#magbayad
Explore tagged Tumblr posts
Text
first time kong bumili sa twt ANG HALATA PLSS DI AKO SCAMMER PRAMIS
0 notes
Text
Kadlawun Kaau Ron.
Nag Tracking2 Ku SaKung
PhilID. Wala Najud Koi Choice. Haha
1 note
·
View note
Text
june 01, 2024
grabe tong araw na to, sobrang pagod kahit na di naman ganon kadami nagawa, puro hintay, pila, at lakad 🫠
- kumain sa dohtonbori kasi yung okonomiyaki daw dun, kalasa nung sa osaka, japan. okay lang. atleast natry.
- di maka withdraw, ang bagal ng data sa mall, dahil ata sa dami ng tao, maghihiwalay pa naman kami ni max kasi may kikitain siya. hirap tuloy ng comms namin.
- finally bought a digital cam after months of research! narealize ko na hindi lahat ng gusto mo makukuha mo talaga, walang perfect at meron at merong masasacrifice, piliin nalang kung ano yung worth it isacrifice. so yung gusto ko talaga g7x, auto focus lang talaga problem ko dun, sa binili ko naman, zv1 ii ayoko lang nung flip out screen at no flash. then inisip ko nalang na sign to na eto na yung cam for me kasi nag iisang stock nalang siya tas same color pa ng gusto ko
- tinry ko maging uniqlo baby pero bagsak pa rin sa h&m 😭 parang buong closet ko talaga h&m kaya wag niyo ko iwan mag isa dun huhu
- bilin lang ng papa ko bumili ng burger king, so lumabas pa ko ng main mall at lumipat bldg para dun tapos after ko pumila, sabi waiting 40mins pa daw? di ko na kayaaaa, next, sa popeyes tagal ko din pumila tas pagdating sa counter, waiting 30mins 😠 di ko na kaya maghintay, ang daming tao, pagod na ko maglakad na may bitbit hmp
- so mga 6:40pm, pagod, dami bitbit, siguro gutom na rin kasi once palang ako kumakain.. nagikot lang muna sa mall para maghanap ng kainan na konti ang pila at di punong puno ng tao, pero wala talaga, napagod lang ako kakahanap. 7pm, pumila na ako sa wildflour para dun nalang bumili ng pasalubong, 50% off sila starting 7pm
- pati sa wildflour, minalas ako, kinukuha na orders namin habang nakapila, pagdating ko sa counter, para akong tanga dun, yun pala, nawala nila papel ko, so naging cause of delay pa nga. nag sorry naman sila and wala na ko energy mafeel bad man lang kaya oks na
- hinintay ko lang si max, tas nakakahiya kasama niya pa rin pala sila, eh habang naghihintay ako, naka resting bitch face ako 😒 alam ko na agad itsura ko eh. sorry po 🙇🏻♀️
- then nung pauwi na kami, standing na from moa to pitx, tapos kinausap ko yung nakaupo sa pwd kasi para makaupo yung kasama kong pwd talaga, eh what if pwd din siya? 😫 tapos tinesting talaga ni kuyang kundoktor yung pagod ko todayyy. sabi ni max di pa daw kami bayad (siya kasi magbabayad para samin) so sinabi ko kay kuya na wala pa kaming ticket. tas galit niya sinabi, di pa pala kayo bayad eh pano kayo magkakaticket? sabi ko wala pa ticket, nauuna kasi yun diba? tas inulit niya lang sinabi niya na bat di kami magbayad.. wala na ko energy, so kinuha ko na pera kay max, yung binigay niya, may kasamang pwd card, binigay ko both pwd and bayad, tinitigan lang ni kuya sabay kuha lang nung pera kaya nalaglag yung card, bas2s. talagang napatigil ako sa gulat sa ginawa niya hahahaha saka ko pinulot nalang. pero gigil na gigil ako non. okay na pagtataray niya sakin about ticket kahit na siya naman tong di lumapit para maningil. tapos parang binastos niya pa pagiging pwd ng kasama ko sa ginawa niya sa card. e1 badtrip.
- pagdating pitx, buti wala nang pila, nakaupo din naman kami, pero grabe traffic sa kawit!!!! tapos paguwi, walang tubig?!?! walang announcement?? ngayon pa? grr.
aminin niyo sino sino nasa moa dito kahapon? 😭
41 notes
·
View notes
Text
Me azza unpaid coordinator na bridesmaid na pagod na walang picture sa photobooth kasi busy magbayad sa mga suppliers. 🫠
38 notes
·
View notes
Text
Bakit Mahalaga ang Abot-Kayang Serbisyong Pangkalusugan?
Sa bawat sulok ng ating bansa, may mga pamilya na patuloy na lumalaban sa kakulangan ng akses sa kalidad na pangangalaga sa kalusugan. Habang ang iba ay nakakamtan ang mga serbisyong medikal, may mga Pilipinong hindi kayang magbayad para sa mga simpleng check-up o gamot. Sa kabila ng mga pagsulong sa sektor ng kalusugan, isang mahalagang isyu pa rin ang kakulangan ng mga ospital at doktor, pati na rin ang pangangailangan para sa murang healthcare. Ano ang mangyayari kung tayo ay walang kakayahang magpagamot?
Kalusugan Para sa Lahat
Sa gitna ng modernong panahon, ang kalusugan ng bawat Pilipino ay nananatiling isang pangunahing karapatan. Ngunit para sa marami, ito’y tila isang pribilehiyo kaysa isang pangkaraniwang serbisyo. Sa kabila ng pag-unlad ng teknolohiya at medisina, nananatiling problema ang kakulangan ng mga ospital, doktor, at abot-kayang healthcare sa bansa. Marami sa ating mga kababayan ang hindi nakakakuha ng kinakailangang atensyong medikal dahil sa mataas na gastos at limitadong mga ospital, lalo na sa mga liblib na lugar. Paano natin masisigurong ang bawat Pilipino ay may kakayahang pangalagaan ang sariling kalusugan nang hindi nababahala sa gastusin?
Kakulangan ng doktor
Sa kasalukuyan, ang mga pampublikong ospital sa bansa ay kadalasang kulang sa pasilidad, kagamitan, at mga medical personnel, isang bagay na nagpapabagal sa serbisyo. Ayon sa mga datos, ang kakulangan ng doktor ay isa sa mga pangunahing isyu—sa Pilipinas, tinatayang may isang doktor lamang para sa bawat 33,000 na Pilipino sa ilang rehiyon. Ang ganitong ratio ay malayo sa ideal na 1:1,000 na nire-rekomenda ng WHO. Bilang resulta, ang mga pasyente ay nagtitiyaga sa mahabang pila at kadalasang hindi napapansin ang mga minor na kondisyon na maaaring lumala.
Bukod pa rito, mataas ang gastos ng healthcare sa mga pribadong ospital, kaya’t maraming Pilipino ang nagdadalawang-isip kung ipagpapatuloy ang pagpapagamot. Ang mga universal healthcare program, gaya ng PhilHealth, ay isang hakbang patungo sa abot-kayang serbisyong pangkalusugan ngunit kulang pa ito upang matugunan ang lahat ng pangangailangan. Mahalaga ang pagpapatupad ng mas maraming proyektong magpaparami ng mga doktor, magtatayo ng mga ospital, at magpapababa ng presyo ng mga gamot upang mas maging inclusive at accessible ang healthcare sa Pilipinas.
Pag-asa sa Mas Mura at Mas Accessible na Kalusugan
Ang abot-kayang healthcare ay hindi dapat ituring na isang luho kundi isang batayang karapatan. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, at komunidad, posible nating makamtan ang serbisyong pangkalusugan na kayang abutin ng bawat Pilipino. Dapat nating ipaglaban ang karapatang ito upang masiguro ang kalusugan at kinabukasan ng bawat mamamayan—dahil ang kalusugan ay susi sa pag-unlad ng bansa.
13 notes
·
View notes
Text
"Korapsyon: Ang Lason na Sumisira sa Pamahalaan at Ekonomiya ng Bansa"
Ano ang Korapsyon?
Ang korapsyon ay isang malalang isyu na nagreresulta sa maling paggamit ng kapangyarihan para sa sariling interes. Sa pamahalaan, nagdudulot ito ng pagkawala ng tiwala ng publiko, pagbaba ng kalidad ng serbisyo, at kawalang-katarungan. Sa ekonomiya, ang korapsyon ay nagiging sanhi ng pagkawala ng pondo para sa mga makabuluhang proyekto, nagpapataas ng buwis at presyo ng bilihin, at nagiging sanhi ng kawalang-katiyakan sa mga mamumuhunan. Ang kawalan ng mga dayuhang pamumuhunan ay nagpapahina sa lokal na ekonomiya at sa antas ng kabuhayan ng mga tao.
Mga Epekto sa Pamahalaan
Pagkawala ng Tiwala: Ang korapsyon ay nagreresulta sa pagkawala ng tiwala ng mamamayan sa kanilang mga pinuno. Ang pagiging saksi sa mga katiwalian ng gobyerno ay nagiging dahilan para mawalan ng gana ang mga tao na makibahagi sa mga proyektong pampamahalaan o magbayad ng buwis nang tama. Sa ganitong kalagayan, nawawala ang kredibilidad ng mga institusyon at humihina ang sistema ng pamamahala.
Pagbaba ng Kalidad ng Serbisyong Pampubliko: Kapag ang pondo ng gobyerno ay nagagamit sa mga hindi tamang paraan, hindi natutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan. Maraming proyekto ang natitigil o hindi nagagawa, at bumababa ang kalidad ng mga serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan, at imprastruktura. Nagiging mahirap ang pag-unlad ng bansa dahil ang mga serbisyo ay hindi natatamasa ng mga taong mas nangangailangan.
Paglaganap ng Nepotismo at Paboritismo: Ang korapsyon ay madalas nagbubunsod ng hindi pantay-pantay na oportunidad sa mga posisyon sa pamahalaan. Nagiging normal ang pagtanggap ng mga kaibigan o kapamilya ng mga nasa gobyerno sa trabaho, kahit hindi sila kwalipikado. Nagreresulta ito sa mga hindi epektibong tagapamahala at opisyal, na siyang nagpapabagal sa mga proseso at proyekto ng pamahalaan.
Kawalang-Katarungan at Pag-abuso sa Kapangyarihan: Sa mga bansang matindi ang korapsyon, ang mga mayayaman o makapangyarihan ay maaaring makaligtas sa batas, samantalang ang mga karaniwang mamamayan ang nahihirapan. Nagdudulot ito ng kawalang-katarungan sa lipunan, at marami ang nananatiling mahirap habang ang mga may kakayahang magsamantala ay patuloy na umaangat.
Mga Epekto ng Korapsyon sa Ekonomiya
Pagkawala ng Pondo para sa Pagpapaunlad Ang korapsyon ay nagiging dahilan ng pagbubulsa ng mga pondo na sana ay magagamit sa mga proyektong pampabuti ng ekonomiya. Halimbawa, ang pera para sa mga proyektong pang-imprastruktura ay napupunta sa bulsa ng ilang opisyal, imbes na makatulong sa paglikha ng trabaho o pag-akit ng mga mamumuhunan. Dahil dito, nagiging mabagal ang pag-unlad ng bansa.
Pabigat sa Buong Lipunan Ang korapsyon ay may direktang epekto sa lahat ng antas ng lipunan. Ang pagtaas ng buwis at presyo ng mga pangunahing bilihin ay isa lamang sa mga epekto nito, na direktang nagpapahirap sa mga mamamayan. Kapag ang pondo ng gobyerno ay hindi naipamamahagi nang tama, kailangan nilang magpatupad ng mas mataas na buwis o pangungutang upang masustain ang mga gastusin sa proyekto. Ito ay lalo pang nagpapabigat sa ekonomiya ng bansa.
Paghina ng Pagtitiwala ng mga Mamumuhunan Ang mga dayuhang mamumuhunan ay umiiwas sa mga bansang kilalang mataas ang antas ng korapsyon. Sa ganitong sitwasyon, ang bansa ay nawawalan ng pagkakataon para magkaroon ng mga bagong industriya, trabaho, at teknolohiya na sana'y makatutulong sa pagpapalakas ng ekonomiya. Ang kakulangan ng foreign investment ay nagpapahina sa palitan ng pera at pagtaas ng ekonomiya.
Hindi Matatag na Ekonomiya Dahil sa kakulangan ng tiwala ng mga mamamayan at dayuhang mamumuhunan, hindi rin nagiging matatag ang ekonomiya ng isang bansa. Sa halip na patuloy na tumataas ang antas ng kabuhayan, nahihirapan ang bansa na sumabay sa pandaigdigang merkado. Ang kawalan ng kumpiyansa sa sistema ay nagreresulta sa pagbaba ng halaga ng lokal na pera at pagsulong ng underground economy o mga iligal na negosyo.
Pagpuksa sa Korapsyon
Hindi madali ang pagresolba sa isyu ng korapsyon, ngunit may mga hakbang na maaaring simulan upang mabawasan ito. Una, ang pagpapalakas ng transparency o pagkakaroon ng mga public accountability systems ay mahalaga. Kailangan ding palakasin ang mga batas at magpatupad ng mga regulasyon na may patas at pantay na pagpapataw ng parusa. Gayundin, ang edukasyon tungkol sa kahalagahan ng integridad sa serbisyo publiko ay mahalaga para sa mga bagong henerasyon ng lider.
Ang korapsyon ay isang salot sa pamahalaan at ekonomiya. Habang ang ganitong uri ng katiwalian ay maaaring nagtataglay ng pansariling benepisyo para sa iilan, ang kabuuang epekto nito ay nagiging hadlang sa pag-unlad ng bansa. Ang bawat mamamayan ay may tungkulin na itaguyod ang kalinisan sa gobyerno at makiisa sa paglaban sa korapsyon. Ang malinis na pamahalaan at matatag na ekonomiya ay makakamtan lamang kung lahat ay may malasakit sa tamang paggamit ng kapangyarihan at yaman ng bayan.
16 notes
·
View notes
Text
wala kong ibang masabi kundi 'yehey!' kanina. lalo na nung sinabi na 'free from disease ka na' 🥹🙏✨️ crayola nalang talaga nagawa ko pag labas ko ng doctor's clinic hanggang makauwi ako. finally!!! 🙏🙏🙏 next in line, ojt, graduation & magbayad ng mga taong nagmalasakit sa akin simula last year hanggang bago ako i-scan nung monday. grabeng early bday gift ito! 🎉🥳🥹
27 notes
·
View notes
Text
HEALTH IS WEALTH 🥦
Kalusugan: Ang Kahalagahan ng Access sa Murang Healthcare at ang Kakulangan ng mga Ospital at Doktor
Ang access sa murang healthcare ay isang napakahalagang isyu na dapat pagtuunan ng pansin sa ating lipunan, lalo na sa mga komunidad na may mababang kita. Sa kabila ng mga pagsisikap na mapabuti ang sistemang pangkalusugan, patuloy na nararanasan ng maraming tao ang kakulangan ng mga ospital at doktor. Ang sitwasyong ito ay nagiging hadlang sa kanilang pagkuha ng kinakailangang pangangalaga, na nagreresulta sa mas malalang kondisyon ng kalusugan at hindi pagkakapantay-pantay sa serbisyong medikal.
Kahalagahan ng Access sa Murang Healthcare
Ang pagkakaroon ng abot-kayang healthcare ay hindi lamang isang karapatan kundi isang pangunahing pangangailangan. Maraming tao ang hindi kayang magbayad para sa mga serbisyong medikal, kaya't napakahalaga ang pagkakaroon ng mga programang nagbibigay ng murang pangangalaga. Ang mga non-profit na organisasyon, tulad ng Access sa DuPage, ay nag-uugnay sa mga walang insurance at mababang kita na residente sa mga serbisyong pangkalusugan. Ang ganitong mga inisyatiba ay hindi lamang nagbibigay ng tulong medikal kundi nagsusulong din ng mas malawak na kaalaman tungkol sa kalusugan, na mahalaga upang mapanatiling malusog ang mga tao anuman ang kanilang pinansyal na sitwasyon.
Kakulangan ng Ospital at Doktor
Sa kabila ng mga pagsisikap, marami pa rin ang nahaharap sa kakulangan ng access sa mga ospital at doktor. Sa ilang mga lugar, lalo na ang mga rural na komunidad, mayroong limitadong bilang ng mga pasilidad at healthcare providers. Ayon sa mga datos, ang kakulangan ng mga doktor ay nagiging sanhi ng mahahabang oras ng paghihintay para sa konsultasyon at paggamot. Ang sitwasyong ito ay nagiging sanhi ng paglala ng kalusugan dahil hindi nakakakuha ng agarang tulong ang mga pasyente, na maaaring magresulta sa mas malubhang kondisyon.
Mga Hakbang Tungo sa Solusyon
Upang masolusyunan ang problemang ito, mahalaga ang pakikipagtulungan ng gobyerno, pribadong sektor, at komunidad. Narito ang ilang hakbang na maaaring isagawa:
1. Pagpapalawak ng Insurance Coverage
Dapat palakasin ang mga programa tulad ng Medicaid at CHIP upang mas maraming tao ang makakuha ng libreng o murang pangangalaga. Ang pagpapalawak na ito ay makatutulong upang mabawasan ang bilang ng mga walang access sa serbisyong medikal.
2. Pagsuporta sa Healthcare Providers
Ang pagtaas ng insentibo para sa mga doktor at healthcare workers na magtrabaho sa mga underserved areas ay makakatulong upang mapunan ang kakulangan. Maaaring isama rito ang pagbibigay ng scholarships o loan forgiveness programs para sa mga nais maging healthcare professionals.
3. Pagsasagawa ng Community Health Programs
Ang pagbuo ng mga lokal na programa para sa preventive care at health education ay makatutulong upang mapabuti ang kalusugan ng komunidad. Sa pamamagitan nito, mas maraming tao ang magkakaroon ng kaalaman tungkol sa tamang pangangalaga sa kanilang kalusugan.
7 notes
·
View notes
Text
Life Musings
Summary: May nagyaya sa aking lumabas. Sabi ko, i-chat na lang saan magkikita, pupunta na lang ako. Sabi nya, "No, I'll pick you up, I insist!" Rapunzel ka gurl? Buhay pa naman ako at hindi na-chop-chop.
Long story: Invited J (bff) out and got our nails done yesterday. Parang nahihiya pa sya at ang mahal daw. Pero andami na nyang panlilibre sa akin before! Tapos ngayon, andami nya pang payo. Buti na lang niyaya ko siya kasi aalis na pala sya sa BGC at babalik na sa bahay na binili nya sa Laguna, with family. May work daw syang nakuha na around 20 minutes away from home pag naka-bike. Goodbye city life. Halos lahat na yata ng friends ay nagsisilayuan na sa Metro Manila.
Tapos sinamahan nya akong hanapin ang mahiwagang karwahe. Sabi ni J, pipicturan daw nya ang plate number. Hahaha. Akala ko naman, magbobowling sa Timezone lang or magd-drive ng race car, kaso dinner daw pala sa malayong dako ang idea ni person. In reality, hindi natuloy ang dinner sa malayong dako dahil traffic at Sabado, pero masarap pa rin naman sa kinainan namin, may sharon pa ako. Nakakatawa nga kasi biglang nandoon din ang family ni person, sa lahat ng pwedeng puntahang lugar at that time, tapos nag-panic siya. Aba, hindi ako kayang panindigan? Char. Hindi raw kasi specific 'yung paalam niya. Haha. So nagmadali nang magbayad at lumipat ng venue. Napanood ko tuloy 'yung Deadpool.
Thoughts and feedback: Hindi ko alam anong nakita ng taong 'to sa 'kin, pero kahapon aba syempre, dapat presentable. Sabi ni J, huwag ko na raw pagupitan buhok ko kasi magmumukha raw akong high school, maganda naman daw ang medium length. Anyway, mukhang wala kaming masyadong common life experiences saka kahit hindi naman malayo edad namin (maaga lang akong natapos), may generation gap. Nagulat nga ako napag-usapan agad ang sahod e, apparently, 'yung sahod ko ay 4x ng sahod nya? So sabi ko, ako siguro dapat ang nagbayad. Nakaka-guilty, para akong scammer, nakikikain at nagbebenefit sa hard work ng iba. Sabi naman niya, "No, it's fine!" At deserve naman daw ang sahod dahil ang sipag ko raw.
Ang tanda ko na. Ngayon na lang ulit ako nakanood ng movie sa sinehan (wala naman akong ginawa kundi magwork, 'di ba) at ngayon na lang ulit naging passenger princess, nabuking pa tuloy saan ako umuuwi. Alangan namang sabihin ko, ibaba na lang ako along C5?
11 notes
·
View notes
Text
grabe kahapon ko pa kausap to si ateng seller sa facebook market place, from bandang hapon hanggang midnight. gusto ko nalang maiyak kasi nagbayad na ako sa kanya ng more than half the price(5k) tapos ang bagal nya magupdate and parang di naman sya nageeffort makapagbook. kagabi pa supposedly nadeliver kasi same day delivery dapat, after ko magbayad. nagets ko naman na hirap magbook kasi malayo kaya nga nag offer nalang ako na ibalik muna yung payment ko tapos kinabukasan nalang ulit itry magbook kasi gabi na, but di mya binalik, kahit nag agree sya. tinulugan nya na ako. so nagwait ako hanggang ngayon para madeliver. di parin sya nagbook and nagseen, parang sya pa yung irita. hindi parin sya nagrerespond :( gusto nya payment first policy kaya agad agad naman ako nagbayad. nasstress na ako kaya magrelease lang ako dito saglit. hay.
lesson learned, di na ako uulit bumili sa marketplace.
27 notes
·
View notes
Text
chat gusto mo ligawin na lang kita yie yieeee tara first date natin sa jobilee ikaw magbayad
7 notes
·
View notes
Text
ngayon ko lang naiisip na ang dami palang nangyari sa nakaraang dalawang taon, nagresign ako sa work tapos nagbusiness nalang ako nung una it went well naman kaso siguro dahil na rin sa stress, napabayaan ko. dumating sa point na wala na talaga akong pera, hindi nya alam yun kasi palagi ko pa din sya nabibigyan ng mga kung ano anong gusto nya. wala na syang feelings sakin nung time na yan. hanggang sa naubos na talaga ako. sobrang nadrain, physically, mentally, financially. don na ako lumayo. kasi pakiramdam ko, ano pa mabibigay ko e ubos na ubos na ako.
nasurvive ko naman kahit papano, nakakabangon pakonti konti. tapos naging okay na ako. don ko na sya inapproach ulit, hindi para jowain ulit pero ayun nga ayoko sya mawala sa buhay ko. mahal ko pa naman pero hindi na yung gaya ng dati hanggang sa nagpaparamdam na sya ulit na gusto nya ako ulit.
since wala pa ako masyadong pera that time, hindi ako makapag effort masyado sakanya. galing diba, sya yung bumalik pero ako pa din yung gustong mag effort. naalala ko nung bday nya last year yung pinakasimpleng bday treat ko sakanya, kasi short pa ako nun. pero di ko matanggap yon, kasi she deserves more eh.
mas sinipagan ko pa para sa business ko, nag isip ng kung ano ano para lumakas yung sales ko, true naman na isa sya sa dahilan bakit ko talaga sinipagan. kahit nung nagbday ako wala pa din akong pera nun, simple lang din yung handa pero masaya kami. ang galing nga eh, sa mga nakaraang bday ko at bday nya, malaki ang gastos talaga pero hindi ako masaya kasi di na nya ako mahal nun eh. pero this year, masaya talaga.
ang dami nyang kelangan bayaran sa school, nakakalungkot na hindi ko sya mabigyan, pahiram lang kaya ko kasi nga hindi pa ganon kalakas yung business. pati sana simpleng baon nya gusto ko magbigay. kaso kasi, hindi ko magawang magbigay din ng pera parang feeling ko magiging utang na loob sya, or parang baka yun nalang maging reason bat nagsstay. naililibre ko pa naman sya kahit papano pero ang dami kong plano kasama sya. gusto ko masulit bago man lang sya mag abroad.
april this year tumaas yung sales ko 3x. sawakas nagbunga na din yung hirap ko at puyat. kaso ayun, dun sya umayaw. hindi na rin kami masyado nakakapag usap pero pag nakakapag usap kami lagi nya problema yung pera. naaawa ako, gusto ko sya bigyan pero ayoko talagang yun nalang yung maging dahilan bat kami nag uusap. ang ginawa ko before, sinesendan ko yung isang bank accnt nya pero konti lang naman.
nung nakapag usap na kami re sa closure, binigay ko pa atm ko sakanya, don pumapasok yung sales ng isang shop ko. hindi naman ganon kalaki. ang sabi ko, kung may need sya kumuha lang sya dun. ilista nalang nya at bayaran kapag nagkapera na. tbh di ko nman talaga papabayaran, ayoko lang magmukang binibigyan ko sya ng pera. parang suhol kasi. pero ayun, sinabihan ko din naman sya na wag na magchat kung kukuha sya dun. kasi nga ayokong yun nalang yung dahilan ng pagchachat nya. gusto ko lang din talaga sya tulungan. may maitulong man lang ako sa pagtupad ng pangarap nya.
hanggang sa netong huling usap namin na sinabi nyang meron na syang iba, sabi nya huhulug hulugan nya daw, binigay ko pa nga yung list ng iba pa nyang nahiram, yung bugso ng damdamin ko kasi. pero para sakin naman, wag na nya bayaran yun. okay na yun. niletgo ko na yun. hindi ko na rin naman chinecheck yung atm if nababawasan pa. kahit na wala na ulit akong pera ngayon kasi napabayaan na naman ang business dahil sa stress.
ayoko na rin naman magreachout sya sakin para magbayad, ayoko na magkaron pa kami ng communication kahit na thru our friends pa. masaya na sya at sana hayaan na nya muna akong magheal, kasi existence nya di nakakatulong sa pagheal ko. peace of mind ang kelangan ko.
2 notes
·
View notes
Text
puro na lang gusto ng ibang tao yung nasusunod sa buhay ko. gusto ng bahay? sige. gusto lumipat ng apartment? sige. gusto ng sasakyan?.sige. gusto mo waldasin pinagpaguran ko? go. di ko alam kailan ba ko mabubuhay para naman sa sarili ko. para sa gusto ko talaga.
gusto ko magtravel, to find myself enjoying the adventure. the unknown, the unexpected whirls and turns. i am tired of the system. di ko pinangarap magbayad ng loan for 30 years. di ko pinangarap magbayad ng sasakyan for 5 years.
i know na makikinabang din naman ako sa mga gusto nila. pero i wanna live a life. a simple one. gusto ko lang mag invest sa peace of mind ko to stay longer here on earth. why is it so hard for ppl to have contentment? bakit feeling ko i was being used lang for convenience?
pagod na ko. at mapapagod pa ko.
10 notes
·
View notes
Text
Me: Ikaw magbayad ha
C: Syempre
YAN GANYAN DAPAT DI YUNG 50 50 BAKA MAGHINGALO AKO 🤣 DUN TAYO SA PROVIDER MINDSET AUTO PASS SA PAGIGING ASUKAL DE MAMA
2 notes
·
View notes
Text
BWISET PUMILA NG MATAGAL AT MAGBAYAD NG MGA BUWIS KUNG SI MARCOS AT DUTERTE LANG NAMAN NAKIKINABANG!! NAKAKABWISET!!!
8 notes
·
View notes
Note
HALLO POOOOOO AAAAHHHH!!! (Not a question:'>) I just wanna share hehe. I've been following you in fb since last year. I'm bad at remembering names kaya nung naging busy ako sa finals, nakalimutan ko name ng page nyo 😭 I was also confused bakit di ko na makita sa newsfeed ko ang almost daily post mo. I was so saddened and I had a friend who says na noon pa rin nag-follow sayo and you guys were friends. Nahihiya ako magtanong sa kanya kaya ayun, I was left wondering for almost 8 months before I remembered I followed you here HAHHAHAHAHA ayun lang, TAKE CARE POOOOO
((Yan ang problema ko sa Fb since 19-forgotten actually, andaming di makakita ng mga posts ko lately compared to before. Kahit na daw mag activate ng ''See First''. It's pretty common with old pages (2012 pa kasi yung page e HAHAHAHAHAHAHAHAH mygad)
Ang lala talaga. Gusto kasi nila na magbayad Na kami para ma promote right in your feeds to the max yung mga posts namen e ang mahal kaya mag maintain ng bayad ng advertisement. Free lang ang mga posts ko no , fb talaga e 😭😭😭😭😭
Sabi nila possibly nag shadowban(?) Im not sure sa term?) ang fb mismo on some of you on reasons idk??, i heard from others tho that it's possible coz either you so what I've been doing is manually checking your names if mag appear ba o hindi sa followers list.
Paki-PM nalang po or send another anon message here your fb. I won't post your name no worries!! but I'll try to seek help and check if di ba rin kita makikita or something sa page.
I noticed din na parang super bumaba ang mga interactions ng mga people this year compared to last sept to dec 2023. makikita kasi sa stats sa page sa side namin po ;m; parang nawala yung mga tao, nag ala- poof! 😭😭😭
Pero yes, if you have another account or ask help from your friend to kindly inform me via pm in the page or send an ask here of your fb that's affected so we can look for solutions together (char!) I'll try to do what I can 😭😭😭😭!! ))
6 notes
·
View notes