#kathang langit
Explore tagged Tumblr posts
Text
WEAPON COMMISIONS OPEN
Weapon design commissions by a martial artist and engineer! I make blueprints and weapon designs to arm you and your OCs respectively. Ever wanted to hold a sword of your own? If you live in the Philippines, I can also help you connect with local blacksmiths who can help bring your ideas to life. If you live elsewhere, you can commision me for a blueprint that you can bring to a forge near you. From the deepest reaches of untouched seas,
To the searing light of burning skies,
To the muted glow of stars beyond,
And- perhaps-
To the palm of your hand?
Your next legendary weapon awaits.
Contact me for samples and terms of service at [email protected]
#weapon design#kathang langit#digital art#drawing commisions#commisions open#sword#martial arts#ttrpg#ttrpg character#dnd commission#gubat banwa
365 notes
·
View notes
Text
Bakit?
Isang salita, isang tanong ang gumugulo sa aking isipan.
Bakit humantong sa ganito ang buhay ko? Bakit ako nag-iisa at nagdurusa?
Ako ay isinilang na walang alam tungkol sa totoo kong pagkatao, pinuno ng pagmamahal, pinag-aral, tinuruan kung paano maging isang huwarang babae na dapat tularan ng ibang dalaga, at upang maging karapat-dapat na asawa para sa aking nag-iisang mahal. Ang aking irog na si Crisostomo, wala akong hinangad kundi ang makasal sa kanya, maging katuwang niya habang unti-unti niyang tinutupad ang mga pangarap niya para sa bayan, bumuo ng pamilya, at tumandang magkasama.
Ngunit sa isang iglap, nawala ang lahat…
Tila ang lahat ng iyon ay isang magandang panaginip na naglaho nang ako’y magising sa masakit na katotohanan. Na ako’y hindi bunga ng pagmamahalan ng aking mga magulang, kundi ng pagnanasa ng isang taong itinuring kong pangalawang ama, na ako’y matagal nang bilanggo at pinatatahimik ng mga taong akala ko’y naghahangad lamang ng mabuti para sa akin, na ang mga taong akala ng lahat ay banal na sugo ng Panginoon, ay siya palang mga tunay na mga makasalanan, na siya ring nagwasak at pumaslang kay Crisostomo.
At ang pinakamasakit ay wala akong nagawa upang sagipin siya.
Hanggang sa kanyang kamatayan ay pinili kong ingatan ang pagmamahal na inalay ni Ibarra sa akin, ito na lamang ang magagawa ko upang ipaglaban siya at ang aming pag-iibigan. Kung hindi rin siya ang aking magiging kabiyak ay mabuti pang magpakasal na lamang ako sa Panginoon, at igugol ang buhay ko sa paglilingkod sa Kanya kahit na tutol ang tunay kong ama. Hindi ako nagpatinag sa kabila ng kanyang pagmamakaawa, kahit ang kinilala kong ama, at ang tiya Isabel ay wala ring nagawa. Pinili kong manirahan sa tahanan ng Diyos, sa paniniwalang makakamtan ko ang paghilom at katahimikan na aking inaasam sa Kanyang piling.
Ngunit mali ako, nagkamali ako…
Sapagkat ang lugar na inaasahan kong magiging kaligtasan ko ay siya palang maghahatid sa akin sa impyernong ito! Dahil dito ko nasilayan ang tunay na anyo ng isang demonyo! Wala siyang pangil o sungay, isa siyang taong nagbabanal-banalan, nagmimisa, at nagtuturo ng mga aral ng Diyos. Ngunit ang kanyang ugali at gawi ay taliwas sa sinasabi ng Bibliya, tunay siyang kasuklam-suklam! At habang niyuyurakan niya ang aking dangal, ay sumagi sa isip ko ang aking masaya at tila perkpektong buhay noon, ang aking papá at tiya na nagmahal at nag-aruga sa akin, ang aking mga amiga na lagi kong kasa-kasama mula pagkabata. Si Crisostomo na nag-alay ng dalisay na pagmamahal at paggalang sa akin. At si Klay, ang estrangherang nagturo sa akin na tumayo sa sarili kong mga paa, ang babaeng nagpakita sa akin ng tunay na halaga at kakayahan ng isang babae. Higit sa lahat, ang aking sarili na parang kandilang unti-unting nauupos habang isa-isang binabawi sa akin ang aking kaligayahan, lakas, at natitirang pag-asa.
Akala ko, ang pagkamatay ni Crisostomo ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Na akala ko'y naubos na ang natitira kong luha sa pagkawala ng aking pinakamamahal. May mas isasakit pa pala...
At habangbuhay ko itong tatangisan...
Maraming katanungan ang naglalaro sa isip ko, ito ba ay parusa ng langit dahil sa kalapastanganang ginawa ng aking tunay na ama sa aking ina? Ako ba ang naging kabayaran sa lahat ng hinagpis na dinanas ni mamá noong siya ay nabubuhay pa? Ako ba ay kanyang isinumpa dahil sa kanyang matinding galit?
Aking Ina, bakit pinabayaan mo ako't isinadlak sa matinding pagdurusa? Ano’t tila ako ay iyong tinalikuran at kinalimutan? Bakit hinayaan mong danasin ko ang kaparusahang higit pa sa kamatayan?
Bakit ako Ina? Bakit?
-Ang Hinagpis ni Maria Clara (sa panulat ni: Iris)
Mula sa epilogo ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal na pinagbasehan ng palabas na Maria Clara at Ibarra. Ang dalawang ito naman ang siyang aking naging inspirasyon at basehan upang maisulat ang kathang ito.
*
A/N: It's my first time writing a 99.99% tagalog fanfic. Mej nag nosebleed lang ako ng very slight but I’m so proud that I was able to write this. Obviously this is more of an expounded version of Maria Clara’s anguish after Padre Salvi violated her (and just before her breakdown), I wish she slit that asshole of a priest’s throat though, like seriously he doesn’t deserve to live. I have watched a video somewhere saying that the epilogue of Noli was based on the ill fate of a nun who was raped by a priest and was seen screaming and crying at the kampanaryo...or something like that. Oh and the "Ina" Maria was referring to on the last part was the Blessed Virgin Mary in case you're wondering.
Anyhoo, I feel sad that this show is going to end in 4 weeks, and idk how they are going to pull-off the story of El Filibusterismo in such a short amount of time, but I’m wishing the whole MCI team the best.
#fanfiction#gma 7#jose rizal#noli me tangere#maria clara at ibarra#maria clara delos santos y alba#juan crisostomo ibarra y magsalin#santiago delos santos#bernardo salvi#padre damaso#julie anne san jose#dennis trillo#juan rodrigo#juancho trivino#tirso cruz iii
27 notes
·
View notes
Text
Acer brings together the best musical performances for an epic experience at Acer Day 2023: #AceYourWorld concert
MANILA (August 7, 2023) – It was a double celebration as Acer Philippines marked Acer Day 2023 and its 20th anniversary on August 6 with an epic concert at the SM Mall of Asia Arena.
The line-up made the Acer Day 2023: #AceYourWorld concert a dream concert, with Acer brand Ambassadors Sarah Geronimo, Donny Pangilinan, Belle Mariano, international superstar Sandara Park, and a powerhouse cast of artists that included, Sunkissed Lola, December Avenue, Zach Tabudlo, Sponge Cola, Mayonnaise, Ben&Ben, and Ely Buendia.
“We chose a line-up that Filipinos of different generations will enjoy so everyone can watch the concert and have a great time,” said Acer Philippines Senior Marketing Manager Princess Laosantos.
It was a full house at the SM MOA Arena and on Facebook, with an estimated 15,000 attendees watching in person and online.
Hosted by Robi Domingo, Acer Day 2023, which had the theme #AceYourWorld was indeed a night to remember. The artists performed their biggest hits, turning the concert into one big party with fans dancing the night away. Predator Gaming brand ambassadors also joined in on the fun, and Acer treated concertgoers to many activities where they got to take home prizes such as Acer products.
Sarah G. performed two songs— “Cuore” and “Alam”— to open the concert in the biggest way possible.
For her part, Sandara Park, together with the GForce Dancers, sang “Festival,” the lead single to her self-titled solo debut mini album. It was her first time performing the song live before a Philippine audience. She also performed “T Map,” “In or Out,” and “I Am the Best.”
youtube
The country’s favorite young love team DonBelle brought kilig to the concert with a duet of the song “Byahe” by John Roa.
Although currently on their world tour, kings of P-pop SB19 prepared a video greeting to their Acer family.
Sunkissed Lola kept the ball rolling with “Pasilyo,” “Pakisabi,” “Damag,” and “Makalimutan Ka.” pop-alternative rock group December Avenue followed up with their hit songs, “Kahit ‘Di Mo Alam,” “Bulong,” “Dahan,” “Eroplanong Papel,” “Ilang Beses Kita Mamahalin?,” “Wala Nang Iba,” “Huling Sandali,” “Kung ‘Di Rin Lang Ikaw,” “Saksi Ang Langit,” and “Sa Ngalan Ng Pag-Ibig.”
Next up was rock band Mayonnaise, who delighted the audience with “Bakit Pt. 2,” “Synesthesia,” “Kapag Lasing Malambing,” “Tayo Na Lang Dalawa,” and “Jopay.”
Filipino singer-songwriter Zach Tabudlo brought the house down with three of his hits— “Give me your forever,” “Pano,” and “Binibini.”
Finally, Sponge Cola took the stage with “Pasubali,” “Tuliro,” “Kay Tagal Kitang Hinintay,” “Kunwari,” “Bitiw,” and a special rendition of “Jeepney,” and “Puso.”
Gen Z favorite Ben&Ben gave the crowd eight songs, including “Ride Home,” “Sa Susunod na Habang Buhay,” “Leaves,” “Kathang Isip,” “Pagtingin,” “Araw-araw,” “Maybe the Night,” and “Paninindigan Kita.”
To end the evening on a high, Ely Buendia took the stage with iconic Eraserhead songs, “Alapaap,” “Toyang,” “Pare Ko,” “Spolarium,” “Ligaya,” “Magasin,” “Superproxy,” “With a Smile,” and “Huling El Bimbo.”
Fans got tickets to the concert through social media contests held on Facebook and Twitter or when they purchased from Acer’s Back-to-School promo! Every promo purchase entitled the customer to a concert ticket and a Php 500 pledge to the GreenEarth Heritage Foundation.
“This concert is not just an anniversary celebration but a way for Acer to give back to the community by staging a memorable event that brings all the hottest musical acts in town,” said Sue Ong-Lim, Acer Philippines General Manager.
–
📧 If you wish to send an invite and feature your province/company brand/event; Just ask the author of this vlog, email us at [email protected]
Follow our Social Media Accounts: Facebook Fan Page: https://www.facebook.com/TakeOffPHBlog
Instagram/Twitter: @takeoff_ph
Website: https://takeoffphilippines.com
Subscribe to our YouTube Channel: https://www.youtube.com/c/TakeOffPhilippines
0 notes
Text
PERIOD OF JAPANESE
TWO REMARKABLE WRITERS
1. Liwayway Arceo
Biography: Liwayway A. Arceo was a multi-awarded Filipina fictionist, journalist, radio scriptwriter and editor from the Philippines. She was born on January 30, 1924 and she died on December 3, 1999.
Contribution: Liwayway A. Arceo was born January 30, 1924. Arceo authored a number of well-received novels, such as Canal de la Reina (1973) and Titser (1995). She also published collections of short stories such as Ina, Maybahay, Anak at iba pa, Mga Maria, Mga Eva, Ang Mag-anak na Cruz (1990), and Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997).
2. Macario Pineda
Biography: Macario Pineda was a Filipino short story writer, novelist, and columnist. He started out writing short stories in English. "Five Minutes", his first story was published by Graphic. His other English stories were "Cita", "Nila", and "Auntie Writes the Ending". However, he is most well-known for his stories written in Tagalog. In 1937, his story "Walang Maliw ang mga Bituin" was chosen as one of the ten best stories of the year by Mabuhay. In 1943, his story "Suyuan sa Tubigan" won second prize in a literary contest by Liwayway. His short stories has appeared in various magazines and publications including Sinag-tala, Daigdig, Ilang-ilang, Bulaklak, Malaya, Aliwan, tagumpay, Paru-paro, Kislap, and Liwayway.
Contribution: Pineda's stories has appeared in anthologies including Ang 25 Pinakambuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943 (1944) and Maikling Kuwentong Tagalog, 1886-1948 (1949) which was edited by Teodoro A. Agoncillo.
Pineda has also written a number of full-length novels. These are Halina sa Ating Bukas (1945), Ang Ginto sa Makiling (1947), Mutyang Tagailog (1947-1948), Langit ng Isang Pag- ibig (1948), Magat (1948), and Isang Milyong Piso (1950). He wrote regular columns for the Liwayway and Daigdig magazines.
Reference:
http://www.archipelagofiles.com/2021/10/filipino-author-macario-pineda.html?m=1
https://www.wikipedia.org/
0 notes
Text
Hayaan mo akong makatulog baon ang matamis mong ngiti sa aking panaginip habang naglalakbay ang aking imahinasyon sa kung nasaan nga ba tayo ngayon kung dininig ng langit ang aking mga dalangin. Malayo ang narating ng aking mga kathang isip, wari'y sinasabik ako sa pangarap na kay hirap abutin. Kusang ngumiti ang aking mga labi tila ba alam nito ang pakiramdam sa iyong bisig ngunit kahit hindi pa ako nakakatulog ay bigla akong nagising. Nagising sa katotohanang ang lahat ng ito ay mga senaryong mananatili nalamang sa puso at isip.
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#tulatulaan#maikling tula#makata#malayang tula#filipino writers#poetic#poema#poet#manunulat#manunula#tagalog spoken words#tagalog thoughts#spoken poetry#spoken words#writerscorner#writers on tumblr#artists on tumblr
2 notes
·
View notes
Text
Malas? Hindi ba't nakaramdam ka naman ng sarap?
Sa halos sampung buwan na ating pinagsamahan, siyam doon ang labis na kaligayahan. Ngunit ang natirang isang buwan ay puro pagdurusa.
Siyam na buwan, dito ko napatunayan na sa simula lang talaga malalasap ang saya. Lambingan, tawanan, harutan, at mga kwentong walang katapusan. Halos buong araw gusto na palaging magkasama. Magkatabi sa ilalalim ng buwan habang magkahawak ang mga kamay. Pinapangarap ang mga plano sa buhay at kung ilan ang gagawing mga anak pagdating ng araw. Palaging pangako ang pagsungkit sa mga bituin at siyempre hindi mawawala doon ang gasgas na mga linyang "magsasama sa hirap at ginhawa, sa saya at pagdurusa."
Pero dumating ang isang buwan, isang buwan lang pala ang tatapos sa lahat. Nawalan na ng gana. Naiirita, nagagalit, naligo naman ako pero ba't parang halos ayaw akong makatabi. Mahirap pigilan ang hindi pagtatanong kung anong nangyari, kung bakit lahat ay isinantabi. Kaya't paulit-ulit kang kinulit kahit palaging tugon mo ay konting espasyo lang saglit. Patawad, ngunit huli na dahil di ko namalayang nakaalis ka na. Akala ko'y magpapahinga ka lamang ngunit napagpasyahan mo na palang lumisan.
Ang bilis ng mga pangyayari. Mala-kisapmata kang nawala. Pilit kitang hinabol, patuloy ako sa pagtakbo pero hindi ko alam kung saang direksyon ang tinahak mo. Magulo, di ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang kahibangang ito. Masakit, dahil sa aking patuloy na paglapit ay patuloy naman ang iyong paglihis. Nakakapagod, paano kita maaabutan kung sa kawalaan tayo naghahabulan. Paano kita mahahanap kung nakapiring ang aking mga mata sa paghahanap. Mauupo na lamang ako dito, pero hindi na aasang magbabalik ka.
Ngayon ay isang taon na din ang nakalipas mula nang dumaan ang isang buwan na puro hirap ang aking dinanas. Siguro'y kaya ka lumisan dahil ako'y nagmistulang tambayan mo lamang. Matapos sumaya at mabuo ika'y nagpasyang lumayo kahit alam mong ito'y aking ikadudurog. Akala ko'y totoo ngunit kathang isip lamang pala talaga ang mga binuong plano. Yung pangakong magsasama sa hirap at ginhawa, sa saya at pagdurusa ay sa iba mo pala gustong ialay, kaya't heto ako ngayon, tinatahak mag-isa ang buhay ng wala ka. Ang daling sabihin ng paalam pero bakit ni hindi mo nagawa? Isang yakap lang sana bago ka lumabas sa pintuan na iyong iniwang nakabukas. Isang halik man lang sana ang iyong iniwan bago mo pinaramdam na tapos na. Nasira na ang lahat, gumuho na ang mga pangako, nalusaw na para bang mga sinisilaban na pako. Ayoko nang isipin ang nakaraan pero bakit? bakit ayaw akong tantanan? Hindi ko na sana naramdaman ang siyam na buwan na puro lambingan kung sa paglipas ng isang buwan ay tutuldukan na ng tadhana ang ating kabanata. Madaya, diba? Dahil kung sino pa ang nagpadama ng langit ay siya din pala ang may dala-dala ng sakit.
Malas, malas talaga hindi dahil sa nawala ka, pero dahil nawala ko ang aking sarili noong panahong nandito ka pa. Sa labis na pagpapasaya ko sa'yo ay sa'yo ko natuon lahat ng aking atensyon. Sa labis na pag-aalala ko sayo ay hindi ko na natatanong ang sarili ko ng "kumusta?" Hindi ko sinasabing hindi na sana nangyari ang ika-isang buwan o ang buong siyam. Ang sa'kin lang ay sana nagpaalam ka ng harapan dahil sa sobra kong pagmamahal sa'yo ay hindi ko naramdaman na mistulang sobra na ang aking napaparamdam. Nakakaumay nga naman. Kung mangyari man na muli tayong pagtagpuin ang tiyak na lalabas lang sa'king bibig ay ang mga salitang paalam, patawad at salamat habang tumutulo ang mga luhang isang taon ko na ring pinipigilan sa pagpatak.
4 notes
·
View notes
Text
Inhibitions
Magkahalong tuwa at kaba ang aking nararamdaman habang nakaupo sa mahabang upuan na nasa waiting area sa may gate ng boarding ng eroplanong aking sasakyan.. Kinusot kong muli ang aking mga mata upang matiyak na hindi ito isang panaginip. Pagkatapos ay binasa kong muli ang hawak kong boarding pass.
Totoo nga, ilang sandali na lang at makakaranas na akong sumakay sa dati'y tinitingala ko lang na eroplano habang lumilipad sa itaas ng langit.
Habang binabasa ang aking pangalan sa hawak na boarding pass ay naalala ko ang pinakamalapit na kaibigan sa aking puso. Pangarap nyang lumipad kasabay ng mga ulap.
Nais nyang makaranas na ihatid ko sya tuwing sya'y aalis at sasalubungin naman sa airport sa tuwing sya'y darating.
Pinangarap nyang marating ang lupain ni Uncle Sam sa kabilang panig ng mundo. Nagnais syang makapagsuot ng makapal na jacket at bumuo ng isang malaking snowman kung darating ang winter. Binalak nyang makapagdrive sa malawak na highway na kanyang pinapangarap, ang US ROUTE 20.
Ngunit ang mga iyon ay nanatiling panaginip lang hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.
May mga bagay na pilitin man nating maangkin ay parang sadyang ipinagkakait sa atin.
"Wala na nga bang katuparan ang mga pangarap ko?" Itinanong nya sa akin noon habang langung lango sa alak. Sa ganitong pagkakataon ay alam kong iiyak na naman sya habang naglalabas ng sama ng loob. Maraming masasakit ang nakatago sa isang sulok ng kanyang puso na nailalabas lamang nya sa ganitong pagkakataon habang sya ay lasing. Sa alak siya kumukuha ng lakas ng loob upang masabi sa akin ang laman ng bigo niyang puso.
"Tell me babe, am I a failure?" Lagi nyang tanong sa akin. " I've lost every hope there is. Do I have to keep the faith?"
Everything happens for a reason.
Kung para sa iyo, magiging iyo kahit walang kaeffort effort.
Kahit anong pagsisikap ang gawin mo, kung hindi nakalaan para sa iyo ay hindi magiging sa iyo.
Kung nagsikap ka at nakamit mo ang mga pangarap mo, iyon ay dahil sadyang nakalaan iyon para sa iyo.
Masakit mangarap at mabigo. Ngunit hindi alak o ano pa mang bisyo ang solusyon sa anumang kabiguan.
I've always wished that he achieve what he hoped for. But life has never been a bed of roses for him.
At hindi sya nakaisip ng tamang paraan para harapin ang buhay. He lost the right track. His will to live weakend as he face hardships along his way.
Sa maling paraan ay natupad nya ang kanyang pangarap. Lumipad sya kasabay ng mga ulap. Narating nya ang kabilang panig ng mundo sa kanyang malakas na imahinasyon. Nakapagdrive sya sa pinakamahabang highway na kanyang ninanais madaanan.
Sa kanyang mga ilusyon, natutupad nya ang mga pangarap na ipinagkait ng tadhana. Sa tuwing kaulayaw nya ang mga alak, natutupad nya ang lahat ng iyon sa kathang isip na binubuo niya sa kanyang mga halusinasyon.
Kung naging mas malawak sana ang kanyang isip sa mga pangyayaring nagaganap sa kanyang buhay, kung hindi sana lumihis ang daan na kanyang tinahak sa paghanap ng katuparan sa kanyang mga pangarap, kung naging tama sana ang kanyang mga naging desisyon, .. maaaring kasama ko sya ngayon habang naghihintay sa eroplanong aking sasakyan.
"We are now inviting passengers to begin boarding at this time........."
Nahinto ang aking alaala nang marinig ko ang announcement . Nakita ko ang mga katabi ko sa upuan na tumayo at pumila papasok sa gate.
Eto na.. ipinikit ko ang aking mga mata. Alam kong narito ka sa tabi ko.. Halika sumabay ka. Tara , lilipad tayo.
😜✌️
1 note
·
View note
Text
Paglilitis: The Lorax 1972
"Unless someone like you cares a whole awful lot, nothing is going to get better. It's not." -Lorax
I. Pagkikilala:
Isa sa mga isyung nangingibabaw na dumako sa kasalukuyang yugto, ay patungkol sa mga natatamong kapabayaan sa daigdig, at ang tanging sumasagisag ay walang iba, kundi ang tao. Tinanghal mabuti ng "The Lorax" ang propesiya kung ipinanatili ng tao ang maaalipustang pangangabuso sa kapaligiran.
Kaakit-akit ang pinintang pelikula ng isang makatang si Theodore Seuss Geisel, o mas kinilala sa sagisag na pangalang Dr. Seuss. Ang 1972 animated film na 'to ay hango sa Children's Book na isinulat niya rin noong 1971. Itinatala sa palabas na 'to ang bunga ng kaligiran na simuno ng mapaniil na mga nilalang, at sa kabilang palad ay ang 'Lorax', na kinakandili ang kalikasan laban sa mga mapang-abuso, o ang tinaguriang 'Once-ler' sa pinanood.
youtube
II. Buod
Naroroon ang isang banyaga; di nakikihalubilong imbentor na para bang nakakandado sa kanyang tindahan ng damit. Siya'y naninirahan mag-isa, sabihin na nating 'reclusive' , ngunit dinalaw ng isang musmos, na nais maulinigan ang kaniyang storya. Nagbitbit ang batang lalaki ng snail shell at 15 cents, para lamang makumbinsi ang Once-ler sa paghandog ng talos at maikwento ang lumilikod ng salaysay.
Simulan natin ang storya. Pumasok sa eksenang sumapit ang Once-ler sa nakabibighaning larangan na nababalot ng nagsisilitawang kulay. Wariing kapayapaan ang pumapalibot. Ubod ng linaw ang langit, at sa ibabaw ng kalupaan ay mayroong napakaluntiang damuhan, kung saan nakalapag ang makukulay na "Truffula Trees", at tila malasutlang danaw. Ang tinig ng huni ng "Swomee-Swans" ang mauulinigan sa himpapawid. Mamamataan mo ding nagsasayawan ang mga "Humming Fish", at masusulyap ang nagtatamasang "Brown Bar-ba-loots", habang kinakain ang prutas na pinitas sa Truffula Trees.
Nagpasyang manirahan ang Once-ler dito, palibhasa'y naakit sa taglay na kamutyaan ng lugar. Datapawa't sa mahapis na palad, nagsimula 'tong pumutol ng isang "Truffula-Tree". Habang lumalaon, napagtanto nitong makapagbebenta siya ng 'thneeds', na linikha mula sa pinutol na puno, bagkus mayroon itong kinahinatnan, ang pagsipot ng presensya ni Lorax, kung saan binalaan ito na pahupayin na ang di-kaaya ayang gawa, pagkat siya ang nagaadya sa mga punong walang dila at wika. "I speak for the trees, for the trees have no tongues", ang sambit ng Lorax, at ang salaysay ay 'di ininasok ng Once-ler sa isipan, sabay nangatuwiran pang isa lamang ang pinutol na Truffula Tree. Ito ang tiyak na ugat pa lamang ng mga darahop na mamayang mararanasan.
Nalugod ang Once-ler, maging buong katiwalaan na babantog ito sa bayan. Linsad-linsad na ang mga puno, na kahapon ay sagana. Ang industriya ng Thneed ay pumatuloy sa pagsulong at pagkatanyag, na ang nagpatuwa sa Once-ler, dahil nga nagresulta sa kanyang pag-usad at pagyaman. Subalit, unti-unting lumilitaw ang panglaw sa kapaligiran. Sa mga lumipas na araw, di tumagal ay nanumbalik ang Lorax upang balaan muli ang Once-ler sa ill-omen.
Hanggang sumapit na nga sa estadong napalitan na ang dating nanginginang at masaganang kagubatan ng siyudad na ang bawat lingon ay impastraktura, pabrika at mga edipisyo. Bakas na sa bahaging ito ang pagiging nilapastangang kaligiran; Una, pinahatid niya ang mga Barbaloots sa iba pang purol na upang 'di yumao, magsiyasat pa ng ibang sustento, marahil ay naubusan na ng mga dating kinakaing bunga ng Truffula trees. Ang nakaraang bughaw na himpapawid ay natambakan ng nagsisidilimang alapaap, kung saa'y unti-unting nalalason ang mga Swomee-swans. Ang sarong asul na katubigan ay nabuhusan na ng pollution at oil spill, kung saan sandamakmak na Humming Fish ang umalis o nautas.
Isinintabi pa rin ng Once-ler ang nasaksihang madelubyong kahinatnan, kahit na pumapaligid na sa kanya. Idiniin nito na para 'to sa ginhawa at hatid niyang kapit-bisig sa mga tao, at isinasapusong umuusad pa rin ang kinikita. Ngunit, nawawalan na ng kinang ang pag-asa. Ang kahuli-hulihang Truffula Tree ay naputol pa. Ginugol na ng Once-ler at ang mga kaakibat ang natitirang kalikasan, kung kaya'y dumating sa puntong nasaid na, at dahil sa kapalastangan ay nasayang na ang mga lahok upang umurong ang negosyo. Sa pagbagsak ng negosyo, ay napuwersahang lumisan ang mga nananrabaho dito dahil wala nang tinataguyudan, at saka laganap na ang malubhang polusyon. Ang lahat ng mapait na nakamit ay ang gumuhit ng pighati sa Lorax, at lumayo na rin paalis. Ang hindi pakikinig ng Once-ler ay natungo sa kanyang pagkadismaya at panglaw. Ang tanging iniwan lamang ng Lorax ay ang wikang "Unless" na nakaukit sa munting bato.
Bumalik sa kasalukuyan na natanaw sa unang bahagi ng kwento. Noong una, inuudyok ng Once-ler ang sarili upang lubusang matalos ang kahulugan ng iniwang mensahe ng Lorax, bagama't naintindihan na ang lahat. Inialay ng Once-ler ang huling buto ng Truffula Tree, at ihinabiling itanim 'to, hanggang sumagana na kagubatan, at muling bumalik ang maginhawang lahat.
III. Kaanyuan ng Pelikula
A.) Tema
Ang "The Lorax" ay napapansing may temang pambata; nagsisiliwanagan ang kulay, may mga kathang salita na nakaka-akit, subalit 'di lang kabataan ang mapupukaw ang atensyon, kundi ang iba pang madla na nakatatalos ng malalim na kahulugang nakakubli sa pelikula.
B.) Paksa
Sa madaling salita, kumbaga, ang pelikula ay sumisimbolo sa malaking-tiyansang sapitin ng sanlibutan sa kinabukasan, na nababalot ng panglaw at kawasakan, kung mapaniil pa rin ang tao sa kapaligiran.
IV. Interpretasyon at Persepsyon
Sino nga ba ang Lorax? siya ay malalarawang isang nilalang na may malagong kahel na buhok at bigote na ang tungkulin lamang ay adyain ang mga puno, at siya'y kathang isip lamang ng makata. Wari ko'y ang Lorax sa pelikula ang siyang inang kalikasan mismo at ang mga kumakabig at nag-iingat dito sa tunay na buhay. Sa kabilang palad ay ang Once-ler, ay siyang mga tao at kompanyang masyadong nababad sa ganid.
Ang mga mapaniil ay siyang mga indibidwal na tumututok sa pansariling satispaksyon lamang na sila'y magtatagumpay ng lubos sa ipinalaganap na industriya, ng walang kaakibat ng pagunawa sa konseptong masasaid din ang puno, at ang pangkabuuang kalikasan sa habang panahon. Maaring nabalaan na sila na huwag ihalo ang ganid sa negosyo, nguni't 'di nasok sa ala-ala. Pasaway, hindi ba? Mistulang nagbubulag-bulagan sila sa kinabukasan ng kaligiran. Nawa'y iwasang maging isa sa mag-aambag ng paglago ng delubyo sa balang araw.
Ang pelikulang "The Lorax" ay nagbibitbit ng napakalahalagang saysay. Maraming inilalantad na mga wikang dapat tandaan sa storyang 'to. Tumatak ng lubos sa aking isipan ang isang pagpasiya ay maaring tumumbas sa magulo't malumbay na bukas, kaya't isaisip muna ang maaring kahinatnan at mapapala bago umaksyon, sa madaling salita, maging maingat. Pinaalala nito na tayo'y umusbong sa pag-alam ng mga kamaliang naranasan. "Learn from your failures. Learn from the mistakes of others — those you know, and those from history.", napaka-importante ng hayag ng kasabihang ito na naukit sa aking isipan, [hango sa www.scholastic.com], kung saa'y 'di lang sa kalikasan magagamit, kundi sa pangkabuuan rin. Minungkahi rin na dapat matuto tayong maging maingat at mapangalaga sa kalikasan, marahil dito sumasalalay ang pinaka-kinabukasan.
Bilang konklusyon, pinanood ko ang maikling pelikula (25min) ng sumasakop ang halo-halong emosyon. Nakagagana nga namang mamataan ang husay ng pag-animate ng palabas, nakukuha ng mga salita ang aking loob, dahil sa kalaliman ng importansyang kailangan matamo, at kahit puno ng hinagpis ang kasukdulan, lumiligwak naman ang kaalaman at aral na napitas ko sa pelikulang 'to.
Iyon lamang ang nais ipabatid, at dito nagwawakas ang paglilitis.
Mayroon din 'tong sari-saring bersiyon. Malimit 'tong tinatampok bilang pambatang libro at 25 minutong habang pelikula noong 1972 (ang orihinal), at inangkop bilang isang 1h35min na pelikula noong 2012, at itinaghal din bilang musikal noong 2015.
GIF edited by yours truly. Credits to the original images used in the GIFS, and courtesy to the owners of other photos.
4 notes
·
View notes
Text
Ibat-ibang klase ng guro
Sa bawat paaralan na meron tayo sa isang lugar ay may iba’t ibang klase pag uugali at ipakikilala naming sila sainyo.
1.MOODY TEACHER - siya ang klase na guro na hindi mo magugustuhan sa unang hakbang palang na pag pasok nya sa silid-aralan mararamdaman mo na ang tindi ng init sa paligid. Siya ang klase na guro na late na dumating, madadamay pa kayo sa kanyang galit. Magaling siyang mag turo sa dapat na aakalain mo. May mga oras na maaliwalas ang bawat tapat nya sa paaralan, pero wag kang magkakamali na gumawa ng kamalian. May kasabihan nga tayo maghalo na ang balat sa tinayupak, wag lang ang mood ng guro mo.
2. Teacher kuripot – siya ang klaseng guro na talagang gagapang kalabaw ka sa pag-aaral kung baga perpekto kung mag isip na guro, siya yung tipo na kung baga, para nang pinagtakluban ka ng langit dahil sa nakapanglulumo mong grado. Lahat ng ibibigay nyang pagsusulit ay dapat markado ang magiging resulta para naman maawa sya sa iyo, kapag nagkagipitan. Di kasi siya tulad ng ibang guro na kaya pang palitan ang nasa class record, siya ang tipo na guro na kayang magbulag bulan sa kagipitan.
3. the good teacher- siya lang naman ang guro na lahat ng estyudyante ay papangarapin, dahil sa kabaitan at kasipagang pinapakita nito, kaya marami sa ating estyudyante ay mapang-abuso di nirerespeto ang malasakit ng mabuting guro pag dating sa kagipitan sya’y maaasahan mo kaya kang tulungan kahit kaiwan-iwan kana. Lahat ng pagsusulit na binibigay nya talagang nakakaganang sagutan pa, di mo na sya pwedeng ihalintulad sa iba. Sya ang klase na guro na di lang maganda ibang klase pa.
4. teacher pilingera – siya ang klaseng guro na kung akalain mo na siya ang principal ng paaralan, imbis ng magturo ehh mukhang estudyante na guro. Halos binibigay nya na ang mga tungkulin na dapat siya ang gumagawa, pagdating ng pasahan ng grado halos imbento na ang ganapan kung sino yung sipsip sa kanya sya paying pumapasa di mo siksikmurahin ang ganapan nya sa silid- aralan halos pa beauty na ang ganapan kung baga parang beauty salon na labasa. Kaya mo kase mala beauty queen ang itsurang meron siya ehh mukhang tuko naman.
5. teacher maldita – siya yung teacher na may itatanong ka lang sakanya idededma kalang tapos may kasabay pang snob. Yung di mo man lang magawa mag-greet sa kanya dahil sa sobrang pagkamaldita pati yung bigla nalang magagalit sa harapan niyo kahit walang dahilan. Nakakainis kaya! Yung mabait lang siya sa mga teacher pero hindi sainyo. Okay sana kung maganda tapos maldita pero panget naman.
6. teacher na lagging present – yung lagi may ginagawa pati may lesson kasi hindi nag- aabsent yung teacher niyo. Nakakapagod kaya tapos kapag may mga assignment kailangan gawin mo talaga kasi alam mo na hindi mag aabsent teacher niyo pag kabukas.
7. teacher na laging absent – yung ang kabaliktaran ng laging present, absent yung halos hindi kayo nag kaklase kasi lagi wala tapos nalang mag papaquiz sayo kahit hindi pa nature yung lesson nay un. Tapos magpapa recite sayo bigla tapos kapag hindi ka makasagot siya pa yung galit. Diba dapat tayo yung magalit? Magpapa recite ka saamin na wala laman utak naming? Nakakakatriggered.
8. teacher supportive – ito yung teacher ng paborito ng lahat. Nagtuturo ng tamang lesson, at higit sa lahat suportado sa lahat ng mga trip ng mga estudyante kumbaga hindi KJ. Hindi lang nag lessons ang natutunan mo pati na rin ang mga values. At tamanag katarantaduhan.
Bilang isang mag aaral na nasa ika sampung baiting marami na kaming nadaanan ganyang klaseng guro. Pero kahit na mga ibang guro ay ganito, mahal pa din naman sila, nakakapagbibigay ng hamon sa amin na maging matatag bilang estudyante at kung di dahil sakanila di kami makaabot sa aming baiting na tinatakpan naming ngayon at lalong lalo na marami kaming natutunan sa inyo sa mga lessons at sa mga tamang kaugalian kaya, salamat sa iyong katapangan na turuan kami kahit na minsan ay sukong suko na kayo sa kaugalian namin. Maraming salamat sa inyo at mabuhay kayong mga magigitin na Guro. Base lamang ito san a experience natin sa mga nakaraang guro na aming nadaanan. Ang mga halimbawa ng mga gurong ito ay pawing kathang isip lamang at hindi ito konektado sa mga kasalukuyang guro na nakakasalamuha natin sa paraalan.
Isinulat ng Ikatlong grupo
mga tauhan:
Arcelo,Villar,Asaddi,Necessario,De-leon,Ramirez C.,Sentino,Pacleb,Herbieto,Aresgado,Donasco.
1 note
·
View note
Text
Seven Blades Until Glory
Gubat Banwa launches on Kickstarter TODAY! Just a few more hours before the highly-anticipated launch of this award-winning, SEA fantasy-based, tactical martial arts TTRPG. Godsfuck, that's a lotta adjectives.
I've been posting the weapons I've drawn for the game to count down the final week before the launch. These were supposed to be for Swordtember but we had to move it back a little bit.
Below are links to all the individual threads, providing details on each of these individual blades, including which cultures they belong to and how they might have been (and still are) used.
The Gubat Banwa Kickstarter launches in a few hours! Check it out here:
#gubat banwa#ttrpg#indie ttrpg#tabletop rpgs#rpg#southeast asia#southeastasia#dnd#kickstarter#swords#philippine blade#weapon design#dagger#philippine history#philippine culture#filipino artists#artists on tumblr#kathang langit#fantasy#fantasy worldbuilding#swordtember#balaraw#diplata#hinalung#panabas#kampilan#sinawit#kalis
70 notes
·
View notes
Text
#OPM
Ben and Ben
“Nagsiawit ang mga anghel sa langit
At nang unang gabi ng Pasko'y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig na sumasabay sa ihip ng hangin
Ang sabi nila (ang sabi nila)
Ang sabi nila (ang sabi nila)
Oh, ang sabi nila
Ang sabi nila, bilhan mo na siya ng bibingka
Dahil ikaw na ang aking tadhana
Bilhan mo na siya ng bibingka
Dahil ikaw na ang aking tadhana”
Hindi ko naman maikakaila na ito ang kantang nakakuha ng loob ko, tila ba hinihila ako ng kantang ito na parang pinaglalayag ang isip ko. Ang sarap sa pakiramdam na marinig ang kantang to sa napakaraming dahilan, isa sa mga kalma at pahinga ko ang Bibingka, awitin na nagmula sa bandang Ben and Ben. Ngunit sino nga ba ang Ben and Ben? Ang grupong Ben and Ben ay nabuo noong Taong 2015 at binuo ito ng magkapatid na sina Miguel Benjamin at Paolo Benjamin. Ang grupong ito ay mayroong siyam(9) na miyembro. Kamakailan lamang ay sumikat ang grupong ito dahil sa kanta nilang “Pagtingin”, “Kathang-isip”, “Araw-araw”, at maging ang kanta nilang “Lifetime”. Mayroon silang dalawang tinatawag natin “album” at pinamagatan itong “Limasawa Street” na inilabas noong taong 2019 at ang isa naman ay “Pebble House, Vol 1:Kuwaderno” inilabas naman taong 2021. Kung sakaling may magtatanong sa akin, hinding hindi ako magdadalawang isip na ang grupong ito sa kanila ay banggitin. #OPM
Orange and Lemons
“Sandal mo sana ang ulo mo sa unan
Katawan mo ay aking kukumutan
Mga problema'y iyong malilimutan
Habang tayo'y magkayakap sa dilim
Huwag mong pigilin kung nais mapaluha
Pakiramdam mo sana'y guminhawa
Kung gusto mo ay magsigarilyo muna
Bago tayo magkayakap sa dilim”
Marahil ay hindi na bago sa inyong pandinig ang mga salitang ito, nanggaling ang mga lirikong ito sa kantang “kami nAPO muna: Yakap sa Dilim” at hindi maitatanggi na isang klasiko ang kantang ito para sa mga Pilipino. May kakaibang haplos o tawag sa atin ang kantang ito. Mayroon itong aliw kung papakinggan, kasiya-siya sa pandinig dahil hanggang ngayon ay hindi ito nakakasawang pakinggan, ngunit dumako tayo sa mga taong nasa likod ng isang maganda at asensadong kanta na ating naririnig. Orange and Lemon ang ngalan, ang grupong Orange and Lemon ay binuo taong 1999 ng kanilang lead vocalist ay gitarista na si Clem Castro kasama sina Ace at JM Del Mundo. Nakilala pa sila dahil sa kanta nilang “Pinoy Ako” na ginamit bilang theme song na isang sikat na programa na kumikilala ng magiging bagong artista, ang programang Pinoy Big Brother kung saan sinusubok dito ang pagkatao at pinipili ang mga karapat dapat. Naging aktibo ang grupong ito mula 1993 hanggang taong 2007. #OPM
Apo Hiking Society
Sino nga bang hindi makakakilala sa isang sikat na bandang “Apo Hiking Society”? Marahil ay kaunti na lamang o mabibilang na lamang ang hindi sila kilala maging ang mga nakikinig sa kanilang tugtugin. Ngunit hindi maaalis sa tao na sila ay isang tunay at lehitimong isa sa pinaka magaling banda na nabuo sa larangan ng musika sa Pilipinas o tinatawag nating OPM. Ang Apo Hiking Society ay tinatawag na Apolinario Mabini Hiking Society. Binuo ang grupong ito noong kalagitnaan ng taong 1970, nakilala ang kanilang awit taong 1975 na “Ang Nobya kong Sexy” na ginamit sa isang pelikulang pinamagatang “Sexy” at pinagbidahan nina Vic Vargas at Gloria Diaz. Ang Grupong Apo Hiking Society ay binubuo ng mga miyembro nito na sina Jim Paredes, Danny Javier, at Boboy Garovvillo. Umabot ng apat na dekada o 40 taon ang grupong ito, pinasikat nila ang mga awiting “Ang Awit ng Barkada”, “Di na Natuto”, “Harana”, at marami pang naggagandahan pang ibang kanta. Noong 2008 nagkaroon ng tinatawag na reunion ang mga miyembro at taong 2009 naman ay isinagawa nila ang kanila “concert tour” na tinawag nilang “farewell concert” nilibot nila ang napakaraming lugar bilang pamamaalam at pagsasabing mabubuwag na ang kinilalang grupo dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Marami ang umaasa na sa kabila ng matagal na pamamahinga ng grupo ay nawa’y magkaroon sila ng tiyansa na makitang sama-samang umaawit sa isang telebisyon.#OPM
Eraserheads
Kung ako ang tatanungin ay hindi ako makakapamili ng isang paboritong awitin mula sa bandang ito, bakit? dahil sa dinami raming awitin nila ay mahihirapan kang pumili ng paborito o gustong-gusto mo sa kanilang mga proyekto. Kinilala ang grupong ito bilang Eraserheads, ang Eraserheads ay isang Alternative Rock Band na nabuo dito sa ating bansa, sinasabing nagmula ang bandang ito sa lugar ng Quezon dito sa Pilipinas. Taong 1989-2002 maging 2008; 2009 ang kanilang aktibong taon kung saan tuloy tuloy ang karera nila pagdating sa musika. Ang mga miyembro nitong grupong ito ay sina Ely Buendia, sinasabing siya ang namumuno ng grupo, sumunod ay si Buddy Zabala bokalista ng grupo, pangatlo ay si Marcus Adoro punong gitarista naman siya sa grupo, at huli ay si Raimund Marasigan isang tambolista sa grupo. May umalis at nadagdag sa grupo at iyon ay sila Kris Gorra- Dancel ang pumalit kay Ely Buendia noong umalis ito sa banda, at si Jazz Nicolas naman ay bagong napabilang rin sa sikat na grupong nasabi. Malaki ang naging ambag nila sa musikang Pilipino binansagan pa sila na “The Beatles” ng Pilipinas. Ang Ultraelectromagneticpop ay matagumpay nilang naibenta at pumatok ito sa ilalim ng isang pangunahing record label, inilabas ito taong 1993 ng BMG Records at Taong 1997 nagkamit sila ng iba’t ibang papremyo , umabot din sila sa Estados Unidos upang gawaran ng isang MTV Award. Sa ngayon ay wala pang makitang kahit anong tiyansa na nagsasabing mabubuo at muli silang magtatanghal sa harap ng mga kapwa nating Filipino. #OPM
Rivermaya
Gaya ng naunang Banda hindi nalalayo sa kanila ang bandang Rivermaya, halos sabay silang namukadkad sa industriya ng musikang Pilipino. Gaya ng Eraserheads ang Rivermaya ay isa ring alternative rock na grupo, nabuo ito noong 1993 at ang nasa likod ng matagumpay na grupong ito ay sina Mark Escueta, Mike Elgar, Norby David, Ryan Peralta, Japs Sergio, at Jayson Fernandez. Kilalanin din natin ang naunang miyembro nito na sina Rico Blanco isang mang aawit sa grupo, Rome Velayo isang tambolista, Nathan Arazcon para naman sa gitara(bass), Kenneth Ilagan bilang gitarista, at si Jesse Gonzales naman ay isang mang aawit rin sa grupo. Taong 1994 inilabas at ipinakilala ng banda ang kauna unahang album nila na “Rivermaya” ang kantang nauna rito ay Ulan at sinundan ng kantang 214 isa sa pinaka sikat na awitin dito sa bansa. Ang album na nabanggit ay isa sa pinaka mabentang album sa taong 1990’s. Narito ang ilan sa magaganda at mga sikat na kanta na ipinakilala at ipinagmamalaki ng grupo, una na rito ang 214, susundan ng awiting kisapmata, umaaraw umuulan, elesi, himala, ulan, hinahanap hanap kita, at marami pang iba. Tunay na kung papakinggan ay hindi sasakit ang tenga at mananawa sa kanilang awitin dahil tunay na dapat ipagmalaki ang musikang Pilipino na binubuo ng mga talentadong Pinoy. #OPM
•••••••••••••••••FUTURE••••••••••••••••••••
NOT SURE ENOUGH
To be completely honest? I'm not sure what my future holds, and I'm under a lot of stress right now. I'm now on a route I'm not sure about, and I'm not sure where my decision will lead me. I've dreamed about a variety of professions and futures since I was a child. At first, all I wanted was to be a professional so I could buy whatever I wanted, but as I've gotten older, choosing decisions has become increasingly difficult, especially when it comes to the future you've always desired but are unsure of. I'm afraid for myself and what my future holds, but I'm not sure if I'll ever be able to conquer it with what I've got in my head. My mind used to tell me that I was afraid of failing at school because I might not do well, but as I've grown older, I've realized that worrying about your future puts a lot of pressure on you. I am not excessively confident in my abilities and what I can do, but my immediate goal is to figure out what I want to do in the future. Before, all I wanted was to be wealthy, successful, and financially secure, but then I understood that the future is about more than money, success, and stability, so I'm having a hard time deciding, and I'm hoping that God would show me the way. Actually, I'm addressing my concerns right now to tell you something; as I previously stated, I'm not sure what I want to do with my life...I'm asking myself, why am I taking STEM? What brings me here Is this where I'm supposed to be? "Should I take engineering when I get to college?" I thought to myself. To be honest, Mathematics is my greatest adversary (laugh), but I told myself that "FACE YOUR FEARS" would be my life motto, and now I'm starting to take risks because I'm hopeful that the route I'm on will lead to a future that I haven't considered before.
••••••••••••••••THANK YOU LETTER••••••••••
Super Mom👩🏻
Growing up with a single mother provided me with guidance and taught me a great deal about life. To be honest, I rapidly realized how much I needed and relied on her, albeit I never properly expressed my gratitude. Thank you for being a constant presence in my life and for always keeping an eye out for me. You made me feel unique and supported me every step of the way. I understand that these are things that parents are supposed to do for their children, but I don't believe anyone could have done it better. I've never thanked you for completing so many duties and putting in so much effort that I should have done every school morning starting in fourth grade. I like how you always went above and above to show your love for us in the most altruistic manner possible. I wouldn't be here if it weren't for you. You are my best friend, my rock, my number one confidant, and my biggest supporter.��All the while, you were overcoming your own hurdles to guarantee that I was taken care of. You are the epitome of how to love others despite their imperfections. The impact of that one single lesson is indescribable. You taught me to look for the good in people and, if I couldn't find it, to look harder. You showed me the meaning of true beauty. Thank you, Mom. Iloveyou more than life, Mommy!
0 notes
Text
Sa wakas, tapos na!
Hindi ko na kailangang maghintay. Hindi ko na kailangang hintayin ang pagsikat at paglubog ng araw nang mag-isa. Hindi ko na kailangang salubungin ng tingin ang buwan at mga talà nang mag-isa. Hindi na ako mangangamba kung sino ang makakasama ko mamaya sa hapunan. Hindi ko na kailangang maghintay at masaktan nang isa pa.
Ilang beses akong nadapa. Ilang beses akong nabigo, nasugatan na para bang hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal. Ilang beses kong naisipan na baka, tatanda talaga ako nang mag-isa; tatanda at maghihintay sa wala. Ilang beses kong naranasan ang magkahalong mga emosyon, at minsan akong napaniwala ng uniberso na hindi ako nararapat dito. Na ang magsuot ng singsing pangkasal ay para lang sa mga minamahal pabalik. Na ang ngumiti nang hindi pilît ay hindi para sa akin.
Pero sa wakas, tapos na.
Tinapos na ni Bathala ang lahat. Hindi ko na kailangang maghintay, masaktan, at mawalan dahil sa wakas, nahanap na kitá. Hindi na ako mangangamba na baka bukas, paggising ko ay panaginip lang ang lahat. Hindi na ito isang kathang-isip. Nangarap ako nang nangarap, at oo, totoong nandito ka na. Totoong akin ka na. Totoong may makakasama na akong kumain ng hapunan mamaya. Totoong may makakasama na akong lakbayin ang mga susunod na kabanata.
Hindi na ako iiyak sa lungkot. Hindi na ako matatakot sa dilim. Hindi na ako lalaban nang mag-isa. Hindi na ako uuwi nang mag-isa. Dahil sa wakas, kasama na kita. Ganoon naman siguro talaga sa umpisa—kailangan mong pagdaanan ang lahat ng sakit at hirap na pupuwedeng idulot ng pag-ibig at pagkatapos ay ibibigay sa’yo ng langit ang taong nakalaan—ang taong magpapatunay na ikaw ay kawalan. Sa ganitong paraan nagiging matamis ang pagmamahal—sa panahong akala mo ay hindi ka kamahal-mahal, pero mahal ka. Masyado kang mahal at may isang tao na kayang pag-ipunan ang iyong tiwala. May isang tao na kayang maging tamang tao para sa’yo. May isang tao na hindi ka kailangang buoin, bagkus ay hindi ka nito sisirain. Hindi niya hahayaang mawasak kang muli ng pag-ibig.
Sa ganitong paraan mo makikilala ang tunay na kahulugan ng pagmamahal—marunong maghintay, may kakayahang umunawa, at may sapat na paninindigan para ibigin ka sa araw-araw.
At sa wakas, tapos na.
Nandito ka na. Kasama na kita. Hindi na tayo mag-iisa. Hindi na tayo masasaktan. Nandito ka na, aking tahanan. Salamat sa lahat. Salamat dahil sa lahat-lahat ng dumating at umalis, ikaw ang tangìng nanatili. Hindi na ito isang kathang-isip. Ito ay pag-ibig.
“Mahal, ikaw na ang pag-ibig—
ang aking 'palagi' sa bawat 'baka sakali'.”
Picture private muna ✨ next month na reveal.
1 note
·
View note
Text
para kay
Circa March 2017
1:11 AM
Candaba, Pampanga 15.1041° N, 120.8729° E
*please play “Pakisabi Na Lang by The Company” while or after reading this open letter*
ANG KATHANG ITO AY AKING NAISULAT BAGO MAG MAHAL NA ARAW, BAGO AKO TUMUNGO SA SAN FERNANDO AT BAGO KO SINABING HIHINTAYIN KITA ROON. NGUNIT ‘DI KA DUMATING, SIGURO’Y INAKALA MO NA HANGGANG SA PUNTONG IYON, AKO’Y NAGBIBIRO PA RIN, AT NOON NGA'Y AKING NAPAGTANTONG HANGGANG PAGKAKAIBIGAN LANG ANG MAAARING MANGYARI SA ATIN. NGUNIT ‘WAG MAG-ALALA, PAGKAT MASAYA AKONG IKA’Y AKING NAGING KATOTO, ‘DI PA MAN NAKIKITA ANG MUKHA NGUNIT AKING LOOB AY MAGAAN NA SAYO. PATULOY KONG HINIHINTAY ANG PAGKAKATAON NA MASISILAYAN NA ANG ISANG TULAD MO, TIYAK KONG NAPAKARAMING TAWANA’T KWENTO ANG ATING MABIBITAWAN PAG NAGKAHARAP TAYO.
PS., MAAARI KO NA BANG MARINIG ANG TINIG MO?
minsan nga’y nabanggit ng makatang si Francisco Balagtas / “ang pag ibig, pag pumasok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang” / sadyang tunay nga ang tinuran ng makata – ang pag-ibig ay sadyang makapangyarihan / tunay na makulay / labis kulay na kayang gawin ng isang indibidwal ang lahat ng kanyang makakaya / handang ibuhos ang bawat enerhiya’t lakas / handang suungin ang ano mang unos / handang masakta’t masugatan / maibigay at maipakita lamang sa taong kanyang minamahal / ang kanyang buong pusong pagsinta //
hindi ko batid kung paano uumpisahan / hindi rin ko alam kung paano sasabihin ng tama / pagkat puso’y natatakot na muling masaktan / hindi ko batid pagkat dibdib ay patuloy na dumadagundong / kasabay ng mga paru-paro sa aking sikmura na patuloy na naglilikot / siguro nga’y pag ibig na ito / siguro nga’y ang paglukso ng dugo sa tuwing makikita ang mga larawan mo’y nangangahulugang umiibig na ang puso //
bakit sa aking mga labi tila yata may naiibang ngiti? / bakit napapangisi sa tuwing nababasa bawat mensaheng iyong pinapadala? / takot man / unti-unti kong inaalala / kung paano ang iyong bawat usap / kung paanong pinakakawalan mo ang bawat salita at letra / mula sa iyong mga labi na sadyang kay pula //
mahirap sabihin / mahirap tuparin / at mahirap man gawin / ngunit ito lang ang aking sasabihin / mga pangako sayo’y hinding-hindi ko susubukang ‘di gawin / asahan mong hindi ako magbabago / asahan mong laging magiging tapat sa iyo / O / giliw ko //
batid kong ‘di pa tayo nagkikita sa ngayon / ngunit alam kong darating rin ang tamang panahon / panahon kung kailan pwede na kitang mahawakan bilang ikaw / panahon kung kailan magliliwanag lahat ng mga ilaw / mga ilaw na sadyang kay puti at kay linaw / labis kay linaw hanggang sa ika’y aking ng matanaw / at duon nga’y masasabing ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ikaw //
sadya ngang tunay na makulay ang pag-ibig / sadyang nakakapanabik / at sadyang puro gaya ng tubig / unti-unting ng naririnig ang pag-awit ng mga anghel mula sa langit / siguro nga ako’y umiibig na / siguro nga puso’y handa na / sa kung ano man ang kahihinatnan ng bawat desisyong aking nagawa / handa ng harapin ang kung ano man ang ibabato sa akin ng tadhana / maganda man o ‘di kanais nais / ako’y lubos na magpapasalamat pa rin / sa mga pwedeng maganap at mangyari / pagkat alam ko sa aking sarili na may mga pagkakataong ika’y aking napangiti / ngiti na sapat na upang ako’y makarating sa langit //
CALOY
#pinoy#aspiring writer#poet#pinoy poetry#open letter#freelance writer#poets on tumblr#tagalog#pinoypoet
8 notes
·
View notes
Text
Langit
Langit sa aking panaginip,
Ako’y namulat sa katotohanan,
Na ika’y isang kathang isip.
Kung ito ay isang panaginip,
Ninanais kong huwag ng magising,
Kung sa piling mo naman ako ay parang na sa langit.
— Z
0 notes
Text
Pero kahit saan man lumingon
Nasusulyapan ang kahapon
Dahil mas masarap manahan sa anino ng mga panahong walang bakas ng gusot at pangamba sa susunod na umagang sisibol. Ika nga, maibabalik ba ang kahapon? At alam nating pareho na oo lalo't hagkan kita. Maayos man ang gising sa umaga at payapa man ang dibdib sa paghiga, kung hindi naman ikaw ang kasama, kahapo'y patuloy na susulyapin. Di magkandaugagang salubungin ang mga masasayang araw na iisa pa tayo ng himpapawid na minamasdan, ang mga takot mo ay patuloy kong yayakapin at ang mga matang nagmistulang kandila ay titigil sa pagluha. Hindi ko waring malimot ang kahapong bitbit ko hanggang ngayon. Ayokong burahin sa guniguni ang bawat tunog na nakapalibot sa atin sa mga gabing ramdam ko ang init ng bawat balat mo. Paano ko lilimutin ang nagbigay sakin ng dahilang mabuhay at magpatuloy pa?
At sa aking bawat paghinga
Ikaw ang nasa isip ko, sinta
Nandito ka sa bawat letra ng hindi matapos tapos kong mga sulatin. Nandito ka parin. Singlalim ng paghatak paitaas mula sa banging pinaghulugan ng nararamdamang hindi nasuklian ay ang sugat na hanggang ngayo'y nananalaytay sa isip na imahe mo lamang ang nakikita. Ang bawat paghinga ay pag-ugoy ng pag-asang ako rin ang nananahan sa isip mo. Sintang hindi ako ang sinisinta, nandyan din ba ako sa isip mo?
Kaya't pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Imahenasyon kung tatawagin ngunit siya namang bunga ng lubos na pangungulila sayo at sa pagmamahal mong habangbuhay na hindi mapapasaakin. Mangyari mang gustuhin ng ibang tao na ako'y maging tunay na masaya, pakiusap, ako'y huwag nang gagambalain pa. Patawad ang tanging bulyaw ng pusong inuukit ka sa bawat tibok sapagkat ang tulad mo ay hindi na maglalaho pa. Dahil ang manirahan sa mga piksyong ito ay langit kung maituturing. Idinidikta ng sansinukob na ako'y magising ngunit putangina, ang mga kathang isip na ito'y tunay na ligaya.
-para sa ilaw ng tahanang hindi ko matawag na akin
0 notes
Text
Kaibigan lang
Pag - ibig, ang aking nadarama
Sa tuwing ikaw ay nakikita
Labis labis ang aking saya
Para bang ako’y nasa langit na
Sinta, ikaw na nga, ikaw na nga
Ang matagal nang hinihintay ng
Masalimuot ko na buhay, buhay ko
Na sa tingin ko’y bibigyan mo ng kulay
Pero hindi, ako’y nagkamali
Inamin ang matagal nang nararamdaman
na sa tingin ko’y yun din ang nararamdaman mo
Ginising mo ko sa realidad sa
Pamamagitan ng tatlong salita
Na biglang bumagsak ang aking mga luha
Nang sabihin mo sa akin na …
“Magkaibigan lang tayo”
Simula noon, hindi nako naniwala konsepto ng pag ibig
Tinatak sa utak na ito lamang ay isang kathang isip
Laklak alak kahit saan
Para lamang ika’y malimutan at
Para mawala ng saglit ang masakit na nararamdaman
Ako’y wasak, basag, at hindi na mapakinabangan
At dahil dun, Aking naisip na dapat na kita pakawalan
Kahit hindi naging tayo, kailangan ko gawin ito
Para hindi ka na masakal
Para hindi ka na makulitan
Titigilan na kita
Kasi hindi na ito masaya
Nag mumukha na akong tanga
Ayoko na, tama na, tigil na.
Pero, oo nga
Bakit kita dapat kalimutan, eh hindi naman naging tayo?
Bat ko kailangan mag laklak, eh hindi naman naging tayo?
Bat ko sinulat itong tula na ito, eh hindi naman tayo?
Ay, nga pala
Sabi mo
Magkaibigan lang tayo
1 note
·
View note