#makikita ko na ang kanyang ngiti sa personal
Explore tagged Tumblr posts
Text
ako si luna.
siya si sol.
ilang taon ko makikita ikaw nang tunay?
-
i’m luna.
she is sol.
how many years will it take to see you truly?
#chi tingz#fuck..#fuuuck…#tangina…bat ba ganito ang buhay#parang…anyo ng parusa#parusa na magkahiwalay kami…#parusa na taga ibang kontinento lamang kami…#ang pagmamahal sa irog ko ay masaya…parang nakakalipad ako sa langit…#ang pagmamahal sa kanya ay….nakakalunod sa saya#ngunit. magkahiwalay kami.#magkahiwalay kami at wala akong magagawa.#oo. tunay na magkakaroon na araw na makikita na namin ang isa’t isa.#mahahawak ko na ang kanyang kamay…#makikita ko na ang kanyang ngiti sa personal#ngunit…matagal pa…#hindi dahil ako ay mainipin na tao.#hindi dahil wala akong tiyaga para sa kanya#pero…grabe.#ilang taon kaya iyan matutupad….#gusto ko nang iyakap siya ngayon.#gusto ko nang ihalik siya ngayon…#pero wala akong magagawa…#dahil siya ay si sol#at ako ay si luna#pambihira lang makita ko siya.#kailangan ko pang maghintay ng ilang taon…o isang dekada….#para mangyari na ang eklips…#at masasaya kami…ngunit hindi ito palagian…#ilang minuto lang siya at mahihiwalay nanaman kami sa isa’t isa….
4 notes
·
View notes
Text
Shoot Your Shot: Realidad sa Likod ng Dalawampu't Taon ng Pagtuturo
Ni Thrizah Ramilo | Nobyembre 13, 2024
Sa bawat sulok ng silid, makikita sa kanya ang bakas ng masiglang ngiti, maririning mula sa kanya ang malagintong aralin, habang dala niya ang bag na puno ng pagsisikap. Mula sa koridor hanggang silid-aralan, naglalakad kasama ang bola ng pagsisikap. Nagsimula siya bilang rookie at nanatili sa court. Pasan niya ang nakaraan. Siya si Ma’am Zenaida Bojo, na mas kilala bilang Ma’am Zen.
Kilala si Ma’am Zen bilang guro sa Departamento ng Agham at naging tagapayo ng ilang seksyon. Araw-araw, maaaring nakasalubong siya ng mga mag-aaral, nakasama sa silid-aralan, o ‘di kaya naman naranasang maturuan niya sa ilang mga klase noon at ngayon. Sa bawat hakbang niya, nag-iiwan siya ng mga kuwento sa kanyang paglalakbay bilang miyembro ng komunidad ng UPIS.
Isang College of Science graduate si Ma’am Zen. Sa kanyang pagpasok sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) bilang guro sa grado pito hanggang labindalawa, sinalubong siya ng mga bagay na hindi niya inaakalang gagawin niya at ng mga hamon na haharapin niya sa likod ng matagal na pagtuturo.
Isa na syempre ang pagiging guro. Ano kaya ang bunga matapos niyang sundin ang kasabihang “Shoot your shot”?
Pagsisimula bilang Guro
Sa isang kurap, nangyari ang pinakahindi niya inaasahan—pumasok sa larangan ng pagtuturo, partikular sa agham. Taong 2005 nang magsimula magturo si Ma’am Zen. Hindi niya kailanman naramdaman ang kagustuhang magturo. Higit na panibagong kabanata ito sa kanyang buhay dahil unang-una, hindi siya education graduate. Pangalawa, walang siyang kamalay-malay kung paanong magturo. Pangatlo, walang siyang ideya kung paano magsisimula.
Nangibabaw ang kanyang pag-aalinlangan. Naramdaman niya na hindi siya tatagal, hindi siya bagay, at marami siyang pagkukulang sa trabahong ito. Napatanong siya, “Hanggang kailan kaya tayo rito?”
Mapapatanong na lang din ang iba, “Bakit at paano kaya siya nagtagal rito, ‘no?”
Nagturo siya ng pisika sa kanyang mga unang taon ng pagtuturo sa UPIS 7-12. Inamin niya na hindi siya ganoon kagaling dito noong kolehiyo, kaya binalikan niya muli ang lahat ng mga sangay nito upang aralin nang mabuti. Ginawa niya ang kaniyang buong makakaya para maging epektibong tagapagturo. Kinapa niya ang lahat para bigyan ng mataas na kalidad na edukasyon ang mga mag-aaral. Hindi rin nagtagal, nalipat siya sa pagtuturo ng biyolohiya.
Naging estudyante ni Ma'am Zen ang ilan sa mga matagumpay na guro natin ngayon. Kasama sina Ma’am Kristine Jamon, Ma’am Joyce Cocamas, Ma’am Catherine Olivar, at marami pang iba sa kanyang paglalakbay.
Bukod sa pagiging guro sa agham, naging tagapayo rin siya ng mga nagdaang seksyon at kasalukuyang tagapayo ng 11-Leonardo Q. Liongson. Ngunit, naging mabigat at panibagong gampanin din ito para sa kanya.
“Hindi ako people person,” ika ni Ma’am Zen.
Naging sanhi ito ng pag-aalala kung paano niya hahawakan ang tatlumpu o higit pang estudyante. May sarili siyang mga problema at alam niyang may mga pinagdadaanan din ang mga estudyante kaya ang tanong niya sa sarili, “Paano ko sila matutulungan sa kanilang mga problema?”
Isa man itong malaking hamon sa kanya, ginabayan niya pa rin ang lahat. “UPIS graduate ako, more or less, nakaka-relate ako. Sinusubukan kong makiugnay sa kanila,” dagdag niya. Gumagawa siya ng mga interaktibong aktibidad sa klase upang mas makilala sila. Hinamon man siya ng kalaban sa kanyang personalidad, tinulungan naman siya nito na lumabas sa comfort zone niya.
Pagiging Alumna
Bilang alumna sa UPIS, hindi mawawala ang mga rason kung bakit nagpapatuloy siya sa pagtuturo. Sa pagtatapos niya sa UPIS, nagtrabaho siya sa Masaganang Sakahan Inc., at para sa kanya, iyon ang panahon kung saan nawawalan siya sa landas. Napaisip siya, “Ano ba ang kaya kong gawin bukod sa pananaliksik?”
Nagbukas ang oportunidad ng UPIS sa mga hindi kinakailangan ng karanasan bilang education graduate. “Kapag ito, natanggap ako, it’s a sign.” Sinubukan niyang kunin ang oportunidad, at sa laking gulat niya, natanggap siya. Isa na namang hindi inaasahang pangyayari ang kaniyang pagbabalik dito. Sa kanyang tingin, anumang pagsubok ang itapon sa'tin na labas sa akademiko, tinutulungan tayo ng UPIS malagpasan ang mga ito. Napagtanto ni Ma’am Zen na napagtagumpayan niya ang kolehiyo at mga bahagi ng kanyang buhay dahil sa paraan ng paghulma ng paaralan sa kanya.
Pagdating sa usaping work-life balance, hindi ito nabigyang balanse ni Ma’am Zen dahil sa ilalim ng maraming kondisyon. Tumayo siyang Assistant Principal at sumobra sa pagbabad sa trabaho. Ngunit, dahil sa pagkakaroon ng adrenaline rush, pakiramdam niya nakayanan niya ang lahat ng gawain bilang admin. Sinisigurado niya lamang na ginagawa niya kung ano ang importante at prayoridad niya–ang makapagturo.
Hindi madali ang danas ni Ma’am Zen sa kanyang dalawampung taong karanasan sa UPIS na puno ng walang katapusang pagsisikap.
Subalit, mayroon itong mabuting kapalit. Para kay Ma’am Zen, nabibigyang inspirasyon siya ng kanyang mga mag-aaral. Sapat na sa kanya kung naiintindihan ng mga mag-aaral ang aralin, at kapag bumuti ang kanilang mga iskor, natutuwa na siya. Tuwing nararamdaman ng kaniyang mag-aaral na nahanap nila ang layunin nila sa buhay, o ang dahilan upang manatili sa UPIS, para bang naka iskor na rin siya dahil nakatulong siya at hindi lamang natatapos sa akademikong aspeto. Dadag pa rito, nakakagaan sa kanyang pakiramdam tuwing pinapahalagahan ng mag-aaral ang kanyang pagtuturo. Hindi lang siya nakakatanggap ng inspirasyon sa mga estudyante, kundi sa mga kapwa guro rin. Sa kanilang departamento, isa silang pamilya na sinusuportahan ang isa’t isa.
Dahil isang beterana si Ma’am Zen sa pagtuturo ng agham, nagbigay siya ng ilang payo para sa mga mag-aaral ng Applied Sciences and Engineering o interesado sa track na ‘to: “This track doesn't define anything. Gamitin nang husto ang pagkakataong matuto sa loob ng paaralan, at tanggapin ang mga oportunidad na nasa harap. Kagaya ng ibang tracks, isa lamang stepping stone ito,” paalala niya.
Isa si Ma’am Zen sa mga gurong hindi umaatras kahit anong pagsubok ang dumating. Hindi magpapatinag at patuloy na uusad.
May sarili ring interes si Ma’am Zen. Hindi natin aakalain na si Ma’am Zen, guro ng agham, isang die hard Ginebra fan pala! Katulad ng isang manlalaro ng basketbol, nagsimula siya bilang baguhan, natuto ng mga bagong gawain, at naging mahusay sa larangan na iyon. May mga panahon sa isang laban na madadagdagan ang mga manlalaro kaya mapapalayo sa lugar na ‘yon. Nasa kanya ang desisyon kung papasok siya sa laro at kung hindi kinakailangan, magreretiro siya sa pagtuturo.
Mula sa walang malay sa pagtuturo hanggang sa huwaran ngayon ng mga guro at mag-aaral, napatunayan niya na isa siyang mahusay na tauhan ng UPIS. Hanggang ngayon, pinanghahawakan niya ang kasabihan galing kay Jane Marczenwski, “You can’t wait until life isn’t hard anymore before you decide to be happy.”
Ikaw? Bilang tauhan ng UPIS, ano ang kuwentong Shoot your shot mo?
2 notes
·
View notes
Text
TOP 7 INSTAGRAM BEST FASHION INSPO
Mahilig ka ba sa mga damit at mga palamuti sa katawan? Mahilig ka ba mag suot ng mga nakakaayang mga damit? Minsan ba ay naguguluhan ka sa kung ano ang suotin mo? Dito ay ilalahad ko ang TOP 7 INSTAGRAM BEST FASHION INSPO kung saan ay ibabahagi ko sa inyo ang mga sikat sa larangan ng fashion sa Instagram. Halina’t tingnan!
Sa henerasiyon ngayon ay maraming mga dalaga na mahilig sa pananamit, kung saan ay gusto nilang magsuot ng mga magagandang damit para sa kanilang sarili. Hindi mapagkakaila na kadalasan sa mga babae ngayon ay mahilig sa kung ano ang usong pananamit ngayon. Sa blog na ito ay maibahagi ko ang mga taong may mga magandang fashion sense na makikita sa Instagram. Upang may makalap kang ideya sa kung ano ang iyong susuotin o di kaya'y OOTD ay ipagpatuloy ang pagbabasa.
#1 Bestdressed
Si Ashley o mas kilalang Bestdressed ay 22 taong gulang. Siya ay pinanganak noong Mayo 4, 1998 sa Estados Unidos. Gayundin, ang kanyang zodiac sign ay Taurus at ang kanyang pangalan ng kapanganakan ay Ashely. Mayroon siyang YouTube channel at ibinabahagi niya doon ang mga outfit idea. Isang siyang Fashion Youtuber na naglalaman ng mga tip sa mga manonood sa kung paano lumikha ng kanilang sariling personal na istilo sa mga mabisang paraan.
Instagram: https://www.instagram.com/best.dressed/
Youtube: https://www.youtube.com/channel/UCnQhwPVwcP-DnbUZtIMrupw
#2 Oanhdaqueen
Si Oanhdaqueen ay isang tanyag na Model at Instagram Star mula sa USA. Kilala siya sa kanyang magandang mukha, nakakahawang ngiti , magandang pananamit, at kamangha-manghang pagkatao. Sikat din siya sa kanyang mata na nakahahalina ng mga larawan at bidyo sa Instagram. Siya ay may isang malaking tagahanga sumusunod. Makikita mo sa mga shoot ng modelling.
Instagram: https://www.instagram.com/oanhdaqueen/
Youtube: https://www.youtube.com/channel/UC5i3gOuLQhxrLLkhjLKi_DA
#3 Ashley Garcia
Si Ashley Garcia ay 21 taong gulang at isang Filipino Vlogger. Isa siyang mahiyaing tao na nagsimula din sa blog at kalaunan ay nagsimula na sa pagyou-youtube. Siyam na taon na ang nakalilipas si Garcia ay isa lamang sa milyun-milyong nanood ng mga video sa YouTube na nagtatampok ng fashion at interior at ngayon ay natamgumapayan niya na di mahiya at ipakita kung ano ang kaya niyang gawin.
Instagram: https://www.instagram.com/ashleyogarcia/
Youtube: https://www.youtube.com/channel/UCW-i_i3oMolgauNTxPc0kZQ
#4 Kicki Yang Zhang
Kilala si Kicki bilang Youtube Vlogger na tungkol sa fashion, kagandahan at beganismo. Kumita siya ng higit sa 130,000 mga subscriber sa pamamagitan ng paglikha ng mga vlog, pagtuturo, paborito, at marami pa. Modelo at youtuber nung una at kalaunan ay nagsimula siyang malinang ng isang online na pagkakakilanlan sa pamamagitan ng kanyang blog na noong Oktubre ng 2012.
Instagram: https://www.instagram.com/kickiyangz/
Youtube: https://www.youtube.com/channel/UCHIM6Wl3EmvM2bOPL5L-v5w
#5 Internet Girl
Si Bella McFadden o mas kilalang Internet Girl ay isang tanyag na nagbebenta ng Depop ng mga damit noong 1990 at 2000. Nagbebenta siya ng mga murang damit at pati na rin mga bagong damit ng kanyang sariling disenyo. Marami sa kanyang mga benta ay nasa anyo ng "style bundle", mga hanay ng damit na may pagtutugma ng mga accessories batay sa isang partikular na tema o istilo. Ipinanganak siya sa Canada at huminto siya sa kolehiyo upang lumipat sa Los Angeles upang maging isang propesyonal nagbebenta. Siya ay nangungunang nagbebenta ng Depop sa Estados Unidos.
Instagram: https://www.instagram.com/internetgirl/
Website: igirlworld.com
#6 Devon Carlson
Si Devon Lee Carlson ay ipinanganak noong Agosto 3, 1994, at siya ay kasalukuyang 26 taong gulang. Siya ay nagmula sa California at ang kanyang zodiac sign ay Leo. Ang mga magulang ni Devon sina Michelle na kanyang ina at si Dave na kanyang ama. Maliban dito, mayroon siyang kapatid na nagngangalang Sydney Carlson na isa ring sikat na vlogger. Hindi pa rin nagbabahagi si Devon ng mga pananaw sa kanyang pang-edukasyon na paglalakbay. Ngunit isinasaalang-alang ang kanyang edad, maaari nating ipalagay na si Devon ay maaaring isang nagtapos sa unibersidad maliban kung nagpasya siyang magpahinga o huwag nang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral upang makapagtuon sa isang propesyonal na karera.
Instagram: https://www.instagram.com/devonleecarlson/
Youtube: https://www.youtube.com/devonleecarlson
#7 Karen Yeung
Si Karen ay isang fashion, beauty at lifestyle vlogger na kilala rin sa pangalang Iamkareno na kumita ng higit sa 1.5 milyong mga subscriber sa YouTube. Nagsimula siyang magtrabaho kasama ang ipsy bilang isang estilista noong Mayo 2015. Nag-aral siya sa University of California, Davis kung saan naging isang BA sa mga internasyonal na relasyon at komunikasyon at naging miyembro ng Delta Sigma Pi.
Instagram: https://www.instagram.com/iamkareno/
Youtube: https://www.youtube.com/c/iamkareno
Ano pa ang hinihintay mo? Mag-browse na sa Instagram at hanapin ang mga sikat sa larangang fashion na ito!
4 notes
·
View notes
Text
PARA KAY SANTITO
Kamusta?
Ayos ka lang ba?
Ang laki laki mo na!
Teka, ‘di kita nakilala ah! Ang laki ng pinagbago mo!
Ano-anung mga bagay ba ang pinagkakaabalahan mo?
Sino ba’ng jowa mo ngayon?
Kamusta na si papa at si mama mo?
— ilan lamang yan sa mga salitang laging nababanggit sa akin / ng mga kaibigan o maging ng aking mga kamag-anak sa t’wing magtatagpo ang aming mga landas / minsa’y napapagod na akong sagutin ang mga paulit-ulit na tanong na kung minsan / ay wala naman talagang kaakibat ng sagot //
ako nga ho pala si Patrick Ramirez / medyo gasgas na ang mga ganitong pagpapakilala / ngunit heto ako at muling ipinababatid ang aking sarili sa inyo / maraming tao ‘siguro’ ang nakakakilala sa akin dahil sa / kasamaan ng ugali / pagiging bastos / walang modo / makulit / maarte / at walang pinakikinggan / sinasabi ko sa inyo / halos lahat na ata ng mga masasakit na salita ay nasabi ng lahat sa akin / noong una’y medyo nasasaktan pa ako / ngunit paglao’y parang wala na / pagkat batid ko naman sa aking sarili na ang ilan sa mga ito’y / pawang opinyon lamang ng mga taong noon pa ma’y mag galit na sa akin / *hahahaha* na kung minsa’y nakakabingi at nakakasawa na rin //
labing limang taong gulang noong ako’y nagtapos ng secondarya / masaya … oo masaya / pagkat sa unang pagkakatao’y / makakalabas na ako ng aking eskwelahan na puro dasal at dasal at dasal / diba’t parang kay samang pakinggan mula sa isang batang magtatapos sa isang katoliko at pribadong paaralan? / ngunit maniwala ka / hindi pa riyan nagtatapos ang lahat / kung alam mo lang … //
labing anim na taong gulang / ng maging isa ako sa mga mapapalad na batang noo’y napabilang / sa mga bagong “iskolar ng bayan” ng Unibersidad ng Pilipinas / sino ba naman ang ‘di matutuwa ro’n, diba? / isipin mo / UP ‘yon eh / kumbaga isa iyon sa mga pamantayan pagdating sa edukasyon sa buong Pilipinas / noong una’y ayos naman ang nagaganap / maayos … sobrang ayos / marami akong mga bagong kaibigan / at marami akong mga bagong nakilala / may matalino / may medyo matalino / may sobrang matalino / may mga weirdo / may walang diyos / may gumagamit ng bawal na gamot / may naka oto / may mababait / may mayayabang / may bihasa pagdating sa pagtugtog ng gitara / may ballerina / at may magandang Batanguena / ayos naman ang lahat / puro tawa / puro asaran / puro gala / at puro kain ang aming madalas ginagawa / hanggang sa isang araw ay dumating na nga ang kinatatakutan ko / naghalo-halo na nga ang mga emosyon na parang graba’t simentong pinaghahalo-halo sa construction site / nasamaan raw sila sa ugali ko / (huh???)
bossy ka kase e
di kita gusto
mayabang ka
marami kang sinasabi
maging ako’y nagulat sa aking mga narinig / nagtaka ako / nagalit / nainis / nabwisit / at umalis / oo / tama ang iyong nabasa / umalis ako ng UP / siguro dahil naghalo-halo na rin ang mga kaganapan sa aking personal na buhay / pressure / immaturity / pagiging maarte / (*oo / maarte ako / pero ‘di ibig sabihin nun e / masama akong tao*) pagiging dependent / at maraming mga bagay pa / isang taon akong nabakante / isang taong hinanap ang sarili / at pinangakong sa aking pagbabalik ay isang bago at mas matatag na bersyon ang makikita ng lahat // (naks naman)
makalipas ang isang tao’y di pa rin alam ang nais kong mangyari sa aking buhay
nakakatawa, hindi ba?
ngunit ano nga ba talaga ang aking ginawa?
noo’y sinubukan kong kumuha ng mga litrato / at sinimulang pagandahin ang mga ito at i-paskil sa instagram / sa mata ng iba / tila ang mga ito’y walang ka kwenta-kwenta / at pawang pag-aaksaya ng oras lamang / ngunit sa aking mata / ang pagkuha ng mga litrato at pagpapaganda sa mga ito ay sadyang matrabaho / mahirap mag edit e / mahirap mamili ng tamang filter / noon nga / ‘pag nakakakuha ako ng kahit limang likes ay sobrang saya na sa pakiramdam / mantakin mo / limang tao ang nag-aksaya ng oras upang tignan ang larawan at i-like ang mga ito / nakakatuwang isipin pagkat / napaka-babaw lamang pala ng kaligayahan ko noon // sinubukan ko ring magsulat ng mga teksto / noo’y nakakabuo ako ng ilan / ngunit parang di pa rin sapat / wala akong mapiga / walang laman ang bawat talata’t pangungusap / hindi ko magustuhan //
labing walong taon ngayon at pinipilit magpakatatag –
maraming malalakas na unos na ang dumating / minsan nga’y tinangay ako’t nawalan na ng pag-asa na muli pang makakabalik
– ngunit ang lahat ng sakit at pagkabigo ay syang naging gasolina / upang mas magliyab ang apoy sa aking dibdib / heto ko ngayon / takot man ay unti unting binubuksan ang puso / upang papasukin ang mga bagong taong gustong maging parte nito / kabado man / ay muling sinusubukang sumulat ng mga mumunting katha / at umaasang makakapag bigay aral / ngiti / at kakarampot ng kilig sa aking mga mambabasa / ang batang noo’y binansagang may masamang ugali / ngayo’y pinipilit baguhin ang sarili / para sa ikabubuti ng kanyang sarili at para sa nakararami na rin //
ikaw, nais kong malaman mo na hindi nagtatapos ang buhay kung …
• masaktan ka
• iwan ka sa ere
• ikahiya ka ng iba
• husgahan ng madla
• mapa utot
• mapa dighay ng malakas
• tumulo ang laway at sipon
• tanggihan ng mga taong inaasahan mong ganun din ang nararamdaman para sayo
• pagalitan ng nanay at tatay mo
at …
• magkamali
laging may bagong umagang naghihintay sayo / may ula’t bagyo man sa buhay mo ngayon / ngunit ito’y hindi magtatagal / gaganda rin ang panahon / asahan mo ‘yan / ang nais kong gawin mo / ay gamitin ang lahat ng mga naranasang pait / upang makapag-bigay / at maging inspirasyon sa iba / dahil walang katumbas na kahit anung mamahaling bagay / kapag alam mo sa sarili mong nakatulong ka’t / nakapag bigay liwanag sa buhay ng iba //
sila: kamusta ka?
ako: maayos na ako sa ngayon.
sila: 'di kita nakilala ah! laki ng pinagbago mo.
ako: baka di lang ho kayo sanay na makita ako araw-araw.
sila: anong pinagkakaabalahan ko ngayon?
ako: eto, nagsusulat ng mga tula at sanaysay na sana’y makapag bigay ilaw sa mga taong nangangailangan nito.
at kung sakaling tatanungin nyo ako kung sino ang jowa ko ngayon, hahaha, may ibang katha para do’n
MALIGAYANG KAARAWAN, SA AKING SARILI!!!
iyong iyong iyo,
Santito
5 notes
·
View notes
Text
CHAPTER 10 : Muling Pagkikita
(a part of ongoing basa serye MAY MAGMAMAHAL PA BA SA AKIN?)
Pagkamatay ni Tatay ay sinubukan kong bumalik kay Nanay pero hindi niya ako tinanggap. "Pinili mo 'yan, panindigan mo, buhayin mo sarili mo!"
Mag-isa na lang ako? Paano ko bubuhayin ang sarili ko?
May konting iniwan si Tatay sa aking bank account, sapat pang 4 semesters sa college, yun ang bilin niya. Naka-enroll nanaman ako, kaya may panahon pa ako maghanap ng trabaho.
Nang unang araw ay may mga naging kaibigan na agad ako. Apat kaming babae : si Ana - sikat, confident, matalino at maganda, si Jessie - medyo boyish pero mahinhin at inosente, si Emer - English speaking, maputi at mayaman at ako - sabi nila, maganda at sexy, may konting utak pero hindi nila alam na mayroon akong masaklap na nakaraan. Kaya ko naman pala magkaroon ng mga kaibigan.
Mayroon silang pinagchichismisan, si Rita Jer - pokpok daw, may sugar daddy at ga-palanggana na daw sa luwag ang puke niya. Maganda si Rita Jer, payat, mukhang anghel ang mukha pero mag-isa lang siya palagi. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Tuwing dumadan siya ay napapatingin ako sa kanya.
Isang araw ay nakasabay ko siya sa tricycle, malapit lang pala siya sa apartment ko nakatira. Nang pangatlong beses ko na siya nakasabay ay nginitian ko siya at ngumiti din siya sa akin. Nagpakilala ako at sabi niya "Kilala kita, pero hindi ka dapat makipagkaibigan sa akin, baka madamay ka lang."
Nagtaka ako at nagtanong "Dahil sa mga chismis? Sanay din ako sa ganyan."
Ngumiti siya at nagtanong "Kailangan mo ba ng mapagkakakitaan?"
"Networking? Naku, no thank you." Sabi ko.
"Ahhh okay. Nagbaka sakali lang." at ngumiti siya.
Natahimik kami ng sandalu bago ako nagsalitang muli..
"Kung trabaho sana, yun ang kailangan ko."
Hindi siya nagpaligoyligoy at sinabing "Narinig mo na ba ang Escort Service?"
"Pokpok?"
"Depende kung makikipag-sex ka."
"Pwede bang hindi?"
"Virgin ka?"
"Hindi. Pero.."
"You'll learn from experience. Game ka?"
"Pwede pag-isipan?"
"Hahahaha. That sounds like NO. Pero okay lang, bye." at bumaba na siya ng tricycle.
Shit! Totoo nga yata ang chismis tungkol sa kanya! Pero hindi niya ito ikinakahiya. Napaka-casual pa niya akong nirerecruit! Nakakaloka.
Lumipas ang isang buong semester at hindi ko na ulit siya nakausap. Iniba ko ang oras ng aking pag-uwi para hindi kami magkasabay, nakaka-ilang kasi.
Isang araw habang kasama ko ang aking mga kaibigan ay nagkayayaan kami kumain sa labas, malugod naman akong sumama sa kanila.
Aba ang mga bruha, may kanya kanyang mga kasintahan. Laking gulat ko na lang na ang kasintahan ni Ana ay pamilyar sa akin..
"Girls, I want you to meet my boyfriend, Alfred."
This is the most awkward feeling ever!
Natigilan ako ng bahagya, pinilit kong ngumiti at nagsabing "Hi."
Ngumiti lang si Alfred. Tangina! Ang gwapo niya pa din, pero mukhang nag-gygym na siya.
Nakakalungkot na tila ang saya saya nila ni Ana. Ako dapat sana 'yon. Hindi na kagaya ng dati ang mga tingin niya sa akin, saan ba napunta ang mga nararamdaman niya para sa akin? Ganon na lang ba 'yon? Naninikip ang dibdib ko at gusto kong sabihin kay Ana ang lahat. Pero, alam ko, kailangan ko irespeto ang relasyon nila. Kailangan kong dumistansya.
Hindi ako pumasok ng tatlong araw dahil maga ang aking mga maga, nagtext sila sa akin at sinabi kong masama lang ang aking pakiramdam. Maya maya ay may kumatok.. "Girl! Girl! Kami 'to. We brought you some food!" Haaaay! Ang sweet ng mga bago kong kaibigan at dinalaw ako. Mayamaya ay may nagtext kay Ana at sinabi niya "Okay girls, susunduin na ako ni Alfred in a while, magligpit na tayo."
Parang sinasaksak ang dibdib ko, makikita ko nanaman siya. Bakit ba ang liit ng mundo?
"Okay okay, puro na lang Alfred, Alfred." tukso ni Jessie.
"Pwede magtanong ng personal? Did you do it with Alfred na?" sabi ni Emer.
Nag-aabang din ako ng sagot ni Ana pero natawa lang siya.
"Does that mean yes?" Follow up question ni Emer.
"No, no. We make out hanggang ganon lang." paliwanag ni Ana
"Dahil virgin ka pa?" sabi ni Jessie
Nag-explain nanaman si Ana: "Hindi rin. Actually, hindi pa ready si Alfred sa mga ganyan, 6 months pa lang din naman kami."
"Does that mean he loves you less?" tanong ni Emer
"No! It means he respects me." sabi niya habang nakangiti at kinikilig.
Ngumiti lang din ako, isang napakaplastic na ngiti. So ano ibig niyang sabihin? Hindi ako nirespeto ni Alfred?
Dumating si Alfred, hindi na siya pumasok sa bahay at tinanguan na lang ako na parang kakilala lang, na parang wala kaming past. Nagpasalamat ako sa kanila at sabay-sabay silang umalis.
Humiga na lang ako at tumitig sa kisame habang iniisip kung ano bang nangyari kay Alfred nang may kumatok nanaman sa ibaba. Laking gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay si Alfred ito! Bumalik ba siya para mag-usap kami?
"Naiwan daw ni Ana yung charger niya, pinabalikan lang sa akin, naghihintay sila sa kanto." sabi ni Alfred.
Naisip kong maghimatay-himatayan para makita kung may pakialam pa ba siya, pero parang ang OA naman.
"Teka kukunin ko yung charger." sabi ko.
Baka naman ibang Alfred 'yon? O di kaya nagka-amnesia at di na ko maalala.
O baka naman kasi nag-iba masyado ang itsura ko?
Binalikan ko siya sa may pintuan at iniabot ang charger. Kinuha niya ito mula sa aking kamay at pakiramdam ko ay para akong nakuryente nang magtama ang aming mga balat. Sunod na nagtama ang aming mga mata at doon ko nakitang muli ang mga mata ng Alfred na punong puno ng pagmamahal para sa akin. Naluluha ako nang sinabi kong "Alfred?" Para makasigurong siya nga. Umiwas siya ng tingin, pinunasan ang nangingilid niyang luha at tumalikod para umalis.
Ilang taon na ang lumipas pero nasasaktan ako. Nang isasara ko na ang pinto ay bigla niya itong tinulak para buksan, he grabbed my face para halikan ako. Naluha ako nang maramdaman kong muli ang mga labi niya. May narinig kaming ingay kaya agad ko siyang tinulak. "What's taking so long Hon? Kanina pa kami sa kanto." sabi ni Ana
Alfred: "Hindi mo naman kasi sinabi kung saan nakalagay. Eto na."
At umalis na sila.
Para akong nasa heaven at masayang masaya akong naramdaman kong muli si Alfred. Ngunit naalala ko.. mayroon na siyang Ana. Kabit nanaman ako?
Hindi ako nakatulog ng gabing iyon, naisip kong mas madali sana kung hindi naiwan ni Ana ang charger niya, hindi sana nangyari iyon, hindi dapat.
Kinabukasan pagkauwi ko galing ng school ay nakita kong naghihintay sa labas ng apartment si Alfred.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Mahal pa din kita. Walang nagbago."
"Kayo pa din ni Ana?"
"Oo."
"Mahal mo siya?"
"...Oo"
"Eh bakit ka pa nagpunta dito?"
"Hindi kita malimutan, hindi ko malimutan ang mga magagandang nangyari sa atin."
"Ayokong maging kabit, Alfred. Umalis ka na."
Dali dali akong pumasok at pinagsarhan siya ng pinto.
Sinabi ko sa sarili ko na "This time, I have a choice." Pagkaalis niya ay nagpunta ko sa tindahan sa kanto para bumili ng de lata, nang makita ko si Rita Jer.
Ngumiti siya "Nakita kita, kausap si pretty boy, yung boyfriend ng bitch friend mo. Hahahaha. Intense yung paguusap niyo ehh. Parang may something."
"Issue yan ha." sabi ko
"May raket ako, sama ka? No sex needed unless gusto mo lang. Wag ka magpakalunod sa mga problema mo kung pwede ka naman lumutang dito gamit ang pera." sabi niya.
Hindi na ako nag-isip pa at pumayag ako.
Kinagabihan ay nagpunta ako sa apartment ni Rita Jer. Pinahiram niya ko ng isang long gown na may deep neckline at backless. Hubog na hubog ito sa katawan ko, kulay black kaya nakakaputi.
"Briefing tayo." sabi niya
"Si Mr. Ramos ang magiging partner natin for tonight, yes dalawa tayo. Aattend tayo ng Frat Ball nila, kaya asahan mong puro matatanda silang mga lalaki na magyayabangan kung sino ang may mga pinaka-bata at pinaka-magandang mga babaeng dala sa gabing iyon. Asahan mo din na hindi mga asawa ang dala nila sa ball na ito. Okay?" dagdag ni Rita Jet.
"Some rules lang, bawal matanong, bawal madaldal, don't tell so much about yourself. At very important, have sex ONLY if you want to. 8:00-12:00 lang tayo arkilado, pagkatapos nun ay pwede mo ng gawin ang gusto mo. 20,000 pesos ang makukuha mo, iaabot ko bukas ng umaga. Okay? Sumagot ka naman."
"Ahhh oo. Okay. Medyo marami lang kaya inaabsorb ko. Teka ulitin ko lang ha, 20,000 pesos sure ka?"
"Oo 60,000 pesos ang halaga nitong raket na 'to, pero may balak ako makipag sex kaya mas malaki talent fee ko."
"Hahahaha. Okay na ko sa 20k, salamat ha."
Nag-enjoy kami ng gabing iyon, puno ng tawanan, konting inuman, sosyalan. Galante si Mr. Ramos at may pa-take home na 5k, bukod pa 'yon sa ibabayad ni Rita. Si Rita ang tumapos ng trabaho at umuwi ako ng mag-isa.
Pagkadating ko ng bahay ay andoon nanaman si Alfred, naghihintay.
"Ala-una pasado na, bakit ka ba andito?"
"Saan ka galing? Bakit ganyan ang suot mo?"
Hindi ako sumagot.
"Sinong kasama mo?" Dagdag niyang tanong.
Bakit ba ang dami niyang tanong? Pag sinabinkong si Rita - iisipin niya pokpok alo, pag sinabi kong wala - hindi kapani-paniwala. Kaya tumahimik lang ako at hinanap ang susi ko para buksan ang pinto.
"Hindi ko mahanap ang susi ko." F*ck! Naiwan ko sa bahay ni Rita sa isa kong bag! Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Sasamahan na muna kita dito."
"Alfred umuwi ka na lang, ako ng bahala."
"Look, hindi ako magsasalita. Hindi na ako magtatanong, hayaan mo lang ako dito."
Hindi ako sumagot at umupo na lang ako sa harap ng pinto, tinext ko si Rita Jer pero mukhang kailangan ko pang hintayin ang pag-uwi niya.
"What the hell!!!! F*ck you ang landi mo!" nagising ako bigla nang marinig ko ang boses ni Ana. Nakaupo at nakayakap sa akin si Alfred sa may pintuan ng apartment. Sa sobrang pagod ko, hindi ko na namalayang nakatulog ako. Bigla kong tinulak si Alfred at napabalikwas siya, agad siyang tumayo upang awatin si Ana.
Grabe ang galit ni Ana, parang papatayin niya ko. Sinabunutan, kinalmot at sinampal sampal niya ako habang sinusubukan siyang awatin ni Alfred. Dumating si Rita Jer sa apartment "F*ck you bitch! Umalis ka dito kundi tatawag kami ng pulis!" habang sinasabunutan si Ana palayo sa akin. Sa wakas ay nagpaawat si Ana at umalis kasama si Alfred. "I'm really sorry." sabi ni Alfred habang paalis. Ang daming chismosang naglabasan para manood sa maiinit na eksena. Hiyang hiya ako.
Tumingin sa akin si Rita Jer at tuluyan akong napahagulgol. "Ayoko ng pumasok sa school, wala naman akong ginawang masama pero nakakahiya."
"Girl, punasan mo ng 20 thousand yang luha mo." Sabay abot niya ng salapi sa akin.
Napatawa na lang ako.
"Alam mo, wag kang magpaapekto kay Ana. Mas malakas tayo, tatay niya si Mr. Ramos. Hahaha!" Proud niyang sinabi.
Napatawa ako at tila napahanga kay Rita Jer. Ang strong niya, sana ako din.
"Sama ako sa susunod na raket mo. Gusto kong matuto sa iyo." sambit ko.
"That's my girl!" masaya niyang tugon.
Nagsalita pa siyang muli "First, no love life - bad for business, you have to push away ang kahit na sinong gusto kang ibigin at bawal na bawal kang umibig."
Dear Alfred,
Marahil ay huli na para sa atin. Hindi na ako ang dating inosenteng babaeng inibig mo. Kailangan kong piliin ang sarili ko upang lumayo sa kung anumang issue na maidudulot ko sa buhay mo. I am sorry but I am choosing myself, please free yourself from me. Sana ay maging masaya ka.
0 notes
Text
Ang Sumpa Tuwing Bago Magkatapusan
1st Year...
Unang araw pa lang ng klase, June 4, makikita na agad na may barkadahang nabuo. Barkada nina Missy ang isa sa mga solid na barkadang nabuo noon. Lima sila sa grupo—apat na babae at isang nais maging babae.
Si Thea, ang ‘bitch’ sa grupo. Siya yung tayo pa lang, alam mong galing na sa mayamang pamilya. Matangkad, makinis ang balat at may kulay ang buhok. Tipikal na mayamang millennial. Siya yung tipo ng babaeng hindi lang tatlong beses kumakain sa isang araw, yung babaeng kung hindi nasa school, nasa galaan. Si Thea yung mukhang maldita sa grupo. Sa kanilang lima, siya yung alanganin kang kaibiganin.
Si Yvone ang babaeng four words. Tahimik lang yan, makikinig sa kwentuhan, tatawa kung kailangan. At kapag humingi ka ng opinion sa kanya, hanggang apat na salita lang ang kaya niyang sabihin. Hindi tulad ni Thea, tahimik ang si Yvone. Simple lang. Sa kanilang lahat, siya ata ang pinakamadaling maging kaibigan.
Si Irah hang bestfriend ni Thea. Kung isasali siya sa PBB, siya ang ‘innocent snow white ng Vito Cruz’. Kakulay halos ng balat niya ang puti ng kanyang mga mata. Siya yung laging nakangiti sa kanila. Tahimik pag nasa public, pero pag sila sila na lang, madalas, bumabangka rin. Sa kanilang lima, siya ang hindi pa nakakaranas sa lupit ng pag-ibig. Palibhasa, yung apat, nasaktan na ng mga first love nila.
Sina Missy at Jairus naman ang sanggang dikit. Parehong galing public school kaya pareho ang liko at baluktot ng mga bituka nila. Kahit magkaibang magkaiba ang itsura nila—maliit kasi si Missy, hanggang kili kili lang siya ni Jairus—hindi yon hadlang sa matinding pagkakaibigan nila. Tuwing lunch, silang lima ang parating magkakasama. First year pa lang, alam kong sila-sila na ang magkakasama sa barkada package ng graduation picture.
2nd Year...
Ang dating lima, ngayon ay labing isa na! Dumoble sila dahil sa mga kaklase naming naging tropa na rin nila dahil laging kasabay sa LRT pauwi. At isa na ako sa mga iyon. Kabilang na ako sa grupong dati ay minamasdan ko lang mula sa malayo.
Bukod sa akin, nadagdag din sina Asha—yung Paulinian na parang Thai dahil laging may tono ang last syllable ng kahit anong salitang bibigkasin niya, Gary—yung closet king na halos pareho ng bulto kay Jairus, idol si Beyonce at mas matindi pang manlait kesa kina Missy, Addie—ang promdi na heredera ng malawak na lupain sa Isabela na halos makibuhol din sa bituka nina Missy at Jairus, Verna—ang misteryosang geek na kapag nagsimula nang mag-english, pakiramdam mo may kausap kang professor na galing London, at si Georgie—ang conyong millennial na bestfriend ni Asha. Sila ni Asha yung kapag nagsimula nang mag-english, parang gusto mong sapian ka ni Heneral Luna at sigawan sila ng, “P&*^((#*NA, ‘WAG MO KONG INGELISIN SA BAYAN KO!”
At dahil second year na, natuto na ring muling tumibok ng mabilis kaysa normal ang mga puso namin, lalo na kay Missy. First year pa lang, may gusto na si Missy sa ‘pinakagwapo’ sa block namin—si Damon. Galing all boys school sa QC si Damon. No girlfriend since birth. Siya yung lalaking madalang magsalita at pangiti-ngiti lang. Misteryoso ang lolo mo kaya naman na-challenge si Missy. At si Damon, inamin din niya na sa room, si Missy ang pinakamalapit sa kanya.
Pinakamalapit. Define pinakamalapit. Laging kausap, mapa personal man, chat at text. Laging katabi sa room at laging kapuyatan. Lagi kong nahuhuli si Missy na nakatingin kay Damon. Sa harap kasi nakaupo si Missy. Bandang second row. Si Damon naman, nasa harap ko lang. Madalas na nakatitig si Missy kay Damon pero si Damon, madalas sa harap lang nakatingin. Hindi kay Missy, pero sa harap lang siya nakatingin. Galing sa broken family si Damon. Second family sila at minsanan lang uwian ng tatay niya. Si Missy naman, ulila na sa ama. Pakiramdam tuloy naman, compatible sila. At sa buong grupo, ang lider ng fansclub nina Damon at Missy, ay sina Thea at irah.
Gusto ko rin sana sumama sa fansclub nila. Kaya lang sketchy eh. Sa tuwing tutuksuhin kasi nina Thea at Irah yung dalawa, susundan ito ng iwas ng tingin at irap. Minsan kapag magkasama sina Damon at Missy, nagbubulungan yung dalawa. Ayokong i-overanalyze. Pero sketchy talaga eh.
At dahil nagdo-dorm ako, nags-stay ako sa UST ng mas late. Minsan, bumili ako ng pagkain sa KFC carpark. Pauwi, dumaan ako sa lover’s lane. Wala lang, para lang makakita ng mga magsyo-syotang lalaitin ko sa isip ko habang naglalampungan sila sa ilalim ng puno o kaya sa damuhan. May 44,000 na estudyante ang umookupa sa 21 hektaryang lupain ng UST. At laking gulat ko, na sa dinami rami ng makikita ko sa lover’s lane, dalawang di inaasahang tao pa ang namataan ng mga mata ko. Halos hindi ako makagalaw nang makita ko sa ilalim ng puno na naglalampungan sina Damon...at Irah!
Binagabag ako ng nakita kong iyon. Gustong gusto ko silang tanungin pero pinangunahan ako ng takot. Baka naman kasi hindi sila yun. Baka kamukha lang. Pero hindi iyong ang huling araw na nakita ko silang magkasama. Yun pala ang una sa napakaraming beses na makikita ko sila. Kumpirmado! May relasyon nga silang dalawa na hindi nila sinasabi sa barkada! Inobserbahan ko sila sa nung mga sumunod na araw. Parang wala lang. Close pa rin sina Missy at Damon. At mas naging close sina Missy at Irah.
Isang gabi, umuwi ng maaga si Missy dahil masama ang pakiramdam niya. Sa aming 11, siya lang ang wala. Over dinner, sinabi ni Thea na may mahalaga daw siyang sasabihin. At ang rebelasyon ng gabi? “Guys, may aaminin ako.Gusto ko si Damon.”
Natigilan kaming lahat. Tumingin agad ako kay Irah pero nakayuko lang siya at may maliit na ngiti sa kanyang mga labi. Nagmakaawa si Thea sa amin na sana daw, wag namin tong sabihin kay Missy. Ayaw daw niya kasing masira ang pagkakaibigan nilang dalawa.
“Sa tingin mo ba, magagalit si Missy sa iyo dahil lang sa lalaki?” tanong ni Jai. Tumango si Thea. “Hindi siya ganung tao, Thea! Laging hoes over bros si Missy.”
3rd Year...
Mas naging malapit pa sina Missy at Damon. Paunti-unti na rin nagpapakita ng motibo si Thea kay Damon. Yung bestfriend ni Damon, si Lucio, ay nanliligaw din kay Irah. Sa isip-isip ko, tigas mukha nitong dalawang to ah! Pinapaasa ni Damon sina Thea at Missy, pinapaasa ni Irah si Lucio, di alam nung tatlo na niloloko lang pala sila nung dalawa. Tempt na tempt na akong sabihin ang totoo, kaya lang wala ako sa lugar.
September 29. Birthday ni Thea. Niyaya niya ang buong barkada, kasama sina Damon, Lucio, Sean at Jonas sa Tapsi. Nagkakasiyahan noon. Inom dito, inom doon. Kanta dito, kanta doon. Hanggang sa lumalim na ang gabi. At nangyari na ang mga di inaasahang pangyayari.
Bumaba ako para umihi. Pag akyat ko, nakita kong halos magkalingkis na sina Thea at Damon. Sa tabi nila ay si Missy na nakatitig lang sa kanila at kumikislap na ang mata dahil sa nagbabadyang luha. Hinanap ng mata ko si Irah. Ayun siya, masamang nakatingin sa dalawa habang nakikipaglandian din kay Lucio. Binalik ko ang tingin ko kay Missy ay bakas sa mukha niya ang pagtataka. Pilit niyang hinuhuli ang tingin ko habang pilit ko naman tong iniiwas. Nalintikan na!
Simula kinabukasan ng gabing iyon, nag-iba na si Missy. Tahimik na siya at madalang ng ngumiti. Hindi na rin siya madalas sumama sa grupo para mag lunch o dinner. Wala siyang ibang kinakausap. Natatapos ang isang buong araw ng hindi man lang niya binubuka ang bibig niya.
“Sama ka sa debut ni Jai?” tanong ko kay Missy. Alangan siyang tumingin sa akin. Maya maya, lumapit si Irah sa amin.
“Sama ka sa debut ni Jai ha!” yaya niya. Napairap ako. Kung umasta akala mo walang kasalanan.
“Baka magka eksena kasi eh. Nakakahiya naman kung yun yung regalo ko kay Jai,” sagot ni Missy. Pinilit ni Irah na sumama si Missy kina Jai. Hanggang sa napilit na nga ni Irah si Missy. Bago umalis si Irah, nag-iwan pa siya ng “words of encouragement” kay Missy: “Wala kang kasalanan. Si Thea talaga ang mali!”
October 29. Alas nuebe pa lang ng gabi ay weng weng na ang barkada. Debut ni Jairus at empi agad ang hinain sa amin pagkatapos magdinner. Hindi ako umiinom dahil ako ang driver. Sa amin sila didiretso mamaya para dun matulog. Nagulat ako ng biglang magyakap sina Irah at Missy, parehong may hawak ng alak at pareho ring may tama na. pasimple akong lumapit sa kanila at nakichismis.
“Kahit wag na kayong magsorry. Pinapatawad ko na kayo sa paglilihim na ginawa niyo,” sabi ni Missy kay Irah habang umiiyak. Nilayo ni Irah si mIssy at dumungaw sila sa terrace nina Jai.
“Ano bang problema mo missy? Hindi lang naman ikaw ang may karapatang magkagusto kay Damon ah! Ako may gusto ako kay Damon! Si Jai, gusto niya si Damon! Si Gary!”
“Hindi naman yon Irah eh! Inyo na si Damon! Ang akin lang, sana hindi kayo naglihim sa akin. Never akong nag keep ng secret sa inyo tapos ganito gagawin niyo sa akin.”
Nakatawag ng pansin ang sigawan nilang dalawa. Nagsilapitan ang iba naming mga kaibigan. Inalo ko si missy habang sina Georgie, inaalo si Irah. Si Thea, ayun, nasa gilid at mugto ang mga mata.
“Once and for all, tapusin na natin to!” sumigaw si Jai. “Ito na lang regalo niyo sa akin. Magkaayos na tayo.”
“Hindi ako galit sa inyo,” paumpisa ni Missy. “Masama ang loob ko sa inyo. Masama ang loob ko kasi three years, wala akong tinago sa inyo. Lahat sinabi ko. Tapos, ano?! Isang taon na pala kayong naglilihim sa akin? Bakit? Hindi ba ako worthy sa trust nyo? Ha?”
“Hindi mo naiintindihan, Missy,” hikbi ni Thea.
“P%*(! Ipaintindi niyo! Paano ko maiintindihan eh nilihim niyo nga—“
“HINDI KAMI NI DAMON! SILA NI IRAH! SILA ANG SECOND YEAR PA LANG, MAGSYOTA NA!”
Natigilan ang lahat sa rebelasyon ni Thea. Namutla si Irah kahit matagal na siyang maputi. Lahat nakatingin kay Irah. Pero lahat din sila ay hindi na nagulat sa rebelasyon ni Thea.
“Nahuli namin sila ni Lucio,” dugtong pa ni Thea. “Missy, oo, mali na naglihim ako sa iyo. Pero wala talagang namamagitan sa amin ni Damon. Desperate move na yung birthday ko.”
Tumingin si Missy kay Irah pero nakayuko lang ito. Tumingin siya sa amin. Binaling niya ang tingin niya kay Jairus, ang bestfriend niya.
“Jai, alam mo na?” umiiyak na tanong ni Missy.
“Missy, magpapaliwanag ako.”
“P*(#*$(&A NAMAN JAI!” Hindi na napigilan ni Missy ang sarili niya. Yumakap lang siya sa akin at humagulgol. Iyak lang siya nang iyak. Pati ako ay naiyak na rin. Lahat kami ay umiiyak na sa gitna ng maingay na tugtog. Para kaming nasa pelikula. Pero mas malala ang plot twist ng kwentong ito kesa sa kahit anong pelikulang napanood ko.
Sinong mag-aakala na ang inosenteng babae pala ang sisira sa pagkakaibigang akala ko ay solid na? Hindi ko lubos maisip kung paano kinaya ng sikmura nina Damon at Ira hang paglaruan ang damdamin ng mga kaibigan nila. Nandiri ako sa kanila. Paano nila nasikmurang manloko ng ibang tao para pagtakpan ang kagaguhan nila? Napakawalang kwenta nilang tao. Pinaasa nila, hindi lang ang bestfriend nila, kundi si Missy na walang kaalam-alam sa nangyayari.
Hindi ko rin maintindihan kung paanong alam na pala ng buong barkada ang relasyon nina Damon at Irah pero ni isa wala man lang nagsabi kina Thea at Missy. Tapos naalala ko, isa nga pala ako sa mga unang nakaalam ng relasyon nina Damon at Irah. At ang katwiran ko kung bakit ako nanahimik, marahil, katwiran din nila—wala kami sa lugar.
Simula ng gabing iyon ay natapos ang lahat. Na-forced evict si Missy sa bahay ni Kuya at ako naman ay nagvoluntary exit para samahan si Missy sa labas. Simula nung araw na iyon, hindi na siya nakihalubilo pa sa kahit na sino sa dati naming grupo. Wala na siyang kinakausap sa kanila. Namumuhay siyang parang hindi sila nag-eexist sa mundo niya.
Hindi bitter si Missy dahil naagawan siya ng lalaki. Ang totoong issue ni Missy ay tiwala. Nagtiwala siya sa kanila at tinuring silang kapatid. Pero sa huli, pinili pa rin nilang pagtaksilan si Missy. Malinaw pa rin sa aking alaala lahat ng nangyari ng gabing ‘yon na parang kahapon lang nangyari ang lahat. Malinaw ang bawat iyak at sigaw na namayani nung gabing iyon. Malinaw din kung paanong handang sirain ng iba tao ang pagkakaibigan nila para sa lalaki, para sa sariling kaligayahan. Natapos ang lahat noong bago ang katapusan. Siguro nga, may sumpa talaga ang araw tuwing bago magkatapusan.
V�%9h
0 notes
Text
red paper bag 06
Ngiti. Tango. Tango. Ngiti. Halos lumungad na ako ng mga gestures ng pagsang-ayon na hindi ginagamitan ng salita. Barado ang lalamunan. Dumikit ang dila sa ngala-ngala. Wala akong masabing maganda kaya minabuti ko na lang na maging bida sa isang tila classic na silent film. Kaso sa eksenang ito, wala akong cute na bigote tulad ni Chaplin at hindi nakakatawa ang mga sumunod na pangyayari.
Natabig ang takbo ng dapat ay mga makalumang istorya namin papunta sa matamis kwento ng pagmamahalan nilang dalawa. Kung paano sila nagkakilala. Kung paano siya niligawan. Kung paano siya patuloy na nililigawan nito sa araw-araw. Kung paano sila nakalagpas sa mga pagsubok ala telenovela. Nakaupo ako sa tapat niya habang abot kisame ang ngiti niya sa tuwa habang naglilitanya. Abot kisame. Partida, nasa ground floor kami. Wala naman akong magawa. Medyo awkward naman kung bigla akong magsisisigaw sa gitna ng pampublikong lugar na iyon sabay itaob ang mesa kung saan kami nakapuwesto na tila isang sugarol na lubog sa utang at gumawa na lang ng paraan para muling mabalasa ang malas na baraha.
Kaso, sa bawat tipid na ngiti na iniaabot ko sa bawat sentence niya, pakiramdam ko, akala niya na sincere ang mga iyon kaya hala, sige, panay pa rin ang buhos ng kwento ng kanyang buhay pag-ibig kung saan kahit extra ay hindi ako kasali. Gusto ko nang umubo ng pasadya. Para naman makahalata. Kaso baka sa sarap ng kwento niya ay hindi niya pa rin mapansin ang pagputok ng bawat ugat ko sa mata na tanda ng matinding hinagpis at saka abutan ako ng cough syrup.
Puno ako ng saya at pag-asa nung umalis ng bahay. Pagdating ko dito, nadurog lahat. Muli, hindi ko naman siya sinisisi. Wala akong karapatan para magalit o kahit ga-hiblang tampo man lang. Pero parang sobra naman ang ikot ng tadhana. Nasagasaan ako ng aking hilaw na pagmamahal para sa kanya. Ang masaklap dun, hindi siya huminto para tignan man lang kung napano ako. Kung buhay pa ba o kasalukuyan nang nginunguya ang sarili kong siko dahil sa lakas ng impact. Paano ba naman, hindi niya alam eh. At bilang cherry sa ibabaw ng patong-patong na kamalasang ito, ako na nga ang biktima ng hit-and-run ng pag-ibig, ako pa ang nag-iisang witness sa mga testimonya ng kanyang walang umay na pagmamahal para sa ibang lalaki. Ang sarap. Walang katulad. Ngayon alam ko na kung bakit maraming ayaw gumamit ng helmet. Para kung sakaling hindi mapigilan ng sangkaterbang katok sa kahoy ang aksidente, at least, hindi mo na mararamdaman ang sakit.
Pag-uwi sa bahay, dumerecho lang ako ng kwarto. Hindi ko na inalam kung anong ulam, kung anong palabas sa tv, kung bakit maraming jerbaks ng aso sa kalsada at kung ilan sa kanila ang natapakan ko. Hindi na ako nagpalit ng damit. Masyado akong malungkot para isipin pa ang personal hygiene. At isa pa, para bawas labada. Pinatay ko ang ilaw. Nilakasan pa ang bentilador. Pinagsusuntok ko ang unan bago tuluyang higaan para eksakto ang hugis. Para na din mailabas ang sama ng loob. Hindi ko na binuksan ang umiilaw kong superman action figure bilang night light. Mas mabuti na ang madilim. Para mas madaling lunurin ng antok at makatulog agad. Oo, aminado naman ako. Takot ako sa dilim. Pero ngayon... ganun pa rin. Kaya binuksan ko na din ang nasabing source ng malamyang ilaw. Ayoko ng total absence ng liwanag. Pakiramdam ko kasi, bigla na lang may bubulong sa tenga ko at sasabihing magkakaroon ako ng diarrhea for seven days gaya ng isang sikat na horror flick. Pero ngayon, dahil sa lungkot, matutuwa pa siguro ako kung may ilang tinig mula sa kadiliman ang magsasabi sa aking ‘kung mag-asawa nga naghihiwalay, sila pa kaya’ o ‘patience is a virtue, maghihiwalay din sila’. Alam mo yun. Tamang pep talk lang. Sige na nga. Tamang maitim at mala-villain na pep talk lang.
Kinabukasan, para sa almusal, nagsagwan ako ng ilang itlog para maging scrambled eggs. Pero bago ko tuluyang basagin yung yolk, parang naawa ako. Dahil sa hindi malamang dahilan, tila gustong kumunekta ng nasabing pula ng itlog sa puso ko. Parang kapag tinuluyan ko itong batihin, makikita ko ang visual representation ng pagkadurog ng puso ko. Hindi ko din alam. Baka praning na ako. Ayaw ko siyang kanawin ng tinidor. Hindi. Hindi maaari. Dahil alam ko kung paano masaktan. Kung paano magdusa. Kung paano ialay sa kamay ng iba ang iyong natatanging pag-ibig para lamang basagin sa ngalan ng kaligayahan ng iba. Hindi. Hindi maaari. Kailangan kong sagipin lahat ng egg yolk sa mundo mula sa pagkadurog. Kahit ito pa ang pinakahuling bagay na gagawin ko sa aking boring na buhay.
Kaso biglang kumalam ang tiyan ko. At mainit na ang mantikang nakasalang. Sikmura muna bago ka-abnormalan ng puso.
Habang naglalakad papasok ng trabaho, naisip ko, na mas magiging matiwasay ang pamumuhay natin sa mundong ito kung sakaling gawa sa makina ang puso natin. Isipin mo na lang kung ang puso ng bawat tao ay hango sa design ng isang calculator. Pwede mong i-set ang function. Pwede mong i-off ang kakayahan nitong magmahal. Madali lang din naman ibalik kapag pwede na. At ang pinaka importante sa lahat, gaya ng karamihan sa ating mga electronic na kagamitan, kung sakaling magka-problema tulad ng sitwasyon ko, napaka-applicable ng time-tested na pangunang lunas; ang katok at ihip. Di ba? Kapag pumapalpak, katukin mo. Kapag sablay ang takbo, ihipan mo. Simple. At madalas, sa di malamang dahilan, ay epektibo. Hindi ko pwedeng isalin sa salita kung gaano ko kagustong katukin ang puso ko at kumbinsihin siyang marami pang iba. At kung sakaling pumalag, iihipan ko ng matindi, baka madumi lang gawa ng matagal na pag-tengga mula sa pagmamahal kaya hirap umintindi. Sana ganun lang kadali.
Kung iisipin mo, mas okey na lang siguro kung hindi ko siya nakita ulit. Alam ko medyo martir ang datingan pero mas convenient ang kasalukuyan kung sakaling hindi nangiliti ang nakaraan. Baka sa mga sandaling ito, masaya akong naglalakad patungo sa sakayan ng bus, kung saan ako lang mag-isa pero kahit pa ako lang ang timang na sumusunod sa batas, masaya pa rin. Baka paguwi mamaya, ie-enjoy ko ang isang apa ng ice cream habang buong ligayang kinakawayan ang bawat makakasalubong sa daan. Pwede ring mamasyal ako mag-isa sa mall at maghanap ng sapatos na hindi naman talaga available doon para lang kunyari ay isa akong possible customer.
Siguro ito ang dahilan kung bakit minsan ayaw nating malaman ang sagot sa isang matinding tanong. Gaya ng mahal din kaya niya ako o hindi. Dahil sa loob-loob ng bawat isa, may sagot na gusto mong panghawakan. Tipong kahit anong labo o liit ng tsansang maging totoo, dun ka pa rin nakakapit.
Kung hindi ko siya nakita, baka napeke ko pa ang sarili ko at isiping all this time, hinahanap niya rin ako. Na sa bawat gabing sumasagi siya sa isip ko ay naiisip niya rin ako. At sa mga sandaling biglaang maubos ang LPG namin ay handa siyang magpasalang ng sinaing sa kanila.
Ngayon, hindi na pwede yun. Wala nang wishful thinking. Natira ay suicidal tendencies.
Pauwi na ako at kasalukuyang naghihintay ng masasakyan. Natapos na naman ang isang araw. Muling umikot at napagod ang mga kamay ng orasan. Ilang libong sasakyan ang pumaroon at pumarito sa kalsadang kinatatayuan ko. At ilang lapis na naman ang napudpod dahil sa hindi matapos-tapos na pagkamangha ko sa automatic na pencil sharpener.
Nagbibilang ako ng barya bilang pamasahe. Ayoko na kasing sa jeep pa mismo maghalungkat ng ibabayad. Mahirap kaya yun. Lalo na kung punuan. Mission impossible ang pagdukot sa bulsa para makuha ang kakaunting pera. Pati na din ang cellphone. Kaya naman sakto ang timing ng isang text na dumating. Hindi pa ako nakakasakay. Pwede ko pang basahin nang walang usiserong nakikibasa at nang hindi kailangang mag a-ala lastikman para lang mahugot mula sa sisidlan ng aking pantalon. Naks. Ang lalim.
Halo-halo ang emosyon nang bumungad ang pangalan niya. Konting tuwa, konting gulat, isang dakot na pagtataka at tatlong kilong kilig. Binuksan ko agad, kasi atat ako. Napa kunot ang kilay ko kahit hindi ko iyon kayang gawin nang makita ang mensahe niyang binubuo ng isang salita, isang punctuation at isang emoticon. Kape. Question mark. Smiley face.
Hindi ko na-gets. Magulo ang text message niya. Isang salita lang pero ang daming tanong na pumasok sa utak ko. Nagkataon bang nabura lahat ng pangalan sa contacts niya at natira lang ay mga numero kaya isa-isa niyang tinetext ang nasa listahan para hanapin kung alin dun ang numero ng kaibigan niyang nagngangalang kape? Alam mo yun? Yung tipong may nakasalubong ka sa madilim na daan tapos hindi mo sigurado kung yun ba talaga ang sundo mo kaya tatanungin mo siya ng 'Hannibal Lecter?, is that you?'. O baka isa itong survey kung ilan sa mga kakilala niya ang mahilig sa kape. Pwede din namang isa itong makabagong 'flames' kung saan ang sumagot ng 'tsaa' ay makakatuluyan niya samantalang ang sumagot ng 'liquid bleach' ay 'enemy'.
Parang tanga lang pero parang profound din at the same time.
Kaya naman nireplyan ko siya ng napaka-lalim din na 'ha?'.
Kung gusto ko daw bang magkape. Sa totoo lang, hindi. Pero ngayon pa ba naman ako magsasabi ng totoo? Sinabi niya ang lugar. Andun na daw siya. Sabi ko naman papunta na ako. Muli, walang palag.
Gusto ko na sanang magmadali. Kaso hinila ako pabalik ng alaala ng nakaraan naming tagpo. Sakto sa oras akong dumating. Ang premyo? VIP ticket para mapanood ang tunay na buhay na love story niya sa lalaking hindi ako. Baka muli kong maabutan sila ng boyfriend niya. Alam ko pang-bobong solusyon, pero naisipang kong magpatagal muna. Malanding pagpapa-late. Baka kasi sa pagkakataong ito, masuyo ng aking lecheng pagpapa-importante ang tadhana at pumayag itong ma-solo ko siya. Kahit pa ako lang ang nakakaalam ng totoong pakay. Bantay salakay.
Naka-ilang text din siya kung nasaan na daw ako. Isang beses lang ako ulit nagreply ng 'papunta na, saglit na lang'. Na alam naman nating lahat ay code para sa 'wala pa akong balak umalis ng bahay, ang ganda ng palabas sa tv'. Mga kalahating oras din ang lumipas. Ilang chewing gum ang natanggalan ko ng tamis at posibleng maging bangungot ng kung sino mang makakatapak nito. Ilang metrong lakad na lang ang layo ko sa tagpuan nang i-text ko siya na naglalakad na ako papunta dun. Para tumayo siya o lumabas at mas madali kong makita. Walang reply. Tumuloy na ako. Hindi naman siguro mala-concert ang lugar na iyon para mahirapan akong hanapin siya. Nagkamali ako. Parang concert nga. Ang daming tao. Pero hindi mismo sa lugar na pinagbibilhan ng kape kundi sa tawiran sa tapat nito. May kung ano silang tinitignan. Maya-maya pa, may tumunog na sirena. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Baka dahil takot lang ako sa tunog ng bumbero. Minsan na kasing muntik masunog ang bahay namin sanhi ng pesteng christmas lights.
Lumapit ako. Sumingit sa pagitan ng ilang tao. Dumating ang ambulansya. Lalo akong kinabahan. Nakita ko siya. Buhat ng isang parang medical staff. Walang malay. Inilagay sa stretcher. Tinakluban ng tila kumot. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun pero nanghina ako. Gusto kong tawagin ang pangalan niya pero hindi ako nakapagsalita. Nagsama na ang takot, pagkabigla at nerbiyos. Muling tumunog ang sirena. Wala na siya. Unti-unting nawala ang mga tao. Habang naiwan ako dun. Tulala. Pero pinilit kong kumawala sa tali ng mga pangyayari. Walang anu-ano, malumanay kong hinawakan ang braso ng isang lalaki na tila mas nauna sa akin para huminto ito. Tinanong ko kung anong nangyari. Sabi niya, halos katabi niya daw ng lamesa ang babae kanina. Parang may inaantay. Maya-maya, biglang tumayo, naglakad at tumawid. Baka daw sasalubungin ang katagpo na hindi alam kung nasaan siya dahil iniwan ang puno pang inumin na binili. Tumango ako. Itinuloy niya. Nahagip daw ng mabilis na sasakyan bago tuluyang nakatawid. Tumango lang ako ulit. Naglakad ng mabagal. Sabay sumalampak ng upo sa gutter. Hindi ko alam ang gagawin.
Hindi ko alam ang gagawin.
0 notes