#kwentuhan : hanggang kailan <3< /div>
Explore tagged Tumblr posts
Text
hey . . . KEJJSJS SORRY ANG TAGAL NA NG FIC NA TO 😭 ever since this year nag aasikaso na ako for my graduation BUT this au will releasing new chapters THIS MONTH !! hehe will post more announcements soonest <33 ty !
hanggang kailan, eleven
SYNOPSIS, kung saan nag away si seungcheol at si yn at nadulas niyang nasabi na mas pipiliin na lang niyang lumayas ng bansa. masyadong sineryoso ni seungcheol at binilhan siya ng ticket, not knowing na merong ibang nag-aantay sa kanya doon.
PAIRING/S, choi seungcheol x f!reader x yoon jeonghan
part eleven | prev / masterlist / next
a/n: sorry for the late updates! nag start na classes namen suPER PAGOD .. anyways may playlist na akong ginawa for this au ( nasa masterlist ) hehe mwa <3
#kwentuhan : hanggang kailan <3#svt filo au#svt social media au#jeonghan imagines#jeonghan x reader#scoups x reader#seventeen smau#seventeen filo smau#scoups imagines#seventeen imagines
79 notes
·
View notes
Text
3 Years na Hindi naging Sapat.
All these years, ilan beses na pala tayo tinulak. Ilan taon ding still showing yung ano control ko. I never get the chance to defend myself because I was thinking iniisip ko. Baka, baka may masabi akong mali.
Ilang taon, I'm being dumped pero every morning ako lagi yung nauunang mag-good morning. Mag-seen and yung mga taong yun. Konti lang, maramdaman ko lang na mag-seen at minsan may mga oras pang hindi magparamdam nasasaktan na ako. Tapos, later on masaya na ule kasi maramdaman ko na siya.
Ngayong, he is more on active showing his love. Admitted, there are times na still clueless about his love kung yun ba talaga. Masasabing yun pala talaga pero when I am trying to tell him directly through message. Deleting it. So I don't know where else to go or where I will position myself when so many times.
I've been pushed away.
Nakikita ko. Pero hindi sigurado. Hindi alam kasi nangangapa ako sa isang bagay na hindi ko naman alam if pwedeng panghawakan na walang kalinawan kung yun na ba yun?
Dumadalas, palagi nakikita ko.
Maraming mga paraan ilan beses na tayo itinulak at hinila pabalik sa kanya.
Pero yung ilang taon na pananatili ay hindi naman laging consistent pero...
Dumadating pa rin. Nandiyan pa rin. Nandito pa rin.
Narealize kong, ilang taon kong pinanghawakan yung bagay na pagseseen sa kung anong oras ako nagising, inalala, hanggang sa pagtulog.
Siya pa rin.
Isang araw, nakikita kong masaya at kasama yung iba.
Bakit sakin hindi magawang magmessage. Magkita at makasamang muli kahit kwentuhan lang. Kahit makayakap lang.
Isang araw, nasaksaktan na rin muli tayo.
May mga oras di ako nakakapag-seen at siya hindi pa rin nakakapag-seen.
Hindi ko alam kung sinasadiyang Hindi magparamdam.
Pero ilang taong ganon. Pero nandito pa rin.
Narealize ko, bakit ako masasaktan, o bakit siya masasaktan. Kung...
Hindi naman namin ang schedule ng bawat isa.
Blinock, walang DP, gumawa ng photo na
"stuck here, eating for people to comeback."
May mga pagkakataong di ako nakakaseen dahil sa mga Hindi inaasahang pagkakataon pero nagagawan ko ng paraan.
Sa daan,
Sa event,
Umuulan,
At kahit yung ninakawan ako ng phone at yung number ko lang sa telegram ay nandon.
Pag-iyak at hagulgol dahil yun yung tanging namamagitan samin ang telegram at kailangan ko makuha yung number.
Nagawan ko paraan ang ilang araw at maparating na nawala ang phone ko.
Sa Reddit, Twitter I've been posting it. Na somehow mabasa niya. Kahit di naman kami talaga nag-uusap.
Hindi naman namin alam yung mga nangyayare sa mga buhay-buhay.
Oras, saan, ano, kailan?
Wala akong alam. Dahil yun ang totoo.
Ilang taon din tayong nanging illogical. Kung kailan lang nito na.
"Just seen recently"
yung haba ng panahon na ginugol at sa kahit ano pa ginagawa namin ay nawala na yun bigla.
Dahil sa may mga ginawa rin akong ginawa dahil sa...
Nasasaktan din tayo.
Pero how is it possible na kahit ganun ay pwede pa rin makapanakit sa oras at panahong hindi ka naman sigurado sa isang bagay kasi hindi mo ito alam.
Wala naman sinasabi sayo na o message na pwedeng panhawakan.
Ewan ko ba, ginawa ko na ang lahat. Alam ko ginawa na rin niya ang lahat.
Siguro hindi lang talaga sapat ang pagmamahal.
0 notes
Text
Di mo na ako kailangan (2)
nahanap mo na ang iyong tahanan. (2/20/2023) 3:53AM
Dear J,
2/18/2023, Saturday may klase ako until 6PM. Dapat may imeet akong friend nun pero nagcancel siya kaya sumama nalang ako sa mga kawork ko na 6PM din yung out nila. Nagkaayaan sa mcdo morayta daw nila gusto kumain. Habang naglalakad papunta dun, kwentuhan hanggang sa pagpasok dun hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Dahil dun 2 beses tayo nagkita. Yung isa ikaw lang magisa nandun sa baba sa sulok kita dun ka nakaupo, yung isa nasa taas tayo at kasama mo si clyde na yun yung isa sa mga araw na hindi ko makakalimutan na sinurprise mo ako, binili mo ako ng venti na favorite java chip at lumipat tayo sa mcdo morayta para tikman yung luto mo sakin na chicken curry na favorite ko (miss ko na mga luto mo). Habang nagoorder mga kawork ko ng pagkain nila tinanong nila kung bakit hindi daw ako oorder, ang sabi ko busog ako pero ang totoo niyan wala akong gana. Habang nagkukwentuhan sila natatamihik ako at pinagmamasdan ko yung mga pwesto na nandun tayo. Naiiyak ako nung mga oras na yun pero pinipigilan ko lang, kasi kahit saan nakikita kita. Wala narin oras yung pagiisip ko sayo, at pagbbreakdown ko. Sa bus, jeep, habang naglalakad, kahit saan kahit anong oras. Nandun ka kahit saan ko ibaling atensyon ko nandun ka. Iniisip ko kung iniisip mo pa kaya ako? O hindi na talaga. Patapos na sila kumain sakto na magtext ka at inaya mo ako sa SM north pauwi bulacan. Isa pang masakit hindi na ako yung pinupuntahan mo sa bulacan. Hindi ako yung pinaka rason. Hindi ako yung gusto mong makita, hindi ako yung gusto mong makausap, hindi ako yung gusto mong makasama. Hindi ako at kahit kailan hinding hindi na ako. Nung nagtext ka, sabay ako takbo paalis at papunta sayo dahil alam ko pagkakataon ko na yun para makita ulit kita. Dahil sa mga araw at oras na hindi kita nakikita nanghihina ako at walang gana sa lahat. Gusto kita makita kahit sandali para ganahan ulit ako kahit onti lang at kahit masakit. Inaya mo ako at pumapayag ako kahit masakit kasi sabi ng isip ko bakit? Bakit lumalapit ka pa sa taong hindi ka na kailangan at hindi kana mahal? Kaso wala eh, mas nasusunod yung puso ko dahil pakiramdam kong namamatay ako araw araw pag wala ka. Iniisip ko paano nanaman ako gigising at paano nanaman ako makaka survive ng wala ka? Sobrang sakit sobrang hirap.Tumakbo ako at nagmadali papunta sayo. Nung nandun na ako at nakita ko na kita/kayo nabuhayan ulit ako ng loob, na kahit hindi na ako mahal ng tao na to tatanggapin ko kasi mas hindi ko kaya na hindi siya makita. Pero maraming senyales na wala ka na talaga pake sakin, tulad ng pagdating dun hindi mo na ako naisip bilhan ng ticket din sa bus. Kahit simpleng ganun hindi mo na ako naisip, wala na talaga ako sa isip mo ibig sabihin hindi na ako importante. Sumakay nalang tayo sa private van dahil matagal ka ng naghihintay stress ka na gusto mo ng umuwi bulacan kasi alam ko may mga naghihintay na sayo dun. Hindi ko rin alam bakit ka nagtext sakin. Dahil wala ka kasama umuwi? Para lang may kasama ka? O trip mo lang ako nun makasabay umuwi. Hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip mo. Pagsakay sa van nasa likod kayong dalawa at nasa harap mo ako. Habang nasa biyahe pinahawak mo sakin yung bag ni clyde sa oras na yun salamat kasi naramdaman ko may silbi ako kaya salamat. Habang nasa byahe bigla mong inaayos yung buhok ko, sinuklay mo at pinuyod mo. Habang ginagawa mo yun dimo alam umiiyak na ako kasi sobrang miss ko yung mga hawak mo sakin. Minamasahe mo rin yun likod ko ng onti at hinihimas himas mo rin yung braso ko hanggang sa medyo malapit na tayo sa bocaue exit unti unti mo inabot yung kamay ko para maghawak kamay tayo. At naghawak kamay nga tayo hanggang sa may bumaba na pasahero at nagkatabi tayo at hinawakan mo ulit kamay ko, hinawakan mo mukha ko at hinayaan mong sumandal ako sayo kaya salamat sa mga pagkakataon na yun naramdaman ulit kita. Pero wag ka magalala alam ko namang hanggang dun nalang talaga. Tinanong mo pa ko kung gusto ko ng tubig at tinanong mo ako kung gusto kong kumain tayo. Akala ko makakasabay ulit kita kumain nun pero hindi. Iba yung mga tao na gusto mong makasama kumain at pag stress ka. Nakakainggit. Sana ako nalang sila para nakakasama kita kumain at nasasabi mo sakin mga stress mo. Pero wala na e. Hindi na ako. Hindi na ako yung gusto mong makinig sayo tungkol sa mga rants mo, hindi na ako yung gusto mong makasabay kumain. Hindi na ako, at hinding hindi na magiging ako. Pagbaba ko, kumain ako mcdo sa sta clara. Pagkalabas ko habang naglalakad nakita ko kayo kumakain dun. Pasensya na pero sa totoo lang nandun ako sa labas nakasilip pinagmamasdan kita kung gaano ka kasaya. Halatang masaya ka at hindi mo ako iniisip. Pasensya narin kasi hanggang sa umalis kayo nandun ako mga 12pm na kayo umalis nun. Pasensya kana kung parang stalker ako nung mga oras na yun. Yun lang kasi yung mga oras na medyo matagal tagal pa kitang makikita na nageenjoy kumain. Tapos nagtext ako sayo nun at nagreply ka naman na parang kaibigan mo lang ako kung kausapin mo. Na kung bakit di ako nagpakita sayo/sainyo. Syempre nahihiya ako nun kasi alam kong hindi nila ako tanggap na ganito kasi bawal lgbt diba? Kaya mas pinili ko na silip silipin nalang kita kasi hanggang puro silip nalang ako sayo kasi di na kita nakakasama tulad ng nakakasama mo sila. Pasensya narin kung nagpupunta akong church niyo para lang silipin ka, wala akong ginagawa promise silipin ka lang saglit ayos na ko tas umaalis rin naman ako agad para hindi nila ako makita. Kinabukasan 2/19/2023 nagtext ka sakin kasi gusto mo ng kape, mahal yung mga rider kaya nag insist narin ako na bilhan kita. Pasensya na malamang tunaw na nung maabot ko sayo kasi ang traffic sobra. Tapos tinext mo parin ako after nun. Umalis ako nun pero tinatanong tanong mo ako kung nasan na ako. Sinasagot kita pero wag ka magalala di ako nagiisip kung concern ka sakin o nagaalala ka sakin o kung gusto mo lang malaman kung nasaan ako. Wala di ako nag aassume ng kahit ano kasi alam ko naman kahit dimo sabihin alam ko wala lang yun. Nagtatanong ka lang period. Pero ayun nakita ko sa instagram nag heart react ka sa post ko na kanta ng the juans na pinuntahan ko sobrang sakit nun kasi parang agree ka na “pinagtagpo pero hindi tinadhana”. Minsan sa mga signs na yan o actions na ginagawa mo gusto ko nalang mawala bigla kasi hindi ko na alam saan ko ida-divert yung pain na nararamdaman ko. Sobrang mix signals lahat pero wag ka magalala lahat naman nun tinatatak ko sa isip ko na wala lang yun. Hindi mo na ako mahal. Hindi na ako worth balikan, hindi na ako worth bigyan ng pagkakataon, hindi na ko worth mahalin ulit, hindi na ako worth maalala, hindi na ako worth kausapin, hindi na ako worth makasama, dahil alam ko sayanag nalang oras mo sakin ramdam ko. Hindi na ako worth ipaglaban pa, hindi na ako worth it para maging parte ng buhay mo. Pero minsan kinakausap mo ko, minsan may pagkikita na ganyan. Salamat po sa mga minsan kasi alam ko naman hindi na ako worth na ako yung palagi, hindi na ako yung dapat madalas. Salamat sa mga pagkakataon na yun kasi gaya ng sabi mo bago mangyari yan lahat halos araw araw isang beses lang ako kumakain at hindi ako nakakatulog ng maayos. 2 weeks mahigit na kong ganito, pati singaw ko 2 weeks narin kaya di ako makakain maayos dahil siguro naguulcer na ko. Wala e, kahit gusto kong kumain hindi ko magawa, hindi narin ako makakain ng maayos, ng tama. Hindi tulad ng dati na palagi akong may gana. Ngayon parang walang lasa mga pagkain, hindi ako nageenjoy sa pagkain. Kahit tubig ang onti ko narin uminom. Pasensya kana ha kasi dahil ganito ako, nasasaktan parin kita. Hindi ko alam kung ano ginagawa mo, ano yung mga actions mo sakin, hindi ko alam kung naaaw ka lang ba sakin o namimiss mo ba ako, o kaya trip mo lang. Kasi alam ko naman mga pinapakita mo sakin false hopes. Mas masakit pinapakita mo sakin kasi alam kong hindi mo na ako kailangan at dimo na ko mahal. Pero kahit gaano kasakit tinitiis ko kasi dun lang nabubuhayan kapag nakikita, nakakausap, at nakakasama ka. Wag ka magalala dadating rin yung araw na pinaka hihintay mo na mawala na ako ng tuluyan. Dahil sakin mas gumanda ang buhay mo diba? Mas napush ka sa environment na mas kailangan mo sa buhay mo at malinaw naman sakin na hindi ako parte nun. Ngayon unti unit kong naiisip na mas gusto ko kasama mo yung mga tao na nakakapagpasaya sayo kesa kasama kita kasama mo ako pero hindi ka masaya sakin mas masakit yun. Kaya eto ako pasilip silip nalang, patuloy na mamahalin ka sa malayo. Mas gusto ko nakikita kang masaya kahit hindi na ako yung dahilan. Wag ka magalala mahal ko mapapagod rin ako at mawawala rin ako ng tuluyan sa buhay mo gaya ng gusto mo. Matutupad ko yun pangako. Nahihirapan lang ako ngayon pero kinakaya ko para sayo kasi eto yung gusto mo. Tandaan mo, mahal na mahal kita. Maghihintay ako pero hindi na ako aasa.
0 notes
Text
03 Feb 2020
Another typical Monday sa buhay ng isang Sandra, yan ang akala ko. Pag gising ko kasi kaninang umaga, sobrang tinatamad ako. Wala din akong enough sleep dahil almost 3 am na gising pa ako dahil sa kape na ininom ko. Nahirapan akong bumangon kaya nag decide na akong mag pa-late ng very light. Luckily, umabot ako dun sa schedule ng bus na palagi kong nasasakyan. So ayun, the usual business. Nag habol ako ng emails dahil absent ako nung Friday. Phone call meetings, assist sa mga new CMs na magte-take over ng lahat ng iiwan ko. Basta ganun, mukhang basic pero sobrang nakakapagod. Akala ko nga another typical Monday lang na may biglaang labas kasama yung mga co-CMs ko. Okay, so may planned meeting pala with our boss tonight. May sent off meetinh dahil aalis na daw ako and syempre to catch up na din with the new CMs. We had dinner tapos kwentuhan about sa life namin sa office and all.
Nagulat ako when they handed me a pouch full of love letters from the Team. That moment, sabi ko my heart is melting. Nagulat ako, hindi ko inexpect na may ganun. Napapaisip talaga ako ng matindi kapag ganito. Sobrang ang dami pala ng nakaka appreciate sa akin as a person. Deserved ko ba lahat ng love na yun? Kasi for me sobra sobra eh. Parang “huy ano ba, hindi ganyan katindi yung tingin ko sa sarili ko” kaso parang naramdaman ko talaga from the Team and other people outside the company na worth it pala akong tao. Haha nakakatuwa, pero ibang happiness pala yung nararamdaman pag ganito.
Ang sarap tignan na 6 CMs na kami. Nag start kami ni Chie na dalawa lang hanggang sa naging apat tapos eto, anim na kami. Mas madami na kaming kadamay sa buhay CM. Nakakatuwa din makita na paunti-unti na nag grow ang company na minahal ko ng halos apat na taon. Hanggang kailan ko kaya to mamahalin? Hahaha joke lang. Basta ayun, nakakatuwa talaga. Sobrang na appreciate ko yung pa Origami love letters ng mga Agents. How sweet it is to be loved by them.
1 note
·
View note
Text
DRRM Kwentuhan
Hello!
Ako nga pala si Jacquelyn Joyce, estudyante ng C-ACCT-7!
Ginawa ko yung blog na ito para maibahagi sa inyo ang aking mga natutunan at experiences nung ako ay pumunta sa barangay hall namin dito sa Bonga Menor, Bustos, Bulacan. At sa kabutihang palad, pareho kong nakapanayam ang aming Barangay Captain at BDRRM Officer noong panahon na iyon.
Pagtukoy ng mga Bantang Panganib
#Batay sa inyong naalala, Ano-ano ang mga kalamidad/hazards na tumama at sa ating barangay? Ikwento.
Ano nga ba ang kalamidad? Ang kalamidad ay itinuturing na mga pangyayaring nagdudulot ng malaking pinsala sa kapaligiran, ari-arian, kalusugan, at ng mga tao sa lipunan.
Ayon kay kapitan, maraming klase ng kalamidad:
Ang una ay natural disasters (sakuna) kung saan ito yung mga hindi maiiwasang mga panganib dulot ng mga natural na pangyayari sa kapaligiran natin kagaya ng baha, lindol, bagyo, atbp.
Marami na raw narasanang natural disasters ang barangay, ngunit sa kabutihang palad ay hindi kami ganoon nasalanta ng mga ito. Una raw, sa tuwing nagkakabagyo, hindi maiiwasan ang malalakas na hangin at ulan. Nag-eepekto tuloy ito ng pagkasira ng imprastraktura ng mga bahay lalo na yung yero, nawawalan ng mga kuryente at internet dahil napuputol ang mga wire, at mayroon din daw cases na napuputol yung mga puno. Pasensya na raw at hindi nya masabi kung anong bagyo ba iyon at kung kailan, ang nasasambit na lamang niya ay yung mga natatandaan niyang nangyari dito sa barangay.
Ikalawa ang pagkakaroon ng mga lindol at pagyanig na sa malaking pasasalamat ulit ay hindi nakaapekto ng ganoong kalaki sa aming barangay. Tuwing nililindol, palaging kasama ang barangay namin ngunit malayo palagi kami sa pinaka 'center' ng lindol kaya malaking pasasalamat ito sa Panginoon dahil hindi kami pinababayaan.
Dagdag pa ng kapitan na noong bata pa raw siya, nag-aaral elementarya, mga 1970s, naranasan niya yung pagbaha dahil sa pag-apaw ng ilog ng Angat, umapaw ang tubig, at nasira ang isang pintuan sa Angat Dam kaya bumaha sa buong Bayan kasama na ang Bonga Menor. Bumaha, malala at matagal na panahon na itong nagyari, nung bata pa si kapitan at ang aking nanay. Sabi pa ng nanay ko na nung dati, nung bahay daw nila ay mababa pa at luma pa, hanggang 2nd floor ang baha at 2 araw at isang gabi raw ito bago humupa, lumikas sila sa malapit na evacuation center. Mga hayop kagaya ng baboy at manok ang palutang lutang at namatay, kasama na pati mga kagamitan sa bahay at mga importanteng dokumento. Nahirapan silang bumangon nung panahon na yon. Nagpakawala raw ang Angat Dam ng tubig kaya naapektuhan rin ang ibang bayan at lalawigan. Ngunit hindi na kasi nangyayari ito sa kasalukuyan dahil 60-80% ng mga nakatira sa ilog ay nailipat na sa mga pabahay sa kalapit na barangay ng Bonga Mayor, Bustos, Bulacan, ang "Bustos Heights." Pinatayo ng gobyerno ang pabahay na ito para sa mga nakatira sa ilog, military troops, mga pulis, bumbero at jail personnels. Nakapagpasemento na rin ng 500m na slope protection upang maiwasan ang pag-ulit nung nangyaring sakuna. Sa kabutihang palad ay naging isang maganda itong barrier para sa namumuhay malapit sa ilog pati narin sa kaligtasan ng buong barangay.
Nung kinekwento ito ng kapitan, ang aking nanay ay may kinwento rin ang kanyang karanasan noong 1990s, ang pagputok ng Bulkang Pinatubo sa Pampanga. Umabot dito sa barangay ang mga abo at yung mainit na temperatura lalo na ang delikadong hangin na hindi dapat malanghap ng mga mamamayan. Ang hirap daw nung panahon na iyon.
#Ano ang iba pang mga panganib na nakaapekto ng matindi sa ating pamayanan?
Ang ikalawa naman daw uri ng kalamidad ay ang man-made calamities kung saan ito yung mga problema na tao rin mismo ang may kasalanan. Kasama na roon ang panghohold-up, nakawan, mga aksidente sa sasakyan, at sunog.
Sa aking pagsasaliksik kung nasaan ang ilog sa aking barangay, nakita ko ang balita na ito na kahit mataas na ang slope protection dito sa ilog, may mga bata paring naglalaro malapit dito kaya may isang batang nalunod sa ilog kamakailan lamang.
(https://www.facebook.com/1678461479053285/posts/2331067350459358/)
Ngunit, ayon sa aming kapitan, ang pinakamahirap na pinanghahawakan niya dito sa barangay ng Bonga Menor ay ang Bypass Road. Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) noong May 3, 2018, "This weekend, motorists bound for eastern Bulacan, Nueva Ecija and parts of Cagayan Valley may drive through the newly completed 10-kilometer stretch of the bypass road, which connects the North Luzon Expressway (NLEx) to the Maharlika Highway, said Virgilio Castillo, DPWH director of the Roads Management Cluster 1 Unified Project Management Office." Isang malaking tulong sa pagpapadali at mapabilis ang byahe ng mga pribado at pampublikong transportasyon ng mga mamamayan, kaya marami rin ang naaaksidente dito. Huwag naman daw sana pero halos 3 beses sa isang linggo ang mga nagaganap at narereport na aksidente dito sa barangay namin.
(https://www.google.com/amp/s/newsinfo.inquirer.net/987374/bustos-bulacan-section-of-plaridel-bypass-road-opens-on-may-5/amp)
#Paano nalalaman na may parating na bantang sakuna? (maaring siyentipiko at/o lokal na palatandaan at babala)
Ayon kay Kapitan, sa Natural Disasters, ang Rescue 505 ng buong bayan ng Bustos, Bulacan ang nagsasabi sa bawat kapitan ng bawat barangay kung may paparating na bagyo (dito na pumapasok yung Red, Orange at Yellow alert), gayundin sa lindol ngunit rito, dahil sa kakulangan ng kagamitan pati narin sa buong bayan, limitado na lamang ang kakayanan ng barangay para ma-detect ang ganito pati narin ang PAGASA, malalaman na lamang ang lakas ng lindol kung nangyari na ito.
Kung sa lokal na palatandaan, kailangan kapag nag-umpisa na o paumpisa pa lamang ang ulan ay updated na ang barangay sa lagay ng panahon.
Pero kahit may sakuna man o wala, palaging nag-uupdate ang MDRRMO Rescue 505 sa mga barangay kada 3 oras.
#Gaano kadalas ito nangyayari sa inyong pamayanan?
Kung sa kadalasan, hindi naman natin ito mafoforecast pero dumadalas na ang pag-ulan dahil pumasok na ang panahon ng Amihan.
Ang pag-kontak at pagtawag ng Rescue 505 sa barangay ay sa tuwing may nagbabadyang masamang panahon, lalo na ang malakas na hangin at pag-ulan. Ang lindol at iba pang natural calamities ay inuupdate naman madalas sa pamamagitan ng walkie-talkie ng bawat barangay.
Vulnerability, Elements and People at Risk Assessment
#Kung tumama ang nasabing panganib sa ating lugar, saan ang may pinakamatindi ang mapipinsala? Tukuyin ang ilang mga lugar. Bakit kaya ang mga lugar na ito ang may pinakamatindi ang pinsala?
Kung tumama ang nasabing panganib, maaaring ang may pinakamatindi ang mapipinsala ay yung malapit sa ilog sapagkat tumataas ang tubig roon tuwing umuulan. Ito raw yung sa bandang pa-rampa sa may tabi ng ilog pati narin sa Bustos Bypass Road.
Ngunit, hindi na binabaha ang barangay ng Bonga Menor sapagkat mayroon na raw tayong slope protection. Dati yung ilog pag lumusong hanggang tuhod agad, pero ngayon napakataas na ng harang sa ilog natin kaya dinaraanan na lamang ang barangay natin, ang kawawa ay yung mga bayang nasa dulo sapagkat sa kanila lahat napupunta yung tubig katulad ng Hagonoy at Calumpit, Bulacan.
Kung sa lindol naman, hindi rin tinamaan ang barangay ng Bonga Menor sa fault line, at kung may matatamaan man, yun yung mga bahay na may mahinang pundasyon dito, at matatagpuan sila sa gilid ng ilog dito sa barangay.
#Kung tumama ang mga bantang panganib sino-sino kaya sa ating lugar ang may pinakamaapektuhan? Tukuyin ang ilang mga tao? Bakit kaya ang mga lugar na ito ang may pinakamatindi ang pinsala?
Ang tao nasa may tabing ilog nakatira ang pinakamaaapektuhan ng baha/lindol, ngunit hindi narin ito sa ngayon dahil nga sa nasabing slope protection (500 meters na ang nalalagay na harang sa ilog sa pamamagitan ng pagsesemento), hindi na maeerrode yung lupa.
Kung, mapipinsala naman kasi, sila yung malapit sa tubig kaya kung babahain man, sila ang unang matatamaan.
#Ano kaya ang epekto ng pagtama ng sakuna sa mga tao, pangkabuhayan, serbisyong panlipunan at imprakstruktura ng pamayanan?
Malaki ang epekto nito lalo na kung malala sapagkat magkakaroon ng patong-patong na problema, mawawalan ka na ng ani, pati yung mga tirahan at pangkabuhayan ng mga mamamayan.
Mawawalan ng source of income ang mga tao, mawawalan ng pangkabuhayan ang mga magsasaka, kapag panahon ng ani at nagkabagyo, siguradong wash-out ang mga pananim ngunit mayroon namang binibigay ang National Government na 'crop insurance' at 'livestock insurance' para sa kanila. Pero sigurado akong hindi sasapat ang ganitong uri ng tulong para mapunan ang pang araw-araw na pangangailangan. sa larangan naman raw ng panlipunan ay masisira yung mga kabahayan at sa imprastraktura ay masisira rin ang mga napatayong lugar. Kapag kasi may nasira, kailangang ipatayo ulit hindi ba? Kapag magpapatayo ka, kinakailangan mo ulit ng pera. Pero paano tayo magkakapera, kung nasira nga ang pangkabuhayan natin? Mahihirapan talagang bumangon ang komunidad kapag nangyari ang ganitong suliranin.
#Saan ang pinakaligtas na lugar sa pamayanan kung may bantang panganib na dumating?
Ang basketball court ang naka-programang Evacuation Center dito sa barangay ng Bonga Menor. Mayroong sariling CR, nakahiwalay ang pambabae sa panglalaki. Dito ang pinakasafe na lugar kung mayroon mang tatamang natural disaster. Gayundin sa mga silid-aralan ng eskwelahan.
#Saan naman ang pinakadelikado na lugar sa pamayanan kung may bantang panganib na dumating?
Katulad ng sinabi kanina, ang pinakadelikadong lugar sa pamayanan kung may bantang panganib na dumating ay sa ilog kung natural disaster at sa Bustos Bypass Road naman kung man-made calamities. Ngunit kahit saan man ito, manatili parin daw tayong maingat sa anumang uri ng krimen at kalamidad.
#Ano-ano ang suliranin/problema na kinakaharap ng pamayanan at barangay nahumahadlang sa pag-unlad ng tao at pamayanan at pumipigil sa pagbangon ng pagsalanta sa mga kalamidad?
Sa kasalukuyan, hindi ko dapat isasama rito, ngunit nakakabahala kasi ang nangyaring suliranin sa bayan kong tinitirhan. Ang bayan po ng Bustos, Bulacan ay nahaharap sa isang malaking problemang pangkalusugan. Mayroong isang lalaking taga tabi lamang ng barangay namin ang namatay 'raw' dahil sa sakit na meningococcemia. Isa itong nakakahawa na sakit kaya nung pagdating ko pa lamang sa barangay ay ito na ang bukambibig ng bawat taong nadaraanan ko kahit pati si kapitan. Ayon sa aking pagrereserts, nakita ko ang litratong ito na pinost ng aming munisipyo. Kaya makikita natin ngayon na halos lahat ng mga mamamayan ng Bustos, pati narin ang karatig na bayan ng Baliwag ay may mga dalang alcohol at nakasuot ng masks para sa preventive measures. May nakita akong article tungkol dito at hindi ito dapat ipawalangbahala lamang. Isa ito sa mga dahilan kung bakit busy ang kapitan namin nung akin siyang kakapanayamin.
(https://newsinfo.inquirer.net/1183735/bulacan-town-resident-dies-of-meningo-but-health-execs-say-no-cause-for-alarm)
Ang suliranin na humadlang sa pag-unlad ng tao nung mga nakaraan lamang na buwan ay ang pagkawala ng maayos na pagtatapunan ng mga basura dito sa barangay. Masangsang ang amoy ng mga basurang matagal nang nakatambak sa daanan, nakapagdudulot rin ito ng sakit sa mga bata dahil sa germs at bacteria na naiipon roon. Nagkaroon pa ng issue at nabalita rin sa telebisyon ang pagkahuli ng ilang barangay tanod dito sa barangay sa hindi nila tamang pagtapon ng basura sa tamang dump site na siya namang problema ng namamahala sa bayan sapagkat ito ang lugar nilang binigay sa bawat barangay bilang alternatibong tapunan ng basura. Nawalan ang barangay ng Bonga Menor ng kumukuha ng basura at tagakuha sa basura na ito. Kaaama rin sa mga naging problema at progreso ng barangay ang pagkatayo ng Bypass Road dahil sa pagtaas ng bilang ng mga naaaksidente sa lugar na iyon.
(https://www.facebook.com/BrigadaGMA/videos/197236031208794/)
Dagdag pa ng aming kapitan na ang pag-unlad ng isang barangay, bayan, lalawigan at isang bansa ay nasa tao rin. Tayo ang suliranin, ngunit tayo rin ang solusyon. Minsan may pumunta rito sa barangay na ang sabi may magkakabit sila ng cell site dito, ngunit ang mindset ng mga tao ay kapag raw nagpatayo ng ganito ay mas magiging prone ang mga mamamayan sa cancer dahil sa radiation ngunit hindi ito totoo. Gayundin ang pagpigil sa pagkabit ng mga network ng internet rito. Tayo rin ang pumipigil sa sarili nating pag-unlad dahil sa pansariling kagustuhan. Alisin sana ang negative thoughts natin at umpisahan ang pagiging positibo para tumaas rin ang kita natin para sa ekonomiya at tumaas ang antas ng pamumuhay.
Capacity and Disaster Management Assessment
#Ano-ano ang ginagawa ng pamayanan at barangay sa paghahanda-pagiwas at kung sakaling may mga bantang panganib tulad ng bagyo, baha, lindol na dumating?
Nagkakaroon ng mga drills na ginagawa sa eskwelahan para sa mga tauhan ng barangay, volunteers at mga estudyante upang maging aware ang mga kabarangay natin kung anong gagawing pag may panganib na dumating, gayundin ang pagcoconduct ng seminars tungkol sa mga kalamidad, kung ano ito at kung paano ito maiiwasan ang mga ito.
Ang pagtutulong-tulong ng mga nanunungkulan at ng pamayanan ay kinakailangan. Dahil hindi kaya ng nanunungkulan lang, at hindi rin kaya ng pamayanan lang, ngunit kung magkasama sila ay magkakaroon ng pagkakataon at pag-asa na malalampasan ng mga Pilipino ang mga ganitong sakuna kung magtutulong-tulong tayo.
#Ano ang nilalaman ng plano ng Barangay pagdating ng sakuna? (kung kaya hingin o hiramin ang BDRRM Plan, Hazard and Safety Map if they have, Barangay Projects for different sectors like Youth, Women, Children, Elderly, Poor, PWD etc.)
Ayon kay Ate Marlyn, ang paggawa ng BDRRM Plan ay inatas ng nakatataas bilang tungkulin nila. Sila mismo ang gagawa ng plano para sa lugar na naatas sa kanila.
Noong nakaraang Oktuber 28, 2019, nagsagawa ang Sangguniang Barangay sa pamumuno ng BDRRM Officer na si Marlyn Ilagan sa pagtuturo ng CPR/First Aid Training para magkaroon ng kaalaman ang mga barangay officials, barangay officers, volunteers at mga estudyante kapag may dumating na hindi-inaasahang problema o emergency dito sa ating bsrangay. Kasi hindi dapat tayo magpaka-kampante, kung mayroon tayong magagawa, makakaligtas tayo ng buhay ng iba. Ang kakayanang tumulong ay isa nang malaking hakbang para magkaroon ng maayos at ligtas na barangay.
Ayon kay kapitan, mayroong pinrovide ang Rescue 505 ng mga arrows at direksyon (ssfety maps) na sinabit nila sa bawat madaraanan dito sa Bonga Menor patungo sa evacuation center upang malaman ng tao ang daan patungong dito.
May mga barangay projects para sa mamamayan ng barangay namin, ngunit hindi maibigay sa akin ng aming kapitan ang mga papeles sapagkat gulo ngayon sa barangay dahil sa rami ng kanilang ginagawa. Ayokong makagulo sa kanila, kaya shinare nalang po sa akin ng Kapitan na tuwing may piyesta o kaya nama'y bago mag pasko ay nagkakaroon sila ng pabingo o raffle for a cause, kung saan nakikipagpartner sila sa iba't ibang sangay ng gobyerno upang makahingi ng mga papremyo na hindi sa anyo ng salapi kundi mga kagamitan sa bahay. Ang lahat ng mga taga-barangay ay inaanyayahang bumili ng tickets o bingo cards dahil lahat ng kikitain ng programang iyon ay para sa mga Senior Citizens, PWD at ang nasa mga pabahay dito sa aming barangay at pati narin sa bayan.
Youth - Ang sangguniang kabataan ang namamahala sa 10% ng pondo sa era natin ngayon, ngunit ayon sa kapitan, hindi niya masyadong alam ang mga programang nagawa o mga programang gagawin ng SK.
Since mga kabataan sila, nakadalo na ako sa isa sa mga proyekto nila noong nakaraang bakasyon, at yun ang Basketball at Volleyball Competition para sa aming barangay. May pambata, junior, intermediate at senior na mga laban, at sa pagkakaalam ko ay may premyong salapi at pangkabuhayan package sa mga nanalo.
PWDs - Sakop ng PWDs ang 1% ng ating pondo dahil ito ang utos ng DILG, ngunit hindi pa ganong ka-active ang grupo nila sa ngayon, kasi 30-35 palang ang kasapi, kailangan pa ng further improvement at directions mula sa nakatataas.
Senior Citizens - mayroon ring Senior Citizens Group sa pamayanan, at sila ang gumagawa ng sarili nilang mga programa. Nakakwentuhan ko ang aking tita, at isa sa mga programa nila ang pangongoloketa ng salapi para sa namatayang senior citizen upang makapagbigay sila ng kaunting tulong sa pinansyal at pagbangon sa buhay ng namatayan.
Mga litrato:
#Sa kasalukuyan, anong programa, sistema, gamit, pasilidad o kakayahan meron ang barangay na makakatulong sa mga tao , serbisyo at kabuhayan na maka-recover o makabangon mula sa epekto ng kalamidad? Isa-isahin natin.
Kagamitan - para panahon ng kalamidad, rescue patrol at rescue officers pa lamang ang kayang ibigay na serbisyo dito sa barangay.
Ngunit kung pangmalakihang sakuna na, humihingi tayo ng tulong sa MDRRMO o Rescue 505 ng Bustos kasi sa totoo lamang, ang konti lamang o ang liit ng budget ng barangay para sa mga ganitong gawain kaya humihingi kami ng tulong sa munisipyo o pati narin sa panlalawigan upang mas matulungan ang mga nangangailangan tuwing may kalamidad.
#Sino ang mga taong namamahala sa paghanda, pagharap at pagtugon sa kalamidad?
Hindi makakaya ng kapitan, mga tanod, BRRM Officer at mga sangguniang barangay at kabataan kung wala ang tulong ng pamayanan.
1. Sangguniang Barangay kasama na ang mga kagawad sa pamumuno ni Kapitan Soliman C. Santos
2. Sangguniang Kabataan kasama na ang mga kagawad sa pamumuno ni Julius Melencio.
3. Ang mga barangay tanod
4. Ang mga volunteers
5. Barangay Disaster Risk Reduction Management Officer na si Marlyn Ilagan.
Sa aking kaliwa ay ang Barangay Disaster Risk Reduction Management Officer na si Marlyn Ilagan at sa kanan naman ay ang aming Kapitan na si Soliman C. Santos.
COMMUNITY WALK
#Capture with your camera the Hazardous places, spaces, practices, lifestyle, issues in the community. Explain. Masasabi ko pong swerte ako sapagkat nabuhay at namumuhay po ako sa isang barangay na maayos, malinis, at walang gaanong problema. Sinamahan po ako ng isang officer po ng barangay upang makita ko ang kalagayan ng ilog na sinasabi ni kapitan na rumaragasang ilog noon na hindi na naman nakapipinsala sa ngayon, at nakita ko po talaga yung improvement at maayos na programang pagsesemento ng 500 meters above water kaya hinding hindi na siya babahain. Ngunit ilog parin ayon kay kapitan ang pinakahazardous place sa barangay.
Sa spaces, paanyaya ng aming kapitan na huwag pupunta sa mga madidilim, mapupuno at mapuputik na lugar para narin sa aming kaligtasan.
Para naman raw sa practices, marami parin sa aming mga kabarangay ang nagtatapon ng mga basura sa kanal, na hindi magandang practice sapagkat bumabara ang mga ito na maaaring makapagcause ng mas malaking problema.
Para sa lifestyle, nakagawian na kasi ng maraming tao dito sa Bonga Menor ang hindi pagsegregate ng kalat nila at patuloy parin ang pagtapon ng walang pakielam sa kung anong nangyayari sa kalikasan.
Para sa issues, nagkaroon kasi ng malawakang paghinto at pagkawala sa tinatapunan ng basura ng buong bayan namin sa Bustos, hindi na sila makapagtapon sa Waste Area sa Norzagaray, Bulacan sapagkat ang tanging daan para makapunta roon ay nasira, hindi makaraan ang malalaking truck sa ibang lugar. Kaya ngayon ay halos dalawang linggong nakatambak ang mga basura namin dito nang walang kumukuha. Isang malaking issue na naresolba na namancsa ngayon sa tulong ng gobernador ng Bulacan. Isa pang issue ang pagkakulong ng ilang tanod dito sa barangay namin dahil daw sa ilegal na pagtapon ng basura sa Waste Area dito sa barangay ng Tanawan, Bustos, Bulacan. Agarang humingi ng tulong ang barangay namin sa munisipyo upang makalaya ang mga nasabing tanod na tumutulong lamang para magkaroon ng malinis na barangay. Naresolba na rin ito sa ngayon.
Isa sa pinakadelikadong lugar dito sa aming barangay ang man-made o ginawang bypass road. Dinadaan ito ng halos lahat ng taga Bustos, Bulacan at malaking tulong ito upang mapadali ang byahe ng mga may sasakyan, trucks at marami pang pampublikong transportasyon ngunit isa ring malaking panganib dahil 8 daan ang konekta nito, isa itong intersection. Para itong pa-cross, at hindi pa sinosolusyonan ng Pamahalaang Bayan ng Bustos ang sirang traffic lights, at wala ring traffic enforcers kaya maraming aksidente ang nagyayari sa lugar. Isa itong "accident prone" area kaya pinag-iingat ang lahat ng dumaraan dito. Isa itong hazardous area dahil madulas ang daan rito kapag umuulan at madilim at kakaunti lamang ang ilaw kapag gabi.
#Capture with your camera the Safest spaces and places in your community. Explain.
Pabirong sinabi ng aming kapitan na kung pinakasafe na lugar ang pupuntahan ko, dun na ako pumunta sa Santo Rosario Chapel sa amin, dahil ito raw ang safest place spiritually. Bukas palad na tinatanggap ng chapel ang lahat ng gustong magdasal at magsimba roon.
Ayon kay Kapitan, kung safest place rin naman, mas mabuting doon muna tayo sa sarili nating mga kabahayan sapagkat naroon ang lahat ng kinakailangang pinansyal at pangsuporta sa pang-araw araw kagaya ng pagkain lalo na kung hindi naman ganong kalakas ang ulan. Ayon rin po kay kapitan na ang barangay namin ay mataas ang lupa kaya hindi dapat maglngamba ang mga mamamayan dahil sa tagal nyang namumuno wala pang case na binaha ang isang lugar dahil sa malakas na ulan. Ngunit, upang maging handa narin at pag-expect kung may dumating na malakas na natural disasters, na kailangan na talagang lumikas, doon na pumunta sa ating evacuation center na basketball court, mayroon namang palikuran doon at malapit lamang ito sa barangay at paaralan. Maaari rin kasing pagtuluyan ang ilang klasrum sa eskwelahan kaya mas malapit sa barangay, may ligtas.
Capture with your camera the BEST practices, lifestyle that your community being proud of. Explain.
Palagiang updated at pumupunta ang halos lahat ng mamamayan ng barangay sa tuwing mayroong icoconduct na seminars at drills dito sa barangay. Dito natin makikita ang kagustuhan nilang makialam at makatulong sa ikabubuti ng barangay.
Kasama narin roon ang pagtutulungan ng Sangguniang Barangay, kabataan, mga tanong at BDRRM officer sa paglalagay ng mga segregated na basurahan sa mga pampublikong lugar kagaya ng eskwelahan.
Ngunit, ang maituturing ko talagang best lifestyle ng aming barangay ay ang pagtutulungan. Kapag mayroong nangangailangan ay nakikita ko talaga na may tutulong para makabangong ang nagkaroon ng suliranin. Isama ko narin ang effort ng marami sa atin na paghiwalayin na ang wastes para makatulong sa barangay and at the same time kumita ng pera sa basura.
Noong pumunta ako ng eskwelahan, nagulat ako sa ganda ng mga tanim na mga gulay na nakapaikot sa buong eskwelahan gamit ang mga sirang gulong at plastic bottles bilang vases. Ako ay nagagalak sapagkat malaki ang naitutulong ng mga mag-aaral sa pagbubuhay sa ating likas na kakayanan, ang pagsasaka at pagtatanim.
STRUCTURE OF CREATIVE AND CRITICAL ESSAY
#Based on the kwentuhan and community walk, briefly describe the situation of your community.
Base po sa kwentuhan namin ni kapitan Soliman at ni ate Marlyn, BDRRM officer, maayos po sa kasalukuyan ang sitwasyon sa aming barangay. Ang mga basura ay linggo-linggong nakukuha, ang mga ilaw kapag gabi ay gumagana, may mga CCTV cameras, patuloy ang pagpapatrol ng mga barangay tanod, may mga nagaganap ring buwan-buwanang seminar at drills para sa mga kabarangay namin, nakatutulong sa kalikasan ang pagtatanim ng mga halaman at puno, may mga streetsweepers, at mayroon ring mga kabarangay na nagvovolunteer na linisin ang parte at bakod nila, may mga nagaganap na mga palaro para sa mga kabataan sa larangan ng isports, at maayos ang pamumuhay ng mga mamamayan rito. May mga kinukulang, ngunit gumagawa rin ng aksyon ang barangay upang punan ang pagkukulang na iyon. Sa lahat-lahat, maswerte at mapalad akong dito ako naninirahan sa Barangay ng Bonga Menor, Bustos, Bulacan.
Background of the Community/Barangay
Ang Bonga Menor ay isa sa 14 na barangay sa Bustos, isang 2nd class municipality dito sa Bulacan. Ang barangay ng Bonga Menor, kasama ang kalapit na barangay ng Bonga Mayor, ay nagsanib pwersa at nagsakripisyo noong nakaraang 1867 upang gawing isang bayan ang Bustos malaya mula sa Baliwag. Ang "Bonga" sa Bonga Menor ay galing sa isang puno ng nganga na sikat noon sa barangay na ito. Maliit lamang ang barangay ng Bonga Menor na pinamumunuan ngayon ng Kapitan Soliman C. Santos.
Community Map of the Barangay
Nakapanayam ko ang ating Kapitan na si Soliman Santos at ang BDRRM Officer ng Bonga Menor na si Marlyn Ilagan at tinanong sila ukol sa iba't-ibang kalagayan ng aming barangay, masuri namin ang risk, vulnerability at capacity ng ating pamayanan sa konteksto ng kalamidad, malaman natin ang mga gawain ng ating barangay sa paghahanda sa kalamidad at higit sa lahat makita natin ang ating sarili bilang susunod na henerasyon na magtataguyod ng kahandaan, kaunlaran at kakatagan ng ating pamayanan laban sa iba't -ibang mga kalamidad.
#What are the issues confronting the community why do you think those issues you mentioned are happening in the community? What possible solutions can the local government do to address these issues?
Ang suliranin na humadlang sa pag-unlad ng tao nung mga nakaraan lamang na buwan ay ang pagkawala ng maayos na pagtatapunan ng mga basura dito sa barangay. Masangsang ang amoy ng mga basurang matagal nang nakatambak sa daanan, nakapagdudulot rin ito ng sakit sa mga bata dahil sa germs at bacteria na naiipon roon. Nagkaroon pa ng issue at nabalita rin sa telebisyon ang pagkahuli ng ilang barangay tanod dito sa barangay sa hindi nila tamang pagtapon ng basura sa tamang dump site na siya namang problema ng namamahala sa bayan sapagkat ito ang lugar nilang binigay sa bawat barangay bilang alternatibong tapunan ng basura. Nawalan ang barangay ng Bonga Menor ng kumukuha ng basura at tagakuha sa basura na ito. Nagawan na ito ng solusyon ng gobyerno, dahil mayroon na ulit tayong tinatapunang dump site sa Norzagaray, Bulacan ngunit mas kumonti ang rasyon ng kumukuha. Nung nakaraang taon, dalawang beses sa isang linggo may kumukuha ng basura, tuwing Miyerkules at Biyernes, ngunit ngayon, tuwing Biyernes nalang. *Sa totoo lang, isa itong naging leksyon sa maling pagtapon ng basura ng mga mamamayan ng Bonga Menor pati narin ng buong bayan. Napansin ako ang pagbabago na naganap nung walang kumukuha ng basura. Mas naging involved tayong mga mamamayan at marami na talaga ngayong nag-tatry na magsegregate ng basura kasi minsan na tayong muntik mawalan ng pagtatapunan.
Kasama rin sa mga naging problema at progreso ng barangay ang pagkatayo ng Bypass Road dahil sa pagtaas ng bilang ng mga naaaksidente sa lugar na iyon. Hindi ko po alam pero parehong may kasalanan ang gobyerno at ang mga bumabyahe sa problemang ito. Unang una, sana ipagawa na yung traffic lights. Halos dalawang buwan na ang nakalilipas ngunit wala paring nagagawang aksyon ukol dito. Napansin ko naman na pansamantala silang naglagay ng mga traffic enforcers doon upang maging maayos ang daloy ng trapiko, ngunit kapag gabi. Halimbawa at madulas ang daan, madilim ang kalsada at wala pang ilaw ang motorsiklo, at lasing pa ang nagmamaneho. Hindi maiiwasang magkaaksidente, kaya sana kahit yung maliwanag na ilaw na lamang at maayos na traffic lights ay maaksyunan na agad ng local government dito.
Ang pinakamalaking suliranin na hinaharap ng barangay namin na sana bigyan talaga ng aksyon ng local government ay ang kakulangan sa pondo at mga kagamitang magagamit kapag nagkaroon ng sakuna. Totoo, marami tayong nagaganap na mga seminars at drills, ngunit hanggang sa ngayon kulang na kulang parin tayo sa kagamitan at kakayahang pananalapi kapag nangyari ito. Tila ba palagi nalang nating hinihintay na may mangyari bago tayo gumawa ng aksyon. Nakita ko rin na kulang talaga ang aksyon dito ng gobyerno. Kakulangan sa kagamitan, salapi at mga pagkaing maaaring ibigay sa mga nasalanta kapag nagkataon.
#Kindly relate your discussion to the disaster situation of our country.
Ang Pilipinas ay malapit sa Pacific Ring of Fire (dahil sa lokasyon) kaya malapit tayo o madali tayong tamaan ng mga natural hazards. Isama pa ang pagiging malapit natin sa katubigan dahil punong-puno ng isla ang Pilipinas. Marami nang bagyo, pagputok ng bulkan, baha, lindol at mga landslides ang nangyayari sa bansa natin. Marami na ring naaapektuhan, maraming nasisira ang pangkabuhayan, nawawalan ng pamilya at nawawalan ng kinabukasan. Idagdag pa ang pabago-bagong panahon at ang patuloy na lumalalang global warming. Napakalaki ng apekto ng ganitong mga pangyayari sa buhay ng isang Pilipino.
Dahil sa pagtatayo ng malalaking establishments sa mga urban regions, maraming lupa ang nawawala sa ilang parte ng bansa kaya kung minsan ay nakapagdudulot ng mga lindol. Ang madalas pang natatamaan ng mga natural hazards ay yung mga pananim ng mga magsasaka at ang panghuhuli ng mga lamang dagat ng mga mangingisda. Ayon sa Center for Excellence in Disaster Management and Humanitarian Assistance (http://www.cfe-dmha.org), 1/3 raw ng populasyon natin ang employed sa sektor ng agrikultura. Ngunit ang pagkabuhayan na umaasa sa kalikasan natin ay may malaking weakness - at iyon nga ang mga natural disasters na nagpopose ng threat sa food security, source of income at buhay ng buong populasyon sa Pilipinas. Dahil kung walang bigas, walang kita ang magsasaka, wala ring kakainin ang mga mamamayan.
Ang gobyerno ng Pilipinas, ilang internasyonal na non-government organizations (INGOs), at ang lokal na NGOs ay gumagawa ng napakaraming attempt sa pag-address sa impact ng mga kalamidad dito sa bansa. Nagsasagawa ang gobyerno ng Pilipinas ng malawakang implementation ng pagplaplano at mga aktibidad para sa disaster risk reduction (DRR) upang magkaroon ng development sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na siyang lead na ahensiya sa pag-implement ng DRR sa Pilipinas. Ang The Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman ang responsable sa pag li-lead ng agarang disaster relief efforts. Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) naman ang pangunahing nagreresponde sa mga kalamidad. Sila ang mga nadedeploy sa mga disaster relief operations sa buong bansa. Sabi pa ng Center for Excellence in Disaster Management and Humanitarian Assistance (http://www.cfe-dmha.org), "The Philippines has endured disasters that involve national and international assistance."
Tumaas na ang awareness ng mga rao sa disaster risk reduction sa Pilipinas, pero dapat kung kaya maging aware, kaya rin natin itong gawing realidad. Napakaraming plano ang nagagawa ng matataas na yunit ng gobyerno, ngunit halata naman na hindi lahat sa nga ito ang nagagawa ng local government units. Nakaka "overwhelm" ito, at isama mo pa ang kakulangan sa kagamitan at salapi sa pag-iimplement ng mga programa.
Isa sa mga lesson na natutunan ng gobyerno ng Pilipinas mula sa Typhoon Haiyan na ang komunikasyon sa pagitan ng iba't ibang ahensya ng gobyerno bago at tuwing panahon ng krisis at kalamidad at importante sapagkat nabibigyan sila ng mga babala at warnings sa mga potensyal na bagyo at kung gaano ba kalakas ito upang makapaghanda ang mga bayan, barangay pati narin ang mga mamamayan nang maaga at maayos.
Ang nag-uudyok talaga o yung nagiging problema ay yung kakulangan sa pondo. Kakulangan sa impormasyon. Kakulangan sa komunikasyon. Kakulangan sa aksyon. Ang masasabi ko lamang, kung palaging may nagpaplano, at walang nagiging aksyon, huwag agad nating sisihin ang ating mga barangay sapagkat sa sobrang dami ng problemang hinaharap nila sa kasalukuyan, kapos talaga ang pondo sa paghahanda para sa mga sakuna. Kaya matuto rin tayong mangielam at huwag palaging umasa sa tulong ng gobyerno, dapat naghahanda rin tayo dahil tayo rin ang tutulong sa sarili natin, at sa lugar natin.
#What are your realizations and insights you learned after the kwentuhan and community walk?
Unang-una, pagpasok ko palang ng barangay, kinakabahan na ako. Akala ko nung una wala lang ang isang barangay, pero nung pagpasok ko, iba pala to sa nakikita ko sa TV. Narealize ko kung gaano ako ka-ignorante, kung gaano ako kabobo at kawalang kwentang tao. "Mangmang" nalang pala. Kasi nandoon ako para maginterbyu, pinag-aralan ang topic kong iinterbyuhin, ngunit makikita ko parin sa mukha ng BDRRM Officer at ni Kapitan yung tagal na nila sa experience at kung gaano kalawak ang kaalaman nila sa pagpapabuti ng aming barangay. Narealize ko na hindi lang pala sapat yung alam ko lang sa utak ko, hindi rin sapat na alam ko lang gawin. Kasi ano nga bang magagawa ng alam diba, kung hindi naman magagawa? Nung una napaisip pa ako sa module na ito, dahil, bakit ko pa kailangang puntahan sa barangay, kung masesearch ko naman sa internet. Pero nagkakamali ako. Ang daming bagay sa barangay na hindi mo matututunan sa internet at pag-upo lang. Ang bigat ng pagpasok ko sa barangay, ang bigat ng responsibilidad nila para sa barangay. Alam kong mahirap maging opisyal ng gobyerno, pero sila kasi yung nakikisalamuha sa mga kabarangay talaga nila eh. Hindi lang sila sulat dito, pirma doon. Ang isang kapitan, ang isang BDRRM Officer, hindi sila mapipirmi sa upuan. Kikilos sila, aaksyon, magpapaseminar, magtuturo ng drill, tutulong para sa mga kabarangay nila. Iyan ang ilan sa mga bagay na kulang ako at kailangan ko pang matutunan. Experience. Tatag. Resolusyon. Firmness. May kilos. May aksyon. Grabe, ang dami kong natutunan sa ginawa kong kwentuhan kay Kapitan Soliman at Ate Marlyn. Ang dami na nilang nagawa, ang dami pa nilang plano g gawin, ngunit pinaunlakan parin nila ako upang sagutin ang mga katanungan ng isang estudyanteng katulad ko. Nagshare pa sila ng mga kwento, ng ilang dokumento, at ng kanilang oras para samahan rin ako sa community walk (na sumakay rin kami sa tricycle kaya hindi rin pwedeng tawaging walk). Tumibay ang aking paninindigan na magtanong pa sa kung anong kayang gawin ng isang hawak na kabataan at estudyanteng katulad ko upang makatulong rin sa kanila. Narealize ko kung gaano ako kawalang kwentang tao. Narealize ko na kailangan kong magbago.
#Based on the facts above, why do we need to address the issue of disasters in our country? How can we address it?
Bakit nga ba? Ang kalamidad kasi, humahadlang yan sa pag-unlad ng tao at pamayanan at pumipigil sa pagbangon ng mga Pilipino. Problema ito. At hindi lang simple, isa itong complex na problema. Naaalala ko tuloy ang sinabi ng Kapitan Soliman sa akin, iiwan ko na lamang rito, "Malaki ang epekto nito lalo na kung malala sapagkat magkakaroon ng patong-patong na problema, mawawalan ka na ng ani, pati yung mga tirahan at pangkabuhayan ng mga mamamayan." Dagdag pa niya, "Dagdag pa ng aming kapitan na ang pag-unlad ng isang barangay, bayan, lalawigan at isang bansa ay nasa tao rin. Tayo ang suliranin, ngunit tayo rin ang solusyon. Ang pagtutulong-tulong ng mga nanunungkulan at ng pamayanan ay kinakailangan. Dahil hindi kaya ng nanunungkulan lang, at hindi rin kaya ng pamayanan lang, ngunit kung magkasama sila ay magkakaroon ng pagkakataon at pag-asa na malalampasan ng mga Pilipino ang mga ganitong sakuna kung magtutulong-tulong tayo."
Magsasagawa ang gobyerno ng plano at pamamaraan para sa ganitong suliranin, at pondo para sa mga nasalanta at para sa paghanda sa susunod pang mga kalamidad. Tungkulin naman nating mga mamamayan na makialam at tumulong upang ma-implement ito. Ang pagiging handa palagi ang sagot. Handa sa sakuna, at sa pagtulong.
#As a member of this community and this nation, what are possible concrete solutions can you do to address the vulnerabilities? What ACTIONS should you take to INCREASE the capacities of your own community/country?
Ano nga bang matutulong ng mga kabataan, o ano ba ang kaya nating gawin para sa barangay?
Sumunod lamang tayo sa segregation ng basura, o solid waste, napakalaking tulong na nito sa barangay. Hindi babarahin ang mga kanal, magiging maayos ang daloy ng tubig. Maiiwasan natin ang baha.
May programa ang barangay namin tungkol sa Plastic Segregation na sinimulan noong mga nakaraang buwan kung saan ininyayahan ang lahat ng mamamayan kasama na ang mga kabataan sa paghiwalay ng plastic cups at plastics na maaari pang ibenta o pakinabagan upang makaiwas na patuloy na paglobo ng basura dahil kung patuloy na hindi madidisiplina ang mga tao, patuloy at patuloy parin ang pagkasira ng lugar natin.
Nabebenta ang plastic bottles at plastic sa halagang 10 pesos per kilo, pero hindi tayo nakapokus sa halaga, ito ay para makatulong sa environment, lalo na ngayon na patuloy na rumarami ang nagpapatayo ng kabahayan, pati ang mga kanal ay tinatapunan na ng basura.
Bilang isang mamamayan ng aming komunidad at ng ating bansa, ang masasabi ko lang na solusyon ay ang pagiging personally involved natin sa mga vulnerabilities na ito. Plan. Learn. Take Action. Tayo itong malalakas, tayo itong may oras. Tayo ang magiging solusyon mismo sa mga problema na ito.
Bilang isang estudyante, isa sa mga solusyon na naiisip ko ay ang pag-aaral ko ng mabuti. Hindi lang sa larangan ng akademya kundi sa pag-aaral/pag-alam sa kung ano na ba ang nagyayari sa paligid ko para balang araw, maging katulad ako ng mga namumuno sa isang lugar. May kakayanan, may boses, may ipagmamalaki. Sa patuloy kong pag-aaral isa na akong magiging living proof na ang pag-aaral ay hindi lamang para sa sarili kundi pati narin sa mga mahal ko sa buhay, at sa mahal kong bansa.
Ano pang aksyon? Mag volunteer tayo. Isang malaking pwersa ang mabubuo natin dito. Maraming mga kabataan ang nahihiya, marami sa kanila ang hindi makatulong dahil wala silang kasama. Marami sa kanila tingin makakaabala lang ito sa pag-aaral nila. Pero katulad nga ng sabi ko kanina, kung aral lang tayo ng aral, at wala tayong pakielam sa kung anong nangyayari sa bayan, mas malala pa tayo sa malansang isda. Tayo ang pag-asa ng bayan. Tayo ay isang malaking pwersa na magiging solusyon sa ilang problema. Sabi nga ng kaibigan ko, "It takes one to get one, and to get more." Alam kong ang pagvovolunteer ay kusang ginagawa, pero sana kung kulang parin ang inyong resolusyon, sana basahin ninyo ito. Sana magvolunteer tayo. Sana lahat ng nakipagkwentuhan sa kanya-kanyang barangay nila, natuto. Natuto sa kung gaano kahalaga ang isang barangay, na bumubuo sa bayan, na bumubuo sa lalawigan, na bumubuo sa bansa. Ang barangay maliit lang, pero dito tayo mag-uumpisa, hanggang sa magiging mga tao na tayong nakakatulong sa bayan, lalawigan at sa bansa natin. Umaksyon tayo. Makialam tayo. Iyan ang tatak ng isang kabataang Pilipino. Plan. Learn. Take Action.
1 note
·
View note
Text
Ito po ang laman nung letter, pangit kasi ng sulat eh hindi maintindihan 😂
Hi baby! by this time natanggap mo na siguro yung bibingka. Wala lang (speaking in our wala lang accent 😂) gusto lang kitang bilhan, kahit na biruan lang natin to, for me, hindi, gusto talaga kita bilhan. Hindi din ito ganti sa binigay mo ah kasi October 30 palang minessage ko na sila, hindi ko pa alam na mag bibigay ka nun ne Hahaha 😂
I just want to thank you and appreciate the things that are happening to us, napakasaya kasi, sobra 🥺 kahit paulit ulit ko itong sinasabi sayo baby gusto ko lang kasi talaga na maramdaman mo na masayang masaya ako sayo. Walang ibang nag pasaya sakin ng ganito kundi ikaw lang. Kaya you keep me super inspired and motivated everyday not only in work but also in life, iniisip ko nga lagi future natin, mga plans natin, iniisip kita lagi, hindi ka pa ba napapagod kasi ikaw lang talaga tumatakbo sa puso't isipan ko eh. I know it sounds cheesy but totoo naman kasi. Lagi ko nga iniisip yung una nating pag kikita, unang hug, unang kiss, unang holding hands, unang tawa, unang gigil, unang kurot, unang kwentuhan, unang kain, unang kiliti, unang picture sa polaroid, at kung ano ano pang firsts 🥺 super excited na talaga ako hope magawa natin soon baby. Halatang obsessed ako sayo ne Hahaha gusto ko din nga malaman lahat ng tumatakbo sa isip mo, lahat ng galaw mo gusto ko kasama ako, gusto ko lagi ako updated sayo. Hayy ewan ko ba baby bakit ganto ako sayo baliw na baliw, you drive me crazy and I really liked it.
Gustong gusto ko nag lolong message sayo kasi I can express my feelings thru this, for now, pero pag mag kasama na tayo ay nako hindi lang long message bibigay ko sayo, tadtad ka ng kiss and hug sa baby mo Hahaha basta lalambingin kita ng lalambingin hanggang sa maramdaman mong super saya ko and super mahal kita. Kaya hinding hindi ako mag sasawang gawin sayo ito.
Sana magustuhan mo yang bibingka baby mukhang masarap naman eh Hahaha let me know kung anong lasa, tatlong flavor yang inorder ko para matikman mo lahat. You can share it naman sa mga ka team mo ne. Balak ko talagang bilhan ka baby cause you're very special to me. First time ko mag bigay ng bibingka sa girl kaya special na special yan ne Hahaha and sabi nga sa kanta, "Bil'han mo na siya ng bibingka. Dahil ikaw na ang aking tadhana". Tadhana kita baby 🥺 Gusto ko lang malaman mo na sure na sure ako sayo baby paparamdam ko araw-araw na mahal na mahal kita, susuyuin ka when you get mad, papasayahin when you get sad, listen to your stories and dilemmas whenever you needed, comfort you when you're overthinking. I'm always here baby hindi ako aalis kahit anong mangyari thru our ups and downs. You're my Mahiwaga and I wanna be with you forever. I'm very proud of this relationship, nakapa solid, walang makakatibag! kung pwede lang pag sigawan, pag sisigawan ko eh. Super thank you din pala na minessage mo si mama 🥺 ang saya lang kasi sabi mo gusto mo din mapalapit sa family ko. For me, napaka big deal nun kaya thank you so much sa mga efforts mo baby 🥺 You'll be always my favorite murit. Marami pa tayong gagawin in the future, gagawa tayo ng madaming memorable memories. We are just getting started. I love you baby, beybeh, baby my love so sweet, putchie, murit, ganda, diane Hahaha pero for real I love you so so so much my baby diane 💚
P.S. ito yung mga naging struggles ko sis 😂
November 3
HAHAHAHA naiinis ako ne 😂 kasi sabi mo bibili ka eh at may pag bibilhan kana gusto ko tanong kung kailan at kung saan kaso baka mahalata mo ako eh tas ayaw mo pa akong pabilhan pero syempre pasaway ako at binilhan parin kita Hahaha 😂 nagulat lang din ako sa 57 mo kaya sabi ko konti kontiin ko bigay 😂 Hahaha kala ko may idea kana eh ginawa ko pang palusot si mama mo para hindi ka mag ka idea Hahaha sorry. 42 nalang utang ko ah Hahaha 😂
November 5
Sis sabi ko kasi sa mag dedeliver around 1-3pm ideliver eh sabi mo mag pepresent ka di ba after your eval so mga after lunch na yun Hahaha anxious ako kasi baka habang nag pepresent ka dun ideliver eh Hahaha kaya try kong pa move ng 4pm siguro naman tapos kana nun ne Hahaha hayyy sana naman maging successful
Tas ito pa Hahaha yung ibang sasabihin ko sana dito nasabi ko na din sayo kahapon, yung proud ako sa relationship natin, yung kada galaw ko gusto ko alam mo or kasama ka, kaya minimal lang message ko kahapon sayo eh Hahaha 😂 kaya wag ka mag tataka baby kung may paulit ulit ako sinasabi ah.
Tas advantage ko na may ginagawa ka kagabi para makapag focus ako ng mabuti dito Hahaha 😂
0 notes
Text
GHOSTING Stories
Naranasan niyo na ba ma-ghost/ghosting? Anong pakiramdam? Bakit nga ba merong taong nang-ghost? Dapat nga ba mauwi nalang sa ghosting ang lahat pagkatapos kang paglaanan ng panahon, at sa huli iiwan ka rin pala ng walang pasabi, at paalam.
Mga KaPHinost, narito ang ilang GHOSTING stories na ibinahagi ng mga sumulat:
1. Hi, gusto ko sana i-kwento yung storya ko na matagal ko itinago, miski sa mga kaibigan ko hindi ko ito kinukwento dahil nahihiya ako sakanila. Isa ako sa tipong taong na maingay, pala-kaibigan, marunong makisama at masayahin. Grade 11 ako noong nangyari ito. First week of classes. Bagong school, bagong mga classmates, at bagong environment para sa’kin. Dahil nga extrovert ako, may mga naging kaibigan ako agad sa first day ng school. May kaklase akong lalaki, tawagin na lang natin siyang “air.” Itong kaklase ko na ‘to ay tahimik, at walang kumakausap. Dahil nga ako’y madaldal at pala-kaibigan. Kinausap ko siya at doon ko napag-tanto na crush material pala siya. Kumbaga pasok siya sa taste ko HAHAHA. Nagsasalita naman siya tuwing kinakausap ko siya. Hanggang sa pag-uwi ko, sinusubukan ko hanapin yung facebook account niya pero hindi ko mahanap. Kinabukasan pagka-check ko ng phone ko, siya na pala iyong nag-add sa’kin. Syempre, dali daling inaccept ko yung friend request niya kasi ang cute niya. Pagpasok ko sa school noong araw na ‘yon, nagtataka ako kung bakit hindi siya ngumiti sa’kin pabalik. Nung nilapitan ko siya sabi niya hindi niya raw ako napansin kaya pinabayaan ko na lang.
Nagtuloy tuloy yung pag-uusap naming sa school miski sa chat. Madalas tinatanong ko siya kung anong assignment kasi nga hindi ako nakikinig at dumadaldal ako sa klase. Noong pangatlong araw naming magka-chat, nakakaramdaman na ako ng feelings sakanya. Ang rupok diba? Una pa lang naman crush ko na siya pero dahil nga siguro mahilig ako mag daydream tungkol sakanya, mas tumindi yung pag-hanga ko. Kahit yung pagkain namin after class binibigyan ko na ng meaning. Isang lingo kami tuloy tuloy na nag-uusap at magkasama sa school hanggang sa bigla na lang siya hindi nagparamdam. Nahihiya ako i-kwento ito sa mga kaibigan ko dahil nga nagkaroon ako ng pagmamahal sa isang tao kahit isang lingo pa lang kaming mag-kakilala at nag-uusap.
Aaminin ko na nasaktan ako mula nung hindi na niya ako kinakausap. Siguro nga nag-assume ako, pero sa mga chat namin pakiramdam ko kasi may feelings rin siya sa’kin. Umamin siya na may nagugustuhan siya pero hindi niya sinabi kung sino. Ako naman, syempre nag-assume na baka ako ‘yon. Hindi pala. Kasi nalaman ko na may girlfriend na pala siya sa ibang section. Nag-cool off lang pala sila noong isang linggo kami laging magkasama at nag-uusap.
Bigla na lang siya hindi nagparamdam at hindi niya ako pinapansin sa school. Bigla siya nag-laho at hindi na nagparamdam sa’kin. Nagpalipat rin siya ng section noong sumunod na lingo. Hanggang sa napag-tanto ko na na-ghost ako. Hindi ko ikinukwento sa mga kaibigan ko ito dahil isa akong number #1 hater ng mga nago-ghost kasi para sa’kin choice naman iyon nung tao. Siguro karma ko rin ito dahil sa mga masasakit na salita sinabi ko sa mga kaibigan ko noong sila’y na-ghost. Ngayon alam ko na ang pakiramdam nila. Masakit pala talaga. - Kabiteria
2. Hello! Ange na lang. Hindi ko totoong pangalan ‘yan pero ayan na lang ang itawag niyo sa’kin. Nakilala ko si Winni (hindi niya totoong pangalan) sa isang online dating app. Yes, pareho kaming bisexual at sa pang-labas babae kami pareho. Ilang taon na kasi ako inaasar ng mga kaibigan ko na hindi ako nagkaka-jowa. Hindi ko lang maamin sakanila na babae rin ang gusto ko. Mahirap maging bisexual lalo na kung hindi open ang family mo. Naisipan ko subukan ang dating app na omegle dahil doon, hindi malalaman ng mga kaibigan o pamilya ko na nakikipag-usap o date ako sa kapwa ko babae. Naalala ko pa, 2AM noon nung nag-match kami ni Winni sa omegle. Siya ang unang nag-message sa’kin. Ilang araw kami nag-uusap sa omegle hanggang sa hiningi niya ang number ko. Binigay ko iyon kasi sa pag-uusap namin, nakaramdam ako ng comfort at halos pareho kami ng sitwasyon. Siya naman ay ang tatay niya ang mahigpit at hindi open sa kung ano talaga siya. Nalaman ko rin sakanya na nagta-trabaho pala siya sa 711 tuwing 6pm-12am dahil kailangan niya raw ng part time job.
Kumbaga working student siya. Sa ikalawang buwan na pag-uusap namin inamin niya na may nararamdaman siya sa’kin at ganoon rin naman ako sakanya. Tinanong niya ako kung pwede ba siyang manligaw at kung papayag ako na makipag kita sakanya. Dulot ng pagmamahal dahil sigurado naman ako na mabuti siyang tao at ipinakita niya naman sa’kin na mahal niya rin ako, pumayag ako na magpaligaw. Nagdadalawang isip pa ako sa pakikipag kita dahil hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguan sa personal. Pero noong dumating ang time na nag-dedemand na siya makipag kita, wala na ako nagawa kung hindi pumayag. Pakiramdam ko rin naman sapat na ang anim na buwan kami naguusap at oras na para magkita kami. Sa may Quiapo church niya gusto makipag-kita. Kahit taga south ako, dumayo ako roon at nagcommute para sakanya. Dito na nagsimula lumabo dahil hindi niya ako sinipot. Isang buong araw ako nag-intay sakanya. Nagtataka naman ako kung bakit siya ang wala samantalang siya ang nagpupumilit na makipag-kita sa’kin. Umiyak ako pagka-uwi kasi pakiramdam ko niloloko na niya ako. Overthinker ako kaya mas lalong hindi nakatulong sa’kin na hindi man lang siya nag-chat o tumawag na hindi pala siya makakapunta.
Ilang beses ako tumawag sakanya. Sa pang limang tawag ko, doon niya ako sinagot na sobrang busy raw siya sa school at dumiretso pa siya agad sa part time niya. Nakalimutan niya raw na magkikita kami dahil ang dami niya kailangan gawin. Naintindihan ko naman siya at pinatawad ko siya doon dahil nga baka busy lang talaga. Nagpatuloy ang relasyon namin na hindi nagkikita at panay text at calls lang. wala rin video call. Naka-isang taon kami na tanging picture lang ng isa’t isa sa profile picture sa FB ang nakikita ko. Fast forward natin sa pang 1 year at 2 months namin. Nagyaya ulit siya makipag kita at hindi nanaman siya sumipot. Sinubukan ko siya tawagan pero hindi na siya sumasagot. Sinearch ko ang Facebook niya pero hindi na lumalabas yung profile niya. Galit at sakit na ang nararamdaman ko noong panahon na ‘yon dahil para sa’kin, mahal na mahal ko siya pero parang hindi kami pantay ng pagmamahal sa isa’t isa. Hindi ako tumigil kakatawag sakanya hanggang sa isang tawag, cannot be reached na. isang buwan ko siya sinusubukan i-contact pero dahil number at facebook niya lang ang alam ko. Hindi ko siya mahanap. Hindi na rin siya nagparamdam ulit. Simula noon at hanggang ngayon, wala na ako naging ka-relasyon. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali o nag-kulang pero siguro naman hindi ko deserve ang maiwan na walang explanation. - Ange
3. Ito ang isang kwento ng taong nang-ghost. Siguro nagtataka kayo bakit may nang-goghost. Ano bang dahilan nila para gawin ‘yon? May Karapatan ba silang manakit ng ibang tao? Sana hindi na lang sila nag-approach kung wala naman sila balak manindigan sa sinimulan nila. Ayan siguro ang mga nasa isip nung mga taog naka-experience ma-ghost. Tawagin niyo na lang ako Uno. Nakilala ko si Tiara (hindi niya totoong pangalan) sa isang club sa Manila noong 2018. Naliligaw kasi siya noon. Hindi naman sa club ang pupuntahan niya pero doon siya dinala nung grab driver na naghatid sakanya. Ayon ang sabi niya sa’kin. Buong gabi kami magkasama at nagku-kwentuhan. Hindi ko siya magawang iwan kasi ayoko naman mapagtripan siya ng mga loko loko sa kalye. Ilang araw kami laging nagkikita at naguusap sa call. Nagkaroon ako ng attachment kay Tiara pero ayoko at takot ako sa relasyon at commitment. Takot ako sa responsibilidad na kailangan ko gampanan kapag may girlfriend ako. Lumalalim ang samahan namin ni Tiara at alam ko sa sarili ko na nahuhulog na ako sakanya. Tawagin niyo na ako na loko loko pero nauna ang takot ko. Mabait si Tiara, maasikaso, masayahin at higit sa lahat marunong makinig sa kwento. Magaling rin siya mag-advice. Limang buwan kami magkasama lagi at nag-uusap.
Hindi ko maamin sakanya na hindi pa ako handa sa relasyon. Oo pinaasa ko siya, lagi ko siya hatid sundo, libre ng pagkain at pamasahe, lumalabas rin kami at nanonood sa sinehan. Pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko hindi ko pa rin kayang pumasok sa relasyon. Nagsimula ako hindi magparamdam sakaniya sa texts. Cold na ang mga replies ko at madalang na rin ako makipag-kita. Hanggang sa naramdaman ko na oras na para hindi ko na siya kausapin. Gusto ko protektahan ang sarili ko. Alam ko makasarili ako pero ayoko na lang rin siya saktan kung maging kami man at hindi ko magampanan ang responsibilidad ko bilang boyfriend niya. Oo duwag at makasarili ako pero may mga desisyon tayo sa buhay natin na hindi tayo proud. Isa ito doon. Ang pang-goghost ko kay Tiara ang pinaka makasarili at ikinakahiya ko ang sarili ko sa ginawa kong ‘to. Ngunit hindi na maibabalik ang pagkakataon kahit gustuhin ko man. Si Tiara may asawa’t anak na ngayon at nasa States sila naninirahan habang ako andito pa rin sa Pilipinas at pinili ko na lang na hindi makipag-relasyon kahit kailan. - Aughost-o
4. Di ko alam bakit ko naisipan na ishare to sainyo, pero kasi sobrang bigat na. Di ko rin alam paano mawawala yun bigat saking dibdib kaya siguro mas mabuti narin na ikwento ko to. Di na ko gumamit ng dummy account, pwede na to. Anyway, tawag sakin ng mga kaibigan ko ay Jugs. Sinasabi nila may itsur ako pero kung meron nga, bakit ako ghinost? Di ko alam kung may criteria ba ang isang tao sa kung sino ighoghost nila pero kung meron man, dahil don, sobrang baba na ng self esteem ko. Ang nangyari kasi, may nakausap akong babae sa facebook. Sya pa nga naunang nag chat saakin at itago nalang natin siya sa pangalang Gara. Sa totoo lang maganda sya. Dati ko na sya napapansin pero wala lang ako lakas ng loob ichat sya kasi nagmomove on ako that time sa isang ex girlfriend ko na medyo long term.
So ayon, napapansin ko na siya noon pa, maganda, maputi tas active sa social media kaya madalas ko pinupusuan myday niya. Nung una syang nag chat di ako makapaniwala. Ang ayos ayos pa nga ng pag uusap namin. As in, solid. Akala ko nga makakamove on na ko sa ex ko dahil sakanya pero ayos din pala kasi biglang isang araw di ako makasend ng message sakanya awit. After yun na parang nabadtrip ako dahil pagod ako mula sa trabaho tas medyo sakanya ko na dump yung frustrations ko. Siguro kasalanan ko rin, pero di ba dapat nag sabi sya? Dapat inayos namin. Hindi yung bigla bigla nalang syang maglalaho ng parang multo. Gara, kung nababasa mo to, sorry sa nangyari. Di kita pipilitin kung ayaw mo na sakin, pero siguro naman I deserve a reason or kahit usap man lang kung bakit biglaan yung desisyon mo. Ayun lang. Salamat. - Jugs
5. Sa totoo lang, I didn’t want to share this story because it’s been years, but I never really got the chance to properly tell people about this ghosting story of mine. Even my friends have no idea about this, but I think it’s worth to tell to serve as an example narin to other people who went through the same thing I did. So, ayon, I met this guy on Tinder. Let’s call him “Kapitan” for the sake of the narrative. Kapitan was studying aeronautics at PATTS. Lam nyo naman yang mga taga PATTS na yan. Hmp. Kagigil. Anyway, ayon maybe I’m the one to blame na rin kasi he has a girlfriend and I knew. Di nya naman tinago yung fact na yon. So, ako bilang bobo, I was hoping that he would break up with her for me. Oo na, tanga na kung tanga. Pero di lang yon. I was actually doing everything I can para iconsider nya yong iniisip ko. Tanda ko non, it was a Friday night. Magkacall kami sa Viber (taguan ng mga kabet awit).
Halos 3 hours kami sa call na yon just talking about anything and even yun ngang pakikipag break nya sa awoj nya. Dalang dala naman ako. It came to the point na akala ko bibisatahin nya pa ko sa pinagtatrabahuhan ko. Yung parang sa Wattpad, yung hahanapin ni boy si girl sa malaking lungsod GANERN. Pero yon, what happened was the next day, he didn’t reply to my messages anymore just like that. I kept contacting him through text and viber (yes textmate narin kami) but he did not respond to neither. Sobrang sakit nung time na yon kasing asadong asado ang lola nyo. It hurt so much that na dumating ako sa point na I pat on my heart because the pain was unbearable. It was sort of like the way I used to comfort myself. Tanda ko bumubulong bulong pa ko non “Okay lang yan self. Malakas ka. You’re okay” Awit pag naaalala ko parang awang awa ako sa sarili ko. Nakakatawa pa kasi may teddy bear na piloto dun sa store na pinag tatrabahuhan ko and yakap ko lagi yon. I was so pathetic non. Now, nag cicringe nalang ako pag naaalala ko. That’s all. - Tinderella
6. May ghoster na ba na nag share sainyo ng kwento? I know, di usual na yung nang-gago yung mag stestep up pero kasi hanggang ngayon naguiguilty pa rin ako sa ginawa ko. Hanggang ngayon I still feel bad kapag naaalala ko yon. So the guy was my customer. I used to sell OEM watches and he was one of those who bought it. I wasn’t attracted to him, to be honest, but after the meet up for the product, he started messaging me and told me that he was drawn to me. I didn’t want to seem rude, that’s why I kept messaging back. He has a good family background. He did not seem like a fuckboy and he was nice and mature. You could say na he was the ideal guy if you’re a girl who doesn’t consider how a person looks as the main factor of dating, but the things is, I consider it. Not past tense because until now that’s my practice. Old habits die hard, I guess. Even though na ganon ako, I thought, why not give him a chance? Akala ko kasi matatabunan ng personality nya yung petty standards ko.
I invited him to assist me sa isang meet up na meron ako sa SM. Naisip ko kasi na need ko din ng help kasi ang dami kong dala na damin non. So yon he came with me and helped me. Nilibre pa ko ng dinner sa Mcdo at eto pa, I was impressed by him kasi without asking me, yung drink ko ginawa nyang Pineappe juice and he said na since I told him na conscious ako sa figure ko, minabuti na nyang hindi ako iorder ng soft drinks kasi I probably don’t want it. And he was right. Di ko lang sinabi beforehand kasi nakakahiya na mag request, ililibre ka na nga lang e. It showed the he pays attention talaga and that gesture got me thinking that maybe this really was worth the shot. Ang ideal na nya kasi. Tas ayon nung pauwi na, he told me na yung age niya was actually 23 and not 22. I was 18 that time and idk how to process that. Parang nailang ako bigla. Dun ko narealize na di ko pala bet ang lalaking mas matanda sakin. Ang pepetty noh? I told my parents about the encounter when I got home because I knew they would be mad and I used that as an excuse for the ghosting I was about to do. Di ko na sya nireplyan that night. Deleted his number, blocked him on social media, and before I was able to block his number from his phone, a message from him slipped that asked what he’d done wrong, okay naman tayo pero di ka na nagrereply. Tell me ano iiimprove ko if may nagawa akong mali. Nung nakita kita iba na agad tama ko sayo. Alam ko yon, so please, give me a chance to prove myself. Yan sabi nya, eh ayoko na talaga. Di ko bet. So, I ignored it and blocked his number. - Pretty Petty
0 notes
Text
Well, seems like life is really full of surprises. Supposedly, I should be posting this tomorrow, but today became my last day of this semester.
This is very meaningful and quite gloomy for me since I am expecting this to be my last semester of full-on academic subjects wherein I need to attend class inside the campus, because next semester (hopefully!), I will be on my intership programs!
Why is it meaningful? Well, heck! Last na ito na babyahe ako ng dalawang - minsan lagpas pa - oras para lamang pumasok. Last na ito ng mga araw kung saan mag-aaral ako para sa quizzes, sa exams, at gagawa ng term projects. Last na dahil tapos ko na ang buhay estudyante kung saan nakapalibot lamang ang buhay ko sa pakikinig sa aking guro at natututo sa isang silid na may apat na sulok. Sa susunod, iba na. Nasa apat na sulok pa rin ngunit ibang lugar na. Ibang tao. Ibang karanasan. Mas matututo ako ng mga bagay na hindi lamang mula sa libro, mula sa teorya, mula sa kwento, o mula sa saglit na pagtapak palabas ng silid-aralan. I will actually be learning from on-hand experience - a thought that makes me excited and nervous at the same time. I cannot wait to make mistakes, succeed, and change for a better ME!
Ngunit sa kabilang banda, gloomy din... bittersweet. Mabibilang na lang ang mga pagkakataon kung kailan ulit ako makakapasok at makaka-upo sa laboratory rooms ng Psychology o sa rooms ng JFH. Kahit ang ang pagbabanyo sa PCH o ang makita si Sir Archie tuwing umaga na palagi akong pinag-bubuksan ng room kahit pa isa o dalawang oras pa bago ang klase ko dahil ayaw niyang nakikita akong naka-upo at naghihintay sa corridor. Paminsan-minsan ko na lang din makikita ang aking mga kaibigan na isa sa mga malalaking dahilan kung bakit masaya pumasok sa kolehiyo kahit madalas nakaka-iyak, nakakabagot, nakakabato. Ma-mi-miss ko ang biglaang pag-aaya nila sa kung saang lugar para kumain at tumambay. Ma-mi-miss ko ang mga klaseng kinuha ko sa ibang buildings pa katulad ng CTHM, CBAA, at MTH. Ang paglalakad ko sa Gate 3 noong bago pa lamang akong estudyante at masipag pa. Ang pagkain ng kwek-kwek at chicken skin kasama ang mga tropa ko sa Power House. Ang palihim na pagkain sa mga pinagbabawal na rooms habang naka-pwesto sa likuran para hindi kita sa CCTV at hindi na nakikinig sa mga profs dahil sabik na umuwi. Pati ang pagbyahe pa-uwi kasama sila. Iyong mga kwentuhan sa sasakyan at sa jeep habang traffic o habang papunta kung saan, nagpapalitan ng mga kwento kahit masikip, mainit, kahit minsan may mga umuupo sa aming pagitan - mga panahon kung kailan namin mas nakilala pa ang isa't-isa.
Isama na din natin iyong mga pagtambay sa ERS o sa Lib, kahit saan basta doon sa huwag mainit!
Ano Square o Gate 1, saan tayo kakain? Sa Mila's na lang, ang layo ng Square at ang init sa labas. Pero mabuti na lang may baon ding pagkain!
Ang kupad talaga ng WiFi dito sa CLAC! Doon tayo sa CBAA, para mabilis, naka-download pa ako sa KissAsian doon!
Sana kasing lawak din ng banyo ng CTHM 'yung sa JFH!
Samahan mo ako sa labas. Ugh. Ang inet eh, pero sige na nga.
Ang lamok naman sa Botanical!
Wala na bang ibang venue bukod sa ULS at Alumni?
Hanggang tanghali lang ako dito, uuwi na din ako.
May attendance ba?
Required?
Papasa na lang ako nung gawa ko!
Andiyan na si Ma'am/Sir?
Ha??? May assessment sa Schoolbook?
Erl, review mo ako.
Hoy may chika ako!
Dito tayo sa tago at madilim para hindi kita na matutulog ako.
Ilan lamang sa mga linya na hindi ko na maririnig pa mula sa kanila. Nakakalungkot. Nakaka-iyak. Ngayon ko na lang talaga mapagtatanto na ang saya at ang sarap ng buhay estudyante. Ngunit lahat ay may hangganan din.
On to the next semester. Let's go!
1 note
·
View note
Text
Sablay 2017
Mga halos 3 weeks din akong hindi nag-post dito. Una, dahil wala na naman masyadong ganap sa buhay ko sa mga araw na naghihintay ako ng aking pagtatapos, at pangalawa, tinamad lang talaga ako.
Ayun nga, nung ika-24 at 25 ng Hunyo, taong 2017, ay opisyal nang nagtapos ang aking buhay kolehiyo, at kasama na dun ang pagiging estudyante. Kaakibat na rin nito ang pagkawala ng aking student discount sa jeep, bus, at tricycle. Dalawang araw nga pala yung pagtatapos dahil yung una ay pagkilala ng mga estudyante mula sa kolehiyo naman, at yung ikalawang araw ay ang pagtatapos naman ng buong unibersidad.
Hindi ko na ikukuwento ang mga detalye kung paano ba ako nagsipag-tapos, dahil katulad lang din naman siguro to ng ibang pagtatapos ng mga estudyante. May mga panauhing pangdangal na magsasalita, may aakyat sa entablado para sabitan ng medalya at bigyan ng papel. May mga magulang na ipinagmamalaki ang kanilang mga anak at panay kuha ng litrato. Mga magkakaibigan na puno ng saya at natapos na rin ang isang mahalagang yugto ng kanilang buhay. Siguro kaibahan lang sa amin ay sablay ang simbolo ng pagtatapos, di tulad nang nakagawian na toga.
Isusulat ko na lang dito siguro ang mga pinagdaanan at mga natutunan ko sa apat na taon na yun. Ilalagay ko na rin dito ang mga natutunan ko, at mga taong dapat pasalamatan. Dito ko na lang isusulat kahit malimit na nakalagay to sa caption dapat ng Facebook profile pic kapag nagpalit ka na ng grad pic mo. Pero alam ko naman kasi na hindi lahat babasahin yun, kaya dito ko ilalagay dahil kung nandito ka man sa blog ko, ibig sabihin binabasa mo mga posts ko at pinaka-personal ko na social media site tong blog ko, kaya marapat lamang na dito ko isulat.
Una sa lahat, sobrang daming kong natutunan na hindi ko alam kung saan magsisimula. Pero, isa sa lagi kong naiisip kapag binabalikan ko ang mga alaala ko sa unibersidad ay ang una kong singko. Sobrang laging dagok kasi noon agad sa akin. Bukod sa ilang mga personal na problema, inisip ko sa sarili ko na sa akademikong mga bagay man lang ay makabawi ako, para sa sarili at para sa mga magulang ko na rin. Pero wala eh. Talagang isinampal ng tadhana sa akin ang matabang singko sa unang taon at unang semestre ko sa kolehiyo. Sobrang pagkadismaya at galit sa sarili ang naramdaman ko nuon.
Kung isa akong mananakbo, pakiramdam ko di lang ako nadapa o natalisod, naputulan ako ng paa nang hindi pa nagsisimula ang karera.
Pero gaya nga ng nasabi ko na rati rin dito sa blog, sobrang laking pasasalamat ko na nangyari yun. Nalaman kong kaya kong bumangon. Hindi naman pala ako naputulan ng paa, natalisod lang. Siguro dahil hindi ako nag-ensayo, baka malubak lang ang daan, o kaya ay napagod lang din ako. Pero ang mahalaga, kaya ko pang tumakbo. At mas mahalaga, hanggang ngayon, tumatakbo pa rin ako. Hindi ko alam kung kailan uli ako madadapa, pero ang mahalaga, alam kong nasa akin pa rin ang aking mga paa at binti upang tumayo at tumakbo.
Natutunan ko rin, bilang mananakbo, tutal sinimulan ko na rin naman na ikumpara ang buhay sa unibersidad sa pagtakbo, ituloy ko na rin, na hindi pabilisan ang pagtakbo. Hindi mo kailangan maging si Usain Bolt na makatapos agad ng 100m sa isang iglap. Ang buhay, hindi lamang sa unibersidad, maging ang buhay mismo ay isang marathon. Sobrang habang marathon na matatapos lang sa sandaling napag-desisyunan mong hindi na tumakbo. Sa sobrang dami kong nakilalang mga tao sa unibersidad, di maiiwasan mong ikumpara minsan ang sarili mo sa kanila. Lagi’t laging mayroong mas matalino, mas masipag, mas mabait, at kung ano pang “mas” na maiisip mo.
Pero ok lang yun.
Siguro hindi ko pa oras na bilisan ang aking takbo, kaya natural na mauuna sila. Ang mahalaga, patuloy akong tumatakbo, kahit minsan lakad na lang ang ginagawa ko. Hindi ka dapat tumingin sa mga kasabayan mo, dahil hindi ka naman sila. Iba kayo ng pinanggalingan at pinagdaanan. Siguro yung isa, mas malaki mga muscles sa binti nya, kaysa sa binti mo. Yung isa naman, baka mas malakas ang baga sayo. Magpatuloy ka lang.
Hindi ko lang alam kung ganito rin sa mga marathon, pero pwede kang magpahinga. Hayaan mong mapagod ang sarili mo dahil tao ka lang. Kung ang mga kotse nga sa karera, kelangan ng pit stop, paano pa ang isang hamak na tao. Nakakapagod mag-aral. Nakakapagod mag-isip ng malalim. Nakakapagod magpuyat. Nakakapagod masaktan. Nakakapagod mag-sipag. Nakakapagod makisalamuha.
Nakakapagod.
Kaya hayaan mong magpahinga ang sarili mo. Kung kailangan mong maging makasarili pansamantala, gawin mo. Mapagod at magpahinga ka, basta wag kang susuko.
Isa pa sa mga mahalaga kong natutunan sa kolehiyo ay ang pakikisalamuha sa tao. Madami akong nakilala na mga tao sa apat na taon na yun. Ang iba sa pangalan lang, na maalala ko na lang dahil Faceboook friend kami. Yung iba naman naging malapit kong kaibigan pansamantala, na nagtagal lang sa kung gaano kahaba kami naging magkaklase. At may mga iilan na hanggang ngayon ay naging malapit kong kaibigan.
Maraming klaseng tao sila. Mayaman, mahirap, lalake, babae, tomboy, bakla, may kinikilalang Diyos, merong wala, galing siyudad, galing probinsya, naka-Apple, naka-Android, naka-Nokia, naka-crop top lagi, naka-shorts, may retainers at kung anu-ano pa. Ang puno’t dulo, natutunan kong huwag manghusga kaagad-agad. Hindi ko masabing huwag mang-husga dahil pakiramdam ko parte yung ng pagkakaroon ng utak ng tao, na mag-isip base sa kung anong nalalaman mo. Pero ayun nga ang problema, hindi lahat, nalalaman mo, lalo na sa isang tao. Sa dami ng mga nakasalamuha kong tao, isa sa una kong iniisip na kapag may hindi ako nagustuhan na ginawa nila o naiinis ako ay dahil may dahilan ang tao na yun.
Hindi ko alam ang istorya nila kaya mas mabuti na lang na ako ang umintindi. Dahil parte rin ng pagiging tao ay ang pagkakaroon ng puso at utak na umintindi. Hindi lang naman sila ang nakakainis minsan, ako rin.
Sa apat na taon na yun, marami pa akong napagdaanan. Maraming pawis ang isinakripisyo ko dahil sobrang init sa QC kapag summer. Maraming oras ang aking inilaan sa pag-aaral dahil ang bagal ng internet minsan na kelangan ko, pero kinaya naman. Nag-alay din ng dugo dahil namatay kuko ko sa NSTP. Napuyat dahil sa mga asignatura, nasaktan ang puso, hindi nakakain dahil malungkot o marami lang talagang ginagawa, natulog sa klase, kumain kasama ang mga kaibigan, at kung anu-ano pa. Marami pa akong natutunan gaya ng paglalaan ng oras sa mga tamang bagay, “magsipag”, magtipid, pero pakiramdam ko halos lahat naman matututunan yan, kaya di ko na ikukwento.
Kaya magpapasalamat na ako sa mga dapat pasalamatan.
Una sa Diyos. Alam Nyo naman po lahat ng pinagdaanan ko, at salamat Po na bukod sa buhay pa ako hanggang ngayon ay di nyo ako pinabayaan. Sobrang salamat talaga. Kahit malimit akong pasaway, di Nyo ako iniwan.
Ikalawa, sa aking mga magulang. Salamat at sila ang naging magulang ko dahil lagi silang sumuporta sa akin kahit minsan parang wala akong patutunguhan. Sa bagsak ko sa Math 17, ang maraming beses na nanakawan ako, nung nalooban yung bahay na tinitirhan namin, hindi nila ibinunton ang sisi sa akin. Oo, pinagsasabihan nila ako, pero alam ko naman na dahil mahal nila ako. Mahal na mahal ko kayo. Kaya sobrang saya ko na nagawa nyo akong i-akyat sa entablado ng may kaakibat na medalya. Babawi pa ako. Abangan nyo na lang.
Ikatlo, espesyal na pagkilala kay Daj. Kasama ko sya ng apat na taon sa tirahan. At nakakatuwa kasi sa apat na taon na yun, hindi kami nag-away. Medyo parehong maluwag ata turnilyo namin sa ulo kaya nagkakasundo kami. Ang dami naming pinagsamahan na hindi ko na siguro maalala ang lahat. Pero espesyal na sa akin yung mga walang kwentang kwentuhan natin hanggang sa usapan natin sa buhay. You always be my cuh.
Ikaapat, sa UP POLSCi. Hinubog mo ako kung sino ako ngayon. Maraming salamat sa mga taong ipinakilala mo sa akin. Ayaw ko na isa-isahin, pero masaya ako na nakilala kita. Kahit na pinahirapan mo ako sa huling taon ko, sulit naman. Salamat.
Ikalima, sa UP. Kahit pinahirapan mo ako ng lubos, marami ka naman naituro sa akin, napakarami. Kahit na marami ka pa rin pintas, minahal na rin kita.
Ikaanim, sa lahat ng mga taong ginawang (o ginagawang) espesyal at makulay ang buhay ko, salamat.
At huli, sa akin. Nakatapos ka rin. Abangan ang susunod na kabanata.
2 notes
·
View notes
Text
" hanggang kailan " | masterlist
SYNOPSIS, kung saan nag away si seungcheol at si yn at nadulas niyang nasabi na mas pipiliin na lang niyang lumayas ng bansa. masyadong sineryoso ni seungcheol at binilhan siya ng ticket, not knowing na merong ibang nag-aantay sa kanya doon.
PAIRING/S, choi seungcheol x f!reader x yoon jeonghan
GENRE/S, written in taglish / filipino + eng, smau, non-idol au, angst, fluff
CONTAINS, swearing, food + alcohol mentions (will update as the series goes on)
PROFILES !
one | two | three
PARTS !
one | two | three | four | five | six | seven | eight | nine | ten | eleven | twelve ( onhold )
taglist ? send an ask or reply to this post :)
a/n : hello ! this is my first time posting an smau here on tumblr ! thank you for reading, i hope you all enjoy <3
playlist !
#kwentuhan : hanggang kailan <3#seventeen x reader#seungcheol x reader#jeonghan x reader#seventeen smau#seventeen filo smau#seventeen filo au#seventeen imagines#svt x reader#svt fluff#seventeen fluff#seungcheol imagines#jeonghan imagines#Spotify
176 notes
·
View notes
Text
All 💞
September 28, tayo'y nagkakilala Hiningi mo number ko, at talaga'ng lumapit ka Tayo'y nagka text, nagka kwentuhan At makalipas ang ilang araw, ay nagka aminan "Matagal na kitang gusto" yun ang sabi mo "Unang crush nga din kita, simula pagpasok sa skwela" sabi ko Mabilis, oo, pero wala akong pakialam Bakit? Kasi puso ko'y ikaw ang laman "Maari ba kitang ligawan?" Text mo sakin "Gusto ko sa personal" Reply ko rin Akala ko ako ay iyong napagtripan lamang Pero pagkalipas ng isang araw, ika'y may napatunayan Pumunta ka samin, upang makipag kita "Baka kasi magbago isip mo pag patagalin ko pa" October 1, naging tayo na ng totoo Oo masyadong mabilis pero pagmamahal mo ay ramdam ko Pagdating ng gabi, ikay tumawag at nakipag chikahan Di namalayan, malapit na pala dal'wang oras tayong nagkwentuhan Maraming napag usapan, mayroong dramahan at tanungan Kalakip sa tanong ay "seryoso kaba sakin?" Ako'y naguluhan "Di ako makapaniwala na tayo na, noon ay pangarap lang kita" Yun ang sabi mo, at sabi ko riy "Pangarap din naman kita, noon pa" October 2, tayo'y sabay nananghalian Ikay bumyahe para lang talaga akoy masamahan Nagka kwentuhan na naman, nagka tuwaan Pero alam mo? Alam ko na hindi kita pagsasawaan Ikaw pa ang nagbayad sa pagkain kahit ayaw ko. Pero wala akong magawa kasi sabi mo, "hayaan mo na ako" Pero sa lahat ng ginawa mo, sa isa ako pinaka natuwa Yun ay yung pinagmalaki mo ako at hindi ikinahiya Hindi ko akalain na ikay sobrang saya pala talaga Nung ang dating ikaw at ako lang, ay naging tayo na Pagkagabi ay tayoy nagtawagan muli Tuwang tuwa ako at hindi mapakali Sumakit pa nga baba ko sa kaka ngiti Kahit anong gawin ay hindi iyon mapawi Dumaan ang ilang oras, tayoy naguusap parin Kasi pagdating sa oras mo, ako'y hindi mo titipirin Tatlong oras, ganun tayo kahabang nag usap, nagkwentuhan Hanggang kung saan saan pa nga ang topic natin ay napuntahan Masaya ako na sa buhay ko ay dumating ka Kahit kailan, hindi ko ito pagsisisihan na October 3, tayo'y namasyal sa lugar na hindi ko pa napuntahan Pero masaya ako, kasi ikaw ang kasama sa ka inosentehan Kamay ko'y hinawakan, akoy inakbayan Kahit simple lang iyon ay ako'y nasiyahan Kahit san magpunta, basta ikaw ang kasama Wala na akong pakialam kasi'y akoy masaya na Malayo man o malapit Sayo at sayo lamang ako kakapit Sa maikling panahon lang tayo nagkakilala Ngunit kaligayahan na iyong nabigay ay lubuslubusan na
0 notes
Text
07-22-2017
Paulit-ulit ko kinukurot yung sarili ko at baka sakaling magising ako sa bangungot na to. Korni pero totoo. Umaasa parin ako na di totoo lahat ng nangyayari ngayon. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako magpapakatangan at aasa. Pero hindi ako mapapagod.
Alam ko naman everything was my fault. Aware naman ako na lately nawawalan na ako ng gana sa chat. Not because hindi na kita mahal, pero just because pauli-ulit nalang yung routine natin. Hindi lang naman ikaw yung may ganitong thoughts. Sobrang tagal ko na pinag-iisipan kung masaya pa ba tayo. Pero unlike you, I chose love, I chose you, over and over.
Sorry na I took you for granted. Pero super aware ako na nagkukulang na ako sayo. Kaya nga I was planning a surprise para sa 6th year natin. (Sa August 1 ko nalang ikkwento dito para bumalik ka at basahin mo, kung gusto mo) Gusto ko sana bumawi. Hindi naman nawala sa isip ko na sobrang unfair ko na sayo. Akala ko lang kasi may oras pa ako para bumawi. 1 week nalang love. Di mo pa ko pinagbigyan. :(
Akala ko kasi sobrang strong ng love natin sa isa’t isa. I was so proud palagi kapag may kwentuhan na ganon with friends, sa office. Super proud ako sa relationship natin. Akala ko walang dulo. Sobrang proud din ako sayo, na sobrang bait mo as a boyfriend. Na confident ako na mahal mo ako (what a joke). Kasi ganun yung pinaramdam mo sakin sa loob ng 6 years, then all of a sudden bigla nalang pasabog, wala na, di mo na ako mahal.
Hindi ko pinansin yung mga signs. Yung pagtatanong mo sakin palagi kung masaya pa ba ako. Pag tinatanong naman kita pabalik sinasabi mo naman, oo. Yun pala nagsstruggle ka na. Nagsstruggle ka magisa. Hindi na tayo partner. Sinolo mo lang yung problema. Binigyan mo “tayo” ng chance pero love hindi ako yung binigyan mo. Parang yung binigay mo na chance, isa lang din yung magiging resulta. Siguro nga at the back of your mind ayaw mo na din talaga.
Yung last 3 weeks na sinasabi mo, sobrang busy ko sa work. Nag-emergency leave yung TL namin, isang linggo, isang buong cycle ng deploy. Na-confine yung baby nya sa hospital. Sya din yung TL ko na nag-leave ng mahab before. Tuwing naglleave sya matic na OT talaga. Tatlo lang kami bumubuhay sa team, pag nawawala sya dalawa nalang kami. Sunod sunod na deploy yun, after ng tuesday may hotfix pa sa Wednesday, minsan umaabot pa ng Thursday,
Hindi naman kita sinisisi, sinasabi ko lang na I have my reasons. Pero alam ko na NEVER magiging enough na busy at pagod. Pero akala ko lang kasi okay pa tayo. Na kampante ako sayo. Pero yung busiest weeks sa work, yun na pala yung last 3 weeks ko para sayo. Kung alam ko lang love. Kung alam ko lang. Alam ko hindi enough na reason yun, na bakit kung kelan sasabihin mo lang tsaka ako magaadjust. Pero matutulungan mo sana ako na magising sa katotohanan, sana may nagawa pa ako. Walang araw na di ka nawala sa isip ko, sa office pag sobrang stressed na sumisigaw nalang kami “huy yung asawa ko”. Pag di kami nakakauwi ng tama, pag di na kami makakain dahil sa dami ng tickets. Di ko naman jinjustify lahat ng pagkukulang ko. Gusto ko lang sana bigyan mo pa ako ng chance, this time yung alam ko na talaga. Gusto ko lang mafeel mo na hindi naman nawala yung pagmamahal ko sayo.
Mahal na mahal kita love. Hindi ko na alam kailan titigil yung sakit na nararamdaman ko. Sabihin mo lang ano kailangan ko gawin para lang bumalik yung feelings mo sakin. Sobrang sakit na wala nalang bigla. Sobrang sakit na may nagawa sana ako para di tayo umabot sa ganito. Sobrang sakit na ayaw mo na subukan. Wala na tayong chance para itama lahat, para bumalik sa dati.
I don’t think I would love anyone else ever again. Wala eh, sa puso at isip ko nakatatak na ikaw na. Tayo na, hanggang sa huli. Sana marealize mo yun. Sana maalala mo lahat ng memories natin, kung bakit tayo nainlove sa isa’t isa. Kung pano tayo nagsimula. At kung pano tumagal hanggang 6 years. Alam ko malabo na mangyari yun, alam ko parang wala naman ng pagasa. Hindi ko naman pwede ipilit kung wala ka na talagang nararamdaman. Pero kung meron kahit 0.000001% chance na mamiss mo ako ulit, tawagan mo lang ako love. Pupuntahan kita kahit nasan ka pa, o nasan pa ako. Love, sana hindi mo iclose yung sarili mo na mahalin pa ulit ako. Sana kung may pagasa pa natitira kahit konti, sana bigyan mo tayo ng chance. You might say na nagawa na natin to dati, pero iba ngayon love. Alam ko na na pwede ka mawala kahit anong oras mo gusto. Hindi na kita hahayaan ulit. Hindi na kita papabayaan. Sobrang tanga ko na hinayaan ko mangyari satin to. Love please, if may chance pa, if may mramdaman ka pa kahit katiting na pagkamiss o love dyan, tatanggapin ko. I have faith in you, in our relationship, na kaya natin malampasan to. I just need you to believe, to not lose faith, and to open your heart once again. Ako parin to, we fell in love for 6 long years, naalala mo kung gano ka-rough yung start natin, pero binalikan mo ako, kaya natin to.
I promise you after this break, I would be better. Just give me a chance love. Last na talaga ‘to. Pag binalikan mo ako, mauumay ka sakin. I would never let a day go by na mararamdaman mo ulit lahat ng sakit na pinaramdam ko sayo. Please love, after some time, please bumalik ka sakin. Kakayanin ko na. Hindi naman sa magbabago ako, babalik lang ako sa dati kung pano tayo nagsimula. Yung masasayang usapan natin. Alam ko dun kita napapasaya before, naalala ko pag tinititigan mo lang ako tapos nakangiti ka sakin kapag sobrang energetic ko magkwento, na para bang sobrang laki ng gift ko sayo. Alam ko yun love, kaya ko bumalik sa dati, naligaw lang ako. Love please, bibigyan kita ng time pero sana bigyan mo rin ako ng chance.
I’ll keep updating this page, everyday hanggang sa mapagod ako. (mga 10 years from now siguro) Dito nalang kita kakausapin since ayaw mo na ako makausap. Dito nalang ako magkkwento ng mga nangyayari sa buhay ko. Sana basahin mo, sana balikan mo yung page na to. Sana balikan mo ulit ako.
0 notes
Text
Forgive? Soon. Forget? Soon
August 19, 2010
Nung naging kami! Hindi ko nga alam nun na kami na pala. Basta pinakilala nya ako sa mga friends niya as a girlfriend. Sabi ko pa nga sakanya parang wala akong matandaan na sinagot ko siya. At lalong wala akong matandaan na may ligawan na nangyari. Sabi niya siya raw ang sumagot sakin. Kaya sinasagot na daw niya ako. Natawa ako! Crush na crush ko siya noon kasi ang talino niya, basta attracted ako sa matatalino nun. First year college ako 2nd sem. Sila naman Second year 1st sem. Wala akong permanenteng classmate na nakakasama. Nagstop kasi ako ng 2nd sem nun. Dahil hindi ko gusto yung course ko, Financial problem din tas broken hearted ako sa first boyfriend ko. Inaasahan ko kasi na lilipat ako ng school kaso hindi nga nangyari. Destiny ata na makilala ko ang makukulit na to. Hindi kami nagtagal ni pat nun. 2weeks lang ata kami nun nakipagbreak ako dahil sobrang napaka possesive nya, Kahit kanino nagseselos siya. Tropa namin. Kausap ko nga lang ayaw niya. Lagi namin pinag aawayan yun. Nagdecide ako na makipag break kasi wala siyang tiwala noon sakin. Yun kasi ang pinaka ayaw ko sa relasyon. kawalan ng tiwala.
September 8, 2010
18th Birthday ko. Hindi makakalimutan na nangyari sa buhay ko. Last subject ko ang Filipino noon. Galing pa kami ng kabilang building. Nalulungkot na nga ako noon, Kasi konti lang bumati sakin. Hindi ko alam. Basta ang weird nila nung araw na yun. Tapos na yung Algebra namin, papasok na kami ni krizzane sa Filipino. ang dami nagtetext sakin nun, Tinatanong nila kung papasok ba ako, Kung nasaan na ako. May tumatawag pa nga. kinakabahan ako ng hindi ko alam nung araw na yun. Pagpasok namin sa room nasa labas yung iba, yung iba tahimik na nakaupo sa room at may isang nakaupo sa desk. May hawak pa siyang gitara. Bago pa ako umupo nun sa upuan ko, Nakita ko si jeck na may hawak na laptop at sa kabilang kamay niya speaker. Nagduda na ako. Napa sabi nalang ako ng “Ayaw ko niyan”. Nagtatangka na akong lumabas ng pinto, Ang daming humarang sakin. Bawal daw akong umalis. pagbalik ko nandun pala yung professor namin, Pati siya kasabwat sa nangyayari. Hindi ko alam yung feeling. Pinaupo nila ako sa harapan para malapitan kong mapanood yung video. Simpleng greetings ng mga taong malalapit sakin. Tatayo na ako ng may sumigaw na “Ibigay nyo na” Binigay nila isa-isa yung roses nila. Si pat ang last na nagbigay ng roses. 3 red roses yun. Tas kumanta sila ng “Happy Birthday”. Hindi ko inaasahan na may mag eeffort ng ganun sa akin. Naiyak ako habang nagpapasalamat. hahaha. Hindi ko alam na si pat lahat ng gumawa at nag effort noon. May dahilan pala kung bakit niya nagawa yun. Makikipagbalikan siya sakin. Pero hindi ko tinanggap, Ayoko na kasi. basta ang alam ko bata pa kami. Hindi pa pwede. Ginawa niya lahat bumalik lang kami. Nagpa doktrina siya, Buntot siya ng buntot sakin, hanggang sa naiirita nalang ako sa ginagawa niya. Hindi niya ako napilit sa gusto niya nun. Hanggang dun nalang nun. After nun umiwas na kami sa isat isa.
June 18, 2015
Birthday ni june. Nagkita kami ulit. Pakana ng isa namin tropa. Invite niya raw si pat kasi alam niya nag aaral daw siya ulit. Akala ko talaga nagjojoke lang siya. hahaha. Potek! Totoo pala talaga! Hindi ko alam yung magiging reaction ko nung nakita ko. Sobrang Awkward talaga. Hindi ko alam paano ko siya approach. Nakakailang. hahaha.
June 19, 2015
Madaling araw na kami natapos sa kwentuhan na walang kwenta. Nag inuman kami sa maliit na bar na malapit sa apartment. Nagpalipas oras sa boarding house ni june. Nag asaran! Doon ko na sila pinatulog sa apartment dahil antok na antok na sila. Nakatulog na sila saka niya sinabi sakin na “Babe, Hindi na ako lasing. I love you” nagulat ako. Pinipilit niya sakin na kami padin daw, hindi naman kami nagbreak. Tinawanan ko nalang siya. Bigla nalang siya nag iba. Biglang concern nalang siya bigla. Hindi daw nawala yung pagmamahal niya sakin. Hindi raw siya nagka girlfriend after namin magbreak. Ako rin naman ganun. Pumasok siya ng school, Bumalik sila ng gabi. Tas hinalikan niya ako. Hindi ko alam kung bakit. Feeling ko nag assume na siya na kami na kaya niya ako hinalikan. Tinext ko siya ng gabi. sabi ko “bakit mo ako hinalikan? Hindi naman tayo. Kung gusto mo ako. manligaw ka muna”. Ayun! Manliligaw daw siya.hahahaha
June 25, 2015
Sinagot ko siya! Araw araw kasi niya ako kinukulit. Araw araw kasi kami magkasama noon. Ako kasi yung tipo ng babae, na kapag gusto ko na ang lalaki hindi ko na pinatatagal baka kasi mawala pa. hahaha
July 1, 2015
Bigla siyang hindi na nagtetext sakin. Hindi nagpapakita. Kumbaga parang naglaho siya. Pero alam kong hindi pala ako ang priority niya. Mahal niya ako kaso gusto niya magfocus sa mas priority niya
July 4, 2015
Humahawak parin ako sa pag asang kahit hindi ako ang priority niya. Susuportahan ko padin siya. Iniisip ko na baka naguguluhan siya. pareho namin gustong maka graduate. Pareho namin gustong maging engineer. Chemical Engineering siya. ako naman Industrial Engineering.
July 6, 2015
Pinilit kong iconvince sarili ko na magpaparamdam siya. Kaso wala e. Umiiyak nalang ako. Bago ko pa siya sagutin nun, sabi ko sakanya natatakot ako na masaktan ulit. Sabi niya Hindi niya raw gagawin yun. Kaso dumating sa point na hindi pala totoo ang lahat. Mahal ko na kasi siya nun. Kaso nagkamali ako.Para akong tangang umiiyak.hahaha. Tas biglang dadating si rhenz na wag na iyakan si pat kasi hindi dapat iniiyakan yung mga lalaking karapat dapat. Nilibang niya ako nun. Pinasaya at iconvince na move on na.
July 7, 2015
nag confess ako. Naisipan ko lang na baka mabasa niya. Umaasa na babalik siya.Hay naku rej! Tama na pagpapaka tanga. Get up and move on. Wala ka sa priority niya. Iniwan ka niya. Kaya tama na. Yan lang yung mga word na pinipilit kong pinapaintindi sa sarili ko.
July 12, 2015
Mismong araw ng birthday niya nung nanood kami ng sine ni june at red. bago pa kami nagkita kita. umiyak ako nun. hahaha. natatawa ako nun. iyak tawa ako sa pinag gagawa ko noon. umaasa na baka magparamdam pa siya. kaya sabi ni june, “Rej tama na! baka hindi talaga siya yung para sayo.” hahaha. Binura ko na siya sa contacts ko. Binlock ko siya sa Fb. Hay! Kailangan ko kasi mag move on kaya kailangan maglibang kaya kami nag sine. Bago pa kami nagkita ni Red sa Mall. Biglang nag ring phone ko. Nakita ko si pat. nagtataka siguro kayo bakit ko nalaman. kinuha ko ulit number niya kay june babatiin ko sana siya kaso diko magawa. Natawa nga ako nun. Kinilig ako. Kasi tumawag siya. Ginigising ko sarili ko na papaasahin niya lang ako kung kailan okay na ako.hahaha. sabi niya “Thank you” Nagtaka ako. Sabi ko “bakit ka nag thank you?” Hindi niya rin alam. akala niya daw ako yung bumati sakanya. Hindi ko pa nga siya tinetext e. Hay! Akala ko pa naman magsosorry siya sakin. Pinapapunta niya kami sakanila kasi naghanda daw mama niya. Sabi ko sige. Hindi din kami nakapunta kasi sobrang gabi na at may pasok pa sa work si june. Kaya dina kami tumuloy.
July 19, 2015
Naging okay kami ulit! Nagsorry siya. Pupunta daw siya sa apartment. Pumunta nga siya, Nagdala siya ng Nilagang baka at Fries at banana float. Peace offering daw, Mag usap raw kami. Nag usap naman kami. Sabi niya kaya niya lang raw nagawa yun baka daw mgbreak daw ulit kami tulad ng dati. Natatakot lang talaga siya. sabi ko sino bang hindi takot masaktan ulit? Sabi ko alam ko naman na mas may priority ka. Pero wag mo naman iparamdam sakin na wala ako sa priority mo. Tas naiyak nalang ako. At may last word ako na sinabi sakanya bago kami naging okay ulit “Kapag gagawin mo ulit yun sakin, Wala ka nang babalikan pa” Napangiti siya at nagsorry ulit. Tas niyakap namin isat isa. Babawi daw siya. Yung picture, yan yung first sine namin together.ahahaha. At paulit ulit nyang sinasabi na bawal na kami magsine ni red. Selos na selos daw kasi siya nung birthday niya kasi mas inuna ko daw si red kesa puntahan siya nung birthday niya. Sabi ko nalang “Hindi ka naman kasi nagpaparamdam nun kaya akala ko wala na”
August 25, 2015
2nd Monthsary namin. Binigyan niya ako nang roses and chocolate na may kasamang video presentation. Bumabawi nga siya.
Ito yung video na tawang tawa ako sakanya. syempre kinikilig kasi hindi ko inaasahan na mag effort siya ng ganyan.hehehe.
Note:
Every monthsary namin pinaghahandaan namin. Habang tumatagal mas lalong tumitibay relationship namin noon.
April 14, 2017
Naka graduate ako! Matagal ko rin hinintay yung pagkakataon na to.
June 25, 2016
First Anniversary namin! galing akong office nang makita ko ito. Grabe effort talaga ng boyfriend ko. Kinilig ako!
January 17, 2017
Nalaman ko na buntis ako! Pareho kaming masayang masaya! Excited na siyang maging Daddy at ako, Excited na maging Mommy.
March 4, 2017
Binuksan ko yung Messenger niya. Kinalkal yung group chat nila. Kasi alam ko may Team bldg sila at hindi siya uuwi ng sabado sa bahay. I dont know bakit ako nagduda sakanya bigla. Ito yung kinasakit ng loob ko. I dont know ano ginagawa nila. Pero parang may mali sa caption nila nung ka officemate niya. Pinagdudahan ko na, Binasa ko convo nila, Wala akong makita kasi agad agad niyang binubura yung convo nila ni girl. Gumuho lahat pangarap ko. Hindi ko na alam gagawin ko, Tinatawagan ko siya sabi niya lasing siya baka ano daw masabi niya sakin. Nakikipaghiwalay na siya pero sinabi niya padin na mahal na mahal niya ako. Pero dahil ako naunang makipag hiwalay sumang ayon siya. Pero ayoko! Ayokong maghiwalay kami dahil lang sa babae. Dalawa na kami. Dalawa kaming dapat niyang panagutan sa pagkakataon na ito. Hindi pwedeng bumitaw siya. Kaso hindi siya umuwi. Hindi niya ako kinausap. Hindi ako nakatulog, hindi makakakain. Hindi makausap ng maayos. Hindi pa kami official na naghihiwalay. Basta alam ko maayos pa to.
March 6, 2017
This convo break my heart! hindi lang basta nasira! Nadurog! durog na durog. hindi ko na alam gagawin ko sa office nun. Latang lata ako, wala na ako sa sarili ko. Parang anytime mag cocolapse ako. Nagpapasundo ako sakanya ng mga panahon na yan. Kasi di ko na kaya yung nararamdaman ko. lahat ng kinakain ko sinusuka ko. Hindi talaga ako okay. Dinala nya ako sa hospital, Nagmakaawa ako sakanya na wag niya akong iiwan. Iyak ako ng iyak. Lahat pwede ko gawin basta wag niya lang akong iwan. Kaso ang sinabi niya lang sakin “Wala na”. Hindi na daw niya ako mahal. Sumabog na siya. Sabi ko pano na yung anak namin. Pananagutan niya. Kaso hindi ako kasama sa pananagutan niya. Grabe! Hindi ko alam anong yung mararamdaman ko. durog na durog ako noon. Bakit ngayon pang mas kailangan ko siya saka niya ako iiwan? Hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Hindi ko alam kung paano ko magagawa ngayon lahat. Nangako siya. Nangako siya na hindi niya ako iiwan gaano pa kahirap. Pero nawala siya bigla. As in sa isang iglap lang. Sobrang sakit! Ngayon ko lang naramdaman yung ganitong sakit! Kaya ko pang magmove on e. Kung wala siyang iniwan sakin. Kaso meron. Ilang beses akong nagmakaawa sakanya. Ilang beses kong ginawang tanga at desperada sarili ko kaso wala. Tinanggap ko lahat ng masasakit na sinabi niya. Lahat lahat. Wala parin.
March 18, 2017
inuwi na ako ng probinsya dahil hindi ko talaga kayang alagaan sarili ko sa manila. Nagresign na sa trabaho ko kasi hindi ko narin kayang pumasok dahil dinudugo na ako sa nangyayari sakin. Araw araw lang akong dinudurog sa salita nyang masasakit. Araw araw umiiyak kapag gigising ako ng umaga. maaalala yung lahat. Nasanay akong nanjan siya ng almost 2yrs. Naniwala akong hindi niya ako iiwan. Naniwala ako sa pangako niyang magkasama kaming magpapalaki sa baby namin. Hindi padin malinaw sakin lahat. Hindi padin ako makapaniwala na wala na siya. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya yun sakin. Ang dami kong sinakripisyo sakanya. Siya lahat yung first ko, Ngayon kahit anong gawin ko hindi ko na maibabalik yung kinuha niya sakin. Sa ngayon ang alam ko. Ang meron lang ako. Yung baby namin. Si baby lang nagpapalakas sakin na kailangan ko pang lumaban para sakanya. Tama na yung isang pagkakamaling nagawa ko noon. Ayokong maulit yun dahil sa maling desisyon nagawa ko. Masakit para sakin na kahit anong gawin ko, Hindi ko na maibabalik yung buhay na nawala dati. Buti nalang strong yung baby ko ngayon. Hindi niya ako iniwan kahit iniwan na ako ng Daddy niya. Kailangan ko lumaban para sakanya para mapatunayang kong karapat dapat akong maging ina sakanya.
April 3, 2017
Healthy si baby. sobrang saya ko nung malaman na normal si baby. Lumalaban din siya parang ako. Mas napatunayan kong strong ako ngayon. Mas pinapatatag ako ni baby. Ibubuhos ko sakanya lahat ng pagmamahal ko. Aalagaan ko siya. “Baby, chill ka lang dyan sa tummy ko! Aabutin natin lahat ng pangarap mo. Sisikapin kong matupad lahat ng naudlot kong pangarap. Para matupad natin yung sayo. Pag lumabas ka artista kana. Hinihintay kana ng mga engineers mong ninong at ninang.Basta magpaka healthy ka lang sa tummy ni baby. Wala ka man tatay sa tabi mo. Tandaan mo may mommy kapa na handang gawin lahat sayo. Si mommy hinding hindi ka iiwan. Promise yan! basta wag mo din iiwan si mommy ha. Mahal na mahal ka ni mommy”
0 notes
Text
March 3, 2017
Schedule ng pagpunta niya dito sa bahay. Pero nilakasan ko loob ko na yayain siya na lumabas naman kami. Hindi ko na matandaan kung kailan kami huling lumabas. Last year pa ata? Ewan ko na.. 7pm, 8pm, wala padin siya. Mga 9pm na siya dumating pero bago yun nagtext siya na para bang ayaw niya. Na parang di kami tuloy kasi anong oras na at baka di ako payagan. Pero sinabi ko na bakit hindi ako papayagan? Eh siya naman kasama ko. Ngayon pang magkaka-baby na kami tsaka ako di papayagan? Parang imposible naman ata. So natuloy kami. Habang nasa byahe papuntang Evia. Medyo tahimik. Nakakapanibago. Kasi dati sa tuwing aalis kami ang daldal niya. Ang dami namin napag uusapan kahit isang tanong, isang sagot lang ako. Me: buti natuloy tayo? Him: para naman makabawi Hindi ko alam kung totoo ba pero ok sige, sabi niya eh. Ayoko na pagdudahan kasi sawa na ko magduda. Sawa na ko makipagtalo kaya hinayaan ko nalang. Pagdating namin ng Evia. Naglakad na kami papasok ng mall. Hindi man lang niya ako hinawakan. Nalungkot ako. Nanlambot ako. Parang magkaibigan lang kami. Casual na nagkita at nagsama. Di ko na masyado inintindi. Hinayaan ko nalang din pero sakit non. Akala ko ba bumabawi siya? Bumibili siya ng ticket habang ako nakaupo lang sa tabi. Nag chat ako sa friend ko na lumabas kami ni Coy, manunuod ng movie. Sabi ko pa na gusto ko na umuwi kasi parang wala naman akong kasama gawa ng di naman kami naguusap. Kaso di siya nakapag reply agad. Nakabili na ng ticket. A Dogs Purpose pinanuod namin. Dapat Logan 3D kaso wala ng available. 4D nalang ang meron kaso bawal ako kasi preggy ako. Kaya yun nalang. Pagpasok namin sa sinehan tahimik padin kami. Hindi niya ko inalalayan paakyat, eh madilim sa sinehan diba? Hinayaan ko nanaman. Naka-upo na kami. Naghihintay na magstart ang movie. Inabot niya sakin yung straw para sa water ko. Inalok niya din ako na kung bubuksan na ba niya. Sumagot naman ako na mamaya nalang. Nagstart na ang movie. Ok naman. Wala ng imik syempre kasi bakit pa kami nanuod sa sinehan kung kwentuhan lang naman ang habol ko, diba? Pero may times na nakikita ko talaga siyang tumititig sakin. Actually madaming beses. Tapos ako tatanungin ko naman siya kung bakit? Sagot niya lang bawal ka ba tignan? Nakakatuwa kasi tinitignan niya ako pero syempre hindi ko naman alam kung ano ba ang nasa isip niya. Kung masaya ba siya? Kung namiss niya ba ako? Ang daming tanong sa isip ko pero hanggang sa isip ko nalang kasi di ko naman kayang itanong sakanya. Nang dahil sakanya natuto akong maduwag na magtanong. Dati naman hindi ako ganon. Ang strong ko kaya. Ewan ko ba? Di ko din alam kung bakit. Natapos na ang movie. Hindi pa kami tumayo agad, pero niyakag ko na siya kasi kailangan ko mag cr. Palabas na kami ng sinehan, alam kong hindi niya ko hahawakan kaya ako na ang humawak sa braso niya, nilunok ko na yung hiya ko kaysa naman matapilok ako dun o matisod tapos may mangyari pa samin ng baby ko. Maka-baba lahat ng hagdan, inakbayan niya ako hanggang sa makarating kami pareho sa restroom. Natuwa ako. Simpleng bagay lang diba? Pero yun yung mga priceless para sakin. Papunta na kami ng parking, back to normal. Hindi niya padin hinawakan kamay ko. Hinayaan ko padin. Baka di niya lang talaga feel. Paglabas namin umuulan, buti nalang may jacket ako at may hood ang jacket ko. Pinag hood niya ako. Tapos nung dumating kami sa may part na may bubong na, tinanggal ko na. Him: bakit mo tinanggal? Me: mamaya nalang may bubong naman eh Him: ang kulit mo, ibalik mo yan, kita mong naulan Binalik ko naman. Natuwa nanaman ako kasi ibig sabihin nag aalala siya. Nasa parking na kami, naisip ko di nanaman niya ko pagbubuksan ng pinto. Ganun kasi yung ginawa niya nung paalis palang kami sa bahay. Nagulat nga ako nun eh, kasi first time ko na hindi niya ako pagbuksan ng pinto. Buong friendship & relationship namin never niya kong hindi pinag buksan ng pinto. Isa yun sa minahal ko sakanya eh. So ayun na nga, nagulat ako kasi sa parking pinagbuksan niya ako. Natuwa nanaman ako syempre. Habang nasa byahe kami pauwi, nag usap naman kami kahit paano. Napag usapan namin kaunti yung sa movie. Napag usapan din namin yung nadaanan namin na naaksidente habang papunta palang kami ng Evia. Tinanong niya din ako sa kung anong plano ko kinabukasan. Him: ano plano mo bukas? san ka bukas? Me: akala ko ba hindi ka pumayag na pupunta kami ng south streat? pumapayag ka na ba? Him: no, sinisigurado ko lang. magtutulog ka nalang bukas Me: lumalaki na ako kakatulog Him: kailangan ni baby yan Him: ano pang sinabi sayo kahapon ng doctora? Me: wala, yun lang naman. tsaka yung about sa panganganak ko. scheduled operation kasi ako. hindi complete na 40 weeks. mga 38 weeks lang. hindi na hintayin na mag labor ako kasi baka kung ano pa mangyari sa matres ko. 2nd week ng august ko ilalabas ang baby. Him: ganun? eh si baby kamusta? Me: sakto naman na yung laki niya sa 15 weeks Sabay hinawakan niya yung tiyan ko. Medyo maumbok naman na din kasi mag 4 months na ako next week. Tapos hinawakan niya din right boob ko. Lumalaki din daw. Tinignan ko siya ng masama tapos siya tumawa lang. Me: paano kung di boy ang ibigay satin? girl pala, nagkamali lang ng unang tingin nung check up? Him: ok lang kahit ano pa siya basta ang mahalaga healthy Me: pero magiging masaya ka kung boy Him: oo syempre pero wala naman tayo magagawa kung hindi ibigay satin eh Tumahimik nalang ako. Tama nga naman siya. Gusto ko kasi siya sumaya. Gusto ko magkaroon kami ng healthy baby boy. Pero kung ano ibigay ni God, yun ang tatanggapin namin. Nakarating na kami sa bahay. Nag goodbye kiss na kami sa isa't isa at nag goodnight. Dun na natapos. Sobrang bitin ako kaso ok nadin. Naisip ko kasi na mas ok ng nagkita kami kaysa hindi, diba? So ayun lang. Share lang.
0 notes
Text
hanggang kailan, six
SYNOPSIS, kung saan nag away si seungcheol at si yn at nadulas niyang nasabi na mas pipiliin na lang niyang lumayas ng bansa. masyadong sineryoso ni seungcheol at binilhan siya ng ticket, not knowing na merong ibang nag-aantay sa kanya doon.
PAIRING/S, choi seungcheol x f!reader x yoon jeonghan
part six | prev / masterlist / next
#kwentuhan : hanggang kailan <3#seventeen x reader#svt x reader#seungcheol x reader#scoups x reader#jeonghan x reader#seventeen smau#seventeen filo smau#seventeen filo au#seventeen imagines#seungcheol imagines#scoups imagines#jeonghan imagines
31 notes
·
View notes
Text
hanggang kailan, one.
SYNOPSIS, kung saan nag away si seungcheol at si yn at nadulas niyang nasabi na mas pipiliin na lang niyang lumayas ng bansa. masyadong sineryoso ni seungcheol at binilhan siya ng ticket, not knowing na merong ibang nag-aantay sa kanya doon.
PAIRING/S, choi seungcheol x f!reader x yoon jeonghan
part one. | prev / masterlist / next
#kwentuhan : hanggang kailan <3#seventeen x reader#seungcheol x reader#scoups x reader#jeonghan x reader#seventeen smau#seventeen filo smau#seventeen filo au#seventeen imagines#svt imagines#seungcheol imagines#scoups imagines#jeonghan imagines
29 notes
·
View notes