#magkahiwalay kami at wala akong magagawa.
Explore tagged Tumblr posts
kremechihihi · 9 months ago
Text
Tumblr media
ako si luna.
siya si sol.
ilang taon ko makikita ikaw nang tunay?
-
i’m luna.
she is sol.
how many years will it take to see you truly?
4 notes · View notes
long-gone-1997 · 3 years ago
Text
When you learn how to be happy with yourself ~
I guess that’s really the key and I guess that’s how he did it and that’s what I’ve lost. Before he came into my life, I may not be that perfectly happy but I’m fine on my own. Tanggap ko noon meron o walang kasama in life, okay naman buhay ko, because I dont depend my happiness on someone else. But he came, he made me feel all the love I was longing for years, that’s why I became happiest. I couldn’t deny, It was the best. I thought it will never end, kasi he made sure e. na he will stay, na I’m all that he needs. I believed in his words, I believed in him, I trusted him. Kahit na ang daming dumating na pagsubok, kinaya naman namin ng mag kasama e. But I guess, life’s really a B. Nung naging magulo na, sarili ko nalang nakikita ko, and he was not there. Even today. He knew how much in pain I am right now, he knew that he’s the problem, he knew because I exactly told him. But the thing is, even though he knew, he’s not doing anything to stop this. I mean, y would we wait if u know how to fix this shit. Pero ganon talaga e. And gets ko na. Maybe this is not what he want anymore. And siguro hindi na talaga ako. Masakit yes. Pero wala naman ako magagawa e. Kasi nga hindi naman ako ang dapat umayos ng nasira na to. I did my part, i was there at his worst, pero nung ako na yung nalulunod, wala binitawan nalang talaga ako. Hindi ako marunong mamimilit ng taong ayaw sakin. Kasi what’s the point? Kahit ipaaalala ko pa all of our struggles that we overcome together, if mas masaya na sya sa iba bakit pa nga ba ilalaban to? 
I want him back, I really do. But u know what I’ve just realized? he’s not ready for it, and hindi ako yung tao na maghihintay sa taong gagawin lang akong option. I dont like that, hindi ko pa ganon ka-hate yung sarili ko para gawin yon. Gusto nya na ganito kami so that he can be with someone  that he really want and if magkasama na kami ako ulit? y? It’s a big NO for me. 
I’ve been embracing this pain for 6 months now. And i think this is the time for me to stop trying. Because srlsy, awang awa and pagod na pagod na ako. I dont wanna see myself crying again because that’s not me. I don’t cry. I’m strong independent woman lol. Srsly, I should learn to love myself more for me to able to get back on track. 
You wanna have some fun with someone else? okay sure, I can do that too. But remember, you’re the one who did it first. Hindi ako yung nag na attract o nagkagusto sa iba, kasi maniwala ka sa hindi ikaw lang lagi ko nakikita. How I wish na ganon karin saakin, pero I realized, hindi ako enough for you. 
Have fun with somebody. I’ll get my life back and i hope when the time comes, when you’re ready sana andito pa ko. Sana ikaw parin noon. You;re the one who pushed me. Hindi naman kasi dapat natin inaasa sa tadhana na “kung tayo, tayo talaga” kasi dapat kung gusto natin ginagawan natin ng paraan, nang magkasama hindi magkahiwalay.
3 notes · View notes
foreverscrapped · 7 years ago
Photo
Tumblr media
From almost to everything He was the one that got away... Pero pinagtagpo muli kami ng tadhana... 3rd year college tayo when I had my devastating and life changing heartbreak experience. My ex cheated on me. Yung panahon na yun dun tayo nagkaroon ng pagkakataon na maging magkaibigan. Nagkakilala tayo ng mabuti. Kaklase na kita dati sa 2 subject nung 3rd year pero di tayo naguusap. Different clique. I've always thought of you as a "gangster" because of your looks. I know ang judgy sorry. Hehe. Ang dami mong tattoo & piercing tapos long & curly hair ka pa daig mo pa ko. You do smoke too! Mukha kang bad guy na rakerz in short. Hahaha! Then nung nagkakatext na tayo at nakilala na kita, nagulat ako kasi di ko ineexpect na ang witty mo. I didn't expect na behind those tattoos/piercing/long hair/rakerz look mo nagtatago yung pagiging matalino mo. Di ka naman kasi nagpaparticipate sa class recitation, di ka din aligaga sa grades mo sa school. So ayun, we almost talked everyday to the point na na-fall na ko. Nagustuhan na kita and kinapalan ko na mukha ko ang bagal mo kasi chos! Inamin ko sayo na gusto kita but I didn't expect na gusto mo narin ako. And ayun, nagstart na tayo mag-date. Since we both love coffee, sa coffee shop tayo unang nag-date. Weeks have passed and okay naman tayo kaso isang araw nagparamdam ulit yung ex ko. Gusto nyang balikan ko sya. Inaamin ko mahal ko parin sya noon at nagbitaw ako ng pangako sakanya na hihintayin ko syang ayusin at tapusin yung kung anong meron man sakanila ng babae nya. Pero tinggin ko talaga kaya nya gusto na bumalik ako sakanya kasi nalaman nya na masaya na ko. Bakit ganon no? Minsan nakakagago. Kung kailan masaya ka na tsaka sila kakatok ulit. But anyway, ayun nga! Since ako 'tong si tanga at natatakot na mag-take ng risk, binalikan ko yung ex ko at iniwan kita (I'm sorry). I tried to forget you. But I can’t. I failed. I tried not to get affected everytime I hear your name. We’re in different cliques and we’re in different classes so I don’t usually see you anyway so I stalk you in your social media accounts. You’re account is public, dummy! Truth be told! Niloloko ko sarili ko pati yung ex ko. Ang sama kong tao pero ikaw talaga gusto ko. Ikaw yung nasa isip ko. Ikaw yung gusto kong takbuhan. Pero di ko magawa kasi nakokonsensya ako sa pagiwan ko sayo at ayokong isumbat mo sakin na hindi ikaw yung pinili ko. Isa pa, alam ko rin na nakalimutan mo na ko. Nasa iisang eskwelahan lang tayo pero lumipas ang isang taon hindi man lang kita nakasalubong sa hallway o kahit sa gate man lang ng FEU. Iisa lang naman course natin pero kahit anong building di parin tayo pinagtatagpo. 4th yr 1st sem naging magkaklase tayo sa isang subject. Doon nalang ulit kita nakita pero ramdam ko ng wala nalang ako sayo, parang wala lang yung muntik na "tayo". So I've decided na hayaan ka nalang tutal wala narin naman ako magagawa pa at ang kapal na ng mukha ko kung lalapit pa ko sayo. Since then madalas na kitang nakakasalubong sa hallway ng SB. Dun ka kasi bumababa pag lalabas ka ng gate 2 para magyosi. Until one day, nagulat ako kasi ang laki na ng pinagbago mo! Clean cut ka na kasi di ka na long hair and pumayat ka narin. As in whoaahh! Ang dami rin nagulat kasi di ka pala gangster! Joke! Maraming nagulat kasi nagtatago pala sa mahaba mong buhok yung kagwapuhan mo. Hihi naks! Fast forward sa graduation... I was looking for you. Hindi kasi kita napansin. Nakita ko na yung group of friends mo pero wala ka dun. Naisip ko baka late ka lang. Pero nung tinawag na pangalan mo sa stage walang umakyat, di ka pala umattend ng graduation. Ewan ko ba sayo kung anong trip mo. Nagwowork na ko nung niloko ko yung mga kaibigan ko na sabihin sayo na gusto parin kita & ginawa nga nila! Nakakahiya pero kinilig ako kasi shet chance ko na to! Kaya lang di ka naniwala sakanila. Well, naiintindihan ko naman kaya ako na yung dumamubs! Nagpapansin ako sayo sa twitter, nag-fave ako ng recent tweet mo then finollow mo na ko! Sabi ko na crush mo parin ako e 😂 So ayun kinuha mo # ko then nagkausap na tayo ulit. Nagpresenta ka na samahan ako sa school kasi may kukunin ako. It was Saturday kaso pagdating natin dun sarado pala registrar pag weekends. Nasayang lang punta natin. But then ayun nagcoffee nalang tayo. I'm so kilig! Di ko na hinayaan na masayang yung chance na 'to kaya bago tayo magkahiwalay ulit sinabi ko sayo na gusto kita. Gusto parin kita. Alam kong nagduda ka at tama ako. Pero gusto kong patunayan sayo na this time wala na kong takot. Alam ko na kung ano at sino ang gusto ko. Ikaw yun. Bago tayo maghiwalay sinabi mo na gusto mo rin ako. Pucha! I was caught off-guard! Di ko alam irereact ko kasi ang ineexpect ko ituturn down mo ko pero hindi! You have no idea how happy I was nung nalaman kong gusto mo rin ako! So ayun, we began dating again. Then one day sabi ko liligawan kita. Gusto ko kasi iparamdam sayo yung sincerity ko kaya kahit magmukha akong desperada sayo, basta mapakita ko lang na totoo ako sa nararamdaman ko. Alam ko kasi na may trust issue ka na sakin. Hehe. Pero di ka pumayag kasi sabi mo ikaw yung manliligaw. Kaya walang anu-ano, walang anything, YES agad ako! Month after that, sinagot na kita. Ayoko ng patagalin kasi I wanna spend everyday with you knowing na akin ka na at sayo na ko. So I did! August 2, 2015, 2am midnight. Ihahatid mo ko pauwi and since plano ko ng ibigay ang matamis kong OO, pinatalikod muna kita. Di ko kasi kaya sabihin ng harapan kasi nahihiya ako. Nakatalikod ka nung sinagot kita. After ko sabihin na tayo na tinawanan mo ko ng malakas kasi tawang tawa ka sa kung paano kita sinagot. Oo na! Alam ko naman weird & awkward! Pero ano magagawa ko, hiyang hiya talaga ako. At dahil masyado akong nasabik sayo, nagkaroon tayo ng baby Zoe ngayon! Hehe! I love you babe! I am so thankful na ikaw yung tatay ng anak ko and hopefully tayo na talaga. I can't wait to own you! You're mine! 😂 I love you! I love you! I love you!
0 notes
healthallied18-blog · 7 years ago
Text
Langit Riles Tao
Beep! beep! beep! habang ang pintuang kamangha-manghang sumasara mag isa'y sinabayan ng kumukutikutitap na kahel. Kumapit saking leeg ang pababang simoy ng erkon na bagong bago pa. Walang bahid ng kung anumang gasgas at dumi ang sahig na nanginginig sa pag galaw ng tren. Bago pa lang noon ang tren na galing Santolan sa may Marcos Hiway patungo ng Araneta sa Cubao. Ako'y sumampa sa upuang wala pa masyadong umuupo at sumilip sa bintana't nakita ang kalangitan. Manghang mangha sa asul na nangingibabaw sa berdeng gazebo't mga puno sa ilog Marikina, makikita ang River Banks na pasyalan sa kabilang dako. Doon kami dati madalas tuwing uuwi galing simbahan sa may Ola sa Marikina at kakain sa Jolibee. Mga munting sandali na aking mamasasabi na "ako'y masywerte't pinalaki ng dalawa kong magulang na nagmamahal sakin."
Ang tren ay patuloy lang sa kanyang pagusad at dadaan sa madilim na lagusan, sabay sabay mabubuhay ang mga ilaw sa loob ng tren, at sa di mamamalayan ay nasa Katipunan na ako. Nakatayo, init na init, nakikipagsiksikan at kinasasakiman ang kung sinumang namamahala sa tren na aking sinasakyan patungo Legarda, sapagkat ang tren na ito'y dugot pawis ng mamamayan. Dugo't pawis na kinakaltas sa bawat guro, government employee, at mga propesyunal na nagpapakahirap ngunit mapupunta lang sa kawalan ng pag alaga sa pang araw-araw na sasakyan ng taumbayan, na dapat inaayos ng gobyerno na sabi nga ng aking ama "kagagawan iyan ni Pnoy". Di ako naniniwala sa suwerte o malas, sabihin man na relihiyoso ngunit pinagpala ka na kung ika'y magising ng alas kwatro ng umaga't makaalis ng bahay ng alas-singko para makasakay sa tren at makarating ng maaga. Maagang kay sarap tumayo at langhapin ang bagung linis na tren, maaga na wala pang araw, maaga na maaari pa akong makabili ng hasbrawn at kapeng malamig sa Mcdo sa may P. Noval.
 Tambay na talaga ako sa tren na ito sapagkat ang aking ama'y nagtatrabaho sa may Malacañang sa "Presidential Management Staff". Buhay na buhay ang ala-ala naming naglalakad sa may Legarda't dadaan sa may San Beda at CEU, habang siya'y magkukwento sa kanyang mga karanasan at maging sa kanyang mga upinyon sa gubyerno na nagbukas rin ng aking isip sa pulitika. Ngunit pag ako'y nakakakita ng mag amang ang tatay ay pinapaypayan ang anak sa loob ng tren ay naalala ko ang sakripisyo na binibigay ng aking Papa. Ang sakripisyo na kahit may Masteral na ay nakikipagsapalaran sa tren para magtrabaho. Maging sa gubyerno man iyan ng mga kurap ay siya'y tapat sa kanyang ginagawa kahit ang mga namamahala sa kaniya'y inaabuso ang pagsisikap niya. Bisor ng HR ang kaniyang nakamit, isang mataas na pusisyon na binawi at nilagay sa ibang departamiyento ngunit hindi nila maaalis ang dangal ng pagsikap niya kaya't ilipat man ay bisor pa rin. Sa aking pag alala sa mga magamang nasa tren ay ang Bisor na mismong sinasabay ako sa trabaho ay ang siyang nagpapaypay sakin noon hanggang sa huling araw niya bago siya'y magresign.
 Kahit nagaaaral na ako sa San Beda sa Taytay at kami'y inaanyayahang pumunta sa Mendiola para magprusisyon kapag Pista ng Sto. Niño, dito sa tren na ito'y magkasama kami ng aking sinisinta na kaklase ko rin sa San Beda noon. Dalawang taon kami magkasamang pumupunta patungo sa Mendiola, sa unang taon ay kami'y magkaklase at sa pangalawa'y magkahiwalay ng seksyon ngunit sa munting oras na kami'y magkasama'y tumatak ang ala alang kami'y nagtatawanan habang ang kanyang petit na postura'y halos lumambitin para lang kumapit sa hawakan. Sa itsura naman nami'y para kaming mga baliw ngunit ang totoo'y baliw na baliw ako sa kaniya. Sa pagsakay namin ng tren na paminsang iyon ay naiisip kong, nagagawa naming pasayahin ang lakbayin mula Santolan hanggang Legarda, oo may mga tao ngunit sa paguusap, sa tawanan, sa kalokohan ay napalilipas ang oras at dito ko napatunayan na ang pagsasama nami'y tunay at tatagal. Ang magmukhang baliw sa pagibig ay pagibig na di matatawaran. Ngayun ay nagsasama pa rin kami at kahit madalas na araw araw ko siyang naaalala tuwing may magkahawak na kamay sa harap ko sa tren, ang aking magagawa na lamang ay tumingin sa bintana at hangarin ang araw na magagawa ko rin iyon.
 Sa araw-araw ko na pagsakay kay pareng tren ay nakakabisado ko na ang mga pinagsasabi ng babaeng nasa may ispiker, ang mga amoy na kaaya aya at di kaaya aya na kaya't ikay di hihinga ng sandali hanggang malamapasan ang lugar na iyon. Sabi nga'y "kapag ikaw nagkokomyut, papunta ka pa lang, amoy pauwi ka na." Salamat nalang at mabango at linis naman ang damit na aking sinusuot. Ngunit sa pagsakay at pagsiksik sa loob ni pareng tren ay mahahaplos ang iyong puso, di lahat ay may parehas na pribilehiyo, mayroon mga matatandang gigising ng umaga para mamalengke sa Marikina, mga konstraksyon worker na halos ang suweldo nila'y kinakain na ng pamasahe. iba-ibang tao, nagtitipon-tipon para makarating sa isang lugar, isang daan na iba-iba ang diskarte tulad ng buhay. Magsisimula ka man sa may maraming tao't siksikan o sa istasyon na unang una ka, pareparehas lang kayo nang sinasakyan. Walang mataas na uri, walang doktor, graduate, o opisyal ng isang kumpanya.  Lahat ay pantay at patas, wala kang karapatan para magreklamo na aking natamo noong unang araw ng pagaaral sa UST.
Ako'y galing sa San Beda Taytay na mayroong serbis, di kasing sikip at kung pawis man ang katabi, alam mong galing sa preskong lupang bukid ng kampus. Di tulad sa siyudad na kung sino sino ang nakakasalimuha mo. Ngunit sa aking pagninilay nilay, naisip ko nga na ang aking bisor na ama'y nagsasakripisyo sa tren na ito. Ang aming kapitbahay na miyembro ng DOH ay sa tren rin sumasakay, masmalala pa sa MRT ngunit ang punto'y maging estudyante tulad ng aking pinsan o mga may degree, sila'y susugod at susugod sa siksikan, sa mga walang pakialam sa kapwa, sa mga bastos at iba pa.
 Ngunit papunta man ng umaga sa Unibersidad o pauwi sa hapon, na punong puno ang tren. Ako'y pawisan na mahahagilap ang mga ala alang ako'y titingin sa bintana, sisilip sa  ng tren papuntang Legarda, pauwi naman ay makikita ang mga berdeng puno't ilog ng Marikina. Titingin ako sa hawakan sa itaas at maalala ang aking sintang lumalambitin. Sa upuan na aming pinaghatin ng aking ama na pinapaypayan ako. Kaysa kamuhian ko ang Tren na siksikan at paluma na. Ako'y magpapasalamat sa mga sasandaling binigay, ginawa, at pinaalala sakin nito. Hindi pa man ako titigil sa pagsakay rito, siguro kung ako'y maging doktor na'y kaysa magkotse ay magtetren na lang rin ako. At ikekwento ko ito aking mga anak kung paano nagsimula ang Tren na nagpalaki sakin.
-Carandang, Jose Rabin
0 notes