#gawa ni wendell sayson
Explore tagged Tumblr posts
lapis-papel-at-saloobin · 4 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Sa ika-4 ng Nobiyembre 2002, ay ipinanganak ang masayahing taong si Wendell. Siya ay ipinanganak sa probinsya ng Misamis Oriental, sa munipalidad ng Balingasag kung san ay siya ay lumaki at nag-aral ng sampung taon.
Siya ngayon ay nagaaral sa Xavier University- Ateneo de Cagayan at sa kasalukuyan ay isang grade 12 student.
0 notes
lapis-papel-at-saloobin · 4 years ago
Text
Bakit Ako Nalang Palagi?
Inangkop na iskrip base sa maikling kwento, "Ang Hindi Kanais-nais"
Post ni Wendell Sayson
_________________
Mga Tauhan:
Jimboy​ - isang mag-aaral sa senior high. Anak ni Hector. 
Ophelia​ - ina ni Juan at ina-inahan ni Jimboy. May-ari sa isang Panaderya.
Juan​ - anak ni Ophelia
Hector​ - Ama ni Jimboy. Ika-18 Pangulo ng Pilipinas.
Tagpuan: 
Sa bahay ng pamilyang Dakila. Dahil sa pandemya, si Jimboy ay nag online class. Halos siya ang gumawa sa gawain bahay sa tinitirahan niya.
SCENE 1
EKSENA: U​maga. ​Si Jimboy na iniligak ng kanyang ama kay Ophelia sa probinsya ay may online class. Uupo siya sa sopa ng sala ng pamilya Dakila. La​ ptop ang nasa harapan niya. Tatawagin siya ng kanyang guro. Sasagot sana siya pero naputol ang koneksyon at uutusan siya ng kanyang ina-inahan.
[Maliwanag sa kanang bahagi ng entablado.]
Jimboy:​ Sir? Sir, narining po ninyo ‘ko sir? Sir? Ah, mahina ang Wifi. Badtrip talaga.
[Hihiga si Jimboy sa sopa niya, halatang pagod.]
Jimboy: ​Sabagay, nakakapagod talaga ang ​online classes​. Sige na
internet, gumana kana. Ah ito na!
[Bubukas ang ilaw sa kaliwang entablado.]
[Tatawagin ni Ophelia si Jimboy galing sa kusina.]
Ophelia: ​Jimboy! halika ka nga dito! linisin mo tong pinagkainan ng mga kapatid mo.
Jimboy: ​Mang, mamaya ko na lang po yan lilinisin pwede? Ito nga oh, may klase pa nga po ako.
Ophelia: ​Ngayon mo na gawin ito at kailangan ko nang tapusin tong ginagawa kong keyk.
[Magbubuntong-hininga sa Jimboy​ sa inis​.]
Jimboy: ​Eto na naman tayo Jimboy. Hay, eto na naman. 
[Pupunta siya sa kusina at magsisimulang mag-ayos ng mga pinggan.] 
[Tatayo si Ophelia galing sa kanyang upuan,dala-dala ang ginagawa niyang ​keyk.​]
Ophelia: ​Ikaw na bahala dito ha? Pupunta lang ako sa panaderya natin para tapusin ito. Nandoon kasi ang mga sangkap.
[Tatango lang si Jimboy bilang sagot at aalis na si Ophelia, lalabas siya sa kanang entablado.]
[Maiiwan ang ilaw nakatutok kay Jimboy sa kusina
na hitsurang inis na inis dahil palagi na lang siyang inuutusan.]
Jimboy: ​Ang laki-laki na si Juan dapat siya na ang mag hugas nito. Noon sa ganyang edad, marunong na ako maghugas ng mga plato eh. Hay.
[Didilim at maghahanda na para sa susundo na eksena.]
SCENE 2
EKSENA​: ​Sila Jimboy, Juan, at Ophelia ay nasa hapag kainan, kumakain ng hapunan.
[Papasok mula sa kanang entablado sina Jimboy, Juan at Ophelia. Uupo sa lamesa at mistulang patapos kumain. Bubuksan ang ilaw.]
Juan: ​Ma, mauna na po ako, may gagawin pa po akong assignment para sa Sibika namin.
Ophelia: ​Sige anak, mag ingat ka.
[Aalis si Juan sa hapag-kainan, lalabas sa kaliwang entablado.]
Jimboy:​ Ako din ma, may tatapusin kami ng grupo namin na dapat namin ipasa bukas.
[Aalis na sana ngunit pipigilan si Jimboy ng kanyang ina.]
Ophelia: ​Unahin mo muna ang pag hugas ng mga pinggan. Tutal, maliit lang naman ‘yan.
[Nagbuntong-hininga si Jimboy.]
Jimboy: ​Pero ‘Mang, ako ang nag hugas kagabi ah, at nung isang gabi at sa nakaraan pa. Pwede si Juan na lang ‘Mang?
Ophelia: ​Aba, sumasagot kana saiyong nanay-nanay, ha?​ ​Ba’t hindi mo kayang gawin yan? Akala ko masunurin kang bata?
[Makikita ang naghalong inis at galit ni Jimboy sa sumbat ng kanyang ina. Siya ay magdadabog. Ihahampas ang kamay sa lamesa at sisigaw. Magugulat si Ophelia sa reaksyon ni Jimboy.]
Jimboy: ​BWISIT. BWISIT TALAGA ANG BUHAY NA ‘TO!
[Hinampas ni Jimboy ang kanyang kamay sa lamesa ng malakas dahil sa inis. Nagulat si Ophelia sa pagbuga ng galit ng kanyang anak.]
Ophelia: ​Jimboy, ayusin mo yang ugali mo! [Ginambala ni Jimboy si Ophelia.]
Jimboy: ​Mamang. Pagod na ako, PAGOD NA PAGOD! Palagi niyo na lang bang kukunsintihin si Juan na walang ginagawa sa bahay? Na kulang na lang ay yaya na ang itawag mo sakin, dahil ako nalang lagi ang gumagawa ng lahat ng mga gawain dito?! Aba! Ah! Hindi pwede yan, dapat din silang magtrabaho!
[Ang tinig ni Jimboy ay malaya sa lahat ng pag-asa dahil sa pagbago.]
Jimboy: ​Hindi ako ang panganay pero gumaganap sa lahat ang mga responsabilidad ng isang panganay. Pero hindi pwede ako nalang palagi, ‘Ma. Napapagod ako, naiinis na ako. Hindi naman mahirap kumuha ng yaya ‘no? Kaya, kung pwede lang, pagbigyan mo naman ako ng kaunting pahinga.
[Makikita ang lungkot sa mukha ni Ophelia dahil sa inilahad ni Jimboy na galit at saloobin. Tatayo at lalapit siya kay Jimboy at ilalagay niya ang kanyang kamay sa kanang balikat ni Jimboy.]
Ophelia: ​Anak, pagpasensyahan mo na lang ang iyong mga kapatid. Pasensya na dahil hindi ko alam na iyan ang nararamdaman mo dahil samin ng tatay mo. Gawin mo na lamang ang dapat mong gawin at ako na lang ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin. Okay ba?
[​Tatango si Jimboy bilang sagot.]
Jimboy: ​Pasensya na at nasigawan kita, ‘Mang.
Ophelia: ​Dapat ako ang humingi ng patawad sa ’yo dahil sinabihan kitang matigas ang ulo.
[Tatapikin ni Ophelia ang balikat ni Jimboy bilang senyales na may gagawin pa siya.]
Ophelia: ​Diba may gagawin ka? Sige na.
[Tumayo si Jimboy sa inupuan niya at lumabas sa harap kainan.]
Jimboy: ​Magpahangin lang ako mamang, ha.
[Si Jimboy ay aalis sa entablado pa-kaliwa.] [Didilim at maghahanda sa pagbabago ng eksena, aalis si Ophelia sa entablado pakanan.]
SCENE 3
EKSENA: ​Magugulat si Jimboy sa pagbabalik ng kanyang ama matapos niyang lumabas ng bahay upanng magpahangin. Una niyang mapapansin ang mga maleta sa sahig ng mga sala. Lalapitan niya ang isa’t isa. Sa kabilang bahagi ng entablado, nagbabatian at kamustahan sina Hector at Ophelia.
[Bubukas ang ilaw. ​Papasok sina Ophelia and Hector mula sa kanan ng entablado.]
[Papasok si Jimboy mula sa kaliwa.]
Jimboy: ​Saan galing ‘to?
[May maririnig si Jimboy galing sa kusina na boses ng isang lalaki.
Lalapit siya sa pintuan papunta sa kusina at sisilip sa loob, makikinigsapinag-uusapansapangulo—​ e​ste,angamaniyaatni Ophelia.]
Ophelia:  Gabing-gabi na, Hector, ha? Dumeretso ka pa agad dito pagkatapos ng SONA mo. Hindi ka ba napapagod?
Hector: Kaya nga naparito ako dahil kahit pangulo ako ng munting bansa ay kailangan ko rin magpahinga. Ay oo pala, may dala ako para sa ‘yo.
[Bubuhatin ni Hector ang mabigat na maleta at ilalagay niya sa lamesa. Bubuksan niya ito at ipapakita kay Ophelia ang lamang mga bareta ng ginto.
[Kapwa ikakagulat nina Ophelia at Jimboy ang makikita.]
Jimboy: ​(pabulong na gulat)​ I​-i-imposible!
Ophelia: ​Ano ba ‘yan Hector. Wag na, wag na. Sobra na ata yan. Kahit
presidente ka, hindi ibig sabihin nagbibigay ka ng ganyan.
[Susubukan isara ni Ophelia ang maleta at itutulak pabalik kay Hector pero pipigilan siya nito. Magpupumilit si Hector tanggapin ni Ophelia ang ginto.]
Hector: ​Ophelia...
Ophelia: ​Huwag na nga sabi eh. Mas kailangan pa ng mga pasyente 'to. Diba 'yon ang sinabi mo sa SONA, maunat na natin ang kurbada ng pandemya.
Hector: ​Pero, Ophelia...
Ophelia: ​Hector, may panaderya naman ako, hindi ko kailangan yan Hector.
[Muling ipipilit ni Hector na tanggapin ni Ophelia ang ginto at mabilis na iibahin ni Hector ang usapan.]
Hector: ​Tama na. May malaki akong utang na loob sa ‘yo sa pagaalaga kay Jimboy. Kaya malaking salamat talaga Ophelia. Ito ang tanging paraan na na makabawi ako sayo. Ginawa mo ang dapat gawin bilang magulang niya. Ay nga pala, kamusta naman si Jimboy sa pamamahay nito?
Ophelia: ​Ayos naman siya. Ngunit, kanina lang naglabas siya ng galit dahil sa kanya nalang lagi napupunta ang mga gawaing bahay. Alam ko, gusto mo maging independent si Jimboy sa immersion na ito para hindi siya mag mukhang laki sa layaw. Pero parang nasobrahan ko yata. Tinuturi ko si Jimboy bilang totoo kong anak, kaya nababalisa ako na nagalit siya dahil sa akin.
Hector: ​Ayun na nga. Pero sabagay okay lang yon basta alam niya ang mga ganitong bagay. Kaya maraming salamat talaga Ophelia. Kaya sa iyo na ito.
[Mahinang tinulak ni Hector ang maleta patungo kay Ophelia ngunit tumanggi siya.]
Ophelia: ​Walang anuman Hector pero hindi na kailangan.
Hector:​ Sige na. Hindi naman ‘to para kay Jimboy, pero para sa ‘yo at kay Juan din. Nasa pandemya tayo at alam ko kailangan mo ‘yan.
[Bumuntong hininga si Ophelia at kinuha ang maleta.]
Ophelia: ​Sige nalang. Ang kulit mo kase eh. Ngayon, ano ang plano mo para kay Jimboy?
Hector:​ Kung matapos niya ang senior high dito, kukunin ko siya at titira siya sa Malacañang kasama ko. At sa Maynila siya magtatapos ng kolehiyo.
[​Didilim ang entablado.]
[Matitira ang ilaw kay Jimboy na siya namang titingin sa manonood.]
Jimboy:​ Hindi ninyo inaasahang pangulo ng Pilipinas ang tatay ko, ‘no? Ako din. Kahit tuwing nagkikita kami ay hindi pa rin ako makapaniwala na kilalang-kilala siya sa buong mundo. Baka kaya ito ang dahilan kung bakit ako nandito at naghuhugas ng mga plat, ‘no?
[​Didilim ang ilaw at lalabas si Jimboy ng entablado.]
-WAKAS-
0 notes
lapis-papel-at-saloobin · 4 years ago
Text
Ano ang Dula?
Gawa ni Wendell Sayson
Ang dula ay isang uri ng panitikan. nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Bahagi ng Dula
1. Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad and tabing bawat yugto upang makapagpahinga ang mga natatanghal gayon din ang mga nanonood.
2. Tanghal – kung kinakailangang magbago and ayos ng tanghalan, ito ang ipinanghahati sa yugto
3. Tagpo – ito ang paglabas masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan
Mga Uri ng Dula:
1. Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan
2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay magkakasundo
3. Melodrama – kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may malulungkot na bahagi
4. Parsa – ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang katawatawa
5. Saynete – mga karaniwang ugali ang pinaksa ditto
Mga Elemento ng Dula:
A. Banghay – binubuo ng paglalahad kaguluhan at kakalasan ang banghay ng isang dula
1. Paglalahad – ay isng tuwiran o pakahiwatig na panimula. Sa bahaging, ito ipinapakilala ang mga tauhang lugar, panahon, tunggalian at ang maaring maganap sa kabuuang aksyon
2. Ang Kaguluhan – sa bahaging ito lumilinaw at nababago ang pagkatao ng pangunahing tauhan gaya rin ng kanyang pakikipagtunggali sa anumang balakid ng kanyang kinakaharap
3. Ang kakalasan – sa bahaging ito nagluluwag ang dating masikip, at matinding pagtatagisan ng tauhan o ng mga pangayayari
B. Tauhan – kung babatayan ang pangkalahatang paghahati ng tauhan binubuo lamang ito ng dalawa: ang tauhang nagbabago habang umuunlad ang aksyon sa dula; at ang tauhang walang pagbabago mula sa simula ng dula hanggang sa matapos ito.
C. Diyalogo – ito ay may dalawang katangian: una, ito ay gunagamit upang maipaalam sa manonood o mambabasa ang mga nangyayari na ang mangyayari pa at ang kasalukuyang nagaganap sa isip at damdamin ng tauhan, ikalawa, ang pagbibitiw ng diyalogo ay kinakailangan malakas kaysa normal na pagsasalita
[gawa ni Wendell James C. Sayson]
0 notes