#kathniel spikers on kristv
Explore tagged Tumblr posts
Text
A Very Special Birthday Treat For Me Ü
It was Aug.13 when we got an invitation from Tita Min para maging live audience sa KrisTV.. naka-schedule kasi si Kath at Dj maging guess sa Aug. 15.. and ang nakakatuwa dito eh IT'S MY BIRTHDAY!!! ayiee.. ang sayan lang no?? nakaka-excite lang kasi it's my day tapos first time ko sila makikita, tapos first time ko makikipagkita sa ibang spikers.. tapos first time ko manuod ng live sa KrisTV.. wieee ^___^
At dahil short notice, ngarag kaming admins para magprepare ng something for them, tapos wala pa makuhaan ng pondo.. kaya naman kung anu-anong paraan ang ginawa namin.. buti na lang at mga solid supporters na handang tumulong.. in an instant nagkaroon kami ng budget.. see, andaming nagmamahal sa KathNiel :D
Aug. 14, 2012, nagpunta ako ng Market2 para kunin ang padala ni Sis Jov at magpaprint ng tarp.. unfortunately, sira  daw yung printer ng laging kong pinapagawan ng tarp kapag may event kami sa school (SSG Officer kasi me, so madalas may activities ^_^) kaya naman pagkatapos ko makuha padala ni sis Jov eh naghanap ako ng ibang pwedeng pprintan.. kaso wala ehh.. :(( so nagpasya akong pumunta na ng mega mall kasi baka dun madami.. bago pa man ako makarating ng mega mall kinontak ako ni Sis Cher.. at inalok niya na siya na lang daw magpapaprint ng tarp.. wieeeeee.. buti naman.. so ayun na nga, naghanap na lang ako ng something for KathNiel.. and ang nahanap ko ehh Teddy Bear ^_^ at ito siya ohh.. 
pagpasensyahan na kay kath lang ang napicturan ko.. kay Dj ganyan din pero color brown, tapos yung pin kay kath nakalagay "i♥him" kay Dj naman "i♥her" para terno.. ayiee.. 
ayun, tapos waiting ko na lang padala ni Sis Wheng para makabili din ako ng something for Tita Min and Ms. Kris A., kaso nga lang hindi umabot ehh.. pero keri lang :))
AUG.15,2012 -- MY SPECIAL DAY Ü
syempre I'm so excited kaya naman 3 hours lang ata tulog ko, naunahan ko nga ang alarm ehh.. pagulong gulong lang sa kama.. ang call time kasi eh 6am, so mga 5:30 pa lang umalis na ako, nag-meet kami ni Cher sa Guadalupe station ng MRT, ayiee, nakita ko din si Sis.. ang cute-cute lang.. hehe.. tapos ayun, punta na kami sa ABS-CBN, ang usapan kasi namin sa McDo so dun kami, while waiting for the others eh nag-almusal muna kami hanggang sa na-complete na kami at pumasok na sa Audience Entrance, ayun at sakto ang dating namin, dami na tao at pinapunta na kami sa studio.. nung nasa loob na kami ng studio, syempre kinakabahan na excited na ewan ang nararamdaman ko.. maya-maya lang OH MY GOSH!!!! bigla na lang sumulpot si KATH at DJ!!!! grabe, syempre as expected super tilian lang.. ako?? ayun, STARSTRUCK sa kanila..grabe ang ganda ganda ni Kath para siyang manika.. at si Dj, grabe, mas gwapo siya sa personal.. tahimik lang ako, nakamasid.. tinititigan sila.. tapos napansin namin na kasama pala si Seth barkada ni Dj, ang Cute lang.. malapit pa siya samin nakaupo.. so ayun na nga.. daming KV moments all through out.. kakatuwa ng Bday gift saken.. grabe.. hanggang sa natapos na ang show.. syempre picture2 muna, kami kumukuha ng tyempo para mabigay ang gifts.. hanggang sa lumapit na si Kath samin at nabigay na ni Cher ang gift for her.. and picture2.. nung nakita niya yung tarp sabi niya lang "SPIKERS!" tapos with wide smile pa.. nagrequest kami ng picture sabi niya "Si Dj andun pa"  kaya naman sa kanya lang kami nagpapicture.. eto pic with Kath
Papunta na si Dj sa direction namin kaya lang nung magpapapicture kami sa kanya sabi niya sa taping na lang daw kasi nagmamadali siya may flight pa siya papunta mall show.. kaya hindi kami nagpapicture sa kanya.. tapos naalala ko nasa akin papala yung gift for him.. palabas na sana siya nang may nagpapicture siya, grabe katapat ko lang siya, kaya lang nakatalikod, dumamoves na lang ako.. hinawakan ko lang naman ang kamay niya sabay sabit nung gift bag, grabe, ang tagal kong hinawakan nung kamay niya.. mga 15 seconds?? hahaha, basta.. ang lambot grabe.. kinikilig ako super! haha.. tapos yun tuluyan na silang umalis.. siyempre hinabol namin ng tingin hanggang sa tuluyan na silang nakaalis.. syempre kilig2 kami super.. tapos wala na pala kami destinasyon kaya naman before kami naghiwahiwalay nagpicture2 muna kami.. 
oh dba ang saya lang.. :DD
syempre hindi pa natapos ang participation ng KathNiel Spikers sa Birthday ko. grabe katouch lang mga message nila sa akin through FB and texts.. feeling ko napaka-special ko.. feeling ko nga ako si Kath ehh.. hahaha.. joke.. at eto pa
pagkauwi ko, ayan nabasa ko ang pagbati sa akin ni Tita Min sa Twitter.. grabe i'm so blessed! :'')
Grabe, napakamemorable ng 20th birthday ko.. Thank You KathNiel Spikers sa oppurtunity na ganito.. co-admins, babys ko, members.. sa mga nakasama ko.. kay Tita Min sa pag-iinvite sa amin.. sa KathNiel syempre sa pagpapakita sa akin for the very first time sa mismong birthday ko pa.. at syempre kay God for making my special day great.. Thank You soo much Bro! galing Mo talaga :)))))
1 note · View note