#haring kabayo lalaki
Explore tagged Tumblr posts
delfindakila · 2 years ago
Text
Tumblr media
BUDS CONVOCAR Haring Kabayong Lalaki, sari-saring mediya sa papel #artPH
4 notes · View notes
jhonkenneths-blog · 7 years ago
Text
Troy
Wolfgang Petersen
I. Tauhan
·         Achilles- Anak ni Peleus at Thetis. Pinuno ng Myrmidons
·         Hector- Prinsipe ng Troy at ang pinakamagaling na mandirigma ng Troy. Pinaka-matandang anak ni Haring Priam at kaparid na nakatatanda ni Paris.
·         Paris- Prinsipe ng Troy at ang pinakabatang anak ni Haring Priam. Kapatid ni Hector at kasintahan ni Helen.
·         Helen- Reyna ng Sparta at Asawa ni Menelaus. Kasintahan ni Paris.
·         Haring Agamemnon- Hari ng Mycenae at kapatid ni Menelaus.
·         Haring Odysseus- Hari ng Ithaca at ang pinaka-matalino sa Greece.
·         Haring Menelaus- Hari ng Sparta, asawa ni Helen, at kapatid ni Agamemnon.
·         Andromache- Prinsesa ng Troy at asawa ni Hector.
·         Thetis- Nanay ni Achilles.
·         Briseis- Priestess ng Apollo, pinsan ni Hector at Paris, at kasintahan ni Achilles.  
·         Patroclus- Pinsan, kaibigan, at estudyante ni Achilles.
·         Eudorus- Kapitan ng Myrmidons.
·         Haring Ajax- Hari ng Salamis at pangalawa sa pinakamagaling na mandirigma sa Greece.
·         Haring Priam- Hari ng Troy at tatay ni Hector at Paris.
II. Tagpuan
·         Thessaly- Pinakita dito ang isa sa mga pagsakop ni Agamemnon ng ibang kaharian.
·         Greece (Sparta)- Dito nagkaroon ng piging para sa kapayapaan ng Greece at Troy.
·         Greece (Mycenae)- Dito pinagpasyahan ni Menelaus at Agamemnon na makikipag-digmaan sila sa Troy.
·         Greece (Ithaca)- Dito pinakita ang pag-imbita kay Haring Odysseus sa digmaan.
·         Greece (Phtia)- Dito pinakita ang pagsasanay ni Patroclus at Achilles. Dito pinilit ni Odysseus at ng nanay ni Achilles na sumali siya sa digmaan.
·         Troy-Dito nangyari lahat ng nangyari sa digmaan.
III. Maikling Buod
Ang hukbo ni Agamemnon ay nasa lupain ng Thessaly, sinusubukan nilang sakupin ito. Pinagusapan ng hari ng bawat kampo na kung kaninong sundalo ang manalo, siya ang maghahari sa lupaing ito. Ang sundalo mula sa Thessaly ay si Boagrius, isang malaking lalaki at ang sundalo naman ni Agamemnon ay si Achilles. Naglaban silang dalawa at sandali lamang ay nanalo na kaagad si Achilles.  Ang Thessaly ay isa na ngayon sa sinasakupan ng Greece.
Mayroong nangyayaring piging sa Sparta upang magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng Greece at ng Troy. Sa gabing ito, si Paris ay nakipagtalik sa reyna ng Sparta na si Helen. Kinabukasan, sa paglayag nila pauwing Troy, sinama ni Paris si Helen. Nalaman ito ni Menelaus kaya’t siya’y lumapit sa kanyang kapatid na si Agamemnon. Gustong-gusto na talaga sakupin ni Agamemnon ang Troy, kaya’t naging masaya siya dahil sa nangyari dahil nagkaroon na siya ng dahilan upang sakupin ang Troy.
Si Agamemnon ay nagpadala ng mga emisaryo upang imbitahan lahat ng mga haring nasasakupan niya para sumabak sa digmaan. Inimbita ng mga emisaryo si Haring Odysseus ng Ithaca at ito’y pumayag. Si Haring Odysseus ay pumunta sa Phtia upang pilitin si Achilles na sumali sa digmaan, nagdadalawang isip parin dito si Achilles hanggang kinausap siya ng nanay niya, sinabi ng nanay niya na paglipas ng panahon makakalimutan ang pangalan mo pero kapag sumama ka sa digmaan sa Troy, habang buhay mabubuhay ang pangalan mo at dahil dito nagpasya si Achilles na sumali sa digmaan.
Sa Troy, kakabalik lamang nila, nakita ni Helen si Haring Priam at ng mga taga-troy at kasama na ni Hector si Andromache at ang kanilang anak. Sila ay gumagawa nang mga armas, naghahanda sa tiyak na digmaan.
Dumating na ang hukbo ng Greece sa Troy, ang unang sumugod ay si Achilles at ang kanyang hukbo na ang tawag ay Myrmidons. Sumunod, lahat ng hukbo ng Greece ay sumali na rin sa digmaan. Nagkita si Achilles at si Hector ngunit hinayaan ni Achilles na tumakas si Hector.  
Sa gabing iyon, dinala ng mga Myrmidons si Briseis sa tolda ni Achilles, inaasahang mabibigyan si Achilles ng aliw. Kinuha ni Agamemnon si Briseis mula kay Achilles na siyang kinagalit ni Achilles. Hindi hinayaan ni Achilles na sumali ang kanyang hukbo sa digmaan dahil sa ginawa ni Agamemnon.
Ang hukbo ni Agamemnon ay sumugod sa lungsod ng troy, at nagkita ang mga hukbo sa harapan ng gate ng lungsod ng Troy. Gumawa ng kasunduan si Menelaus at si Paris, sila ay maglalaban, kung sino ang manalo ay sa kanya mapupunta si Helen at magtatapos na roon ang digmaan. Kakasimula pa lamang ng kanilang laban ay bugbog na bugbog na kaagad si Paris. Si Menelaus ay sumugod sa hinang-hina at duguang si Paris ngunit bago niya matamaan si Paris ng kanyang spada siya ay sinaksak ni Hector at namatay. Ang galit na galit na si Agamemnon ay nagbigay ng utos na umatake ngunit sila ay walang laban sa hukbo ng Troy. Sa laban na ito, nakapatay pa muli si Hector ng isa pang Hari ng Greece, si Haring Ajax. Nagbigay ng utos si Agamemnon na umurong at umalis na mula sa laban.
Sa gabing iyon, bago sunugin ni Agamemnon ang katawan ni Menelaus at ng iba pang patay na mandirigma ay sumumpa siya na susunugin niya lahat ng Troy. Binigay ni Agamemnon si Briseis sa mga mandirigma upang sila’y maaliw. Niligtas at kinuha ni Achilles si Briseis mula sa mga mandirigma. Sila ay nag-usap sa tolda ni Achilles at sila’y nagtalik.
Kinabukasan, kinausap ni Odysseus si Achilles na sumali na sa digmaan ngunit hparin ito pumayag. Nung gabing iyon, umatake ng palihim ang mga taga-troy. Inatake ng troy ang kampo ng greek gamit ng mga bola ng apoy. Nung medyo nawala na ang apoy, kinuha ni patroclus ang suoting pang-digma ni Achilles at siya’y nagpanggap bilang si Achilles. Inatake ng hukbo ng Greece ang hukbo ng Troy at naglaban si Patroclus at si Hector. Si Patroclus ay pinatay ni Hector, at nagulat silang lahat ng malaman na hindi pala siya si Achilles dahil doon tinigil nila ang laban.
Tinuro ni Hector kay Andromache ang lagusan upang maka-alis sa lungsod ng Troy dahil pakiramdam niya ay malapit na ang kanyang kamatayan. Nalaman ni Achilles na namatay si Patroclus kaya’t pumunta siya sa gate ng Troy ng mag-isa at pinagtatawag ang pangalan ni Hector. Kinalaban ni Hector si Achilles at si Hector ay natalo. Tinali ni Achilles si Hector sa kanyang karwahe at kinaladkad niya ito sa harapan ng gate ng Troy at papunta sa kanilang kampo.
Pumasok si Haring Priam sa tolda ni Achilles at hinalikan ang mga kamay ni Achilles. Nagmakaawa siya na ibalik ang katawan ni Hector. Sa huli ay pumayag siya at sinabi pa nito na bibigyan ng Greece ang Troy ng 12 na araw ng kapayapaan. Si Haring Priam ay bumalik na sa lungsod ng Troy kasama si Briseis at ang katawan ni Hector.  
Nakaisip ng plano si Odysseus, naisip niya na gumawa ng malaking kabayong gawa sa kahoy.  Inakala ng Trojans na umalis na ang hukbo ng Greece at kinuha ng mga Trojan ang kabayong iniwan ng greeks dahil inisip nila na ito ay alay ng mga mandirigma ng Greece sa mga diyos. Nagdiwang ang mga tao dahil sa malaking kabayong gawa sa kahoy.
Nung sumapit ang gabi, lumabas ang mga Greek Warriors na nasa loob ng malaking kabayong gawa sa kahoy. Si Achilles na kasama sa loob ng kabayo ay agad na hinanap si Briseis habang ang iba naman ay pinagpapatay-patay ang mga lasing na tulog na mga sundalo at binuksan nila ang pintuan upang makapasok lahat ng Greek Warrior na naghihintay sa labas.
Pagkapasok ng mga Greek Warriors, sinunog nilang ang mga bahay, pinagpapatay nila ang mga sundalo’t mamamayan, at sinugod nila ang palasyo. Sinira-sira nila ang mga statwa at pinagkukuha ang mga yaman sa palasyo. Si Andromache, Helen at iba pang mamamayan ay dumaan sa itinuro ni Hector na daan papalabas ng lungsod ng Troy habang hinahanap ni Paris si Briseis. Pinatay ni Agamemnon si Haring Priam nung ito’y kanyang  makita. Habang si Briseis ay nagdadasal, dumating si Agamemnon, sinaksak ni Briseis si Agamemnon sa leeg at siya’y namatay. Hinuli ng mga mandirigma ng greece si Briseis at iniligtas ni Achilles si Briseis mula sa kanila. Habang tinutulungan ni Achilles na tumayo si Briseis, pinana ni Paris si Achilles sa kanyang “heel” at sinundan ng lima pang pana sa katawan. Bago tuluyang mamatay si Achilles nag-usap at nag-halikan muna sila ni Briseis at sinabihan ito ni Achilles na tumakas na. Pagtapos ng laban, sinunog ni Haring Odysseus ang katawan ni Achilles habang siya’y punung-puno ng respeto para sa kanya.  
IV. Tunggalian
·         Tao laban sa Tao- dahil mayroong digmaan, maraming mga taong lumaban sa kapwa nila tao.
·         Tao laban sa sarili- dahil sa mga nararamdaman ni Ahchilles, kung tutulong ba siya sa digmaan kahit na ayaw niya para lang masulat ang pangalan niya sa historya.
V. Suliranin
•   Sumama si Helen kay Paris patungong Troy, dahilan ng galit ni Menelaus.
•   Nagdeklara si Menelaus at Agamemnon ng digmaan sa Troy.
-     Dahil galit si Menelaus kina Paris at Helen sa pagtakas ni Helen sa Troy.
-     Dahil rin matagal nang gustong sakupin ni Agamemnon ang Troy at naisip niya na ito ang tamang panahon.
•   Ang puwesto ng kababaihan sa lipunan ay mababa. Ginagawa lamang silang alipin at pang-aliw sa mga kalalakihan.
•   Umiikot ang buhay nila sa ayawan at digmaan, hirap na hirap humanap ng kapayapaan.
 VI. Resolusyon
Labindalawang araw makalipas ang pagkamatay ni Hector, nakatanggap sila ng isa raw na “regalo” mula sa mga Greeks. Isa itong malaking kabayong gawa sa kahoy. Lingid sa kanilang kaalaman, isa itong patibong dahil sa loob nito ay punong-puno ng mga mandirigmang naghihintay ng tamang oras para umatake. Sa kalagitnaan ng gabi, sila ay umatake. Sinunog ang mga kabahayan at pinatay ang mga mamamayan. Sa tulong ni Andromache, nakatakas ang iba patungong Bundok Ida. Natapos ang pelikula sa seremonya ng pagkamatay ni Achilles.
 VII. Panauhan
Ikatlong Panauhan - dahil sa pelikula, ang perspektiba ay iba-iba. Hindi lamang tungkol sa iisang tao ang pelikula, tungkol ito sa buhay at karanasan ng iba’t ibang tao gaya ni Paris, Hector, Agamemnon, Achilles, at iba pa.
 VIII. Tema
·         Digmaan - Maraming tao ang nakikipagdigma para sa kanilang nais. Ipinaglalaban nila ang kanilang mga sarili para rin sa kanilang bayan. Papatay sila ng mga tao para lang sa kagalakan nila.
·         Walang hanggang pagmamahal - Mahal na mahal ni Paris si Helen kahit alam niyang ito ay bawal. Ipinaglaban niya ang kaniyang pagmamahal kay Helen kahit buhay pa niya ang kapalit nito. Labis rin ang pagmamahal ni Hector kay Andromache at sa kanyang anak. Pinapahalagahan niya sila at napatunayan niya ito nang ituro ni Hector kung saan sila maaaring tumakas kung sakaling dumating ang panahong sinasakop na ang Troy. Mahal rin ni Achilles ang kanyang pinsang si Patroclus kaya nang namatay ito, nagngingitngit sa galit si Achilles kaya niya pinatay si Hector. (at iba pa)
0 notes