#fil14
Explore tagged Tumblr posts
sillyfestturtle · 1 year ago
Note
Hola buenas, vengo desde la publicación de Valepas en donde le insultaste diciendo que su AU es una basura, copia y p3d#fil14 .. primero que nada ese comentario que hiciste estuvo totalmente fuera de lugar y estupido, que una persona se inspire de una obra no lo convierte en una copia. Segundo- no tienes el derecho de insultar el arte de otros, puedes tener una opinión propia lo cual es excelente pero insultarle NO TENES NINGUN DERECHO- NI TU NI YO. Por último lo acusaste de p3d#0filia por el ship chara x sans, te recuerdo que en LOVEDTALE Sans se enamora de Frisk a una templana edad siendo ella menor de edad y el ya mayor de edad. Con esto solo busco que entiendas que tus comentarios estuvieron horribles y que lo único que haces en quedar mal delante de la gente, no me importa lo que pienses ahora de esto, mejor piensa en las tonterías que dices antes de insultar y atacar 🙂 que tengas buen día.
Calla , usted lo Save mejor cayece
GENODTALE es Kk
0 notes
ka-chow-kween-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media
[1/11]
Matagal na ang produksyong ito ng Disney – ang Winnie the Pooh pero ang isa sa pinakasikat na ipinalabas nila ay ang pelikulang may pamagat na Winnie the Pooh (2011). Ito ay sa pagsulat at direksyon ni Stephen Anderson. Ipinalabas ang pelikulang ito noong ika-15 ng Hulyo 15, 2011. Ang kompanya na gumastos at gumawa nito ay kumita ng $33, 152, 846 nung ipinalabas ito sa ibat-ibang sinehan. Nanalo ito ng “Annie Award for Storyboarding in a Feature Production,” at napili rin na isali sa ibat-ibang kategorya ng parangal sa sining pelikula.
2 notes · View notes
actualbird · 7 years ago
Text
me: okay i still have like 80 pages of readings then i need to start writing like 4 papers and 2 nonfic compositions
brain: what if i made things Bad (tm)
me, whacking at brain: I NEED TO PASS MY CLASSES 
13 notes · View notes
kadilawansihetty-blog · 7 years ago
Text
Sa Sopa Ako Natulog: Forget and Not Slow Down
  Noong mga taon na 2011 o 2012, natutulog ako sa leather lazyboy sopa sa bahay. Mahal naman ako ng mga magulang ko, pero kinailangan ko matulog doon dahil: una, yung kama ko sa taas abot ng mga alikabok galing crawl space (May allergic rhinitis kasi ako); pangalawa, humahanap ako ng kalayaan noon. Natulog ako sa sopa noon dahil gusto ko lang makipaghiwalay sa pamilya ko. Ginusto ko matulog sa sopa para maging malaya, gumagawa ng mga takdang aralin (na hindi kagaya ng bigat ko ngayon bilang Atenista, di kailangan ng inoman para makasulat ng papel noon) at makinig ng musika gamit ng YouTube at ang Corby II ko noon sa gabi. At isang banda naalala ko na minamahal ko sobra noon at hangang ngayon mahal ko pa rin ang musika nila; ang banda na iyan ay yung Christian Rock banda na Reliant K. Sa blog post na ito at aaralin natin ang ikaanim album nila, “Forget and Not Slow Down” particular ang unang kanta sa album na pangalan rin “Forget and Not Slow Down”.
“How many times, Can I push it aside Is it time I befriended all the ghosts of all the things that haunt me most So they leave me alone, Move on with my life Be certain the steps of left and right don't fight the direction of upright”
  Sa unang saknong nakikita natin na may kalungkutan ang mang-aawit, mayroon siyang ginawa na maari natin sabihin na hindi mabuti at gusto niya tanggapin ito nangyari ito. Kung lumayo tayo sa teksto at punta tayo sa lider ng banda at tagapagsulat ng mga kanta, si Matt Thiessen. Sa mga taon na iyan, kakahiwalay pa niya ang kanyang kasintahan si Shannon Murphy sa kadahilan na hindi matapat si Thiessen sa kanya, bagaman hindi sinabi ni Murphy deretahasan na humiwalay silang dalawa. (http://www.mlive.com/news/detroit/index.ssf/2009/07/new_morning_show_host_on_955_w.html)
“Cause I could spend my life just trying to sift through What I could've done better but what good do what ifs do”
  Maari natin sabihin na nagsisisi siya at kung sana gusto niya muling ibalik ang tamis ng pag-ibig nilang dalawa. Kaso, hindi posible ito at nasasayang lamang ang oras niya sa pag iisip kung ano sana dapat ginawa niya noon. Ngunit ayaw niya tumigil dahil lamang dito, ayaw niya na hangang dito lamang siya, gusto niya na matanggal itong bigat para sumulong siya at matuloy siya gumawa ng musika.
“I'd rather forget and not slow down Than gather regret for the things I can't change now If I become what I can't accept Resurrect the saint from within the wretch Pour over me and wash my hands of it”
   Nung sinusulat pa lamang ang album, sa mga unang buwan ng 2009 na pahiwalay si Matt Thiessen sa lipunan para makipaglilim para sa kanyang musika at pwede rin sabihin na naisip niya kung ano dapat niyang gawin sa kanyang buhay dahil hiwalay na siya kay Murphy, at napunta siya sa sagot na umulad na lang siya kaysa malungkot. Sa koro nakikita ito na baka nakikita niya na sa mali siya at gusto niya mapatawad para sa kanyang kasalanan. At ang resulta at sagot niya ay itong kanta at ang album kasama niya.
Tumblr media
0 notes
jejejejemon-blog1 · 8 years ago
Text
Naging Jejemon ka kung..
Aminin na natin, halos lahat ng kabataang dumaan sa 2010-2011 ay dumaan sa ganitong stage. Ika nga ng mga natitira pa, “We Don’t Die, We Multiply.” Naging daan ang pagusbong ng UnliText para mamayagpag ang isang henerasyon ng mga batang kakatwa ang paraan ng pagsulat. Kung noon ay nauso ang pagtanggal ng mga patinig para pumasok sa word count ang ipadadala na text, pilit naman ngayong pinahahaba ang isang normal na salita sa pamamagitan ng paglakip ng kombinasyon ng mga numero, bantas, at mga titik kahit minsan hindi na angkop sa teksto. Halimbawa na lamang, pati ang simpleng “HAHAHA” ay ginagawang “J3j3J3H..,!” Base sa aking sariling naging karanasan at sa mga nakita ko kalaunan, ito ang walong katangian na magpapatunay kung naging isa ka nga bang jejemon.
 1.      Madalas kang magpapalit-palit ng profile picture sa facebook.
Dahil kalulunsad pa lamang ng facebook noong panahong ito, hindi ka magkamayaw sa kapopost ng kung anu-anong bagay tulad na lamang ng 100 selfies mo sa loob ng kwarto. Hindi rin noon user-friendly ang Adobe Photoshop kung kaya’t matiyaga kang pupunta sa website na tinaguriang “Pambansang Photo Editor ng mga Jejemon”—ang Pizap (1).  Mas maraming stickers, mas cool kid ang turing sa iyo ng mga kaibigan mo. Siyempre, hindi mo malilimutan ang paglagay ng sandamakmak filter at ng text na may glowing effect pa. #aesthetic #ahrt
Tumblr media
Kuha mula sa:
https://img.scoop.it/Iqxh04HSyGD7k_1CIkC8Jzl72eJkfbmt4t8yenImKBVvK0kTmF0xjctABnaLJIm9
2. Kapag nagpost ka sa social media, ipapalike mo ito sa mga kaibigan mo.
Kung kulang pa, kadalasan i-memessage mo pa isa-isa ang mga Facebook friends mong hindi mo naman talaga kilala sa totoong buhay. Kahit hindi mo naman talaga kailangan ang likes sa kahit anong patimpalak, mas confident ka kapag maraming pumansin sa status o sa picture mo dahil matuturingan kang “famous.” Kung sinwerte, daig mo pa ang kandidato sa pagpapasalamat. Kung malas, dadating pa sa puntong ikaw lang ang maglalike, magcocomment, at magshashare ng status mo para may pumansin. #ajuju
Tumblr media
Kuha mula sa:
https://cdn.meme.am/cache/instances/folder925/61095925.jpg
 3.   Playlist mo rin noon ang playlist ng mga jeepney drivers.
Para sa iyo, mas kagana-gana ang kantang may beat, kahit minsan mapapaisip ka na lang na hindi naman ito bagay sa mensahe ng kanta. Tuwang-tuwa ka pa noon sa remix ng Dance with my Father, God gave me You at ng kung ano-anong love songs kaya ipinatutugtog mo ito ng full volume kapag kasama mo ang tropa mo. Inaabangan mo rin kung may lalabas na translated na kanta tulad ng mga nakalista rito. Sabi nga ni Rizal, “ang di magmahal sa sariling wika ay daig pa ang amoy ng mabahong isda,” diba? Ito ang sample ng mga soundtrip mo noon: 
https://www.youtube.com/watch?v=yw8BtqA-k2k
 4.  Madalas ka ma-invite sa mga groups na may kakaibang pangalan.
Wow! Sino kaya ang nakaalam na gusto mo pala sumali sa “AnImE LoVeRs”? Dahil marami kang friends na nag-aadmin sa isang facebook group, di maiiwasang mapabilang ka sa kanila. Madalas, ilalagay ka rin nila sa isang group chat na mahilig magrequest ng floodlikes. Sanay ka na rin naman na dito dahil nilalike mo na agad ang mga fan pages basta’t nakakarelate ka sa name ng page. Sa mga grupong ito mo natutunan magpasa ng chain message o magshare upang hindi bisitahin ng duguang babae sa 3:33 ng gabi.
Tumblr media Tumblr media
  5. Kakaiba ang iyong fashion taste
Natry mo na minsan magsuot ng shades kahit nasa loob lamang ng bahay dahil uso ito noon. Hinanap mo pa sa palengke yung may “brand” na Ray-Ban at colored ang frame. Rapper na gangster ang peg mo noon nang mauso kalaunan ang jejecap na ipinapatong lang sa ulo, ang makukulay na bandana, at ipinapartner mo pa ito sa pekeng Havaianas #matchymatchy (2).Kung walang pumigil sayo, malamang sa malamang ay makikita na rin kayo ng mga kamaganak mong nagkalat sa mall o simbahan, nakasuot ng t-shirt na kasya sa dalawang tao at ng medyas na sinadyang hindi pantay. #ootd
Tumblr media
Kuha mula sa: https://i1.wp.com/8list.ph/wp-content/uploads/2015/12/Ready-Na-Ba-Kayo-Simbang-Gabi-SquadGoals-pintro.jpg
Tumblr media
Kuha mula sa: 
https://pbs.twimg.com/media/CWQHTQwUAAALKq-.png
Tumblr media
  Kuha mula sa: https://sifranzaypinoy.files.wordpress.com/2010/05/jejecap.jpg
  6. Hindi mo tinatawag ang mga kakilala mo sa kanilang tunay na pangalan.
Nauso ang callsigns (pagpapalayaw) sa taong ito kung kaya’t lumabas ang malilikhaing utak ng lahat sa kauugnay ng kung anumang matamis na pagkain sa iyong jowa. Siyempre, meron ka ring ilalaan na nickname para sa mga malalapit mong kaibigan. Marami kang pagpipilian katulad na lamang ng
T’hart, Bhe, at Mhine galing kay bizarrelovetechnology (3). Tiyak pag nagmahal ka ng jejemon, di kayo mauubusan ng kilig sa katawan. Saan ka pa? Dahil sa pagpapalayaw na ginawa natin noong 2010s, hindi ka na siguro nagtataka ngayon kung bakit “beshie” ang nauusong term of endearment ng mga millenials ngayon.  
Tumblr media
Kuha mula sa:
https://twitter.com/ohmygeezandyy/status/594828187516809216?lang=en
 7.       Hindi mo ginagamit ang normal na keyboard sa pagtatype.
Ano naman? Wala namang nagsabing bawal gamitin ang 3 kapalit ng E o ang 4 kapalit ng A, hindi ba? (Maliban na lamang kung nasa pormal kang pagsusulat). Naniniwala ka noon na mas mahaba ang isang salita, mas cool at mahirap unawaan. Paminsan rin ay nakaliligtaan mong isama sa bigkas ang ibang letra, katulad na lamang ng “Hello po” na nagiging “3oWh PfOuhsZx”.  . Kung pahabaan ang labanan sa essay writing contest, tiyak mangunguna ka at mapupudpod na ang keyboard mo sa katatype ng x, z, at s kung gagamit ka ng estilong ito.
Tumblr media
 Kuha mula sa:
http://1.bp.blogspot.com/_vDVb0TXt698/S_t7kPoTGFI/AAAAAAAABhw/_I39urAR8TU/s1600/jejemon+keyboard.jpg
 8. Binura o nilagay mo sa private ang mga post mo bago mag 2011.
Dahil ayaw mong makita ng mga bago mong kaibigan kung gaano ka kajologs noon, pilit mong ibinabaon sa limot ang mga pinaggagawa mo sa social media. Matatawa ka na lang sa sarili mo at sa katotohanang naging parte ka nila minsan, at magpapasalamat na natuto kang bumangon sa iyong pagkakamali. Sumali ka rin noon sa mga jejebusters page upang ipakita na kinaiinisan mo na ang isang bagay na noon mong tinangkilik.  Bagaman nabura mo na ang karamihan sa mga status mong puro quotes, lumalabas pa rin paminsan-minsan ang taglay mong ka-jejehan. Dito mo napatunayang may kaunting katotohanan sa kasabihang “We Don’t Die, We Multiply.” #Mayforever #ForeverTayongJejemon
Tumblr media
Kuha mula sa http://4.bp.blogspot.com/-vNRRVt3mfks/TV9pUIcEicI/AAAAAAAAAEA/kElOuKK09v0/s1600/jejemon.jpg
 Ano, ilan ang nakuha mo? 
1-2 
Weh! Bawal mandaya! Liars go to hell, diba? Sagutan mo ulit! 
2-5 
Moderate jejemon ka. Ibig sabihin napigilan ka ng maaga pero sumusulpot sulpot pa rin yan! 
5-7 
Severe na ang pagkajejemon mo. Irreversible na yan, hala ka. 
Perfect 8! 
Isa kang ganap na full-pledged jejemon! Mabuhay ka, besh! huWaQ k LnG  G4n2 m@q-tYp3 kp4G $zAh P4p3rZS muH s@ $cH00L okHI3???
0 notes
pinoygagamboy-blog · 7 years ago
Text
Pag-ukit ng Pagkabukas
 Noong mga unang buwan ng taong 2007, sumikat ang isa sa pinakamatagumpay na album ni Michael V: ang Bubble G Anthology. Personal niyang isinulat ang mga kantang parodya sa mga sikat na kanta tulad ng Narda ng Kamikazee na naging bahagi ng kabataan ng aking henerasyon at ang Ikaw Nga ng kilalang R&B band na South Border. Ibinili ng aking tatay ang buong album at nagustuhan namin itong magkakapatid, sapagkat lumaki kaming nanunuod ng Bubble Gang tuwing biyernes at naroon kami sa antas ng pagkilala sa kanilang mga biro.
Tumblr media
Isinalin mula sa: http://www.allmusic.com/album/the-bubble-g-anthology-mw0001680410
May iisang kantang orihinal na walang batayang sikat na kanta — ang Hindi Ako Bakla. Kakaiba at makabagong aliw ang inihatid ng music video nito, dahil maaaring tangkilikin ito bilang isang palatandaan o panandang-bato sa kontemporaryong lipunang umuusad sa mas malay at mas bukas na pangangatwiran1. Nakikita sa daloy ng palabas ang paunti-unting paglalantad ng katotohanan ni Michael V, at isinasalamin nito ang paraan ng pag-iisip hindi lamang ng mga nais maglantad ng katotohanan noon, kundi ng karamihan sa lipunan na mas piniling tanggapin ang tunay na katauhan ng mga taong ito.
Malinaw na inilabas itong kanta sa panahong nasa kalagitnaan ng pagbabago ang lipunan. Mas mainam na panandaling umatras habang sinasabayan ang pagdaloy ng mensahe ng kanta upang makita ang konteksto kung bakit inilalarawan nito ang paraan ng pag-iisip sa mga naunang panahon na nagbubukas pa lamang sa ideya ng homosekswal.
Tumblr media Tumblr media
Sa kanyang Iliad, inilarawan ng Grekong manunulat na si Homer si Ganymede bilang ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa ng mga mortal. Kinakailangan raw ng mga diyos na humiling kay Zeus ng pagkakataong maging kasapi ng mga mortal para lamang makasama ang pinakamagandang uri ng lalaki2. Bumaba si Zeus sa kalangitan upang dukutin si Ganymede nang nag-aanyong ibon. Napaghinalaang bakla si Homer mula sa mga sandaling iyon, kung saan halimbawa siya ng mga baklang manunulat sa sinaunang panahon. Sinabi naman ng ibang mga henyo tulad ni Ovid na ang relasyon ni Ganymede kay Zeus ang sumasalamin sa mga relasyon ng nakatatanda at batang mga lalaki noong unang panahon. Laganap at kaakit-akit ang ganitong ugnayan noon.
Tumblr media
Sa gayon, matagal nang katanggap-tanggap ang ugnayang bakla sa ibang mga kultura. Ngunit interesante sa simula ng kanta ang pag-aalanganin ng personang [si Michael V] aminin na bakla siya. Ayon kay J. Neil Garcia, natuwa ang mga bumisita sa ating bansa noong panahon ng Espanyol sa pagtanaw ng mga lalaking nakasuot-dalaga (cross dressing sa modernong termino) na pakalat-kalat sa lansangan3. Agad niya itong itiniwalag, sapagkat nakaugat ang pagkontra ng kabaklaan sa impluwensyang kolonyal. Kahit mayroong mga bakla sa lipunan noon, bunga ng pagiging sinaunang Katoliko at pangangatwirang Espanyol ang pagkontra sa kanila. Nakabatay sa iyong uri sa lipunan at kayamanan ang kakayahang magsuot ng hindi angkop sa tradisyunal na “panlalaki” sa pampublikong lugar4.
Tumblr media
Isinalin mula sa Male Homosexuality in the Philippines: A Short History ni J. Neil Garcia. 
Tumblr media
Kasabay ng pagpasok ng Espanyol ang kanilang kultura, ang kulturang pinahahalagahan ang mga lalaki at hindi ang mga babae. Kung nais mong maging babae sa mundo ng mga lalaki, mistulang baliw at malabo ang iyong pangangatwiran. Hindi lumayo ang pagsabi ng mga naunang Katoliko sa bansa na kinakailangang sundan ang angkop na kaayusan ng ating pangangatawan, datapwa’t biyaya ito sa atin ng Maykapal. Kasalanan ang hindi sumunod sa ayos na hinihingi Niya. Ang mga impluwensyang ito ang maaaring pumatnubay sa modernong pagtingin sa mga bakla, ngunit sa mas taimtim at mas bukas nang paraan. Dinadala tayo nito sa pag-iisip ni Michael V.
Tumblr media Tumblr media
Para sa akin, si Michael V. ang salamin ng pag-iisip na sa likod ng lahat ng batikos sa mga bakla, kinakailangan nang magbago ng lipunan at tanggapin sila. Maaaring sinasalamin nito ang pagpapalakas ng maraming mga grupo tulad ng UP Babalyan at iba’t ibang samahang LGBT sa bansa upang tangkilikin ang laban sa kanilang pagsasantabi5. Inukit ng ating kasaysayan ang pag-aalinlangan sa pagtanggap o paglabas ng mga bakla. Maihahalintulad ito sa pag-usbong rin ng peminismo kung saan paunti-unting napalitan ang pangangatwiran na may nakatataas na uri ng tao sa lipunan6. Tulad ng nasabi na, hindi ito kasimbagsik ng labang peminismo, sapagkat madaling tinanggap ng ating lipunan ang kabaklaan. Sa kabuuan, ang pag-iisip na gumagalaw ang kasaysayan at dapat nang tanggapin ang bakla ang kasalukuyang kasaysayan noong inilabas ito ni Michael V.
Tumblr media Tumblr media
Isa akong batang lumaki sa pamilyang mahilig mambiro ukol sa bakla. Madalas inuulit-ulit ng aking inay at lola ang kwento ng batang lalaki na iminumudmod ng kanyang tatay sa timba hanggang napahiyaw na sirena daw siya at hindi bakla. Dagdag pa dito ang aking paglaki sa paaralang lalaki lamang ang pumapasok — araw-araw kong naranasan ang pang-aasar sa mga kaklaseng mas sensitibo at mas mabilis maiyak ng ibang mga kaklase tuwing nagkakaroon ng away o pikunan. Dahil sa mga bahaging ito ng aking personal na kasaysayan ako bumuo ng katwiran na dapat akong tumigas at sumunod sa “tradisyunal” na imahen ng kalalakihan. Naging paalala ko ang kanta ni Michael V sa katotohanang nagpapalit na ang lipunan, at bunga nito ang aking pagsasakongkreto na hindi kasamaan ang pagiging bakla. Tunay na pagkabukas sa daloy ng kasaysayan at pagbabago ang ugat nito sa ngayon, lalo na sa lipunang tumitingin na sa makabuluhang Pride March. Gamit ang kulturang popular at kamalayan sa kasaysayan ng bakla, umukit ito ng mas makabuluhang pagkabukas sa kanilang pag-iral sa lipunan.
Tumblr media
Sanggunian: 
1Rodriguez, Agustin Martin G. May Laro Ang Diskurso Ng Katarungan. 1st ed., Quezon City: Ateneo De Manila University Press, 2014.
2Brill, Rebecca. "The Evolution Of The Great Gay Novel". Literary Hub, 2015, http://lithub.com/the-evolution-of-the-great-gay-novel/.
3Garcia, J Neil. "Male Homosexuality In The Philippines: A Short History". IIAS Asia, 2004, http://www.iias.asia/sites/default/files/IIAS_NL35_13.pdf.
4Ibid. 
5Revadulla, Monica. "Library Research Paper On Homosexuality In The Philippines". Academia.Edu, https://www.academia.edu/5416852/Library_Research_Paper_on_Homosexuality_in_the_Philippines.
6Rampton, Martha. "Four Waves Of Feminism". Pacificu.Edu, 2015, https://www.pacificu.edu/about-us/news-events/four-waves-feminism.
7"Michael V - Hindi Ako Bakla". Youtube, 2007, https://www.youtube.com/watch?v=UNyN7s-KC70.
0 notes
forfaitmobile · 8 years ago
Link
SFR riposte à l'offre de Free Mobile, avec un forfait "Red" enrichi - Boursier.com
0 notes
donewiththehype · 8 years ago
Text
Paano Kapag Naging Palabas Ang Dalawang Halimaw ni Mars Ravelo?
Si Valentina at si Dyesebel. Dalawang Halimaw, dalawang kuwento, dalawang tao. Dahil sa kanilang diperensya, kinakatakutan sila ng karaniwan. Iyon ang pagkakapereho nila. Ang iba lang sa kuwento nila, maliban sa tagpuan syempre, ay ang kanilang pagkatao. Si Dyesebel ang bida sa kuwento niya. Si Valentina naman ang kalaban ni Darna, ang bayani sa komik ni Mars Ravelo.
Tumblr media Tumblr media
[mga imahe galing sa: http://video48.blogspot.com]
Noong nalaman ko ang mga pinanggalingan nila, lalo na si Valentina, naisip ko na maganda sana gawing teleserye o kaya pelikula ang mga pinanggalingan ng dalawang halimaw na ito.
Maleficent ang una kong naisip na palabas, ang kwento ng nagpatulog kay Sleeping Beauty. Nagawa ng Disney na gawing bida ang kontrabida sa istorya na alam ng halos lahat. Ipinakita ang pinanggalingan ni Maleficent, kung bakit naging masama siya sa mga tao sa bayan. Nagustuhan ng mga kritiko ang pelikula na ito kasi nagbigay ito ng bagong perspektibo sa kuwento ng kontrabida sa Sleeping Beauty. Paano kaya kapag ginawa rin ito kay Valentina? Paano kapag ipinakita sa isang makapupukaw na larawan, na may kasing tindi na direksyon ng Heneral Luna o kaya Game of Thrones, ang mga matinding pinagdaanan ni Valentina? Nakakaiyak at napakagandang “season finale” siguro ang kuwento ni Valentina kung magwawakas ito sa kanyang kamatayan.
Tumblr media
[imahe ay galing sa: mydollyaviana.tumblr.com%2Fpost%2F98366526866%2Fdisneyismyescape-carry-on-until-its-gone&psig=AFQjCNG3bpxqWr8sp5g7zMgYGz54YqUZfg&ust=1467883021986652]
Ginanap ang aralin namin sa dalawang halimaw ni Mars Ravelo noong unang araw ng Hulyo sa FIL14 kasama si Gg. Edgar C. Samar, magkalapit lang sa oras ng paglabas ng ika-anim na season ng paborito kong palabas sa telebisyon, ang Game of Thrones. Napaisip na rin ako na maganda sigurong palabas kapag nasa isang daigdig sila Dyesebel at Valentina. Dalawang pangunahing tauhan na magkalayo, pero makikita ng manonood ang pagkakapareho nila. Nagawa ito ng Game of Thrones kay Jon Snow at Daenerys Targaryen (Na ayun pala ayon sa huling kabanata, magkapamilya sila.... tatlong taon na ako umaasa sa teorya na iyon buti naman totoo pala!!).
Tumblr media Tumblr media
[mga imahe galing sa: awoiaf.westeros.org]
Makikita sa dalawang larawan sa itaas ang dalawang hawig na ginawa ng Game of Thrones kay Dany at Jon. Dalawang magkaibang sitwasyon syempre, si Jon ay halos mamamatay na, tapos si Daenerys naman ay nagsasaya sa dami ng kanyang mga tao. Ginawa ito ng Game of Thrones kasi silang dalawa ang may importanteng papel sa kinabukasan ng mundo nila. Si Daenerys ang may pinakamaraming kapangyarihan sa Westeros dahil sa kanyang mga dragon, at si Jon naman ang “Song of Ice and Fire”, anak ng isang Targaryen at isang Stark, at siguro siya nga ang tunay na eredor ng mundo nila. Ang dalawang eksena na ito ay nagbigay ng diin sa dalawang tauhan na ito. Paano kapag ginawa rin ito sa dalawang importanteng eksena sa buhay nila Valentina at Dyesebel? Ang naisip ko na eksena kay Valentina na bigyan ng ganitong diin ay ang pagpuri ng mga tao sa kanya noong nag-akala ang masa na nagbibigay ng himala si Valentina. Maaari pa nga na halos similar ang eksena nila ni Daenerys. Kay Dyesebel naman, ang magandang eksena na gamitin ay ang kanyang pagkabilanggo sa isang akwaryum, habang nanonood at naaaliw ang mga tao sa kanya. Dalawang magkaibang sitwasyon, parang sila Jon at Daenerys ng Game of Thrones. Yung isa natutuwa, yung isa nagdudusa. Makikita sa dalawang eksena na iyon ang pinagdadaanan ng dalawang halimaw dahil sa kanilang katangian.
Tumblr media
[mga imahe galing sa: http://video48.blogspot.com/2014/03/mars-ravelos-dyesebel-1952-53-revisited_31.html?m=1 at http://video48.blogspot.com/2012/08/darna-1950-revisited-ika-12-na-labas.html?m=1]
Kung sino man ang may kasanayan sa pagsusulat o may koneksyon sa ABS-CBN, sana makarating rin sa kanila ang ideya na ito. Kahit na mga tauhan lamang sila Valentina at Dyesebel sa komiks, maraming matututunan sa mga istorya nila na makakalawak ng kaisipan natin bilang tao. Ang pag-alis nila sa kanilang mga katangian na nakakaiba, ganon ba kalala ang kailangan nila gawin para maging masaya? Ang alisin ang nakakaiba nilang katangian dahil hindi sila tatanggapin ng masa? Ang mga magagandang palabas ngayon na hilig ng mga tao ay ang mga may matindi o “vivid” na senaryo. Game of Thrones, Suits, Heneral Luna, Daredevil, Orange is the New Black, ang mga iba’t-ibang Indie Film sa Cannes. Siguro ang MTRCB lang ang magiging kaabalahan sa pagsimula nito. May mga istorya na ginagawa ang mga mahuhusay na Pilipinong manunulat na kasing ganda lang (minsan mas maganda pa nga) ng istoryang A Song of Ice and Fire ni George RR Martin o kaya Harry Potter ni J.K. Rowling. Sa sikat ng mga bagong teknolohiya ngayon, makakatulong ang telebisyon sa pagunlad ng panitikan ng Filipinas.
0 notes
fyhww · 8 years ago
Text
Ipinalabas ni Kanye West kanina ang music video para sa kanyang kantang “Famous.” Makikita dito ang wax figures nila George Bush, Anna Wintour, Donald Trump, Rihanna, Chris Brown, Taylor Swift, Kanye West, Kim Kardashian, Ray J, Amber Rose, Caitlyn Jenner, at Bill Cosby na tabi-tabing natutulog sa isang kama. Kinuha ni Kanye West ang Sleep ni Vincent Desiderio bilang inspirasyon para dito.
Screenshot mula sa music video ni Kanye West:
Tumblr media
Sleep ni Desiderio:
Tumblr media
Iba’t ibang reaksyon ang nakita ko sa Twitter tungkol dito. Trending pa nga siya sa Twitter.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ito naman ang sinabi ni Chris Brown, isa sa mga kasama sa video tungkol dito:
Tumblr media
Dahil puro sikat ang mga taong ipinakita sa video, naalala ko ang pinagusapan namin sa klase tungkol sa popular na kultura bilang bagong mito. Sa libro ni Rolan Barthes na Mythologies, ang mga artistang nakikita natin sa telebisyon at pelikula ang bersyon natin sa mga Greek Gods dahil ipinapakita nila ang mahalaga para sa isang lipunan. Lahat ng mga taong nasa kanyang video ay nagsilbing impluwensya para sa mga taong sumusubaybay sa kanila.
Sa kabila ng pagiging mito para sa isang lipunan o grupo, ipinakita sila ni Kanye West sa kanilang “vulnerable” at tahimik na kalagayan. Sila’y natutulog. Inilarawan ni Dirk Standen ang music video sa kanyang isinulat para sa Vanity Fair : "What we see […] is a moody, quasi-religious tableau of naked, vulnerable, strangely peaceful bodies at rest. Under the sheets, West seems to be saying, celebrities are just like us.”
Dito ay posibleng binibigyan tayo ng mensahe ni Kanye West tungkol sa kung ano ang mahalaga para sa isang tao o lipunan sa kasalukuyan. Ang mga artista na itinuturing natin bilang mito, tulad ng mga taong ipinakita niya sa kanyang music video, ay sa huli, tao nga lang din.
0 notes
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
KATIPUNAN 2015: Isang Paglalapat
Noong nakaraang linggo, naglibot ako sa bahagi ng Katipunan na malapit sa Ateneo at sa aking bahay at kumuha ng mga larawan sa aking cellphone. Matagal ko nang pinag-iisipan ang pagkalitaw ng kahirapan at walang-kaayusan sa kalye kung saan ako lumaki (katulad ni Tom na laking-Cubao). Marami akong natantong pagkakapareho sa paglarawan ni Tom ng Cubao sa kinalakihan kong Katipunan, kaya't naisip kong gumawa ng isang maikling photo essay na nagpapakita ng mga pararelismo sa kuwento ni Tom sa Cubao 1980 (Tony Perez) at sa situwasiyon ng Katipunan sa panahon ngayon. Ito ang aking pagtangkang paglapatin ang dalawang magkaiba, ngunit medyo parehong tagpo.
Lahat ng mga imahen ay personal kong kinuha gamit ang aking cellphone, at ang mga kapsiyon ay diretsong nanggagaling sa teksto ng Cubao 1980. Kinuha ang mga larawan sa Katipunan, at ang mga interseksiyon ng kalyeng ito sa Esteban Abada, Xavierville, at Aurora noong 2-4 Hulyo 2015.
0 notes
ka-chow-kween-blog · 7 years ago
Link
0 notes
actualbird · 7 years ago
Text
writing papers for fil14 reminds me im a dumbass in both english and tagalog. GuessI’llFailThisClass.jpg 
11 notes · View notes
villafanyeh · 9 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
“Mga Mukha ni Palaruman”
0 notes
jejejejemon-blog1 · 8 years ago
Text
“W3 D0n’T d!E w3 mUlTh1pLY..,”:  KuLThUrAnQ P0pUL4R s4 @w1TinG “J3j3m0N” N! bHoxzscx Blankspace
          “Jejemon jejemon, ‘yan ang in na in ngayon,” sa liriko pa lamang, mahihinuha na agad ng mga Pilipinong tagapakinig ang pamagat ng kantang tumutugtog sa kasalukuyan (kung sakali mang hindi pa niya ‘to napapatay sa inis). Walang bahid ng “pagkaseryoso” ang kanta (maliban na lang sa implikasyon ng pagiging opisyal nitong music video) kung kaya’t mahihirapan ang isang tao na makita ito bilang isang historikal na dokumento. Hindi naman ito katulad ng mga librong napupuspos sa petsa at pangngalan ng kilalang tao; mas angkop pa ngang sabihin na paraan ito ng pag-aliw sa tagapakinig, gaya na lamang ng mga kantang “Banana” at “Jejecall at Jejetext” na siya rin mismo ang gumawa. Gayunpaman, kung matapat na susundin ng pamantayang inilatag ni Resil B. Mojares sa “History in the text”, nagiging malaman at hitik sa impormasyon ang tatlong minuto ng kanta. Maaari rin nating masilip ang mga kamalayan ng mga Pilipino noong taong 2011 (na minsan nadadala rin natin hanggang ngayon). Sa pamamagitan ng paghimay sa kantang “Jejemon” ni Blanktape sa pamamagitan ng pagiging tagapag-udyok nito ng paglikha, matutuklasan ng mambabasa o tagapakinig na may impormasyon ditong kasinghitik at kasinglehitimo ng mga teksto sa silid aklatan.
          “Ako’y may konting sasabihin sa jejemon identity,” ika ni Blanktape sa pambungad ng nasabing kanta. Kapansin-pansin ang pagtangi niya sa grupong ito bilang mga taong may sariling pagkakakilanlan. Kung itutuloy ang kanta, ilalarawan niya ang mga jejemon na “so arte” magtext kaya mahirap basahin. Ito ang pangunahing katangian na nagbigay daan upang mabuo ang terminong jejemon: sa pamamagitan ng kombinasyon ng “jeje” (na di umano’y makabagong paraan ng pagtawa nila sa text messages) at ng “pokemon” (kung saan ang “mon” na bahagi ay pinaikli lamang na “monster”) (1). Dahil sa pamamayagpag nito, itinanghal pang Word of the year sa Sawikaan 2010 ang salitang jejemon. Ika nga ni Rolando Tolentino, “[Ipinahihiwatig ng pagkaluklok ng salitang ito na] may pagkilala pala rito sa phenomenon na napakalaganap sa new media” (1). 
Tumblr media
Kuha mula sa: https://www.facebook.com/GottaKillEm/photos/a.155722484446003.33982.136548713030047/449418661743049/?type=1&theater
Tumblr media
Kuha mula sa: http://images.plurk.com/3237932_a733d5da1c081e5d1e9cfbe98171a5c1.jpg
“Jejemon tawag sa person na may phone na kapag nagtext, [ay mahirap basahin].” Bunga rin ang jejemon ng pagiging katanggap-tanggap ng salitang TagLish (Tagalog at English) sa kumbersasyunal na wika na lalong pinaigting ng pagusbong ng teknolohiya (2). Wala naman noong mga liham na pilit pinahahaba ang baybay ng mga salita; sa katunayan nga, lalo pa itong pinaiikli noon sa mga telegraphs (3) para makatipid (dahil bayad ang bawat letrang gagamitin mo noon). Kung hahanapin ang mga dahilan sa likod ng pagpapahahaba ng mga jejemon ang kanilang mga mensahe, maaring ipalagay ring kadahilanan ang pagkakaroon ng short messaging service functions sa cellphone kasabay ng pagkakaroon ng opsyon na unlimited texts (4). Samakatuwid, ipinapakahulugan ng konteksto sa kanta ni Blanktape na ang panahon ng mga jejemon ay panahon rin ng dagliang modernisasyon, kasabay ng mabilis na paghahabol ng lipunan (na binubuo halos ng mga kabataan) sa kung anuman ang “in” sa kasalukuyan sa sarili nilang malikhaing paraan. Taliwas ito sa henerasyon ngayon na nagmamadali at mas pinipili ang “instant.”[1] Kalaunan, hindi lamang sa mga text messages namayagpag ang mga jejemon kundi pati na rin sa facebook at friendster, na siyang naging dahilan upang mabuo ang sari-saring fanpages na tumatalima dito.
Tumblr media
Kuha mula sa: https://farm7.staticflickr.com/6190/6105781773_9e073654a5.jpg
Tumblr media
“Kaya pag nagtext ka, i-double check mo na. Baka di mo nanonotice na jejemon ka na,” dagdag ni Blanktape sa kanyang rap. Sa tono ng kanyang pananalita, malayo sa deskripsyon ng modelo ng mga kabataan ang tingin niya sa isang jejemon. Pareho naman ang sentimyento ng mga tinaguriang jejebusters sa kanila, na inihahalintulad pa sila sa zombies. Pangunahing dahilan ng kanilang inis? Ang masalimuot na pagbabasa ng mga karakter na lalong nagpapahirap sa paraan nila ng komunikasyon. Kung pagbabasehan ang larawan sa ibaba, pakutya ang ginagawa ng mga jejebusters sa pagtuligsa sa mga jejemon. Ipinakikita dito na ang lipunang kinagagalawan noong 2011 ay agresibo at hindi gaanong bukas sa malayang diskurso, kaya’t nagiging pangunahing biktima ang mga jejemon.  Isang respondent ng sosyolohikal na pag-aaral ukol sa Internet trolling ang nagpaliwanag kung bakit tampulan ng tukso ang mga jejemon (5):
‘"First, they are absurd. Second, they often act in a manner that is absurd and they look the part too. I think humans are big on first impressions, not to mention there is a lack of understanding about them. Why do they dress like that? Why do they talk like that? They go against social norms. Think about the mushroom as a phallic object. I think it's the same case with Jejemons. They're ridiculous, they get trolled. I think everything that we think is absurd is just a distortion of what is proper."
Ang mga komento ng mga jejebusters, (na siya ring magsisilang sa tinatawag na “trolls” sa kasalukuyan), ay dumedepende sa mapanakit at mapanirang pahayag upang magbigay aliw sa maliit nilang komunidad online. Tunay ngang sa taong 2011 nagkaroon ng “age of rage” (6) hindi lang sa ibang bahagi ng mundo kundi maging mismo sa Pilipinas.
Tumblr media
Kuha mula sa: https://www.facebook.com/119927734706531/photos/a.150306758335295.30790.119927734706531/119927808039857/?type=1&theater
           “It doesn’t matter poor or rich basta meron you pangtext,” sabi ni Blanktape sa isa sa mga berso ng awit. Ngunit dahil sa paglabas ng sari-saring batikos sa mga jejemon, natutunan ng mga Pilipino kung gaano ito nakasisira sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pormal na Filipino. Nabahala pa nga ang noong DepEd Secretary na si Mona Valisno at binalaan ang mga estudyante na gumamit ng tamang baybay sa text messages: “Nagkakaroon ng deterioration kaya ang pagte-text dini-discourage ang di tama na spelling” (7). Kasabay nito, kumalat rin ang imahe ng noong kumakandidato sa pagkapangulo na si Gilbert Teodoro ukol sa kanyang pagtingin sa mga jejemons:
Tumblr media
Kuha mula sa: http://3.bp.blogspot.com/_UUA1Syr3LZc/S9mCBbFaJiI/AAAAAAAACx0/58scNwK5Qs4/s1600/jejemon.jpg
Lumalabas tuloy na ang katumbas ng pagiging jejemon ay kawalan ng pinag-aralan, taliwas sa opinyon ni Blankspace na bukas ito sa lahat. Naiuugnay na ngayon bigla ang kombinasyon ng alphanumeric characters bilang trademark ng populasyon mula sa mababang antas. Ito na rin marahil ang dahilan kung bakit naipagkakabit ng iba ang salitang “squatter” at “jeje” sa paglarawan ng isang bagay na hindi kaaya-aya sa paningin. Taliwas ito sa kontekstong nakakabit sa Leet Speak, isa pang uri ng pagsusulat gamit ang simbolo at numero. Kung ang jejemon ay para sa mga walang alam, ang Leet Speak naman ay wika ng mga batikang programmers at hackers ng computer. Mas malapit ang “Leet” sa salitang elite; at karaniwang ring ginagamit ang salitang ito bilang pang-uri na nangangahulugang “bihasa” o “experto” (8). Dahil ginamit ito ng marami sa loob ng Pilipinas, marahil nawala ang superior na dapat sana’y katangian nito. Maihahalintulad dito ang nangyari sa Latin na noon ay tinaguriang “sacred language” ngunit unti-unting nawala sa paglipas ng panahon (9). Ipinakikita naman dito na ang lipunan sa Pilipinas particular ay discriminatory sa mga mahihirap sapagkat kanilang itinataboy ang isang subkulturang siya nang umiimbita sa kaila.
Bilang pagwawakas, natutuklasan na malaki ang bahaging ginagampanan ng lipunan (na kinabibilangan nating lahat) sa pagbuo ng kasaysayan. Kaya nitong gawing makamasa ang isang exklusibong bagay. Sa parehong paraan, nabubuo ang identidad ng mga makabagong Pilipino bilang isang komunidad na progresibo at minsa’y agresibo’t mapanghusga, malay man tayo o hindi sa kasaysayang ating hinuhubog at kinabibilangan. Dahil sa mga pagbabagong ito, napunan natin nililikhang void ng “homogenous empty time,” at napagtatangi natin ang kahapon, ngayon at ang bukas. Sa pamamagitan ng pagtangkilik (o pagtalima dito) nagiging bahagi tayo ng kasaysayan.
 Footnote:
[1] Pinatunayan ito ng pagkakalikha ng Vines at Tweets na sinadyang makonsumo sa mabilis na oras lamang. Ibang Sanggunian (maliban sa CUltural Roots at History in the Text: (2) Alred, Brusaw, and Oliu. Handbook of Technical Writing, Seventh Edition. New York, New York: St. Martins Press, 2003., p.522
(3) Tales from the 7,000 Isles: Filipino Folk Stories: Filipino Folk Stories.
(5) Rogue Cops Among Rogues: Trolls and Trolling in Social Networking SitesAuthor(s): MARIA CORINNA PRISCILA D. ESCARTIN Source: Philippine Sociological Review, Vol. 63 (2015), pp. 169-190
0 notes
joshmacphotography · 10 years ago
Photo
Tumblr media
Narcogobierno #yamecansé #fil14 #guadalajara #jalisco #mexico #press #photography
3 notes · View notes
donewiththehype · 8 years ago
Text
Ang Kasabihan ni Heraclitus at Ang Mag-aaral
“No man ever steps in the same river twice, for it’s not the same river and he’s not the same man.” -Heraclitus
Naaalala ko ang mga nakita ko sa balita dati tungkol sa mga bata na nahihirapan sa biyahe papuntang paaralan. Ang mga bata na taga-bundok na kailangan pang sumabit sa lubid para lang makarating sa kabilang dulo.
Tumblr media
Malaki ang respeto ko sa mga batang ganon. Tuwing pasukan man o uwian, sabay pa sa pag-aaral, ito ang kahirapan na nararanasan nila. Siguro sa unang araw ng pasukan nila, malaki ang kanilang takot. Kinakabahan na nga sila sa pagkakakilala sa mga bagong tao, nakakatakot pa ang posibilidad na mahulog sila sa ilog. Pero ayon nga sa sinabi ni Heraclitus, hindi maaaring tawiran ang similar na ilog na natawid na. Sanay na at mas matapang na ang bata. Bilang estudyante sa kolehiyo, iba ang “ilog” na nararanasan ko araw-araw. Kailangan ang matinding pag-aaral at dedikasyon sa Ateneo, at kung papresko-presko ako ng kahit kaunti, maaaring madulas ako sa kinakapitan ko pahulog sa aking pagbagsak. Mga sorpresang pagsusulit man o biglaang dagdag na “org work”, siguro kung hindi ko binago ang ugali ko bilang mag-aaral, tumatawid pa rin ako sa parehong ilog na dapat natawiran ko na.
Siguro sa asignaturang Pilosopiya ko pa matutununan ang mga iba pang nais na ipahiwatig ni Heraclitus, pero naiintindihan ko naman na sa lahat ng mga pinagdadaanan natin, marami rin tayong natututunan para magbago ang ating pagkatao. Kahit pangalawang taon ko na bilang estudyante sa kolehiyo, marami pa akong kailangan matutunan bago ako bago ako makapunta sa aking destinasyon o pangarap, ang maging “magis” na mag-aaral sa aking unibersidad.
Tumblr media
0 notes