kemsy02ofkathnielspikers-blog
♥ KathNielSpikers Experience ♥
6 posts
My experience as KathNiel fan and a part of KathNiel Spiker family.. ^_^
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Call, Confirmation and ASAP Audience Ü
We were invited by Tita Min to watch ASAP pero sa production lang ni Kath, pero super saya namin kasi first time yun.. ^_^ She texted Regine asking the full list kung sino ang mga gusto sumama, so ayun, naghalungkat kami ng gusto sumama.. hehe.. 
Nagcheck ako ng twitter ko and nag-DM pala sa akin si Tita Min asking for my cellphone number, syempre binigay ko naman.. hehe.. tapos maya-maya may tumawag na sa akin eh number lang, so sinagot ko.. kahit may hinala ako na si Tita Min un, tinanong ko pa din kung sino siya.. "Hi Flor, Si Tita Min ito, mommy ni Kathryn Bernardo" ayan lang ang sabi niya.. and i was like "ay! hello po tita! napatawag po kayo??" hehe.. o dba maka-Tita lang ako?? feeling close lang.. haha.. ayun, super usap lang kami, andami lang kwento ni Tita Min.. ang saya niya kausap.. tahimik lang ako at puro pag-aapprove sa mga sinasabi niya ang nagawa ko.. grabe, ehh hindi naman kasi ako makapaniwala.. HALLER??? si TITA MIN kaya yun! the very reason bakit siya tumawag eh para sabihin na hindi pa pala sure kung makakasama kami sa ASAP kasi medyo late daw ang pagbibigay namin ng list, and masyadong strict ang ABS-CBN pagdating sa pagbibigay ng due dates.. so ayun.. inexplain sa akin ni tita.. grabe I can't forget that day, It was Aug. 17, 2012 when I got the first call from Tita Min.. :D
Kinabukasan, naconfirm na sa amin na kasama na daw ang spikers sa ASAP.. yehey! ang saya2.. nakaka-excite lang :D
Aug. 19, 2012 -- ASAP na! :D 11am ang call time para sa mga fans club.. so at 10 am nagmeet kami ni baby Aiza (isa sa mga ampon ko ^_^) sa megamall para bumili ng something for KathNiel at Tita Min.. ang binili namin?? hmm.. Cupcake for DJ and Pastillas Flowers for Kath and Tita Min, tapos ayun deretso na kami sa meeting place which is Mcdo ulit.. nang makumpleto na kami, pumasok na kami, sa may statbucks daw ang meeting place ehh.. pero syempre sa labas lang kami nun, wala pambili ehh.. :P At dahil sa prod lang ng KathNiel kami papasok, waiting lang kami sa labas kasama ang iba pang  fans club.. tapos papapasukin sa loob tapos palalabasin ng guard.. tapos papasok ulit, hanggang sa mga pasado 2pm na ayun tuluyan na ami pinapasok sa studio, wiee.. first time ko sa studio ng ASAP..  syempre behave lang kami kasi nga first time namin, hanggang sa ayun nga lumabas na ng stage si Kath at kinanta ang Mula Nuon Hanggang Ngayon, grabe ang ganda talaga ni bebe Kath :D tapos biglang labas naman ni Dj, may dalang bulaklak.. wieee.. nakakakilig, ayun wala na.. nagwala na ang madla.. kaming spikers? tahimik sa sulok.. ako? nagvividdeo.. hanggang sa matapos, ayun starstruck pa din.. ulit.. for the second time nakita ko sila.. grabe ang saya lang kahit nakakangalay magrecord, at saka hindi namin nabigay ang gifts namin for them.. kasi hindi daw makalabas si Tita Min kasi super higpit ehh.. kaya sa taping na lang daw namin dalhin.. ^__^
Ayun, before kami umuwi, kumain muna kami sa Mcdo.. at nagpicture2, kinain na din namin ung cupcakes.. sayang naman kasi ehh.. grabe another memorable experience ang nangyari sa akin ♥
3 notes · View notes
Text
A Very Special Birthday Treat For Me Ü
It was Aug.13 when we got an invitation from Tita Min para maging live audience sa KrisTV.. naka-schedule kasi si Kath at Dj maging guess sa Aug. 15.. and ang nakakatuwa dito eh IT'S MY BIRTHDAY!!! ayiee.. ang sayan lang no?? nakaka-excite lang kasi it's my day tapos first time ko sila makikita, tapos first time ko makikipagkita sa ibang spikers.. tapos first time ko manuod ng live sa KrisTV.. wieee ^___^
At dahil short notice, ngarag kaming admins para magprepare ng something for them, tapos wala pa makuhaan ng pondo.. kaya naman kung anu-anong paraan ang ginawa namin.. buti na lang at mga solid supporters na handang tumulong.. in an instant nagkaroon kami ng budget.. see, andaming nagmamahal sa KathNiel :D
Aug. 14, 2012, nagpunta ako ng Market2 para kunin ang padala ni Sis Jov at magpaprint ng tarp.. unfortunately, sira  daw yung printer ng laging kong pinapagawan ng tarp kapag may event kami sa school (SSG Officer kasi me, so madalas may activities ^_^) kaya naman pagkatapos ko makuha padala ni sis Jov eh naghanap ako ng ibang pwedeng pprintan.. kaso wala ehh.. :(( so nagpasya akong pumunta na ng mega mall kasi baka dun madami.. bago pa man ako makarating ng mega mall kinontak ako ni Sis Cher.. at inalok niya na siya na lang daw magpapaprint ng tarp.. wieeeeee.. buti naman.. so ayun na nga, naghanap na lang ako ng something for KathNiel.. and ang nahanap ko ehh Teddy Bear ^_^ at ito siya ohh.. 
pagpasensyahan na kay kath lang ang napicturan ko.. kay Dj ganyan din pero color brown, tapos yung pin kay kath nakalagay "i♥him" kay Dj naman "i♥her" para terno.. ayiee.. 
ayun, tapos waiting ko na lang padala ni Sis Wheng para makabili din ako ng something for Tita Min and Ms. Kris A., kaso nga lang hindi umabot ehh.. pero keri lang :))
AUG.15,2012 -- MY SPECIAL DAY Ü
syempre I'm so excited kaya naman 3 hours lang ata tulog ko, naunahan ko nga ang alarm ehh.. pagulong gulong lang sa kama.. ang call time kasi eh 6am, so mga 5:30 pa lang umalis na ako, nag-meet kami ni Cher sa Guadalupe station ng MRT, ayiee, nakita ko din si Sis.. ang cute-cute lang.. hehe.. tapos ayun, punta na kami sa ABS-CBN, ang usapan kasi namin sa McDo so dun kami, while waiting for the others eh nag-almusal muna kami hanggang sa na-complete na kami at pumasok na sa Audience Entrance, ayun at sakto ang dating namin, dami na tao at pinapunta na kami sa studio.. nung nasa loob na kami ng studio, syempre kinakabahan na excited na ewan ang nararamdaman ko.. maya-maya lang OH MY GOSH!!!! bigla na lang sumulpot si KATH at DJ!!!! grabe, syempre as expected super tilian lang.. ako?? ayun, STARSTRUCK sa kanila..grabe ang ganda ganda ni Kath para siyang manika.. at si Dj, grabe, mas gwapo siya sa personal.. tahimik lang ako, nakamasid.. tinititigan sila.. tapos napansin namin na kasama pala si Seth barkada ni Dj, ang Cute lang.. malapit pa siya samin nakaupo.. so ayun na nga.. daming KV moments all through out.. kakatuwa ng Bday gift saken.. grabe.. hanggang sa natapos na ang show.. syempre picture2 muna, kami kumukuha ng tyempo para mabigay ang gifts.. hanggang sa lumapit na si Kath samin at nabigay na ni Cher ang gift for her.. and picture2.. nung nakita niya yung tarp sabi niya lang "SPIKERS!" tapos with wide smile pa.. nagrequest kami ng picture sabi niya "Si Dj andun pa"  kaya naman sa kanya lang kami nagpapicture.. eto pic with Kath
Papunta na si Dj sa direction namin kaya lang nung magpapapicture kami sa kanya sabi niya sa taping na lang daw kasi nagmamadali siya may flight pa siya papunta mall show.. kaya hindi kami nagpapicture sa kanya.. tapos naalala ko nasa akin papala yung gift for him.. palabas na sana siya nang may nagpapicture siya, grabe katapat ko lang siya, kaya lang nakatalikod, dumamoves na lang ako.. hinawakan ko lang naman ang kamay niya sabay sabit nung gift bag, grabe, ang tagal kong hinawakan nung kamay niya.. mga 15 seconds?? hahaha, basta.. ang lambot grabe.. kinikilig ako super! haha.. tapos yun tuluyan na silang umalis.. siyempre hinabol namin ng tingin hanggang sa tuluyan na silang nakaalis.. syempre kilig2 kami super.. tapos wala na pala kami destinasyon kaya naman before kami naghiwahiwalay nagpicture2 muna kami.. 
oh dba ang saya lang.. :DD
syempre hindi pa natapos ang participation ng KathNiel Spikers sa Birthday ko. grabe katouch lang mga message nila sa akin through FB and texts.. feeling ko napaka-special ko.. feeling ko nga ako si Kath ehh.. hahaha.. joke.. at eto pa
pagkauwi ko, ayan nabasa ko ang pagbati sa akin ni Tita Min sa Twitter.. grabe i'm so blessed! :'')
Grabe, napakamemorable ng 20th birthday ko.. Thank You KathNiel Spikers sa oppurtunity na ganito.. co-admins, babys ko, members.. sa mga nakasama ko.. kay Tita Min sa pag-iinvite sa amin.. sa KathNiel syempre sa pagpapakita sa akin for the very first time sa mismong birthday ko pa.. at syempre kay God for making my special day great.. Thank You soo much Bro! galing Mo talaga :)))))
1 note · View note
Text
They Followed Back :))
Aug. 1, 2012 a date to remember.. hmm.. actually July 31 pa lang super rush na kaming mga coordinators ng GT.. andami na namin plano.. at ang gaganda ng plano namin.. kaso, kailangan muna namin malaman schedule ng KathNiel para ma-push ang plano.. so ayun ang kinakailangan naming alamin.. kaya naman lahat na lang ng connected sa kanila kinulit namin, syempre sa tulong ng TWITTER.. hehe.. super tweet kami nun sa kung sinu-sinong alam naming makakatulong sa amin.. 
at isa dito si Kuya Mark Salamat.. online kasi siya nun, kaya nagtweet ako sa kanya.. and tuwang tuwa kaming mga admin nung sumagot siya sa tweet ko.. kaya naman dumamoves na ako.. haha.. hanggang sa naconvince ko siya na sa DM ko na lang sasabihin kaya naman HE FOLLOWED ME BACK :) ayun, nag-usap kami sino nga makakatulong sa amin.. and then he advice na sa road managers kami makipag-usap.. kaya ayun na nga, usap2 muna kami.. bait niya lang.. :)
msayado na kami inabutan ng madaling araw kaya naman andami ko ng antok.. kaya natulog na ako.. pagkagising ko, isang mata pa lang ang minulat ko  nagcheck agad ako ng fb at twitter.. kaya naman nung nakitang ko kung sino nagfollow back sa akin, aba, halos mauntog ako sa double deck sa pagbangon.. eh finollow back lang naman ako ni tita MIN BERNARDO.. kaya pinaalam ko kaagad sa mga co-coordinators ko.. ayun, tuwang tuwa naman kami.. hanggang sa dmamoves na din ako.. kaso medyo natagalan bago nakapagreply ulit si tita, pero nakakatuwa kasi nagreply siya.. she is really nice, may pinagmanahan ang ating prinsesa :D
o diba ang saya lang?? :))))
0 notes
Text
from a Member to Coordinator to Administrator Ü
for the next days, naging parte na ng buhay ko ang kathNiel spikers, hindi pwedeng hindi ako mago-online sa isang araw.. kailangan kong i-check yung mga anak-anakan ko.. at syempre gusto ko din maging updated sa mga nangyayari sa KathNiel.. :D
July 28, 2012 -- a date to remember... pano ba naman, nasali ako sa list ng coordinators ng GET TOGETHER ng KathNiel Spikers.. at first comment comment lang, then nagsusuggest.. tapos yun, coordinator na pala ako.. hehe.. ansaya lang kasi madami din ako nakilala ng lubusan.. mga mas matatanda pa sa akin yung iba.. ang nakakatuwa lang eh galing kami sa iba't ibang lugar..
Lizette (creator of the group) -- california
Sis Bev -- Malaysia
Sis jek and Sis Anna -- Japan
Sis Cathy -- UAE
Sis Tin -- Mindanao
Sis Jov -- Nueva Ecija pero ngayon nasa Saudi na :)
Sis Stef -- Batangas
Sis Regine -- Marikina
Sis Cher -- Makati (parehas kami ^__^)
ayan, kami ang coordinators.. nung una.. pero hindi rin nagtagal nakilala na din kami as Admins of KathNiel Spikers.. :)
"We work PORDALAB not PORDATITLE" :))
4 notes · View notes
Text
First Anniversary of Spikers ♥
Lagi na ako nagche-check ng FB ko simula nung mapasali ako sa KathNiel Spikers.. dumami na din ang followers ko sa Twitter.. nakilala nila ako bilang mommy ng spikers.. haha.. may anak nga ako na mas matanda sa akin ehh.. pero ok lang daw..
July 3, 2012.. si-nelebrate namin ang first year anniversary ng group.. oh dba? isang taon na pala yung group.. hindi ko man lang alam.. haha.. ginawa daw kasi ni creator yung group bago pa man maipalabas yung show na growing up nila Kath at Dj.. masyadong kinilig si Liz (creator ng group) sa kanilang dalawa noon pa.. hehe.. so, i suggested sa mga members na magkaroon kami ng simple celebration kahit picture2 lang tapos igreet ang isa't-isa.. i came up with this..
Happy First Anniversary KathNiel Spikers ^__^
7 notes · View notes
Text
and it all began.. ♥
I was just an admirer of Maya Dela Rosa of Super Inggo.. or BABES as Budong calls her.. or Kathryn Bernardo in real life.. :)
Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya, eh sa mata pa lang, nako, wala ka na masasabi.. dagdagan mo pa ng pretty smile niya.. tapos straight long black hair.. na bumabagay sa morena niyang kulay.. di ba? Pinay na Pinay ang beauty niya..
kaya hindi naman nakapagtataka kung mahumaling sa kanya ang mga kalalakihan sa industriya ng showbiz.. at isa sa mga ito ay si Daniel Padilla.. :))
Sino ba namang hindi makakakilala kay Daniel John Ford Padilla.. kahit nga sa google type mo pa lang letter "D" isa ang pangalan niya ang lalabas sa mga suggested words.. matangad, moreno, gwapo, malakas ang dating at ang titig na nakakatunaw ang mga ilan sa katangiang pisikal niya.. pero kung ano nga ba siguro ang kinatutuwa ko sa kanya.. ay yung pagiging totoo at pagiging open sa kung ano ang gusto niya.. alam niyo na kung sino yun.. :))
Nagsimula silang maging loveteam sa GROWING UP.. as Ella and Patrick, doon una sila minahal ng mga tagasubaybay.. pero ako, hindi ko napanuod yun.. hehe.. linggo kasi.. nagsimula ko silang magustuhan sa next team up nila, which is PRINCESS AND I.. as Mikay and Gino.. kahit hindi ko masyadong natutukan nung una, nakakasabay ako sa kwento.. panggabi kasi ako.. ^__^
These PAI days, naging active ako sa twitter, ewan ko.. matagal naman na akong may twitter pero it took almost 1 year ata bago ako naging active dun.. at dahil yun sa PAI.. gusto ko kasi maging updated.. lalo na kay Kath at Dj, na naging crush ko.. kasi naman gustong gusto ko yung role niya as Gino.. bad boy looking guy.. hehe.. naniniwala din kasi ako na "bad looking boy who secretly doing good things is much better than good looking boy who secretly doing bad things.." haha.. pero syempre, bonus na lang kung good looking bo secretly doing good things.. hahaha.. ayun na nga, follow dito follow dyan.. kung ano na finollow ko basta may KathNiel or Kath or Dj.. maging updated lang.. hehe..  ♥
And then, isang araw, may nakita na lang ako sa tweets.. nagyayaya na join daw sa group.. knowing my personality, hindi ako basta2 nakikijoin sa mga ganyan.. kasi naman ilang beses na din kami na-scam.. trauma ba.. pero sumali ako.. KATHNIEL SPIKERS yung name ng group.. kakagawa lang nung group na yun.. kasi naman onti pa lang kami.. nahihiya pa nga ako nung una kasi feeling ko ako pinakamatanda.. haha.. i was 19 years old when i joined them.. so ang unang post ko dun is "ILANG TAON NA KAYO??".. at first, puro bata pa nga ang mga nagcocomment.. ranges 15-17.. sunod kong post is "SINO PWEDE AMPUNIN DITO?KASI FEELING KO AKO PINAKAMATANDA EHH" ayun, at may mga nagpaampon na.. as of now I have 16 daughters in KNS.. :D
Pero as time goes by, napag-alaman ko na hindi ako ang pinakamatanda sa group.. bigla silang sumulpot.. may 20, 26, 31.. and ang pinaka matanda as far as i know is 35 :D o dba? hindi lang bata ang napapakilig ng KathNiel.. pati mga matatanda.. hehe.. ^____^
at simula nung araw na yun, hindi na nawalan ng friend requests, messages at notifications ang FB account ko.. more kwento about my KathNiel Spikers Experience to be posted ^____^
6 notes · View notes