#halimbawa ng dula
Explore tagged Tumblr posts
bleeblablop · 10 months ago
Text
Ang pinakamagandang dulang na napakasarap sa aking mata
Merong akong isang napakagandang dula na napanood at ang pamagat nito ay Langhap Sarap. Napakaganda ang mensahe, ispektakulo at lahat talaga ng mga detalye ng dula. Ang unang paraan na nakakatulong ang ispektakulo ay sa kasuotan. Ang iba’t ibang kasuoatan ay nagkakaiba at nagpapahayag ng personalidad ng mga karakter nila. Isang halimbawa ay ang Senador na aktor. Nakasuot siya ng parang sikat na kasuotan. Katulad ng itim ng jacket at “shades”. Ang ilaw at musika naman ay maganda din kasi nakikipaghayag sila ng iba’t ibang emosyon na nararamdaman ng nanonood. Ang ilaw ay biglang nagiging pula habang pinapahayag ang plano ng senador para sa Pilipinas. Ang musika naman ay biglang nag-iiba habang binabanggit niya ang kanyang plano. Ang blockings naman ay nagpapakita ng pagkakaiba ng moralidad at gusto ng iba’t ibang senador. Biglang naglilipat ang mga senador kanan o kaliwa kapag sang ayon o hindi sa plano. Ang mga ispektakula na ito ay nagiging paraan para mas mauunawan ng nanonood ang dulang ito. Napakaepektibo ang desisyon din sa pagkukuwento at talagang nakapaglapat ng mensahe sa amin dahil sa mga talumpati na napakaganda at galing na ibinigay ng mga aktor. Nararamdaman ko ang totoong mensahe talaga at naintindihan ko ang sinasabi ng direktor.
Ang pagkakapareho nito sa dalawang dula ay nakikita talaga sa blockings at mga ilaw. Napakaganda ng blockings sa parehong dula. Ang tono at ang damdamin na nakikita sa pangalawang dula ay mas nakakatakot at seryoso. Ang unang dula naman ay mas nakakatawa at masaya. Ang blockings ay saktong sakto para makita at mauunawaan ang iba’t ibang karakter habang hindi nagiging magulo. Ang ilaw naman ay palaging nagpapalit kapag merong biglang pagkaiba sa emosyon nararamdaman at nagiging totoong nakakatulong sa pakikiramdaman ng gusto ng Director. 
Ang sinasabi ng dalawang dula na ito sa kasalukuyang panahon ay kailangan natin talagang intidihan ang halaga ng bata dahil sila ang ating kinabukasan at susunod na pinuno ng ating mundo at lipunan. Makikita ito dahil ang kabataan ay isa sa pinakamalaking tema sa dalawang dula. Sa unang dula (Langhap Sarap) ang senador ay nakikipaglaban para sa kabataan.
Ang dulang “Langhap Sarap” ay isa sa pinakamagandang dula na napanood ko at irerekomenda ko ito para sa inyong lahat. Parang wala na ako kailangan sabihin tungkol as dula na ito dahil dami ko ng nasabi tungkol sa kagandahan ng dula na ito. Dapat talaga panoorin mo ito kung mahilig ka sa mga dula at mga dulang may napakalaking “plot twist”.
1 note · View note
switcherood · 10 months ago
Text
Ang Tanghalang Sarap
Sobrang nasasabik ako at ang mga kaibigan ko bago magsimula yung tanghalan at nag-deliver naman ang mga aktor, at yung palabas mismo. Maganda naman ang karanasan ko sa panonood nito, hindi ko inakala na sobrang magaling talaga yung mga aktor nito dahil sila ay mga guro at kala ko na okupado sila sa kanilang trabaho, kaya sobrang natuwa at nasurpresa ako na makitang maganda ang kanilang . Yung ispektakulo nila ay nakatulong naman sa pag-unawa ko sa kuwento ng mga palabas. Ngunit, sa Langhap Sarap, sa tingin ko puwedeng merong pang idagdag sa “backdrop” dahil nalito ako noong nagsimulang palabas, di ko talaga alam kung anong dapat nakikita ko pero naintindihan ko naman ng lumipas ang panahon. Alam ko namang hindi nila kayang maglagay ng lamesa sa gitna ng yugto dahil mayroong mga eksena na mayroong pinakita ang karakter na dapat makita ng audience para maintindihan namin kung anong nangyayari, at kung may lamesa sa yugto, hindi ito makikita nang maayos. 
Ngayon pag-uusapan ko ang mga “underlying” o mas malalim na mensahe ng tanghalang ito. Sa tingin ko, ang unang palabas ay ipinakita ang malaking dahilan kung bakit hindi maayos o magandang tignan ang ating gobyerno dito sa Pilipinas, ang ikalawang palabas naman, Tagu-Taguan sa Tambakan, ay pinakita ang sanhi ng mga masamang gobyernong tinutukoy sa unang palabas. Sa Tagu-Taguan sa Tambakan,  (spoiler alert) ang mga bidang bata ay nakahanap ng bangkay, na isang biktima ng droga. Nag away-away ang mga bata kung anong dapat gawin nila hanggang nakita sila ng pulis. Sa wakas, pinatay ng pulis ang mga bata. Sa dulang ito, nakita natin ng epekto ng masamang gobyerno na nakita natin sa unang palabas, halimbawa, ang bangkay na biktima ng droga. Ang taong iyon ay hindi pupunta sa droga kung ayos o maganda ang buhay niya. Ang mga masamang desisyon ng gobyerno ay hinahamak ang mga taong nakatira sa bansang dapat ayusin nila, ngunit, dahil hindi nila ito nagawa, humahanap ang mga tao ng paraan ng pagtakas o pagkagambala, kaya, may mga taong tumungo sa droga.
Sa wakas, opo, dahil talagang pinakita sa akin bilang mag-aaral dito sa Ateneo ang nangyayari sa mga taong kasing edad ko na hindi gaano kasuwerte. At dahil sa realisasyon na ito, nalungkot ako na hindi lang dula ang pinanood ko, talagang nangyayari ang mga iyon.
0 notes
gabayfili · 4 years ago
Link
Ang dula o drama ay isang nakakaaliw na kategorya sa panitikan. Ito ay ginagawa ng iba’t ibang aktor sa entablado sa harap ng madla o di kaya’y sa paraan ng pagiging isang pelikula. Mayroon silang dialogue at kasuotan na nakatutulong para ilarawan ang kanilang karakter. Ang mga pangunahing elemento ng dula na hindi maaaring mawala ay tema, setting, karakter, balangkas o plot, at musika.
0 notes
may5233 · 4 years ago
Text
Ang Teatro ay isang anyo ng gampaning sining. Ito ay nangangailangan ng mga live performers, at Artista upang itanghal sa harap ng maraming tao ang kwentong hango sa tunay na karanasan, o kwentong gawagawa lamang ng imahinasyon ng manunulat. Ipinahahayag ang daloy ng kwento sa pamamagitan ng mga galaw o kilos, ilaw, mga gamit na kinakailangan sa bawat eksena(props), sound effects, at background music para mas madama ng mga manonood ang bawat emosyon ng bawat eksena. Nagmula ang salitang Teatro sa salitang griyego na "théatron" na ang kahulugan ay “the seeing place” o isang lugar para sa pagtingin. Nagsimula ang teatro noong Ika-5 siglo. Ang unang dula ay ginanap sa "Theater of Dionysus" sa athens. Naging napakapopular ng Teatro na naging dahilan ng pag laganap nito sa buong greece.
Tumblr media
Mga uri ng Teatro:
Dula. Ang dula ay nagmula sa salitang griyego na "Drama" na nangangahulugang gawin o ikilos. Ang dula ay nagpapakita ng pampanitikang pagkopya sa buhay. Noong di pa tayo nasakop ng mga dayuhan, sa panahon ng ating mga katutubong Pilipino, Nagsimula ang dula. Dahil likas na mahilig sa musika, tula, at sayaw ang ating mga katutubong Pilipino sinilang ng unang anyong dula. May tatlong uri ng dula, ito ay ang mga
sumusunod:
Komedy. Nagbibigay aliw at kasiyahan sa mga nanonood. May masaya na ending, ang ending ay masaya kung saan nagkakasundo lahat ng tauhan.
Trahedya. Isang anyo ng dula na ang paghihirap, at kadalasan malulungkot na pangyayari sa pangunahing karakter nakabatay ang daloy ng kwento.
Saynete. Mga karaniwang paguugali ang pinapakita sa uri ng dula nato.
Parsa. Layunin ng uri ng dula na ito ay ang magpatawa sa pamamagitan ng mga salitang nakakatawa.
Melodrama. Ang uri ng dula na ito ay Masaya din ang wakas, ngunit may bahagi na kung saan may mga malulungkot na pangyayari.
Musical. Ang "Musical theater" ay isang uri ng pagtatanghal na pinagsama ang pagkanta, dayalogo, pag arte, at sayaw. Sa pamamagitan ng pag awit at sayaw nila pinapahayag ang mga emosyon sa kwento.
Napakamaimpluwensya ng teatro. Maaring mabuksan ng isang dula sa teatro ang mga mata ng tao sa iba't- ibang issue ng Pilipinas.
Mga halimbawa:
Katy! the musical
Tumblr media
Katy de la Cruz, isinasaalang-alang bilang "Queen of Philippine vaudeville and jazz" sakanya nakabatay ang "Katy! tge Musical". Ang musika naman ay mula kay Ryan Cayabyab, at kay Jose Javier Reyes naman ang kwento at Libretto
Mga Buhay na Apoy
(Play by Auraeus Solito)
Tumblr media
MGA BUHAY NA APOY, ang kwento ay nakaikot sa pamilyang naka tira sa manila. Naranasan ng pamilya ang malupit na katotohanan ng "extremely strained relationships", na nagreresulta mula sa duwag na pagtanggi ng ilang masakit na katotohanan tungkol sa kanilang nakaraan at mula sa lubos na pagwawalang-bahala para sa kanilang maluwalhati na katutubong ugat ng kultura ng Palawan at mga espiritwal na tradisyon.
The Forsaken House
Tumblr media
"The Forsaken House" ay isang dula na isinulat ni Wilfrido Maria Guerrero. Ang dula ay tungkol sa isang tipikal na pamilyang Pilipino na nabuhay sa panahon ng "post-war era" kung saan inako lahat ng ama ang kontrol sa mga gawaing pamilya, at ipinapakita kung paano tumugon ang mga bata sa mapigil na pangyayari.
1 note · View note
greatcreationfox · 4 years ago
Text
Ang panitikan ay ang malinaw na pagsusulat ng may anyo pananaw ang diwang sanhi na matagal na pagkawili at gana sa makatuwid may hugis punto de bista at makakapagpahaba ng interes ng bumabasa ng isang sulatin pampanitikan. Ito rin ay nag sasalaysay ng buhay,pamumuhay,lipunan,pamahalaan,pananampalataya at ang mga karanasang kaugnay ng ibat-ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig,kaligayahan,kalungkutan,pag-asa,pag-kapoot paghihiganti,pagkasuklam,sindak at pangamba. Sa pagbubuod, ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang lumikha. Ito ay ang mga akda na katangi-tangi sa masi-ning at malikhaing pagtatanghal ng mga idea at damdaming unibersal at pangmahabàng panahon, gaya ng tula, katha, dula, at sanaysay. Ang Panitikan ay ang kabu-uang lawas ng mga naisulat sa tiyak na wika, panahon, at iba pa
Mahalaga ang pag-aral ng panitikan dahil ito ang naglalarawan sa mga karanasan, kultura, at tradisyon ng mga sinaunang Pilipino. Dahil dito, maaari natin mapagaralan at matutunan ang mga pangyayari sa ating kasaysayan at magamit ang mga aral sa kasalukuyang buhay natin. Bukod rito, kung pag-aaralan natin ang mga panitikan, mas magiging pamilyar tayo sa kanilang mga ambag sa ating bansa lalo na sa pag-unlad ng ating panitikan. Dahil sa panitikan, ang mga tao ay nabibigyan ng tulay sa nakaraan na maaari ring isalamin sa kasalukuyang panahon. Kaya, mas maiintindihan natin ang ating kultura at tradisyon at mas mabibigyan ito nang halaga. Tayo ay nagiging bukas sa iba’t ibang uri ng kaisipan, kultura,tradisyon at mga paniniwala.Kung ating titignan ang kasaysayan, isa sa mga instrumento ng rebulosyon ang panitikan. Makikita ito sa panahon ng ating mga bayani noong sinakop tayo ng mga Kastila. Dahil sa mga sulat ni Rizal at iba pang mga bayani, nabigyang inspirasyon ang mga pilipino na lumaban para sa kanilang mga karapatan at kalayaan.Higit sa lahat, ang panitikan ay mahalaga sa ating buhay dahil ito ay sumasalamin sa ating mga emosyon na kadalasan hindi nating maaaring ipalabas. Kaya naman, bilang miyembro ng lipunan, sa pamamagitan ng panitikan, tayo ay napapagbuklod-buklod nito. Tunay ngang ang panitikan ay may mahalang gampanin sa ating buhay sapagkat pinapakita nito sa atin ang mga sagot sa mga katanungan natin sa ating buhay, sa pamamagitan nito ay nasusolusyonan natin ang mga problemang ating kinakaharap at higit sa lahat ay may kapangyarihan itong baguhin ang mundo na ating ginagalawan. Ngunit sa huli ay nasa atin pa rin nakasalalay kung paano natin gagawin ang kinabukasan na tayo rin naman ang makikinabang.
Sa panahon ngayon , bihira na lang ang mga tao na may interes sa pagbabasa, pagsulat kagaya ng paggawa ng mga tula at iba pa.Ngayong alam na natin ang kahalagahan ng pag-aaral ng panitikan ngunit paano nga ba pinag-aaralan ito ? Kung iisipin ay hindi baga’t babasahin lamang at iintindihan lamang ang mga ito ay masasabing inaral mo na ito? Ngunit hindi lamang iyon ganun kadali. Kaya naman ang mga bihasa sa literatura o panitikan ay nagbibigay ng ibat ibang mga pamamaraan katulad na lamang ng paggamit ng iba’t ibang lente upang matukoy kung ano nga talaga ang pinaparating ng isang akda. Dagdag pa ang mga malalalim na kahulagan ng ilan sa mga ito, nararapat lamang na hindi tayo basta basta kumakagat sa literal na kahulugan kundi inuungkat pa natin ang mas malalim na kahulugan ng mga ito. Isang halimbawa na lamang ay ang paggamit ng mga simbolismo na nagdadala at nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa isang akda. Bukod sa mga ito ay hindi din dapat natin ikinakahon ang kahulugan ng isang akda sa kung ano ang nakasanayan ng nakararami kundi hinahayaan natin ang malilikot ng isipan ng sino man upang tumingin sa ibang anggulo at lumikha ng kahulagan hangga’t suportado ito ng mga matitibay na ebidensyang nakalap ng isang tao.
Tumblr media
1 note · View note
jessicamdayog · 4 years ago
Text
Panitikan
Ang Pilipinas ay mayaman sa anumang uri ng panitikan. Balikan natin ang mga panahong tayo ay nag-aaral pa lamang sa mataas na paaralan. Sa asignaturang Filipino, bawat antas ay mayroong nakalaan na panitikang aaralin. Natatandaan mo pa ba ang Ibong Adarna ni Jose Dela Cruz, Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Noli Me Tangere, at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal? Ilan lamang iyan sa halimbawa ng panitikan. Ano nga ba ang panitikan? Ang panitikan ay nilikha ng mga tao dahil nais nilang ipahayag ang kanilang saloobin, pananaw, at nararamdaman. Ito ay hindi lamang sa paraan ng pagsulat ngunit ito rin ay maaaring pasalita at isinasagawa sa mga tanghalan. Ilang halimbawa ng panitikan ay ang libro, nobela, sanaysay, alamat, anekdota, talambuhay, pabula, parabula, talumpati, at kwentong bayan. Ang panitikang isinasagawa naman sa tanghalan ay ang mga dula-dulaan gaya ng senakulo at panunuluyan. May apat na paraan ng pagpapahayag ng panitikan. Kapag ang manunulat ay mayroong nais ipaliwanag ito ay tinatawag na paglalahad. Kapag ito ay nagbibigay ng atensyon sa hugis, kulay, anyo, itsura ito ay tinatawag na paglalarawan. Kung ito ay naglalahad ng magkakaugnay na pangyayari ito ay tinatawag na pagsasalaysay. Pangangatwiran naman kung ang manunulat ay nais hikayatin o paniwalain ang mga mambabasa.
 Sa panahon ngayon, karamihan sa atin ay tutok na sa paggamit ng mga teknolohiya at abala sa pakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan. Nakikita naman natin na iilan na lamang ang mahilig magbasa ng mga libro. Ano nga ba ang importansiya ng panitikan at bakit ito kailangang pag-aralan? Kailangan nating pag-aralan ang panitikan sapagkat sa pagbabasa ng libro ay maaari tayong makatuklas ng mga panibagong salita, at mapalawak ang ating kaalaman tungkol sa paligid natin. Maaari rin tayong matuto kung paano umintindi at umunawa ng iba’t ibang pananaw ng mga tao. Sa pamamagitan din ng pag-aaral ng panitikan ay malalaman natin ang kasaysayan. Gaya na lamang noong isinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ang Noli Me Tangere na patungkol sa kagustuhan nating kumawala sa pagkaka-alipin sa atin ng mga Kastila. Bahagi na ng kultura nating mga Pilipino ang paglikha ng panitikan. Sa patuloy na pangangalaga natin dito ay nakakatulong tayo upang maipreserba ang isa sa ating kayamanan
Paano pinag-aaralan ang panitikan? Ang panitikan ay hindi lamang dapat binabasa. Nararapat lamang na ito ay unawain at isapuso upang higit na maintindihan ang nais na iparating ng manunulat. Naniniwala ako na sa tuwing tayo ay nagbabasa, napapagana nito ang ating imahinasyon at maaari tayong bumalik sa panahon kung kailan iyon naisulat na nagreresulta sa ating pagkatuto.
Gaya nga ng aking nabanggit sa itaas, ang panitikan ay isang paraan upang maipahayag mo ang iyong sarili. Hindi ba’t nakakagaan iyon sa pakiramdam kung iispin? At sa parehong pagkakataon ay nakatutulong ka rin upang maipasa ang kahalagahan ng panitikan sa susunod pang mga henerasyon.
1 note · View note
lapis-papel-at-saloobin · 4 years ago
Text
Bakit Ako Nalang Palagi?
Inangkop na iskrip base sa maikling kwento, "Ang Hindi Kanais-nais"
Post ni Wendell Sayson
_________________
Mga Tauhan:
Jimboy​ - isang mag-aaral sa senior high. Anak ni Hector. 
Ophelia​ - ina ni Juan at ina-inahan ni Jimboy. May-ari sa isang Panaderya.
Juan​ - anak ni Ophelia
Hector​ - Ama ni Jimboy. Ika-18 Pangulo ng Pilipinas.
Tagpuan: 
Sa bahay ng pamilyang Dakila. Dahil sa pandemya, si Jimboy ay nag online class. Halos siya ang gumawa sa gawain bahay sa tinitirahan niya.
SCENE 1
EKSENA: U​maga. ​Si Jimboy na iniligak ng kanyang ama kay Ophelia sa probinsya ay may online class. Uupo siya sa sopa ng sala ng pamilya Dakila. La​ ptop ang nasa harapan niya. Tatawagin siya ng kanyang guro. Sasagot sana siya pero naputol ang koneksyon at uutusan siya ng kanyang ina-inahan.
[Maliwanag sa kanang bahagi ng entablado.]
Jimboy:​ Sir? Sir, narining po ninyo ‘ko sir? Sir? Ah, mahina ang Wifi. Badtrip talaga.
[Hihiga si Jimboy sa sopa niya, halatang pagod.]
Jimboy: ​Sabagay, nakakapagod talaga ang ​online classes​. Sige na
internet, gumana kana. Ah ito na!
[Bubukas ang ilaw sa kaliwang entablado.]
[Tatawagin ni Ophelia si Jimboy galing sa kusina.]
Ophelia: ​Jimboy! halika ka nga dito! linisin mo tong pinagkainan ng mga kapatid mo.
Jimboy: ​Mang, mamaya ko na lang po yan lilinisin pwede? Ito nga oh, may klase pa nga po ako.
Ophelia: ​Ngayon mo na gawin ito at kailangan ko nang tapusin tong ginagawa kong keyk.
[Magbubuntong-hininga sa Jimboy​ sa inis​.]
Jimboy: ​Eto na naman tayo Jimboy. Hay, eto na naman. 
[Pupunta siya sa kusina at magsisimulang mag-ayos ng mga pinggan.] 
[Tatayo si Ophelia galing sa kanyang upuan,dala-dala ang ginagawa niyang ​keyk.​]
Ophelia: ​Ikaw na bahala dito ha? Pupunta lang ako sa panaderya natin para tapusin ito. Nandoon kasi ang mga sangkap.
[Tatango lang si Jimboy bilang sagot at aalis na si Ophelia, lalabas siya sa kanang entablado.]
[Maiiwan ang ilaw nakatutok kay Jimboy sa kusina
na hitsurang inis na inis dahil palagi na lang siyang inuutusan.]
Jimboy: ​Ang laki-laki na si Juan dapat siya na ang mag hugas nito. Noon sa ganyang edad, marunong na ako maghugas ng mga plato eh. Hay.
[Didilim at maghahanda na para sa susundo na eksena.]
SCENE 2
EKSENA​: ​Sila Jimboy, Juan, at Ophelia ay nasa hapag kainan, kumakain ng hapunan.
[Papasok mula sa kanang entablado sina Jimboy, Juan at Ophelia. Uupo sa lamesa at mistulang patapos kumain. Bubuksan ang ilaw.]
Juan: ​Ma, mauna na po ako, may gagawin pa po akong assignment para sa Sibika namin.
Ophelia: ​Sige anak, mag ingat ka.
[Aalis si Juan sa hapag-kainan, lalabas sa kaliwang entablado.]
Jimboy:​ Ako din ma, may tatapusin kami ng grupo namin na dapat namin ipasa bukas.
[Aalis na sana ngunit pipigilan si Jimboy ng kanyang ina.]
Ophelia: ​Unahin mo muna ang pag hugas ng mga pinggan. Tutal, maliit lang naman ‘yan.
[Nagbuntong-hininga si Jimboy.]
Jimboy: ​Pero ‘Mang, ako ang nag hugas kagabi ah, at nung isang gabi at sa nakaraan pa. Pwede si Juan na lang ‘Mang?
Ophelia: ​Aba, sumasagot kana saiyong nanay-nanay, ha?​ ​Ba’t hindi mo kayang gawin yan? Akala ko masunurin kang bata?
[Makikita ang naghalong inis at galit ni Jimboy sa sumbat ng kanyang ina. Siya ay magdadabog. Ihahampas ang kamay sa lamesa at sisigaw. Magugulat si Ophelia sa reaksyon ni Jimboy.]
Jimboy: ​BWISIT. BWISIT TALAGA ANG BUHAY NA ‘TO!
[Hinampas ni Jimboy ang kanyang kamay sa lamesa ng malakas dahil sa inis. Nagulat si Ophelia sa pagbuga ng galit ng kanyang anak.]
Ophelia: ​Jimboy, ayusin mo yang ugali mo! [Ginambala ni Jimboy si Ophelia.]
Jimboy: ​Mamang. Pagod na ako, PAGOD NA PAGOD! Palagi niyo na lang bang kukunsintihin si Juan na walang ginagawa sa bahay? Na kulang na lang ay yaya na ang itawag mo sakin, dahil ako nalang lagi ang gumagawa ng lahat ng mga gawain dito?! Aba! Ah! Hindi pwede yan, dapat din silang magtrabaho!
[Ang tinig ni Jimboy ay malaya sa lahat ng pag-asa dahil sa pagbago.]
Jimboy: ​Hindi ako ang panganay pero gumaganap sa lahat ang mga responsabilidad ng isang panganay. Pero hindi pwede ako nalang palagi, ‘Ma. Napapagod ako, naiinis na ako. Hindi naman mahirap kumuha ng yaya ‘no? Kaya, kung pwede lang, pagbigyan mo naman ako ng kaunting pahinga.
[Makikita ang lungkot sa mukha ni Ophelia dahil sa inilahad ni Jimboy na galit at saloobin. Tatayo at lalapit siya kay Jimboy at ilalagay niya ang kanyang kamay sa kanang balikat ni Jimboy.]
Ophelia: ​Anak, pagpasensyahan mo na lang ang iyong mga kapatid. Pasensya na dahil hindi ko alam na iyan ang nararamdaman mo dahil samin ng tatay mo. Gawin mo na lamang ang dapat mong gawin at ako na lang ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin. Okay ba?
[​Tatango si Jimboy bilang sagot.]
Jimboy: ​Pasensya na at nasigawan kita, ‘Mang.
Ophelia: ​Dapat ako ang humingi ng patawad sa ’yo dahil sinabihan kitang matigas ang ulo.
[Tatapikin ni Ophelia ang balikat ni Jimboy bilang senyales na may gagawin pa siya.]
Ophelia: ​Diba may gagawin ka? Sige na.
[Tumayo si Jimboy sa inupuan niya at lumabas sa harap kainan.]
Jimboy: ​Magpahangin lang ako mamang, ha.
[Si Jimboy ay aalis sa entablado pa-kaliwa.] [Didilim at maghahanda sa pagbabago ng eksena, aalis si Ophelia sa entablado pakanan.]
SCENE 3
EKSENA: ​Magugulat si Jimboy sa pagbabalik ng kanyang ama matapos niyang lumabas ng bahay upanng magpahangin. Una niyang mapapansin ang mga maleta sa sahig ng mga sala. Lalapitan niya ang isa’t isa. Sa kabilang bahagi ng entablado, nagbabatian at kamustahan sina Hector at Ophelia.
[Bubukas ang ilaw. ​Papasok sina Ophelia and Hector mula sa kanan ng entablado.]
[Papasok si Jimboy mula sa kaliwa.]
Jimboy: ​Saan galing ‘to?
[May maririnig si Jimboy galing sa kusina na boses ng isang lalaki.
Lalapit siya sa pintuan papunta sa kusina at sisilip sa loob, makikinigsapinag-uusapansapangulo—​ e​ste,angamaniyaatni Ophelia.]
Ophelia:  Gabing-gabi na, Hector, ha? Dumeretso ka pa agad dito pagkatapos ng SONA mo. Hindi ka ba napapagod?
Hector: Kaya nga naparito ako dahil kahit pangulo ako ng munting bansa ay kailangan ko rin magpahinga. Ay oo pala, may dala ako para sa ‘yo.
[Bubuhatin ni Hector ang mabigat na maleta at ilalagay niya sa lamesa. Bubuksan niya ito at ipapakita kay Ophelia ang lamang mga bareta ng ginto.
[Kapwa ikakagulat nina Ophelia at Jimboy ang makikita.]
Jimboy: ​(pabulong na gulat)​ I​-i-imposible!
Ophelia: ​Ano ba ‘yan Hector. Wag na, wag na. Sobra na ata yan. Kahit
presidente ka, hindi ibig sabihin nagbibigay ka ng ganyan.
[Susubukan isara ni Ophelia ang maleta at itutulak pabalik kay Hector pero pipigilan siya nito. Magpupumilit si Hector tanggapin ni Ophelia ang ginto.]
Hector: ​Ophelia...
Ophelia: ​Huwag na nga sabi eh. Mas kailangan pa ng mga pasyente 'to. Diba 'yon ang sinabi mo sa SONA, maunat na natin ang kurbada ng pandemya.
Hector: ​Pero, Ophelia...
Ophelia: ​Hector, may panaderya naman ako, hindi ko kailangan yan Hector.
[Muling ipipilit ni Hector na tanggapin ni Ophelia ang ginto at mabilis na iibahin ni Hector ang usapan.]
Hector: ​Tama na. May malaki akong utang na loob sa ‘yo sa pagaalaga kay Jimboy. Kaya malaking salamat talaga Ophelia. Ito ang tanging paraan na na makabawi ako sayo. Ginawa mo ang dapat gawin bilang magulang niya. Ay nga pala, kamusta naman si Jimboy sa pamamahay nito?
Ophelia: ​Ayos naman siya. Ngunit, kanina lang naglabas siya ng galit dahil sa kanya nalang lagi napupunta ang mga gawaing bahay. Alam ko, gusto mo maging independent si Jimboy sa immersion na ito para hindi siya mag mukhang laki sa layaw. Pero parang nasobrahan ko yata. Tinuturi ko si Jimboy bilang totoo kong anak, kaya nababalisa ako na nagalit siya dahil sa akin.
Hector: ​Ayun na nga. Pero sabagay okay lang yon basta alam niya ang mga ganitong bagay. Kaya maraming salamat talaga Ophelia. Kaya sa iyo na ito.
[Mahinang tinulak ni Hector ang maleta patungo kay Ophelia ngunit tumanggi siya.]
Ophelia: ​Walang anuman Hector pero hindi na kailangan.
Hector:​ Sige na. Hindi naman ‘to para kay Jimboy, pero para sa ‘yo at kay Juan din. Nasa pandemya tayo at alam ko kailangan mo ‘yan.
[Bumuntong hininga si Ophelia at kinuha ang maleta.]
Ophelia: ​Sige nalang. Ang kulit mo kase eh. Ngayon, ano ang plano mo para kay Jimboy?
Hector:​ Kung matapos niya ang senior high dito, kukunin ko siya at titira siya sa Malacañang kasama ko. At sa Maynila siya magtatapos ng kolehiyo.
[​Didilim ang entablado.]
[Matitira ang ilaw kay Jimboy na siya namang titingin sa manonood.]
Jimboy:​ Hindi ninyo inaasahang pangulo ng Pilipinas ang tatay ko, ‘no? Ako din. Kahit tuwing nagkikita kami ay hindi pa rin ako makapaniwala na kilalang-kilala siya sa buong mundo. Baka kaya ito ang dahilan kung bakit ako nandito at naghuhugas ng mga plat, ‘no?
[​Didilim ang ilaw at lalabas si Jimboy ng entablado.]
-WAKAS-
0 notes
filigroupfive-blog · 5 years ago
Text
09.12.2019
Noong ika-20 dantaong Pilipinas, ang panitikan ay mas nakatuon sa suliraning pulitikal at panlipunan. Sapagkat ang mga ideolohiya ng nasyonalismo at liberalismo ay nanatili hanggang sa Panahon ng Kolonyalismong Amerikano, ang pananatili ng mga ito ay marahil bunga ng kalayaang hindi tunay na natamo ng mga Pilipino mula sa mga banyaga. Mas dumali ang pagpapalaganap ng mga ideyang ito dahil sa pagluwag ng mga regulasyon ng pamahalaan sa paglilimbag ng dyaryo kumpara sa pamahalaang Kastila. Sa kasalukuyan, nananatili pa rin ang diwang makabayan ng mga mamamayan ngunit hindi na umaabot sa punto ng pagrerebelde sa pamahalaan; bagkus iminumungkahi ng mga makabagong aktibista na maaaring mahalin ang bansa nang hindi minamahal ang pamahalaan. Ang kaisipang ito ay matutunghayan sa akdang "Pearl". Isinasalamin nito ang reyalidad na marami ang nakakakita ng kawalan ng hustisya ngunit hindi umaaksyon laban dito - ang mulat ay tikom dahil sa takot. Isang kontemporaryong isyu na ipinapakita ng akdang ito ay ang isyu sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Ang panooring "Kung Pwede Lang" ay mas tiyak na halimbawa ng karanasang "mulat ngunit tikom," sa konteksto ng relasyong guro-estudyante sa makabagong panahon. Ang Twitterserye ay maaaring akalain na isang bagong anyo ng panitikan dahil sa paggamit nito ng SMS, tweets, at memes. Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang ganitong uri ng panitikan ay umusbong noong panahon pa ng Kastila bilang isang nobelang epistolaryo. Kaugnay nito, ipinapakita ng isang hayag sa ADMU Freedom Wall na ang isang akda ay maaaring maipamahagi nang dagli sa publiko; hindi katulad ng simula ng ika-20 dantaon kung saan kinakailangan pang humingi ng pahintulot sa pamahalaan upang mailimbag ang isang akda. Ang daloy ng impormasyon ay hindi lamang galing sa iisang tao, bagkus nagkakaroon ng palitan ng kuro-kuro at diskurso sa pamamagitan ng pagbigay ng komento, pag-like, at pag-share. Ang dagli naman na "Ang Akda, May-akda, at ang Mambabasa" ay nagpapakita ng pagiging malikhain ng panitikan sa kasalukuyang panahon. Hindi ito nakakulong sa isang lupon ng alituntunin na dapat sundin sa paglikha ng akda sapagkat nakaayon sa may-akda at mambabasa kung ano ang maaaring ituring na panitikan. Sa kasalukuyang panahon na mabilis ang pagtakbo ng lahat ng bagay at pinaliligiran ng mga taong limitado na ang atensyon, nakakatuwang isipin na patuloy pa ring tinatangkilik ang literatura. Naipapakita nito na hindi limitado ang panitikan base sa mga pahina ng libro o mga minuto sa isang dula, ngunit ang makapagsasabi lamang ng limitasyon nito ang imahinasyon mismo ng tao. Hangga’t mayroong lugar kung saan dumadaloy ang imahinasyon ng tao, palaging makakahanap ng paraan ang panitikan upang umangkop at dumaan sa panibago nitong dadaluyan.
1 note · View note
johnhenduks · 5 years ago
Text
Eskapo mula sa Hawlang Binuo Mo
Matatandaang ang huling blog na aking isinalaysay sa platapormang ito ay tumatalakay sa iba't-ibang mga diskusyon hinggil sa depinisyon, gamit at mga salik na pumapaloob sa blog. Kaugnay nito'y inilarawan ko rin kung paanong ang tsanel na ito ay nagiging daan rin upang maihatid sa mga mambabasa o publiko ang mga pananaw, opinyon at saloobin ng indibidwal na kritiko sa isang partikular na isyu o paksa. Sa blog na ito, ilalatag ko ang mga katotohanang dapat nating malaman ukol naman sa mga pagpapahalaga, kahulugan, pinagmulan at gamit ng dula at pelikulang Pilipino sa kasalukuyang panahon at paano nito namamanipula ang isip at pananaw ng mga manonood batay sa mga imahe, bidyo at dayalogong tumutukoy sa isang tema o usapin.
Ang mga sumusunod ay bibigyan ko ng diin at kaukulang pagpapaliwanag upang mabatid ng ating mga dunong ang totoo sa likod ng kinaaaliwan ng masa - ang katotohanan sa loob at labas ng mga sinehan.
Una, ang konteksto na maganda ang maputi ay isang ideyang nagpapakita ng estetikong kolonyal o pamantayan ng ganda ng mga Pilipino ay isinilang sa pamamagitan ng ilang mga dulan dinumog at tinangkilik noonh panahon ng pananakop ng mga Kastila at mga Amerikano. Hindi lingid sa ating mga kaalaman na ang mga karaniwang bida sa mga palabas, sa telebisyon man o takilya ay mga indibidwalna repleksyon ng makinis na kutis, kaaya-ayang mga mata, eleganteng tindig at postura at maging ng kanilang awra o personalidad. Kapansin-pansin na ang mga katangiang ito ay hindi ang iskematikong paglalarawan sa hitsura ng isang Pilipino. Kumbaga, mga dayuhang perspektibo ito na maganda ang maputi, na hanggang sa kasalukuyan ay nababanggit pa rin ng ilan. Kung titingnan, hindi ito payak na ideya lamang sapagkat ang istilo ng ganitong pagtingin ay tila bahagi na din ng mapanghusgang lipunan na nagmimistulang rehas sa mga indibidwal na salungat ang kaanyuan sa nakasanayan na kadalasan nga ay gumaganap na lamang bilang mga katulong, utusan, mga karakter na inaapi at mukha ng komedya o katatawanan.
Ikalawa, ang pananaw na maganda ang may palabas ay anak din ng pelikulang dayuhan at kano. Bilang mga Pilipino, tumatak na sa atin at kapansin-pansin rin na ating tinatangkilik at marubdob na sinusuportahan ang mga drama o palabas na may temang iyakan, hiwalayan, agawan ng asawa, labanan at paghihiganti. Ang hindi natin nabibigyang-pansin ay ang katotohanan na bunsod ng mga ganitong palabas, tila baga madali na lang sa atin ang tumawa sa mga palabas na nagpapakita ng komedya o paglilibang. Matapos nating matunghayan ang mga palabas na may bahid ng katatawanan, tila kumakawala na tayo kaagad sa hawla ng reyalidad ng buhay kaya nagiging madali na lang din para sa atin na humalakhak sa gitna ng trahedya, poot at mga suliranin. Dahil ipinakita sa atin ng mga panooring ito na ginhawa ang lagi nating patutunguhan, nababawasan na ang mentalidad natin na humanap ng mga alternatibo at konkretong solusyon sa ating mga sigalot bagkus at hinihintay na lamang na magbukas ang panibagong araw ng pag-asa kuno, na idinikdik sa atin ng mga pelikula. Oo, mabuti at lukratibo ang optimistikong lagay sa mga oras ng paghihikahos subalit baka dumating na lamang na maestatwa na tayo sa ganitong predikamento, naghihintay ng inaasam na "happy ending" sa gitna ng mapanghamong mundo.
Bukod pa rito, tila simbolo na ng kagandahan ng isang palabas para sa mga Pilipino tuwing ang isang karakter, partikular na ang bida ay naaapi. Tingnan na lamang ang mga kontemporaryong drama sa ngayon. Isang halimbawa ay ang edisyon ng Wildflower, kung saan si Ivy na pinagbibidahan noon ni Maja Salvador ay ipinapakita kung paano ito nakaranas ng maraming pang-aapi mula sa pamilya at iba pang antagonistang karakter sa palabas. Bagaman siya ang bida, tila pinahirapan na lamang siya ng pinaharapan sa habang umuusad ang teleseryeng ito. Ngunit, kagaya ng inaasahan, ika nga, nagpapaapi muna ng bida sa umpisa at saka naman ito babangon sa huli upang gumanti. Tumpak, ito nga ang naging pagtatapos ng naturang drama. Subalit, sa totoo lamang, gaya ng ikalawang konsepto na naipabatid ko sa itaas, dahil sa mga ganitong sirkumstansya, ang resulta ay ang pagkakaroon natin ng mala-pelikulang pag-aakala na sa lahat ng oras ay laging ayos lamang ang maapi at maagrabyado sapagkat laging may bagong pag-asa sa bawat pagsikat ng araw. Gaya ng aking idinidiin, nakukulong tayo sa ganitong bista at napapawi na ang reyalidad na ating nararanasan. Ayokong maging kontrabida sa'yo, subalit, sa istoryang ikaw ang bida, hindi naman tiyak ang mga pangyayaring ating patutunguhan kaya huwag ituring na pelikula ang buhay at magsimulang gumising sa mahimbing na panaginip na ang naaapi ay laging bumabangon sa huli. Maging totoo.
Ang ikaapat at huling birtud na nais kong ibahagi ay ang konsepto ng pelikula at mga panoorin na ang lahat ng mga nangyayari sa likod ng mga iskrin at sinehan ay maaaring mangyari din sa ating buhay. Hindi masama at hindi mali na madiligan tayo ng ganitong karunungan, subalit kapag hinayaan nating lumago ito sa ating sistema, may malaking probabilidad na umabot na sa punto ng pagkasagad na tayo ay maging eskapista o yaong pagiging palatakas sa reyalidad at katotohanang ating kinasasadlakan. Isang punto lamang mga kaibigan. Hindi tayo nito bibigyan ng solusyon bagkus ay hahayaan lamang nito na ang suliranin ay kusang mawala. Isang pangyayari na nagdadala lamang sa atin ng alangang pag-aakala sa mga bagay-bagay. Kung aliw at paglilibang ang ipinapakita ng mga dula at palabas, huwag nating hayaang makulong na lamang tayo dito. Huwag nating takasan ang totoo habang pinaniniwalaan ang ginagampanan ng ating mga idolo sa pelikulang Pilipino.
Tumblr media
Ang ating mga mata ay indikasyon ng kakayahan nating makita ang kabalintunaan sa ating lipunan. Hatid ng mga pelikula ang aliw, aral at mga reyalisasyon na dapat umugnay sa ating pagtingin sa perspektiba sa buhay. Huwag maging bulag para sa pelikulang hatid ay bitag sa pag-aakalang ayos lamang ang maapi, maputi lamang ang maganda, maganda ang may palabas at ang pagtakas sa daigdig. Hindi ito totoo. Huwag maging hipokrito.
Larawan ay kuha mula sa: https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcSx2uqzMYGBEPxr4ioh_pvD4StsxreNu2Nk1PZbde4uCh_kgwt3
1 note · View note
fili12group5-blog · 6 years ago
Text
Tungkol sa Batch ‘81 at AKO: Isang Pagsusuri
Tumblr media
Ang Batch ‘81 ay isang pelikulang isinagawa noong 1982. Ginawa ito sa ilalim ng talyer ng MVP Pictures. Si Mike de Leon ang tagapangasiwa ng paggawa ng pelikula na ito at sina Clodualdo del Mundo Jr., Raquel Villavicencio, at Mike de Leon naman ang gumawa ng manuskrito nito. Ang mga gumanap ay sina Mark Gil bilang Sid Lucero, Ward Luarca bilang Pacoy Ledesma, Noel Trinidad bilang Santi Santillan, Ricky Sandico bilang Ronnie Roxas, Jr., Rod Leido bilang Arnulfo "Arni" Enriquez, Dodo Cabasal bilang Pete Magtibay, at Edwin Reyes bilang Ding Quintos (“Batch ‘81”).
Sa kabilang dako, ang Alpha Kappa Omega o AKO naman ay isang adaptasyon ng Batch ‘81 na isinagawa sa 2019 sa pamantasan ng Atene o de Manila. Si Guelan Varela-Luarca ang nagsulat ng manuskrito nito. Ang mga gumanap ay sina John Sanchez bilang Sid Lucero, Earvin Estioco bilang Arni Enriquez, Ron Capinding bilang Santi Santillan, Nico Nepomuceno bilang Ronnie Roxas, Jr., Ymo Escurel at si Cholo Ledesma bilang Pacoy Ledesma (depende sa petsa ng dula), at si Ram Catan bilang Ding Magtibay (Lastscoop).
May mga tauhan at eksena na pinakita sa AKO ngunit hindi pinakita sa Batch ‘81. Pinakitang may kasintahan si Vince. Pinakita ang eksena ng pagbibigay-ligaya ni Pacoy sa sarili niya. Pinakita ang pagkain ni Santi ng cup noodles, at pinakitang may suot siyang digital na relo. Pinakita ang paggamit ng iPhone upang tumawag at kumuha ng mga litrato. Pinakita ang eksena ni Ding na nagbibigay ng kulambo at bentilador sa kanyang master. Pinakita ang pagtatalo nina Santi Santillan at Ma’am Casuso; walang tauhang nagngangalang Ma’am Casuso sa Batch ‘81. Pinakita ang pagsisisi ni Santi sa pagsali sa fraternity.
May mga tauhan at eksena sa AKO na binago. Walang Ding Magtibay sa Batch ‘81; sa pelikula, Quintos ang apelyido ni Ding at Pete ang pangalan ng tauhan na may apelyidong Magtibay. Pinalitan ang mga kagamitang panteknolohiya na ginamit sa AKO, sapagkat inilaan ito para sa kontemporanyong manonood. Sa Batch ‘81, nasa video tape ang iskandalo ni Pacoy. Sa AKO, nasa Facebook Live na ang iskandalo ni Pacoy. Pinalitan rin ang estilo ng buhok at pamamaraan ng pananamit ng mga tauhan mula sa AKO, at pareho ang dahilan nito sa pagpalit ng kagamitang panteknolohiya: ginawa ito para sa kontemporanyong manonood. Sa Batch ‘81, uso ang mahahabang gupit at bigote sa mga lalaki. Makakapal ang mga gupit nila. Sa mga babae naman, uso ang buhok na dumaan muna sa hair roller. Makakapal ang mga buhok nila. Hindi na tanyag ang mga ito sa mga lalaki at babae na gumanap sa AKO. Mas maikli na ang mga buhok ng mga lalaki at wala silang mga bigote (kung mayroon man, hindi ito makakapal tulad sa Batch ‘81). Sa mga babae naman, makina na ang nagbibigay-estilo sa buhok nila. Sa pangkalahatan, mas halata ang pagkakaiba ng mga estilo ng buhok nila. Pinalitan ang pagsagawa ng mga fraternity ng battle of the bands sa Batch ‘81 sa pagsagawa ng mga fraternity ng parodya ng Miss Universe sa AKO.
Nasa punto de bista ni Sid Lucero ang Batch ‘81. Dito, pinagtuunan ng pansin ang mga pangyayari sa loob ng fraternity. Pinakita sa pelikula na ang pagiging bahagi ng fraternity ang basehan ng pagtatagumpay ng mga tauhan.
Sa kabilang banda, nasa punto de bista ni Santi Santillan ang AKO. Sa AKO, pinagtuunan ng pansin ang mga epekto ng pagsali ng fraternity. Pinakita ng dula na hindi nasusukat ng pagpasok sa fraternity ang tagumpay. Inilantad ng dula ang mga suliraning panlipunan ng Pilipinas sa kasalukuyan, tulad ng paggiit ng mga Intsik ng kanilang kapangyarihan sa Pilipinas.
Naging matagumpay ang AKO sa pagpapakita ng lipunan sa kasalukuyan. Sa ngayon, laganap pa rin ang hazing sa mga fraternity. Isang halimbawa ang hazing na naganap sa Pamantasan ng Santo Tomas (UST) na nagdulot ng pagkamatay ng isang mag-aaral dito. Nagpaalam si Atyo, ang nasabing mag-aaral, sa kanyang mga magulang na magpapagabi siya sa UST para sa pagbibigay-pugay sa isang fraternity. Sa susunod na araw, nalaman ng mga magulang na si Atyo na dinala ang kanilang anak sa ospital. Sumugod sila upang makita nila ang anak nila, ngunit huli na ang lahat. Nabalitaan nila na punumpuno ng gasgas at candle wax ang katawan ni Atyo (Arcangel & Jiao, 2017). Dahil may mga insidenteng ganito sa kasalukuyan, importante ang pagsasadula na ginawa ng AKO. Nagsisilbi itong paalala ng mga kasamaang naidudulot ng fraternity. Hindi lamang ito pahamak sa buhay ng isang mag-aaral. Sinisira din nito ang relasyon ng isang indibidwal sa kanyang mga mahal sa buhay. Halimbawa nito ang pagsawalang-bahala ni Sid kay Arni at ang paghiwalay niya sa kasintahan niya, para sa fraternity. Pinagpalit ni Sid sa fraternity ang kanyang mga mahal sa buhay. Ipinakita din ng AKO ang pagkawala ng dangal na dulot ng pagsali sa fraternity. Sinunod ng mga neophytes ang mga utos ng mga master, kahit na labag na ito sa kanilang moralidad. Sa proseso, wala nang pagkakakilalanlan ang mga neophytes, dahil hinayaan nilang umikot ang mga mundo nila sa fraternity.
SANGGUNIAN
Arcangel, Xianne, and Claire Jiao. “UST Law Student Dead after Alleged  Hazing.” CNN, nine.cnnphilippines.com/news/2017/09/18/UST-Law-                    hazing-Horacio-Tomas-Castillo-III.html. 
“Batch '81.” ‎Letterboxd, letterboxd.com/film/batch-81/crew/.
Lastscoop. “NEWS: ‘AKO: ALPHA KAPPA OMEGA’ - TANGHALANG ATENEO    BRINGS MIKE DE LEON'S BATCH 81 TO THE STAGE ON MARCH 20              – APRIL 13.” The Jellicle Blog, 8 Mar. 2019, www.                                                jellicleblog.com/2019/03/news-ako-alpha-kappa-omega-tanghalang-ateneo-brings-mike-de-leons-batch-81-to-the-stage-on-march-20-april-13/.
“Theater Treats 2019: Ako: Alpha Kappa Omega By Tanghalang Ateneo .”          Spil.ph, 20 Mar. 2019, spil.ph/information/2019/03/20/theater-treats-                    2019-ako-alpha-kappa-omega-by-tanghalang-ateneo-march-20-april-13-              rizal-mini-theater-ateneo-de-manila-loyola-heights-qc/.
1 note · View note
arabellarinoa · 2 years ago
Text
Review Filipino
Tumblr media
MODULE 4
dokyu-film ->pelikulang aktwal at paktuwal na naglalahad ng mga impormasyon at katotohanan maikling kuwento ->ay isang maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari Tauhan ->Likha ng manunulat ang kaniyang mga tauhan. Tagpuan o Panahon -> iba’t ibang lugar, sa iba’t ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari. Saglit na kasiglahan ->Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan. Suliranin o Tunggalian ->paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kaniya Kasukdulan ->Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan
Kakalasan ->Ito ang kinalabasan ng paglalaban Wakas ->nalalaman ang kinahinatnan ng mga pangyayari kung malungkot o masaya ang nangyari sa tauhan KWENTO NG MODULE 4 SANDAANG DAMIT ANG REYNANG MATAPAT
Tumblr media
MODULE 5 pang-ugnay ->ginagamit upang maragdagan, mag-iisa-isa, at mag-ugnay ng mga impormasyon, pangyayari o kaisipan sa pangungusap. Pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga ->sapagkat, pagkat, dahil, dahilan sa, palibhasa, at kasi, naging kaya, kaya naman, dahil dito, bunga nito, tuloy at iba pa. Pang-ugnay na ginagamit sa panghihikayat ->totoo, oo, mabuti, at sigurado hindi, ngunit, subalit, bagaman, at iba pa Pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin ->Sa palagay ko, hinuha ko, kapag, pag, kung gayon, sana, basta, at iba pa editoryal ->pahayagang nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-kuro ng editor o patnugot tungkol sa isang isyu.
PANGATNIG NA PAMUKOD ->ginagamit kung nais itangi ang isang bagay o kaisipan sa iba pang kasama nito sa pangungusap. Ilan sa mga halimbawa nito ay o, ni, man at maging. PANGATNIG NA PANDAGDAG ->Nagsasaad ng pagpuno o pagdaragdag ng impormasyon. Ilan sa mga halimbawa nito ay at, pati, at saka. PANGATNIG NA PANANHI ->ginagamit sa pangangatwiran, pagsagot sa tanong na bakit, at pagbibigay ng dahilan o sanhi ng isang pangyayari. Karaniwang ginagamit sa uring ito ang mga salitang dahil, sapagkat, kasi, palibhasa, mangyari, at gawa. PANGATNIG NA PANLINAW ->ginagamit sa pagbibigay-linaw o diin sa ideya o kaisipan ng pangungusap.  Madalas ginagamit ang mga salitang samakatuwid, kaya, at kung gayon sa uring ito. PANGATNIG NA PANALUNGAT ->ginagamit kung nagsasalungat ang mga ideya o kaisipan sa pangungusap. Ang mga halimbawa nito ay ngunit, subalit, datapwat, habang, kahit, bagaman, at samantala.
PANG-UKOL ->ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita sa salita, parirala sa parirala, sugnay sa kapwa sugnay, o ng isipan sa isa pang kaisipan. ->ni/nina, sa ,kay/kina, ukol sa/kay, laban sa/kay ,tungkol sa/kay,  ayon sa/kay, dahil sa/kay, para sa/kay, hinggil sa/kay, alinsunod sa/kay PANG-ANGKOP ->-Ito ay binubuo ng katagangkaraniwangikinakabitsamgasalitaupangmabuo ang kahulugannito.  Ito ay nahahatisadalawa: -ng/g at na. ->madilim na gabi  ->pangulong makatuwiran ->madaliang gawain
Tumblr media
MODULE 6 Datu ->tawag sa pinuno ng Mindanao Rajah ->nangangahulugang hari Assalamo Allaikum ->sumainyo ang kapayapaan Allaikum Assalam ->sumainyo rin ang kapayapaan Allahu Akbar ->Si Allah ay dakila DATU MATU Pag-Islam ->kahalintulad ng pagbibinyag ng mga Kristiyano. adzan ->sa bata na ipinanganak siyang Muslim Allah ->ang kinikilala nilang Diyos penggunting o pegubad ->pitong araw pagkapanganak ng sanggol Pag-Islam ->pito hanggang sampung taong gulang. Sunnah ->para sa mga babae ->alisin ang dumi sa kanilang pag-aari. DULA ->pampanitikang panggagaya sa buhay BILANG MATERYAL ->aspeto ng istorya nito kasama ng iskrip BILANG TEATRO ->pinag-aaralan mga bagay sa labas ng dula URI NG DULA KOMEDYA ->katawa-tawa ->nagtatagumpay sa wakas TRAHEDYA ->mabigat ->nakakasama ng loob MELODRAMA O SOAP OPERA ->sadyang nakakalungkot ang tema TRAGIKOMEDYA ->katatawanan at kasawian PARSA ->puro tawanan ->walang saysay ang kuwento PARODYA ->ginagaya ang mga kakatwang kilos PANTANGHALAN ->Ipinalabas sa stage o tanghalan ->aktwal na pagarte ->Banghay,Tauhan,Dayalogo,Tanghalan PAMPELIKULA ->Paglilipat lamang sa ibang anyo at midyum ->Banghay,Tagpuan,Tauhan,Dayalogo, ->Sinematograpiya,Editing,Special effects,Musika SINEMATOGRIPIYA ->komposition ng kuha ->kabuuan ng pelikulang ginawa EDITING ->Pagtatagpi-tagpi ng eksena SPECIAL EFFECTS ->teknik upang makalikha ng ilusyon
Tumblr media
1 note · View note
exgorevfortheater · 3 years ago
Text
Apat na Outstanding Plays sa “DILAAB” Theatre Festival ng UP Dulaang Laboratoryo at Bakit Kailangan Niyo Panoorin ang Buong Festival
Tumblr media
Ang UP Dulaang Laboratoryo ay nagbukas ng isa na namang matagumpay na virtual theatre festival na may pamagat na "DILAAB".
   Ngayong Hulyo isang koleksyon ng mga dula ang hinanda ng mga student-directors sa patnubay ni Prop. Dexter Santos sa kanyang Directing class. Hindi matigil ang excitement ng theatre-goers sa kung anumang handa ng mga bagong direktor ngayong buwan sa patuloy na pagbago at pag-unlad ng online stagings.
   Sixteen na bagong dula ang kanilang handa para sa "DILAAB" theatre festival, hindi pa kasali ang mga Directing finals na piniling hindi ipalabas sa publiko sa halip ay sa private showing na lang.
Hindi na namin patatagalin pa, kami sa EXGO REV ay napanood ang buong festival at mayroon kaming apat na dulang pinili, hand-picked na katangi-tanging mga kwento na gusto naming ipamahagi sa inyo, at na tumutulong sa pag-define ng online stagings ngayong 2021.
Pababa ang bilang namin from favorite to most favorite.
   Ang mga dulang napili sa listahang ito ay hindi batay sa dami ng views ng palabas o kung gaano kasikat ang orihinal na pagsulat. Ito ay batay sa cleverness pati creativity ng storytelling pagdating sa direksyon. Hindi ibig-sabihin na hindi maganda ang marami pang palabas sa festival, ito lamang ang paborito namin.
Tumblr media
4. "Cancerous Kang Carrot Ka!" Sa direksyon ni Karla Alagbate
Magsisimula tayo sa ‘purest form’ ng paglikha ng isang online play. Sa dulang sulat ni Dr. Joem Antonio gamit na gamit ang style ng side-by-side Zoom staging, ngunit sa atake ng direktor para bang ginawang parte na rin sa cast of characters ang konsepto ng paggamit ng split-screen. Nakakapanibago ito sa manonood.
    Mahusay din ang performances ng mga aktor at talagang natutulungan nila ang script at konsepto. Hindi namin iso-spoil ang dula pero nai-embrace talaga nila ang absurdity sa kwento. Pagpugay sa kung gaano kaplanado itong dula mula rehearsals hanggang post-production, kitang-kita ang husay sa final product. Mas magiging memorable itong pyesa sa isip ng manonood dahil sa staging na ito.
Tumblr media
3. "Sa Lilim" Sa direksyon ni CJ Correa
Kapag ang ‘purest form’ ng virtual play ay ang paggamit ng Zoom frames, ang susunod na dula naman ito’y gumagamit ng greenscreen, animations, actors on-set atsaka isang malaking team para mabuo ang produksyon.
   "Sa Lilim" ni Reya May Laplana ay isa sa mga dulang paulit-ulit nang ginagawa sa Directing classes at Directing Finals sa maraming kolehiyo, at kung kami'y magiging pranka ay hindi mataas ang expectation namin dito bago pumasok. Pero doon kami nagkakamali dahil napakahusay ng ginawa ng buong team para sa produksyon. Nabigyang-buhay nila ang orihinal na script sa kanilang bersyon!
   Sa tingin namin ay sa halo ng pagiging virtual ng mga tanghalan ngayon pati limitasyon ng pagkita ng mga tao sa gitna ng pandemya ay naging kahanga-hanga na tagumpay ang ginawa ng team sa pagbuo ng dula. Dito mo mararamdamang hindi nabawi ang salitang ‘full production play’ sa online theatre. Pagpugay.
Tumblr media
2. "What Walter Wants?" Sa direksyon ni BJ Jose
Sa natitirang dalawang dula dito sa listahan, umabot na tayo sa mga pyesang mahusay pagdating sa konsepto. Ang “What Walter Wants?” sulat ni Dean Jantzen L. Chua ay isa na namang pyesa na matalino ang paggamit ng split screens at Zoom frames para magkwento, sa paraan ng pagiging security-camera view ng bawat camera at pagiiba-iba ng anggulo. Isa itong tamang halimbawa ng paggamit ng konsepto para mabigyang-diin ang kwento ng isang dula at bukod pa doon ang kahulugan ng kwento. Kagaya ng mga karakter sa dula relevant din ang kwento in parallel sa pagiging chaotic ng mundo at mga tao ngayon. Gaya din sa dula nakatutok tayo sa maraming screens kagaya ng paggamit nila ng TV monitors sa konsepto, atsaka agawan tayo ng boses sa microphone kagaya ng bawat status update natin sa social media sites.
 Madami pang easter-eggs ang mahahanap niyo sa dula at iniimbita namin kayong panoorin ito dahil nakakatuwa rin siya at nakakagaang ng loob po.
     Dalang-dala ang play ng energy ng actors, kasama na ang napakagandang set design at video editing saka direksyon. Ramdam na ramdam mo ang koneksyon ng mga aktor sa isa't-isa, na para talaga silang nasa iisang kwarto…PO.
Tumblr media
1. “Si Nelson, Si Nanay at ang Pancit Canton” sa direksyon ni Bea Abelinde
Mahirap isalin ang pyesang ito sa entablado lalo na kapag hindi mo hustong maintindihan ang malalalim na salita ni Prop. Vlad Gonzales sa script. Kaya katuwatuwa na tagumpay si Mx. Abelinde sa direksyon niya sa adaptasyon ng dula.
    Magbubukas ang play na parang regular na online play lang, mayroong mag-ina sa isang kwarto na nagku-kwentuhan. Pero habang lumalalim ang mga salita ni Vlad Gonzales sa sulat lumalalim din ang direksyon at mga ibig-sabihin ng mga eksenang likha ni Mx. Abelinde. Mga estudyanteng nakabasa na ng orihinal na script nito ay tiyak na magugulat at mamamangha sa mapapanood nila dahil ang layo subali't ang lapit din ng adaptasyong ginawa ng direktor sa orihinal na pyesa.
    Sa bersyon ni Bea Abelinde mas lalong lalawak pa ang kaalaman ng mambabasa tungkol sa kwento kumpara sa una nilang basa. Kakaiba rin talaga ang nilikha ng manunulat. Pagpugay!
"Si Nelson, Si Nanay at ang Pancit Canton" ay kwento tungkol sa alaala, mga multo, at pagsisisi...at least dito sa bersyon ni Mx. Bea Abelinde.
Ano ang representasyon niyo sa dula? At kung hindi niyo pa napapanood, imbitado kayong panoorin pa ang dula sa Facebook page ng UP Dulaang Laboratoryo.
    Panoorin natin at suportahan ang lahat ng dula sa theatre festival na "DILAAB"!
 Honorable mentions/Recommendations:
“Ang Huling Lektyur ni Misis Reyes” sa direksyon ni Jaime Monserrat
“Kinaumagahan” sa direksyon ni Emerald Dar Juan
“Ang Mga Bisita ni Jean” sa direksyon ni Maria Pauline Vengano
 Mayron ba kayong napanood na "DILAAB" play na hindi namin nasali sa listahan? Kwento niyo saamin sa comments section!
I-Like ang UP Dulaang Laboratoryo page pati ang EXGO REV!
https://www.facebook.com/updulaanglab
#virtualplay #stagedplay #oneactplay #filipinoplay #exgorev #quaranteatro #dilaab #updulaanglaboratoryo #theatrefestival #festival #theater
0 notes
letranget01 · 4 years ago
Text
Ang Panitikan Noon At Ngayon
           Ikaw ba ay naguguluhan o nasasaktan kaya naman pumarito ka para maghanap ng mapagkakaabalahan? O baka naman may hatid kang aral sa mga mahihilig magbasa riyan. Minsan ganiyan talaga ang buhay kailangan nating madapa upang makagawa ng akda na maaaring magbigay ng kasiyahan o kaya naman ng kalungkutan sa’yo at sa mga magbabasa nang mga gawa mo. Subalit para yatang napaka-dali na lamang gumawa ng paksa sa panahon ngayon na para bang ang bawat salita ay bigla na lamang umusbong ng walang dahilan at ang palitan ng bawat letra ay maipapasa kung kani-kanino man ng wala manlang katuturan. 
           Minsan mapapaisip ka na lamang kung ang dahilan ba nito ay ang patuloy na paglago ng kaalaman ng tao sa paglipas ng panahon o hindi lamang nila alam ang kagamitan nito? Ngunit kung nakaabot ka sa pagbabasa hanggang sa puntong ito ay hindi ka na dapat mag-alala sapagkat ang mga sumusunod ay naglalaman ng mga salitang magbibigay ng kahulugan sa bawat pagtipa mo.
           Sa tanang ng buhay mo nakagawa ka na ba ng tula, maikling-kwento, nobela, talambuhay o sanaysay o kaya naman nakanood ka na ng dula-dulaan, balita, o talumpati? Sapagkat ang mga nasabing salita ay isa sa mga halimbawa ng tinatawag na Panitikan na nanggaling sa salitang-ugat na “TITIK”, na dinagdagan ng panlaping “pang- at -an”. Ito ay tinatawag din na Literatura na nanggaling sa salitang latin na “Litera”, na nangangahulugan ay “Titik”. 
           Subalit sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay siya namang paglago ng kaalaman ng tao pagdating sa Panatikan na kung ang dati ay makikita mo ito sa aklat, dyaryo at magasin, ngayon naman ay maaari mo na rin itong ipahayag gamit ang pagbigkas ng mga salita kung kanino man sa kahit anong okasyon o lugar na may isang hangarin na makapaghatid ng aral.
           Ang kahalagahan nito sa tao ay hindi nasusukat sa kahit anong mamahaling bagay na nabibili kung saan man dahil ang pag-aaral ng Panitikan ay katulad ng pag-aaral ng damdamin ng isang tao, hindi ito kumplikado. Sa bawat letra ay nakabubuo ka ng grupo ng mga salita na nagkakaroon ng buhay batay sa kung anong damdamin ang gusto mong iparating at aral na gusto mong iiwan dahil ang Panitikan ay parang isang kasaysayan ito ay matututunan lamang kung sa bawat pagtipa ng bawat letra ay alam ng isang manunulat ang dahilan ng kaniyang pagsulat.
0 notes
proserpoet · 5 years ago
Text
Mga Hinuha mula sa CNF Manual ni Jing Hidalgo
Tumblr media
Mga Hinuha mula sa CNF Manual ni Jing Hidalgo
Mayaman pala sa Crwative Nonfiction o CNF ang Pinas. Maraming mahuhusay na manunulat nito. Kabilang dito ang witty at ekspiremental na manunulat na si Jessica Zafra at ang danas ng pagiging bahagi ng LGBTQ+ ni Danton Remoto. Maging mga maituturing na haligi ng pagkatha ng mga kuwento at tula katulad nina Krip Yuson at Sir Jimmy Abad. At mga Pambansang Alagad ng Sining na sina Resil Mojares at ang maituturing na ‘master’ ng pagsulat ng CNF na si Nick Joaquin.
Interesting din pala ito. Inaakala ko na para lamang ito sa “C-N-F” kasi nga di ko pa arok ang lalim ng genreng ito. Sa isip ko, isang tiyak na genre siya na iba sa ibang genre. Ibang katangian at kasanayan ang dapat taglayin ng manunulat ng CNF. Subalit, ngayon nabuksan ang isip ko sa napakaraming realisasyon tungkol dito (Kahit alas-2 ng umaga na!). Ang CNF ay kumakatawan sa danas na batay sa katotohanan at inangkla sa pawang mga kaganapang may kinalaman sa buhay ng isang tao. Hindi ito bunga ng malikot na isipan na kung anik-anik na lamang ang maisip upang makakuha ng atensyon.
Batid ko na ang mga natutuhan ko sa aklat ni Hidalgo ay  magagamit hindi lamang sa pagsusulat ng sariling danas, sapagkat maging sa pagtuturo ng dyornalismo—tanging lathalain at pangulong tudling, ito’y aking magagamit.
Gamit na gamit ko rin ito sa pagpapasulat ng mga kung ano-anong materyal sa aking mga mag-aaral na sa klase. Bilang guro ng wika at panitikan, mahalaga ang mga input na nakuha sa manwal dahil pinalawak pa nito ang mga bagay na sa tingin ko ay ikinahon ng mga katulad kong guro na nakakulong sa tradisyonal, boring at nakakaunsyami na pagsulat.  Dapat isaisip ko bilang guro ang tamang balance pagtuturo ng wila bilang whole language approach sa phonic instruction.
At maging sa sariling mga sulat na hanggang sa ngayon ay hinahanap ko pa rin ang aking sarili sa gitna ng paglalaro ko sa mga salita.
Dito sa nasabing aklat, natuklasan ko kung sino ang higit na naka-impluwensya sa pamamaraan ng aking pagsulat. Ito ay pawang mahuhusay na mga manunulat sa kontemporaneong panahon. Matatawag kong kabilang sila sa postmodernismong manunulat. Habang binabasa ko ang manwal, pumasok sa aking isipan sina Joi Barrios at mga feministang paksa na tinatalakay sa kanyang mga tula, maikling kuwento at dula. Sina Ricky Lee at Suzette Doctolero na pawang na sa pelikula at telebisyon. Naaaliw ako sa tuwing pinapasok nila ang mga bagay na hindi mo lubos maisip na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ganoon din si Bob Ong na tila, kulang ang pagiging college student mo kung hindi ka nakahawak ng isang Bob Ong na aklat.
Magaling silang maglaro sa bawat isinusulat. Napapatawa nila ako sa kanilang mga akda subalit hindi naisasantabi ang pag-aalsa o di kaya ay pagpuna sa kasalukuyang nangyayari sa bansa. Ganito ang klase ng writer ang gusto kong maging. Na kahit na nalalasing na sa mga salita at pahayag tungkol sa pag-ibig ngunit nagagawa pa ring pag-usapan ang mga kulotan sa parlor ni Aling Mariah at Beyonce. Na kahit habang pinapanday ang papataas na eksena ay nagagawa pa ring murahin si Duque at sa kabagalan ng kanyang pagkilos at pagiging selective ng testing ng mga nagkakasakit dahil sa ‘nyemas na COVID-19.
Makalang beses nabanggit ni Hidalgo sa kanyang aklat si Lee Gutkind hinggil sa pinaka-diwa ng CNF. Inilahad nito na ang CNF ay isang fiksyon na prosa subalit taglay ang mga estratehiya at mga Teknik ng isang fiksyon.  Ibig sabihin, kahit na mag-anyo pa itong ‘kathang-isip’ dapat hindi ililigaw ang mambabasa sa katotohanan na nakasandig sa akyurasi at pagkapit sa tunay at totoo. Dagdag din nito, ang susing-salita ng CNF ay personal dahil ipinapakita niya ang bahagi ng mundo batay sa anggulong ninanais niyang pagtuunan.
Nahahati ang aklat sa dalawang bahagi: una, mga estratehiya ng CNF at ikalawa, mga uri ng CNF.
Sa anomang uri ng pagsusulat, mahalaga na malawak ang kaalaman ng manunulat. Sa lawak ng kaalaman, masisilip ang sustansya ng mga binabasa ng manunulat. Mahihita rin ang pagkakaroon ng sensibilidad nito sa batis ng kaalamang binubuo. Ibig sabihin, hindi ka magtatagumpay sa pagsusulat kung hindi malawak ang danas ng manunulat sa kanyang mga binasa. Marupok ang kanyang mga hinuha na magiging sanhi upang kwestiyonin ang kredibilidad at lohikal na basehan ng isinulat. Kaya, mahalaga na bago sumuong sa pagsulat, dapat pumili ng paksa ng pagtutuunan na may sapat na materyal. Kinakailangan ding kilalanin ng manunulat ang aasahang mambabasa sa kanyang isinulat sapagkat masasayang lamang ito kung hindi batid ng manuulat kung para kanino ang kanyang isinusulat. Marami kasing impormasyon at di puwedeng solohing ilahad. Higit sa lahat kailangang marunong manaliksik ang isang manunulat.
Tandaan, mahalang susing salita ang access at immersion upang ang isang manunulat ay makapagsulat. Hindi sapat na may kabatiran lamang sa paksa ang isang manunulat, dapat naipapakita rin nito kung naong anggulo ang nais ipabatid na makapagbigay-alam sa mambabasa. Ayon nga kay Gutkind,
While a traditional journalist is a reporter, committed to the facts behind a person, place or situation, rather than to the insight or rationale behind the facts, the essayist—the writer of creative nonfiction—must be a thinker, a critic, a social commentator (92). “Light” writing does not mean superficial writing (mababaw). Lightness refers to the treatment of the material, the style of presentation. Serious ideas need not to be presented in ponderous, pompous, or dull prose.
Sa totoo lang, napakatalino ng pagkakalahad ni Hidalgo. Madaling ma-arok at busog sa mga halimbawang teksto. Take note, manwal pa lang ito. Hindi pa ito ang aktuwal na Reader. Hindi rin mahirap intindihin ang mga salita. Sa katulad ko na Filipino ang wikang ginagamit sa pagsusulat, mabilis kong naintindihan. Mga mga aklat kasi na pawang highfalutin ang mga salitang ginagamit sa pagsulat. Nakaka-antok na iyon.
Dapat unang isaalang-alang ng manunulat ang dulog sa kanyang isusulat. Tinutukoy nito kung paano hahawakan ng manunulat ang paksa batay sa anggulong titingnan. Maaaring obhetibo o kaya ay subhetibo ang dulog na ito. Dahil kapag ikaw ay nagsusulat, hindi mo mauubos lahat ng anggulong nakapalibot sa paksa kaya mahalaga na alam ng manunulat kung ano ang pagtutuunan. Halimbawa na lamang ang usaping may kinalaman sa COVID-19. Mga posibilidad na anggulong pagtuunan ang tungkol sa sakit, paano nata-transmit sa tao. Maaari ring pagtuunan ang kilos na ginawa ng DOH upang agarang matugunan ito, ang panawagan na manatili sa tahanan, ang hirap ng mga healthworkers at iba pang frontliners sa kumakalat na pandemic. Maaari ring bigyang-diin ang estado ng ekonomiya ng bansa dulot ng mga ipinatutupad na enhanced community quarantine. Maaari ring bigyang-hugis ang iba’t ibang danas ng mga Pinoy sa panahon ng ECQ.
Samantalang nag punto de bista ay may kinalaman sa perspektiba. Sa mga manunulat ng CNF, ginagamit ang una at ikatlong panauhano di naman kaya ay gumagamit ng unang panauhan subalit hindi nakatuon sa nagsasalaysay kaya umaakto ito bilang ikalawang panauhan.
Ang tono ayon sa pagkakaunawa ko sa paliwanag ni Hidalgo ay msy kinalaman sa salitang piniling gamit ng manunulat. Kaugnay nito, ang tono sa panitikan ay pagwawangis mula sa boses ng tao bagkus, may kinalaman ito sa ugali ng manunulat sa kanyang paksa. Ang pagpili ng dulog, perspektiba o pananaw at tono ay mahalaga upang mabatid kung ano ang isasama sa loob ng salaysay at kung paano ito ilalahad. Sa huli, ito ang tutulong upang makabuo ng kahulugan sa isinulat.
Napapaoob naman sa boses ang kaugnayan nito sa tono, na may kaugnayan din sa estilo na mahirap ipaliwanag. Ayon nga kay Hidalgo, ang personal na estilo ay marka ng personalidad sa kanyang akda; bagkus sa panitikan, ang estilo ay ang paraan ng manunulat sa paggamit ng wika. Ito ay bunga ng iba’t ibang Sali—kasarian, antas, aklat, pelikula, mtv at iba pang kasangkot sa kalikasang ginagalawan ng manunulat.
Tinutukoy ng boses ang kalidad ng teksto—ang mga salitang ginamit, haba ng pangungusap, paggamit ng imahen, pagwawangis, alusyon at iba pa—na nagbubutyag sa isang tiyak na personalidad, isang tiyak na ugali.
Binuksan ni Hidalgo ang aking pag-iisip sa iba’t ibang paraan upang mapa-unlad ang estruktura ng aking pagsusulat. Kung dati, nakakahon ako sa tatlong pinakapalasak na gamiting paraan, dito muli ipinakilala ni Jing ang iba pang paraan na maaaring gamiting epektibo sa pagsusulat.
Katulad sa isang fiksyon, mahala ang organisasyon sa CNF. Ayon nga kay Jacobi (qtd in Hidalgo 48),
The right structure will take you where you need to go. Someone likened the magazine article to a moving van, a conveyance with much room to hold things which nevertheless has to be packed just right. A conveyance with a place to go and a reason to get there. Structuring means packing properly and heading the article in the right direction.
Ang mga uri ng organisasyon na maaaring gamitin ay ang kronolohikal na estruktura, paliwanag-sa-proseso na estruktura, pagbabaliktanaw na estruktura, kaagapay na estruktura, collage o mosaic na estruktura, talaarawan o log book na estruktura, tanong-at-sagot na estruktura at frame- kuwento-sa-loob-ng-kuwento.
Nagbigay rin ng mga paalala si Jing kung paano simulan ang isusulat na salaysay o sanaysay. Sa pamagat pa lamang, kinakailangan na magkaroon ng ‘working title��� upang magkaroon ng pokus sa isinusulat. Kinakailangang nakakatawag-pansin, hindi mahaba, hindi nakalilito at nakapagbibigay agad ng ideya sa mambabasa.
Samantala, sa unang talata o simula ng isinusulat, kinakailangang ito ay nakakukuha ng atensyon, nagbibigay hint sa pag-uusapan, at inihahanda ang tono, pakiramdam at gabay ng mambabasa sa mga susunod. Lead ang tawag nito sa dyornalismo. Susi sa CNF ang dramatikong pagsulat na kung saan nangangahulugang kilos.
Maraming paraan ang maaaring gamitin sa pagsulat ng panimulang talata na may kilos: paglalarawan, paglilista, striking na statement, in media res, konteksto at panipi o quotation.
Marahil narinig niyo na rin ang paggamit ng retorikal na teknik o pamamaraan. Madalas tinutukoy ito bilang metodo ng pag-unlad o retorikal na kagamitan. Madalas na gamitin ay ang pagbibigay-definisyon, paghahambing sa pagkakatulad at pagkakaiba, sanhi at bunga, paghahalimbawa at ilustrasyon, klasifikasyon, pag-iisa-isao enumerasyon o cataloguing, at analohiya.
Sa maniwala kayo’t sa hindi, may tauhan din pa lang kasangkot sa CNF. Sapagkat ang lahat ng salaysay ay tungkol sa tao subalit ang kaibahan nga lang sa tauhan sa isang fiksyon at CNF ay invented o likha ang tauhan sa isang fiskyon samantalang sa CNF ay ito nga talaga. Gayunman, ang kagamitan ginagamit ng mga CNF writer sa ‘paglikha’ pagdebelop o kaya ay pagbunyag ng mga tauhan at katulad sa isang fiskyonista: tuwirang paglalarawan, kilos at tugon, opinyon ng ibang tauhan, diyalogo at iba pa.
Maaaring gamitin ang sumusunod sa pagbuo ng karakter o tauhan: character in action, paglalarawan batay sa pisikal na katangian, rekonstruksiyon ng paksa batay sa espesyal na tagpuan o ambiance, paglalahad mula sa mata ng ibang tao, diyalogo o monologo, at idiosyncratic behavior.
Kailangan ding magkaroon ng kongkreto at nakakapagpapukaw na detalye ang isinusulat na sanaysay o salaysay. Ibig sabihin, nararapat na maging tumpak at informatibo.
Ganoon din sa mga eksena. Napapaloob kasi sa eksposisyon ang pagpukaw sa interes ng mambabasa upang masundan ang galaw at kilos ng paksang pinagtutuunan.  Efektibo ito sapagkat binibigyan niya ng panibagong mukha ang nakauumay na paraan ng paglalahad. Dito papasok ang konsepto ng makabagong dyornalismo.
Kung wakas naman ang pag-uusapan, kinakailangang maiwan sa mambabasa ang tinatawag na sense of satisfaction at sense of completion. Maaaring makikita sa wakas ang tesis ng isinulat, o magtapos sa isang sipi ng tahimik na lyrisismo, dramatic denoument, isang biro o joke, moral lesson, at puntong inilahad sa simula ng sanaysay.
Higit sa lahat, kaakibat ng pagsulat ang matapang at bukas na isipan sa pagrebisa. Ang isinulat ay hindi maituturing na pinal na sapagkat ito ay burador lamang. Mahala ang pagrerebisa kahit na sabihin nating nakababagot balikan ang sa tingin mong tapos na. Karamihan kasi sa atin naniniwala na kapag natapos na ang isang yugto, panahon na upang buksan ang pinabagong kabanata ng ating buhay. Subalit, hindi ito pwedeng mangyari sa pagsulat, kinakailangan ng rebisyon upang maisaayos ang kailangang ayusin. Kabilang sa dapat tandaan ang pag-edit sa gramatika at sintaks, pag-edit sa kalinawan, pag-edit sa kaiksian subalit malaman at pag-edit sa estilo.
Marami-rami rin akong napulot mula sa manwal ni Jing at nalalabi na lamang para sa akin ay ang ayusin ang mga naisulat ko. Muling balikan ang mga nailathala sa tumblr account upang i-edit, at sumulat ng mga artikulo na ginamit ang mga estratehiya at Teknik na binanggit sa aklat.
0 notes
johnochh-blog · 5 years ago
Text
Si Kristo, Ronnie Poe, at iba pang "Idolo": Apat na Pagpapahalaga sa Dula at Pelikulang Pilipino
Hindi ko alam sa inyo pero ako, ayaw ko sa mga pelikulang gawa sa ating bansa. Bakit? Eh ganoon at ganoon din naman ang pinalalabas. Mayroong magandang babae, mayroong gwapong lalaki at magkakaibigan sila. Masaya ang lahat. Ganoon naman lagi. Minsan ay tatapunan ang banghay ng mga engkanto, aswang o kaya naman ay mapapangit ngunit katawatawang mga bakla, pero ganoon pa rin. Sa bayan nga kasi natin ay iisa lang ang klase ng palabas: Mukha, Mukha, Mukha. Mabuti sana kung gandang Pilipino ang pinapakita sa mga manonood pero hindi, puro na lang Kaputian, Kaputian, Kaputian. Magmamayabang na nga lang ay hindi pa ang sarili ang ibinida. Hindi ko sinasabi na pangit ang maputi. Syempre naman hindi, pero hindi lamang iyon ang maganda. Sa tingin ninyo, bakit ba nakapapangasawa ang mga Pilipino ng mga dayuhan kung hindi maganda ang ating lahi? Papatulan ba tayo ng mga Amerikano kung puro pangit at itim lamang ang dumadaloy sa ating dugo? Sa totoo nga lang, maraming mga dayuhan ang nagpupunta dito sa bansa natin para magpaitim lang ng balat. Ang problema lamang talaga ay hindi tayo marunong magpahalaga sa kung anong meron tayo. Malamang ganoon din ang mensahe ni Nicanor Tiongson sa kanyang sanaysay(Si Kristo, Ronnie Poe at iba pang “Idolo”: Apat na Pagpapahalaga sa Dula at Pelikulang Pilipino). Tinalakay niya ang kawalan ng tiwala ng mga Pilipino sa kanilang sarili. Sa katunayan, sa sobrang kawalan natin ng tiwala sa sarili ay naghanap na tayo ng bagong mga santo, bagong mga diyos. At nagkatawan ang mga santong iyon bilang mga Amerikano. Kung pagmamasdan nga natin ang mga pelikulang gawa sa Pilipinas ay tila sila mga alay sa mga mapuputi natin idolo. Una ay maghahanap tayo ng isang maganda o gwapong actor. Syempre dapat maputi siya at kamukha ng ating mga panginoon (tila isa tuloy pambabastos sa doktrinang katoliko na lahat tayo ay ginawa ayon sa imahen ng Diyos). Tapos igagawa natin siya ng pelikula; ng alay. Oo, naghahanap muna tayo ng aktor bago tayo gumawa ng pelikula. Kung papansinin mo, kapag pumipirma ang isang artista ng kontrata sa isang istasyon, hindi ba kadalasang may pangako na tatlo o dalawang pelikula? Hindi ba kakaiba iyon para sa inyo? Pelikula ba dapat muna diba bago aktor? Hindi ba dapat nga meron pang mga “audition” para sa mga aktor? Isa pa siguro ito sa mga rason kung bakit ayaw ko sa mga pelikulang gawa sa Pilipinas: lagi na lang ang artista ang nasusunod. Kung gusto ni Bea Alonzo ng pelikula, gawaan natin siya! Kung may iba pa diyang mestiso, gawaan din natin siya! Madalas natin itong maoobserbahan sa Metro Manila Film Fest. Samantalang sa ibang bansa ay nagkukumahog pa ang mga aktor at aktres para makakuha ng papel sa palabas. Nakakapanghinayang na ang nagpapatakbo ng industriya na iyon ay ang magaganda, ang mapuputi, ang mga imahen ng Kano. Nakakapanghinayang na puro na lang gawa sa Pilipinas ang mga palabas natin dito. Kakarampot lang ang mga gawa ng Pilipinas. Kung may pag-asa man ang pelikulang Pilipino, naroon iyon sa mga indie films, mga palabas na hindi pera ang nagpapatakbo. Alam kasi nila kung ano ang patutunguhan ng kwento. Alam nila na tungkol sa, halimbawa, kahirapan o pandaraya sa gobyerno ang pelikula nila. Magaling sila dahil tungkol sa isang bagay ang palabas nila, hindi tungkol sa isang tao; lalong lalo nang hindi tungkol sa ibang tao.
0 notes
betamaax-blog1 · 5 years ago
Text
Alitaptap na Uhaw sa Aliw
Tumblr media
Ang panunuod ng dula ay nakaukit na sa kasaysayan ng masang Pilipino. Nagsimula mamayagpag ang mga sinakulo at sarsuwela sa panahon ng Kastila at mga Amerikano. Sa paglipas ng mahabang panahon, mahilig pa rin ang mga Pilipino sa mga dula, pagtatanghal, komedya at pelikula . Tampok naman nito ang mga istoryang nagpapamalas ng aliw, matinding emosyon at mga iniidolong artista. Ipinapakita rin nito ang kung paano maghirap at magtagumpay ang bida at ang pangit na ugali ng kontra-bida. 
Ngunit sa likod ng tingkad at kurtina  ng ating mga dula, sinasalamin rin nito ang tunay na kalagayan ng ating lipunan. Nakatago sa likod nito ang maputla at walang kulay na buhay ng mga Pilipino. 
Ang pelikulang Hello Love, Goodbye halimbawa ay nagtala ng pinakamalaking kita sa larangan ng pelikulang Pilipino. Tinalo nito ang mga nakatatawang pelikula ni Vice Ganda tuwing Pasko. Sa panahon natin ngayon ng popular na kultura, nagbabago ang puso at hilig ng tao, kaya naman kanya-kanyang kiliti ang mga prodyuser ng mga pelikula upang tangkilikin sila ng mga manunuod. 
Gayunpaman, ang kiliti ng mga Pilipino ay nasa iisang lugar lamang. Ang ating mga pelikula sa pinalakang-tabing ay pare-parehas ng paksa at paulit-ulit nang nagiging katapusan. Ano mang paghihirap ng bida, hindi siya mamamatay kundi magiging matagumpay. Mahuhuli man ang pulis sa oras ng bakbakan, kailan ma'y hindi magwawagi ang kasamaan sa kabutihan. Pinagpapala ng kalangitan ang pusong may sakripisyo at kabaitan. 
Ang pelikula bilang sining ay may kakayahan na humubog sa kamalayan ng karaniwang Pilipino ngunit naging sentro ito ng komersyo, lihis na kaisipan at maling pananaw. Ang kaisipang kanluranin na karaniwang makikita sa mga palabas natin ay kagandahan ng kulay ng balat, mainam ang matangkad at matalino ang tuwid mag-Ingles. Bumuo ito ng kaisipan na tayo'y pangit na lahi at kasalanan ang maging kayumanggi. 
Dulot ng pagkiling sa kanluran, hindi lang teknolohiya nila ang ating hinangaan, tinangkilik din natin ang kanilang mga produkto na dahilan ng maputlang ekonomiya ng lokal na produkto sa Pilipinas. 
Gumawa ang mga palabas ng "normative culture" sa mga Pilipino. Ang kaisipan ng moralidad, gawain at katangian ay nakuha natin sa mga kanluran dulot ng labis na pagkiling sa kanilang kultura na ating nakukuha sa panonood ng kanilang mga palabas. Binibigyan man tayo ng aliw ng mga lokal na pelikula, ang pagtanghod at pagtungo ng masa sa mga ito ay nagdudulot naman ng pangit na sistema na atin na ngayong nakasanayan. 
Gasgas din ang mga resolusyon ng mga palabas na may kwentong naghihikahos ang pamumuhay kaya dapat mag-aral ng mabuti, magtapos ng kolehiyo upang makakuha ng magandang trabaho. Ilang Pilipino na ang nakapagtapos ng pag-aaral ngunit hindi naman lahat umunlad ang kanilang pamumuhay. 
Sasabihin ng mga palabas na ang oportunidad ay nasa ibang bayan, na kahit totoo man ay nangangahulugang may maling sistema sa ating bayan kaya kailangan natin magsakripisyo at manilbihan sa ibang bansa. 
Nagtitiis ang tao sa hirap ng mga suliranin at ginawa nilang paraiso ang mga bagay na nagbibigay sa kanila ng aliw. Pansamantala man ang mga ito, dito nila nakukuha ang kaginhawaan at kapanatagan ng loob sa kabila ng hirap at suliranin na kanilang kinakaharap. 
Naging balakid ang sining ng pelikula sa pagmulat ng masang Pilipino. Nakasanayan na natin ang mga dapat na itinatamang tradisyon at kulturang Pilipino. Sa pagpapakita ng pamumuhay sa mga palabas at pelikula ito'y naging konsepto na sanayan lang, natural at wala na tayong magagawa ang pumipigil sa atin na magalit, magtanong, mangialam at mangatwiran. 
Naalala ko noon ang napanuod kong independent film tungkol sa mga katutubong Ifugao. Ito ay Batad: Sa Paang Palay. Isa itong pelikula na naglahad ng mga tradisyon, kultura at uri ng pamumuhay ng mga magsasakang Ifugao sa hagdan-hagdang palayan. Ang bidang lalaki ay nangangarap na magkaroon ng sapatos. Nagsumikap siya sa iba't-ibang trabaho upang makaipon sa kanyang nais mabili. Hindi man maintindihan ng kaniyang pamilya at kakilala ang pagpupumilit niyang bumili ng sapatos para sa kanya isang hakbang ito upang pumorma sa kaniyang nililigawan na babae. 
Sa dulo ng pelikula, nakabili siya ng sapatos ngunit hindi ito kasukat ng kanyang paa. At nang itinipak niya ito sa palayan ay agad itong nadumihan at naputikan. Natawa siya sa sarili at napagtanto na hindi naman niya talaga kailangan ang sapatos upang manligaw kundi kailangan lang niya ng lakas ng loob na lapitan at kausapin ang babaeng nagugustuhan. Itinabi niya ang sapatos at naglakad ng nakapaa sa pilapil ng sakahan. 
Ang pelikula ay nanalo ng mga parangal at pagkilala ngunit hindi sila tinangkilik ng masa. Hindi tahasang nilahad ng pelikula ang maling kaisipan ng mga Pilipino ngunit malalim man ang hugot nito maiintindihan natin sa bandang dulo ang nais nitong iparating. Hindi mo kailangan ng sapatos upang sumabak at makipasapalaran sa huhay ngunit kailangan mo ng lakas ng loob at paninindigan na kahit nakapaa ka man, mapapatunayan mo ang iyong sarili.
Higit na kailangan ng tao ang kamalayan upang magkaroon na kritikal na pag-iisip sa gayon hindi siya magiging mangmang sa mga bagay at maunawaan niya ang mga sistema sa lipunan na bahagi siya. Ang kamalayan na matutunan niya sa mga akademikong institusyon tulad ng paaralan, mga libro, karanasan at ang kanyang pamilya. 
Ang pelikula, dula, komedya at pagtatanghal ay isang sining na hindi dapat mawala ngunit dapat magpamalas din ng totoong estado ng ating lipunan. Ang mga suliranin ng isang indibidwal, pamilya at ng masa ay higit na dapat ipakita. Kasabay nito ang pagmulat sa sistema ng kultura, ekonomiya at politika sa mga Pilipino. 
Isang panghihikayat sa mga kabilang sa produksiyon ng pelikulang Pilipino na maging matapang sa paglalahad ng kanilang mga ideya at konsepto ng kahirapan, karahasan, kagutuman, kalayaan, pagkakapantay-pantay, hustisya, pangiipit at kwentong makabayan. Hangga't may ticket ng mga palabas na binibili at pinipilihan, mayroong damdamin ng Pilipino na naghihintay magising ang kamalayan.
0 notes