#barbie sabi ko na
Explore tagged Tumblr posts
Text
Happy first Friday 🥳
Maaga ako kanina mga 5am nag start ako mag byahe since first Flight ang PAL. Medyo mahirapan ako kasi umambon tapos madilim pa kaya pag dating ko ng departure ang haba na ng pila.
Bago ako umuwi syempre nag jollibee ako 😂 hahah
Mahal pala kapag breakfast kaya hindi na ako uulit tsaka Wala silang sundae 😭
Then kanina bigla ako naging Ninong ahaha dapat tinangihan ko kasi late na sila nag-sabi eh hindi ko alam Kung girl or boy ba yung bata kaya Ayan 2 na lang gift ko, dilis at hopia yan galing sa store ahaha 🤣
Then yung last kong hatid pauwi is magkakasama sila dati noong college then ngayon lang sila nagkita after 55 years. Ang galing lang kasi kahit ilang taon na nakalipas naalala pa rin nila yung mga Panahon na magkakasama sila. Plus point kasi nasama ako mag dinner 😙 hahah
Now playing:
Ahahah mag start na tayo para by next month meron na 🤭
Ang topic ngayon sa bahay sila Barbie at Jak pero yung nanay ko ang inaaway sila Mariz at Barbie Imperial ahaha 😂
Setup ko lang yung bot bago ako matulog need ko Ma Bawi yung 500 per month 🙋
Yun lang Sige scroll ka na
4 notes
·
View notes
Text
a week bago ipalabas Barbenheimer inaya ko na parents kong manuod ng Oppenheimer, with plans na nunuod din ako ng Barbie earlier the same day. until last minute nag sabi sila na ako nalang mag movie kasi nanghihinayang din sila sa gastusin ko, if sipagin panuodin nalang daw nila ng Mon or Tues kasi libre senior non (Pque).
matutuloy na sana ako mag isa ng Sat (July 22), tas sunod sila sa mall for dinner.
e nag aannounce ng work suspension sa govt. office for monday (July 24), sabi ko move nalang yung nuod ko para makasama pa din sila, tas libre. na ekis nga lang na isabay yung Barbie ksi tinamad din ako kumilos ng maaga. bali ang alis namin ng bahay is for Oppenheimer time slot na.
kaso ayon, di pala sila libre coz di naman kami tiga Pque (LP kami pero SM Sucat kasi pinaka malapit na SM) HAHAHHA sorry di tlga namin alam since bago palang sila na senior.
oks lang naman sa akin na ako gumastos kasi ininsist ko una palang.
sila, lalo si dady mukang na disappoint. kabado nga ako throughout the film lalo nung first hour kasi baka di magustuhan tas sabihin "sayang pera, di pala libre sa senior" tas maiinis ako kasi nilibre ko naman sila.
pero ayun, mukhang success at naappreciate nya pinanuod namin. di lang talaga yun yung movie genre niya HAHAHA. he was actually planning to watch Pirates of the Caribbean ata??
wala. dami dami sinabe eh hinayang lang sa Barbenheimer fit ko dapat. hahaha. naka pink akong cami top sa loob nung black na sheer polo eh, ang kaso yung sandals + socks na plan ko eh naiwan din dito sa Taguig.
acckkk sayang lang yung fit di ko na maximize. hahaha. "napanaginipan" (friday night) ko kase yon ano ba. i actually had a different Barbie fit.
pero di na din ako makakanuod Barbie kase masshort na me, namali yung budgetting + may pinautang pero goods lang kasi nakapag hulog naman ako sa savings na akala ko wala akong entry for this month 🙏🏻
anywaaay, i could be a shameless outfit repeater naman din, ibahin ko nalang ung pink top tas i-get up ko yon sa ibang pagkakataon. 😉
#di ko lang kase akalain na sasahod the friday kaya iniwan ko yung shoes. dpat tlga this weekend pa ako mag Barbenheimer#ll
13 notes
·
View notes
Text
Madre
Nung bata pa tayo, lagi tayong tinatanong ng mga matatanda satin kung anong gusto natin pag laki.
Nung hindi pa ako nag aaral, ang lagi ko daw sinasagot noon, "gusto ko maging labandera." Pero ngayon halos tamad ako labhan mga damit ko, nagpapa laundry na lang ako.
Matatawa siguro kayo kapag sinabi kong pinangarap ko din maging madre.
Nung highschool ako, bago mag graduation, tinatanong na sa amin kung anong course ang kukunin namin pagka graduate. Hindi ko alam kung anong course ang gusto kong kunin. Kase a year before that, 3rd year highschool pa lang ako naiisip ko na mag madre.
I don't know, maybe pangarap lang yun ng isang bata/teenager. Pero lagi akong nagdadasal noon, "Lord if this is your will. Then so be it." Lagi kong naiisip noon, maybe ayun ang calling ko. Alam mo yun? I had this fire and passion regarding that matter for the longest time. My heart fills with peace and I don't know how to describe it, parang sumasabog, pero hindi sa kaba. Plus everytime na may nakikita akong madre noon, napapatitig ako. Nagbe-bless ako, and I can't help but think, I want to be like them. Gusto kong mag suot ng sinusuot nila. Gusto ko yung idea na ikakasal ako kay Lord, gusto ko yung idea na I will make a vow to only serve God for the rest of life. Help people. Pray every single time. I love the idea of living inside the wall of the church. Kung yung ibang bata noon, nilalagay ang kumot or kahit anong tela sa ulo nila para gawing wedding veil, ako nilalagay ko sa ulo ko ang kumot o ang tela para gayahin ang suot ng mga madre. Natatandaan ko kumausap pa ako noon ng mga nagseseminarista or nagpapari. Because I wanted guidance. I was asking kung san nag eenroll or pumapasok sa ganun. Don't get me wrong, it wasn't an impulse decision. I was at peace with it, I really wanted it.
So bakit hindi ako nag madre?
I told my parents, "Gusto ko po mag madre."
Tumutol agad sila. Ayaw nila. Hindi nila ako pinayagan. Tinatanong ko noon kung bakit ayaw nila, ang sagot lang sakin nila dati, dun ka titira sa kumbento, hindi ka uuwi samin, matagal ka dun. And at the back of my mind ang sagot ko, "ano naman? Okay lang naman yon."
Tapos ang daming tumutol. Hindi daw bagay sakin ang mag madre.
A little background. Madaldal kase ako at makulit. O sinasabi nila, magaslaw. Yung best friend ko nung highschool tinawanan ako, sabi niya, "Di bagay sayo barbie (Barbie tawagan namin. Mahabang kwento.) pero kung san ka masaya at kung ano talaga gusto mo syempre susuportahan kita."
Up until second year college lagi ko pa din naiisip yon. Laging merong what if. What if nag madre talaga ako? What if ayun talaga yung path ko? What if pumayag sila mama that time? Or what if hindi ko sila sinunod at tumakas ako para mag madre? And I still ask God, "If this is your will, then so be it."
Up until I was in second year college I was thinking of dropping everything and just go with it. I guess wala akong lakas ng loob. Then life happened, I grew up. I never forget it, pero hindi na ganun ka intense yung desire and passion ko as before. And then I lose my way to God. At some point I blamed Him. At some point I questioned Him. But you know, every once in a while, I'm still thinking about it. And then I made peace with everything that's happened. Siguro dito talaga ako, eto dapat talaga yung tinatahak ko, siguro hindi yun yung calling ko. Diba nga sabi nila, everything happens for a reason.
Way way back, may nakita akong post sa facebook na naghahanap ng mga gustong pumasok sa kumbento bilang madre. I remember my bestfriend (Barbie) sending it to me sa messenger saying, "Barbs. Baka eto na talaga yung sign mo." Tumawa lang ako. Yung gay best friend ko din, nabanggit sakin yon, "nakita mo na yung church ata yon or mga madre na post na naghahanap ng gustong maging madre?" I told him, "yes nakita ko, ilang beses ko nadadaanan sa timeline ko." But I am contented with my life right now. Oo inaamin ko, napaisip ako. But then siguro hanggang ngayon wala akong lakas ng loob, sabi nga nila, it is a big decision, sabi nung nagseseminarista sakin noon, find it in your heart that it is what you really want. Siguro, hindi na lang talaga ganun ka lakas yung passion and fire sa heart ko to pursue it. So sabi ko, it's okay, I'm okay with just praying in the church once in a while. I'm happy with where I am now.
Na-curious ako, kung bakit di ako pinayagan ni mama noon kahit ilang beses kong sabihin sa kanila ni papa noon na gusto ko mag madre. So I asked her. ang sagot niya sa akin akala niya daw hindi ako seryoso noon, akala niya daw pangarap lang ng isang bata. Tapos siya na din ang nag sabi, siguro hindi talaga para sayo. Tumawa ako tapos sabi ko "siguro nga".
After that ang dami kong ginusto na course, gusto ko maging psychologist, gusto ko maging pediatrician, gusto ko maging chef, gusto ko mag multimedia arts, gusto ko maging veterinarian. In the end hindi pa din naman yon nakuha ko. But I'm still happy.
This is where I am, where it led me, all those things that happened.
Looking back, masasabi ko na lang na, oh I thought my passion before was pag ma-madre, I really believed and felt like it was where I needed to be, but now, this is where I need to be, this is where I'm meant to be.
I had a love-hate relationship with God. And even though I didn't pursue serving Him inside the wall of the church, I am still grateful for everything, I still serve him every day in my own little way.
3 notes
·
View notes
Text
Meet Lady M. Singapura Story 02.
Legit na small talk lang 'to kasi ang chika mode nung kasama ni Lady M na room mate. Nag-Mandarin to the max si Girlllyyy tapos ako: I only had 2 Mandarin classes but that's a thing of the past. Sabi ni Girlllyy: I thought you're Chinese! Nawala excitement sa fez niya.
And so, Lady M. Napansin ko na for her age, firm ng arms niya. Hindi Barbie arms pero legit. And pasavoguesssh. Ex-epidimiologist siya turned... wait for it... pole dance teacher na nomad. Pakkkkk. Gusto ko nga isipin na baka kunwari lang yun but she seems legit naman. Hahahaha. Kaka-AI mo yan girl. So eto mga kwento niya as a daldal girllllyyy siya:
1 She used to own hundreds of shoes but now, she has less than 10 pairs.
2 The dream is free but the hustle and hassle that comes with it are 'sold' at a very high price.
3 She shares that the best lesson she got from teaching pole dancing is: she needs let go of perfection. Emyyuyyy. Mga 930 am kami naguusap neto ha. Hahahaha. Shemayyyuyy.
4 The time is now. This is something we all know but refuse to master.
5 The job she knew all her life turned out to be her health's biggest curse.
6 She's not yet in her element but she won't have her life in any other way.
7 She dislocated her arm but she won't stop her craft until her arm gets really fucked.
8 Contrary to the popular belief, her core is eternally in WIP.
0 notes
Note
Hi, Ats!!! HAHA it's okay asking po hehe. August 22 po first day ko, I'll be taking Psychology. It wasn't my original plan because I really wanted PolSci, but the branch of the university didn't have the program. Only in Manila. So, back-up is psychology. When I get my grades up, pwede po ako magtransfer to my dream uni, which is UP, and change po ako course, so ayun po hehe. I just really have to work harder than before. Sabi nga ni cheol, I have to get that diploma. I'll do my best po hehe, Fighting!!!
And I'm doing okay naman po, tomorrow I have a date with one of my besties after namin isauli toga namin can't wait hehe 🩵🩷
That's good, ats! I'm glad you're doing okay po. Looking forward to the next chapters hehe laview mwah mwah
— [🌧] anon
yeey! may time ka pa para mag rest before uni starts! 🥳 enjoy your time! AND I HOPE NA ENJOY MO COURSE MO AND YOUR COLLEGE LIFE <3333 enjoy your time with your bestie! 🥹 dasurv so much!
yaaas! last weekend nanuod kami ng friends ko ng barbie tapos last friday i finally got my third tattoo 🥹 na stress ko nanay ko slight kasi shes still worried about me pero IM REGAINING MY ENERGY BACK NA 🥹 kahit antukin ako pag napapagod bigla 😩 hihihi, hope ma gustuhan niyo next chap <3333
1 note
·
View note
Text
GRIT. As google described it. GRIT is simply the strenght of character.
COURAGE. Lakas ng loob. Sa totoo lang, I don't see myself as MALAKAS ang LOOB.
Dati takot na takot talaga ako makipag suntukan. Ay barbie sabi ko na. Hindi. I just don't want to make enemies who will harm me. LOL
Pero lately I realized that GRIT doesn't equate to violence eh. Minsan when you walk away to a situation na alam mong di naman productive, I think that's GRIT. When you leave you're abusive partner, that's BRAVERY. When you welcome new experiences without judgment, that SHOWS lakas ng loob. I have exercised GRIT all this time. And I just don't know where and when it happened. But I did. Remember the experiences you made just to be here shows grit. And you're always in uncertainty.
0 notes
Text
PARA SA KAPATID KONG B R U H A, MULA SA ATE NIYANG M A G A N D A.
Ang gusto mo pink. Ang gusto ko blue. Simpleng pintura ng kwarto, Di tayo magkasundo. Paano girly ka, Tapos ako boyish Ang gusto natin laging magkatalo. Pero dahil ikaw ang bunso, Ang gusto mo ang masusunod. Pero ayaw ko ng pink, gusto ko blue!
Gustong-gusto mo ng chocolate, Ayaw na ayaw ko naman. Love na love mo si barbie, Pinuputol ko lang ulo niyan. Sorry, wala ka ng namana sakin Na mga plastic na manika. Pero sana 'wag mong angkinin Ang mga hilig kong stuff animals Kasi akin yun mula pagkabata. Pero dahil ikaw ang bunso, Ibigay ko na daw sayo Asa, ayoko nga. Akin lang 'to.
Sobrang magkaiba tayo nung bata. Isang bagay na ayaw ko Ay yung mga koloreteng ilinalagay nila, Habang ikaw naman Parang ayaw mo ng tanggalin sa iyong mukha
Pero kahit papaano, May pagkakaparehas tayong dalawa. Ang sabi ni nanay, Parehas daw tayong mataray Lalong lalo na nung ako ay bata, Pero kung tutuusin, mas malala ka. Pasalamat ka mahal kita.
Hindi ko na iisa-isahin pa, Ang madaming pagkakaiba't pagkakaparehas. May gusto lang naman akong sabihin, Munti kong Sisa. Oo, si Sisa talaga. SI-ssy SA-rap mong batukan.
Pag sinasaktan ka nila, Mapa-salita man o gawa, Lumapit ka sakin. Huwag ka ng magdalawang isip, loka. Sabihin mo sakin ang mga ginawa At ako na ang bahala. Siguraduhin mong hindi ikaw ang nagsimula, Baka isama pa kita sa masasakit na salita.
Pag pagod na pagod ka na At parang ayaw mo na. Lumapit ka sakin At sasampalin kita Ng mga magagaang salita Para naman ika'y magising Sa dilim na sumusubok balutin ka.
Pag pakiramdam mo Iniluwa ka na ng buong mundo. Pag pakiramdam mo Wala kang kakampi na kahit sino. Andito lang ako. Wag kang ulyanin, loka. Hindi kita iniwan o iiwanan, Pakiramdam mo lang Pero hindi. Hinding-hindi.
Andito lang ako lagi Kahit mawala pa ako ng maaga. Huwag kang praning Di pa ako namamaalam!
Basta mahal kita, babaita. Kahit di ko pinapakita. Sa simpleng mga salita, Sana'y iyong makita. Alam mo namang Hindi ko hilig ang matatamis.
Mahal kita higit pa sa aking buhay Ganoon naman ako Sa lahat ng aking minamahal. Handa kong isugal ang lahat-lahat Huwag ko lang makita na ika'y lumuluha Dahil sa hindi maipaliwanag na nadarama.
Mahal kita. At hanggang dito na lang muna Dahil wala na akong maisip Na maidagdag pa sa tula.
Sa susunod na lamang na kabanata, Kapatid kong bruha. Mula sa iyong ate Na maganda. Huwag ka ng umangal pa.
-Johanna M.L.D. Sibayan
(written in September 2017)
1 note
·
View note
Link
BABALA: HUWAG PANONOORIN NAKAKASAKIT NG TIYAN
#maxtawa #sabikonabarbie #tiktokcompilation #dancechallenge #dancecraze #sabikonabarbieehh #barbiesabikona #sabikonabarbieehmeme #sabikonabarbiedancechallenge #sabikonabarbietiktok #sabikonabarbieehdancecover #sabikonabarbieremix
#MaxTawa#Max Tawa#sabi ko na barbie#tik tok compilation#tik tok challenge#dance challenge#dance craze#sabi ko na barbie eh#barbie sabi ko na#sabi ko na barbie eh meme#sabi ko na barbie dance challenge#sabi ko na barbie dance craze#sabi ko na barbie tik tok#sabi ko na barbie eh dance cover#sabi ko na barbie remix#sabi ko na barbie tik tok compilation
0 notes
Text
Ang daya mo naman, be.
Sino na mag titirintas ng buhok ko?
Sino na mag aahit ng kilay ko?
Bagong kulay pa buhok ko, mag papaayos pa ko ng buhok sayo ee.
Sabi ko mag iipon kami pampatayo ng parlor mo eh. Sino na mag tatao dun?
Ang daya mo. 😢
Pagandahin mo sila lahat sa langit be. 😘
Mahal ka ni ate, Binibining Sebastian🏳️🌈
Sumama ka kay tatay dyan ha. 😘
Ikaw padin ang aming Barbie Girl 💓
9 notes
·
View notes
Text
write//typer
Immersion is the key to appreciation, acceptance, and an avalanche of ems.
Nung bata ako, nakitira kami for a time sa bahay ng Tito Taurus ko sa isa sa mga middle class subdivisions sa South. Actually, mas gusto ko 'yung compound namin sa Pasay kasi mas autonomous ako doon. Kung baga, mas hood ko talaga. Saka mas bagay 'yung bansag na "butiking Pasay" sa akin. Reason why umalis kami doon is because sinunog nung anak ng taga-malaking bahay na may marmol 'yung bahay nila because you know, teenage angst. Muntik ng nadamay ang wooden house na rented ng magulang ko. Sa sobrang laki raw ng sunog, tumawid na sa katapat bahay 'yung apoy. Tumigil 'yung apoy before sa compound namin. Not bad, 'di ba?
Also, meager funds noon kasi my brother is battling meningitis. Single income family kami kaya naman, Sanitarium ang nagtawid sa kapatid ko, pero kinahirap at hinarap ng mga magulang ko 'yan. Syempre, health is wealth. 'Di biro ang gamutan at check ups. Syempre, 'yung lifestyle change ko, ang lala. From autonomous to authoritarian mode under mom. UGH. Hahahaha.
So, syempre, new dynamics. Gated subdivision. Wala na 'yung toddler best friend ko since kami lang magka-age sa street. Two boys kalaro ko noon madalas and syempre, bike and Lego ang laban. Nung lumipat kami, damn. Puro Barbie House saka Polly Mansion na. May bike pa rin syempre saka Lego. Iba 'pag kalaro mo mga babae. Strong and independent din sila. Masusungit. HAHAHAHA. Pero, wala. Nanalo ang pagpapawis sa labas after school at pagpasok sa bahay ng 530 PM. JUSQ.
My Tito Taurus' kinda big house is also where my Ate D and I bonded and co-existed. Parehas kaming panganay pero magkaiba kami. Opposites even. Mom ko kasi very particular na bawal mainggit sa kung anong meron 'yung iba. Wala akong contentions dito, honestly. Kasi I never felt na salat kami. Hindi magarbo buhay namin, pero alam ko, mahal ako masyado ng mama except nung naging ate na ako sa bunso kong kapatid. LELS.
So, since my Tito and Tita came from the middle east, syempre, opak. Parang nasa Duty Free ka lagi. HAHAHAHA. Imagine. Isang bahay na may mga sapatos, fragrances at iba pang nasa SM Makati, Landmark, Glorietta or Town. Ganun. Tapos, IKEA hindi sikat pa nun. Nakikita kong bini-build sila ni Tito 'pag 'di siya busy. I grew up looking at IKEA catalogues na galing sa KSA. Dun ko rin unang napatunayan na IKEA = AESTHETIC and OPTICS and ang tibay niya ay based sa pagka-build mo. So kung bobo kang builder, lagot ka. LOL. Since Tito is usually busy, parang Lego lang niya IKEA na nilipad nila sa Pinas. Engineer pero bobo mag-build paminsan? Tito Taurus. Present.
Mom always reminds me na engineer and nurse mga magulang ng Ate D ko. Sila basic lang. Hindi siya coming from a place of poor-shaming us mula noon hanggang ngayon. Siguro, 'yan 'yung simula ko sa bias kong, wala akong pake sa estado sa buhay. We eat the same food. Hati sa grocery, sa kuryente, and the works.
'Yung mga gamit namin, sobrang onti lang. Pero mom always finds ways to get us something new during Christmas. I don't find this appealing kasi isang beses lang naman isang taon ang Pasko. So, feeling ko talaga, pinilit lang niya, pero ginalingan naman niya, nila ni dad. LOL. I need my dad. EMS.
So, isang weekend, project mode kami ni Ate D. Ako, nasa sobrang kunat na typewriter kung saan nabili ni dad ng second hand. Mhiemaaaa, 'yung Carpal tunnel ko, iyak. CHOZ. Tapos, mom ko, matang-lawin na iwasan ko raw gumamit ng Touch 'n Go kasi dapat daw malinis ang lapat sa bond paper. TACCA. Since 'di niya matanggap na dyslexic ako, walang habas ang attack niya sa akin. LOL. First time kasi namin mag-typewriting project tapos ilang pages agad tapos may format na specific.
Si Ate D, giba. Electric typewriter with buttery haptics ng keyboard. Tapos built-in pa 'yung correcting tape (?). WOW. Tapos may certain sound effects pa yata if I remember I right. Ambilis niyang mag-type. Syempre ako, apaka bagal na, puro Touch 'n Go pa. Sabi nung nanay ko, allowed lang ako X number of time gamitin ang Touch 'n Go. 'Pag naubos ko raw, next month na bili. TACCA.
Tinanong ko mom ko kung puwede bang maghanap si dad ng typewriter na tulad ng kay Ate D. Nagalit siya out of nowhere. Bratatatatat. Nag-tanong ako ng honest question. Sinabi ko na nahihirapan nga kasi ako. Tapos, ayun. Cancelled ang pagkalito ko sa B and D. HAHAHAHAHAHA. TACCA. Mom went super serious. Inggit daw ba ako? Sabi ko, hindi. And ang reason ko lang naman talaga is hirap akong magtype. Period. Mom shared na tandaan ko raw na what I have is what I need. In this case, a hand-me-down robe... choz. Hand-me-down typewriter. And that, I need to ensure that I know how to power through. Tools are just tools. Focus on the task and how to get shit done. Agit lang ako kasi 'di ako makalaro ng bike saka Lego, weekend na weekend. TACCA.
Dito niya pinakawalaan ang linyahan niyang: Nasa pana 'yan. Wala 'yan sa Indian. Me: Anong ibig sabihin nun? So, she explained it. Again, nasa B and D kagulo ako e. HAHAHAHA. I don't make sense naman din. So, ako na naman may kasalanan.
Tito ko aaligid-aligid sa gedli. Tinanong ako kung gusto ko ba ng electric typewriter. Mom overheard ang syempre, ibong-mandaragit levels siya. NO. FUCK OFF. Hindi niya sinabi 'yan, pero ganyan 'yung vibe. HAHAHAHAHA.
Hindi ito forced recall ng memory kasi 'yung pinsan ko nag-open up nito nung recent huddle namin. HAHAHAHA. Tawang-tawa ako e. Nasa un-core memory na siya for me. E naunlock, so boogsh.
Side Kwento: Si Ate D, RK (rich kid) bansag sa kanya sa school. OPAK. Since second cousins kami, lagi kong sinasabi na siya lang RK 'pag nalalaman na mag-pinsan kami. Ako, nakikitira lang sa house nila. Para clear. HAHAHAHA. Ate D is so grounded to the point na sobrang wala lang sa kanya lahat ng mga fresh drops and drips niya sa life. Tapos, basic lang din siya, honestly. By basic, 'yung reserved na parang wala siyang pake sa lahat. Maselan lang ng sobra kasi nga 'yung perspective niya she has what she needs. Ganern. Niyaya ko nga siya sa Boracay, para you know... kaso sabi ko, magkita na lang kami sa Station 1 because her hood in this tiny island is no less than Shang. HAHAHAHAHAHA. 'Di siya raw naalis masyado doon 'pag stay niya. Me: Papakita ko sa'yo ang tunay na laban sa landas ng Boracay. Tara na! Sana mag-kitesurf na 'to para may bagong adventure naman siya. HAHAHAHAHAHA.
So, inabutan na ako ng gabi kakatype. Halos ubos na rin ang Touch 'n Go. Then, nai-ire ang first ever projects namin ni Ate D. I think halos sabay lang kami nakatapos.
Nung nakuha ang graded projects. CHENEN. Basta line of 9 pero hindi 95. Graphic na naman ito. Mom ko: Bakit hindi 95? Me: Line of 9 na nga e. Saka nakita hirap ako 'di ba? Hirap na hirap. Mom ko: Next time, do better. 'Di puwedeng line of 9 lang.
TACCA. Mother Dragon is on the prowl for 3 may foul pang walang pektus. Bwiset. Sabi ng mom ko na 'di dahil hand-me-down ang typewriter at mabagal akong mag-type sa ngalan ng B and D, e aayaw na ako. Sabi ko, ang OA niya. Hahahahaha.
And this early morning, as I type away on my buttery 2015 Macbook Pro, I find myself crazy... smiling a bit. Malayo na, Vini. HAHAHAHAHA. It's soooo buttery, mhie. Mula noon hanggang ngayon. Lito pa rin ako sa spelling and grammar. Pero, sabi nga ng nanay kong dragon: SRA nga basic sa'yo violet. Tumigil ka diyan. HAHAHAHAHAHA. TACCCAAA. Ang hirap. Gapang sa lusak 5evs. Forever WIP files lahat. Pero, iba ang bilis ng Macbook Air saka ang gaan for an overpacker like me na may aging millennial back and neck pains. ALABETTTT na BETTTTT with sweet Google Suite, finalllyyy, baby!!! Pero, ayun. Also, ang mahal pala ng iPad Air. JUSQ. Hard pass for a second screen. Inyo na 'yan. Ilalaan ko na lang for the greater good like Lego builds on the way to Diagon Alley.
0 notes
Text
SABI KO NA BARBIE EH!!!!!! WESRENCE SUPREMACY BABEY
*kookai voice* MAY SOMETHING!!
#i forgot to post this#westrence#wesley torres#terrence carreon#wes/terrence#gameboys#gameboys the series#kamwashere
18 notes
·
View notes
Text
Yung wala kang work pero madami kang pamangkin na ang hilig magrequest. Hahaha.
Lampas 1 month ako nagstay sa Bulacan para maghanap ng online job, sobrang hina din kasi ng internet dito samin at syempre para na din lumandi char!!! Ayun everytime na magvideocall kami ng mga bata, ang dami pinapabili, slime, makeup, nailpolish, barbie, lutu lutuan at ang dami pa. Akala siguro nila nasa abroad ako. Hahaha. Nakakatuwa din naman yung ganon, kaya kahit nagtitipid ako inoorderan ko pa din sila sa Shopee. Iba kasi yung saya eh pag ang saya saya nila dahil dumating na yung items. Hahaha.
Ngayon nandito na ako samin, mas madami na pinapabili pero sabi ko wala ako work at naiintindihan naman nila pero araw araw din naman nagpapabili hahaha. Buti nalang nga may printer ako at mga stickers, kasi sa ganon tuwang tuwa na sila. Kung saan saan nga lang dinidikit.
Ako din naman npapaorder ako ng para sakin, pero yung magagamit ko sa business. Nakakatuwa nga lang na nakakatipid ako kasi laging may free shipping tas mga discount voucher. Hahaha
7 notes
·
View notes
Text
Presenting: Class 2020 of Kalawakan!!
@nangunguhang-alien . Si Tito ‘yung class president niyo. Lagi siyang kasama ni titser, tapos lagi special mention. Kapag wala si Ren, malungkot magturo si titser. Kapag wala si titser, sya din ang "pacifier" ng classroom.
Lagi nyang linya.
"Guys! Please keep quiet!"
@dumdum-things Si Top 2. Dumdum - Vice president ng klase. Siya yung laging nakasunod kay president. Kaya kapag nag wawalk out si president siya yung tiga sigaw ng "Guys respeto naman!"
Sya rin po yung laging nakangiti kapag nakakakita ng titser! "Gooooooooood mooooorning titser!!"
@atomicdump Si Ruru, Siya yung kaklse mong mahilig magsayaw, kada first day ng school, hindi mawawala sa intro nya ang dance number. Bibo kid #1. Punishment nya yung sumayaw sa harao ng klase sabi ni titser, pero nag uubos lang talaga ng oras si titser dahil wala na syang maituro.
@eccentrieth Si Riri, Siya po yung tiga lista ng noisy and standing. Hindi pwedeng di mo sya bestfriend kase laging may minus payb kapag naililista sa board.
Lagi din syang hirap mag lista kasi nga nililibre sya ng mga kaklase nya para hindi sya mailista.
Malaki tumanaw ng utang na loob. Puro utang na loob nalang.
Lagi din napapagalitan kapag maingay klase.
Lagi nyang linya:
"Maam kapag maingay, ako agad?"
@starsandrocketsss Ang Dynamic duo. Source ng food pag fieldtrip. Parang bag ni dora yung bag nila, hindi nauubusan ng laman. Laging may binabatong chichirya at imported na food galing kay mommy nya. Laging may baong pagkain san man pumunta.
@medyo-gaga Si Kyu, Sya po ang maldita ng klase. Tinitignan sya ng lahat. Mahirap kalaban sa classroom. One day, friends kayo. The next day, kaaway kana ng group mates nya. Takot lahat ng faculty dito. Ganon sya kamaldita, kahit guidance sinukuan sya. Best friend sila ng principal dahil minsan maghapon sila magkakwentuhan dahil nireport ng kaklse.
Sya yung nagtitisod kapag dumaan ka sa pwesto nya Tapos sasabihin "di kasi tumitingin"
@nijuugo Si Cath, Ito po sobrang bait nito. Hindi ito napipikon. Laging naka smile. Kaklse mong tatawa tawa lang pero tahimik sa bahay. Masarap po sya kasama at hindi nauubos yung tawa nya.
Favorite line: Titser! May joke ako!
@garlicbraed Si Aira, Siya po yung kaklse nyong sobrang tahimik. Hindi tumatayo sa upuan. Uupo pag pasok, tatayo para mag recess, tapos tatayo nalang ulit kapag uwian na.
Hindi sya maingay sa upuan. Mas trip nya yung mag day dream. Favorite hobby nya yung mag day dream at matulog. Mahilig din sya mag color ng coloring book at mag damit ng dressup paper doll.
@adobongmayfeelings Si Jed, Sya po yung isa pang bida ng classroom. Jollibee. Makarinig ng music, automatic naka smile na sya. The rest is history. Bestfriend nya si bibo kid #2. Tiga sample sya. Pero sya din talaga gusto din mag sample.
Favorite line "Sasayaw na yan! (Mamaya ako tatalunin kita!)"
@lovingshannen Si Shannen, Anak ng president ng PTA, hindi umuuwi kapag hindi si mommy ang susundo. Laging may hawak na barbie doll sa classroom. Hindi pinapagalitan ng titser. May backpack syang sailormoon/barbie/unicorn. Hindi nawawala ang bright colors sa gamit nya. Note. Siya yung may 64 crayola sa bag / may 128 crayola sa bag.
@chieesecake Si Chie, Siya yung kaklse mong hindi nauubusan ng joke at kwento. Laging nasa likod at may ka chika chika. Laging number 1 sa noisy. Pero binubura din nya at wlang palag si tiga lista.
Lagi syang may baong funchum at cream-o/rebisco at kinakain nya habang nakikipag tawanan kaklse nya. Perfect yun sa thermos na baunan nyang may lamang tubig na malamig na naka balot sa towel.
Favorite line:
"Uy alam ba, dating sementeryo tong school"
@rae-ngoaway Si Rae, Anak ng atty/doctor. Laging nakasasakyan papasok at pauwi ng school. Laging naka tali ang buhok. May baon syang pagkain na complete meal may side dish pang mixed vegetables. Hindi nawawala si yaya kapag lunch at recess. Laging may bimpo sa likod pero inaalis din naman.
Favorite line: "Wala kayo sa daddy/mommy ko!"
@thefatherofkhalebandanwyll, Si Darryl Sya yung parang anak ng diyos. Magugulat ka nalang nasa misa sya sya every first monday ng buwan. Pero the rest ng buwan, puro kalokohan ang ginagawa sa class room. Sya yung kaklse mong nag fafade away 3 points shot sa basurahan ng papel na binilog bilog nya habang nag tuturo si titser tapos kapag hindi nya na shoot, pupulutin nya tapos fade away shoot ulit. Favorite line " 3..2..1.. Kobe Bryant for threeeee!!!"
@babaengartsy Si Rio, Ang lakambini ng klase. Sobrang hinhin, nakakahiya lapitan kasi mapapasorry ka kahit wala kang ginagawa. Tumatawa pero nakatakip ang bibig. "Hihihi" Laking panlaban sa muse at mr and ms ng school. Bata palang natuturuan na mag ayos kaya ang ganda talaga. Lagi syang iniirapan ni maldhital ghurl dahil ayaw nya ito kalaro. Favorite line:"My name is.... I, thank you!" *sigaw ng buong klase*
@nagiisangtiyak Si Alexa. Kaklase nyong MIA, tapos magugulat ka nalang sasabibhin ni titser na,makikita daw natin sya sa TV. Working ghurl at early age. Artista. Laging nasa workshop at taping. Bigla biglang pinu pull out sa klase. Minsan nalang makita, nag mamaldita pa. Besties sila nila ng maldita ghurls.
@n-dv Si Nico, Ito po yung literal na kaklase nyong barsiti. Tinitilian ng ibang school kapag inter-school. Malakas ang dating sa chicks. Malakas ang awra. Dadaan lang,pero nagtitilian babae. Laging mabango. Laging amoy presko at bagong ligo.
Siya yung kaklse nyong laging may panyo. At laging naghihilamos.
Kahit titser, gustong-gusto sya. Paborito at heartrob ng school.
Favorite line: "Guys wait lang, papicture daw"
@ynalwls Si ley, Kaklase nyong anak ng bgry captain kaya hindi nyo masumbong sa teacher. Kasundo ni bhosz maldita. Tandem sila mambully kapag walang teacher. Pero kapag nanja si teacher mababait. Matataas din ang grade at laging bida sa show n tell. Gawa naman ng iba yung assignments and projects nila.
Favorite line :
"Ayan pampan ka kaseeee." "Ay eeeepaaaal"
@tired-eyesv Kaklse mong active sa extra curricular. Kapag kailangan ng athlete number 1 sa exempted to sa finals dahil mag cocompete outside the school. Laging laman ng tarpoline. Kesyo mapa sports, mapa journalism, at kahit dance sport. Kinakareer nya ang extra curricular. Tumataas ang grade dahil sa exemptions.
Matalino at talented. Waging wagi. Kaya laging unang tinatawag nila titser dahil magaling.
Favorite line: "Watch me. Learn from the expert guys!"
@babaengmadaldal Si Jai, Kaklse mong titser's pet. Anak din ng titser kaya peborit nila kumare na titser din. Mahilig tumambay sa faculty. At tignan mga grades ng mga kaklse. Lagi din syang kaaway ng smart ones dahil sinasabihan syang sipsip sa titser.Favorite line: "Maam, nakalimutan nyo po kunin yung assignment last week"
@katedoesntmatter Si Kate, Kaklse mong hindi mo patatalo sa chinese garter at lusong tinik at luksong baka. Sila yung kapag umayaw sya, wala nang maglalaro. Mader sa 10-20. Dakilang taga saway sa magugulong kaklse. Peace keeper sa classroom. Lahat nakikinig kapag silaang nag sasalita. Sgt. @ arms at hindi mo maloloko. Sila ang katuwang ni president kapag wala si maam. Pero number 1 na maingay kapag breaktime.Favorite line: "10-20 tayo, sali kayo dali!habang wala si titser"
@hotdogogh Si Edmund, Siya yung kaklse nyong Juan Luna ng klase, bata palang potensyal nang pintor. Sobrang artsy nya. Kumpleto lagi ang art materials nya sa mapeh. May 64 crayola sya. May pentel na iba iba kulay, may water color,may drawing book na makapal, may poster paint, may coloring pencils. Bilang nya bawat isa. Kaya kapag may nanghihiram, alam nya kung ano ang nawawala at kung sinong nakawala. Very good sya sa arts at nkikipag sabayan din sa music, sya din yung mahilig tumugtog ng instrument sa classroom para mag jam at magkantahan lahat. Arts and performing arts genius daw sya. Thanks sa genes nya.
Favorite line nya: "Okay lang manghiram, basta ibabalik nyo ha"
@hishiddenletters Si Sean, Sya po yung kaklse nyong lapitan ng mga umiiyak. Magaling magpatahan at mag payo. Kaklse nyong matured agad sa murang edad. Daddy sa classroom. Very mabait at maunawain. Tiga awat ng nag aaway dahil pambata lang daw yung away.
Sya rin ang kuya Kim, ang pinanlalaban sa quiz bee dahil ang daming general knowledge na alam. Laging may trivia at life hacks.
Sya rin yung minsan na ground sa saksakan dahil pinatunayan nyang nakakakuryente kapag sinundot ng tinidor.
Favorite line: "Alam nyo ba, na ang...."
@tanginate
Si Nate, Sya po yung naka PE uniform sa grad pic pero pinahiram lang ng isusuot. Ayaw nya tumingin kasi masama loob nya sa nag pipicture, di sya pinayagan mag wacky.
@the-lost-boy-from--neverland Si Jay, Eto yung hindi palaging kasali sa laro. Sya yung burot sa taguan, laging taya. Lagi ding di mahanap kalaro nya sa uwian, kasi sinusundo na pala ng serbis. Lagi din binubully
@hugoterongmakata , Si ZeddSya yung kaklse mong late, kesyo traffic daw or may banggaan sa kanto, pero ang totoo, late lang nagising. Late na nga pumasok, natutulog pa sa klase.
Sya din yung kaklse mong chill lang sa classroom. Hindi namomoblema sa grades. Hindi daw nag aral, pero ang taas naman ng score sa exams.
Kaklse nyong hindi nyo makikitang may hawak na handouts/notes at natutulog lang pero nakakasagot sa recitation.
Very active kapag wala si titser. Sya yung pinaka maingay kapag walang ginagawa. Instant noisy. Instant maligalig. Kapag nag sama sama sila ng top 1 maingay at jollibee, disaster.
Favorite line: "ZzzzzzzzZzZ.."
@istambai si Jovic, Siya yung kaklse nyong pasimple sumuntok ng jokes. Mahilig mag biro. In short, sya yung clown ng classroom. Lahat ng bagay joke para sa kanya. Tinatawanan kahit.pag piyok ni titser. Kapag tinanong mo kung anong nakakatawa, tawa lang ulit isasagot sayo.Tahimik din sya. Kapag tulog. Favorite line: "HahahahHahahaahHahaha. May joke ako HahahahaHahaha. *hanggang tumawa na lahat wala pa yung joke*"
@bbarican, Si Bianca . Sya po ang kaklse nyong "mother", may maternal instincts tinawag na anak ang mga kaklse. Nagprapractice na agad sa murang edad. Sya din yung kaklse mong marunong at magaling magluto. Laging bida sa cooking class at baking class. Marunong sa kusina kaya kapag may food to bring sya lagi engrande magdala. Madalas sya din ang tiga payo at tagapagpatahan. Nilalapitan ng mga sawi at early age. Mahal nya ang lahat kahit ang malditah gHurLsz. Peborit dn ni titser kasi mabait. Lagi din siyang may dalang tarot.
Favorite line: "Oh mga anak....."
@seaimyourmanx, si Bej. Sya yung kaklse nyong parang tiga higher batch. Isa sa dumbohala sa klase. Laking nasa likod ng pila. Kapag pinapa pila sa klase, alam nya na agad na nasa likod sya. Mukha syang alpha pero mabait sya. Mahilig magpatawa at makinig sa kwento. Nabubuhay ang klase kapag humihirit sya ng mga banat nya," haaaww " at "gileeeew"
Favorite line: "Tangina snacks!"
@98fourth, si Por. Sya yung kaklse mong jammers. Maganda boses. Malamig. Kapag break time, humihirit yan ng "ala-ala'y bumabalik..." Sarap makinig sa klase kapag wala si titser kasi instant soundtrip agad. Buhay ang patay na oras sa classroom kapag nagsasama sila ng jammerz. Madaming kinikilig sa boses nya. At early age, tinitilian na din sya ng ghurls. Sya yung tipo ng mHaditUh ghurLs.
Favorite line: "1..2..3.. *kanta* "
@pikelerick , Si Erick. Your resident tito in da haus, sya yung kapartner na jammerz ni songer. Hindi nawawala sa bitbit nya ang gitara. Magugulat ka nalang bigla nalang tutugtog tong mga to sa may hagdanan/klase tapos lahat nag kakantahan na. Paborito nyang kaskasin sa gitara ang eheads at parokya. Born-rockstar. At early age, music prodigy daw sya. Takot kaklase nya sa kanya kasi ang tapang ng dating nya. Pero soft boi pa din ang ating resident tito. Mabait at mapagbigay.
Favorite line:
"Wish 107.5..."
55 notes
·
View notes
Text
31st of January, 2021
Just a typical day for me. Still, I have my cough and cold I don’t really know kung bakit ayaw mawala nito like my nose hurts already but yeah I have to endure it I just hope na mawala na ito. But I am so happy this day also because my favorite group BGYO performed their debut song The Light live on ASAP nung hapon and I watched it I’m so happy because as a fan I’ve been waiting to see them perform again on stage. And of course, my day would not be complete if I could not watch forensic files, so talagang sinisiksik ko siya sa mga oras ko. Our teacher gave us again a question pause for taught and the question is “Kamusta na ba ako sa aking pag tahak sa Adolescence?” Well for me- actually I don’t know how to answer this. I mean me too I would ask my self that and I don’t even know what to say or to answer not because I don’t understand the question but because I don’t know kung kamusta na nga ba ako sa pagtahak ko sa Adolescence. I just know to myself that I am still growing, learning and open to everything to what I feel. I know that there will be always a problem or a challenge na mararanasan ko as I grow or sa pagtahak ko sa Adolescence, My answer for that nalang is, I’m good because I’m still learning and growing, there are many many times na nararamdaman ko na sumuko sa sobrang daming pinagdadaanan mga times na madadapa ka talaga sa pagtahak nito, but I know that I should not stop, this is only a challenge or this is the way how I am going to handle the problems or my Adolescence life, just accept and go with the flow. That’s life. I believe the Almighty is always there for me para sa pagtahak ko nitong Adolescence o sa buhay ko. Laban lang, Fighting, Padayaon, ang sabi nga. The next question is “What are some things you have done during your childhood that you are not doing anymore?” For me, kung basic sasagutin ang tanong na ito I’ll answer, of course I don’t play toys anymore, I don’t watch cartoons anymore (though well sometimes I watch barbie movies too I just love it and spongebob other cartoons like wala lang good old days feeling), I don’t let my mom feed me anymore etc. typical pambata things o gawain. But if I’ll answer it in a deep way or sa malalim na meaning well I think what I have done during my childhood that I am not doing anymore is that being a spoiled brat. When I was kid I was very very spoiled brat, literal na sakit ako sa ulo ng parents ko and I don’t even thank my mom and dad if they gave me what I want when I was kid yes that’s true. My mom and dad did their best and gave everything that we want, my sisters my brother knows how to say thank you or they really appreciate it. But when I was kid? I used to complain at them and shout at them like hindi ako kontento sa binigay nila saakin I want more like that. Yes pinapagalitan nila ako pero after it ibibigay nila saakin kung ano talaga gusto ko and still I won’t say thank you basta masaya lang ako sa mga oras na yun okay na. And it really hurts me pag iniisip ko na bakit ako ganun? Siguro my parents are just spoiling me too much and hindi nila ako matiis hindi nila ako kayang pagalitan ng sobra. Kaya ngayon, I am so so thankful sa lahat ng bagay na natatanggap ko especially when I lost my father I can really say that nagisip nadin ako ng tama, I appreciate my mom so much my siblings at kung ano natatanggap ko bilang kapalit iyon sa tatay ko na hindi ko nagawang magpasalamat sa lahat ng ginawa niya saakin. I’m a daddy’s girl that’s why it really hurts to think na I was very spoiled brat at my father at hindi ako nabigyan ng pagkakataon humingi ng tawad sakanya. The only thing that cheers me up is iniisip ko nalang na bata pa ako nun. Dati I always think that life is unfair, but as I grow I realize that- yeah, life is unfair- kung hindi ka marunong makuntento sa kung anong meron ka. Because if you are contented with everything that you have? Life is not unfair to you, life is not unfair, kailangan lang natin matutong makuntento sa kung anong meron tayo, because that is what God gave us, and God plans and blessings are more more special and good for us kaysa sa mga mas gusto pa natin. Keep safe always everyone!
1 note
·
View note