#hindi lang talaga ako mapakali.
Explore tagged Tumblr posts
sunb0rn · 8 months ago
Text
gagii?? bigla akong hindi mapakali (not that i can do something about it pa buuut). nakuha ko from grad school yung certificate of completed units ko.
gaaah. parang sobra sobra yung units sa expected ko?? di ko alam san galing mga yun until naisip ko na baka sumobra ako sa enrolled subjects 🫠 so inisa isa ko at parang sumobra nga ako ng core, pero kulang sa specialty?? shutaa?? parang gusto ko umiyak sa pag iisip ng nagastos ko pero kung nakakaluwag luwag lang ako sa buhay masaya ako thinking of the experience/s i gained from those.
pero di pa din tally ehh, 3 units lang sobra ko na core, kulang naman ng 3 sa specialty. ano yung 11 units na sobra??
idk what to feel, really.
well, nung una kong nakita yung units earned parang "shet! konting konti nalang pala (masaya/inspired) pero laking gastos nito kung babalikan ko (anxious, nanghihinayang/clueless)" and then this. HAHAHA.
dumadami na yung nsa listahan kung bakit fail talaga yung pinili ko ipush yung masters kahit na alam kong di ako ready mentally, emotionally, physically at financially just to appease the people around me and even myself, or so i thought. pero the irony pa din talaga that this time of life gave me life, in a way. ittry ko nalang siguro mag focus doon. ✨
11 notes · View notes
stipay · 7 days ago
Text
Si KOKOY! 🐶
Natanong n'yo na ba sa sarili mo minsan kung bakit madamot ang tadhana? Bakit ba pagtatagpuin ang mga bagay na hindi naman kayang paninindigan ng tadhana? Anong nais ituro sa pangyayaring ito? Ipinagkaloob ngunit kay daling naglaho.
Ito ang kwento nang aking alaga na si Kokoy. Sa simula pa lamang, di ko alam ang ipapangalan niya. Tumagos sa isipan ko ang pangalang Kokoy dahil ito ay kay bilis bigkasin at hindi kumplikado. Dumating siya sa buhay ko nung buwan ng Mayo 2024. Hindi inaaasahan dahil binigay siya nang kakilala naming guro. Maliit si Kokoy, parang pandak. Malaki ang mga paa pero kay gandang hawakan dahil ito'y malambot. Ang kulay niya ay naghahalo nang itim at kayumanggi. Maitim ang nguso o bibig niya. Malaki at malambot ang kanyang tenga. Maamo ang mga mata.
Nung dinala namin siya sa bahay ay may deperensya ang kanyang isang paa. Hindi pa siya masyadong nakakalakad ng maayos. Hindi sana kami makakaampon sa kanya kasi may nauna talaga na napagbigyan ngunit ito ay sinauli dahil sa kaakibat na kapansanan na dala. Kung kaya't gumawa ang tadhana na pagtagpuin kami sa kanya.
Sa unang araw, balisa si Kokoy. Di mapakali. Nasanayan din niya ang magkagat-kagat ng anumang bagay. Ganyan naman ang mga aso pag bata pa sila, nilaro laro nila ang mga bagay na nakikita. Aktibo at malikot si Kokoy. Kabisado na rin niya ang kanyang pangalan kasi 'pag tinatawag namin siya na Kokoy, lalapit na ito at gumagalaw galaw ang buntot. 2-3 buwan lumaki na si Kokoy. Mas lalong gumanda ang kulay niya. Dominante ang kulay kayumanggi, humaba na rin ang kanyang buntot. Naging masiglahin si Kokoy at napapasaya niya kaming lahat.
Tumblr media
Ngunit ang tadhana ay kay lupit. Kay sakit isipin at damhin ang sinapit sa aming pinakamahal naming si Kokoy. August 01, 2024 binawian ng buhay si Kokoy. Kay hirap tanggapin ang pinagkait ng tadhana. Bakit binigay pa ngunit babawiin lang agad? Nagkasakit si Kokoy, hindi kumain. Nagsusuka at nagbabawas siya nang dugo. Wala akong nagawa at yun ang pagkakamali ko. Hindi ko siya nadala sa pagamutan. Walang gamot ang nainom. Dapat din pala, hinayaan ko siya na maglakad lakad at palayain para makakain siya nang halamang gamot o damo. Di ko kasi pinakawalan. Binibigyan ko lang siya nang tubig kasi umiinom naman siya.
Patawad Kokoy kung di kita nailigtas. Patawad kasi napabayaan kita. Kay sakit ang nadarama. Di matanggap ang paglisan mo kasi minahal na kita at ang buong pamilya ko. Hindi pa rin namin hawak ang buhay mo. Sana masaya ka kung saan ka naroroon. Mamimiss kita nang sobra Bi. Hindi man tayo pinagsama nang tadhana nang kay tagal, nagpapasalamat pa rin ako kasi naging masaya at makulay ang buhay ko. Tinuruan mo akong magmahal at mag alaga nang aso. Masaya at masarap pala. Pasensya na rin tadhana sa mga tanong ko. Nadala sa bugso sa damdamin. Lahat ng mga aksyon may kaakibat na resulta. Ngayon, gusto ko muna magpahinga na mapalapit sa mga alagang pusa at aso. Magpapagaling muna sa sugat. Kung darating man ang panahon na handa na ako, sana natuto na ako at maging mahusay pa sa pag-aalaga.
Hindi man kita nakasama nang kay tagal Koy, mananatili ka pa rin sa puso namin. Lumipad ka at maging malaya na Bi, mahal kong Kokoy. Salamat ng lubusan. Naging tunay kong Kaibigan. Salamat Panginoon sa lahat ng pangyayaring ito. Masakit pero magiging matatag. Huwag mong pababayaan si Kokoy, Panginoon.
Mamimiss kita aking Kokoy! Mahal ka namin! 🫶
Tumblr media
2 notes · View notes
hindimakatulogsagabi · 15 days ago
Text
it's been a month nung malaman kong meron na syang iba. the fact na alam ko pa kung gaano katagal na, may effect pa din sya sakin. lagi ko sya naiisip, hindi sya mismo but yung mga nangyari. paulit ulit lang sa isip ko lalo na nung bago palang. hindi ako mapakali. minsan gusto ko nalang umiyak o sumigaw. thankful nalang din talaga ako sa mga friends ko na nandyan na pwede ko makausap para mapaglabasan ng bigat, yung feeling na pag wala ako nakausap nagpapanic ako. hirap ako makatulog, aatakihin pa ng anxiety tapos magkakaallergy, araw araw yan tapos paggising ko maiisip ko agad yung nangyari kaya sira agad yung araw ko, hindi ako makakilos, hindi makpagwork. sa sandaling panahon nabawasan agad ako ng 4-5 kilos, ganon bumagsak.
gusto ko lang gumala, magkasunod na week yung gala ko na nag inom. inom ng malala talaga ginawa ko kasi nalasing ako. never naman ako nalalasing sa inuman eh. masaya ako kapag kasama friends ko pero yung pag pauwi na, babalik na naman sa reality.
sa ngayon di ko masabing okay na ako talaga pero ramdam ko yung progress. hindi ganon kalaki pero ramdam ko kaya thank you Lord. naiisip ko pa din sya pero ngayon mas madali na sakin idivert yung isip ko sa iba. napapanaginipan pa din kaso di ko na yun macontrol pero kaya ko nang icontrol pano ako magrereact sa panaginip ko, di ko na hinahayaan maapektuhan ang araw ko.
siguro kasi sinimulan kong isipin na hindi ko kasalanan ang nangyari, alam kong ginawa at binigay ko yung dapat kong gawin at ibigay, hindi lang talaga sapat at hindi lang talaga mahal. hindi ko na sinisisi ang sarili ko na ang dami ko pagkukulang. basta ang alam ko, nandito ako sa mga oras na kelangan nya ako at ang pinakaimportante? hindi ako yung nakasakit. i didn't cause someone's pain. proud ako dun. kung hindi sya nanghinayang mawala ako, dapat ganon din ako.
alam ko darating yung araw na magiging okay na talaga ako. maybe hindi ko na mamamalayan na okay na pala ako. gaya ng dati.
2 notes · View notes
nice2meetyouu · 9 months ago
Text
1) Ilang linggo ko nang naiisip 'to pero bakit para nang instagram 'yung tumblr dashboard ko? Hindi naman sa ayaw ko ng pictures, pero halos walang mabasang text post... kaya sinusuyod ko minsan isa-isa 'yung mga finafollow ko. Nagpopost pa rin naman sila ng mga paragraph.
2) Gusto ko nang maging okay. Ayoko nang mag-ruminate at ma-anxious about the future na wala pa naman. Sinasabi ko sa sarili ko, ano bang definition ko ng success? Chill naman 'yung trabaho ko, nagagawa ko gusto ko, may pera ako. Pero hindi ako mapakali. Hindi ko na alam anong growth pa ang gusto ko. (Hindi ko sinasabing perfect ako, lost lang sa kung saan na ako papunta, anong direksyon ang tatahakin; parang nagstay lang ako sa same point—may masama ba dun?)
3) Last year tinanong ako ng manager namin kung wala raw ba akong ka-date. Kitang nagtatrabaho habang February 14 eh. Pero ang pinagkaiba, last year, hindi naman ako bitter. Enjoy lang sa life. This year... sigh. Akala ko nakahanap na ako ng "home". Nag-sign na ako ng verbal contract, nag-downpayment na, pero wala. Evicted.
4) May nakita akong post sa isang fb group. Bumili sya ng condo sa Makati pero hindi sya masaya kasi pakiramdam nya, obligasyon lang, at hindi fulfilling. Practical na decision kaysa magrent daw. Gusto nya raw maging digital nomad. Naaliw ako sa chaos ng feelings at decision-making niya about that property. Wala akong judgment. Nafeel ko lang na hindi ako ganu'n ka-weird; may worries din talaga ang ibang tao. At kahit nga practical ang desisyon mo, minsan hindi ka pa rin nagiging masaya o fulfilled.
14 notes · View notes
taaaaangi · 8 months ago
Text
So, nagrelease na si livenation ng seat plan and ticket price. gusto ko mag VIP kaso may doubt ako kasi nga di ako katangkaran plus swertihan sa queuing number para maging malapit sa stage. Also, parang ang crowded ng VIP section ng MOA Arena talaga. Tho, if ever na VIP ung kunin ko may plan naman na ko hahaha tulad lang sa Blackpink, hindi ko i-aim yung center, oks na ko sa gilid gilid na barricade hhahaha. Second and last option ko si LBA kasi hindi ganon ka pricey plus possible *manifesting* na may pa-cart din sila for Asia tour tulad ng Korea and Japan Tour nila. nasa 14k kasi ang LBA, 18K naman ang VIP with soundcheck. Naisip ko pa pag LBA kukunin ko, may pangbili pa ko ng merch. Para sarado 20k ung gagastos ko Ahahaaha jusko, di na mapakali si ante kasi next week na ung ticket selling. dito nakasalalay yung magiging mood ko sa Taiwan namin hhah
4 notes · View notes
kimhortons · 2 years ago
Text
thursday, february 9.
we had our client training today, and it was great. parang hindi naman ako masyadong kinakabahan, kasi honestly madali lang naman yung task namin. like pag nasanay na kami, sisiw nalang, well, as my new supervisor said. we can do it kahit nakapikit ka. haha. but it's not possible of course haha. just to describe lang kung gaano kadali yung ginagawa namin. and the team was also great, sobrang approachable nila pati nung boss namin. ang chill lang, hindi masyadong nakakaintimidate itong new people and new job ko ngayon.
sabi ko nga kay Cath kanina, minamanifest ko lang 'to dati e. tapos ito na siya, it's already happening na. parang ini-imagine ko lang 'to dati, na mag settle dito sa Bicol at magkaron ng stressfree and peaceful life. talagang--you really have to work on it before you get it e. bonus pa yung hinihiling ko rin, na sana next work ko magaan na ulit mga kasama ko. and guess what? ang cool nung bagong bisor ko, kahit di ko pa siya nami-meet in person, feeling ko magiging parang tropa ko lang ulit 'to. excited na rin ako to meet my other team mates.
and imagine, parang the previous weeks sobrang gulong gulo ako sa buhay ko, kung anong next step gagawin ko. tapos nag tuloy tuloy nalang siya, hanggang sa ito na ginagawa ko na pala. hehe. naging successful parin yung plan ko kahit papaano, pero kung sakali man na hindi nag work, marami pa naman pwedeng subukan.
dami ko rin natutunan sa Cultural Training namin, pinaka interesting for me yung topic namin about sa growth. sobrang relate kasi ako. sobrang crave ko ng growth from my previous company, ito yung feeling ko mag bibigay sakin nun. sabi nga rin ni mami Ai, "pag di ka na mapakali sa isang bagay o lugar, it's a sign na it's not for you anymore." pinipilit ko pa dun sa lugar na alam ko naman na hindi kaya ibigay sakin yon, e meron naman palang willing ako tulungan makuha yung hinahanap ko para sa sarili ko. nilalatag na ng universe sakin yung lalakaran ko noon pa, ayaw ko lang lakaran kasi pinipilit ko pa sa maling lugar. hehe.
looking forward talaga ako na magtagal dito. ito na yun.
15 notes · View notes
claryeisa · 1 year ago
Text
Happy September 1 🫶🏻 May the last four months of 2023 be fruitful.
anyways, quick daily update:
wala pako masyadong naaaral today. di ako nakagawa ng planner the past few days kaya medyo messy ang mga ginagawa ko ü pero okay lang, ayoko maging harsh sa sarili ko just because may minor failures ako.
a little distracted pero look, finally made a review tracker that is more representative of me. naalala ko dati sa work, di talaga ko makakawork gamit ang working paper ng iba, at kahit nakakabagal ng pacing i would still prefer to start from scratch para lang masatisfy ko sarili ko na “this is my working paper, walang bakas ng prior year, it’s all on me.” 😚 effective naman kasi ang galing ko daw, malinis, maganda, commendable. Anyway, nadala ko siya dito sa pagiging full time reviewee ko. Super di ako mapakali kasi gumagamit ako ng tracker ng iba, ang tagal kong binattle sa sarili ko na hindi okay lang yan, it’s a waste of time lang gumawa ng panibago, kung sana inaral mo nalang.
Fast forward here it is! And now, it’s giving Clary 🌷I’m so happy.
Also, ang cute kasi sabi ng momentum “You are awesome, Clary” ikr ikr.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
cursesandcries · 1 year ago
Text
naiiyak ako anlala ng anxiety ko sa simpleng pag order lang ng food at paghintay sa delivery sjdhsjhdj oks lang kung may kasama eh pero kung ako mag-isa di ako mapakali. ayokong mag tanga-tangahan pero natatanga pa rin talaga ako :((
kararating lang ng order ko, pero before that, tumatawag na pala yung rider many times, like 7 missed calls na, at di ko pa malalaman kung hindi ako chinat nung shop na pinag orderan ko ng food. kaso nakalimutan ko na yung number na binigay ko pala eh nasa kabilang phone. eh yung phone na yun nasa kwarto. edi takbo ako para kunin. pagkakuha ko, sakto binaba nung rider ang call. buti na lang after a minute tumawag ulit, kundi taranta na ko. tapos syempre kasi ang ganda ng lugar namin, hirap silang i-pin sa maps pag mismong address lang ilalagay mo kasi ewan ko ba teh, parang wala sa mapa yung address namin. so syempre asa sa directions, eh bobo ako magbigay ng directions sa ibang tao. tas... hay pota basta andaming nangyari na minor lang naman pero major na sakin kasi napagod talaga ako at nanghina pagkarating nung order ko :( naiiyak pa nga ako rn hahahaha putangina naman!!!! whew!!!! ahhdkfksdj
kahit nung nasa manila ako nagfufuck up pa rin ako sa mga deliveries. hindi dahil sa address, kundi dahil tanga lang talaga ako. tanginaaaahahahahahaha
i honestly feel like shit for feeling this way over this simple of a thing lmao fucked brain moments nga naman. ayoko na maging tao.
2 notes · View notes
upismediacenter · 2 years ago
Text
LITERARY: 5 Bidyo Bago Magkolehiyo
Tumblr media
2018
Hello…? Gumagana ba ‘to? Ah, bahala na. So, malapit na matapos ang summer break at malapit na rin akong tumuntong sa high school. Kaya, ano pang mas magandang gawin kundi— mag-vlog! Alam ko uso ‘yun ngayon eh. Para may remembrance ako ng high school life ko, diba?
GRADO 7
Umpisa na ng high school ngayong araw! Malapit na ako sa bagong building, suot ang bagong uniporme kasama ng mga bago kong kaklase; perfect! Excited na ako! Halata ba? Pero kinakabahan pa rin naman ako, noh. Muntik ko na ngang makalimutan ang ID ko dahil hindi ako mapakali. Ay! Tapos, alam niyo ba, kinukulit na agad ako ng magulang ko tungkol sa kolehiyo. Like, hello? Grade 7 pa lang ako, parang ang layo pa ng ganyang usapan. UPCAT at kurso sa kolehiyo agad tinatanong nila! Pero, tama rin naman sila. High school na ako, kailangan ko na magseryoso sa pag-aaral. Kailangan ko rin galingan na maka-line-of-9 ang grades, syempre! O, bye na muna ha? Kailangan ko na kasing umalis. Good luck sa akin!
GRADO 8
Pakiramdam ko ang tagal ko nang nasa high school, pero ‘yung totoo ay pangalawang taon ko pa lang. Grabe ano, naka-isang taon na ako sa high school. Five years na lang, college na next? Grade 8, 9, 10, 11—teka, matagal pa naman pala. Anyway, back to what I was saying, medyo gamay ko na ‘yung bagong iskedyul at hindi na rin ako nalilito sa mga klasrum. At syempre marami na akong bagong friends! Gusto ko na rin makita ‘yung bago kong seksyon kasi 'yung iba sa kanila ay hindi ko pa nagiging kaklase. Sana maging close kaming lahat! Tapos, isa pa, sobrang excited na ako para sa UPIS Fair! Noong Grade 7 ako, maaga akong umuwi kaya hindi ko na napuntahan ‘yung Battle of the Bands. Pero, this year, pupuntahan ko talaga ‘yun! Pramis! Tapos, ‘yung LLD rin — hala, male-late na pala ako! Sige, next time na lang ulit. Bye!
GRADO 9
COVID… hay. Ayun, puro online ang klase namin ngayong taon. Sa totoo lang, feeling ko okay rin ang online class. Hindi ko na kailangan gumising at maligo nang maaga kasi sa bahay lang ako magkaklase, diba? Pero nakakalungkot, kasi bitin 'yung Grade 8 namin at hindi ko pa makikita ang mga kaibigan ko dahil sa lockdown. Wala ring UPIS Fair at hindi ata kami magkakaroon ng prom. Inaabangan ko pa naman ‘yun, kasi parang hindi kumpleto ang high school kung wala ito. Feeling ko inagawan ako ng mga mahalagang experiences na dapat naranasan ko bilang high school student, you know? Pero ayoko na itong isipin, kasi wala na rin naman akong magagawa. Sana lang hindi ako mahirapan sa pag-adjust sa bagong paraan ng klase namin. Speaking of which, pinapasok na kami sa Zoom meeting, kaya bye na muna.
GRADO 10
Ang aga-aga pa…teka, nagrerekord ba? Ayan, ‘sensya na. So, ito na nga, hindi pa rin ako nasasanay mag-aral habang may pandemya. Babangon, haharap sa kompyuter, tapos “Join Meeting”: ito na ‘yung pang-araw-araw na iskedyul ko. Nakakatawa, ano? Hindi pa rin talaga ako sanay sa ganitong lagay, kahit round two na ng remote learning. Naalala n’yo pa noong sinabi kong okay rin ang online class? Hindi pala. Gustong-gusto ko nang bumalik sa face-to-face na klase. Alam niyo rin ba, andami ko nang nakikita sa Facebook na mga review centers para sa college entrance tests. So, napaisip ako: paano kaya ‘yung UPCAT at ibang CETs namin, eh, may pandemya? Kailangan ko pa bang magrebyu? Siguro hindi pa, may dalawang taon pa naman ako eh. Bahala na. Alam niyo, tinatamad talaga akong pumasok ngayon pero — ay, on cam pala dapat kami, wait lang!
GRADO 11
Tungkol pala sa UPCAT… meron na nga. Plot twist! Hindi pa nga ako Grade 12 eh. Nagsimula na akong magrebyu pero hindi pa rin ako makapaniwala na ang bilis eh. Last year, sabi ko may dalawang taon pa ako para paghandaan ito, tapos biglang BOOM! Ayan na siya. Anyway, may bago na kaming subjects. At dahil face-to-face na kami, dapat na rin akong mag-notes. Pero hindi na talaga ako sanay! Nasa senior high na rin pala kami — SENIOR HIGH! Bakit ba ang bilis ng mga ganap? Pwedeng slow down muna? Hindi talaga ako mapakali sa sobrang kaba ko para sa future. Akala ko kasi matagal pa akong tatanda… pero ngayon, wala na akong magagawa. Maliban sa magrebyu, mag-aral, magrebyu, mag-aral; medyo nakakapagod na. Bahala na. Basta ang dapat kong gawin, maghanda. ‘Yung totoo na talaga. Sa huli naman, ‘yun lang din ang kaya kong magawa. Hay. Teka, bakit parang napahaba ‘yung kwento ko for today’s video? Huy, kaya ko ‘to! Kalma lang muna. At may tatapusin pa akong reqs eh. Without further ado, oras na para magrebyu!
2023
Ayan. So, ayun na nga. Tapos na ang UPCAT, tapos nilabas na nila ‘yung results. Hindi ko pa tinitingnan 'yung akin kasi kailangan ata ng reaction video para sa special moment na ito. At kinakabahan talaga ako, like, hindi pa ako ready basahin 'yung resulta. Alam ko naman na ginawa ko lahat ng makakaya ko, kaso nanginginig pa rin ako.  Pero, ito na nga… nakikita ko na 'yung e-mail. Kailangan ko lang i-click. Okay, kaya ko 'to! Mag-countdown tayo para masaya. Three… two…
BATTERY LOW. CAMERA TURNING OFF.
3 notes · View notes
rosasbyahee · 2 months ago
Text
Bako-bakong daan
iniisip kong sa dinami-rami ng piniliing daan, nahihinto pa rin ako sa mga malalaking bako at di makausad. kadalasang nalulugmok at di mapakali. di maiwasang ikumpara ang sarili sa mga dating kaklase na may tiyak nang landas na pinili. iyong iba, magdadalawang taon ng guro, siguradong magiging guro hanggang pagtanda. at ako, nandito, nagsusulat ng mga putol-putol na anekdota. patalbog-talbog.
pagpapasya naman ang lahat. pwede ko namang piliin na manatili sa kung nasaan ako ngayon at panindigan ito. kung tutuusin, maaari namang harapin na lang lahat ng kontradiksyon. sadyang pagdating sa pinansya, hindi talaga ubra. at hindi pwedeng habang buhay na ganoon.
iniisip ko na lang, lahat ng pagbunggo at pagkadapa, kuwento ring pwedeng isulat.
0 notes
atamabs · 2 months ago
Text
Meron kaming mockboards pilot kaninang 1pm mnl time. Nakakatuwa na ang ID no ko ay birthday ni aj.
Tumblr media
Happy anniworksary!!
2 years na ko sa work kong to, pero sa papers 21 pa raw ako mag 2 years. Lol. Sana huling anniversary ko na to dito hahahaahah
Shift was hayahay. Magdamag akong naka caid, nasa 8 lang calls ko. Ang con lang nito ay yung aht ko— panigurado pula na naman. Meron kaming meeting kanina. Nalunod ako sa updates. Ayoko na talaga huhuhuhu hindi rin sila mapakali sa otp!! Meron na namang update!!!! I kennat
Sana makahirit ng jollibee kay aj 😝
1 note · View note
mafinnrndmthoughts · 2 months ago
Text
Sept 5 2024,
Lakad papunta sa cogon.
This is the first time na makakausap ko siya papunta sa aming destinasyon. Sobrang kaba ko dito, hindi ako mapakali. Ang tahimik niya pala, okay lang. Sinusubukan ko parin kausapin.
Sobrang bigat nang gabi nato for us. Alam kong marami siyang gusto sabihin, sadyang hindi niya lang talaga alam paano sisimulan. Hindi niya makuha ang saktong salita. Pero okay lang. naiintindihan ko naman.
Marami akong sinabi, I was hoping for feedback pero wala akong nakuha ni-isa. Ang sakit pala. Para akong nakikipag-usap sa hangin the whole time. Kahit pag lingon sa’king mata, hindi niya nagawa. Masakit. Ang bigat sa loob, gusto ko umiyak pero pinipigilan ko sarili ko. Mahirap na, marami pa namang naka sunod. May nasabi siya, and at that moment, gusto ko nalang umuwi.
Uwing-uwi na’ko pero hinihintay ko pa rin siya, kaso wala talaga eh. Umasa ako sa wala. Pero okay lang, naiintindihan ko naman. Pero sana naman kahit isang tunog lang sakanyang bibig mayroon akong napakinggan. Tumawid ako sa kalsada na mabigat ang nararamdaman, ayoko talaga umasa sa taong walang kasiguradohan.
0 notes
piaisabelvargas · 2 months ago
Text
Let's Help this Doggo.
I already posted about the story on my Facebook but I'm going to post it again here.
I posted the first part of the story last September 5, 2024. Here it is:
STORY TIME:
There is a chicken farm/manukan dito sa likod ng bahay namin. They also have dogs na nagbabantay sa mga manok. And there's one dog na nakatali dito sa may dulo ng farm, malapit sa mismong bahay namin. Sa likod ng bahay kami naglalaba kaya lagi kong nakikita yung aso. The dog's current situation is, they never removed him from kung saan siya nakatali. So for the past four days na umuulan at humahangin, nandun lang yung aso, kitang-kita na always siyang basa at giniginaw. Ang malapit lang na pwede niyang masilungan ay isang teepee na pang-manok.
I just couldn't take it. Hindi ko na kinaya na makita yung aso na nahihirapan, ginaw na ginaw at minsan umiiyak na. So yesterday, pinuntahan ko na talaga yung farm at nakiusap sa nagbabantay doon. Yung nakausap ko kahapon, sasabihan niya daw yung isa niyang kasama na ilipat yung aso. But buong hapon kong inoobserbahan kung may gagawin ba sila. Pero wala. Walang naglipat sa kanya. Buong hapon at gabi, nandun pa din yung aso.
Ngayon, umuulan ulit at humahangin, nandun pa din siya. Pinuntahan ko ulit at iba ang nakausap ko. Ganun ulit. Sabi niya, ililipat nila. I'm just crying right now kasi naaawa ako dun sa aso. Babantayan ko ulit, I hope they follow through. Kasi kung hindi, makukulitan sila sa akin.
The more annoying thing is, habang nakikiusap ako, sinasabi ko na naaawa po kasi ako sa aso, parang natatawa pa. Katawa-tawa ba yung pinapakiusap ko sa kanila? Sinabi ko na kapag naman hindi na umuulan o hindi na humahangin, pwede naman nila ulit siya ibalik dun. Yung kahit saglit lang na matuyo siya, mainitan, hindi mabasa. Yung lang naman ang hinihiling ko.
Such cruel people. And it hurts me so much.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
SECOND POST:
I posted an update the same day (September 5, 2024). Here it is:
Pinuntahan ulit namin. This is at night na. Nung una parang they try to ignore me nung kumakatok ako dun sa gate. And may kutob na ako na mga nag-iinom yung mga tao na nandoon.
Tapos ang unang kumausap sa akin eh bata. Then nakita ko na papalapit na din yung nakausap ko kaninang hapon. And not surprising, he reeks of alcohol. Pero naalala niya ako and about dun sa pinaki-usap ko kaninang hapon. Sabi niya sa akin, oo daw, ililipat daw nila. Mag-relax daw ako.
Sinabi ko na, baka kasi mamaya eh humangin at umulan nanaman nang malakas. Tapos kasi umiiyak na yung aso. Sabi ko din na, hangga't wala po akong nakikitang nangyayari at nandoon pa din siya, babalik at babalik ako. Sinabi ko din na, kapag wala nang ulan or bagyo, pwede naman siyang ibalik doon. Naaawa lang talaga ako kasi laging basa. Tapos wala pang maayos na nasisilungan yung aso.
My one point din is, okay lang naman na mag stay doon pero sana man lang maayos yung nasisilungan. Bilhan nila ng maganda-gandang cage. Kaso teepee lang ng manok. Hindi ko talaga kaya.
Bukas, titingnan ko ulit. Will keep you updated.
Tumblr media Tumblr media
Ito po yung teepee na sinisilungan ng aso. Nababasa pa din po siya lalo na kapag malakas ang ulan at hangin.
THIRD POST:
This is the last update that I posted on the next day (September 6, 2024)
I take Dudley to walks every morning and every night after his meal so I decided that after he does his thing, puntahan ulit namin kasi umiiyak non-stop yung aso and he was very anxious na hindi mapakali. When we got there, may mga tao but it's pretty obvious they were ignoring me. But I guess di na nakatiis kasi hindi ako tumigil mag knock dun sa yero nilang gate and maingay yun.
Dalawang lalaki yung kumausap sa akin. Yung isa (the bigger guy), it looks like siya yung may-ari nung farm/manok. And yung isa, parang bantay lang. Sinabi ko sa kanila na umiiyak yung aso at pumunta na ako nung isang araw at kahapon pero wala pa din nangyayari. Sabi ko, nung isang araw at kahapon, basa siya. Tapos ngayon umiiyak. Tinanong ko kung pinapakain nila. Pinapakain naman daw. Sinabi ko din na baka pwede ninyong i-check kasi umiiyak.
And as I was saying all these, the bigger guy just talks over me saying things like, "Oo, ililipat namin." and "Sige na, okay na" without even listening to what I'm saying because he was talking over me. As he was saying all these things, he also starts to ride his motorcycle and next thing I know, he just left without even looking at me. I had no choice but to talk to the other guy.
I'm sorry (especially to my mama Beth Smv) because I got confrontational after that. I told the other guy that kanina pa umiiyak yung aso then I asked him kung pinapakain ba nila. I asked that because hindi ko man lang nakita kahapon or nung isang araw na may lumapit dun sa aso or may nagbigay sa kanya ng pagkain. Una, tinawanan pa ako. Sabi ko, "katawa-tawa po ba ang pinapakiusap ko sa inyo?" Sabi sa akin, bakit ko daw pinakikialaman, hindi ko naman aso. Sabi ko, kahit hindi ko aso yan, nakikita ko na hindi maganda ang pagtrato, sasabihan ko sila. Sabi niya, pinapakain naman daw nila, nagbiro pa na binibigyan pa nga daw nila ng vitamins ng manok, which is not funny by the way. Sabi ko, paano kapag namatay yung aso, eh di wala silang bantay. Ang sabi sa akin, "Hindi daw mamamatay, malakas yun." What a fucking stupid answer. Then, binanggit ko ulit yung okay lang naman na dun mag-stay ang aso pero sana man lang may maayos na masisilungan. He said, may teepee naman daw siya doon, ayaw daw nung aso sumilong. Nang-gaslight pa. Sabi ko, nababasa pa din po kasi siya kapag doon lang sa teepee at kita naman na hindi komportable ang aso doon. I suggested na, kung hindi man nila kayang ibili ng maganda-gandang cage, kahit magpagawa sila ng mas magandang masisilungan. Alam ba ninyo ang sinabi sa akin? "Eh, paggagastusan pa." At that moment, my head was on fire. I just said, "Hindi ba kayo naaawa sa aso? Ako po kasi ay naaawa kaya ako nandito." Sinabi na lang sa akin na, oo ililipat daw nila. Hindi ko na tinanong kung anong ibig sabihin nila noon kasi pinagsarahan na ako ng gate.
I got very confrontational because they don't have any respect. It's clear na mga bastos. Akala mo kung sino. And if you're not going to talk to me in a respectful manner, I have to talk to you the only way that I can get through you. These are horrible people. I don't care if you have money, I don't care if you have power or authority, I don't care if people chose to suck up to you, you're a fucking horrible person if you mistreat animals like that. But you know, sabungero. What do you expect? They literally breed chickens so that they can fight to death for their lives. Fucking disgusting.
Minsan ayokong i-check yung aso kasi I will cry again. But like I said, I will continue to observe kung may gagawin ba sila or wala. Kasi kung wala pa din, talagang makukulitan sila sa akin. It was obvious that they don't want to deal with me but they're gonna have to deal with me as long as I don't see any changes.
-----------------------------------------------------------------------------
Today (September 11, 2024) I am finally writing and posting this on Tumblr 6 days after my first post and hanggang ngayon, wala pa din nangyayari. Also, I never saw them give the doggo some food. Dahil sa minsan hindi ko na mapigilan, binabatuhan ko siya ng kahit anong leftover dito sa amin. Napansin ko din po na may mga bata na nagbabantay din dun sa farm. As of today, my plan is to talk to them and maybe mapaki-usapan na abutan ang aso ng pagkain, ako ang magbibigay.
This is what I learned about the farm:
Ang may-ari daw po nito ay ang isang anak ng dating mayor ng Morong na si Dr. De Leon. Si Patrick daw po. Pero pinapa-rentahan daw po sa current mayor na si Sidney Soriano.
Ang sa akin naman po, hindi ko na kailangan pang malaman kung sino ang in-charge o may-ari o nagre-renta. Napaka-simple lang po ng pakiusap ko. Wala man lang bang kahit isa sa kanila ang may malasakit sa aso? Ang sa akin po, kahit huwag na nilang tanggalin sa tali, huwag na nilang paliguan, ang paki-usap ko lang po ay bigyan ng pagkain at magandang masisilungan, yung hindi po siya mababasa. Mahirap po ba ang pinapaki-usap ko? If you do not respect animals, I will not give you respect. I don't care about your position, I don't care if you have money, I don't care if you have authority, what I care about is the welfare of the dog.
Sa lahat po ng makakabasa nito, humihingi po ako ng tulong na maiparating man lang kay mayor Sidney o sa mga tao na nadito na mai-provide ang simpleng pangangailangan ng aso. Nakausap ko po yung isang co-teacher ko dati, sabi niya na nakakalungkot kapag ganyan. Ang tataba ng mga manok pero yung bantay ng mga manok, pinapabayaan nila. Bigyan man lang ng kaunting konswelo sa pagbabantay.
Sana po ay magkaroon ng aksyon at improvement man lang sa kalagayan ng aso. Maraming salamat po sa pagbabasa!
0 notes
kanoooto · 3 months ago
Text
Road to BM 🇦🇺
So saan tayo magsisimula? 🥹
It started with New Zealand (hihi! ok kinilig) I prayed and applied for a job in Wellington. It went well naman until sinabi ni Lord na not for me. I prayed and tried Planit both in NZ and AU pero syempre sinabi ni Lord na not for me. Honestly, I prayed and tried for a lot of stuff and i'm so confused back then pero yung direction was really NO, stay in PH and prepare.
Then pandemic happened 😷 (talagang stay-put) sabi ko kay Lord, di ko muna iisipin yung gusto ko kasi baka selfish desires yun pero talagang kasama sya sa prayer items ko since 2020. Unfair sa God's best kasi sya yung nawala sa prayer item (hahahaha!) pero again, I prayed and tried pero talagang NO yung response. I clearly know yung ibig sabihin nung NO and I continuously praise Him for that. Kaya naman I moved on and talagang all out ako sa work, sa ministry and family (aka being extra all the time!)
And then 2021 came, kasama sa personal P&F ko talaga yung "next steps" Sabi ko "Lord, i'm ready for the next challenge whatever it is" minsan talaga you need to be ready when you prayed something like this kasi talagang macha-challenge ka (hahaha!)
So yung first step talaga is saan? Ang selfish target ko talaga is NSW, ACT, QLD and VIC (minimal lang sa WA and TAS, no sa NT) kaya I researched skilled migration requirements muna. Isa isa akong nag cross out ng states depending sa need nila kasi pandemic pa din kaya nawala sa list ang TAS/ACT kasi low employability, sa QLD naman need ng proof of funds (haha!) and WA naman need ng job offer. So natira sa list VIC, NSW and SA. Sabi ko Lord, gusto ko sa NSW or VIC kasi andun majority ng connections ko 😭 I never considered SA talaga pero alam ko na may leading talaga si Lord for me to check it (ewan ko ba!) that's when I started watching Adelaide walking vlogs (hahaha!).
Anyway, sa lahat ng states for skilled migration, dalawa lang ang need English and Assessment (pfffft!!) So May 2021 nag english test tayo sa Makati ng naka faceshield and facemask (imagine the struggle) I got Proficient 🙌🏼 not the result that I prayed for pero I have peace knowing na natapos ko sya and alam ni Lord na I gave it my all. Now the exciting part, skills assessment 🫣 grabe yung requirements lalo na pandemic pero talagang test of patience. Imagine lodging ng May and getting the results ng July with appeals pa! (tsk tsk!) pero it still ended with a favorable result grabe ang galing ni Lord!
In the zone na ko nito actually kaso may ibang plans pa pala si Lord sa akin. I lodged my expression of interest ng July 2021 pero di pa sila open for offshore applicants so ang wait time ko guess what? 1 year 😅 I officially lodged it after a year pa talaga (imagine my english and assessments di nagamit for a year!!) Sabay sabay ko nilodge for NSW, SA and VIC ng August 2022. As usual, di ako pinapansin ng NSW and VIC kasi andaming high pointer pero I kept on praying and being extra sa work, sa bahay and sa ministry. Honestly, di na ko super eager sa journey na to kasi tanggap ko na talaga na baka di ito yung direction ni Lord sa akin (full surrender na din) then September 1, 2022 came (also my 14th sa work) I received a pre invite from SA HAHAHA! (sa state na hindi ko pa kinoconsider at all). Di ako mapakali but sabi ko kay Lord "let's do this!"
So I submitted my application tapos after a week may congratulations na agad! ⬇️
Tumblr media
Yung crucial part was receiving an invitation from home affairs feeling ko nun there's no turning back na talaga kasi may visa fee na hahaha! 🫣 plus imagine having 60 days to accomplish everything? plus training for runs! halo halo yung emotions ko nito hahaha! But if you know me, of course...procrastination 😐 it took me 55 days to accomplish yung visa application (nag vietnam pa ko hahaha!) eto yung Lord "let's do this!" pero parang wait lang po please?
After submitting I have to do biometrics and medicals. Mas short ang deadline ng biometrics so I low-key went to Makati. 1000 pesos lang dala ko dito buti less than that amount yung fee 😅 reality also hit me here na andaming pinoy na gusto mag abroad.
Tumblr media
I scheduled my medicals after a week sa St Lukes BGC and guess what? hahaha! I'm flu-ish that day 🤒 kabado ako kasi mahigpit sa x-ray ang Australia - sabi ko Lord talaga namang of all the days haha! But kidding aside, it went through smoothly naman bukod sa mahal na food sa loob ng hospital haha!
Tumblr media
then, THE WAITING GAME BEGINS... Ang nasa isip ko lang nito - may work ako, may ministry, I need to be present sa family (always!) and run trainings. Yung waiting ko became as normal as it can get kasi pinrep na ko ni Lord sa waiting.
February 22, 2023, lunch time - I randomly checked my personal email before mag lunch. I noticed na it's from home affairs pero ang subject may "ceased" and syempre as a kamote without reading the whole email nag assume na ko na di approved sabi ko talaga "Lord, di approved pero thank you kasi kasama kita sa journey na to sayang lang yung visa fee pang-car na yun eh hahaha!" then I took lunch.
Tumblr media
Si kamote nanood ng showtime, nag lunch and then nag resume sa work. Ready na ko basahin ng buo yung email kasi para may closure then I noticed may isa pang email tapos may attachment 🥹
Tumblr media
Yung puso ko nito daig yung nag half marathon kasi either granted or refused yung result. Sabi ko "Lord, this is it!"
Tumblr media
DUDE andun pa lang ako sa we have granted sumigaw na ako! I called peeps agad, family - di na ko nakapag work hahaha! Nag shutdown na ako then natulala ako sabi ko "Lord, thank you pero ano gagawin ko now?" di pala ako nag ready sa road to goodbyes 😭
1 note · View note
risktaker-thoughts · 3 months ago
Text
story time.
Nandito kami ngayon sa buyon, cauayan city.
10pm nagbiyahe kami galing pa kami ng angadanan sa fiesta at dito kami natulog sa school dito sa buyon.May mga kasama kaming bakla sa kwarto na dalawa na kung saan doon kami natulog.Habang nakatulog na itong mga kasama ko (1:48am ) noong natulog kami. Hindi ako mapakali kasi maiinit at matigas yung higaan namin kasi karton lang. At yon naghubad ako ,at pinang takip sa mukha ko. Nasa gitna ako nasa side ko naman yung kasama ko,at yung dalawang bakla nasa side ko naman.
Hindi ko makuha kuha yung tulog ko kasi sobrang clingy ng katabi kong bakla,yumayakap ba naman at pinapatong itong paa niyo. Habang ginagawa niya yon kinuha niya kamay ko at parang hinahaplos haplos niya,hindi niya alam na gising pa ako .Meron pa nilagay niya yung kamay ko sa dede niya na kunwaring tulog ako.hindi ako nagpapansin basta parang natutulog lang ako.habang hindi sya mapakali yun gumalaw ulit yung kamay niya at hinimas himas ba naman etits ko,gusto niyqng ipasok yung kamay niya sa short ko pero gumagalaw ako.halos hindi ako naka tulog sa ginawa niya tangina, napuyat na nga kagabi tapos napuyat nanaman ngayon dahil sa tanginang yan hindi ko alam kung naipasok niya kamay niya sa short ko kasi nakatulog na talaga ako noon.
Parang gusto niya akong gapangin na,mag one night stand kami..
0 notes
kimhortons · 2 years ago
Text
Thought Dump #013
february 14. again, a normal day for us. pero hindi na ako nagmumukmok at naiinggit sa mga dinate at binigyan ng bulaklak at tsokolate ng mga jowa nila kumpara sa mga nagdaan na tatlong taon namin together. haha. sanay na kasi siguro ako and mas madalas na kasi kami nagkakasama ngayon.
2nd week na namin—bale 4th day, since thursday kami nag start sa client. medyo confusing pa sa ibang part ng trabaho, but we're getting to the hang of it. hopefully by next week mas less na yung errors namin.
dalawa palang kami sa cliet na 'to kasi bago daw 'tong account na 'to. so technically, part na naman ako ng pioneer. either one of us pwede maging team leader huhu. medyo nakaka pressure din, kasi di ako sanay sa leadership role if ever, pero keri naman. gagalingan ko nalang lagi kahit hindi ako. tutal, sobrang laidback lang naman ng trabaho at mga ka-team namin.
yung nakita kong post sa Facebook, kung normal daw ba yung ganitong boss. haha. ang saya kasi ramdam ko na ganito sa work ko ngayon. dun palang sa CSM namin, (pinoy siya) sobrang chill niya. tsaka nung nabasa ko yung isang newsletter ng company, ang gaganda ng mga parang testimonials ng mga kawork. ramdam mo talaga gaano ka-healthy yung work environment at culture kahit di ko pa sila nakaka sama. impluwensya din siguro ng mga boss namin na foreigners dito sa company. sobrang welcoming nila, even with our team mates sa client mismo.
gusto ko manuod ng Slam Dunk, parang One Piece mahal din yung ticket haha. pero mas interesado ako dito kesa sa One Piece kasi nanunuod talaga ako nito dati. Rukawa-L-O-V-E-rukawa! hahaha. la lang. sa weekend nalang kami mag de-date.
nag back read ako ng ilang posts since medyo inactive ako ngayon haha. nabasa ko yung post ni Mel about small t. feeling ko ang dami kong ganon, lalo ko siyang ramdam nung andito na ako kila J. like—minsan kapag tumataas yung boses nila dito, akala ko may nag aaway. yung pala nag bibiruan lang tsaka malalakas lang talaga boses nila haha. sa bahay kasi kapag nagsisigawan at nagtataasan boses namin, nag aaway na yun e.
minsan rin like Cath, feel ko rin yung nafi-feel niya na kapag may naghuhugas ng pinggan, tapos parang nagdadabog, parang gusto ko ako nalang gumawa. nung tumira kasi ako sa tita ko nung naglayas ako samin, dinadabugan niya ako at nagpaparinig kapag nag huhugas siya tapos naka upo lang ako. huehue. parang nakaka guilty lagi na wala kang ginagaw, kaya sobrang awkward ko dito kapag wala ako ginagawa. kahit wala naman talaga din sila ginagawa dito, parang kailangan ko kumilos. pag tambak na yung hugasin hinuhugasan ko na agad tapos sasabihan ako ng mama ni J "oh bat ka nag huhugas, hayaan mo lang yan jan." sinasabi ko nalang wala ako magawa haha.
parang di ako mapakali na nakahiga lang or walang ginagawa dito kila J kasi baka isipin ang tamad ko. kaya na-stress na ako nung wala pako nakukuhang work last time. feeling ko rin nakuha ko 'tong small t na 'to sa tita kong tinirahan ko nung naglayas ako, lagi niya akong pinaparinggan at dinadabugan kasi non, like ayaw na niya kasi na andun ako na palamunin lang. kaya tuloy ngayon dito kila J since nakikitira ako, konti rin ako kumain or minsan hanggat di ako inaaya di ako kakaen. hehe.
pero ngayon medyo comfortable na ako, kasi araw araw kami nag chichikahan ni tita habang nagluluto siya. minsan tumutulong narin ako habang gumagawa siya. na touch pa nga ko minsan pinag luluto niya pa ako ng makakaen.
ang saya pala makalampas ng survival mode.
#td
9 notes · View notes