#mananayaw
Explore tagged Tumblr posts
delfindakila · 2 years ago
Text
Tumblr media
ANTONIO GORORDO Mananayaw #artPH
6 notes · View notes
balkanparamo · 1 year ago
Text
Tumblr media
ANTONIO GORORDO - The Private Dancer (Mananayaw)
535 notes · View notes
peryodismo2425 · 1 day ago
Text
Walang Kupas: Mula sa Pisngi hanggang sa Paaralan
Ni Rima Millora | Nobyembre 9, 2024
Sa gitna ng komosyon ng mga atletang naglalakad habang may sunong na asul na mat, makikita si Coach Ey sa tabi ng altabos na pumipili ng kanta at kinakausap ang mga miyembro ng UPIS Pep Squad. Kilala siya sa kanyang kolorete na hindi kumukupas gaano man katirik ang araw; sumasalamin sa matatag niyang pagmamahal at tiyaga sa kanyang maraming propesyon, ano mang hamon ang dala ng mga ito.
Kilala sa UPIS bilang guro ng high school at Head Coach ng UPIS Junior Maroons Pep Squad si Arjay Calso, o mas kilala bilang Coach Ey o Sir Ey. Sa labas ng UPIS, isa siyang courtside reporter para sa Mapua Cardinal. Isang propesor ng kolehiyo para sa Unibersidad ng Santo Tomas at Pamantasang Mapua; ang UPIS ang tanging high school na pinagtuturuan ni Sir Ey. 
Tumblr media
Tulad ng kolorete, tila nagbabago ang mukhang ginagampanan ni Sir o Coach Ey araw-araw, ngunit ano man ang pinagkakaabalahan niya, walang hulas at buong-puso niya pa ring inaalay ang kanyang sarili at kakayahan sa kanyang mga tungkulin.
Sir Ey
Para sa ilan, si Sir Ey ang kanilang guro sa Advanced First Aid and Nursing Care at Sports Conditioning. Nagsimula siyang magserbisyo sa UPIS noong 2017 nang mag-apply siya bilang substitute teacher para sa mga estudyante ng Grado 3 hanggang Grado 11. Nasanay si Sir Ey sa pagtuturo ng mga asignaturang Anatomy and Physiology at P.E. sa kolehiyo, kaya’t noong nagsisimula pa lamang siya sa UPIS, naging hamon sa kanyang magturo ng mga estudyante ng elementarya at high school. Sa kabila ng pagharap niya sa UPIS na may panibagong estilo sa parehong mukha, hindi pa rin kumupas o nagkulang ang kulay ng kanyang pagtuturo. Minamahal siya ng kanyang mga estudyante rito, at karamiha’y kinagigiliwan ang kanyang istilo.
Binahagi ni Sir Ey na mayroong mga araw na pumapasok siya sa paaralan at pansamantalang nalilimutan kung ano nga ba ang asignaturang pupuntahan niya sa araw na iyon, kaya naman ginawa niya nang background ng kanyang cellphone ang iskedyul niya sa pang-araw-araw.
Bagaman aminado siya na mahirap pagsabay-sabayin ang pagtuturo ng iba’t ibang asignatura sa iba’t ibang pamantasan at paaralan, pinagpapatuloy pa rin niya ang pagtuturo sa UPIS dahil kaya pa ng kanyang iskedyul, at gusto niya pang manatili rito. Sa dami umano ng kanyang mga ginagawa, ang labingwalong taon ng karanasan sa larangang ito ang pinakanakakatulong sa kanyang magawa ang lahat ng kanyang tungkulin nang mahusay. 
Coach Ey
Tumblr media
Kasabay ng pagiging guro, siya rin ang head, at natatanging coach ng UPIS Pep Squad sa kasalukuyan. Hindi planado ang pagpasok niya rito; nakatanggap siya ng alok mula sa UPIS para sa posisyong ito kasabay ng pagtanggap sa kanya bilang isang substitute teacher dahil mayroong karanasan si Coach Ey bilang mananayaw para sa UP Pep Squad mula taong 2000 hanggang 2003. Sa panahon na tinanggap niya ang posisyon sa UPIS Pep Squad, coach din siya ng Mapua Pep Squad, kaya’t mas naging panatag ang loob niya sa pagtanggap ng nasabing alok.
May hamon umano ang pagiging coach habang UAAP Season dahil sabay-sabay ang mga laro na kailangang daluhan ng UPIS Pep Squad: laro ng boys’ basketball, girls’ volleyball, at boys’ volleyball. Ngayon, mayroon na ring swimming at table tennis. Ngunit upang makadalo ang Pep Squad sa mga laro, kailangan na lagi nilang kasama si Coach Ey, ngunit nag-iisa lang siya at may mga pagkakataong higit sa isang laro ang isinasagawa sa isang araw. Ika ni Coach Ey, “Imagine, may mga days na tatlong games ‘yung pinupuntahan ko from one venue to another, and then wala ring funding masyado for UPIS Pep.”
Dagdag sa mga hamon niya bilang isang coach ang kakulangan ng pondo para sa mga atleta, partikular ng Pep Squad. Bagaman sa kabuuan, kulang ang pondo ng ating mga varsity team, kadalasan pa raw na nao-overshadow sila kumpara sa ibang mga koponan, na lalong nagpapahirap ng pagdalo nila sa mga laro. “We wanted to do our job efficiently, kaya lang wala rin masyadong funds so we really have to choose din kung ano ‘yung mga games na pupuntahan namin, and kailangan ma-prioritize depende sa budget na mayroon kami,” kwento ni Coach Ey.
Pera na rin mismo ni Coach Ey ang ipinambabayad nila sa paghatid at pagsundo ng jeep. Mayroon naman daw ibinibigay na pondo ang Parent-Teachers Association o PTA, ngunit nahuhuli na ito at hindi kumpletong nababawi ang kanyang mga ginagastos.
Sa kabila ng lahat ng ito, hindi naman mag-isa si Coach Ey sa pagharap sa mga balakid na nararanasan ng Pep Squad, dahil katuwang niya umano ang buong koponan. “Grabe ‘yung passion, ‘yung discipline, ‘tsaka ‘yung skill ng mga members ng Pep Squad, so gumagaan ‘yung trabaho ko. [...] I think hindi naman siya magiging possible kung ako lang; nagtutulungan talaga kami ng team.”
Patuloy na binibigyang-diin ni Coach Ey na sila-sila rin ng mga miyembro ng koponan, at ng ibang atleta ng UPIS, ang nagtutulungan dahil sa kakulangan ng suporta mula sa unibersidad. Makikita ng kahit sino na umaapaw ang pagmamahal niya para sa Pep Squad at sa kanyang trabaho. Wala siyang mas nais kundi ang ikabubuti ng koponan, pati ng kanyang mga estudyante.
Ey Calso
Sa dami ng samot-saring  mga mukha na ipinipinta ni Sir Ey sa bawat araw: isang propesor, guro, coach, at tagapag-ulat, inaaliw niya na lang daw ang sarili niya sa pagporma at pag-aayos. Kinagigiliwan niyang magpaganda para sa kanyang sarili at mga minamahal sa buhay. Hindi naman ito napupunta sa wala dahil kinikilala siya ng karamihan, kundi ng lahat, sa kanyang tatak na rosas na blush at winged eyeliner. 
Hindi raw siya mukhang tradisyunal o karaniwang guro. Maaaring isipin o sabihin ng iba na sobra ang pagporma niya, ngunit ani ni Sir Ey, “What’s important is you know how to teach.”
Sa pitong taon na karanasan ni Sir Ey sa UPIS bilang guro, coach, at suki sa pagiging  emcee, natutuhan niya raw dito na maging mas matatag at well-rounded. “Kung hindi ka resilient, kulang ‘yung pagiging hardworking mo.” Sa tulong ng mga karanasan niya sa UPIS, masasabi raw ni Sir Ey na naging mas apasyonado siya sa pagtuturo. Napagtanto niya na upang makahabol sa lahat ng ganap niya sa buhay, huwag dapat mawala ang apisyon; ang pangunahing nagtutulak  sa kanyang magpatuloy. 
“I’m giving all my best at the moment so hangga’t nandiyan; hangga’t gusto ng UPIS ‘yung serbisyo ko, I think okay naman (sa akin na manatili).”
Lampas sa mga leksiyon niya sa loob ng silid-aralan, tatatak sa sinumang makakasalamuha si Sir Ey ang pagkakaroon niya ng kumpiyansa sa kanyang sarili at sa lahat ng kanyang gampanin—na importante ang pag-ibig sa iyong mga tungkulin, mahusay na pagtupad sa mga ito, at patuloy na pagkakaroon ng bilib  sa iyong sariling kakayahan.
1 note · View note
bdsrsated · 3 months ago
Text
Tumblr media
Mahiyaing Mananayaw (Cosplayer) Mga Sikat sa Cavitenos #Idol @kayro_17 Feature #MPK: Social media star, ibinida ang galing sa pagsayaw (Magpakailanman) @mpkgma https://www.youtube.com/watch?v=yYzpb9Gs6Ng
1 note · View note
jaxyza · 4 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media
mananayaw (dancer)
Doodle comp of some outfits/looks I wore to my performances
1 note · View note
markuroarts · 6 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
THE MONTH OF MAY WAS THE BEST SO FAR.
I just want to share some highlights of my life for the month of May hoping that it might inspire other artists or aspiring artists just like me who took courage in freelancing.
1. This month was my highest in terms of income as an artist. In doing illustrations, pixel art, voxel assets, posters, etc, I've earned around 42k. Tho there's a possibility that it's just a spike, but at least I have living proof that it's possible to surpass my previous salary when I was an employed designer. With this, I can plan ahead carefully so that somehow it could stay within its range.
2. Became the lead artist of Pokeverse with the referral of XOVOX LABS. With 3 months to draw and design everything, it feels good to see your artwork printed throughout the event. I am very thankful to be part of this event despite the "community" issues thrown around them.
3. I've been working with What's Your Point since January, and this month I was promoted from being a Graphic Designer of Quote Posters to an Illustrator for their comics. This couple are the most humble clients, or should I say friends, that I've worked with. WYP is the backbone of my freelancing and will continue to work with them as long as they need me.
4. With connections to WYP, I was referred to as an artist for a Twitch Streamer from Japan named RYEPUNZEL. I've been doing streaming assets for myself but this is the first time that I'll be doing it for someone else and as a side hustle. So far, she's been asking me for more assets after another, which means more profit for me.
5. I was able to give my son, Viggo, a pool party in a private resort. TBH I wasn't sure if I got enough to provide everything for his birthday, but I guess luck was brought by the wind and gave enough to make it happen. Of course, this would not be possible as well without the help of our family and friends.
6. I've been supporting my partner for a year now with her studies in the Alternative Learning System - San Mateo. It was a daily challenge for us in terms of expenses, finishing multiple modules, and balancing our time as a family. But with perseverance, after more than a decade, she finally graduated.
7. My dream of selling physical copies of my artworks is finally coming to reality. In collaboration with the WYP team, we've created a pixel art/fanart Sintra board called "PixoPop". Wall displays that are perfect for collectors who have shrines/altars of collectibles. There's a big chance that you will see them at an upcoming Toy Convention in the Philippines, hopefully!
8. Last but not the least, the MANANAYAW SHIRTS! I did not expect that I would still sell Dance-related apparel since I assume everyone knows that I am transitioning from a performing artist to a visual artist. But Rommel Domingo was entrusted with a brand that was very popular before. My stocks for Mananayaw Shirt are now SOLD OUT! and now I, Stylez Apparel, WYP, and Rommel are planning an event around the last week of June or the first week of July.
A lot of great things happened despite of challenges in life. Honestly, I am not sure if I would still earn this much for this month but at least I am living a dream as an artist because I am earning from doing what I love and at least being able to provide and support my family. I have to ride the flow with expectations of reality but hopeful with plans and goals. I've been in a tough spot financially as an artist before, so if anyone is reading this that had gone through a rocky road, you can still do it. Naive it may sound but as long as you are doing what you love and plan to improve it, new doors will open regardless of a number of doors that closed before. You just need 1 good door that will lead you to countless opportunities. Let's do art and be hopeful!
0 notes
silidsikreto · 11 months ago
Text
mananayaw ng dilim
sa pagpatay ng ilaw, 'wag ka sanang matakot
sa gabi lang sila nakakalayang lubos
magtatanghal ang multo't magtatanggal ng saplot
matapos mapagod sa mundong pasikot-sikot
daig pang buhay, araw-araw tinutubos
sa pagpatay ng ilaw, wala kang dapat ikatakot
mas malaya ang lipad kung walang nakabalot
na iniayon sa sabi-sabi na nagiging gapos
sa isang multong nanghihingi ng saplot
sa kahit sinong makakita, kahit anong iabot
makalimos lamang ng atensyong kapos
sa pagpatay ng ilaw, niyapos muli ng takot
magbigay sa iba, masaid, at maubos
bakit ang palabas na ito'y 'di matapos-tapos?
sa pagpatay ng ilaw, hindi ka ba natatakot
na isa ka lang ring multong may magarang saplot?
______________________________________________________
Ukol sa akda Ang akdang ito ay isang villanelle na tumatalakay sa identidad ng mga tao, ang pagiging tao ng bawat tao. Sa maghapong nakikihalubilo sa kapwa at nagpapanggap ng kung anumang ninanais nating maging sa harap ng iba, laging nananatili sa aking isip ang pagiging mas malaya kapag mag-isa na lamang ako sa silid. Tila isang multong lumilipad-lipad lang sa paligid, isang palaisipan sa akin ang katawang kinapapabilangan natin, na naghuhulmang buto't balat lamang ito kapag may nakakakita sa atin. Pero kapag tayo'y mag isa, malaya tayo sa sarili nating espasyo. Totoo nga ba tayong buhay kahit mag isa lamang?
Unang bersyon sa pagpatay ng ilaw, 'wag ka sanang matakot sa gabi lang sila nakakalayang lubos magtatanghal ang multo't magtatanggal ng saplot matapos mapagod sa mundong pasikot-sikot daig pang buhay, araw-araw tinutubos sa pagpatay ng ilaw, wala kang dapat ikatakot sa mga anino't engkantong nanghahablot ng mga kaluluwang naghihikahos na parang multong humihingi ng saplot sa kahit sinong makakita, kahit anong iabot makalimos lamang ng atensyong kapos sa pagpatay ng ilaw, niyapos muli ng takot magbigay sa iba, masaid, at maubos bakit ang palabas na ito'y 'di matapos-tapos sa pagpatay ng ilaw, hindi ka ba natatakot na isa ka lang ring multong may magarang saplot?
0 notes
rtrkthmcjc · 1 year ago
Text
KULINARI NG PINAS
Tumblr media
Bacolor, Pampanga https://www.bria.com.ph/articles/10-things-you-need-to-know-about-kapampangans/
Ayon sa Official Website ng Munisipalidad ng Bacolor, noong 1571, mayroon nang Bacolor bilang isang maunlad na pamayanan. Dumating ang mga Kastila sa pamumuno ni Ferdinand Blumentrit at natagpuan nila ang "Baculud," ang orihinal na pangalang nangangahulugang mataas na lugar.
Ang mga unang nanirahan sa Bacolor ay mga Malayans mula sa Atjeth Sumatra, pinamumunuan ni Panday Pira. Naitala ang opisyal na pagtatag ng Bacolor noong 1574 sa pamamagitan ng may-ari ng lupa na si Guillermo Manabat, kung saan ngayon matatagpuan ang San Guillermo Church.
Tumblr media
https://philippinefaithandheritagetours.com/san-guillermo-ermitano-church-villa-de-bacolor-pampanga/
Binago ang pangalang Baculud tungo sa Bacolor nang dumating ang mga Kastila. Ito rin ay naging unang kabisera ng Pampanga mula 1698 hanggang 1904 bago itinalaga ang San Fernando bilang kabisera ng lalawigan noong Hulyo 1904.
Pampanga ang itinuturing na unang lalawigan na nag-organisa ng sibil na pamahalaan sa Pilipinas, ayon kay General Grant, ang Presidente ng Estados Unidos.
Ang Bacolor Festival ay ginugunita tuwing ika-10 ng Pebrero, at ang La Naval Fiesta ay ginaganap tuwing ika-3 Linggo ng Nobyembre.
Tumblr media
La Naval Fiesta https://cbcpnews.net/cbcpnews/devotees-join-la-naval-procession/
Noong dekada 1990, naging sentro ng kasaysayan ng bansa ang Bacolor nang pumutok ang Bulkang Pinatubo at wasakin ang 95% ng buong bayan, kabilang ang 18 sa 21 barangay nito na dating maunlad.
Tumblr media
https://news.abs-cbn.com/news/07/30/23/misa-sa-ilang-simbahan-sa-pampanga-tuloy-kahit-baha
Maraming kaugalian ang mga Kapampangan na tiyak ipagmamalaki at mas nakikilala ang Pampanga. Mapapansin agad ang kanilang pagiging makuwento dahil dito nila pinapakita ang kanilang pagmamahal at relasyon sa kapwa. 
Bukod sa pagiging makuwento ang mga Kapampangan ay isang tunay na rehiliyoso. Ang kanilang pagmamahal sa Diyos, kaakibat ng kanilang pagmamahal sa kapwa, ay maaninag sa mga kaugaliang pag-dadasal, pag-aalay, at paggalang sa simbahan, mga ninuno at mga nakatatanda.
Tumblr media
https://coconuts.co/manila/lifestyle/christmas-season-is-officially-here-stunning-parol-display-in-pampanga-goes-viral/
Ang kultura ng pamumuhay sa Pampanga ay simple tulad ng sa iba pang mga lalawigan. Ang pangunahing ikinabubuhay doon ay pagsasaka, mga industriyal na gawain, pangingisda, at paggawa ng mga dekorasyon para sa Pasko tulad ng nagniningningang mga parol. 
Tumblr media
https://blog.mabuhaytravel.uk/pampangas-best-authentic-foods-that-you-should-definitely-try/
Ang Pampanga ay tinaguriang "Sentro Ng Kulinara" ng Pilipinas dahil tahanan ito ng mahuhusay a kusinero na sinanay ng mga Espanyol sa panahong kolonyal.
Ang mga Kapampangan ay mahilig sa iba't ibang estilo o disenyo ng kasuotan para sa mga babae at lalaki. Halimbawa, ang mga babae ay mahilig sa iba't ibang disenyo ng bistida, habang ang mga kalalakihan naman ay kumportable sa pag-suot ng iba't ibang uri ng kamiseta depende sa okasyon. Ang kanilang pananamit ay simple ngunit may angking estilo, na nagbibigay-kulay sa kanilang pagsasagawa ng mga okasyon.
Tumblr media
https://palibut.com/2022/12/10/sinukwan-festival-2022/
Ang Pampanga ay mayaman sa sining at kultura. Ang mga Kapampangan ay mahilig sa musika at sayaw, sila rin ay nagpapakita ng likas na yaman at kahusayan sa pagtatahi.  May mga tradisyonal na sayaw tulad ng "Singkil," kung saan ang mga mananayaw ay sumasayaw sa ilalim at sa paligid ng mga patpat na inilalagay sa mga kamay. Mayroon din silang "Pandanggo sa Ilaw," isang sayaw na kinalalakipan ng mga makukulay na ilaw na dinadala ng mga mananayaw.
Ang sining at kultura ng mga Kapampangan ay nagpapakita ng kahusayan, kahusayan sa musika, sayaw, paglikha, at mga alamat na nagpapahayag ng kanilang identidad at pagmamahal sa kanilang lalawigan. Ito ay patuloy na nagbibigay-buhay sa kanilang kultura at nagpapamana sa mga susunod na henerasyon.
Tumblr media
San Guillermo Parish, Bacolor Pampanga https://foursquare.com/v/san-guillermo-parish-church/4ce762d1948f224b4a0cea5d
Matatagpuan ang Simbahan ng San Guillermo sa Bacolor, Pampanga, Pilipinas, at ito ay itinawag kay San Guillermo, ang patron ng bayan.
Itinayo ang simbahan noong 1576 ng mga Paring Agustino, at ito rin ang panahon ng pagtatag ng bayan, kung saan naging kauna-unahang pari ng bayan si Padre Diego de Ochoa, OSA, dalawang taon matapos ang pagkakatayo ng simbahan.
Matagumpay na nakalampas ang simbahan sa maraming kalamidad sa mahabang panahon, kabilang na ang matitinding bagyo, lindol, at pati na rin ang pagsabog ng Mount Pinatubo noong 1991.
Gayunpaman, noong ika-3 ng Setyembre 1995, ang pag-agos ng lahar ang nagdulot ng pinakamalaking pinsala sa simbahan at buong bayan. Ang Bacolor ay natambakan ng 12 metro ng putik, mga bato, at iba't ibang abo mula sa pagsabog ng bulkan.
Gayunpaman, nagpatuloy ang mga serbisyo sa kalahating ibinaon na simbahan, at ito ay naging atraksyon para sa mga turista sa ilang panahon.
Ang kasaganahan ng dekorasyon ng simbahang Bacolor ay nagpapakita ng mataas na antas ng Baroque at Rococo.
Sa kabila ng pagkakasira nito, ang San Guillermo Parish ay naging simbolo ng pagtibay ng pananampalataya ng mga Pilipino sa kabila ng mga pagsubok. Nagpapatuloy itong makita sa mga pananampalatayan at tradisyon ng mga taga-Bacolor at mga kalapit-bayan.
1 note · View note
st-joan-of-arc-22-23 · 2 years ago
Text
Tumblr media
Ang Enchanted Kingdom ay isang sikat na amusement park na matatagpuan sa Santa Rosa, Laguna, Philippines. Kilala ito sa mga nakakaaliw na rides, entertainment show, at family-friendly na kapaligiran. Ang pagbisita rito ay isang panaginip na natupad para sa akin, at hindi ako makapaghintay na ibahagi ang aking karanasan sa iba. Pagpasok ko pa lang sa Enchanted Kingdom, natulala ako sa makulay at masigla na kapaligiran. Ang parke ay puno ng sigla, at naririnig ko ang mga bata na nagtatawanan at nagsisisigawan sa tuwa habang sila ay sumasakay sa mga rides. Ang hangin ay napuno ng matamis na aroma ng cotton candy at popcorn, at hindi ko maiwasang maramdamang para akong bata muli. Isa sa mga unang rides na sinakyan ko ay ang Rio Grande Rapids, isang roller coaster na dadalhin ka sa mga loop at twists na napakabilis na bilis at ikay mababasa sap ag bagsak mo sa tubig. Ito ay isang kapana-panabik na karanasan, at hindi ko napigilang mapasigaw nang buong lakas habang ako ay tinutulak sa hangin at mabasa. Ang tanawin mula sa tuktok ng coaster ay kapansin-pansin, at nakikita ko ang buong parke na nakalat sa harapan ko. Ang isa pang highlight ng aking pagbisita sa Enchanted Kingdom ay ang Enchanted Rialto, isang 4D cinema na magdadala sa iyo sa isang kapanapanabik na biyahe sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ang mga upuan ay gumagalaw kasama ang pelikula, na nagpaparamdam sa iyo na nariyan ka talaga. Pakiramdam ko ay lumilipad ako sa ibabaw ng Swiss Alps, nagsu-surf sa mga alon sa Hawaii, at naglalakbay sa mga pyramids sa Egypt. Isa sa mga pinakanakakahangang bahagi ng Enchanted Kingdom ay ang Ferris wheel. Ito ay ang pianakamapayapang rides na nasakyan ko. Ito ay sobrang laki na makikita mo ang magagandang tanawin pati narin ang buong bahagi ng Enchanted Kingdom. Ngunit ang Enchanted Kingdom ay hindi lamang tungkol sa mga rides at atraksyon. Mayroon ding iba't ibang palabas sa entertainment sa buong araw, na nagtatampok ng mga mananayaw, acrobat, at salamangkero. Kahanga-hanga ang mga palabas, at namangha ako sa talento at husay ng mga gumaganap. Sa pangkalahatan, ang aking pagbisita sa Enchanted Kingdom ay isang mahiwagang at hindi malilimutang karanasan. Tunay na naaayon ang parke sa pangalan nito, na may kaakit-akit na kapaligiran na nagdadala sa iyo sa isang mundo ng kasiyahan at kaaliwan. Lubos kong irerekomenda ito sa sinumang bumibisita sa Pilipinas, ikaw man ay naghahanap lamang ng isang masayang araw kasama ang pamilya at mga kaibigan. -Elsayed, Sherine
0 notes
arisamky · 2 years ago
Text
SHS DBTI–Makati: Ang Katotohanan (Deskriptibo)
ni Kyla Verdadero
Tumblr media
"Huwag ang DB Boys, mga red flag yan!" 
“Puso ay ingatan, DB Boys ay iwasan.”
Tumblr media
Kapag ikaw ay babad sa internet kagaya ko, marahil ay dumaan na sa iyo ang katagang ito patungkol sa mga lalaking mag-aaral ng Don Bosco. Sa pagbasa nito, siguro ay naging masama ang imahen ng paaralang ito sa iyo. Ikaw ay maaaring nagdadalawang-isip sa pagpapatuloy ng pag-aaral dito. Kung iisipin, sino naman ang taong tutuloy rito, lalo na ang mga taong hindi pa miyembro ng komunidad ng DB kung mayroon kayong nakitang masama tungkol sa mga mag-aaral dito. Bilang bagong babaeng Bosconian na batay sa aking naging pagsusuri, ang katagang ito ay tinatabunan ang kagandahan at kabutihan ng mga estudyante, pati na rin ang mismong DBTI–Makati. 
Ang hindi alam ng marami, sa paaralang ito ay mayroong samu't saring mga kalalakihan ang inyong matutunghayan. Mayroong atleta, musikero, lider, mang-aawit, mananayaw, misteryoso, henyo, tagataguyod, komedyante, tahimik, at marami pang ibang naka-iindak na mga personalidad. Ang simpleng pahayag na iyon ay hindi kailanman masusukat ang totoong isang Bosconian. Ang mas mabisang paraan upang mas makilala ang paaralan ay sa pamamagitan ng mismong pagpapatala sa DBTI–Makato. Huwag din mawala sa iyong isipan na maaaring mas makikilala mo ang ugali ng mga kapwa mag-aaral kapag malapit na kayo. Kung hindi kayo malapit sa isa’t isa, likas sa taong magsuot ng maskara sa mga taong hindi pa nila nakilala. Ngunit sa larangan ng Senior High School (SHS), hindi na lamang ito eksklusibo sa mga kalalakihan sapagkat nagkaroon na rin ng pagkakataon ang mga kababaihan na makapag-aral dito. Sa rasong sa SHS lamang naisakatuparan ang pagbabagong ito, bilang lamang ang mga kababaihan na makikita sa paaralan. Ang totoo rito, halos ng mga kalalakihan ay natatakot, nahihiya, o nawawala sa sarili kapag kaharap na kahit isang babae lamang ito. Sa huli, ang mga estudyante rito ay mababait, maka-Diyos, maginoo at marespeto sa kababaihan, at higit sa lahat, sila ay bukas sa mga bagong mag-aaral at ipararamdam nila na tila ito ang kanilang bagong tahanan. Sa Senior High School ng Don Bosco Technical Institute ng Makati, ang mga personalidad ng mga tao na naroon ay ang pinakadakilang kagandahan ng paaralang ito. Ang pagkakaroon ng kaibahan ay ang nagbibigay kulay sa kapaligiran ng DB. 
Tumblr media
SHS Marian Pilgrimage 2022
Sa usapang akademiko, mabibigyan ng pagkakataon ang mga estyudanteng makamtan ang kasanayan at karunungang nararapat na makatawan ng isang SHS na mag-aaral. Hindi lamang ang paraan ng nagbibigay ng labis-labis na mabibigat na gawain sa mga estudyante upang makuha ang layunin sapagkat mayroong mga kaganapan na upang mas mahasa ang mga ito kasama ang kanilang mga kapwa Bosconian. Ang mga kaganapan na ito ay mga Bosconian lamang din ang mismong utak sa mga masasaya at makabubuluhan upang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa ating mga sarili at pati na rin sa kapwa mag-aaral. Ang mga Bosconian ay mahuhusay sa iba’t ibang larangan sa pamamagitan ng mga aral at sa karanasang inihahandog ng DBTI–Makati sa mga mag-aaral. Sa madaling salita, ang mga kalalakihang mag-aaral ay mga bihasa na sa anumang gawain na mayroong kinalaman sa kanilang interest gamit ang mga oportunidad na nagbibigay-daan sa kanilang pag-unlad. 
Sa pagwawakas sa artikulo na ito, maaaring hindi talaga sila tinadhana para sa isa’t isa kaya nakitaan ng “redflag” ang Bosconian na ito pero ang totoo, ang mga mag-aaral dito ay ang mga isa sa mga pinakamabuting tao na makikilala sa inyong buhay. Kaya, mapatala na kayo at kilalanin ang mga Bosconian na babago sa inyong buhay at ang DBTI–Makati na magbibigay ng bagong pagkakataon upang maging daan sa buhay na iyong ninanais.
—Kyla Verdadero, The Braga Gazette
Tumblr media
Balik-Balay 2022, Batch 2024
0 notes
delfindakila · 7 months ago
Text
Tumblr media
ROMEO V. TABUENA Mga Mananayaw, akriliko sa entrepanyo, 1973 #artPH
2 notes · View notes
angelita-icamen-pallorina · 2 years ago
Text
Blog entry #3
The Chronicle of My Success Foretold.
Ako si Angelita Icamen Pallorina na ipinanganak noong Oktubre 23, 2002. Sa Lugar ng Pasig City, ako ay pangalawa at bunso sa aming mag kapatid. Noon pa man noong ako ay anim na taong gulang pa lamang ay mahilig na sa pag susulat, bagamat ito ay mga letra pa lamang at mga numero nakitaan na ako ng aking mga magulang ng potensyal at pag kakaroon ng pag ka hilig sa pag susulat. Lumipas ang ilang taon noong ako ay elementarya na sa Dr. Alejandro Albert Elementary School madalas na akong sumasali sa mga patimpalak na may kinalaman sa mga talento, pasulat man ito pasayaw o maging sa pag kanta. Halos lahat ng tao ay nahuhumaling sa angking kabibuhan na taglay ko, kaya naman lumipas ang ilang taon noong ako ay nasa pangatlong baitang na naisipan kong sumali sa organisasyon ng aming paaralan na tinatawag na "Book lovers Club" dahil sa kagustuhan kong maibahagi sa iba pang mga mag-aaral ang aking kaalaman sa pag babasa, at pag sulat nag pasya akong maging kabilang sa grupong iyon. Lumaon ang dalawang taon ako ay nasa ikalimang baitang na mas nahasa ang aking pag papamalas ng galing sa aking kapwa kamag aral at maging sa aking mga guro, naging mananayaw ako hanggang sa ako'y naging pang anim na baitang. Tunay ngang naisisiwalat ko ang aking talento di lamang sa pag basa at pag sulat kundi maging sa pag sasayaw at pag peperporm. Nag sekondarya ako sa paaralang Ramon Magsaysay na matatagpuan sa Espanya Manila. Sa paaralang iyon mas nahasa ang aking pag sulat sapagkat madalas akong sumasali ng mga "essay contest". Ang pag kakaroon ko ng kamalayan sa kung ano talaga ang gusto kong makamtan sa buhay ay nag sisimulan sa pag kabata, maaring na papayabong ito ay nabibigyang tuon kaya naman mas nag kakaroon ng tulay patungo sa kung ano ang nais ko sa buhay, konektado ang bawat hakbang na ginagawa ko sa aking mga karanasan. Pagtapos ng aking ikasampung baitang ako ay nag patuloy ng aking pag aaral sa Philippine College of Criminology dahil noon ako ay naguguluhan kung ako nga ba ay mag pupulis o ipag papatuloy ko ang aking nasimulan sa mundo ng pag sulat, pag basa at maging sa pag peperporm. Ako ay nag isip ng taimtim at nag tanong sa aking mga magulang upang maging gabay ko sa aking pipiliing landas. Lumaon ang ilang buwan ng aking pag iisip kung ano nga ba ang gusto kong tahaking landas nakapag pasya akong ituloy kung ano nga ba ang aking nasimulan. Ako ay nag bakasakali ng kolehiyo sa Unibersidad de Manila at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. At sa huli ako ay inilagay ng Diyos upang mag aral sa Paaralang tinitingala at pinapangarap ng mga estudyante na gustong mag aral sa PLM, lubos akong nag papasalamat sapagkat ako ay isa sa mga mapapalad na makapasok sa paaralang iyon. Ang unang pumasok sa isipan ko noong ako pa lamang ay nag papasya kung ano nga ba ang pipiliin kong kurso sa kolehiyo hindi na ako nag dalawang isip na piliin ang BAC o Bachelor of arts and communication sapagkat dito mas mahuhubog ang aking mga kakayahan sa pag peperporm, pagsulat at pag basa. Kalauna'y ako ay nasa sekondarya na bilang isang kolehiyo, ako ay sumali sa "The Communique" na bahagi ng aming kurso upang maipamalas ko ang aking galing sa pag susulat. Sa susunod na aking tatahaking landas ako ay magiging isang magaling na manunulat sa likod ng kamera.
Tumblr media Tumblr media
0 notes
weng88 · 5 years ago
Photo
Tumblr media
#mananayaw #ghorl "Prisma multo" https://www.instagram.com/p/B7X6_t9JOTo/?igshid=nay3f6wha5mf
0 notes
Photo
Tumblr media
"You calm yourself when you travel, you leave the stress behind." Throwback of #BeatInDavao ! See you again Davao next two weeks! #LMtravels #lakwatsero #mananayaw (at Wishing Island, Island Garden City of Samal)
1 note · View note
februarytwo · 3 years ago
Video
tumblr
Unang Sayaw
Sa dinami dami ng araw na nagdaan, napagod na ako sa aking kakahiling,
Sa bawat 11:11 na dumaan sa bawat gabi, 
sa mga pisong aking binato sa balon habang nakaekis ang aking mga daliri.
Hinihiling ang isang taong kahit kailan ay hindi mapapagod at pipiliing manatili.
Ilang tao na ang dumaan ngunit ay hindi naging sagot sa aking kahilingan.
Mga taong dumaan para magsilbing na lamang na leksyon at palaisipan.
 At sa oras ng aking pagsuko ay tila nagbago ang takbo ng mundo,
Kahilingan na minimithi ay nasagot at iyong pagdating ang naging pamamagitan
Dumating ka sa panahon kung saan sinukuan ko na ang larangan ng pagsasayaw,
Kung saan ang bawat hawi ng kamay, bawat sipa at hakbang ng paa ay nawalan na ng kahulugan. 
Sa larangang ito ay alam kong ika’y hindi na rin isang baguhan,
Tayo’y dalawang matapang na kaluluwang piniling sumugal habang bulag sa katotohanan,
Dalawang taong ginusto lamang maramdaman ang musika ng pagmamahal
Lumaban ngunit isinuko at iniwan.
Dating tapang ay napalitan ng takot at alinlangan, 
Ang ating entablado ay wala nang laman kundi ay bakas ng kahapong pinipilit bitawan
Mahal, kung ito man ang iyong unang hakbang pabalik,
Ipikit mo ang iyong mga mata at damhin mo ang munting musika muli,
Mga mata mo ay sa akin mo ibaling at hayaan mong dalhin tayo ng ating mga paa.
Magsimula tayo sa ating unang hakbang, alam ko kung gaano ito nakakakaba
Sapagkat, sa bawat bagay na nagsisimula sa mundo ay sinusundan ng walang kasiguraduhan.
Huwag kang matakot, aking mahal, dahil sa iyong unang hakbang tungo sa kawalan ay naandito ako at hawak ang iyong mga kamay. 
Dahil tayo ay dalawang mananayaw sa musikang hindi na bago sa ating pandinig,
Isang kantang nabibigyan ng buhay sa pamamagitan ng dalawang handang masugatan sa tinik
Huwag kang mag alala,
Dahil mula sa gabing ito,
Ipinapangako kong hindi mo na ito papakinggan mag isa,
Sabay tayong kakaliwa,
Sabay tayong kakanan,
Sa bawat ikot mo’y ako’y iyong madadatnan,
Nakadilat man o nakapikit, pagkalaglag mo ay aking laging sasaluhin
Sapagkat sa iyong unang hakbang, puso ko’y muling nabigyan ng tinig
Sa bawat kilos na nakalaan sa ritmo ng ating musika,
iyong ngiting nakatatak sa aking mata ay hindi hahayaang mawala
Makakaasa kang ang balsang aking ginawa para sa ating dalawa ay makakarating sa ating patutunguhan.
Hindi ito hahayaang lumubog at bawat alon ay lalabanan
Dahil mas malawak pa sa kahit anong dagat ang mga luhang tumulo galing sa mga napag iwanan.
Kaya mahal, kung ito man ang iyong unang hakbang,
Handa akong sumayaw muli habang ikaw ang aking katabi,
Mga paang pagod ay binigyan mo ng rason para maghilom at humakbang muli,
Mga kilos na noo’y nawalan na ng kahulugan ngayon ay nabigyan uli ng dahilan,
Puso ay handang sumubok muli at pangalan mo ang ipagsisigawan
Kaya mahal, kung ito man ang ating panibagong simula,
Kung ito man ang ating magiging unang sayaw,
Hihintayin ko na ikaw ay maging handa,
Dahil mas pipiliin ko pang ilagay ang puso ko sa linya para sa iyong pag ibig, kaysa sa tapusin ang musikang ito na hindi ikaw ang kapiling.
4 notes · View notes
checcmeyt · 3 years ago
Text
Tumblr media
〖 ❝ 𝕸𝖚𝖘𝖎𝖈 𝖍𝖆𝖘 𝖓𝖔 𝖑𝖆𝖓𝖌𝖚𝖆𝖌𝖊 ❞ 〗
✦ ➸ Pag laki sa isang tahanan na bukas sa pagsasagawa at pagtuto ng mga gawain na hindi lamang pang Pilipino, kundi mga pandayuhang kultura na rin, hindi katanggi-tanggi para sa akin kung bakit napakaraming bagay ang aking nakakahiligang gawin at tangkilikin. Hindi ako agad agad nahuhumaling sa isang bagay ng basta basta... kailangan may sapat na dahilan upang magustuhan ko ito, dahil ang pagkakaroon ng hilig ay ang ating pampalipas oras at nasasakop nito ang karamihan sa ating iniisp kahit sa isang araw lamang.
Tumblr media Tumblr media
✦ ➸ Ako ay isang KPOP Fan o ang tao na umiidolo, nagsusuporta at nagmamahal sa mga grupo o tao na nagpeperform mula sa bansang, Korea. Isang dahilan nito, ay maliban sa mga itsura, kanta, at ano mang performance nila ay naging fan ako ng KPOP ay dahil sa atensyon na nabibigay nila sa humahanga sa kanila, ano man ang lahi, ano mang pagkakaiba ng oras sa kanilang lugar at sa umiidolo sa kanila, kung paano sila kasayang pagmasdan at panoorin, at pagkatuto ng kanilang kuwento tungo sa kanilang mga pangarap.
Sa daan daang grupo na mayroon ngayon, karamihan dito ay sinusuportahan ko, ngunit isang grupo at isang soloist ang aking isinasapusong suportahan.
Tumblr media
✦ ➸ Isa na rito ay ang SEVENTEEN...
Sila ay ibinubuo ng labing tatlong miyembro, na may napakagandang boses, napaka angas na rappers at lahat sila ay magagaling na mananayaw. Ang unang beses kong hangaan sila ay noong 2018, nang nanonood ako ng isang palabas sa Youtube ay naging ad ang music video ng kanta nila na " Thanks ", at sa umpisa pa lamang ay natuwa na ako sa kanta at napakaganda ng pagkakakuha ng music video nito. Ito ay hindi katulad ng ibang nakikita ko na kapag sa panlalaking grupo ay dark, powerful, at maskulado ang tema na ipinapakita, hindi tulad ng sa music video na ito ay tama lang at nakakalambot sa puso ang ipinapakita. Nang matapos ko panoorin ito ay naghanap pa ako ng maraming palabas na tungkol sa kanila, at isa isa ay napa-ibig ako sa kanilang lahat. Kung ako man ay mabibigyan ng pagkakataon na magbigay ng mensahe sa kanila, ang ipapahatid ko ay labis na pagpapasalamat sa saya na ibinigay nila sa akin, labis na kaba at lungkot kapag sila ay napapahamak, sa kilig na pinaparamdam nila, at lalo na sa halo halong emosyon noong nakita ko sila mula sa sarili kong mga mata at nasa harap ko. Sana ay panatilihin nila ang pagkakaroon ng pamilya ang turingan sa isa't isa at kahit sa mga humahanga sa kanila... na susuportahan ko sila hanggang sa makakaya ko, kung darating man ang panahon na kakailanganin kong bitawan ang pagiging fangirl ay nagpapasalamat ako sa kanila sa pagiging malaking parte ng aking kabataan. At dahil bata pa lamang ako at iilang taon pa lamang sila na grupo, inaasahan kong mahaba habang panahon pa ang pagsasamahan namin, at lulubusin ko ang bawat sandali nito.
youtube
Tumblr media
✦ ➸ Ang isa ko pang hinahangaan ay si Chungha na isang KPOP soloist...
Siya ay isang napaka talentadong babae, mabait, maalalahanin, nakakatuwa, at masayahin. Dati siyang miyembro ng isang grupo na IOI, ngunit ito ay nawala rin matapos ng ilang taon, dahil sa kanilang kontrata sa kumpanya na napapailalim ng grupo. Matapos ang iilang buwan ay nagsimula siya muli at sunod sunod ang paghahakot ng iba't ibang karangalan. Hindi mapagkakait na karapat dapat itong mapa sa kamay niya ito, dahil halata naman sa mga kakayanan nito. Kaya niyang tumayo... magningning mag-isa, at nakukuha ang atensyon ng mga tao. Maliban sa kanyang mga talento ay may mabuti siyang puso, hindi niya nakakalimutan makipag kamustahan sa dati niyang miyembro at ipinapahalagahan niya ang bawat tao na sumusuporta sa kanya. Binibigyan niya ang mgasumusuporta sa kanya ng atensyon ng mga tao, mga backup dancers at iba pang staffs bilang pagbibigay pugay na sila rin ay may malaking ambag sa kanyang karera. Kung ako naman ay mabibigyan ng pagkakataon na magbigay ng mensahe kay Chungha, gusto ko magpasalamat rin sa pagpapasaya, performances na nakakapagpahanga sa akin, at pagpapalambot ng puso ko mula sa mga magagandang bagay na nasagawa niya na. Gusto kong makita siya kahit isang beses lamang sa buong buhay ko at paulanan siya ng magagandang bagay.
youtube
Tumblr media
✦ ➸ Maliban sa KPOP, mahilig rin ako makinig ng mga American na mang-aawit, pero ang aking pinaka paborito ay si Taylor Swift. Kahit ang karamihan sa kaniyang mga kanta ay tungkol sa mga na- " sawi ", niloko o kahit ano pang termino na nasaktan sa pag-ibig, ay marami rin siyang kanta na naghihikayat sa mga tao tulad ng " Change " at " The Man ". Madami nang nangyari sa kaniyang buhay, ilang beses nang nakaranas ng pampublikong pambabatikos, pero nanatili siyang matatag sa mga mata ng mga tao at bumabawi na lamang sa paraan ng pagsusulat ng mga kanta. At ang mga kantang ito ay kaniya ring nakakamit ng karangalan... napakarami at napakalaking karangalan kaysa sa mga ibang mang-aawit. Ito ang hinahangaan ko sa kaniya, hindi lang sa mga kanta na isinusulat niya, hindi lang sa pag-aawit niya at mas lalong hindi lamang dahil maganda siya... kundi sa tibay ng loob niya para ipamukha sa mga nanakit sa kaniya ang kaniyang nakakamit sa buhay, na siya ay karapat dapat sa mga karangalan na nakukuha niya.
Ang mga bagay na nababanggit at nagagawa nilang mga iniidolo ko ay kadalasang nasasanay ko na ring gawin sa sarili kong pang araw araw na gawain, pero hindi ibig sabihin nito ay nakakalimutan ko na ang pagtatangkilik ng mga tao rito sa aking sariling bansa.
youtube
Tumblr media
✦ ➸ Ang aking paboritong Pilipinong mang-aawit ay si Sarah Geronimo, kung saan bata pa lamang ako ay napapanood ko na siya sa iba't ibang pelikula, pero hindi ko agad nalaman na siya ay isang mang-aawit. Saka ko nalang nalaman na siya ay kumakanta noong nakita ko ito sa isang programa sa isang channel sa telebisyon. Matapos noon ay tinangkilik ko na ang mga kanta niya, kung saan marami rito ay iba iba ang ramdam. Mayroong pop, ballad, dance at marami pang iba na tiyak magugustuhan ng nakakarami lalo na sa napaka gandang boses nito. Naaalala ko pa noong dumalo ako sa concert niya at unang beses ko narinig ang kaniyang boses ng live. Lalong naghalo ang aking emosyon ng ang una pa niyang kinanta ay ang paborito kong kanta niya, ang " Dulo " na rearranged version napakaganda ng panibagong bersyon ng kanta na kung saan ako pa ay napaluha. Sa bagong yugto ng kaniyang buhay ay sana panatilihin niya ang pagiging masayahin, kwela at positibo kasama ng kaniyang pamilya.
youtube
" Music has no language ", ibig sabihin ay walang kinakailangang wika sa musika. Hangga't nasusuportahan ng awit ang nararamdaman natin ay mananatili parin itong musika ❣
- Smiley💛
2 notes · View notes