#kalapati
Explore tagged Tumblr posts
travellersocs · 10 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
ta-ao's family tree :D
Tumblr media
old versions of calpiyo's family (possibly 2021? i lost the original file and i only have a screenshot LOL)
13 notes · View notes
therealestate · 2 years ago
Text
Olongapo city
Cabalan
480sqm
Tittled
1 master bedroom
And 2 br
Fully furnished kasama ford ranger
10m
Titirahan nalang
Hindi kasama mga bag ng owner at damit
Anu pa hinihintay ninyu guys panalo na kayu diyan pa unahan nalang kayu
to those who are property owner and have apartment commercial airbnb or for sale
https://twitter.com/KrizRealtor?t=dUYf5KCnxqxVs6C1TwFKww&s=09
and
who want to be a agent and agent who have listings pls pm me or text
For more details pls contact
Smart 09219797647
Globe 09776149853
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
such-a-downer · 1 year ago
Text
This is how the peeps here to call back their bird lol
clapping really loud but can only do it once
3K notes · View notes
cosmic-wonders-series · 11 months ago
Text
Bah’Rhys’ weapon of choice~
The Unusual, and Princely,
Umiiyak Na Kalapati
Tumblr media
196 notes · View notes
diahmontajes · 9 days ago
Text
"Ang Kalayaan ay pananagutan ng bayan para sa matuwid na daan."
Tumblr media Tumblr media
Ang kalayaan ay isang kalagayan o kondisyon kung saan ang isang tao, grupo, o bansa ay may kakayahang mag desisyon at kumilos ayon sa kanilang saring kagustohan nang hindi pinipilit o pinipigilan ang iba. Sa mas malalim na kahulugan, ito ay tumotukoy sa kakayahan na mamuhay ng malaya, magkaroon ang mga karapatan at pribilehiyo, at isakatuparan ang mga layunin at pangarap nang walang takot sa pananakot o panghihimasok mula sa ibang tao o pamahalaan. Ang kalayaan ay may mga hangganan upang ma protektahan din ang karapatan at kalayaan ang iba  
Sa pang kalahatan, ang kalayaan ay isang mahalagang prinsipyo na nag papalaganap nag dignidad at paggalang sa bawat isa. Gayun paman ito ay nangangailangan nang sapat na kaalaman at desiplina upang maiwasan ang pang-abuso at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lipunan.
Tumblr media
Ang kalapati ay simbolo ng kalayaan dahil ito ay kinikilala bilang isang hayop na malaya at hindi nakakulong, madalas lumilipad nang walang hadlang. Sa maraming kultura at relihiyon, ang kalapati ay itinuturing na simbolo ng kapayapaan, pag-asa, at kalayaan mula sa pighati at pagsupil. Ang pagkilos ng kalapati na malayang lumipad sa kalangitan ay sumasalamin sa hangarin ng bawat tao na magtamasa ng kalayaan at karapatang mabuhay nang walang takot o pang-aabuso. Gayundin, ang puting kalapati ay ginagamit sa iba't ibang pagdiriwang at pagtitipon bilang tanda ng bagong simula at pagnanais ng kapayapaan at kalayaan sa lipunan.
Montajes, Heidi Dianne P.
Grade 10 - St. Fulgentius
Filipino 10
13 notes · View notes
giocentric · 1 month ago
Text
My love for animals keep alive talaga. The very reason why I am still alive right now are my pets, may they be in the rainbow bridge or still with me now. Growing up, wala akong maalalang period sa buhay namin na nawalan kami ng alaga. Noong bata ako naaalala ko meron kaming mga aso, pusa, may mga manok, mga bibe, at mga kalapati. Nagkaroon din kami nung ibon na parang pabo. Nung 2019 nagkaroon ako ng aso. Isa siyang mixed breed ng pug at dachshund. Special siya for me kasi ako mismo yun pumili sa kaniya. Kumbaga, napunta siya sa akin dahil siya yung pinili ko at hindi lang basta basta binigay. I named him James Dean, kinuha ko sa song ni Taylor Swift na Style. Hindi siya nagtagal sa akin dahil nagkasakit siya. Kasalukuyan akong naggagamot at nakahinto sa pag-aaral ng panahon na yon. Naglakas loob akong mangutang sa pinsan ko. Pinahiram niya naman ako at nadala sa vet si James. Nasuweruhan siya at nabili naman ang mga gamot. Kaya lang dahil sa wala akong pinagkukunan ng pera, iniuwi siya. Di ako makatulog nang maayos ng gabing yon. Chine-check ko siya from time to time. Nakaidlip ako at nagising ng mga bandang alas-kuwatro yata at tiningnan siya pero matigas na siya. Sobrang gumuho mundo ko non. Di na rin ako nakabalik sa pagtulog ko at ayaw ko na tumuloy sa check up ko nang araw na yon. Wala akong nagawa kundi tangapin na lang din ang nangyari sa James Dean ko.
A year earlier, 2018, taon na una akong na-diagnose e nagkaroon ng bagong aso sa bahay. Ilang linggo lang yata yon nang ma-dioagnose ako. Umuwi ako isang gabi sa bahay galing sa school freshman ako non. Nagulat ako may cage sa may terrace, akala ko bola yung nakita ko tas biglang gumalaw saka tumahol. Si Yamyam naman yung aso na yon. Isa siyang princess type shihtzu. Dumating si Yamyam sa buhay ko nung panahong sinusubok ako. Pinagpalit siya sa hedgehog na alaga rito sa bahay kaya siya napuna sa amin. Tuwang tuwa ako kay Yamyam dahil para siyang bata. Nung unang gabi niya nilabas ko siya sa cage kasi naglaro kami. Nung aakyat na ko sa kuwarto ko para matulog e pumunta siya sa may pinakababa ng hagdan at tinatahulan ako. Gusto niayng sumama sa akin kaya inakyat ko siya. Simula non naging roommates na kami. Naging mahaba naman ang buhay ni Yamyam, yun nga lang ay nagkasakit siya kalaunan. Kung tama ang pagkakaalala ko, isang blood parasitic disease yung naging sakit niya. Madalas kong iyakan si Yamyam nung mga panahong nanghihina na siya. Itinatabi ko pa rin siyang matulog. Wala akong pakielam kung sukahan niya yung kama ko nang ilang beses. Malalabhan naman ang beddings at mapapalitan pero yung mga panahon na makakasama ko siya e maikli na lang. May mga gabi na bago matulog, kinakausap ko siya na kung pagod na siya e magpahinga na siya. Nahihirapan akong nakikita siyang nahihirapan. January 20 this year, that was Saturday, nakipag-meeting ako sa school ng pamangkin ko kaya iniwan ko siya. Nakahiga lang siya sa may kusina. inabot din ako ng anong oras at pag-uwi ko, nakatumba na siya at basa sa ihi niya. Hindi pa siya Malamig pero medyo matigas na. Hindi na ako naiyak kasi inaasahan ko naman na. Pero masakit pa rin.
Late 2023 may inampon akong kuting. Akala ko anak ng pusa namin tas iniwan niya sa labas. Sinubukan kong hulihin kaso di ko mahuli, kinagabihan tumatawag yung kapitbahay namin na bata inabot yung kuting, hinuli niya tas binigay sa amin. Nung una kinulong ko siya para masanay sa presence ko. Tas sinusubukan himasin hanggang sa nasanay naman na siya at pinakawalan ko na. Pinangalanan ko siyang Miming (weird talaga ako magpangalan ng mga alaga). Female calico cat siya. Katabi ko rin siya matulog. December that same year nag-umpisa siyang magtae. Nung una akala ko may nakain lang kaya hinayaan ko. Pero nung di huminto, nagtanong ako sa Facebook mutual ko na graduate ng animal science. Una advice niya e natural intervention muna. Pero di tumalab kaya sabi niya e bumili ako ng probiotics. Agad akong namili at pinainom yun kay Miming. Kinulong ko muna siya dahil nga nagkakalat ng dumi. Nagkasugat siya, nililinis ko naman. Hanggang sa kinausap ko na rin siya na magpahinga na kung nahihirapan na siya. Grabe rin ang iniyak ko nung nawala siya.
May dalawang pusa rin dito sa bahay na namatay ngayong taon. Si Minggu na namatay sa bugbog ng ibang mga pusa. Pinapasok pa siya rito sa bahay para awayin. At si Kitty na female kitten. Si Peachy naman na isang female japanese spitz ay nasagasaan noong pandemic dahil tumakas sa bahay para hanapin pinsan ko. Marami pa kaming mga alaga na nilisan na kami at sa dami nila, di ko na sila maiisa isa.
Ngayong taon may kalapating pumunta rito sa bahay at manok. Yung kalapati pinangalanan kong si Ibon. Tas yung manok naman si Chooks (Chooks to Go). Si Ibon dahil nga malaya naman siya e umuuwi lang para kumain. May isang araw na umuwi siyang may kasamang ibang kalapati. After non di na ulit siya umuwi, nakipagtanan na yata. Si Chooks naman nakalabas ng gate kasi naiwang nakabukas tas yun di na rin nakauwi.
Last night was the worst night I had to date. Grabe yung episodes ko. I almost did the thing (you know what it is). Tapos sakto narinig ko si Whitey sa bubong namin. Ilang lingo na rin na di halos umuuwi. Ampon din namin si Whitey last year. Tapos naisip ko na kung mamamatay ako di ko na sila makikita. As someone who grew up in a Catholic household and studied in a Catholic School in secondary school, I am taught that claiming your own life is a mortal sin. You will not be permitted to enter heaven. The very reason why I still not claim my own life is because, if heaven is real, I want to enter heaven and reunite with my departed pets. Kasi kung di ako makakapasok sa heaven, paano ko pa sila makakasama ulit? I look forward to the day when I will be able to ake care of them again. And marami pa kaming mga alaga na nandito sa amin, gusto ko pa sila alagaan. At pinanghahawakan ko pa rin yung pangarap ko na makapagtayo ng animal center for domesticated pets and sanctuary for all kinds of animals.
P.S. Saka other factor din yung di ko na maririnig yung albums from my favorite artists like Avril Lavigne, Taylor Swift, Carly Rae Jepsen, Mariah Carey, Katy Perry, Tori Kelly, Kylie Minogue, Pink, Kesha, Lady Gaga, Madison Beer, Chappell Roan, Sabrina Carpenter, Tove Lo, Ellie Goulding, Miley Cyrus, etc (plug ko lang sila and yes, mediocre music taste ko). Gusto ko pa rin marinig yung future releases nila saka yung re-recordings ng Reputation and Debut album ni Tay.
I still hope for better days. :)
9 notes · View notes
natutulogpa · 8 months ago
Text
HAHAHAHAHAH sharing this kwento here kasi sobrang hiyang hiya ako sa nangyari at dapat maramdaman niyo rin yung hiya ko
Inutusan ako bumili ng nanay ko sa grocery na lagi namin binibilhan habang nagbabayad nakita ko yung tarp na nakasabit sa gilid may kalapati tas langit design nakalagay dun yung date ng pagkabuhay at kamatayan shockedt ako malala pagkauwi kwinento ko kay nanay kako "patay na pala yung babae dun sa grocery, anyare? may sakit ba siya?" hindi daw alam ni nanay gulat din siya
kinabukasan kinausap ako ni nanay "ano yung sinasabi mong patay na si ___, eh bakit kanina nakausap ko pa"
HAHHAHAHAHAHAAHAHAHAHA TANGINA HAHAHAHAHABAHAHABAHAHAHAA
tapos nung nag-grocery kami the following day nung nakita niya yung babae tinuro niya pa sabi ayan oh tapos ako naman napa-NAYYYYY!!! tas medyo kinurot ko HAHAHAHAHAHAHAHAH tangina hiyang hiya ako im sorry ate pinatay pa kita HAHAHAHAHAHAHA nagkalat pa ko ng fake news HAHAHAHAHAHA
7 notes · View notes
genesisxlivia · 1 year ago
Text
We haven't given you what Nezu's voice sounds like really, have we?
Voiced by Kalapati!
(youtube upload only because for some reason the video breaks putting it on any other site)
10 notes · View notes
jhusferhayse · 8 months ago
Text
ten uncommonly used Filipino word
1: Kalapati - dove or pigeon
Example: "Nakakakita ako ng kalapati sa hardin kanina." (I saw a dove in the garden earlier.)
Tumblr media
2: Pamumunong-kawani - bureaucracy
Example: "Ang pamumunong-kawani ay mahirap sagutin dahil sa dami ng papeles na kailangang isagawa." (Bureaucracy is difficult to navigate because of the number of papers that need to be processed.)
Tumblr media
3: Pangangalaga - care or custody
Example: "Mahalaga ang pangangalaga sa kalikasan upang mapanatili ang kagandahan ng ating kalikasan." (Taking care of the environment is important to preserve its beauty.)
Tumblr media
4: Kulintang - a type of traditional musical instrument
Example: "Marunong siyang tumugtog ng kulintang." (He knows how to play the kulintang.)
Tumblr media
5: Panglaw - refreshment or drink
Example: "Ang mga bisita ay inalok ng iba't ibang uri ng panglaw." (The guests were offered different kinds of refreshments.)
6: Lapastangan - disrespectful or blasphemous
Example: "Hindi dapat tayo maging lapastangan sa mga tradisyon ng ating mga ninuno." (We should not be disrespectful to the traditions of our ancestors.)
Tumblr media
7: Pamamangka - boating or rowing
Example: "Mahilig siya sa pamamangka sa ilog tuwing Linggo." (He likes boating in the river every Sunday.)
Tumblr media
8: Kabatiran - knowledge or awareness
Example: "Dapat nating pahalagahan ang ating mga kabatiran sa kasaysayan." (We should value our knowledge of history.)
Tumblr media
9: Kalupi - wallet or purse
Example: "Nawawala ang aking kalupi kaya't hindi ako makabili ng pagkain." (I lost my wallet so I can't buy food.)
Tumblr media
10: Tayuyuan - mutual understanding
Example: "Mahalaga ang tayuyuan sa isang relasyon upang magtagal ito." (Mutual understanding is important in a relationship to make it last.)
Tumblr media
2 notes · View notes
melovesanneeeee · 1 year ago
Text
Kapag ba mga kalapati ang kinasal,
Naghahagis din sila ng tao????
19 notes · View notes
alesseia · 2 years ago
Note
🎫 Ticket for any WIP/OC lore of your choice.
Hello there, thanks for the ticket 😄 I appreciate any chance to ramble about my OCs!
Hm, I guess the first thing that comes to mind is that their names are actually not their names. I like to imagine that I'm just translating Alesseia's story for an English audience* so I stick to names that are fairly familiar with my target audience!
* yes, like Tolkien. except I never read any of his books, don't plan on doing so, thought of this before I even knew he did it, and am pretty insecure in my skills to make a real conlang lmao
Anyway, if you wanna know the current names:
Axel Viridian -> Ashel Luntian
Avery Bellamy -> Vera Velmonte
Leandro Chasen -> Leylan Chang
Nathan Fowler -> Nalina Kalapati
The given name tends to be a remix of their first name while the surnames are generally based on real Filipino words or surnames. In the theoretical Aleseya conlang I'd make (which I will hopefully make one day), these words would have roughly the same meaning as the original names did.
3 notes · View notes
goldennikko · 2 years ago
Note
pagmamahal pagmamahal pagmamahal
kalapati kalapati kalapati
lovey lovey lovey
dovey dovey dovey
2 notes · View notes
pusacathhh · 2 years ago
Text
Captured: 11/12/22—3:39 pm
Dami mong kuhang larawan sa'kin, pero ito pinakagusto ko. May hawak kang phone with telephoto lens if am not mistaken. Favorite ko 'to lalo nung sinabi mo na..
“Mas malinaw 'to sa iPhone, pag iPhone yung phone na ginamit”
Maybe ang simple nito para sa'yo o sa ibang tao. Maybe nakalimutan mo na 'to. Even I, hindi ko rin tanda yung exact words kung hindi ko pa uli pinanood recorded video— but yung moment, yung genuine feeling, hindi ko makalimutan. You know why? I can feel your passion for it as you say those phrases.
Ang simple nung moment na 'yun, but it tells a whole story. Sa tuwing nakakakita ako ng taong likas sa kanila yung husay para sa mga bagay na gusto nilang gawin, may part sakin na humihiling na sana hindi mamatay ang apoy sa puso nila. Sana patuloy lang silang lumikha. Sana magpatuloy lang sila.
At yun din ang gusto ko para sa'yo, ang magpatuloy ka lang sa mga bagay na gusto mong gawin. Kung ito yung bagay na nagsasalba sa nakakapagod na mundo, magpatuloy ka. Kung ito yung mahal mong gawin, lumikha ka lang. You are capable, Marc. There's always someone who appreciates and admires your entirety and your passion. Isa na ako roon. Palagi akong proud sa'yo 🤍
Gusto ko ring magpasalamat sa'yo sa mga times na nakakabingi ang katahimikan. Sa mga times na ni pag-imik di ko na rin magawa dahil sa bigat. Hindi ako showy madalas but I appreciate you A LOT; hindi lang dahil willing ka makinig kundi napakagenuine mong tao(mahilig nga lang sa kalapati at bungo). Many things have come that are unbearable, but it is through you that things get better—that I am truly better.
You were one of the few reasons why I stayed just a bit longer. Thank you for your existence, Marc. Thank you dahil mayroon akong ikaw.
Keep going. Palagi lang ako/kaming nakasuporta para sa'yo.
Happy New Year, fave kong kabardagulan! 🤍✨
Tumblr media
2 notes · View notes
chrissanv · 2 months ago
Text
October 7 Monday
Walang masyadong klaseng naganap pero kahit ganon may natutunan parin ako nung Araw na yun nakalimutan ko na nga lang ngayon then maaga uwian kaya kumain muna ako sa chooks to go tapos uwi na para mag pahinga matulog pag gising ko naman nag asikaso nako para mag pakain ng mga manok at kalapati
0 notes
sadgunita · 6 months ago
Text
gusto kong maging masaya ka. gusto kong bilhin mo iyong mga bagay na gusto mo noong bata ka—iyong barbie na p'wede mong palitan ng iba't ibang damit, iyong baby alive na maari mong pakainin at yakapin na parang sariling anak, iyong doll house na may ikatlong palapag at pekeng swimming pool, o kaya iyong pinakapinapangarap mong cashier-cashier-an. gusto kong makita kang nagbabasa. gusto kong bumili kang maraming libro, mapa-wattpad man o walang katuturang kwento, basahin mo. gusto kong bumili ka ng maraming papel, notebook, at mga ballpen. bilhin mo iyong notebook na dotted ang linya dahil hindi ka pantay magsulat. bilhin mo iyong calligraphy pens na hanggang ngayon hindi mo pa rin nache-check out sa shoppee. bumili ka ng iba't ibang klaseng ballpen mula sa pinakamanipis na tinta hanggang sa pinakamakapal—red, purple, pink, green—bilhin mo lahat ng kulay na gusto mo—at magsulat ka. magsulat ka kahit walang kabuluhan. magsulat ka kahit sobrang ikli lang. magsulat ka hanggang sa wala ka nang natitirang parirala o titik at letrang maisip. basta magsulat ka lang.
gusto kong maging masaya ka. gusto kong libutin mo ang mundo gamit ang iyong notebook at ballpen. gusto kong maglakbay ka na may entra sa bawat destinasyon na paroroonan mo. gusto kong ilarawan mo ang bawat tourist spot na pupuntahan mo, ang mga estrangherong ngingiti sayo, ang mga hayop na makakasalubong mo—pusa, aso, kalapati, o kung anumang uri ng ibon—isulat mo sila.
gusto kong maging masaya ka.
gusto kong magsulat ka pa.
0 notes
dimagapi · 7 months ago
Text
Ellas que esperan
I.
Tayo noong araw kay hilig magmasid Ng nagliliparang ibong maririlag Sa’ting panonood, napag-isip-isip Ang tularan sila’y maaari kayâ?
Tila mga maya tayo sa simbahan Nakadungaw mula sa pugad na kubli Sinusubaybayan ang mga kasalan At itinatago ang pintig ng dibdib
Hindi ko pa lubos maisip kung bakit Ikaw ay sumakay sa hangin ng sigwa Pugad ay nilisan nang walang pasabi Naging paraluman ay pakikidigma
Kung ang kalapati’y marunong bumalik Kapag ang palakpak ay kan’yang narinig Ang hibik ko kayâ ay mapakikinggan Nang pangungulila’y tuluyang maibsan?
(Nakikinita kong sa iyong pag-uwi Ako’y babalutin ng iyong alampay At bibigyang init sa gabing kay lamig Tulad ng inahin sa kan’yang inakay)
————
II.
Ikaw noong minsa’y napuno ng inggit Sa iyong namasdang mga ibong pipit Sila’y nagsasama sa iisang pugad Bulong mo sa akin sabay sa pagyakap
Ngunit kailangang sa yakap kumalas Sapagkat ang laban ay hindi pa tapos Mga pakpak nati’y dapat nang ibuka At h’wag nang pumayag mabilanggong lubos
(Binitbit ko lamang ay panyong seda Ang iyong pangalan dito’y nakaborda Itatapal sa aking pusong punyalada Maghihilom lamang sa tahanang sinta)
Nakaalpas tayo sa kapit ng leon Ngunit ang agila’y agarang sumilà Sa'ting mga leeg, kuko’y ibinaon Hinihintay tayong tuluyang manghina
Kunwang agila pa sila pumostura Subalit sa tapang sila ay kinapos Pagkat ang totoo ay b’witreng sugabang At sa mahihina sila naghahabol
Sa kawalang-dangal tayo’y isinadlak Panay ang kahig, walang natutuka At sa paghihintay na bunga’y mahinog Baya’y ginugutom, lubhang binubulok
Babád na sa dugo at nanlilimahid Ang nagtatawanang mga b’witreng ganid Tila ‘di pa sapat ating pagkadusta Pinagsasabong pa ang dukha at dukha
Hindi kalapati o maya ang saksi Walang nakikinig sa bawat pag-ingit Gayong wala na ngang iba pang tutugon Krus ay balikatin; Ito’y ating Pasyon
Kung hindi aalma ay mananatili Tayong mga guryon, mumunti’t kay hunâ Buto’t balat lamang, kay daling mabali Matapos hangini’y babagsak sa lupa
Huwag mong hayaang pakpak mo’y mapunit, O kayâ sa dingding mariing ipako Sa halip ay dapat maputol ang pisì Na kapit ng among mas hayop sa hayop
Ang ginhawang huwad ay s’ya nang iwanan Magtungo kung saan ang lahat ay pantay Giliw, ang lugar mo’y ‘di sa isang hawla Kay lawak ng langit, sa’yo’y naghihintay!
Nawa’y piliin mong huwag magpagipit Aking hihintayin ang ‘yong pag-alagwa Sa digma ay tunay nating makakamit Sinisintang laya’t laya ng pagsinta
————
III.
‘Katapos ng digma, tayo’y magsasayaw Sa kumpas ng himig ng ating pahinga Waring mga sisneng nangagtatampisaw Sa payapang sapa at nagsusuyuan
Sa tabi ng ilog na lumalagaslas Tayo’y magdiriwang, o, aking kabiyak Animo ay pakpak na pumapagaspas Balabal na manton sa ating pag-indak
Puting kalapati ang s’yang maghuhudyat Sintang kalayaan ay napasaatin At ikaw, giliw ko’t pinakamumutya Sa ginhawa’t hirap ay makakapiling
————
Para sa writing challenge namin ng isa kong kaibigan. Nagroleta kami ng mga topic na hiningi mula sa mga kakilala, pagkatapos ay binigyan namin ang isa't isa ng susunding tema. It was a fun experience, pampagana ng brain cells. Gusto ko pang ulitin kahit may kabagalan akong sumulat ng tula.
1 note · View note