forauboo
Untitled
3 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
forauboo · 7 months ago
Text
To my Almost
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
“i know we both like each other, but were too afraid to take the risk so we just let the universe decide”
Until now hinahanap hanap ko yung mga bulong mo nung gabing yun, sarap ulit ulitin yung mga bigkas mo. Mga haplos mo at hawak na nakakabuhay. Hay marigold ☹️ I’m so grateful sayo, salamat binigyan mo ko ng opportunity makabonding at masabi ko yung nararamdaman ko.
May 3 2024
0 notes
forauboo · 7 months ago
Text
almost is never enough
Tumblr media
what an angel 🥹 don’t smile like that 🫣
Hi Goldyboo ❤️
di ko na natuloy yung kwento ko sayo. Kamusta kana ba? Alam mo matagal ko na plano gawan ka ng tumblr since 2020 pa. Kaso di ko alam paano ko sisimulan, kun magkukwento ba ko dito or ilalatag ko lang feelings ko sayo. Pero maganda sana kung both haha, di naaman din kasi kita masyado nakakausap kaya siguro dito ko na lang din ilalagay mga tanong ko sayo. Alam ko darating ang time masasagot mo din, di naman ako nagmamadali sa sagot. Pero lagi kong tanong nagustuhan mo din kaya ako? Or infatuated ka lang? Or crush mo lang ako? Haha pero kahit wala o ano man sagot jan. Di naman ako nag eexpect ng balik, sakin lang malaman mo na sobra kitang hinahangaan. To the point na gusto na kitang pakasalan hahahaha weird noh pero ayun nga dami ko pa rin what if’s na alam ko di na masasagot. Basta ang sakin lang ok na akong mahalin ka ng malayo, kumbaga para kang bituin na malayo pero tanaw at maliwanag. Di ko alam ano ginawa mo sakin bat ako nagkaganito, ilang taon ko na bitbit yung pagmamahal na di ko nasabi sayo at naparamdam. Pasensya kana mahina loob ko sabihin sayo kung gaano kita kagusto makasama at mahalin. Tanga ko, ang bagal ko, ang hina ko sa part na ito ng buhay. Sabi mo nga sakin ang hina ko w/c is totoo, alam ko nakita ko din sa mga mata mo panghihinayang na di natin tinuloy. Pero sana tama ako na nagustuhan mo din ako.
0 notes
forauboo · 7 months ago
Text
Au
Tumblr media Tumblr media
Why you? Its been a decade since you got my attention and my ❤️ wait paano ko ba uumpisahan ang kwento ko sayo.
Ok start ako sa HS, di kita masyado pansin non pero alam ko may marigold sa paligid ko. I mean i know you by name nung 4th yr ako tapos 3rd yr ka haha. Pero galing ng tadhana mas naging close ko mga friends mo lalo na si janella, ewan ko ba bakit di ako nagkaroon ng lakas ng loob magpapansin sayo? Siguro busy ako nung time na yon and alam kong busy ka din kasi achiever ka. Busy naman ako non sa robotics, pero 4th yr ako nagkagf ako kasi mas napansin ako nung crush ko hahaha sorry, aminado ako mabilis ako madistract that time. And alam ko may jowa ka din non kaya its a tie 😂 so bale di talaga ako makaporma sayo or maparamdam na may anzel sa paligid mo. Di ko alam torpe siguro ako non tapos di ko rin masabi sa mga friends mo na may gusto ako sayo, iniiba ko na lang talaga ng landas isip ko non para di kita makulit. Pero by the time goes by nagchat ka sakin sa messenger na manghihiram ka ng uniform out of nowhere, college na ko neto edi na shookt ako jusko di ko alam kung kikiligin ako or susungitan kita 😂 pero sinungitan kita kasi 2 weeks mo di binalik uniform ko eh kitang dalawa lang yon wash and wear pa 😂 tapos nalaman ko sa kapatid ko kay albert na chinat mo siya and kinukuha mo number ko 😆 that time napasabi ako “ok gumagana nanaman law of attraction ko” pero hay grabe tadhana sakin kung maglaro niyan. Tapos di ka nanaman nagparamdam. ☹️
Lagi na lang ako napapatanong sa sarili ko “bakit lulubog lilitaw siya?” “ di ba ko kagusto gusto” o “di pa rin ba namin time?” So on. ☹️ pero sino ba naman magkakagusto sakin dati eh di ako pala labas or papansin, joke ka din eh mas napansin mo kapatid ko 😂 kidding aside.
So yeah HS. Kung may babalikan akong panahon siguro HS talaga lalo na nung una kitang makita sa sabayang pagbigkas na performance natin nung HS, tanda ko pa ayun yung time na una kitang makita at magustuhan. Cute mo kaya nun kahit payat mo pa non hay sarap gawing baby. ❤️😂 so kung di ka naniniwala dami kong stolen pics mo na nakasave sa fb ko.
Pero dumating yung time na college na ko, sobrang ilap na ng tadhana na magpansinan tayo. Busy ka sa college mo sa rtu, hanggang sa dumating yung time na aalis kana ng pinas. Nagpadespedida kapa non di mo ako ininvite puro fame pips kasama mo 😂 pati kapatid ko nandun pa hahaha di ko alam paano mo talaga ako mapapansin non, napaligiran ka ba naman ng mga feelin sikat non eh. 😆
Then you’re in america na, mas lalo ako nawalan ng pag asa makilala ka. Sabi ko na lang baka di talaga, di talaga na mangyayari. Gusto ko magsorry sayo kasi never mo kong naramdaman during HS, college at states life mo. Sorry kasi nag iipon ako ng lakas ng loob at ang hirap humarap sayo ng wala pang napapatunayan, ang pride ko din kasi na hindi mauna magchat sayo. I’m sorry kasi torpe ako, sorry kung late mo na naramdaman to, and sorry dahil di kita nasamahan sa journey mo hanggang maging successful ka. Pero tandaan mo na you always have me since then, di lang perfect time si tadhana satin non. Lets say “ pinagtagpo pero di tinadhana” hahaha
I can’t help it gold kung alam mo lang. Natatandaan mo pa ba nung aug 2020 nagkachat tayo, papansin na ko sayo sa twitter, liker mo na ko sa lahat hahaha pati lovelife mo nung active na ko sa socmed nasubaybayn ko na pero eto ako taga tingin na lang talaga sayo sa nangyayari sa buhay mo. Lagi nagtatanong” kailan ba ko mapapansin neto” hanggang sa nagchat ka sakin nung 2020 medyo may kalibugan lsng chat mo non pero kilig na kilig ako non hahah parang ayaw ko na ibaba phone ko para lang makausap ka. Hay pero cute talaga ng tadhana, may gf ka non tapos ang layo mo pa sakin. So paano na ko makakakulit sayo? Sa totoo lang may tampo pa din sa puso ko ngayon kasi bigla mo kong di na nireplayan nun, pero gets ko naman kasi nga may kinakasama kana jan. Ok talo nanaman is me. ☹️
So paano naba kita makakalimutan after that short talks natin, hanggang ngayon nasa puso pa rin kita. Yung chat mo sakin na iwan ko na si jaz, yun pag open mo ng problem sa current relationship mo nun na hindi ko manlang nabigyan ng pansin na hint na yun para magopen na yung doors para satin. Pero di ko ginrab kasi ayokong nakikita kang nasasaktan, ayoko sabihin sayo na layuan mo na yan tayo na lang. Di ko pwede sabihin sayo yun kasi alam kong ok ka naman saknya, mas gugustuhin ko makita kang masaya kahit alam kong masakit sakin na di kana mapapasakin, ang sakit lang kasi never nagkachance na makilala mo ko that time. Lagi ako kita naiisip, pinagdarasal at minamahal ng malayo at tahimik. Sorry kasi hanggang dito na lang kita kaya mahalin hanggang malayo lang. cause u will never be mine, sakit. Hanggang sa kinasal ka non sheeeet my heart tears of pain and joy ☹️❤️ nung naengage ka nung 2021, kinasal and now nagpaplan na magkababy. Sakit. Wala na kong maramdaman kundi puro sakit. Kailan ba kita makakalimutan? Kailan kana ba mapapasakin? Hanggang kelan kita aantayin? Kasi kung sasabihin mo sakin na mag antay ako, mag aantay ako sayo.
1 note · View note