#hirap o sarap
Explore tagged Tumblr posts
Text
Hirap O Sarap - Cean Jr. (2023)
#cean jr#hirap o sarap#opm#pinoy music#philippines#philippine music#pinoy#rnb#pinoy rnb#rnb music#music video#2023#pinoy myx
2 notes
·
View notes
Text
fallacies of lykkelig
In the spirit of the "dearly" departed and in the name of katangahang-isip.
Let this be a rundown of the tiny convos that are centered on debunking lyykelig vibes na medyo pabebe at 'di pabebe. Babala: Ang sumusunod ay pawang katanghang-isip lamang. Mag-ingat. Nakakamatay. Litmus paper test lang 'to ng storytelling mala-Plurk. :p Isama mo na rin r/aitah universe para pakkkakkk. Wala namang namatay kasi wala namang nakatawid sa tawiran... or baka naman... meron, meron, meron pero, akala lang wala.
A: Eto ang plano. Lilipad. Magpapakasal. 2 kids. B: Ayos. Ganda ng plano. Kaso 'di ako kasama sa pagpaplano. Wala man lang heads up. Talaga ba? Lilipad kang mag-isa. C: Paano ka ba i-keep? D: Ha? Hatdog. C: Hirap sa'yo ang sarap mong mahalin pero hindi ko alam paano ka i-keep? D: Keychain ba ako? Or bala ng Playstation? E: I'm okay with you. Just pretend that I'm a lesbian. F: Ay. Umuwi ka na kasi baka kung saang lupalop pa tayo mapadpad. Choopi. Alis. G: Kahit ayaw mo sa akin, gusto kita. H: E 'di problema mo 'yan. Lusutan mo. Parang kasalanan ko pa a. I: Niligawan naman kita pero ayaw mo pa rin sa akin. J: 'Di kita ayaw. Ayaw ko lang mag-end ang friendship natin. Mas okay ka ng bestfriend kasi sure na sure akong walang break up and shitshow ito. K: O check mo na eyeliner mo. Baka nag-bleed. L: Aywaw. 'Yan talaga ang takeaway mo noh? K: 'Di ba sabi mo gusto mo plakado pa rin eyeliner mo kahit naka hi-fi iyak mode ka? L: Uwi na ko. M: Seryoso ako. N: Ako hindi. O: Eto na tickets mo. P: Thanks. Next time ulit. O: Next time sana may VIP seats na ako sa'yo. P: Uh. Tickets lang pinaguusapan. Duh. Q: Naghihintay naman ako e. R: Wala kang inaantay. Pasensya na. Kahit 5 years pa. Hanap ka na lang ng iba. Seryoso. Minsan lang ako magsersyoso, kaya seryosohin mo rin 'tong sinasabi kong 'to. S: 'Di ba Cancer ka? Bakit parang 'di halata. T: Cancer kasi ako ng lipunan. Oks na? May palag pa? U: Takas ka kasi ng takas. V: O tapos? Tapos.
W: Sa'yo na muna gears ko. Bahala ka na kung kelan mo babalik. Basta mag-photowalk tayo every weekend. X: May rules talaga na kabog ang rule of thirds? 'Wag na lang. Rent na lang ako.
Y: Tumanda tayong 'di mag-isa. Z: Mamatay naman tayong lahat ng mag-isa, 'di ba? Y: Morbid mo naman. Z: Mula noon hanggang ngayon, you have been fully informed. So, ano? Ano na? A1: 'Di ba dream trip mo 'to? B2: Yes. Pero hindi ka kasama sa dream trip frame, so, ekis. Thank you na lang. God bless.
C2: Tara sa Japan! G. Ako bahala. D2: Ako bahala sa sarili ko. Thanks. Kahit ikahirap ko. E2: Nasaan na 'yung Harry Potter boxed set na hardbound? F2: In the box to the left. Saka nakabili na ako before mo pa ibigay 'yan. Uwi mo na lang. Sayang e. G2: Wow. Nag-stay ng umaga. H2: Good morning. Una na ako. Sarap tulog ko e. G2: Maaga pa. Stay ka muna. Breakfast ka muna. H2: Umaga na. Kaya dapat umuwi na. Also, IF. So pointless, pag-stay. Thanks. I2: Puwede naman akong houseband. J2: Talaga ba? Parang biggest fallacy 'yan of them all bilang putok na putok ang paganaps mo. 'Wag ako. I2: Try me. J2: Next topic. K2: Saan ba ako sa priority list mo? L2: Alam mo ang tali-talino mo, pero ang dami mong 'di alam. M1: Masipag akong magtrabahong bahay. N2: E ano naman? Kaya mo bang magluwal ng bata sa mundo? P1: 1 year na akong single. Q1: Serial monogamist ka pa rin, huy. Kaya 'wag kang palakpak tenga masyado. Deserve mong maging single blessedness muna bago mo na naman hatawin ang dating scene. P1: Gusto ko 'yung interesting. Q1: Gusto mo ba 'yung ilalagay mo sa petri dish? Baka specimen naman kasi hanap mo bilang 1 year ka ng matino kuno. 'Wag ako. O1: 9 dogs tapos nagpapaanak ng aso on my own. Present. Row 1. P1: Nagpaanak sa bahay on your own kasi 'di mo na nadala sa ospital. Attention to details. Ekis. Ooops. Triple Ekis ka diyan. Busy mo e. Mga Katangahang-isip na PL na hindi mo alam kung anong gustong ipamukha sa'yo... or baka naman, katangahang-isip nga e: -Maniwala Ka Sana -U Got Me Bad -More Than I Can Say -Through The Years -The Man Who Can't Be Moved -Minamahal Kita -It's Gonna Be Me -When I'm 64 -Bawat Daan -Paborito -Ipagpatawad Mo -Ewan -And more na 'wag na nating ilagay dito because... katanghang-isip nga 'di ba? Ako naman, ganito lang kasimple flow ko ever since. 'Pag oks: Brown Eyes 'Pag 'di oks: Survivor Wala akong in between. Amen to Santa Santita Beyonce 5evs. PS: May AI bang hindi wonky para sa proofreading ng contextual English at Tagalog with slang na 'di umaayaw? Seryosong tanong 'yan. UGH.
2 notes
·
View notes
Text
Iba talaga magmahal ang mama ko.
I got home early from RTO today. 11:00 PM nasa bahay na ako... nagpakain ng mga aso, naghugas ng mga nakatambak na pinggan sa lababo, nag-ayos ng mga gamit ko bago humiga. Hindi ko na ininda yung antok at pagod ngayong araw na to. Iniisip ko nalang papaano dapat maging responsable ako, bawasan nang kaunti yung kalat para hindi na masiyadong makadagdag kay mama bukas paggising niya.
Simula noong bumalik ako sa bahay. Tinanggap ko na yubg mindset ko na “yung ex ko nga naasikaso ko sa loob ng bahay ng ilang beses, bakit pamilya ko, hindi?” kaya kahit may trabaho ako, maaga ako nagising para maglinis ng paligid bago simulan ang araw ko. Mag-asikaso ng sarili. Tumulong sa gawaing bahay. Nadala ko yung pagiging responsable, mga natutunan ko noong wala akong ibang aasahan kung hindi sarili ko sa apartment. Nilalabanan ko palagi yung katamaran ko sa katawan. Kahit pagod ako o gaano ako ka-busy.
Kaya ngayon, nakakaramdam ako ng galit sa mga kapatid ko.
Isang lunod sa sugal at easy money. Pilit binabaon ang sarili sa mga utang, kahit madalas si mama yung sasalo ng mga gusot at pplantsa para maayos buhay niya.
Isang nagttrabaho pero minsan talagang ubod rin ng kupad.
Yung bunso na sobrang bigay na lahat. Sobrang sarap na ng buhay pero hindi pa niya napagtatanto, hindi pa siya grateful enough kasi wala pa siyang alam sa totoong realidad ng buhay.
Naiiyak ako kasi naaawa ako sa nanay ko.
Gigising ng umaga para asikasuhin si papa. Ipagtimpla ng kape, ihanda ang mga gamit at damit pangpasok, samahan hanggang makaalis. Mag-aasikaso halos buong araw sa bahay. Lahat ng kalat ng nakaraang araw na dulot ng mga anak na batugan at iresponsable, pikit matang nililinis at inaayos ni mama lahat mag-isa. Imagine ito yung nililinis ng nanay ko araw-araw: Mga aso at kulungan, sala sa labas, kusina, sala sa loob at apat na kwarto ng buong pamilya.
May araw na nagluluto siya, naghuhugas, naglalaba, maglilinis ng mga kwarto, magsasalansan ng mga damit sa damitan, magsasampay at magtitiklop nang sabay-sabay sa isabg araw. Mag-isa. Noon, ni hindi ko man lang naisip, puro nasa utak ko boyfriend, sarili kong kasiyahan. Iresponsable, batugan at mayabang.
Ni hindi kaya ng pride ko yung ginagawa ni mama sa araw-araw na buhay niya, bukod sa pagod ka na pisikal, eh pati mental dahil tila yung mga tao sa paligid ay walang pasasalamat na maibigay kapalit man lang sa lahat ng hirap. Nakakaluha na tila wala nang pagmamahal at pasasalamat kaya imbes na pagbuhaying reyna si mama, ginagawang alipin at utusan nalang sa bahay. Pagkilos sa bahay lahat, asa kay mama.
Mas madalas ko pang nakita ang nanay ko maglinis sa araw-araw kesa magbuhay reyna at i-enjoy ang buhay niya.
Madalas pang pagod na nga sa buong araw, kapag magkakasabay-sabay na kami sa hapunan, pupulaan pa yung mga pagkain na inihanda ni mama. Pagsasalitaan ng mga salitang pangmamaliit at masasakit. Siguro, nasanay nalang si mama, baka sa sobrang sanay niya akala niya normal na to lahat.
Hays. Ang bigat sa dibdib. 25 years old na ako at ganon na rin kaming katagal pinagsisilbihan ni mama. Hindi ko alam kung paano niya nakakaya pero ang sakit.
8 notes
·
View notes
Text
I started here when I was 15/16 y/o if im not mistaken. Pero grabe ‘no? 10 years na nandito pa rin ako nag rarant ng mga walang kwentang thoughts ko na minsan cause ng pagkaoverthink ko. Ang dami ko ring masasayang araw na hindi ko nasusulat dito. Pansin ko rin na kapag malungkot or sawi ako dito ako nagsusulat. Simula ngayon, sana magtuloy-tuloy na magsulat ulit ako. Sana yung masasaya naman para kapag babalikan ulit kita ng mga sampung taon ulit hindi lang ito takbuhan ko kapag malungkot ako kundi sa masasayang ala ala rin. Hays ang sarap lang balikan rin dito yung una kong gamit kahit wala na akong kain non grabe ang lala ng pagka adik ko rito walang sawang scroll up and down ako at magbasa ng kwento ng iba. Nakakamiss. Nakakamiss na ito lang yung pinagkaka abalahan ko. Ang hirap pala maging adult hahaha.
12 notes
·
View notes
Text
random.02
andon pa din ako sa stage na. putangina wala pa din akong ipon! 36 na ko beshy.. puro ka lang yabang. ano na?
dami kong gustong gawin.. dami ko gustong bilhin.. dami kong gustong mapuntahan.. pero?? nasan ang pera ko??
ang tanga ko dahil nagsstay ako sa lugar na hindi ako masaya.. pero kaya ko naman mag tiis e.. dalawang taon na lang naman, siguro after 2 years maganda ganda na sahod ko.. ayoko kasi dumepende sa ibang tao.. gusto ko lahat pinaghihirapan ko. yung tipong pagdadaanan ko muna yung hirap para pag natikman ko na yung sarap, masasabi ko sa sarili ko na pinaghirapan ko to..
naiinis ako sa mga tao na nagsasabi sakin, ang tanga mo sinasayang mo oras mo diyan, edi kung nagtrabaho ka sa ganitong lugar edi ang dami mo na sanang ipon. o eh bakit di ikaw ang gumawa? bibilib pa ko kung nasa point na kong kinaiinggitan na kita dahil ang layo na ng narating mo. kaso wala eh. pano ako mamomotivate niyan??
ngayon naiisip ko, nung bata ako, pinilit ako mag take ng nursing ng mama ko, pero sabi niya ako daw may gusto non noon. hahaha so nag take ako siguro nga gusto ko yun nung time na yon kasi lahat ng classmates ko nung highschoo eh puro nursing. nakakatawa nga eh kasi sabay sa uso lang ako.. HAHAA nag take sila ng upcat pero ako pinagttake kaso di ko naman alam yun. HAHAHA! hndi ako nagtake kasi alam kong di ko kaya HAHAHA pang matalino lang yun HAHAHA
nagtake ako exam sa CEU at sa UST.. ayon. awa ng Diyos sa dami ng choices ko ng courses wala kahit isa pumasa HAHAHAHA and ending, dun ako nag aral sa school na gusto ni mama sa BGC hahaha yun ang unang nursing school sa BGC as far as i know.. hahaha kasi naalala ko nun wala pang mga malls dun, as in talahib pa lang ang kapaligiran at buhangin.. ganorn. so, nung time na yun nagkaron ako ng classmates na mayayaman.. taena bigtime tlga! HAHAHA tuwang tuwa ako kaya sabi ko sige enjoy ko nalang.. :D :D
tapos may mga times na tlgang nag aaral ako, nakapag disect pa nga ako ng palaka non. HAHA may mga subjects na napasa ko at halos lahat dun ay minor subjects HAHAHAHAHA nakakkatawa taena.
so ayun. kinuha ko nursing nag aral ako sa magandang school, tapos.. di ko kayang sabayan yung mga tao dun.. kasi alam nyo ba magkano lang baon ko non?? 100.. HAHAHA though grateful naman akong may baon akong 100.. pero di siya sapat para sakin.. kasi ang layo ng school ko.. ilang sakay, papunta pabalik.. tapos nakakahiya man aminin pero ang binibili ko sa school non, kanin lang tapos yung sabaw dinadamihan ko kasi libre.. HAHAHA :D :P pero masaya.. :D :D pag naalala ko..
so eto nga yung school ko, Global City Innovative College, parang isang sem lang yata ako nag aral dun haha.. kasi pag nstp day pucha mas nagstruggle ako kasi sa bgc pag sunday yata yun, walang shuttle so obligado ako magtaxi. eh pota. 100 lang pera ko nun. HAHAHA nahirapan ako talaga.. kaya sabi ko sa mama ko lipat na ko school yung malapit para di ako mahirapan atleast maubos pera ko pwede ko lakarin dun kasi sa bgc di pwede eh. tangina mag aalay lakad ka talaga sa layo. HAHAHA..
so lumipat na ko ng mas malapit na school para talagang makapag focus ako. YESS FOCUS! kahit hindi. hahaha :D so eto na nga, dami kong back subjects na need ko itake sa bago kong school edi.. kinuha ko na para maging maayos na lahat.. eh kaso. HAHAHA dumating sa point na nagkaron ako ng mga classmates sa Chemistry class ko, sabi ko ang saya saya naman nila.. nasa 2nd year na ko nun nung nursing.. basta 2007 ako grumaduate ng highschool. HAAHAHA!!
so... nung naging classmate ko nga yung mga chemistry classmates ko, lagi ko winiwish na may chemistry class araw araw.. kasi ang saya saya talaga nila.. tapos may isa akong naging friend na sobrang nakakatuwa talaga siya.. natanong ko anong course nila, sabi niya HRM daw.. actually nung highschool i never thought of taking that course kasi nga mulat ako sa nursing course nun kasi mga brainy lahat ng classmates ko.. hahaha.. tapos, napaisip ako nung sinabi sakin na mag shift na lang ako ng HRM kasi masaya nga daw don..
kaya on the same day na narealize kong gusto ko pala talaga is hrm subject, nagsabi ako sa lola ko na magchange ako ng course.. tapos ayun!! pumayag kahit madaming tanong sakin.. HAHAHA
tapos ang daming subjects na di ko trip.. basta pero eto! 2013 ako natapos ng college. HAAAHA ang haba ng panahon ko sa college noh?? siguro kasi ganong katagal ko narealize na need ko makapagtapos, pero for the span of 6 years.. ang daming nangyare, nagstop ako mag-aral, nag working student ako, tapos.. nabuntis ako.. tapos.. buntis ako nung nagaaral ako, tapos.. nag stop ako nun kasi nanganak ako... pero pag balik ko, nagworking student pa din ako.. ang pinaka mahirap na part nung pa-graduate na ko, kasi di ko alam pano ko imamanage yung time ko na nagpapadede ako ng anak ko tapos nagwork ako ng gabi sa isang bar sa makati.. tapos gigising ako ng umaga para pumasok sa school. tapos, sa hapon.. nagppracticum ako para lang matapos ko yung oras na kailangan ko tapusin... nung time na yan, need ko na give up yung work ko kasi kailangan ko na talaga mag focus sa school kasi pagraduate na ko.. kaya ginive up ko na work ko..
so fast forward.. naka survive ako sa hirap na yan.. i graduated with a bachelors degree 2013! :D :D :) im so so happpy! sobra! :D day after ng graduation ko nag apply ako ng work sa Toyota which is hindi ko forte, ninong ko kc yung gm ng toyota pasong tamo that time.. and oh well! CHArizz.. :D :D de. sa totoo lang, di niya binack upan dun.. pinag take niya ko talaga ng exam.. and dumaan ako sa interview talaga.. then.. ayun! :D nakapasa ako sa work nakabenta din ako.. :) so in short meron din akong experience sa sales.. :D :)
then.. madaming nangyare sa buhay ko.. kulang pa nga to eh.. pero andito pa din ako.. lumalaban HAHAHA at umaasa na balang araw, pero Lord sana pag nag 40 po ako.. hindi na ko natingin sa price tag. alam kong kaya ko po ito... kayang kaya ko. :D :) wala po akong dadasalin kungdi palakasin niyo po ako.. kahit wala akong sakit. at kung meron man ayoko na malaman.. health ko lang po at health ng pamilya ko Lord. <3
2 notes
·
View notes
Text
We all need balance in our lives. Mahirap din kapag nasanay ka sa puro sarap, at walang hirap. Kaya sobrang hirap kapag galing ka sa sobrang taas, bakit? the more na mas mataas, the more na mas masakit kapag lumagapak ka. Na-realize ko rin ang contentment. Humans will never have satisfaction in life. Gugustuhin lagi natin ang mas umangat sa buhay. Pag depressed tayo, we become grumpy. bakit? kasi wala nang panibagong mga information ang pumapasok sa utak natin. We get used to the same shit we do. Say for example is, we were used to a rich lifestyle, tas bigla na lang na-bankcrupt yung kumpanya mo, diba ang sakit. bakit? kasi nga nasanay ka sa ganung buhay, sinanay mo ang sarili mo sa puro sarap kaya nung lumagapak ka sa buhay, bigla kang naninibago, hindi ka sanay sa buhay mong bago, kaya hindi ka makapag-isip ng matino, iniisip mong, bakit nangyayari ang mga yun sayo? anong ginawa mong masama? ang ending, may mga nagagawa kang mali, kasi nga, wala ka sa tama mong pag-iisip, at isa pa, you let your emotions take place, sa sobrang galit mo, kung anu-ano na ang mga naiisipan mo, pero ang totoo, hindi mo naman dapat iuna ang emotions mo eh, bakit? kasi maaring makagawa ka pa ng mga bagay na maaring ikapahamak mo o di kaya ng mga mahal mo sa buhay. Hindi mo na maiisip na, napakaswerte mo pala dahil ang buhay na meron ka eh yung buhay na inaasam ng ibang tao, yung buhay palang meron ka eh kinaiinggitan ng iba. We should never let our emotions take place.
#buhay amerika#kagaguhan#kalokohan#kalandian#mga kagaguhan ko#tangina#love quotes#love quote#love#quotes
4 notes
·
View notes
Text
weird ng feeling na nagkakaron ng clarity in words yung actions and decisions ko way way back.
i mean, alam ko naman noon pa na may malalalim akong reasons pero parang ang hirap iexplain maski sa sarili lalo na hindi naman yun ang gusto ko mangyare o gawin, ako din pinaka nahihirapan.
sarap lang mag ungkat *unconsciously* minsan- for me nakakatulong sa paulit ulit na pagpapatawad sa sarili.
on the other hand mas nacoconvince ako na may mali sa takbo ng utak ko. mas naiintindihan ko din ngayon yung sinasabi ng parents ko na baka nahypnotize ako ng ex (2013) ko. kumbaga nag combo yung klase ng abuse nya saken + personal kong dinadala.
#si j to na ex ko okii#lagi tayo mag ddisclaim kapag ganito baka may mag anon nanaman at banggitin si B HAHAHA
6 notes
·
View notes
Text
Food Ribiw
ng school namin ¯\_(ツ)_/¯
─────────────⋆⋅☆⋅⋆──────────────
Hindi namin pa natitikman lahat ng pagkain sa school canteen, pero may mga pagkain naman na okay. Pero ngayon, gusto namin magbigay ng honest at critical review ng mga worst food items sa menu base sa mga naranasan namin bilang isang personal blogger at estudyante na may limitadong budget.
✦ . ⁺ . ✦ . ⁺ . ✦ ✦ . ⁺ . ✦ . ⁺ . ✦
Food stall no. 1
→ okay naman ang waiting time at medyo okay din ang food, pero ang problema, kadalasan yung mga pagkain nila ay nakalabas lang buong araw kaya malamig at hindi fresh. Hindi tulad ng ibang stores na niluluto ang pagkain fresh para sa’yo. Hindi ko alam na may microwave pala at hindi rin sinabi sa’kin, pero yung "atay" na binili ko ay 65 pesos, sinabi nilang fresh pero malamig pa. Yung itlog na hardboiled at sauce, hindi masarap, hindi siya ‘homey’ at hindi ko na rin siya irerekomenda. Hindi sulit ang presyo, maliit ang portion, malamig pa, kaya hindi worth it sa budget ng estudyante. Marami pang ibang pagkain sa menu na mas sulit.
Food stall no. 2
→ Okay, yung first time kong bumili ng lunch sa canteen, para sa akin, yun na yata ang pinaka-malungkot na karanasan ko sa buong buhay ko. Lesson learned: Huwag mag-order ng mga rare na pagkain sa menu. Dapat ko sanang nalaman na red flag na nang magtanong ako sa cook, naguluhan siya at nag-"ha?". Ang inorder ko ay 'burger steak' na parang sa Jollibee, ganun. So, naghintay ako ng 15 minutes at ang nakuha ko ay ang pinaka-manipis na patty na nakita ko sa buhay ko, parang hindi burger patty, kundi parang synthetic na karne. Ang masaklap pa, malamig pa siya! Kahit yung gravy malamig, habang yung rice, mainit pa. Grabe, wala talaga akong gana.
───────────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────────────
Hindi dahil may masamang menu items ang isang store ay hindi na okay. May mga paborito pa rin akong kinuha ko araw-araw. So, ‘di naman lahat masama sa canteen, may mga masarap din naman.
Mga Paboritong Pagkain na Rekomendado
1. French Fries at Pizza Medyo mahal nga ang French fries, pero sulit naman. Freshly cooked, masarap, crispy, at mainit. Hindi aabot ng 10 minutes ang paghihintay, kaya okay lang. Marami na ring estudyante ang bumibili dahil masarap at okay na pang-sarap. Minsan, kahit ako, bilang isang "mura lang" na estudyante, paminsang tinatangkilik ko rin ‘to. May flavor pa na BBQ, cheese, at sweet and sour. Saktong-sakto, hindi ka magugutom at pwede mo pang ishare sa mga kaibigan.
Ang pizza corner sa tabi, grabe! Laging bumabalik ang mga kaibigan ko dahil sa masarap na pizza nila. Parang pizza na kasing sarap ng mga nasa mall, like Robinsons or SM. May mga flavor sila tulad ng all cheese, pepperoni, at hawaiian na puno ng cheese at malasa. Di ko masyadong inirerekomenda ito bilang lunch, pero okay na snack para mag-enjoy.
2. Stall no. 2, Kahit may mga hindi magandang options sa menu, may mga murang pagkain pa rin sa stall no. 2 na sulit na sulit sa budget. May mga snacks na kahit 10 pesos lang, makakakain ka na. Tapos may mga Choco Mucho pa na 12 pesos lang—okay na okay na para sa mga may sweet tooth o sa mga estudyanteng nagtitipid. Kaya hindi ko kayang magalit sa lugar na ‘to dahil marami kang pwedeng bilhin sa mababang halaga at sulit na sulit.
Meron din silang mga healthier options tulad ng turon at bread, pati na yung candy, 3 piraso lang 5 pesos. Iced tea? 10 pesos lang! May bigger cup pa na 30 pesos. Kumbaga, sulit na sulit ang pera mo, at pwede mong pag-eksperimento para sa buong araw at pati sa susunod na araw, na hindi lalampas sa 50 pesos.
Para sa lunch, may mga food bowls sila tulad ng chicken skin, gravy, at cheesy hotdogs na pwedeng i-microwave. Walang kahirap-hirap, bayad lang, tapos makukuha mo agad.
✦ . ⁺ . ✦ . ⁺ . ✦✦ . ⁺ . ✦ . ⁺ . ✦
So yun, yun ang mga worst food experiences ko sa school canteen. Hindi ko naman sinasabing lahat ng pagkain dito ay pangit—may mga food na sulit sa presyo at okay sa lasa. Hindi lang talaga pare-pareho ang quality. Kaya sana, maging inspirasyon ito sa mga vendors na mag-improve pa.
Kung naghahanap kayo ng masarap at affordable, may mga paborito akong lugar dito na laging worth it. Kaya next time, maging mapili na lang sa pagpili ng pagkain at mag-budget nang maayos. Salamat sa pagbasa, at sana makatulong sa susunod na pagbisita mo sa school canteen!
Maraming salamat sa pagbabasa! Sana nakatulong ang mga review ko sa pagpili ng pagkain sa school canteen. Hanggang sa susunod na update!
0 notes
Text
Au
Why you? Its been a decade since you got my attention and my ❤️ wait paano ko ba uumpisahan ang kwento ko sayo.
Ok start ako sa HS, di kita masyado pansin non pero alam ko may marigold sa paligid ko. I mean i know you by name nung 4th yr ako tapos 3rd yr ka haha. Pero galing ng tadhana mas naging close ko mga friends mo lalo na si janella, ewan ko ba bakit di ako nagkaroon ng lakas ng loob magpapansin sayo? Siguro busy ako nung time na yon and alam kong busy ka din kasi achiever ka. Busy naman ako non sa robotics, pero 4th yr ako nagkagf ako kasi mas napansin ako nung crush ko hahaha sorry, aminado ako mabilis ako madistract that time. And alam ko may jowa ka din non kaya its a tie 😂 so bale di talaga ako makaporma sayo or maparamdam na may anzel sa paligid mo. Di ko alam torpe siguro ako non tapos di ko rin masabi sa mga friends mo na may gusto ako sayo, iniiba ko na lang talaga ng landas isip ko non para di kita makulit. Pero by the time goes by nagchat ka sakin sa messenger na manghihiram ka ng uniform out of nowhere, college na ko neto edi na shookt ako jusko di ko alam kung kikiligin ako or susungitan kita 😂 pero sinungitan kita kasi 2 weeks mo di binalik uniform ko eh kitang dalawa lang yon wash and wear pa 😂 tapos nalaman ko sa kapatid ko kay albert na chinat mo siya and kinukuha mo number ko 😆 that time napasabi ako “ok gumagana nanaman law of attraction ko” pero hay grabe tadhana sakin kung maglaro niyan. Tapos di ka nanaman nagparamdam. ☹️
Lagi na lang ako napapatanong sa sarili ko “bakit lulubog lilitaw siya?” “ di ba ko kagusto gusto” o “di pa rin ba namin time?” So on. ☹️ pero sino ba naman magkakagusto sakin dati eh di ako pala labas or papansin, joke ka din eh mas napansin mo kapatid ko 😂 kidding aside.
So yeah HS. Kung may babalikan akong panahon siguro HS talaga lalo na nung una kitang makita sa sabayang pagbigkas na performance natin nung HS, tanda ko pa ayun yung time na una kitang makita at magustuhan. Cute mo kaya nun kahit payat mo pa non hay sarap gawing baby. ❤️😂 so kung di ka naniniwala dami kong stolen pics mo na nakasave sa fb ko.
Pero dumating yung time na college na ko, sobrang ilap na ng tadhana na magpansinan tayo. Busy ka sa college mo sa rtu, hanggang sa dumating yung time na aalis kana ng pinas. Nagpadespedida kapa non di mo ako ininvite puro fame pips kasama mo 😂 pati kapatid ko nandun pa hahaha di ko alam paano mo talaga ako mapapansin non, napaligiran ka ba naman ng mga feelin sikat non eh. 😆
Then you’re in america na, mas lalo ako nawalan ng pag asa makilala ka. Sabi ko na lang baka di talaga, di talaga na mangyayari. Gusto ko magsorry sayo kasi never mo kong naramdaman during HS, college at states life mo. Sorry kasi nag iipon ako ng lakas ng loob at ang hirap humarap sayo ng wala pang napapatunayan, ang pride ko din kasi na hindi mauna magchat sayo. I’m sorry kasi torpe ako, sorry kung late mo na naramdaman to, and sorry dahil di kita nasamahan sa journey mo hanggang maging successful ka. Pero tandaan mo na you always have me since then, di lang perfect time si tadhana satin non. Lets say “ pinagtagpo pero di tinadhana” hahaha
I can’t help it gold kung alam mo lang. Natatandaan mo pa ba nung aug 2020 nagkachat tayo, papansin na ko sayo sa twitter, liker mo na ko sa lahat hahaha pati lovelife mo nung active na ko sa socmed nasubaybayn ko na pero eto ako taga tingin na lang talaga sayo sa nangyayari sa buhay mo. Lagi nagtatanong” kailan ba ko mapapansin neto” hanggang sa nagchat ka sakin nung 2020 medyo may kalibugan lsng chat mo non pero kilig na kilig ako non hahah parang ayaw ko na ibaba phone ko para lang makausap ka. Hay pero cute talaga ng tadhana, may gf ka non tapos ang layo mo pa sakin. So paano na ko makakakulit sayo? Sa totoo lang may tampo pa din sa puso ko ngayon kasi bigla mo kong di na nireplayan nun, pero gets ko naman kasi nga may kinakasama kana jan. Ok talo nanaman is me. ☹️
So paano naba kita makakalimutan after that short talks natin, hanggang ngayon nasa puso pa rin kita. Yung chat mo sakin na iwan ko na si jaz, yun pag open mo ng problem sa current relationship mo nun na hindi ko manlang nabigyan ng pansin na hint na yun para magopen na yung doors para satin. Pero di ko ginrab kasi ayokong nakikita kang nasasaktan, ayoko sabihin sayo na layuan mo na yan tayo na lang. Di ko pwede sabihin sayo yun kasi alam kong ok ka naman saknya, mas gugustuhin ko makita kang masaya kahit alam kong masakit sakin na di kana mapapasakin, ang sakit lang kasi never nagkachance na makilala mo ko that time. Lagi ako kita naiisip, pinagdarasal at minamahal ng malayo at tahimik. Sorry kasi hanggang dito na lang kita kaya mahalin hanggang malayo lang. cause u will never be mine, sakit. Hanggang sa kinasal ka non sheeeet my heart tears of pain and joy ☹️❤️ nung naengage ka nung 2021, kinasal and now nagpaplan na magkababy. Sakit. Wala na kong maramdaman kundi puro sakit. Kailan ba kita makakalimutan? Kailan kana ba mapapasakin? Hanggang kelan kita aantayin? Kasi kung sasabihin mo sakin na mag antay ako, mag aantay ako sayo.
1 note
·
View note
Text
Day 1 of daily (?) blogging again...
Matapos ko panooring yung spin off ng Bridgerton about the queen, hindi ko na alam ang gagawin ko. Para bang buong buhay ko na kasi the past year, nakatutok sa either lovelife or trabaho ko. May time ako kanina para magmeditate, magyoga, magstrecth konti, pero wala. Para bang naubos lahat ng willingness ko alagaan ang sarili ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula...ayokong isipin kasi na yung future unemployment ko ang solusyon sa mga problema ko.
Oo, kapag nakapagresign ako, mas may oras na ako para sa sarili ko, sa hobbies ko, sa workout, pero wala akong pera. Sarap sana iromanticize pero nakakatakot yung fact na baka months pa bago ako makahanap ng trabaho...at imbis na mainspire ako, magrorot nanaman ako kasi madedepress ako. Pero okay, let's not say na hindi naman ganon kagrabe.
Pero ang point ko is, I have to start somewhere. Hindi ko dapat hintayin magresign, dapat magstart ako ngayon o bukas.
Ang hirap kasing maging adult, parang kelangan lumabas ka, makipagsocialize, pero dapat healthy ka din kasi hindi ka na bumabata, tapos pati skincare, pero pati career, importante din, pero nasa point ka na rin na wala ka nang paki sa social expectations. Pero hindi ko alam...nakakapressure, nakakapagod, nakakaovewhelm, na gusto mo nalang bumalik sa summer days na kung saan okay lang ang lahat.
0 notes
Text
Modern Fantasy
Faithful, kind, joyful, humble, family-oriented, and God-fearing, mga katangiang paulit-ulit nilang binabanggit. “Kuyang green flag!!!” sigaw pa nila sa akin. Sorry girls, may nagmamay-ari na nang puso ko.
Habang bumababa ako dito sa sasakyan kong lamborghini na galing pang Hogwarts, ang daming nakakapansin sa akin na tila ako lang ang lalaki sa paningin nila. Mahangin na ba? Pasensya na perpekto lang, pinagpala kasi sa lahat.
Ngayon ay naglalakad na ako patungo sa hallway. Nahagilap ng paningin ko ang babaeng, katangi-tanging nagpatibok ng puso ko dito sa Star Academy. “Danaya” masaya kong sambit. Bagama’t nakalagay sa kanyang mga tenga ang headphone, narinig pa rin niya ako. “Primo” nakangiting tugon niya sakin. Para akong isang batang naglalarong lumapit sa kanya.
Ibang iba kasi si Danaya sa ibang kababaihan na nakilala ko. Simple at ubod ng ganda ang kalooban. Nagkakilala lang naman kami dahil kay Ellie, my childhood friend. Noong nasa sekondarya palang kami, sa iba’t ibang school kami nag-aral at saka kami pinagtagpong tatlo ngayong nasa kolehiyo na kami. Bale magkaibigan si Elli at Danaya simula pa noong highschool at ngayon ay magkaklase na kami sa kursong astronomical engineering.
Mabalik tayo sa aking sinisinta. Niyaya ko nang kumain si Danaya sa Moonbucks. “Hintayin kaya natin si Ellie, may kinuha lang sa library” ika niya. At dahil masunurin akong bata sa kanya ay umupo muna ako sa tabi at hinintay namin si Ellie.
Ilang minuto lang ang nakalipas, “Guys!” nakaririnding sigaw ni Ellie. “Hindi muna ako makakasama sa inyo dahil may pinapagawa sila sakin sa library. May kukunin lang sana ako pero bigla ba naman akong inutusan?” pagmamaktol ni Ellie. Tumawa nalang kami ni Danaya at umiling. Iba din talaga kapag sobrang talino, hindi maka-hindi kahit hirap na hirap na. Katulad na lamang sa research nilang siya lang ang gumagawa, papaano ba naman, sobrang bait, takot magalit. “Sige na, sige na. Basta next time sumama ka na sa amin” malumanay na sambit ni Danaya na kay sarap sa tengang pakinggan.
Umalis na kami ni Danaya at kumain sa Moonbucks. Umorder lang kami ng dalawang burger steak with rice and fries. Binigay ko sa kaniya yung fries ko dahil paboritong-paborito niya ito. Habang siya ay busy sa kaniyang kinakain, pinagmamasdan ko lang siya. Ang ganda niya talaga. Minsan iniisip ko mga plano ko sa buhay…na kasama siya. Ilang buwan nalang kasi ay tutong-tong na kami sa entablado para tanggapin ang diplomang ilang taon na naming hinintay at pinaghirapan. I have so much plans for her. Gusto namin ni Danaya sabay kaming magrereview at magboboard exam. At kung ipagkakaloob man sa amin ay parehas din sana kaming makakapasa at sana sa SANA (Space Administration and National Aeronautics) nalang kami magtatrabaho. Nasanay na din kasi kami ni Danaya na laging magkasama kaya ayaw namin mahiwalay sa isa’t-isa.
“Primo!” malumanay na sigaw ni Danaya sakin. Bumalik muli ako sa ulirat nang ako ay kanyang tawagin. Tila boses nalang niya ang naririnig ko sa dito mundo, at sa iba’y nabibingi na ako. “Ang sabi ko, after ng finals natin yayain natin si Ellie na magout of town. Pinapakinggan mo ba ako?” agad akong ngumiting tumango sa kanya. Minsan kasi hindi pinapayagang lumabas si Danaya kung hindi kasama si Ellie. Alam naman nang parents niya na may boyfriend siya at ako yun. Naiintindihan ko naman na mas ipinagkakatiwala nila si Danaya kay Ellie kesa sa akin lalo na sa ibang bansa ang pupuntahan namin.
“Oo naman, saan ba tayo?” wika ko. “Sa Dreamland.” agad niyang sagot. One of the happiest country in the world, isa sa mga pangarap kong lugar na puntahan. Dito ko nais pakasalan si Danaya pero huwag muna sa ngayon, may pangarap pa kaming dapat unahin. Nang matapos na kaming kumain ay hinatid ko na siya sa bahay nila at nagpaalam na din kina tito’t tita.
Kinabukasan, magkasama kaming pumasok sa school. Hinanap namin si Ellie dahil ilang araw na kaming hindi nagkakasama. Kung tatanungin ninyo bakit ganito ang set-up namin, okay lang sa aming tatlo ang ganito. May tiwala sa akin si Danaya at ganun din siya kay Ellie. Alam ko din sa sarili ko na siya lang ang mahal ko. Nakikita ko kasi si Ellie na parang kapatid ko na. Only child lang kasi ako at noong bata palang kami, itinuring ko na siyang aking kapatid. No malice.
Papasok na sana kami sa classroom ni Danaya nang makasalubong namin si Ellie. “Ellie, sobrang busy mo naman na ata?” malambing na tanong ni Danaya. “Ang dami kasi nilang pinapagawa sa akin tapos dumagdag pa yung research namin na kapapasa ko lang”. Nalungkot kami bigla ni Danaya. Naaawa na kami sa kaibigan namin. Gusto man naming tumulong ngunit sinasabihan kami lagi na huwag na kasi may kagrupo naman daw siya. Samantalang kitang-kita na namin na hindi naman sila tumutulong. Kung pwede lang sana ipatanggal mga pangalan nila sa research paper ni Ellie.
“Ngayong tapos na lahat, pwede na naming banggitin ni Primo yung balak namin. After final exam, maga-out of town tayo, ako na ang bahala.” masayang sabi ni Danaya. “Kaya sumama ka.” pagtutuloy ko para hindi na tumanggi. “Salamat guys. Promise kapag nakapasok ako sa work after graduation babawi ako sa inyo” masaya na naiiyak niyang tugon sa amin.
Tumuloy na kami sa klase at pagkatapos nito ay sabay-sabay na din kaming kumain. Sinisimulan na din naming magreview para sa nalalapit naming final exam. Ganito talaga kapag 4th year na, no time for other activities. May mga programs naman na nagaganap dito sa school pero madalang nalang kaming umattend at sumali. Hindi ako sporty, pero sa academic part ako bawing-bawi. Syempre ganito mga type ni Danaya, yung hindi tulad ko kundi ako mismo. After ng klase namin ay dumiretso kami sa Enchanted Mall para gumala. Kailangan na naming unahin ang pagbebreakdown para hindi na masakit kapag sa exam kasi alam na naming kami ay mabubungi. Hahaha! Hindi nakakatawa.
Hinatid ko na silang dalawa pauwi, nauna si Ellie dahil sa boarding house siya nakatira at si Danaya naman ay sa bahay na nila. Hinalikan ko lamang sa noo si Danaya bago siya bumaba sa kotse. Tumuloy na din ako pauwi dahil wala na din naman akong gagawin pa. Minsan ay napagkakamalan na din akong bakla ng mga kalalakihan dahil puro daw babae kasama ko. Sadyang hindi lang ako mahilig sa sports kaya walang masyadong bisyo. Mas gusto kong ituon ang pansin ko sa pag-aaral at kay Danaya.
Fast forward, exam day. Magkakatabi kami ngayong tatlo. Habang pinagmamasdan ko si Danaya na nagrereview ay bigla akong kinalabit ni Ellie. “Primo, ikaw ang magaling sa Physics, pareview ako” tumingin ako saglit kay Danaya na ngayon ay nakatingin din pala sa amin. Tinitigan ko ang kanyang mga mata na tila nagpapaalam kung maaari bang ireview si Ellie atsaka naman agad na tumangong may ngiti sa kanyang mga labi. Bagama’t pinayagan ako ay hindi ko basta-basta ipaparamdam kay Danaya ang selos. “Sige, sige. Tuturuan ko nalang kayong dalawa” sambit ko kay Ellie at tumingin kay Danaya. Pinalapit ko silang dalawa sa akin at agad-agad na nireview sa kanila ang Physics.
Nagsimula na ang exam. Ilan sa mga tanong sa mga exam namin ay hindi ganun kahirap dahil nireview naman namin. Pero ang ilan naman dito ay hindi ko mawari kung bakit sila may dinadagdag na mga tanong na hindi namin alam ang mga sagot. Hindi naman itinuro sa amin at madalang kaming imeet nila maam at sir. Sinagutan nalang namin lahat sa abot ng aming makakaya at nauna nang nagpasa si Ellie, sumunod si Danaya, at ako. “Tara?” tanong ni Danaya. “Saan?” sabay naming sabi ni Ellie. “Sa Dreamland.” agad namang tugon ni Danaya. Nagulat kaming parehas ni Ellie dahil hindi pa kami ready. Ang akala kasi namin ay sa bukas makalawa pa dahil katatapos lang ng exam namin. “Mas magandang ngayon na tayo pumunta kesa magplano pa. Baka mas lalong hindi matuloy” paliwanag ni Danaya. “Sandali lang, magwo-work muna ako para may pera akong pupunta” saad ni Ellie. Oo nga pala, hindi naman basta basta pumunta lang sa Dreamland. “Ano ba kayo, sagot ko na lahat basta mag-impake na kayo.” natatawang sabi ni Danaya. Ang bait naman ng girlfriend ko. “Nakakahiya, Danaya” ang tanging nasabi na lamang ni Ellie bago namin siya hinila papasok sa kotse ko. Hinatid namin siya sa kaniyang boarding house at hinintay na para di na siya makapaghindi pa. Sumunod naman ako atsaka si Danaya na kumuha ng gamit.
Kung sa inaakala niyo ay normal kaming tatlo, ay nagkakamali kayo. Si Danaya ay may kapangyarihang pumunta sa iba’t-ibang lugar sa isang pitik lamang nito. Si Ellie naman ay kaya nitong basahin ang nilalaman ng isip ng tao. At ako naman? Wala, dahil ang kapangyarihan ko ay pagiging mabuting tao. Nagtataka kayo kung bakit parang normal lang ang mga tao sa akademya namin. Ang sagot ay hindi, hindi normal ang mundo namin sapagkat may kani-kaniya kaming kapangyarihan. Nakatago itong akademya na ito sa Alegrea at kami lang ang nakakaalam. Lumalabas kami sa paaralang ito na parang wala lang, tulad ng isang normal na tao, walang kapangyarihan dahil itinatago namin ito. Lumaki kami sa kani-kaniya naming paraiso at doon ay may kani-kaniya ding mga paaralan. Nalaman lang namin na may paaralang nakatago dito sa mundo ng mga tao nang binanggit sa amin ng aming mga magulang na kinailangan naming lumipat sa mundo ng mga tao upang magsanay at mas makilala pa ang mga tao dito. Mas nahahasa ang kapangyarihan namin kung kami ay napapabilang sa mga normal na tao. Ngunit may hangganan din ang kalakasan namin.
Sa Dreamland. “Ang gandaaa” manghang-manghang sabi ni Ellie at Danaya. I’ve been here, kasi dream place ko ito noon. Sinabi ko noon sa sarili ko na dito ko dadalhin ang babaeng makakasama ko sa hirap at ginhawa. I want to do it with Danaya. Kung ineexpect niyo na magpoprose na ako ngayon, hindi pa. May mga pangarap pa kaming dalawa. At kung sa inaakala niyo hindi kami maaaring mamuhay na tulad ng isang normal na tao, nagkakamali ulit kayo. Marunong din kaming magmahal at umunawa ng ibang tao. Kung ano ang narito sa lupa ay ganoon din sa mundo naming may mga kapangyarihan. Kaya ingat na ingat kami upang hindi malaman ng mga tao. Bukod sa paaralang nakatago ay may mundo din kaming kinabibilangan.
Busy na busy ang dalawa na kumukuha ng litrato. “Primo, kuhanan mo kami ng litrato ni Ellie doon” turo niya sa isang museum dito sa Dreamland. Babae nga naman, ang dami kong kinuhang litrato sa kanilang dalawa ngunit hindi daw nila nagustuhan, hindi pa nga nakontento. Hinahanap na namin ang hotel kung saan kami mananatili dahil bukas ay pupunta kami ng Paradise para doon magpalipas ng gabi. Tamang-tama, I want to see the northern lights and meteor shower with Danaya.
Bale dalawang kwarto ang kinuha namin. Syempre magkasama yung dalawa at ako naman dito sa isang kwarto, nag-iisa. I just texted Danaya, “Goodnight, I love you!” with an emoji of flying kiss. She also replied, “Goodnight too and I love youuu” with a finger heart. Tamang kilig lang dito kasi wala namang nakakakita. Ganito kami ni Danaya, kahit na lagi kaming nagkakasama ay hindi namin nalilimutang magpaalam sa isa’t isa. Natulog na lamang ako dahil wala na din naman na akong gagawin. I am just excited for tomorrow.
Nandito na kami ngayong tatlo sa Paradise at inaayos namin itong tent. Pagkatapos namin itong gawin ay nagkani-kaniya na kaming gawain. Ako ay inaayos ang mga kahoy para sa bonfire mamaya, si Ellie naman na inaayos ang mga upuan at lamesa na gagamitin, at si Danaya naman ay nagluluto na. Kinuha namin itong pagkakataong ito upang gamitin ang kani-kaniya naming kapangyarihan upang madali kaming matapos, wala namang nakakakita.
Kinagabihan, niyaya ko si Danaya na pumunta sa lugar kung saan mas malapit naming makikita ang northern lights at meteor shower. Nagpaalam kami kay Ellie at tumango ito ngunit parang may mali sa naging reaksyon niya. May mali ba sa ipinagpaalam namin? Tumuloy na lamang kami ni Danaya at naglapag ng kumot atsaka umupo. Habang kami ay naghihintay ay bigla siyang nagsalita, “Thank you, Primo.”. Tinitigan ko ang kanyang mga mata na parang nangungusap ito sa akin. “Para saan? Ikaw nga itong nanlibre sa amin.” sagot ko. “At pasensya na sa lahat lahat.”. Bakit may sorry? Wala naman siyang naging kasalanan. “Danaya, promise babawi ako. Pasensya na din dahil wala man lang akong naiambag dito” agad kong paliwanag dahil kinakabahan na ako sa mga sinasabi niya sa akin. Wala naman kasi sa akin ang kapangyarihang magkaroon ng maraming pera kaya kay Danaya kami umasa. Hindi naman siguro siya makikipaghiwalay sa akin di ba? “Ano ka ba Primo, ikaw nga itong naginsist na sagutin plane ticket natin.” patawa nitong sabi. “Bakit ka nagpapasalamat at nagso-sorry sa akin Danaya? Makikipaghiwalay ka na ba?”. Hindi ko na nga napigilang itanong ito sa kanya. “Hindi ah! Bakit ko naman gagawin yun?”. “Nagseselos ka ba dahil lagi nating kasama si Ellie?” agad kong tanong sa kanya. Hindi ko kasi gustong maramdaman niya na mas nakahihigit si Ellie kaysa sa kanya. Alam niya kasing mas malalim ang pinagsamahan namin ni Ellie. “Ellie is your childhood friend and I understand. She is my friend too. May times na nagseselos ako pero mas nakahihigit ang tiwala ko sa inyong dalawa. I know you will never betray me, Primo”. Of course, Danaya, iyan na ang mga bagay na hindi ko kayang gawin, ang lokohin ka.
Nakatulog si Danaya sa mga bisig ko. “Hmmm” mahimbing na sambit nito. Alam kong hindi na siya komportable sa posisyon namin kaya binuhat ko na siya pabalik sa tent. “Primo”. Agad akong inalalayan ni Ellie habang ingat na ingat kong ibinababa si Danaya na ngayon ay mahimbing pa din na natutulog. “Pwede ba kitang makausap?” dugtong na sabi nito. “Tara sa labas” sagot ko. Lumabas kami para hindi magising si Danaya.
“Primo, may sasabihin sana ako” agad akong kinabahan sa sinabi ni Ellie. “Ano yun, Ellie?” bagama’t natatakot ako sa maaari niyang sabihin ay sinagot ko pa din. “I like you, I really really like you.”. Kita ko sa mga mata niya na para siyang nagmamakaawa. “Ellie, minsan ka na nga lang magjoke ganyan pa. Huwag ka nga!” I laughed at her na kahit alam ko sa sarili ko na hindi siya nagbibiro. I can’t. I can’t like her, may Danaya na ako. “Hindi ako nagjo-joke Primo. Kaya hindi ako masyadong sumasama sa inyo at palagi kong idinadahilan na busy ako ay dahil nahuhulog na ang loob ko sayo. Ayaw kong masira ang friendship nating tatlo pero hindi ko na talaga mapigilan.” nangingiyak na sabi nito. “Ellie, masaya akong nakikita mo akong kagusto-gusto pero hindi ko kayang suklian ang pagkagusto mo sa akin. Pasensya pero hanggang kapatid at kaibigan lang ang kaya kong ituring sa iyo. Ayokong saktan ang puso mo at mas lalong hindi ko kayang saktan ang puso ni Danaya.” pagpapaliwanag ko sa kanya. “Sana maging maayos pa din tayo pagkatapos nito, Ellie.” pagtatapos ko sa aming usapan dahil kaagad na akong pumasok sa tent at tinabihan si Danaya. Hinalikan ko ang kanyang noo, “I love you, Danaya.” sambit ko bago ako tuluyang nakatulog.
Fast forward. Nandito na kami ngayon sa Alegrea. Hindi pa din kumikibo si Ellie. Sinusubukan ko pa din siyang kausapin para hindi mahalata ni Danaya na nagkakagusto ang kaibigan nito sa akin. I have a big respect to Ellie at alam kong alam niyang faithful ako kay Danaya. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya para sa akin but I was taught by my parents to only love one. Hinatid ko pa din sila parehas sa kani-kaniya nilang tinitirhan. Dumaan pa ang mga araw at unti-unting bumabalik ang dati naming pagsasamahan nila Ellie. Buti nalang at hindi ito nagkukwento kay Danaya at hindi ko na ito sasabihin kay Danaya dahil ayokong makasira ng samahan. Kaya bilang pambawi ay hinahayaan kong magkasama si Danaya at Ellie para malibang naman sila kahit papaano na wala ako. I don’t worry because I trust them both.
Graduation day. Pagkatapos ng picture taking ay umupo kaming dalawa ni Danaya sa lilim kung saan dito kami laging tumatambay. “Let’s break up.” diretsong sabi nito sa akin. Tila nabagsakan ako ng langit at binaon pa sa lupa. Ito lang naman ang naramdaman ko nang sabihin nito sa akin. Hindi ako naniniwala, ang sama naman ng panaginip na ito. Binabangungot na yata ako. Sinampal ko ang sarili ko. “Totoo ba ito?” pagbabalewala ko. “Primo, totoo ito. Maghiwalay na tayo. Aalis na ako papuntang Alchemy.” sabi nito. Bakit ang bilis? “Di ba andami pa nating pangarap Danaya? After graduation. Kung kailan tapos na tayo sa pag-aaral, tatapusin mo na din relasyon natin?” nangingiyak kong sabi. Sobrang dami ko pang pangarap na kasama siya. Wala naman sa plano namin ang pumunta sa Alchemy, our hometown na ayaw ko nang balikan. “Huwag naman sana ganito Danaya. Nangako tayo sa isa’t-isa na dito lang tayo.” tumulo na nang tuluyan ang luha ko. Wala na akong makita dahil tanging ang luha na ang tumatakip sa mismong mga mata ko. Hindi naman ganoon kadali ang bumalik doon at alam iyon ni Danaya.
“I am sorry, Primo. I need to pursue my dreams alone sa Alchemy. My powers are draining and I need to enhance it para mabuhay pa nang matagal. Alam kong hindi mo ito gusto pero this is what I need. I love you but not as deep as sacrificing my own self just to stay here with you. Nakakapagod din ang mamuhay sa mundong hindi ko naman kinalakihan.”. Nakakaiyak, hindi ko kayang hindi humagulgol. Tumalikod na ito at tuluyan nang umalis. Naglaho ito na parang bula. Ang sakit! I was too attached to her kaya nagkakaanxiety ako kapag wala siya sa tabi ko. Ngayong wala na siya, papaano na ako? My powers are draining too pero hindi maatim ng kalooban ko ang bumalik sa Alchemy.
5 years later… I am now attending a christening. I decided to come back here in Alchemy para mamuhay pa ng matagal. Hindi man maatim ng puso at isip ko ngunit para kay Danaya ay bumalik ako, ngunit huli na pala ang lahat.
1st birthday ni Eliah, my daughter. But I am not the husband. To make the long story short, I am a donor to the couple, Danaya and Ellie. Yes, you read it right. My ex girlfriend and girl best friend. They have been married here in Alchemy for almost 4 years. I insisted to donate mine for Danaya for her to be pregnant. I do not have any clue how they fell in love with each other. Masakit but I respect them. Siguro nalibang nalang ako sa duties ko as engineer kaya hindi na din ako updated sa kanila.
Hindi man kapani-paniwala but atleast until the end, I showed my love for Danaya. Sa mundo man ng mga tao o dito sa Alchemy, I still gave everything I have for her to be happy.
0 notes
Text
082023
I thought slow month ang August nung nag cocompile ako from my diary, only to realize it's indeed a busy month lol
T E A M B U I L D I N G
Camp Rofelio, Liwliwa Zambales, Team Building
Hello Reader,
As you can see, beach pix! yes! 2nd team building namin ito and this time, we pushed it sa beach. Yey!
Hmmm, sobrang hirap actually. Kita nyo naman ang hahagardo namin kasi nga night shifters kami and we're from office pa deretso byahe then activities sa ilalim ng mainit na araw hahaha
Imagine sakit ng ulo ko dyan and hindi lang ako. Halos majority. Init, walang tulog, gutom, byahe halo halo na.
I can't say na nag enjoy ako hindi din naman bored. Sakto lang. Mas nag enjoy ako sa unang team building kasi kami yung may control sa food. Dito kasi, cater. So yeah, portion by portion lang ang food and may time lang kelan. Parang mas feel kasi yung ihaw ihaw ganern! Saka ewan ko parang mas iba talaga vibe nung unang team bldg. May videoke kasi non pala hahahaha
Anyway, super thankful pala ako sa natitirang moments dyan kahit sandali lang, naibawi yung medyo sakto lang na vibe. Sa unang photo sa left, it is a happy memory. Thanks kuya Sam! Core memory talaga.
As you can see sa photo, captured ko yung paglalakad namin sa di namin alam saan. Basta ang goal: KUMAIN! FOODTRIP! Everyone is drunk na, Tequila + Whiskey combo ba naman e hahaha si Glen dyan naka pajamas na hahahaha naghahanap kami ng makakainan and nakarating kami sa "ESKINITA" huyyy ang saya ng kwentuhan nung night na yan. Saya lang, food trip, walk trip, pampasober ng mga kasama.
Okay din na kahit minsan nakakainis na nag cacapture ako ng mga moments, pero at least sa nagawa ko, may nababalikan kami. Hehe madalas wala ako sa vids/photos pero okay lang andon naman tawa ko. Hahahaha
Thank you universe sa pag guide samin sa trip na to. Sa uulitin!
E M E R A L D
Next na ganap, Mid-August.
Cutie patootie! Christening ng baby Emerald 💕
Actually, earlier nyan is family lunch then deretso na dyan sa celebration ni baby. (Wala me pic ni Zion kasi naman parang bulate yung batang yon hahaha) Si ate Roan lang and baby D.
Healthy life for these kids 🙏
B I N O N D O
Last but not the least! Highlight of the month.
Hi,
So ayan! Galing kaming Divi nyan kasi nag pprepare kami for our upcoming Palawan trip. So we went sa divi to buy clothes/bikinis.
Ending, nagutom at nagyayaan mag binondo. Solid netong "Estero" kung tawagin nila. Actually, hindi namin alam san kami kakain nung time na yan, nag iikot ikot lang kami. Then, along the way nakita namin tong area na pababa sya then sabe namin bakit ang daming taong kumakain, basta di sya kita from outside, bababain mo sya. Narrow yung hallway pero kita yung lanterns from outside plus yung bustling crowds.
Grabe, now we get it! Super sarap ng food dito! Must try! Grabe huhu lahat ng order namin masarap tapos affordable pa 🥲 Sana makabalik kami ulit dito to try others. Mabilis lang na kain kami kasi pauwi na rin at pagod.
Side note: yang LGA fast food pala nakita ko sa palabas na Can't Buy Me Love recently hahaha so narealize ko na sikat pala talaga sya 😅
Pagod na pagod ang August ko pala. Pero honestly yung nasa physical notes ko, ang sabe ko don SLOW MONTH. Hahahaha buti nag scroll ako sa phone and nakita tong mga to. Busy pala.
Thank you.
Bel
0 notes
Text
February 16, 2024
Wala naman actually ganap today. Kasi nagising tayo tanghali na e. So half of the day tulog tayo pareho HAHAHAHA kung di ko pa naaninag si td tapos kinawayan ko di din ako magigising e. Nagulat ako bigla nalang kumaway si td. Kanina pa siguro gising yun. Mantalang yung mommy tsaka si ninong sarap pa tulog HAHAHAHA pano pinuyat nanaman si mommy ni ninong. Tapos pagkakain nyo natulog ka nanaman. Kagaleng mo talaga katria maria puro tulog amp. Kahit pa magkasama tayo puro tulog din ang gaga e HAHAHA hayyyss miss nanaman tuloy kita dito. Kelan ka ba pupunta dito ulit? Sa monday? Yeyyyy! Pagnandito ka naman kasi hirap mo naman pauwiin. Parang hirap na hirap ako pag uuwi ka na. Sa part mo ba hirap ka din pag uuwi ka na? HAHAHAHAHA iniisip ko nalang din may pamilya ka din kaya need mo umuwi para di masyadong mabigat sakin HAHAHAHA joke lang mahal. Pero punta ka na ditoooooooo. Or ako punta dyan!!! Mamili ka!!! HAHAHAHA miss ko na kaya dau. Miss na din kita syempre! Si td miss ko na din. Miss ko na mag inom! Kaso bawal naman na ko mag inom. Kape kape nalang ako pag nandyan ako. Ang gara naman nun. Ayoko ng ganun!! Wala naman akong sakit bat di ako pwedeng uminom!! Hindi pwede!!! Charot lang mahal naririnig nanaman kita e. "mananahimik ka o maghihiwalay tayo?" HAHAHAHA si hiwalay nalang palagi. Bat ka ba ganyan?!! Ako gusto kitang asawahin kinangina ka wala kang no choice!! Sakin ka at sakin kalang okay? Sagot!!! HAHAHAH
Nung gabi naglaro lang din naman tayo. Okay na ko sa ganun mahal e sa ganung bonding natin. Laro laro. Yung kahit sobrang ingay ko tapos si td pinapatulog mo td goods lang. Di ko nga alam pano nakakatulog yung anak natin sa ingay ko pagnaglalaro e. Di ka pa man din naka earphone. Kaya alam mo mahal naisip ko pag magkasama na tayo tapos nasa mundo pa din ako ng content creation. What if nasa tabi ko kayo ni td tapos ang ingay ko. Kakatawa kasi pag naglalaro talaga ako mahal bukod sa maingay na tawa pa ko ng tawa kasi yung mga kasama ko habang stress na stress sakin ako naman tawa lang ng tawa. I feel bad for them kahit papano pero wala silang no choice ako nakasama nila HAHAHAHA pero pag tayo naman magkasama matino ako syempre baka mawalan ako bigla ng asawa pag ginago ko laro natin e HAHAHAHAHA di naman sa natatakot ako sayo. Kelan ba ko natakot sayo? Para lang wala akong maalala na natakot ako sayo? Pakiremind nga ako. Hoy HAHAHAHAHA kala mo talaga e no. But then i still enjoy our thing like this. Siguro no choice lang din ako ngayon kasi malayo tayo sa isat isa. Pero feeling ko naman pag magkasama na tayo tapos free time natin malamang puro laro lang din tayo e HAHAHAHA then pagtapos ng laro iba naman lalaruin natin. Hoy iba na yun HAHAHAHAHA
After maglaro sabi mo tutulog ka na din agad kasi maaga ka nga. Pero ending ano oras na din tayo natulog kakakwento. Puro kwento. Alam mo yung sabi mo ikwento ko yung gusto ko sa sarili ko pero ang ending kwinento ko ibang tao HAHAHAHA alam mo ba nung pinapatulog mo si td pigil na pigil din talaga ako magdaldal kasi nga si td. Tapos nung natulog na ayun na nagsimula na ang padasal ni pabida HAHAHAHHA ewan ko ba. Ikaw naman si kinig kalang e kaya nag eenjoy din talaga ako magkwento ng kung ano ano sayo e. Kahit pa yung iba ulit ulit na. Kasi nakakatulog ka din naman pag kalagitnaan na e HAHAHAHA ang naalala ko lang bago ako makatulog nagsasalita ako ng kung ano ano. Sana di mo na narinig yun mahal kasi ano. Ano... Basta HAHAHAHA charot puro sabi ko lang naman na mahal na mahal kita. Kasi mahal na mahal naman talaga kita. Kalimutan mo na lahat wag lang yun okay? Pati ako wag mo din ako kalimutan aba. Sugurin kita dyan tamo! Aakyat ako ng gate nyo dadabugin ko pag ayaw mo lumabas! HAHAHAHHA hayyy miss na kitaaaaaa. Punta na ko dyan? Mamaya? Sabihin mo lang! Luluwas agad to. Di ako nagbibiro!!! Hayyyyyy. Iloveyou soooo much mahal! see u po soonest! ❤️❤️
0 notes
Text
Thoughts
Now I realize na ang hirap pala talaga maging babae.
Maging asawa o maging ina.
Kapag nasa bahay ka lang at di nakikitang lumalabas ng bahay, some will say na tamad ka. Sarap buhay. Kahit di nila alam kung may work ka kaya ka nasa loob lang ng bahay. After o during work gumagawa ka pa ng duties mo bilang asawa o sa mga gawaing bahay.
Pero kapag ang lalake may trabaho, di man sapat yung financial support, sa mata ng iba masipag at responsable na siyang tao.
Kahit di nila alam kung tumutulong ba yan sa gawain bahay, kung nabibigyan ba ng peace of mind yung asawa/partner, kung marunong ba dumiskarte yung lalake just to support the needs of the family.
Basta may work at nakita lang maski magtapon ng basura, masipag na.
Ngayon gets ko na kung bakit ang mga babae despite of being a housewife eh kailangan may work pa rin sila or may business sila.
Kasi dun sila nagiging masipag at responsable sa mata ng iba.
Pero syempre may masasabi pa rin ang iba, kesyo pabaya kang asawa o ina.
Bilang babae, ang hirap pala lumugar sa mundong to. Ang pait para sa mga babae. Tapos makasakto ka pa ng lalake na iresponsable, di ka pa mabigyan ng peace of mind. Di ka pa matulungan sa gawaing bahay. Di ka pa maappreciate sa mga ginagawa mo.
Nakakapagod. That's all I can say.
0 notes
Text
Hi Tumblr. So ito na nga anu 😊
Alam mo ba kung sino, bakit at anu yung pinagdiriwang tuwing 25th of December? Ito yung pag gunita sa kapanganakan ni Hesus at ginawa Niya sa Krus ng Kalbaryo... Nakakalungkot lang ano? Di talaga natin mapi-please ang tao sa isang upuan lang.
Pero alam mo, mapalad yung mga taong hindi nakikita pero naniniwala.
Isa na ako doon, Yes Praise God and all Glory to Him! 💯
Alam mo ba, kung titingnan mo ang mundo ngayon. Nakakalungkot, masakit sa damdamin. Ang mga tao talaga bilang tao tayo, natural na makasalanan tayo eh. Pero dahil sa habag at biyaya ni Kristo binibigyan Niya tayo ng pagkakataon para mabago yung pagkatao natin sa mundong ito. Nasa atin nalang kung lalapit ba tayo at magtitiwala, o lalayo at magpapakasaya sa takbo ng mundong ito. Kung titingnan mo ang mundo ngayon punung punu na ng kasamaan mga tao kaliwa't kanan hayag na hayag ang ginagawa nilang kasamaan, ako di ko mai-exempt sarili ko doon. Ang sarap kasi gawin yung mga bagay na mali kaysa gawin yung mga bagay na tama. Yung alam mo sa sarili mo na hindi na tama pero ginagawa mo padin for the sake na magawa mo yun minsan nga hindi nga dahil sa kagustuhan ko lang e, minsan ginagawa ko nalang kasi doon masaya yung tao. Pero alam mo, masakit sa akin na alam ko na nasasaktan si Jesus sa ginagawa ko pero ito ako ginagawa ko padin. Kaya nga ang lagi kong dasal sa Kanya, tulungan Niya ako kasi hindi ko kaya kung ako lang. Alam ko soon magagawa ko rin.. Naniniwala akong babalik si Ma. L***e S****ad sa tulong ni Hesus. Sabi ko nga sa Kanya, anuman yung mga bagay na hindi ko mabago o mabitawan, gumawa Siya ng paraan para mawala yun sa akin. Pero naiisip ko din minsan ayaw Niya tanggalin yun kasi gusto Niya ako mismo gagawa nun. Kaya nga dalangin ko din na magkaroon ako ng lakas ng loob para makawala sa mga bagay na patuloy ko padin hinahawakan kahit alam ko na pinabibitawan na Niya.
Kaya salamat sa lahat lahat na ginagawa ni Hesus sa buhay ko kasi alam ko kahit na ganito ako, never Niya ako pinabayaan sa kabila ng lahat lahat na nangyari sa buhay ko, alam ko never Niya ako binitawan at iniwan. I owe everything to Him. Alam ko na wala ako dito kung wala Siya sa buhay ko.
Kung wala Siya, kung hindi ko Siya nakilala, siguro yung buhay ko napakagulo. Siguro lulong ako sa kasamaan ng mundo. Siguro wala ako sa katayuan o estado ng buhay ko ngayon.
Kaya nga tumblr wala akong pinagsisihan na tinanggap ko Siya sa buhay ko. Kahit yung pagtanggap na ginawa ko nung time na yun ay may kalakip na malaking pagsubok. Pagsubok sa pamilya na hindi ko akalain na malalampasan ko pala at makakaya ko. Salamat sa mga tao na tumulong sakin, ginamit sila ni Hesus para kahit papaano maging magaan sa napakabigat kong dalahin. Salamat kay Hesus kasi Siya yung nagdala ng mga pasanin kong problema. Salamat kasi sa kabila ng hirap, bigat at pagsubok nandito ako nananatiling nakatayo at nakangiti at kayang kaya ko sabihin na pinagpapala Niya ako, minamahal at iniingatan mula noon, ngayon at magpakailanman. Wala akong pagsisisihan sa ginawa ko. Alam ko marami pang pagsubok dadating pero ngayon palang sinasabi ko na sayo Tumblr, kakayanin ko! Kasi may Hesus sa buhay ko.
At Si Hesus ang sekreto kung bakit nandito padin ako nakatayo at matatag. Walang makakatibag.
Salamat Hesus kasi naging Ama kita at naging Anak mo ako. Huwag mo po ako bibitawan ha? Tuwing nalulungkot ako, pinasasaya mo ako. Tulad po ngayon, ang saya ko na ulit. Iba yung saya pag nasa feeling mo Hesus. Walang katumbas. Salamat po Ama!
Iiwan na lahat sa 2023. Panibagong simula sa 2024. Ajaaaa!
"For the Lord is my strong tower! He turn down the works of the enemy!"
2/2
#mythoughts002 🤍
1 note
·
View note
Text
10.29 | 12:40 PM
so nasa flight ako ngayon. tahimik ang byahe. walang signal. naka airpods ako. nakapikit. ito 'yung nakatugtog. full volume.
habang nakapikit ako at nakikinig, ang tangi kong nakikita ay
'yung mismong gabi sa condo - parehas tayong nakatingin sa bintana - pinagmamasdan ang mga dumadaang sasakyan, ang mga ilaw mula sa mga buildings, at 'yung bakanteng lote na ngayo'y naging seaoil station na. haha.
first time kong marinig ang kantang ito nung gabing 'yun. hindi ko maalala kung ikaw nga ba ang nag introduce sa akin nito? pero nung una kong narinig ay nagustuhan ko agad ang kanta.
nagustuhan ko hindi lamang dahil ang ben & ben at si moira ang kumanta, ngunit ang lyrics ay parang nagsasalita para sa nararamdaman ko sa iyo noong mga panahong 'yun.
matagal ko nang alam na mahal kita. hindi ko lang alam kung paano, kailan, o kung dapat ko bang sabihin sa'yo. afterall, meron tayong "crystal", 'di ba?
pero ewan ko ba. kapag ang puso na ang dumikta, ang hirap pigilan. ang puso ko noong mga panahong 'yun, di ko maintindihan. ang lakas ng tibok. may gustong sabihin. dagdag pa ang mga lyrics na ito:
Pasalubong naman sa'king nararamdaman
'Pag umamin sa'yo, sana ay mapagbigyan
Kaibigan o kaya bang mag-ibigan?
Kapalaran ka ba, o pangarap lang?
'Di ko alam kung may pag asa ba sa'yo
Nalilito
O malay natin, pareho lang tayong natatakot
Kaya idadaan nalang sa tawanan
Ang palaisipan kung kaya bang
Maidahandahang ika'y makatuluyan
wala lang. ang pakiramdam ko ngayon habang nagpe-play ang kanta, para akong nandoon sa moment na 'yun. naaalala ko na hindi kita matingnan sa mata kasi maiiyak ako. mahal na mahal kita. at hindi man ako sigurado, pero sa tingin ko, mahal mo rin ako. (o baka assuming lang ako?)
ang sarap lang maalala. napaka nostalgic talaga ng kantang ito. ang nakakatawa pa, pang lima ko na ata itong ulit sa kanta habang nasa flight hahaha. (baka makarating na ako ng Davao na ito lang ang nakatugtog 😅 ) nakasandal pa ulo ko sa window seat ng eroplano na parang nasa music video! hahaha!
ang sarap lang isipin. ang sarap balikan. ang sarap sa pakiramdam.
ngayon lang, nag iikot-ikot ang flight attendant, namimigay ng usual snacks. kasama ng snacks ay tisyu, hindi ko namalayang kakailanganin ko pala ang tisyu para punasan ang luha ko at hindi para sa pagkain. hahahaha. parang tanga. naiiyak na pala ako??? napansin kaya ako ni mojo and kuya mike??? 'di bale na.
hahaha
wala lang. nami-miss kita.
nagpapasalamat ako na nag e-exist ka.
tinanong moko kanina kung mahal parin kita. hindi ko ata maisusulat ang lahat ng ito kung hindi.
mahal parin kita.
mahal na mahal.
1:59 PM - just landed in Davao. yay!
0 notes