villafanyeh
*biglang lumitaw ang leche flan*
2 posts
Ginawa ang blog na ito para masubukan ni Francis V. ang pagninilay sa panitikan. [Disclaimer: This is a school-required blog for which I will be posting assignments for a subject called FIL14.]
Don't wanna be here? Send us removal request.
villafanyeh · 9 years ago
Text
Tungkol sa Bugtong at Salawikain
May paniniwala ngayon na nagsasabing mas matalino ang mga tao ngayon kumpara sa mga tao dati dahil sa mga pag-usad ng teknolohiya na naganap sa ating kasaysayan. “Walang hustisya ang kanilang proseso ng paglilitis ng kaso.” “Binibigyan nila ng kung anu-anong dahilan ang mga pangyayari sa buhay.” “Mas binibigyan nila ng halaga ang tradisyon kaysa sa lohika.” Ganon ba talaga, kasi kung titignan ang mga ilang uri ng tulang tradisyunal, makikita na may pinag-isipa rin ang mag tao dati. May isang kritiko na nagbigay ng kaniyang opinyon tungkol sa pelikulang “The Lorax” na lumabas noong 2012. Sa kaniyang pagwawasto, nagpresenta siya ng isang maikling tanghalan kung saan kinakausap niya ang mga takapageasto na nagrekomenda sa paggawa ng pelikula. Nag-reklamo siya sa kanila dahil tinanggal nila ang [ambiguous] na [ending] at dahil dito, nawala ang katalinuhan at ang pagka-dramitiko ng orihinal na kwento. “Dahil iyon ang kasangkapan ng buhay, ‘di ba! Ang mga madaling sagot na hindi kailan gang pagnilayan, at kailangan nating ipaghanda ang ating mga anak para sa kadalian ng buhay. Oo, pinaisip nila tayo, pero tignan mo nang ganito: PINAISIP NILA TAYO!” sinabi niya sa isang sarkastikong tono. “Pero mga malabong sagot ang binibigay ng pag-iisip sa mga bata,” sagot ng isang tagapagwasto. “Baka iyan nga ang ideya! Baka mas tatagal ang mensaheng nais iparating dahil palaging itong pinagbalikan ng mga tao para pagnilayan!” sagot ng kritiko. Isa raw sa nagbigay ng kagalingan sa orihinal na kwento ni Dr. Seuss ang katapusang walang malinaw na sagot dahil gusto ng gumawa na magnilay sa mga idea at tanong na ibinahagi. Walang konkretong aral na sinabi at binigay ang alituntunin ng pagbibigay ng sagot sa mga mambabasa. Tulad ng kuwentong ito, masasabi ito rin ang nagbibigay ng substansiya sa mga bugtong at salawikain. Hindi trinatrato ng mga gumagawa ng mga bugtong ang kanilang madla bilang mga tanga. Binibigyan sila ng pagsubok para makapag-isip at balikan ito ng ilang beses. Kapag nakuha na ang sagot, mas mawiwili sila sa mga ito at matututunan nila na hindi ganoong kasimple ang buhay. Sa salawikain naman, wala itong binibigay na direktang utos ang mga tao at mga payo lamang ang iniiwan. Kahit sa kasulukuyan, binabalikan ang mga para magbigay ng ehersisyo para sa utak at mahanda ang mga tao sa buhay. Pinapakita ng mga ito na maraming kailangang pagnilayan upang makakuha ng sagot at wala talagang makakapagbigay ng tamang landas para sa iyo. Pagkatapos balikan ang mga ito, masasabing hindi gaanong primitibo ang pag-iisip ng mga tao dati. Alam nila na kailangang magnilay at makapagisip ang mga tao para umasenso sa buhay. Dapat hindi pinagbibigyan ang mga tao dahil may kakayahan ang mga ito para mag-isip. Walang malinaw na daan na inilatag para madaanan anbuhay, at mga payo lamang ang ating mga maibibigay sa isa’t isa. Base sa mga bugtoat salawikain, makikita na may alam naman ang mga tao kung ano ang kailangang alalahanin para mamuhay. Oo, sa ilang aspeto, masasabing mas primitibo ang mga taong ito, pero kung lahat ng aspeto ay tatawaging mo na primitibo, masasabing marami pa ang kailangan mong pagnilayan. ------------- Mga Sanggunian: http://thatguywiththeglasses.wikia.com/wiki/The_Lorax https://youtube.com/watch?v=sYwwgeP5Jms
0 notes
villafanyeh · 9 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
“Mga Mukha ni Palaruman���
0 notes