#lahat nalang ng tao bwiset
Explore tagged Tumblr posts
bayulet · 6 months ago
Text
di ko alam kung maiiyak na ba ako or what
0 notes
b0chi · 2 years ago
Text
Tumblr media
Musaigen no Phantom World (2016)
Napanood: S1 – ep 1 -13
Bago ako magsimula mag-aral, magsusulat muna ko dahil sa dulo, habang pinapanood yung cliche fight scene, na-intriga ako sa alternatibong mundo ng palabas.
Interesante yung dulo kase nagrebelde yung isang phantom. Naging hybrid siya gawa ng experimentation na ginawa ng mga tao. Kung sa ibang palabas e katumbas to ng human instrumentality. Tulad ng Evangelion o Texhnolyze. Ang premise ng instrumentality ay pag-unawa sa hindi maunawaan. Ang goal ay laging lihim. Dito sa Musaigen, waring gustong unawain ang nature ng isang phantom. Balik;
Ang phantom ay matagal nang namumuhay sa mundo. Parte sila ng hindi nakikita ng tao pero nakikita ng ibang hayop tulad ng pusa o aso. Kaya kung minsan e tumatahol sa kawalan, hinuha na baka nga phantom iyon. Nagsimulang makita ang mga phantom ng may kumalat na virus. Nagmula ang virus bilang experimento ng Alayashiki Company. Hindi mapapanagot sa insidente ang nasabing kumpanya. Lalaki pa nga ang ospital na pag-aari ng kumpanya dahil sila ang pangunahing takbuhan ng mga pasyenteng magkaksakit na may kinalaman sa phantom. Parang mga Villar din e no. Ipapatag yung mga sakahan, mawawalan ng hanap buhay at tirahan ang mga pesante, tapos aalukin sila ng substandard na bahay. Kahit sa alternatibong mundo e siraulo talaga ang mga elite.
Yung first wave ng mga nakasagap ng virus, nag-iba ang utak. Bigla, nag-evolve ang paningin nila. Nakakita sila ng ibang dimensyon, nakakakita na sila ng mga phantom. Yung mga naging anak nila, yung iba e naging gifted, naka-develop ng super powers. Wala pang category yung mga super powers kaya inipon nalang yung mga bata sa isang private school for students with special powers. Doon iikot yung kwento ng serye, sa pang-araw-araw na buhay nung isang school club na ang layon e pumatay ng mga phantom. Slice of life din. Bakit papatayin ang mga phantom?
Nasabi sa last episode na walang karapatan sa batas ang mga phantom. Kaya ng hinack nung mga bata yung data base nung Alayashiki Company, nang malaman nila na may top secret ang mga to, na pinag-eexperimentuhan ang mga phantom, tulad ng grafting na waring dalawang magkaibang puno (ex: mango & orange) e pinagsasama sa iisang katawan, ginagawang ganon din yung phantom sa kapwa phantom o di kaya phantom sa genes ng tao. Ang resulta ay hybrid. Para daw yon higit na maunawaan ang nature ng mga phantom. Kung bakit kailangan unawain, at sa ganoong paraan; kung anong mapapala sa pag-unawa, at bakit kailangan top secret; kung bakit walang na-d-draft na batas para sa karapatan ng mga phantom – applicable din sa mga marginalized, sa mga taong maliliit sa mundo natin, hindi ba? Ito pa;
Sinabi sa mga naunang episode, pinapatay ang mga phantom, mali, ikinukulong (seal) dahil uncooperative. Ibig sabihin, yung ayaw makipamuhay ng payapa kasama ang mga tao. Yung ang layon nung school club, ang maging parak para sa mga phantom na ayaw umayon sa gawi ng mga tao. Ang ultimate goal pa din naman e peaceful coexistence. Pero hindi ba may peaceful coexistence na yung mga phantom at tao bago pa man magkaron ng virus breakout? Hindi ba kasalanan ng tao, particularly ng Alayashiki Company, kung ba’t nawala yung ganoong peaceful coexistence? E sila tong makulit na nangingielam ng buhay ng may buhay, tapos mabwi-bwiset kapag sila naman yung pinakielaman. Kahit sa alternatibong mundo, sira talaga ang tuktok ng sistema ng mga tao. Pero walang point ang sisihan habang nangyayari ang isang historical moment. Ang sisihan e para lang sa future, kapag pinag-aaralan na ang past historical moment, para hindi na maulit. So imbis na magsisihan, anong gagawin? Edi magtanong. Kwestyunin lahat.
Sa last episode, nagkaron ng intelektwal na kapasidad ang isa sa mga hybrid. Kung tutuusin e may consciousness naman talaga ang mga phantom, pero itong isang hybrid e nagkaron ng mataas na antas ng kamulatan. Na-realize niya na kung hindi siya lalabas sa top secret facility e dun nalang siya habang buhay. Bilang laboratory rat ng mga scientist. Sino ba naman ang gusto non, lalo na kung may consciousness ka. Kesyo aso nga e umiiyak kapag nakakulong ng matagal. Kalahating tao pa kaya? E wala naman siyang ginawang masama. Ikinulong siya dahil sa existensiya lang niya bilang phantom, na hinalo sa genes ng tao, bilang hybrid, bilang nilalang na hindi nauunawaan. Sa sobrang bwiset, nag rebelde siya. Hindi lang naman siya nauunawaan ng mga tao sa paligid niya, pero siya mismo e nauunawaan kung ano siya at ano ang kaya niya. Kaya lumaban hanggang sa makalabas ng facility, naghiganti dahil yun yung causality ng mga inapi. Walang mawawala sa kanya kundi ang pagkakakulong niya. Kung magpapatuloy yung kwento, magandang susunod doon e ang ethical question ng pakikisalamuha sa mga phantom, lalo na yung experimentation na ginagawa ng Alayashiki Company. Bakit hindi pa din sila napaparusahan? At ano ba yung gusto nilang makamit sa pag-unawa? Sa wari e gusto nilang ibalik sa dati ang lahat. Magkaron siguro ng vaccine na makakapag-devolve ng utak ng tao para hindi na uli makita ang extra dimension ng mga phantom. Bumalik na parang walang nangyari. Pero sa malamang, kung involve ang gobyerno, o di kaya ang naghaharing sistema ng kapitalismo doon sa globalisadong mundo, e malamang tulad ng evangelion at texhnolyze, gamitin ang mga hybrid bilang sandata panlaban, pang gyera.
Kaya kung masama yung hangarin nung hybrid na nag-rebelde sa Musaigen, dahil matapos makamit yung kalayaan niya e gusto naman niyang sakupin yung mundo (world domination) – similar sa babala ni JPR: what’s the point of freedom if the slaves of today will be the tyrants of tomorrow? – hindi ba kung gagamitin din lang ang mga hybrid bilang sandata o di kaya basta gamit lang tulad ng mga robot, ganoon din yung tatahaking landas ng mga lider ng bansa sa mundong yon? Gagamitin din yung mga hybrid para masakop nila ang mundo. Puro sakop at puro power. Kung masama yung layon ng rebelde kaya kailangan i-disappear, paano pa kaya yung maaring sikretong hangarin  nung nag-eexperimento (at nagpo-pondo) sa mga human-phantom hybrid?
Ang role daw ng fiction e mag-present ng alternative reality sa panahon ng ang reyalidad e wala nang pinag-iba sa impyerno kung san may kultura ng impunity, naghahari ang power. Kung sisipatin ang cinema bilang shared dream, ang role siguro ng fiction sa cinema e para matuto uli tayong mangarap, sa sistemang pinapatay ang kung ano mang pinangarap mong buhay nung bata ka. Kaya ang puno’t dulong tanong sa mga ganitong pagninilay e maganda ba yung inihaing pangarap, yung alternatibong reyalidad na pinanaginips sa atin ng Musaigen? Ito ba yung mundo na gusto natin pangarapin? Na gusto natin puntahan kung sakaling magkaron tayo ng option na mamili between real world or fiction world? Ang sagot ko e hindi, dahil kung tutuusin e wala naman pinag-iba yung mundo nila sa mundo ngayon. Ganoon pa din naman ang siste. Nadagdagan lang ng super powers at phantom. Ang kabuntot na tanong, worth it ba panoorin? Oo basta ‘wag seryosohin. Dahil ang punto ng palabas e hindi yung istorya o ethical dilemma ng existence ng mga phantom, hindi din yung character development dahil kung tutuusin e upon introduction ng mga characters wala naman kulang sa kanila o kaya wala din naman silang inaasam na mas malaki pa (tulad ni Luffy). Like a good slice of life, panoorin lang yung pamumuhay nung mga character na wala naman masyadong problema bukod sa pang-araw-araw. Dahil ganon, hindi pronounced yung curve ng character arc nila, relatively flat from episode 1 to 13. Ang punto din e hindi yung character relation dahil, despite being a harem, wala naman major romantic conflict between characters. Walang team girl a vs team girl b. Papanoorin lang siya bilang ecchi. Pero walang teasing na magaganap o strip tease o mauudlot na foreplay. Siguro kung may body horror ito e body ecchi. Flex lang ng kyoani sa anatomy animation nila. Inexplore lang nila kung paano mapapalabas yung eros through poses and volume ng 2D drawings. Bilang nagd-drawing, eye candy yung animation ng katawan dito. So watch it as that, nothing more than a display of grasp on human anatomy in 2D drawings.  
2 notes · View notes
rahfia · 1 year ago
Text
AGS1: The Love Investment by Lena0209
" At hindi ko susugalan ang 1 percent ko kay Arthas para sa 99 percent ko para kay Rico" - Jaesie
" After all, hindi ako sumusugal sa alam kong talo ako." - Rico
Ka-emehan :
Jaesie Rosenthal - alpha female talaga siya for me. It really takes a very patience man to handle her. Hindi kasi siya yung tipong naka-depende sa tao. Kung pwede nga lang sampalin ka ng pera neto, gagawin niya. She is not likeable in terms of ugali, hahaha aminin na-bwiset kayo sa situation niya kay Arthas at Myles. Hindi rin clingy, walang kilig sa katawan, puro trabaho at cafe lang ang mahal--pera pa pala. Habulin lang talaga kasi ganda eh. Pero what I like about her is how she thinks/see things. In short matalino. For some, intimidating din.
Rico Dardenne - Ewan ko ba dito, isa rin walang kilig sa katawan. Hahahaha. Pero havey, naman to. Things about him naman, planado lahat. Business-minded talaga ang loko. Kaya kuhang-kuha rin niya ako kasi naman kakaiba ang mindset, bet ko talaga mag birada niya sa buhay. Ayun, sobra rin sa talino at diskarte sa buhay pero ang importante good boy naman pala siya, matabil lang dila. Hahahaha. Minsan eto rin hinihintay ko mga real-talk niya hahalukay ng buong pagkatao mo.
Inumpisahan ko talaga to kasi nakikita ko sa twitter. Sabi ko kapag bet ko bibili ako ng physical book na hindi ko alam kung meron pa kasi end na pala ng pre-order. At wala pa ngang half yung story ayun sold na ako. Hello Rico, book version agad. Buti nalang meron pa kundi iyak nalang muna ako. Hahaha.
Sa umpisa hindi talaga likeable si Jaesie, kapag binasa mo ikaw ma-stress sa mga ganap niya sa buhay eh. Yung issue niya kay Arthas at Myles na sobrang toxic plus malito ka kung bakit fling niya lahat halos ang Alabang boys. Iniisip ko matalino naman siya, successful pa nga. Anyari girl? Papaganun ka talaga pero na-justify naman niya. Then Rico came, ayun umikot mundo ni ate mo girl. Hahaha. Kelangan lang pala ng real life tutuktok sa ulo niya, yung sasabihin talaga sayo na kung pangit pangit talaga wala ng tanong kung bakit. Period agad. Si Rico kasi hahayaan ka lang niya kasi ikaw yan. He doesnt want to change Jaesie pero nandun siya to guide her sa tamang route. Diba life coach. Hahaha
Isa pa sa nagustuhan ko, hindi ko na sure kung success story ba nabasa ko kesa love story. Hahaha. Oo ganun nga. I live for the bardagulan pero matalino version. Yung mga insights nila na nakakaloka na. Gusto ko mong yumaman? Makinig ka kay Rico at Jaesie. Pa-seminar kaya sila. Hahahaha. And of course ang every encounter with the malevolent mum at arrogant dad. Hahah intense yon.
Sabi ko nga not a typical love story o kung love story nga ba to. Grabe kasi kung risk talaga pag-uusapan, iba si Rico eh nag-franchise. Alam naman na hindi niya to gagawin na alam niyang malulugi siya pero si Jaesie na manhid(slight) kalaban mo. Kaso yung offer kasi ni Rico, tempting naman talaga. Hahaha. Pero I guess, same feathers flock together and nahanap nila talaga ang katapat nila. Sobrang match sila sa lahat eh,for me ha. It was a long process love affair na dinaan sa business plan, business deals, money at kung ano ano pa na hindi naman nakakakilig pero sa huli kikiligin ka nalang kasi eto na hardwork pays off talaga. Act of service ba naman love language mo mapapagod ka talaga pero alam mong may award sa huli. Success talaga.
Some the lines na bet ko kasi wala lang.
Mga salita ni Rico talaga. Eto yung he knew how to handle Jeasie na strong, independent woman.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
This line from Jaesie... Hinintay ko to. Hahaha kung si Rico proud. Ako rin. 🤣🤣👏🏻👏🏻
Tumblr media
So true. Kasi alipin sa salapi is real. Hahahaha
Tumblr media
So ayun lang. Syempre bias ko Rico for now. Tsaka na ko mangapit-bahay. Hindi pa tapos ang laban. 😂😂 Again, thank you Ate Lena. Huli mo talaga mga bet kong story.
0 notes
thesecoldfeet · 4 years ago
Text
pa-june 3 palang pero pagod na ako. lelz. dami kong energy tumawa at magchika pero honestly, there are days that i'm losing it. siguro malaking part ng pinagdadaanan ko eh yung gulo ng mundo. ang gulo gulo ng mundo. nakakatakot, ang sakit, nakakakaba. ito ba yung gusto nating iwan sa mga susunod pang henerasyon? hay. lol.
anyway, pride month nga pala ngayon. birth month ko din. sabi ko talaga iba ang feeling ko sa june. i feel like may magandang mangyayari sa buhay ko at sa birthday ko na cineclaim ko naman na hindi ijjinx ng Lord. last june 1, i talked to my brother and confessed that i am bi. sobrang scary sa part ko kasi i really don't know how he will react pero thank goodness naman na he said it's fine and tanggap niya ako. di ko maalala nakailang tabong luha ako non. sobrang sarap sa feeling na tanggap ka ng mga tao sa paligid mo and surprisingly, matagal naman na daw nyang ramdam kahit nung in a relationship pa ako. i also have a new friend. 🌸
syempre dahil may mga magandang nangyari, meron din namang mga bwiset. hahahahahaha. it broke my heart pero i don't want to dwell nalang din kasi it's all in the past now. nonsense nalang din idiscuss or something. sobrang gusto lang ipursue yung mga plano ko sa life and si Lord syempre. hehe! saka gusto ko na din pala mag-asawa. CHAROT.
i still have a long way to go pero it's fine. willing naman akong daanan lahat kahit minsan talagang nasusubukan ka. ang sad lang ng konti sa part ko kasi i feel like 2020 is my year (and some parts ginagawa ko talaga best ko this year) yet i cant fully celebrate kasi ang gulo gulo sa labas. i really hope matapos na lahat ng to. puhon 🌸
7 notes · View notes
pinaasang-umasa · 5 years ago
Text
This gloomy weather and sentimental songs made me think of how stupid i am for not being true to myself.
Oo na, eto na. Aaminin ko na, kahit hindi ko alam kung tama ba. I'll stoop my level, again. Ako na naman ang bababa for hoping that this time, this will work.
Naguguilty ako for not telling the truth. Naguguilty ako kasi i even take the risk of involving people na hindi naman dapat. Naguguilty ako kasi alam kong mali. Hindi lang naman ikaw ang niloko ko, pati sarili ko hanggang ngayon ay apektado.
Nakakainis ka naman kasi. Inano ba kita? Why does you always keep on asking kung who's the person ba, and eto ako, always feeling the butterflies everytime na papaaminin mo ako. I know, this could be an indirect confession, pero oo na, alam ko namang alam mo ikaw naman talaga yung gusto ko. Gusto, siguro. This can't be too serious pero siguro na-infatuate ako sayo. Oo. Who am i not to be ba kasi? Showing care and enthusiam kahit na there's no reason for you to do that. Who am i not to fall for those good nights, good mornings and ingats? Who am i ba, knowing na i'm too fragile to fight back these feelings na alam kong this time, totoo na.
I even take the risk of letting ed go, para sayo. I started to ignore his messages, natuto akong iinbox zone siya sa tuwing ichachat niya ako nung bakasyon. I started na iseen at mag react nalang sa lahat ng mesages niya na i don't find interactive.
Alam kong alam mo, pinapaamin mo lang ako. And now, super naguguilty ako dahil pati yung kaibigan ko naidamay ko na. Walang alam si bert na ginawa ko siyang cover for the sake of not telling my true feelings.
Nahihiya kasi ako, though alam kong alam mo na hindi ako mahiyain in the first place. Nahihiya ako na, ako na naman. Ako na naman yung dahilan kung bakit i'll start something new. I just become too tired telling my feelings sa taong gusto ko. Hindi ko alam kung saan ako lulugar.
I don't want you to think na i'm expecting something in return pero pucha naman kasi, bakit ka ganyan sakin? Ganyan ka ba sa lahat? Ano ba ako sayo? Hindi ba dapat tapos na tayo dahil ang usapan lang naman natin sasamahan lang kita, pero bakit nagtuloy tuloy na to???? Nakakainis ka, sobra. Shems, i'm too vulnerable for letting this thoughts go.
Nakakainis ka. Sobra. Alam kong alam mo. Bwiset ka talaga. Bahala ka sa buhay mo.
Ngayon ko napatunayan na hindi pala magiging right move kung malalaman ng ibang tao yung outlet mo ng mga ganitong bagay. Ang hirap tuloy mag voice out lalo na't wala naman akong ibang napagsasabihan about dito. Bwiset talaga. Wrong move na ipinagkatiwala ko url ko sa iba, though ang goal ko lang naman nung binigay ko blog ko is for him to know na may ed ako that time, pero things went upside down at ngayon, ikaw na laman at dahilan ng lahat ng to.
Bwiset ka. Always.
How it all started ba? How did i fall for you?
Kaya siguro may mga relasyon na nasisira kasi wala talaga sa tagal ng pagkakakilala. This was way too clichè, pero totoo. Ngayon, iniintriga ako ng mga kaibigan ko kasi they've always asked me kung sino ba yung bago. Kung sino ba yung tinutukoy ko sa mga tweets ko. Kung kaninong screenshots ba ang nagpaparami sa gallery ko. Kung para kanino ba ako sinisipag na pumasok ng maaga sa pagbabakasakaling makita ka.
Lintek, pinaamin mo na ako. Okay na? Okay na sayo to? Pero pucha, panindigan mo naman ako. Sana ganito parin. Sana okay parin. Hindi ko inaasahan na irereciprocate mo sakin ang kung ano man ang nararamdaman ko para sayo ngayon, gusto ko lang maramdaman na i have someone na kakausapin ako constantly. I just needed someone na mapagsasabihan ko ng mga ups and downs ko sa buhay. I just needed a piece of you para maging human outlet ko.
Hindi sa magaassume ako, pero parang ganon na nga, na kung ano ba ako sayo. Bakit ganyan ka? Ganyan ka ba sa lahat? Potek. Pinapahirapan mo naman ako mag isip. Ang hirap lumugar sayo.
Now, i'm just hoping na mabasa mo ito and act like you don't care at all. Sabihin mo kung ano yung gusto mong sabihin. Wala akong pake kung masakit, sanay ako.
Masyado nang mahaba, masyado ko nang naikuwento lahat kahit na alam kong kulang pa dahil hindi ko narin alam kung saan ako magsisimula. Basta ang alam ko lang na nung umpisa palang, alam kong mali na, alam kong may iba na. Na hindi na normal to. Pero okay lang. Tama na. Nasabi ko naman na.
3 notes · View notes
diaryniel · 3 years ago
Text
"Konti nalang mamumura na kita"
"Masyado ka problemado, gusto mo pa ako idamay sa problema mo"
"Wag mo ko bwisitin"
"Landiin mo na carl mo"
It hurts like hell. Grabe. TBH lang ha, kahit yung ex kong gago na manloloko na sinungaling, never ako sinabihan ng ganyan. tangina walng respeto. Siguro nga tama na hindi ko na dapat siya binalikan eh. nagpadala lang ako sa emosyon ko. ayaw niya ako magpaadvice sa mga kaibigan ko kasi ayaw niya marealize ko na sobra siyang nakakaoff. honestly, ubos na ubos na ako. disappointed ako sa sarili ko at sa kanya. Like alam mo kung bakit ako disappointed sa sarili ko? yun ay dahil isa akong bobo. Oo, bobo. ang dami namang tao dyan tangina dun pa talaga sa ganon ung ugali ikaw napunta. malas ka nga talaga oh. balak ka pa murahin oh. tangina eh si daddy nga eh hindi man lang kahit kelan namura si mommy. putangina. mals ko talaga. Ako na ata talaga pinakamalas sa lahat. hay nako wala ako ibang masabi sa asarili ko kundi ang malas ko tas bobo pa ako pumili ng lalake. Gusto ko nlang patayin ung sarili ko. Kahit kelan talaga ang tanga ko, tatanda ako ng maaga nito eh. bwiset. hindi pa nagpprocess sa isip ko na balak niya ako murahin. Sobrang sakit. Mals ko talaga pumili ng lalake. Bawi nlang siguro ako next life HAHAHAHA charot. pero seryoso nga, hihiwalayan ko na talaga to si eric pagkatapos ng school year. siguro nga ang magandang gawin is dapat mawalan ako ng pake tas wag ako mauunang magchat. Check ko nlang ung chat namin sa saturday ng gabi. Tangina kesa pa pahirapan ko sarili ko. Diba.
0 notes
cpa-in-process · 6 years ago
Text
enrollment
so ayun continuation ng enrollment namin kahapon. i went my college with a friend na same course kami. ang aga namin shet. 9 nasa cca na kame. tapos ayun yung sa admissions nagtatawag sila ng names tapos binibigyan nila ng form. so tinanong ko katabi ko kahit di ko kilala kung saan nagpapalista hahahahahaha narealize ko wala akong hiya shet. sabi nya pag natapos na mga tinatawag ibibigay saming mga bagong dating yung listahan. and so they did. edi ayon, nasa 3rd column kami ng friend ko tapos wala ng nakaupo sa front. tapos pinagforward kami. shookt kami pareho kasi kilala kami ng teachers don. “mellainne diba?” oo naman ako tas tingin sila sa katabi ko, “agui diba?” oo din siya haha tapos una kaming binigyan nung forms tapos finill upan na namin tas punta kami sa station two. pagkadating don pinapasok kami sa may tapat na room. tas ayon may pinasagot nanaman. personal info. tas sa likod meron educational background. eh mej maliit lang yung space, pinuntahan ko yung prof tinanong ko pano kung isusulat ko ba lahat ng schools na pinasukan ko ng highschool (tatlo kasi yun palipat lipat ako hahaha) tas pagkasyahin ko nalang daw edi go. tapos meron din sa baba parang slam book mga tanong haha meron don ‘Characteristic that best describes you: _______’jusq hahahaha tawa kami ng katabi ko kasi parang ang hirap sagutin. di naman siguro nila tatandaan mga sinagot namin don so nilagay ko ‘shy type’ hahahaaha yung friend ko ‘simple’ daw shet hahaha tas ayun yung sa baba meron pa strengths and weaknesses next na table non meron naman yung ambition/goals, talent/skills, tsaka hobbies. meron din interests and fears. limot ko na iba eh pero parang slam book talaga hahahaha tas pinasa na namin tapos nagproceed na yung friend ko dun sa prof na lalake tas hinintay nyako dun. jusko pagkadating ko dun binenta na pala ako ng kaibigan ko pinapasali ako nung prof sa school paper. sabi ko kasi sa kaibigan ko parang ayoko muna ng extra curricular kase priority ko pahinga hahahahaha tas yung prof naghihintay ng saggit ko shet sabi ko nalang pag iisipan ko haha tas ayun nilihis ko nagtanong ako about bridging class namen kasi yun dahilan kaya di ako nag a apply ng work eh tapos biglang sabi di na daw sure yon like ?!???? jusko pagkapasok namin gusto nila advanced acc na itake namin pano kaming non abm?????? tf sabi ng ched di icrecredit mga tinake na subject sa shs pero anyare na????? hay auq na edi layas na kami don punta ng comlab gawa ng school gmail tapos punta ng dean’s office kuha ng sched. classmate kami ng friend ko tapos night/afternoon shift kami. punta kami ng library papa ID . nasa dulo yung nag pipicture so diretso kami dun tapos nag ayos muna kami. konting polbo tsaka liptint lang. tas pila na kami. buti naalng konti yung tao shet kasi kailangan pala mag fill up nung ID form na nasa bandang entrance ng library tapos wala kami ng friend ko pati mga kasunod namin hahahahhahaha nakakahiya tinawanan ko nalang kaya tumawa din sila bwiset hahaha gusto ko magpalamon sa earth tas ayun nakapag pa ID din naman kami tsaka na natapos enrollment.
self assessment: shy type ako pag ako mag isa pero wala akong hiya pag may kasama ako hahahhaha
ang hirap i sink in na college nako. hirap pa din lumipat ng daan sa mga highway. yoko na. hahahaha
1 note · View note
sunb0rn · 4 years ago
Text
20 Mar 2021
*i used to delete conversations kaya start nalang ng August.
alam ko I told myself na hindi na ako mag bubura, na gusto ko nang maging normal lahat. gusto ko nang masanay sa kung ano man, gusto ko nang mag stop na maging affected masyado, gusto ko nang maging kalma- yung last July messages ko sayo I was talking about “things” like hindi ko maintindihan kung bakit di ka nanaman nag rereply but I think we’re okay kasi binati mo naman ako nung birthday ko so, I think we are at hindi na dapat ako mag isip ng kung ano ano. 
August 2021, since then hindi na ako nag bura ng convo. siguro ng messages oo (yung remove to self).
Aug 4, nag comment ka sa bedsheet posting ko (stories)- that was after almost a month na di tayo nag usap.
Sabi mo "cute naman nito". Yung starwars beddings yun. Sabi ko yan nalang iregalo ko sayo (though may iba akong plan na iregalo). Pinagalitan mo 'ko. Kaya sabi ko para nalang sa bed ko at iingitin kita. 😋
Aug 9, nag reply ka ulit sa story ko; sa pag pagbebenta ng gulay.
nag kwntuhan tayo onti about sa quarantine, sa paglabas labas mo, tas kinamusta kita.
nagtanong ka kung bakit, sabi ko gusto lang kita kamustahin. sabi mo namimiss nanaman kita.. and wag kita mamiss kasi mawawala/nawawala ka. 
sabi ko "sige 😉". sabi mo mag gaganon ako, tas sasama loob ko. *separate post on this
I changed the topic- binalik ko yun bout sa starwars beddings para mang asar. hahaha. then yung paglalaba. Don mo lang din pala nalaman na I'm staying sa apartment ni Mae for MECQ. Nasa comp shop kna din non, kaya sabi ko laro kana. Pinaalalahanan din kita na mag ingat kaso ang kulit mo nakaka bwiset. hahaha. sabi mo naman nag iingat ka.
Eto din yung day that you told me na kung may gustong manligaw sa akin, go ko; kung gusto ko. *separate post on this
Then kinamusta ko enrollment mo.
Aug 10 12:48am,, may time pa, haha. wala naman, gusto ko lang lagyan. random kwentuhan lang, na may konting asaran, etc. (ikaw na mag isip kung ano yung etc. na yun. hahaha. basta hindi "landian" yun. hahaha.). Yung mga ganito ang pinaka gusto kong tayo. 
Aug 11, halos ganun ulit pero about sa shoes na malaki sa akin (nag comment ka ulit sa stories ko).
then yung nagpapa sundo ka jan sa inyo. haha. nakakatawa/tuwa yung usapan tungkol don. seryoso. at the same time, naiwas na ako dto sa pagiging *too much, gusto ko nalang kasi talaga muna yung chill na usap. I mean, ako, pwede ko pa din naman ipa feel sayo, how mch you mean to me in the simplest ways.
Aug 12, nag good night lang ako sayo. hindi ka nag reply but i think it felt okay. sana hindi kita inaway at binura lang yung message. 😐
Aug 15-16, two days tayo hindi nagka usap prior, suddenly you told me na nag positive sa Covid ang friend mo. 😔 We had a few exchanges about sa situation.
ganun sana eh. kung hindi talaga kaya yung consistent usap. basta yung alam kong anytime pwede tayo mag message sa isat isa, either for random stuffs but lalo na yung mga importante. yung walang hesitation, especially on my part, na mag message syo (of course unless sabihin mo TALAGA na wag muna. lol. marunong naman ako makaintindi.). Yung walang takot kasi alam ko na kahit di ka mag reply, I won't feel rejected.
Aug 16, *random stuffs again ☺️
and yung "kapag sawa kana sa away sawa kana din sa tao" *separate post
Aug 20 12:46am, nag chat ako ng good night with a cute photo of a cat (na mukang naiyak). I can't remember if I was crying that specific time, pero alam ko when I first saw that photo, is sad talaga ako. Hindi ata tayo nag kaka usap, pero di ko sure if hindi ba tayo okay. You replied at 1:37 am, siguro tulog na ako non.
You sent me a message again at 6:38am, "marry me, now na". *separate post//continued ng Aug 21
*random kwentuhan ulit ☺️
Aug 21, nabanggit mo yung pagkasira ng lappy 😔 and wala kang pera, no choice at need mo humingi kay nanay mo. 
Sabi ko if may pera ako papahiramin kita. Sabi mo hindi ka din naman uutang, at madami kapang utang sa akin. I asked kung ano yun (but I think alam ko kung ano tinutukoy mo. and yun nga,). Sabi mo yung mga pahiram ko sayo kapag nalilimutan/nawawala yung susi ng condo. Tumawa lang ako. Hindi ko sinabi na that was one of the reasons why I stopped bothering you, inisip ko non na baka isipin mo kaya ako habol ng habol is dahil may pera pa ako sayo. hahaha.
Kinamusta ko yung friend mo na nagka Covid; 
kulitan bout sa CR, tpos random stuffs.
Aug 22, You suddenly asked ano ginagawa ko. 
usap bout sa paglabas mo para ipaayos ang lappy and, bout sa cord ng mga chargers natin na parehas sira. Sinabihan mo akong wag tipirin sarili ko at bumili na kung kailangan. 
Napa open up tuloy ako wala sa oras- yung tungkol sa prob ko sa puhunan dahil nagbigay ako sa cousin ko. Ayon pinagalitan mo ako, at nilambing kita na wag mo ko susumbong kay mamy. hehe. sarap sa feeling, kahit hindi (pa) totoo. 😅
Aug 23, 25, 28- nag cchat ako syo. hindi ko sure if may importante ba akong sasabhin or just checking on you. hindi rin ako sure kung sumama ba loob ko nito or hindi naman, likee I just missed you.
looking back, i think by this time nasasanay na ako sa ganon. i mean, if wala akong dinelete na chats ng “pagddrama” or what, okay naman yung last usap natin. so hindi naman siguro ako worried sa kung ano man reason ng hindi mo pag rereply. may mga last convo kasi tayo na isip ako ng isip bakit bigla ka nalang hindi nag reply.
...
#B
0 notes
ygmitsu · 7 years ago
Text
021718 - The Day 3
Kabwiset tong tumblr. Nandun na eh. Biglang di napost bwiset.
Eto na nga j1 asked if may nagugustuhan ba daw me sa school sabi ko im not sure kasi aral lang naman ginagawa ko or tulog sa room hahaha. Tapos sabi ko si sir JJ yung prof sa aero pati si gummy yung poging beki naming classmate. Sabi nya kung gusto ko ba daw yung JJ hahahahaha sabi ko trip lang yun ang babaw ko naman if gusto agad. Sabi nya eh si “S” may gusto daw ba ko doon? Haha si S yung kasama ko bumili ng gitara. Sabi ko “wala bruh ko lang yun. Kapatid ganon.” Bruh lang talaga yon kasi yun din tawagan namin. Lagi ko din talaga nakakausap yun kasi nga madami kami similarities esp. sa music haha. Sabi nya bat daw di na kami ganong nag uusap non. Tapos kinwento ko yung issue. Nag ask sya if nahurt daw ba ako? Sabi ko syempre bilang kaibigan na iiwan ka lanf walang explanation nakakahurt talaga kahit siguro relative mo pag iniwan ka ng biglaan tapos walang paliwanag masakit. (During this time na confirm ko na na nagseselos nga sya kay S minsan kay K din hahahaha) sabi nya sa kanya daw? Ano daw ba tingin ko sa kanya? Sabi ko muka ka namang tao hahahaha
Eto na talaga, the confession lol. Non verbatim po lahat. “Gano katagal na nga tayong magkaklase?” “Two sems.” Sagot ko. Sabi nya “nung una palang kasi kitang naging kaklase.. parang nagagandahan na ko sa ngiti mo.. tapos pag wala ka parang hinahanap hanap kita.” Hahahaha natawa ko sabi ko “ano ko mama mo? Hahaha djk okay tapos?” Naka side view ako sa kanya nyan nagbubunot bunot ng damo oara di kami maawkward parehas. Hahaha “haha hindi naman tapos yun nga parang napag isip isip ko na.. na gusto na kita.” “Okaaay soo? Ano? Haha” “kung okay lang sayo pwede ba kong manligaw?” Sabi ko “gusto mo malaman yung totoo?? Are you sure? 100%? 101%? Sure na sure na? Haha” sabi nya oo sure na daw sya. Sabi ko “alam mo naman na siguro na ayaw kong madisappoint sakin sila mama. Nakwento ko na rin naman sayo yun kanina. Bawal pa ko sa relationships hanggang makagraduate. Pero sakin ayaw ko muna until makahanap ako ng work kasi gusto ko munang makabawi sa kanila. But im giving you a chance kasi naging kaibigan na rin naman kita. Yun nga lang mag hihintay ka. One and a half year or baka 2 years pa nga eh haha. Matagal yun ikaw rin baka mapagod ka. Makakakita ka pa ng mas maganda, mas mabait, mas matalino. Kung ayaw mo naman maghintay okay lang din haha maiintindihan ko naman bc that’s how life works.” Sabi nya “di naman matagal yun. Mabilis nga lang yun eh. Tsaka di ko naman kailangan nung mga mas maganda etc na yun. Kailangan ko lang ng taong magmamahal sakin.” Tapos bumanat pa yun sya e hahahaha nakalimutan ko lang something like “ang alam ko lang magmahal sayo” di ko na matandaan hahahaha pero sa sobrang natawa ko sabi ko “BOOM PANES HAHAHAHAHA YAN ANG MGA BANAT” “GALING MO NAMAN PO BOY PICK UP” hahahaha ang loko tinulak ako tumba tuloy ako sa damuhan kahit nakaupo lang kami hahahahaha mas kinilig pa ata sya or napahiya lang dahil sa pinag gagagawa nya hahaha nung pauwi na kami hatid na daw nya ko. Inabot na kami ng 9pm sa sobrang tagal nya magsalita hahahaha.
Tinatanong ko sa if pagod na sya sabi nya di pa naman daw tapos ako if antok na daw ba ko sabi ko oo. Hahaha nakatulog na ko agad agad pag andar palang pero di pa ko in deep sleep. Matutumba na ata ako kay ate sa left side ko ng naramdaman ko kinuha nya ulo ko tapos sinandal sa balikat nya tapos yung left hand nya naka hawak sa ulo ko para alalayan at di malaglag. Shook ako kasi yung right hand nya hinawakan kamay ko. Hahaha i mean tatlong daliri lang ng kamay ko hinawakan nya. Tapos maya maya apat na daliri na hahahaha lol ewan ko ba dun. Natulog nalang ako ulit kasi ang akward na gigising ako sa ganong scenario. Hahaha tapos may bumaba sa sm. No choice kailangan nya gumalaw para maisara pinto kasi nakaupo sya malapit dun. Kaya nagising nadin ako. Gulat sya eh hahahaha natakot siguro kasi hinawakan kamay ko di nagpapaalam! Hahaha nagpanggap nalang ako na di ko alam lel. Hanggang makababa na kami sa armstrong sabi ko “uy sorry di mo na ko pwede ihatid samin baka kasi may makakita” papasakayin ko pa sana sya sabi nya wag na daw pasok na daw ako. Chinat ko nalang na mag van or mag jeep pa baclaran kasi same lang naman sa heritage lang dun last route non. Tapos nag thank you na din me. Pinagalitan ko nga sabi ko magpaalam. Tinatanong ko din kung di pa hinahanap sa kanila. Di pa naman daw sabi ko swerte talaga pag lalaki hahahaha lol. Ayern pagbaba ko sa street namin sinalubong na ko ni insan at nung friend namin. Kwento daw agad agad hahaha ayern nagkwento na me. Sabi nila “so official na? Dating ba?” Sabi ko “waiting” hahahaha at dyan na nga po nagtatapos ang kwento ate charo. Char
PS. Amoy baby yung kamay ko hahahahaha naalala ko pabango pala non yung bench baby ata. 😂
1 note · View note
onewordenglish · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Titus Pen Party with Colors Vol. 2
Yey after 10 days, maibablog na din kita.
Ito siguro yung masasabi kong pinakamaganda at masayang nangyari sakin sa buhay ko, joke lang. Sabik na sabik talaga ako sa concert na ito, kasi hindi ako nakaattend last year. So ayun na nga, hindi naman lugi yung pagbili ko ng sandamakmak na ballpen para makakuha ng ticket. So ayun na nga, start nun 2 PM. Nakarating naman ng 2PM pero hindi ko talaga kilala yung mga naunang tumugtog so chill pa kami nakaupo lang sa gilid. Pero nung si DJ na at yung future boypren kong si Victor Pring, sumama na din kami sa crowd, naks crowd at nakiparty party. Nakakatuwa nga yung mga tao don ang sisigla. Hahahaha. Sumingit singit para makapunta sa unahan, pero hindi kinaya eh. 
Tiniis namin ang init, siksikan at kakaibang amoy para lang mas makita ng mas malapit ang banda, bat kasi nasa huli yung mga paborito ko kaya ang tagal namin nakatayo don. Hale, spongecola at silent sanctuary talaga yung pinakahihintay ko don. Nung yung Silent at Spongecola nalang ang natitira, nagkagulo na, nagtulakan, okay naman magenjoy ng ganon pero sobra sobra. Ilan beses na naman akong nakanood ng ganon pero hindi ganon kagulo. As in may mga umiiyak na, ayaw pa din magsitigil sa pagtulak, kaya umalis kami sa pwesto bago pa kami mamatay sa pagkakaipit at matapaktapakan. Minsan kasi mas okay pa na sumuko nalang kasi baka masaktan lang. Yown. Salamat don kay koya na nasa harapan ko na tanging pinagkakapitan ko, pisil na pisil ko ang balikat ni koya. Yum. Hahaha.
Don kami pumuwesto na sa huli, maluwag, hindi siksikan at malamig lamig ng konti. Mas kita naman pala don sa huli kesa don sa medyo unahan nga eh nakakanood lang ako don din sa phone na nagvivideo dahil hindi ko kita. Tangkad kasi. Bwiset. Hahaha. So ayun nga tumugtog na yung Silent Sanctuaryyyyyyyyyy jusko ang sarap sa pakiramdam kasi ba naman lahat ng kanta nila nasasabayan ko, tama lyrics at hindi lipsync. Di gaya sa mga ibang naunang banda, na hindi ko talaga masabayan kasi hindi ko alam. Hahaha. Wooooh ang saya talaga. Sarap sumigaw at tumalon talon. 11 PM na kami umalis don hindi pa tapos yung spongecola kasi gutom na e.
Nakakapagod at nakakagutom pero promise uulit ako!
Hi nga pala kay @jhellovesyou, na nakita ko sa MOA, pasensya na sa paghampas ko sayo, nabigla lang ako kasi nakita kita omg. Hahahaha. Sana kilala mo pa ako. Hahaha
Salamat kay zizzy, extra zizzy at sa hindi ko zizzy sa pagsama sakin :* Sa uulitin mga pines!
9 notes · View notes
bettylalouuu-blog · 7 years ago
Text
Kung may nabibili lang na gamot sa katangahan, pinakyaw ko na talaga matagal na. Hay buhay!!!!!! Kung bakit naman kasi nung nagpa ulan si Lord ng katangahan may nasalo ako tapos nung nagpaulan ng pagmamahal sa sarili dun pa ako tulog. :( Osha, Cherry Lou Villardo Betila!!!! Magpakatotoo ka na dito, okay? okay. Huuuuushet!! THE IZTRUGGLE IZ REAL😂 Ang hirap ng lahat para sakin lalo na kapag usapang puso na. Dati palang hirap na talaga ako magsabi ng tunay kong nararamdaman sa mga tao. Mas pinipili kong itago nalang kaysa magpakatotoo sa nararamdaman ko, mas madali para sakin magpanggap kahit ang totoo ay hirap na hirap na ako, mas naiisip ko pang ngang gumawa nalang ng mga kwento para lang mapagtakpan ang katotohanan eh. 
PSSSSHHHH ANG BS KO ‘NO? Yan yung naging issue ko last 2015 with a guy na naging close ko at sige sabihin na nating nagkafeelings ako at ang complicated ng panahon na yun  at nasaktan ako ng sobra at nahirapan akong magmove on pero okay na kami ngayon. HAHAHAHAHAHA So eto na nga…. ayan na nga!! Lately, parang somehow everything’s going back the way it used to be pero siyempre may nagbago narin. Nung mga panahong nagmomove on pa ako kahit hindi naman naging kami (nandidire ako kasi ang drama jusko HAHAHA), hindi kami nagpapansinan at umiiwas talaga ako pero simula nung nakapag usap kami at nagkalinawan na nitong taon lang na ‘to, parang nag umpisa ulit yung pagkakaibigan namin. YEP FRIENDS!!!!!!!! At first akala ko parang civil lang kumbaga okay kami ganern tas casual talk nalang pero ngayon kasi na okay na kami, nagkakausap na katulad ng dati at nakakagulat na nakakasama ko narin siya gumala. May mga iilang taong nakakaalam ng nangyari before kaya di maiwasang may mga magtanong sakin na madlang pipol pero siyempre deny ako kasi yun naman talaga ang totoo. Pero sige na, aamin na ako na naiilang ako kasi kinikilig ako???? Shutames!! Oo na ako lang yung medyo nakakaisip ng malisya kahit alam kong wala naman talaga. Just to make it clear, ako yung may problema ha? AKO. Sa tingin ko naman kasi normal na sa kanya yung pagiging ganun at mukha namang ganun siya sa lahat ng kaibigan niya. 
So ayun habang tumatagal ramdam ko nga na parang nagiging close na ulit kami at katulad lang dati natatakot ako kaya si acoe ay nagset na ng ganto ganyan ganire ganern. Hindi ko maexplain kung ano yung “ganto ganyan ganire ganern” pero siguro yun yung mga defense mechanisms ko? I tell people na parang kapatid ko na siya kasi yun yung gusto ko mangyari pero parang hindi ganun ang lumalabas sakin :(( Tapos as much as possible i also say things to him na nakakapagpaalala sakin kung ano lang kami at hanggang dun lang dapat. Kasi hearing questions like “sure ka bang friends lang? “baka may something pa?” “wala na ba talagang chance?” “ayaw mo na talaga” makes me question myself too & nagdodoubt narin ako sa nararamdaman ko. Oo, dumating na sa point na tinatanong ko narin sarili ko tas idedeny ko rin. PARANG TANGA DIBA? Pinaniniwala ko ang sarili ko sa isang bagay na alam ko naman talaga ang totoo. Hay Cherry Lou!!!
“You can’t just be friends with someone you were once in love with” // “You can never “just be friends” with someone you fell in love with” Gagi dati sabi ko pa “maturity” lang kailangan para maging kaibigan mo yung taong minahal mo pero shet binabawi ko na. Hmm actually pwede mo naman talaga maging kaibigan eh! It’s a matter of choice pero narealize ko na hindi pala pwede yung friendship na meron kayo bago kayo magkasomething. Kasi sabi nga pag naging friends daw ulit it’s either meron pa daw natitirang feelings or you never loved that person. HAGUUUUUY?????? HAHAHA :( Okay fine sige, ipagpalagay nating siguro nga i still feel something for that person pero ayaw ko na kasiii. AS IN  A Y A W   K O   N A !!!!!! Ano Cherry Lou? Hindi ka pa nadala dati? Ano? Magdodoctoral sa katangahan? Though i know that he’s not gago anymore (well he is parin HAHAHAHA) pero mas wala kasi akong tiwala sa sarili ko. Madalas kasi ako lang din ang naglalagay sa sarili ko sa sitwasyong alam kong masasaktan lang ako. Sa totoo lang, di ko nga alam kung nawala ba talaga at bumalik lang, eh kasi aminado naman akong di nawala pake ko dun. haaaay kung natuturuan lang talaga ang puso no? papagawa ako ng school na tinuturuan ang puso tas ako lang din papasok HAHAHAHAHAHAHA BWISET
So ngayon na meron pa nga, anong balak kong gawin? Actually wala. Hindi naman kasi nakakagulo sakin yung nafefeel ko. May tinatawag bang casual feelings? HAHAHAHA nahihirapan akong iexplain kung ano ba talaga nafefeel ko pero here it goes.. nagkakausap kami pero hindi everyday, tapos wala na talaga kaming mapag usapan kaya parang dead end palagi ang conversations pero okay lang sakin tapos kung magkaroon man siya ng girlfriend ngayon or special someone feeling ko magkakaroon ng unting kirot pero hindi na ako iiyak tulad ng dati, tapos may mga times na namimiss ko siya pero di ako nagdedemand ng time kasi hello sino ba naman ako?? Tapos masaya ako kapag nakakausap o nakakasama ko siya at naaappreciate ko pag nagtatampo siya kasi i feel like i’m important to him at ang cute niya magtampo bwiset HAHAHAHAHA Basta yung mga simpleng bagay na ganern! Actually ang chill lang talaga ng nafefeel ko eh. Kumbaga yes i feel those things for him but i won’t do anything about it, basta parang “hayaan mo lang ako na mahalin ka kahit di mo ko mahal” feeling. Mahirap pangunahan ang mga bagay bagay *natuto na ako*. Mas lalo lang kasi nagugulo kapag you let those feelings, fears, doubt at kung ano pa mang nega feels na lamunin ka ng buo kaya siguro chill lang ako. One more thing, kahit pa siguro na may nafefeel ako I think that we’re better off as friends, bestfriends or as kapatid niya para nababantayan ko ang gago hahahaha feeling ko nga parang nanay ako nun kung sermunan ko. HAHAHA de, gusto ko lang na palagi siyang masaya at nasa tamang landas 😂😂😂😂😂 at siyempre katulad sa lahat ng friends ko, ayaw ko siyang nagkakasakit, nasasaktan, at nakakasakit (EHEM HAHAHAHAHA). Hayyyyy mahal ko talaga yun kahit ang sakit sakit niya sa fats!!! 
3 notes · View notes
sapatosnasira · 6 years ago
Text
Nalasing siya sa isang bote ng smule 😢
Omg!!!!, ano nanaman ginawa ko at nalasing nanaman😭
Ang bad ko na talaga bilang boyfriend!!! Pinapayagan ko siya mag yosi pati ako naapapayosi... 😢😭
This have to be stopped, matagal ko na tinigil ang pagyoyosi at mamaya bumalik nanaman dahil sa lagi ko siyang pinagbibigyan, 😔
Starting next week, tlaga i'll be strict with my girl na!! ❤️ Papakita ko na. Tlaga yung pagiging boyfriend ko and wont tolerate bad habits anymore 😥💔
I love her sobra, and i really do have to say "no" pagdating sa yosi its so unhealthy😢, kanina habang lasing siya, paulit ulit niya kong sinasampal thinking i was ken, at sinasabi niya na walang hiya ka 😢😢😢
Well first of all pinayagan ko siya uminom, kasi i really felt she needs it, nag request siya, and
kaya pala she asked if sinabi ng guy na namiiss ka na niya missed ka ba talaga??
For me oo kasi ganun ako!, well i dont know with other guys but most and depending kung ano talaga namiss nila sayo!!, 😢 and i found out tumawag nanaman si kent, and saying sa girl ko na she did miss her, but alin dun sa part na yun???
Ano namiss mo sa bebe ko!? Ha kent!! Mag real talk nga tayu minsan, but tandaan mo di ko na siya ibabalik sayo and i know what you did at di ko hahayaan kailanman maulit muli yun sa kanya!!! Alam mo ken tang ina mo eh,, noh!!
Sabi niya sakin, gusto ko kalimutan yung past ko, gusto ko gumising na di ko na maiisip yung pinag gagawa ko noon, gustu ko maging wasted!! And yan ang sabi niya sakin....
Hearing those words, alam ko naaalala niya yun kasi tumawag ka kanina... 😔 😔 😔 😔 Kung pwede lang sana wag mo nang tawagan pre hayaaan mo nalang kami maging masaya...
Because if miss mo siya, talaga??? sana gumawa ka ng paraan, na bumalik ang tingin niya sayo nung hindi pa kami,... 😔 Pero bakit ngayun lang?? Ngayun ka lang ulit nagpaparamdam kung kelan huli na ang lahat!!!,
Ano trip mo bang, agawin siya sakin, tang ina mo pre di ko hahayaaan yun,!!!! Dahil mahal ko si jonabelle ❤️ at di ko hahayaaan na mawala siya sa piling ko...
Haaay, nag ooverthink nanaaman ako nito tang inaa!!! 😔
Pero alam ko naman, sino pipiliiin satin ni jonabelle at sana respetuhin mo! Siya this time..
Mahal ko siya sobra!!! At kung ano man namamagitan sa inyo sana putulin mo na, kasi nasasaktan lang si jonabelle everytime naaalala niya..... 😔 😔 😔 😔 Lalo na pag natawag ka kaya please tigilan mona thankyou
Gustu na nga kita kausapin, pero pinagtatangol ka padin ni jonabelle eh wag daw,,..... 😔 Pero hanggang kailan, hanggang kailan mo siya kukulitin 😢 hanggang kailan moko pakakabahin sa bawat inuman, na ipapaalam sakin ni jonabelle, oo may tiwala ako sa kanya pero sayo ken at sa tropa niyo wala!!
Umiinit ulo ko kanina, na naririnig ko nanaman si ken sa bibig ni jonabelle kanina pero, haaaay ano pa ba magagawa ko, manahimik at i support ang bebe ko 😢
Haaaay 😢 mas naaawa ako sa bebe ko kasi nararamdaman ko ang nararamdaman niya sa tuwing nagpaparamdam ka!!! 💔💔💔💔💔😥😥
Yung tipong move on naman siya sayo pero, hindi parin siya move on sa kahayupang ginawa mo 😔
Naaalala niya amamsamang bagay, 😔😔😔 at mas nahihirapan akong pasayahin siya pag ganun
Tang inaaa na bwiset ako!!! Sobra 💔 kasi nakita ko nanaman siyang malungkot yung puso ko ❣️ tumutulo ng dugo, dahil nalukungkot siya sa mga alaala,
Kaya araw araw ko siyang pinasasaya!! Para matabunan ang maling nakaraaan ❤️
10 na at nauubos ko na tong bacardi mag isa.... 😔 Di ako nalalasing sa kakaisip na dahil takot akong maagaw siya ng iba,
haaaaay!!!
Sana maging totoo si jonabelle sakin, sana makwento niya ang mga bagay na tulad nito na tumawag si kent, dahil habang patagal na patagal kami
Kinakabahan akong kulitin siya ng kulitin ni kent hangang kelan kaya ito matatapos,??? 🙄 Na wala na akong mararamdaman na kaba, dahil sa kabilang dulo, may karibal akong atat na atat sa girlfriend ko 😔
Minsan napapaisip ako, hindi minsan.... lagi... 😔 Kung tama ba tong mga desisyon ko.....
Baka ako lang naman ang namamagitan sa dalawa 😔😔😔😔
Baka tinangaap ako ni jonabelle dahil itong pagibig ko yung gustu niya maramdaman kay kent na matagal niya ng gusto....
Nagoover think nanaman ako!!!! Bat ganito ako tang inaaaa ayoko naaa!! Araw araw nalang ba🙄 💔💔💔 ha utak!!!!
Tang inaaaa 😢 di ko hahayaan siya mapunta sa iba lalo na sa walang kwentang tao tulad ni kent!!! 💔💔💔💔💔
Lord opo tama na may tinangal ka sa buhay ko at pinalitan mo ng mas masaya, pero grabe naman po ito, bakit ganitong pagsubok ang meron ngayon 🙏 opo may tiwala ako kay jonabelle pero bakit sobrang kinakabahan ako parati 😔😔😔😔🙌
Lalo na kay kent 💔 💔
0 notes
long-gone-1997 · 8 years ago
Text
COLLEGE
Konting panahon nalang panibagong chapter nanaman ng buhay ko ang magsisimula. Totoo na being a college student ay hindi basta basta. Sobrang dami mong iiyakan na subjects para lang maisalba yung buhay mo. Nakakapagod oo pero ngayon malapit na matapos ang college life ko, medyo nakakalungkot. Mawawala na kasi yung mga bwiset na professors sa buhay ko hahahahaha. Yung ibang tao pag first day nila sa college kinakabahan sila, natatakot pero nung first day ko, ang nasa isip ko lang noon is makatapos dahil bukod sa ayaw ko sa course ko, hindi ko rin naman gusto yung school na pinasukan ko. Pero no regrets. Sa buong college life ko, marami rin naman mga times na naging masaya ko kahit sobrang casual lang ng buhay ko. Normal lang naman akong studyante, pumapasok, nag aaral, nagsasalba ng grades tapos ayon. Magtatapos na. Sa college totoo na doon mag sisimula yung pagiging independent mo sa buhay. Oo yung half life ko sa college mag isa lang ako. Andyan lang yung mga kaibigan ko pero sarili kong buhay yung binubuhay ko. Sa college ko natutunan lahat. Sa pagiging independent ko, natuto ko ng mga bagay na hindi ko akalain magagawa ko. Noong first year, first time ko sumubok uminom ng alak. First time ko rin sumindi ng sigarilyo. Sa totoo lang hindi ko naman habit iyon. Sinubukan ko lang talaga. First year din noon unang beses ko nakapasok sa bar. Hindi ko talaga trip yung mga ganoon, pero dahil yun ang gustong buhay ng mga kaibigan ko nakikisama nalang rin ako. Halos ata every friday and saturday nasa morato kami non. Pero nung tumagal nag sawa din naman. 2nd year college hindi pa rin ako alcoholic noon. Sobrang bihira kung uminom ako ng alak. Literal na occasionally lang. Noong 3rd year naman, dun na nagsimula bumigat yung mga subjects ko. Nauso nanaman yung paglabas labas namin ng mga kaklase ko. Kahit tanghali at may klase lumabas kami. Madalas sa PS. Doon ako natuto mag bilyar. Actually hindi doon sa Gutsonz e. Tama ba spell? Haha campus spot na sya ngayon sa may creek side sa may morato. Ayon dun na din nag start na araw araw inom ng alak. Sasabayan pa ng sigarilyo. Ewan ko anong nangyare. Pero naitigil ko naman paninigarilyo ko nun. Hanggang sa matapos ang 3rd year at nag start mag OJT, doon bumalik yung pagsisigarilyo at hanggang ngayon hindi ko na matigilan. Ngayon rin halos araw araw gusto ko na rin uminom ng alak. Kumbaga alak is life ganon. Hindi ko alam pero parang lumabas na puro kalokohan tong buong college life ko hahahaha. Gagraduate ako ng ganito? Paano na. Actually takot ako. Takot ako na tuluyan mabuhay mag isa, na wala na talagang susuporta saakin. Knowing me na sobrang tamad kong tao. There are times tuloy na iniisip ko mag aral nalang ulit. Bumalik sa pagiging 1st year college para matakasan tong darating na future. Pero hindi ganon ang buhay. Kailangan mo harapin kung ano yung nakahain sayo. Siguro itong college life na to, pasasalamatan ko nalang sa pag buo kung sino ako ngayon. Hindi naman ako nag sisisi kung ano ako ngayon at kung ano lang yung alam ko ngayon dahil sa sarili ko alam ko naman na binigay ko lahat para marating kung asan ako ngayon. Siguro pag aaralan ko nalang mahalin yung ganitong buhay ko kasi andito na to e. Matatapos na ang college life ko at kailangan ko na harapin kung ano man pag subok na darating.
5 notes · View notes
sikmurangmaingay · 4 years ago
Text
I despise everything about this place! I swear! lahat! mga tao, lifestyle nila, yung lugar, LAHAT! puro nalang katarantaduhan yung nangyayari lately sa buhay ko nung pumunta ko dito sa us.. Tangina lang talaga! tas tumawag ako dun sa services nung punyetang unemployment benefits.. walang nangyari! puro kagaguhan! walang makausap! puro automatic bullshit! this place is horrible! tangina! tangina lang talaga! ughhhhhh! gusto ko lang talagang manapak eh! tumawag ako dun sa number para sa benepisyo ko, tas nung tumawag ako, nagbigay sila uli ng numerong dapat kong tawagan, so tumawag uli ako sa number na yun,tas puro automatic bullshit nakakausap ko uli, tangina! wala bang taong pwede kausapin regarding dun sa kailangan ko?! mga tamad talaga mga tao dito! bwiset! I swear! hate is not enough to describe the feeling i have right now towards this place..
0 notes
thechpstckgirl · 8 years ago
Text
RANT. DISCLAIMERS, PLEASE GO AWAY.
Nakakatrigger yung mga taong ginagawang hanapan ng kalandian o majojowa ‘tong tumblr. Tabi tabi po. Hahahahahahaha natatawa nalang ako. Unang una sa lahat mga bes;
• Rumespeto sa relasyon ng ibang tao. Kung alam niyong may boyfriend/girlfriend na, wag naman nang magcheesy talk or whatever na mukhang hindi nakakatuwang gawain.
• Please naman, paki-limit niyo mga sarili niyo sa mga ginagawa niyo sa taong alam niyong may jowa, like wag kayong magdemand ng mga bagay na ayaw namang gawin nung tao.
• Kung alam niyong ‘di kayo ineentertain at pinapamukhang mahal nila yung karelasyon nila, tigil na. Okay? Nyemas.
• At tangina naman, respeto na rin sa kung anong type nang relasyon meron kami/ako lalo na’t di naman kayo kasali sa relasyong meron kami.
Wait, 'di ko alam kung ano pang nirarant ko pero ilang beses na kasi akong nakaencounter ng ganito. Ang lalandi, bwiset lang. Hahahahahaha. Nyemas, equality and acceptance na rin naman sa “odd” relationship na meron ako. Nakakainis lang eh, isheshare ko na tapos di maniniwala tapos pag nagbigay ako ng proof, matatawa. May soft block pang nalalaman, kunwari ibblock ako tas unblock para kunwari inunfollow ko. Haaaays, buhay nga naman oh.
Pakikamot nalang yang kating nababalot sainyong mga di alam rumespeto sa relasyon ng ibang tao. Salamat.
6 notes · View notes
appreciationpost11-blog · 5 years ago
Text
Jan 22 , 2020
Hello!!!
Goodmorning/ Good afternoon, malay ko ba what time ka na naman magigising,fvck
Ewan ko feel ko lang talaga ngayon mag long message HAHA. Hoy!! Thank you kasi lagi kang nandyan ha. Thank you sa comfort and care mo saakin. All appreciated. Thank you kasi kahit hindi ko naman sinasabi na update mo ako inuupdate mo ako and sobrang nakaka melt ng puso HAHAHA. Its almost a month, since we started chatting sobrang dami na nating nalaman and nalaman sa isat isa. Thank you for all the late night talks haystt!! Sarap sa feeling. Siguro naging okay pag uusap natin kasi we have similarities HAHA. Pareho tayong baliw! At madami pang iba. Hoy!! Bawi tayo second sem okie? Tutulungan kita ng walang kapalit. Tulungan tayo! Nandito lang naman ako lagi para sayo! Sana makapag bond tayo soon. Sorry kung minsan sobrang nakakasawa akong kausap HAHA. Sobrang kulit ganon. Bihira nalang kasi ung lalaking katulad mo taena siz!. Tbh, na aattached na ako sayo powta ina panget sa image ko. Pero attach palang naman HAHAHA gago ka kapag may pinabasa mo tonsa iba bahala ka na. Konsensya mo grrwww!!. You make me free. Sometimes, You make me feel special. Gago ka pala ah ung mga gift mo!! Siguro nagtataka why i bought u this? Sa lahat ng friends ko ganon ako. I mean basta meron kahit wala ako ganon ako. Impulsive. But nung sa dg meron rin naman ako kaya goods. I feel you kasi iba awra mo. I mean may kakaiba sayo na interesting ganon. Sana un nga we can build a happy memories!! See you soon powta nahihiya na ako. Thank you batugan!! Baka sabihin mo nag papaalam ako gago hindi sadyang feel ko lang mag message hahaha ganyan kapag 2 days na akong nilalagnat. Ikaw ung tipong may care ka sa isang tao pero may halong katarantaduhan bwiset hahaha k 💛
0 notes