#katatawanan
Explore tagged Tumblr posts
hahatyme · 1 year ago
Text
Tumblr media
pinoy funny meme picture
0 notes
feonaraine · 2 years ago
Text
Vigan: Ang Tahanan Ng Arkitekturang Espanyol
Karamihan sa mga impluwensya ng mga espanyol ay unti unting nang naglalaho sa pagdaan ng panahon. Sa kabila ng kultura at lengguwahe na nanatili sa bansa, marami pa rin ang tila’y kinalimutan na. Isa na rito ang arkitekturang naging prominente sa mga panahong tayo’y sakop pa ng Espanya. Arkitekturang nagpasikat sa bansang Pilipinas, sapagkat ito’y natatangi sa Asya. Kaya naman hindi nakakagulat na napasama sa ‘7 Wonders of the World’ ang Vigan, na aming binisita noong Hunyo 12, 2022.
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: https://www.worktravelshoot.com/2015/09/vigan-heritage-village-quick-look.html
Bilang kabataan na mahilig sa kasaysayan, hindi lamang ng ibang mga bansa, ngunit lalo na ng sariling bansa, isa ang Vigan sa mga lugar na aking nais mapuntahan. Kaya naman laking tuwa ko nang ito ay matupad. Ito ang lahat ng mga pook na aming binisita sa Vigan, Ilocos Sur na aking mairerekomenda sa iba pang nagnanais bumisiti dito.
***
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: http://www.thechroniclesofmariane.com/2016/07/Vigan-Ilocos-Sur-Travel-Guide.html
Sa pagsisimula ng aming paglalakbay, ang unang lokasyon na aming pinuntahan ay ang Vigan Cathedral o mas kilala bilang Metropolitan Cathedral of the Conversion of St. Paul the Apostle is a Roman Catholic Cathedral upang makapagsimba habang kami’y bumibisita sa Vigan. Nakagawian na ng aking pamilya na dumalo ng misa sa mga lokal na simbahan. sa ganitong paraan, nagkakaroon kami ng ideya sa kanilang mga nakasanayang ritwal ng misa.
***
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: https://www.dreamstime.com/landscape-plaza-burgos-vigan-city-ilocos-sur-landscape-plaza-burgos-vigan-city-ilocos-sur-philippines-image238085302
Matapos ang misa, kami'y dumiretso sa Plaza Burgos upang makapag-almusal muna, kasama na rito ang kaunting pamamasyal at pagpapahinga dahil kami'y napagod sa mahabang byahe patungo rito. Ang pangalan nito ay nagmula kay Jose Burgos, isang pari na pinaratangan at pinatay noong panahon ng mg Espanyol. Kaya naman ang plaza na ito ay nagsisilbing pagpapasalamat at pagbibigay galang sa kanya.
***
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: http://philippinesplace.blogspot.com/2010/08/crisologo-museum.html
Matapos ang maikling pagpapahinga sa Plaza Burgos, kami'y nagtungo sa Crisologo Museum; ang tahanan ng mga memorabilia ng kasaysayan. Isa ito sa aking mga paboritong pinuntahan sa Vigan, sapagkat dito ko nakita ang iba't ibang kagamitan na siyang naging parte ng ating kasaysayan.
***
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: https://guidetothephilippines.ph/articles/what-to-experience/best-vigan-restaurants
Kami'y nagtanghalian sa Casa Vicente Restaurant. Dito makikita ang mga putaheng orihinal sa Ilocos Sur lalo na ang kanilang empanada na siyang dinadayo. Ngunit may kamahalan ang mga bilihin kaya para sa mga turistang nagbabadyet, mukhang hindi ito ang para sa inyo.
***
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: https://porkintheroad.blogspot.com/2016/12/the-enduring-heritage-of-burnay-pottery.html
Matapos ang napakasarap na tanghalian, sinubukan namin ang ilang aktibidad sa Vigan, tulad ng pottery sa Pagburnayan Jar Factory. Dito nasubukan ang aming kakayahang pansining. May iilan sa aking mga kasamahan ay nahirapan na ginawang katatawanan ng grupo. Dahil rito, masasabi kong ito ang pinakamasayang gawain na aming ginawa sa Vigan.
***
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: http://www.wolffchronicles.com/2014-2/july-2014/july-11-2014/
Ang huli naming pinuntahan ay ang pinakahihintay ng lahat na Calle Crisologo. Ito ay sikat sa preserbadong arkitekturang Espanyol na siyang dinadayo ng parehong mga Filipino at mga Banyaga. Lubusan akong namangha sa ganda ng mga detaly ng bawat estraktura. Nakakagalak isipin na sa kabila ng mahabang panahon, ang mga establishimento ay nananatili pa rin.
***
Dito nagtatapos ang aking lakbay sanaysay. Ako'y umaasa na kayo ay bumisita sa Vigan, Ilocos Sur upang masaksihan ang ganda ng tahanan ng arkitekturang Espanyol.
6 notes · View notes
c4rl33 · 17 days ago
Text
hirap naman mag open up, nagagawang katatawanan haha
0 notes
melkarlsblog · 1 month ago
Text
Tumblr media
Nag sasaya kami ng mga kaibigan ko dito kasi naka sali kami sa fun run sa Managok national high school at nag enjoy kami kasi may plus point na nag sama sama pakami ng mga kaibigan ko at ka klase higet parun kahit pagod na kami masaya padin kami.
Tumblr media
Masaya kami ng mga ka klase ko kasi tagumpay kami natapos sa aming research sa araling English at nag iwan din kami ng letrato para may alaala kami sa aming mga pinag daanan
Tumblr media
Pumunta ako sa Cagayan de oro para mag bakasyon at naisipan ng mga kaibigan ko na bago ako umuwi sa aming probinsya mag saya muna kami kasi may fiesta sa bayan nila at inaya nila ako at nag saya kami dun ng walang asaran at puro katatawanan lang ang pinag osapan.
1 note · View note
khevingonzales · 1 month ago
Text
Tumblr media
Nagbabalik, Ngayong Taong 2024... Ang Yearly Tradition ng Katatakutan na may Halong Katatawanan! Abangan! Available Worldwide sa Facebook, Youtube, Tiktok at iba pang Official SocMed Accounts ng Energy FM Manila!
0 notes
benefits1986 · 5 months ago
Text
month-end-ish
A lot can happen in a day, a month, a year... and so on. Yes and no and maybe so... Oh, oh, oh.
June 2024 is ending in a bit, and just like that, it's July szn, baby. My friends egged me to drop by a kinda traditional event that made us a solid group since 2011. Syempre as a tamad person who loves to bed rot 'pag in Manila 'pag weekends, I confirmed at the last minute. Buti na lang whole day lang stay namin kasi may important errands pa ako whole day today.
My friends know that I don't like celebrating my birthday and they gave up on trying to surprise me to cheer me up ages ago rin. LELS. They tried naman kaso ako lang talaga ang aburido. Minsan, may pagiyak pa ako while blowing my birthday candle kasi nami-miss ko mom ko. Cringe kasi ang lala ng spiral ko kahit sobrang effort nila. Wala akong maggagawa kasi part 'yun ng naturalesa ko.
Sila rin karamay ko nung June 2012 during my super graphic darkest hours. 'Di nila ako niiwan and sobrang steady ng love language nilang lahat. Lalo 'pag sa hug. HAHAHAHA. May parang sudden stop bago mag-proceed kasi nga sobrang nati-trigger ako talaga simula noon.
Sila 'yung nag-make sure na ang focus ko lang is paano makapagbigay ng memorable last days ng mom ko sa earth. I didn't have to move too much kasi they knew that even when I dress to the nines, 'yung inside out ko, shaking so badly. Never akong naiwan mag-isa and lahat ng logistics, inayos. Sila rin 'yung nag-volunteer mag-praise and worship sa eulogy ni mom. Still one of the best worships in my book dahil kahit 'di ako magaling mag-sing saka mag-lead ng worship, 'yung tiwala nila at tiwala ko sa kanila amidst my trust issues, natawid. 'Di ko kailangang mag-demand kasi alam nila I don't like asking for help. 'Di ko kailangang pilitin kasi sobrang solid ng approach nila. Rektahan. Walang palag pero always respectful sa OA kong space invasion issues.
Syempre, 'di perfect ang group ko na 'to, like me, too. HAHAHAHA. Maraming mga mature and immature conflicts, pero I guess, kasi we know that we agree to disagree. Isa sa mga katatawanan e ang 'di ko pag-sama sa mga galang shala nila. First, wala akong pake. I hate social gatherings lalo parties. HAHAHAHA. Second, I don't like keeping up na limited funds ko. LOL. So, matic.
Lahat ng mga aya sa Fuego, BGC, Makati, Alabang, abroad, Boracay, atbp, ekis. Pero, kahit inaasar nila ako, that also made our dynamics stronger. Kasi, I made sure na 'pag may important matters and events, andun ako kasi gusto ko at alam kong doon ako may silbi kahit paano. In a way, 'pag may issue or concern mga friend groups ko na 'to, isa ako sa mga natatanungan kasi nga napaka unfiltered and deliks ng mga advice and take ko, madalas. 'Di dahil gusto ko, pero ganun talaga ako. HAHAHAHA.
This June 29, sobrang wala akong expectation except for another binge eating sesh kasi nga, overflowing ang food and drinks sa kinda traditional event na 'to that usually falls on a weekend. Syempre, since nga kinda gurangs na kami (at in denial pa rin most of the them) 'yung mga conversations nag-evolve na rin. Let me share tiny non-overheard and overheard convos para ma-freeze natin ang araw na 'to and 'di tayo ma-technical sa forced memory recall. LOL. 1: Mumsh, thanks. Mas feel good na me kasi andito ka. 2: Paano ba naman, sa akin kasi reklamo ng reklamo. Kumalma ka. Kaka-double cleanse mo lang. Sayang naman. Hahahaha. 1: All booked na ba Boracay? 2: Yes. 1: 'Yan kasi. Nag-iba pa ng hotel e kaya naman. 2: Oks lungs. Diyan na kayo, dito kami. See yah! Saka matutuloy naman ang event kahit nasaang lupalop tayo ng napakaliit na isla ng Boracay, 'di ba? Baka kayo pa nga ma-late sa event mismo because..
1: Iba ka na talaga. May driver na. Hahahahaha. 2: Gusto mo, ikaw lang passenger princess? Manigas ka diyan. 1: Doon na lang ako sa unahan uupo. Para feel na feel mong boss na boss ka diyan sa likod. 2: Dito ka sa likod. 'Wag mo kong galitin. Ang aga-aga.
1: Ganda ng Oura ring. 2: Anong spelling nun. 1: O-U-R-A. 2: O-U-R-A? Magkano 'yan? Saka anong sense niyan maliban sa publicly available information? 1: 28K. Sleeping patterns plus madedetect niya if likely ka ma-sick. 2: Awaw. Hahahahah. Shala. Pak. May idea ako! 'Pag may nahanap ka na gusto mo pagpro-pose-an, isama mo sa engagement ring tapos sabihin mo: Will you sleep and not sleep (hehehehe) with until they take our hearts away forever? HAHAHAHAHA. 1: Ay nako. Ang aga-aga. Inaantok pa ako, gigil na gigil ka na naman. Bumili ka na dali. 2: Ayoko. Mahal masyado. Saka, saka na siguro 'pag may epekto na sa'yo. HAHAHAHAHA. Dami mong ebas e. Ayan ka na naman sa techie shitballs mo. HAHAHAHAHAHA. Puro ka track, pero ems naman. Saka isama mo na rin paggamit mo religiously ng CPAP mo para naman 'di inaalikabok sa gedli. Nakakaabala ka e.
1: Crush mo pa rin ba si ____? Kahit may asawa na siya? 2: Hindi. HIHIHIHI. 1: Tara nga! Papicture ka kay ____ with akbay na may feelings. 3: (Wifey calls hubs. Game na game si misis.) 1: Okay. Closer pa. Akbay pa. Hahaha. 3: Ganito siguro feeling ng mga asawa ng basketball players? Buti, mabait and loyal and love na love ako ng asawa ko. 1: Opak. LOL. Super love ko talaga kayong couple kasi ang chill n'yo!
1: So, ano na nga gagawin sa Boracay? Sinong mago-organize? 2: Syempre, si ___. Sino pa ba bilang tambay Boracay naman 'yan doon. 1: Bakit ako? 2: Ikaw na. Para sure na 'di ka na naman tumakas at mag-flake. 1: May imi-meet pa ako kasi doon. 2: Kaya nga, para wala ka ng i-meet na iba. 1: Taccaaaaa.
1: Bakit single pa rin tayo? 2: E kasi 'di n'yo ginagalingan. 1: Ginagalingan ko naman e. Sila lang may ayaw sa akin. 2: Aywaw. Darating din 'yan. Ihanda mo buong lakas at loob mo sa Boracay. HAHAHAHAHA. Ako bahala sa'yo. Ibabala kita sa kanyon. Humanda. 1: Promise? 2: Ako pa ba? Ako pa talaga na enabler mo since Day Zero? 1: Okay. Maghahanda na ako. 2: Send mo sa akin lahat ng OOTD mo. Saka sundin mo lang lahat ng nasa checklist na bibigay ko sa'yo. At masasakop ka na rin ng tuluyan ng mga dayuhan. 1: Sige. Gusto ko 'yan. 1: Kamusta buhay may asawa. 2: Happy. Very happy. Eto nga o. Obvious, tumataba. 1: Ang importante happy and very happy. Anong usual away niyo? 2: 'Yung kaartehan ko saka pagiging basic and practical niya na minsan 'di ko na talaga masakyan. 1: Ah. Oks lang 'yan. Sobrang arte mo naman din kasi. 2: E minsan 'yung pagiging practical niya, sobrang grounded na grounded na e. Buti na lang sa ___ graduate. If sa UP siya graduate, baka namundok na 'yun. 1: WAW. Maka-judge. Tignan mo. Napaka out of touch mo talaga levels ng kaartehan mo.
1: Nakapag-maint meds na ba ang lahat? 2: Yes. 3: Hindi pa. 4: Mamaya na. 5: Bukas na. 1: Okay, smile. Closer. 1, 2, 3. Video 'to a. Kunwari happy kayo at walang mga gout at enlarged liver.
1: O isa-isa lang 'pag bibigay pugay sa love birds of the decade. Walang magtutulakan. 2: Teka, tawagin ko pa 'yung iba. 1: Kailangan nyo ba ng manager? 2: Ikaw talaga! 1: Ganda mo e. 2: I know. Natawid natin. 1: Basta, mag-usap tayo ng shot list mo na need i-practice a. Sa ngalan ng AT wedding ng taon. Sulitin ang bayad at ang venue. 2: Basta a. 'Yung mga shots na gusto ko, ikaw bahala. 1: Oo. Basta rin 'wag mo kong kulitin na awkward poses niyo kasi 'di ako makaksundot ng candid na parang KathDen. HAHAHAHA. 1: Buti nakapunta ka. Tagal mong nawala e. 2: Syempre, work from anywhere na e. 1: O pak. Ikaw na. Dasurv mo 'yan. So, mas madalas ka na namin ulit makikita? 2: Oo naman. See you, December! 1: Bakit December pa? 2: Para namang 'di mo ako kilala 'di ba? Saka magastos kayong kasama. Dami kong babayarin. 1: Happy talaga ako, nakabalik ka na. 2: 'Di mo sure. LOL.
Syempre, mga patawa snippets lang 'to na pawang katotohanan lamang. From parties to pabebe landi and non-landi, career roller coaster, and the works... andito na kaming lahat sa era ng growing old with each other. The grey hair, the slower panunaw, the blurry vision, and all "defy gravity... not" maraming updates na 'di ko na puwedeng i-share because... sa creative non-fiction ko na lang papakawalaan. LOL. Abangan na lang 'pag nasapian tayo ng mood at aburido.
Thank u, universe for this month. Legit na character arc development! Let this month-ender be a legit reminder that choosing purple people and safe spaces are my non-negotiables forever. All for the greater good. All for peace of mind. PS: May nakita na akong isang alternative na kotse. HAHAHAHAHA. Puwedeng pang-camper at 'di mahal ang maint plus parts. And sobrang ganda ng design sa mata ko. LOL. Saka underrated 'yung brand name pero may panalong profile pero syempre sabi ng mga agit sa reddit na 'di ko sure kung kasama ng demolition team, olats daw. LOL. Lagi't lagi naman talaga may masasabi mga tao, pero seryoso. Ang gandaaaaaaa at wala akong pake kasi kahit naman Lexus or Jaguar, may post-purchase dissonance e. (Kahit mismong chixx na may-ari ng isang dealership dito sa Pinas, aminado diyan. So, don't fucking fight me.) Matipid pa sa gas kaso syempre, 'yung laki ng gulong ugh. LELS. Mags are sooooo pak din. Hindi siya pick up pero 'yung camper side niya, as a pet mom, sobrang pakkkkkkakkkkk plus overpacker na may bike na kasama. After nung Ecosport, ngayon lang ulit ako kinilig sa kotse maliban sa pickup a. Baka eto na mag-propel sa akin na seryosohing alamin ano ang left at right saka ano ba gas at break. Clue: Para kang bubundulin netong kotse na 'to. 'Yung design analog-digital Tekken Tag. LOL. Lowdown lang neto sa pick up: Mukha akong legit noona na may bitbit na batang aburido. HAHAHAHAHAHA. Gusto ko ba 'yun? Abangan! PS2: May nakita rin akong seller ng Seiko vintage watches. OWEEEM. Since 'di tayo mayaman ever saka sobrang ganda ng mga Seiko watches, jusq. I KENNNATTT. Abangan! Let's go, July! Tapos December na agad sa ngalan ng buwan. :p
0 notes
dyaryobagwis · 10 months ago
Text
BBM, LIZA ‘LOVE GURU’ SA VALENTINE’S VLOG
Tumblr media
Nagpakilig sa mga netizen ang vlog nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Unang Ginang Marie Louise “Liza” Araneta Marcos na pang-Valentine’s Day ang peg dahil ibinahagi ng mga ito ang kanilang pribadong buhay bilang mag-asawa.
Sa kanyang vlog nitong Linggo (Pebrero 11), naging special guest ni Pangulong Marcos ang Unang Ginang kung saan ay naging mga “love guru” pa sila sa pagbibigay ng payo tungkol sa pag-ibig at sa magandang pagsasama ng isang mag-asawa at pamilya.
Sinagot nila ang random questions mula sa netizens gaya ng kung paano binabalanse ng Pangulo ang kanyang oras bilang isang ama at chief executive ng bansa.
Sabi ni Pangulong Marcos, lagi niyang sinisigurado na may quality time sila ni Gng. Marcos kahit na napaka-busy ng kanilang mga schedule.
“Basta’t whatever the schedule allows, we take full advantage of it,” ayon sa kanya.
Kahit busy nga sila ay mayroon pang “date night” ang First Couple tuwing Miyerkules kung saan ay lumalabas at kumakain sila sa paborito nilang restaurant at nagkukuwentuhan ng katatawanan upang mawala ang stress.
Ikinuwento pa ni Gng. Marcos na nagluluto si Pangulong Marcos sa kanilang bahay kapag may oras ito.
Sa tanong kung ano ang best quality ni Gng. Marcos, sinabi ng Pangulo na maalaga ito sa kanya at sa tatlo nilang anak na sina Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos III, Joseph Simon, at William Vincent.
Para naman kay Gng. Marcos, ipinagmamalaki niya ang Pangulo na isang mabait, matalino at napaka-pasensyosong tao. Sikreto sa pagsasama nila ang sense of humor at hindi hinahayaan na ma-stress sa kunsumisyon.
Payo ng Pangulo na mahalaga ang direct communication sa halip na mag-usap lamang sa telepono.
“Don’t bother with social media when it comes to relationships. Talk to each other face-to-face, hold hands, go have dinner, walk down the beach, do something, but don’t do it digitally,” ayon kay Pangulong Marcos.
0 notes
auspiciousgal · 11 months ago
Text
Nang Mainlab ako kay G. Maclang
~Produkto ng parehong malikot na pag-iisip at totoong pangyayari~
Ako si Maria Evangelista at may sikreto ako. Noong hayskul ako, na-inlab ako sa aking guro. Siya si G. Francisco Maclang. Guro namin siya sa humanidades at agham panlipunan. Noong makilala ko siya, hindi ko maipaliwanag ang pagbabago sa aking pananaw sa mundo. Nabuksan ang aking isipan sa mga bagay na hindi ko napapansin noon. Tulad na lamang ng pag-ibig sa tinubuang lupa at pagkamakabayan. Gradweyt sa Unibersidad ng Pilipinas si G. Maclang sa kursong kasaysayan, Hindi maikakailang matalino siya dahil sa kanyang pinagtapusan. Katalinuhan ang una kong nagustuhan sa kanya. Syempre bilang isang kabataan na wala pang masyadong alam sa mundo, nahumaling ako sa dami ng alam niya. Magaling din siyang magturo. Talagang natututo ako. Sa tuwing may pangkatang gawain, sinisiguro ko na mapapansin niya ako. Hindi ko man siya mapamangha sa mga ideya ko, ang mahalaga tumatak ako sa kanya kahit pa sa katatawanan ‘yan. Hindi ko naman kasi maituturing ang sarili ko na pinakamatalino at pinakamagaling sa klase. Kadalasan nga ay naiinggit ako sa mga kaklase kong babae na kaya makipagsabayan sa kanya sa debate. Dumating din ako sa punto na gusto kong obserbahan at gayahin ang mga galaw at pag-iisip ng mga kaklase kong nakakasabay sa talino ni G. Maclang.
            Isa na sa kanila ang bespren kong si Anita De Jesus. Mas matangkad sakin at di hamak na mas matalino sa akin. Mahusay rin siyang magsulat dahil nahasa na siya noong elementarya pa lamang siya. Kaya hindi na ako nagtaka noong tinanong siya sakin ni G. Maclang. Ganito ang senaryo. Uwian na at umuulan. Kaya naman, nagpapatila ako sa aming klasrum. Naiwan na ako ng mga kaibigan ko dahil may inasikaso pa ako sa iskul pagkatapos ng huling klase namin. May isang saglit na napadaan si G. Maclang nakitang may konting estudyante pa sa klasrum kasama na ako don. Wala siyang dala-dalang payong kaya nabasa ang kanyang uniporme. Kagalang-galang siya kapag nakasuot ng uniporme. Kaya sa loob-loob ko, ano kaya ang itsura niya kapag nakasuot lang siya ng ordinaryong t-shirt? Nasagot ang katanungan na ‘yon noong gabing ‘yon. Nabighani ako sa tangkad at pagiging simple niya kapag naka-puting t-shirt lang. Tinanggal lang niya ang uniporme niya at naiwan ang puting t-shirt na panloob niya.
            May ilang segundo lang ay napansin niyang nakatingin ako sa kanya. Sana hindi niya nahalatang manghang-mangha ako sa tikas at basang istura niya. Noong tumama ang mga mata niya sa mga mata ko, parang may naalala siya bigla. Kaya umakma siyang lalapitan ako para tanungin ako tungkol sa bespren ko.
            “Bb. Evangelista, hindi ba’t malapit mong kaibigan si Bb. De Jesus? Nabasa ko kasi ang mga sanaysay niya sa aking klase at gustung-gusto ko ang pagsusulat niya. Sa tingin mo ba papayag siya kung aanyayahan ko siyang magsulat ng papel ng pananaliksik?” – G. Maclang
            Hindi ko alam bakit nagtatalong kilig at lungkot ang nararamdaman ko nang mga minutong ito. Kaya naman ang naisagot ko na lang ay “Itatanong ko po sa kanya, G. Maclang!”
            Nagpasalamat siya habang tangan-tangan ang basa niyang uniporme. Saktong tumila ang ulan nang matitigan ko siya sa mga mata. Napansin niya ang paghinto ng ulan at dali-daling nagpaalam.
            Habang umuuwi ako noong gabing ‘yon, hindi ko maialis sa isipan ko na nagkaroon ako ng malapitang interaksyon kasama si G. Maclang na sa harap ng klase ko lang noong napagmamasdan. Bago pa ako kiligin ng tuluyan, sumagi sa aking isipan na may ipinangako nga pala ako sa kanya. Tatanungin ko nga pala si Anita kung payag siyang magsulat ng papel na pagtutulungan nila ni G. Maclang. Bigla akong nalungkot sa inggit. Kasi naman ‘tong bespren ko, ginalingan masyado sa mga sanaysay niya sa klase ni G. Maclang.
            Kilala si G. Maclang na nagbibigay talaga ng pagkakataon sa mga estudyante niya na maipamalas ang talino at talento nila sa pagsusulat, pamumuno, at pakikipagtalakayan. Siya ang tagapagtatag at tagapayo ng isang organisasyon na kinabibilangan ko rin sa aming eskwela. Pati ang mga dating estudyante niya sa dating kolehiyong tinuturuan niya ay sinasadya siya sa munting eskwelahan namin para humingi ng payo sa kaniya para sa kanilang tesis. Karamihan sa kanila ay estudyante ng sikolohiya. Mga nakaputing uniporme tulad ng sa mga nars.
            Isa ang sikolohiya sa mga disiplina ng agham panlipunan, kaya itinuturo rin ni G. Maclang ang ibang mga teorya at konseptong nakapaloob dito. Mula kay Freud na kilalang-kilala sa larangan na ito dahil sa kanyang kontrobersiyal na teorya hanggang kay Maslow na may tatsulok na ilustrasyon ng pagkakasunud-sunod ng mga pangangailangan ng isang tao. Kawili-wili kapag inaaral lalo na kapag si G. Maclang ang nagtuturo.
            Sa lahat ng disiplina ng agham panlipunan, kasaysayan ang pinakapaboritong ituro ni G. Maclang sa klase. Kaya mabalik tayo sa imbitasyon niya sa aking bespren na magsulat ng papel. Nalaman na nga ni Anita na gusto siyang magsulat ni G. Maclang patungkol sa kung paano itinuturo sa mga bata ang kasaysayan partikular na ang panahon ng Batas Militar.
            “Hindi ko yata kaya, mga bes! Atsaka hindi ba pedeng iba na lang. Kilala niyo naman ako, mahiyain ako kapag mag-isa lang ako. Bakit di niyo na lang ako samahang dalawa?” – Anita
            Ang dalawang tinutukoy niya ay kaming dalawa ni Jordan Laktaw, ang lalaking bespren namin ni Anita. Nang sabihin ni Anita ‘yon, sa loob-loob ko ay magandang ideya ‘yon dahil makakasama ako sa isang proyekto ni G. Maclang. Habang tumatanggi si Jordan sa suhestiyon ni Anita, kunwaring nag-iisip ako.
            “Sige! Okay lang naman siguro kay G. Maclang kung may isasama ka pang iba sa pagsulat ng papel.”
            Nanlaki ang mga mata ni Jordan na parang di makapaniwala. Hindi naman kasi ako ‘yong tipo ng estudyante na magboboluntaryo para sa isang proyekto. Hangga’t maaari ayaw ko ng dagdag na trabaho bukod sa mga takdang aralin namin.
            Natuwa si Anita sa pagsangayon ko at dali-dali namin sinabi kay G. Maclang ang kundisyon ni Anita kahit hindi pa rin sang-ayon si Jordan dahil wala siyang magagawa. Panalo ang mayordad. Noong araw din na ‘yon pagkatapos ng aming mga klase ay nagsimula na kaming kausapin ni G. Maclang patungkol sa proyekto. Ayon sa kanya, tamang-tama raw ang naging suhestiyon ni Anita na isama kami ni Jordan sa proyekto. Bigla naman akong nabuhayan ng loob na hindi lang si Anita ang pinagkakatiwalaan niyang makasama niya sa pagsusulat ng papel.
            Kahit na hindi ako magaling sa pagsusulat ng papel, ang naging kontribusyon ko sa proyekto ay ang kapal ng mukha at kakayahang mapapayag ang kahit na sinong pakiusapan namin na makapanayam namin. Ako rin ang namamahala sa interbyu at pagsasalin nito sa papel. Madalas na kasama namin si G. Maclang sa tuwing magpupunta kami sa mga eskwelahang napili naming maging parte ng pananaliksik namin. Kasama na ang eskwelahan ko noong elementarya pa lamang ako.
            Sa bawat interbyu at pagsasalin na pinapagawa sa akin, ibinibigay ko ang isang daang porsyento ko para mapabilib si G. Maclang. Para sa kanya, estudyante niya lang ako na napapakinabangan niya para sa isang importanteng proyekto kaya mapagpasalamat siya. Gusto ko naman ‘yon na natutulungan ko siya sa isang bagay na importante sa kanya kahit hindi ako ang pangunahing kontribusyon. Dahil si Anita ‘yon at ang pagsusulat niya.
            Habang nasa kalagitnaan ng proyekto, nagkaroon ng ibang prayoridad si G. Maclang kaya hindi namin natapos ang proyekto. Ang sabi niya lang sa amin ay hindi na namin maitutuloy sa ngayon ang nasimulang proyekto at huwag kaming mag-alala dahil hindi nasayang ang lahat dahil ang mga susunod na hakbang ay ipapagawa niya sa mga estudyante niya sa kolehiyo.
            Noong ibinalita niya ‘yon sa amin, nalungkot ako dahil babalik na naman ako sa pagiging ordinaryong estudyante niya lang sa klasrum. Nagkamali ako dahil itinuring kaming mga kaibigan ni G. Maclang magmula noon. Madalas siyang sumasabay sa amin sa pagkain ng tanghalian sa canteen o sa loob ng klasrum. Natitiyempuhan din namin makasabay sa paglabas ng eskwelahan si G. Maclang at imbes na umuwi kaagad ay inaaya niya kaming magmiryenda sa labas kasama ang iba pa naming mga kaklase.
            Isang tagpo habang kumakain kami sa loob ng klasrum ay ang pagtatangka niyang kumuha ng okra sa ulam kong sinigang. Dahil paborito ko rin ang okra, pinigil ko ang tinidor niya at nagkatinginan kami. Nagpumilit siya pero hindi ako nagpatinag dahil ayaw kong matapos ang tagpo. Pero sumuko siya at ako ang nagwagi. Pinakita ko pa sa kanya kung paano ko ubusin ang lamang okra ng sinigang ko.
            Isang tanghali, habang nagkasabay kami kumain sa canteen, naikwento ni G. Maclang ang tambak ng mga libro sa kwarto niya sa bahay nila. Pangarap daw niyang ibahagi sa mga kabataan ang hilig niya sa pagbabasa ng libro. Kaya dumating siya sa ideya na hakutin paunti-unti ang mga libro niya sa bahay nila para dalhin sa aming eskwelahan. Mas nainlab ako sa bisyon niya bilang guro namin. Kahit ako na hindi mahilig magbasa ay nagawa niyang maimpluwensiyahang magbasa at magbahagi ng mga natutunan ko sa librong binasa ko.
            Dahil suportado ko ang bisyon niya, nagboluntaryo akong ipahiram ang sasakyan ng tatay ko pati ang tatay ko bilang drayber para mahakot lahat ng mga libro niya sa bahay nila. Sa kagustuhan kong mapangiti siya, ginawa ko ‘yon at kasama ang ilang mga kaklase pinuntahan namin ang bahay nila at hinakot ang mga libro. Sa sobrang pagpapasalamat ni G. Maclang sa kabaitan ko sa kanya, noong araw rin na ‘yon ay tinext niya ako sa selpon ko para personal na magpasalamat.
            Simula noon, naging malapit na magkaibigan na kami ng aking gurong si G. Maclang. Nang dahil sa paghanga ko sa kanya at pagsuporta ko sa mga plano niya, unti-unti napalapit ang loob niya sa akin. Nagsasabihan kami ng mga pakikibaka at pangarap namin sa pamamagitan ng pagtetext. Walang kahit na sinuman ang pinagsabihan namin ng aming sikreto.
            Magkaibigan kami nang patago at masaya kami kahit sa maikling panahon dahil pagkatapos ng saya nandyang may lungkot. Hulog na hulog na ang loob ko sa kanya. May mga pagkakataon na gustong-gusto ko nang aminin sa kanya ang aking lihim na pagtingin. Palagi akong pinipigilan ng ideya na baka matuldukan ang masaya naming pagkakaibigan kapag umamin ako. Kaya ilang buwan din ako nakikibaka sa mga nagtatalong emosyon.
            May mga pagkakataon na kailangan kong dumistansya at hindi ako sumasagot kaagad sa mga mensahe niya. Pagkatapos ng ilang araw ay babalik kami sa marubdob na pagpapalitan ng mga kwento at biro sa text.
            Kung dati mas marami ang matataas na emosyon tulad ng kilig at saya, unti-unting dumadami ang mabababang emosyon tulad ng lungkot at pagkabigo habang tumatagal na hindi ko nasasabi ang tunay kong nararamdaman sa kanya. ...ipagpapatuloy pa...
0 notes
jomjon · 1 year ago
Text
5/7/2022
Mga Gunita ng Kasaysayan sa Kasalukuyan
Nalalabi na ang mga araw bago ang halalan. Tuwing sasapit ito noon ay halos wala naman akong pakialam. Subalit ngayong taon ay ibang-iba. Habang papalapit ito nang papalapit, tumitindi ang kaba at pagkabalisa. Ngunit nangingibabaw pa rin ang pag-asa sa kabila ng pangamba. Nanalangin na sana’y sa huli manaig ang saya. Saya nang dahil sa kabila ng lantarang pagpapakalat ng kasinungalingan, nananaig pa rin ang katotohanang pilit nilang tinatakpan at pinapalitan.
Teknolohiya ang daan upang linlangin ang ating mga kababayan. Subalit teknolohiya rin ang sagot para hindi mabiktima ng mga kasinungalingan. Isang pindot lang maaaring mabago ang ating pananaw. Nasa sa atin na kung magiging responsable tayong mamamayan.
Nakalulungkot ang patuloy na pagsasawalang bahala ng ilan. Na tila ba’y para sa kanila ang halalan ay isa lamang katatawanan. Hindi siniseryoso at aniya pa ng ilan, isang araw lang iyan na magdaraan. Ngunit sana’y bago pa ito dumating man lang, mapagtanto nila na ang isang araw na daraan ay maaaring magpabago sa takbo ng buhay nating mga mamamayan.
Matapos mapatalsik ang pinunong diktador kasama ang kaniyang pamilya mula sa palasyo ng Malacañan, tila nagbabadya ang muli nilang pagbabalik.
Labis na nakababahala. Punong-puno ng pangamba.
Tila ba tuluyan na ngang napalitan at natakpan ang tunay na kasaysayan. Nakababahala na sa kabila ng mga katotohanang itinuro ng nakaran, para bang mas pinipili ng ilan na makalimot at maniwala sa kasinungalingan.
“Hustisya!” Sigaw ng mga biktima ng karahasan.
Subalit iyong mga nakaranas ng marahas ay hindi lamang ang mga biktima. Dahil hindi ibig sabihin na hindi nakaranas ng karahasan ay ‘di na napagsamantalahan. Tulad ng labis na kahirapan, may mga nagsisikap subalit patuloy na napagkakaitan. Mayroon namang kahit hindi magsumikap ay pinapaboran. Dito pa lamang kita mo na ang kaibahan. Ito pa lamang, masasabi mo na tunay ngang may inhustisya sa ating lipunan.
Ito rin ay walang edad na pinipili, dahil kahit ang mga musmos na hindi pa isinisilang ay marami na agad na nag-aabang na utang. Utang na inutang para sana sa ikauunlad ng bayan, ngunit napunta sa bulsa ng mga ganid na nasa kapangyarihan.
Ika nga ng mga loyalista, kung tunay na maysala bakit daw ba hindi pagbayarin ng kasalanan.
Hindi ba’t mas dapat pa nga tayong maalarma? Ibig sabihan lamang ay masyado silang makapangyarihan, dahil sa kabila ng mga kasalanang napatunyan na, ay hindi pa rin sila maipasok sa piitan.
Nakababahala rin iyong mga napatunayang maysala na sila pang naihahalal. Nakalulungkot man subalit ang labis yatang kabaitan ng mga Pilipino ay patuloy na pinagsasamantalahan. Ngunit mabait nga bang talaga o mamang lamang? Dahil kung tunay na may alam kahit siguro gaano kabait ay hindi pahihintulutan.
Poot, galit, at sakit.
Mga emosyong nais na sanang ibaon sa limot subalit ang paghingi ng kapatawaran ay pilit pa rin nilang ipinagdadamot.
Kaya sa araw ng halalan, ang aking mga kahilingan: Sana ay mangibabaw ang katotohanan. Sana’y matapos na ang mga kasinungalingan. Ika nga ni Gat Jose Rizal, nawa’y makamtan na nga natin ang rosas na kinabukasan. Magsilbi pa rin sanang aral ang mga gunita ng madilim na kasaysayan upang hindi na ito maranasan pa sa kasalukuyan.
0 notes
kentfiliblog · 1 year ago
Text
Dr. Stone: Paggamit ng siyentipikong kaalaman upang muling itayo ang sibilisasyon
“Yeah, that is truly rational. It’s rational, but not at all thrilling. If we can’t support all seven billion people, then we’ll just have to find a way to do so, with those seven billion people. That’s the way of science.” -Dr. Stone, Chapter 80
Tumblr media
Isang serye ng manga ang Dr. Stone na isinulat ni Riichiro Inagaki at isinalarawan ni Boichi. Tumakbo ang serye mula ika-6 ng Marso, 2017 hanggang ika-6 ng Marso, 2022, na may kabuuang 26 na mga volume at 232 na kabanata.
Pumapatungkol ang Dr. Stone sa isang mundo kung saan hinaharap ng sangkatauhan ang isang walang kapararakanang krisis: isang pandaigdigang pangyayaring petripikasyon na ginagawang mga batong estatwa ang bawat tao sa mundo. Nakatuon ang kuwento kay Senku Ishigami, isang napakatalinong estudyanteng nasa paaralang sekundarya na nagising 3700 taon na ang nakalipas matapos ang pangyayari upang makita ang kanyang sarili sa isang mundong binawi ng kalikasan. Nahikayat ng kanyang matibay na pagmamahal sa siyensiya at nais na muling buhayin ang sibilisasyon, nagsimula siyang maghanap upang palayain ang tao mula sa sumpa ng bato at muling itayo ang lipunan mula sa simula.
Nagustuhan ko sa Dr. Stone ang pamamaraang marunong itong pagsamahin ang mga konsepto ng siyensiya sa nakakapigil-hiningang pagkukuwento. Sinusuri nito ang mga komplikadong ideya ng siyensiya sa paraang nakakaaliw at edukatibo. Nakakahawa ang sigasig ng mga karakter sa pagdiskubre at paglutas ng mga problema, na nagpapabuti sa bawat kabanata patungo sa isang masayang paglalakbay sa mundo ng pagiging malikhain at paggawa ng mga imbensyon. Bukod dito, nagdaragdag ng lalim at kakayahang makaka-relate sa mga karakter ang kakayahan ng manga na haluan ng katatawanan, aksyon, at mga sandaling tunay sa emosyon, na ginagawang hindi lamang nakaka-eksaytado kundi pati na rin may lalim at kahalagahan ang kanilang pagsisikap na muling itayo ang sibilisasyon.
Nagtutugma ang pagbibigay-diin ng manga sa halaga ng kaalaman sa kasalukuyang pandaigdigang larawan, kung saan ginagamit ang mga pag-unlad sa siyensiya bilang kasangkapan sa pagtugon ng mga mahahalagang isyu. Sa isang mabilis na nagbabagong mundo na kinakaharap ang mga alalahanin sa kalikasan, krisis sa kalusugan, at rebolusyon sa teknolohiya, nagpapahalaga ang mensahe ng manga sa pangangailangan ng pagsusumikap sa siyensiya para sa ikabubuti ng lipunan. Higit pa rito, lubos na umaalingawngaw ang mga etikal na pagsasaalang-alang na itinataas nito hinggil sa mga makabagong siyentipiko sa kasalukuyang lipunan na mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya. Nananatiling mahalagang mga usapin ang etikal na implikasyon ng mga makabagong teknolohiya, tulad ng artificial intelligence, genetic engineering, at data privacy, na siyang nangangailangan ng maingat na pagsusuri at etikal na mga alituntunin upang gabayan ang kanilang responsableng pag-unlad at paggamit. Kaya naman naghihikayat ng pagmumuni-muni ang Dr. Stone sa wastong aplikasyon ng pagsulong ng siyensiya para sa kabutihan ng sangkatauhan sa gitna ng kumplikadong kalagayan ng ating modernong panahon.
1 note · View note
hamaterdummy · 1 year ago
Text
Ang aga-aga at nabasa namin yung reports na allegedly nam-bully si Eren sa school. Nanuntok daw ng kaklase, apparently last week pa pala. Hindi lang agad nakita sa message request.
Hetong si L naman ay feeling attacked. Sabi niya dapat daw may ebidensiya yung nanay na nagrereklamo. Dapat daw may maipakitang pasa o galos. Baka lang daw natulak lang naman yung anak niya. Sinabihan pa nga niya si Eren na kumain para mas lumakas pa.
"Mas mabuti na na ikaw yung bully kaysa ikaw ang binu-bully," dagdag pa niya.
Nakakaloka! Ang sakit sa tainga!
Biglang pumasok na naman sa akin yung Elem days ko din. Ang kaibahan lang, ako yung mas na-bu-bully.
One story na malinaw na malinaw sa akin ay nung grade 2 ako. I had a 6 AM class. Yes, sobrang aga at walang almusal as usual.
Alam kong hindi na normal ang araw dahil late na ako. Maliwanag na. May sinag na ng araw. Alam kong nagsisimula na noon ang klase pero keber at papasok pa rin ako.
Pa-simple akong dumaan sa likurang pintuan para hindi mapansin dahil ayaw kong mapahiya kapag nakita ako ng teacher. But, to my surprise, nandoon na naman sa upuan kong nasa pinakagilid sa bandang likod ang kaibigan ng seatmate ko. Akala nila absent na ako. Pero dumating ako.
Sa ideal na mundo, dapat ay lumipat na siya sa pwesto niya. Pero dahil paborito nila akong asarin dahil sa pagkabakla ko. Hindi siya umalis. Paulit-ulit akong nakikiusap sa kaniya nang pabulong para hindi namin makuha ang atensyon ng titser na nagtuturo sa harap. Pero nagmamatigas siya. Ayaw pa rin niyang umalis.
Nasa bandang unahan ang pwesto niya at wala ng ibang upuan. Wala akong nagawa. Sobra yung pagpipigil ko ng iyak. Pero bakas sa mukha ko na paiyak na talaga ako noon. Sumuko ako sa kaniya.
Wala talaga akong magawa kundi maghintay na sana may makapansin sa nangyayari o sa nararamdaman ko. We were more than 30 sa room including our teacher, but none came into my rescue. I didn't ask though.
Nanahimik na lang ako nang naka-squat sa gilid niya until the second subject ay umalis din siya. Nangawit yung paa ko noon at talagang ang sarap sa pakiramdam ko nang maayos na akong makaupo.
I was traumatized by that experience dahil katatawanan sa kanila ang gender ko and mahina ang tingin nila sa akin. Well, at that time, wala talaga akong lakas ng loob na lumaban sa kanila. Hindi ko sila kaya. Malakas sila.
Ngayon naisip ko na mas lumalakas sila marahil sa mga magulang na kagaya ni L. Isang panday ng balisong panugat ng makikita nilang mahina.
Isa ako sa mga biktima at alam kong mas may malalaking sugat pang bitbit ang iba. Pero, sana wala ng nakararanas ng ganitong pait ng kapalaran. Sana hindi patuloy na lumaking bully si Eren. Sana wala ng L.
0 notes
onenettvchannel · 1 year ago
Text
Ejay Falcon allegedly claims 2 Consecutive Typhoon Names are potentially linked into Internet Weather Memes
Tumblr media
CALAPAN, ORIENTAL MINDORO -- In a surprising turn of events, Oriental Mindoro's Vice Governor named Ejay Lasap Falcon, a former housemate of Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus in 2008, claimed that the consecutive Philippine typhoon names "Egay" and "Falcon" were part of internet weather memes by mistake. The renowned male actor and politician shed light on this fun twist amidst stormy times, bringing a touch of humor to the recent natural disasters.
Falcon expressed his unique perspective during a recent virtual press conference, citing various references to support his claims. Per the Mindoro Post, a local news outlet in the said province, he allegedly revealed how netizens on social media platforms had started associating the typhoon names with his own.
Tumblr media
(screenshot photo via Rhayniel Saldasal Calimpong / deleted referenced statement on a Facebook post)
This lighthearted take on the consecutive typhoon names gained traction on social media, prompting Falcon to release an official statement through his official Facebook page. He acknowledged the unexpected connection between his name and the storms, emphasizing his intention to bring a positive twist to the situation.
The statement read: "Bagama't ang mga bagyo ay nagdulot ng malaking pinsala at abala sa marami, umaasa ako na ang aking mga kapwa Pilipino ay makatagpo ng kaaliwan sa katotohanan na kahit sa mahirap na panahon, maaari pa rin tayong makahanap ng katatawanan at pagkakaisa", says in Tagalog dialect.
Falcon's statement quickly garnered attention, with various news outlets and severally disclosed social media pages, sharing his unique perspective. The engaging post received positive feedback from netizens, who appreciated his ability to find humor amidst challenging circumstances.
In light of his claim, meteorologists and weather enthusiasts have chimed in, suggesting that the consecutive typhoon names were indeed a mere coincidence. They explained that the typhoon names are based on an annual list provided by the state weather bureau PAG-ASA or Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. The names are determined in advance and follow a specific sequence.
While the naming of typhoons follows a predetermined pattern, Falcon's light-hearted take on the situation has brought a refreshing perspective to the recent natural disasters affecting the Philippines. As a well-known actor and politician, Falcon's ability to find humor and unity during difficult times resonates with many Filipinos.
As Oriental Mindoro's Vice Governor (Ejay Lasap Falcon) continues to serve his constituents with dedication and charisma. He remains an influential figure in the province, using his platform to bring laughter and positivity even in the face of adversity.
A big shoutout to Ariel Rojas, weather resident of ABS-CBN for contributing a news report.
PHOTO COURTESY for REPRESENTATION: Ejay Falcon via FB PHOTO and PAGASA BACKGROUND PROVIDED BY: Tegna
SOURCE: *https://en.wikipedia.org/wiki/Ejay_Falcon *https://en.wikipedia.org/wiki/Pinoy_Big_Brother:_Teen_Edition_Plus *https://www.facebook.com/100044437869415/posts/837345184423403 [Referenced FB Captioned Photo via Ejay Falcon] *https://mindoropost.com/2023/07/30/a-touch-of-humor-in-stormy-times-ejay-falcons-fun-twist-on-egay-falcon/ [Referenced News Article via The Mindoro Post] *https://trendrod.wordpress.com/2023/07/29/actor-politician-ejay-falcon-releases-statement-on-the-names-of-two-typhoons/ [Referenced News Article via Trendrod News Bureau] *https://www.facebook.com/100050288508024/posts/844047900614819 [Referenced FB Captioned Photo via LionHeartTV] *https://www.facebook.com/100094088475887/posts/132979713181644 [Referenced FB News Article via DWPM-AM's Radyo 630khz] and *https://www.facebook.com/100022948162728/posts/1241479649960295 [Referenced FB Captioned Photo via Philippine Weaher System]
-- OneNETnews Team
0 notes
Text
youtube
Buhok sa Kili-Kili? Alisin na Yan sa Isang Pindot Lang! by GeoCaithySec Fam Sa aming nakakatawang video na ito, sasabak tayo sa isang hiligang pag-uusap nina Alex at Ben tungkol sa isang bagong produkto na pang-alis ng buhok sa kili-kili. Mula sa pangalan ng produkto hanggang sa mga kahalakhakan at mga imahinasyon, ibabahagi namin sa inyo ang aming mga nakakatawang haka-haka at mga komentaryo. Tunghayan ang aming mga palitan ng mga joke at pang-aasar habang pinag-uusapan ang posibilidad ng isang pindot lang na solusyon sa buhok sa kili-kili. Maaaring may mga hirit at kuro-kuro kayo sa katapusan ng video. Abangan at subukan ang inyong katatawanan! Click here: https://ift.tt/PSDNH2F Buhok sa Kili-Kili? Alisin na Yan sa Isang Pindot Lang! Painless Hair Removal Cream 60g Permanent No Residue Depilatory Cream Men And Women Leg Hair Arm Hair Removal Underarm Hair removal for underarm Hair remover for private parts Hair remover for removing hair in private part wax hair removal for Buhok sa Kili-Kili Follow us on FB: https://ift.tt/rVQ6ps9 TIKTOK: https://ift.tt/3y9UhQE PINTEREST: https://ift.tt/p0nJB3v INSTAGRAM: https://ift.tt/uZDyiXT' More videos: Clip Studio Paint Ex 2 alternative for Paint Tool Sai https://youtu.be/GApYlbX6cLI Portable na Car Trunk Organizer https://youtu.be/ArAeI6_upHE DreaME Luxury 10 inch Kama https://youtu.be/ROlbGqdkeQ4 220ml Portable Air Humidifier Maginhawang https://youtu.be/6-ATVFNChh0 Pinakamahusay na Review ng Inflatable Swimming Pool para sa Pamilya at Mga Bata! https://youtu.be/vPmg0amkfR0 Free LED dollDoll House Large Villa Dollhouse https://youtu.be/AFHDOSWEXQI 5 Best Cheap Hotels near Me in Makati https://youtu.be/EOH9j14s3b4 Cheap Hotels Near Me in Baguio: Mura at Maganda https://youtu.be/9SfB7spzCZw Tourmaline Self Heating Knee Pads Pro 8 Magnetic Therapy https://youtu.be/FhNryYwauiw Wireless Handheld Vacuum Cleaner https://youtu.be/RolV0DO143E [Buy 1 Take 1]Mixed Nuts Instant Healthy Nuts https://youtu.be/OeL2r5GHr8A Molten GG7X Series Basketbal https://youtu.be/9qZ9EhGp3vg Multifunctional Building Table Kids https://youtu.be/9_wmdgDrNZQ Little Big Toys: Toy Car, Truck, at Excavator Toy Car https://youtu.be/sUOg_ViBdqM #shortvideo #shortsvideo #shorts #short #reelsfb #reelsvideo #shopee #lazada #lazadaph #KiliKiliProblems #BuhokSaKiliKili #UltimateSmoothCream #KomedyangKwentuhan #PindotLangSolusyon #TagalogComedy #HiligangPagUusap #NakakatawangKwentuhan #HashTagNgKatatawanan #KiliKiliLotto #TagalogHumor #BuhayKiliKili #AlisBuhok #KomedyangPinoy #TawangTawa #FunnyChatting #TagalogJokes #KomedyangPambarkada #BuhokProblems #PinoyHumor via YouTube https://youtu.be/P_f-ok_rHWY
0 notes
mareeyasofi · 3 years ago
Photo
Tumblr media
I KILL MY BREATH [ON-GOING] (on Wattpad) https://www.wattpad.com/story/276317857-i-kill-my-breath-on-going?utm_source=web&utm_medium=tumblr&utm_content=share_myworks&wp_uname=mareeyasofi&wp_originator=ZAHjvzYSP%2BVkFoB2q6BwJwGlrEUAlOx5v099vR5TU0QWMf2BK6KZ%2FKDad4uh4EauZuAkpoSuknriLH12D2ARF2%2BwxbrYuRBxAuslJl4VhU%2BZPnoe8Md4WOi8OYi3Tibd We should not be playing in the middle of the night. © All Rights Reserved 2021 | mareeyasofi
2 notes · View notes
thegreatmaninternational · 5 years ago
Link
Tumblr media
0 notes
x-bakitakosikiko · 3 years ago
Photo
Tumblr media
I have never been this vocal with my political views! *marami kami na ngayon lang naging vocal* And I know that this happened because We know that we are fighting for what is right! Kaya sobrang sakit na makitang ginagawa kaming katatawanan sa pagsuporta kay VP Leni, tinatawag na kawawa, talunan, at kung ano ano pa. Pero sana marealize ninyo, na hindi lang si VP Leni o kami ang talo, TAYO ang talo, TAYONG MGA PILIPINO ANG TALO. TAYO ANG KAWAWA. Binitawan nyo ang nagiisang pagkakataon para umangat at umasenso ang buhay at bansa natin. Pilipinas, Bakit mo binitawan ang ating Pag-asa? Hindi ka na natuto pilipinas, lagi kang nagbubulagbulagan at nagbibingihan kahit naririnig at nakikita mo na nang harap-harapan ang katotohanan. Nakakalungkot dahil ang hirap mong turuan at mahalin, Pilipinas. 💔🌸💕 https://www.instagram.com/p/CdXPYRQvUzC/?igshid=NGJjMDIxMWI=
8 notes · View notes