#di pa din ako gumagaling
Explore tagged Tumblr posts
Text
THE TRANGKASO TIMELINE
Last week nag post ako dito na may trangkaso ako.
The next day nun nagka trangkaso na buong fam and talagang ang lala ng lagnat namin, pero uminom kaming meds, naging okay naman ako agad nung Tuesday, like humupa yung lagnat ko and medyo okay na pakiramdam. Wala nang sipon, pero may ubo padin.
Around thursday, sinipon ulit ako. Izza prank daw pala.
Napranoid ako kasi sabi ni kuya @happygoth09 pag di na tumatalab yung gamot magpa swab na.
Di padin ako gumagaling, may ubo’t sipon ako til now.
Nag suka ako kagabi at ngayong gabi din. Di ko alam kung bakit.
Ang sakit na ng tyan ko kakaubo, feel ko magkaka abs na ko. Charot.
Nag file na ko ng Sick Leave for tomorrow kasi need ko na mag pa check up kasi tumagal na ng linggo yung ubo’t sipon ko plus the vomiting.
Pisti talaga tong panahon na to huhu. Nakaka paranoid. Ang hirap umubo, sakit din sa ulo. Tapos nakikita ko pa yung checklist ng covid symptoms. Huhu
Sana maging healthy padin ang lahat🥺 pagaling tayo 🙏🏼
11 notes
·
View notes
Text
Ang Peke
Pambungad
Klinika ni Dr. Casas. Pagbukas ng tabing, makikita si Pilar na nakaupo sa mesa bilang nars na tagapaglingkod sa araw na iyon.
Eksena 1 (Pilar at Dr. Casas) Pilar: Kay tagal nang nakalabas ng doktor. Siguro'y mahirap ang operasyon. (Magpapatuloy sa kanyang gawain- si Dr. Casas mula sa Operating Room) O, natapos na palá, Doktor? Successful ba? Casas: Oo. Pastilan, napakahirap na operasyon. Parang dalawang operasyon. (Ang nars ay magdunol ng tuwalya at kukunin ang guwantes matapos itong hubarin ng Doktor.) Pilar: Anong orders, Doktor? Casas: Liquid diet, ha! Pilar: Kung sakaling lagnatin, ipaaalam ko na lang dito! Casas: Oo. At kung hindi lalagnatin, huwag bibigyan ng gamot. (Sa sandaling ito, mauunang aalis ang nars ngunit babalik din.) Pilar: Meron pa pala akong gustong sabihin sa inyo, Doktor. Naghihintay ho sa labas si Don Felix Gomez. Casas: Ha! Bakit hindi mo pinatuloy agad? Pilar: Hindi ko na muna pinatuloy dahil may ginagawa pa kayo. Casas: Puntahan mo agad. (Aalis si Pilar at babalik din kaagad, kasama si Eling)
Eksena 2 (Dr. Casas, Eling, at Pilar) Eling: Magandang umaga, Doktor! Casas: Magandang umaga naman! Tuloy kayo! (Tutuloy at uupo si Eling sa silyang itinuro sa kanya.) Ano po'ng maipaglilingkod ko sa inyo? Eling: Kasi ho, Doktor, matagal na po itong sakit ko at hindi ho gumagaling. Casas: Ano ba'ng nararamdaman mo? Eling: Kuwan... itong kung isasalaysay ko'y hindi ko kayang ilarawan ang aking dinaramdam. Aywan ko ba kung ano ito parang may sakit ako, parang wala... Hindi naman ako nilalagnat, pero ada! Aywan ko nga! Hindi ako makatulog sa gabi. Ang bituka ko ay ayaw tumanggap ng pagkain. Wala nang kasiyahan sa daigdig na makakalibang sa akin... Lagi na lamang akong nalulumbay. (Titigil). At wala na yatang gamot sa botika na di ko natikman sa dami ng ipinainom sa akin. Kilala mo ba ako? Casas: At sino ba'ng hindi nakakakilala sa iyo, Don Felix! Eling: Kaya nagsadya ako dito. Baka sakaling maalis itong aking karamdaman. Ano nga kaya ang sakit ko? Casas: Sinabi mong hindi ka makatulog... hindi makakain at para kang napapangitan sa mundo... Ngayon, meron akong itatanong sa iyo na baka sabihin mong walang kaugnayan sa iyong sakit, pero sagutin mo na rin. Puwede? Eling: Sige, magtanong ka lang at sasagutin ko. Casas: Magkano ang kinikita mo buwan-buwan sa iyong bahay at lupain? Eling: Hindi ko alam, Doktor, dahil ang administrador ko lang ang nakaaalam nito. Casas: Gayon ba? A, tatlong libo kaya? Eling: Baka higit pa dahil hindi naman iyan magkakasiya sa akin. Casas: Kung gayon! Aha... Maglakbay ka sa ibang dako ng daigdig... Makagagaling 'yan sa iyo. Eling: Huwag ka nang magsabi nang ganyan wala nang lugar sa mundo na hindi ko napasyalan. Dalawang taon ako sa Amerika... limang taon sa Europa.... nakarating na ako sa India... Ay, sa lahat! Sawa na ako riyan. Casas: Ganoon ba? Ano naman ang ginagawa mo araw-araw? Eling: Ako... wala. Laging tanghali na ang bangon ko. At saka, nakaupo lang ako buong araw. Hindi na ako namamasyal, dahil naguguluhan ako sa maraming tao. Ayaw kong magpunta-punta sa mga kasiyahan, at ako'y nababanas sa mga nagsasayaw at nagsasaya. Casas: Ilang taon na po ba kayo? Eling: Tatlumpu. Casas: Bakit naligaw kayo rito samantalang mayroon ka namang sariling doktor? Eling: Pumunta na ako sa lahat ng manggagamot at walang nakagaling sa akin. Casas: Ilang tanong na lang... huwag ka lang mainip, ha? Eling: Hindi. Tanungin mo ang nais mong itanong. Casas: Sinong mga kamag-anak mo? Eling: Ako?.. Malapit na kamag-anak, wala. Kaisa-isa akong anak. Patay na ang mga magulang ko. Mayroon akong mga kamag-anak, pero malalayo na. Pero anong kaugnayan nito sa aking sakit? Casas: Sandali lang... E, ... Hindi mo naisipang magkaroon ng sarili mong pamilya? Ayaw mo bang mag-asawa? Eling: Huwag mo na lang banggitin iyan sa akin! Casas: Makinig ka. Isa kang pasyenteng walang sakit. Iyang sakit mo'y hindi nakukuha sa gamot. (Nais tumayo ni Eling.) Makinig ka muna, kung hihingi ka ngayon ng gamot wala akong maibibigay sa iyo. Eling: Kaya? Kung wala akong sakit, bakit ako may sakit? Casas: Iyan ang sinasabi ko sa iyo. Ika'y may sakit pero walang sakit. Pero ang sakit mo'y higit na malala kaysa pinakamasahol na sakit. (Magtatangkang tumayo si Eling) Makinig ka na lang muna... Hindi ito biro. Ang sa iyo'y sakit ng lubhang pagiging mayaman. Wala kang bagay na ninanais dahil ang lahat ng bagay ay mapapasaiyo sa isang bigkas mo lang, sa pamamagitan ng iyong salapi. Sa mundo'y wala kang ni isang bagay na hinahabol, iyan ang dahilan kung bakit ang kalooban mo'y mahina at ang iyong katawa'y parang kasangkapang kinakalawang... Dito sa mundo'y kailangan natin ng isang hangarin. Kailangang ang bawat isa sa atin ay may minimithi sa buhay. Ang buhay ay hindi lamang pagkain, pagtulog, at pagbibigay sa katawan. Kailangan ng bawat isa ang isang pinapangarap na nais magkatotoo. Ngunit ikaw, dahil sa salapi mo'y matutupad kaagad ang iyong kagustuhan. Tigib ka man sa lahat-lahat, ang pinakamabuti sa iyo'y magkaroon ng isang tinitingalang pangarap na karapat-dapat sa iyo. (Titigil.) Eling: Siya nga? Ha ha ha... Kung mangangarap lang
ako'y gagaling na ako kaagad? Casas: Huwag kang tumawa at hindi ito katatawanan. Alam mo, kahit mayaman ka ay hindi ka magkakahalaga ng isang sentimo. Eling: Ha! (Tatayo) Hindi ako nagpunta rito para insultuhin mo! Casas: Magalit ka na nang magalit, pero ang sinasabi ko'y totoo. Kahit sino riyan sa mga kargador sa daungan ay mas mahalaga kaysa iyo. Sila'y may pakinabang sa kanilang sarili, sa kanilang pamilya, sa kanilang bayan. Pero ikaw liban sa pagkain, pamamasyal, at pagtulog, wala ka nang silbi. Eling: (Tatayo, sisinga-singa sa galit) Dr. Casas, mag-ingat ka sa iyong dila, at baka may mangyari sa iyo ngayon din! Casas: Sige! Magalit ka! Buntal! Sugod! (Susugod si Eling, pero siya'y mapapaupo sa silya, hahawak sa ulo) Ha ha ha... nakita mo na? Nariyan ang iyong sakit. Ang kawalang-sigla, ang kawalang lakas-loob, ang pagiging duwag! Bakit duwag ka? Sapagkat ika'y walang lakas. Ang mga bisig mo'y mahihina. Alam mong kung binuntal mo ako'y mabubulagta ka sa sahig sa aking ganti. Bakit ka mahina? Sapagkat wala kang ginagawa. Eling: Totoo ba ang sinasabi mo? Casas: Sadyang totoo, ka'mo! Kung magiging mahirap ka, halimbawa, walang magkakamaling magsasahod sa iyo kahit ilang sentimos bawat araw. Walang laman ang iyong ulo. Walang lakas ang iyong mga bisig. Hindi sanáy sa paggawa. Maniwala ka. Ang dahilan ng iyong sakit ay ang kayamanan mo mismo, iyang yamang hindi pinagpaguran ng iyong katawan. Eling: Ngayon? Anong kahihinatnan ng taong kagaya ko? Casas: Kung minsa'y mabuang, kung minsa'y magpatiwakal. Eling: Totoo? Casas: Hindi ba kung minsa'y may maligaya sa paningin natin, pagkatapos, basta na lang nagpapakamatay? Naalala mo 'yong isang taong mataas ang katungkulan sa Maynila na pinatay ang sarili sa gitna ng kanyang halamanan, sa harap ng kanyang palasyo? Iyan, ang magiging katapusan mo! Mayaman ka nga ngayon, pero hindi mo nalalasahan ang tunay na kapalaran sa mundo. Gusto mong kumain, hindi ka makakain, dahil hindi mo masikmura ang pagkain. Nais mong matulog, hindi ka makatulog, dahil ang pagtulog ay para makapagpahinga at bakit magpapahinga ang katawang walang ginagawa? Gusto mong mag-asawa, hindi mo magawa sapagkat lagi kang nagsususpetsa na ika'y iibigin lang nang dahil sa salapi mo... Eling: Totoo 'yan! Casas: Hindi ka minamahal ng lipunan sapagkat ang iyong puso'y wala ni katiting na pitak ng pagmamahal para sa kanya. Ang lipuna'y walang utang-na-loob sa iyo, at ika'y walang sisingilin sa kanya. Nakikita mo ba iyang malaking punongkahoy? Mayabong ang kanyang mga sanga't dahon pero sa kanyang lilim, mamamatay pati ang mga damo; walang tanim na nabubuhay! Ikaw iyan! Eling: Subalit nais kong maging totoong tao. Ibig kong lumigaya...anong dapat kong gawin? Casas: Kumain ka ng pagkaing pinagpawisan mo. Sa ngayon, ika'y isang taong "peke"... huwag kang magalit sa aking sinasabi. Ako'y isang manggagamot... ang isang may sugat na nagpapagamot ay talagang masasaktan sa paglalagay ng gamot. Ganyan ka ngayon, kailangan sa tao ang may hinahabol na bandila sa unahan... na may tinitingalang bituin; at para sa kanya ang tagumpay ay wala sa pagkakamit ng bituin ni sa pag-agaw ng bandila, kundi nasa pagsisikap at paghahangad kanila. Eling: Dr. Casas... ganyan pala? Magsalita... magsalita ka pa... Casas: Eto pa. Pumili ka ng babaeng tunay na iniibig mo at tunay ding nagmamahal sa iyo, sapagkat ang pinakadalisay at masiglang pag-ibig ang isang malaking lakas na makaaahon sa iyo sa pag-agos nito tungo sa maruming pusali... siyang tunay na ilaw na tatanglaw sa daang paakyat sa kaitaasan. At saka, kung may anak ka man, lalong mabuti at magkakaroon ka ng banal na kasiyahan: ang pag-aaruga sa kanila, pagpapalaki sa kanilang mabubuting taong maaari mong ialay para sa paglilinang ng lipunan, hindi parang putik, kundi parang bulawan. Eling (Tatayo): Dr. Casas, ipakikita ko sa iyong ako'y magiging totoong tao rin. Sinabi mong ako'y "peke"? May araw ding babalik ako sa iyo upang ipakita sa iyong may kabuluhan pa ako. Casas: Anong gagawin mo? Eling: Hindi ko na muna sasabihin. Sinabi mong matamis ang pagkaing binibili sa perang
pinagpaguran? Hahanapin ko ang pagkaing 'yan. Totoo ang sinabi mo, merong bagay sa mundo na hindi nabibili ng salapi... bagay na pagsisikap lang talaga ang kapalit... hahanapin ko ang mga bagay na iyan! Casas: A!... Ngayo'y masasabi ko sa iyong may maaasahan pa pala.
Buod ng Iba pang Bahagi ng Dulang "Ang Peke"
Pagkatapos ng pag-uusap nina Don Felix o Eling at Dr. Casas sa klinika kung saan tinanggap ni Eling ang hamon ng doktor na hanapin niya ang kabuluhan ng buhay at patunayang hindi siya "peke", ang sumunod na tagpo ay sa tabing-dagat, sa ilalim ng niyugan kung saan makikita ang bahay ng mga naninirahan sa balangay ng mga mangingisdâ. Sa lugar na ito ng mahihirap nakatira ang mag-asawang Alipio at Ingka gayundin ang kanilang mga anak na sina Quintin, Mayang, at Siyay. Dito rin nakatira ang manliligaw ni Mayang na si Goryo, anak ng pinakamayaman sa lugar na si Pascual, nagmamay-ari ng baling o malaking bangka, limampung punò ng niyog, at kaisa-isang bahay na tabla. Bagama't hindi gusto ni Mayang si Goryo ay mapipilitan siyang pakasalan ang binata dahil sa laki ng utang ng kanilang pamilya sa ama nito at sa pangako nitong hindi silá tatawad sa bugay o dote at bibigyan sila ng kalabaw, isang bagay na pinakaasam-asam ng kanyang magulang. Sa lugar na ito sumulpot si Eling na nagkunwaring naghahanap ng puwedeng mapasukang gawain kahit bilang saop o katulong lang. Tinulungan niya si Mayang sa pagbuhat ng baroto at bilang kapalit, binigyan siya ng dalaga ng bahaw na kanin at daing. Ito ang unang pagkain ni Eling na nagmula sa pagpapatulo niya ng pawis. Naging mabuti si Mayang sa kanya na nagbigay pa ng suhestiyong pumasok siya bilang mananangot sa niyugan ni Pascual. Sa pamamalagi ni Eling sa lugar na ito ay muli silang nagkita ni Dr. Casas. Katunayan, kaya palá pinili ni Eling na rito magpunta ay dahil alam niyang naririto ang asyenda ng doktor. Gusto niyang makita nito kung paano siya magiging totoo at lalayo sa pagiging "peke". Sinabi niya sa doktor na iniwan niyang lahat ang kayamanan at ari-arian sa kanyang mga tauhan at pinagbilinan silang pupunta siya sa malayong lugar sa loob ng isang taon. Wala siyang dinala kahit isang sentimo at nagpasiyang sa loob ng panahong ito ay kakain lang siya ng mula sa kanyang pinagpaguran. Sa pagdaraan ng araw ay naging malapit sa isa't isa sina Eling at Mayang. Nakatagpo ng pagmamahal si Eling kay Mayang at gayundin naman ang naramdaman ng dalaga para sa binata subalit ito ay naging dahilan ng pagseselos ni Goryo. Ayaw rin ng ina ni Mayang na si Ingka na magkalapit sina Mayang at Eling dahil inakala niyang ang binata ay musimos o mahirap pa sa daga at isang hamak na mananangot lamang. Subalit hindi napigilan ang tunay na pag-ibig na nararamdaman nina Mayang at Eling para sa isa't isa. Sa kabila ng pagtutol ng mga tao sa kanilang paligid ay umiral ang wagas na pag-ibig. Kinausap ni Dr. Casas si Eling at ipinaalalang hindi sila magkabagay ng kalagayan ng dalaga subalit binalewala ito ng binata. Sinabihan din ng butihing doktor si Mayang na si Eling ay labis na maralita subalit ipinagdiinan ng dalaga na mas mamatamisin pa niyang tumira sa dampa kaysa sa palasyo at mamatay sa gutom sa piling ni Eling kaysa maikasal sa hindi niya minamahal. Bilang paghahanda para sa pamamanhikan ng pamilya ni Goryo kay Mayang ay ipinadala ng ama niyang si Pascual kay Eling ang tuba na tinatawag na dama juana sa taniman ng dalaga. Sinamantala ng dalawa ang pagkakataong ito para muling makapag-usap. Sa gabi nga ng pamamanhikan ng pamilya ni Goryo ay nagtanan sina Mayang at Eling. Magdamag silang naglakad palayo sa lugar nina Mayang at nang makarating sa lungsod ay nagpakasal. Pagkatapos ay isinama ni Eling si Mayang sa kanyang malapalasyong tahanan. Labis ang pagtataka ni Mayang kung kanino ang tahanang ito at kung ano ang kaugnayan ni Eling sa may-ari nito. Maging ang mayordomo at mga utusan ay nagtaka at nagulat din sa mga pangyayari. Katunaya'y hindi nila agad nakilala si Eling hanggang sa ibulong nito sa kanila kung sino siya. Ipinagtapat ni Eling kay Mayang ang ginawa niyang pagpapanggap at ang katotohanan tungkol sa kanya. Noong una'y nahirapan si Mayang na tanggapin ang ipinagtapat ng asawa dahil alam niyang hindi siya nababagay sa kalagayan nito subalit natanggap din niya ang magandang kapalaran. Maya-maya'y dumating ang humahabol na sina Quintin, Ingka, at Alipio. Nagtaka sila kung ano ang ginagawa ni
Mayang at ng inaakala nilang hampaslupang si Eling sa malapalasyong tahanan. Nang humarap sa kanila ang binata at ipaliwanag ang lahat ay hindi pa rin sila makapaniwala hanggang sa dumating si Dr. Casas at sinabing ang lalaking binusabos nila sa loob ng isang taon ay walang iba kundi ang mayamang si Don Felix.. Dito na humingi ng tawad si Ingka sa binata. Nagpasalamat nang labis si Eling kay Dr. Casas at sinabing utang niya sa butihing doktor ang kanyang magandang kapalaran ngayon. Ipinangako rin niya ang pagpapatuloy sa panggagamot sa kanyang sakit dahil sinabi ng doktor na ang malaking bahagi ng kanyang sakit ay galing sa kawalan ng pangarap na titingalain sa itaas, na ang inatupag niya'y pawang pangangailangang pangkatawan lamang at iniwan ang espiritwal na hangarin, at ang kasawiang kinasadlakan niya'y ang pinakamasahol na maaaring mangyari sa isang tao. Alam niyang marami pa siyang kailangang ayusin at baguhin para maituring na makabuluhan ang kanyang buhay. Sinabi ng doktor na marami pa siyang pagdaraanang paghihirap para maituring na makabuluhan sa lipunan subalit pinanindigan niyang wala siyang kahirapang hindi kakayanin lalo pa't ang mga kamay ng kanyang pinakamamahal na si Mayang at ang kanyang mga kamay ay magkadugtong na. Hindi nagtagal at dumating na rin sina Goryo at Pascual. Sa pagtatapos ng eksena ay ipinaliwanag ni Eling sa lahat ang ginawa niyang pagpapanggap. Humingi siya ng tawad nagawa niyang panlilinlang para maitago ang tunay niyang katayuan. Pinangakuan niya si Pascual na babayaran niyang lahat ang gastos at pagkakautang ng pamilya ni Mayang sa kanya. Habang umiiyak ay akmang luluhod si Pascual bilang paghingi ng tawad sa kanyang dating mananangot subalit pinigilan siya ni Eling. Inaya niya ang lahat para sa isang kasayahan. Sa gitna ng pagsasaya ay ipinaalam niya sa lahat na si Dr. Casas ang naging responsable para magbago ang dating taong "peke" na ngayo'y nagsusumikap at natuklasan ang tunay na kabuluhan ng buhay.
4 notes
·
View notes
Text
where do i even start?
so hello im back on here only because narealize ko na this is one of only two places i can actually talk about how i really feel (the other one being my journal and im really lazy to write everything down but ill probably write on there too siguro within this week) and i guess here's everything that happened during my soc med detox:
the main reason why i wanted to go on a soc med detox is because i felt super pressured about finding a work because everyone around me, especially everyone in my field (interior design) seems to have a job already and yet here i am, having nothing at all; hindi naman ako tamad, ang dami kong kayang gawin, ang dami ko nang napagapplyan, pero wala talaga and super nakakapagod na, kahit nga hindi interior design realted na work walang tumatanggap sakin kahit maganda naman resume ko, basta nakakainis na nakakalungkot kasi nga feel ko hindi enough yung ginagawa ko
since napepressure nga ako sa mga tao around me, which includes my 2 bestfriends, nilalayuan ko sila, pero thankfully they understand completely where im coming from and they assured me na wala nga naman akong kasalanan kung bakit nandito ako sa situation ko now; its not my fault na we're in a pandemic and that the companies now that atleast im aiming for isnt hiring, wala akong magagawa about that. the fact na may ginagawa akong maganda with my time is more than enough daw and i just really need to keep reminding myself that kasi tbh its getting harder and harder to remember that everyday.
my lola also got a covid scare just the other day; bigla kasing nilagnat after talking to a few people pero thank god it wasnt covid but at the same time we found out na she has uti and until now hindi padin siya gumagaling and nakakastress lang kasi ang pasaway ng lola ko, as in ayaw niyang magpaospital tapos ang gulo pa ng tito ko basta whenever i remember that night when we found out na may sakit lola ko ang heavy lang sa pakiramdam and the fact na sobrang layo niya from us (she lives in batangas and we live in paranaque) doesnt help at all
my kuya's flight school decided to close after more than a year of making them wait for any kind of update and its making my family pissed but at the same time excited kasi that means mas makakahanap ng magandang opportunity yung kuya ko when it comes to him becoming a pilot and thats just it, nakahanap na nga siya ng opportunity and my parents wants me to go with him eventually to move to florida for a bit with him finishing flying school and becoming a commerical pilot and me working as an interior decorator para din ako muna techincally magpoprovide for him and our family since di pwedeng mag work siya at the same time with his school pero heres the thing kaya stressed din ako kasi sayang yung opportunity ko to find work there kung hindi naman magagawan ng paraan yung visa ko. oo may toursit visa ako na valid for a really long time pa pero syempre hindi yung enough for me to look for work there and i really really really wanna go to florida too kasi who knows baka doon ko pala masastart yugn career ko and the fact na willing yung parents ko to actually help us pa meanas the world to me and i really wanna figure out if i actually can work there without me being a lisenced interior designer here sa philippines
and lastly my mom got into an accident sa kitchen while preparing for dinner: may dinidikdik kasi siyang powder na medyo matigas na, thinking she can salvage it, and she was using a knife to try and loosen up the powder but nope the knife ended up slipping and now nasugatan siya ng sobrang lalim sa right hand niya to the point na masakit parin hanggang ngayon yung hand and most of her right arm meaning im gonna have to help her more with everything, not just cooking; buti nalang kamo left handed mom ko
but yeah, life is super shitty, and umaabot na sa point na nafefeel ko nang lumalala lang lalo yung anxiety ko like ive been crying more and frowning more and everything feels heavier
but i know ill be okay; i just know it
10 notes
·
View notes
Text
I don't share that much about my sister here in social media...
As much as possible, gusto ko kasi private pagdating sa family ko...
But I'll make time to share about my sister to pay tribute to her...
Meet my sister, Ma. Rafaela R. Flores or mostly called as “Mara”. As you can see she’s a special child (down syndrome), she looks different pero katulad din natin siya na normal na may damdamin at may isip.
As a sister....
Mukha siyang mas bata sa akin pero mas matanda siya sa akin at nagagawa niya yung role niya as my older sister. Naalala ko dati pag nakakalimutan ko uminom ng gamot lalapitan niya ako and bibigay niya sa akin yung gamot ko na may kasamang glass of water. Pag pinapagalitan ako ng parents ko lalapit sa akin yan tapos magagalit sa parents ko then aakapin niya ako. Alam ko sa self ko na hindi niya naiintindihan yung situation kung bakit ako pinapagalitan pero andyan parin siya to comfort me kasi nakikita niya na umiiyak ako.
Pag dating ko ng bahay galing school nung bata pa ako until na dumating yung time na nagkaroon ako ng work, siya yung nagbubukas ng pintuan para sa akin. Kaso minsan pag wala sa mood di niya talaga bubuksan yung pintuan kahit nakatayo ka ng sobrang tagal sa harap ng pintuan. Pero magaling yan kasi lately pag tinatamad siya magbukas ng pinto tatawagin niya yung mom ko para siya magbukas ng pintuan. Hahahaha!
Di kami madalas magbonding niyan dati nung student pa ako, kasi busy ako sa mga school works. Pero every weekend nag bobonding kami niyan. Pag nag bonding kami ng ate ko lagi ko siya inaasar or minsan kinikiliti ko siya sa paa tapos sisipain niya ako. Hahaha! Lambing ko kasi talaga yung mangiliti sa ate ko tapos pag nasobrahan ako ng kiliti, kikilitiin din niya ako. Nung may family day pa kami sa itaas ng bahay namin, we always sing. Syempre siya dapat kakanta din na sarili niyang kanta. Favorite niyang kanta yung mga songs ni Willie Revillame. Usually nga sa kalagitnaan ng kanta niya bigla nalang siya iiyak kasi feel na feel niya yung song.
Nung nagbreak kami nung ex ko binigay ko yung time ko sa ate ko. I had a chance to spoil her with food that she wants. Pag nakita niya na may dala akong plastic bag alam na niya na may pasalubong ako for her tapos pag binigay ko na sa kanya yung pasalubong ko sisigaw na yun tapos sasabihin sa parents ko na may binigay ako for her. Meron pa nga yung last na binilhan ko siya ng coloring book nung nasa hospital siya tuwang tuwa siya tapos paulit-ulit niya sinasabi na thank you, hindi ko naman alam na hindi na niya makukulayan yung bagong coloring book na binigay ko sa kanya. But I am still happy because I was able to make time for her even for a short time. Siya rin yung nagpapasaya sa family namin. She do everything just to make us happy. She loves to be on spotlight, she wants na lagi siyang bida. She loves to sing and dance. Yun yung way niya to entertain us. May mga napapanuod siya sa TV or sa iPad niya then gagayahin niya to entertain us. I wonder what she’s doing in heaven, for sure he is entertaining all of the people there and bringing up smiles.
When I became an adult, I am happy that I was given a chance to give time and effort to my sister. I know that time was not enough because I have a lot of plans for her. I even told my parents that when I have enough money I’ll hire a nurse or caregiver for my sister so that they will not get worried of taking care of my sister when they get older.
So I’ll share the last few moments with my sister...
Last January 2019, my sister was hospitalized kasi hindi parin gumagaling yung ubo at sipon niya. Alam ko naman na sandali lang kami dun kasi ubo at sipon lang ang meron siya pero based sa mga lab tests niya meron na siya pneumonia. I was given a chance to observe her inside the hospital kasi nung bata ako hindi naman ako pumupunta to visit my sister sa hospital kasi bawal ang bata. In 10 days sa hospital, wala ako nakikitang progress sa ate ko. Nakikita ko lang na habang tumatagal pahina siya ng pahina. Tsaka mapapansin mo sa kanya na she’s not cooperating, pagod narin kasi siya sa mga pinapagawa sa kanya. Imagine dalawang swero ang nasa kamay niya, ganun ang struggle niya. Hindi ko siya kayang makita na matagal na ganun kasi hirap na hirap na siya.
I am having doubts nung nagkakaroon na ng mga signs na hindi na okay yung ate ko. Kasi naffeel ko na she will die soon but I don’t know when. Lately nalang namin nalaman na may infection sa heart niya kasi nung last night ni ate dun lang nakita ang condition ng heart niya. Before that kasi dapat mag ECG siya but since my sister is not cooperating, hindi naagapan agad. I don’t want to blame anyone dahil sa nangyari sa kanya. Kasi kung oras mo na, oras mo na talaga. Everyone (my relatives including me) wants to intubate her, but my parents don’t want kasi they don’t want to see my sister na nahihirapan. At first hindi ko maintindihan kasi dati na-intubate naman and nakasurvive siya. I leave it to my parents to decide what they want kasi ayaw ko na makisali or makidagdag sa burden when it comes to decision making for my sister. My dad explained everything to me and he told me that we need to set her free. I have no choice but to accept it. Me and my dad were both crying… We were also looking at my sister tapos nakita namin lumuha siya. Nakita namin na nag respond siya and siguro narinig kami na nag-uusap. Gagi, ang sakit sa dibdib nung nakita ko yung ate ko na hindi na gumagalaw pero umiyak.
I left the hospital nung critical condition na yung ate ko. I am sorry but I can’t stay for long kasi feel ko pag nakita ko yung ate ko na wala na mahimatay pa ako at ayaw ko makisali sa kanila. At exactly 1:20 AM, my sister died. Pero sinabi na sa akin ng pinsan ko ng 2:00 AM kasi hindi nila alam paano sasabihin sa akin na wala na si ate. Kahit di naman nila sabihin sa akin pagbaba palang nila ng bahay alam ko na wala na yung ate ko kasi kung iisipin niyo sinong baba ng bahay ng ganun oras.
After nun hindi na ako natulog, nag-umpisa na yung duties ko sa funeral service ng ate ko. Walang pahinga, pero okay lang kasi para sa ate ko naman yun. Worth it lahat ng pagod and effort para sa ate ko. Kahit sa sa huling sandali man lang nagawa ko yung duties ko bilang kapatid niya.
It seems like everything was planned before my sister died...
- Remember my story na nagresign ako sa work? After a week of being unemployed, dinala namin sa hospital yung sister ko. Kasama ako ng mom ko magbantay and umalalay. Naisip ko lang na right timing kasi I was able to give time and attention to her.
- Umalis na yung tita ko na tumutulong lagi sa bahay namin at isa rin siya sa nag-aalaga sa sister ko. Feel ko kaya ganun kasi parang it’s time na yung mom ko na ang mag-alaga for her before siya mamamatay.
- It was Christmas last year, I made a video because I want to create a video about Christmas but I was checking my videos na ang background ay puro nasa sementeryo and it was all about her. I was about to edit the videos but while I was checking the videos… I realized it’s not appropriate for a Christmas special video (kasi duh pasko tapos yung background ng videos ko puro nasa sementeryo). When my sister died, I was checking her videos on my dad’s phone… There was a video of her waving and sending flying kisses. Guess what? Her video that time was at the cemetery, so it was like a sign that she’s saying goodbye to us.
- My ex broke up with me few months ago… Nung single na ako I am starting to spoil my sister with the things that she wants. I always bring pasalubong every payday for her. Favorite pa nga niya yung nagdadala ako ng milktea pag galing na ako sa work. Nung naconfine siya, pumunta ako ng mall naghanap ako ng mga pwedeng ibigay sa kanya para lang maging happy siya or mabawasan yung sakit na nararamdaman niya. I gave her coloring book since she loves to color. Sad to say, hindi na niya nakulayan yung coloring book na yun. Ginawa nalang namin pinabaon nalang namin sa kanya nung ililibing na siya. So anong connect nun sa nag break kami ng ex ko? Eh kasi I was able to give my time for her kasi nung may boyfriend ako wala talaga akong time sa family ko lagi akong nafocus sa ex ko nun. It was a sign na siguro time for my sister naman kasi malapit na siya mawala.
Madami akong regrets na sana she lived longer. Kung alam ko lang na mangyayari sa kanya yun, sana ginawa ko na lahat para sa kanya. Sayang… Madami pa akong plans para sa kanya pero wala hanggang dun nalang talaga siya. Sana masaya na siya ngayon kung asan man siya. Alam ko naman na di siya papabayaan ni Lord. Sana i-guide rin ako ng Ate Mara ko sa lahat ng mga gagawin ko kasi alam ko hindi niya ako papabayaan sa lahat ng life decisions ko.
If life has taught me anything, it is that my sister will always be there for me. Kahit sobrang opposite natin pagdating sa mga interests natin and minsan nag-aaway tayo, sa dulo andyan ka parin para sa akin. I’ll never forget yung pinagalitan ako ni tatay kasi may ginawa akong kalokohan pero kinampihan mo pa ako by hugging me and wiping my tears tapos sinigawan mo pa si tatay kasi pinaiyak ako. Salamat din for being supportive kasi sa lahat ng special events ko andyan ka lagi to clap your hands and ramdam ko yung support from you kasi proud ka sa akin. Iba ka man sa paningin ng ibang tao pero ako... You’ll always be special in my heart and I will forever treasure our memories.
I can’t wait to see you again, Ate Mara. Gusto na ulit kita makita. Gusto na ulit kita mayakap at mahawakan yung mga kamay mo katulad ng dati.
14 notes
·
View notes
Text
Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?
Siqiu Lungsod ng Suihua, Lalawigan ng Heilongjiang
Sa tuwing nakikita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwat ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ang mga hadlang sa buhay, at ang pag-abandona ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o tinitiis ang anumang ibang mga kasawian sa buhay, sa gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). lubha akong hindi nasisiyahan- ang pakiramdam ng kalungkutan ay namumuo sa loob ko at nagsasalita ang puso ko ng mga walang tinig na karaingan nito: Mahal na Diyos, bakit Mo pinapayagan na makasagupa ng ganoong kasawian ang mga matapat sa Iyo at nagmamahal sa Iyo? Bilang resulta, nahirapan ako sa pag-unawa sa kahulugan ng taong ginamit ng Banal na Espiritu na nagsabing, “Ang huling hiling ng Diyos sa tao ay mapagmahal at taos-puso.”
Kamakailan lamang, ang kapatid na babaeng nakikipag-ugnayan sa akin ay nagkaroon ng hyperthyroidism. Unti-unti, ang kanyang kondisyon ay dumating sa punto na dapat siyang kumain ng anim na beses sa isang araw. Dahil sa tensyon ng karamdaman, ang kanyang lakas ay unti-unting nabawasan, at nabubuhay siya araw-araw sa kalungkutan, kahinaan at pagkapagod. Ang kanyang katawan ay talagang hindi makaagapay sa kanyang pagnanais na tuparin ang kanyang mga tungkulin at ang kanyang sakit ay palala nang palala. Hindi ko maintindihan kung bakit ito nangyayari: Ang kapatid na babaeng ito ay iniwan ang kanyang pamilya at mataas na suweldong trabaho na may mga magagandang benepisyo upang ituon ang kanyang sarili sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin at siya ay napakatapat. Paano kayang, sa lahat ng ibinigay niya, ipapapasan sa kaniya ang paghihirap ng karamdamang ito bilang kapalit? ... Hindi ko ibinubunyag ang aking mga damdamin sa labas, ngunit ang aking puso ay naguguluhan - kailanma’t ipaalala ng sinuman ang isyung ito ay nawawala ang aking hinahon. Hindi nagtagal, ako at ang aking kapatid na babae ay naghiwalay ng landas, ngunit hindi ko kailanman nalimutan ang tungkol sa kanya. Isang araw, tinanong ko ang aking lider sa kung ano na ang kalagayan ng aking kapatid na babae. Sinabi ng lider: “Sa una ay nagkaroon siya ng isang napaka-negatibong kondisyon at tumanggi na kilalanin ang gawain ng Diyos. Nang maglaon, sadya niyang iniayos ang kanyang kalagayan, na hinahanap ang layunin ng Diyos sa gitna ng paghihirap ng kanyang karamdaman. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, nasimulan niyang makilala ang kanyang sarili at napagtanto na wala siyang tunay na paniniwala. Sa kanyang paniniwala ay mayroon pa ring elemento ng “kapalit,” ang pagnanais pa rin na magtamo ng mga pagpapala sa pamamagitan ng kanyang paniniwala sa Diyos. Nakilala rin niya ang maraming iba pang mga elemento ng paghihimagsik sa loob ng kanyang sarili. Sa sandaling napagtanto niya ang mga bagay na ito tungkol sa kanyang sarili, malaki ang ibinuti ng kanyang kalusugan. Gumagaling siya araw-araw, bumalik siya sa pagkain ng tatlong beses sa isang araw at mas maayos ang kanyang kondisyon. Nakatulong din siya sa mga kapatid ng kanyang tagakupkop na pamilya na ayusin ang kanilang mga kondisyon...” Nang marinig ko ang magandang balitang ito, ako ay talagang nagulat. Inakala ko na ang paghihirap ng sakit ay magpapahina sa determinasyon ng aking kapatid na babae at magdudulot sa kanya ng matinding pagdurusa. Binagbag ng pagkakasakit, naniniwala ako na ang kanyang presensya sa daan pahinaharap ay magiging padilim nang padilim. Inakala ko pa na baka hindi siya makapagpatuloy. Ngayon, nahaharap sa katotohanan ng kanyang sitwasyon, ako ay naiwan na nakatayong tulala. Hindi lamang hindi siya nawalan ng pananampalataya, ngunit, sa pamamagitan ng pagdalisay ng kanyang karamdaman, talagang naunawaan ang gawain ng Diyos at nakilala ang kanyang katiwalian. Natuto siya mula sa kanyang karanasan at gumawa ng mga paghuhusay sa kanyang buhay. Ang sakit ba na ito ay hindi pagpapakita ng tunay na pag-ibig ng Diyos at tunay na kaligtasan ng tao?
Nang maglaon, nabasa ko ang sumusunod na talata mula sa pagbabahagi ng tao: “Bilang 5: ‘Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwat ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ang mga hadlang sa buhay, at ang pag-abandona ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o tinitiis ang anumang ibang mga kasawian sa buhay, sa gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?’” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang gawain ng Diyos ay hindi kasang-ayon ng mga diwa ng mga tao. Gumagawa ang Diyos ayon sa prinsipyong ito upang maghatid ng kaligtasan sa mga tao sa buong panahon. Ang lahat ng nakaranas ng gawaing ito ng Diyos ay makakaalam ng katotohanang ito. Ang mga tao ay matapat at mapagmahal sa Diyos at ang Diyos naman ay nagbabahagi ng Kanyang pagmamahal sa kanila. ... Kung tunay tayong mapagmahal at tapat sa Diyos, kapag nakakasagupa tayo ng lahat ng uri ng kasawian, ito rin, ay pagpapakita ng pagmamahal ng Diyos. Kung tunay na nauunawaan natin ang kalooban ng Diyos, dapat tayong maging mas matapat at mas mahalin ang Diyos hanggang sa wakas. Kung hindi natin makita ang kalooban ng Diyos sa mga pagsubok at magkaroon ng maling pagkakaunawa sa Diyos at magtaksil sa Diyos, talagang hindi natin nakikilala ang gawain ng Diyos. Kahit na tayo ay nagmamahal at tapat sa Diyos, mayroon pa ring mga elemento ng pagkakanulo sa loob natin. Walang sinuman ang tututol diyan. Sinusubok at pinipino ng Diyos ang tao upang dalisayin at iligtas siya” (“Ang Huling Hiling ng Diyos sa Tao ay Mapagmahal at Taos-puso” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Pagkatapos lamang mabasa ang siping ito ng pagbabahagi ko napagtanto na palagi kong hinuhusgahan ang gawain ng Diyos sa mga tuntunin ng aking makalamang pag-iisip. Mali ang aking paniniwala na ang pag-ibig ng Diyos ay binubuo ng mga masasaganang kaloob ng biyaya at katiyakan ng makalaman na kaligayahan at kapayapaan. Hindi ko naisip na ang paghihirap ay isang uri ng pagpapala ng Diyos. Pagkatapos lamang matutunan ang karanasan ng aking kapatid na babae, aking naunawaan na ang pagpipino ng pagdurusa ay isang tunay na pagpapakita ng pag-ibig ng Diyos. Lumilikha ang Diyos ng ilang mga sitwasyon at nagdudulot ng mga kasawian sa Kanyang mga tao- maging ito ay sa pamamagitan ng pisikal na karamdaman, kahirapan sa pananalapi, o anumang iba pang mga kahirapan- hindi dahil sa masamang kalooban kundi sa Kanyang mapagmahal na kabaitan. Upang matugunan ang katiwalian at kakulangan ng tao, lumilikha ang Diyos ng lahat ng mga uri ng mga sitwasyon upang subukin at pinuhin siya. Kumikilos siya sa pamamagitan ng pagdurusang ito upang dalisayin, baguhin at bigyan ng buhay ang tao. Bagaman ang laman ng tao ay dapat sumailalim sa hindi kapani-paniwalang paghihirap sa proseso ng pagpipino, na makikita bilang kasawian o kahirapan, ito ay talagang pagkilos ng Diyos upang pahintulutan ang tao na makilala ang kanyang sarili, pinuhin ang lahat ng mga batik at dalhin ang tao sa pahigit na pahigit na normal na relasyon sa Kanya upang unti-unti niyang linangin ang pag-ibig sa Diyos sa kanyang puso. Ang ganitong mga pakinabang ay hindi maaaring makuha sa pamamagitan ng isang buhay ng paglilibang. Kapag tumitimo sa tao ang mga aral na nakuha mula sa paghihirap ng kanyang mga pagsubok at nagninilay pabalik sa daan na kanyang napili, sa wakas ay nauunawaan niya na ang mga paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang Kanyang pagpalo at pagdisiplina ay ginawa lahat ng Kanyang walang hanggang pag-ibig. Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi lamang mapagkandili at mahabagin. Ito ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng mga materyal na pakinabang, kundi pati sa masalimuot na pagpipino, pagpalo at pagdisiplina.
Mahal na Diyos, salamat sa paggawa sa pamamagitan ng lahat ng aspeto ng aking kapaligiran upang iwasto ang aking tiwali at naligaw na paraan ng pag-iisip at pahintulutan akong makita na kahit na ang Iyong pagmamahal ay hindi kaayon sa aming mga diwa, ang pagpapahayag nito ay laging naglalayong paghusayin at iligtas kami. Ang iyong mga kilos ng pag-ibig ay palaging puno ng masigasig na paggawa ng Iyong puso at di-mailarawang karunungan. Naunawaan ko rin na dati ay hindi ako nagkaroon ng kahit kaunting pag-unawa sa Iyo at hindi naiintindihan na ang Iyong pag-ibig ay madalas na nakatago sa loob ng mga sitwasyon. Mahal na Diyos, sa karangalan ng pagmamahal na ibinabahagi mo sa sangkatauhan, nag-aalay ako sa iyo ng papuri at pasasalamat! Umaasa din ako na isang araw ay tatanggap din ako ng ganitong uri ng pagmamahal. Kung ang pagmamahal na ito ay ilaan sa akin, nangangako ako na tatanggapin ang anumang antas ng pagdurusa, upang maranasan ko ang at magpatotoo sa Iyong pagmamahal.
1 note
·
View note
Text
Laban Pa
Ako'y nagbabalik sa espasyong ito.
At sa pagbabalik na ito'y bitbit ko ang dalisay na pasasalamat sa Panginoong Maylikha dahil gumagaling na ang aking mahal na Ina mula sa mga karamdamang kanyang ininda ng maraming buwan.
Unti-unti ay sumisigla na ang kanyang dating marupok na pangangatawan. Nakakatayo at nakakapaglakad na kahit may umaalay na kapirasong kahoy. Masagana rin ang kanyang pagnamnam ng mga pagkaing binibili at nadadala ko galing sa palengke o siyudad man. Masaya akong nakikita na kaya na niyang maligo mag-isa. Ang lakas at tatag ng boses niyang tulad na rin ng dati kung pagalitan niya ang pamangkin kong sutil.
Hindi naging madali ang pinagdaanan ng aking Ina. Kung tutuusin, nakipaglaban siya para sa pangalawa niyang buhay. Inilaban niya kami hanggang dulo at napagtagumpayan niya ito dahil di kami nawala sa tabi niya. Dahil handa kong gawin at ialay ang lahat para sa kanya anu't ano man ang hingin ng panahon.
Ang dami-daming pighati at sakripisyo lalung-lalo na sa parte ko bilang tapagtaguyod ng pamilya. Ngunit lagi't lagi ay di ko na kinakalinga ang dulot nito sa katawan at pagkatao ko. Ang mahalaga, madugtungan ang buhay ng aking Ina.
'Yun lang ang kaisa-isang panalangin na aking itinangis abot-langit sa Kanya. Dininig naman Niya ng masinsinan ang aking panaghoy.
Sa aking pagbabalik sa espasyong ito, di ko pa rin masasabing magiging kaaya-aya ang lahat sa buhay ko. Alam kong kapatid ko na ang mga dagok sa buhay at nagpapasalamat naman ako dahil dito'y lumalawak ang aking kamalayan tungkol sa mundo.
Mas nasisilayan ko sa mula sa mga paghihirap ang katangi-tanging lakas at dunong kong magpatuloy lang sa pakikipagsapalaran. At dahil gumagaling na ang aking Ina, paunti-unti ay nakakahinga na rin ako ng maluwag walang pagka-agam-agam.
Tinataya ko pa rin ang lahat sa taimtim na dasal at pag-asa. Dahil naniniwala akong balang-araw gigising din akong di lang maliwanag ang sikat ng araw mula sa bintana ng aking kwarto.
Ngunit, dahil may dala na itong kapayapaan at kaluwalhatian para sa aking puso at kaluluwa sapagkat di ako sumuko at pinili kong magpatuloy kahit puro sugat ang suot ko.
Ikaw rin. Lumaban ka lang. Ilaban mo pa. ☺️
#buhay #tagalog #plumatatpapel #pagasa #laban pa
0 notes
Text
To Revert.
It’s been a while simula ng mag blog ako ulit, naalala ko noon nung 2012 or maybe earlier.. more of i’ll follow you then follow me back sort of arrangement.
I wonder if it’s still true kahit ngayon? Siguro i’ll spam follow a few months from now pag marami nang andito sa blog ko. Spam ask naren siguro para may interaction. Nasa ibang lugar na kasi yung attention ng majority, i wonder if I’ll still find new friends here.
Well, I have always wanted to decompress my mind para hindi naiipon yung mga lumalabas na thoughts sa isip ko out of nowhere.. Curse of an INTJ na mataas ang intuition masyado, laging idea generation.
I vaguely remember, I met someone here noon and naging super close kami, and ayun.. due to my immaturity things went south. Nakakamiss yung frequent chats over at kakaotalk. I guess all of us carry wounds na hindi gumagaling which affects new people who just wants to connect to you on a more personal level.
I’m also thinking of changing my handle, kaso parang I don’t want to.. It’s like a part of my identity yung handle pero it’s more of a call to the past, a reminder na I once wanted to build a community around me para hindi ko ma feel na mag isa ako. But, life got in the way, and ayun.. I got nowhere.
I know I have faults, after all, majority of things that happen to us are of things we should have controlled in the first place. Kaso nga ayun, everyone has wounds that never healed. For me, in this phase of my life. I guess I’ll just put everything in this little blog of mine. Maybe I do need some sort of outlet.
Instead of sharing my thoughts with someone who can’t even understand, then i’ll just write it out para naman may explanation. And I will not need to depend myself with someone who will just misunderstood what I am trying to communicate.
Maybe to eventually heal? Ganon? Kasi nga diba may analogy jan, pag masyadong puno ang iyong container, either it will spill or the container breaks. Kaso nga lang sa case ko, parang it’s no use of trying to ask help with other people. I can’t seem to just tell them what I want to say clearly. Palaging kailangan ko mag explain as to why have said that tapos pag nag explain ako, hindi paren ma gets. Repeating pattern, looking back at my life.
And that container, I guess it just broke today. I can’t feel any emotion. It’s like a normal occurance? I mean, I don’t know.
All I wanted to do is to just heal and work on fixing my life.
2022 na pala, 10+ years nakong single. Months ago, I did a huge leap in fixing my life, it involved moving on with someone na naging source of not giving 100% to a romantic relationship I had in the past. Parang naka free rent sha deep inside me. So ayun, anyways maybe I’ll blog about it in the future. Actually may blog ako about her noon at sobra habang wall of text, 4 parts.. nabasa nya, umiyak daw sha dun. Anyways, I guess i’m ready for the 5th part.. last part i think? If I somehow write about it, i’ll repost here and bring down that blog. Pero maybe i’ll just waste my time if i spend my moment writing the 5th, same with wasting my life with her? I have no idea, bigla ko nalang naisulat.
I hope i’ll revert to my old self. I mean, that younger self na full of hope and dreams.. that point in time before my close friend died suddenly. I miss that bastard. I hope makadalaw ako ulit sa grave nya. Nag promise pa man din ako na pag bumalik ako sa harap nya sobrang yaman ko na. It’s been years at wala pa ako sa starting point.
Somehow I lost my way. And now I want to get back to my roots.
To Revert.
0 notes
Text
i feel like i'm going back to the way i was when i was in my dark times.. Oo nanaman. LOL! Tindi mo talaga sa timing, Magpapasko na kapag nabubusy ako tska ako ganito nanaman. Fiesta din diba? May kalendaryo ka ba naka set dyan kelan mo ako guguluhin ulit? Pahirapan? Pero, Bakit nga ba kita sinisisi di mo naman kasalanan bakit ganito ako ka apektado pagdating sayo. 😊 Kasalanan to ng thinking brain / feeling brain ko na di ko ma control.
Still, I believe everything fvcking happens for a reason kahit ayaw ni Mark Manson ng linya na yan. Naniniwala parin ako, Kasi everytime na nagkakaganito ako tska naman may biglaang mga ganap sa buhay ko.. Dahilan para e magpatuloy, Bumangon, Ipakita sa mga tao nasa paligid ko na di ako pabigat kahit may nararamdaman, Kaya ko gawin lahat ng kailangan ko gawin. May reason bakit kailangan magpatuloy. Palagi. As in palagi. HE is always saving me~ 😉🙌🏻 Kahit makasalanan akong tao. 😝
I will ask u again, Itong favor ko pls bitaw ni. Can u pls stop abusing me mentally & emotionally? Di mo man sinasadya ganon ang dating sa akin. Kasi sa totoo lang. the pain never really left me. I just got used to it nalang gyud and everyday nilalabanan ko yun. 😬Sometimes i feel okay sometimes I’m not but it’s okay I’m getting used to it na. Healing takes time nga diba. Kaya kung pwede ayoko na ma trigger yung red flags na yun. I’m always telling you this... I’m doing my best to move on and to be okay. Leave the past behind, especially sa mga bagay na ayoko na maalala at mga kasalanan pinagsisihan ko na. Hello, Hayaan mo naman ako, Nagbago ako, pinagsisihan ko yun at NEVER ko na uulitin at mauulit pa yun.
Stop using my mistakes against me. Stop attacking me about my abortion at panloloko/pagcheat nako nimo (Kuno) I victim blame myself for years kasalanan ko bakit ako na rape. Kasi di ako nakinig, kasi ginawa ko, kasi sinasya ko. Kasi uminom ako. Nasaktan kita kasi tumawag ako, kasi ikaw una ko hinanap after non kahit sobrang labo pa nangyari sakin, dahil wala akong maalala. (Kinalimutan ko at tinanggap lahat ng nasa isip mo kung ano isipin mo sakin) That is the most painful day of my life. Si ako sigurado ano ba takaga. Kung pwede lang balikan at burahin, Tapos ikaw pa yung tao na lagi mo pinapaalala at binabato sakin yun. Ang labo. Kasi ang layo ng mga naisusulat mo sa mga ginagawa mo. 😬 Ganon ka nga pala magmahal, Masakit. Pero sige KASALANAN ko bakit ka nagkaganyan.
So pls lang. Stop calling when you’re drunk. Or wala dahil lang wala kang iba makausap, last option ba ako?wala iba masabihan? Always ako marupok, Alam mo yan kahit pa sabihin mo ikaw din naman sakin. Kasi with you, tingin ko lagi everything is extra-special but extra-painful!!! I’m starting to convince myself na theres nothing special sa KWENTO nating dalawa. I will stop believing on that thought. 😊 Hindi ito love story, Kwento lang to na puro sakit at pagmamatigas natin sa tadhanang di naman talaga para sa ating dalawa.
So please, Hayaan na natin mga sarili natin lumimot, Ang problema kasi sa atin, kinakalimutan natin kung bakit tayo nasugatan at kung ano ang pakiramdam ng masugatan sa tuwing gumagaling ang sugat natin. Paulit-ulit tuloy tayo nasusugatan ng parehong kutsilyo. 😝
Grabe lang so hard to forget and so painful to remember, Bumalik nanaman lahat kagabi yung sakit, Galit ko, Sisi. Mga sumbatan natin sa isat isa. Mga sugat na pilit binubuksan kahit pahilom na. Bumalik lahat ng away. 🙃
Tama na, Bigyan na natin chance ang isat isa may makilalang iba, Ikaw. May nagkakagusto naman sayo e, Lahat ng taong nakapaligid sayo ngayon tinutulak naman kayo sa isa’t isa. Mga close mo siguro mas nakikita nila ano mas nakakabuti para sayo, Na hindi natin makita kasi were too matigas ang ulo. 😂 Di mo tuloy nakikita yung andyan na sa harap mo. Tska mo lang nakikita yung tao kpag wala na. Okay naman kayo e, Binibigyan mo naman pala ng atensyon at chance naudlot lang kasi hopeless ka pa dahil inspiration mo parin ako sa mga sinusulat mo. Hindi ba nagwork kya ako nanaman tong biglang kakausapin mo? 😂 Maawa ka naman sakin. Di ganon kadali yung pakiramdam. Wag ganon. Tuloy mo nalang masaya ka naman na. Hayaan mo na ako. (Nasabi ko narin to last time) Paulit ulit na.
Magpakatotoo ka nga, Wag kana magsabi kesyo ayaw mo na sa iba. Ayaw mo ng iba. That’s bull. 😝
Naalala mo yung tula ko na OO.
sabi ko yung sagot kong OO e parang lisencya mo para bigyan ka ng karapatan saktan ako, paiyakin, pasayahin, mahalin, bigyan ng atensyon etc. Binabawi ko na yung OO na lisencya mo na yun. Yung lisencya mong saktan ako. I will stop romanticizing nangyayari sa atin na baka kasi iba yung LOVE story natin sa iba, We’re unique couple na may unique love story. No, Alam mo ano meron tayo? Toxic relationship, ego relationship, pareho tayong may mga baggage na dinadala.. Pareho tayong kailangan may ayusin sa buhay o sa sarili. Makita ang sarili kung ano ba talaga gusto natin mangyari. Kasi hanggang ngayon wala tayong mga sagot sa mga tanong na bakit, may sagot sa “Mahal” kaso laging may “Pero”. Bakit ko ginagawa, bakit mo ginawa, bakit hindi mo nagawa, bakit hindi ko nagawa. Makikilala ko pa ba kung sino ako kung lagi ko nalang hahanapinang sarili ko sa ibang tao? Dati habang napapalapit ako sayo nalalayo ako sa sarili ko. Hanggang ngayon ganito tayo pareho.
0 notes
Note
any tips for an aspiring artist?
Draw constantly.
- Lahat ng mga gumagaling sa art ay dumaan sa paulit ulit na pag papractice. Matuto tayong mag sakripisyo para sa isang bagay na gusto natin ma achieve. Mahalaga ang paglalaan ng oras.
Make an experiment.
- Lahat ng artist may iba’t ibang style. Kung saan ka mas komportable, duon mo mas pagyamanin ang estilo mo. Mag focus ka sa sarili mong signature dahil dun ka makikilala ng mga taong makakakita ng art mo.
Anyone can learn to be competent.
- Wag kang panghinaan ng loob pag nakakita ka ng mas magaling pa sa iyo. Gawin mong motivation iyon para sa sarili mo. Lagi mong tandaan na nag simula din sila sa umpisa. Think positive lagi.
If you never create what’s in your head, it dies with you.
- Mahalaga ang bawat konsepto at ideya. Kung anong nasaisip mo , ipakita mo sa artwork mo. Hindi lang kagandahan obra ang basehan ng pagiging magaling. Nasa kung paano mo i eexpress ang ideya mo sa sariling mong artwork.
Flourish your strengths.
- Mahilig akong tumigin sa gawa ng iba at pinapagaralan ko sa isip ko kung paano ginawa yung artwork na yon. Sa ganung paraan nakikita ko yung kahinaan ko at mga dapat ko pang i improve.
Never Quit.
- Isa din ako sa tulad ng mga taong nag sasabi na hanggang stick man lang ang kayang i drawing nuon, pero wala sa bukabularyo ang sumuko. Kahit nakaramdam na ako na hindi talaga para sakin ang art, sinubukan ko parin hanggang sa di ko na namamalayan na nag iimprove na pala ako.
Follow your heart.
- Kapag mahal mo ang ginagawa mo, mamahalin ka rin ng mismong hilig mo.
Don’t forget the 4Ps ( Practice, Patience, Perseverance and Passion. )
28 notes
·
View notes
Photo
Minahal kita noong mga panahon na ‘di ko kaya mahalin ang sarili ko.
Noong mga panahong hirap na hirap akong tanggapin na isa ako sa mga taong umaasa sa walang kasiguraduhan at pangako; noong hindi ko matanggap sa sarili ko na sa larangan ng pag-ibig ako’y isang talunan at isang dakilang bigo. Na pag dating sa isang bagay kung saan may kinalaman ang puso, mga tsokolate at mababangong bulaklak ay wala akong maitatapat sayo. Lalo na noong mga panahon na naisip ko na ang mundo na ito ay walang lugar para sa akin at sayo; sa salitang “tayo” pero merong “kayo” at meron para sa inyo.
Minahal kita nung nalaman ko na ang mga rosas ay may tinik din pala.
Na subalit sa taglay nitong bango at ganda ay ito’y nakakasakit din pala. Sa isang inusenteng pagtutuklas nalaman ko na tinatanggal nila ang mga tinik upang tayo’y hindi matusok o para ako’y linlangin patungo sa pag-iisip na ang rosas ay mabango, maganda, at wala nang iba. Ngunit naalala ko na ang rosas ay isang simbolo ng pag-ibig at ito’y isang akmang representasyon dahil bago mo makuha ang gusto mong matamasa ay ika’y masasaktan muna. Dadaan ka muna sa mga tinik nito at ika’y dudugo bago mo masilayan ang tunay nitong ganda.
Minahal kita sa pagitan ng umaga at gabi.
Dahil dito’y walang kasiguraduhan kung ang araw ay patapos na o magsisimula muli. Minahal kita sa pagitan ng kahapon at bukas dahil ang salitang ngayon ay pumapagitna at nananatili. Isa kang kandila na paulit ulit kong sisindihan hanggat sa matunaw dahil iipunin ko ang iyong mga tira at bubuuin kita at huhulmahin kita uli at wala akong pake kung hindi man maging maganda ang pagkakagawa ko dahil minahal kita sa kung ano ka ngayon at hindi sa dati. Kakausapin ko ang araw at ang buwan pati na rin ang mga bituin at sasabihin ko sakanila kung gaano kita kamahal at wala na akong ibang hihilingin pa kundi makita muli ang matamis mong ngiti.
Minahal kita nung nalaman ko na ang sakit ay kaya palang tiisin.
Na kahit ilang beses ako masugatan ito’y hihilom parin. Kahit ilang beses ako magkasakit kaya padin ito gamutin. Magkaron man ako ng malalim na laslas sa aking balat– eh ano naman? Kaya padin ito tahiin. Lahat ng karamdaman ay gumagaling katulad lang ng mga pangakong nasira at hindi kayang bawiin. Mga nalaglag na babasagin, mga nanakaw na mamahalin, mga bagay na napaghiwalay at di na kaya pang pag dikitin diba’t napapalitan din? Ang mga tanim ay nalalanta rin, ang mga iniipon ay nauubos din, ang mga iniingatan ay nawawala parin ngunit wala tayong magagawa dahil tayo padin ang may kagagawan ng lahat at tayo parin ang dapat na sisihin.
Kaya oo minahal kita. Mahal kita at mamahalin padin kita kahit na ang unang sakno ay medyo bitin, kahit na ang ikalawa ay medyo madiin, ang ikatlo ay may hangarin at ang ikaapat ay parang singaw na binudburan ng asin. Dito sa ika-limang sakno ko sasabihin ang aking huling saloobin. Mahal, mahal kita kahit na mabigat saking damdamin, kahit na mahirap tanggapin na ika’y ginawa para sakanya at hindi para saakin.
0 notes
Text
I lost the love of my life.
May 31, 2021 - MY FATHER. MY MENTOR. MY PAPA. MY LOVE.
Pa, today is June 4, 2021. I am writing this because I already missed you. Pa ilang araw pa lang pero namimiss na kita. Ang daya mo :( kasi di mo man lang sinabi sa amin na may nararamdaman ka na na sakit. Kasi kapag may sakit ka naman gumagaling ka din naman agad.... Pero nung kasama na kita sa Hospital na naka intubate ka na sinabihan ako ng nurse na may ULCER ka daw. Which means....... may sakit ka na na nararamdaman from the inside. Ayaw mo kasi magpa check-up eh.
Nevertheless, hindi naman to time na mag sisihan, but to remember the healthy days - the happy days. Pa, I love you so much! Hinding hindi ko talag aineexpect na sa ganitong paraan ka mamamatay. Ang naiimagin ko pa na tatanda ka kasama si mama at mag reretire kayo somewhere na FARM kung san andun yung manok mo at halaman halaman ni Mama. Pa, ang bata pa namin to face all these responsibilities. Hinayaan ko lang kayo sa office kasi alam ko na tatagal pa kayo sa world na to, pero yun nga ang mali ko. Akala lang ang lahat. Di mo talaga alam kung kailan ka kukunin.
Pa, you did your best. You made a legacy hindi lang sa mga manok mo pero sa whole family. Kita mo naman diba kung gano ka kamahal ng mga tao. Kasi araw araw may makakatawag si mama na hinahanap ka na hindi nila alam. Pa, ayaw naman namin ipagdamot ni mama na malaman ng buong mundo na wala ka na pero sobrang bilis kasi talaga lahat ng pangyayari e. Di pa talaga nag ssink in. Parang nag babakasyon ka lang e. Pa, mahal na mahal kita pa alam mo yan. Papagsilbihan kita hanggang sa huli.
Yung mga manok mo pa, pupuntahan ko at aalagaan ko kung makakaya. Ituturing ko na talaga na parang mga kapatid ko. heheh. Pa, I love you. Yun yung last words ko nung iniwan kita. Pa, I love you. Pa ayoko na umiyak HEHEHEH PLS.
Andito ako ngayon sa harap mo, nagttype nito. Nalulungkot. Dahil hindi mo man lang hinintay na maging engineer ako. Sorry pa dahil natagalan ng dahil sa pandemyang ito. Ang daming kinuha sa akin Pa! IKAW AT LISENSYA AT ANG WILL TO BE HAPPY BILANG ISANG PAMILYA. Nag gain nga ako ng negosyo, ano naman gagawin ko jan? Di na siya masaya kasi di na tayo completo. Sana yung negosyo ko nalang yung nawala at hindi ikaw.
Pa, mahal na mahal kita sobra. Kung pwede ko lang akuin lahat ng poblema mo at sakit na nararamdaman mo kukunin ko lahat.
Pa, you’ve fought well in this journey. Your stories are amazing kung san ka nagsimula hanggang sa kung anong nakamit mo ngayon. Pa, isa kang alamat at isang inspirasyon na balang araw ipapasa ko sa aking magiging mga anak at apo. Yun nga e, di mo man lang nahintay yung magiging mga apo mo. Si kuya kaka jowa lang ako naman nakita mo pangalawang jowa ko na. Sana Pa gabayan mo kami at mapunta kami sa tamang tao.
Pa, ibang klase ka e. Walang makakapantay sayo kahit na anong mangyari.
Pa, mahal na mahal kita.
This is not Goodbye, but this will be SEE YOU SOON!
I love you, Pa. Please watch over us - Mama, Kuya at Baby.
Sorry sa lahat ng nagawa ko pero alam ko naman sa mga remaining days mo di naman ako naging pasaway. Hehehe.
I love you so much Pa! JUNE 4, 2021
0 notes
Text
Jan 18, 2020
One week seemed to last so quickly. Pumunta ako dito sa asawa ko nung Jan 12. I swear, I was at peace when I saw him. Nawala lahat ng problema ko. Naiwan lahat sa hometown ko. Pero heto na naman, kailangan ko na namang tapusin lahat ng dapat tapusin dun para makahanap na ako ng bagong trabaho dito at para magsama na din kami. Naiiyak ako kasi di pa sya gaanong gumagaling sa sakit nya. Gusto pa mag OT lagi sa trabaho kasi nga nagsisimula pa lang kami. Marami pa kaming utang na hindi binabayaran. Hindi rin pwde na di muna ako uuwi kasi mas lalong tatagal ung proseso ng paglipat ko dito. Naiinis ako kapag naiisip ko na kapag wala pa ako, uuwi sya tapos wala pa syang kakainin. Kaya nung minsan, nalaman ko na lang na natutulog sya agad pagkauwi nya. Di na sya kumakain. Pagod na sya e. Pero bilib din ako sa asawa ko. Lahat tiniis nya para lang makasama ako. Iniwan nya lahat sa Pampanga para mapatunayan nya sa akin na walang halong biro yung pagmamahal nya sa'kin. Nung minsang naghanap sya ng trabaho dito sa Davao, habang ako nasa hometown ko, iyak ako nang iyak nung malaman ko na sa computer shop nalang sya natulog. Di ko alam kung may kinain sya. Kaya laking pasasalamat ko nung pinatuloy sya nung dati kong kaklase after nya maghanap ng trabaho. Dalawang araw syang hindi nakakatulog nang maayos. Kaya nung iniwan sya saglit ng dati kong kaklase sa kwarto, naiyak na naman ako dahil sa awa nung nalaman ko na nakatulog sya sa higaan kaya di nya nalang ginising para kumain. Di ko alam kung anong nakita sa'kin ng mokong na'to e. Sa katunayan nga, may reason sya para hindi ako seryosohin. Ang dami kong ginawang mali dati sa buhay ko bago nya ko makilala. Sinabi ko lahat lahat nung nagugustuhan nya na ako dahil ayokong maging kami tapos ang dami kong tinatago pero wala lang pala sa kanya lahat ng yun. Tinanggap nya ako hanggang sa pinakasalan na nga. Kaya sinong nagsasabi na hindi tayo mabubuhay sa pamamagitan ng pag-ibig lamang? Lahat tiniis namin dahil sa pagmamahal. Nagsisikap kami. Patuloy kaming kumakayod. Nakukuntento. At higit sa lahat, kinaya naming mabuhay dahil sa pag-ibig. Ilang beses ko na sinubukang sukuan ang mundo. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko, naging rason yung pag-ibig na'to para magpatuloy ako at magpapatuloy pa din ako hanggang sa habambuhay ko nang maalagaan 'tong taong pinakasalan ko.
0 notes
Text
Chicken Dinner?
I’ve always been a MOBA guy. I’ve tried Heroes of Newerth, League of Legends, and boy, Defense of the Ancients. Naexcite din para sa Heroes of the Storm pero never really played it kasi sa bagal man ba ng internet namin, aabutin pa ng siyam-siyam para lang matapos ko idownload.yung buong laro. As of now, however, Dota 2 is my main. Dead game man na daw, it still excites me to play an intense game to the point na magpapalpitate na ako. For reals. Pero Shooting? Never been good at it. Not until PUBG Mobile.
At first, nahirapan ako. Aiming sa touchscreen is no joke. Proven talaga na hindi as accurate with physical controllers such as the keyboard and mouse. So inuninstall ko right away. But after the success the game has been getting, I decided to give it a try ulit. If many people can enjoy such game on a smartphone, why can’t I di ba? And so I even joined a clan in-game. It taught me more about the game and to my surprise, I actually got addicted to it. Nung panahon kasi ng Battlefront sa PSP, I’ve always envisioned a battle royale game and how fun it might be to be able to play on-the-go.
As each game passes, gumagaling na aim ko and napansin ko na wow, I can actually reach a rank this high on this game. Plus, to what I thought na not suitable type of game is really intuitive. I can’t explain how I came to like this game compared to the others since the only reason I chose this one is because it’s the most famous pero I don’t have any complaint din either way.
Syempre naman, like Dota, I get bored of playing the game din from time to time pero if ever lang na there’s something I want from this game is that it would continue to update and change the game according to how the community likes it to be.
0 notes
Text
NBA: Kampyon sa mga Puso ng Pinoy
Alas dose ng tanghali - tumutunog ang telepono. "Kyla, sagutin mo yan! Baka lolo mo nanaman ang tumatawag." sabi ng lola ko. Pang-apat, oo, pang-apat na tawag na ito ng aking lolo.
"Hello?"
"Ky, pila na ang score? (ano na ang score?)"
"Pareha ra gihapon ang score da. (Pareho pa rin ang score, Lolo.)"
"Sige, ilista ang mga score kung naay maka points. Mo tawag ko balik. (Sige, ilista mo yung score kapag may magkakaroon ng points. Tatawag ako ulit mamaya.)"
Talagang nasisiyahan ako tuwing panahon o season na ng NBA Playoffs hanggang sa NBA Finals sa Pilipinas. Lahat talaga nakatangkilik. Naalala ko noon, nakikipag pustahan ako ng Oreos sa aking lolo. Pinapagalitan nga ako minsan kase kinakalimutan ko ang aking tanghaliang siesta dahil inuuna ko ang panonood ng mga laro.
"Points for the Spurs!" sigaw ng NBA commentator. Nagkaroon naman ng puntos ang San Antonio Spurs, ang pinakapaboritong team ng aking lolo. Inilista ko sa isang bondpaper gamit ang Crayola ang mga puntos ng Spurs at ng Cavaliers sa NBA Finals 2007 - hindi ko na naaalala kung pang-ilang quarter, gaya ng sinabi ng lolo ko. Wala pang lunch break sa Hall of Justice kung saan siya nagtatrabaho - kaya hindi pa niya mabuksan ang telebisyon. Nang nalaman na niya ang mga puntos, naging masaya ang tono ng boses niya, kase mananalo na daw ang mga manok niya at sigurado na ang pera sa kanilang pustahan ng kaniyang kabarkada at Oreos galing sa akin. Taon-taon, heto ang aming routine ng lolo ko. Kahit hindi pa finals o regular season lang nga NBA - basta naglalaro ang mga team na paborito niya, nagiging suki siya sa telepono ng opisina at naging suki rin kami ng PLDT, at lahat ng sports channel na nagpapalabas ng mga laro. Pati na rin ang NBA at mga banyagang naglalaro na hindi naman kaano-ano natin, kumikita dahil sa aming pagtangkilik.
Taon-taon, nagiging saksi ako sa pagiging tampok at popular ng NBA sa Pilipinas. Hindi lang dahil ako ang score reporter ng aking lolo, kundi tuwing finals, lahat ng posts sa Facebook, tweets sa Twitter, palabas sa TV, stories sa Instagram at mga artikulo sa dyaryo ay tungkol sa NBA. Noong high school pa ako, kahit recess o lunch break, may mga kaklase akong nakikipag-pustahan rin at uuwi sa bahay para makapanood ng mga laro. Minsan, inaaya din nila ako sa pustahan ngunit tumatanggi ako kase gusto kong magtipid ng aking baon dahil bibili pa ako ng Oreos kapag nanalo ang mga teams ng aking lolo. Nang umuswad na ang Facebook live, ubos ang pera nila dahil sa LTE na ginagamit nila para lang makakastream sa mga laro. May iba rin na nakikinood ng mga laro sa TV ng kanilang mga kapitbahay. Lahat ay gagawin para maramdaman ang NBA hype.
Nang naging senior high student ako, mas nadiskubre ko ang mga dulot ng kulturang popular na aking patuloy na tinatangkilik.
Unang-una, pinagkikitaan ito ng pera - sa kahit anong paraan. May mga yumayaman at naging mahirap dahil sa pustahan - at saksi ako diyan. Minsan, may nakakasamang epekto ito. May mga pustahan na nauwi sa patayan - buti na nga wala akong nasaksihang ganito. [1] Kagaya ng nangyari noong Hunyo 8, 2018, nang may isang 28-anyos na lalaking sinaksak ng kanyang kainuman dahil sa pustahan kung sino ang mananalo sa NBA Finals 2018.
May mga negosyong kumikita dahil sa NBA, o nagbunga dahil sa NBA. Mga tv at sports stations ay kumikita rin dahil sa milyon-milyong nakatutok sa mga laro sa TV - nagkakaroon rin ng mas malaking kita ang mga negosyo na nasusupply ng cable at kuryente. May mga negosyo na nagbebenta ng authentic NBA merchandise, jerseys, sapatos at may mga negosyo na nagbebenta rin ng class A o ukay-ukay na NBA merchandise. [2] Sa pagsusuri ng Nike noong June 2017, sinasabing ang Pilipinas ang pangatlo sa pinakamalaking basketball market sa buong mundo at malaki ang impluwensiya ng NBA dito.
Target market ng mga negosyong ito ang mga NBA fans - ngunit fans lang nga ba? O ang mga jologs na feeling fans din? Ito ang pangalawang naobserbahan ko na dulot ng kulturang popular na NBA. Mula pagkabata hanggang ngayon, nasaksihan ko rin ang pagsibol ng kalipunan ng kung tinatawag ay bandwagons o "fake fans" - na ang tanging mithi lamang ay makisabay kahit mali-mali ang mga stats na pinopost, kahit ang Michael Jordan nila naging Michael Jackson, kahit na si Kobe Bryant ang hinihintay ngunit wala naman sa team. Bumibili pa rin sila ng mga merchandise kahit di naman nila kilala kung kaninong apilyedo ang nasa likod. Nagpapaload o gumagastos sa wifi para makapagpost ng #support #dubnation #strengthinnumbers. Nakikipag-awayan pa nga ang iba. Kaya may ibang totoong tumatangkilik sa NBA na nagagalit o pinagtatawanan nalang sila. Taon-taon gumagaling ang style ng pagkaka fit-in ng bandwagons hanggang umabot sa punto na kinailangan ng gumawa ng mga posts tungkol sa kung paano mo mahanap ang isang bandwagon. Isa na sa mga paraan ay [3] pag-alam kung sila ay nagpaparinig lang tuwing NBA Playoffs at hindi sinusuportahan ang kanilang teams sa regular na mga seasons. Ang larawang ito na kinuha ko sa timeline ko sa Facebook ay nagpapakita ng isang Facebook user na nag compile ng screenshots ng mga bandwagons.
Ang pangatlo at para sa akin ang pinakanakakalungkot na nasaksihan kong dulot ng kulturang popular na ito ay ang pagiging second-class lang ng mga laro ng PBA o Philippine Basketball Association sa mga mata ng mga Pilipino. Kahit nga sa TV ko, isang channel lang ang nagpapakita ng mga laro ng PBA. [4] Ang PBA league ay patuloy na nagdurusa sa pagbawas ng kita na dulot rin ng pagbawas ng benta ng tiket, advertising contracts at ang pagbaba ng pangkalahatang interes ng mga manonood at pagtaas ng pangkalahatang interes sa NBA. Noong sinuri ang marketability ng NBA sa Pilipinas, nalaman na noon 2008 NBA Season, 62% ng populasyon ang nanonood ng mga laro nito sa telebisyon atleast once a month at 40% ng populasyon ang nanonood ng NBA sa telebisyon atleast once a week. Ipinakita rin sa pagsusuri na 48% lamang ng populasyon ang tumatangkilik sa lokal na basketball.
Hindi ko ipagkaila na kasama ako sa porsyento na tumatangkilik sa kulturang popular na NBA. Hanggang ngayon, nasasabik pa rin ako sa mga laro ng NBA at sa pagdating ng Playoffs - marami akong mga natutunan na team strategies at mga aral sa buhay, ngunit sa susunod na season at sa mga dadating na mga playoffs, may mananatiling kulang sa aking NBA experience - alaala nalang ng lolo ko ang mahahawakan ko, wala nang makikipagpustahan ng Oreos at wala ng mag-uutos sa akin na isulat ang mga puntos sa isang bondpaper.
Ang blog post na ito ay inaalay ko para sa aking lolo, Fiscal Adriano P. Montes. (1947-2018)
Talibaba:[
1] Almonia, Chrisel. ABS-CBN News, "Pustahan Sa NBA Finals Nauwi Sa Pananaksak; 1 Patay," ABS-CBN News, June 8, 2018, https://news.abs-cbn.com/news/06/08/18/pustahan-sa-nba-finals-nauwi-sa-pananaksak-1-patay.
[2] de la Cruz, Esther. "Why the Philippines is Obsessed With Basketball." Culture Trip. June 19, 2017. https://theculturetrip.com/asia/philippines/articles/why-is-the-philippines-obsessed-with-basketball/.
[3] ______."How to Identify a Bandwagon Fan." WikiHow. April 23, 2009. https://www.wikihow.com/Identify-a-Bandwagon-Fan. [4] Antolihao, Lou. "Basketball Without Borders": Playing With The Boys. Quezon City: Ateneo de Manila University Press 2017
Talasanggunian:
Almonia, Chrisel. ABS-CBN News, "Pustahan Sa NBA Finals Nauwi Sa Pananaksak; 1 Patay," ABS-CBN News, June 8, 2018, https://news.abs-cbn.com/news/06/08/18/pustahan-sa-nba-finals-nauwi-sa-pananaksak-1-patay. Antolihao, Lou. "Basketball Without Borders": Playing With The Boys. Quezon City: Ateneo de Manila University Press 2017
de la Cruz, Esther. "Why the Philippines is Obsessed With Basketball." Culture Trip. June 19, 2017. https://theculturetrip.com/asia/philippines/articles/why-is-the-philippines-obsessed-with-basketball/.
______."How to Identify a Bandwagon Fan." WikiHow. April 23, 2009. https://www.wikihow.com/Identify-a-Bandwagon-Fan.
0 notes
Text
Actually,
Actually, masama pakiramdam ko. Sinuong ko kasi kanina yung ulan para maihatid ung mga ilang requirements sa trabaho. Kasalanan ko naman kasi alam kong umuulan. Pero kasi urgent at kelangan sa trabaho. Masama ang pakiramdam ko pero gumagaling pagdating sa bahay. Kasi sa bahay, dapat malakas ako. Dapat, hindi ako pwedeng dapuan ng sakit. Dahil may mas kelangan paglaanan ng pera. Bayad sa tubig, kuryente, gas, pangkain araw araw, groceries, gamot at vitamins ni nanay at tatay. Dahil mas importante yun. Sa akin kasi, sila muna. Kasi mahal ko sila.
Actually, pagod na pagod na ako, kasi kahit sabado at araw ng pahinga, nagpart time ako. Kasi sayang din ung kita. Pandagdag din yun.
Actually, nalulungkot ako, pero mas pinipili kong ngumiti at ipakita sa aking pamilya na masaya ako. Ang hirap kasing ipaliwanag sa.pamilya mo yung nararamdaman ko.
Actually, gusto ko ng bagong pantalon. Kasi luma na mga pantalon ko, kaso saka na lang, pwede pa naman ung mga gamit ko. Tsaka antayin ko nalang mag 50% sale. Makamura man lang di ba.
Actually, parang minsan feeling ko, bingi na ako. Ang ingay kasi dito sa bahay.. lagi mong naririnig, wala tayong ulam. Wala ng gas. Wala akong pera. Wala akong.... pero wala akong naririnig. Ayoko ng makarinig.
Actually, parang hindi ko na kinakaya. Pero pag naiisip ko sila, babalik ung lakas ko. Kakayanin ko. Kasi mahal ko sila. Mahal ko sila kasi pamilya ko sila.
0 notes
Text
Revealing with Faith
Bakit at ano nga ba ang nag-udyok sa akin para ibahagi ang kwentong to?
Nakasanayan ko na na habang nasa byahe ako papasok ang makinig ng musika. Kanina, nakikinig ako ng mga Worship Songs. Kahit madalas naman akong nakikinig nun, hindi ko alam pero bigla na lang sumagi sa isip ko na ibahagi na ang kwento ko.
Naalala ko din kasi yung kaibigan ko na halos pinagdadaanan din ngayon yung napagdaanan ko na. Magkaiba man ng sitwasyon pero sa parehong aspeto naman maihahalintulad. Yung kwento ko, hindi siya maituturing na big deal para sa ibang tao. Pero napakalaking bagay at pagbabago ang nagawa nito sa buhay ko.
2009. Yan yung taon na halos nagpaikot sa mundo ko ng biglaan. Papasok na ako ng college ng madiskubre na meron pala akong karamdaman. Aakalain mo bang ako pa ang unang nakaalam kesa sa family ko? Kinailangan kong pumunta nun sa Clinic ng University namin. Hanggang sa saktong kailangan nga nila akong makausap. Sinabi nila sakin na may sakit ako. Sinabihan nila ako na kailangan nilang makausap ang parents ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig na halos hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong walang naririnig sa paligid ko. HIndi ko alam kung sino ang tatawagan ko. Si tatay nasa training pa nung mga panahon na yun. Wala rin naman si ate sa bansa. Hindi ko rin matatawagan ang lola ko. Kaya humugot ako ng lakas ng loob. Hindi pa man kami close nun ng stepmother ko. Pero wala na akong ibang choice. Tinawagan ko siya at sinabi na pinapupunta siya sa school para makausap pero hindi ko inamin sa kanya yung dahilan. Sinabi naman niya na pupunta siya. Kaya pinasukan ko na lang yung isang subject ko. Kahit sa klase lutang ako. Ngumingiti pero iba yung tumatakbo sa isipan ko. Hanggang sa nakaka-receive na ko ng missed call kay Mama Bing. Alam ko na na sa mga oras na yun alam na din niya. Hindi ko sinasagot yung tawag niya. Nag-message na lang ako sa kanya na nasa klase pa ako kaya hindi ko masasagot. Nag-reply naman siya na sa bahay na lang daw kami mag-uusap. Yung totoo, parang ayokong umuwi sa bahay nun. Ayokong umuwi na ang bubungad sakin na usapan ay may sakit ako. Parang ayokong maniwala. Gusto kong isiping nananaginip lang ako. Pero wala akong magawa. Yun yung katotohanan.
Nang makauwi ako nung gabing yun, sinalubong agad ako ni Mama Bing. Wala akong nagawa kundi umiyak na lang ng umiyak. Pwede pala yun. Yung dati napapanood ko lang sa TV yung mga ganun eksena tapos nung mga oras na yun nangyayari na sa’kin. Hanggang sa napatanong na lang ako kay Mama Bing kung mamamatay na ba ako. Takot na takot ako. Naitawag na nun ni Mama Bing kay Tatay yung nangyari. Umuwi siya nung gabi ding yun from Laguna sa training niya na dapat eh sa sumunod na linggo pa dapat siya umuwi. Akala niya natutulog na ko. Hinalkan niya agad yung noo ko. Sobra akong nagpipigil ng iyak ko nun. Ang sakit pala. Sobra.
Kinabukasan hindi ako pinapasok ni Mama Bing. Kailangan kasi naming magpa-second opinion. Nakakatuwa naman kasi nakikita ko talaga sa kanya yung pag-aalala kahit hindi niya ako tunay na anak. Nagpatest kami sa ospital. Lahat na tinest sa’kin. Pero sa huli, hindi nun nabura ang katotothanang may sakit nga ako. Pumasok na ko nung sumunod na araw. Pero nung pag-uwi ko inaapoy na ako ng lagnat. Dinala na naman ako sa ospital. 2 linggo mahigit akong hindi nakapasok. Binigyan ako ng mga gamot na kailangan kong inumin sa loob ng ilang buwan. Hirap na hirap ako. Alam ng mga taong nakakakilala sa’kin kung gaano ako kaduwag pagdating sa pag-inom ng gamot. Tapos biglang ganon. Malalaking tabletas ng gamot, tatlong piraso na sabay sabay. Pati pagpasok ko naapektuhan. Paputol putol yung pasok ko kasi ang dali kong lagnatin. Makakapasok ako ng ilang araw tapos absent ulit. Isang araw minessage ko si ate. Inamin ko sa kanya yung nangyari. Alam kong alalang- alala siya. Siya na rin yung tumawag kila tita sa’min sa Indang. Kinabukasan dumating na lang yung lola ko sa bahay. Dala niya yung paborito kong ulam. Naiyak talaga ako nun kasi hindi na ko nakakauwi sa kanya. Alam ko ring mahirap sa part niya na pumunta sa bahay nun kasi hindi naman sila okay ni Tatay pero pinuntahan niya pa din ako. Kinausap niya si Mama Bing at Tatay na kung pwede ako iuwi sa Indang. Nakiusap naman si Tatay na sa bahay na ako magstay kasi ang iniisip niya kung uuwi ako doon mahirap ang transportasyon. Kung sakaling sumpungin ako hindi ako agad madadala sa ospital di gaya kung na kay Tatay ako na malapit lang sa lahat. Pumayag naman ang Ina.
Tuloy tuloy ang pag-inom ko ng gamot. Nakakapasok na din ako. Akala ko okay na. Na gumagaling na ko. Pero mali ako. Nasa school ako nun. Hapon na at malapit na din mag-uwian. Nag-iba yung pakiramdam ko. Para kong nauubo na masusuka. Kaya pumunta muna ako sa CR. Deretso sa toilet bowl. Hanggang sa hindi ko na napigilan. Sumuka na ko ng sumuka. At hindi lang basta suka. Dugo na yung sinusuka ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Umuwi ako pero hindi ko sinasabi kay Tatay na ganun yung nangyari sa’kin sa school. Pagdating ko sa bahay derederetso lang ako sa kwarto. Sabi ni Mama Bing magbihis na daw ako kasi kakain na ng hapunan. Hinang-hina ako nun. Hindi ako nakapagbihis agad. Humiga lang muna ako sa kama ng maramdaman kong masusuka na naman ako. Pilit kong pinipigilan kasi natatakot din akong malaman ni Tatay at Mama Bing. Alam ko din kasing umaasa na sila na magaling na ko. Pero hindi ko nakayanan. Tumakbo ako pababa sa CR namin at sumuka na naman. Ang dami. Mas madami na dun sa sinuka ko sa school. Si Tatay kinakatok na ko kung okay lang ba ako sa loob hanggang sa hindi ko na napigilang umiyak at sabihin na hindi ako okay. Pinabuksan ni Tatay yung pinto. Nakita niya. Kitang kita niya ko na halos hirap na sa kakasuka. Pinaalalayan niya ko kay Mama Bing tapos ni-ready niya yung sasakyan. Ospital na naman ang abot ko.
Iyak na lang ako ng iyak. Bakit ako? Bakit ako pa? May nagawa ba akong mali? Sabi ko ang dami naman diyang iba na hindi nakakagawa ng maganda pero bakit kailangang ako? Nakakahiyang aminin pero kinwestyon ko Siya. Na kung bakit ako pa. Sabi ko hindi naman ako nakakalimot magdasal. Pero bakit? Bakit mas lalong lumala yung sakit ko?
Tinapos ko lang yung term tapos hindi na ko pumasok. Lagi na ako sa ospital. Pag dumadating birthday ko umiiyak na lang ako kasi tanong pa din ako ng tanong kung bakit. 2 years na halos sa ospital lang umiikot mundo ko. 2 years na araw-araw kailangan kong uminom ng 15 na tablets na iba’t ibang klase. 2 years na halos nagkakapasa na ko sa braso at binti na hindi ko na din maigalaw sa sobrang tapang at sakit ng iniinject sa’kin. 2 years na sa araw araw daig ko pa yung mga nag-aadik dahil sobrang groge na ko kakainom ng gamot. 2 years na walang humpay sa kakasuka pagkatapos tumalab ng gamot. Dalawang taon. Napakahaba ng dalawang taon n yun para sa’kin. Ang daming nawala. Ang daming pagkakataon ang nasayang. Nade-depress ako na yung mga kabatch ko ng mga panahon na yun guma-graduate na. Tapos ako, nagpapaka-master sa loob ng ospital.
Natapos ang dalawang taon. Gumaling ako ng tuluyan. Pinilit ko talagang bumalik sa pag-aaral. Parang gusto kong magbawi sa dalawang taong hindi ko nagawa ang mga gusto ko. Inaamin ko na talagang sinubok yung paniniwala ko dahil sa pinagdaanan ko. Hindi ko na Siya madalas kinakausap di gaya ng dati.
Fast forward. Nakatapos ako. At dinala ako dito sa Dubai. Dito ulit binuksan yung puso ko. Unti unti, lumalapit na ulit ako sa kanya. Kaya kung minsan hindi ko napipigilang umiyak. Kasi alam kong mali ako. Nagkamali ako na humina yung paniniwala ko. Nabulag ako sa pagtatanong ko na kung bakit. Nahihiya ako sa Kanya. Napaka-simple lang naman ng gusto Niya. Ang lumapit at maniwala lang tayo sa Kanya. Napaka-undeserving ko pero pangalawang buhay ang pa rin ang pinagkaloob Niya sa’kin.
Kaya nga ang payo ko sa kaibigan ko na may pinagdadaanan ngayon, maniwala lang Siya. Wag siyang bumitaw dun. Dahil kung tutuusin hindi niya mararanasan na umabot sa bingit ng kamatayan gaya ng napagdaanan ko.
Ngayon, ang sarap sa pakiramdam na mapalapit ulit sa Kanya. Ang sarap na sa araw araw na paggising ko, nakikita ko kung gano Niya ko kamahal. Alam kong hindi pa sapat lahat ng ginagawa ko para makabawi sa Kanya. Pero naniniwala ako na ang mahalaga ngayon ay bumalik na ako sa Kanya.
Nagagawa ko na din ngayon ipakita sa mga mahal ko sa buhay kung gano ko sila kamahal. Yung simpleng mayakap ko lang sila. Sinabi ko na sa sarili ko na sa pangalawang pagkakataon na to, I’ll make the most & best out of it. Ayoko ng maghold ng kahit anong grudge sa kahit kanino. Hanggat kaya kong mahalin at tanggapin lahat ng taong dumadating sa buhay ko ginagawa ko. May mga nakasakit sa’kin noon pero dahil sa chance na binigay sa’kin ni Lord, maluwag na akong nakapagpatawad.
Kaya kung isa ka man sa mga taong nasa buhay ko ngayon na makakabasa at makakaalam ng isa sa mga yugto ng buhay ko, salamat sa’yo. Salamat sa inyo. Salamat na nagkaroon ako ng pagkakataong makilala at makasama kayo. Mahalaga kayo sa’kin, walang halong biro.
0 notes