#jose maria layun
Explore tagged Tumblr posts
Text
Welcome baby José María Layún Galván to the world 🎉👶🏻🍼💙
Pic: Miguel Layun
3 notes
·
View notes
Text
Liham ng Apela
Ika-3 ng Desyembre, 2018
Kagalang-galang na Jose Maria Edito K. Tirol, Ph.D.
Office of Admission and Aid
Pamantasang Ateneo de Manila
Loyola Heights, 1108 Lunsod Quezon
Pilipinas
Ginoong Tirol,
Magandang araw!
Ako po si Jana Gusilatar, isang mag-aaral mula sa nakakatandang mataas na paaralan ng Ateneo De Manila, at buong puso po akong sumusulat sa inyo upang humingi ng konsiderasyon sa resulta ng Ateneo College Entrance Test (ACET). Kinuha ko ang eksam na ito noong Setyembre 22, 2018, ninanais na makapasok sa isa sa mga pinakaprestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Sa kabila ng hindi pagpasa, hindi umaalinlangan ang determinasyon ko na makatanggap ng magandang edukasyon.
Simula ng ika-siyam na baitang, taon-taon na akong nakatanggap ng iba’t ibang pang-akademikong gantimpala. Nakamit ko ang ikalawang karangalan sa dalawang termino noong unang taon sa mataas na paaralan ng Miriam College, at nakatanggap din ako ng ikalawang karangalan sa lahat ng termino noong ika-sampung baitang. Sa ika-labindalawang baitang naman, lumipat ako sa Ateneo De Manila at nakuha ko ang ikatlong karangalan sa unang semestre at ikalawang karangalan naman sa ikalawang semestre. Ngayong huling taon ko na sa mataas na paaralan, natanggap ko ang unang karangalan para sa unang semestre. Sa kabila ng lahat ng pang-akademikong gantimpala na natanggap ko sa eskuwelahan, hindi po lamang sa pangakademikong gawain ako kompetado, dahil aktibo rin ako sa mga ekstrakurikular na gawain at mga adbokasiya sa loob ng paaralan. Naging boluntaryo ako sa mga organisasyon na layuning makatulong sa mga nangangailangan, katulad ng Brookside Tutoring Program at Landas ng Karunungan. Sa pamamagitan ng mga organisasyon na ito, nakapagturo ako ng mga estudyanteng na nag-aaral sa pampublikong paaralan. Ngayong taon naman, kasapi ako ng Lakambini sa nakakatandang mataas na paaralan ng Ateneo De Manila kung saan inipaglalaban namin ang mga karapatan ng kababaihan at mga kabilang sa komunidad ng LGBT+
Base sa mga natanggap kong gantimpala at mga nagawa ko bilang estudyante sa mataas na paaralan, naniniwala ako na hindi sapat ang ACET upang matansiya ang kakayahan ng isang estudyante. Humihingi po ako sa inyo ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko na kaya ko maging mahusay na estudyante sa pamantasang Ateneo de Manila.
Maraming salamat po sa oras na inilaan ninyo at inaasahan ko po ang inyong konsiderasyon.
Matapat na sumasainyo,
Jana Gusilatar
Estudyante
0 notes
Text
Natatanging boluntaryo sa gitna ng pandemya, kinilala ng PNVSCA
#PHinfo: Natatanging boluntaryo sa gitna ng pandemya, kinilala ng PNVSCA
LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna, Enero 4, 2021 (PIA) -- Pinatunayan ng mga natatanging indibiwal na nagserbisyo sa gitna ng pandemya na nananatiling buhay ang diwa ng bayanihan.
Kinilala ng Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency (PNVSCA), sa ginanap na Search for Outstanding COVID-19 Volunteers (SOCV) noong ika-16 ng Disyembre, sa Lungsod ng Cabuyao, ang mga natatanging boluntaryo na naging katuwang ng pamahalaan sa paghahatid ng iba’t ibang serbisyo sa gitna ng pandemya.
Itinanghal si Maria Guia de Leon bilang natatanging boluntaryo sa CALABARZON. Bilang pangulo ng Rotary Club, pinangunahan niya ang iba’t ibang proyekto, gaya ng ‘Pagkaing Dagdag Tulong’, na layuning matungunan ang pangangailangan ng mga frontline worker at mga pamilyang lubos na naapektuhan ng pandemya.
Ayon kay de Leon, hindi naging madali ang kanyang naging karanasan sa pagseserbisyo dahil sa mga hindi magandang kumento kanyang natanggap.
Aniya, “Nakaranas din ako ng bashing mula sa mga taong hindi nakakaintindi,”
Isa lamang si de Leon sa 17 babae at lalaki mula sa iba’t ibang rehiyon na nagpamalas ng dedikasyon sa pagseserbisyo sa gitna ng pandemya.
Kasama dito sina Clementia B. Lapas (CAR), JC Finale T. Siazon (Region 1), Dr. Zsa Zsa Meneses (Region 2), Dr. Joshua Toledo (Region 3), Napoleon Marilag (NCR), Melissa Grace Olit (MIMAROPA), Evita Tuazon (Region 5), Dr. Chris Gonzales Sorongon (Region 6), Atty. Jose Marie Gochangco (Region 7), Nino Labordo (Region 8), Jaime Salva (Region 9), Fr. Conrado Lacaba Casas, Jr. (Region 10), Vladimir Santos (Region 11), Jimboy Aldesco (Region 12), Gil Melo (Caraga), at Ascan Asgar (BARMM).
“Despite the risks of the pandemic, the Bayanihan spirit lives on. May this be a start of the fruitful partnership of promoting volunteerism in the local government, ” ani National Economic and Development Authority Acting Secretary, Karl Kendrick Chua.
Tampok ang SOCV sa pagdiriwang ng National Volunteer Month (NVM) tuwing buwan ng Disyembre. Layunin nitong himukin ang mga mamamayan na maging katuwang ng pamahalaan sa pagpapatupad ng iba’t ibang proyekto bilang mga boluntaryo. (PB)
***
References:
* Philippine Information Agency. "Natatanging boluntaryo sa gitna ng pandemya, kinilala ng PNVSCA ." Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1062538 (accessed January 04, 2021 at 09:15AM UTC+08).
* Philippine Infornation Agency. "Natatanging boluntaryo sa gitna ng pandemya, kinilala ng PNVSCA ." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1062538 (archived).
0 notes
Photo
Klasemen Liga Champions Grup E, F G dan H Pasca Hasil Match Day 2 Dini Hari Tadi 27/09/17
KabarBola.co.id, Klasemen Liga Champions Grup E, F G dan H Pasca Hasil Match Day 2 Dini Hari Tadi 27/09/17 – Delapan pertandingan dari empat grup Liga Champions matchday kedua sudah tersaji pada Rabu (27/9/2017) dini hari WIB.
Di luar sejumlah laga tim-tim teras, ada satu pertandingan yang memiliki nilai historis tinggi, yaitu AS Monaco kontra Porto.
Bertindak sebagai tuan rumah, AS Monaco kalah 0-3 oleh Porto melalui dwigol Vincent Aboubakar dan satu lesakan Miguel Layun.
Skor serupa juga tercipta saat kedua tim bertemu pada final Liga Champions 2004. Tepatnya 13 tahun lalu Porto menjadi juara melalui gol Carlos Alberto, Deco, dan Alenichev.
Pertemuan Borussia Dortmund dengan Real Madrid di Grup H paling menyita perhatian. Real Madrid sukses membawa pulang tiga poin dari Signal Iduna Park lewat kemenangan 3-1.
Grup H lainnya, APOEL Nicosia, mesti menyerah dari tamunya Tottenham Hotspur 0-3. Dari Grup E, Sevilla berhasil mengalahkan Maribor di Stadion Ramón Sánchez Pizjuán dengan skor 2-0. Masih dari Grup E, Spartak Moscow dan Liverpool bermain imbang 1-1.
Di Grup F Liga Champions, Manchester City menundukkan Shakhtar Donetsk di Etihad Stadium dengan skor 2-0. Masih di Grup F, Napoli memecundangi Feyenoord 3-1.
Adapun di Grup G, Beskitas mengalahkan LP Leipzig 2-0, sedangkan AS Monaco kalah dari FC Porto 0-3.
Berikut ini adalah hasil lengkap Liga Champions, 27 Agustus 2017:
Grup E
– Sevilla 3-0 Maribor (Wissam Ben Yedder 27′, 38′, 83′)
– Spartak Moskva 1-1 Liverpool (Fernando 25′- Philippe Coutinho 31′)
Grup F
– Manchester City 2-0 Shakhtar Donetsk (Kevin De Bruyne 48′; Raheem Sterling 90′)
Napoli 3-1 Feyenoord (‘Lorenzo Insigne 7′; Dries Mertens 49′; Jose Maria Callejon 70′- Sofyan Amrabat 90’)
Grup G
– Besiktas 2-0 RB Leipzig (Ryan Babel 11′; Anderson Talisca 43′)
– AS Monaco 0-3 Porto (Vincent Aboubakar 31′, 69′; Miguel Layun 89′)
Grup H
– APOEL 0-3 Tottenham Hotspur (Harry Kane 39′, 62′, 67′)
– Borussia Dortmund 1-3 Real Madrid (Pierre-Emerick Aubameyang 54′- Gareth Bale 18′; Cristiano Ronaldo 50′, 79′)
Klasemen UEFA Champions League
Group E
# Team MP W D L GF GA GD Pts 1
Sevilla
2 1 1 0 5 2 3 4 2
Liverpool
2 0 2 0 3 3 0 2 3
Spartak Moskva
2 0 2 0 2 2 0 2 4
Maribor
2 0 1 1 1 4 -3 1 Team Grup F MP W D L GF GA GD Pts 1
Man. City
2 2 0 0 6 0 6 6 2
Shakhtar Donetsk
2 1 0 1 2 3 -1 3 3
Napoli
2 1 0 1 4 3 1 3 4
Feyenoord
2 0 0 2 1 7 -6 0
Grup G
Team MP W D L GF GA GD Pts 1
Beşiktaş
2 2 0 0 5 1 4 6 2
Porto
2 1 0 1 4 3 1 3 3
Monaco
2 0 1 1 1 4 -3 1 4
RB Leipzig
2 0 1 1 1 3 -2 1
Grup H
Team MP W D L GF GA GD Pts 1
Real Madrid
2 2 0 0 6 1 5 6 2
Tottenham
2 2 0 0 6 1 5 6 3
Dortmund
2 0 0 2 2 6 -4 0 4
Apoel Nicosia
2 0 0 2 0 6 -6 0
0 notes
Text
#Du30Sa31
Pangulong Fidel Ramos, sir, salamat po sa tulong ninyo upang maging Pangulo ako; Pangulong Joseph Ejercito Estrada; Pangulo ng Senado Franklin Drillon at mga miyembro ng Senado; Ispiker Feliciano Belmonte at mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan; Punòng Mahistrado Maria Lourdes Sereno at mga Kawaksing Hukom ng Korte Suprema; Kagalang-galang Guiseppe Pinto at mga miyembro ng Diplomatic Corps; mga bagong hirang na miyembro ng Gabinete; mga kapuwa manggagawa sa pamahalaan; mga kababayan.
Walang pinunò, gaano man siya kalakas, ang magtatagumpay sa anumang bagay na mahalaga o makabuluhan sa bansa kung wala siyang suporta at kooperasyon ng mga mamamayan na tungkulin niyang pamunuan at sinumpaang paglilingkuran. Sa mamamayan kumukuha ng lakas ang mga pamahalaang demokratiko at isa na rito ang administrasyong ito. Kayâ kailangan nating pakinggan ang mga hinaing ng mamamayan, damhin ang kanilang mga pulso, ipagkaloob ang kanilang pangangailangan, at patibayin ang kanilang paniniwala at pagtitiwala sa atin na iniluklok nilá sa ating mga katungkulan.
Marami sa atin ang nagsabi na ang mga suliraning sumisira sa ating bansa ngayon na kailangang matugunan kaagad ay korupsiyon, kapuwa sa matataas at mabababàng antas sa pamahalaan; kriminalidad sa lansangan, at ang laganap na bentahan ng ipinagbabawal na gamot sa lahat ng panig ng lipunang Filipino, at ang kawalan ng paggálang sa batas at kaayusan. Totoo, bagaman hindi ganap na totoo. Sapagkat para sa akin ang mga suliraning ito ay mga palatandaan lámang ng isang malubhang sakít ng lipunan na sumisira at dumudurog sa katatagang moral ng lipunang Filipino. Sa palagay ko, may suliranin na mas malalim at mas mabigat pa kaysa alinman sa mga nabanggit o kahit pagsama-samahin pa ang lahat ng iyon. Ngunit mangyari pa, hindi na kailangan pang sabihin na isasantabi natin ang mga iyon sapagkat kailangang masugpo ang mga iyon sa anumang paraang ipinahihintulot ng batas.
Ang pagguho ng paniniwala at tiwala sa pamahalaan—iyan ang tunay na suliranin na dapat nating harapin. Nagbubunga ito ng pagguho ng tiwala ng mamamayan sa liderato ng bansa; ng pagguho ng tiwala sa sistemang hudisyal; ng pagguho ng kompiyansa sa kakayahan ng mga lingkod-bayan upang mas maging maayos ang búhay ng sambayanan, maging mas ligtas silá, at mas malusog.
Totoó, ang problema natin ay problema ding nagpapahinà sa espiritu ng tao. Subalit hindi pa hulí ang lahat. Alam ko na may hindi sumasang-ayon sa aking mga paraan sa pagsugpo ng kriminalidad, sa pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at sa korupsiyon. Sabi nilá ang ganitong pamamaraan ay lihis sa karaniwan at nása bingit ng pagiging ilegal. Nais kong sabihin ito bilang tugon: Nakita ko kung paano sairin ng korupsiyon ang pondo ng bayan, na inilaan upang iahon ang mahihirap mula sa lusak na kanilang kinasadlakan.
Nakita ko kung paano wasakin ng mga ipinagbabawal na gamot ang mga indibidwal at durugin ang mga relasyong pampamilya.
Nakita ko kung paanong ang kriminalidad, sa lahat ng paraang magdaraya, ay hinahablot sa mga inosente at di-mapaghinala ang maraming taon ng pagtitipid para makaipon. Mga taon ng pagsisikap upang, bigla, bumalik silá kung saan nag-umpisa.
Tingnan natin ito mula sa ganitong pananaw at sabihin ninyo sa akin kung ako ay mali. Sa labang ito, hinahámon ko ang Kongreso at ang Komisyon sa Karapatang Pantao at ang ibá pa na mayroong kahalintulad na gawain upang pahintulutan kami sa isang uri ng pamamahala na umaalinsunod sa itinatadhana ng batas. Magiging malupit ang labang ito at kailangang tuloy-tuloy.
Bilang abogado at dating tagausig, batid ko ang hanggahan ng kapangyarihan at awtoridad ng pangulo. Alam ko kung ano ang legal at kung ano ang hindi.
Ang katápatan ko sa wastong proseso at pananaig ng batas ay hindi matitinag.
Gawin ninyo ang inyong trabaho at gagawin ko ang trabaho ko. “Malasakit. Tunay na Pagbabago. Tinud-anay nga Kausaban”– ang mga salitâng ito ang naghatid sa akin sa pagkapangulo. Ang mga islogang ito ang nása aking isip hindi lámang para sa tanging layuning makuha ang boto ng mga botante. “Tinud-anay nga kabag-uhan. Mao kana ang tumong sa atong panggobyerno (Tunay na pagbabago. Dito patungo ang ating gobyerno).”
Higit pa kaysa pagkuha ng boto. Ito ang mga sigaw ko sa pakikipaglaban sa ngalan ng mga táong uhaw na uhaw sa tunay at makabuluhang pagbabago. Subalit ang pagbabago, kung nais na maging permanente at makabuluhan, ay dapat na magsimula sa atin at sa ating mga sarili.
Sa salita ni F. Sionil Jose, naging pinakamalupit na kaaway natin ang ating sarili. Dahil dito, dapat na may tapang táyo at pagkukusang baguhin ang ating mga sarili.
Ang pag-ibig sa bayan, pagpigil sa mga personal na interes alang-alang sa kabutihan ng lahat, malasakit sa mahihinà at maralita—kasáma ang mga ito sa mga hálagáhang naglaho na at nagmaliw, at nais nating maibalik at mapalakas muli sa pagsisimula ng ating paglalakbay túngo sa mas mabuting Filipinas. Magiging mahirap ang paglalakbay na ito. Subalit halina’t samáhan pa rin ninyo ako. Magkakasáma, magkakabalikat, nating isagawa ang unang mabubuway na hakbang sa hangaring ito.
May dalawang kasabihan mula sa mga pinagpipitaganang tao na magsisilbing pundasyon ng administrasyong ito. “Ang pagsúkat sa gobyerno ay hindi kung nakapag-ambag táyo sa kasaganaan ng mga mayaman; ang sukatan ay kung natulungan natin ang mga naghihikahos.” – Franklin Delano Roosevelt.
Mula naman kay (Abraham) Lincoln, nais kong hugutin ang pahayag na ito: “ Hindi mo mapalalakas ang mahinà sa pamamagitan ng pagpapahinà sa malalakas; Hindi mo matutulungan ang mahirap sa pamamagitan ng pagsira sa kalooban ng mayayaman; Hindi mo matutulungan ang sumasahod sa pamamagitan ng paghila pababâ sa nagpapasahod; Hindi mo maitataguyod ang kapatiran sa pamamagitan ng pagpukaw ng pagkamuhi sa mga uri sa lipunan .”
Ang aking mga patakarang ekonomiko, pinansiyal, at politikal ay nakapaloob sa mga pahayag na iyon, kahit pa isinalin sa malawakang paraan. Matuto kayong magbasá. Hindi ko na kailangang magtungo sa mga detalye. Ibibigay ang mga ito sa inyo sa takdang panahon.
Kayâ, inaatas ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at punò ng ahensiya na bawasan ang mga rekisito at panahon sa pagproseso ng mga aplikasyon, mula sa pagsusumite hanggang pagpapalabas. Inaatas ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at punò ng ahensiya na alisin ang mga nag-uulit na rekisito at ang pagtalima sa isang kagawaran o ahensiya ay sapat na para sa lahat.
Inuutos ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at punò ng ahensiya na umiwas sa pagbago at pagbaluktot ng tuntunin sa mga kontrata, transaksiyon, at proyekto ng pamahalaang pinagtibay na at naghihintay ng pagpapatupad. Ang pagbabago ng mga tuntunin hábang nangyayari ang laro ay malî. Kinamumuhian ko ang paglilihim at sa halip ay isinusúlong ang transparensi sa lahat ng mga kontrata, proyekto, at transaksiyon sa negosyo mulang pagsusumite ng mga panukala hanggang negosasyon tungo sa perpeksiyon, at sa wakas, sa pagpapatupad. Gawin ninyo ito at magtatrabaho táyo nang magkasáma. Huwag ninyong gawin, at maghihiwalay táyo nang mas maaga sa inaasahan. Hinggil sa gawaing internasyonal at sa komunidad ng mga nasyon, hayaan ninyong ulitin ko na igagálang ng Republika ng Filipinas ang mga kasunduan at internasyonal na obligasyon. Sa gawaing domestiko, nangangako ang aking administrasyon na ipatutupad ang lahat ng pinirmahang kasunduang pangkapayapaang umaalinsunod sa mga repormang konstitusyonal at legal. Nagagalak ako sa pahayag ng pakikiisa ng ating mga kapatid na Muslim at mga pinunò nilá, at sa tugon ng lahat sa aking panawagan para sa kapayapaan.
Umaasa ako sa pakikilahok ng ibá pang stakeholder, lalo na ang ating mga lumad, upang matiyak ang pakikibahagi ng lahat sa prosesong pangkapayapaan.
Sa pagtatapos ng aking talumpati ay hayaan ninyong ipaalala ko sa inyo na inihalal ako sa pagkapangulo upang pagsilbihan ang buong bansa. Hindi ako iniluklok upang pagsilbihan ang interes ng kahit sinong tao, o anumang pangkat, o anumang uri. Pagsisilbihan ko ang bawat isa at hindi ang isa lang.
Kung kayâ’t hinango ko bilang gabay sa sarili ang sumusunod na pangungusap na isinulat ng táong hindi ko na maalala ang pangalan. Sinabi niya: “Wala akong kaibigang pagsisilbihan, wala akong kaaway na sasaktan.”
Mula roon, hinihiling ko sa bawat isa, at ang tinutukoy ko ay ang lahat, na samáhan ako sa pagsisimula ng krusada para sa mas mabuti at maliwanag na kinabukasan.
Ngunit bago ako magtapos, hayaan ninyong ipahayag ko, sa ngalan ng mga Filipino, ang pakikiramay sa Republika ng Turkey dahil sa nangyari sa kanilang lugar. Ipinaaabot namin ang aming mataos na pakikiramay.
Bakit ako narito? Narito ako dahil mahal ko ang aking bansa at mahal ko ang mga mamamayan ng Filipinas. Narito ako. Bakit? Dahil handa na akong simulan ang paglilingkod sa bansa.
Maraming salamat at magandang hápon sa inyo.
Ang talumpati ni President Duterte ay maaring makatulong sa pagbukas ng isipan ng mga mamamayan. Hindi lang yun, makakabukas din ito ng ating puso at paningin lalong lalo na sa mga may ayaw kay Duterta na mahalin natin siya bilang isang presidente ng atin bansa at magtiwala sa kanyang mga plano.
0 notes
Text
Noli Me Tangere feels (part 2)
Natapos ko na ulit basahin yung Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal (unang beses ko ‘tong nabasa ay nung high school at lahat naman ng mga Filipino ganun eh kasi di ba required) kaya naman huhugot muna ako. Paano naman kasi kahit na mahigit 100 years na ang nakalipas sobrang relevant pa rin nitong nobela lalo na sa Filipino society. Nung binasa ko ‘to noon, aaminin ko na di ko naappreciate siguro dahil na rin kasi sa requirement siya kumbaga binabasa mo lang dahil kailangan at di dahil sa gusto mo. Di ko na aappreciate kasi siguro wala pa ako sa maturity ng mga panahon na yun, early teens eh so ang trip ko sa buhay eh yung mga magagaan basahin, masyado kasing malalim ang hugot ng nobela na ‘to. Pero nung binasa ko ulit, sobrang nagustuhan ko siya at napakaraming mga bagay akong narealized. Wala na akong masasabi kung hindi, saludo ako sa yo Gat Jose Rizal! Salamat sa nobelang ito na pumukaw sa damdaming makabayan ng mga Pilipino noon (at magpahanggang ngayon). Pero di ko rin maiiwasang malungkot kasi yun nga lagpas 100 years old na ‘tong nobela pero yung mga suliranin at kapintasan ng mga Pilipino ay present pa rin...mapapasabi ka na lang tuloy ng, “Kailan ba matututo ang mga Pilipino? Kailan ba ako matututo?”
Ilan lang ang mga bagay na ‘to na napansin kong tila yata walang pinagbago o kaya naman lumala o kaya naman nag transform lang pero ganun pa rin (sarili ko naman ‘tong interpretasyon kaya siguro naman walang tama o mali; may kanya kanya tayong pananaw sa mga bagay bagay sa mundong ito at ito ang sa akin. Alam kong magiging ‘self righteous’ ang dating nito tapos sasabayan na ng “eh bakit ikaw may nagawa ka na ba sa bayan?” Wala man akong nagawang malaking impact sa bansang ito pero alam ko naman na sa akin magsisimula ang pagbabago, maayos at disente akong Pilipino at karapatan kong maglabas ng hinaing sa gobyernong nabubuhay sa buwis na binabayaran ko, *dabs*)
1.) Ang Pamahalaan
Masasabi natin na iba na talaga ang uri ng pamahalaan natin ngayon sa dati na inilarawan sa nobela at iyon ay dahil sa salitang “Kasarinlan” Sa nobelang iyon kasi nasa ilalim pa ng pamahalaan ng Espanya ang Pilipinas kaya naman talagang mararamdaman mo ang sakit at pighati ng pagiging alipin sa sarili mong bayan pero kung titignan natin ngayon, ngayong malaya na tayo sa pamamahala ng dayuhan may nagbago ba talaga? Tunay na nga ba tayong malaya?
Isa talaga sa paborito kong linya mula sa nobelang ito ay mula sa Kabanata 49 na sinabi ng tauhang si Elias “Ang pamahalaan ay katulad ng isang masamang manggagamot, ginoo, walang hinahanap kundi ang lunasan at gamutin ang mga sintomas, ngunit hindi naman sinisiyasat ang pinagmumulan ng sakit, o kung alam man niya ang dahilan ay natatakot na ito ay labanan”
May bahid pa rin ito ng katotohanan ngayon di ba? Hindi ko naman sinasabi na masama ang pamamalakad ng mga Pilipino sa sarili nilang gobyerno ngayon ang nais ko lang sabihin ay hindi rin naman ito maganda. Kung titignan natin, sa tuwing panahon ng pangangampanya ay kaliwa’t kanan ang mga pangako nila sa atin tapos kapag naluklok na sa pwesto eh wala na limutan na. Isa pa, nasa harapan na mismo natin ang mga problema kung bakit tayo nagkakaganito pero bakit tila ayaw lunasan? O kung malulunasan naman ay takot harapin ito? Isa na marahil sa pinakamabigat na “flaw” ng ating gobyerno ay yung “political regionalism” yung tipong loyal ka sa mga kaalyado mo sa politika pero hindi sa sarili mong bansa. In short, traydor. Bakit ganun? Ang alam ko kasi kapag nakaupo ka sa gobyerno ang loyalty mo nasa bayan at hindi sa kaalyado mo *coughs Aguinaldo administration coughs* Isa rin yan sa dahilan kung bakit ang bagal ng ating pag unlad dahil sa halip na magkaisa sa layuning pagbutihin ang bansa ay nagkakaroon ng “kanya kanya” attitude. EWAN. Isa pa, bakit ba ginagawang ‘pampamilya’ ang posisyon sa gobyerno? Karamihan sa mga politiko natin ay pinagpapasa pasahan na lang nilang mga mag anak ang pwesto sa gobyerno tila ba takot mawala sa kapangyarihan.
Ang pamahalaan na siyang dapat kumikilos para sa ikabubuti ng kanyang mamamayan ay tila ba nagiging isa pang dahilan sa lalong pagkalugmok nito. Tama si Elias noon...at tama pa rin siya ngayon.
2.) Ang Simbahan
Kung mapapansin natin, ang lakas at impluwensya ng simbahan noon ay mas malaki kumpara sa ngayon. Noon kasi ang simbahang katoliko ang tila ba pinakamakapangyarihan, nadidiktahan nga nila ang gobyerno di ba. Sila yung klase ng institusyon na ginagalang ng husto ng mga tao at sinusunod dala na rin siguro ng imahe nila na sila ay sugo ng Diyos at doon nagmula ang pang aabuso. Dahil nga sa nasa panig nila ang Diyos ay kailangan sila ang sundin. Hindi ko maintindihan kung bakit sa bawat paghiling noon ay dapat may katumbas na donasyon (ito ay isa sa mga napansin ko talaga sa nobela lalo na tuwing magkakasakit si Maria Clara tapos magbibigay ng malaking donasyon si Kapitan Tiyago sa kung sino sinong patron para daw sa mabilis na paggaling ng kanyang anak). Hindi ko rin maintindihan kung bakit tila ba sa lahat ng bagay ay dapat mangielam ang mga kura (lalo na nung di bet ni Padre Damaso si Ibarra para kay Maria Clara). Tapos kung bakit parang mas makapangyarihan pa sila kaysa sa gobernador heneral. Tila ba isa silang kumikitang korporasyon. Ang dating tuloy sa akin ay ginagamit lang nila ang Diyos para sa pansariling interes.
Kung titignan natin ngayon, ganun pa rin naman di ba? Hindi nga lang sa simbahang katoliko mismo dahil kung mapapansin natin ay tila malaki na ang pinagbago nito. Naging committed na sila sa mercy and compassion for the poor. May iilang mga “relihiyosong grupo” na minsan naiisip ko kung word of God ba talaga ang agenda nilang ipalaganap o nais lang nilang mang uto ng tao para sa pansariling interes? Bakit kailangan gamitin ang Diyos? At bakit marami ang mabilis na namamanipula nila?
3.) Ang Guardia Civil
Noong panahon kasi ng mga Kastila, ang law enforcers ay yung mga guardia civil, katumbas nito ang mga pulis at sundalo ngayon (kung di ako nagkakamali) Pero sa halip na sila itong dapat na mangalaga sa kaligtasan at kaayusan ay sila pa ang kadalasang nagiging sanhi nito. (Tinutukoy ko ang paglalarawan sa nobela, baka ma triggered agad eh tsk). Gaya ulit sa sinabi ng tauhang si Elias sa Kabanata 49 “Iisa lamang ang hangad ng guardia civil: sugpuin ang krimen sa pamamagitan ng lakas at pananakot, hangaring hindi magtatagumpay kundi sa pagkakataon lamang..... Tanungin po ninyo kahit sinong tapat na mamamayan kung mapupuri nila ang guardia civil. Kung itinuturing nilang tagapagtanggol sa halip na mapanggipit at malupit na higit pang mapaminsala kaysa sa mga tulisan. Ang isang tao ay hindi man lang makapagreklamo laban sa mga abusadong awtoridad.” Dito natin makikita na kaakibat ng kapangyarihan nakaatas sa kanila ay ang responsibilidad ngunit ito ay hindi naisasakatuparan sapagkat marami ang umaabuso sa kapangyarihang hawak....
...gaya na lamang sa kasalukuyang panahon. Hindi ba kaliwa’t kanan ang mga isyu tungkol sa mga tiwaling opisyal? May mga isyu ng pangongotong na tila ba hindi na mapupuksa. Tapos meron pang mga protektor ng sindikato. Meron ding sila mismo ang umaabuso sa mga mas mababa sa kanila o kaya naman sa mga trainee pa lamang.
Kung ating mapapansin, ang sakit natin noon ay hanggang ngayon sakit pa rin natin. Bakit nga ba tila hindi pa rin tayo gumagaling? Wala ba talagang lunas o sadyang ayaw lang magpagamot? Tama si Rizal eh, bakit nga ba kalayaan kung ang alipin ngayon ang mang aalipin bukas? (Di ko sinasabi na dapat di tayo pinalaya ha? Baka triggered na naman yung iba diyan). Tama si Rizal na hangga’t hindi pa nabibigyang pansin ang mga ‘flaws’ nating mga Pilipino ay hindi natin magagawang paunlarin ang bayan dahil ang pagbabago ay sa sarili nagsisimula. Mahirap kalabanin ang sistema at makinaryang ilang taon nang naghahari harian sa ating bayan ngunit hindi ba mas marami pa rin naman tayong mga Pilipino na nais ng pagbabago? Hindi ba dapat ang gobyerno ang matakot sa kanilang mga mamamayan at hindi ang mamamayan sa gobyerno? Gaya ng sabi ko noon dito sa blog ko, “Government leaders should be public servants instead of politicians. They should do more of serving instead of politicking” so ayun. Di ako nagmamagaling, nais ko lang ipahayag ang aking pananaw tungkol sa bagay na ‘to, tutal ang mga ninuno naman natin ang nakipaglaban para sa kalayaang tinatamasa natin lalo na ang kalayaang ipahayag ang damdamin...lalo na kung tungkol ito sa ikabubuti ng bansa.
Patuloy na magiging relevant si Rizal at ang kanyang mga nobela sapagkat hindi pa rin tayo nabibigyan ng “lunas” sa ating “sakit”
PS sisimulan ko na rin basahin ang El Fili :)
x
Kristine aka TINAMAE
1 note
·
View note
Text
Tagalog News: BFAR-4A namahagi ng 10K Tilapia fingerlings sa Laguna LGUs
#PHinfo: Tagalog News: BFAR-4A namahagi ng 10K Tilapia fingerlings sa Laguna LGUs
LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna, Nob 9 (PIA) --May kabuuang 10,000 piraso ng Tilapia fingerlings ang ipinamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 4A Calabarzon sa mga iba't ibang lokal na pamahalaan ng Laguna sa ginanap na 'Explain, Explain, Explain: Pagdalaw sa Laguna' na ginanap sa Cultural Center of Laguna noong Nob 4-5, 2020.
Pinangunahan ni Usec. Roldan G. Gorgonio ng Department of Agriculture (DA) at BFAR 4A Regional Director Sammy A. Malvas ang pamamahagi ng Tilapia fingerlings at paggawad ng sertipiko sa mga kinatawan mula sa may 22 pamahalaang lokal sa Lalawigan ng Laguna upang patuloy na maitaguyod ang pagpapalawak ng Urban Aquaculture, sektor ng pangisdaan, at seguridad sa suplay ng pagkain sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Kabilang sa mga tumanggap na pamahalaang lokal sa unang araw ng Pagdalaw, Nob 4 ang mga siyudad ng Calamba at Sta. Rosa, at mga bayan ng Alaminos, Rizal, Nagcarlan, Liliw, Magdalena, Majayjay, Luisiana, Pila, at Sta. Cruz.
Tumanggap naman sa ikalawang araw ng Pagdalaw, Nob 5 ang mga kinatawan ng mga bayan ng Pagsanjan, Lumban, Cavinti, Kalayaan, Paete, Pakil, Siniloan, Famy, Pangil, Mabitac, at Sta. Maria.
Ayon sa BFAR Region 4A, ang pamamahagi ng Tilapia fingerlings ay alinsunod sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Resolution No. 62 na nag-aatas sa mga miyembro ng IATF-EID na magbigay suporta sa mga LGUs.
Naki-isa ang BFAR Region 4A sa 'Explain, Explain, Explain: Pagdalaw sa Laguna' sa pangunguna ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Jose Ruperto Martin M. Andanar at ng Philippine Information Agency (PIA) sa layuning maiparating sa mga pamahalaang lokal ang mga hakbang ng pamahalaang nasyonal laban sa COVID-19, alamin ang sitwasyon ng mga lokal na pamahalaan sa paglaban sa COVID-19 at tulungan sa pagbangon ng lokal na ekonomiya.
Ang nasabing programa ay dinaluhan nila Governor Ramil L. Hernandez ng Laguna; PIA, Dir. Gen. Ramon Cualoping III; Department of Health (DOH), Dir. Beverly Lorraine Ho; Department of Social Welfare and Development (DSWD), Dir. Irene Dumlao; Department of Foreign Affairs (DFA), USec. Sarah Lou Arriola; Department of Trade and Industry (DTI), USec. Ruth Castelo; at Strategy for Policy and Systems Sector Officer-in-Charge (OIC) Josefina Flores. (CPG, PIA-4A at ulat mula sa BFAR-4A)
***
References:
* Philippine Information Agency. "Tagalog News: BFAR-4A namahagi ng 10K Tilapia fingerlings sa Laguna LGUs." Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1058434 (accessed November 09, 2020 at 01:27PM UTC+08).
* Philippine Infornation Agency. "Tagalog News: BFAR-4A namahagi ng 10K Tilapia fingerlings sa Laguna LGUs." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1058434 (archived).
0 notes
Text
DU30sa31
“Pangulong Fidel Ramos, sir, salamat po sa tulong ninyo upang maging Pangulo ako; Pangulong Joseph Ejercito Estrada; Pangulo ng Senado Franklin Drillon at mga miyembro ng Senado; Ispiker Feliciano Belmonte at mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan; Punòng Mahistrado Maria Lourdes Sereno at mga Kawaksing Hukom ng Korte Suprema; Kagalang-galang Guiseppe Pinto at mga miyembro ng Diplomatic Corps; mga bagong hirang na miyembro ng Gabinete; mga kapuwa manggagawa sa pamahalaan; mga kababayan.
Walang pinunò, gaano man siya kalakas, ang magtatagumpay sa anumang bagay na mahalaga o makabuluhan sa bansa kung wala siyang suporta at kooperasyon ng mga mamamayan na tungkulin niyang pamunuan at sinumpaang paglilingkuran.
Sa mamamayan kumukuha ng lakas ang mga pamahalaang demokratiko at isa na rito ang administrasyong ito. Kayâ kailangan nating pakinggan ang mga hinaing ng mamamayan, damhin ang kanilang mga pulso, ipagkaloob ang kanilang pangangailangan, at patibayin ang kanilang paniniwala at pagtitiwala sa atin na iniluklok nilá sa ating mga katungkulan.
Marami sa atin ang nagsabi na ang mga suliraning sumisira sa ating bansa ngayon na kailangang matugunan kaagad ay korupsiyon, kapuwa sa matataas at mabababàng antas sa pamahalaan; kriminalidad sa lansangan, at ang laganap na bentahan ng ipinagbabawal na gamot sa lahat ng panig ng lipunang Filipino, at ang kawalan ng paggálang sa batas at kaayusan. Totoo, bagaman hindi ganap na totoo. Sapagkat para sa akin ang mga suliraning ito ay mga palatandaan lámang ng isang malubhang sakít ng lipunan na sumisira at dumudurog sa katatagang moral ng lipunang Filipino. Sa palagay ko, may suliranin na mas malalim at mas mabigat pa kaysa alinman sa mga nabanggit o kahit pagsama-samahin pa ang lahat ng iyon. Ngunit mangyari pa, hindi na kailangan pang sabihin na isasantabi natin ang mga iyon sapagkat kailangang masugpo ang mga iyon sa anumang paraang ipinahihintulot ng batas.
Ang pagguho ng paniniwala at tiwala sa pamahalaan—iyan ang tunay na suliranin na dapat nating harapin. Nagbubunga ito ng pagguho ng tiwala ng mamamayan sa liderato ng bansa; ng pagguho ng tiwala sa sistemang hudisyal; ng pagguho ng kompiyansa sa kakayahan ng mga lingkod-bayan upang mas maging maayos ang búhay ng sambayanan, maging mas ligtas silá, at mas malusog.
Totoó, ang problema natin ay problema ding nagpapahinà sa espiritu ng tao. Subalit hindi pa hulí ang lahat. Alam ko na may hindi sumasang-ayon sa aking mga paraan sa pagsugpo ng kriminalidad, sa pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at sa korupsiyon. Sabi nilá ang ganitong pamamaraan ay lihis sa karaniwan at nása bingit ng pagiging ilegal. Nais kong sabihin ito bilang tugon: Nakita ko kung paano sairin ng korupsiyon ang pondo ng bayan, na inilaan upang iahon ang mahihirap mula sa lusak na kanilang kinasadlakan.
Nakita ko kung paano wasakin ng mga ipinagbabawal na gamot ang mga indibidwal at durugin ang mga relasyong pampamilya.
Nakita ko kung paanong ang kriminalidad, sa lahat ng paraang magdaraya, ay hinahablot sa mga inosente at di-mapaghinala ang maraming taon ng pagtitipid para makaipon. Mga taon ng pagsisikap upang, bigla, bumalik silá kung saan nag-umpisa.
Tingnan natin ito mula sa ganitong pananaw at sabihin ninyo sa akin kung ako ay mali.
Sa labang ito, hinahámon ko ang Kongreso at ang Komisyon sa Karapatang Pantao at ang ibá pa na mayroong kahalintulad na gawain upang pahintulutan kami sa isang uri ng pamamahala na umaalinsunod sa itinatadhana ng batas. Magiging malupit ang labang ito at kailangang tuloy-tuloy.
Bilang abogado at dating tagausig, batid ko ang hanggahan ng kapangyarihan at awtoridad ng pangulo. Alam ko kung ano ang legal at kung ano ang hindi.
Ang katápatan ko sa wastong proseso at pananaig ng batas ay hindi matitinag.
Gawin ninyo ang inyong trabaho at gagawin ko ang trabaho ko. “Malasakit. Tunay na Pagbabago. Tinud-anay nga Kausaban”– ang mga salitâng ito ang naghatid sa akin sa pagkapangulo. Ang mga islogang ito ang nása aking isip hindi lámang para sa tanging layuning makuha ang boto ng mga botante. “Tinud-anay nga kabag-uhan. Mao kana ang tumong sa atong panggobyerno (Tunay na pagbabago. Dito patungo ang ating gobyerno).”
Higit pa kaysa pagkuha ng boto. Ito ang mga sigaw ko sa pakikipaglaban sa ngalan ng mga táong uhaw na uhaw sa tunay at makabuluhang pagbabago. Subalit ang pagbabago, kung nais na maging permanente at makabuluhan, ay dapat na magsimula sa atin at sa ating mga sarili.
Sa salita ni F. Sionil Jose, naging pinakamalupit na kaaway natin ang ating sarili. Dahil dito, dapat na may tapang táyo at pagkukusang baguhin ang ating mga sarili.
Ang pag-ibig sa bayan, pagpigil sa mga personal na interes alang-alang sa kabutihan ng lahat, malasakit sa mahihinà at maralita—kasáma ang mga ito sa mga hálagáhang naglaho na at nagmaliw, at nais nating maibalik at mapalakas muli sa pagsisimula ng ating paglalakbay túngo sa mas mabuting Filipinas. Magiging mahirap ang paglalakbay na ito. Subalit halina’t samáhan pa rin ninyo ako. Magkakasáma, magkakabalikat, nating isagawa ang unang mabubuway na hakbang sa hangaring ito.
May dalawang kasabihan mula sa mga pinagpipitaganang tao na magsisilbing pundasyon ng administrasyong ito.
“Ang pagsúkat sa gobyerno ay hindi kung nakapag-ambag táyo sa kasaganaan ng mga mayaman; ang sukatan ay kung natulungan natin ang mga naghihikahos.” – Franklin Delano Roosevelt.
Mula naman kay (Abraham) Lincoln, nais kong hugutin ang pahayag na ito: “ Hindi mo mapalalakas ang mahinà sa pamamagitan ng pagpapahinà sa malalakas; Hindi mo matutulungan ang mahirap sa pamamagitan ng pagsira sa kalooban ng mayayaman; Hindi mo matutulungan ang sumasahod sa pamamagitan ng paghila pababâ sa nagpapasahod; Hindi mo maitataguyod ang kapatiran sa pamamagitan ng pagpukaw ng pagkamuhi sa mga uri sa lipunan .”
Ang aking mga patakarang ekonomiko, pinansiyal, at politikal ay nakapaloob sa mga pahayag na iyon, kahit pa isinalin sa malawakang paraan. Matuto kayong magbasá. Hindi ko na kailangang magtungo sa mga detalye. Ibibigay ang mga ito sa inyo sa takdang panahon.
Kayâ, inaatas ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at punò ng ahensiya na bawasan ang mga rekisito at panahon sa pagproseso ng mga aplikasyon, mula sa pagsusumite hanggang pagpapalabas. Inaatas ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at punò ng ahensiya na alisin ang mga nag-uulit na rekisito at ang pagtalima sa isang kagawaran o ahensiya ay sapat na para sa lahat.
Inuutos ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at punò ng ahensiya na umiwas sa pagbago at pagbaluktot ng tuntunin sa mga kontrata, transaksiyon, at proyekto ng pamahalaang pinagtibay na at naghihintay ng pagpapatupad. Ang pagbabago ng mga tuntunin hábang nangyayari ang laro ay malî.
Kinamumuhian ko ang paglilihim at sa halip ay isinusúlong ang transparensi sa lahat ng mga kontrata, proyekto, at transaksiyon sa negosyo mulang pagsusumite ng mga panukala hanggang negosasyon tungo sa perpeksiyon, at sa wakas, sa pagpapatupad.
Gawin ninyo ito at magtatrabaho táyo nang magkasáma. Huwag ninyong gawin, at maghihiwalay táyo nang mas maaga sa inaasahan.
Hinggil sa gawaing internasyonal at sa komunidad ng mga nasyon, hayaan ninyong ulitin ko na igagálang ng Republika ng Filipinas ang mga kasunduan at internasyonal na obligasyon.
Sa gawaing domestiko, nangangako ang aking administrasyon na ipatutupad ang lahat ng pinirmahang kasunduang pangkapayapaang umaalinsunod sa mga repormang konstitusyonal at legal. Nagagalak ako sa pahayag ng pakikiisa ng ating mga kapatid na Muslim at mga pinunò nilá, at sa tugon ng lahat sa aking panawagan para sa kapayapaan.
Umaasa ako sa pakikilahok ng ibá pang stakeholder, lalo na ang ating mga lumad, upang matiyak ang pakikibahagi ng lahat sa prosesong pangkapayapaan.
Sa pagtatapos ng aking talumpati ay hayaan ninyong ipaalala ko sa inyo na inihalal ako sa pagkapangulo upang pagsilbihan ang buong bansa. Hindi ako iniluklok upang pagsilbihan ang interes ng kahit sinong tao, o anumang pangkat, o anumang uri. Pagsisilbihan ko ang bawat isa at hindi ang isa lang.
Kung kayâ’t hinango ko bilang gabay sa sarili ang sumusunod na pangungusap na isinulat ng táong hindi ko na maalala ang pangalan. Sinabi niya: “Wala akong kaibigang pagsisilbihan, wala akong kaaway na sasaktan.”
Mula roon, hinihiling ko sa bawat isa, at ang tinutukoy ko ay ang lahat, na samáhan ako sa pagsisimula ng krusada para sa mas mabuti at maliwanag na kinabukasan.
Ngunit bago ako magtapos, hayaan ninyong ipahayag ko, sa ngalan ng mga Filipino, ang pakikiramay sa Republika ng Turkey dahil sa nangyari sa kanilang lugar. Ipinaaabot namin ang aming mataos na pakikiramay.
Bakit ako narito? Narito ako dahil mahal ko ang aking bansa at mahal ko ang mga mamamayan ng Filipinas. Narito ako. Bakit? Dahil handa na akong simulan ang paglilingkod sa bansa.
Maraming salamat at magandang hápon sa inyo.”
Maikukumpara ko ito sa kasalukuyan dahil noong ito'y inihayag ng ating presidente madaming iba’t ibang tao ang pinag usapan ito. Mga kabataan o ang mga nakakatanda dahil kadalasan ngayon kahit anong edad pwedeng pwede na mag hayag ng kani kanilang saloobin sa mga social medias.
Ang reaksyon ko tungkol sa talumpati na ginawa ng ating presidente ay ito'y naging simple lamang walang paligoy-ligoy.

Maraming salamat at magandang hápon sa inyo.” Maikukumpara ko ito sa kasalukuyan dahil noong ito'y inihayag ng ating presidente madaming iba’t ibang tao ang pinag usapan ito. Mga kabataan o ang mga nakakatanda dahil kadalasan ngayon kahit anong edad pwedeng pwede na mag hayag ng kani kanilang saloobin sa mga social medias. Ang reaksyon ko tungkol sa talumpati na ginawa ng ating presidente ay ito'y naging simple lamang walang paligoy-ligoy.
0 notes