#katawatawa
Explore tagged Tumblr posts
thesubicobserver-blog · 7 years ago
Text
Chairman sa maling dahilan
Nasa balita na naman si Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Martin Diño kung saan ay napapaloob siya sa dalawang umiigting at nagbabagang isyu—ang una kung saan ay inirereklamo siya ng pambubugbog, pambubuska at pananakot diumano ng isang drayber na tiga-Olongapo at ang pangalawa naman ay ang kanyang pakikipagiringan sa naitalaga di Presidente Duterte na administrador ng SBMA na si Atty. Wilma Eisma. Ang mga isyung ito ngayon ang dahilan kung bakit marami sa mga empleyado ng SBMA, kasama na ang buong freeport, ay nagtatanong sa kakayanan nitong mamuno sa isa sa mga premyadong freeport at economic zone ng Pilipinas.
Nung lumabas ang balita na si Diño ang napipigtong ilagay bilang bagong Chairman ng SBMA, marami ang nagtanong at nagtaka kung sino ba siya. Kung ako ang tatanungin, ang tanging pagkakakilala ko sa kanya ay dahil sa kanyang pagatras bilang standard bearer ng PDP-Laban para makatakbo ng pagkapresidente ang nuong kakandidatong si Rodrigo Duterte ng Davao. Maliban dito, ang alam lang nating ibang inpormasyon ay ang kanyang pagiging dating barangay chairman sa Quezon City at chairman din ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC). Dahil dito, malamang ay ang pagkakatalaga nito ay bilang pagtanaw sa kanyang pagbigay daan kay Presidente Duterte, ngunit naging positibo naman ang mga tao sa Subic at umasang magiging matagumpay ang liderato nito bilang bagong chairman—isang posisyon na hinawakan ng mga magagaliing na teknokrato, politiko at ekonomista.
Pagkalipas ng ilang buwan matapos itong matalaga bilang Chairman, nagkaroon ng isyu patungkol sa sino ang dapat mamuno ng mga administratibong aspeto ng operasyon ng SBMA si Diño at ang naitalagang OIC-administrator ng Malacañang na si Atty. Randy Escolango. Ang isyu na ito ay nagkaroon lang ng katahimikan ng maitalaga si Eisma bilang official na SBMA Administrator. Ang hidwaan sa pagitan ni Diño at Escolango ang siyang nagbigay daan upang makita ng tao ang kakaibang ugali ng bagong chairman—kasama na ang pangaabuso niya sa ilang resources ng pamunuan; kakulangan sa kompetensya ng mga taong kasama niya sa kanyang transition team at ang ugali na pagiging bully.
Kung tutuusin ay katawatawa ang paratang na nambugbog ng drayber itong si Diño—aba’y dati itong lider ng isang grupo na nagsisiwalat sa pang-aabuso, pagiging bayolente at kriminal. Ito nga ay taliwas sa mga alituntunin at ideolohiya ng VACC—pero eto sya ngayon na nirereklamo.
Para sa kaalaman ng lahat, ang tagumpay ng SBMA ay dahil sa mga taong nagsisilbi ng walang humpay para sa ikauunlad nito. Ito ay makikita sa mga taong taos-pusong naninilbihan magmula pa nung unang araw na nagbukas ang kagawaran. Marahil ay dapat may magpaalala kay Diño na kung wala ang mga volunteers ng Subic ay wala siyang kinakain na libreng burger mula sa meatplus at libreng tubig na naiinom nya sa bahay niya.
Bakit ko ito sinasabi?
Dahil sa isang bagong paguutos na nilabas ni Diño na Administrative Order 01-2017. Ang kautusang ito ay ang pagbuo ng isang task force na siyang magbabantay sa lahat ng transaksyon ng ahensya. Okay na sana kaso ang mga taong bumubuo ng task force ay mga taong dala niya sa kanyang transition team. Ano yan, lokohan?
Ngunit malinaw ang sinasaad ng batas—ang SBMA Administrator ang siyang may responsibilidad sa pang-araw-araw na operasyon ng ahensya at ang Chairman ay magsisilbing pinuno ng grupo ng mga direktor ng SBMA.
Wala ng mas lilinaw pa dito. Period.
1 note · View note
medstark28 · 7 years ago
Text
Things You Must Possess to Have a Better Photo
1. FOCUS
In taking photos, we need to have focus and let our subject shine. Kailangan mapakita natin na ito talag yung subject natin. YOUR SUBJECT MUST STAND OUT.
Tumblr media
Just like this flower. Hindi natin papansinin yung nakapaligid sa kanya kase siya talaga yung nagstand out sa picture.
------
2. DON'T BE SHY.
Wag mahihiya, kailangan makapal mukha! If you need to kneel, dumapa or kahit anong posisyon na magmumukha kang katawatawa sa harapan ng maraming tao to have a better angle, you must do it. Kahit humiga ka pa para sa best shot mo, because if you love what you are doing, you will do anything for it.
Tumblr media
This photo was taken last year at condotel. Kahit na tumuwad tuwad pa ko, para lang makuhaan ko ng magandang picture si muning, ginawa ko at dahil dun nasatisfy ako sa output :)
------
3. WAG KAKABAHAN
Nasisira ng kaba ang lahat. Most of the time ito yung cause kaya blurred yung nakuha nating image. You think na pasmado ka pero kinakabahan ka lang talaga.
Tumblr media
Just an example of a blurred image. Hindi talaga ko kinabahan jan hehehe
------
4. RISK IT ALL
Kailangan mong maging Risk taker. Even your camera might be a sacrifice para lang makakuha ng good quality photo, then risk.
Tumblr media
When I captured this photo at PUP Lagoon, nasa bingit ng pagkalaglag yung phone ko. Inistretch ko pa yung braso ko para makuha yung angle na yan, and it looks good. This is what we called risking :)
0 notes
lapis-papel-at-saloobin · 4 years ago
Text
Ano ang Dula?
Gawa ni Wendell Sayson
Ang dula ay isang uri ng panitikan. nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Bahagi ng Dula
1. Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad and tabing bawat yugto upang makapagpahinga ang mga natatanghal gayon din ang mga nanonood.
2. Tanghal – kung kinakailangang magbago and ayos ng tanghalan, ito ang ipinanghahati sa yugto
3. Tagpo – ito ang paglabas masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan
Mga Uri ng Dula:
1. Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan
2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay magkakasundo
3. Melodrama – kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may malulungkot na bahagi
4. Parsa – ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang katawatawa
5. Saynete – mga karaniwang ugali ang pinaksa ditto
Mga Elemento ng Dula:
A. Banghay – binubuo ng paglalahad kaguluhan at kakalasan ang banghay ng isang dula
1. Paglalahad – ay isng tuwiran o pakahiwatig na panimula. Sa bahaging, ito ipinapakilala ang mga tauhang lugar, panahon, tunggalian at ang maaring maganap sa kabuuang aksyon
2. Ang Kaguluhan – sa bahaging ito lumilinaw at nababago ang pagkatao ng pangunahing tauhan gaya rin ng kanyang pakikipagtunggali sa anumang balakid ng kanyang kinakaharap
3. Ang kakalasan – sa bahaging ito nagluluwag ang dating masikip, at matinding pagtatagisan ng tauhan o ng mga pangayayari
B. Tauhan – kung babatayan ang pangkalahatang paghahati ng tauhan binubuo lamang ito ng dalawa: ang tauhang nagbabago habang umuunlad ang aksyon sa dula; at ang tauhang walang pagbabago mula sa simula ng dula hanggang sa matapos ito.
C. Diyalogo – ito ay may dalawang katangian: una, ito ay gunagamit upang maipaalam sa manonood o mambabasa ang mga nangyayari na ang mangyayari pa at ang kasalukuyang nagaganap sa isip at damdamin ng tauhan, ikalawa, ang pagbibitiw ng diyalogo ay kinakailangan malakas kaysa normal na pagsasalita
[gawa ni Wendell James C. Sayson]
0 notes
chalk-reverie · 5 years ago
Text
Hindi pa rin ako makapaniwala na may bumibigay sa mga online confession.
Para sa akin, napakababaw lang na nagchachat tayo pero hindi naguusap sa totoong buhay, katawatawa.
Well fuck
Hindi ko na lang uulitin na maging maluwag sa chat kasi lecheng toh
0 notes
mutesic-blog · 7 years ago
Text
palagi mong pinapamukha na walang kwenta yung mga sinasabi, palaging mali at katawatawa yon. kaibigan ka pa naman, pero ikaw yung nagpapababa ng tiwala sa sarili. kung pwede ka lang i-erase in the system ill do it right now
0 notes
ylahmae · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Hello po sa mga taong pinagtawanan ako habang suot ko ang scarf kong ito. Inaano ko po ba kayo? At inaano po ba kayo ng scarf ko para pagtawanan niyo? Baka hindi niyo po alam masama po ang pakiramdam ko that time, and be thankful dahil hindi ko nagawang tarayan kayo at ipahiya sa harap ng maraming tao. Well, hindi ko naman gawain yun at hindi naman po ako mataray pero pagtatawanan niyo ang isang tao dahil lang may suot na scarf? Bago niyo sana ako pagtawanan alamin niyo muna sa sarili niyo na karapat dapat ba? Dahil baka mas katawatawa pa kayo kesa sa akin. Mas katawatawa pala kayo dahil kulang ang pag iisip niyo na tawanan ang isang taong nakascarf dahil masama ang pakiramdam. Kung mabasa niyo ito, sana matauhan kayo. Think before you act. GOD BLESS! ☺
0 notes
splashalovare · 9 years ago
Photo
Tumblr media
#galanggala #Katawatawa #goodheart #goodgood Hello Ate Teng! Look at you so happy and having lotsa fun. Today is Sunday and I am just at the neigh. Come and visit. Dapat last week ko pa na upload. Hahaha (at Evacom, Sucat Paranaque)
0 notes
erlalalab · 13 years ago
Text
Boyfriend
Masabi lang na may boyfriend eh,kahit mukhang paa.
0 notes