#kase sinabi ko
Explore tagged Tumblr posts
Text
more bpwvr y2k highschool au !! ft mauga and satya…
[ inspo : @/luciidagoat on tiktok ]
#trick actually draws#bapweaver#overwatch#overwatch 2#BACK ON MY SHIT#ahaohaiahaihaiahajxwjnxwjnjanix estoy loco…#i wanna make a post with my headcanons ayuuyuyuy#like i have so many#most importantly: niran is half filo :3c#kase sinabi ko#hehehehehe#a knee way#lifetiste#lifeweaver x baptiste#baptiste x lifeweaver#niran pruksamanee#jean baptiste augustin#satya vaswani#symmetra#baptiste#lifeweaver#mauga#mauga overwatch#y2k#y2k au#high school au
301 notes
·
View notes
Text
KAMUSTA KA NA?
Kalimitang tanong sa akin ng pamilya, kaibigan o di naman kaya’y mga kakilala ko. Simpleng tanong pero napakahirap sagutin ng totoo.
“Okay Lang.” sabay ngiti ko.
Ito nalang ang naisasagot ko sa tuwing kakamustahin ako o kaya tatanungin kung okay lang ba ako. Ang hirap kasing magkwento, ang hirap sabihin lahat ng gumugulo sa isip ko. Kasi kung magpapakatotoo ka naman at sinabi mong, “Eto, pagod na.” Susundan pa yan ng maraming tanong tulad ng,
Pagod saan?
Ano bang problema mo?
Ano bang iniisip mo?
Kaya mo ‘yan ikaw pa ba?
Huwag ka ng mag-alala, simple lang yan. Tignan mo nga si ano nakayanan.
Parang mas lalong nakaka drain magkwento kapag puro tanong, nakakapagod mag explain. Minsan okay din yung hahayaan ka lang magkwento without any questions asked, without any judgements and without any comparisson with other people’s experiences dahil hindi naman lahat pare pareho.
10 notes
·
View notes
Text
“Ayokong makita ng anak ko na di ako mahal ng papa niya”
Pag naalala ko tong sinabi ko parang pwede siya maging line sa isang telenovela tapos ako yung bida tutal bida bida naman ako HAHA. Yan yung linya na di talaga mawala sa utak ko habang naiyak ako last April. Ayoko talaga maranasa ni ally yung naranasan ko nung bata ako na puro sigawan, abusive physically, verbally ang ganap. I don’t want an angry man inside my home. Incase man na maayos namin to in the future isa lang naman yung hiling ko lagi. “Ayokong makita ng anak ko na di ako mahal ng papa niya, kase hindi ganyang klase ng pagmamahal yung gusto kong makasanayan niya”
7 notes
·
View notes
Text
nakakatawa kasi nanaginip akong bumili raw ako ng iphone 11 sa shopee thru spaylater. haha pota. tagal ko na kasing pinag iisipan mag spaylater para bumili ng bagong phone. tas last time kasi nag sale sa beyond the box ng 11, 15k nalang. gusto ko na sana itake kaso naalala ko yung sinabi ni ericka na nag order din ate niya online tapos may damage pala. tsaka di ko pa tapos yung sloan so ayaw ko muna ng dagdag bayarin. kaya di ko muna pinush haha.
2 years na ata akong nag titiis sa sirang lcd ng iphone ko, di ko rin pinapaayos kahit kaya naman ipaayos kasi gusto ko na nga ng bagong iphone naman haha. nagising tuloy akong kabadong natatawa kasi kala ko totoo. shuta hinahabol ako ng bayarin hanggang panaginip kaloka haha. panay pa message ng unionbank na qualified daw ako mag apply ng cc, budol e. hahaha.
ayoko please lang haha. di nga ako maka resign resign dahil sa mga bayarin na yan. suffer na sa bayarin suffer pa sa work environment pota hahaha.
16 notes
·
View notes
Text
Minsan naiisip pa rin kita. Like every time may family event, matic na ikaw yung plus 1 ko. When I go to a new place, naiisip ko na baka trip mo yung vibes dun. Ginawa mo rin naman makulay ang buhay ko, may mga pagkakataon lang talagang pakiramdam ko ay nakakahon ako sa mga bagay na gusto mo para sa akin. Pasensya na kung madalas ay gusto kong kumawala. Hindi din kasi ako nasanay na may nakahawak sa akin. Sanay akong mag isa, sanay akong lumalaban na walang kasama, at sanay akong nananalo ng walang kakampi.
Siguro nga hindi ako naging mabuting partner. Siguro nga marami akong hindi kayang ibigay. Siguro hindi lang talaga ako mabuting tao haha. Pero minsan binabasa ko yung mga huling usap natin. Hindi ko matanggap na para bang hindi mo naramdaman na minahal kita. Dahil totoo, totoong minahal kita. Totoong sinubukan kong mag adjust, mag compromise, makuntento sa simpleng buhay kasama ka. At totoong nasaktan ako nung sinabi mong ayaw mo na. Pero madaming beses na kitang pinigilan. There's a thin line between fighting for your love and keeping my self respect. At binasura na 'ko ng iba noon, hindi ko pwedeng hayaan na maulit yun. Hindi dahil hindi ka kasing halaga ng nauna, pero dahil takot na akong bumalik sa lugar kung saan mo ako unang nakilala. Nakabangon na 'ko, sa tulong mo. Ayaw kong muling malugmok dahil sa'yo.
Minsan naiisip pa rin kita. Kapag nagba-back up ako ng photos sa drive, nakikita ko yung lumang photos natin. Naging masaya naman tayo, tinawag ko ring tahanan ang mga yakap mo, nakuntento sa mga halik. Pero siguro masyado tayong maraming differences, mga bagay na hindi nadadaan sa pag uusap, o sa pagkukunwari na hindi kailangan mag usap. I was not perfect, but so were you.
This is not para sumbatan ka, but to let go. I have to realize that some things were just not meant to last and sometimes it's not anyone's fault. Sana mahanap mo yung love na hinahanap mo, kasi yung love na ibinigay ko sayo is all I had to offer but it was never enough, or maybe it's just not something that fits your ideals. You deserve healthy love and I tried to give that to you pero you were not ready for that. Gusto kong mag rant, gusto kong manlimos ng sympathy lol and let the world judge kung sino sa ating dalawa ang toxic at immature.
Pero sa totoo lang, minsan naiisip kita at may bigat sa pakiramdam. Naiisip ko ang bawat pagkakataon na nakakaya mo akong tiisin, that you let my demons win, na wala kang pakialam sa anxiety ko, that you let me beg, na hinahayaan mong ibaba ko ng ganun ang sarili ko para lang magkaayos tayo. Madalas mong isumbat sa akin na hindi kita totoong minahal. Pero ako, minahal mo nga ba talaga?
7 notes
·
View notes
Text
Natatawa ko sa sarili ko. Recently kasi I saw my friend post a photo with her co-workers na nasa BGC tapos nakita ko may shorthaired cutie siyang ka-work. Tapos syempre hinanap ko dun sa tagged people kung sino yun eh alam ko di naman niya ko i-a-accept out of nowhere. I remembered how girls like matchmaking, so kinausap ko nalang yung friend ko kung sino yun kahit alam ko na naman talaga tska if ever may jowa sasabihin agad nung friend ko. Hiningi ko lang yung name di ko naman sinabi sa friend ko na ipa-accept ako or anything. In-add ko bale sa facebook and nag-follow din ako sa instagram, mutuals na kami ngayon siguro kasi kinausap din nung friend ko.
These past few days inuunti-unti ko lang gawin homework ko in getting to know her kahit di ko pa talaga siya kinakausap. Yung attention to details ko kasi nagiging mas precise pag interested ako sa tao. Tska syempre at my age yung mga basic like asking favorite things, hobbies, etc, eh alam kong sawang-sawa na yung mga babae kakasagot so inaalam ko nalang based on what she post, background music sa story, memes, and her activities.
Ito yung mga reason why casual flirting and shit don't work on me eh. Ayoko kasing ma-bored and maka-bore sa mga basic or walang kwentang conversation so I observe before engaging in conversations. Tapos ayun nga upon doing my research nalaman ko na fan siya ng punk rock. So ako naman ito nagto-throwback ngayon sa rakista era ko thinking how I can relate to her interest, tapos ayon tuwang-tuwa ako kasi pinapakinggan ko yung mga paborito ko dati, Rage Against the Machines, Limp Bizkit, Dragonforce, Black Sabbath, at madami pang iba.
Di ko pa siya kinakausap masaya na agad ako. HAHAHA tanga amputa.
9 notes
·
View notes
Text
We meet again, Bohol!
As beautiful as the Philippines is, many destinations offer mostly sand and surf. But not Bohol. This province is known for unique attractions that you can’t find anywhere else in the Philippines.
Sure, other islands in the Philippines are worth recommending, too, but most boast one or two of the following — white beaches, incredible sites, diverse wildlife, interesting history. Bohol has them all. From wild encounters with dolphins and tarsiers to the incomparable views of the Chocolate Hills, Bohol is a province that is easy to promote. It doesn’t need much sales talk.
We stayed at Coastal View in Panglao, then we transferred to On Board Beach Hostel and Resort for some quiet alone time near the beach. The wedding was at South Palms Resort, and I can attest that this is probably the most exquisite hotel here, next to Bohol Beach Club.
I was tasked with the daunting task of speaking in front of everyone. I wasn't really prepared to cry, so I let the "funny" me take over. Let me share to you guys my speech during the wedding.
"Kamusta naman ang lahat? Nakainom na ba? Kung Hindi pa, ito na yung time. Haha. For everyone's reference, I'm jasfher ako yung favorite friend ng groom and bride. Jk. Haha.
Nung sinabi nila na magssppeech ako, siyempre napressure ako kasi hello 'di ko naman sila close? Ano sasabihin ko dito? Jk. Haha
Okay kidding aside, sige maybe I'll just start ho I met the bride and the groom. Tagalog yung speech ko so pasensya na. To our foreigner friends, welcome to the Philippines. Haha.
Si brux and karla orgmates ko from UP travel society. Hindi ko din alam paano nabuo yung barkadahan namin, pero I guess we all just clicked and nagkakaayaan na lang kumain, gumala, tumambay ganyan, and the rest was history. So kwentuhan ko na lang kayo muna ng mga misadventures namin para may pulot naman kayo sa speech ko. Haha.
Sa mga travel namin, si karla isa sa mga main organizer, tapos si brux ang aming walking calculator. Sa tamad naming magcompute, si brux na bahala sa hatian, feel namin nagogoyo kami minsan, pero okay lang kasi wala naman kami nung math skills niya. Haha.
Nung nasa adventurous era pa kami, ang bonding namin ay umakyat ng bundok. Nagbuwis buhay trip kami sa Mt. pamitinan, tapos nagpapicture sa crater ng Taal, nakiparty sa Malasimbo sa Puerto Galera with hindi namin kilala, nagbackpacking kami 8 days sa Vietnam, Cambodia and Thailand na natutulog sa bus dala bagahe, kumain ng scorpion at tarantula, kumain ng happy pizza, nagtemple hopping sa Angkor Wat at sa mga temples sa Thailand, tapos nag 8 days din kami sa Bali, Indonesia ewan ko din paano namin napupull off pero napakadami naming pinupuntahan tapos wala ako sa organizing committee so ang ambag ko talaga ay chumika at magpicture. Haha.
pero sa mga local travel namin, dalawa yung pinaka favorite ko: yung 1) Siargao at yung 2) South cotabato. Yung siargao kasi grabe talaga yun gabi-gabi kami lasing as in tumatakbo kami nina karla sa kalsada tapos hinahabol kami nina brux. Haha. Dun ko din naranasan maghanap ng GoPro sa dagat ng nakaflashlight lang kasi nalaglag nung nagsurfing kami. Grabe talaga yun. Nung South Cotabato naman, natry namin yung highest zipline in the South East Asia, may nadaanan kaming apat na waterfalls ganun kataas. Tapos ang dami naming change costume nag T'boli traditional costume kami, tapos nag abaya and hijab kami nung pumunta kaming Grand Mosque. Very dubai ganon. Haha.
Favorite memory ko sa kanila ay every travel namin, nagsusulatan sila ng postcards. Sabi ko grabe couple goals. Indeed a matchmake in heaven walang distance distance. They will really make way to communicate, and show their love for each other. The yin to each other's yang.
So medyo ang haba na no? haha so summary and summary? Haha. Nakita ko silang nag grow, both literally and figuratively. As in kung may masasabi akong couple na tested by time and distance ay sila talaga iyon. Proud na proud ako tbh na nakakakilala ako ng mga taong kasing galing niyo. sobrang supportive niyong friends, sweet, thoughtful, funny, smart, witty, amazing lahat na. In between those laughters, I know genuine love is there. Sobrang happy ko na nagkatuluyan kayo, and from day 1, alam kong kayo na talaga. I know madaming taon taon pa tayong pagsasamahan, at andito lang kami para sa inyo. Congratulations, Karla and Brux, and i only hope the best for you both. Mahal na mahal ko kayo 💕
Cheers to the brucals!" Probably the best and most heartfelt wedding I've been to. Cryfest. Literally shed buckets of tears. So this is how it feels like to see your close friends get married. I was so lucky to have witnessed this momentous event in our barkada (god and tanda na namin haha)
18 notes
·
View notes
Text
Hindi raw ako assertive enough e. Pag sinabi ng pasyente na, "Ayaw ko kasing masanay sa gamot," rereplyan ko lang ng ok. 'Di ko masabi 'yung true thoughts na "Wala namang gold medal pag tiniis mo 'yung sakit" saka hindi naman nakakaadik 'yung pineprescribe. Para sa proteksyon ng lamang-loob pero sige mas magaling ka, 'di ba, ayaw mo masanay sa gamot, karapatan mo naman 'yan. Bahala ka. In summary, tamad talaga ako makipag-usap at magpaliwanag at dapat siguro pumili na lang ako ng ibang trabaho.
10 notes
·
View notes
Text
╭₊˚ ๑︰i hope these words reach you in the universe where you didn't leave my life.
:★: relationship : (filo & modern au) blade x g-neutral reader
:★: warnings : PANGET TAGLISH KO WWHWUWHWSH, other than that .. none!
:★: a/n : WE BACK WITH THE FILO AUS 🔥🔥 plz i would've made this on twt if it wasn't for the bonfire going awn there.. rip 🙏 (no translations for this talaga kase its honestly better for me when its written in tagalog huhu)
"Hi, Blade!
Sana pagnakita mo to, I didn't take 500 years to send it to you hehe. Or infact, di ako natakot and never sent it talaga. Sounds like something I'd do.
Anyways.. I think sobrang obvious naman na gusto kita, I mean childhood friends kami ehhh! Since grade 1 naalala kita sa buhay ko, and I really wouldn't have wished for anyone else to grow up with.
I know were gonna be super busy with college na, and I just.. nakakatakot haha. I know that you wanna move back home para you can be with your family ulit but I just.. Yoko talaga na aalis ka tas wala pa akong sinabi, di yan talaga tama sa puso ko eh. It's not right to torture my own heart with the what if's of life.
So when you read this, it's most likely nasa eroplano ka na or I ran off super dramatically kapag binagay ko to kase I don't want to know how you reacted sa talaga lang. I want to tell you and that's it, you're not obligated naman to return the feelings or ganun! Whatever your answer is, I will accept, and even if walang answer.. I'm sure I'll be okay. :) Gusto ko lang na alam mo that while you're gone, meron naman hihintay sayo hanggat babalik ka HAHAHA.
I really do hope future me gives this to you. I hope you're happy back home, and tell tita naghello ako please!
And I love you.
Ang panget mo, from : (name)."
You feel the paper in your pocket as the car ride to the airport was.. painfully silent. Not in a way that you had nothing to say, but both of you had too much to say. Not enough time as you already see the familiar building within your view, all the while still fidgeting with the paper with uneasiness.
You help Blade with his bags, seeing the dark circles under his eyes indicating he couldn't sleep until this moment. It's clear he's scared too, almost as if torn between home and home, the home he's made with you in the Philippines. "You okay..?"
Blade doesn't realize how he's just been staring at you, shaking his head and giving you what seemed to be the saddest smile you'd ever see on his face. "Wala lang."
You walk him to entrance, each step making your heart feel like it's being crushed by a hydraulic press. Blade went to grab a cart as you stood there and stared at the entrance, not being able to fathom that this was it. This was your last moments with him in person.
"So.."
He cleared his throat while you placed his bags onto the cart, looking up at him with those lost and admittedly scared eyes. Neither of you could hide the pain that came with the situation, both afraid for the future without the person you considered your other half. "I.. I just wanna say thank you, for being here and being in my life."
You chuckle, wiping away a tear as you try to smile. "I wouldn't have wanted to be anywhere else."
Then you remember the note, digging into your pockets and immediately recognizing its material and texture. You look back at Blade and sniffle, "I just wish there was more tim-"
But before you could finish, his arms wrap around you with such desperation. He held onto you like he didn't want to let go, which admittedly - he didn't want to.
You blink away your tears as your head rests on his shoulder, it's all going so fast. The day had long disappeared and the sky shifts to a dark blue, you hug him back as tightly as you could.
And in the moment, your heart drops at an idea.
"What if he falls inlove with someone he could actually be with?"
I mean.. the idea was possible, long distance relationships are.. hard. Certainly not for the faint of heart, and you'd both have to be ready for years of no physical contact.. not to mention being busy with college.
He could be with someone that's there for him 24/7, who can be the pillar to support him when you couldn't. Someone he deserves, and is one drive away, not on the other side of the world.
You were just about to slip the note into his pocket, but your hand stopped and you crumpled the letter in your own sadness.
"Uh.. Blade, I think it's time to go." You muttered, hesitantly pulling away even if it hurt your heart to do so. "Take care, okay?"
He smiles at those words, knowing you were his reminder to do so. "I'll do so for you."
That answer made your heart ache.
But Blade notices a piece of paper in your hands. Intrigued, he asks; "Ano yan?"
Taken aback by the fact he noticed, you tear up the paper and try to laugh it off. "Wala, just trash." But Blade rolls his eyes and takes it from your hand, despite your small gasp of surprise. "I'll throw it out."
You were.. hesitant about that, but you agree nevertheless.
You two share a little more time to talk before he realizes the time, and not wanting to be late for his flight - he decides that it's time to go.
"Thanks again, don't miss me too much." He teased to ease the tension.
You scoffed. "As if I'd miss you."
He loved it when you played along with his antics, he was really going to miss this. "Bye, (name)."
You stayed strong for these last moments, holding your tongue to stop yourself from crying out how much you loved him.. and begging him to stay.
"Goodbye, Blade."
#♡ — 𝐖𝐑𝐈𝐓𝐈𝐍𝐆#˚₊· ͟͟͞➳❥ bailu's candy stash#honkai star rail x reader#hsr x reader#blade x reader#blade hsr x reader#hsr filo au#filo au#honkai star rail filo au
71 notes
·
View notes
Text
Feeling ko forever ko na magiging insecurity yung boses ko ahahaha hindi ko kase alam anong nangyayari pag sa ibang tao parang nasstress yung vocal cords ko di ako makapagmodulate ng voice nang maayos so parang ang airy nya na tila ba nahihirapan akong magsalita tas parang pa-utal/paos yung boses ko. Hahaha. Di ko maexplain nang maayos pero lol yun na yon. Tas ano, nasabihan na naman ako na pabebe sa work kasi nga sa voice ko saka kung pano daw ako kumilos (medyo naconscious ako lalo sa boses ko pero dedma na lang ig). Well, in my defense, di ko alam pano ba ako kumilos kase maingat naman ako talaga gumalaw lalo clumsy ako. Ahahahaha. Yung boses ko, ewan, ganun talaga kapag nasa work eh. Pakwentuhin mo ako about something na passionate ako about baka kaya ng boses ko lumaban. Hahaha. Pero ewan, di pa nga cusyomer service voice yon kase literal para akong naghihingalo. Also, di rin naman ako pwede maggaslaw dito kasi di naman masyadong physical yung work ko (unless may iaassist for interview/orientation) puro posting and phone call lang naman ginagawa ko so idk pano ako dapat magkikilos.
Wala, medyo narealize ko na nacoconscious pa rin ako malala pag may sinabi o napansin ang ibang tao about me pero di naman ako offended. Hahahaha. Bothered lang kasi di ko alam pano ko aayusin? Ilang taon na ako napagkakamalang pabebe pero bat pag kay @/tikboy-qt sobrang lakas ko naman magkwento, palengke levels, chz. Ahahahaha.
3 notes
·
View notes
Text
i wanna cry.
i feel like i made a bad decision so here's me feeling guilty about it, and since no one knows me, i'll share it here (feel free to judge, i don't really care, i'm already so guilty to the point that if you blame me, it's okay)
I live in a house / compound where people are so conservative, strict and that's okay. I've been living my life trying to please everyone. So if I/ we do something that does not align in our values, we got reprimanded, minsan marami pang kumakalat na chismis to the point na maiinis ka nalang sa naririnig mo. Daming dagdag bawas na kwento.
Hindi ako santo, I drink, went to bar, got drunk, but no one knows, kase once na malaman, lagot ako, parang ang daming nakatingin sakin, daming naghihintay na magkamali ako. Ako kase yung "standard" nila.
Yesterday, may kumalat na chismis na naman sa compound. Nakita ng guy cousin ko yung story na nag bar female cousin ko. I saw that story too pero wala ako sinabihan na kahit sino. I really don't care how they live their lives, basta responsable lang sila. But my guy cousin, pinakita nya yung stories sa lola ko, so yung lola ko sumama yung loob sa female cousin ko.
Eto na yung kumakalat na kwento, nagwawala daw sa bar and nakikipaghalikan yung female cousin ko. And I was like, what? I did not see it that way, how can you say that if pictures and a short video lang ang nakita mo. Parang nagpantig ang tenga ko. Parang hindi tama. So i said everything to my female cousin. Sinabi ko kung ano yung mga narinig ko.
She got mad ofc, and chinat nya yung male cousin ko, hindi naman bastos chats nya, just clarifying things. When my lola asked me, ako daw ba nagsabi, nagdeny ako, I dont want to get involved. I know. Im such an ass for that. Im sorry.
Umalis kami kahapon, pag uwi hindi na daw magising lola ko, sumama daw loob dahil sa videos na nakita nya. Naisip ko, pinalala ko ba lahat? Dapat ba di na ko nagsalita?
Last night den, may confrontation sa bahay, naglabasan sila ng sama ng loob and all. Feeling ko if nanahimik nalang ako it will not escalate to this.
Gusto ko ng umiyak, para akong sasabog
4 notes
·
View notes
Text
Everytime i hear news about POGOs feeling ko nag kaka justice na yung trauma na inabot ko nung 2019 Alam kong madami yung mawawalan ng trabaho but Filipinos deserve better.
- Most of the Chinese na nagwowork sa POGO are not using their real name pag pasok ng Pinas. Kaya takot na takot sila lumabas even sa mall kase baka ma question yung pagkatao nila. Kaya di na ko nagtaka kung pano nakalusot si Mayor Alice Guo. Some of them are using an English name.
- Uso kidnapping sa kanila and kapwa Chinese pa nila yung gumagawa nun kase wala naman silang bank account and puro lang sila cash pag sumasahod. 150k+ sahod nila kase once a month lang rd nila. Pero sahod na yun ng limang pinoy sa POGO.
- I won’t forget how disrespectful yung mga Chinese na kawork namin na lalaki. Most of them mas gustong babae yung partner ng Chinese on shift kase nakakapikon talaga yung ugali nila and prone sila sa away. Naranasan kong may nagsusuntukan sa harap ko while on shift. Very unprofessional. Mga bastos pa, they are sexualizing girls na kawork nila including us.
- Mostly na kinukuha nila is mga Chinese nationals na farmers, mga di nakapag aral, and laki sa hirap. Nothing wrong with being a farmer pero i would say na yung iba talaga sa kanila, wala talagang modo and halatang walang pinag aralan.
- Mapanakit sila. Nung naka gy shift ako that time may isang Chinese na trip talaga ko saktan. Habang naka break ako sa labas ng office dinaganan niya yung hita ko ng walang rason and sobrang nagpasa siya. Pinalagpas ko yun kase paborito yun ng boss. Take note na lalaki siya. There are times na bigla nya iuurong yung lamesa na kahoy minsan pag trip nya and babatuhin niya ko ng crumpled paper for no reason. He also used spoon sa balikat ko to call my attention habang kumakain ako ng lomi.
- Tatanggalin ka nila kapag may mistakes ka sa transaction. Puro pera from gambling yung need naming isend from diff banks and may isang Chinese dun na ang lala ng galit sakin. He mentioned thru google translate na malas daw ako. Shuta never ako nagka mistake sa transactions ko kase sobra akong nag iingat. Kalahating araw niya kong pinagmumura in Chinese dahil lang ako partner nya that day and hindi gumana yung pc nya.
- 12 hrs shift mo with 30 mins lunch. Literal na para kang OFW vibe pag andun ka. Yung feeling na alipin ka sa sarili mong bansa. Yung boss namin na Chinese nagagalit ng walang dahilan. Very unreasonable. Nahuli nya kong nagsasalamin and shuta sinigawan nya ko. Yung nag mentor naman sakin na babae, napuno na kase kumuha lang siya ng tissue sa box ang dami ng sinabi nung Chinese. Haha Pinakyuhan ni ate geraldine yung boss namin sabay Resign kinabukasan.
- Kung pera lang ang usapan I would say na eto yung pinaka madaling work na ginawa ko. Kase encoder kalang and same excel sheet lang gagamitin mo everyday. Pero wala siyang growth kase most of the time naka tunganga ka lang.
- I hate my experience in POGO given that 2 mos lang naman tinagal ko dahil gusto ko magpahinga sa BPO, mas ok na kong sigawan ng mga kano sa calls kesa maging alipin ng mga Chinese. Working environment there was awful for me. And inhumane. It was an eyeopener for me na wag magpa api sa sariling mong bansa.
- Some had good experiences with POGO, given that pumapantay at humihigit pa nga sa sahod ng mga bpo workers, pero sana hindi nila ma experience yung mga naexperience ko.
- There are still good Chinese na nakilala ako. Some of them kumapit na lang siguro sa ganitong trabaho to help their families in China. Sila lang yung mga pinagpepray ko na sana ok pa rin up until now.
PERO SATIN PA RIN ANG WEST PHILIPPINES SEA.
11 notes
·
View notes
Text
though dump [016]
narealize ko rin the more na lagi kong binabanggit o nirereklamo or nilalagay dito, mas nagiging makatotohanan siya. remember, back in 2020 pandemic, i was in a dark situation sa buhay ko, i really wanted to move out of our house dahil nga sa conflict namin ng tatay ko. sabi ko nun, ayaw ko na sa bahay, gusto ko na lumayo sakanila, dun ko narealize na gusto ko na mag settle nalang sa bicol and here i am.
also remember, nung bawat post ko nalang dito noon how miserable my life is at work before, halos araw araw ko isumpa yung trabaho ko nun lalo na yung bisor ko nun na napaka impakta haha. sabi ko nun gusto ko lang naman ng work na may fixed schedule at weekends na off, look at me now. huhu
naalala ko may post din si faye last time na parang connected dito, na kapag daw may sinabi kang gusto mo mangyari, uudyokin ka talaga ng universe na kumilos para makuha mo yun. naalala ko rin yung post ni nikko noon sa fb about sa law of attraction, though may humor na kasama, yung point niya e kailangan talaga samaan parin ng actions. hindi yung parang mag wiwish ka lang sa genie na ibigay sayo yung gusto mo ng parang magic. haha. nag sisimula talaga mag manifest yung bagay na gusto mo pag sinamahan mo ng kilos.
kaya nag iingat din ako minsan sa mga bagay na naiisip ko, lalo pag mga negative thoughts, baka kasi mangyari din in real life. ewan ko kung nag manifest nalang din yung mga katoxican na nangyayari ngayon sa work dahil sinimulan ko rin ng reklamo unti unti or talagang toxic lang at nareveal lang siya saken.
hindi ko rin namanifest yung promotion kasi i tend to push it away, lagi kong ini-instill kasi na ayaw ko naman talaga umakyat ng corporate ladder, kasi ayaw ko ng responsibility at gusto ko lang sumahod ng sapat at mabuhay ng matiwasay. andun rin kasi talaga yung kailangan mo magpa bibo para makuha mo yung attention nila na para dun ka sa role na yun. e hindi naman nga ako pabibo talaga.
though sumama parin talaga yung loob ko dahil nalaman ko nga na ako yung ina-eye ng client pero hindi ako yung gustong irecommend ng boss ko. pinersonal narin siguro. wala naman kasi dapat siya magagawa kung ako yung gusto ng client pero dahil nga dalawa kaming candidate, siya yung nirecommend at dahil torned din si client kasi mas nakakasama naman kami ng boss namin, e pumayag nalang sa recommendation. hehe
dun ko naman biglang narealize na baka hindi rin ako para dito? baka way lang 'to para mapunta ulit ako sa mas deserve ko pa ulit, baka sinubukan lang ng universe kung kaya ko mag deal sa ganitong environment.
parang ang dami kasing red flag din sa mangement, nabubulagan lang kami ng magagandang benefits at maayos ka deal with the client. kaya mag titiis nalang kami.
narealize ko rin after ko matapos yung recording ni faye, our company is most likely to be a va agency than bpo. yung pagkaka describe kasi niya sa agency e halos ganun yung samin. hehe. like maraming pool ng clients, tapos pag nawalan ka ng client yung recruitment samin naman maghahanap ng client ulit na mag mamatch sayo. yung mga manager namin yung gumagawa ng invoice ng client namin, tsaka nung one time nadiscover rin namin kung magkano talaga yung binabayad ng client samin na dapat sahod namin kung hindi sila kumukuha ng part dun. haha pero ewan gulong gulo parin ako kasi bpo parin kami haha.
12 notes
·
View notes
Text
tsukishima kei is her best friend. it should not be more than that.
ilang on and off relationship na ba ni tsukishima ang nasaksihan niya, at ilang on and off friendship na rin ang nagkaro'n sa kanila dahil tuwing may partner si tsukishima, siya na ang umiiwas.
yet, both of them still acknowledged the fact that they were best friends since diapers. magkaibigan ang nanay nila. kaya naman tuwing family outing, nasa kanila siya, o si tsukishima ang nasa kanila.
that's why when she heard about this family outing, she's so frustrated because she's getting more and more transparent with her feelings. tanga kasi siya. kapag bestfriend, bestfriend lang dapat.
tulad ngayon.
hindi naman siya ganito ka-problemado noon. kaya lang, it has just been a week when she realized her feelings for him. at sa linggong iyon, nagagamit niya ang pagka-busy sa finals para maiwasan ang isa.
pero hindi niya iyon magagawa ngayon. that's why even though she's been shaking, she remained on the pool. tulala lang siyang nakasandal sa pader, bandang gitna, nakalubog hanggang balikat niya. she wanted to go, change, and eat but she could still hear his polite chuckles. panigurado, kapag nakita siya nitong umahon, lalapit ito sa kaniya.
"ate, hindi ka pa ba aahon? nilalamig ka na ah."
gulat siyang lumingon sa pinsan nang nagsalita ito. "hindi pa. gusto ko pa maligo!" at dinugtungan niya ito ng tawa para kapani-paniwala.
she doubt it's as believable as she believed it would be dahil naningkit lang ang mata ng pinsan. "iniiwasan mo ba si kuya kei?"
nanlaki ang mata niya. ganoon na ba siya ka-obvious?
"hindi ah! why would i?"
"crush mo na, 'no?"
"hindi rin!" winisikan niyo ito ng tubig. "ano ba 'yan, sab, kung ano-ano na lang iniisip mo. magswimming ka na nga lang," suway niya dahil lalo lang tumindi ang tibok ng puso niya.
sab's grin widened. instead of going away as she instructed, she just went beside her, and leaned on the wall also. "ang obvious kayang iniiwasan mo siya. dati kapag ganito halos hindi na kayo mapaghiwalay. pa'no hindi ka marunong lumangoy pero ang hilig-hilig mong pumunta sa dulo, lagi tuloy nakabuntot sa'yo si kuya kei." humalakhak ito. "mangiyak-ngiyak ka pa one time kasi akala mo malulunod ka na. as if hahayaan ni kuya kei 'yon!"
umirap siya, ramdam ang pamumula ng pisngi. sa kilig? sa hiya? hindi niya na alam. "eh hindi naman ako nagdudulo ngayon kaya hindi kami magkasama."
"that's what i've been saying! you're not risking going over there kasi alam mong kapag ginawa mo 'yon, pupunta rito si kuya kei." kumindat pa ang nakababatang pinsan.
"ang talino mo masyado, 'no?" sarkastiko niyang sagot.
"ako lang 'to—ay! kuya kei!"
nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi nito. she was about to swim away but she already felt his big hand on her head.
"hindi ka pa ba aahon?"
still, she didn't look at him as she shook her head. "gusto ko pa magswimming."
before she could swim again, sab already held her arms. "don't believe her kuya! ikaw na bahala sa kaniya, akala mo ngayon lang nakaligo eh."
"kulit naman!" she whined.
"nanginginig ka na, tanga." si tsukishima iyon.
umirap siya. finally, nilingon niya na ang kaibigan at nakitang nakaumang na ang braso nito sa kaniya. hinayaan niyang hilahin siya nito paahon sa pool, pero kung nasa normal na estado siya, malamang ay hinila niya na ito sa tubig.
as she felt tsukishima's hand on her arms, she couldn't help but get angrier at herself. alam niya naman kasing wala sa mga kamag-anak niya ang nakatingin o nanghuhusga sa kanila dahil normal occurrence na lang ito. wala namang bago sa pakikitungo ni tsukishima sa kaniya, pero ito siya at nag-iinarte.
"so, what makes you stay in that pool kahit obvious na hindi mo kaya?"
nilingon niya ito nang ibalot nito ang dilaw nitong tuwalya sa kaniya. napakalapad na tao ni tsukishima kaya naman halos magdalawang balot sa kaniya ang tuwalya nito.
"na-miss ko lang magswimming."
"magkakasakit ka sa ginagawa mo. buti hindi ka dumudulo, tanga ka pa naman."
sinuntok niya ito nang marahan sa braso. "alam mo ikaw!"
tatawa-tawa nitong sinalag ang kamay niya, ang isang kamay nito ay nakaalalay sa tuwalya. "bakit? hilig mo 'yon ah, tapos naiiyak ka kasi akala mo walang tao sa gilid mo."
"wala ka kasing kwenta!" sagot niya.
kahit ga'no kabilis ang tibok ng puso niya ngayon, nagagawa niya pa ring sumabay sa biro nito. it just always came out as natural, maybe because hanggang dito na lang siya. dapat lang natural na ito sa kaniya.
naka-robe lang siya ng lumabas siya ng banyo, inaasahan na wala na si tsukishima sa kwarto, pero mali ang inaasahan niya. napalunok siya. imbis na pansinin itong nakaupo, mabilis niyang dinaklot ang damit na inihanda nito sa kama para sa kaniya.
she came out wearing a brown loose shirt, manipis ito pero tama lang para sa lamig ngayon, and her green dinosaur pajamas. nang marealize niyang suot din ni tsukishima ang kaparehong pajama, muntik na siyang hindi lumabas.
and she was right. she looked at him, longer than a friend should, wearing a white loose shirt, and his green dinosaur pajamas. si tsukishima ang bumili nito para parehas silang dalawa two years ago. suot din nito ang salamin na bigay niya.
"ba't 'di ka pa bumaba?" bungad niya habang inaayos ang pagkakasaksak ng blower.
"sabay na tayo, tinatamad ako makipagsocialize kila tito," sagot nito na ikinatawa niya.
"bakit? pinapa-shot ka na naman?"
umirap ito, binato sa kaniya ang maliit na unan. "yes."
"humihina ka na ba?" pang-aasar niya pa.
"tanga. tinatamad lang akong uminom."
humalakhak siya. muli silang nanahimik at tanging tunog lang ng aircon, at blower ang namamagitan sa kanila. hindi awkward. or so she hoped, because there's nothing to be awkward about. sanay naman na siyang nasa likod niya ito habang nag-aayos siya, minsan nga ay ito pa ang nagbblower sa kaniya.
bakit kasi nag-iba? kasalanan niya ito eh.
finally, her hair was done so she immediately put it in a bun. she grabbed her glasses from the table, before both of them went down.
"kain!" she exclaimed, jumping away from tsukishima.
iba talaga ang hagod ng inihaw tuwing swimming.
"dahan-dahan, madapa ka," suway ng tita niya. "nasaan si kei? hindi mo pa ayain?"
hindi niya nilingon ang tita na nagsalita. she simply pointed at her back as her eyes remained on the different food in front of her. kanina pa siya nagugutom!
"slow down, hoy." she felt his hand on her back, pero hindi niya ito nilingon.
"walang slow down slow down sa taong gutom."
"oh, sinong may kasalanan?" he gave her a deadpan look, while also giving her a plate with rice on it.
"oo na ako na, maya mo na ako pagalitan gutom ako," dire-diretso niyang sagot at tinanggap ang pinggan.
nang matapos siyang makakuha ng pagkain, akma siyang didiretso sa hagdan para maupo nang hatakin nito ang kamay niya. "dami pang upuan sa gilid, huwag ka humarang."
she pouted. that's when she realized he's holding her hand which was not holding the plate.
normal lang 'to. normal lang 'to.
"kinakabahan ako bukas!" she exclaimed as she delved on her food.
"bakit?" kalmado nitong tanong, busy ang kamay sa pagtulong sa paghimay ng hipon sa pinggan niya.
uminom muna siya ng tubig bago sumagot. "two days na tayo rito, hindi pa rin nanghahagis sila tito!" she shuddered at the thought. "last day na bukas, hindi naman na siguro sila manghahagis, 'no?"
"huwag ka na umasa." tumawa ito. "they were just talking about it earlier. may bago raw silang plano."
her eyes widened. it's their family's tradition to always throw people to the pool. it doesn't matter who, kung sino ang mapili ng mga tito niyang nanghahagis, kahit hindi ka marunong lumangoy, ihahagis ka. well, if you don't know how to swim, they will have someone to catch you on the pool. and even if you do, may naka-standby pa rin na tito sa gilid.
but even though it's safe, she's still nervous! lalo na iba-iba ang trip ng mga tito niya.
"what plan? may pa-gymnastics pa ba!?" she cried.
tawa nang tawa si tsukishima sa kaniya. napansin niyang hindi pa ito kumakain dahil himay nang himay ng pagkain niya kaya naman tinulak niya ang noo nito.
"kumain ka na nga! mabilaukan ka sana." she subtly moved away her plate.
delikado talaga siya kay tsukishima.
and their dinner remained like that. tinatawan ang mga nakababatang pinsan, nakikipag-asaran sa mga tito na lasing.
until silence ensued dahil nasa balcony na siya.
she silently went out of their room earlier, magkakasama sa kwarto ang magkakaedad na pinsan, kasama si tsukishima. right now, she was under the darkness of the balcony dahil hindi niya na binuksan ang ilaw. the moon was enough to capture the scenery below.
ang peaceful. especially with the stars.
however, despite the peacful environment tonight, her head was in chaos. she could feel her heart beat going faster and faster as she thought of tsukishima.
hindi naman siya nagsisising kaibigan niya ito, pero bakit sa lahat ng pwede niyang magustuhan, kaibigan niya pa?
she never had a crush before, nor someone she truly love enough to commit. 19 years, and nbsb siya by choice. pero kung mayroon mang makatitibag nito, ayos lang din. alam niya naman sa sariling ready na siya.
she just didn't expect that her first feelings would involve her bestfriend.
"tila... tala," she murmured. "sa kalangitan..." she wasn't even singing the song, simply saying it as if wishing.
bakit kasi ikaw pa, kei?
"malabo... malabo..."
"alin?"
"ay malabo!" she immediately cupped her mouth when she realized her voice got loud. nilingon niya ang may kasalanan, kasabay ng paglagay nito ng makapal na jacket sa balikat niya.
"anong malabo?" muling tanong ni tsukishima, nakasuot na rin ito ng jacket.
umirap siya. "mata ko, malabo," sagot niya. isinandal niya ang sarili paharap sa railings, kabaliktaran ni tsukishima na likod ang isinandal pero ang mata ay nasa kaniya.
"why are you here? wala ka pang jacket."
"pumasok ka na lang kung pagagalitan mo ako—aray!" hinawakan niya ang noong pinitik nito. "inaano kita?" mangiyak-ngiyak niyang tanong.
tsukishima only chuckled, keeping his hands in the pockets of his jacket.
ginaya niya ito at tumingala muli. she couldn't help but notice how the moon seemed to be brighter now than earlier, so were the stars.
"kei, may tanong ako."
she saw him glanced at her, no, fixating his eyes on her. at wala siyang kakayahan para gantihan ang tingin nito.
"go on."
"what does it feel to be in a committed relationship?" she started. bumibilis ang tibok ng puso niya, handa nang masaktan sa mga example nito.
but imagine her suprise when she saw him shrugged. "i haven't done commitments yet."
"huh?" she looked at him. "what do you mean eh last girlfriend mo nga six months ago? tapos three months before that may boyfriend ka naman? halos recently ka lang nabakante huy."
once again, pinitik ni tsukishima ang noo niya. "they're not commitments. ever heard of flings?"
"oh."
"yes, oh." inilapat ni tsukishima ang daliri sa noo niya, at bahagya itong hinagod bago nagpatuloy, "those were all mutual decisions, by the way. pare-parehong landian, o gusto ng experience."
"i didn't... think of that." she chuckled. "but do you think one day you'll commit?"
"of course... i'm just waiting." tsukishima's voice sounded so soft. he's only like this when he's really talking about something he's passionate about, and she couldn't help but feel jealous for the person he would be willing to commit to. "bakit ka pala nagtatanong? are you ready to commit? meron na ba?"
she bit her lower lip. she couldn't look at him, so she stared at the pool instead. "yes," she answered. hindi niya alam kung pagsisihan niya pero—bahala na. "i mean, yes i'm ready. ngayon ko lang naramdaman 'tong readiness na ganito, so tingin ko okay na."
"is that why you're quoting syd hartha earlier?"
surprised, she looked at him. pero nang makita niya ang mapang-asar nitong ngiti, muli niya itong sinuntok sa braso. "tigilan mo nga!"
natawa ito. "but really? sinong malas naman nagugustuhan mo at napa-ready ka na magcommit bigla?"
tanga ka, ikaw.
"ba't ko sasabihin?" she stuck her tongue out. "eh ikaw, anong hinihintay mo para magcommit? tamang panahon?" her laughs echoed the night.
he shook his head, smiling fondly. "siya."
"huh?" nahinto ang tawa niya.
"hinihintay ko na lang siyang maging handa."
ang ganda ng ngiti niya. nagseselos ako.
tsukishima kei what have you done to her? she has never felt like this before, everything is so foreign pero sigurado siyang nagseselos siya. sigurado siyang hinihiling niya ngayon na sana siya ang tinutukoy nito.
"what if ready na siya tapos maunahan ka? sigurado ka bang gusto ka rin niya?"
"sakit mo naman magtanong." tumawa ito, itinulak ang salamin. "sa tingin ko hindi ako mauunahan kung kikilos agad ako ngayong alam ko nang handa na siya. but if she doesn't like me back, and she has someone—ewan, shot na lang siguro."
this time, dalawa na silang tumatawa. "tama. hindi ako umiinom, pero sasamahan na lang kita."
silence ensued after that laugh. she looked at him, and this time, ang mata nito ay nananatili sa pool sa ibaba. subtly, she took a step back. she took that liberty to stare at his golden locks, being blown by the wind, his broad shoulders, his hand that's touching the railings now. she imagined it holding someone that's not her, and it hurt.
flings pa lang lumalayo na siya. panigurado, once he's committed to his someone, lalayo pa siya lalo. not literally, pero they won't be as close as this. she doesn't want to give the woman a hard time dahil babae rin siya. gets niya. masakit lang. probably once the feelings fade, babalik siya bilang kaibigan na lang talaga.
pero ngayon, siguro... siguro aamin na siya. para mabilis ang paglayo, mabilis din siyang babalik dahil mabilis siyang makaka-move on na. hindi magkakaroon nang dahilan ang someone nito para magselos sa kaniya.
ang hirap naman nito! nakaka-miss noong calculus lang ang problema niya.
her fist clenched inside the jacket. imbis na magmukmok, kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng pajama at ilang beses na kinuhanan ng litrato ang anino nilang dalawa. nang muntik na siya mahuli, kinuhanan niya naman ang buwan na sa paningin niya ay lumalabo.
she was about to say something when tsukishima grabbed her phone from her hand. she watched as he turned it to selfie mode, and put his arms on her head, squishing her under. wala na siyang nagawa kundi mamula habang kumukuha ng litrato ang lalaki.
"parang tanga naman, 'to? walang sabi-sabi, hitsura ko ro'n."
"lagi namang ganiyan mukha mo, okay na 'yan."
"ano, mukha na namang tanga?"
"ikaw nagsabi niyan." humalakhak ito.
"ewan ko sa'yo!" huling sabi niya bago padabog na bumalik sa kwarto.
she woke up screaming as her uncles carried her from the room. the sunlight was already hitting her face habang maingat na hawak ng isang tito niya ang mga braso, at ang isa naman ay sa paa. hindi pa niya naip-process ang nangyayari sa paligid hanggang sa makarinig siya ng tawanan sa paligid.
"ayan ang huling alay! tagal mo gumising ah!" she heard one of her cousins.
she was just screaming until she felt she was being shook. pin-prepare na siyang ibato sa gitna ng swimming pool. hindi niya maidilat ang mata, pero nagsisisi siyang hindi niya man lang hinubad ang jacket kagabi! ang bigat tuloy!
"ah!" she screamed before finally feeling herself being thrown. she felt a gentle arms caught her on the pool, mukhang napaaga ang pagsalo nito dahil halos hindi niya maramdaman ang tubig sa katawan. pero nang marahan siya nitong inilubog, tinira lamang ang mukha niya sa ibabaw ng tubig, pinaghahampas niya ito.
"bwisit ka!" bago siya tumawa nang tumawa.
"napaaga eh!" tumawa rin ito. "anong gusto? anong gusto?" pang-aasar nito.
"duga ni kuya kei sinalo agad!" rinig niyang sigaw ni sab.
"kuya kei bakit ako muntik nang malunod!?" biro ng isa pa.
"ikaw," bulong niya.
"huh?"
"ikaw, gusto ko," sagot niya, nakataas ang noo. akala mo ay hindi basang-basa at bagong gising. akala mo ay hindi na halos mamatay sa kabog ng dibdib.
"what do you mean?"
"figure it out, stupid." umirap siya. itinulak niya ang dibdib nito dahil buhat pa rin siya nito. "iahon mo na 'ko, tanga. makakaagaw pa ng atensyon dito."
sinamaan siya ng tingin ni tsukishima, pero kita niya ang pamumula ng mukha nito. "mag-uusap tayo pag-ahon mo."
"mag-uusap tayo pag-ahon mo," she mocked, making faces as they went off the pool.
#haikyuu fanfic#fanfic#haikyuu fluff#tsukishima x you#tsukishima kei#tsukishima kei x reader#filipino#haikyuu filo#filo fic#oc#tsukishima kei x oc#confessions#friends to lovers#haikyuu headcanons#original character
34 notes
·
View notes
Text
Maniwala ka sana. Pero sa tingin ko mas malaya ang taong mas maraming pera. Mas marami kasing nagagawa, napupuntahan, at kaibigan. Pero hindi nangangahulugan na kapag wala kang pera hindi ka malaya, na tipong wala kang kayang gawin. Pero ang totoo mas marami kapang gagawin para merong kang magagawa at sa mga lugar pwedeng kang gumala kahit walang mapapala.
Mas magulo naman yung mawalan ka ng kalayaan na gumawa ng tama. Yung nasobrahan kana sa tama. Gusto mo tama ka, gusto mo din may tama ka, tapos makaka-tama ng hindi tama, kahit na hindi pinatamaan. Kahit anong iwas, hindi na kayang mailagan. Pero hindi ikaw yung tinutukoy ko, tinutukoy ko ay kayo, syempre kasama ako. Basta alam mo na yun, pero kung hindi, maaaring hindi ko din alam. Sino ba naman kasing nakakaalam diba.
Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon si Batman ang bahala, ba’t naman kasi diba. Dapat ikaw na bahala sa sarili mo, tapos ako na bahala sa sarili ko. Para naman wala na tayong kinakabahala. Paminsan kasi nadadamay pa yung tunay mong karamay sa buhay habang nabubuhay.
Kaya naman napagtanto ko na, matatawa ka sa sarili mo kapag pinilit mong magpatawa. Walang ibang natawa kundi ikaw lang din sa sarili mo. Matutuwa ka dun, kasi nagtagumpay ka. Matutuwa sayo ang iba, pati narin yung mga taong hindi na iba sayo, lalo na yung sa buhay mo gumabay. Si Nanay, na laging kang sinanay na masanay sa hirap ng buhay. Dapat sa tamang oras ay nasa loob kana ng pamamahay. Makakamtan mo ang pagpupuri na makakatotohanan at hindi kalokohan. Kapag sinabi niyang ang galing mo talaga pagdating sa kalokohan. Dapat mo yung ipagmalaki kasi hindi nalang palaging mali ang nakikita sayo. Kalokohan nga e. Ibig sabihin simula palang, mali na.
Bandang huli niyan, walang ka paring pera. Advance kasi mag-isip e. Wala pa yung pera, ginastos mo na, sobra pa yung ginasta. Pero ito talaga ang hinitay nating pagkakataon. Dito natin masusubukan kung umaasa kapa. Tulad ng kung sino man nagsabi na, “Di na baleng maubusan ka ng pera, wag ka lang maubusan ng pag-asa.” at “Di na baleng maubos ang yaman, wag lang ang yabang.”, sa bahaging ito tama kana. Ang yabang mo kasi putang ina ka. Hahaha.
Nasa dulo pa naman ang pamagat nito.
MALING TAMA NG MAGULONG ISIPAN
12 notes
·
View notes
Note
what vacation trip location dito sa Pinas ang pinaka-nagustuhan mo/pinaka-memorable sayo? any particular story why you chose that location?
Okay, pinaka favorite na vacation trip location, my province Bicol. I have so many fond childhood memories there. It was like a comfort place for me especially my grandmother's house. I have so many fun stories there, we go there every year, always month of April kase pyesta din don ng April. We would stay there, uuwi yung parents ko dito sa Manila magpapaiwan ako dun kasama mga pinsan ko kase before diba matagal summer break ng mga studyante and we would stay there for like a month. And the Mayon, my God! Pupunta kami sa baybay, lalakarin lang namin, tanaw na tanaw kase don. And it is always so majestic kahit ilang beses ko ng nakita ang Mayon. And up to this day whenever I go home to Bicol it is like a time capsule. Nostalgic ika nga. Iba talaga pag childhood memories no? Pag sinabi ko noon na bakasyon grande, isa lang uuwian ko. Bicol. I don't care kahit 14 minsan 17 hours ako sa byahe nakaupo sa van or bus.
Ang drama ko ata ngayon hahaha.
Pero ayon. Bicol unang nasa isip ko. Pangalawa El Nido, maybe because first time kong mag travel mag isa tapos El Nido. It was such a fun experience.
Sorry ngayon ko lang nakita to hehe.
2 notes
·
View notes