramdam na ramdam ko palagi yan lalo nung nasainyo ako. Hindi ganun yung worth ko Oyo, hindi ko dapat maramdamdaman na parang ako yung nasa mali? Dahil nandiyan na yan eh, we need to deal with it. Hindi talaga uusad ang isang bagay na mali. Hindi mo napapansin na babalik at babalik ka lang ulit kung saan nagsimula yung problema mo dahil indenial ka sa mga impulsive decisions mo. Alam ko na ayaw mo ng pinapakialaman yung desisyon mo sa buhay. Pero walang masama na makarining ka ng ibang perspective, wag mong ikulong yung sarili mo sa ganyang mindset. Hindi ka matututo kung di mo aaminin sa sarili mo na kailangan mo rin minsan ng ibang payo para maging tama lahat ng ginagawa mo. Paano tayo magsisimula kung sa simpleng pagaayos ng sarili mo hindi mo kayang gawin ngayon. Hindi naman pera o success sa career masasabi mo na maayos ka. Masasabi mo lang na maayos ka kung totoong masaya ka sa desisyon mo at walang kahit anong regrets sa past kasi kasama mo na eh. Kasama sa consequences mo lahat yan kaya kailangan mong harapin ng tama. Nandiyan na talaga lahat ng disappointments, given na yun pero diyan mo rin makikita yung mga taong kahit na disappoint mo ng sobra nandiyan parin para sayo. Wag mong tanggalin yun. Akala mo lang walang makakaintindi sayo pero meron. Hindi mo talaga malalaman kung sino sino ang may pakialam sayo kung di mo haharapin yung problema mo. Alam ko mahirap pero kung gusto mo talaga. Kung mahal mo pa talaga ako at ako parin gusto mong makasama sa habang buhay. Piliin mo munang gawin ang tama ngayon. Kailangan mong maging matapang para maovercome mo yan. Siguro kapag nagawa mo na ng tama ngayon baka nga hindi mo na kailangang magloko ng paulit ulit. Baka malay mo, ihandog na ni Lord para satin si Primo o si Maxim. Ilapit mo rin yung sarili mo sa Diyos, wag kang magrerely sa emosyon mo kapag gagawa ka ng mga desisyon mo. Hayaan mong si Lord ang magbigay ng perfect timing sa mga ginagawa mo. Lahat ng bagay may rason, pero nasa saatin palagi ang choice at desisyon. Hindi na tayo pabata, pero hindi dapat tayo napepressure, alam kong darating yung breakthrough basta maniwala ka lang Sakanya. Ayoko rin ng temporary happiness kaya pinagdadasal ko palagi na sana maging genuine na yung happiness kasi matagal nating inantay to. Ilang beses rin natin pinagdasal to dati, ngayon mo ipractice yung patience mo. Ngayon mo ito panghawakan.
Kaya mo yan, wag mo kong isipin. Unahin mong ayusin yung sarili mo. Alamin mo yung talagang magpapasaya sayo. Seek mo si Lord sa puso mo sa isip mo. Wag kang magduda sakanya. Mas magiging masaya ka sa desisyon mo kung siya pagrerelyan mo nang lahat ng nasa isip mo ngayon. Hoping for the best for you always. Kapag nagawa mo yan, masasabi ko rin na worth it yung paghihintay ko.
2 notes · View notes
angiebites · 2 years ago
Text
Araw araw akong nangungulila saiyo …
2 notes · View notes
angiebites · 2 years ago
Text
Love,
After a month ng mga nangyare, ngayon, narerealize ko lang lahat nang naging sacrifices mo sakin ng ilang taon. Sorry Mahal, ang tagal bago ko naisip, bago ko nakita. Kailangan pang mangyare lahat ng to.
Kaya di kita masisisi sa mga naging desisyon mo. Sobrang nasaktan din kita alam kong naipon mo din yan. Alam kong madami ka ding bagay na di masabi saakin dahil narin sa way of thinking ko. Masyado mo akong iniisip noon, samantalang ako masyado ko atang tinake for granted lahat. Masyado akong lugmok sa problema ko, hanggang sa nakalimutan na kita.
Oo, nasasaktan ako ngayon ng sobra kasi di ko matanggap yung naging response mo sakin na sitwasyon. Sobrang sakit, pero hinaharap ko to kasi kailangan ko din tanggapin na ganito na talaga mangyayare satin.
Nanghihinayang parin ako, marami rin tayong masayang memories na magkasama. Lalo na yung connection natin sa mga bagay bagay. Minsan nga sa simpleng burger naaalala kita.
Gusto ko lang malaman mo na, kahit di ka magsalita kahit di mo sabihin sakin lahat, alam ko na yan yung naging problema din natin. Ako din nagcause ng stumbles mo. Sorry, naburn out ka dahil sakin. Nakalimutan mo din sarili mo dahil sakin. Kakaisip kung paano mo ako maiaalis sa sitwasyon ko halos di mo na rin nalalaanan si Tita ng oras noon. Ang dami kong ninakaw na oras sayo. Tama ka eh, di tayo nag grow. Naistuck tayo dahil sa sitwasyon ko. Gusto kong ihingi ng tawad sayo yan. Sorry kasi naramdaman mo yan.
0 notes
angiebites · 2 years ago
Text
Minsan kahit di ko itanong sayo Lord may sagot kana agad.
Ang ganda ng Homily ni Father kanina,
“All your emptiness, anxiety, fears, regrets leave it to God, bumangon tayo wag natin ilibing ang sarili natin sa mga to”
“Kahit gaano pa kaunfair ang mundo sayo, kahit gaano pa kasakit ang pinaramdam sayo ng mundo piliin mong wag ibalik sakanila”
“Storm will pass and the light will shine again”
That’s the reason why Jesus died on the cross, He was betrayed but he chose to die for our sins.
“Stay kind kahit sobrang unfair na sayo ng mundo”
Ito yung isang bagay na madaling sabihin pero sobrang hirap ito iapply. Aminin mo minsan gusto mo gawin yung opposite nito. Kasi yun yung madaling paraan para di ka masyado masaktan. Hirap talaga gawin yung tama. Minsan maiisip mo kaya ka nahihirapan sa naging desisyon mo dahil na rin siguro hindi ayon sa plano ng Diyos yung ginagawa mo. Kung nahihirapan ka ngayon at nasasaktan, pagkatapos nung desisyon mo akala mo okay na akala mo masaya ka. Magisip ka ulit alamin mo mismo sa sarili mo. Kasi kung loob ng Diyos yan, hindi kana dapat nakakaramdam ng sakit sa desisyon na ginawa mo. Unti unti mong mararamdaman yung liwanag ng desisyon mo, yung gaan nito. Kasi pinili mo yung sa tingin mong tamang gawin. Marahil kaya patuloy tayong nasasaktan kasi pinipili natin yung hindi niya plano para saatin. Hangga’t nasasaktan ka nasa proseso ka parin. Patuloy ka paring gagawa ng desisyon para punan yung una mong desisyon hanggang maramdaman mo na yung pure happiness and peace na outcome or result ng mga nagiging desisyon mo.
Paulit ulit ko tong tinatanong sa sarili ko. Tama pa ba to? Kasi sa totoo lang mas masaya parin ako kapag nashashare ko yung mga plano ko yung mga bagay na gusto kong gawin sakanya. Yun parin kasi nagpapasaya sakin. Gusto kong sarilinin yung plano ko, pero may side talaga sakin na nagsasabi na. . . “Sana kasama kita, kasi mas masaya yun” Hindi ko alam if he felt the same way. Pero sakin, magaan sa loob, masaya and nakakaexcite. Ang sarap simulan. Kahit na ikaw lang yung magbebenefit doon. Tama na yung alam mo lang na ineencourage ka at sinusuportahan ka niya sa gusto mong gawin. That’s enough reason to be happy. Kasi ganito naman kami dati, though hindi lang magawa dahil sa dami ng obligasyon sa kanya kanyang pamilya. Pero yung sitwasyon ngayon na wala na yung obligation na yun, yung gusto kong ienjoy yung freedom na to kasi ang tagal kong hinintay, pero kahit anong gawin ko sa ngayon di ko alam kung pure ba yung saya na nararamdaman ko. After kasi na gawin ko ang isang bagay na matagal ko nang gustong gawin parang babalik ako ulit doon sa lungkot na di ko alam pano ko aalisin.
3 notes · View notes