#kilas pati
Explore tagged Tumblr posts
kimhortons · 2 years ago
Text
smol tingz, big impacc.
share ko lang rin yung akin; kapag naaalala yung mga small details about sakin, like yung mga ayaw at gusto ko esp. sa pagkain dahil pg ako charot haha.
ang sweet nung mama ni J nung pinag luto niya ako ng itlog, niluto niya talaga yung dilaw kasi alam niya daw ayaw ko nung hilaw na dilaw. haha. sweet things done by my future MIL yie. tsaka pag ayaw niya ipagalaw sa mga anak niya yung pagkain na nakatabi para sakin. haha nakaka soft.
nung bumisita kami kila Chi nung New Year, pinag luto niya pa ako ng pesto pasta kasi favorite ko raw. tsaka naaalala niya raw ako tuwing makakakita siya ng pesto. haha. kahit nung hindi pa siya kasal dati nung nasa QC pa siya pinapapunta niya ako sakanila para ipagluto ng pesto.
nung okay pa kami ni papa, pag nagluluto yung ng adobong pusit at bistek, sasabihin niya "sinarapan ko luto ko kasi alam koong paborito mo yan e."
kapag binabanggit ni J na ayaw ko ng nilagang baboy kasi baka ang gusto ko sa nilaga, tsaka ayaw ko ng sinigang na hindi sobrang asim haha.
di ko rin malimutan yung tinawagan ako ni Mikee sa Facetime dahil naka deactivate lahat ng socmed ko. dahil nga madalas ako mag MIA kapag di ako okay emotionally talaga, sobrang naaapreciate ko talaga yung mga nagrereach out sakin kahit alam na nila na nagiging routine ko nga yung magtago.
ewan ko, pero gustong gusto ko kapag alam ng mga tao esp pag sa work na bestfriend ko si Marika, like hindi kumpleto kapag wala yung isa samin, kaya nung nakaraan ina-update ako nung kawork namin about kay Marika kahit di ko tinatanong haha. sakanya rin ako tinatanong nung dating bisor namin lol. tsaka kami lagi pinag papartner noon kapag may work assignment kami dito sa Bicol. kaya nung nag resign ako madalas na siya nalulungkot kasi wala na ko. huehue. para kaming soul sisters non e.
medyo big deal narin sakin na natatandaan ni tita (mama ni J) yung pangalan ng mga malalapit kong kaibigan—nagulat ako nung isang araw kala niya si Marika kausap ko haha. nagpunta na kasi dito yun. ayun kilala niya narin si Jasmine at Chi kasi madalas kong kavideo call. para ko narin tuloy siyang tunay na mama hehe.
actually marami pa, kaso baka di na ko matapos haha. as a softie person, yung mga simpleng bagay para sa iba talaga, malaki na impact sakin. hehe. tsaka lagi akong grateful, kahit hindi ko man sabihin kapag may ginawa kang mabuti sakin maliit man o malaki, big impact na yun.
kasali kayo dito. alam niyo na kung sino kayo, nahihiya na ko mag tag. haha. yung mga simpleng pag kamusta niyo sakin, yung mga nakasubaybay sa mga struggles at wins ko, pati nung time na ang gulo gulo ng buhay ko, yung mga simpleng effort na nagawa niyo for me, sobrang na-appreciate ko. kahit hindi man tayo close na close, kahit yung mga small interactions natin paminsan minsan big deal na yun sakin.
10 notes · View notes
rieuri · 2 days ago
Text
🌷 aga namin nilabas ung dogs kanina. nakakatawa talaga si sushi ilabas kapag kasama si kuma eh. grabe magwala. binuhay ni sushi ung mga aso sa buong 29th floor sa lakas ng pagwawala niya. pansin ko ayaw niyang nauuna si kuma sa kanya. gusto niya siya ung nauuna, nakasabay sa daddy niya, o sabay sila mismo ng kapatid niya. hinayaan ko nalang siya magwala nang magwala hanggang sa kusa siyang kumalma. since maaga kami, medyo nasolo namin saglit ung dog park. hanggang sa dumami na ung mga aso kasi nga sabado ngayon. nakakaurat lang din ung ibang pet owner na hinahayaan aso nila, kahit na nakikita nilang todo iwas na ung ibang aso o kapwa pet owner sa aso nila. gets naman na dog park iyon, but it doesn’t mean na hindi ka pwede mag-adjust. so ayon lumabas nalang kami sa dog park kahit gusto pa namin tumambay doon. muntik pa sugurin ni sushi ung makulit na aso, buti nalang naawat agad ni scar. behave naman silang dalawa noong nakaupo kami sa labas ng dog park kasi sakto dumating na rin sa eastwood sila kila khai. hinintay nalang namin sila since nakapag park na sila ng kotse para sabay-sabay umakyat sa unit at hindi sila dambahan o kahulan ng dogs.
🌷 iba pala talaga sa feeling once na makita at makasama mo ulit ung kaibigan mo noh? at hindi mangyayari lahat ng iyon kundi dahil sa partner ko. biruin mo nagpadala siya ng pera para makapunta dito sa unit ung kaibigan ko kasama ung dalawa niyang anak pati na rin ung mama niya. tas bumili pa siya ng wheat pandesal at donut ng pan de manila para kahit papaano may makain sila. hindi na raw kasi sila nakapag celebrate ng pasko last year dito kaya push na push siyang papuntahin dito si khai at mga bata. sobrang thoughtful lang talaga niya. 🥹
🌷 tawang-tawa kami kanina. papaano ba naman si scar panay sabi na ang baho niya at amoy aso raw siya habang nasa conference room kami. naamoy ko rin ung mabaho na tinutukoy niya kaya sabi ko hindi siya yon. feeling ko kako doon sa mismong kuwarto ung mabaho. tas hindi siya mapakali hanggang sa sinabi niya ulit. sabi niya amoy pwet daw siya ni sushi kaya napatingin na sila khai sa kanya at ung kausap namin. sabi ni khai naamoy din niya yon. kala nga raw niya siya yon eh. inamoy-amoy pa raw niya sarili niya pati tsinelas niya at noong mga bata. it turns out na may natapakan pala na tae si scar sa may dog park at ayon ung naamoy namin. saka ko nalang sinabi kila khai noong nasa loob na kami ng elevator na nakatapak ng tae si scar. amoy na amoy din sa loob ng elev ung tae kaya tawang-tawa talaga kami. balak pa nga linisin sa cr ung tsinelas pero sabi ko huwag na para hindi kadiri sa cr. bababa rin naman kami para magswimming kasama ung mga bata. doon nalang kako linisin.
🌷 sobrang laming sa swimming pool. matiisin ako sa lamig pero kanina hindi ko talaga kinaya. pero pinush ko pa rin kasi minsan lang naman makapag swimming kasama mga bata eh. tas sa kalagitnaan ng page-enjoy namin, natutulala nalang talaga ako. hindi ko kasi talaga alam gagawin ko sa sitwasyon ni sushi, ang morbid ng mga thoughts ko na parang gusto ko nalang uli magbreakdown. tanong nang tanong si scar kung ayos lang ako. sinabi ko naman concern ko kaso ayon nga parang for him hindi naman masyadong seryoso iyon. or baka ayon lang pinapakita niya kasi pareho nga kaming wala magawa sa ngayon. i’m just so scared of losing sushi. hindi ko talaga kakayanin. napapatanong nga ako paulit-ulit sa sarili ko na bakit nangyayari lahat ng ito kung kailan nasa ganitong sitwasyon ako.
🌷 pagod na pagod ako pag-akyat namin. siguro kasi ang aga ko nagising tapos napagod pa sa kakagala sa dogs at nagswimming pa. buti nalang tinulungan ako ni scar sa kusina para mag-asikaso ng kakainin namin kasi naglaba rin ako mga basahan na pinampunas sa wee wee ni sushi. okay naman, pagkakain nagkaroon ulit ng energy. tamang tsismisan lang kami ni khai habang nagpapahinga.
🌷 nakakainis lang ung ibang tao na dagdag bawas kung magkwento. actually, puro dagdag nga ung sa kwento eh. alam ko naman na ako ung may atraso pero grabe lang gumawa ng kwento. kaya lagi ko sinasabi sa sarili ko na once maging okay lahat, uunahin ko talaga bayaran mga kautangan ko eh. kasi ang lala lang noong isang pinaghiraman ko. kilala na talaga siya as ganoon magkwento sa ibang tao pero kapag ikaw na mismo ung kinukwento niya, iba sa pakiramdam pala. kung meron lang talaga akong extra ngayon ay talagang babayaran ko siya kasi higit sa lahat na sa kanila ko ayaw magkaroon ng utang na loob dahil nga sa ugali niya. ung cellphone nga na binili ng asawa niya sa akin noon, 20k ung presyo pero 5k lang hinulong then the rest naging salamat nalang sa lahat eh. ung dalawang kaibigan ko nalang lagi nagpapaalala kasi lagi ko talaga nakakalimutan yon. pero ayon, hinayaan ko nalang kahit nakakainis. ako may atraso eh. never again na talaga ako uutang at magpapautang sa ibang tao.
0 notes
ikaelawa · 7 months ago
Text
Nag uusap kami ni Karmela (bonnie) sa phone hanggang kaninang 5am kasi gusto nyang tutulog na lang sya paguwi nya sa apartment nya. Tumawag sya bandang 3am na kasi nagpapahinga na raw sya at ayun nagbreakdown si baccla. Buti na lang din di na gaano mabigat yung ginagawa kong pagrereview ngayon kaya medyo may time pa naman.
K: nakita ko si warren kanina hahaha dito sya nagpacheck up. napakadaming hospitals affiliated ang intellicare at talagang dito pa sa amin sya nagpunta
M: parang ako lang siguro yan, madaming TMC, may TMC sta. mesa pero sa town center ako pupunta kasi nandun si May.
K: tanga ka kase mga monggoloid kayo
M: baka gusto kang makita?
K: actually nagusap kami kanina.
M: hahahaha tanga
K: gugustuhin mo rin namang kausapin ka ni May, diba?
M: di na siguro hahaha ewan ko di ko alam hahaha tangina ka
K: may konting relief din kahit papaano. kasi nalaman kong wala syang gf since nagbreak kami hahaha
M: gusto makipagbalikan? balikan mo na, mahal mo pa naman eh.
K: sana ganun lang kaeasy no. hindi eh. madami na akong naiyak, i've worked so hard para maimprove ko sarili ko para pag nagkita ulit kami siguro.. okay na ako makakasmile na ako.
M: nag smile ka naman ba sa kanya kanina?
K: oo. pero.. pilit hahahaha i had to fake that fucking smile para isipin nyang okay na ako.
M: hahaha bobo talaga
K: hindi na marupok to!!! ikaw lang yun
M: hahahaha hindi naman na magmemessage yun sa akin kaya hindi ko kailangang mag fake ng smile tanga
K: pero nakita mo?
M: ah oo. ilang beses na. hindi na ako lumapit kasi mukha naman syang okay na eh. there's this one time na nasa town center ako non tapos pupunta akong Kumori. pagkapasok na pagkapasok ko nandun sya kumuha ng tinapay hahaha napaatras ako, umalis.
K: duwag ka pa rin.
M: hindi naman siguro. it's just.. bakit ako biglang susulpot sa buhay nya ngayon? to fuck everything again? i already fucked up her life na and i'm paying for it now.. bigtime. si warren ikaw talaga pinunta nya sa hospi, ang lapit lang ng st. luke's sa kanya pero dumayo pa sya sa east ave para magpacheck up hahaha
K: sinabihan ko na kasi yun hahaha medyo lumala sakit sa gal bladder makulit kasi puro inom inatupag.
M: oww bakit? nadepress yata nung nagbreak kayo.
K: di ko alam. wala naman na akong balita sa kanya ever since the breakup happened. told his sisters na wag na nila akong kamustahin bc hindi naman ako okay and no need for their comfort. sobrang close ko kasi sa kanila.
M: buti ka pa no hahahaha ouch
K: di mo kaclose mga kapatid ni May?
M: hindi hahaha nagkkwento lang sya, nagtatanong. pati sa friends nya.. gusto ko nga magreach out sa kanila kaya lang alam mo yun hahaha baka ayaw ni May. gusto ko kasi non sya magpakilala sa akin. ganun ginawa ko sa kanya kila glenson kasi sila glenson lang naman main ko.
K: shit that's so sad. wala kang malapitan or mahingan ng pabor pag kailangan.
M: hahaha kaya nga hindi ako makapagsurprise sa kanya noong pre at post pandemic days eh kasi sino ba hihingan ko ng pabor? foodpanda na nga lang nagawa ko noon haha
K: tapos na yan. hayaan mo na.
M: at sana hindi ka nagrerelapse ngayon kaya ako tong kinukulit mo.
K: hindi naman. medyo may sense of relief din naman ng konti pero naiiyak ako hahaha gusto kong umuwing pagod para derecho tulog na ako at hindi mag isip.
M: yaaa. kuha kita dyan hahaha kaya nga nagpapakasasa ako dito sa client ko ngayon tapos nagrereview ako para kahit papaano mabawasan pagiisip ko sa random things. we'll get through this.
K: thank you.
M: tayo na lang magtutulungan dito kaya wag kang epal. di na tayo high school na nagccompete.
K: compete sa pagmumove on? char hahahaha thank you bading.
M: HAHAHAHAHA
0 notes
yourshiningastr · 1 year ago
Text
CHAPTER 19
"Mag iingat ka doon ah, kumain ka nang marami, sumulat ka at wag mo akong kakalimutan." I chuckled and put clothes in my bag.
Benedict is helping me pack my things at kung magpaalam ito ay akala mo isang taon kami hindi magkikita kahit isang linggo lang naman. We celebrated our First month anniversarry in his unit. Pinagluto uli ako nito ng dinner.
"Yes po. Ikaw din, magiingat ka din dito. Wag mo masyado pagudin sarili mo sa work ah. Isang linggo lang ako doon then let's have a vacation pag uwi ko." Ginulo naman nito ang buhok ko at niyakap ako.
"Mamimiss kita." I sigh and hug him back tightly.
"Me too. Wag ka maghahanap ng iba ah." Tumingin naman ito sakin nang nanlalaki ang mga mata.
"Ako? Maghahanap ng iba? Anong karapatan ko? Sayo lang ako bebe ko." Pinalupot nito ang kamay niya sa bewang ko.
"Yung puso ko, utak ko, mata ko, kamay ko, kaluluwa ko at katawan ko. Angkinin mo na lahat sa akin, wala akong pag aalinlangan na ibibigay sayo lahat ito." I shook my head and hit his chest lightly.
"Baliw." Hinapit nito ang bewang ko muli at inilapit sakanya.
"Baliw sayo." He kissed my temple and chuckled.
"Mukhang ako nga dapat ang mangamba. Baka ako ang mapalitan." I furrowed my brow.
"I'm not like that, Babe."
"I know. I'm just saying you deserve better." I frowned at him. Here he is with his dialogue about I deserve someone na kasing yaman ko daw again.
"Babe. We already talked about this, right?" He slowly nodded and bit his lower lip. I then tiptoed and kissed it.
In just a split second we are now panting.
"I love you, okay?" He smiled and kissed my lips again but deeper this time.
"Take care, tawagan mo ako ahh." I nodded and hugged him.
Hinatid na ako nito sa labas kung saan naghihintay ang driver namin. Nakakunot naman nang bahagya ang noo nito, siguro ay nagtataka kung sino yung kasama kong naghatid. Hindi naman siya nagtanong dahil siguro wala siya sa lugar para doon.
Nakahinga naman ako nang malalim nang payapa kami makarating sa mansyon. Medyo napaaga kami. Nagsabi na ako kay Manang na darating ako. Nagmessage na din ako kila Mommy at sinabi niya na nasa work pa sila ngayon kaya naman tahimik ang bahay nang pumasok ako.
"Ija, salamat sa diyos at nakarating kayo nang maayos." I smiled at Manang and hugged her.
"I missed you, Manang." Niyakap din naman ako nito nang mahigpit.
"Ay ito talagang batang ire. Namiss din kita, Ija." I smiled, with Manang I can feel the warmth of home.
"May pasalubong nga po pala ako sa inyo." Ibinigay ko kay Manang ang pasalubong kay Manang pati na sa ibang kasambahay. Masaya naman nila itong tinggap at pinasalamatan ako.
"Masaya akong nakikitang masaya ka ngayon." Napaangat ang tingin ko kay Manang na kanina pa pala ako pinapanood habang kumakain.
"Po?" She smiled warmly at me.
"Ngayon ka lang umuwi na may ganyang klaseng ngiti sa labi. Natutuwa akong malaman na masaya ka, Ija." Namula naman ako nang bahagya dahil naalala ko si Benedict na siyang may malaking dahilan kung bakit masaya ako.
"Natutuwa akong may taong nagpapasaya sayo." My eyes widened and I coughed.
"P-po?"
"Wag mo na itago sakin Ija. Alam ko ang mga ganyang klase ng ngiti. Hindi maikakaila, hindi nakakapag sinungaling. Ang hiling ko lang ay huwag ka niyang sasaktan." I smiled to assure her that Benedict is a good man.
"He won't, He loves me." Manang smiled and nodded.
"Mabuti kung ganoon." Natigil kami sa pagkukwentuhan nang dumating si Mommy.
I furrowed my brows as I noticed fine lines on her eyes and foreheads. She is wearing a simple neutral-colored dress. Gone was her sophisticated aura, it was replaced by unknown stress. And it got me worried, it looks like there's really something wrong here.
"Mom." She was shocked to see me.
"Rae! I thought mamaya ka pa." She lightly kissed my cheeks and anxiously fixed her clothes.
"Hindi naman po masyadong traffic kanina. How are you? Where's Dad?" Her eyes slightly widened but immediately covered them with a smile.
"I-im fine. Your dad is still on Plantation. You know how busy he is right?" I nodded.
"I'll just wash up and change my clothes okay. Kumain ka na ba?"
"Yes po." She nodded at umakyat na papunta sa kwarto para magpalit. Naiwan naman akong may tanong sa isip.
"Manang, may nangyari po ba? My mom is acting weird." Manang then sighed at lumapit samin.
"Sa totoo lang ay hindi ko din alam. Tulad mo ay naguguluhan din ako sa inaakto ng mga magulang mo dine." I furrowed my brows.
"Nitong mga nakaraan kasi ay napapansin kong hindi sila naguusap. Hindi na din sila sabay kumakain. Kako ehh parang nag iiwasan sila." That's unlikely. They love each other so much, sakin lang naman sila may problema lagi.
"Tapos nung isang linggo kaya ako napatawag sayo para kumustahin ka ay dahil nag aalala ako. Nakita ko ang Mommy mo na umiiyak sa likod ng bahay." My eyes widened. My mom is crying? Why?
"You think it's because of Dad?" Manang slowly nodded.
"Hindi ko sila naririnig pero alam kong nag aaway sila. Ang kaso ay iba ngayon, may kakaiba ngayon. Ehhh kahit kailan naman ay hindi sila umaktong ganyan. Kahit ganoon ang Daddy mo ay hindi pa nun napapaiyak ni kahit saglit ang Mommy mo." I agree.
They never fought or maybe they had fights before pero they are trying their best to fix it at they are making sure na hindi ko malalaman, maririnig o makikita kapag nag aaway sila.
"Nag aalala ako lalo na sayo dahil ikaw ang pinaka maaapektuhan. Pero gusto ko din kahit papaano ay may alam ka sana dahil anak ka pa din. Ayoko manghimasok dahil problema nila mag asawa yun, nag aalala lang ako dahil ito ang unang beses na umakto sila nang ganoon." I nodded. Manang is right, it may be their problem but I still have the right to know kahit konti.
"You think dad has a mistress?" Mabilis ang ginawang pag iling ni Manang.
"Ehh parang Imposible naman yun. Saksi ako ng pagmamahalan nilang dalawa, masyadong mahal ng Daddy mo ang Mommy mo. Pag kaalis mo noon galing bakasyon ay tila mo nasa honeymoon phase pa din sila mag asawa kaya hindi ko yun maisip." But nothing is impossible.
They had been married for 22 years now. There are a lot of possibilities that it could happen. But I am hoping that it's not.
"Mabuti pa ay kumustahin mo ang Mommy mo." Tumango naman ako at nagpasalamat kay Manang.
Umakyat ako para puntahan si Mommy sa kwarto nila pero nakita ko ito sa working room niya.
Kumatok muna ako bago pumasok. Ngumiti naman siya sakin. Ang kaninang parang stress na stress na itsura ay ngayon ay nawala nang parang bula.
Nakasuot na ito ng mga tipikal niyang sinusuot. But I know better, she's trying to cover her miseries up with those clothes and jewelry.
"How's school?" I sat on one of her couches in her working room. I saw a dress in a mannequin, she must be working on that seeing na hindi pa ito ganoon kapulido.
"It's fine. I am an Internal Vice President of our club now and also the head of the committee." She arched her brow at kinuha ang karayom na nakaipit sa bibig nito saka sinimulang magtahi.
"That's good. But how about your studies? Baka napapabayaan mo na yan ah." I shook my head.
"No, I actually perfected all of my midterm exams." Tumango tango naman ito. I stood up to have a look at what she was sewing.
"Who's dress is that?"
"It's for Celine Stewart. For her birthday." She smiled.
"Celine Stewart? You mean, the ballerina?" She then nodded and continued working on the dress.
"Kuya Haides' wedding is in 3 weeks from now. Makakadalo ba kayo ni Dad?" I saw her flinch pero sandali lang yun at nag angat uli siya sakin ng tingin na may ngiti sa labi. 
Just a sudden mere mention of dad can make her flinch.
I wonder what's really wrong. Is he really cheating on her?
"Oh yes. Muntik na namin makalimutan. You know how busy we are right? Baka magpadala nalang kami ng gift for them." I slowly nodded at tinitimbang ang atmosphere sa paligid.
Should I ask her what is wrong? Or kung may problema ba? I sighed.
"Is everything alright?" She looked at me with furrowed brows.
"You and dad." She then cleared her throat and chuckled.
"Of course, why wouldn't we?" She sipped water and consciously looked at me.
"I don't know, that's why I'm asking. I just feel like you were hiding something." She bowed her head.
"You can talk to me, Mom. " She shook her head.
"There is nothing to worry about, Rae. Everything is well." She smiled and I just turned it back to her forcefully. I still have a lot of time to go, maybe by then, I will know what's really the problem.
It's Sunday morning and I woke up at nearly 10 AM because Benedict and I spent last night talking about how our day went. I haven't told him what's bothering me about my parents. I was also waiting for Dad to come home last night but he didn't.
"Dad didn't come home last night?" My mom stopped eating and shook her head.
"He's too busy with the plantation." Gusto ko pa sana magtanong ngunit pinigilan ko nalang ang sarili ko. Nakita ko si Manang na pinapanood kami kumain, siguro ay nag aalala din sa mga nangyayari.
I don't like this atmosphere. Pakiramdam ko ay namimiss ko ang pagalit nila sakin tuwing nasa hapag kainan kaysa ganito na hindi kami kumpleto at tahimik pa. Mas suffocating. It's like I'm walking on thin ice.
"Let's visit Dad, then. Dalhan natin ng lunch." I was praying na pumayag si Mommy but to my dismay, she didn't.
"Oh no, I have a visitor later. She wants to learn how to design and sew dresses from me. You can visit him." I sighed and just nodded.
"Manang nakahanda na po ba ang mga pagkain na dadalhin ko kay Daddy?" It's 11:30 AM at itinuloy ko ang planong bumisita sa plantation.
Matagal tagal na din simula nung napunta ako doon. Pwede din akong tumulong mamaya, namiss ko din ang magtanim ng sibuyas at kumuha ng mga mangga.
"Oo, Ija. Ito, tinupis ang ulam. Ay hala! magbalanggot ka at mainit. Mabuti at nagjacket ka." I smiled at her at kinuha ang bag na may lamang pagkain.
I am wearing a mom jeans and a simple white shirt na pinatungan ko ng jacket dahil alam ko kung gaano kainit doon.
"Mag iingat ka, Ija. Sinabihan ko na si Tristan na darating ka. Sige na at humayo ka na." Kumaway ako sakanya at lumabas na ng kitchen. Nakita ko naman si Mommy sa garden na may kasama. Must be her visitor.
Lumapit ako nang bahagya at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang bisita niya. Pamilyar ang mukhang iyun sakin, hindi ko makakalimutan ang suplada nitong mukha at puro Chanel nitong gamit.
"Oh Rae, come here ija." Lumapit naman ako nang tawagin ako ni Mommy.
"This is Rosetta, she's the one I am telling you about earlier." I slowly nodded and offered my hand to her.
"I am Rae, her daughter." She slightly arched her brow at maarteng tinaggap ang kamay ko.
Hindi ko naman na ito pinansin dahil sa get up niya ay nahalata kong hindi siya ganoon ka approachable. Hindi din naman nakaligtas sakin kung paano niya ako tinignan mula ulo hanggang paa, must be because of my outfit.
"Seriously? You're the daughter of the Great Fashion designer Minerva Nuesca and yet you wear clothes like that?" She points on my clothes at parang nandidiri akong tinignan.
"Oh, silly! Rae isn't fond of fashion, Rosetta. But she has great taste, she's just going to our plantation, that's why she's wearing that." I frowned and looked at the kid.
"Yeah, I can't really wear Chanel there, right?" She scoffed.
"Aalis na ako, Mom." My mom nodded and kissed my cheeks.
"Goodbye, Rosetta." I smiled at her and she rolled her eyes. I slightly laughed at her at umalis na. She's cute but a brat.
Mabilis naman kaming nakarating sa plantation. Bumaba na ako ng kotse at nakita ko naman si Tristan na naghihintay sakin. Napangiti ako.
Tristan is two years younger than me. Albeit, he's taller and has a mature physique.
He has tan skin, which must be because of working here in Plantation. He's been here since he was just 5, his family is our farmers and he also started working as one as well at the age of 7.
"Hey, ay ka-tangkad mo na ah." Bati ko dito. Napakamot naman ito ng ulo niya at kinuha na ang dala dala.
"Dati pa naman ako mas matangkad sayo." I frowned.
"San ka pala nag aaral?" Naalala ko kasi na sigurado ay First year college na ito ngayon.
"Ah, nakapasa ako sa CLSU." Nagulat naman ako at natuwa sa narinig.
"Wow! Congrats pala! Anong course ang kinuha mo?" Ngumiti siya sakin at binigyan ng bota dahil sigurado ay maputik ang dadaanan namin mamaya dahil narinig ko ang tunog ng bomba. Nagpapatubig sila.
"Agriculture ang kinuha ko. Gusto ko ang pag fafarm, plano ko din bumili ng lupa kapag nakaangat angat kami sa buhay." Napatango naman ako at ngumiti sakanya.
"Oo, bilin mo itong plantation namin." His eyes widened at mabilis na umiling.
"Hindi, sa pamilya ninyo ito. Sa iba ako bibili." I laughed.
"Biro lang, ang seryoso mo naman masyado." Nakitawa din ito sakin.
"May girlfriend ka na ba?" Tanong ko dito habang ginagala ang mga mata. Nakita ko ang mga hinog na kamatis na naghihintay lang mapitas. Pitasin ko sila mamaya.
"Wala, wala pa sa isip ko ang mga ganoon." Tumango tango naman ako.
"Dito ang opisina ng Daddy mo. Tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka pa. Diyan lang ako at tutulong mamintas ng mga kamatis." I nodded at him and bid my thanks before he walked away.
I knocked at Daddy's office and it took him 10 seconds to open the door.
"Rae?" I smiled at him and show him the bag full of foods
"Lunch?" He sighed and widened the door so I could come in. 
I suddenly remember the old saying that a way to a man's heart is through his stomach. I just hope this food can be a way to talk to him. 
0 notes
melodyjourney · 1 year ago
Text
𝓟𝓪𝓱𝓾𝔀𝓪𝔂
Blog #2
"12 na. " Sinindihan nito ang posporong hawak nya at nilagay sa kandilang nasa babaw ng keyk.
"Happy Birthday to you, happy birthday to you, happy birth.... " Hindi na niya maipagpatuloy ang pag awit nito bagkus ay sabay sabay na nagsipatakan ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata, kaharap ang piraso ng keyk na may sinding kandilang pula.
"Shhh." Pagtahan niya sa kanyang sarili at paghaplos nito sa kanyang balikat, habang palihim na humihikbi sa lugar kung saan walang taong manghuhusga, nakakakilala, tanging siya lamang at kanyang presensya. Paghampas ng along paroon parito lamang ang maririnig, ihip ng hangin, at mumunting tunog ng mga insektong nagkalat sa paligid.
Sa nakakabinging katahimikan, mga bituin sa langit na nagsisipagkinang, kay sarap pagmasdan ng mga tala sa buwan. "Para saan pa't nabuhay ako sa mundong 'to? akala ko dati kapag malaki na, ayos na, wala nang sisigaw at magagalit pag nagkakamali, pero bakit ganun?Ganto ba talaga pag panganay?Sa tuwing nagkakamali ka, pakiramdam mo lahat ayaw sayo, pag may naaachieve ka hindi sila proud, kasi kailangan singgaling mo si ganyan, buti pa si ano ganto kagaling, hindi ba pwedeng mag tiwala sila sa'kin?. " unti unti niyang niyuko ang kanyang mga ulo kasabay ng paglagok ng serbesang sumasabay sa lamig ng ihip ng hangin.
"Ano ho bang kasalanan ko't kailangan kong magdusa ng ganto?. " Mga Salitang kanyang binitawan kasabay ng naguunahang patak ng mga luhang di mapigilan.
"Dati nisabi nya na sana lumaki na siya agad, para di na siya nipapalo ni mama tapos nisisigawan ni papa pag mali siya, kailangan perfect kasi panganay siya, pero ngayong big na, araw araw naman umiiyak kasi may responsibility na nagaabtay, ayaw niya magsabi kila mama papa pag Di niya kaya, kasi sa tuwing magsasabi siya iniisip nila na nagiinarte lang."
Sambit nito habang may mga luhang nagbabadyang pumatak, batid sa kanyang matining na boses na ayaw niyang nakikita ito nang nahihirapan at nasasaktan, ngunit anong magagawa niya? hinahaplos nya si Mai habang humihikbi, habang hinahagkan nito ang kanyang dalawang hita nang nakayuko at patuloy pa rin sa pag hikbi.
"Tayo na ikaw dyan, pahinga na ikaw, tapos laban na ikaw ulit, sabi mo gusto mo maachieve lahat ng gusto mo, tapos iispoil mo sarili mo nung nga bagay na hindi ko mabili noon? Diba sabi mo gusto mo maging proud sila sayo, tapos bibigay mo yung buhay na gusto nila? tayo na ikaw." Unti unti niyang niyuyugyog si Mai at inaanyayahang tumayo.
"Happy Birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!!!." Masayang nagkakantahan ang kaniyang mga mahal sa buhay habang ang musmos na bata'y pumapalakpak sa galak. "Make a wish and blow your candle!"
Kasabay nito ng pagihip ng pitong kandilang pula, pitong kandilang sumisimblong pitong taon na siyang namunuhay sa mundong ito, Ngunit unti unting binabalot ng pag kamanhid at katahimikan ang kanyang puso't kaisipan dahil sa mga emosyong nakapaligid at nagsisipaghiwayan, mga tunay at purong emosyon na huli niyang masisilayan habang musmos pa lamang.
Ang pag patak ng alasdose, noong huli nyang nasilayan na lugmo, takot, at pagod ang sarili niyang lunod sa responsibilidad bilang panganay sa hinaharap, saka niya napagtantoong ang nangyari kagabi ay pasilip sa hinaharap na ang kanyang batang sarili ay malungkot sa hinaharap, hindi niya akalaing ang pag tanda ay mas malaking responsibilidad ang nagaantay sakanya, kaya ganun na lamang ang pagtangis niya sa tuwing sasapit ang kaawaran niya, kung ganon ay hihilingin kong.... "Hagkan sana ako ng mga mahal ko sa tuwing pagod at hinahamon ako ng mundo, alam kong kakayanin ko para sa inyo, bigyan niyo lang sana ng halaga sa pagkatao, sa tuwing pati sarili'y ko'y kinasusuklaman ko." Kasabay nang pag ihip ng mga kandila ang pag Mulat ng kaniyang mga mata na may nagbabadyang mga luha.
" Happy Birthday anak, alagaan mo sana kami ng papa mo pag tanda namin ha. "
0 notes
atamabs · 2 years ago
Text
FRIDAY NA JUSKO!!!
Meron akong isang case na sobrang uneasy para saken. Kasi anong alam ko sa copay coinsurance eme eme. I mean paano ko sya maeexplain na maiintidihan ng kausap ko. Tas shuta english pa! Literal na naubos ang salita ko dzai!! Umabot ng 52mins yung call bago sya maghanap ng supcall. Ang ending same kame ng sinabi ng supervisor AHAHAHAHA felt brainy ng konti.
Also did a genesys training, 1hr din don.
Still nanghihinayang na i wont be able to see jeongin in flesh. 🥺 Naiiyak ako isipin na nandito sya sa pinas pero nasa biñan ako 😭😭
On the other hand, I feel like im a responsible wife na. Kasi hindi ko ipinilit, at tanggap kong hindi ko kayang bumili. Ni hindi ko ginawan ng paraan para makahanap ng pera. Its not that hindi ako nageffort to do things for jeongin, hindi ko lang maisip na pati ito iisipin pa ni aj. So, maybe next time.
& SUSUNDUIN NA NAMEN SI MENTOS KILA SIR JV MAMAYA. HUHUHUHU IM SO EXCITED.
0 notes
babaengmadaldal · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Third Wheel | 061118
- Hahahahahaha after namin maghanap ng company for OJT, sabi ni ate bumili raw ako gamot ni mommy tapos kain daw kami dun sa may tapat ng subdivision ni kuya. Nakalibre pa ng foods! Yay, sarap ng may ate aba kaso third wheel na naman ako sakanya.
12 notes · View notes
moonwonuu · 2 years ago
Text
falling for you — a special chapter 💌
pov: kung saan miss na miss mo na si jeonghan habang naka confine ka sa hospital
a/n: here’s a product of my (nearing) midnight thoughts kasi ang dami sainyong naka miss sakanila (pati na rin ako) 🫶🏼 hehehe pati ang tagal ko na rin gustong gawin ‘tong tiktok trend kila marie at hannie! 🥹
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
·ᴗ· taglist: @hanniesdegree @younjunie @fraeppuccino @m1kotsu @kwonranghae @nanamioo @yoonzinosworld @luveveryonewoo @yoonhanzjaem @dearcheol @09yyeol @prettyrintarou @yunnamiksi @nanamin-pointo @seokcalibur @suzuyamitsuki @4mav @najaemism @rubyhoons @youthwithgyu @j-8star
54 notes · View notes
enshia · 3 years ago
Text
Chapter 1
Tumblr media
Synopsis: Joshua Brian Briks(jw) the heir of PenVrogè a famous clothing brand company, and Terenz Jade Baillairgé(jay)the heir of Borôugh another clothing brand company who was rival with PenVrogè since a long time ago; Terenz who was still deeply in love with his past lover who he’s still trying to forget; and Joshua a naive young man who was trying to find happiness and love. Joshua and Terenz was “meant” to fall in love, that’s what Nathan believed, so what’ll happened when they finally got together will they live happily ever after or will it lead to Shakespeare’s famous tragedy of Romeo and Juliet.
Genre: angst, stranger to lovers, drama.
Note : this is originally an au on twt, and I posted this in here since no one is reading it on twt and it’s a Tagalog au btw.
~
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Josh's Pov
Once I step inside the house everyone moves their head towards me, even the maids, they stare at me for good three seconds, and then mother speaks
"Where have you been?" She ask me, her tone got a little higher when she said the word "you", then stand up and took my hand guiding me to my seat.
"We have been waiting for you for a long time, it took you hours to get here, why?" She said once she took her seat again and swift her head from her lap to me, then I took a breath, to at least make me less uncomfortable.
"We...-I was at Shane. I was at Shane's house making a project." I said not having the guts to look at them, then my father spoke.
"Sabi ng ate mo na 'kila Maggie 'ka, nag papatulong sa physics?" He said , then I unconsciously shift my gaze to him, and he was raising his brow and removed my sight somewhere else and my gaze landed at ate. She was biting her lips, looking at me with wide eyes telling me to continue to cover and act, 'cause we both know na pag nalaman nila kung sa'n ako nanggaling lagot kaming dalawa doon.
Then the atmosphere suddenly became stiffier and it's killing me, and I bet my sister too and the maids behind us.
"We thought it would be better to continue our project in... Shane's house, Kasi..." I suddenly stop mid-sentence, then my father raises another brow at me.
"Kasi?" He said, ordering me to continue my words and excuses.
"Kasi dumating tito ni ate Maggie, iinom daw, so we decided na i-continue nalang yung project at saka yung tutorial sa physics 'kila Shane..." I said confidently, looking at him in the eyes and his knitted and raised eyebrows.
"I see..." He said sighing, and I also let go of a sigh.
"Mabuti 'yan anak, at pag'ka na sa'yo na yung kompanya, hopefully ready 'ka na. Mother told me brushing my back and giving me a smile that I could not comprehend if that was genuine or not.
"Anyway, we're home for tonight because we wanted to inform you two, na mag s-stay kami sa US for two weeks, and Solel, I expect you to tame your bother if ever inuuna n'ya ibang bagay before academics, we don't want a pabaya and irresponsible person na hahawak ng kumpanya. Anyway since andito naman na tayo, i a-anounce 'ko na din na meron ulit design and modeling competition between companies, kasama PenVrogè doon, Hèlovien and of course pati Borôugh kasama d'on, and for sure you two would participate to modeling. That's all for tonight, I expect you to be the top and our company when that week came, and after dinner aalis na kami ng mommy n'yo" He said and finished his speech.
And that night ended with us talking more about the company, and talking about academics, while si ate na 'ka tahimik 'lang s'ya the whole time, while these two ay binubugbog ako sa tanong.
In short, he was telling us to compete all of the other high company, when he knows na katatapos ko lang tapusin ung shoot para sa next na magazine, 'tas ito nanaman? Give me a break, I understand na this company was created after the Spanish left Philippines and ginawa 'to ng mga Mistiso ancestors Namin and been the top clothing company since then, pero para i-presure ang minorde edad because they're the heir? I just want to take a break. Study doon, modeling dyan, academics doon shooting dyan, ano ba dapat unahin 'ko career or education, gulo na'din utak 'ko eh.
Masterlist || Chapter 2
30 notes · View notes
kimhortons · 2 years ago
Text
Talong at Ampalaya—Pakbet ni Lola. 
nung bata ako, di talaga ako mahilig sa gulay. kalabasa, carrots at patatas lang kinakain ko noon. ayaw ko ng sitaw (til now medyo) kasi nakakangilo nga siya. unless overcooked na siya sa sinigang haha. pati kangkong naduduwal kasi ako dun dati. lalo naman okra, ever since natikman ko siya noon tas naramdaman ko yung parang mga balahibo niya, para akong natrauma at never ko na talaga ginusto kumain ng okra kahit sarap na sarap yung iba dun pag sinasawsaw sa bagoong. 
hindi rin ako kumakain ng talong noon, tortang talong oo, pero iniiwan ko yung part na puro talong haha. not until one time, i got drunk. tapos umuwi akong gutom na gutom, walang ibang ulam na naiwan sa bahay kundi pritong talong at bagoong—tinikman ko. para akong high na high na sarap na sarap sa talong non, simula noon kumakain na ako ng kahit anong luto ng talong. talong is life. char! haha. 
wala lang, naalala ko rin kasi, pakbet ni lola lang paborito ko noon na luto ng gulay. ayaw ko ng ibang pakbet sa lalo sa karinderya. naku, kung matitikman niyo lang ang pakbet ng lola ko noon, kahit hindi ka kumakain ng gulay mapapakain ka talaga. parang may magic. panggalatok kasi ang lola ko, kaya napakasarap niya magluto nito. pero lagi kong iniiwan yung ampalaya. 
ayaw ko nga kasi ng ampalaya. ang pait pait. paglaki ko nalang ako kumakn ng ampalaya dahil ayaw ko na maging choosy lalo pag walang ibang choice. tsaka tinuruan ako ni mommy, galing lang rin sa mga natutunan niya sa mga lola ko, kung paano bawasan yung pait. ngayong natuto na ako, paborito ko narin siya. 
iniisip ko kailangan ko matuto kumain ng gulay, kasi dun kila Joemar, halos puro gulay ang inuulam namin doon. napakain nga nila ako ng hindi masyado kilalang gulay dito sa Manila na meron doon. sa totoo lang, ayaw ko nun. pero ayaw ko naman mag inarte sakanila kaya napakain na ako. haha. as long as magata, okay ako. masarap naman, pero kung may ibang choice hindi ko iyon pipiliin. 
Ilokana nga pala ang mama ni Joemar kaya masarap din magluto. hindi ko pa ata natikman o nakitang nagpakbet si tita nung andun ako. nung pinaalam kasi namin na doon muna ako, ang sabi ng mama niya “okay lang basta hindi maarte sa ulam” haha. di naman ako masyadong maarte sa ulam, kumakain ako kung ano ihain sa mesa. ayun nagulat sila na kumakain pala ako ng talbos ng sayote—first time ko rin yun. tinikman ko lang kasi sinasawsaw nila sa bagoong. kaya nagustuhan ko narin. gusto ko rin lahat ng ginugulay ng mama niya. naaalala ko lola ko sakanya. ang sarap mag gulay. siguro kasi pareho silang taga norte. paborito ko rin yung ensaladang gulay ng mama niya. 
wala lang. gusto ko lang pag usapan ang gulay kasi nagluto ulit ako ng ginisang ampalaya, and now i can finally say na paborito ko narin ito. ang sarap ko narin magluto ng gulay—pero hindi ko pa natry mag pakbet. susubukan ko aralin sa susunod. hehe
4 notes · View notes
bibisoy · 3 years ago
Text
Medyo mahabang kwento.
Tatlong araw na akong hindi kinakausap ng jowa ko. Ewan ka rin kung bakit. Ginawa niya na rin to before sakin kapag umuuwi ako sa amin.
Unang ginawa niya to nung namatay si mama. Libing ni mama noon ay Nov 9, tapos dapat papa-city kami nila papa ng 12. Pero namove ng 14 kasi kakamatay lang rin ng isang kumapare ni papa. Siyempre siya yung driver. Hindi namin itinuloy kasi pupunta pa siyang lamay at magluluksa pa siya. Nung nalaman ng jowa ko na di pa ako babalik ng city non. Dalawang araw niya akong hindi kinausap. Nag-usap na kami nung nakabalik na ako sa city kasi nasurprise siya na bumiyahe na ako.
Ngayon naman, isang linggo na ako dito sa amin. Umuwi ako kasi may sakit si papa. Not to brag, pero medyo malaki yung bahay namin at mag-isa lang siya sa bahay. Walang nag-aasikaso sa kanya kaya umuwi muna ako. Di pa rin ako nakapagbigay ng exact date kay jowa kung kelan ako babalik. Kaya di na naman ako pinapansin. Pag tinatawagan sa messenger, "Person not accepting calls right now" yung lumalabas. Eh sinabihan ko siya na di pa rin gumagaling si papa.
Alam ko namang pabiro lang yung ginagawa niya. Kasi nung bumalik akong city before, tumawa lang siya. Pero kasi sa part ko, nakakagago na yun. Lalo na't kailangan ko ng masasandalan. Stress na stress na ako kasi halos hindi ako makatrabaho sa dito bahay. Gigising ng maaga magready ng makakain, 9am matatapos kumain. Tapos mga 10:30 magreready na naman ulit ng para sa lunch. Then same lang rin sa dinner. Halos wala akong time magtrabaho in between hours na nababakante ako. Halos isang linggo na akong hindi nakakapagtrabaho ng maayos. Kaya lagi rin akong puyat kasi doon lang ako free gumawa ng modules at mga requirements sa Grad School ko. Tapos may Thesis Proposal Defense pa ako nung Sunday.
Napaaway na nga kami ni papa non kasi nung time na may klase ako ng 9am-12nn, as in on-going class. Nagtanong siya na kung nakapagluto na raw ba ako ng lunch. Sinagot ko hindi kasi may klase pa ako. Tapos nagalit siya at namalengke at nagluto ng lunch. Nagdadabog pa siya non habang nagluluto. Tangina, e may trabaho ako. Pagod na pagod na ako sa totoo lang.
Ilang beses ko na gusto i-open up kila ate na kung may balak ba silang kumuha ng house boy para sa bahay. Kasi dalawa kami, sa city na nagwowork at si kuya may bahay na sarili kasi pamilyado na siya. Pwede naman naming paghatian yung ipapasweldo sa makukuhang house boy eh. Pero di ko kayang i-open up sa kanila.
Nakakatangina lang na lahat ng burden sa akin napupunta. Kasi "ikaw yung bunso. Kasi wala ka pa namang pamilya". Ibig sabihin ba non kapag magkapamilya na rin ako, di na saakin mapupunta lahat ng burden? Eh gusto ko kong ipoint out nung time ba nila sa ganito kong edad, di naman sila nahirapan noon kasi malakas pa at nagtatrabaho pa sila papa. Lagi naming napag-uusapan ni mama before na gawin ko lang daw ang gusto ko kasi susuporta naman siya. Wag na raw silang isipin ni papa kasi nga naman may pera naman silang naiipon. Sobrang miss ko na si mama.
Yun lang. Napapagod na rin kasi ako. Umay na umay na ako sa lyf. Pati sahod namin sa work wala pa rin dumadating. Apat na buwan na kaming di nasasahuran. Kaya gusto ko na ring umalis sa PSU next year. Tapusin ko lang talaga tong semester na to at maghahanap ako ng bagong work.
Bye. Salamat sa pakikinig.
17 notes · View notes
charwrote · 3 years ago
Text
I used to be a Marcos Apologist. For 16 years I believed Marcos was a hero because that’s what my family taught me. I remember one time when I was 11 or 12 we were having dinner and I heard the news about how ugly the Marcos era was so I asked my dad “Akala ko maganda nung panahon ni Marcos bakit maraming nagagalit sa kanya?”, he answered after a short laugh “Wag mo sasabihin yan kila lola mo magagalit sila” — so I stopped asking. I just let myself believe that it really was the “Golden Age”. Who other than your own family could be a more reliable source right? I’m half Ilocana, my whole father side is from the North. It’s more than #SOLIDNORTH for us, it’s the family ties (Opo, mej kamag-anak namin si Marcos pero malayo naman na wag nyo na rin isipin. Babayaran din naman ng anak ko utang nila). Only after doing my own research did I know of their atrocities; it was a peaceful time indeed because anyone who talked bad about them was silenced, no one was “pasaway” because people were terrified, infrastructures and trains were built to cover their corruption and isn’t improving the country one of their duties in the first place? If you think it’s ok to shed blood and kill people mercilessly to attain “peace” then self check ka siz, baka you’re living in a privileged bubble. It’s not just about you or your family, it’s about the whole Filipino nation (pati apo mo, mind you) are at stake here. Sa kaibigan mo ngang di nagbabayad ng utang galit ka, paano pa dun sa pamilyang sayo pinangalan utang nila. Ilang dekada na lumipas pero hanggang ngayon nagbabayad pa rin tayo and did you know hanggang 2025 ka pa magbabayad? Umay dba. It’s ok to change your beliefs even if it defies what your family believes in and especially when you’re already given tons of wake up calls. Educate don’t hate — learned it the hard way because some of you know how aggressive I can get rawr chz hahaha and tbh it’s not effective and not good for your mental health. Sabi nga ni Dale Carnegie, “Always begin in a friendly way”.
2 notes · View notes
simplifyingjourney · 3 years ago
Text
Study setting + coping up in pandemic...
New study set up! updated!
I got my personal study space yesterday. Ako muna gumagamit ng room ng tito ko temporarily since si tito meron na syang own family nya and madalang na lang sya umuwi kila tita ko so I decided kapalan din mukha ko. Nakakahiya syempre haha sa iba't ibang house ako pero mga mama ko naman sila haha marunong pa din ako mahiya kahit papano pero para lang makahanap ako ng personal set up ko and study space ko. Kasi sa house ng lola ko syempre house ng lola ko yun hindi namin totally privacy yon na kumbaga kasi ibang kamag anak ko pumapasok doon pati aso pumapasok meron tae pa minsan di marunong mag linis hayssss.... hahhahaa but anyway wala akong maituturing na privacy pa pagdating sa house because nakikitira lang kami it's okay walang problem sakin yun, coping ako in pandemic ee. why? before when i'm in face to face season, talagang bahay, school ka lang ee. pero ngayon bahay lang talaga tapos utos dito, utos doon hindi ko alam minsan if i am the problem or my environment 😂 alam mo tinatakasan ko sa bahay? hindi yung gawaing bahay ee. haha pero yung ma interrupt ako while studying yun pa din yung point ko. I will set a specific time for gawaing bahay, for my family and more. Oh diba parang mas dumami talaga ng nag pandemic ee. hindi ko na minsan alam kasi utos sakin here and there na coconsume yung time ko pero ayos lang sakin.
I pray maging okay na lahat ng tao! Hindi na magkahawaan sa covid and people know how to be sensitive hopefully towards another person.
3 notes · View notes
dumparchivesblog · 3 years ago
Text
Hello Tumblr world. I’m back again. Grabe after 3 weeks, finally naka-uwi narin ako ulit sa house namin. I’m so happy to see my family and my dog. Na-miss ko talaga sila, syempre yung room ko din. Thank you Lord for healing my family from covid. We will have a mini celebration tomorrow mga dinner time, late celebration kasi finally graduate na ulit si kuya tapos syempre magaling na sila and they survived covid.  I spent 3 weeks away from them and stayed at my boyfriend’s house. Family narin niya nagsabi kasi na wag muna ako umuwi para ‘di na mag spread pa. Tapos nagpa-deliver nalang ako ng grocery sa house namin. Lahat din ng transactions online lang, like paying the bills and all. Tapos buti nalang din bff’s ni mama yung mga neighbor namin so pag may need ipa-bili napapa-kisuyuan sila from time to time. Yung ibang relatives din namin nag padala ng mga food kila mama habang naka-quarantine sila. Pinapa-iwan nalang sa gate. Tapos bumili ako ng oximeter and yung thermal scanner for them sa house + super daming alcohol and disinfectant.  Buti nalang talaga hindi grabe yung covid experience nila. I was so worried especially with my dad kasi senior citizen na siya tapos chain smoker pa. Alam mo yung kung ano-ano na pumapasok sa isip ko, kasi baka maging grabe tapos hindi pa siya vaccinated. Pero thank you Lord talaga hindi grabe. Alam mo yung sumabay pa yung resignation ko, na ang daming gastos and all pero he really did provide. Grabe yung freelance projects ko and sunod-sunod na opportunities na pumapasok, kaya sobrang nagte-thank you din ng nanay ko kasi kuripot daw ako minsan pero in times of need sobrang maaasahan ako. Like wala sakin yung maglabas and bigay ng pera. E syempre family kami, sino pa ba mag-tutulungan.  Sobrang ingat talaga ngayon, bumili ako nung parang nano spray parang baril tapos may uv keme. Kailangan bago pumasok ng bahay spray lahat, damit pati mga bitbit. Tsaka lagi kami magte-temp check. Nakaka-praning na kasi tlaga sobrang daming cases. Tbh, pangalawang beses ko na naligtas. Una sa family ng boyfriend ko nung march lahat din sila nagka-covid and na-expose ako, pero hindi ako nahawa. Tapos ngayon sa family ko, hindi rin ako nahawa. Si mama din hindi kasi parehas kami fully vaxxed na. So people, if you have the chance to get vaccinated grab it. 
2 notes · View notes
rizza-murciano · 3 years ago
Text
Baguio Philippines: Isa sa mga pinagmamalaking tanawin ng Baguio
Tumblr media
https://primer.com.ph/feature/2018/07/16/primergoesto-baguio-the-creative-city/
Ang Baguio ay isa sa mga ipinagmamalaking tourist spot sa Pilipinas dahil sa taglay nitong ganda, ganda na nanggagaling sa likas na yaman. Isa sa mga nagpapaganda dito ang natural na yaman at mga lugar na, na preserve at napanatiling maganda, sa tagal ng panahon. Isa itong malamig na lugar sa Pilipinas na dinadayo ng mga Pilipino at pati na rin ang mga turista. Halina’t ako’y sabayan sa paglalabay at pagtuklas ng mga tinatagong ganda at yaman ng Baguio.
1. Burnham Park
Tumblr media
https://guidetothephilippines.ph/articles/what-to-experience/baguio-city-tourist-spots
Ang Burnham Park ay isa mga kilalang tourist spot sa Baguio, dahil hindi lang ito ordinaryong parke, kumpara sa iba pang mga parke. Ipinagmamalaki ng parke ang iba't ibang mga aktibidad at atraksyon tulad ng Palaruan ng Mga Bata, Rose Garden, Orchidarium, Picnic Grove, Igorot Garden, at marami pa. Dahil sa ganda ng paligid at talagang nakakarelax at nakakawala ng stress.
2. Mines View Park
Tumblr media
https://guidetothephilippines.ph/articles/what-to-experience/baguio-city-tourist-spots
Ang Baguio ay dating bayan ng pagmimina noong unang bahagi ng ika-20 siglo. Upang masilayan ang taglay nitong ganda at bumalik sa nakaraan, kailangan mong bisitahin ang Mines View Park. Binibigyan ng pagkakataon ang mga turista na magbihis ng tradisyunal na mga garbo ng Ifugao tulad ng bahag (loincloth), vests, at mga headdresses, at may hawak ding isang kalasag at sibat para sa pagkuha ng litrato. Marami ka ding mabibiling mga pasalubong, dahil bago ka makapunta sa mismong view deck ay dadaan ka muna sa mga maraming pamilihan ng mga paalubong na, iba’t ibang klase ng pasalubong na ay makikita mo doon. 
3. The Mansion
Tumblr media
https://guidetothephilippines.ph/articles/what-to-experience/baguio-city-tourist-spots
Ang Mansion sa Baguio ay itinayo noong 1908 upang magsilbing opisyal na bahay paninirahan ng Mga Gobernador-Heneral ng Estados Unidos sa panahon ng pananakop ng Amerikano. Ngayon, ang The Mansion ay nagsisilbing opisyal na palasyo ng Pangulo ng Pilipinas sa Baguio. Ang The Mansion nakakaakit sa labas pa lamang dahil sa mga nakapaligid nitong mga halaman na syang nagpaganda sa paningin ng tao. 
4. Botanical Garden
Tumblr media
https://guidetothephilippines.ph/articles/what-to-experience/baguio-city-tourist-spots
Ang Botanical Garden at naghahatid ito ng mapayapang kapaligiran, dahil sa taglay nitong ganda, gandang galing sa kapaligiran. Para sa mga nakakaranas ng stress sa kanilang pangaraw araw na ginagawa ay mas mkakabuti kung puntahan ito dahil ang taglay nitong ganda ay nakakaakit. Alam natin na nakakawala ng stress ang mga halaman pag nakikita natin, dahil nalalanghap natin ang halimuyak nito na syang umaalis sa mga bumabagabag at nagpapagulo sa ating isipan. 
5. Baguio Night Market
Tumblr media
https://guidetothephilippines.ph/articles/what-to-experience/baguio-city-tourist-spots
Katulad sa mga ordinaryong lugar hindi mawawala dito ang Night Market, is itong lugar kung saan nagbebenta ng mga murang damit, gamit at kung ano ano pa. Ang Ukay-ukay ay ang lokal na term para sa mga labis na item na naipadala mula sa ibang mga bansa at mga damit na nagamit na tulad ng mga damit, bag, at tsinelas na ibinebenta sa bargained na presyo. Mga pwedeng ipasalubong na mga dumadayo na turista doon. 
Lubhang napakasayang mamasyal sa Baguio dahil maraming mga interesante at kaakit akit na lugar na ating mapupuntahan. Ang Burnham Park, Mines View, The Mansion, Botanical Garden at HIgit sa lahat ay ang Night Market sa Bagiuio, ang mg lugar na syang kilang kila ng marami, hindi lamang sa lokal pati na rin sa Internasyonal. Mga lugar na kung saan sa tingin pa lang ay mamamangha ka sa ganda, dahil sa panahon ngayon, na puro technology na ang ating nakikita, bibihira na lamang tayo nakakita ng mga likas na yaman na napanatili at napaganda. Ngayong pandemic na ating nararanasan ay hindi natin mabibisita ang mga magagandang tanawin at lugar sa katulad ng Baguio dahil sa banta ng Covid-19. Dahil sapandemic na ating nararansan ay mas mapapanatili nito ang ganda at kaayusan sa Baguio na syang mas lalo hahatak ng mga maraming turista dahil sa taglay nitong ganda. Maraming salamat at nawa’y nagenjoy at naging masaya kayo sa ating pamamasyal.
Pinagmulan:
Lahat ng mga litrato at mga ibang impormasyon na mababasa at makikita ninyo ay maari ninyong makuha at tignan sa mga sumusunod na ditalye:
https://guidetothephilippines.ph/articles/what-to-experience/baguio-city-tourist-spots
https://primer.com.ph/feature/2018/07/16/primergoesto-baguio-the-creative-city/
1 note · View note
ravagedfeelings · 4 years ago
Text
Weekend Hanash
Saturday
Binili ko na ng coins yung natitirang budget ko. Last na muna siguro yun for now. Maglalagay na lang ako ulit once na may extra ako. Sana lahat ng hawak ko, "to the moon".
Pinanuod namin yung new thai movie sa Netflix na The Con-Heartist. Nakakatawa siya and of course, wala pa ring kupas si Baifern.
Nag-order kami sa food panda ng milktea and nagpa-angkas pabili naman kami ng Angel's burger. Ang mahal nung fee sa angkas, 145 pesos. Pinatos na namin dahil walang gustong maglakad para bumili at syempre iwas covid nalang din.
Sunday
Natuloy yung kain namin kila tita today. Ang plano kasi dapat wala ngayon tapos next week meron. Mukhang ang mangyayari nalang next week kami hindi tuloy.
Papagawa rin dapat ako ng new specs today kaso hindi na naman kami natuloy. Malaking part rin talaga dito yung katamaran ko eh.
Pinanuod namin ni papa yung new vlog ni Ivana. Grabe, paulit ulit ko talagang sinasabi na isa sa dahilan kaya gusto ko maging successful ay para makatulong. Nakakainspire yung video, alam mo yung tayo tayo na lang din talaga ang magtutulungan. Sana dumami pa yung mga taong bukal sa loob tumulong.
Also, skl:
Nakakatatlong kwento na ako sa binabasa ko na "Para Kay B". Two stories to go, sana matapos ko na yung book this week.
Ang bilis ng panahon 'no? Start na ng second half ng March. Hindi mo mamamalayan, bukas paggising mo April na.
Thankful rin pala ako dahil may vaccines na. Sabik na sabik na akong bumalik sa normal. Konting tiis pa. Tiwala lang, matatapos din ang pandemya sa bansa.
Pasintabi sa mga kumakain pero naalala ko yung college friend ko. Sabi niya sa amin noon, mas gusto niya raw kapag nahihirapan siyang jumebs. Nacha-challenge daw siya lalo na yung pag-ire niya. Kumusta kaya, may almoranas na kaya siya ngayon? Lol charot, joke lang.
Monday na naman bukas at balik na naman sa trabaho. Parang araw araw niraraos ko na lang yung mga gawain. Don't get me wrong, I'm so grateful na may work ako sa panahon ngayon pero alam mo yun, di na ako ginaganahan.
Sobrang napaparanoid ako everytime na may nararamdaman ako. Sakit ng ulo, pagkahilo, or tinding pagod. Hindi ko kasi alam if dapat na bang seryosohin or normal na simpleng sakit lang. Hirap rin naman mag self-diagnose kasi ang lala pag nagsearch ka sa internet. Basta ang alam ko lang, ayoko pa mamatay. Ayoko mamatay ng maaga lalo na't ngayon pang natututunan ko na ang mga bagay bagay, ang buhay. Yun bang naiintindihan ko na ang sarili ko, yung mga plano ko sa pamilya at pati sa sarili. Health is wealth nga talaga ika nila.
Okay, ayun lang. Goodnight.
---
031421
2 notes · View notes