#NSTPKwentuhan
Explore tagged Tumblr posts
Text
DRRM Kwentuhan
Hello!
Ako nga pala si Jacquelyn Joyce, estudyante ng C-ACCT-7!
Ginawa ko yung blog na ito para maibahagi sa inyo ang aking mga natutunan at experiences nung ako ay pumunta sa barangay hall namin dito sa Bonga Menor, Bustos, Bulacan. At sa kabutihang palad, pareho kong nakapanayam ang aming Barangay Captain at BDRRM Officer noong panahon na iyon.
Pagtukoy ng mga Bantang Panganib
#Batay sa inyong naalala, Ano-ano ang mga kalamidad/hazards na tumama at sa ating barangay? Ikwento.
Ano nga ba ang kalamidad? Ang kalamidad ay itinuturing na mga pangyayaring nagdudulot ng malaking pinsala sa kapaligiran, ari-arian, kalusugan, at ng mga tao sa lipunan.
Ayon kay kapitan, maraming klase ng kalamidad:
Ang una ay natural disasters (sakuna) kung saan ito yung mga hindi maiiwasang mga panganib dulot ng mga natural na pangyayari sa kapaligiran natin kagaya ng baha, lindol, bagyo, atbp.
Marami na raw narasanang natural disasters ang barangay, ngunit sa kabutihang palad ay hindi kami ganoon nasalanta ng mga ito. Una raw, sa tuwing nagkakabagyo, hindi maiiwasan ang malalakas na hangin at ulan. Nag-eepekto tuloy ito ng pagkasira ng imprastraktura ng mga bahay lalo na yung yero, nawawalan ng mga kuryente at internet dahil napuputol ang mga wire, at mayroon din daw cases na napuputol yung mga puno. Pasensya na raw at hindi nya masabi kung anong bagyo ba iyon at kung kailan, ang nasasambit na lamang niya ay yung mga natatandaan niyang nangyari dito sa barangay.
Ikalawa ang pagkakaroon ng mga lindol at pagyanig na sa malaking pasasalamat ulit ay hindi nakaapekto ng ganoong kalaki sa aming barangay. Tuwing nililindol, palaging kasama ang barangay namin ngunit malayo palagi kami sa pinaka 'center' ng lindol kaya malaking pasasalamat ito sa Panginoon dahil hindi kami pinababayaan.
Dagdag pa ng kapitan na noong bata pa raw siya, nag-aaral elementarya, mga 1970s, naranasan niya yung pagbaha dahil sa pag-apaw ng ilog ng Angat, umapaw ang tubig, at nasira ang isang pintuan sa Angat Dam kaya bumaha sa buong Bayan kasama na ang Bonga Menor. Bumaha, malala at matagal na panahon na itong nagyari, nung bata pa si kapitan at ang aking nanay. Sabi pa ng nanay ko na nung dati, nung bahay daw nila ay mababa pa at luma pa, hanggang 2nd floor ang baha at 2 araw at isang gabi raw ito bago humupa, lumikas sila sa malapit na evacuation center. Mga hayop kagaya ng baboy at manok ang palutang lutang at namatay, kasama na pati mga kagamitan sa bahay at mga importanteng dokumento. Nahirapan silang bumangon nung panahon na yon. Nagpakawala raw ang Angat Dam ng tubig kaya naapektuhan rin ang ibang bayan at lalawigan. Ngunit hindi na kasi nangyayari ito sa kasalukuyan dahil 60-80% ng mga nakatira sa ilog ay nailipat na sa mga pabahay sa kalapit na barangay ng Bonga Mayor, Bustos, Bulacan, ang "Bustos Heights." Pinatayo ng gobyerno ang pabahay na ito para sa mga nakatira sa ilog, military troops, mga pulis, bumbero at jail personnels. Nakapagpasemento na rin ng 500m na slope protection upang maiwasan ang pag-ulit nung nangyaring sakuna. Sa kabutihang palad ay naging isang maganda itong barrier para sa namumuhay malapit sa ilog pati narin sa kaligtasan ng buong barangay.
Nung kinekwento ito ng kapitan, ang aking nanay ay may kinwento rin ang kanyang karanasan noong 1990s, ang pagputok ng Bulkang Pinatubo sa Pampanga. Umabot dito sa barangay ang mga abo at yung mainit na temperatura lalo na ang delikadong hangin na hindi dapat malanghap ng mga mamamayan. Ang hirap daw nung panahon na iyon.
#Ano ang iba pang mga panganib na nakaapekto ng matindi sa ating pamayanan?
Ang ikalawa naman daw uri ng kalamidad ay ang man-made calamities kung saan ito yung mga problema na tao rin mismo ang may kasalanan. Kasama na roon ang panghohold-up, nakawan, mga aksidente sa sasakyan, at sunog.
Sa aking pagsasaliksik kung nasaan ang ilog sa aking barangay, nakita ko ang balita na ito na kahit mataas na ang slope protection dito sa ilog, may mga bata paring naglalaro malapit dito kaya may isang batang nalunod sa ilog kamakailan lamang.
(https://www.facebook.com/1678461479053285/posts/2331067350459358/)
Ngunit, ayon sa aming kapitan, ang pinakamahirap na pinanghahawakan niya dito sa barangay ng Bonga Menor ay ang Bypass Road. Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) noong May 3, 2018, "This weekend, motorists bound for eastern Bulacan, Nueva Ecija and parts of Cagayan Valley may drive through the newly completed 10-kilometer stretch of the bypass road, which connects the North Luzon Expressway (NLEx) to the Maharlika Highway, said Virgilio Castillo, DPWH director of the Roads Management Cluster 1 Unified Project Management Office." Isang malaking tulong sa pagpapadali at mapabilis ang byahe ng mga pribado at pampublikong transportasyon ng mga mamamayan, kaya marami rin ang naaaksidente dito. Huwag naman daw sana pero halos 3 beses sa isang linggo ang mga nagaganap at narereport na aksidente dito sa barangay namin.
(https://www.google.com/amp/s/newsinfo.inquirer.net/987374/bustos-bulacan-section-of-plaridel-bypass-road-opens-on-may-5/amp)
#Paano nalalaman na may parating na bantang sakuna? (maaring siyentipiko at/o lokal na palatandaan at babala)
Ayon kay Kapitan, sa Natural Disasters, ang Rescue 505 ng buong bayan ng Bustos, Bulacan ang nagsasabi sa bawat kapitan ng bawat barangay kung may paparating na bagyo (dito na pumapasok yung Red, Orange at Yellow alert), gayundin sa lindol ngunit rito, dahil sa kakulangan ng kagamitan pati narin sa buong bayan, limitado na lamang ang kakayanan ng barangay para ma-detect ang ganito pati narin ang PAGASA, malalaman na lamang ang lakas ng lindol kung nangyari na ito.
Kung sa lokal na palatandaan, kailangan kapag nag-umpisa na o paumpisa pa lamang ang ulan ay updated na ang barangay sa lagay ng panahon.
Pero kahit may sakuna man o wala, palaging nag-uupdate ang MDRRMO Rescue 505 sa mga barangay kada 3 oras.
#Gaano kadalas ito nangyayari sa inyong pamayanan?
Kung sa kadalasan, hindi naman natin ito mafoforecast pero dumadalas na ang pag-ulan dahil pumasok na ang panahon ng Amihan.
Ang pag-kontak at pagtawag ng Rescue 505 sa barangay ay sa tuwing may nagbabadyang masamang panahon, lalo na ang malakas na hangin at pag-ulan. Ang lindol at iba pang natural calamities ay inuupdate naman madalas sa pamamagitan ng walkie-talkie ng bawat barangay.
Vulnerability, Elements and People at Risk Assessment
#Kung tumama ang nasabing panganib sa ating lugar, saan ang may pinakamatindi ang mapipinsala? Tukuyin ang ilang mga lugar. Bakit kaya ang mga lugar na ito ang may pinakamatindi ang pinsala?
Kung tumama ang nasabing panganib, maaaring ang may pinakamatindi ang mapipinsala ay yung malapit sa ilog sapagkat tumataas ang tubig roon tuwing umuulan. Ito raw yung sa bandang pa-rampa sa may tabi ng ilog pati narin sa Bustos Bypass Road.
Ngunit, hindi na binabaha ang barangay ng Bonga Menor sapagkat mayroon na raw tayong slope protection. Dati yung ilog pag lumusong hanggang tuhod agad, pero ngayon napakataas na ng harang sa ilog natin kaya dinaraanan na lamang ang barangay natin, ang kawawa ay yung mga bayang nasa dulo sapagkat sa kanila lahat napupunta yung tubig katulad ng Hagonoy at Calumpit, Bulacan.
Kung sa lindol naman, hindi rin tinamaan ang barangay ng Bonga Menor sa fault line, at kung may matatamaan man, yun yung mga bahay na may mahinang pundasyon dito, at matatagpuan sila sa gilid ng ilog dito sa barangay.
#Kung tumama ang mga bantang panganib sino-sino kaya sa ating lugar ang may pinakamaapektuhan? Tukuyin ang ilang mga tao? Bakit kaya ang mga lugar na ito ang may pinakamatindi ang pinsala?
Ang tao nasa may tabing ilog nakatira ang pinakamaaapektuhan ng baha/lindol, ngunit hindi narin ito sa ngayon dahil nga sa nasabing slope protection (500 meters na ang nalalagay na harang sa ilog sa pamamagitan ng pagsesemento), hindi na maeerrode yung lupa.
Kung, mapipinsala naman kasi, sila yung malapit sa tubig kaya kung babahain man, sila ang unang matatamaan.
#Ano kaya ang epekto ng pagtama ng sakuna sa mga tao, pangkabuhayan, serbisyong panlipunan at imprakstruktura ng pamayanan?
Malaki ang epekto nito lalo na kung malala sapagkat magkakaroon ng patong-patong na problema, mawawalan ka na ng ani, pati yung mga tirahan at pangkabuhayan ng mga mamamayan.
Mawawalan ng source of income ang mga tao, mawawalan ng pangkabuhayan ang mga magsasaka, kapag panahon ng ani at nagkabagyo, siguradong wash-out ang mga pananim ngunit mayroon namang binibigay ang National Government na 'crop insurance' at 'livestock insurance' para sa kanila. Pero sigurado akong hindi sasapat ang ganitong uri ng tulong para mapunan ang pang araw-araw na pangangailangan. sa larangan naman raw ng panlipunan ay masisira yung mga kabahayan at sa imprastraktura ay masisira rin ang mga napatayong lugar. Kapag kasi may nasira, kailangang ipatayo ulit hindi ba? Kapag magpapatayo ka, kinakailangan mo ulit ng pera. Pero paano tayo magkakapera, kung nasira nga ang pangkabuhayan natin? Mahihirapan talagang bumangon ang komunidad kapag nangyari ang ganitong suliranin.
#Saan ang pinakaligtas na lugar sa pamayanan kung may bantang panganib na dumating?
Ang basketball court ang naka-programang Evacuation Center dito sa barangay ng Bonga Menor. Mayroong sariling CR, nakahiwalay ang pambabae sa panglalaki. Dito ang pinakasafe na lugar kung mayroon mang tatamang natural disaster. Gayundin sa mga silid-aralan ng eskwelahan.
#Saan naman ang pinakadelikado na lugar sa pamayanan kung may bantang panganib na dumating?
Katulad ng sinabi kanina, ang pinakadelikadong lugar sa pamayanan kung may bantang panganib na dumating ay sa ilog kung natural disaster at sa Bustos Bypass Road naman kung man-made calamities. Ngunit kahit saan man ito, manatili parin daw tayong maingat sa anumang uri ng krimen at kalamidad.
#Ano-ano ang suliranin/problema na kinakaharap ng pamayanan at barangay nahumahadlang sa pag-unlad ng tao at pamayanan at pumipigil sa pagbangon ng pagsalanta sa mga kalamidad?
Sa kasalukuyan, hindi ko dapat isasama rito, ngunit nakakabahala kasi ang nangyaring suliranin sa bayan kong tinitirhan. Ang bayan po ng Bustos, Bulacan ay nahaharap sa isang malaking problemang pangkalusugan. Mayroong isang lalaking taga tabi lamang ng barangay namin ang namatay 'raw' dahil sa sakit na meningococcemia. Isa itong nakakahawa na sakit kaya nung pagdating ko pa lamang sa barangay ay ito na ang bukambibig ng bawat taong nadaraanan ko kahit pati si kapitan. Ayon sa aking pagrereserts, nakita ko ang litratong ito na pinost ng aming munisipyo. Kaya makikita natin ngayon na halos lahat ng mga mamamayan ng Bustos, pati narin ang karatig na bayan ng Baliwag ay may mga dalang alcohol at nakasuot ng masks para sa preventive measures. May nakita akong article tungkol dito at hindi ito dapat ipawalangbahala lamang. Isa ito sa mga dahilan kung bakit busy ang kapitan namin nung akin siyang kakapanayamin.
(https://newsinfo.inquirer.net/1183735/bulacan-town-resident-dies-of-meningo-but-health-execs-say-no-cause-for-alarm)
Ang suliranin na humadlang sa pag-unlad ng tao nung mga nakaraan lamang na buwan ay ang pagkawala ng maayos na pagtatapunan ng mga basura dito sa barangay. Masangsang ang amoy ng mga basurang matagal nang nakatambak sa daanan, nakapagdudulot rin ito ng sakit sa mga bata dahil sa germs at bacteria na naiipon roon. Nagkaroon pa ng issue at nabalita rin sa telebisyon ang pagkahuli ng ilang barangay tanod dito sa barangay sa hindi nila tamang pagtapon ng basura sa tamang dump site na siya namang problema ng namamahala sa bayan sapagkat ito ang lugar nilang binigay sa bawat barangay bilang alternatibong tapunan ng basura. Nawalan ang barangay ng Bonga Menor ng kumukuha ng basura at tagakuha sa basura na ito. Kaaama rin sa mga naging problema at progreso ng barangay ang pagkatayo ng Bypass Road dahil sa pagtaas ng bilang ng mga naaaksidente sa lugar na iyon.
(https://www.facebook.com/BrigadaGMA/videos/197236031208794/)
Dagdag pa ng aming kapitan na ang pag-unlad ng isang barangay, bayan, lalawigan at isang bansa ay nasa tao rin. Tayo ang suliranin, ngunit tayo rin ang solusyon. Minsan may pumunta rito sa barangay na ang sabi may magkakabit sila ng cell site dito, ngunit ang mindset ng mga tao ay kapag raw nagpatayo ng ganito ay mas magiging prone ang mga mamamayan sa cancer dahil sa radiation ngunit hindi ito totoo. Gayundin ang pagpigil sa pagkabit ng mga network ng internet rito. Tayo rin ang pumipigil sa sarili nating pag-unlad dahil sa pansariling kagustuhan. Alisin sana ang negative thoughts natin at umpisahan ang pagiging positibo para tumaas rin ang kita natin para sa ekonomiya at tumaas ang antas ng pamumuhay.
Capacity and Disaster Management Assessment
#Ano-ano ang ginagawa ng pamayanan at barangay sa paghahanda-pagiwas at kung sakaling may mga bantang panganib tulad ng bagyo, baha, lindol na dumating?
Nagkakaroon ng mga drills na ginagawa sa eskwelahan para sa mga tauhan ng barangay, volunteers at mga estudyante upang maging aware ang mga kabarangay natin kung anong gagawing pag may panganib na dumating, gayundin ang pagcoconduct ng seminars tungkol sa mga kalamidad, kung ano ito at kung paano ito maiiwasan ang mga ito.
Ang pagtutulong-tulong ng mga nanunungkulan at ng pamayanan ay kinakailangan. Dahil hindi kaya ng nanunungkulan lang, at hindi rin kaya ng pamayanan lang, ngunit kung magkasama sila ay magkakaroon ng pagkakataon at pag-asa na malalampasan ng mga Pilipino ang mga ganitong sakuna kung magtutulong-tulong tayo.
#Ano ang nilalaman ng plano ng Barangay pagdating ng sakuna? (kung kaya hingin o hiramin ang BDRRM Plan, Hazard and Safety Map if they have, Barangay Projects for different sectors like Youth, Women, Children, Elderly, Poor, PWD etc.)
Ayon kay Ate Marlyn, ang paggawa ng BDRRM Plan ay inatas ng nakatataas bilang tungkulin nila. Sila mismo ang gagawa ng plano para sa lugar na naatas sa kanila.
Noong nakaraang Oktuber 28, 2019, nagsagawa ang Sangguniang Barangay sa pamumuno ng BDRRM Officer na si Marlyn Ilagan sa pagtuturo ng CPR/First Aid Training para magkaroon ng kaalaman ang mga barangay officials, barangay officers, volunteers at mga estudyante kapag may dumating na hindi-inaasahang problema o emergency dito sa ating bsrangay. Kasi hindi dapat tayo magpaka-kampante, kung mayroon tayong magagawa, makakaligtas tayo ng buhay ng iba. Ang kakayanang tumulong ay isa nang malaking hakbang para magkaroon ng maayos at ligtas na barangay.
Ayon kay kapitan, mayroong pinrovide ang Rescue 505 ng mga arrows at direksyon (ssfety maps) na sinabit nila sa bawat madaraanan dito sa Bonga Menor patungo sa evacuation center upang malaman ng tao ang daan patungong dito.
May mga barangay projects para sa mamamayan ng barangay namin, ngunit hindi maibigay sa akin ng aming kapitan ang mga papeles sapagkat gulo ngayon sa barangay dahil sa rami ng kanilang ginagawa. Ayokong makagulo sa kanila, kaya shinare nalang po sa akin ng Kapitan na tuwing may piyesta o kaya nama'y bago mag pasko ay nagkakaroon sila ng pabingo o raffle for a cause, kung saan nakikipagpartner sila sa iba't ibang sangay ng gobyerno upang makahingi ng mga papremyo na hindi sa anyo ng salapi kundi mga kagamitan sa bahay. Ang lahat ng mga taga-barangay ay inaanyayahang bumili ng tickets o bingo cards dahil lahat ng kikitain ng programang iyon ay para sa mga Senior Citizens, PWD at ang nasa mga pabahay dito sa aming barangay at pati narin sa bayan.
Youth - Ang sangguniang kabataan ang namamahala sa 10% ng pondo sa era natin ngayon, ngunit ayon sa kapitan, hindi niya masyadong alam ang mga programang nagawa o mga programang gagawin ng SK.
Since mga kabataan sila, nakadalo na ako sa isa sa mga proyekto nila noong nakaraang bakasyon, at yun ang Basketball at Volleyball Competition para sa aming barangay. May pambata, junior, intermediate at senior na mga laban, at sa pagkakaalam ko ay may premyong salapi at pangkabuhayan package sa mga nanalo.
PWDs - Sakop ng PWDs ang 1% ng ating pondo dahil ito ang utos ng DILG, ngunit hindi pa ganong ka-active ang grupo nila sa ngayon, kasi 30-35 palang ang kasapi, kailangan pa ng further improvement at directions mula sa nakatataas.
Senior Citizens - mayroon ring Senior Citizens Group sa pamayanan, at sila ang gumagawa ng sarili nilang mga programa. Nakakwentuhan ko ang aking tita, at isa sa mga programa nila ang pangongoloketa ng salapi para sa namatayang senior citizen upang makapagbigay sila ng kaunting tulong sa pinansyal at pagbangon sa buhay ng namatayan.
Mga litrato:
#Sa kasalukuyan, anong programa, sistema, gamit, pasilidad o kakayahan meron ang barangay na makakatulong sa mga tao , serbisyo at kabuhayan na maka-recover o makabangon mula sa epekto ng kalamidad? Isa-isahin natin.
Kagamitan - para panahon ng kalamidad, rescue patrol at rescue officers pa lamang ang kayang ibigay na serbisyo dito sa barangay.
Ngunit kung pangmalakihang sakuna na, humihingi tayo ng tulong sa MDRRMO o Rescue 505 ng Bustos kasi sa totoo lamang, ang konti lamang o ang liit ng budget ng barangay para sa mga ganitong gawain kaya humihingi kami ng tulong sa munisipyo o pati narin sa panlalawigan upang mas matulungan ang mga nangangailangan tuwing may kalamidad.
#Sino ang mga taong namamahala sa paghanda, pagharap at pagtugon sa kalamidad?
Hindi makakaya ng kapitan, mga tanod, BRRM Officer at mga sangguniang barangay at kabataan kung wala ang tulong ng pamayanan.
1. Sangguniang Barangay kasama na ang mga kagawad sa pamumuno ni Kapitan Soliman C. Santos
2. Sangguniang Kabataan kasama na ang mga kagawad sa pamumuno ni Julius Melencio.
3. Ang mga barangay tanod
4. Ang mga volunteers
5. Barangay Disaster Risk Reduction Management Officer na si Marlyn Ilagan.
Sa aking kaliwa ay ang Barangay Disaster Risk Reduction Management Officer na si Marlyn Ilagan at sa kanan naman ay ang aming Kapitan na si Soliman C. Santos.
COMMUNITY WALK
#Capture with your camera the Hazardous places, spaces, practices, lifestyle, issues in the community. Explain. Masasabi ko pong swerte ako sapagkat nabuhay at namumuhay po ako sa isang barangay na maayos, malinis, at walang gaanong problema. Sinamahan po ako ng isang officer po ng barangay upang makita ko ang kalagayan ng ilog na sinasabi ni kapitan na rumaragasang ilog noon na hindi na naman nakapipinsala sa ngayon, at nakita ko po talaga yung improvement at maayos na programang pagsesemento ng 500 meters above water kaya hinding hindi na siya babahain. Ngunit ilog parin ayon kay kapitan ang pinakahazardous place sa barangay.
Sa spaces, paanyaya ng aming kapitan na huwag pupunta sa mga madidilim, mapupuno at mapuputik na lugar para narin sa aming kaligtasan.
Para naman raw sa practices, marami parin sa aming mga kabarangay ang nagtatapon ng mga basura sa kanal, na hindi magandang practice sapagkat bumabara ang mga ito na maaaring makapagcause ng mas malaking problema.
Para sa lifestyle, nakagawian na kasi ng maraming tao dito sa Bonga Menor ang hindi pagsegregate ng kalat nila at patuloy parin ang pagtapon ng walang pakielam sa kung anong nangyayari sa kalikasan.
Para sa issues, nagkaroon kasi ng malawakang paghinto at pagkawala sa tinatapunan ng basura ng buong bayan namin sa Bustos, hindi na sila makapagtapon sa Waste Area sa Norzagaray, Bulacan sapagkat ang tanging daan para makapunta roon ay nasira, hindi makaraan ang malalaking truck sa ibang lugar. Kaya ngayon ay halos dalawang linggong nakatambak ang mga basura namin dito nang walang kumukuha. Isang malaking issue na naresolba na namancsa ngayon sa tulong ng gobernador ng Bulacan. Isa pang issue ang pagkakulong ng ilang tanod dito sa barangay namin dahil daw sa ilegal na pagtapon ng basura sa Waste Area dito sa barangay ng Tanawan, Bustos, Bulacan. Agarang humingi ng tulong ang barangay namin sa munisipyo upang makalaya ang mga nasabing tanod na tumutulong lamang para magkaroon ng malinis na barangay. Naresolba na rin ito sa ngayon.
Isa sa pinakadelikadong lugar dito sa aming barangay ang man-made o ginawang bypass road. Dinadaan ito ng halos lahat ng taga Bustos, Bulacan at malaking tulong ito upang mapadali ang byahe ng mga may sasakyan, trucks at marami pang pampublikong transportasyon ngunit isa ring malaking panganib dahil 8 daan ang konekta nito, isa itong intersection. Para itong pa-cross, at hindi pa sinosolusyonan ng Pamahalaang Bayan ng Bustos ang sirang traffic lights, at wala ring traffic enforcers kaya maraming aksidente ang nagyayari sa lugar. Isa itong "accident prone" area kaya pinag-iingat ang lahat ng dumaraan dito. Isa itong hazardous area dahil madulas ang daan rito kapag umuulan at madilim at kakaunti lamang ang ilaw kapag gabi.
#Capture with your camera the Safest spaces and places in your community. Explain.
Pabirong sinabi ng aming kapitan na kung pinakasafe na lugar ang pupuntahan ko, dun na ako pumunta sa Santo Rosario Chapel sa amin, dahil ito raw ang safest place spiritually. Bukas palad na tinatanggap ng chapel ang lahat ng gustong magdasal at magsimba roon.
Ayon kay Kapitan, kung safest place rin naman, mas mabuting doon muna tayo sa sarili nating mga kabahayan sapagkat naroon ang lahat ng kinakailangang pinansyal at pangsuporta sa pang-araw araw kagaya ng pagkain lalo na kung hindi naman ganong kalakas ang ulan. Ayon rin po kay kapitan na ang barangay namin ay mataas ang lupa kaya hindi dapat maglngamba ang mga mamamayan dahil sa tagal nyang namumuno wala pang case na binaha ang isang lugar dahil sa malakas na ulan. Ngunit, upang maging handa narin at pag-expect kung may dumating na malakas na natural disasters, na kailangan na talagang lumikas, doon na pumunta sa ating evacuation center na basketball court, mayroon namang palikuran doon at malapit lamang ito sa barangay at paaralan. Maaari rin kasing pagtuluyan ang ilang klasrum sa eskwelahan kaya mas malapit sa barangay, may ligtas.
Capture with your camera the BEST practices, lifestyle that your community being proud of. Explain.
Palagiang updated at pumupunta ang halos lahat ng mamamayan ng barangay sa tuwing mayroong icoconduct na seminars at drills dito sa barangay. Dito natin makikita ang kagustuhan nilang makialam at makatulong sa ikabubuti ng barangay.
Kasama narin roon ang pagtutulungan ng Sangguniang Barangay, kabataan, mga tanong at BDRRM officer sa paglalagay ng mga segregated na basurahan sa mga pampublikong lugar kagaya ng eskwelahan.
Ngunit, ang maituturing ko talagang best lifestyle ng aming barangay ay ang pagtutulungan. Kapag mayroong nangangailangan ay nakikita ko talaga na may tutulong para makabangong ang nagkaroon ng suliranin. Isama ko narin ang effort ng marami sa atin na paghiwalayin na ang wastes para makatulong sa barangay and at the same time kumita ng pera sa basura.
Noong pumunta ako ng eskwelahan, nagulat ako sa ganda ng mga tanim na mga gulay na nakapaikot sa buong eskwelahan gamit ang mga sirang gulong at plastic bottles bilang vases. Ako ay nagagalak sapagkat malaki ang naitutulong ng mga mag-aaral sa pagbubuhay sa ating likas na kakayanan, ang pagsasaka at pagtatanim.
STRUCTURE OF CREATIVE AND CRITICAL ESSAY
#Based on the kwentuhan and community walk, briefly describe the situation of your community.
Base po sa kwentuhan namin ni kapitan Soliman at ni ate Marlyn, BDRRM officer, maayos po sa kasalukuyan ang sitwasyon sa aming barangay. Ang mga basura ay linggo-linggong nakukuha, ang mga ilaw kapag gabi ay gumagana, may mga CCTV cameras, patuloy ang pagpapatrol ng mga barangay tanod, may mga nagaganap ring buwan-buwanang seminar at drills para sa mga kabarangay namin, nakatutulong sa kalikasan ang pagtatanim ng mga halaman at puno, may mga streetsweepers, at mayroon ring mga kabarangay na nagvovolunteer na linisin ang parte at bakod nila, may mga nagaganap na mga palaro para sa mga kabataan sa larangan ng isports, at maayos ang pamumuhay ng mga mamamayan rito. May mga kinukulang, ngunit gumagawa rin ng aksyon ang barangay upang punan ang pagkukulang na iyon. Sa lahat-lahat, maswerte at mapalad akong dito ako naninirahan sa Barangay ng Bonga Menor, Bustos, Bulacan.
Background of the Community/Barangay
Ang Bonga Menor ay isa sa 14 na barangay sa Bustos, isang 2nd class municipality dito sa Bulacan. Ang barangay ng Bonga Menor, kasama ang kalapit na barangay ng Bonga Mayor, ay nagsanib pwersa at nagsakripisyo noong nakaraang 1867 upang gawing isang bayan ang Bustos malaya mula sa Baliwag. Ang "Bonga" sa Bonga Menor ay galing sa isang puno ng nganga na sikat noon sa barangay na ito. Maliit lamang ang barangay ng Bonga Menor na pinamumunuan ngayon ng Kapitan Soliman C. Santos.
Community Map of the Barangay
Nakapanayam ko ang ating Kapitan na si Soliman Santos at ang BDRRM Officer ng Bonga Menor na si Marlyn Ilagan at tinanong sila ukol sa iba't-ibang kalagayan ng aming barangay, masuri namin ang risk, vulnerability at capacity ng ating pamayanan sa konteksto ng kalamidad, malaman natin ang mga gawain ng ating barangay sa paghahanda sa kalamidad at higit sa lahat makita natin ang ating sarili bilang susunod na henerasyon na magtataguyod ng kahandaan, kaunlaran at kakatagan ng ating pamayanan laban sa iba't -ibang mga kalamidad.
#What are the issues confronting the community why do you think those issues you mentioned are happening in the community? What possible solutions can the local government do to address these issues?
Ang suliranin na humadlang sa pag-unlad ng tao nung mga nakaraan lamang na buwan ay ang pagkawala ng maayos na pagtatapunan ng mga basura dito sa barangay. Masangsang ang amoy ng mga basurang matagal nang nakatambak sa daanan, nakapagdudulot rin ito ng sakit sa mga bata dahil sa germs at bacteria na naiipon roon. Nagkaroon pa ng issue at nabalita rin sa telebisyon ang pagkahuli ng ilang barangay tanod dito sa barangay sa hindi nila tamang pagtapon ng basura sa tamang dump site na siya namang problema ng namamahala sa bayan sapagkat ito ang lugar nilang binigay sa bawat barangay bilang alternatibong tapunan ng basura. Nawalan ang barangay ng Bonga Menor ng kumukuha ng basura at tagakuha sa basura na ito. Nagawan na ito ng solusyon ng gobyerno, dahil mayroon na ulit tayong tinatapunang dump site sa Norzagaray, Bulacan ngunit mas kumonti ang rasyon ng kumukuha. Nung nakaraang taon, dalawang beses sa isang linggo may kumukuha ng basura, tuwing Miyerkules at Biyernes, ngunit ngayon, tuwing Biyernes nalang. *Sa totoo lang, isa itong naging leksyon sa maling pagtapon ng basura ng mga mamamayan ng Bonga Menor pati narin ng buong bayan. Napansin ako ang pagbabago na naganap nung walang kumukuha ng basura. Mas naging involved tayong mga mamamayan at marami na talaga ngayong nag-tatry na magsegregate ng basura kasi minsan na tayong muntik mawalan ng pagtatapunan.
Kasama rin sa mga naging problema at progreso ng barangay ang pagkatayo ng Bypass Road dahil sa pagtaas ng bilang ng mga naaaksidente sa lugar na iyon. Hindi ko po alam pero parehong may kasalanan ang gobyerno at ang mga bumabyahe sa problemang ito. Unang una, sana ipagawa na yung traffic lights. Halos dalawang buwan na ang nakalilipas ngunit wala paring nagagawang aksyon ukol dito. Napansin ko naman na pansamantala silang naglagay ng mga traffic enforcers doon upang maging maayos ang daloy ng trapiko, ngunit kapag gabi. Halimbawa at madulas ang daan, madilim ang kalsada at wala pang ilaw ang motorsiklo, at lasing pa ang nagmamaneho. Hindi maiiwasang magkaaksidente, kaya sana kahit yung maliwanag na ilaw na lamang at maayos na traffic lights ay maaksyunan na agad ng local government dito.
Ang pinakamalaking suliranin na hinaharap ng barangay namin na sana bigyan talaga ng aksyon ng local government ay ang kakulangan sa pondo at mga kagamitang magagamit kapag nagkaroon ng sakuna. Totoo, marami tayong nagaganap na mga seminars at drills, ngunit hanggang sa ngayon kulang na kulang parin tayo sa kagamitan at kakayahang pananalapi kapag nangyari ito. Tila ba palagi nalang nating hinihintay na may mangyari bago tayo gumawa ng aksyon. Nakita ko rin na kulang talaga ang aksyon dito ng gobyerno. Kakulangan sa kagamitan, salapi at mga pagkaing maaaring ibigay sa mga nasalanta kapag nagkataon.
#Kindly relate your discussion to the disaster situation of our country.
Ang Pilipinas ay malapit sa Pacific Ring of Fire (dahil sa lokasyon) kaya malapit tayo o madali tayong tamaan ng mga natural hazards. Isama pa ang pagiging malapit natin sa katubigan dahil punong-puno ng isla ang Pilipinas. Marami nang bagyo, pagputok ng bulkan, baha, lindol at mga landslides ang nangyayari sa bansa natin. Marami na ring naaapektuhan, maraming nasisira ang pangkabuhayan, nawawalan ng pamilya at nawawalan ng kinabukasan. Idagdag pa ang pabago-bagong panahon at ang patuloy na lumalalang global warming. Napakalaki ng apekto ng ganitong mga pangyayari sa buhay ng isang Pilipino.
Dahil sa pagtatayo ng malalaking establishments sa mga urban regions, maraming lupa ang nawawala sa ilang parte ng bansa kaya kung minsan ay nakapagdudulot ng mga lindol. Ang madalas pang natatamaan ng mga natural hazards ay yung mga pananim ng mga magsasaka at ang panghuhuli ng mga lamang dagat ng mga mangingisda. Ayon sa Center for Excellence in Disaster Management and Humanitarian Assistance (http://www.cfe-dmha.org), 1/3 raw ng populasyon natin ang employed sa sektor ng agrikultura. Ngunit ang pagkabuhayan na umaasa sa kalikasan natin ay may malaking weakness - at iyon nga ang mga natural disasters na nagpopose ng threat sa food security, source of income at buhay ng buong populasyon sa Pilipinas. Dahil kung walang bigas, walang kita ang magsasaka, wala ring kakainin ang mga mamamayan.
Ang gobyerno ng Pilipinas, ilang internasyonal na non-government organizations (INGOs), at ang lokal na NGOs ay gumagawa ng napakaraming attempt sa pag-address sa impact ng mga kalamidad dito sa bansa. Nagsasagawa ang gobyerno ng Pilipinas ng malawakang implementation ng pagplaplano at mga aktibidad para sa disaster risk reduction (DRR) upang magkaroon ng development sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na siyang lead na ahensiya sa pag-implement ng DRR sa Pilipinas. Ang The Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman ang responsable sa pag li-lead ng agarang disaster relief efforts. Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) naman ang pangunahing nagreresponde sa mga kalamidad. Sila ang mga nadedeploy sa mga disaster relief operations sa buong bansa. Sabi pa ng Center for Excellence in Disaster Management and Humanitarian Assistance (http://www.cfe-dmha.org), "The Philippines has endured disasters that involve national and international assistance."
Tumaas na ang awareness ng mga rao sa disaster risk reduction sa Pilipinas, pero dapat kung kaya maging aware, kaya rin natin itong gawing realidad. Napakaraming plano ang nagagawa ng matataas na yunit ng gobyerno, ngunit halata naman na hindi lahat sa nga ito ang nagagawa ng local government units. Nakaka "overwhelm" ito, at isama mo pa ang kakulangan sa kagamitan at salapi sa pag-iimplement ng mga programa.
Isa sa mga lesson na natutunan ng gobyerno ng Pilipinas mula sa Typhoon Haiyan na ang komunikasyon sa pagitan ng iba't ibang ahensya ng gobyerno bago at tuwing panahon ng krisis at kalamidad at importante sapagkat nabibigyan sila ng mga babala at warnings sa mga potensyal na bagyo at kung gaano ba kalakas ito upang makapaghanda ang mga bayan, barangay pati narin ang mga mamamayan nang maaga at maayos.
Ang nag-uudyok talaga o yung nagiging problema ay yung kakulangan sa pondo. Kakulangan sa impormasyon. Kakulangan sa komunikasyon. Kakulangan sa aksyon. Ang masasabi ko lamang, kung palaging may nagpaplano, at walang nagiging aksyon, huwag agad nating sisihin ang ating mga barangay sapagkat sa sobrang dami ng problemang hinaharap nila sa kasalukuyan, kapos talaga ang pondo sa paghahanda para sa mga sakuna. Kaya matuto rin tayong mangielam at huwag palaging umasa sa tulong ng gobyerno, dapat naghahanda rin tayo dahil tayo rin ang tutulong sa sarili natin, at sa lugar natin.
#What are your realizations and insights you learned after the kwentuhan and community walk?
Unang-una, pagpasok ko palang ng barangay, kinakabahan na ako. Akala ko nung una wala lang ang isang barangay, pero nung pagpasok ko, iba pala to sa nakikita ko sa TV. Narealize ko kung gaano ako ka-ignorante, kung gaano ako kabobo at kawalang kwentang tao. "Mangmang" nalang pala. Kasi nandoon ako para maginterbyu, pinag-aralan ang topic kong iinterbyuhin, ngunit makikita ko parin sa mukha ng BDRRM Officer at ni Kapitan yung tagal na nila sa experience at kung gaano kalawak ang kaalaman nila sa pagpapabuti ng aming barangay. Narealize ko na hindi lang pala sapat yung alam ko lang sa utak ko, hindi rin sapat na alam ko lang gawin. Kasi ano nga bang magagawa ng alam diba, kung hindi naman magagawa? Nung una napaisip pa ako sa module na ito, dahil, bakit ko pa kailangang puntahan sa barangay, kung masesearch ko naman sa internet. Pero nagkakamali ako. Ang daming bagay sa barangay na hindi mo matututunan sa internet at pag-upo lang. Ang bigat ng pagpasok ko sa barangay, ang bigat ng responsibilidad nila para sa barangay. Alam kong mahirap maging opisyal ng gobyerno, pero sila kasi yung nakikisalamuha sa mga kabarangay talaga nila eh. Hindi lang sila sulat dito, pirma doon. Ang isang kapitan, ang isang BDRRM Officer, hindi sila mapipirmi sa upuan. Kikilos sila, aaksyon, magpapaseminar, magtuturo ng drill, tutulong para sa mga kabarangay nila. Iyan ang ilan sa mga bagay na kulang ako at kailangan ko pang matutunan. Experience. Tatag. Resolusyon. Firmness. May kilos. May aksyon. Grabe, ang dami kong natutunan sa ginawa kong kwentuhan kay Kapitan Soliman at Ate Marlyn. Ang dami na nilang nagawa, ang dami pa nilang plano g gawin, ngunit pinaunlakan parin nila ako upang sagutin ang mga katanungan ng isang estudyanteng katulad ko. Nagshare pa sila ng mga kwento, ng ilang dokumento, at ng kanilang oras para samahan rin ako sa community walk (na sumakay rin kami sa tricycle kaya hindi rin pwedeng tawaging walk). Tumibay ang aking paninindigan na magtanong pa sa kung anong kayang gawin ng isang hawak na kabataan at estudyanteng katulad ko upang makatulong rin sa kanila. Narealize ko kung gaano ako kawalang kwentang tao. Narealize ko na kailangan kong magbago.
#Based on the facts above, why do we need to address the issue of disasters in our country? How can we address it?
Bakit nga ba? Ang kalamidad kasi, humahadlang yan sa pag-unlad ng tao at pamayanan at pumipigil sa pagbangon ng mga Pilipino. Problema ito. At hindi lang simple, isa itong complex na problema. Naaalala ko tuloy ang sinabi ng Kapitan Soliman sa akin, iiwan ko na lamang rito, "Malaki ang epekto nito lalo na kung malala sapagkat magkakaroon ng patong-patong na problema, mawawalan ka na ng ani, pati yung mga tirahan at pangkabuhayan ng mga mamamayan." Dagdag pa niya, "Dagdag pa ng aming kapitan na ang pag-unlad ng isang barangay, bayan, lalawigan at isang bansa ay nasa tao rin. Tayo ang suliranin, ngunit tayo rin ang solusyon. Ang pagtutulong-tulong ng mga nanunungkulan at ng pamayanan ay kinakailangan. Dahil hindi kaya ng nanunungkulan lang, at hindi rin kaya ng pamayanan lang, ngunit kung magkasama sila ay magkakaroon ng pagkakataon at pag-asa na malalampasan ng mga Pilipino ang mga ganitong sakuna kung magtutulong-tulong tayo."
Magsasagawa ang gobyerno ng plano at pamamaraan para sa ganitong suliranin, at pondo para sa mga nasalanta at para sa paghanda sa susunod pang mga kalamidad. Tungkulin naman nating mga mamamayan na makialam at tumulong upang ma-implement ito. Ang pagiging handa palagi ang sagot. Handa sa sakuna, at sa pagtulong.
#As a member of this community and this nation, what are possible concrete solutions can you do to address the vulnerabilities? What ACTIONS should you take to INCREASE the capacities of your own community/country?
Ano nga bang matutulong ng mga kabataan, o ano ba ang kaya nating gawin para sa barangay?
Sumunod lamang tayo sa segregation ng basura, o solid waste, napakalaking tulong na nito sa barangay. Hindi babarahin ang mga kanal, magiging maayos ang daloy ng tubig. Maiiwasan natin ang baha.
May programa ang barangay namin tungkol sa Plastic Segregation na sinimulan noong mga nakaraang buwan kung saan ininyayahan ang lahat ng mamamayan kasama na ang mga kabataan sa paghiwalay ng plastic cups at plastics na maaari pang ibenta o pakinabagan upang makaiwas na patuloy na paglobo ng basura dahil kung patuloy na hindi madidisiplina ang mga tao, patuloy at patuloy parin ang pagkasira ng lugar natin.
Nabebenta ang plastic bottles at plastic sa halagang 10 pesos per kilo, pero hindi tayo nakapokus sa halaga, ito ay para makatulong sa environment, lalo na ngayon na patuloy na rumarami ang nagpapatayo ng kabahayan, pati ang mga kanal ay tinatapunan na ng basura.
Bilang isang mamamayan ng aming komunidad at ng ating bansa, ang masasabi ko lang na solusyon ay ang pagiging personally involved natin sa mga vulnerabilities na ito. Plan. Learn. Take Action. Tayo itong malalakas, tayo itong may oras. Tayo ang magiging solusyon mismo sa mga problema na ito.
Bilang isang estudyante, isa sa mga solusyon na naiisip ko ay ang pag-aaral ko ng mabuti. Hindi lang sa larangan ng akademya kundi sa pag-aaral/pag-alam sa kung ano na ba ang nagyayari sa paligid ko para balang araw, maging katulad ako ng mga namumuno sa isang lugar. May kakayanan, may boses, may ipagmamalaki. Sa patuloy kong pag-aaral isa na akong magiging living proof na ang pag-aaral ay hindi lamang para sa sarili kundi pati narin sa mga mahal ko sa buhay, at sa mahal kong bansa.
Ano pang aksyon? Mag volunteer tayo. Isang malaking pwersa ang mabubuo natin dito. Maraming mga kabataan ang nahihiya, marami sa kanila ang hindi makatulong dahil wala silang kasama. Marami sa kanila tingin makakaabala lang ito sa pag-aaral nila. Pero katulad nga ng sabi ko kanina, kung aral lang tayo ng aral, at wala tayong pakielam sa kung anong nangyayari sa bayan, mas malala pa tayo sa malansang isda. Tayo ang pag-asa ng bayan. Tayo ay isang malaking pwersa na magiging solusyon sa ilang problema. Sabi nga ng kaibigan ko, "It takes one to get one, and to get more." Alam kong ang pagvovolunteer ay kusang ginagawa, pero sana kung kulang parin ang inyong resolusyon, sana basahin ninyo ito. Sana magvolunteer tayo. Sana lahat ng nakipagkwentuhan sa kanya-kanyang barangay nila, natuto. Natuto sa kung gaano kahalaga ang isang barangay, na bumubuo sa bayan, na bumubuo sa lalawigan, na bumubuo sa bansa. Ang barangay maliit lang, pero dito tayo mag-uumpisa, hanggang sa magiging mga tao na tayong nakakatulong sa bayan, lalawigan at sa bansa natin. Umaksyon tayo. Makialam tayo. Iyan ang tatak ng isang kabataang Pilipino. Plan. Learn. Take Action.
1 note
·
View note