#di ako umiiyak
Explore tagged Tumblr posts
Text
seeing people post their gfs for international gf day 🫶 i’m so happy for yall, yall are so cute!! i love love 🥹🫶
8 notes
·
View notes
Text
every time i look at these photos, i remember the feelings i was having right in this moment—i remember feeling like my most radiant self, which then makes me feel like i am my most radiant self now as well, even when im not really feeling like that at all 🥹🤍
i dont know, i guess these photos remind me to let moments be what they are instead of what i think they should be 🧚♀️💐 i mean, look at me in these photos; i look so at ease, happy, and even carefree, and i guess thats good enough for me—to know that ive experienced such bliss means i can and i will experience it again 💌✨️
#ive been keeping photos and videos of this day so close to my heart#i dont even know why hehe i guess i just feel vulnerable for a reason din whenever insee these photos of mine#i realized binabantayan ko yung sarili ko pag masaya ako tapos on some level tinatago ko pag masaya ako#kasi alam kong posibleng may nagagalit pag masaya ako#which is so messed up in itself like why may mga pipol na galit pag may nakikitang ibang taong masaya#like ano ba dapat ba lahat tayo living in despair?¿¿?¿?¿??¿ ehck#pero ayOrn nga sharing these photos now kasi parang nagbloom yung puso ko nung nakita ko 'to ulit#parang ang gaan and i look rlly rlly rlly happy here which i rlly rlly rlly was naman#like kaya nga ako umiiyak ngayon kasi naremind nanaman ako na keri at pwede ko naman hayaan yung sarili ko talaga sumaya#like di ko need iadjust or itago life ko or happiness ko ykwim#basta yun yOn okiE bbye mwAps#share ko rin to sa ig soon hehe panggap na lang kayo na first time niyo rin makita kung ig moots din tayo ha nyahahahhahahahahhaahhaha#cottoncandy#icecream
36 notes
·
View notes
Text
Ang hirap maging ganito lang. Ba't 'di ako kasing galing katulad nila.
#paranamankasingtangaba'tbakasinapakaiyakin#years from now babalikan ko 'yung post na 'to and marrealize ko na hindi talaga para sa'kin.#kung 'di pala para sa'kin ba't pa binigay? ba't pa pumasok? or kasalanan ko na 'yon? kasi ako naman ang tumanggap.#hindi na tama 'to dapat nag-aaral ako— hindi 'yung umiiyak sa isangtao na walapangdalawang linggo kong nakilala#last na 'to. balik na lang ako ako kapag okay na.
0 notes
Text
kagabi, naghalf day lang ako sa work kasi sobrang antok ko na and pagod, sabi ko masama pakiramdam ko. umiiyak ako tuwing nagigising si baby kasi ewan ko, overwhelmed nanaman ako. tapos di din ako nakapagdinner kasi nakatulog na si jacques and di na ako nakuhanan ng food. ayaw ko kasi kumuha sa baba kapag gabi kasi natatakot ako hahahaha. ayon. pagod, antok, gutom and overwhelmed. nagbreak it down yow ako. ang hirpa hirap maging full time corporate girlie and full time mom at the same time. tapos kaninang umaga nagchat si mama, di ko pa naseen. ito yung sinabi nya. nagulat ako kasi grabe ang lala ng instinct ng nanay ko. mother’s intuition talaga grabe. sa kanya ko talaga namana tong malalang instinct na to. ayun nga, nakakaiyak ☹️
39 notes
·
View notes
Text
Ang weird ng personalities ng mga cats ko. Si Donut kahit tabachoy g na g pa din pag binubuhat na parang baby iisipin mo na siya yung needy sa dalawa pero siya talaga yung nonchalant tska di na tumatabi sakin to matulog. Si Crinkles todo iyak pag binubuhat pero pag di pinapansin umiiyak tapos mahilig sumiksik sakin.
Magkasundo na sila ngayon kaso naaawa ako kay Crinkles pag naglalaro sila ni Donut imagine 6 month old binabalibag yung 2 month old. Mismatch talaga kaso parang masaya naman sila bahala sila. 😂
10 notes
·
View notes
Text
kausap ko si tatay kanina and we've talked about my career*
sabi niya bumalik na lang daw ako sa pagiging broadcaster sa radyo para naman
magamit ko yung pinag aralan ko tska lisensya ko* Di ko inakala na hanggang ngayon minamalit niya pa rin yung trabaho ko as TL despite getting higher compensation and providing at times para sa family. Dati umiiyak pa ko ng patago kase ang sakit lagi kapag binobrought up niya yung pangarap niya na gusto nya ako yung tumupad. Wala namang pera sa pag bobroadcast sa radyo lalo na AM station yun tska yung iba yumayaman lang naman sa sponsorship tska may sideline sa senate para mapabango pangalan ng mga trapo. Pangarap ko pa rin naman magtrabaho sa radyo pero sa inflation ngayon and sa current situation ko na di naman basta tataas sahod dun i can't.
Sana nga mayaman na lang kami para wala ka ng iisipin kundi pangarap mo na lang. Pero hindi naman eh. Hindi lahat may priveledge na katulad ng iba. Lalo pa at related sa arts yung passion ko. Alam ko naman na kahit anong gawin ko siguro kahit mag 100k pa sahod ko di sila magiging proud kung nasaan ako ngayon. Unless they can brand me as a journalist or a broadcaster
6 notes
·
View notes
Text
(Jeremiah Ong x Reader).
Kindly listen to this song while reading.
Ikaw at si jeo ay isang matalik na magkaibigan simula pa noong grade 4 pa kayo. Lagi kayong naglalaro sa paborito niyong playground manila, sadly, kailangan ng pamilya ni jeo na pumunta at dun na daw mag enroll ng ibang school si jeo, kaya panay iyak ako nun at laging nasa tabi ko si jeo dahil ayaw ko syang mawala sa tabi ko.
Tomorrow na ang last na pagkikita namin ni jeo kaya sinusulit namin ang pagkakataong ito, nasa paboritong playground namin kam, nakaupo sa swing.
"pot, kailangan mo ba talagang iwan ako?". Sabi ko na almost crying.
"di naman kita iiwan forever". Ika niya habang hinahawakan kaliwang kamay ko.
"promise?". Inoffer ko ang pinky ko para i- sealed ang promise namin.
"promise". Nag sealed na kami ng kamay.
.....
9 years later.....
"Ma, alis na po ako".
"mag- ingat ka ah, paki bati nalang ako kala Janice!!". Sigaw ng aking mama sa kusina.
"opo ma!!".
Pupunta ako ng Palawan kung saan nakatira sina jeo, balak ko sanang sorpresahin ito.
.
.
.
.
Nandito na ako sa palawan, lumabas nako ng airport at nag hintay ng masasakya.
After ilang minutes, may huminto sa aking suv na puti, nag wait ako baka iba ang hinihintay nito pero Isang minuto, binaba yung bintana at nakita ko lalaki na nakatingin sakin na para bang Kilala niya ako.
Awkward kong pag wave sakanya as hi para di nya maisip na rude ako... Tinaas niya ang bintana kaya nakikita kona lang is black screen. Binaba ulit ito at bumungad sakin ay si tita Janice, nagulat ako at napasigaw dahil sa gulat at saya.
"tita ja?". Confused kong sabi.
"yes, ako nga nak". Nakangiting sabi nito.
"bat po kayo nandito? Balak kopo sanang sorpresahin kayo". Kamot ulo kong sabi.
"ay ganun ba, sinabe samin ng mama mo na pupunta ka sa Palawan kaya dali dali kaming pumunta dito". Tita Janice.
"ano ba yan si mama, sabi ko sakanya wag niya sabihin sainyo". irita kong sabi.
"ok lang yan nak, tara na't makauwi na tayo". Tita Janice.
"btw po tita, sino po ito?". Tinuro ko yung lalaki na katabi niya.
"ay, oo nga pala, Asawa ko nga pala, sya yung dahilan kung bakit kailangan namin tumira dito". Explain ni tita ja.
"ay ganun po ba, kamusta naman po si jeo?".
"ayun, makulit padin pero ayun laki na muscles at nag gy- gym pa yan". Tita ja.
"talaga po, miss na miss ko na po siya".
"ay nako, mas miss na miss ka niya, nak, kung alam mo lang, laging hawak hawak yung printed na picture mo..minsan pa nga nakikita ko yan umiiyak dun sa kwarto niya habang hawak hawak picture mo".
"cute". Bulong ko.
.
.
.
.
Nakatulog ako sa byahe dahil di naman ako natulog sa eroplano, nood nood lang ng K-drama.
"nak, dito na tayo". Pag- gising sakin ni tita Janice.
Nagising ako at tinignan sa labas ng kotse kung asan na kami, kita ko may dalawang naka parada na kotse at may mga aso't pusa na nakakulong.
"po? San po toh?".
"sa bahay namin". Natatawang Ika ni tita ja.
.
.
.
.
"mafe, San si jeo?". Tanong ni tita ja kay ate mafe.
"ate mafe!!!! I miss you". Sigaw ko nang makita ko si ate mafe na sobrang close sakin.
"uy, bel!! Musta ka na? ang ganda ganda mo na oh!!".
"thank you po, parang sumexy ka ata ate mafe?".
"huy, hindi naman AHAHAHA".
.
"si jeo pala?, natutulog pa sa taas tabi sila ni meng". Ate mafe.
"ahh ganun, sige, san si Joshua..?". Tita ja.
"nandun sa likod, nilalaro yung mga kuting".
"Joshua!!!!! halika muna dito, may bisita tayo!!". Sigaw ni tita ja.
.
.
Ilang segundo pa ay, bumungad samin si kuya Joshua, naka braid ang kanyang buhok kaya medj hindi ko siya namukaan ng 5 sec.
"bel? Ikaw ba yan? aba, ang laki- laki mo na, dati binubuhat- buhat pa kita ngayon tignan mo oh". Kuya Joshua.
"AHAHAHA, oo nga po e, time flies so fast nga po e".
"si jeo ba ang hanap mo? nandun sa taas, lam mo ba kung ano ano pinaggagagawa niyan nung wala ka, ewn ko ba Jan". Kuya Joshua.
..
.
Nasa sala kami naguusap, kung ano chika, ganun. Nalaman kona pala yung name nung kasintahan ni tita ja, geo ong pala.
Kinuwento nila sakin about sa vlog na ginagawa nila, mesmerized ako nun.
Nag vlo- vlog sila about sa nature at lagi daw sila naliligo sa dagat at ilog at nag ca- camping pa, nag offer pa nga sila na sumama ako sakanila pag maliligo ilog or dagat or di kaya ay magcamping. At sino ba tatanggi sa offer na yan, kaya nag yes nako kagad.
Habang nag uusap kami, may gumalaw sa peripheral view ko sa bandang kanan ko kung saan ay hagdan at taas naman nun is mga kwarto nila.
Tumingin ako at nakita ko si jeo, bagong gising, nakatitig sakin na walang kibo.
"uhm....".
Dipa rin siya gumagalaw.
"jeo". Tawag ni tita ja.
Wala padin.
"jeo!!" Sigaw nila.
At wala pa din.
Kaya ako na ang tatawag sakanya baka sakali na bumalik sya sa katotohanan.
"pot". Tawag ko sakanya.
At finally,
"bel?".
Tawag niya sakin na palapit ng palapit.
Tumango nalang ako.
"Ikaw ba talaga yan o nananaginip lang ako, kung nananaginip talaga ako, kurotin mo nga ako".
Tumawa sila including me sa sinabi niya.
Kinurot ko sya ng medj malakas.
Nagulat naman ito at kita sa mukha niya na masakit.
"sorry, sabi mo ka- ".
Diko natuloy ang sinabi ko dahil niyakap ako bigla ni jeo ng sobrang higpit.
"pot, di ako makahinga,".
Pinapat- pat ko yung braso niya dahil totoo ngang hindi ako makahinga.
Kaya lumayo sya at nag sorry.
"sorry, miss lang talaga kita so much!!".
"ehem, baka nakakalimutan niyo may tao din dito oh".
Biro ni kuya josh at ang result napatawa kaming lahat.
.
.
.
Dito kami ni jeo sa kwarto niya nag uusap kung okay lang ba buhay niya dito at sakin.
I met domeng already, super kind and gwapo din sya like kuya niya, I just found out na inampon nila si meng.
"ang ganda ganda mo na".
Compliment niya habang nakatitig sakin.
"oh why, thank you, lumaki na ang katawan mo oh, sobrang pogi mo".
Ngiti kong sabi.
"I'm glad na you keep you promise".
Sabi ko na paiyak na.
"I would never ever break any promises that we made for each other".
Ika niya, nakangiti.
Niyakap ko sya ng mahigpit at umiyak sa kanyang shoulder.
.
.
.
I stop crying.
But I think I will start crying again dahil sa confession sakin ni jeo.
"Isabelle, sasabhin ko sana ito bago kami umalis pero..... Bel, I love you not as a friend but as a lover, matagal na kitang mahal simula nung nagkakita tayo..... Bel, pwede ba kitang maging girlfriend?".
Napahagul- gul ako sa confession niya.
"yes, I would love to be your girlfriend!!!".
Sigaw ko.
Niyakap niya ako ng mahigpit, ilang minuto pa ay binereak nya ang hug at parang ang mundo'y nag istop at parang kami lang dalawa ang gumagalaw.
Palapit ng palapit ang Mukha namin sa isa't Isa, nakatingin ako sa kanyang mata habang sya naman ay nakatingin sa aking labi.
Ayan na nga, nag meet na ang aming labi sa isa't Isa, ang soft at lasang strawberry ang kanyang lips, kaya pinikit ko na ang aking mata at inenjoy ang moment na ito.
Little did we know, nakasilip pala lahat ng pamilya ni jeo sa slightly ajar na pinto, kinikilig pa mga ito.
That's all, folks
6 notes
·
View notes
Text
Sobrang lala ng mental breakdown ko kanina. Almost 2hrs akong umiiyak sa bus, wala naman akong katabi the whole time so oks lang. Ngayon ko lang naranasan ulit yon. Sobrang sakit ng nata ko ngayon. Sobrang lala. Like feel ko ung lamig, sobrang lamig ng AC sa bus, pero ung mukha ko, feel na feel ko ung init. Init mula sa luha ko. Sobrang exhausted na ako. Umiyak nalang talaga ako, minalas na ng minalas. may tatawagan sana ako kanina kasi bagsak talaga ako, papacomfort ganon, buti kinakaya ko makauwi, dahil diko natawagan. Namatay, deadbatt na phone ko. Sana ako nalang.
Paguwi ko, ginaslight pa ako ng magulang ko. Oo na, desisyon ko naman lahat yon, kasalanan ko nga. Wag nyo na ipagduldulan. Di naman ako humahabla. Pagod na pagod na ako sa inyo. Wala nang natirang masaya sa puso ko, puro galit at bigat nalang. Hindi na ako makakita ng saya, hindi na ako makakita ng pagasang magiging okay pa lahat, kasalanan nyo to. Hindi na kayo nagisip, hindi na kayo nakaramdam. Galit na galit ako. Pagod na pagod na ko mag isip. Hindi ko na alam. Di na talaga.
16 notes
·
View notes
Text
do i buy from scalpers or nah?
2009: nagtext yung tito ko sa mommy ko na buksan yung tv and manood ng myx kasi nandon si sandara park. turns out she debubet in a kpop girl group. (naalala daw ng tito ko na lagi ako napapagalitan noon noon pa kasi nauubos yung regular load ni mommy as i use it to vote for dara at scq). my fan girl self was born and what was funny was it wasnt dara who became my bias, it was bommie.
2010: natuto ako maging keyboard warrior kasi madaming hate comments against 2ne1 specially from the snsd fans. if youve been a kpop fan since this era, youd know how funny the online bardagulan was at the time. hahaha. also met online friends i still talk to until this day.
2011: first concert ng 2ne1 dito. may bago kaming bahay so walang extra funds and i didnt mind not watching, i was really young and in my head, i know i could watch them again when they come back.
2012: binubully ako sa school because i like kpop and also dress like kpop. and totoo naman hahaha kpop fashion at the time was the vibrant colored skinny jeans/leggings + even brighter tops. looking back, mukha naman talaga akong tanga sa suot ko ko lagi noon!? hahaha
2013: eto ewan ko but for some reason, nagstart na maging acceptable yung kpop sa school namin pero mostly boy groups ata yon. the bullying about 2ne1 stopped pero bullied kid pa din ako bcs of other things i would kwento some other time haha this year ko lang din nakilala yung only friend ko nung high school and was able to influence 2ne1 with her. dalawa na kami!!
2014: concert ulit ng 2ne1 dito!! birthmonth ko pa???! still wasnt able to attend. magstart na ko sa university so madaming gastos noon. i didnt want to ask for more money. if you follow 2ne1 and sokor's timeline, you know this was a bad crazy year.
2015: influenced my college bestie into kpop!! 2ne1's hiatus began.
2016: buong byahe ako umiiyak sa jeep from blumentrit to nova kasi na-announce yung disbandment ng 2ne1 + winner taehyun's (boy group) departure from the group at the same day. nanalo sa debate contest yung college bestfriend ko pero i couldnt be happy for her hahahaha si oa. umiiyak na ko kumakain pa lang kami sa mcdo sa pnoval.
2017: naconfine ako sa feu pero ang soundtrip ko is 2ne1. medyo napagsabihan pa ko ng nurse na di ako makakapagpahinga kung maingay.
ang tagal na ng tumblr ko, may idea na kayo sa mga nangyari sakin noon noon pa but my love for 2ne1 remained the same. i literally grew up to their music!
4 excruciating days of ticket selling, 3 days din ako umiiyak hahaha. yung d1 na exclusive selling, hindi ko masyadong dinamdam kasi may ibang days pa naman. yung d3 pa, i had a breakup. napakasamang tao sumabay pa hahahahaha. yung d4, 8 minutes pa lang nasa checkout page na kami. lahat ng tiers, unavailable na yung nakalagay. kahit anong tier wala na kaming pake, from gen ad to vip sc so, basta makasecure lang sana ng ticket. 4 days na ganon!! either walang macheckout or nageerror yung payment gateway!! its so frustrating because im now capable to buy the ticket with my hard-earned money, like i have always dreamed to do, but couldnt get a chance to any seat. hirap nyo kalaban, scalpers :((
6 notes
·
View notes
Text
friday, 11 october.
this is one of the days i want to remember. although it's really a bad day like parang hindi naman pag subok ni rold 'to. parang punishment ni lucifer 'to e. haha. just want to have fun of bad days like these.
recently, i feel tired kahit na kumpleto at sakto naman lagi tulog ko, antok na antok at ang bigat bigat lagi ng pakiramdam ko sa work. tuwing pag uwi parang pagod na pagod ako kahit maghapon naman akong nakaupo lang sa office. also, i've been feeling anxious while at work especially pag may trigger na kailangan ko pigilan mag react. i'm not really sure what's happening inside me but, today is really, really bad.
i had to refrain from reacting to my teammate's remark kaninang morning. imagine, umagang umaga like kakahawak ko lang ng mouse biglang magsasabi ng kung anong lowkey work rant niya of how i do my task. dahil sa bs na kpi, para akong nasa competition araw araw. nalulunod na ko.
nanahimik ako maghapon, pero since morning di ko napigilan mag breakdown na naman. hanggang sa halo halo na naman sila sa utak ko. magdamag akong umiiyak habang nag wowork at nagdadraft ng resignation letter. malapit na akong mapuno—puno na nga ata at umaapaw na. ang dami ng factors to let go of this job, at willing na naman ako matengga for the sake of my well being. feeling ko kasi habang tumatagal, parang lalo rin lumalalim yung sugat.
i tried to talk to one of my bestfriend about it, but kinamusta ko muna siya to know if okay ba mag vent sakanya. turns out na medyo hindi pala talaga kami okay. i've said and done things recently na nakadrag pala ng energy sakanya, it's been happening for some time na and i didn't realized it until she said it and i know hindi lang siya naka feel ng ganon towards me. i feel so bad and awful. i didn't mean to be like this especially to them.
hirap na hirap na ako tulungan sarili ko, maging okay, maging better. i know nandyan naman si J, pero like i always said. i don't want to give him more burden, feeling ko ang bigat na nga na he's with me tapos bibigyan ko pa siya ng ganito. and also, i know he always try to understand me pero iba yung pagintindi niya sakin compare sakanilang girl best friends ko. i dunno hirap explain.
i took my lunch break today crying in a toilet cubicle. hehe. cos i'm afraid that i might lose another friendship just because of my actions. or also, might lose a job for the sake of getting better—again. wala e, back to zero na talaga. i don't know how to help myself anymore.
it's been a bad long day, started it waking up 15 minutes late, tas nakalagpas pa ako ng babaan pag uwi. hays. hello, puffy eyes tomorrow. he he
5 notes
·
View notes
Text
LITERARY: Huling Sulyap
Tumayo ako mula sa pagka-squat matapos kong ilagay ang aking mga gamit sa karton. Nilibot ko ng tingin ang paligid ng aking kwarto, tinitignan kung may naiwan pa ba akong gamit, nang mapatingin ako sa isang album doon sa istante.
Pinuntahan ko iyon at kinuha. Binuklat ko ito at napangiti sa nakita. Bumungad sa akin ang larawan mula noong ako'y bata pa, karga-karga ng aking tatay sa kanyang balikat habang nasa tabi niya naman ang aking nanay. Puno ang album ng mga larawan ko mula noong ako’y sanggol pa hanggang sa ako ay nasa pitong taong gulang. Natawa ako nang makita ko ang litrato kung saan umiiyak ako habang nilalagyan ng Band-Aid ang aking sugat.
Matapos kong tingnan ang mga larawan sa album ay inilagay ko rin iyon sa karton at dumiretso sa kabinet upang kumuha pa ng mga damit na aking dadalhin. Nagulat ako nang makita ko sa pinakadulo-duluhan ng mga damit ang uniporme ko noong elementarya kasama ang mga larawan ko noong nag-aaral pa ako dito. Nakakatuwang nandito pala ito.
Naalala ko noon, hatid-sundo pa ako ng aking nanay. Nakita ko ang larawan namin na hanggang balikat niya lang ako. Natawa rin ako nang makita ko ang aking larawan na madungis; lagi kasi akong nakikipaglaro ng habulan sa aking mga kaklase pagkatapos ng klase noon kaya lagi akong pawis at marumi kapag sinusundo. Hay, kay sayang balikan ng aking pagkabata.
"Anak, tapos ka na bang magligpit dyan? Aalis na raw kayo," rinig kong sabi ng aking ina sabay katok sa pinto.
"Sandali na lang ho, Ma," tugon ko at napatingin sa pinto. Maya-maya’y narinig ko ang mga yabag ng paa niyang paalis.
Nang masiguro kong wala na ang aking nanay ay ibinalik ko ang aking tingin sa mga larawan bago ko ilagay sa karton. Pagkatapos ay naghalungkat pa ako sa kabinet para tingnan kung may madadala pa akong gamit nang tumambad sa akin ang isang kahon. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang mga larawan ko noong ako’y tumuntong sa hayskul. Di kagaya noong elementarya, maayos at malinis na akong tignan. Naalala ko na hindi na rin ako hinahatid-sundo noon ng aking mga magulang dahil tiwala silang kaya ko na ang aking sarili.
Kinilig naman ako nang makita ko ang larawan namin ni Aaron pati na rin ang mga liham pag-ibig na isinulat niya noong kami'y magkasintahan pa lamang. Patago pa ang relasyon namin noon dahil hindi ako pinapayagang magkaroon ng nobyo. Laking galit na lang ng aking mga magulang nang malaman nila at gusto nila kaming paghiwalayin sa kadahilanang baka ako ay masaktan lamang o ako’y mabuntis dala ng tindi ng damdamin. Nakakatawa dahil ngayon ay kinukulit na nila kami na gusto na raw nilang magkaroon ng apo.
Nakita ko rin ang larawan ng graduation ko sa hayskul. Naalala ko na pagkatapos kong makatapos sa hayskul ay natakot ako sa mga darating na pagbabago sa aking buhay dulot ng pagpasok sa kolehiyo. Magkakahiwa-hiwalay kami ng aking mga kaibigan ng papasukang kolehiyo. Kung tatanungin ako noong panahon na iyon, ayoko na sanang may magbago. Komportable na kasi ako sa buhay na mayroon ako noong hayskul, at balita ko'y mahirap na daw sa kolehiyo.
Pagkatapos kong magmuni-muni ay inilagay ko rin ang huling mga larawan sa karton at tinakpan ng tape matapos masigurong wala na akong naiwang gamit. Dinala ko ang karton at ako’y bumaba patungo sa sala.
Habang naglalakad papunta sa sala ay nadaanan ko ang mesa kung saan nakalagay ang larawan ko noong ako'y magtapos sa kolehiyo. Napangiti ako nang maalala ko ang aking tuwa nang magbunga ang paghihirap ko sa kabila ng takot ko sa mga pagbabagong mangyayari sa aking buhay. Ibinaba ko muna ang dala kong karton sa sahig at hinawakan ang aking larawan. Ako’y nakatoga sa araw ng aking pagtatapos, at katabi ko ang aking mga magulang at si Aaron, na tanggap na ng mga magulang ko noong panahong iyon.
Si Aaron talaga ang nagpakita sa mga magulang ko na siya’y mapagkakatiwalaan. Tuwing kami’y lalabas, lagi niyang sinisigurong ipaalam sa kanila ang aming mga plano. Ginawa niya ang lahat para makuha ang kanilang loob, dahil alam ko naman na ang takot lang nila ay ang masaktan ako. Sa huli, natutuhan din nilang tanggapin na ako’y nagiging independent na, at natuto na rin ako sa buhay. Alam nilang responsable na ako para magkaroon ng relasyon. Ngayon, buo na ang tiwala nila sa amin at lubos na ang kanilang suporta.
Habang patuloy kong pinagmamasdan ang larawan ay napuno ako ng emosyon. Sa gitna ng mga alaala at ng saya ng pagtatapos, naramdaman ko bigla ang mainit na yakap ng aking nanay at tatay sa aking tagiliran. Ibinaba ko ang larawan sa mesa at agad na niyakap silang dalawa.
“Ang laki na ng unica hija namin. Parang kailan lang, karga-karga lang kita sa bisig ko,” naluluhang sambit ng aking ina habang hawak ang aking kaliwang kamay at hinahaplos ang singsing sa aking palasingsingan.
“Parang kailan lang, ako lang ang lalaki sa buhay mo,” sabi naman ng aking tatay.
“Ngayon, aalis ka na sa puder namin,” dagdag ng aking nanay habang kumukurba ang labi paibaba at sumisilip ang luha sa kaniyang mga mata.
“Ma, Pa, wag ho kayong mag-alala sakin. Kaya ko na ang aking sarili. Strong girl kaya ako!” pagkalma ko sa aking mga magulang, kahit alam ko sa aking sarili na tinatraydor din ako ng aking emosyon. Nararamdaman ko na ang pagpaso ng init sa aking mga mata at ang mainit na bara sa aking lalamunan.
“Hay, sa bagay nga. Lagi mong tandaan na andito lang kami ng papa mo,” sabi ng nanay ko.
“Basta tandaan mo ha, kapag nag-away kayo ng asawa mo, dito ka na lang tumira. Welcome ka lagi dito sa bahay,” biro ng tatay ko sabay kindat sa akin. Napatawa niya ako, kahit na may mga namumuong iyak na sa akin.
“Ma, Pa, aalis na po kami,” narinig kong sabi ni Aaron, na lumapit upang magmano sa aking mga magulang.
“Tara na?” aya niya sa akin. Ngumiti naman ako at kinuha niya ang karton sa sahig at naglakad na kami palabas.
“Ingat kayo!” Pahabol ng aking mga magulang.
Pagkalabas ng geyt ay pinagmasdan ko muna ang bahay. Saksi itong tahanan na ito sa lagpas dalawang dekada ng masasaya at masasamang memorya at pangyayari sa aking buhay. Alam nito ang mga pagbabagong naranasan ko sa buhay. Ito ang naging comfort place ko, at hindi madaling umalis sa tahanang aking nakasanayan.
Pumasok ako sa kotse at doon bumuhos ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Agad naman akong inalo ng aking asawa at niyakap. Nang kumalma na ako ay binitawan niya ako at hinawakan ang aking kamay.
“I promise, bibisitahin natin sila.”
Gumaan ang aking pakiramdam sa kaniyang sinabi. Ngumiti ako bilang tugon. Binitawan niya ang aking kamay at hinawakan ang manibela ng kotse.
Ang hirap kapag nawala sa naging safe space mo at sa bagay na naranasan. Ang hirap magsimula ulit. Pero gaya nga ng sabi nila, “Change is constant.” Takot ba ako sa haharapin kong pagbabago sa buhay ko? Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Pumapasok ang mga palaisipan na, paano kung hindi maging maayos ang pagsasama namin? Paano kung hindi na maging maayos ang aking buhay ngayong wala na ako sa puder ng aking mga magulang? Wala nang gagabay sa akin at wala nang maglalagay ng Band-aid sa akin kapag nasugatan ako. Paano kung magkamali ako?
Ngunit sa kabila ng lahat ng mga pag-aalinlangan at takot, naiisip ko rin ang mga alaala ng aking pagkabata at mga aral na natutuhan ko mula sa aking mga magulang. Saksi ang aking tahanan sa mga masasaya at mahirap na mga pagkakataon, at doon ko natutuhan ang halaga ng pamilya at suporta. Ang mga alaala ng mga yakap at mga salita ng pagtulong mula sa aking ina at ama ay nagbibigay sa akin ng lakas. Habang tinatanong ko ang aking sarili tungkol sa hinaharap, unti-unti kong natutuhan na kahit sa gitna ng pagbabago, dala ko ang mga aral na ito, at hindi ako nag-iisa sa paglalakbay na ito. Unti-unti, ang takot na nararamdaman ko kanina ay napapalitan ng kagalakan. Ang pagbabago ay bahagi ng ating buhay, at hindi natin ito maiiwasan. Ang maaari nating gawin ay maghanda at yakapin ang mga pagsubok habang dala ang mga aral na ating natutuhan. Alam kong may mga pagkakataon na maaaring magkamali ako at madapa, ngunit bahagi iyon ng proseso, hindi ba? Sa kabila ng mga bagay na hindi tiyak, handa na akong harapin ang mga bagong hamon at karanasan, kasama ang aking minamahal.
“Ready?” tanong ng aking asawa. Tumango naman ako bilang tugon at nagsimula nang umandar ang kotse.
Handa na ako sa panibagong yugto ng aking buhay.
Handa na ako sa aking bagong tahanan.
5 notes
·
View notes
Text
yung notes app ko here sa phone ko puro kalungkutan tots and feels laman kasi tbfh sobrang lungkot ko lately. i know it's important that i go through tough times and not run from them, but damn it, im just so tired of going through it. im so tired. im exhausted. i feel depleted. i just feel so weak and defeated all over.
#i wanna write all my sadness away on an actual notebook slash journal but im the kind of person that categorize slash organize things lmao#like the journal that i hv are for happy days or normal chill days#i dont hv a journal dedicated to sadness kqsi lately keri ko naman imanage mga kinakalungkutan ko#but ever since this recent great loss happened hindi ko na kaya imanage yung lungkot galit tampo sa circumstances sa buhay sa mundo sa laha#umiiyak ako kung saan man ako abutan ng lungkot like di ko mapigilan yung luha#a few days ago nasa bgc me kasi may three resto features kami tapos umiiyak ako habang nagshshoot shutangena#pero ayun sobrang lungkot ko talaga na gusto ko magpakalayo layo muna but also ayoko umalis ng bahay kasi kakauwi niya lang samin ulit#unfortunately umuwi siya in an urn na and i just cant gahd bakit parang ang highlight ng buhay ko ay death and grieving#pagod na pagod na pagod na ko#eniwey ayon nga i tried looking for a journal sa nbs nybg nakaraan pero nafrustrate ako kasi wala lang basta sobrang wala ako sa sarili ko#soayon sa phone ko lahat binubuhos tapos sobrang wala ako energy to do home stuff werq stuff#i just wanna drop all my responsibilities and wallow in sadness and anger and resentment#im avoiding questioning things but damn it bAkeht ba to kailangan mangyari#bAkeht ganito bAkeht kailangan may bawi parati#ang hirap maging thankful lately but im rlly trying my best and hardest#donut#p.s. binasa ko ulit tong post ko lalo na the tags and i saw grammatical errors pero wtvr malungkot ako ngayon kiber na nyeta
17 notes
·
View notes
Text
Araw-araw sinusubok naming mag-asawa ang talim ng aming balaraw Halimbawa Kung umiiyak ang bunsong anak at hindi kumikilos ang sintang mahal sasaksakin ko siya sa likod at patawang pagmamasdan habang duguang pasususuhin nya ang bunso Kung pundi ang bumbilya sa aming kusina at ako'y abala sa paglikha ng tula hindi niya ako titigilan ng saksak sa batok hangga't ang ilaw ay di napapalitan Patas lang ang aming labanan Lagot kung lagot walang dayaan Kaya't sa katapusan ng araw magbibilang kami ng sugat at tila mga gulanit na kaluluwa ay magtatawanan magsusuntukan pa Ganito kaming lagi sapagkat labis ang pag-ibig namin sa isa't isa
Cirilo F. Bautista, mula sa "Patalim" sa Tinik sa Dila (University of the Philippines Press, 2003)
17 notes
·
View notes
Text
andito nga ako ngayon sa Taguig dahil kung uuwi ako at babagyo hindi ako papayagan umalis, eh I have AHEB tix na. gusto ko pumunta siempre at sobrang nakaka hiya sa ang treat sakin lalo na ang layo ng panggagalingan nila.
bali thursday night ko pa ito na plano, sinabihan ko si rem that I have to tell the parentals na magkasama kami sa apartment kasi negats yon kung ako lang mag isa. nagplan na din kami to hangout over the weekend- friday and/or saturday (but kahapon ang natuloy was dinner with 3 other workmates). bali later nalang pag uwi ko.
kahapon ko lang nasabi sa bahay na di nga ako uuwi, sobrang anxious ko pa niyan. what he really pushed me eh nung around 3 pm ba yon na panay kulog kidlat at nadilim. bukod sa bagyo, kailangan ko pa sabihin (idahilan) na request nii rem magpasama just to make sure na di ako sasabihan na umuwi nalang.
actually even without the "request ni rem" part wala naman ako natanggap na side comment. sinabi lang ni mamy na sabi ni dady okay lang basta may kasama, kung wala at di pa naulan umuwi ako. halos sabay pumasok yung reply na yon at yung dagdag ko sa paalam. no, hindi masarap sa feeling na mag sinungaling sa kanila, kaso ang problematic talaga kung uuwi ako. :(
tbh I knew na papayag/wala naman sila magagawa dun palang sa paalam ko na mag stay dahil sa bagyo, sobrang naguguilty nga ako don sa "request ni rem" especially nung gumaganda panahon. like tang ina, uwi nalang ba ako para makapag paalam ng maayos? pero yon nga ang unpredictable ng season/bagyong ito; wed and thurs, naabutan ako ng malakas na ulan pauwi from gym pero kahapon kung kelan sya mas ineexpect, wala naman. nanghinayang nga ako na hindi ako tumuloy mag gym dahil baka magkasakit na ako pag naulanan nanaman.
feels.
napapagod na ako sa palagi akong nag wworry sa pagpapa alam sa kanila, na most times unneccesarry;
papayagan at ramdam kong okay lang talaga sa kanila yung lakad,
pero kapag nangyare yung worry ko ang lala din
that Movements concert na pinush kong magpaalam ng maayos kahit mag isa ako tas Sunday night pa;
naka alis ako pero napag sabihan na ang inconsiderate ko and all. imagine yung umiiyak ka nag aabang ng jeep imbis na excited makapunta ng concert.
that at lahat ng hang ups, frustrations, traumas na nag resurface.
mas malala pa dito mangyayare if umuwi ako ngayon at pinilit makaalis kahit may bagyo o nagbabadya.
sakit ng dibdib ko even while typing this,
ayoon. sobrang aliwalas ng panahon ngayon, still we don't know yung mamaya lalo sa hapon :(( nag chat na din mom ko ngayon ngayon lang (6:35 am) pinauuwi ako para makapahinga sa bahay at di ko pa alam ano irereply huhu di ko alam paano rereplyan :((
ingat lahat today lalo mga nasa affected areas.
20 notes
·
View notes
Text
Nung june, si mama nagkasakit. Nung august, ako. Nitong September, yung aso ko naman. Nakaconfine ngayon si Blanca. Torete ang isip ko. Alam mo yung randam mo talagang umiikot ung paligid mo kahit alam mong nakahiga ka lang naman. Nangyari sakin kanina. Sinabihan akong 50/50 ang chance ni Blanca makasurvive, stage 2 kidney disease. Hindi ko na alam pano ko aayusin utak ko. Parang isang pitik na lang mababaliw na ko.
Nagsusuka kasi sya non stop kahapon hanggang kaninangumaga kaya dinala ko na agad sa vet. Sana pala umuwi na ko agad after shift. Kung maaga lang sana ako umuwi, madadala ko kagad si blanca, di sana sya madedehydrate. Kaninang umaga umiiyak na ko nung lumupaypay si Blanca sa lamesa ng doctor. Hindi pumapalag. Hindi siya ganun, matapang siya pero hindi sya ganun kaninang umaga. Payat na payat, dehydrated, at namumutla. Parang gumuguho mundo ko nung sinabing kailangan siya iconfine. Mas bumigat pa pakiramdam ko nung nalaman kong magkano babayaran. Sapat lang sa budget for this month yung laman ng atm ko. Para akong mababaliw at iiyak on the spot na kinakausap ako ng doctor. Nung binigyan ako ng time makasama si Blanca habang nandun siya sa cage niya e di ko na napigilan umiyak. Ang hirap pigilan. Hanggang jeep pinipigilan ko. Di ko na din napansin na kaya ko palang lakarin yung mula sa clinic papuntang sakayan na di ko ginagawa pag nasa tamang pagiisip ako (nagtatricycle ako usually except knina).
Iniyak ko lahat kaninang tanghali pagkadating ko sa bahay. Iyak na hindi ko ginagawa pag may kasama ako sa bahay. Iyak na may tunog. Iyak na masakit pakinggan. Parang nahihilo akong di ko malaman. Iniisip ko yung mga sinabi ng doctor. Anemic si Blanca. At yung chance ng survival e nakadepende aa blood chem. Sa tanghali din na yun sinabi na lumabas na yung blood chem at 50/50 na yung chance of survival ni Blanca dhail meron syang kidney problem, stage 2 na. Para akong dinaganan ng kung anu anong maisip mong mabigat. Iniyak ko lahat kanina. Namaga na yung mga mata ko. Abnormal yung crea at bun, pati yung parameter sa liver, mataas din. Sinabihan ako na kailangan nila bigyan ng gamot si blanca. May mga nagsusurvive at nakakaraos naman daw sa ganito. Wag nga lang daw sumuka ulit si Blanca. As of 2pm, di pa naman daw sumusuka si Blanca at kinain nya yung binigay na dog food sakanya.
Pagdating ko sa clinic ng 3pm, binigyan lang kami ng 30 minutes dahil bawal daw magtagal. Pagkadating ko sa loob, umiyak nang umiyak si Blanca. Pinigilan ko lahat ng iyak ko. Halu halo nararamdaman ko nung panahon na yun. Pero masaya ako na yakap ko si Blanca nun. Para sakin, mas okay si Blanca nung hapon na yun. Siguro malaking tulong talaga sa dehydration yung swero niya. Kinausap ako nung doctor niya. Di ako makatingin sa mata dahil alam kong iiyak ako. Tinanong ko siya ulit kung pwede ko na siya iuwi kinabukasan kahit may swero, pwede naman daw. Hindi ko namalayan yung oras, pinasok na kami nung vet assistant, pwede na daw ako umalis baka daw mahuli sa cctv na nagooverstay na ko. Hindi ako ready nun. Binalik ko sa cage si Blanca. Nagbabye ako pero nagstart na siyang umiyak nung lumabas na ko ng kwartong yun. Nagstart na naman ako umiyak pagkalabas ng clinic. Alam ko nakasalubong ko pa yung doctor niBlanca pero late ko na din naisip na siya yun dahil torete nga ang utak ko.
Bukas, sana bumuti lagay niya. Sana mas okay siya. Sana maiuwi ko na siya. Sana magkapera ako para maiuwi siya. Sana.
14 notes
·
View notes
Text
I’m happy for you my love,
“Sorry kasi di ako naging matatag kagaya mo”
“Sorry kasi di man lang kita nabigyan ng magandang memories”
“Sorry kasi wala ako sa panahon na kaylangan mo ko sa tuwing umiiyak ka at sa tuwing kaylangan mo nang comfort ko”
“Patawad Mahal kasi naging duwag ako”
“Patawad Mahal kung lagi kitang na sasaktan”
“Patawad Mahal kasi nagiging selfish ako sayo”
“Patawad Mahal kasi ikaw lagi, ikaw lagi yung andidiyan saakin kapag kaylangan ko nang makakaintindi saakin, pero ako yung wala sa tabi mo kapag kaylangan moko”
“Patawad Mahal kasi kung mas pinili kong palayain ka kaysa mag stay kapa saakin”
“Patawad Mahal kung sa tuwing nagagalit ako mas pinipili kong maging ma pride kaysa intindihin kita”
Mahal kahit pinalaya kita lagi mong tatandaan na mahal na mahal kıta ikaw at ikaw lang yung pipiliin ko kahit pa di na ako at lagi mo din piliin sumaya, lagi lang ako dito sa tabi mo para suportahan ka sa lahat ng gusto mong marating, ako yung unang maka kıta ng mga archivements mo sa buhay.
Mahal ko mahal na mahal kita di na mag babago yun,
di man ikaw yung huli ko pero ikaw yung greatest love ko.
“06.17.2024”
2 notes
·
View notes