#Pagsasanay
Explore tagged Tumblr posts
Text
Bagong Simula, Isang Binhi ng Pag-asa
Ni Martha Caasi | Nobyembre 9, 2024
Bagong taon, bagong mga mukha, gaya ng mga munting binhi na handang umusbong, puno ng pag-asa at posibilidad. Nagsisimulang mag-ugat, magtaglay ng pangarap, at handang magbigay-buhay sa bagong simula.
Bawat taon, may mga bagong estudyante na humahakbang mula elementarya patungong high school. Kilalanin natin si Josel Angeleen 'Jeleen' Apdian, isa sa mga estudyanteng humakbang patungo sa high school ngayong akademikong taon 2024-2025 sa UPIS.
Isang student-athlete at student-leader, tinatanggap ni Jeleen ang mga bagong responsibilidad sa simula ng kanyang paglalakbay sa high school. Kasama sa kanyang mga tagumpay ang pagiging dancer ng UPIS Pep Squad at ang pagkapanalo bilang Secretary ng Freshman Association. Binabalanse niya ang kanyang mga tungkulin bilang Secretary habang patuloy na nagpapakita ng husay sa kanyang piniling sport.
Student Jeleen: Hakbang sa Bagong Lupa
Sa laki ng gusali at dami ng silid-aralan, hindi ka ba maliligaw?
Bilang bagong estudyante na humakbang mula elementarya, hindi naiwasan ni Jeleen ang kaba at excitement sa unang araw ng pasukan. Bagamat bago siya sa gusali ng UPIS High School na puno ng mga bagong pook at daan, hindi naiwasan ni Jeleen at ang kanyang mga kaibigan na maligaw. Sa bagong kapaligiran, natural lang na mag-alinlangan at magtanong sa sarili kung paano nila maaabot ang kanilang destinasyon sa tamang oras.
Ngunit, tulad ng isang binhi, hindi niya kayang tumubo kung walang patak ng pagkakamali at pagkakatuto. Kwento niya, sadyang hindi niya makakalimutan ang karanasang ito sapagkat maliban sa natutunan niya kung paano maglakbay sa napakalaking gusali na ito, napagtanto rin niya kung gaano kahalaga ang kanyang mga kaibigan sa kanyang buhay. Sila ang kasama niya sa mahihirap na sandali, at malaki ang epekto ng kanilang suporta sa pagbibigay gabay at lakas.
“The main thing that helps me adjust in this is the people around me,” aniya. Tinukoy niyang hindi siya nag-iisa sa kanyang paglalakbay, binibigyang-diin ang personal na pasasalamat sa suporta mula sa mga tao sa kanyang paligid. Habang inaangkop niya ang kanyang sarili sa bagong kapaligiran at gusali, alam niya na palagi niyang maaasahan ang kanyang mga kaibigan at pamilya na magbigay ng gabay at tumulong sa kanya upang makagawa ng mga tamang desisyon.
Student-Athlete Jeleen: Pagsasanib ng Pamilyar at ‘Di-Pamilyar
Isang munting binhing patuloy na tumutubo, nabibigyan ng maraming pagkakataon upang magtagumpay at umusbong. Pinili niyang magpatuloy sa kabila ng mga bagyo ng pagsubok, at pinapakita ang kanyang lakas at determinasyon na mag-ugat at magbunga.
Isang bagong landas sa kanyang paglalakbay ang nagbukas nang sumali siya sa Pep Squad, kung saan nagsimula siyang matuto at magsaliksik ng mga bagong oportunidad sa kanyang paligid. Bilang isang dating gymnast, nagsanay siya nang ilang panahon bago niya napagpasyahan na itigil ito dahil sa pandemya. Hindi praktikal ang online na training, aniya. Gayunpaman, hindi nawala ang kanyang pagmamahal para sa isport at pagnanais manatiling konektado sa isang bagay na pamilyar sa kanya.
"I find Pep relaxing," kwento niya. Sa kanyang isipan, isang takas ito mula sa kabigatan ng buhay. Nagbibigay ito ng pahinga dahil nailalayo siya mula sa mga akademikong gawain at obligasyon. Binanggit din niya na nakatulong ang pagsasanay sa pagpapabuti ng kanyang paggamit ng oras at presence of mind. Dahil sa pag-eensayo, mahalaga ang pagiging mentally active at alerto. Idinagdag pa niya na ginagamit niya ang mga kasanayang ito upang mapabuti ang kanyang akademikong pagganap at mapahusay pa ang kanyang pagbabalanse ng mga responsibilidad.
Student-Leader Jeleen: Binhi sa Gitna ng Hardin
Sa kalagitnaan ng bagong hardin ng kanyang batch, isa siyang lider na handang maglingkod kasabay ng iba pa niyang mga responsibilidad.
Hindi lamang isang student-athlete si Jeleen, kundi isang student-leader din na kumakatawan sa kanyang batch at aktibong nagpapalakas ng kanilang samahan. Sa pamamagitan ng pakikilahok sa pagpaplano ng mga fundraisers at pagiging kinatawan ng kanyang batch, natutulungan niyang mapatibay ang kanilang ugnayan. Sadyang nag-iiba ang binhing ito sa mga mata ng iba, sapagkat kahit pare-pareho ang natatanggap na araw at tubig ng lahat, naipakita niya ang kanyang pagkakaiba sa hardin na puno ng iba't ibang halaman, na may kasamang malasakit at dedikasyon upang mapalago at mapabuti ang kanyang paligid.
Bilang parte ng kanyang pangarap na magsilbi sa komunidad, ibinahagi rin niya ang kanyang hangarin na tumakbo para sa Pamunuang Kamag-Aral (PKA) sa hinaharap. Kwento niya na nauna ang kanyang papel bilang lider bago ang pagsali sa isang koponang pampalakasan. Dagdag niya pa na may karanasan siya mula sa PKA 3-6 bilang Treasurer ng KA-Alab Party noong 2023, at dahil dito, nadagdagan at napabuti ang kanyang mga kasanayan sa pamamahala. Tiyak na may maaambag siya sa pamumuno, na nagpapakita ng kanyang kakayahang pagsasamantala sa bawat pagkakataon na dumating sa kanya.
Bilang isang estudyante na abala sa iba’t ibang mga gawain, sadyang hindi madaling pagsabayin ang lahat ng ito. Ngunit ayon kay Jeleen, "If you want to do something, you can go for it." Ipinaliwanag niya na maaaring magsimula ito bilang isang hamon, ngunit matututuhan mo ring balansehin ang lahat ng iyong mga kagustuhan at passion habang patuloy na sumusulong. Dagdag pa niya, "You can still enjoy while doing a lot of things," sapagkat hindi mo dapat isuko ang iyong mga napiling commitment at dapat mong hanapin ang saya sa iyong mga tungkulin.
Habang pinagmamasdan natin ang paglago ng binhing ito, naaalala natin na simula pa lamang ito ng kanilang paglalakbay. Tila mahirap ang pag-aalaga sa isang binhing patuloy na nangangailangan ng araw at pasensya. Ngunit sa bawat hakbang, patuloy na bumubunga sila na puno ng sigla at determinasyon. Kaya habang patuloy sila sa kanilang landas, nakikita natin silang namumukadkad at nagiging isang magandang bulaklak na nagbibigay ng makabagong kulay at liwanag sa hardin ng UPIS.
2 notes
·
View notes
Text
Sa buhay, hindi maiiwasan ang mga hamon at balakid. Gayunpaman, ang paraan ng pagtingin at pagharap natin sa mga ito ay maaaring magdala ng malaking pagbabago. Ang pagsasanay sa isipan na magtuon sa mga solusyon kaysa sa mga problema ay isang mahalagang kakayahan na nagpapalakas ng katatagan, pagiging malikhain, at tiwala sa sarili.
Kapag nakatuon tayo sa mga problema, nalulubog tayo sa negatibismo at kawalang-pag-asa. Pinapalaki nito ang mga hamon at ubos ang ating enerhiya, na nag-iiwan ng maliit na espasyo para sa aksyong makabuluhan. Sa kabilang banda, ang solusyon-oriented na pag-iisip ay nagbabaling ng pansin natin sa mga posibilidad at aktibong hakbang. Sa halip na tanungin ang sarili, “Bakit nangyayari ito sa akin?” mas magandang itanong, “Ano ang magagawa ko para malutas ito?”
Ang ganitong pag-iisip ay nangangailangan ng pagsasanay. Magsimula sa pamamagitan ng pagbabago ng pananaw—tingnan ang mga hamon bilang pagkakataon para sa pag-unlad. Ang bawat problema ay may dalang potensyal para sa kaalaman at inobasyon. Pangalawa, sanayin ang pagiging mausisa at kritikal na pag-iisip. Hatiin ang problema sa mas maliit na bahagi at mag-isip ng mga posibleng solusyon. Sa huli, pumili ng positibong kapaligiran—mga tao, libro, at lugar na nagbibigay-inspirasyon sa pagiging malikhain at matatag.
Ang pagtuon sa solusyon ay hindi lamang para sa iyong sarili kundi para rin sa mga nasa paligid mo. Nagtataguyod ito ng kooperasyon, dahil ang mga positibo at mapanlikhang tao ay madaling lapitan ng iba. Sa paglipas ng panahon, ang pagsasanay na ito ay nagpapalakas ng tiwala at paniniwala sa kakayahan mong harapin ang anumang pagsubok.
Sa pagsasanay sa isipan na magtuon sa mga solusyon, binibigyan mo ang sarili mo ng kapangyarihang harapin ang mga hamon sa buhay nang may pag-asa at determinasyon. Ang mga problema ay hindi na magiging hadlang, kundi mga hakbang patungo sa pag-unlad at tagumpay.
3 notes
·
View notes
Text
"Ang Mukha ng Kahirapan sa Pilipinas: Isang Malalim na Pagsusuri"
Sa kabila ng likas na yaman at kasipagan ng mga Pilipino, ang kahirapan ay nananatiling isa sa pinakamalaking suliranin sa bansa. Maraming pamilya ang nakararanas ng kawalang-katiyakan sa pagkain, kakulangan sa edukasyon, at limitadong akses sa serbisyong pangkalusugan. Ang isyu ng kahirapan ay hindi lamang usapin ng iilang indibidwal kundi ng kabuuang lipunan—isang problema na nakaaapekto sa ekonomiya, kalusugan, at seguridad ng bawat Pilipino. Sa blog na ito, tatalakayin natin ang mga pangunahing sanhi ng kahirapan sa Pilipinas at ang epekto nito sa iba’t ibang bahagi ng ating lipunan.
Mga Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas
Kakulangan sa Edukasyon Ang kakulangan sa edukasyon ay isa sa pinakamalalim na ugat ng kahirapan. Marami sa mga kabataan ang hindi nakakapagtapos dahil sa kakulangan ng pondo, o kaya naman ay walang akses sa de-kalidad na edukasyon. Dahil dito, maraming Pilipino ang nagiging limitado sa mga oportunidad na magtrabaho sa mga posisyong may mas mataas na kita. Ang kawalan ng edukasyon ay nagiging hadlang sa pagkakaroon ng mas magandang kinabukasan.
2. Mababang Sahod at Kawalan ng Trabaho Bagamat may mga trabaho sa bansa, ang kita ng maraming manggagawa ay hindi sapat para tugunan ang mga pangunahing pangangailangan. Ang mababang pasahod at hindi pantay na pagtrato sa mga manggagawa ang nagiging sanhi ng patuloy na pagkabaon sa hirap ng maraming pamilya. Bukod dito, may mga lugar pa rin sa bansa na may mataas na unemployment rate, lalo na sa mga probinsya. 3. Korapsyon sa Pamahalaan Isa ring salik ng kahirapan ay ang korapsyon sa mga ahensya ng gobyerno. Ang pondong dapat sana’y ilaan para sa mga programang pang-edukasyon, pangkalusugan, at pampublikong imprastruktura ay napupunta sa mga bulsa ng ilang tiwaling opisyal. Ang sistemang ito ng katiwalian ay nagpapabagal sa pag-unlad ng mga proyekto na sana’y makatutulong sa mga mamamayan.
Mga posibleng solusyon na maaaring makatulong upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan:
1. Pagpapabuti ng Edukasyon
Libreng Edukasyon at Scholarship Programs: Ang pagbibigay ng libreng edukasyon at mga scholarship ay makakatulong upang makapag-aral ang mga kabataan at makuha ang mga kinakailangang kasanayan para sa mas mataas na oportunidad sa trabaho.
Vocational at Technical Training: Ang mga programa sa pagsasanay, tulad ng TESDA sa Pilipinas, ay makatutulong sa mga mamamayan na makakuha ng mga kasanayang teknikal at praktikal na maaaring magamit sa iba't ibang hanapbuhay.
2. Pagpapataas ng Sahod at Pagbibigay ng Pantay na Benepisyo
Pagtaas ng Minimum Wage: Ang pagrebyu at pagpapataas ng minimum wage ayon sa halaga ng pamumuhay ay makakatulong sa mga manggagawa na mas matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Benepisyo sa Kalusugan at Segurong Pangkalusugan: Ang pagbibigay ng maayos na health insurance at mga benepisyo sa mga manggagawa ay magpapagaan sa kanilang pasanin sa oras ng karamdaman.
Ang kahirapan sa Pilipinas ay isang malalim na suliraning nangangailangan ng konkretong aksyon mula sa gobyerno at sama-samang pagkilos ng bawat mamamayan. Ang pagtutok sa edukasyon, pagpapalakas ng mga serbisyong pangkalusugan, at pagsugpo sa korapsyon ay ilan sa mga hakbang na makatutulong sa paglutas ng problemang ito. Mahalaga rin ang pagpapalaganap ng mga programang pangkabuhayan upang mabigyan ng pantay-pantay na oportunidad ang bawat Pilipino. Bagamat malaki ang hamon, may pag-asa pang makaahon ang bansa mula sa kahirapan sa tulong ng sama-samang pagkilos at malasakit ng bawat isa sa pag-unlad ng ating lipunan.
6 notes
·
View notes
Text
UPIS “math-sayang” ipinagdiwang ang Math Week 2024
Nakilahok ang mga mag-aaral ng UP Integrated School (UPIS) mula sa Grado K-12 sa ginanap na Math Week noong Marso 12-15, 2024.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Playing with Math,” na hango sa paggugunita sa International Day of Mathematics o ang Pi Day. Layunin ng programa na malinang ang kaalaman at kakayahan ng mga estudyante sa larangan ng Matematika.
Sa loob ng buong linggo, iba’t ibang mga laro, patimpalak, at aktibidad ang kolektibong inilunsad ng Departamento ng Matematika, Departamento ng K-2, at UPIS Math Club ng Grado 3-10.
Isa sa mga tampok na aktibidad para sa K-2 ay ang "Math Character Challenge” na naglalayong ipalaganap ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa pagguhit ng sariling karakter batay sa mga konsepto sa Matematika. Gumuhit ang mga mag-aaral sa Kinder ng kanilang orihinal na superhero; lumikha naman ang mga estudyante sa Grado 1 ng isang poster na nagpapamalas ng kanilang karakter; at bumuo ang mga mag-aaral ng Grado 2 ng isang comic strip na pinagbibidahan ng kanilang mga karakter. Ang mga nagwagi sa bawat baitang ay sina Mireya Aria B. Rebuelta ng K-Dahlia, si Luke Ezekiel Z. Santos ng 1-Pipit, at si Natalie Aria A. Castillo ng 2-Dalandan.
Sa bawat araw ng linggo, isinagawa naman ang "Brain Teasers Challenge" para sa Grado 3-12. Layunin ng pagsasanay na itong hikayatin ang mga mag-aaral na gamitin at ipamalas ang kanilang natutunan sa iba’t ibang konsepto ng Matematika. Ang bawat pagsasanay ay isinagawa sa bawat baitang, at ang mga ito ay nakabatay sa antas ng kanilang mga natutunan sa asignatura.
Nagkaroon din ng “Math Game Center: Interactive Exhibit” na naglalaman ng iba’t ibang mga larong sumubok sa kakayahan ng mga estudyante sa bawat araw. Para sa 3-6, nagkaroon ng mga laro tulad ng Tangrams, Kendama, at Puzzle Rings. Samantala, para sa 7-12 naman, nagkaroon ng mga laro tulad ng Galton Board, Buffon’s Needles, at Matchstick Equation Game.
Bilang paggunita sa Pi Day noong ika-14 ng Marso, idinaos ang larong “Pi Hunt” sa UPIS 3-6 at 7-12. Dito, naghanap ang mga mag-aaral ng labinlimang baryang papel na nakatago sa iba’t ibang bahagi ng gusali, ngunit sampu lamang ang naglalaman ng mga numero na katumbas ng pi na 3.14. Upang matukoy kung aling mga papel ang may tamang halaga, kinailangan ng mga mag-aaral na sagutin at i-kompyut ang mga matematikang problema na nakasulat sa papel. Ang mga estudyanteng nakakuha ng halaga ng pi ay nakatanggap ng premyo.
Naglunsad din ang Math Club mula Grado 3-10 ng isang fundraising activity sa pamamagitan ng pagbebenta ng Pi Cupcakes sa halagang ₱30 bawat piraso. Ang proyektong ito ay naglalayong makalikom ng pondo para sa kanilang mga susunod na gawain.
Bilang bahagi ng paglikom ng pera, isinagawa ang aktibidad na “Guess the Number,” na bukas para sa buong K-12. Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga mag-aaral na tantiyahin at hulaan ang bilang ng pingpong balls (K-2), mga holen (3-6), o duck clips (7-12) na nakalagaymaaaring ilagay sa isang sisidlan. Ang mga mag-aaral ay inanyayahan na magsumite ng kanilang mga hula at magbayad ng ₱5 para rito.
Maliban sa mga gawaing face-to-face, inilunsad din ang “InstaMath” kung saan nagbahagi ang mga estudyante ng litratong may kaugnayan sa tema ng paglalaro kasama ng Matematika. Ang mga nanalo sa palaro ay sina Serena Indra Fe Lucila K. Lacaba ng K-Mirasol, Sofia Isabel Elena M. Romero ng 4-Patani, at Tobin Abram Y. Malonzo ng 8-Firefly.
Sa kabuuan ng Math Week, nagkaroon ang mga estudyante ng pagkakataon na manalo ng premyo mula sa paglahok sa pamamagitan ng pagkumpleto ng kanilang stamp card. Ito ay nagsilbing talaan ng mga sinalihang gawain, kung saan maaari silang magkamit ng karagdagang puntos o insentibo sa asignatura.
Para sa kumpletong listahan ng mga nanalong mag-aaral sa bawat laro at paligsahan, maaaring bisitahin ang UPIS Math Week Facebook Page.
Inorganisa ang nakalipas na Math Week upang magkaroon ng mas interaktibong programa ng taon sa pamamagitan ng paglalaro. “Makikita ang matematika na hindi limitado sa usual classroom set-up at paper and pen, kung saan maraming mga laro na konektado pala sa matematika,” ipinahayag ni 3-6 Math Club Adviser Maesel Galapin mula sa isang panayam. Dagdag ni Bb. Galapin, kabilang din ang Departamento ng K-2 sa pagsusuri ng mga aktibidad para sa linggo.
Ayon naman kay 7-10 Math Club Adviser Joseph Guiao sa isa ring interbyu ukol sa pagbubuo ng selebrasyon, “Sa muling pagpapatakbo ng Math Club ngayong taon, kabilang ang mga miyembro ng 3-6 at 7-10 Math Club sa nagbigay ng konsepto para sa mga aktibidad. Sila ang nakipag-ugnayan sa Math Faculty para sa mga pangangailangan para sa Math Week, at naging kabilang sa mga mismong nagpaunlak at nakilahok rito.”
//nina Zaeda Wadi at Margaret Tolentino
4 notes
·
View notes
Text
Don Bosco Makati - Ang Paaralan Para sa Mga Kabataan
Impormatibo - Andrei Galita
Ang Don Bosco Technical Institute of Makati ay isang pribadong Katolikong paaralan sa Pilipinas na pag-aari at pinamamahalaan ng Salesians ng Don Bosco. Kasama sa edukasyon nito, ang paaralan ay pinamumunuan din ng Salesian Preventive System na inuuna ang katwiran, relihiyon, at mapagmahal na kabaitan, upang hindi lamang maturuan ang mga kabataan, kundi upang bumuo din ng wastong moral, mabait, at magiliw na mga mamamayan. Nag-aalok ito ng tatlong pangunahing antas ng edukasyon, elementarya, junior high school, at senior high school, na may kasamang isa pang antas na tinatawag na TVET.
Pinapanatili ng elementarya ang mga pangunahing asignatura at kursong iminungkahi ng Kagawaran ng Edukasyon, at gumagamit ng iba pang paraan ng edukasyon tulad ng Computer Aided Design na hindi lamang nagpapadali sa pag-aaral, ngunit ginagawa rin itong masaya at kasiya-siya para sa mga bata at nagbibigay ganang matuto sa mga mag-aaral. Nagbibigay ang Junior High School ng parehong kurikulum gaya ng elementarya ngunit nagdaragdag sa pagkatuto sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga teknikal na kurso tulad ng pag-draft, electrical engineering, information technology, atbp. Ito ay nagbubuo ng mga teknolohikal na kasanayan para sa mga estudyante at tumutulong sa kanila na maghanda para sa kanilang mga plano sa kinabukasan. Nag-aalok ang Senior High School ng 4 na magkakaibang mga strand na mapipili ng mga mag-aaral at nagbibigay ng iba't ibang kurso at kasanayan para sa kani-kanilang mga kurso, and mga strands na pwedeng puntahan ng mga estudyante ay and STEM, HUMMS, AD, at ABM. Kasabay ng Senior High School na ito ay tumutulong sa mga mag-aaral na lumago mula sa mga kabataan, hanggang sa handang young adults na malapit nang maranasan ang buhay nang mag-isa. Ang TVET ay isang antas na nag-aalok ng teknolohikal na pagsasanay sa “poor and out-of-school youth,” na nagbibigay sa kanila ng karanasan sa pagsasanay at hands-on-experience na sapat upang mabigyan sila ng disenteng trabaho. Kahit na ang lahat ng antas na ito ay mula sa edad ng maliliit na bata, hanggang sa pagbuo ng mga teenager, hanggang sa mga taong bago pa lamang sa pagtanda, pinananatili ng Don Bosco Makati ang bisyon nito na bumuo hindi lamang ng mga bihasang kabataan sa kinabukasan ng mundong ito, kundi ng mga matuwid na kabataan na nabubuhay sa kanilang kabaitan, pagmamahal, at paglilingkod, paggawa ng mga tao na may moral na gabay.
Dahil dito ay nagpalaki ng maraming kabataan ang Don Bosco, ngunit sa maraming mabubuti at matuwid na mamamayan na pinalaki ng paaralan, ang pinakakilalang alumni ay sina Kim Atienza isang sikat na TV Host, Raymond Bagatsing isang matagumpay na Aktor na Pilipino, at Miguel at Paolo Guico ang dalawang pangunahing mga bokalista ng sikat na bandang Pilipino, sina Ben at Ben.
2 notes
·
View notes
Text
Pag-unawa sa Kahirapan sa Pilipinas
Ang kahirapan ay isa sa pinakamalaking suliranin ng Pilipinas. Araw-araw, maraming pamilyang Pilipino ang nahihirapang mairaos ang pang-araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain, edukasyon, at kalusugan. Ang layunin ng blog na ito ay ipakita ang tunay na kalagayan ng kahirapan, talakayin ang mga sanhi, at magbigay ng inspirasyon para makahanap ng solusyon.
Sanhi ng Kahirapan
Ang kahirapan sa Pilipinas ay may iba’t ibang dahilan, kabilang na rito ang:
Kakulangan sa Trabaho: Maraming Pilipino ang walang permanenteng trabaho o may mababang sweldo kaya hindi sapat ang kita para sa pamilya.
Kakulangan sa Edukasyon: Hindi lahat ay may akses sa dekalidad na edukasyon kaya’t hirap ang marami sa paghahanap ng maayos na trabaho.
Korapsyon sa Gobyerno: Ang maling paggamit ng pondo ay nagiging hadlang para matulungan ang mga mahihirap.
Mga Natural na Kalamidad: Bilang bansang madalas tamaan ng bagyo, lindol, at iba pa, maraming komunidad ang nawawalan ng tirahan at kabuhayan.
“Kahirapan ang pinaka-malaking hamon ng aming pamilya. Mahirap makahanap ng trabaho lalo na kung walang sapat na edukasyon.” – Juan Dela Cruz, residente ng Tondo, Manila
Estadistika at Datos
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), humigit-kumulang 18 milyong Pilipino ang nasa ilalim ng poverty line noong nakaraang taon. Ito ay nangangahulugang ang mga taong ito ay hindi sapat ang kita para matustusan ang mga pangunahing pangangailangan.
Poverty Rate: 18.1% ng populasyon noong 2021.
Income Inequality: Malaki ang agwat ng kita sa pagitan ng mga mahihirap at mayayaman.
Global Comparison: Mas mataas ang poverty rate sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa Timog-Silangang Asya.
Solusyon at Tulong
May mga programa ang gobyerno at ilang organisasyon para matugunan ang kahirapan sa bansa. Ilan sa mga ito ay:
4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program: Programa ng gobyerno na nagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga mahihirap na pamilya kapalit ng pagsigurado sa edukasyon at kalusugan ng mga bata.
Livelihood Training: Mga pagsasanay sa iba’t ibang hanapbuhay tulad ng pagnenegosyo, handicrafts, at farming na libre para sa mga gustong matuto.
Scholarship Programs: Mga scholarship para sa kabataan upang sila ay makapag-aral at magkaroon ng magandang oportunidad sa hinaharap.
Paano Makakatulong (Makilahok)
Kung nais mong makatulong sa mga kababayan nating nahihirapan, narito ang ilang paraan:
Mag-donate: Magbigay ng tulong pinansyal sa mga organisasyon gaya ng Philippine Red Cross, Gawad Kalinga, at UNICEF Philippines.
Mag-volunteer: Makibahagi sa mga community outreach at relief operations sa pamamagitan ng pag-volunteer sa mga local na grupo.
Mag-share ng Impormasyon: Makatutulong ang pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa kahirapan upang mas marami ang maging aware at tumulong.
Para sa mga katanungan at suhestiyon, kontakin kami sa [email protected] o bisitahin ang aming mga social media accounts.
Maging updated sa mga kwento at balita tungkol sa kahirapan sa pamamagitan ng pag-subscribe sa aming newsletter.
1 note
·
View note
Text
1K Daily Profit App: Isang Inobatibong Solusyon sa Cryptocurrency Trading
Ang 1K Daily Profit ay isang makabagong automated na bot sa cryptocurrency trading na nagbibigay daan sa mga baguhang mangangalakal upang kumita mula sa mga digital na pera gamit ang advanced na algorithmic trading. Dinisenyo ito upang gawing madali ang proseso ng kalakalan at magbigay ng competitive edge sa mga nag-iinvest sa crypto market.
Mga Benepisyo ng 1K Daily Profit Awtomatikong Pag-trade: Ang bot ay awtomatikong nag-eexecute ng mga trade batay sa real-time na pagsusuri ng merkado, kaya hindi na kailangan ng tulong ng isang tao upang magbukas o magsara ng mga posisyon. Madaling Interface: Gamit ang user-friendly na interface, ang 1K Daily Profit ay madaling gamitin para sa mga baguhan. Ang dashboard nito ay intuitive at madaling maunawaan. Walang Limitasyon sa Pag-withdraw: Maari kang mag-withdraw anumang oras at walang limitasyon sa halaga ng iyong kita. Ang proseso ng pag-withdraw ay mabilis at tumatagal lamang ng 24 na oras. Flexible na Deposito: Ang platform ay tumatanggap ng deposito sa USD, GBP, at EUR gamit ang mga credit card o bank transfer, kaya madali itong gamitin para sa mga mangangalakal mula sa iba’t ibang bansa. Secure na Platform: Ang 1K Daily Profit ay gumagamit ng SSL encryption para sa ligtas na pagproseso ng impormasyon at nag-partner sa mga regulated brokers para masiguro ang kaligtasan ng pondo ng mga gumagamit. Paano Gumagana ang 1K Daily Profit?
Ang 1K Daily Profit ay gumagamit ng AI at statistical models upang magsuri ng mga cryptocurrency prices at magpadala ng mga trading signals. Ang mga signals na ito ay ipinatutupad ng mga broker partners na mayroong mga risk management policies upang matiyak ang kaligtasan ng iyong pondo. Ang bot ay may kakayahang mag-trade ng maraming cryptocurrencies sabay-sabay at nag-aalok ng leverage na hanggang 4000:1, na nagpapalaki Opisyal na Website ng 1K Daily Profit ng iyong potensyal na kita.
Mga Dapat Isaalang-alang Bago Gamitin ang 1K Daily Profit Pagsasanay Gamit ang Demo Account: Bago mag-invest ng real money, inirerekomenda na gamitin ang demo account upang masanay sa sistema at subukan ang iyong mga trading strategies. Pagtatakda ng Trading Strategy: Siguraduhin na may maayos kang risk management strategy. Ang automated mode ay magpapatuloy sa pagtatrade base sa mga parameters na iyong itinakda. Konklusyon
Ang 1K Daily Profit ay isang mahusay na automated trading platform na nagbibigay ng mga advanced na tool upang matulungan ang mga baguhan at eksperto sa cryptocurrency trading. Ang kombinasyon ng awtomatikong kalakalan, madaling interface, at mga flexible na deposito at withdrawal options ay naglalagay sa 1K Daily Profit bilang isang top choice sa merkado. Kung ikaw ay naghahanap ng isang platform na magbibigay daan sa iyo upang kumita mula sa cryptocurrency market, subukan ang 1K Daily Profit ngayon!
1 note
·
View note
Text
Sanaysay: Ang Epekto ng Kahirapan sa Buhay ng Bawat Tao
Ang kahirapan ay isang malupit na realidad na patuloy na humuhubog sa buhay ng milyon-milyong tao sa buong mundo. Sa kabila ng mga pagsulong sa ekonomiya at teknolohiya, ang kahirapan ay nananatiling isang matinding hamon na kailangang pagtuunan ng pansin ng mga pamahalaan, mga organisasyong pangkawanggawa, at ang bawat isa sa atin. Ang kahirapan ay hindi lamang isang isyu ng kakulangan sa materyal na bagay; ito ay isang kondisyon na sumasalamin sa kawalan ng pagkakataon, edukasyon, at pag-asa.
Sa mga bansang katulad ng Pilipinas, ang kahirapan ay matinding nakakaapekto sa kalidad ng buhay ng bawat isa. Ayon sa mga datos mula sa mga ahensya ng gobyerno, libu-libo ang naghihirap at hindi nakakakita ng tamang pagkakakitaan. Maraming pamilya ang hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, at ang iba ay walang sapat na tirahan o malinis na tubig. Ang mga simpleng bagay na madalas nating ituring na "normal" ay tila isang malayong pangarap na para sa kanila. Ang mga bata ay nahihirapang makapag-aral dahil sa kakulangan sa pondo para sa kanilang mga pangangailangan sa eskwela, kaya't mas marami sa kanila ang napipilitang magtrabaho sa murang edad o kaya’y mawalan ng pagkakataon sa edukasyon.
Ngunit ang kahirapan ay hindi lamang nakaaapekto sa mga materyal na bagay. Sa isang pook na ang pangunahing pagsubok ay ang makatawid sa araw-araw, marami ang nakakaramdam ng matinding kalungkutan, takot, at kawalan ng pag-asa. Ang kawalan ng mga oportunidad ay nagiging sanhi ng malalim na disillusionment sa mga tao, na nagiging dahilan ng paglaganap ng iba’t ibang uri ng krimen, pang-aabuso, at iba pang masamang epekto sa lipunan. Sa kabila ng mga pagsisikap ng iba't ibang sektor, ang mga taong nabubuhay sa ilalim ng kahirapan ay patuloy na nakararanas ng pagdiskrimina at hindi pagkakapantay-pantay, kaya't mas nagiging mahirap para sa kanila ang makalabas sa ganitong kalagayan.
Bilang isang lipunan, kailangan nating tanggapin na ang kahirapan ay hindi isang indibidwal na problema lamang. Ito ay isang kolektibong isyu na nangangailangan ng pangmatagalang solusyon. Isang paraan upang labanan ang kahirapan ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas malawak na akses sa edukasyon at pagsasanay. Ang pagpapalawak ng mga programang pangkabuhayan at ang paglikha ng mga oportunidad sa trabaho ay makatutulong upang ang mga tao ay magkaroon ng pagkakataon na makapagtaguyod ng kanilang pamilya at magtulungan tungo sa mas maunlad na kinabukasan.
Higit sa lahat, ang pagbabago ay nagsisimula sa atin. Ang bawat isa sa atin ay may papel na ginagampanan sa pag-aangat ng ating kapwa. Sa simpleng pagtulong at pagbibigay ng malasakit, masisimulan ang pagbuo ng isang mas makatarungan at maunlad na lipunan. Ang kahirapan ay isang hamon na hindi natin dapat tanggapin bilang isang permanenteng kalagayan. Sa pagkakaroon ng malasakit, pagkakaisa, at tamang suporta, makakamtan natin ang mas maliwanag na bukas para sa lahat.
Sa huli, ang labanan laban sa kahirapan ay hindi isang madaling laban, ngunit ito ay isang laban na dapat ipagpatuloy, hindi lamang para sa mga naroroon sa ilalim ng linya ng kahirapan, kundi para na rin sa ating kolektibong hinaharap bilang isang bansa.
1 note
·
View note
Text
🆔💌Matapos basahin ito sa loob ng sampung minuto, hindi ka maliloloko sa salamin!
2) Sa maraming mga kaso, mas mahusay ang naitama na visual acuity, mas matatag ang reseta. Ito ang karaniwang pag unawa ng mga may awtoridad na eksperto sa Tsina, bagaman hindi ito ganap na konklusyon. Sa pagsasanay, nakita ko ang masyadong maraming mga tao na may mababang degree, at ito ay tumaas ng maraming sa 1 o 2 taon. Magandang salita at panghihikayat, pero huwag makinig. Upang ilagay ito nang banayad, naitama sa 0.8, ito ay napaka atubiling pa rin. Mataas ang degree, at hindi ako nag charge ng higit pa. Ang taong iresponsable ay masaya sa iyo, ikaw ay okay na umangkop, at kakaunti ang mga reklamo. Tandaan! Tandaan!
3) Ang refractive index ng plastic lens ay 1.50 (bihirang gamitin), 1.56, 1.60, 1.67, 1.71 (lamang Mingyue sa Tsina, at ang East China Sea sa ibang bansa), 1.74, 1.76 (sa East China Sea, at Schumann sa China).
Ang baso ay nahahati sa 1.7, 1.8, 1.9, at sinasabing mayroon pa ring 2.0 (hindi sigurado)👇👇
🆔🔍Imported PPSU glasses frames Environmentally friendly bottle material Korean color grading in stock
💸 💵 Wholesale only
MOQ : 20pcs/per color( 21 models )
📞 Contact us 🙋♀️
wa.me/8613858844563
E-mail: [email protected]
#Stock_glasses_PPSU
D12517
#Bagong_eco_friendly_na_baso_para_sa_mga_tinedyer
#Teen_PPSU_baso_pakyawan
#Teen_PPSU_baso_pabrika_OEM
0 notes
Text
GURO NG BAYAN: Ang Alamat ni Ma’am Dian
Ni Justice Aguinaldo | Nobyembre 9, 2024
Kung may kaakibat na pera ang paghahakot ng karanasan sa trabaho, siguro nakabili na ng isang mansyon si Ma’am Dian. Sa dinami-dami ba naman kasi ng mga nahawakan na niyang posisyon, aakalain mong hawak na rin niya ang kapangyarihang magbago ng anyo.
Noong 2006, nagsimulang magtrabaho bilang guro ng asignaturang Ingles sa UPIS si Prop. Diana G. Caluag, na kilala rin bilang “Ma’am Dian.” Sa humigit-kumulang 18 taon na niyang pagtuturo sa paaralang ito, iba’t ibang trabaho na ang kaniyang naranasan. Kabilang na rito ang pagiging Head ng CA English Department, tagapayo ng Pamunuan ng Kamag-Aral, pati Officer-in-Charge Principal sa loob ng isang semestre. Sa kasalukuyan, nanunungkulan siya bilang Pangalawang Prinsipal para sa mga Programang Pang-akademiko. Ngunit, anuman ang maging trabaho ni Ma’am Dian at saan man siya itakda, paniguradong dala-dala niya ang hiwaga ng pagiging guro ng bayan.
Kwento ng Pinagmulan
Nasa propesyon ng pagtuturo ang karamihan sa pamilya ni Ma’am Dian, kaya masasabing tila minamana nila ang pagiging guro. Kaya bago pa man maging isang ganap na guro, nalantad na siya sa larangang ito.
Kwento pa nga ni Ma’am Dian, lumaki siya sa isang bahay na hindi nalalayo ang hitsura sa mga silid-aralan ng kaniyang paaralan. Bukod kasi sa mga titser na nakatira rito, ginamit din ang kanilang bahay para sa inoorganisang ‘afternoon school’ sa kanilang lugar. Dito nagtitipon-tipon ang kanilang mga kapitbahay, na kadalasan mga bata, upang impormal na maturuan. Naaalala pa nga niya na sabay-sabay silang magkakalaro at magpipinsan na pumupunta sa kanilang bahay para mag-aral.
Isa na sa mga namumukod-tangi na tagapagturo rito ang tita ni Ma’am Dian, na siyang nagpaaral sa kaniya. Masasabi niya na ang kaniyang tiyahin ang may pinakamalaking papel sa pagiging guro niya. Saksi siya sa paraan ng pagtuturo ng kaniyang tita, na maihahalintulad sa isang guro ng bayan. Halos buong barangay ang pumupunta sa kanilang bahay upang magpaturo o magpakonsulta sa kaniyang tita – mag-aaral man o kapwa guro rin, bata man o matanda. Gayunpaman, ni isang beses humingi ng anumang kapalit ang kaniyang tita. Patuloy siyang naging bukas sa mga nangangailangan ng tulong at gabay sa lahat ng pagkakataon.
“40 years siyang nagturo, tapos parang na-dedicate talaga niya ‘yung buhay niya sa pagtuturo sa public school,” paglalarawan pa ni Ma’am Dian.
Pagiging isang Guro ng Bayan
Makikita ang pagiging huwaran ng kaniyang tita sa buhay ni Ma’am Dian. Bago pa man nagsimulang magtrabaho sa UPIS, bumalik muna siya sa kaniyang dating hayskul, ang St. Paul College sa San Rafael, Bulacan upang magturo ng ilang taon. Ayon sa kaniya, isa itong paraan ng kaniyang pagsusukli at pagbabalik sa paaralan, lalo na’t isa siya sa mga naging iskolar dito.
Pero nang makakuha ng imbitasyon na makapagturo sa UPIS, tinanggap niya ito. Para kasi kay Ma’am Dian, talagang naiiba ang sistema ng pagtuturo sa UP kumpara sa iba pang mga paaralan, partikular na iyong mga nasa probinsya.
“You really have academic freedom. You have more time and opportunities to explore. ‘Yung sistema rin na ini-implement sa UP at UPIS, parang ideal sa akin,” sabi pa niya.
Higit sa lahat, nagustuhan ni Ma’am Dian ang pagiging liberal at “little UP” ng UPIS. Nais niyang ilaan at gamitin dito ang kaniyang mga kaalaman at pagsasanay na natutuhan mula sa kaniyang mga taon bilang mag-aaral ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas.
Mga Pagsubok ng Bida
‘Ideyal’ man ang paaralan ng UPIS, hindi pa rin ito malaya mula sa mga hamon at paghihirap. Kung may kaakibat na pera nga lang talaga kasi ang paghahakot ng karanasan sa trabaho, siguro nabawasan na ang mga problema ni Ma’am Dian.
“Maraming hamon ang pagiging guro… marami talaga. Isa na diyan, hindi naman kataasan ang sweldo,” ani niya.
Nang matanong tungkol sa mga isyung hinaharap, unang pumasok sa isip ni Ma’am Dian ang mababang sahod sa UPIS. Hindi man daw ito kasimbaba ng sweldo sa iba pang mga pampublikong paaralan, mararamdaman pa rin ang sakit sa bulsa, lalo na kung kumuha ka ng mga posisyon bagaman wala itong katumbas na sahod. Sa ating paaralan kasi, kahit na maging tagapayo ng isang club, wala itong dagdag sa iyong kikitain.
Gayunpaman, hindi ito itinuturing na hadlang ni Ma’am Dian na makapagpapapigil sa kaniyang magturo. Sabi nga niya, “Hindi mo siya ginagawa para maghanap ng pera, parang alam mo ‘yun dapat.” Para sa kaniya, sulit pa rin ang pagiging bukas sa mga oportunidad at trabahong maaaring itakda sa kaniya, kahit na pakiramdam niya na, minsan, hindi sapat ang kaniyang kaalaman at karanasan para rito.
Sabi nga niya, “Kahit hindi ko pa alam kung paano gagawin, ‘yung willingness na tanggapin siya is worth it gawin. May bagay ka laging matututunan kapag nag-engage ka sa isang bagay na hindi mo usually ginagawa.”
Noong unang taon nga niyang magturo sa UPIS, sinama agad siya sa organisasyon ng Kab Scouts sa elementarya bilang isa sa mga tagapayo nito. Bagaman hindi pa kailanman nararanasan ni Ma’am Dian ang pagiging scout—lalo na ang pagiging tagapayo nito sapagkat walang scouting sa kaniyang dating paaralan sa San Rafael—tinanggap niya pa rin ito.
“Hindi ako naglalagay ng, ‘Ito lang ang gusto kong gawin.’ Kung ano man ang dumating na opportunity, o kung saan kailangan, ok lang tanggapin kasi maaaral naman ang mga bagay,” dagdag pa niya.
Pagtutulungan ng Bayan, Para sa Bayan
Binigyang-diin din ni Ma’am Dian ang kahalagahan ng pagtutulungan. Ikinuwento niya na noong mga nakaraang taon, may problemang lubos na mahirap at mabigat na bumungad sa komunidad ng UPIS: ang pandemya. Nagulantang ang lahat—guro man o mag-aaral—sa napakalaking pagbabago sa ating mga buhay.
Noong panahon ng pandemya, tumatak sa isip ni Ma’am Dian ang pangangailangan ng bayanihan at pagkakaisa, kung saan tinitiyak na walang napag-iiwanan. Kahit naghihirap ang mga tao sa iba’t ibang paraan, mahalaga ang manatiling bukas at handang mag-abot ng tulong sa ating kapwa. Lubos din na makatutulong kung pipiliin nating matuto mula sa iba. Ang mga ito raw ang makapagraraos sa atin sa hamong ito; at gayundin ang ginawa ng UPIS.
“Sa UPIS, na-realize ko noon, magtutulungan talaga ‘yung mga tao para magawa yung goal,” sabi ni Ma’am Dian.
Napansin niya na nagsikap ang UPIS, lalo na ang kaguruan nito, na aralin ang mga online na plataporma, tulad ng Google Classroom, Zoom, at iba pa, upang epektibong makapagturo at makapag-aral sa gitna ng pandemya. Kahit pa sa mahahabang taon ng pagtuturo ng mga malapit nang magretiro, pinili nilang matuto ng mga hindi nila nakasanayan, partikular na kung paano sila makapagtuturo nang online.
“I am useful where I am”—ito raw ang kaisipan na isinaalang-alang, isinasapuso, at isinasabuhay ni Ma’am Dian. At sa panahon ngayon, kung kailan lugmok pa rin sa kahirapan ang bansa at patuloy na hinaharap ang mga pagsubok na epekto ng pandemya, ang siping ito ang iiwan niyang mensahe para sa mga kapwa niya guro. Hinihikayat niya rin sila na maging isang guro ng bayan, na lumilingon sa pinanggalingan at nagseserbisyo sa iba. Kasabay nito, kinakailangan din ang pagtutulungan nang walang hinihinging kapalit.
Ayon nga kay Ma’am Dian, “Those are the types of help that sustain us.”
Pinapaalalahanan tayo ni Ma’am Dian na, kahit ano—o ilan—pa man ang posisyong hinahawakan, lagi’t lagi nating tandaan na maging isang guro ng bayan din.
2 notes
·
View notes
Text
Yakapin ang Banal: Pag-navigate sa Buhay na may Patnubay ng Anghel
Araw-araw, hindi mabilang na mga tao ang nakadarama ng banayad na haplos ng hindi nakikitang mga kamay na gumagabay sa kanilang mga pagpili, iniisip, at kilos. Ang banal na impluwensyang ito, na kadalasang tinatawag na gabay ng mga anghel, ay isang makapangyarihang puwersa na maaaring humubog sa ating buhay sa paraang banayad at malalim. Ang mga anghel ay nagtatrabaho nang walang kapaguran upang akayin tayo tungo sa pinakamahusay na bersyon ng ating sarili, na tumutulong sa atin na gumawa ng mga desisyon na naaayon sa ating mas mataas na layunin. Ang kanilang presensya sa ating buhay ay isang patunay sa pagkakaugnay ng espirituwal at pisikal na mga larangan, na nag-aalok ng suporta at karunungan sa tuwing tayo ay bukas sa pagtanggap nito.
Pag-tap sa Angelic Guidance para sa Personal na Paglago
Sa ating paglalakbay sa buhay, ang personal na pagbabago ay isang layunin na sinisikap makamit ng marami. Sa pamamagitan man ng pagtagumpayan ng mga hadlang, pagpapagaling sa mga nakaraang sugat, o pagtuklas ng mga bagong aspeto ng ating sarili, ang proseso ng pagbabago ay maaaring lubos na mapahusay ng karunungan ng mga anghel. Nagbibigay ang mga ito sa amin ng mga insight na nagbibigay liwanag sa landas pasulong, na tumutulong sa amin na maunawaan ang aming mga karanasan mula sa mas mataas na pananaw. Sa pamamagitan ng pag-ayon sa ating sarili sa kanilang mga mensahe, maaari nating i-navigate ang ating mga hamon nang may biyaya at lalabas na mas malakas, mas matalino, at mas nakaayon sa ating tunay na pagkatao.
Mga Praktikal na Paraan para Kumonekta sa Angelic Support
Ang pagkonekta sa mga anghel ay isang malalim na personal na karanasan, natatangi sa bawat indibidwal. Maaaring makita ng ilan na ang pagmumuni-muni ay nagbubukas ng pinto sa pakikipag-usap ng mga anghel, habang ang iba ay maaaring makatanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga panaginip, mga palatandaan, o intuwisyon. Anuman ang pamamaraan, ang susi sa pagtanggap ng Angelic Guidance para sa Araw-araw na Buhay ay nakasalalay sa pagiging bukas at pagtanggap. Ang pagtitiwala na ang patnubay na natatanggap mo ay para sa iyong pinakamataas na kabutihan ay mahalaga. Sa pagsasanay, makikita mo na ang iyong koneksyon sa angelic realm ay lumalakas, na nagdudulot sa iyo ng kapayapaan, kalinawan, at direksyon.
Ang Papel ng mga Anghel sa Personal na Pagbabago
Ang mga anghel ay may mahalagang papel sa ating personal na pagbabago, na kumikilos bilang mga katalista para sa pagbabago at paglago. Malumanay nilang itinutulak kami palabas ng aming mga comfort zone, na naghihikayat sa amin na harapin ang aming mga takot at yakapin ang aming buong potensyal. Kung naghahanap ka man na baguhin ang iyong karera, mga relasyon, o panloob na mundo, ang Angelic Guidance para sa Personal na Pagbabago ay maaaring magbigay ng suporta na kailangan mo. Sa pamamagitan ng pagsunod sa kanilang patnubay, makakagawa ka ng mga desisyon na naaayon sa iyong tunay na layunin at humahantong sa malalim na personal na paglago.
Sa pamamagitan ng pagtanggap ng patnubay ng anghel sa iyong pang-araw-araw na buhay at paglalakbay sa personal na pagbabago, binuksan mo ang iyong sarili sa isang mundo ng espirituwal na suporta at karunungan. Ang mga banal na nilalang na ito ay laging handang tumulong sa iyo, na nag-aalok ng mga insight na maaaring humantong sa isang mas kasiya-siya at may layunin na buhay. Para sa higit pang mga insight sa pagkonekta sa angelic guidance, bisitahin ang angels-light.org.
Ang espirituwal na paggising ay isang malalim na proseso na nagdudulot ng malalim na pagbabago sa buhay ng isang tao. Ito ay isang paglalakbay na nangangailangan ng pagsisiyasat sa sarili, kamalayan sa sarili, at isang koneksyon sa banal. Maraming mga tao na sumakay sa landas na ito ay natagpuan ang kanilang sarili na ginagabayan ng hindi nakikitang mga puwersa, na nag-aalok ng karunungan at suporta sa bawat pagliko. Ang mga puwersang ito, na madalas na tinutukoy bilang mga anghel, ay nagbibigay ng Angelic Insights para sa Espirituwal na Paggising, na tumutulong sa mga indibidwal na i-navigate ang mga kumplikado ng kanilang espirituwal na paglalakbay nang may kalinawan at kumpiyansa.
Pag-unawa sa mga Mensahe ng mga Anghel
Ang mga anghel ay nakikipag-usap sa atin sa iba't ibang paraan, mula sa mga banayad na palatandaan sa ating pang-araw-araw na buhay hanggang sa malalim na mensahe sa ating mga panaginip at pagninilay-nilay. Ang kanilang patnubay ay palaging banayad, na naghihikayat sa atin na tumingin sa loob at tuklasin ang katotohanan na nasa ating mga puso. Sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa Mga Mensahe ng Anghel para sa Inner Peace, masisimulan nating linangin ang pakiramdam ng kalmado at katahimikan sa ating buhay. Ang mga mensaheng ito ay nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng kapayapaan at balanse, na gumagabay sa atin patungo sa isang estado ng panloob na pagkakaisa.
Paglinang sa Inner Peace sa Pamamagitan ng Angelic Guidance
Ang panloob na kapayapaan ay hindi isang bagay na maaaring makamit sa isang gabi; ito ay isang estado ng pagkatao na dapat alagaan at linangin sa paglipas ng panahon. Malaki ang ginagampanan ng mga anghel sa prosesong ito, na nagbibigay sa atin ng mga tool at insight na kailangan para mapanatili ang ating kapayapaan ng isip. Sa pamamagitan ng pag-tune sa kanilang mga mensahe, matututuhan nating pawiin ang stress, pagkabalisa, at negatibiti, na palitan ang mga ito ng damdamin ng pagmamahal, kagalakan, at kasiyahan. Ang paglalakbay na ito tungo sa panloob na kapayapaan ay nangangailangan ng pasensya, ngunit sa patnubay ng mga anghel, ito ay nagiging isang kasiya-siya at pagbabagong karanasan.
Espirituwal na Paggising at Ang Epekto Nito sa Pang-araw-araw na Buhay
Habang sumusulong tayo sa ating paglalakbay ng espirituwal na paggising, sinisimulan nating makita ang mundo sa pamamagitan ng mga bagong mata. Ang ating mga perception ay nagbabago, at tayo ay nagiging mas nakaayon sa mga banayad na enerhiya na nakapaligid sa atin. Ang Angelic Insights para sa Spiritual Awakening ay may mahalagang papel sa pagbabagong ito, na tumutulong sa amin na i-navigate ang mga hamon at pagkakataong dumarating sa amin. Ang mga insight na ito ay gagabay sa atin tungo sa mas malalim na pag-unawa sa ating layunin sa buhay at kung paano tayo mabubuhay nang naaayon sa ating pinakamataas na sarili.
Konklusyon
Ang patnubay ng anghel ay nag-aalok ng malalim na pinagmumulan ng karunungan at suporta sa landas tungo sa espirituwal na paggising at kapayapaan sa loob. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa kanilang mga mensahe, maaari mong baguhin ang iyong buhay at mahanap ang katahimikan na hinahanap mo. Upang matuto nang higit pa tungkol sa pagkonekta sa mga mala-anghel na pananaw, bisitahin ang angels-light.org.
0 notes
Text
Maging Isang Propesyonal na Komedyante: Pagsasanay sa Sining ng Pagpapatawa ng may Respeto at Sensibilidad
Ang pagiging isang propesyonal na komedyante ay hindi lamang tungkol sa kakayahang magpatawa, kundi pati na rin sa pagiging sensitibo sa iyong audience at sa pagpili ng tamang mga joke na hindi nakakasakit o nakakapinsala sa iba. Ang panlalait ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang kategorya depende sa intensyon at epekto nito sa ibang tao. Narito ang ilang kategorya ng panlalait: 1. Panlalait na…
View On WordPress
0 notes
Text
Junior Tankers, nag-uwi ng Bronze
Humakot ng mga gold, silver, at bronze na medalya ang UPIS Varsity Swimming Team (UPIS VST) at kalaunan nagkamit ng ikatlong gantimpala sa parehong girls’ at boys’ category ng UAAP Season 86 na ginanap noong Nobyembre 23-26 sa Rizal Sports Complex.
Ang girls team ay nakakuha ng 210 puntos mula sa napanalunan nilang dalawang (2) gold, tatlong (3) silver, at walong (8) bronze. Samantala, ang boys team naman ay nakakuha ng 75 puntos mula sa nakamit nilang tatlong (3) bronze. Sa kabuuan, ang UPIS Junior Tankers ay nag-uwi ng 16 na medalya. Narito ang buod ng kanilang mga napanalunan:
Para sa team captain ng girls na si Julia Halabaso, “big win” ang pagkamit ng ikatlong gantimpala, kahit pa ikalawang gantimpala ang natamo nila noong nakaraang season. Marami raw kasing nakamit na personal na tagumpay ang bawat isa tulad ng mga best times, pagpasok sa finals, at pagtapak sa podium.
“Mahalaga ang pagkapanalo namin ng bronze dahil ito ang unang pagkakataon na nakaakyat sa podium ang boys,” sabi naman ni Achi Reblando, team captain ng boys. Idinagdag din niya na dahil kalakhan sa boys ay mga seniors, ibinigay nila ang lahat ng kanilang makakaya para sa huling season nila sa UPIS.
Ibinahagi rin ng team captains na mas mahaba ang naging panahon ng kanilang preparasyon para sa season na ito kumpara sa mga nakaraang taon na nakatulong sa kanilang standing. Naging mas maayos din ang pag-ensayo dahil sa pagkakataong magamit ang Celebrity Sports Plaza at Marikina Sports Center.
Ngunit sa kabila nito, naging hamon ang layo at oras ng kanilang pag-ensayo. May ilan na hindi nakadadalo dahil sa layo ng venue ng pagsasanay habang ang ilan ay hirap na makapaglaan ng oras dahil sa dami ng gawain sa paaralan. Dagdag pa, kinailangan pa raw pagbutihin ang kanilang performance, lalo na ng mga boys, sa mga individual events.
“Gagawin pa rin namin ang aming buong makakaya para [manatili] sa podium kahit na hindi na kami ganoon karami. Hindi ito magiging reason para kami ay manghinayang o sumuko,” sabi ni Julia Halabaso patungkol sa susunod na season.
Ang UP Varsity Swimming Team naman ay nagkamit ng kampeonato sa women's category, at ikatlong gantimpala sa men’s category. // ni Grace Gaerlan
2 notes
·
View notes
Text
30M fish hatchery isusulong aquaculture sa Bataan
Lungsod Quezon—Kumpiyansa ang pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Central Luzon na malaki ang maitutulong ng multi-species marine hatchery sa bayan ng Bagac, Bataan para maibaba ang pangangailangan ng bansa na mag-angkat ng isda.
Ang P30 milyong halaga ng proyekto na itinatayo sa Barangay Quinawan ay inaasahang makakatulong din sa paglago ng aquaculture sa mga karatig-lalawigan.
Ang lupang tatayuan ng hatchery ay donasyon ng Sharemax Holdings.
Bukod sa produksyon ng isda at pangangalaga ng broodstock, inaasahang doon sa hatchery isasagawa ang mga pagsasanay hinggil sa aquaculture.
Kapag natapos ang konstruksyon ng hatchery, ang BFAR ang unang mangangasiwa katambal ang provincial agricultural office at ang katumbas nitong tanggapan sa Bagac sa loob ng dalawang taon.
Pagkalipas ng dalawang taon, ililipat ng BFAR ang pangangasiwa sa pamahalaang panlalawigan. (Lyndon Plantilla)
0 notes
Text
PINAL NA PROYEKTO
Itanong mo sa Bituin ni Jose Corazon De Jesus
Paksa ng Tula:
Itong tula ay nagpapahayag ng damdamin ng pag-ibig at pangungulila. Sa pamamagitan ng pagtawag sa bituin, ang nagsasalita ay nagpapahayag ng pangarap na makuha ang ngalan ng kanyang iniibig. Ang bituin dito ay inilalarawan bilang tagapagtago ng mga lihim at tagapagbigay ng mga sagot sa mga tanong ng puso.
Mensahe ng Tula:
Kaugnayan sa kasalukuyang panahon:
Ang tula ay nagtatampok ng damdaming pag-ibig at pangungulila, na kahit saan at kailanman ay umiiral sa kasalukuyang panahon. Ang paggamit ng bituin bilang simbolo ng pangarap at pagtatanong ay maaaring maka-relate ang mga mambabasa sa kanilang sariling mga karanasan sa pakikipag-ugnayan sa panahon ngayon. Sa kabila ng mga modernong paraan ng komunikasyon, nananatili ang pangarap na makahanap ng kahulugan at pag-asa sa pag-ibig, isang damdamin na patuloy na umaangkop sa kahit anong panahon.
Kapakinabangan nito sa kaunalarang panlipunan at pangagtauhan:
Ang tula ay maaaring magkaruon ng kapakinabangan sa aspeto ng kaunlarang panlipunan at pangkatauhan sa pamamagitan ng pagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga mambabasa. Ang pagtatanong sa bituin at ang pangangarap ng pag-ibig ay maaaring magsilbing inspirasyon para sa mga taong naghahanap ng kahulugan at layunin sa kanilang buhay. Sa pamamagitan ng ganitong pagsusuri sa mga personal na damdamin, maaaring maging bahagi ito ng mas malawak na pag-unlad ng kaisipan at pakikipag-ugnayan sa lipunan.
Kaluping Puso ni Jose Corazon De Jesus
Paksa ng Tula:
Ito ay tula na tila naglalarawan ng pag-ibig at alaala ng isang nakaraang karanasan. Ang kalupi, na parang itinatangi o itinuturing na espesyal, ay nagiging saksi sa mga dinaramdam ng may-akda. Isinasalarawan sa tula ang mga damdamin ng pag-ibig na puno ng saya at lungkot, kasabay ng pagtuklas ng mga alaala mula sa nakaraan.
Mensahe ng Tula:
Kaugnayan sa kasalukuyang panahon:
Ang tula ay maaaring magbigay-halaga sa kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng pagtalima sa damdamin ng pag-ibig, pangungulila, at pagtatapos ng isang relasyon. Maaring makipag-ugma ito sa mga modernong karanasan ng mga tao ukol sa pag-ibig at pakikipag-relasyon, kung saan ang mga emosyon at alaala ay naging bahagi ng pang-araw-araw na buhay.
Kapakinabangan nito sa kaunalarang panlipunan at pangagtauhan:
Ang tula ay maaaring magdala ng mensahe ukol sa kapakinabangan ng kaunlarang panlipunan at pangkatauhan sa pamamagitan ng pagsasalarawan ng halaga ng pag-alaala sa nakaraan at pagpapahalaga sa mga relasyon. Sa pagtutok sa mga alaala, maaaring maipakita ng tula ang halaga ng pag-unlad at pag-usbong ng tao pati na rin ang pagpapahalaga sa nakaraan.
Agaw-Dilim ni Jose Corazon De Jesus
Paksa ng Tula:
Ang tulang ito ay naglalarawan ng paglisan ng isang mahal sa buhay. Inilalarawan ng makata ang paglubog ng araw sa kanluran, simbolismo ng pagtatapos o kamatayan. Pagkatapos, ang tulang ito ay nagpapahayag ng pangungulila at pagtatanong ng nag-iwan, kung bakit wala na itong nakikitang mga bagay na dati'y kinasanayan. May mga simbolikong pagsasanay ng pagbabalik, tulad ng pag-usbong ng mga bulaklak at paglipad ng ibon, ngunit tila wala pa ring pagbabalik o pagtatagpo. Ang tono ng tula ay puno ng pangungulila at pag-aalala sa pagkawala ng minamahal.
Mensahe ng Tula:
Kaugnayan sa kasalukuyang panahon:
Ang tula ay maaaring magbigay ng mensahe ng paghihirap, pagluluksa, at pangungulila, na maaring kaugnay sa mga karanasang personal o pangkalahatan sa kasalukuyang panahon. Maaaring ituring na metapora ang paglubog ng araw sa kanluran at ang paglisan ng minamahal na nagpapahayag ng mga suliranin at hamon ng lipunan o indibidwal sa kasalukuyang yugto ng buhay.
Kapakinabangan nito sa kaunalarang panlipunan at pangagtauhan:
Ang tula ay maaaring magbigay ng mensahe ng paghihirap, pagluluksa, at maaari ring magsilbing pagsusuri ang tula sa aspetong pangkatauhan at kaunlaran. Ang paglalarawan sa mga bagay na bumabalik at nagtataglay ng simbolismo ng pag-usbong katulad ng bulaklak at ibon ay maaaring tingnan bilang mga pag-asa at oportunidad para sa pag-unlad. Subalit, ang pangungulila at paghahanap ng nawawala ay maaari ring maging representasyon ng mga hamon at kakulangan sa kaunlaran at katarungan sa lipunan. Ang tulang ito ay maaring magbigay ng pagpapahiwatig hinggil sa mga aspeto ng lipunan na nangangailangan ng pag-unlad at pag-usbong.
Kahit Saan ni Jose Corazon De Jesus
Paksa ng Tula:
Sa tulang ito ay nagpapakilala ng isang nagmamahal, nag-aalok ng mga imahe na naglalarawan ng pag-ibig sa iba't ibang paraan. Bawat taludtod ay nagtatampok ng isang larawan o pangyayari na nagpapakita ng pagmamahal ng tagapagsalita sa kanyang iniibig. Ang mga imahe na ipinapakita sa bawat stanza ay naglalarawan ng iba't ibang aspeto ng pag-ibig at ang iba't ibang paraan ng pagsasabi ng damdamin.
Mensahe ng Tula:
Kaugnayan sa kasalukuyang panahon:
Ang tula ay nagtatampok ng damdamin ng pag-ibig at pangako ng magkasamang pagtanda sa kabila ng mga pagbabago sa lipunan. Kahit sa kasalukuyang panahon, ipinapakita ng tula ang pangarap na manatiling bukas ang puso sa pag-ibig at ang pangako ng matapat na pagmamahal sa kabila ng mga hamon ng buhay.
Kapakinabangan nito sa kaunalarang panlipunan at pangagtauhan:
Maaaring ituring ang tula bilang isang pagnanais na mapanatili ang halaga ng pagmamahal at pagkakaunawaan sa kabila ng modernisasyon at mga pagbabago. Binibigyang halaga ng tula ang mga pangunahing bagay tulad ng pagtutulungan, pag-aalaga, at pagbibigay importansya sa kapakanan ng isa't isa para sa ikabubuti ng lipunan at ng bawat indibidwal.Ang tula ay maaaring magbigay ng mensahe ng paghihirap, pagluluksa, at maaari ring magsilbing pagsusuri ang tula sa aspetong pangkatauhan at kaunlaran. Ang paglalarawan sa mga bagay na bumabalik at nagtataglay ng simbolismo ng pag-usbong katulad ng bulaklak at ibon ay maaaring tingnan bilang mga pag-asa at oportunidad para sa pag-unlad. Subalit, ang pangungulila at paghahanap ng nawawala ay maaari ring maging representasyon ng mga hamon at kakulangan sa kaunlaran at katarungan sa lipunan. Ang tulang ito ay maaring magbigay ng pagpapahiwatig hinggil sa mga aspeto ng lipunan na nangangailangan ng pag-unlad at pag-usbong.
Bayan ko ni Jose Corazon De Jesus
Paksa ng Tula:
Ang tula ay naglalarawan ng pagmamahal sa bayan, pagpapahalaga sa kagandahan ng Pilipinas, at ang pag-asa na maging malaya ang bansa mula sa anumang anyo ng pang-aapi.
Mensahe ng Tula:
Kaugnayan sa kasalukuyang panahon:
Ang tula ay naglalarawan ng pangarap na maging malaya at masaganang bayan, ngunit may bahid ng lungkot dahil sa mga pagsubok at paghihirap na nararanasan ng bayan
Kapakinabangan nito sa kaunalarang panlipunan at pangagtauhan:
Ang tula ay naglalaman ng matindi at tapat na pagmamahal sa bayan at ang pangarap na makamtan ang buong kalayaan. Ipinapakita nito ang pangarap na maging malaya at masagana ang bayan, at ang pagnanasa na makita itong umunlad at umangat mula sa kanyang mga paghihirap. Ang pagtutok sa pangarap na makamtan ang kaunlarang panlipunan at pangkatauhan ay nagbibigay inspirasyon sa mga mambabasa na makiisa sa pagtataguyod ng makatarungan at progresibong lipunan.
SINTESIS
MGA TULA:
Puso, Ano ka?
Manggagawa
Isang Punongkahoy
Ang Tren
Pagibig
Ang Buhay ng tao
Sintesis ng Anim na Tula ni Jose Corazon de Jesus:
Puso, Ano Ka? - Ipinapakita ang mga damdamin ng isang puso at ang kahalagahan nito sa buhay ng tao.
Manggagawa - Tumatalima sa hirap at pawis ng mga manggagawa, naglalarawan ng kahalagahan ng trabaho at dignidad sa paggawa.
Isang Punongkahoy - Ginagamit ang punongkahoy bilang simbolo ng matibay na pag-asa at pag-usbong sa kabila ng mga unos ng buhay.
Ang Tren- Inilalarawan ang pagsakay sa tren bilang metafora ng paglalakbay sa buhay, may mga saglit na bilis at pag-ayon sa takbo nito.
Pagibig -Tumatalima sa kakaibang damdamin ng pag-ibig, itinatampok ang sakit at ligaya na kaakibat ng pagmamahalan.
Ang Buhay ng Tao - Binubuksan ang pinto sa buhay ng isang tao, naglalarawan ng mga pag-ikot ng tadhana at kahalagahan ng pagpapasya.
0 notes
Text
"May MRT ba patungo sa 'yo?"
Isinulat at inilathala ni Clara (2024) sa Maynila.
Alam mo, sa lahat ng landas, mula España, Binondo, o kahit Ermita, o anuman pang dako sa Maynila ang aking nasilayan at nakasanayan— bagamat walang pagsasanay sa pagtawid o pagko-commute, tatahakin ko ang landas na papunta't pabalik sa iyo. Wala mang kasiguraduhan, walang katiyakan kung saan dadalhin ako ng aking mga paa, batid ko lamang na pagdating sa iyo, hindi ako maliligaw. Ang landas patungo sa iyo ay landas patungo sa kasiguraduhan.
0 notes