#magtu
Explore tagged Tumblr posts
Text
10 notes
·
View notes
Text
you know what i hate about weekends? it's when J had to go back in Naga. biglang parang ang lungkot ko pag umaalis na siya, like mag isa na naman ako, boring na naman, tahimik na naman ako. maingay lang kasi ako dito sa bahay nila kapag andito siya, of course. haha.
nag hahanap na nga rin daw siya ng work dito sa Legazpi nag titingin tingin siya. para lagi na kami magkasama, tsaka for sure napapagod na yun kakabyahe. pero parang gusto ko muna siya dun, kasi okay yung growth niya dun, siya na yung pinaka senior sa department nila dun, TL na rin siya kaso yung sahod walang growth haha ems. tsaka kahit di ako yung magkaron ng career growth, atleast siya meron. mas gusto ko siya sa office work kesa nasa field or area. mas feeling ko safe siya lagi dun.
magtu-two years narin pala siya dun. ang bilis talaga ng panahon, minsan nga naiisip ko after 5 years kaya kung andun parin siya, or if aabot kaya siya ng 10 years dun tapos maging manager narin siya or if ikasal na kami maging ninong namin yung mga boss niya dun na medyo close ko rin haha. tsaka yung mga kawork niya na kahit di pa ako nakikita sa personal e parang mga tropa ko rin. hehe. wala lang.
okay naman kasi talaga sana sa company na yun, yung management lang talaga ng department ko yung sablay. lahat naman kasi dun kasundo ko rin. pinag iisipan ko nga minsan kung babalik ba ako dun. pero saka na siguro or depende hehe.
4 notes
·
View notes
Text
Napapagod na 'ko dito sa renovation chuchu ng house namin like kelan ba to matatapos ha magtu-two months na kaya 'to tapos parang andami pa rin ng gagawin leche! 🥴😫
2 notes
·
View notes
Text
I love my Potterhead husband but ...
I'm annoyed at him being a Harry Potter fan. I have nothing against harry potter. But my abuser, my sister's husband loved harry Potter. He introduced me to harry Potter books but he molested me when I was 5-9. I didn't know that it was abuse back then.
Wala Kasi silang anak pa noon, Ako pinagpapraktisan nila na anak. But I the sis husband is a bad man. We go to the movies pa pag may release ng harry Potter. Minsan nakagitna ako sa kanila, he is molesting me kahit katabi namin ate ko.
Natigil when I turn double digit.
Mga 14 ako pinalayas sila sa Bahay Kasi nag-away sila ng papa. I cut them off since then pero nagbati din sila. Pero Ako sobrang layo na ng loob ko. I also confronted my sister about that Kasi Minsan na nya kami nahuli pero wala sya ginawa. Pinagalitan nya pa ako.
Now I married a potter head. He's the sweetest guy on earth. He's pogi naman, hardworking, soft-spoken, funny and never ako binigyan ng sakit ng ulo. He's my first boyfriend and I was also his first girlfriend. Now we are married. Perfect na...
But he's very Harry Potter fanatic huhu.
Yun lang talaga ang kinaiinisan ko na hindi naman nya kasalanan. By the way, the sis husband gave me harry Potter books and CDs when I was a kid everytime he does that. I never got rid of it. When my hubby and I were friends pa in college, I gave it to him. So Akala nya potterhead din Ako.
Tamang kinig lang and support naman ako. Even if I was not super into it. Pag Harry Potter nabubuhayan sya ng dugo. Memorize nya pa mga spells. Basta may Harry Potter themed na cafe or place, gusto nya pinupuntahan. Worst of all, he has friends who are potterheads too. Ginagawa nilang personality.
Nakakacringe seryoso.
I thought it wouldn't affect me and nawawala din yung pagkafanatic nya. We got married 2018 and when we moved to our small apartment, he still has memorabilias even the books and CDs I gave him. Nag-away na kami nyan at sinabihan ko syang napakachildish niya. Nagtampo sya and was about to give it away but I don't like seeing him hurt. Kaya naguilty ako sabi ko wag na ok basta it wouldn't take much space.
Btw, sis's husband died in 2021. Dun ka lang sinabi sa hubby ko what he did to me. Pero di ko masabi naiirita ako sa pagiging Harry Potter fan nya Kasi childhood nya yun eh. That was his happy childhood elementary days. His parents bring him to the cinemas. Yung childhood ko ng Harry Potter eh associated with abuse eh parang sinira ko dn childhood memories nya.
Pero tiis na lang ililibing ko hanggang hukay haha. Buti na lang hindi nya ginagawang cosplay kink yun kundi omigahhhd.
Malapit na kami mag-6th wedding anniversary and magtu-30 na din. We were planning to go to Japan and gift ko na sa kanya yung Universal Studios na harry Potter theme park.
Pero my god, my mental health talaga. I think I should go back to therapy huhu.
Pero sige, mahal ko eh. Wala naman syang masamang ginagawa in fact he does everything good and right pero sumasakit ulo ko dahil naalala ko pa din kahit long time ago pa and my molester died already.
Feeling ko hanggang magkaanak kami puro harry Potter pa din. More reminders of my bad past. But I don't really have the heart to tell him.
0 notes
Text
"kung ako yan di kita gaganyanin" magtu-2023 na po pls maghanap kayo ng bagong line
#you're the only one for me#filipino things#find a new tune! narinig na yan#disclaimer this is for all intents and purposes a joke#or is it!
0 notes
Text
Hala, mhie! Matatapos na po ang 2022. Konting Kembot pa.
*****
Marami pa akong gustong gawin ngayon pero inaantok na ako. Pahabol lang ang blog na ito. Nakapag design na ako sa aking bullet journal kanina. Halos dun naubos yung oras ko at sa pag atake ng acid reflux na sobrang nakakapanghina na tatlong beses akong bumalik sa lababo (kung tama ba ang bilang ko o higit pa?) para lang sumuka.
Kaka sabi ko ito ng Gini-gerd ako eme. Kaloka. Dapat yung mga ganun manifestation ang iniiwasan. Ang hirap kaya ng may nag a-acid na sikmura. Kakairita lang.
Nanghina ako ng very light dun. Kala ko nga mamumutla na naman ako pero hindi nangyari. Buti nga at naisuka ko sila. Ang gaan sa pakiramdam.
Dapat na talaga akong magbawas ng kape. Bukod sa nakaka palpitate siya. Pota nanginginig rin mga kamay ko.
Well, ang dami kong nabalitaang pasabog na hindi ko inaasahan. Matatapos na lang ang 2022 may humabol pa. Hindi ko na talaga alam bakit ganun?
Mga suguran na naganap. Ang sarap isulat nung nangyari. May naisip agad akong plot sa eksena na idadagdag ko sa "Mima, Ang Pokpok na may Pangarap."
Pero aasikasuhin ko muna yung mga on going plot ko na naka outline na at recorded na rin yung ibang story lines.
Balak ko talaga sana mag puyat ngayon hanggang mag umaga. Pero mamhie, mukhang hindi yata kakayanin ng katawan ko sa pagsabay ng pag sakit ng ulo ko ngayon. Kainis lang.
Magbabasa na lang muna ako bago matulog. Konting kembot na lang talaga magtu 2023 na.
Ano pa kayang mga susunod na pasabog?
Well, aabangan ko na lang.
Sana may mag bigay ng update.
Bye for now.
1 note
·
View note
Text
Sorry to keep you waiting 🙇🏻♀️🥰
Koushi x Bianca - for @mirakeul
I have a confession to make 👉🏻👈🏻 I’m the anon who sent the dancing ask earlier 😅👋🏻🙈♥️
At first, since more or less the theme for your selfship is ‘prom’ (actually sa akin galing yung prompt since it kinda fits your chosen outfit 😅), I was gonna do either: 1. Photo booth poses (i have a drawing template that i found on Pinterest best suit both your selfship), 2. Drinking Mountain Dew from your champagne glasses (for legal reasons it kinda looks like a joke /lh), and 3. Dancing (the reference I’ve used for the fanart above is the iconic dancing scene from the movie, “La La Land”). Also, my dash is full of Sugawara posts since I logged in earlier this morning so 🤷🏻♀️ baka sign ito ni Lord for me to do your request 😉
The Cat’s General Taglist (form link here; send a DM if you wish to be removed): @love-amihan @cemeiia @antisocia1-bean @fernisasinner @chaotic-fangirl-blog @lumpiang-toge @chibishae34
DO NOT REPOST/REMOVE WATERMARK/USE IN ANY SOCIAL MEDIA SITE WITHOUT PERMISSION. PLAGIARISM IS A CRIME, KIDS. REBLOGS ARE HIGHLY APPRECIATED!! :)
Birthday Art Event Masterlist | My Masterlist
#yeah ik mej stressed ka lately#and i want to give you some virtual hugs and headpats#kaso baka too close for comfort or something 🤷🏻♀️#I’m glad i made your day feel good with this 🥰#kahit na magtu-12:30 am na—HOY TULOG-TULOG DIN PAG MAY TIME 😂 /lh#labyu 😘😘🥰🥰💕💕💕💕💕💕💕#*headpats + hugs u more 😣♥️*#🐱saku.rbs#🐱moot.mirakeul
41 notes
·
View notes
Text
magtu his name sounds like chew waga chew chew
#sims 3#the sims 3 100 baby challenge#sims 100 baby challenge#sims 3 100 baby challenge#100 likes#100 baby#100bc#100#magatu#world cup
3 notes
·
View notes
Text
Gagiiii magtu-two years na nga pala since my last relationship, more than two years na din akong walang dilig HAHAHAHA your tita is as parched as the Sahara Desert. Tapos birthday ko pa next month, mamaya magkatotoo nga yung sinabi ko na baka 40 years old na ako di pa din ako nagkaka-girlfriend ulit. Road to being a spinster na ba to?
The truth is I just caught myself thinking how nice it'd be to have a girlfriend again. I guess I'm feeling pretty good about myself again - after all, success is a great confidence booster. I'm happy that things are now going according to plan. Kahit di ko pa nao-open yung cafe, nandun na yung certainty na mami-meet ko yung target opening ko.
Ayun lang ang hirap kasi lumandi pag pandemic. Tapos I feel like pag nag-open na yung cafe I'll get busier than ever. Mag-resign na kaya ako pag nag-start na mag-operate yung cafe to give way for landi? Char hahaha.
17 notes
·
View notes
Text
Please do not buy squishmallows irl unless purchased secondhand. Sources below
Squishmallow Alternatives + my current reasoning for the tournament (subject to change)
More info with sources
Official Boycott (this blog is not part of the official boycott)
12 notes
·
View notes
Text
My sleep-deprived ass should prepare for the return of my ⭐eating disorder⭐ and 👑extreme anxiety👑 hahahaha magtu-tubig na ako nang marami ngayon pa lang since gusto ko pa magkaroon ng chance mabuhay nang matagal tagal 😫😏🥲
1 note
·
View note
Text
miss ko na tatay ko, magtu-two yrs niya na akong hindi kinakausap pero kung babalik ako sa araw at tatanungin niya ulit ako kung may alam ako sa ginagawa ng nanay ko dito sa isabela, I'd still choose to lie. And yeah, we're still complete!
1 note
·
View note
Text
Woooooooooooooh! One of the best 3 hours of my life! Tumambay sa Control Room dahil akala ko dun magTu-Turn Over ng nagawang tasks after shift, tapoa hanggang sa late 20 minutes na e nakakwentuhan lang si sir Arnold. Hanggang sa tumagal ng tumagal. May mga printed pics namin ang nakalagay sa Table (pictures para sa Organizational chart ng operations) tapos sinabi sa akin dun yung mga mababait at dapat iwasan (maglalagay ng Halobsa mabait, horns sa mga dapat iwasan, mas malaki kung mas toxic 🤣. Tapos halo at horns sa iba na mga lokoloko) in a funny way. Tapos hanggang sa nakwento ss mga past employee, hanggang sa maturuan sa pagreread sa control room! Cool day! 😎
1 note
·
View note
Video
a little dark🙈 and noisyb🔊, but I'm trying to start filming a video for you and communicate, give me like👐🏻❤️👍🏻 support my attempt💪🏻 I share my everyday life with you 😻🤷🏼♀️ . . . . #fitnessmodels #viennafitness #bestrong #doit #spasssport #magtu #cheatingweek #vielessen #nosmoking #nosmoke #stange #training #6pack #bauchübungen #corpustraining #legs #blondehair #freaknails #viennapeople (at Donau Kanal) https://www.instagram.com/p/CFKGHvHAKvX/?igshid=5l26s91n8ras
#fitnessmodels#viennafitness#bestrong#doit#spasssport#magtu#cheatingweek#vielessen#nosmoking#nosmoke#stange#training#6pack#bauchübungen#corpustraining#legs#blondehair#freaknails#viennapeople
0 notes
Text
Bat ganun ka? Lahat ng twt ko minsan about rants kinukuha mo kahit hindi naman para sayo. Then magtu twt back ka na connected din sa twts ko. Confront me, wag mong itago yang mga hinaing mo sakin. Ano bang problema mo?
0 notes
Text
‘Wag Kang Maharot
Magandang araw po sa inyong lahat. Ito pong ibabahagi kong kwento ay isa lamang sa mga naging karanasan ko nitong nasa kolehiyo ako. Nangyari lamang po ito kaninang madaling-araw, kasagsagan ng kaadikan ko sa pagpupuyat, pakikipag-chat sa mga online friends ko sa deviantART, at iba pa.
Obviously, bakasyon po ngayon. At tuwing may bakasyon, mapa-summer or sem break man, nakaugalian na ng pamilya ng ate ko na dito magbakasyon sa family home namin sa Cavite. Kaya naman ay maingay na naman ang bahay dahil andito ang dalawa kong poging mga pamangkin, isang four-year-old at isang magtu-two years old. Kasama rin nya ang pinsan namin sa father side na si kuya JR na syang kinuha ni ate bilang nanny ng mga bata.
As usual, kapag kami pong magpipinsan ay nag-bonding, number one topic namin ay mga kwentong katatakutan lalo na yung mga personal experiences namin. Nasa lahi na rin po kasi namin ang mga may third eye kaya naman ramdam namin ang isa’t isa. Lahat kami ay siksikan sa second floor gawa nga nang may kwentuhan pang ganap bago kami magsipagtulog—or sila pala kasi may internet life pa ako pagkatapos.
Mga around 12 midnight na rin nang matapos ang kwentuhan namin dahil dinadalaw na ng antok si ate, kaya naman nauna na silang matulog sa akin. Sa sahig lang nakahiga sina ate, pero meron namang kutson para komportable pa rin sila kahit paano. Since nasa tabi lang naman ng kama ko ang desktop ko, agad na rin naman akong pumwesto doon para makipag-chat sa kung sino pang gising sa mga kilala kong pinoy artists. Ang usual setup ko kapag naka-internet mode na ako, may nakasalpak na headphones sa tenga ko at nagpapatugtog ng mga rock songs—pampatanggal bagot at antok na rin.
Madalas ko pong nalilimutan ang oras sa tuwing tutok na ako sa desktop. Sino ba naman kasi ang makakaalala kung may mga kausap kang baliw na puro kalokohan ang alam? Nasa kalagitnaan ako ng playlist ko ng bandang Incubus—Drive na yung tumutugtog na isa sa mga favorite kong songs nila. Maya-maya pa, may napansin na akong kakaiba sa kanta ng Incubus. Nung una ay hindi ko pinapansin kasi baka guni-guni ko lang yun, pero umulit pa ulit… isang matining na “hihihihihihi!” at pahalakhak ito. Maliit lang yung boses na animo’y bata. Kahit na medyo madilim sa kwarto, agad akong napalingon sa kinahihigaan nina ate at chineck kung may gising pa sa kanila. Pero lahat halos sila ay mga naghihilik na.
“Parang wala naman akong maalala na may ganun sa kantang Drive…” sabi ko sa isip ko. Bigla akong napabalik ng tingin sa desktop ko at nakita ang oras, 3:00 na ng umaga. “Ahh… kaya pala,” sa pagkakataong ito, alam ko na. Pero masyado akong busy sa pakikipagchikahan kaya dinedma ko lang yung narinig ko sa headphone ko. Isa pa, ako na lang naman na ang gising sa buong bahay, tatakutin ko pa ba ang sarili ko?
Makalipas ang ilang sandali, natapos na rin ang kantang Drive at sinundan ito ng A Certain Shade of Green, isa sa maingay na kanta ng Incubus. Wala pang sampung segundo na tumutugtog ang kanta ay narinig ko na naman ang halakhak. This time, inalis ko na ung isang ear muff sa kanang tainga ko kasi dito ko naririning yung halakhak. Hindi ko talaga ito binibigyang pansin, hanggang sa narinig ko na naman ito… at sa pang-apat na beses na ito, malapit na yung halakhak. Nasa likurang bahagi na ng tainga ko ito naririnig, dun sa tinanggalan ko ng ear muff. Nagtayuan na po ang mga balahibo ko sa batok at nangapal na rin ang pakiramdam ng mukha ko.
Idinaan ko lang ito sa pag-inhale at pag-exhale… so suma-total, dinedma ko pa rin talaga. Ngunit yung sumunod na nangyari ang hindi ko na napalagpas. Matapos kong dedmahin ang pang-apat na halakhak, bigla nang may gumalaw sa dulo ng buhok ko na nakatali pataas. Yung tipong pag-twirl mo ng buhok mo gamit ang hintuturo? Ganun po ang naramdaman ko. Agad kong inalis ang headphone sa ulo ko atsaka lumingon sa likuran ko at baka may nakaupo sa kama ko—pero walang tao.
“Hay naku… wag ka pong maharot at papansin, wala akong oras.” ang siyang naiinis kong nasambit matapos kong makapag-inhale-exhale muli. Para po akong tanga nung mga oras na yun, kausap ang sarili sa dilim. Inilibot ko pa ang mata ko sa kadiliman para i-check at baka may makita akong aninong nakatayo sa kung saang parte ng kwarto, pero wala naman po akong naaninag. Matapos nun ay muli na rin akong bumalik sa pakikipag-chat at natulog na rin ng 4:00 ng umaga.
Kung sinuman po ang nilalang na nang-trip sa akin nung mga oras na yun, siguro nakulitan na sa pangdededma ko sa halakhak nya kaya namisikal na para mapansin. Sa totoo lang po, okay lang na may naririnig ako or nakikitang kakaiba na hindi normal, pero ibang usapan na po kapag may pisikalan kagaya nitong nangyari sa akin. Medyo nakakatakot rin kahit paano kasi ibig sabihin, kaya ka nilang saktan kung gugustuhin nila.
— Morbid Specter
0 notes