#magpasaya ang kapatid
Explore tagged Tumblr posts
josh0555 · 13 years ago
Text
This is the Christmas Station ID of ABS-CBN in 2011. The Christmas Station ID was themed "Magpasaya ang Kapamilya". The Christmas Station ID theme song is “We are the World” which was originally performed by USA for Africa in 1985. This is the second Christmas Station ID where none of the ABS-CBN crew members appear after 10 years since the first Christmas Station ID was “Buong Pasko Para sa Pilipino” in 2001. However, The Christmas Station ID contains Christmas Carollers from the 2002 movie Frozen. The Christmas Station ID features child actress Angelica Panganiban who makes a cameo in the opening. But somehow, She was grown up for now. This was also the only Christmas Station ID to feature Christmas Caroling.
0 notes
whyrj · 5 years ago
Text
Pasko sa Pinas
Ano ba talaga ang Christmas o Pasko?
Tumblr media
Ito ba ay isang holiday lamang?  Sa bawat bansa sa mundo meron silang sariling version ng pasko at bawat isa ay rooted sa kultura at tradisyon ng bansa na iyon. sa buong mundo ang pasko or Christmas ay maraming mga kahulugan at sa bawat bansa iba ang pagcelebrate nito. Ang pinaka accepted at celebrated meaning ng pasko ay ang celebration para sa birth ni Jesus Christ at isang okasyon para makasama ang mga pamilya. Isa itong annual na festival na nagsisimula mostly sa December 25, at nagaabot ng 12 na mga araw upang matapos, ito ay naging popular sa mga iba’t-ibang bahagi ng mundo. Sa mga bansa kagaya ng America, Japan, England, at iba pa ang umpisa ng pasko ay sa December hangang January minsan, ito ay dahil sa mga lugar na iyon meron “snow” na isang malaking bahagi ng Pasko. Pati ang mga bansa na walang snow dahil sa ibang climate, makikita parin ang mga imahe at mga decorations kasama ang snow.
Tumblr media
Sa asia naman ang pasko ay may konting pagkakaiba, dahil iba ang relihiyon ng mga bansang Asia, kagaya ng Thailand, ang Christmas ay isang secular na event lamang, pero kahit ganon, makikita sa Asia ang mga decorations at mga festivities na ginaganap sa bansa, May mga christmas lights, mga statues, at malalaking Christmas tree na nasa mall o shopping center, dahil sa impluwesya ng western na kultura sa Asia, ang mga customs ay adapted at makikita na ang mga unibersal na symbol ng pasko ay matatagpuan sa Asia.Ito ay makikta sa mga decorations, sa musika at kahit saan. Ang “snow “ay isang unibersal na simbolo para sa pagdating at sa feeling ng pasko. Makikita na ang snow ay integrated sa mga kultura dahil sa mga lugar na meron snow may nagawa silang paraan upang magamit ang snow.
Sa Europa at mga Western na bansa ang ginagawa ng mga bata ay mahilig silang gumawa ng snowman at maglaro sa snow, sa bansang Canada nakakagawa sila ng matamis na treat o pagakain gamit ang snow at maple syrup. Ang pagbibigay ng mga regalo ay isa sa mga universal na symbol ng pasko, kahit saan ka pumunta meron silang own version ng pagbibigayan ng mga regalo sa isa’t –isa, nag papakita ito ng pagmamahal at tunay na damdamin ng isang tao para sa iba, maaari rin sa mga bata upang masaya sila, ang mismong purpose nito ay para magpasaya ng ibang tao at makapagbigay rin ng mga blessings sa tao o groupo ng tao na mahalaga sayo. Meron kasabihan na “ its better to give than to receive”  galing sa biblia.  
Tumblr media
Ang mga regalo ay galing sa biblia, dahil nagbigay ng mga regalo ang wise men kay Jesus Kristo, yung mga regalo nila ay ang ginto,Frankincense at myrrh, and Frankincense ay ginagamit sa mga simabahan para sa pagsasamba sa diyos, and myrrh ay ang papango na iginagamit para sa mga patay, sa mga regalo na ito maari natin makita ang mga ugat ng tradisyion at customs ng pasko. 
Si Jesus ay isang symbolo rin ng regalo na ibinigay ng diyos sa mundo, sinasabi sa John 3:16,  “ Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan”. 
Ang ibigsabihin ba nito ay ang tunay na rason ng pasko ay ang Relihiyon lamang? Ang pasko nga ay maari galing sa relihiyon sa customs at tradisyion.  Celebrated ito para sa relihiyon noong unang mga Kristiano, pero maari rin gawin kultural na celebration ng mga may ibang relihiyonyo, at maari rin celebrate kahit sino dahil sa pagiging mismong tradisyon sa buong mundo at sa mga pahahon nagkakaroon ng iba’t –bang rason ang mga tao upang macelebrate ang Pasko. Ang mga symbolo ng pasko ay ang mga nilalang na naging assoiciated sa pasko, isa dito ay ang mga kwento tunkol sa isang lalaking matanda na namumuhay sa north pole at nagbibigay ng mga regalo sa mge bata tuwing pasko, si Santa Klaus, galing sa isang “Saint Nicholas” at naging isang urban legend sa America at ibang mga bansa, Ang  Krampus ay isang demonyo na lumlabas sa pasko para kainin ang mga masasamang bata, galing sa Slovenia, Austria, at iba pa.. Si 聖誕老人 (shèngdànlǎorén)  ay ang santa sa Taiwan at China, kamukha ni santa at kasama ang kaniyang dalawng babaeing kapatid . 
Tumblr media
Sa tagal ng panahon nagkaroon ng maraming pagbabago sa pagcelebrate ng pasko, maari ito ay may customs galing sa ibat’-ibang bansa na naghalo at maari ito ay may mga thema ng Christianity, secular, o kahit simple lng ang thema kagaya ng pagmamahal, sa ibang bansa ang pasko ay isang romantic na holiday. 
Maraming mga idea at mga implications ang pasko, Sa totoo maramng mga tao ang naghahanap ng totoong kahulugan ng pasko, makikita sa media kung gaano kalalam ang imprint o ugat ng pasko sa society natin, hindi lang sa ating bansa.  Ngunit ang Christamas ay mas mahalaga kaysa isang event lamang, hindi ito parang kaarawan  lamang, pero mayroon especial na feeling at saya na nararamdam ng mga tao, at nakikita naman na itong pasko ay talagang imprinted na sa kultura natin kahit saang bansa, sa mga kanta, mga pelikula, at mga handaan na ginagawa ng mga tao para lang maaring icelebrate itong Christmas. Maraming mga habits or tradisyons ay connected kahit ang iba talaga ng mga bansa sa isa’t isa. 
Tumblr media
Ang mga kulay na madalas gamitin para sa pasko ay pula, puti, at berde, madalas ang mga damit ay santa hat, mga bistida na pula, at mga damit na may kulay pula, puti, o berde, dahil dito ang mga pagkain din sa pasko ay may mga kulay na pula o puti o berde, halimbawa ang peppermint candy canes. Sa sobrang widespread ng pasko sa buong mundo ang daming mga memories o alaala and mga tao tungkol sa pasko, maari itong masaya o masama, pero magiging bahagi parati ang mga alala na iyon sa buhay nila, kaya ang mga iba’t –ibang mga bansa ay kahit sa isang araw lamang ay may especial na lugar sa mga puso nila para macelebrate ang holiday na ito.
Para sa akin, lumaki ako sa philipinas at sa una, noong bata pa ako wala akong masyadong nakikita na pagbabago o kakaiba sa pagcelebrate ng Christmas.  Naalala ko noong limang taong gulang palamang ako , ang saya ko dahil ang alam ko lang ay pasko na! mayroon ulit akong mga regalo at pagkasama na halos ang pamilya ko, may mga pagkain at magkasama lang kaming  nagcecelebrate sa bahay. Naalala ko yung umaawit ang mga bata sa labas, na namamasko at ang mga kanta nila ay tungkol sa pasko sa radyo. Hindi ko makakalimuatan ang mag laro na nilalro naming tuwing Pasko kasama ang mga pinsan ko, sapagkat ako ay mahilig mag-isa madalas sa bahay at mahiyain, ngunit tuwing pasko iba ang pakiramdam ko at hindi ko na nararamdam na mag -isa dahil uuwi na sina tita at tito, mga pinsan, at iba pang  mga myembro ng pamilya galing sa malalayong lugar, minsan sa probinsya o yung iba sa ibang bansa. Sa tuwing binabalikan ko yung mga alala ko tungkol sa pasko nung bata pa ako, narealize ko na wala pa akong masyandong naapreciate at marami ang nagbago habang tumatagal ang oras.
Tumblr media
 Kakaiba talaga yung pasko sa pilipinas kaysa sa mga ibang bansa, maraming mga tradisyon at kultura na hindi makikita sa ibang bansa, katulad ng pagsimula ng pasko, sa ibang bansa ang simula ay sa December, pero sa pilipinas ang simula ay maaga, sa september palang nagaayos at naghahanda na ang mga Filipino para sa pasko, tinatawag dito ay ber-months kasi malamig na ang panahon at ber ang salita na nasa dulo ng mga months hangang December, may countdown from September hangang December 25 at araw-araw may mga kanta napipatugtog kahit saan kang pumunta tungkol sa pasko. May mga advertisments sa nakikita na nagsasabi malapit na ang pasko, hindi ko masyadong naramdaman na para sa ibang mga tao galing sa ibang bansa kakaiba talaga ito. Naalala ko ang pagpupunta sa simbahan tuwing pasko sa gabi na hangang sa madaling araw, nagsisimba at nagporma para sa simbang gabi, sa  Catholic pala, pagmalapit na ang pasko maguumpisa na ang tawag na simbang gabi na ginaganap tuwing  December 16 hangang sa December 24 ng madaling araw.
Kalimitan dito nagaganap ang pagbonding ng mga kabataan na magkakaibigan at nagliligawan. Pagsapit ng pasko halos lahat ng mga tao ay masaya dahil hindi lang regalo ang binibigay, kungi pati ang ampao/ang pao/ang pow, ito ay mayroon maraming mga pangalan, pero ang ginagamit ay “ampao.” Ang ampao ay pera na nasa loob na pula na sobre galing sa tradisyion ng mga Chinese, sa China ang am pao ay mga pula na sobre na nilalaman ng pera at ibinibigay para magkaroon ng blessings at masayang buhay ang tao na ibinigyan, sa pilipinas, ito ay ibinibigay sa pasko o mga okasyon, sa pulang sobre katulad ng mga Chinese, maaring na impluwesya ang mga Pilipino dahil kalapit lang ng China sa bansa at sa mga taong Chinese na naglipat sa piilipinas noong dating panahon. 
Tumblr media
Ngayon may maraming Chinese na tradisyon na nalipat at malalim na natubo sa Philippines.
 Pinapakita ang respeto sa mga matatanda, kahit hindi kilala ay nagmamano. Ang magmamano ay isang gesture of respect sa pilipinas, ang mga masbata ay kukunin ang kamay ng masmatanda at ilalagay sa noo niya, isang simbolo ng respect sa bansa, lalo na sa mga matatanda sa pamilya. Nagbabati rin ng merry Christmas sa bawat isa, kahit sa mga taong hindi kilala. Isang magandang kasabihan at greeting para sa lahat ng mga tao na nagcelebrate ng Christmas, minsan ay may kasamang “at happy new year “ kasi sa lapit ng pasko at new year sa isa’t isa.  Dito rin nangyayari ang pagkakasundo ng mga nag-aaway dahil sa pasko ay dapat ay mag bigayan at magmahalan sa bawat kapwa, ito rin ang panahon upang magbigay at magtulong sa isa’t isa, may mga programa na nagaayos ng mga Charities at ng organisasyon na nagbibigay ng mga regalo at mga panagnagilangan na mga bagay sa mga taong mas mahirap tuwing pasko, makikita sa mag tv programs at mariring ang mga kwento tungkol doon sa mga nabibigyan ng tulong sa pasko. Pero hindi lahat ay may kayang magbigay dahil maraming mga tao sa Pilipines ay hindi mayaman o walang pera, kaya may mga tao, halos mga niniong at ninang, ang nagtatago sa mga inaanak nila.  
Tumblr media
Ang mga ninong at ninang ay sa Ingles ay  godmother and godfather , sila ang  may responsibilidad na magbigay sa mga inaanak or godchild nila tuwing pasko, at ginawang biro rin  sa pilipinas na tuwing pasko maraming magtatago dahil wlang pera na maiibibigay sa mga inaanak.  May isang kwento ako tungkol sa sarili kong naranasan sa pasko noong bata pa ako, kung saan tumatakbo pa kami ng mga pinsan ko naguunahan makapunta sa bahay ng ninong namin, para mabigayan kami ng “am pao”.  
Ang mga pagkain sa pasko ay ang aking paboritong bahagi sa pasko, Sa pilipinas hindi gumagawa ng mga maple syrup na snow treats, o mga fast food , sa philippinas ang pagkain na ihinahanda ay bonga at marami kaysa sa mga ibang bansa. Ang halos ginagawang handaan sa pagkainan ay mga lutong iba’t –bang putahe ng pagkain, kagaya ng tinolang manok, buong manok na pinirito, fruit salad, graham cakes, suman at kalamay, puto bongbong, bibingka, at litson, queso de bola,  Christmas ham,  at leche flan. Ito ay ang mga halimbawa ng mag pagkain na makikita sa la mesa tuwing pasko.
Tumblr media
Ang queso de bola ay galing sa Spanish na word na ibig sabihin sa Ingles ay ball of cheese, ito ay queso na hugis bola at parte ng noche Buena, noche Buena ay Spanish para sa “good night” at sa gabi ginaganap, sa December 24 halos. Ito ang masasabing feast o pyesta na ginaganap bago magpasko. 
Mayroon din mga tradysion na hindi ko masyadong naiintindihan, kagaya ng paglalagay ng mga bilog na prutas sa bintana ng mga bahay, na sabi daw para dumating ang maraming grasya o gaganda ang buhay. Sa pagaaral ko sa pasko dito sa pilipinas,  marami akong nakita na mga superstitious beliefs na hindi ko alam o namamalayan ginagawa ko, kagaya ng pagpapaniwala sa new year pagtumalon ay tatangkad, o sa pasko na meron santa claus na magbibigay ng mga regalo, hindi namalayan na galing pala sa kultura ng mga ibang bansa noong nacolonize yung Philippines at nagging bahagi na ng mga paniniwala sa bansa. Ang musika at mag pagkakanta hindi mawawala sa pasko, maliban sa mga Christmas songs na pinapatugtog, meron din mga nagkakanta sa labas ng bahay upang mabigyan ng pampasko o pera, ito ay parang exchange gift situation, ang regalo na ibinibigay nila ay ang espiritu ng pasko sa pagkakanta at ang pera na maiibibigay ay regalo din, para sa akin mayroon saya at peace pagnaririnig ko ang mga kumakanta sa labas ng bahay, sa pamagitan nito nagkakaroon ng saya at unity sa communidad.
Tumblr media
 Ibig sabihin ba ang pasko sa pilipinas ay ang pasko lamang na tunay at maaring masaya lang dito, Hindi! sa aking palagay. kasi  sa bawat bansa may sariling uri ng masayang holiday at sariling paraan upang icelebrate ang pasko, lahat ay may mahalagang lesson at meaning. Ang pasko ay hindi lang religious o romantic o family tradisyion, kundi maraming mga paraan na celebrate ito na hindi kailangan sobrang bonga ang magagawa o hahanda. Isang especial na panahon sa puso at buhay ng mga tao kahit saan. kahit hindi naman ako sobrang nagcelebrate ng pasko, hindi ko masasabi na hindi bahagi ng buhay ko ang pasko, hindi ko rin masasabi na hindi para sa akin ang pasko, dahil kahit masgusto kong mag-isa at  ramdam minsan na out of place ako, mahalaga ang pasko sa akin, ngayon nakikita ko kung ano talaga ang halaga nito sa tao at kung bakit ang laki ng pagpapahalaga  ng mga Pilipino ang pasko. 
Tumblr media
Hindi lang mailalagay ang pasko sa isang kahulugan o idea, ngunit ang pasko ay may iba’t-ibang kahulugan para sa bawat isa. Ang pasko talaga ay nagpapalabas ng puso ng mga tao para sa kapwa tao, panahon upang makasama ang mga minamahal sa buhay at para mawala kahit saglit ang mga problema at mga hirap ng buhay. Ngayon na napagaralanl ko yung totoong dahilan at kahulugan ng mag tradisyon ng pasko, lumalawak ang pagkaintindi ko sa pasko at humahanga ako sa kultura ng pilipinas. Kaya ang diwa ng pasko ay ibang iba sa pilipinas at napakahalaga sa bawat puso ng pilipino. Masaya ako na nalaman ko talaga ang ibig sabihin ng mga tradisyon at mga kultura sa Philippines tuwing pasko, sana hindi magbabago  ng sobra o mawawala ang mga ito kahit gaano kabilis ang pagbabago ng mga tao at ng mundo, sana matitira parin sa puso ng bawat Pilipino.
Tumblr media
2 notes · View notes
gamboakentmay · 5 years ago
Text
Happy Lang! Walang Ending!
           Hindi maikakaila na mahilig tayong mga Pilipino sa panonood ng mga pelikula. Makikita mo iyan tuwing pasko. Puno lagi ang mga sinehan sa bawat mall. Iba’t ibang uri ng pelikula ang pagpapipilian mapa-kwela, pang-pamilya, love story, horror at marami pang iba. At dahil sa pagkahumaling natin sa panonood ng pelikula, gaya nga wika, ito rin ay nagagamit sa atin bilang isang ideological state apparatus (ISA).
Sa akdang binasa, nagbigay ang author na si Nicanor G. Tiongson ng apat na epekto sa pananaw sa isang ordinaryong indibidwal.
           Una. Maganda ang Maputi. Lantad at hindi maitatanggi ang “nakatagong” mensaheng ito sa mga palabas lalo na noong 70s (ito yung panahon nina FPJ at Sharon Cuneta) na ang mestizo o maputi ay ang basehan ng kagandahan at pagiging bida sa pelikula. Kapag ang actor/aktres ay maganda, maputi o matangos ang ilong, matik, bida ang gagampanan nyang role sa pelikula (pwede rin siyang maging kontrabida dahil ang mga kontrabida sa bawat pelikula ay kinakailangang mayaman at “mukhang mayaman”).
           Tulad ng pagkahumaling nating mga pinoy sa mga imported products mula cellphone, damit, pahkain, kolorete, at iba pa, gayun din ang pagkahilig natin sa mga kanluraning pelikula. At naidadala nating ang pamantayan sa mga pelikulang ito sa sarili nating pelikula. At dahil sa pamantayang maganda ang maputi, nailalapat natin ito sa ating mga sarili. Marami ang nagnanais at nangangarap na maging bida ng sariling nilang palabas o buhay kaya’t pilit nilang pinagmumukhang katanggap tanggap na bida ang kanilang mga sarili base sa kanilang sariling batayan. Sa pagnanais maging katanggap tanggap, nagiging Donya Victorina ang marami sa atin na patuloy ang pagtapal ng mga palamuti sa kanilang mukha at pilit tinatakpan ang kayumangging balat dahil nga maganda ang maputi. Banggit ni Tiongson sa Akda: “Dahil maganda ang mapui, nagging kasalanan ang pagiging kayumanggi.
Naging bida rin naman ang mga actor kahit sa kawalan ng kwalipikasyong maganda/gwapo at maputi pero nagsimula sila pagiging saydkik ng mga bida na lagging nagpapatawa sa mga manonood. At dahil nga sa pagpapatawa sila nakilala, sa pagpapatawa sila ibibida sa kanilang sariling mga palabas. Andiyan sina Rene Requiestas, Babalu, Dolphy, at iba pang mga komedyante at magaling magpatawa, magpasaya at mag-aliw sa mga manonood.
Pangalawa ay Masaya ang may Palabas. Wala nga naming masaya sa aliw. Ito ang puso ng sining. Ito ang dahilan kung bakit tayo nahuhumaling sa mga bagay-bagay, dahil ina-aliw tayo nito. Ngunit, ayon kay Tiongson, hindi aliw ang dinudulot sa atin ng mga uring pelikula na mayroon tayo ngayon. Nagsisilbing pantakas sa problemang kinakaharap ang aliw na ninanais ng marami. Sa dami ng problemang dinaranas, nandiyan ang aliw upang ipalimot sa atin saglit ang lungkot at hirap na nadarama, ngunit ang mga manonood ay ayaw ng bumalik sa tinatamasang problema, bagkus ay nanatili na lamang sa saglit na ginhawang naibibigay sa kaniya ng aliw.
           Taon-taon ang pelikula ni Vice Ganda tuwing kapaskuhan at dinaragsa ito ng mga manonood sa mga sinehan. Pampamilya ang laging nailalarawan nila sa mga ganitong pelikula. Masaya nga naman manood kasama ang pamilya. Ngunit nakakasawa naming panoorin ang paulit-ulit ng pormulang ito. Walang saysay, puro patawa at minsa’y may panlalait pang kasama ang pananalita na maaring mapulot ng kabataan sa panonood.
           Marahil kaya takot ang mga Pilipino sa pakikibaka at paglaban sa problema ay dahil sa kasanayang pinahalagahan natin ang aliw kaysa sa pagharap sa problema. Paano tayong mamumulat sa mapait na katotohanan kung ang lagi nating hinahanap ay puro matatamis na panandaliang kasiyahan.
           Ikatlo ay Mabuti ang Inaapi. Mula bata ay mulat na tayo sa ganitong senaryo. Sa mga istoryang Cinderella at teleseryeng ipinapalabas gabi-gabi, ang bida ay laging inaapi. Aang cinderella ng kwento ay maihihiwalay sa tunay niyang magulang (kadalasan ay sa ama), mapupunta ito sa malupit at mapang-aping step-mother kasama ang step-sister siya ring kasing sama ng kaniyang ina, aalilain ang nila ang bida sa kung anu-anong paraan ngunit para bang wala lang ito sa bida. Tiisin niya ang hirap at pang-aapi ng ina at kapatid dahil sa kanyang kabaitan. Sa kalagitnaan ng kwento ay makakatagpo ng ang ating bida ng isang mayamang lalaki na magsisilbing tagapagligtas niya sa kaniyang pamilya ngunit hahadlangan siya ng kanyang kanyang kapatid na babae dahil ang kapatid niya naman ang magkakagusto sa prinsepeng tagapagligtas ng ating bida o hindi kaya’y hindi papayag ang pamilya ng lalaki ang relasyong mabubuo nila ng bida dahil sa katayuan nito sa buhay. Gayunpaman, isa’t-isa lang magiging pagwawakas ng istorya, magkakatuluyan ang naghirap na bida at ang prinsepeng tagapagligtas niya at mamumuhay sila ng masaya habang-buhay. Nagbunga ang paghihirap at pagtitiis ng bida dahil nanatili siyang tikom ang bibig at sunud-sunuran sa mga umapi sa kaniya.
           Hindi masama ang pagtamasa ng kahirapan. Ang masama ay ang hindi natin paghanap ng solusyon upang mapawi ito. Sapagka’t ayon sa ating paniniwalang Kristiyano ay pinangakuan tayo ni Kristo na malaki ang gatimpalang balik sa atin sa langit kung tayo’y magtiis ng kahirapan dito sa lupa. Ano nga naman ang tumbas ng isang-daang taong kahirapan sa pangakong habang buhay na kaginhawaan. Inuulit, hindi masama ang pagdanas ng hirap, ngunit ang pananatili sa paghihirap. Hindi usapin dito ang paniniwala o ang relihiyon. Ayon kay Tiongson, ang mali sa ating paniniwala ay ang masokismo. Dahil sa pangakong tayo’y makakaranas naman sa kabilang-buhay ng kaginhawaan ay titiisin nalang natin ang kahirapan sa kasalukuyan. Nalalason ang marami sa paniniwalang ito dahil hindi na sila kumikilos o humahanap ng paraan para masolusyunan ang problemang tinatamasa. Dahil normal na sa atin ang paghihirap, bakit pa natin ito kailangang pawiin?
           Ang huli ay Maganda ang Daigdig. Maganda ang daigdig. Mabuti ang mundo. Laging may happy ending. Ang mahirap sa una ay makakaranas ng kaginhawaan sa piling ng kaniyang minamahal. Matatalo ng mabuting bida ang kaniyang masamang kaaway. Ang mayaman na kontrabida at nang-api sa bida ay maghihirap at magdudusa at masisisi sa kanilang ginawa sa kaniya (natikman nila ang batas ng isang api). Si Cinderella ay masayang ikakasal sa kaniyang prinsipe at masayang mamumuhay habang buhay. Ngunit sa totoong buhay, hindi laging ganoon ang eksena. Walang makisig at matipunong prinsipeng nakasakay sa kabayo ang magtatawid sa atin sa kahirapan at walang matandang gumagamit ng magic na tutulong sa ating mga problema.
1 note · View note
trendingph · 4 years ago
Photo
Tumblr media
Naghahanap ka pa because? Well Mga Kapamilya, Kapatid at Kababayan nandito na ang hinahanap ninyo! Kumpleto from Free TV, Cable... Naghahanap ka pa because? Well Mga Kapamilya, Kapatid at Kababayan nandito na ang hinahanap ninyo! Kumpleto from Free TV, Cable, Online to Streaming Platforms kumpleto ang ating ABS-CBN upang magpasaya sa inyo! Read More: https://bit.ly/3dkVglx ... https://trendingph.net/naghahanap-ka-pa-becausewell-mga-kapamilya-kapatid-at-kababayan-nandito-na-ang-hinahanap-ninyokumpleto-from-free-tv-cable/?feed_id=193012&_unique_id=60796e20672f7 #ang #becausewell #cable #free #hinahanap #kababayan #kapamilya #kapatid #mga #naghahanap #nandito #ninyokumpleto #philippinenews #philippinesnews #trendingph
0 notes
takemetohelena · 8 years ago
Text
Sometime in May
May crush akooo, nakilala ko sya mga three weeks ago na, classmate ko sa arts tapos seatmate ko hehehe. Nung una ayoko syang kausapin kasi gwapo sya (discrimination hahaha). Tapos may activity kasi kami nun, magssculpture kami sa Perla yung sabon, napansin ko ang gulo nya tapos tinanong nya ata sa’kin 
“Pwede ba yung safeguard? Safeguard nabili ko” tapos nilabas nya yung safeguard nya natawa ako hahahaha basta pinag iisipan nya kung bibili pa sya sa baba o pupush na nya. Di ko napansin umalis na pala sya tapos nakabalik na hahaha. Kausap ko si ate reese, iniinterview nya ako. Tapos tinanong ako ni anthony kung ano course ko, sabi ko “Arki. Ikaw?” “Arki rin” sabi nya. Nashookt ako tinitigan ko sya kasi baka nagjojoke sya saka parang di ko naman sya nakikita??? Tapos nalaman ko 5th year na sya saka tapos na sya sa Design10, naamaze ako hahahaha.
Nakwento ko sya kay Alison kasi baka kilala nya (mas maraming kakilala si Alison na kacourse ko kaysa sa’kin hahahaha). The next day, pinakita sakin ni anthony profile ni ali sa phone nya, “kaibigan mo?” sabi nya. Shookdt ako inadd sya ni Alison agad HAHAHAHA. “inaccept mo?” sabi ko tapos sabi nya “oo, kaibigan mo eh” sabi ko sa isip ko weh maganda lang eh hahaha.
Naging friends na din kami sa facebook tapos nagchat sa sakin ng sticker. Tapos shet bat ako kinikilig sabi ko HAHAHAHA.
Tapos yun basta. May isa pa kasi kaming gwapo na kaklase si Sealiah, tapos iniinterview sila ni ate reese, tinanong nya si anthony kung may girlfriend. Sabi ni anthony may nililigawan sya. ayokong magkacrush sa takenn, majejelly ako haha pero naging crush ko pa rin sya i cry 😭 tbh, di ko ineexpect na ano, magugustuhan ko sya na ano basta kasi gwapo sya, eh pag may gwapo first look, second look, third look tapos wala na. pero kasi nung nakasama ko sya everyday, ang bait nya tapos gentleman :(((( tapos christian sya :((( Lord whyy, You know i’m weak hahahaha. Basta mabait sya tapos gentleman, inulit ko lang sinabi ko hahaha. Minsan nalate ako, tapos nagbilog bilog ata sila, sinave an nya ako ng upuan huhu. So far, may mga alam nako sakanya, sabi nya seaman gusto nya pero want ng papa nya mag arki sya, christian sya, tapos okay sya. too good to be true. i cry. hahaha
Tumblr media
First picture together! Hahahaha. Magkkwento ba ako? Hahahahaha i know makakalimutan ko to someday ikkwento ko na nga para remembrance hahaha. Pano ba hahahaha.
Tumblr media
I took that selfie at kuya desmond’s house hahaha, I dont know if he knew pero papalingunin ko dapat sya eh. Baka nahiya ako hahaha.
Tumblr media Tumblr media
While we were shooting our project sa arts, dun sa bahay ni ate cherry, naiwan kami with the two ates because may klase pa that time yung ibang kagroup namin. Sakanya yung first scene that day, so ate cherry did his psycho look make up tapos pumunta na kami sa second floor. That’s when we took the mirror selfie. Actually, horror-ish yan eh pero nakasmile ako hahahaha.
I asked him “pano kung nasapian ka talaga dito?”
He said, “hindi yan, depende naman yan sa faith mo.” And I was like huhu u’re making me like u morr hahaha.
Pinanood samin ni kuya des yung first take ni anthony, yung biglang look sa camera na scene, I was like ayoko na gusto ko ng umuwi kasi help me, i’m feeling.
After ilang minutes sa taas, bumaba na ako kasi sobrang init dun, nakipagkwentuhan ako kila ate reese ata when bumaba na si kuya des tapos he shouted my name. Kaya umakyat ulit ako haha. He said takot syang mag isa sa taas hahahaha baby.
Tumblr media
Nung gabi, we were at ate cherry’s backyard, yun na dapat ung scene na mamamatay ako pero naextend life ko hahaha. Yun nga i was tired na so nakayuko na ako, he was sitting behind me so back to back kami. Sumandal sya sakinnnn! Omo omo.
I said “mabigat ka”
tapos sabi nya “sandal ka din kasi sakin para pantay na” but i didnt make sandal kasi shy ako hahaha.
We took videos with the group tapos medyo aburido sya ata o ako o kami ata kasi it’s getting late wala ng masasakyan hahaha. Yung bonfire scene namin, sabi nya sakin “parang nagsesenti ka”, sabi ko “brineak kasi ako ng boypren ko huhu” i thought naka on camera na kami!! sabi kasi ni kuya des kami na bahala sa adlib hahahaha akala ko nag aadlib na kami lol. tapos kuya des was telling me to look at him with kinikilig face and idk why because wala naman yun sa script and why would i look at the killer with kinikilig face hahahaha pero ewan i did?? hahaha. Ayun, gabi na kasi nun no, taga lingayen pa sya, tapos na yung scenes nya and he told me na sabay na kaming uuwi, I know sinabi nya yun para may kasama sya pero kinikilig akooo.
Tamad na ako magstorytell hahaha. Nung 2nd day ng shooting, si ate cherry kasi has 3 kids tapos baby pa ung isa nasa crib. When we arrived he was hungry na, so dun sya sa dining ako nilalaro ko yung baby, binuhat ko sya tapos he told me na kain na din ako so binaba ko si baby tapos eat eat. Kami lang dalawa sa dining table, I wanna take a pic pero nahihiya ako hahaha. So ayun we ate, ate cherry’s aunt offered us tinapay tapos isa lang kinuha nya he said hati kami tapos sabi nya “hating kapatid” nagreact ako sa isip ko like ‘ayokoo!’ hahahaha pero keri lang hahaha. I was listening sa conversation nina ate and sealiah, it was about marriage marriage, ate said something like
“pag nahanap mo na pakasalan mo na” parang ganun,
i said “pero bata pa sila” si anthony lang nakakarinig ah.
he said “tama lang yun, 24-25 and marrying age” hindi ko na sya kinontra hahahaha.
After kain kinuha ko ulit si baby tapos lumabas ako sa terrace because mainit sa loob. Lumabas din sya tapos kinuha nya sakin si baby. Omo he looked so handsome while holding the cute baby huhu. Tinitignan ko lang sila kasi naiisip ko, lucky yung magugustuhan nya na girl because he’s so nice tapos he has a soft heart din, ako rin i have a soft heart for animals hahahaha. He took pics with the babies tapos binalik nya sakin. We were sitting across each other dun sa terrace idk what to call it ung may balusters while hawak ko si yung baby, medyo nagpapanic nako deep inside nun kasi bakit ganuun, ayokoo ng ganitooo. After awhile nafeel ko gumalaw diaper ni baby kaya binalik ko na sya sa mommy nya hahahaha.
He had to go back to school kasi may quiz daw sya so ako muna nandun sa location, that’s where the exchange of secrets with luis happened hahahaha. 
Tumblr media
” That’s the scene where he’s going to kill me. He was ano basta nakaikot kamay nya from behind while may hawak syang kutsilyo, honestly natakot ako ng kaunti because baka matusok talaga ako kasi sabi nila ate cherry may pagkahaunted talaga yung bahay tapos pano pag ginalaw ng multo ung kamay nya hahahaha okay praning ako. nilayo nya naman sakin hahaha. Now that I’ve thought about it, wala din yan sa first script and he could just kill me along with shervi and jerome na parang wala lang. Feeling ko alam nila kuya des na crush ko sya!! The “tingin ka kay anthony na kinikilig” yan. omg they knew!!! nahihiya ako ngayon hahahaha. okay ayoko na isipin hahaha.
Pagkapass nung film, nasepanx ako hahaha. Our next activity was song composition, I suggested na lovesong nalang because yun ang pinakamadaling gawan, totoo naman dibaaaa? Sabi nya “alam namin inlove kaaa” and i was like Lord patigilin mo sya baka magkatotoo hahahaha. Ang kinanta namin was tubig alat na kinuha lang namin sa yt hahaha, hindi namin alam ung song and dinownload ko yun sa phone ko so we shared headset while listening to it hihihi. Marami pa akong kwento pero masyado ng detailed to hahaha pagod na me.
Tumblr media
Variety show practice 💓
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Down to the last pictures.
He is a moment in life that comes and goes (lyrics yan hahahaha) siguro after this summer class di ko na sya makikita, because hindi ko naman talaga sya nakikita dati even when maliit lang ung arki dept. pero siguro kung nakilala ko sya sa pip plor di ako magppay attention sakanya awa hahahaha i want to explain kung why pero next time nalang. After summer class smile smile nalang pag nagkakasalubong ganern. Pero it’s ok hahaha happy si acoe because binigyan nya ng life yung crushlife ko ngayong summer kasi naman naiinis nako because wala akong magustuhan. Ngayon happy c acoe. I dont know kung hanggang kelan tong kilig kilig na to kasi siguro at some point baka maging sensitive ako tapos maiinis ako hahahahaha. Basta I’ll just enjoy it while it’s still here because soon this will be all overrr.
Tumblr media
Yo psycho killer na mabait in real life haha,
You made me happy these past few weeks hihi, I hope you wont notice and i hope you wont know because wala akong mukang maihaharap pag nalaman mo hahahahaha. Basta keep making me happy and i swear rerewardan ka ni Lord because good deed yung magpasaya ng tao hahaha. It’s almost the end of summer and i’m ready na na mawalan ng happy pill hays. Goodluck sa lyf aja aja. I hope we meet and and talk again when we’re architects na and dapat maganda na ako nun and dapat single ka pa and walang anak hahahahahaha joke. You’re so sure of your life, you know what you want and you know where you belong. I know you’ll be successful someday and I’ll just be somewhere mentally clapping for you.
1 note · View note
saylentli-blog · 7 years ago
Text
July 30, 2017
Paano nga kaya kung ako yung may malalang sakit? Paano nga kaya kung yung tingin ko ay totoo? Paano nga kaya kung oo pagbibigyan naman ako na wag mawala agad si mama subalit ako naman ang mawawala? Iniisip ko pa lang masakit na. Masakit na masaya. Masakit sa kadahilanang hindi man lang ako naging masayang tunay. Marahil makikita akong masiglahin ngunit punong punong ng hinagpis at sakit na hindi magawang isambit. Marahil makikita akong easy-go-lucky ngunit lahat yon ay pagpapanggap lang pala. Ang sakit kasi hindi man lang natutupad pa ang mga pangarap ko. Pangarap na makapagtapos. Pangarap maging masaya. Pangarap maging masayang pamilya ito. Pangarap magkaroon ng sariling pamilya at magkaroon ng kahit dalawang anak, isang lalake at isang babae. Pangarap na magkaroon ng bonggang 18th debut ang babae kong anak. Pangarap na makita silang magmahal pareho, na makitang masaya sila sa pamilya nila, sa pamilyang binuo namin at sa mga pamilyang bubuoin nila. Kahit sila lang maging masaya, kahit ibang tao lang makita kong masaya, ako'y masaya na, kuntento na. Siguro'y kaya't marahil may posibilidad na ako'y kunin na ng nasa itaas dahil baka ako ay maging daan para umayos ang pamilyang pilit kong binubuklod. Baka sakali'y maisip nila ang halaga ng masayang pamilya. Para naman sa kabilang banda, masaya dahil tapos na. Tapos na ang pagpapanggap.Tapos na ang pag iintindi. Tapos na ang pagbibigay pasensiya. Tapos na ang pagkukunwaring masaya. Tapos na ang paghihirap. Tapos na ang buhay na pilit binubuklod mag isa ng taong walang ibang ginawa kundi umunawa at magpasaya. Gayon lang din naman, kung mangyari mang mawala ako, I wish you well to my family. My mom, my dad, I hope maging masaya at okay at maayos na sila. Wag na nila pairalin ang mga pride nila. Matuto na sana silang intindihan ang isa at mahalin ang isa't-isa. Sa mga kapatid ko, na sana maging masaya sila sa mga nakita nilang taong magpapatuloy at magpapasaya sa kanila. Ang kasama nilang bubuo ng bagong pamilya. Sana ay di na muling wag payagang ng aking mga magulang na piliin kung sino ang gusto nilang makasama panghabambuhay. Sa mga titas at titos ko, mapa mother side man o father side. Sa mga pinsan ko din. Lalo si Christine na ready makinig and ready iwipe ang tears ko every time as always as well as kay Claire na kasama ko sa lahat, alam ang lahat, nakita ang lahat, good or bad, better or worst, pati na yata daloy ng dugo ko kabisado na niya. Sa mga kaibigan ko. Unang una kay Shaina, my very mataray bff; kina Ashley and Rexie na bubuo ng MB ko. Kay Rachel at Shahainna na solid college bffs ko din. Kay Kate na anak anakan ko. Kay Reynon na I still consider as may tatay tatayan. Sa Kilay squad, na andiyan for me as always, who picked up my broken pieces. Kay Miguelle and Kenz, my guy bffs. Kay Mark Joseph, the one and only constant person na nagpapasaya sakin kahit never naman naging tayo, you are someone important cause I see future in you. Hehezz ew I'm so inlove yet and the reason why I stay single. Char. And to the other friends I have, salamat. Mahal ko kayo.
0 notes
josh0555 · 14 years ago
Text
This is the Christmas Station ID of TV5 in 2010. The Christmas Station ID was themed “Maligayang Pasko, Kapatid! In the Service of the Filipino”. The Station ID is accompanied with the Christmas version of “Para Sa’yo Kapatid” performed by Filipino singer, songwriter, rapper, dancer, television host, actor and comedian Ogie Alcasid and his wife Regine Velasquez who is also an OPM singer and songwriter. But somehow, Ogie Alcasid and Regine Velasquez also performed the original version of the “Para Sa’yo Kapatid” in June 30, 2010.
The Christmas Station ID was launched in December 1, 2010 which is the same thing that the “Da Best ang Pasko ng Pilipino” music video was released from ABS-CBN. 
The Christmas Station ID features Korina Sanchez, Pia Arcangel, Luchi Cruz-Valdez, Raffy Tima, Mark Salazar, Atom Araullo, Gilbert Remulla, Shawn Yao, Pinky Webb, Connie Sison, Martin Andanar, Seph Ubalde, Howie Severino, Rhea Santos, Alex Santos, Lourd de Veyra, Ivan Mayrina, Sam Milby, Marco Alcaraz, Ivana Alawi, Arjo Atayde, Kit Thompson, Vice Ganda, Empoy Marquez, Coco Martin, Zoren Legaspi, Ogie Alcasid, Jun Sabayton, Niño Muhlach, Simon Ibarra, Ramon Bautista, Baron Geisler, Dominic Roque, DingDong Avanzado, Eric Fructuoso, Randy Santiago, Diether Ocampo, Carmina Villaroel, Eugene Domingo, Nora Aunor, Sunshine Dizon, Sue Ramirez, Maja Salvador, Louise de los Reyes, Jazz Ocampo, Enrique Gil, Marco Gumabao, Liza Soberano, Michael V., Allan K., Xian Lim, Yves Flores, German Moreno, Carmelito “Shalala” Reyes, Romy “Dagul” Pastrana, Ruru Madrid, Juancho Triviño, Ina Raymundo, Gretchen Barretto, Ahron Villena, Mark Anthony Fernandez, Chuckie Drefyus, Jerald Napoles, Jeric Gonzales, Tirso Cruz III, Rafael Rosell, Adrian Alandy, Enrico Cuenca, JC de Vera, Sef Cadayona, Dion Ignacio, Gerald Anderson, Edgar Allan Guzman, Mark Herras, Sid Lucero, Diego Castro III, Vince Gamad, Angel Locsin, Ivan Dorschner, Enzo Pineda, Hero Angeles, CJ Muere, Dennis Trillo, Jake Cuenca, Paulo Avelino, IC Mendoza, Carlo Aquino, Derrick Monasterio, David Licauco, Ken Chan, Kim Chiu, Arcee Muñoz, Alice Dixson, Tuesday Vargas, Ritz Azul and Eula Caballero including Julius Babao and his wife Christine Bersola-Babao, Mikoy Morales, the son of Vicky Morales, Bela Padilla and Kylie Padilla, daughters of Rommel Padilla, sisters of Queenie Padilla, nieces of Robin Padilla and cousins of Daniel Padilla and RJ Padilla, Ronwaldo and Kristoffer Martin, the sons of Coco Martin and Sandino Martin, the brother of Coco Martin, twin brothers Rodjun and Rayver Cruz, Master Boy Abunda, DJ Willie Revillame, Emcee Mo Twister, girl group BTS, supergroup Bravo All-Stars including the Goin Bulilit new cast members after the retirement of the original cast members, DJ Lance the Dinosaur from Sesame Street, featuring president Noynoy Aquino as Santa Claus.
The Christmas Station ID also features special guests Daniel Padilla, Alwyn Uytingco, Dominic Roco, Felix Roco, DingDong Dantes, Rocco Nacino and Enchong Dee as the cast from the future Beyblade Burst series which will be released in 2013. Somehow, The manga version will be released in 2012 at this point. But eventually, DingDong Dantes signed a temporary contract to TV5 in 2010. But somehow, His contract to TV5 will expire in January 31, 2011. Eventually, He was an actor from ABS-CBN since 1992. But somehow,  Daniel Padilla, Alwyn Uytingco, Dominic Roco, Felix Roco, Rocco Nacino and Enchong Dee were from TV5 from 2005 until 2010. But eventually, They will renew a contract of TV5 from 2013 until 2015. Although, Daniel Padilla, Alwyn Uytingco, Dominic Roco, Felix Roco, DingDong Dantes, Rocco Nacino and Enchong Dee were from TV5 since 2010. However, Daniel Padilla will sign a temporary contract from GMA in 2015 with Xian Lim.
The Christmas Station ID theme will be re-used in the 2011 Christmas Station ID from TV5 which is “Magpasaya ang Kapatid” but with minor changes and explosions. Somehow, The Christmas Station ID in 2011 will also feature Blue the Puppy from Disney’s Blues Clues saying “That’s a Spicy Meatball!”. But eventually, The line “That’s a Spicy Meatball!” will be re-used in the 2015 Summer Station ID of TV5 which is “Happy Ka Dito This Summer!”
1 note · View note
josh0555 · 9 years ago
Text
This is the Christmas Station ID of TV5 in 2015. The new Christmas Station ID was named “Happy Ka Dito Ngayon Pasko!” The Christmas Station ID features the clips recycled from the TV5 2014 Christmas Station ID which is "Krismas Mas Mas Masaya" but in minor changes. This is the second Christmas Station ID to feature clips that are recycled last year similar to the TV5 2011 Christmas Station ID “Magpasaya ang Kapatid” which reuses the clips from the TV5 Christmas Station ID in 2010 but with minor changes and the TV5 and the TV5 2013 Christmas Station ID "DisyembRegalo" which reuses the clips from the TV5 2012 Christmas Station ID "Everyday is Christmas Day". But somehow, This is the only Christmas Station ID to include the dinosaur plush doll at the very end featuring the Rubik’s Cube transforming into a red TV5 sphere similar to the Station ID in 2010 but with an explosion added. Somehow, The dinosaur plush doll can be seen looking out at the window while the snowflakes are falling from the sky. The Christmas Station ID also makes cameos of Arcee Muñoz, Sid Lucero, Alice Dixson, Tuesday Vargas, Ritz Azul, Eula Caballero and Ogie Alcasid waving at the end but Edgar Allan Guzman laughs evilly at the very end in the bottom right corner. The Christmas Station ID will be re-used in 2016 which will be known as “Bery’ Happy Ka Dito Ngayon Pasko!”
2 notes · View notes