Text
DU30sa31
“Pangulong Fidel Ramos, sir, salamat po sa tulong ninyo upang maging Pangulo ako; Pangulong Joseph Ejercito Estrada; Pangulo ng Senado Franklin Drillon at mga miyembro ng Senado; Ispiker Feliciano Belmonte at mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan; Punòng Mahistrado Maria Lourdes Sereno at mga Kawaksing Hukom ng Korte Suprema; Kagalang-galang Guiseppe Pinto at mga miyembro ng Diplomatic Corps; mga bagong hirang na miyembro ng Gabinete; mga kapuwa manggagawa sa pamahalaan; mga kababayan.
Walang pinunò, gaano man siya kalakas, ang magtatagumpay sa anumang bagay na mahalaga o makabuluhan sa bansa kung wala siyang suporta at kooperasyon ng mga mamamayan na tungkulin niyang pamunuan at sinumpaang paglilingkuran.
Sa mamamayan kumukuha ng lakas ang mga pamahalaang demokratiko at isa na rito ang administrasyong ito. Kayâ kailangan nating pakinggan ang mga hinaing ng mamamayan, damhin ang kanilang mga pulso, ipagkaloob ang kanilang pangangailangan, at patibayin ang kanilang paniniwala at pagtitiwala sa atin na iniluklok nilá sa ating mga katungkulan.
Marami sa atin ang nagsabi na ang mga suliraning sumisira sa ating bansa ngayon na kailangang matugunan kaagad ay korupsiyon, kapuwa sa matataas at mabababàng antas sa pamahalaan; kriminalidad sa lansangan, at ang laganap na bentahan ng ipinagbabawal na gamot sa lahat ng panig ng lipunang Filipino, at ang kawalan ng paggálang sa batas at kaayusan. Totoo, bagaman hindi ganap na totoo. Sapagkat para sa akin ang mga suliraning ito ay mga palatandaan lámang ng isang malubhang sakít ng lipunan na sumisira at dumudurog sa katatagang moral ng lipunang Filipino. Sa palagay ko, may suliranin na mas malalim at mas mabigat pa kaysa alinman sa mga nabanggit o kahit pagsama-samahin pa ang lahat ng iyon. Ngunit mangyari pa, hindi na kailangan pang sabihin na isasantabi natin ang mga iyon sapagkat kailangang masugpo ang mga iyon sa anumang paraang ipinahihintulot ng batas.
Ang pagguho ng paniniwala at tiwala sa pamahalaan—iyan ang tunay na suliranin na dapat nating harapin. Nagbubunga ito ng pagguho ng tiwala ng mamamayan sa liderato ng bansa; ng pagguho ng tiwala sa sistemang hudisyal; ng pagguho ng kompiyansa sa kakayahan ng mga lingkod-bayan upang mas maging maayos ang búhay ng sambayanan, maging mas ligtas silá, at mas malusog.
Totoó, ang problema natin ay problema ding nagpapahinà sa espiritu ng tao. Subalit hindi pa hulí ang lahat. Alam ko na may hindi sumasang-ayon sa aking mga paraan sa pagsugpo ng kriminalidad, sa pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at sa korupsiyon. Sabi nilá ang ganitong pamamaraan ay lihis sa karaniwan at nása bingit ng pagiging ilegal. Nais kong sabihin ito bilang tugon: Nakita ko kung paano sairin ng korupsiyon ang pondo ng bayan, na inilaan upang iahon ang mahihirap mula sa lusak na kanilang kinasadlakan.
Nakita ko kung paano wasakin ng mga ipinagbabawal na gamot ang mga indibidwal at durugin ang mga relasyong pampamilya.
Nakita ko kung paanong ang kriminalidad, sa lahat ng paraang magdaraya, ay hinahablot sa mga inosente at di-mapaghinala ang maraming taon ng pagtitipid para makaipon. Mga taon ng pagsisikap upang, bigla, bumalik silá kung saan nag-umpisa.
Tingnan natin ito mula sa ganitong pananaw at sabihin ninyo sa akin kung ako ay mali.
Sa labang ito, hinahámon ko ang Kongreso at ang Komisyon sa Karapatang Pantao at ang ibá pa na mayroong kahalintulad na gawain upang pahintulutan kami sa isang uri ng pamamahala na umaalinsunod sa itinatadhana ng batas. Magiging malupit ang labang ito at kailangang tuloy-tuloy.
Bilang abogado at dating tagausig, batid ko ang hanggahan ng kapangyarihan at awtoridad ng pangulo. Alam ko kung ano ang legal at kung ano ang hindi.
Ang katápatan ko sa wastong proseso at pananaig ng batas ay hindi matitinag.
Gawin ninyo ang inyong trabaho at gagawin ko ang trabaho ko. “Malasakit. Tunay na Pagbabago. Tinud-anay nga Kausaban”– ang mga salitâng ito ang naghatid sa akin sa pagkapangulo. Ang mga islogang ito ang nása aking isip hindi lámang para sa tanging layuning makuha ang boto ng mga botante. “Tinud-anay nga kabag-uhan. Mao kana ang tumong sa atong panggobyerno (Tunay na pagbabago. Dito patungo ang ating gobyerno).”
Higit pa kaysa pagkuha ng boto. Ito ang mga sigaw ko sa pakikipaglaban sa ngalan ng mga táong uhaw na uhaw sa tunay at makabuluhang pagbabago. Subalit ang pagbabago, kung nais na maging permanente at makabuluhan, ay dapat na magsimula sa atin at sa ating mga sarili.
Sa salita ni F. Sionil Jose, naging pinakamalupit na kaaway natin ang ating sarili. Dahil dito, dapat na may tapang táyo at pagkukusang baguhin ang ating mga sarili.
Ang pag-ibig sa bayan, pagpigil sa mga personal na interes alang-alang sa kabutihan ng lahat, malasakit sa mahihinà at maralita—kasáma ang mga ito sa mga hálagáhang naglaho na at nagmaliw, at nais nating maibalik at mapalakas muli sa pagsisimula ng ating paglalakbay túngo sa mas mabuting Filipinas. Magiging mahirap ang paglalakbay na ito. Subalit halina’t samáhan pa rin ninyo ako. Magkakasáma, magkakabalikat, nating isagawa ang unang mabubuway na hakbang sa hangaring ito.
May dalawang kasabihan mula sa mga pinagpipitaganang tao na magsisilbing pundasyon ng administrasyong ito.
“Ang pagsúkat sa gobyerno ay hindi kung nakapag-ambag táyo sa kasaganaan ng mga mayaman; ang sukatan ay kung natulungan natin ang mga naghihikahos.” – Franklin Delano Roosevelt.
Mula naman kay (Abraham) Lincoln, nais kong hugutin ang pahayag na ito: “ Hindi mo mapalalakas ang mahinà sa pamamagitan ng pagpapahinà sa malalakas; Hindi mo matutulungan ang mahirap sa pamamagitan ng pagsira sa kalooban ng mayayaman; Hindi mo matutulungan ang sumasahod sa pamamagitan ng paghila pababâ sa nagpapasahod; Hindi mo maitataguyod ang kapatiran sa pamamagitan ng pagpukaw ng pagkamuhi sa mga uri sa lipunan .”
Ang aking mga patakarang ekonomiko, pinansiyal, at politikal ay nakapaloob sa mga pahayag na iyon, kahit pa isinalin sa malawakang paraan. Matuto kayong magbasá. Hindi ko na kailangang magtungo sa mga detalye. Ibibigay ang mga ito sa inyo sa takdang panahon.
Kayâ, inaatas ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at punò ng ahensiya na bawasan ang mga rekisito at panahon sa pagproseso ng mga aplikasyon, mula sa pagsusumite hanggang pagpapalabas. Inaatas ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at punò ng ahensiya na alisin ang mga nag-uulit na rekisito at ang pagtalima sa isang kagawaran o ahensiya ay sapat na para sa lahat.
Inuutos ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at punò ng ahensiya na umiwas sa pagbago at pagbaluktot ng tuntunin sa mga kontrata, transaksiyon, at proyekto ng pamahalaang pinagtibay na at naghihintay ng pagpapatupad. Ang pagbabago ng mga tuntunin hábang nangyayari ang laro ay malî.
Kinamumuhian ko ang paglilihim at sa halip ay isinusúlong ang transparensi sa lahat ng mga kontrata, proyekto, at transaksiyon sa negosyo mulang pagsusumite ng mga panukala hanggang negosasyon tungo sa perpeksiyon, at sa wakas, sa pagpapatupad.
Gawin ninyo ito at magtatrabaho táyo nang magkasáma. Huwag ninyong gawin, at maghihiwalay táyo nang mas maaga sa inaasahan.
Hinggil sa gawaing internasyonal at sa komunidad ng mga nasyon, hayaan ninyong ulitin ko na igagálang ng Republika ng Filipinas ang mga kasunduan at internasyonal na obligasyon.
Sa gawaing domestiko, nangangako ang aking administrasyon na ipatutupad ang lahat ng pinirmahang kasunduang pangkapayapaang umaalinsunod sa mga repormang konstitusyonal at legal. Nagagalak ako sa pahayag ng pakikiisa ng ating mga kapatid na Muslim at mga pinunò nilá, at sa tugon ng lahat sa aking panawagan para sa kapayapaan.
Umaasa ako sa pakikilahok ng ibá pang stakeholder, lalo na ang ating mga lumad, upang matiyak ang pakikibahagi ng lahat sa prosesong pangkapayapaan.
Sa pagtatapos ng aking talumpati ay hayaan ninyong ipaalala ko sa inyo na inihalal ako sa pagkapangulo upang pagsilbihan ang buong bansa. Hindi ako iniluklok upang pagsilbihan ang interes ng kahit sinong tao, o anumang pangkat, o anumang uri. Pagsisilbihan ko ang bawat isa at hindi ang isa lang.
Kung kayâ’t hinango ko bilang gabay sa sarili ang sumusunod na pangungusap na isinulat ng táong hindi ko na maalala ang pangalan. Sinabi niya: “Wala akong kaibigang pagsisilbihan, wala akong kaaway na sasaktan.”
Mula roon, hinihiling ko sa bawat isa, at ang tinutukoy ko ay ang lahat, na samáhan ako sa pagsisimula ng krusada para sa mas mabuti at maliwanag na kinabukasan.
Ngunit bago ako magtapos, hayaan ninyong ipahayag ko, sa ngalan ng mga Filipino, ang pakikiramay sa Republika ng Turkey dahil sa nangyari sa kanilang lugar. Ipinaaabot namin ang aming mataos na pakikiramay.
Bakit ako narito? Narito ako dahil mahal ko ang aking bansa at mahal ko ang mga mamamayan ng Filipinas. Narito ako. Bakit? Dahil handa na akong simulan ang paglilingkod sa bansa.
Maraming salamat at magandang hápon sa inyo.” Maikukumpara ko ito sa kasalukuyan dahil noong ito'y inihayag ng ating presidente madaming iba’t ibang tao ang pinag usapan ito. Mga kabataan o ang mga nakakatanda dahil kadalasan ngayon kahit anong edad pwedeng pwede na mag hayag ng kani kanilang saloobin sa mga social medias. Ang reaksyon ko tungkol sa talumpati na ginawa ng ating presidente ay ito'y naging simple lamang walang paligoy-ligoy.
0 notes
Text
Filipino Ako, Filipino Ang Wika Ko, Filipinas Ang Bayan Ko
Ito'y proyekto na nais lang iparating na dapat mahalin natin ang sariling atin at hindi ang galing sa iba't ibang bansa. Maikukumpara ko ito sa kalagayan ng ating bansa dahil kadalasan ng mga filipino mas tinatangkilik nila ang wika ng ibang bansa, tila kinakahiya nila ang ating sariling wika. Ang aking opinyon tungkol dito ay maganda ang kanilang ginagawang kampanya dahil nais nilang iparating saating mga pilipino na dapat mahalin natin ang sarili nating wika, mas tangkihilikin natin ito dahil ito'y atin.
0 notes
Text
Upuan
"Upuan" (feat. Jeazell Grutas of Zelle) [JEAZELL] Kayo po na naka upo, Subukan nyo namang tumayo At baka matanaw, at baka matanaw ninyo Ang tunay na kalagayan ko [GLOC-9] Ganito kasi yan eh... [Verse 1:] Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng Malaking bahay at malawak na bakuran Mataas na pader pinapaligiran At naka pilang mga mamahaling sasakyan Mga bantay na laging bulong ng bulong Wala namang kasal pero marami ang naka barong Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan Kaya naman hindi niya pinakakawalan Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan [JEAZELL] [Chorus:] Kayo po na naka upo, Subukan nyo namang tumayo, At baka matanaw, at baka matanaw na nyo Ang tunay na kalagayan ko [GLOC-9] [Verse 2:] Mawalang galang na po Sa taong naka upo, Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo Pero kulang na kulang parin, Ulam na tuyo't asin Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin Di ko alam kung talagang maraming harang O mataas lang ang bakod O nagbubulag-bulagan lamang po kayo Kahit sa dami ng pera niyo Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo Kaya... [JEAZELL] Wag kang masyadong halata Bato-bato sa langit Ang matamaa'y wag magalit O bato-bato bato sa langit Ang matamaan ay Wag masyadong halata Wag kang masyadong halata Hehey, (Wag kang masyadong halata) (Wag kang masyadong halata) Maikukumpara ko ito sa kasalukuyan dahil madaming pinuno ngayon ang ayaw umalis sa kanilang pwesto dahil iniisip lamang nila ang kanilang sariling kapakanan. Mas gusto nilang mag lustay ng pera ng bayan kesa tumulong sa mga mahihirap. Ang repleksyon ko sa kanta na ito ay sangayon ako sa iniisip ng lumikha ng kanta dahil maraming pilipino ang naghihirap samantalang ang mga politiko na nakaupo sa kani kanilang pwesto napaka sagana ng buhay. Imbes na mapunta ang pera ng Pilipinas sa mga Pilipino napupunta lang ito sa mga corrupt na politiko.
0 notes
Text
Ugoy sa Duyan
"Sa Ugoy Ng Duyan" Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni nanay Nais kong maulit ang awit ni inang mahal Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni nanay Nais kong maulit ang awit ni inang mahal Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan [Refrain:] Sa aking pagtulog na labis ang himbing Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin Sa piling ni nanay, langit ay buhay Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni nanay Nais kong maulit ang awit ni inang mahal Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan Sa aking pagtulog na labis ang himbing Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin Sa piling ni nanay, langit ay buhay Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay Oh! inay Maikukumpara ko ito sa kasalukuyan dahil ang mga teenager ngayon madalas hindi nila kasama ang kanilang mga ina sa kadahilanan na minsan nangingibang bansa ang kanilang mga ina kaya minsan hinihiling nila na maulit ang pag aalaga ng kanilang ina sakanila noong sila'y magkasama pa. Ang reaksyon ko dito ay ang kanta ay maganda dahil ito'y nagpapakita ng tunay na pagmamahal ng anak sa kanyang ina. Hinihiling nya na sana'y maulit muli na magkasama sila ng kanyang nanay.
0 notes